Breast feeding

Published on February 2017 | Categories: Documents | Downloads: 77 | Comments: 0 | Views: 1100
of 8
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

KABATAAN PALUSUGIN,
ISULONG ANG BREASTFEEDING!

• Ang breastfeeding o pagpasuso ng
sanggol mula pagkapanganak ay
mabisang
pamamaraan
upang
mapangalagaan ang kalusugan at
kaligtasan ng mga kabataan. Ang
gatas ng ina (breast milk) ay mas
mahusay sa mga sanggol dahil sa
mga sumusunod:
1. Ito ay nagtataglay ng kumpletong
sustansya sa tamang uri at sukat na
naaayon sa pangangailangan ng
isang sanggol sa paglaki, paglakas,
paglusog, at sa pag-unlad ng

2. Dahil ito ay gatas ng ina, madali
itong tunawin ng sikmura ng sanggol
kaysa gatas ng baka (cow's milk).
3. Ang colostrum, ang madilaw at
malapot na unang daloy ng gatas ng
ina, ay nagtataglay ng mga sangkap
na tinatawag na "antibodies" na
panlaban sa impeksiyon at pagtatae
at iba pang mga pangkaraniwang
sakit. Nagtataglay din ito ng mga
pampaluwag ng pagdumi o maayos
na pagdumi at naglilinis sa dumi ng
sanggol.

4. Ang gatas ng ina ay palaging ligtas para sa mga
sanggol dahil ito ay malinis, tama sa temperatura at
hindi napapanis gaya ng gatas sa bote (formula
milk).
5. Mas maginhawa at maalwan para sa nanay at
sanggol. Maaari itong gawin ano mang oras o saan
mang lugar.
6. Matipid dahil mas mura ang gastos para sa dagdag
na sustansya na kinakailangan ng nagpapasusong
ina kaysa gastos para sa mga mamahaling gatas
(formula milk), mga bote at tsupon at ang
pagpapakulo ng mga ito.
7. Nakatutulong din para sa tamang pagtubo ng
kanyang mga ngipin at kaayusan ng ngala-ngala at
panga.

• Ayon sa isang survey ng FNRI-DOST, naitalang 9
sa bawat 10 nanay ang nagpapasuso sa kanilang
mga sanggol. Naitala na ang pagpapasuso ay
umaabot hanggang 11 buwan ngunit iilan
lamang ang exclusibong nagpapasuso (exclusive
breastfeeding) ng anim na buwan tulad ng
ipinapayo ng Nutritional Guidelines for Filipinos.
Ayon sa isang survey ng FNRI-DOST, naitalang 9
sa bawat 10 nanay ang nagpapasuso sa kanilang
mga sanggol. Naitala na ang pagpapasuso ay
umaabot hanggang 11 buwan ngunit iilan
lamang ang exclusibong nagpapasuso (exclusive
breastfeeding) ng anim na buwan tulad ng
ipinapayo ng Nutritional Guidelines for Filipinos.

• Ang isang nagpapasusong ina ay makaiiwas sa
kakulangan ng gatas kung siya ay kumakain ng
mga masustansiyang pagkain dahil bukod sa
pangangailangan ng kanyang katawan, kailangan
din niya ng dagdag na pagkaing masustansiya
upang maayos at masagana ang pagdaloy ng
gatas. Kailangan din ng sapat na pahinga at pagiwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak at kape.
Sa mga nagtratrabaho mga ina, maaring ipunin
ang kanilang gatas (milk expression) upang may
maibigay sa anak habang sila ay nasa trabaho.

Paraan ng pagpapasuso

• Ang pagpapasuso ay tumatagal ng
15-30minuto, bawat 1-3 oras (818besessa isang araw)
• Marahang idampi ang iyong suso sa
labi ng bata para maibuka niya ng
mabutiang kanyang bibig.
• Kapag naibuka na ang kanyang bibig,
ilapit at hawakangmabuti at tsaka
pasusuhin.

• Siguraduhin na nakadikit ang bibig ng bata
sa inyong areola, maypagkakataon na ang
ilong ng bata ay nakadikit sa iyong suso,
huwag mag-alala dahil normal ito at
nakakahinga parin ng maluwag ang bata.
• Hayang sumuso ang sanggol mula 10
hanggang 15 minuto at ilipat naman
sakabilang suso.
• Kapag busog na ang bata, kusa itong
titigil sa pagdede.
• Kung tapos ngdumede at kailangan
tanggalin ang bibig mula sa suso, ilagay
ang isang dalirisa isang sulok ng kanyang
bibig at ilayo ng marahan ang bata.

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close