Day care

Published on January 2017 | Categories: Documents | Downloads: 65 | Comments: 0 | Views: 491
of 8
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content


Peace in
Order
Peace in
Order
Mitus
Valdueza
Nerissa dela
Cruz Parents
Committee
Officers






CLEANERS FOR TODAY
1
ST
Session
MONDAY
1. Daisy Manaoat
2. April jane Santos
3. Ferlilia Aoa
4. Mitus Valdueza
TUESDAY
1. Mara Yaneza
2. Fely Catalan
3. Florita Zaratan
4. Maricel Sareno
Wednesday
1. Abe dela Cruz
2. Irnanie Aviles
3. Rosalie Estrada
4. Lorielyn Itularde
Thursday
1. Karen del Rosario
2. Elvira Licuanan
3. Delia Ocsillos
Friday
1. Berly Santos
2. Ana liza de Vera
3. Jigs Caoile




2
ND
Session
MONDAY
1. Reynaldo Caguioa
2. Maricel Felix
Tuesday
1. Myra Macaranas
2. Liza Isla
Wednesday
1. Nerissa dela Cruz
2. Vilma Munda
Thursday
1. Lanz Mira
2. Shiela Marie Sison
Friday
1. Marsha Lomibao
2. Levita Torio





Isang hapon, dalawang lapis na kapwa nalaglag sa
playground ng paaralan mula sa dalawang batang mag-
aaral ang nagkatagpo at sila ay nag-uusap.

Lapwan: "Hoy, laptu, kumusta ka?"

Laptu: "Mabuti, ikaw, Lapwan, kumusta ka rin?"

Lapwan: (Umiling-iling) "Hindi mabuti, kaibigan."

Laptu: "Kung hindi mabuti, marahil ay masama. Gayon
nga ba?"



Lapwan: "Oo, gayon nga."

Laptu: "Bakit naman?"

Lapwan: "Dahil ang amo ko ay hindi mabuting amo.
Mahina sa klase. Salbaheng bata. Kung anu-anong
kalokohan ang ginagawa at ipinagagawa sa akin."

Laptu: "Ano'ng ibig mong sabihin ng mga 'kalokohan'?
Anu-ano ba 'yon?"

Lapwan: (Bumuntung hininga) "Napakaraming
kalokohan, pero ilan lamang ang sasabihin ko sa iyo at
sapat na 'yon. Heto... Ako'y madalas niyang isulat at
ipagdrowing sa baro ng mga kaklase niyang nakatalikod
sa kanya pag hindi nakatingin si Titser. Isinusulat din
niya ako at ipinangdodrowing sa dingding ng
classroom, sa desk at kung saan-saan pa. At isang
araw, nang may nakagalit siyang kaeskuwela, ay ginamit
niya akong panaksak. Isinaksak niya ako sa kanyang
kaaway, at mabuti na lamang at nakailag ito at
kumaripas ng takbo."

Laptu: "Hindi nga pala mabuti. (Umiling-iling.) Hindi nga
pala mabuti."

Lapwan: "Ikaw naman, bakit mabuti ang buhay mo?"

Laptu: "Dahil ang amo ko ay isang mabuting amo.
Marunong siya at mabait. Hindi gumagawa ng anumang
kalokohan, hindi nakikipag-away. Ako'y ginagamit niya
lamang sa pagsulat sa kanyang notebook at pad paper.
Sa mga test at examination ay ginagamit din niya ako at
madalas ay 100! At sinulatan ng 'Very Good' ng mga
titser niya ang mga ipinagawa niya sa akin, sulat o
drowing man. Ikaw ano ang mga grades na natatamo ng
iyong amo kapag ginagamit ka niya...?"

Lapwan: "Ay naku, nakakahiya ang mga grades ng amo
ko. Madalas ay itlog o zero. Kung minsan ay hindi ako
ginagamit ng amo ko kung may test sila. Nagkukunwari
lamang siyang sumulat. Minsan nga'y nahuli siya ng
titser niya at siya'y napagalitan. Walang pag-asang
makapasa ang amo ko. Mabuti pa'y magtanim na lamang
siya ng kamote!"

Laptu: (Napatawa ng Malakas) "Kawawa ka naman.
Teyka, bakit nga pala ganyan ang ayos mo? Parang
nginatngat ng daga ang pagkakatasa sa iyo..."

Lapwan: (Bumuntong-hininga naman) Alam mo, kaya
ganito ang tasa ko, nakalimutan ng amo kong patasahan
ako sa kanyang Tatay sa bahay nila. At kanina, nang
magpasulat si Titser, ay tinasahan ako ng dali-dali ng
amo ko sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin!"

Laptu: "Ay naku, talaga palang nakakaawa ka. Tama nga
pala ang sagot mong 'Hindi mabuti' nang kumustahin
kita. Kung matutulungan lamang kita... Pero, huwag
kang mawawalan ng pag-asa. Baka mapulot ka ng isang
mabait at marunong na mag-aaral!"

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close