DRUG ADDICTION-jai

Published on May 2016 | Categories: Documents | Downloads: 50 | Comments: 0 | Views: 474
of 20
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

DRUG ADDICTION

(CANNABIS SATIVA AT METHAMPETHAMINE)

INIHARAP KAY: DR. TRINIDAD LEGASPI

PROPESOR (FILIPINO II)

KOLEHIYO NG EMILIO AGUINALDO LUNGSOD NG DASMARIÑAS

SINUMITE NI: JAIRAH JOY DAVID TRIMILLOS

BS PSYCHOLOGY 03/11/11

Talaan ng nilalaman Pag aalay Dedikasyon Kabanata I A. Layunin ng pag aaral B. Paglalahad ng suliranin C. Sakop at lawak ng pag aaral D.Pagbibigay katuturan sa mga salitang ginamit sa pag aaral Kabanata II A. Mga kaugnay na literatura at pag aaral Kabanata III A. Metodolohiya Kabanata IV A. Paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos Kabanata V A. Lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon Glossary Bibliography Appendix A Appendix B Talambuhay ng may akda

Pag aalay Ang may akda ay inaalay ang araling ito sa kanyang butihing guro sa Filipino II na si Dr. Trinidad Legaspi, sa kanyang mga kamag aral at kaibigan na umaakay sa kanya sa paggawa ng pagsasaliksik at sa mga contributor para sa pag aaral na ito Dedikasyon Ang pag aaral na ito ay unang una, para sa Panginoong diyos. Sa aking mga magulang na siyang nagtaguyod at nagmamahal sa akin. Sa aking mga kaibigan na laging andyan kapag aking kinakailangan at para rin sa kabataan, upang malaman nila ang masasamang epekto ng droga sa ating kalusugan at lipunan.

Kabanata I - Layunin ng pag aaral Ang may akda ay may intensyon na ipaalam ang mga impormasyon tungkol sa drug addiction upang malaman ng mga mambabasa ang mga madalian at matagalang epekto ng mga ito. Kasama din sa agenda ng pag aaral nito ay ang pagkilala sa mga droga, malalimang diskusyunan tungkol sa mga sangkap nito sa kabuuan, mga epekto, kung bakit nakakaadik at sa negatibong perspektibo, ang mga sakit na makukuha sa paggamit nito.

- Paglalahad ng Suliranin Ang droga ay isa sa mga problema na matagal nang nilalabanan ng gobyerno ng Pilipinas. Maituturing na matinding salot sa lipunan ang bawal na gamot nagbubunsod sa mga gumagamit na gumawa ng hindi maganda. Maikokonekta ang pagtaas ng crime rate sa Pilipinas ang siyang mataas ding rate ng mga gumagamit ng droga dito sa atin. Kaya¶t ano nga ba ang suliranin?Ito ay ang droga mismo. At sa pamamagitan ng pag aaral na ito ay makakakuha ang mambabasa ng tamang impormasyon patungkol sa bawal na gamot, sa paggamit sa kung anong demonyo ang nakapaloob sa mga ito.

- Sakop at lawak ng pag aaral Dahil sa dami ng bawal na gamot na nagkalat sa mundo, mahihirapang tukuyin at ipaliwanag sila ng isa isa kumporme sa ibinigay na panahon sa paggawa ng yaong pag aaral. Kaya¶t kainaman na piliin ng may akda ang dalawa sa pinaka kilalang droga sa Pilipinas. Ang damo o marijuana at ang shabu o methampethamine.Sa pagtalakay sa dalawang punong drogang nabanggit, ay magagamit sa epektibong paraan ang oras, panahon, at mga limitadong resources na nasa kamay ng may akda. Epektibong pag uulat ng tamanag impormasyon ang siyang pupuno sa kaliitan ng sakop ng pag aaral na ito at sinisguradong katotohanan lamang ang lalamanin ng akda.

- Pagbibigay katuturan sa mga salitang ginamit sa pag aaral Ang akdang ito ay may matinding pagkiling sa medisina, partikular na rin sa mga bawal na gamot, kung kaya¶t makikita at mababasa ang ilang terminong medical at iba pa¶y terminong balbal dahil kalat ang droga sa Pilipinas at nagkaroon na sila ng pangalan sa kanto. Maipapaliwanag ng maigi ang mga salitang ginagamit sa akda upang maging madali ang tuwirang pag intindi ng mambabasa sa mga inuulat na katotohanan sa pag aaral na ito. Kung may mga salitang hindi pamilyar, nariyan ang talasalitaan upang magbigay kahulugan sa mga teknikal na termino.

- Kahalagahan ng pag aaral Maituturing na mandatory ang pagpapaalam sa mga mambabasa ang impormasyon tungkol sa bawal na gamot nang sa gayon ay maudyukan at mapukaw ang kanilang isipan sa sensitibong isyu an ito. Ninanais ng may akda na himukin ang mga mambabasa lalo na ang kabataan na umiwas sa salot na droga upang hindi sila mapabilang sa mga kaawa awang drug addict na dumedepende sa kani kanilang masasamang bisyo, at kadalasan ay nakagagawa pa ng bagay na labag sa batas. Ang mismong paggamit ng droga ay labag sa batas at may pinapataw na kaukulang parusa para dito. Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, maaaring maiwasan ang mga negatibong scenario na nabanggit at magiging mabuting parte ang mambabasa ng kanyang lipunan.

- Mga kaugnay na literatura at pag aaral http://www.my-health-n-fitness.com/1102/drug-addiction-in-the-philippines/ tinatalakay dito ang lumalalang problema ng droga sa Pilipinas at kung anonng mga hakbangin ang ginagawa ng gobyerno upang puksain ang sigalot na nabanggit.

y

y

http://www.whitehousedrugpolicy.gov/publications/factsht/druguse/#emergency± isang pag aaral kung saan ipinapakita ang paggamit ng droga at ang pagtaas nito sa loob ng isang dekada mula 1998 hanggang 2008.

y

Drugs, Society and Human Behavior ± Isang librong naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba¶t ibang klase ng droga at ng mga epekto nito.

Kabanata III - Metodolohiya Dahilan sa pagiging sensitibo ng isyung ito, may kahirapan ang pagpapasagawa ng isang survet kung kaya¶t gumamit ng interview style ang may akda upang makakuha ng buong katotohonan mula sa mga taong gumagamit ng droga mismo. Pinalad ang may akda na makapanayam ang dalawang taong aminadong gumagamit ng droga. Ang isa ay marijuana at ang isa naman ay methampethamine.Sa kani kanilang pansariling sa

pribadong dahilan, minabuti ng dalawa na hindi ihayag ang kanialng pangalan sa pag aaral na ito. Nirerespeto ng may akda ang kanilang desisyon at ang kahalagahan ng kanilang mga tugon at impormasyon ang siyang mas higit na kailangan sa pagsasaliksik.

Kabanata IV - Paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos Nilalaman ng parteng ito ang buong interview sa dalawang taong nagpresenta na magbigay linaw tungkol sa kanilang addiction sa marijuana at methampethamine: ³Marijuana user´ T: maaari mo bang ipakilala ang iyong sarii? S: Ako si _______________ isang 2nd year college student sa __________ university at ako ay edad 20 taong gulang. T: Ilang taon ka nang gumagamit ng marijuana? Pano ito nagsimula? S: ahh, medyo may katagalan na rin, nagsimula ako noong ako¶y nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan. Siguro ako¶y mga edad 14 lamang noon. Nagkayayaan ang mga kaklase ko na mag inuman doon sa bahay ng isa naming kaklase. Mag isa lamang siya doon dahi parehong nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang. Lagi kaming nagpaparty dun pagtapos ng klase o kaya¶y magccutting kame. At nung partikular na inuman namin na iyon, naglabas ang isa kong kaklase ng isang pakete, animo¶y isng

teabag, na naglalaman ng kulay brown at berdeng tuyong dahon. Wala pa kong kamuwang muwang noon at ang bisyo ko pa lamang ay mag inom. Nabanggit na nga nya sa amin na marijuana iyon. Anim kami bale nag iinom at dalawa pa lamang sa amin ang gumagamit ng marijuana. Yung may dala at yung may ari ng bahay. Dahil sa bugso ng aking kabataan, gusto ko rin iyong matikman. Kumuha sila ng palara ng sigarilyo at tinupi tupi at inayos ito upang maging pipa na siyang paglalagyan ng hihihthitin namin na marijuana. Ako¶y medyo lasing na din noon kaya ako ang unang sumubok. Ibinigay nila sa akin ang lighter at sinimulan kong sindihan ang isang load ng damo. Dun na nagsimula ang relasyon namin ni marijuana. Hehehehe. T: anong mga nararamdaman mo kapag ikaw ay gumagamit nito? S: nung una kong pagsubok nito, agad akong inubo dahil nga sa ni hindi pa ako naninigarilyo noon. Pagtapos kong ubuhin, ako¶y nagpahinga saglit. Biglang nagbago ang pakiramdam ko. Para akong lumulutang sa hangin. At habang nakikita ko ang mga kaibigan ko sa kanilang ginagawa, ako¶y napatawa, di ko makontrol ang pagtawang iyon. At tumatawa din sila sa akin. Napansin din nila ang kabagalan ng kilos ko. At noong sinabi na nila sa akin na bumabagal daw ako, ay naramdaman ko rin ito. Para bang naiiwan ang kaluluwa ko pag ako¶y gumagalaw. Napakasarap ng unang pakiramdam na iyon at wala akong nagawa kundi magrelax sa upuan habang kami¶y tuloy sa pag inom. Maya maya¶y nakaramdam ako ng gutom at dumeretso ako sa kusina. Mayroong kanin ngunit walang ulam, sa kagutuman ko ay isinabaw ko ang patis sa kanin at laking gulat ko na sobra palang sarap kumain pag ika¶y nakagamit. Para bang walang katapusan ang paglunok ko. Parang di nauubos yung kanin. At

sumasabog yung lasa sa aking bibig. Napansin ko din na sobra sobra ang aking pagkauhaw sa tubig at muntik ko nang maubos ang isang pitsel nito. T: gaano kadalas ang paggamit mo ng marijuana? S: sa ngayon ay talagang kalakasan ko pa. bago ako pumasok ay nagroroll ako ng isang joint at sumisindi. Pag breeak time sa klase ay sumisindi pa rin ako pati pag uwian. Bale nakakatatlong joint siguro ako pag may pasok. Pero pag walang pasok at nandyan ang mga kaibigan ko. Hindi ko na mabilang. T: may mabuti ba sayong naidudulot ang pag mamarijuana S: siguro, kasi ako ay relax pag nakakagamit. Para bang lumilinaw ang lahat sa akin. Pero minsan sumasakit ang aking likod pag napapasobra sa pagsisindi. Napansin ko din na mahina na ang resistensya ko. At ang pinakamatindi pa nyan ay tingin ko¶y nakakapurol ng utak ang marijuana.Hahahaha. Dahil pumapanget ang performance ko sa eskwela. T; may balak ka pa bang tumigil kahit na may nararamdaman ka na? o di kaya¶y para sa kinabukasan mo? S; ewan ko,siguro, pero sa ngayon tingin ko¶y waa pa. masarap e. hehehe. Di ko rin naman ginustong malulon. Pero wala andito na ko. Nahihirapan ako pag wala. Di ako makakain ng ayos. Parang lagi akong aligaga at nalulungkot.Wala naman talagang magandang maidudulot ito. T: may payo ka ba sa mga batang gustong gumamit ng marijuana?

S: siguro¶y cliché na kung sasabihin ko na wag kayong gagamit kaya iibahin ko na lang. hayaan nyo na kame na lang ang gumamit wag na kayong makigaya. Hahaha. (namumula ang mga mata at panay ang tawa ni ___________ nang siya¶y aming kapanayamin. Napgpapakita siya ng sintomas na siya¶y nakagamit habang sumasagot sa aming mga katanungan.) ³Meth addict´ T: maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili? S; ako ay si _______________ 3rd year college sa ____________. Ako ay 23 taong gulang. T; ilang taon ka nang gumagamit ng meth?Paano ito nagsimula? S: 3 taon pa lamang siguro. Naudyukan lang ako ng mga kaibigan ko. Alam mo na, pakikisama sa kanila. May kaya naman ang pamilya ko kaya suportado ang bisyo. Hehe. T; Anong pakiramdam mo kapag ika¶y nakakagamit? S: hmmm«. Ano nga ba« masarap eh.May negatibo at positibo pero lamang ang positibo.Hehe.Ayun, di ako nagugutom. Gusto ko laging may trip. Minsan nga¶y naiisipan kong gumawa ng bahay pag nakakagamit. Parang ang sipag sipag ko. Hindi rin ako inaantok.Masarap. Parang may spring ang buong katawan ko. Buhay na buhay ako. T: may mabuti bang naidudulot sa iyo ang pagmemeth?

S: wala e. hehe. Minsan nakagagawa pa nga ako ng kung anu anong kagaguhan pag walang panggamit. Sinasangla ko mga singsing at alahas ng nanay ko para lang makascore ng 300php, ilang gramo rin yun. Tama na para sa ilang balik. Gusto ko lang talaga yung pakiramdam. Naiisip ko rin na wala talaga kong mapapala pero yun talaga e. gagamit at gagamit ka pa din. Kasi ang shabu, lalamunin ka ng buong buo.Kakainin ka ng sistema. Haha T: May balak ka pa bang tumigil sa paggamit ng shabu? S; di ko masasabi. Pag wala na sigurong panggamit. Haha.Mahirap.Mahirap tigilan.Ayoko ng pakiramdam ng withdrawal. Di ko kaya. Ayoko ng nalolobat. Kaya ngayon masasbi ko na di ko hawak ang katawan ko. Pinaubaya ko na sa bato. T; Anong maipapayo mo sa mga taong gustong gumamit ng meth? S: dami mo rin tanong eh no? ewan ko, siguro kung maiiwasan wag na lang. pero kung gusto nyong sumaya. Sige lang. heheh.Pakalulong kayo. (iritable si _____________ nang aming kapanayamin. Isang sintomas ng withdrawal ng methampethamine)

Batay sa isinagawang interbyu, makikita ang over dependence ng dalawang kapanayamsa droga. Wala silang kontrol at nahihirapan kapag hindi nakakagamit. Nakakatakot ang mga pahayag ng mga ito, ang pangunguha ng bagay na hindi iyo para lamang makagamit, at kung paanong sa batang edad pa lamang ay marami na silang alam sa droga.

Kabanata V - Lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon Ang mga datos na nakalap ng may akda ay nagbibigay ng subersibong pananaw sa isyu ng droga. Kaya¶t umabot ito sa konklusyon na ang sigalot ng droga ay kailangang, kung hindi man mapuksa, ay kontrolin. Mapanganib ang isipan ng taong nakagamit. Wala silang naidudulot na maganda sa kanilang sarili, pamilya at lipunan. Kailangang paigitingin ang mga hakbangin ng gobyerno laban sa mga demonyong ito. Magsimula sa kaliit liitan, sa pamilya. Alagaang mabuti ang mga anak at obserbahan sila. Bigyan ng tamang impormasyon at itaguyod sila sa isang positibong aura sa pamamahay nang sa gayon ay lumayo ang isip nila sa bawal na gamot. Sa lipunan, magbigay babala, magmatyag at labanan ang droga sa inyong, bayan, barangay, at kung saan pa man. Huwag tangkilikin ang mga salot na drogang ito. Ireport ang mga tulak sa lugar na siyang nakabibkitima ng murang isip ng kabataan. At higit sa lahat, sa bansa, pag ibayuhin ang laban kontra droga. Ang mga departamentong naatasang lumaban dito ay dapat magpakita ng pangil na siynag lulupig sa mga drug lords at pushers na nagkalat sa buong. Ang kabuuan ng pagsasama ng tatlong aksyon na ito ang tatapos sa problema ng droga sa Pilipinas. At siyang magpapabuti sa kalagayan ng ating bansa.

Glossary Hallucinogen ± mga sangkap sa droga na siyang nagbibigay ng mali maling impormasyonsa utak nagbubunga ng pagmamalik mata at kung ano anong pagtinginsa mga bagay

Barbiturates ± isang organic na acid na nagpapamanhid sa katawan at nagpapabagal sa proseso ng utak. Downers ± Klasipikasyon ng droga na nagpapagal sa persepsyon, sensors at pag iisip ng isang tao. Kinabibilangan ng marijuana Uppers ± klasipikasyon ng droga kung saan pinabibilis ang mga function ng katawan, pag iisip, tibok ng puso at paggalaw. Kinabibilangan ng methampethamine. Withdrawal ± mga sintomas kung saan hinahanap ng katawan ang droga at kung wala nito ay magpapakita ng negatibong epekto tulad ng pagsusuka, paghina ng pagkain, kalungkutan at pagiging iritable. Joint ± balbal na katawagan sa tuyong dahon ng marijuana na ibinalot sa rolling paper upang sindihan at hithitin. 1 load ± balbal na katawagan sa isang kapirasong kurot ng marijuana na inilalagay sa pipa. Weed, shit, ganja, pot, dope, damo ± iba¶t ibang balbal na katawagan sa marijuana Speed, ice, crystal, bato, shabu ± iba¶t ibang balbal na katawagan sa methampethamine.

Bibliography

http://www.my-health-n-fitness.com/1102/drug-addiction-in-the-philippines/ - Dr. Geddes Grosset http://www.whitehousedrugpolicy.gov/publications/factsht/druguse/#emergency ± National Drug Control Policy Drugs, Society and Human Behavior ± Carl Hart, Charles Kirst at Oakley Ray Paperback: 504 pages Publisher: McGraw-Hill Humanities/Social Sciences/Languages; 13 edition (October 27, 2008)
y

y

y

Language: English ISBN-10: 0073380792 ISBN-13: 978-0073380797

y

y

Appendix A Mga Bawal naGamot:Shabu(Methampetamine) Ang shabu o methampetamine ay isang bawal na gamot, na ang karaniwang anyo ay kulay puti na pulbos na maaaring ihalo sa tubig at iturok. Ito'y may preparasyon rin na maaaring singhutin o langhapin; ito'y tinatawag na "ice". Ang shabu ay isa sa mga ipinagbabawal na gamot ayon sa Republic Act 9165, at matindi ang parusa sa paggamit, pagbebenta, o pagbili nito. Ang sinumang mahuli na may 50 grams na shabu ay maaaring paratangan ng habangbuhay na pagkakulong o kamatayan. Ang shabu ay nakaka-"high" dahil pinapakawalan nito ang Dopamine sa utak ng tao. Ang Dopamine na syang umaaksyon sa iba't ibang bahagi ng utak at ng katawan ang siyang dahilan ng "high" o "rush" na tinatawag. Ano ang mga masamang epekto ng shabu? Mga pangmadaliang epekto ng shabu: Pagka-high o pagiging masayang masaya Salita ng salita Pag-iinit ng katawan Pagiging malibog (Hypersexuality) Kawalan ng ganang kumain Pagbilis ng paghinga Kawalan ng pagod Mga pangmatagalang epekto ng shabu:

y y y y y y y

y y y y y y y y y y

Pagka-addict sa shabu Pagdepende sa shabu Pagiging bayolente Pagkalito Pag-iiba ng personalidad at ugali Pagkawala sa sarili / Pagkasira ng ulo Hindi makatulog / Hirap matulog Pagbawas ng timbang Pagkadinig o pagkakita ng mga bagay na hindi naririnig/nakikita ng iba Mga komplikasyon sa utak, puso, at iba pang bahagi ng katawan Sa madaling salita: Nakakasira ng buhay ang dulo't dulot ng pag-gamit ng shabu. Bukod dito, maaari ring malason sa shabu na siya ring tinatawag na methampetamine toxicity. Ito'y nangyayari sa mga nasobrahan ng shabu. Dilat ang mga mata, mataas ang presyon, hindi regular ang tibok ng puso, pinagpapawisan, nag-iinit at hindi makatulog ang pasyenteng nalason sa shabu. Ito'y isang emergency at dapat dalhin kaagad sa ospital. Ang shabu ay isang delikadong gamot na dapat iwasan ng bawat Pilipino, lalo na ang mga kabataan na maaaring ma-alok o ma-imbitang subukan ito. Huwag na! Ang shabu ay nakakasira ng buhay. Isumbong sa pinakamalapit na awtoridad ang sino mang nagbebenta, bumibili, o gumagamit ng shabu na isang ipinagbabawal at ilegal na gamot sa Pilipinas.

Appendix B HindiMasarap ang Bawal:Mensahe sa MgaKabataanUkol sa Bawal naGamot Ang pagiging isang binata o teenager ay kinikilala bilang isang panahon kung kalian dapat magkaroon ng maraming karanasan o ³experience´. Sabi nga nila, ³Subok lang ng subok, sabak lang ng sabak!´ Ngunit hindi lahat ng bagay ay dapat pang maranasan, lalo na kung klarong klaro sa karanasan ng lahat na ito ay nakakasama. Isang halimbawa nito ang pagsubok sa mga bawal na gamot. Tingnan ang listahan ng mga bawal na gamot ayon sa RA 9165. Ang bawal na gamot, gaya ng sigarilyo at paglalasing, ay isang peligro sa kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan. Gaya ng maraming patibong ng mundo, ang mga bawal na gamot, gaya ng shabu at marijuana, ay nag-aalok at nagbibigay ng pansandaliang kaligayan o ³high´. Ngunit, may mabigat na kapalit ito. Ang mga bawal na droga ay may kakayahang gawing adik ay iyong katawan sa drogang ito ± at hanap-hanapin mo tuloy ang mga droga na ito. Dahil pakiramdam mo ay ³kailangan´ mo ang droga, bibili at bibili ka ng mga ito. Dahil alipin na ang iyong isip at katawan sa droga, maaaring ibenta mo na ang iyong mga kagamitan, gamitin ang iyong allowance, o nakawan ang iyong mga magulang para lang sustentuhan ang iyong pagka-alipin sa bawal ng gamot. Ang mga gawaing ito ay umpisa na sa pagkasira ng iyong buhay. Ang bawal na gamot ay peligro rin sa iyong kalusugan at kaligtasan. Kapag ikaw ay ³high´, hindi mo kontrolado ang iyong katawan at ito ay nagiging dahilan ng mga aksidente sa sasakyan. Ang pagbabago sa ugali na hatid ng paggamit (at pagtigil sa

paggamit) ng droga ay maaari ring maging sanhi ng mga bayolenteng ayaw na maaaring magdulot ng pinsala at sakuna. Kapag ikaw ay ³high´, hindi mo rin mapigilan ang ³tawag ng laman´ ay maaari kang gumawa ng mga ³high-risk sexual behavior´ na siya naman maaaring maging daan para mahawa ng mga STD gaya ng tulo, Hepatitis B, at HIV/AIDS. Isa pa, ang hiraman ng mga karayom na ginagamot sa mga drogang tinuturok ay isa ring posibleng daan para mahawa ng Hepatitis B at HIV/AIDS. Kung ikaw ay nalululon sa droga, o may kakilala kang biktima ng mga bawal na gamot, humingi ng tulong at suporta. Tunghayan at Listahan ng mga Himpilan para malaman kung sino ang maaaring lapitan at kausapin tungkol sa problemang ito.

Appendix C Narito ang ilan sa mga talaan at percentage sa paggamit ng droga sa ating bansa sa nakaraang dekada:
Table 1. Trends in the percentage of persons reporting any illicit drug use: 1998 - 2007 Age of respondent and recency of drug use 12±17 Ever Past Year Past 30 days 18±25 Ever Past year Past 30 days 26±34

1998

1999

2000

2001

2002

2003

2004

2005

2006

2007

D A 31.8% 27.4% 22.8% 20.9% 16.4% 22.1% 21.3% T 27.6% 26.9% 28.4% 24.3 20.7 14.9 14.1 11.9 16.7 16.4 A 19.8 18.6 20.8 9.8 9.7 10.8 B R E A 69.0% 62.9% 58.1% 54.9% 50.2% 48.0% 48.1% K 52.6% 51.2% 55.6% 45.5 38.0 37.4 25.3 29.1 17.9 26.1 15.0 24.2 13.6 26.8 15.6 27.4 16.1 29.1 16.4 27.9 15.9 31.9 18.8 16.3 13.2 8.1 7.1 5.7 9.0 9.9

Ever Past year Past 30 days 35 and older Ever Past year Past 30 days All (ages 12 and other) Ever Past year Past 30 days

49.0% 59.5% 61.2% 59.8% 58.2% 53.1% 50.6% 23.0 20.8 26.2 23.1 19.1 14.7 18.4 10.9 14.6 9.5 14.6 8.4 12.7 7.0

53.2% 50.9% 53.3% 13.5 6.8 13.4 7.8 16.1 8.8

11.8% 18.1% 20.0% 22.5% 26.1% 29.0% 31.8% 3.9 2.8 5.5 3.9 5.1 2.3 5.2 3.1 5.5 3.0 5.3 2.9 5.5 3.3

35.7% 35.5% 38.4% 5.9 3.4 5.5 3.3 6.3 3.5

31.3% 34.4% 34.0% 34.2% 34.2% 34.8% 35.8% 17.5 14.1 16.3 12.1 12.4 7.7 11.7 6.7 10.3 5.9 10.8 6.1 10.6 6.2

39.7% 38.9% 41.7% 11.5 6.3 11.0 6.3 12.6 7.1

Note: Any illicit drug use includes use of marijuana, cocaine, hallucinogens, inhalants, heroin, or nonmedical use of sedatives, tranquilizers, stimulants, or analgesics. Prior to 1979, data were not totaled for overall drug use and instead were published by specific drug type only. Data Break: Changes made to the design and execution of NHSDA in 1999 make the 1999, 2000, and 2001 data incomparable to previous years. However, the 2005, 2006, and 2007 data are comparable to each other. Source: National Household Survey on Drug Abuse.

Data for figure 1. Past month drug use by high school seniors, by drug type: 1997 to 2001 Percentage reporting use Year 1975 1976 1977 1978 1979 1980 1981 1982 1983 1984 1985 1986 1987 1988 1989 1990 1991 Marijuana 27.% 32.2 35.4 37.1 36.5 33.7 31.6 28.5 27.0 25.2 25.7 23.4 21.0 18.0 16.7 14.0 13.8 Methampethamine 1.9% 2.0 2.9 3.9 5.7 5.2 5.8 5.0 4.9 5.8 6.7 6.2 4.3 3.4 2.8 1.9 1.4 Any drug 30.7% 34.2 37.6 38.9 38.9 37.2 36.9 32.5 30.5 29.2 29.7 27.1 24.7 21.3 19.7 17.2 16.4

1992 1993 1994 1995 1996 1997 1998 1999 2000 2001

11.9 15.5 19.0 21.2 21.9 23.7 22.8 23.1 21.6 22.4

1.3 1.3 1.5 1.8 2.0 2.3 2.4 2.6 2.1 2.1

14.4 18.3 21.9 23.8 24.6 26.2 25.6 25.9 24.9 25.7

Source: Monitoring the Future Study.

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close