The Four Bad Boys and Me

Published on January 2017 | Categories: Documents | Downloads: 453 | Comments: 0 | Views: 2653
of 1809
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

The four bad boys and Me
For sure kilala niyo naman yung F4 di ba?
Meron din niyan dito sa school namin. Tawag
namin sakanila, APAT.

Jeydon Lopez. Ang leader ng grupo at ang pinaka
bad boy sa kanilang lahat. Siya 'daw' yung hari ng
school kaya tinitingala siya ng halos lahat ng mga
studyante. Gwapo, mayaman, sikat, habulin ng
mga babae at ang Captain ng basketball team.
Siya ang numero unong bully sa school namin,
mapang asar at napaka yabang. Malakas mag yosi
at uminon ng alak. Siya yung taong pinaka
kinaiinisan ko sa lahat.
Troy Mendoza. Siya ang best friend at palaging
kasama ni Jeydon. Cute, mayaman at sobrang
kulit. Siya ang wonanizer sa kanilang apat dahil
siya ang pinaka mahilig sa mga babae at ang
'boyfriend ng campus' dahil sa dami ng girlfriend
niya. Napaka dami na niyang babaeng pina iyak.
Isa din siya sa kinaiinisan kong tao sa school.
Charles Gonzales. Ang pinaka matanda sa grupo.
Siya ang basagulero sa kanilang apat, walang alam
kundi makipag away. Gwapo, mayaman, sobrang
mapang asar at kinakatakutan sa school. Hindi

lang siya sa school expert mang bully pati sa
buhay ko. Unfortunately kapatid ko siya, mahal ko
siya pero naiinis din ako sakanya.
Marky Lim. Siya ang huling kukumpleto sa grupo
nila. Siya yung silent type sa grupo nila na parang
may sariling mundo palagi. Gwapo, masunget tska
snobero. Sabi nila siya daw yung pinaka player sa
kanilang apat pero hindi ako naniniwala kasi crush
ko siya eh. Ang galing galing niya kasi kumanta
tska napaka gwapo pa. Siya lang ata yung gusto
ko sakanila.

Ako?
Ako si Candice Gonzales.
Im just a nobody..
Nerd..
Weird..
Forever alone..

Kaso lang lahat yan nag bago, yung tahimik kong
buhay. GUMULO!
Lahat yun kagagawan ng FOUR BAD BOYS.
1. First Kiss

"Ang gwapo ng apat! lalo si Jeydon nuh?"
"Oo nga eh! Gosh! kinikilig ako sakanya!"
"Look girls, papunta sila dito!"
Papalapit na nga sila Jeydon sa lugar namin kaya
parang mga kabute yung mga fangirls nila na
nagsilitawan. Akala mo may dumating na artista,
eh studyante lang naman sila dito ah? Naglalakad
silang APAT nung may isang babae na pumunta sa
harap ni Jeydon Lopez.
"Hi Jeydon!" sabi nung babaeng makapal yung
make up tapos sobrang ikli ng palda. "I'm Stella by
the way." inabot niya yung kamay niya kay Jeydon
pero imbis na makipag kamay siya dun sa Stella,
tinitigan lang niya yun na may blankong ekpresyon
ng mukha.

"Can you get away from me? You ugly
creature."
Lahat sila nagtawanan sa sinabi ni Jeydon,
nangingibabaw yung tawa ng tatlong mga babae
na nag uusap kanina. Lahat sila pinag tatawanan
yung Stella, kawawa naman siya. Umatras na lang
siya para makadaan si Jeydon at yung tatlo.
Pupusta pa ako hindi na siya papasok pa ulit dito
sa kahihiyan na nangyari sakanya ngayon.

"Bagay lang sakanya yan! Ambisyosa!"
"Feeler kasi! Haha!"
"How dare her, hindi sila bagay ni Papa Jeydon.
Masyado siyang gwapo."

Gwapo? Oo gwapo nga masama naman ugali.
Ang yabang niya! akala mo kung sino siya! Porket
siya 'daw' yung hari ng school na 'to. Isang
malaking kalokahan! At kung makapag pahiya ng
iba, akala mo kung sino siya. Ewan ko ba bakit ang
daming nag kaka gusto sa mokong na yan, ang
sama sama naman ng ugali. Sinasayang lang niya
yung itsura na binigay sakanya.

'Bakit gustong gusto ng mga babae yung mga bad
boy?'

Yan na lang yung nasabi ko sa sarili ko, walang iba
kung hindi ako. Oo, kinakausap ko yung sarili ko
pero hindi ako baliw. Wala akong kaibigan dito sa
school, sabihin na lang natin na forever alone ako
dito. Para kasi sa mga schoolmate ko, isa lang
akong nerd, weird, manang at walang kwenta kung
makikipag kaibigan lang sila sakin. Psh! eh di wag
nuh! hindi ko naman sila kaylangan. Masaya
naman mag isa eh, tahimik lang yung buhay mo.
Kahit kapatid ko si Charles Gonzales, isa sa APAT,
hindi pa din yun naging dahilan para maging sikat
din ako dito sa school. Hindi kami palaging nag
uusap dito sa school, hindi ko alam kung
kinakahiya niya ako o sadyang hindi lang nagkikita
yung landas namin. Sa totoo lang isa siyang
malaking bully sa buhay ko pero masaya na din
ako na naging kapatid niya ako. Dahil sa kapatid
ko siya, hindi ako na bu-bully masyado dito sa
school, hindi katulad ng ibang katulad ko na nerd.
Tinignan ko yung relo ko, pumunta na ko sa class
ko na mag sisimula, five minutes from now.
Tumakbo na lang ako na para bang wala ng bukas,
ayokong ma late noh.

Pag kadating ko dun, nandun na yung mga
classmates ko pati yung teacher ko, lahat sila
napatingin sakin. Nagulat ako nung tumawa ng
malakas yung teacher ko. Alam ko na ako yung
pinag tatawanan niya dahil sakin siya naka tingin.

"Candice, mahangin ba sa labas?"

Dahil sa sinabi niya nagtawanan pati mga
classmates ko, for sure yung buhaghag kong
buhok mas lalong naging buhaghag. Akala ko mga
students lang may masamang ugali dito sa school.
Pati pala teacher, nako naman. Kasalanan ko bang
tumakbo ako papunta dito para hindi ako malate
sa klase niya? Loko to ah!
Hindi ko na lang siya pinansin. Daily routine na ata
nila yan eh, hindi man ako yung inaasar
nila nasanay na ko sa ugali nilang yan. Tska isang
taon na lang naman titiisin ko dito sa school na to,
at graduate na ko ng High School.
Pagkatapos ng isang oras na torture sa class
netong mapanglait na teacher ko, nag bell na din
sa wakas, at syempre lahat sila excited na sa
lunch.

Ako? hindi katulad ng isang tipikal na studyante
dito, sa library lang ako pupunta. Ayoko kasi ng
madaming tao. May pagka anti-social kasi ako,
haha! Syempre joke lang. Ayoko ko kasi sa
canteen, puro tsismis lang meron dun. Mas mabuti
pa dito sa library, tahimik tska makakapag basa pa
ako. Tska for sure andun yung APAT, ayoko makita
yung mga yun. Kung nasan sila, nandun din yung
mga fan girls nila. Yung mga babaeng patay na
patay sakanilang apat.
"Hi candice!"
"Ay kalabaw!" napahawak ako sa dibdib ko,
nakakagulat siya.
"Ay sorry nagulat ba kita?"
Ay hindi ako nagulat, ineexpect nga kita eh. Grabe
naman 'to si ate oh! papatayin ata ako sa gulat.
Tinignan ko lang siya, maganda siya, masiyahin
tapos ang laki ng ANO niya. Witwew! oy hindi ako
tomboy ah! eh sa ang laki eh, nanliliit yung sakin.
"Bakit?" tanong ko sakanya, bakit kaya niya ako
kakausapin?
"Ah.. kasi.. ano.." hinitay ko yung sagot niya pero
hindi siya nag salita. Bumalik ulit ako sa libro na
binabasa ko, eh kasi ayaw naman niya sabihin

kung anong kelangan niya, na iistorbo kaya ako.
Hello? hehe arte lang.
"May sasabihin ka ba? kasi nag babasa ako eh."
"Ay sorry.. kasi pwede ba akong humingi ng favor
sayo? please?" hinawakan niya yung braso ko, nag
mamaka awa. Hala siya! ngayon ko pa nga lang
siya nakilala tapos favor na agad?
"Ano yun?"
"Pwede bang ibigay mo 'tong letter na 'to kay
Troy?"
"Bakit hindi ikaw?"
"Eh kasi hindi naman niya ko kilala! eh ikaw
kapatid ka naman ni Charles eh, please naman
oh!" so ibig sabihin si Troy Mendoza nga yung
tinutukoy niya. Yung womanizer na lalaki na yun.
Sinara ko yung libro ko, tumayo ako tska umalis.
Ayoko nga! bakit hindi siya mag bigay? utusan
niya ba ako? tska ayoko makipag usap sa mga
yun, gumulo pa buhay ko dito sa school. Hinabol
naman niya ako kahit nasa labas na ako ng library.
Amp ate wag ako! iba na lang.
"Please?" nag puppy eyes siya sa akin.

Sa totoo lang okey lang naman sakin gawan siya
ng favor, eh sa ganun ako kabait eh! Kaso yung
lalapit ako sa APAT na yun?! NO WAY HIGH WAY!
"Please naman oh.. crush na crush ko kasi si Troy
eh! huhu please.. kapag kaharap ko siya nauutal
ako eh! please." parang iiyak na siya. Nakaka awa
naman, sa lahat ba naman ng lalaki, kay Troy
Mendoza pa siya nag ka gusto? bulag ata siya. Ang
ganda ganda pa naman niya tska mukha naman
siyang mabait eh. Hindi sila bagay na dalawa.
Kinuha ko yung letter, umalis ako agad dun ng
hindi nag sasalita. Medyo bastos lang eh nuh?
hehe, hindi ko kasi hobby na mag salita, forever
alone nga eh. Habang papalayo na ako narinig ko
siyang nag thank you sakin. Mag thank you ka
talaga ate kasi ang laking favor netong gagawin ko
para sayo. Haharap ako sa APAT na yun? tama ba
itong gagawin ko?
Hinanap ko agad kung tambayan nila sa canteen,
dun naman sila lagi nakatambay eh. Nakita ko
naman sila agad dun, sa private area nila. Sakanila
lang yun, para kasi silang F4 ng school namin eh.
Lumapit ako sakanila, pinag titinginan pa ko ng
mga schoolmate kong babae sa canteen. For sure
sinumpa na ko ng mga yan o sabihin na natin na
baka sinasabunutan na nila ko sa isip nila. Inabot
ko na lang agad yung sulat nung makaharap ko

yung Troy na yun. Lahat sila nag tinginan sakin,
yung parang nandidiri lang. Bakit nga ba kasi ako
pumayag dun sa babae? hayss.

"Ano yan?" sabi ni Troy.
Malamang sulat. Ano ba naman 'to.
"Wow Troy! may gusto sayo yung kapatid ni
tandang Charles oh! HAHA ewww ha!" sabi ni
Jeydon. Ang yabang talaga! Leche plan! Hindi
naman siya kausap ko eh! EPAL din siya eh noh.
"Meet my nerdy sister Candice." tapos tumingin
siya sakin "My dear sister anong kalokohan naman
yan? kahit mag bigay ka ng sulat kay Troy hindi ka
pa din magugustuhan niyan, ang manang manang
mo eh!" ang sweet talaga ng kapatid ko.
"Pinapabigay.."
"Sino namang nag papabigay?" tanong naman ni
Marky. Napatingin ako sakanya, parang mag kaka
heart attack ata ako kasi tinignan niya ko. Ang
gwapo niya kaya, bakit ba? hihi.
"Walang kaibigan yan dude, forever alone yang
kapatid ko." sabi ni kuya Charles.

Wow thanks for reminding me kuya, oo forever
alone ako.
Nilapag ko na lang yung sulat sa table nila, tapos
umalis na ko.

Pumunta na lang ako sa next class ko. Wala eh,
sira na yung moment ko sa library, kasi yung
babae na yun eh! Ano bang pangalan nun? hindi ko
pa na tanong, sabagay okey lang din. Hindi naman
ako makikipag kaibigan sa kanya eh, as if naman
na gusto din niya kong maging friend. Ginamit niya
lang ata ako eh, user siya! haha joke. Badtrip!
nakakainis naman! napansin pa ko ng mga yun!
kasi naman yung babae na yun talaga eh! Sana
lang hindi nila ko pag tripan, pagkatapos ng
ginawa ko.
Pag kadating ko sa classroom, nag si datingan na
din mga classmates ko at yung teacher namin sa
math. Nag lecture na agad siya, tapos mga 30
minutes na, dumating naman to si. Jeydon. Bakit
andito yan? Lower Section yan eh.
"Ah class, magiging classmate niyo pala si Jeydon
starting today."
Bakit? tumalino ba siya bigla?

"Masyado kasi siyang nag eexcel sa class niya sa
math kaya mas mabuti kung dito siya sa section
niyo." papatawa ba siya? si Jeydon?! hindi ko ma
imagine.
Naghanap siya upuan, at ang malas ko sa tabi ko
pa.
"Hi kapatid ni Charles."
May pangalan ako! STUPID! Candice!
"Ano?" tanong niya sakin, napalakas ata pag
kakasabi ko sa isip ko, buti hindi niya narinig ng
malinaw. I just shook my head no. Ayoko makipag
usap sakanya nuh! I HATE HIM.
"Sus ang sunget! panget naman!" tanggg!!
sana lalaki na lang ako para pwede ko siya
suntukin. Mas panget siya, sama ng ugali niya! I
hate him! I hate him! I hate him!
Kahit na asar na asar na ako, hindi ko na lang
pinansin tong Jeydon na to. Nag sulat na lang ako
sa notebook o. Maasar lang ako sakanya lalo. Maya
maya lumabas na siya ng room, sus panigurado,
hindi na yan babalik. Palagi naman siyang nag
ditch ng class eh, hindi ko nga alam kung bakit
umabot siya ng fourth year.

Nung nag bell na, wala pa din yung Jeydon na yun,
see? I told you. At tska ano bang paki alam ko
dun.

Nag lalakad na ko papuntang locker ko.

May humila sakin papasok ng janitor's room.
Jusme! sino to?

"Candice.."

Ramdam ko yung hininga niya.. ang macho ng
boses niya. Gusto ko siyang tignan, gusto ko
tumalikod pero hindi ko magawa kasi nakayakap
siya sakin mula sa likod ko!! Rape! Rape! Rape! Ay
ambisyosa? Rape agad? Umayos ka Candice
Gonzales.

"Candice.."

"Si-sino ka ha?"

"Wag kang mabibigla sa gagawin ko ah."

Hinarap niya ko sakanya, tapos ang sumunod na
lang...

HINALIKAN NIYA KO.

Ang lambot ng labi niya. Kahit nanlaki yung mga
mata ko, wala akong makita kasi ang dilim eh.
Ganito pala pakiramdam na mahalikan?
Natulala ako dito, narinig ko na lang, sumara yung
pinto..
Sino yun? ang FIRST KISS KO?
Masampal nga muna sarili ko, teka baka nanaginip
ako eh?

OUCH, ang sakit. Hindi ito panaginip. At ano yung
sabi niya? wag daw akong mabibigla?! eh siraulo
pala siya eh! Sino ba siya?!

2: Assuming

Nakatayo lang ako dito, naka tanga. Ano ba yung
nangyari? may humila sakin papasok dito sa
janitor's room tapos hinalikan ako.
HINALIKAN AKO?!
Sino naman hahalik sakin at bakit niya gagawin
yun? Kaylangan ko malaman kung sino yun!
Kelangan ko siyang habulin. Nahirapan ako
lumabas dahil hindi naka galaw ng maayos yung
mga paa ko sa sobrang gulat. Paglabas ko ng
janitor's room, hinanap ko agad yung lalaki na
humalik sakin.
Wala namang tao dito, teka! mali ako, meron pala.
Nakatalikod siya sa akin at nag lalakad palayo.
Hinabol ko siya tska ko siya sinigawan.

"HOY IKAW!"

Pag kaharap niya sakin, nanlaki agad yung mata
ko. Siya nga ba talaga?

SI JEYDON LOPEZ?
Si Jeydon yung humalik sakin? Siya lang naman
yung tao dito eh, hindi naman pwedeng mawala
agad yung lalaking humalik sakin sa loob.
Pakiramdam ko may kung anong bagay na
bumagsak sakin. Hindi pwedeng sa isang katulad
niya mapupunta yung unang halik ko. Sa isang
napaka samang lalaki, mayabang, arogante, basta
sa isang bad boy.
"Kapatid ni Charles! anong problema mo ha?!"
tinatanong pa niya kung anong problema ko? Nang
iinsulto ba siya?
"Bakit mo ko hinalikan?!
Nanlaki yung mata niya, parang nakakita siya ng
multo. Maya maya bigla siyang tumawa ng
malakas, napahawak na nga siya sa tyan niya eh.
"HAHAHAHA!! ikaw hahalikan ko?!"
"Wag kang tumawa! hinila mo ko dun sa janitor's
room! tapos.. tapos.." gusto ko sanang sabihin na
'HINALIKAN MO KO!' kaso pinigilan ko na yung
sarili ko. Maiisip ko pa lang na hinalikan niya ako
kinikilabutan na ko.
"Ang sama mo!" sinuntok ko siya sa dibdib niya,
kaso ang tigas pala talaga, feeling ko ako lang

nasaktan. Sa inis at asar ko napa iyak na ko.
Buiset na lalaki 'to! napakasama talaga niya.
"Hoy nerd na panget! wag ka ngang umiyak sa
harap ko! wala akong ginawa sayo! ASA ka pang
hahalikan kita! EW!" wala akong paki alam sa mga
sinasabi niya. Siya yung humalik sakin! hindi ako
pwedeng mag kamali.

"Anong nangyayare dito?!" lumapit samin si Kuya
Charles.
"Kausapin mo nga tong kapatid mo Charles, ang
lakas mag ilusyon eh."
Hinila ako ni kuya papunta sakanya at nakita niya
akong umiiyak. Kahit Aso't pusa kami, ayaw niya
akong nakikita na umiiyak. Hinawakan niya yung
braso ko. Tinignan ko siyang galit na galit, ako
naman parang tangang umiiyak pa din.
"Anong problema candice?"
"Si.. Si Jeydon!! hinalikan ako eh!!"
Ngayon ko lang napansin na lahat pala silang apat
andun na, pati mga classmates nila. Great. Ano to
show?! please lupa kainin mo na ko ngayon, sana
pala hindi ko na lang sinabi ng malakas yun. Sana

hindi nila narinig yun pero mukhang dinig na dinig
nila yung sinabi ko.
Lahat sila natahimik, tapos nag tawanan.
"Candice, may sakit ka ba?" hinawakan niya yung
noo ko. "Alam kong matinik tong si Jaydee sa
babae, pero never kang hahalikan niyan! HOT
GIRLS ang tipo niya eh. Tsk, gutom lang yan." ah
ganun? wala na akong karapatan na halikan?
porket ganito ako? I HATE YOU KUYA CHARLES!
Umalis ako dun na umiiyak. Ang sasama nila! hindi
ko naman sasabihin yun kung hindi naman talaga
yun nangyari. Hindi ako isa sa mga fangirls ng
Jeydon na yun para mag ilusyon at gumawa ng
kung ano anong kwento. Kung pwede nga lang
hindi ko na siya makita eh.
Usually, sabay kami umuuwi ng kuya ko,
ng MAGALING KONG KUYA. Sakay ng kotse
namin, pero na iinis ako sakanya, alam ko hindi
kami super duper close pero sana pinaniwalaan
niya ko di ba? tska hindi pa pala uwian, nag ditch
pa ko ng class! hays napaka ganda naman ng araw
ko oh. Nice one Candice.
Pag ka uwi ko, sinalubong agad ako ni cholo, yung
chowchow namin.

"Roo.." parang moo ng cow yun na pinalitan ng R.
Lumapit siya sakin tapos hinalikan ako.
"Cholo.. alam mo ba kung anong nangyare sa
mommy mo ngayon? DISASTER! badtrip talaga!"
"Hi baby! aga mo ah? asan kuya mo?" tumanaw
siya sa labas ng bahay. "Asan yung kotse? may
nangyare na naman ba?" tinignan ko lang si
mama, naiiyak na naman ako eh. *sob*
"Mama.. yung first kiss ko." niyakap ko si mama,
tapos umiyak na talaga ako. Close kami ni mama
kaya lahat nasasabi ko sakanya. "Wala na! at si
Jeydon pa yung kumuha nun!" hinarap ako ni
mama, nag tataka siya. Teka wag mong sabihin na
hindi din siya naniniwala sakin?
"Baby naman, si Jeydon yun, hindi niya yun
gagawin sayo." pati ba naman si mama?
"Porket ba nerd ako? panget? hindi na ko
pwedeng halikan ng gwapo?"
"Anak hindi naman sa ganun.."
"MAMA naman eh! Alam mo naman na NAPAKA
BAD BOY NUN EH!" umakyat agad ako sa kwarto
ko. Pati ba naman siya? hays naman oh! Hinabol
ako ni mama sa taas, pero sinara ko na yung pinto
ng kwarto ko. Tapos humiga ako sa kama ko. Bakit
ba ayaw nila maniwala na hinalikan nga ako nung

Jeydon na yun! Ganun ba ka imposible na halikan
ako ng isang lalaki? ganun na ba ako ka panget?
"Candice! buksan mo yung pinto anak!"
"LEAVE ME ALONE!"
Hinarap ko yung kisame, ano nang mangyayari
sakin ngayon?
Kinuha ko yung phone ko, binuksan ko yung
Facebook ko.
Ano tong video na naka tag sakin? teka, AKO to
ah?

"Si... Si Jeydon!! hinalikan ako eh!!"

Yung nangyari to kanina, pambihira! Sino naman
kayang nag video neto? grabe naman. Naka tag pa
talaga sakin. Huhu. Bakit pa nila kaylangan i video
'to? Ngayon, lahat ng tao sa school namin, alam na
yung nangyari kanina!
Ang daming likes at comment, binasa ko nga.

ASA naman siya! hindi siya hahalikan ni papa
Jeydon!
Ang panget niya!
Nanaginip ata siya ng gising eh! HAHA

Great.

Humiga ulit ako sa kama ko, nakatingin ulit sa
kisame ng kwarto ko. What did just happen?
Kanina lang, kinausap ko yung APAT na yun. May
inabot lang naman ako kay Troy kaya ang akala ko
okey lang kasi hindi naman nila ako mapapansin
nun. Kaso ngayon naman, sinabi ko sa tapat ng
madaming tao na hinalikan ako ni Jeydon!
Paanong hindi nila ako mapapansin? Argh! ano ba
namang kamalasan 'to?. Sana panaginip lang
talaga to! parang sumasakit lang ulo ko eh! >.<
Kung iisipin mo, bakit nga ba naman ako hahalikan
ni Jeydon?
Si Jeydon Lopez, bad boy na sikat sa school, eh
ako? nobody.
Si Jeydon na habulin ng mga babae, ako? panget
at nerd.

Kung ibang tao nga din naman ako, iisipin ko na
hindi yun gagawin ng mayabang na yun! Iisipin ko
talaga na nag iilisyon lang ako. Na isa lang akong
delusional fangirl ng Jeydon na yun. Kaso sino
naman humalik sakin? MULTO?! kelan pa ba
natutong humalik yung multo aber? Sana nga hindi
na lang talaga niya ko hinalikan. Sana lahat yun
panaginip na lang. Sana lahat ng 'to, isang
masamang panaginip lang. Isang malaking
bangungot.
Narinig ko si kuya na dumating. Lumabas ako ng
kwarto kasi narinig ko sila ni mama na nag uusap.
"Charles, ano bang nangyayare dun sa kapatid mo
ha? sabi ko sayo bantayan mo yun eh!" para akong
tanga na nagtatago dito para lang marining yung
pinag uusapan nila.
"Nasobrahan ata sa pag aaral ma eh, kung ano
ano sinasabi eh. Sabihin ba naman na,"
"HINALIKAN SIYA NI JEYDON?!" sabay pa
talaga sila ni mama, mag ina nga talaga sila.
"Eh bakit naman yun sasabihin ng kapatid mo
kung hindi totoo?"
"Mama, kilala mo si Jeydon, kahit magunaw yung
mundo, hindi nun magugustuhan si Candice,

halikan pa kaya?" Ouch naman, sakit sa bangs.
Grabe naman mag salita si kuya.
"Sabagay tama ka anak, kakausapin ko na lang
siya mamaya." pareho lang sila ni mama eh! Mag
sama na nga lang sila. "Akala ko naman may first
kiss na yung baby ko eh."
Meron na akong first kiss! at kung mamalasin
ka nga talaga dun pa talaga sa MAYABANG,
AROGANTE, BAD BOY na JEYDON LOPEZ na
yun!
"UMASA KA PA MA! wala na atang mag kaka gusto
dun eh! paano ang manang ng datingan."
"Grabe ka naman! makikita mo mag kaka
boyfriend din yang kapatid mo!" Umakyat na lang
ako sa kwarto ko. Tss. Pamilya ko ba talaga sila?

Oo alam ko honesty is the best policy pero
truth hurts kaya.

Dati, ang tahimik lang ng buhay ko sa school.
Kapag lunch break lagi lang ako sa library kasi dun
mas tahimik, lahat kasi ng studyante nasa
canteen, busy sa pag kain, pag tsismisan, pag

papantasya sa APAT na yun. Iwas na iwas ako sa
mga tao, ayoko kasi ng komplikadong buhay. Sa
tatlong taon ko sa school namin, wala akong
naging kaibigan, kuya ko lang tska mga teachers
dun, favorite kasi ako ng mga teachers kasi
napaka masunurin ko daw, ewan ko lang dun sa
teacher kanina na inasar ako. Masaya naman din
maging ganito eh, forever alone. Hindi nga ganun
kasaya pero less stress naman.
Ako si Candice Gonzales, ang dakilang nobody.
Erase! ngayon hindi na ko NOBODY. Kalat na sa
facebook yung video na sinabi ko na hinalikan ako
ni Jeydon! lahat sila tingin na sakin, ILUSYUNADA.
Pambihira! hindi ko pinangarap na mahalikan ng
masamang lalaki na yun nuh! Pwede pa sana si
marky >.< sana nga siya na lang eh, kahit gumulo
pa buhay ko, okey lang. Haha!

Ano kaya mang yayari sakin bukas sa school?
Crap. Ayoko na pumasok! Huhu...

**

"Baby! Gising na! malalate ka na oh!"

Tinignan ko yung orasan, shocks! 7AM na, 30
minutes na lang bago mag start yung class. LATE
na nga ako! bakit ngayon lang ako ginising ni
mama? amp. Hindi pa naman ako nakatulog
kagabi! kakaisip!
Tumayo agad ako naligo tapos nag bihis. Hindi
naman ako nag aayos eh, kaya sakto lang sa oras
nung makababa ako.
"Ang tagal mo namang manang ka! iiwan kita eh!"
"Eh di iwan mo! TSE!" Hindi katulad sa school, dito
sa bahay malaya ako, hindi ako tahimik dito.
Palagi kaming nag aasaran ng magaling kong
kuya.
"Wag na nga kayong mag away, candice kumain
ka na!"
"Wag na po ma, wala po akong gana!" anong
walang gana? Jusme! gutom na gutom na kaya
ako! Hindi lang talaga ako makakain dahil naaasar
ako kay Kuya Charles tska late na ko eh.
"Walang gana? o bakana realize mo nang hindi
totoo na hinalikan ka ni Jaydee kaya wala kang
gana?"
Tinignan ko ng masama si kuya, ang bad bad niya!
Dumeretso agad ako sa kotse, wala ako sa mood
makipag asaran. Naiinis pa din kasi ako kapag

iniisip nila na nag iilusyon ako na hinalikan ako
nung mokong na yun! Yun naman talaga yung
totoo eh! Sana nga hindi na lang eh!

Pumasok na din si kuya sa kotse. "Pwede ba
candice, wag mo ko ipahiya sa mga tropa ko ha?
wag ka na mag iilusyon ng ganun."
WHATEVER! mag sama kayong manwhore!
"Kapag mag sasalita ka sa isip mo, wag mong
lakasan, naririnig ko eh. Tska hindi ako manwhore
little sis." sabay kindat sakin.
Tumingin na lang ako sa binatana ng kotse.
Napapalakas ata yung pagsasabi ko isip ko,
nasasabi ko pa yan tuloy narinig pa tuloy ng
magaling kong kapatid. So what? totoo naman eh.
Pag kadating namin sa parking lot ng school,
pababa na ako kaso hindi ko matanggal yung seat
belt ko.
"Tulong nga dyan!"
"Tss, stupid mo! mag tatanggal lang seatbelt eh!"
stupid agad agad?
Ang dami pa niyang sinabi tinanggal din naman
niya yung seatbelt ko. Pag kabukas ko ng pinto,

tinulak niya ko palabas, nasubsob tuloy ako sa
sahig. Ouch! Badtrip to ah! gumaganti ata.
Humanda ka lang sakin mamaya sa bahay! Ang
sakit ng pwet ko deretso sa sahig eh.
"Witwew! kulay pink pala undies mo candice!"
nanlaki yung mata ko nung may narining ako na
boses ng lalaki, sheteng palaka! pag ka hulog ko
pala sa sasakyan, nakita yung undies ko!
nakalimutan ko kasi mag short kakamadali!
NAKAKAHIYA.
Pag ka angat ko ng ulo ko, nainis agad ako nung
makita ko si Jeydon! Langhiya! malas ko naman
talaga.
"Manyak!" Pag kasasbi ko nun, napansin ko andun
na din pala si troy tska si MARKY! Oh no! sana
hindi nila nakita undies ko, nakakahiya talaga eh.
Ano na lang sasabihin ni Marky neto?
"Wala ka pala bro eh manyak ka pala! haha!" asar
ni Troy kya Jeydon.
"Hahaha! ako?! mamanyakin ka? No way! ano
feeling mo ha? si angel locsin ka? eh wala ka
ngang boobs eh.." Lahat sila nag tawanan.
Namumula na ko sa kahihiyan. Buiset ka talagang
Jeydon ka! Bastos! Alam ko naman na wala akong
boobs noh!

"Sabi ko naman kasi sayo lilttle sis, wag ka nag
iilusyon kay Jaydee, may gusto ko ba sakanya?"
tinignan ko siya ng masama. Naririnig ba niya mga
sinasabi niya?
"Ako may gusto kay Jeydon! ASA naman! kahit
siya na lang yung huling lalaki sa mundo, hinding
hindi ko siya magugustuhan!" hingal na hingal pa
ko, ang bilis ko sabihin yun. Hindi ko din alam, san
ako nakahanap ng lakas ng loob para mag salita sa
harap nila, at sabihin pa na wala akong gusto kay
Jeydon. Kung iisipin isa lang akong nobody
compare sa kanila na sikat. "Ikaw kuya bakit mo
ko tinulak?!"
"Ang choosy naman ng kapatid ko!" sabi ni kuya
tapos nag tawanan sila. "Yan yung napala mo kasi
tinawag mo kami ni Jaydee na manwhore!" lahat
sila napatingin sakin nung nasabi ni kuya yung
'MANWHORE' bakit? totoo naman ah? lahat na ata
ng babae naka one night stand na nila eh. Ewan ko
lang kay Marky ah.
"AKO MANWHORE?!" sabi ni Jeydon.
"Oo! at wag ka na mag taka!" umalis na ako dun,
walk out ang peg ko. Wwan ko ba san ko
nakukuha yung mga sinasabi ko. Siguro napuno na
ko sa Jeydon na yun, akala ba niya gusto ko siya?
eh si Marky yung gusto ko! hehe.

"Jaydee pre, nasaktan ata yung kapatid ni Charles
kasi dineny mo siya kahapon! HAHA!" ang lakas ng
pag kakasabi nun ni Troy parang sinasadya, kahit
malayo na ko rinig ko pa din eh. Bahala nga sila!
Pag pasok ko sa room, lahat sila ang sama ng
tingin sakin. Lalo na yung mga babae.

"Hay nako! ang dami talagang assuming sa mundo
nuh?"
"Sinabi mo pa! halikan daw ba siya ni papa
Jeydon?! hahaha."
"Sobrang patay na patay siguro siya kay Jeydon
kaya nasabi niya na hinalikan siya ni papa jeydon!"
"Assumera! akala mo ang ganda eh!"

Hindi ko na lang sila pinansin. Umupo na lang ako.
Eto na nga ba yung kinakatakot ko eh, yung
tahimik kong buhay, yung walang nang aasar
sakin, walang pumapansin, ngayon IBANG IBA NA!
Congratulations Candice! graduate ka na sa
pagiging nobody, isa ka na nga lang ASSUMERA at
ILUSYUNADA.

After 4 subjects, Tumunog na yung bell, lunch
break.
Pag labas ko, ang daming nag kukumpulan na sa
harap ko.

"Hoy candice! Akala mo ba papalagpasin ko yung
ginawa mo?"
"Ano bang ginawa ko sayo?"
"Pinag papantasyahan mo yung Boyfriend ko!"

Si Stacey Chua. Sikat sa school, maganda, sexy,
cheerleader, Quuen bee at karamihan tingin
sakanya, B*tch. Paano nila nasabi? Tatlo talo yung
BF, tapos kung makipag halikan sa mga lalaki
akala mo nakikipag shake hands lang. Nakaka awa
siya kung tutuusin, hindi niya ginagamit sa tama
yung ganda niya. Aba kung ganyan lang ako ka
ganda, might as well use it well. Hahaha!
"Hindi ko alam yang sinasabi mo!" umalis na ko,
ayoko ng ganito, ayoko ng pinag titinginan ako ng
madaming tao, hindi dahil sa magandang rason,
dahil sa nadidiri sila sakin, dahil akala nila
assumera ko, at ilusyunada. At sino ba yung

boyfirend niya? Ah! si Jeydon siguro! Lahat talaga
ng kamalasan, lahat to ng dahil sa LINTEK na
Jeydon na yun!
"Bumalik ka dito!" hinila niya yung buhok ko. Aray
ha! "Wag mo kong tatalikuran!"
"Bi-bitawan mo ko.." parang naiiyak na ko, ang
sakit nung sabunot niya sakin eh, ayaw ko
makipag away at hindi ako nakikipag away! Isa pa
hindi ako sanay sa ganito eh.
"Bitawan? Sige! pero kakalbuhin muna kita!"

HELP!!! somebody help me! Prince Charming asan
ka na ba?

"HOY STACEY! bitawan mo nga siya!"

Hala dininig agad yung request ko?

Pagkatingin ko kung sino, nanlaki yung mata ko.

3: Detention

"Hoy STACEY! bitawan mo nga siya!"

Si MARKY? Nanaginip ba ko?

"Bakit Marky?! wag kang maki alam dito!"
"Gusto mo bang magalit sayo si Charles?"
nakatingin lang ako sakanya, pinag tatanggol niya
ba talaga ako?
"Damn you!" binitawan ako ni stacey. "Pasalamat
ka, kapatid ka ni Charles!" Umalis na siya kasama
yung mga alipores niya. Pati rin yung mga tao sa
paligid namin nag si alisan na. Wala ng tao, ako na
lang at si Marky! Shete! bumibilis ata tibok ng
puso ko, napapalunok na lang ako.

"Ah.. sa-salamat Ma-marky."

Nakakahiya naman na uutal utal pa ko. Hello? first
time ko kaya siya kinausap. Wah! sobrang

nakakahiya yun pero hindi niya naman ako
pinansin eh, nag lagay lang siya ng earphone sa
tenga niya. Snobero talaga ng gwapong nilalang na
'to. Wapakels na lang, eh anak ng tinapa ang saya
ko eh! kung totoo man na tinulungan niya ako o
hindi, masaya pa din ako! Mag iilusyon na lang ako
na pinag tanggol niya ko! wahaha. Kahit papaano
pala.. hindi ako ganun ka malas.
Gusto kong pumunta ng library, kaso hindi nga ko
nakakain kanina. Eh gutom na gutom na ko atbuti
may baon ako na sandwich dito. San kaya ako
kakain na walang tao? kung sa canteen, ang
daming tao dun, pag ti-tripan nila ako, ngayon pa!
Grr!! naalala ko na naman yung video na yun.
Kung sino man nag pakalat ng video na yun, wala
siyang kasing sama. Huhu! ang sama sama niya
para ipagkalat pa yun.
Pumunta na lang ako sa likod ng building namin,
aba garden pala to. Walang tao dito, eh sino ba
naman gusto dito? walang kabuhay buhay kahit pa
sabihin na madaming halaman eh.
Sumandal ako sa may puno, yun oh! parang naka
hanap ata ako ng mas peaceful life. Ang sarapa
dito tahimik-"AHA!"

"Ay palaka ka!" nakakagulat naman muntik na ko
atakihin sa puso ah.
"Ako mukhang palaka? Sa GWAPO ko na 'to?!" aba
ang yabang! pag ka tingin ko, hindi na ko nag taka
kung bakit ang hangin niya. Wala talagang kasing
yabang neto ni Jeydon.
"Haha ikaw gwapo? pagkalat mo!" nakakainit
siya ng ulo.
"Pagkakalat ko pa ba? eh alam na naman ng lahat
na napaka gwapo ko." ay sorry siya kasi ako hindi
ko alam eh. "Sabi ko na nga ba may gusto ka
sakin." gusto ko siya?! at saang lupalop naman
niya nakuha yung idea na yun?
"Excuse me?" tinaasan ko siya ng kilay, wala na
akong paki alam kung isa siya sa APAT, eh kaming
dalawa lang naman dito eh at isa pa sinimulan na
naman niyang i-BULLY ako, hindi na ako mag
papatalo. "Wala akong gusto sayo."
"Patay malisya ka pang panget na nerd ka. Kaya
nga andito ka sa tambayan ko di ba?" ngumisi siya
sakin. "Stalker kita nuh?!"
"Stalker mo ko? HAHA! ayos ka din mag joke ah!"
tinarayan ko siya. "Malay ko bang tambayan mo
'to! kung alam ko lang hindi na ko pumunta dito!"
Nakakinit siya ng ulo, napapasigaw pa ako dito.

Kelan pa ba ko nakipag away maliban sa kuya ko?
to think na ang inaaway ko ngayon ay si Jeydon. Si
JEYDON LOPEZ, ang pinaka bad boy sa lahat ng
bad boy. Kaso hindi ko din masisi yung sarili ko,
nakakainit naman kasi talaga ng ulo 'to si Jeydon
eh.
Lumapit siya sakin, malapit na malapit. Yung
mukha pa niya nasa tapat na nang mukha ko.
Jusko! ano na namang gagawin niya?!
"Alam mo kung gusto mo ko sabihin mo lang hindi
yung gumagawa ka pa ng kung ano anong storya,
tapos susundan mo pa ko dito? Kung gusto mong
halikan kita.." Lumapit na naman siya sa mukha
ko, tinulak ko siya papalayo. Kahit na ang laki laki
niyang tao, pinilit ko siyang ilayo sakin.
PERVERT!
Tumayo ako. "Bastos!"
"Ako bastos? Haha! if I know baka gusto mo pang
may mangyari satin?!" sinampal ko siya. JERK! ano
tingin niya sakin? B*itch! Wag niya ko ihahanay sa
mga babaeng naka one night stand niya. May
mangyayayari samin? Ew yuck! Ano ba kasing pag
iisip meron siya?

"Ang kapal naman ng mukha mo para sampalin
yung napaka ganda kong mukha!" bagay lang sayo
yan!
"Hindi lahat ng babae makukuha mo! JEYDON
LOPEZ!"
Natigilan siya sa sinabi ko. Bago pa siya makapag
react, umalis na ko.

Serves you right B*tch!

Hay nako naman. Parang naging maldita na ata
ako? may pagka war freak na ata ako. Para akong
sinasapian kapag kaharap ko yung Jeydon na yun.
Sino ba naman kasing hindi maasar sa kayabangan
at ka preskohan niya?! akala
niya lahat ng tao makukuha niya. Well, sad to say,
hindi ako yun. Hinding hindi ako mag kaka gusto
sa lalaki na yun! NEVER!
Pabalik na ko ng room math na naman, classmate
ko nga pala yung Jeydon na yun! AHHH! badtrip
naman oh, maiisip ko pa lang yung nilalang na
yun, nababadtrip na ko. AKO may gusto sakanya?
at stalker niya?! hiyang hiya naman yung
dictionary sa kapal ng mukha niya. Kahit naman

ganito itsura ko may karapatan pa din akong
pumili ng gugustuhin ko. Eh sa ayaw ko talaga
sakanya kahit na gwapo siya. Gwapo nga masama
naman ugali, wala din.

Nasa hallway na ko papuntasa room kaso
nadaanan ko yung music hall. Narinig kong may
nag pi-piano, Sino kaya yun? Tingin ko maaga pa
naman para sa next subject ko eh, kaya manunuod
muna ako kung sino yun. Sarap kasi pakinggang
eh.

NGANGA.

Si Marky! Si Marky ng buhay ko yung nandito.
Walang tao maliban sakanya, yung ilaw nakapatay
at sa stage lang meron. Buti na lang pag pasok ko
hindi niya ko napansin nag tago ako dun sa gilid,
yung hindi niya ko makikita. Shete talaga! ang
GWAPO niyang nilalang! tapos ang galing niya pa
mag piano. Nung nag pasabog ba ng ka gwapuhan
at talent si Lord, gising na gising siya? ako kasi
tulog eh.
Huminto siya, hala baka nakita niya ko?

Nakahinga naman ako nung tumugtog ulit siya.

All my life ni Jojo

"I will never find another lover sweeter than you,
Sweeter than you
And I will never find another lover more precious
than you
More precious than you
Girl you are close to me you're like my mother,
Close to me you're like my father,
Close to me you're like my sister,
Close to me you're like my brother
You are the only one my everything and for you
this song I sing"

Deads na talaga puso ko! tulo laway pa sa ganda
ng boses niya.Ngayon ko pa lang siya narinig na
kumanta ng malapitan. Para siyang anghel na
nahulog mula sa langit. Thank you po Lord kasi

nilaglag niyo dito sa earth etong anghel na 'to,
hehe. Lalo akong nag kaka gusto sakanya, wala na
sakin kung isa siya sa APAT, para sakin naman
hindi siya bad boy.

"And all my life I've prayed for someone like you
And I thank God that I, that I finally found you
All my life I've prayed for someone like you
And I hope that you feel the same way too
Yes, I pray that you do love me too"

"I said you're all that I'm thinking of.....baby." woo
sarap kumanta.

Oh shet na malagket! Napalakas pag kanta ko sa
isip ko. I'm so DEAD, double dead.

"SINO YAN?!"
"Meowww.. meoww?" yan na yung pinaka stupid
na palusot na naisip ko. Ewan ko sayo Candice,
ang tanga mo! wala na patay ka na talaga.

"Pusa lang pala akala ko kung ano na." Napakamot
na lang siya ng ulo niya. Akalain mo nga naman
yun oh? lumusot pa sakanya yun? wahaha.
Tahimik akong lumabas ng music hall. Hay nako!
buti hindi niya ko nakita kung hindi, lagot na ko.
Mas matatawag ko pang stalker yung sarili ko pag
dating kay Marky pero hinding hindi dun sa Jeydon
Lopez na yun.
"Huy!"
"Ay kalabaw!" Ano ba yan? lagi na lang may nang
gugulat sakin.
"Kanina palaka, ngayon kalabaw?" kung
mamalasin ka nga naman, siya na naman nakita
ko. "At anong ginagawa mo dito?! di ba may class
na tayo sa math?!" tinignan ko yung relo ko, hala
late na ko ng 30 mins. Lagot ako neto, mag kaka
detention ako.
"Ha? wala nag cr lang." Inis pa din ako sakanya.
Tumakbo ako papalayo, kaso narinig ko siyang nag
salita.
"Ano bang meron dito sa music hall? dito ka galing
eh." bumalik agad ako, pinigilan ko siya.
"WALA!!! wag mong buksan may teacher dyan!"

Hindi niya pwedeng makita si Marky sa loob,
malalaman niyang si Marky yung pinuntahan ko
dun at worse case scenario baka sabihin pa netong
Jeydon na to na galing ako sa loob tapos
malalaman ni Marky. Iisipin nila na stalker talaga
ako ni Marky tapos iiwasan niya ko kasi iisipin niya
na creepy stalker ako. Wah! hindi pwede! hindi pa
nga niya ko nakikilala tapos lalayuan na niya
ko? Wala na! at kung sa baboy yun, double dead.
Huhuhu!! OA ko na masyado tama na nga.
"Bakit parang pinag papawisan ka?"
"Ha? eh mainit kasi! halika
na nga! pasok na tayo!" hinila ko siya papalayo sa
tapat ng music hall kahit labag sa loob, ewww!
mamaya isipin na naman niya may gusto ako sa
kanya sa ginagawa ko ngayon. Ayoko lang naman
na malaman nila na crush ko si Marky kasi for sure
aasarin nila ko lalo na si kuya!
"Hoy panget na nerd! bitawan mo nga ko! sinong
nag bigay sayo ng karapatan na hawakan ako?"
psh! akala mo gusto ko 'to? diring diri na nga ako
eh. "Umamin ka na kasing gusto mo ko! baka
payagan pa kita." No thanks, buti kung ikaw si
Marky. Binitawan ko siya, sakto nasa room na
kami.

"Jeydon! Candice! you're 35 minutes late!" galit na
galit si sir samin. Kinakabahan ako, ngayon pa
lang ako na late sa klase ko buong buhay ko. Nerd
ako at grade conscious kaya never akong absent o
late.
"Sir sorry po. Kasi po--"
"Sir, sorry po na late ako nahuli ko pa kasi tong si
Candice na mag ditch ng class kaya hinabol ko
tapos hinila ko pa punta dito." ANO?! saan naman
niya nakuha yan?
"Hindi yan totoo! Nag sisinungaling siya sir!"
"Im disappointed at you Candice. Thank you
Jeydon for telling me what happen." weh? naniwala
siya kay Jeydon? imbis na sakin? hindi nga? Wah!
anong nangyayari?! huhuhu. "Eto detention slip,
ako na mag sasabi sa parents mo about this, now
go Candice."
"Sir! paano si Jeydon?! late din siya! tska hindi--"
"Candice! maling idamay mo pa si Jeydon dito,
kung hindi dahil sakanya, hindi ko malalaman na
mag ditch ka ng class. tNgayon pumunta ka na oh
isa pang detention?" pumasok siya sa loob.
"Behlat!" tapos kumindat siya! AHHHH! badtrip ka
talaga Jeydon! tinignan ko lang siya ng masama,

pero tawa lang siya ng tawa. Nang asar pa, potek
talaga.

Padabog akong pumunta sa detention room.
Nakakainis naman! Huhu! Buiset yung Jeydon na
yun! napaka BADBOY talaga! ang sama ng ugali,
ako pa binaliktad. Ang galing niyang gumawa ng
kwento ah? Dapat mag padala siya ng sulat kay
ate charo eh. At yung tangang teacher ko naman
mas naniwala pa sa mokong na yun! pambihira.
Ano ba tong mga sinasabi ko? pati teacher na
tanga ko na, ang bad ko na din ba? ganun ba
kalakas virus nun ni Jeydon na pati ako nahahawa
sa kasaaman ng ugali niya?
Pag pasok ko dun, usual student, isang natutulog
sa class, isang nag ditch, at isang nanuntok ng
another student. Never in my dreams na nakita ko
yung sarili ko dito, napaka bait ko kaya. Gumulo
lang buhay ko dahil sa APAT na yun eh. Lalo na
dun sa Jeydon na yun! Hari talaga ng bad boy yun.
Kaylangan ko pang mag hintay ng another One
hour, Great, mag lalakad na naman ako pauwi.
Ayoko naman mag commute, maligaw pa ko. Hay
nako, kahit i-text ko pa yung MAGALING KONG
KAPATID na hintayin ako, hindi niya ko hihintayin.
Ayoko din na malaman niya na na detention ako.
Aasarin na naman niya ko.

After ng detention ko, umuwi na ko. Nag lalakad sa
napaka init na weather ng pilipinas.

"Nerd na panget!" hindi ko siya nilingon, kilala ko
na kasi boses ng nilalang na yan eh. Hanggang
uwian ba naman? iinisin niya ko! Ghad! Lubayan
niya naman ako oh.
"Hi candice! Need a ride home?" napalingon ako
kasi hindi na si Jeydon yung nagsalita, nakita ko si
Troy. OMO! pati si Marky nasa likod ng kotse ng
nilalang na to. "Sabay ka na samin, pupunta din
kami sa inyo eh." whaaa? samin? bakit? OH NO!
pero naisip ko lang, kapag sumakay ako,
makakatabi ko si Marky sa likod! wahaha. Sige na
nga, choosy pa ba ko?
"Okey." Biglang bumaba si Troy sa harapan. "Oh
bakit ka bumaba?"
"Dito ka na sa harap." Ha?! kaya nga ako pumayag
na sumabay sakanila kasi alam ko makakatabi ko
si Marky tapos yun pala hindi! ARGHHHH! at ano?
makakatabi ko si Jeydon?
"Ayoko nga makatabi si Jeydon! mag lalakad na
lang ako!" lahat sila nanlaki yung mata sa sinabi
ko.

"Whoa."
"Ang arte! Troy pumasok ka na nga!" pumasok
naman si troy. "Wag ka nag mamaganda ha!"
Mag sasalita pa lang ako pero pinaandar na ng
mabilis ni Jeydon yung kotse aT sa bilis nun,
natalsikan ng tubig yung damit ko at pati mukha
ko! EWWW!! Letchugas! Sinadya niya talagang
gawin yun! AHHH! badtrip ka! at ako nag
mamaganda? eh sa ayoko tumabi sa kanya eh.

--

"Ma.. andito na ko!" sumalubong sakin si cholo, "Hi
baby!"
"Anak, may bisita tayo, andito mga kaibigan ng
kuya mo." baka buisita? tss.
Pumunta ako sa kusina, nag luluto si mama ng
brownies. YUMMY! favorite ko kaya yan! teka ilan
ba yan? APAT?! eh andito yung tatlo, wag mong
sabihin na..
"Dahil sa detention mo kaya hindi kita sinama, yan
ang punishment ng baby girl ko. Mag uusap pa
tayo, pero dalhin mo na muna to sa sala mag

luluto pa ko ng pang dinner natin." mag sasalita pa
lang sana ako pero pinigil na ko ni mama. "Wala
ng pero pero! Go!" sabi ko nga po eh.
Pag punta ko sa sala, nag lalaro sila ng PS3.
Napatingin silang lahat sakin, shete parang na
ilang ako bigla? at kelan pa ko na conscious? Tss.
"Kamusta detention lil sis?" tinignan ko siya ng
masama. Sa harap pa ng tatlong to gusto niyang
pag usapan yun? Oh kuya Charles napaka sweet
mo talaga nuh? Ipahaiya ba ko sa harap ng mga
kaibigan niya. Charles yan eh! Only Charles
Gonzales can do that.
"Okey lang naman kuya, atleast isang beses na
lang ako ma gaganun kumpara sa IBA dyan na
halos laging andun. Oh brownies." malakas loob ko
maging sarcastic kasi nasa bahay ako at isa pa
naka headphone si Marky kaya okey lang pero sa
totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit kapag
nasa harap nila, nag iiba ako. Yung tahimik, na
nerd na mahiyain, nagiging maingay at mapang
asar. Virus talaga 'to ni Jeydon eh, ang bad boy
virus na kapag nahawa ka magiging bad ka na din.
"Teka! bakit tatlo lang to?! sabihin mo kay mama
kulang ng isa."

"Hindi ah? sakto lang." nilapag ko yung masasarap
na brownies sa mesa, huhu gusto ko din eh! "Isa
sayo, kay Troy, kay Mar-marky at isa sakin. Oh di
ba sakto?" nag smile ako sakanya, tumingin ako
kay Jeydon ang at ang sama ng tingin niya sakin.
"MAMA si Candice kinuha yung isang brownies!"
ang ingay! buiset.
"Oh ayan na nga! parang kang isip bata!"
nakakainis. Kahit pala anong gawin ko, talo talaga
nila ako pag dating sa pang iinis, hindi naman ako
BAD GIRL katulad nilang mga bad boy. Hindi ko
lang alam bakit ganun lumalabas minsan sa mga
bibig ko.
Narinig kong tumawa si Jeydon at Troy! Potek!
mag sama kayo! BADBOY!
Umakyat na lang ako kwarto ko. Maya maya
kumatok si mama..
"Anak? bakit ka naman mag ditch ng class mo
kanina? may problema ba? hindi ikaw yan?" hindi
talaga.
"Ma, na late lang po ako, kasi nakita ko kasi si
Marky sa music hall eh, kaya ayun! Wah!
kasalanan ko ba?" ngumiti sakin si mama. "Ano
yang ngiti na yan?" alam kasi ni mama na crush ko
si Marky, like crush, BIGTIME >.<

"Wala lang, okey sige hindi na kita papagalitan.. so
nag usap ba kayo ni Marky?" kinikilig kilig pa siya.
"Hindi nga mama eh! tska napaka snobero nun at
isa ayoko din siya kausapin baka mautal utal pa ko
ma. Mas okey na yung pinag mamasadan ko siya
sa malayo.. hehe." niyakap ako ni mama.
"Good kasi ayoko masaktan ka! crush lang ha?
wag mahal mahal. I don't want you to be hurt.
Dito ka lang ba? gagawan kita ng brownies?"
"Wag na po mama, gagawa pa ko ng homework
eh."
"Okey, i love you Candice."
"I love you too mama."

Wala naman talaga akong homework, ayoko lang
bumaba sa dalawang dahilan, UNA, ayoko makita
yung NILALANG na nag ngangalang JEYDON.
Pangalawa, ayoko makita ako ni marky, dahil
clumsy ako at ayoko may magawang stupid sa
harap niya >.<
May nag beep sa phone ko..

FB notification..

Waaaaa!! ano to???

4: Facebook

FB notification.

Jeydon Lopez added you as a friend.
Troy Mendoza added you as a friend.
Marky Lim added you as a friend.

Waaaaa!! anong kalokohan to?! bakit nila ako
inadd sa FB? yung tatlong SIKAT sa school namin, i
aadd ang isang nobody na katulad ko?
Tska bakit sabay pa sila ha! hmm.. add ko ba? NO
WAY! bakit ko yan i-add? hindi pa ko nababaliw,
pero paano na lang si marky? ang tagal ko siyang
gustong maging friend sa FB pero hindi ko magawa
kasi nahihiya ako. AHHH!!! bakit pa kasi sumali si
Jeydon, kung wala siya, okey na sana eh. Hindi ko
naman pwede i-add lang si marky, mahahalata

ako, at ayoko din i-add si troy! womanizer yan eh
>.<
Teka nga... kay Jeydon lang naman ako inis eh, at
kapag inaccept ko yung dalawa, at siya hindi,
sigurado akong ma aasar yun!! WAHAHAHA! tama.
That way friend ko pa si marky.

Candice Gonzales is now friends with Troy
Mendoza and Marky Lim.

Gusto ko sanang i stalk yung profile ni marky eh,
kaso.. wag na lang.. baka may hindi pa ko
makitang maganda eh >.<
Naligo ulit ako, sobrang init eh, paano kasi andito
si marky eh >.< yung six pack abs niya, yung
brown eyes niya, yung ngiti niya, yung braso niya,
pati yung messy hair niya! waaa shete! witwiw!
SEXY!
Nag madali ako maligo kasi naramdaman ko na na
gugutom na ko.
Pag labas ko ng cr sa kwarto ko, waaaa!! si cholo!
kagat kagat yung pink na undies ko!
"Baby!! ibaba mo yan!!"

"roooo!"
"Bad dog! akin na yan.." lumapit ako sakanya,
pero tumakbo siya palabas, naalala ko nasa sala
pala sila kuya, waaaa! baka makita nila yung
undies ko! anong gagawin ko?! kinuha ko agad
yung towel ko tapos pinulupot ko katawan ko, sa
pag mamadali ko hindi na ko nag suot ng damit.
"CHOLO!!!"

"Witwiw.."

Wha?

Nakita nila ko, naka tapis lang... paalis na pala
sila! pag baba mo kasi ng hagdan andun yung
pintuan, unlike sa sala na may seperate na kwarto.
Ang malas ko naman >.<

"Hoy manang! anong scandal yang ginagawa mo?!
mag suot ka nga ng damit!" lahat sila nakatingin
sakin, at itong Jeydon parang minamanyak ako sa
isipan niya!! waaaaa!! nakakainis naman. Nung

tumingin ako kay marky, umiwas siya ng tingin
sakin, ang gentleman talaga unlike dun sa isa.
"Ingat kayo.." sabi ni mama mula sa likod ko, "Oh
my Ghad candice! bakit naka ganyan ka sa harap
nila?"
"Inaakit kasi ako eh.." pabulong lang sinabi yun ni
Jeydon pero rinig na rinig ko pa din.
"Hoy anong inaakit kita?! kapal mo Jeydon!"
"Ano?" Lahat sila nag tanong.
"Sabi kasi ni Jeydon inaakit ko daw siya! hindi
naman eh! kasi si cholo ano.."
"Hoy manang! wag ka nga mag pahalata na may
gusto ka kay Jeydon!" hindi ba nila narinig?
Sigurado akong narinig ko yun!! at ako may gusto
sa nilalang na yan?! YUCK EWWW!
"Sige na, umuwi na kayo, ako na bahala kay
candice.. Ingat kayo!"

"Thank you po tita Candy.." lahat sila nag paalam
na. Hinarap ko si mama ang sama ng tingin.

"Ikaw babae ka, ganyan mo ba gustong makuha si
marky? Ghad baby! ang panget tignan!"
"Mama! hindi po! kasi si cholo kinuha yung undies
ko, natakot ako makita nila kuya kaya tumakbo
agad ako pababa, hindi na ko nakapag bihis.."
"Hay nako! umakyat ka na dun at mag bihis, buti
na lang, mga best friends ng kuya mo yung mga
yun, for sure hindi ka nun aasarin.. haha! luto na
ko ah?"

Kung alam mo lang mama, yung tahimik kong
buhay sa school, gulong gulo na dahil sa mga
yun!! AHHHH! badtrip talaga. Sana nga hindi na
lang sila nakakita eh, ano kaya iniisip nun ni
marky? Ahh! nakakahiya >.<
Umakyat ulit ako sa kwarto ko.

Nag beep yung phone ko..

New FB notification.

Troy Mendoza tagged a photo of you.

Ano kaya to?

WAAAAAA! magugunaw na ata mundo ko!! NO
WAY!!
Witwew! ang Lil Sis ni Charles, all grown up!
LOL
Ako to, yung nahulog ako.. ay mali, tinulak pala
ako ni charles sa kotse tapos nasubsob ako sa
sahig at nakita nila yung pink undies ko! ang SAMA
niya!! bakit niya to nilagay sa FB! at naka tag pa
ako!! waaaa!! nakakahiya!
Akala ko pa naman medyo okey siya.. wait teka,
ano pa bang aasahan ko? eh BAD BOYS nga sila
eh, B-A-D! kahit kapatid ko ganun, ano pa aasahan
ko sa tatlo? sana si marky walang gawin na
masama sakin. HUHU.
Tinanggal ko agad yung pag kaka tag sakin,
tinanggal ko sa friend's list ko si troy, at pati si
marky. Wrong move ata ginawa ko eh T__T
Ano ba kasing pumasok sa isip ko at kinausap ko
sila, bakit ko sila inaway at pinatulan?! at what the

hell? bakit ngayon inaasar nila ko, pinapansin? eh
sa tatlong taon ko sa school namin, para lang
akong hangin sakanila, ni hindi nga nila alam
pangalan ko eh, alam lang nila, kapatid ako ni
charles. >.<

Humiga ako sa kama ko.. alam ko! kaylangan ko
lang bumalik sa dating ako, tama tama.. hindi ko
sila papansinin, kakausapin, kahit tignan. Sana
mabalik yung tahimik kong buhay bukas! hindi ko
ata kakayanin yung maging sikat, sikat sa
katatawanan sa school.

**

"Bakit ang aga mo? hindi pa gising kuya mo.."
"Mag lalakad kasi ako mama.."
"Ha? bakit? may kotse naman tayo eh! dahil ba sa
kahapon? ako na lang mag drive sayo baby?"
"Wag na mama, gusto ko din kasi mag exercise
eh.." Eto na yung first step ko para mabalik yung
tahimik kong buhay, lumayo kay charles sa school,

syempre hindi totally, mahal ko yang unggoy na
yan kahit papano! haha.
Pagkatapos na pagkatapos ko pa lang kumain,
umalis na ko, saktong bumaba si kuya.
"Huy! hintayin mo ko!"
"Maglalakad ako, una na ko! Bye mama! Bye
unggoy!" he just rolled his eyes and leave.

Habang nag lalakad ako, may huminto na
sasakyan sa harap ko, Chevrolet Silverado
3500HD. OMG! ang gandang truck, kulay red pa.
Mahal neto eh! Sino naman kaya to? binaba niya
yung bintana ng kotse niya..
"Candice, okey ba yung photo na.. na post ko sa
FB?"
Anak ng kalabaw! si troy!! biglang umusok yung
ilong ko pati tenga sa nakita ko ngayong umaga,
hays.. sana pala sumabay na ko kay charles.
Hindi ko siya pinansin, naglakad na ko, habang
naglalakad ako, unti unti din niyang pinapaandar
yung kotse! waaa! leave me alone! huhu.
"For sure, mapapansin ka na ng mga tao sa school,
hindi ka na nobody, hahaha! ang ganda mo nga

dun eh?" G*go ba siya? maganda? eh nakaka
bastos nga yun eh.
"Alam mo, ayoko mapansin ako ng mga tao,
masaya akong maging nobody! at pwede tigilan
niyo na nga ko! LEAVE ME ALONE!!!" tumakbo ako
papalayo! nag iba ako ng way para hindi niya ko
masundan. Umuusok na naman ata ilong at tenga
ko sa galit nung sinabi ko yun, nagulat siya, ewan
ko kung natakot siya sakin.
Kahit sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko na sila
papansin, hindi ko ata mapigilan sa sobrang asar
ko sa mga yun. Ang lakas nila mang inis eh, no
wonder, BAD BOY nga sila, at yung mga na bully
nila ng sobra, ayung umalis na lang ng school.

Maaga pa, wala pang msyadong tao, teka bakit
ang aga din ng troy na yun? eww. The hell i care?
haha.

"Ms. Gonzales, can you do me a favor?" yung
teacher ko sa science to ah, si sir jason.
"Yes sir?"
"Gusto mo ba ng extra credit? i heard kasi na
detention ka, and big no no yun sa pagiging

valedictorian mo.." Good thing he asked! Wuhooo!!
nakahinga ako ng malalim.
"Anything sir.." i said smiling from ear to ear.
"Pwede mo bang i tutor sa science si Mr. Troy
Mendoza? ikaw kasi ang pinaka magaling kong
student sa science eh.. and i need someone to
tutor him.. i guess is that a yes?"
OH THE HELL NO! ayawwww ko!! HUHU. pero
paano na lang yung pagiging valedictorian ko? at
mukhang wala din naman ako magagawa..
"Okey sir.." hays.
"Great! and paki sabi na lang sa kanya okey?
thank you so much, i will give you more credits!"
siya na nga may favor ako pa mag sasabi? hays..
napaka sipag mo sir.

Paano ko na sila iiwasan? at takte yung lalaki pa
na yun? bakit hindi pa si marky? ehh. Matalino kasi
yun eh >.<

Time na, Pumunta na ko sa class ko.

Lahat sila nag titinginan sakin, tapos sa mga phone
nila. Alam ko na bakit T___T lintek.

"Candice, nice undies!" sabi nung classmate ko na
lalaki, HE! manyak! lagot ka talaga saking troy ka!
buiset.
"Grabe pati ba naman undies pinapakita kay
Jeydon para magustuhan siya?"
"Oo nga eh.."

"HINDI KO GUSTO SI JEYDON!!!"

"Ms. Gonzales, are you okey?" lahat sila nakatingin
sakin, pati si Ms. andrea, teacher ko sa english.
"Sorry mam.."
Sumasakit na ulo ko grabe naman!
May nag beep na naman sa phone ko, FB NOTIF.

Jeydon Lopez added you as a friend.

Kelan ba siya titigil? seriously? Sa lahat ba naman
ako pa pinag ti-tripan nila? at etong magaling kong
kuya naman, walang ginagawa! LINTEK!!
Buong klase, wala akong naiintindihan. hays, sa
sobrang inis at asar ko. Yung Jeydon na yun, yung
Troy na yun! Yung magaling kong kapatid na si
Charles!! AHHH! buti wala pa si Marky dahil hindi
ko na kakayanin kung sasali pa siya sa chaos na
meron ako ngayon T___T
Nung lunch na, nilapitan na naman ako ni sir
jason, reminding me na sabihin ko na daw kay troy
ngayon para maka simula na kami mamayang
uwian.. Hays, hindi ako nilulubayan ng tingin eh,
kakainis! Alangan pa ko lumapit sa APAT na yun sa
canteen, isama mo pa yung mga tingin ng mga
classmates ko, nag tatawanan, parang nadidiri
sakin, na weirdohan. HUHU.

"Sabi sa inyo eh.. may gusto talaga sakin yung
kapatid ni Charles.." yabang talaga ng Jeydon na
to. Pfft!
"Excuse me lang ha.. hindi ikaw yung pinunta ko
dito.."
"Whoa! tablado ka brad! haha hi candice!" pa hi hi
ka pa dyan troy! napaka sama mo para i post yung

picture ko na kita undies ko! mag babayad ka. Ang
sama lang ng tingin sakin ni Jeydon, si kuya nag
tataka, si marky, as usual naka headphone, naka
tingin sa malayo, asa pa kong titignan niya ko.
"At ikaw! IKAW yung pinunta ko dito! kelangan
daw kita i tutor sa science, pumunta ka na lang sa
bahay maya.."
"Wha??" nagulat ka pa! kung ginagalingan mo kasi
sa science, hindi na kita itu-tutor!
"Hoy candice! di ba sabi ko sayo, wag mo ko
pinapahiya sa harap ng mga tropa ko?"
"At paano kita pinapahiya?"
"Yang mukha mo kasi kahiya hiya.." nag tawanan
sila, pati si marky nakita kong tumawa. Kainis ka
Charles!!!
"Haha! dapat kasi candice, nag PM ka na lang sa
FB.. kesa lumalapit lapit ka pa saming mga sikat.."
sabi ni troy.
"Eh kasi.." mag sasalita pa lang ako, umepal na to
si Jeydon.
"Sabihin mo kasi gusto mo ko makita! hahah..
amin amin din di ba?" tumayo siya, lumapit siya
sakin.

"Ikaw charles, Mukha ko kahiya hiya? mahiya ka
na din, dahil mag kamukha tayo! at IKAW lalaki
ka! NEVER AKONG MAG KAKA GUSTO SAYO! N-EV-E-R!!!"

Umalis ako dun, lahat ng tao naka tingin na samin.
Bakit ko na naman sila pinansin at inaway? bakit
hindi ko mapigilan? waaaaaa!!!

nag beep na naman phone ko..

FB MSG.
Jeydon Lopez: Humanda ka sakin! kapal mo! never
din kitang magugustuhan! THIS IS WAR!

Uh-oh.. wrong move >.<
5: Trouble

*Dingdong*

"Candice paki bukas yung pintuan! may ginagawa
ako.."
"Opo mama!"

Pag bukas ko, nagulat ako. Hindi dahil nasa harap
ko ngayon si troy, inaasahan ko naman talaga siya
eh, ang kinakagulat ko.. bakit andito si Jeydon?
si JEYDON LOPEZ?! my mortal enemy. Oo mortal
enemy ko na yan.
"Anong ginagawa ng nilalang na yan dito?"
"Hindi ka ba masaya na andito ko? candice my
loves?" MY LOVES?! ewww yuck. Tinignan ko lang
siya na para akong nandidiri sakanya.
"Kasi.. sama daw siya satin mag aral eh.."
"Alam ko ikaw lang pinapa tutor sakin ni Sir jason,
hindi yang kutong lupa na yan! pasok!" tumingin
muna siya kay Jeydon bago pumasok sa bahay
namin. "At ikaw?! LAYAS!"

"Ang sama mo naman! sasama lang naman mag
aral eh.." nag pout siya. Anak ng teteng! nag papa
cute ba siya sa harap ko? kadiri! akala mo kung
sinong anghel, sus ang sama naman ng ugali.
"Sama na ko please.."
"Bakit para asarin ako?! akala ko ba this is WAR
ha?! eh di war! akala mo hindi kita papatulan
porket ikaw yung HARI ng school?! ewww.. bahay
ko to kaya wala kang magagawa! tsupi!"
Sinara ko na yung pinto bago pa man siya
makapag salita. Alam ko ang bad ng ginawa ko
sakanya, eh bagay lang sakanya yun, mas bad pa
nga siya sakin eh. Aasarin at iinisin lang niya ko.
Buti nga sakanya.. tska ano bang meron sakanya?
akala ko galit siya? akala ko mag kaaway kami?
tapos biglang gusto niyang sumama samin?
BIPOLAR ba siya? siguro may binabalak na naman
na masama yun.
"Bakit ba galit na galit ka kay Jeydon? akala ko ba
gusto mo siya?"
"AKO?! HAHAHA.. wala akong gusto dun! pwede
ba.. at bakit hindi ako magagalit? epal siya sa
buhay ko! at pati ikaw! pasalamat ka utos to ng
teacher ko!"
"Aw ganun.. so hindi din pala tayo friends?"
nakangiti pa siya habang nag tatanong. Kahit cute

siya, hindi ko maiwasang magalit, sa picture pa
lang na nilagay niya sa FB eh.
"No and we will never be!" umakyat ako sa kwarto,
kinuha ko yung mga libro ko. Ganun ba siya kahina
sa science? at kelangan pa niya ng tutor? hays.

Pag ka baba ko, nag simula agad kami.
Nakakainis, sabi ko kasi hindi ko na sila kakausapi,
hindi ko na sila papatulan pero ewan ko ba! kapag
sila yung kaharap ko hindi mapigilan ng bibig ko
na patulan yung mga pang iinis at pang aasar nila
sakin, sa totoo lang hindi naman ako ganun eh,
usually kapag inaasar ako sa school, dedma lang
ako.. tska wala naman nang aasar sakin dahil
takot sila sa kuya, pero ngayon?! halos lahat ata
ng studyante samin, tingin sakin, nerd na panget,
weirdo, at may GUSTO KAY JEYDON! YUCK! siguro
hindi na ko pinag tatanggol ng kuya ko, kaya
ganun, ano pa ba aasahan ko?! mga kaibigan niya
yung nangungunang asarin ako, tska hindi ko
nakakalimutan na BAD BOY siya at isa siya sa
APAT.
Mga dalawang oras na kaming nag aaral ni troy,
okey naman siya eh, kabisado naman niya yung
mga formula sa bawat problems, eh bakit kelangan
pa niya ng tutor? siguro sinabi niya kay Sir Jason

na kelangan niya ng tutor at ako yun, para ma inis
nila ko. Hmmpf!!
"Ang galing mo naman na tutor! nag mukhang
madali sakin.."
"Sus! alam mo naman yan eh! sinadya mo to! para
mainis ako! di ba? di ba?"
"Whoa.. easy ka lang candice, hindi ah! si Sir
talaga nag sabi, tska mababa grade ko sa
science.." ang galing niya mag panggap ha.
Sabagay, kilabot na bolero to eh, malamang
magaling siya mambola at manloko ng tao.
"Whatever!" tinarayan ko lang siya, niligpit ko
yung mga ginamit namin libro tska papers.
"Alam mo akala ko tahimik ka lang, hindi ko nga
alam na nag sasalita ka pala? haha.. grabe war
freak ka pala!"
"Tahimik talaga ako! tahimik yung buhay ko! pero
simula ng umepal kayo sa buhay ko gumulo na
lahat! AHHHH!! hindi ako war freak! kung
lulubayan niyo ko tatahimik na buhay ko!!"
"Hindi pwede sabi ni Jeydon asarin ka daw namin
eh.." ang sama talaga ng ugali niya!!
"At bakit ha?! ano napapala niyo dyan?!"

"Natatawa kasi kami kapag nakikita namin yung
mukha mo na na aasar! haha!!" pwede ko kayang
sapakin to?! bahay ko naman to eh. Isa lang,
nakaka inis eh! "Tignan mo na iinis ka na agad!
wala pa nga akong ginagawa!"
"Sa mukha mo pa lang na iinis na ko! umalis ka
nga dito!!"

Hinila ko siya palabas ng bahay, ang bigat pala
neto, pfft! pag dating namin sa pinto, tinulak ko
siya ng malakas na malakas, na subsob tuloy siya
sa sahig. Buahaha! masama na kung masama pero
bagay lang yan sakanya, natatawa pala ha!?
"HAHAHAHA! nakakatawa ka!"
"Grabe! amazona ka na pala! di yan patas!"
"Patas?!" bumalik ako sa loob ng bahay, kumuha
agad ako ng tubig.. pag balik ko binuhusan ko siya
ng tubig. "Yan ang patas! ALIS! umalis na kayo sa
buhay ko!! AHHH!!" bago ang lahat kinuhanan ko
siya ng picture na basang basa at naka subsob sa
sahig.
Sobrang lakas ng pagkasara ko sa pintuan, akala
ko masisira na eh. Buahaha!! akala mo hindi ako
makaka ganti sa nilagay mong litrato sa FB?

hahaha.. ano kayang sasabihin ng mga chicks
mo TROY MENDOZA kapag nakita nila to?

"Umuwi na ba si troy? nag baked pa naman ako ng
brownies.."
"Oo ma, nag mamadali ata, akin na lang yan?
hehe.." kinuha ko yung brownies ko, isa sakin at
isa pa ulit sakin! haha. Buti umalis na yung troy na
yun.
"Candice, pupunta lang akong grocery ah, kaw na
bahala sa bahay."
"Okey ma! si kuya pala?"
"Mamaya pa daw eh, sige bye baby.."

Yes wala yung asungot na yun sa bahay! Wahaha..
kinuha ko yung ipod ko, kapag andito kasi yung
napaka galing kong kapatid, hindi ako makasabay
sa kanta sa ipod ko, maganda naman boses ko!
Hmmpf. Ayaw niya kasi sa one direction eh! Sus if i
know, insecure lang siya kasi gwapo nila, lalo na si
zayn malik! haha. Nilagay ko sa tenga ko yung
earphone, naka maximum volume.

Ano ba magandang kanta? ah eto.. Live while
where young.
"Hey girl, I'm waitin' on ya, I'm waitin' on ya
Come on and let me sneak you out
And have a celebration, a celebration
The music up, the window's down"
Wapakels kung malakas pag kakanta ko, ako lang
naman tao sa bahay eh. At for the first time,
walang asungot na sasaway sakin na kumanta.
Wahaha!
"Yeah, we'll be doing what we do
Just pretending that we're cool
And we know it too
Yeah, we'll keep doing what we do
Just pretending that we're cool
So tonight"
Wooo ang ganda ng boses ni zayn malik! haha..
tumayo ako, nakapikit pa din yung mata ko,
kumakanta tska sumasayaw. Feel na Feel ko eh!
"Let's go crazy, crazy, crazy till we see the sun
I know we only met but let's pretend it's love
And never, never, never stop for anyone
Tonight let's get some
And live while we're young"

Pag kamulat ko ng mata ko, nakita ko sila kuya
tska si Jeydon, pinag tatawanan ako. WTF?!
Bumilis yung tibok ng puso ko, kanina pa ba sila?!
tinanggal ko agad yung earphone ko.

"Directioner ka pala Candice my loves!"
"Shut up! bakit andito ka?! lumayas ka nga dito!!"
"Hoy bakit sayo ba tong bahay?! bisita ko siya."
sabi ng napaka galing kong kuya.
"Whatever!" umalis agad ako, umakyat sa kwarto
ko.

Kelan ba mawawala sa buhay ko yung lokong
yun?! makita ko pa lang kumukulo na yung dugo
ko eh. My loves pa tawag niya sakin? Ewwww.
Kahit gwapo siya, hindi ko siya gusto.. kasi si
marky yung gusto ko...
Oo nga pala, yung picture ni troy, haha! ma upload
nga...

Caption: Nice one Troy Mendoza. Lampa ka pala?!

Yan quits na tayo. Haha, naka public pa yan para
lahat makakakita.

"Hi candice my loves?" waaaaa!!
"Shut up!"
"Bakit ba galit na galit ka sakin? ganyan ka ba mag
pa kita ng pag ka gusto sa isang lalaki?"
"Ha? asa ka! umalis ka nga dito! bastos! kwarto ko
to!!" lumapit pa siya lalo sakin.
"Gusto mo ko di ba?" hinagisan ko siya ng
unan,ayaw pa din niyang umalis. Ahhh!! kelan ba
niya ko titigilan?
"HINDI!!! hinding hindi! umalis ka na!"
Tumayo siya, tumayo din ako para i lock yung
pintuan, pag ka tayo namin, dumating si cholo,
tapos tumalon siya kay Jeydon!
"Ahhhh!" natumba siya, at nadadaganan niya ko.
"Waaa! umalis ka sa harapan ko!" yung.. yung
katawanan namin.. mag kaharap.. waaa!! ano to!!
yung mukha niya naka harap sa mukha ko. Brown
eyes pala siya >.<
"Paalisin mo nga yung aso mo sa likod ko!"

"Cholo! alis! ahh! ang bigat mong kupal ka!"
"Wag kang gagalaw.. mamaya mahalikan kita eh!"
biglang bumalik sakin yung nangyari sa janitors
room, hinalikan niya ko! tapos ngayon nag babalak
na naman siya! may gusto ba siya sakin?!
"ANONG NANGYAYARI DITO?!"

Si cholo nakapatong kay Jeydon, si Jeydon naka
patong sakin, mag kaharap yung mga mukha
namin. GREAT!

"Kuya paki alis si cholo! nadaganan kami eh!"
"Cholo halika nga.."

Pag kakuha ni kuya kay cholo, tinulak ko agad si
Jeydon palayo.
"Dre, una na ko! bukas na lang tayo mag
practice.."
"Ge JD, paki sara na lang yung pinto tska gate
ah.."

Pag ka alis ni Jeydon sa kwarto ko, ang sama ng
tingin sakin ni kuya.
"Ano yun ha?!"
"HA?! alin?" ano bang pinag sasabi niya?
"Akala ko na mag ka away kayo?"
"Oo nga! siya lang naman tong dikit ng dikit sakin
eh! yuck!" binatukan niya ko. "Ouch!"
"Lakas mo mag ilusyon eh! basta layuan mo siya..
silang tatlo.."
"Silang tat-tatlo? bakit?" bakit kasama si marky
>.<

"Mga player yan, ma trouble ka lang, at pwede
alisin mo na yang pag ka gusto mo kay JD, o kahit
kanino sa tatlo.."

Waaaaaa!!! paano si marky? >.<
6: Manwhore

Wala naman masyadong nangyari sakin ngayong
umaga, nag decide na ko na araw araw mag
lalakad papasok sa school, malapit lang naman
kasi samin yung school namin, ang arte lang ni
kuya kaya nag kokotse pa. Private school yung
pinapasukan namin, lahat dun mayayaman, kaya
karamihan mga spoiled kaya ganun yung ugali.
Mayaman kami, pero hindi super. Broken family
kami, may iba ng pamilya yung papa ko.
Nag bell na. Lunch time.

Pumunta akong library, hindi pa naman ako gutom
eh. Tska sa mga nangyari dapat mag tago na ko sa
madaming estudyante, sigurado naman akong
aasarin ako ng mga yun.
Pag ka dating ko dun, konti lang yung tao.
Tahimik, kagaya ng buhay ko NOON.
Nag babasa lang ako ng libro dito, may mga novels
kasi dito, eto maganda sa library namin eh. Binasa
ko yung The Lucky One ni Nicholas Sparks.
HOPELESS ROMANTIC kasi ako >.< NBSB ako, eh
hello? sino bang mag kaka gusto sakin?! bukod sa
malaking eye glasses ko na parang kay betty la

fea, ang manang ko pa manamit. May mag kaka
gusto pa kaya sakin?
"Hi candice!" hindi ko siya pinansin. Siya yung
malaki yung ANO eh, yung nag pa bigay ng sulat
kay troy, yung may kasalanan ng lahat! AHHHH!
"Candice pansinin mo naman ako?"
"Bakit?"
"Ah kasi..."
"Favor na naman?" naiirita na ko.
"Hindi hindi! sorry nga pala ah! ang feeling close
ko! pwede ba tayong maging mag kaibigan?"
"ANO?!" ang lakas ng pag kasabi ko, napatingin
samin yung librarian, nag bigay siya ng warning
saming dalawa.
"Ahhh.." pabulong na siya mag salita. "Please? i
want to be your friend candice!" tapos nag puppy
eyes siya. Bakit ang ganda niya? *__*
"No." ayoko magkaroon ng kaibigan, panigurado
akong panibagong gulo na naman yun sa buhay
ko, kuntento na kong forever alone sa school.
"Yes?"
"No."

"YES?"
"HINDI NGA!!!" uh-oh.. hindi ko na naman
napigilan yung sarili ko.
"You two! out of the library!"

Lumabas ako sa library, kainis naman, for the
second time around, ginulo na naman niya yung
pag stay ko sa library, bakit ba kasi ang daming
gumugulo sa buhay ko ngayon?! isang taon na
lang naman bago ako umalis sa school na to, hindi
pa ko pinatawad. -___"Sorry.."
"Hayss.. san ako tatambay ngayon? yung walang
TAO?"
"May alam ako! tara!" hinila niya ko kahit hindi pa
ako pumapayag.
Dinala niya ko sa isang hallway na walang tao.
"Tadah!"
"Ano to?"
"Tahimik dito! walang taong pumupunta dito, kasi
yung mga rooms dito pang school clubs lang, eh

wala naman tayo ngayong activity para sa mga
clubs eh!"
Nilabot ko yung lugar, tama nga siya, tahimik dito.
Bakit kaya hindi ko nalaman yung lugar na to dati
pa? tska bakit niya alam to? "Pwede na.." umupo
ako sa may dingding, kinuha ko yung isa ko pang
libro, a walk to remember naman. Eto namang
babaeng malaki yung ANO, tumabi sakin.
"So..." nag smile siya sakin. Maganda talaga siya,
sexy, alam mo yung mga cheerleader type, ganun
siya. "Friends?" inabot niya sakin yung kamay
niya. Naka tingin lang ako sa kamay niya.
"Friends." i shook her hand, as long na hindi niya
na ko guguluhin, okey sige, ang choosy ko naman
kung aayaw pa ko di ba? sa ganda niyang yan, sa
panget na katulad ko pa siya makikipag kaibigan?
Isa pa binigyan niya ko ng bagong tahimik na
tambayan.
"YAY!! thank you candice!!" niyakap niya ko.
"Ah oo nga pala, hindi ko pa alam pangalan mo
eh.."
"Ako si tiffany! alam mo dati pa kita nakikita eh! i
super like you nga eh.." seryoso siya? teka...
TOMBOY KAYA SIYA?

"Haha! ikaw talaga! hindi ako tomboy!" ay ano ba
yan! napalakas pagka sasabi ko sa utak ko!
nakakahiya, oo nga pala crush niya nga pala si
troy.
"Ah.. eh bakit mo naman ako nagustuhan? eh
nobody lang ako dito, ikaw ang ganda ganda mo,
for sure madaming gustong makipag kaibigan
sayo, unlike sakin.."
"Wag mo nga ibaba yung sarili mo! eh kasi
naman.. una pa lang kitang makita, gandang
ganda na ko sayo!" whaaa? BOLERA! "Tska oo
madami nakikipag kaibigan sakin dito, pero ayoko
sakanila, kasi kung hindi plastic, back fighter
naman.." sabagay, hindi ko siya masisisi.
"Ah.. pero ako MAGANDA? no way!"
"Okey sige.. sa unang tingin hindi ka talaga
maganda.."
Thanks for reminding me.
"Kaso.. nung tinitigan kita ng matagal dun sa
library, habang tumatagal.. gumaganda ka! mas
maganda ka pa nga sakin eh.. alam mo kung mag
aayos ka lang, i mean tanggalin mo yang salamin
mo, tapos yung buhok mo msyadong buhaghag,
tska yung ayos mo.. for sure! lahat sila
magagandahan sayo!" para siyang bata na naka

tingin sakin, tuwang tuwa siya. Ang bubbly niya
msyado, hyper -__"Well.. thank you kung ganon.. pero ayoko naman
baguhin yung sarili ko para lang sa iba, tska
masaya naman ako na walng pumapansin sakin,
mas tahimik buhay ko.. hays.. unlike ngayon.."
"Oo nga eh, nabalitaan ko, pinag ti-tripan ka daw
nung APAT, pati kuya mo.. tska yung mga picture
sa Facebook kalat na din.."
"Buiset kasi yung Jeydon na yun eh!"
"Sino?"
"Ha? wala.. ahm.. tiffany, thanks nga pala ah,
kinausap mo ko, okey din pala kahit konti na may
kabigan.."
"Haha!! oo naman! so una na ko ah? may klase pa
ko eh! thank you din candice! Bye friend candice!"
nag wave siya tska umalis.

Kung iisipin, masaya din pala paminsan minsan na
may kausap ka. Tska mukha naman siyang mabait
eh, ang gaan nga ng loob ko sakanya eh, as long
na hindi siya dadagdag sa chaos na meron ako
ngayon sa school na to, im good with her.

Nag basa na ulit ako, 30 minutes pa naman bago
yung next class.
Binabasa ko na yung part na, hinalikan ni Landon
si Jamie. Hindi ko alam kung anong meron sakin
pero nakagat ko yung labi ko.. nung hinawakan ko
dumudugo, OUCH! kinuha ko agad yung panyo sa
bulsa ko. Ang clumsy ko talaga >.<
Habang hinahawakan ko yung labi ko.. naalala ko
yung nangyari sa janitors room.. yung kinuha ng
kung sinong ponsyo pilato yung unang halik ko.
Sino kaya talaga yun? kasi naman.. kapag iniisip
kong si Jeydon, bakit naman ako hahalikan ng
kutong lupa na yun? hays. Sana panaginip na lang
yun..
"Anong ginagawa mo dito?! bawal dito!" inangat ko
yung ulo ko, speaking of the devil. Nag kunwari
akong walang nakita at narinig. Umupo siya sa tabi
ko. Waaaaa!! "Anong libro yan?"
"None of your business." bakit ba kung nasan ako
andun din tong kutong lupa na to?! may radar ba
to? kaya kahit nasa pinaka tagong lugar ako,
nakikita pa din ako.
"Bakit ba ang sunget mo ha? betty?"
"Betty?" pinag sasabi neto.

"Betty la fea! mukha kasing si betty eh! Haha!
makapal na salamin, buhaghag na buhok, manang
manamit, wala ka nga lang braces.."
"Bakit ba hindi mo ko lubayan ha?!"
"Nag eenjoy pa nga lang akong guluhin yang
tahimik mong buhay eh! HAHA BETTY!" WTF?! so
sinasadya niya talaga.
"Damn you."
"Haha! bakit ka nag mumura? akala ko ba GOOD
GIRL ka? yung teacher's pet, yung tahimik na
akala mo anghel?"
"Ano bang pinag lalaban mo?!" inis na ko sakanya
ah! >.<
"Natutuwa lang ako inisin at asarin ka! epic kasi
yang reaction mo eh!"
Tumayo ako, kinuha ko yung bag ko. Useless
makipag usap sa walang kwentang tao na to.
"Teka lang betty! hindi ka ba marunong ng
manners? nag uusap pa tayo!" hinarap ko siya,
manners?! meron ba yun sa bokabularyo niya?!
"Ayaw kitang kausapin!"
"Ah so ganyan ka pala.. hard to get type? bakit ka
ba ganyan? eh gusto mo naman ako?"

"HAHAHAHA!!" nag tataka siya. "Ako may gusto
sayo?! sa isang MANWHORE?"
"Anong sinabi mo?!" naging seryoso yung mukha
niya, actually nagalit nga siya. Bakit siya magaglit?
im just telling the truth.
"Ilang babae na ba yung naka one night stand mo
ha? ilang babae na yung nagalaw mo? tingin mo
mag kaka gusto ako sayo! nadidiri nga ko sayo eh!
MANWHORE KA! di ba?!"
Tinaas niya yung kamay niya, galit na galit siya,
sasapukin niya ko. Pinikit ko yung mata ko, HELP
ME!! >.<
"B*TCH!" Binuksan ko yung mata ko, galit na galit
siya, tapos parang nasasaktan siya. Umalis siya..

Hays.. tanga mo candice! below the belt ka na eh!
mali yung sinabi mo! ARGGHH! pinilit niya kasi ako
eh.. gusto ko tuloy mag sorry! ano ba yan! ako pa
na guilty -__- Eh tinawag din naman niya kong
B*TCH EH! quits lang kaya yun.
Nag ring na yung bell, waaaa! math na! at...
classmate ko si Jeydon! >.<
Tumakbo ako na parang wala ng bukas, ayoko ng
ma late! baka madetention na naman ako eh.

Pag pasok ko dun, nandun na si Jeydon, tinignan
ko siya, hindi na siya galit, pero blanko yung
mukha niya, poker face.

Umupo na lang ako, ano kayang gagawin niya?
Gaganti ba siya? Kasi naman eh.. hindi ko alam na
magagalit siya ng ganun >.< hindi ba siya sanay
na tawaging manwhore? tska half meant lang yun.
Hoho. Kelangan ko tong sabihin..
"Sorry kanina.." hindi ko malakasan, hindi kasi ako
100 percent sure kung deserve niya yun, sa lahat
ng ginawa niya sakin?
"Sorry your face."
Dapat talaga hindi na ko nag sorry eh.
Dumating na si Mr. Guzman, bakit kasi classmate
ko pa tong lalaki na to sa math eh! hays.
"Candice, can you solve this problem?"
"Yes sir!" favorite ako niyan, ako kasi laging
nakakasagot ng mga problems niya eh pero bakit
kaya mas pinapaniwalaan niya yung Jeydon na to?
Pumunta ako sa harap, looking at the problem,
madali lang naman to eh. Nung nag sasagot na ko,

lahat sila nag tatawanan. Ako kaya pinag
tatawanan nila?
"Oh my candice! yung palda mo.." sabi ni Sir.
Tinignan ko yung palda ko, SHETE! bakit may
pula? wala naman akong period ngayon, meron
lang ako last week eh. Wag mong sabihin na...
"Candice nag dadalaga ka na!" sabi nung nerd
kong classmate.
"HAHAHAHA!!" lahat sila nag tawanan pati yung
Jeydon na yun. Tinignan ko siya pero umiwas siya
ng tingin. Siya may gawa nito eh!! sabi nagaganti
siya! Ang SAMA niya!! AHHHH!!
Kinuha ko yung bag ko, tinignan ko siya ng
masama. "Ang sama mo!" Umalis na ko. "Sir
excuse me lang po.."
"Okey candice.."

Never pa kong napahiya ng ganun sa harap ng
mga classmates ko, at sa teacher ko. Ang sama
niya!! Hinanap ko agad yung rest room, tinatakpan
yung palda ko. Ano bang nagawa ko sa lalaking
yun? at ayaw niya ko tigilan >.<
Binasa ko yung palda ko, tapos kumuha ako ng
tissue, medyo nawawala naman, napansin ko na

lang may tumulong luha sa palda ko habang
pinupunasan ko. Deserve ko bang ma bully ng
ganito?! gusto ko lang naman ng katahimikan eh,
hindi ko naman sinasadya na mag sabi ng
masasakit na salita kay Jeydon, nadala lang naman
ako ng damdamin ko eh. Nag sorry na naman ako
eh! T__T
Hindi pa din matanggal yung pula sa palda ko,
paano na to? may dalawa pa kong subject after
math >.< bahala na, tatanggapin ko na lang yung
mga tawanan nila. Buiset. Nag decide ako na
dumito muna, hindi ko na alam gagawin ko.. ayoko
ng ganito!! mag transfer na lang kaya ako ng
school?! waaa! hindi pwede! paano yung honors
ko? no way.
Pag labas ko may nakita akong plastic, wala
naman yan kanina ah?

Pag bukas ko.. PALDA?

Kanino naman kaya to? naisip ko, hiramin na lang
muna, magagalit kaya yung may ari neto? hindi
naman siguro? ibabalik ko naman eh.
Hulog ka ng langit kung sino ka man...

Sinuot ko na yung palda, tapos dumeretso na ko
sa room, kaso naka salubong ko si Sir Jason, yung
teacher ko sa science..
"Candice.. i have to tell you something.."

Parang kinakabahan ako >.<
7: Guilty

"Candice, napansin ko kasi na okey na si Troy sa
science class ko, pero ang sabi kasi niya kelangan
ikaw yung lagi niyang maka partner para mag
tuloy tuloy yung pagiging behave niya sa class
ko.." Yung lalaki na yun!!! ahhhh!! bakit kelangan
pa niyang sabihin yun?!
"Hmm? So ililipat niyo po si Troy sa section
namin?"
"Ah hindi candice.. komplikado kasi yun eh, ang
naisip namin, ikaw na lang yung lumipat sa section
nila.. sa science lang naman eh.."
"Ano po?! pero lower section po yun sir Jason! tska
paano po yung english class ko, ngayon na po
yun.." Parang gumuho yung mundo ko, kahit na

isang subject lang yun makakasama ko pa din
yung mga taga lower section.
"Don't worry, pinagpalit na namin yung sched mo,
everything will be okey candice, ako ng bahala
sayo.. okey? sige na dumeretso ka na sa room
nila, see you in a bit.."
"Pero.." Hindi pa niya ko pinapatapos mag salita
umalis na siya, im so dead.

Pag pasok ko pa lang sa room nila, ang bilis na ng
tibok ng puso ko. Sabi nila mga barumbado daw
yung mga studyante dito sa last section. Bakit ba
kasi ang malas ko?! pinag lalaruan ata ako ng
tadhana, magiging classmate ko pa si Jeydon at si
Troy. Buti sana kung magiging classmates ko din si
Marky, para naman may inspirasyon ako o kahit si
Kuya Charles, para walang mang aasar sakin.
"Witwew chicks pare oh!" Nanlaki yung mata ko,
bakit parang puro lalaki yung mga andito?!
"Haha! mag salamin ka nga! ang panget niyan eh!"
sabi nung lalaki, eh di kayo na, kayo na yung
gwapo! tss. Akala mo naman gwapo talaga!
Hmmpf.
"Oo nga pare haha!"

Umupo agad ako ako sa tabi ni Troy, dun kami sa
pinaka likod. Bakit kasi kelangan ko pa siyang
maging ka partner? tutor na nga ko partner pa?!
porket ba sinabi niya susundin na siya ng teacher?!
ano pa nga ba? Tito niya may ari ng school eh.
Hays.
"Hi candice.." Umupo ako, hindi ko siya
pinapansin, tama ba to? eh partner ko nga siya eh.
"Ayos ba?" anong maayos dito? tss.
Maya maya, may biglang pumasok na halimaw. Si
Jeydon.
"Hi betty!" hindi ko nga siya pinansin. Akala ba
niya nakalimutan ko na yung ginawa niya?! pa
betty betty pa siya. "Welcome to hell.." nilingon ko
siya, Hell? Oo tama ka, makatabi pa lang kita hell
na hell na feeling ko.

"Good Afternoon class.."
"Good Afternoon Sir Jason.."
Nagulat ako nung ako lang yung bumati kay Sir,
hindi ba sila marunong ng manners? dapat kapag
binati ka ng teacher o kahit na sino, dapat kang
sumagot, pwera na lang sa dalawang katabi ko ah.

"It's okey Candice, sanay na ko sa mga yan, it's
good na may isa akong matinong studyante dito.."
tumango lang ako. "Class, magiging classmates
niyo na si Candice sa subject ko, better be good to
her, or else i will give you detention.." i sighed in
relief. Buti na lang sinabi yun ni sir Jason, hindi
ako sigurado na hindi na nga nila ko aasarin o
kung ano man, pero mas okey na yun, "So lets
start the class.."
"Bakit kaya amoy malansa?"
"Bakit JD? wala naman ah?" sabi ni troy kay
Jeydon.
"Kanina kasi natagusan si Betty eh! haha!" sus!
hindi kaya! kagagawan niya yun eh! Buiset na
lalaki to! hanggang dito ba naman aasarin pa din
ako.
"Natagusan? Betty?" takang taka si Troy.
"Alam mo Troy ang stupid mo minsan, natagusan,
sa mga babae di ba?"
"Ah.. eh bakit betty?"
"Kamukha kasi niya si Betty La Fea! Haha!"
Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya
natinag. Epal talaga siya, gustong gusto niya ko
asarin eh nuh.

"Ah! haha hi Betty!" Sabi naman sakin ni Troy,
mag bestfriend nga tong dalawa na to, pati sa
pang aasar sakin sanggang dikit pa din eh.
"Shut up! tumahimik nga kayo! nag tuturo si Sir.."
tumawa silang dalawa, mahina lang para hindi
kami marinig ni Sir Jason, anong nakakatawa?
"Teacher's pet ka talaga! Haha!" masunurin lang
ako! hindi katulad niyo.
"Hindi! pwede ba!"
"Whatever Betty."
Nakinig na ulit ako. Bakit kapag sila yung kaharap
ko hindi ko mapigilan yung sarili ko? Hindi ko
matagalan yung pang aasar nila.

Malapit na matapos yung class, hindi pa din ako
nakaka ganti dito sa Jeydon na to, akala niya ba
papatalo ako sakanya? No way! baka isipin niya
pa kakaya kayanin lang niya ko porket ganito ako.
Tumingin ako sa sahig, may nakita akong ipis.
Wahaha! alam ko na, inapakan ko yung ipis tapos
unti unti kong kinuha, yung hindi nila ako
mahahalata.

"Jeydon?" lumingon siya sakin. Haha! Oras ko
naman para mang inis! "Tadah!" nilagay ko sa
harap niya yung ipis.
"AHHHHH!! SH*T!! ALISIN MO YAN SAKIN! IPIS!!!"
okey.. alam ko matatakot siya pero parang sobra
naman ata? Haha! nakakatawa yung itsura niya?
"Hahaha! Ipis lang takot ka? BAKLA ka ba?!" lahat
kami sa room nag tawanan, pati si Troy, YAY! One
point for Candice! Haha.
"Shut up B*tch!" kinuha niya yung bag niya tapos
umalis na siya, galit na galit. Ano bang problema
ng taong yun? pikon? pero kapag siya yung
nakikipag asaran, tss.
"Tsk, ang Bad mo Candice!" sabi sakin ni Troy,
seriously? ako? baka sila?
"Bakit? tama lang yun! Quits na kami, at ikaw! isa
ka pa!"
"Kung ako sayo wag mo ginagalit si Jeydon,
masama magalit yun eh.."
"Bakit ako? kapag ako inaasar niya? ano yun?
hahayaan ko na lang? Unfair naman yun!"
"Mabait ka naman di ba?"

"Porket mabait pwede ng ganituhin?" tumingin ako
sa desk ko. Nagalit ako sa sinabi ni Troy, Oo
mabait ako, pero hindi yun dahilan para ganituhin
nila ako.

Pag balik ni Sir Jason, pinaalis na niya kami, kaso
kelangan daw kami pumunta sa field, para sa
registration ng mga clubs na pwede naming
salihan. Lahat ng mga classmates ko dito umalis
agad, ang saya siguro nila na wala na silang last
subject.
Naiwan kaming dalawa ni Troy, nakaka ilang nga
bigla eh. Nakita ko sa desk ni Sir Jason na naiwan
niya yung notebook niya, kinuha ko yun tapos
hinabol ko siya.
"Sir Jason, naiwan niyo po.."
"Thank you Candice, okey ba yung first day mo?"
Hindi.
"Opo Sir.."
"Good, see you tommorow!"

Pag balik ko sa room, hindi ko makita yung bag ko,
Hala! asan na yun! teka.. si Troy yung naiwan dito

kanina ah? Asan na kaya yun? baka kinuha niya
yung bag ko!
Tumakbo agad ako palabas ng room, pumunta ako
ng field, hinanap ko siya.
"Troy!"
"Troy asan ka na?!"
Asan na ba kasi yun? Yung bag ko! Bahala na nga,
mamaya na lang yun. Mag papa register muna ako
sa mga clubs dito baka maubusan pa ako ng slot
eh.
Nakita ko bigla si Marky, sa may Glee Club.
Waaaa!! sabi na eh.
"Hi candice!"
"Hi tiffany!"
"San kang club sasali? sama ako sayo!"
"Ahm.. sa Glee Club.." hindi pa ko pa din inaalis
yung tingin ko kay Marky, ang daming babae na
nakapalibot sakanya, ang gwapo kasi niya eh.
"Eh? hindi naman ako marunong kumanta, pass
muna ako! dun na lang sa dance club! balita ko
dun daw sila Troy eh! haha.."
Ang Gwapo ni Marky.

"Huy Candice! nakikinig ka ba?" huminto siya sa
pag sasalita. "Ah crush mo si Makry noh!" nanlaki
yung mga mata ko sa sinabi niya.
"Ha?! wag ka ngang maingay!" kelangan kong mag
deny. "Hindi ah!"
"Wee? kakasabi mo lang kaya.. 'Ang gwapo ni
Marky' with matching titig ka pa ha!" Shete!
napalakas na naman pag kakasabi ko! Hinila ko
siya palayo sa madaming tao.
"Okey.. narinig mo na naman eh.. Oo crush ko siya
pero sikreto lang ah?"
'Haha! ang cute! may crush ka pala! Oo naman!
Sure!"
"Thanks, sige mag papalista muna ako.." pabalik
na ko sa field pero bigla akong nahilo, buti
napakapit ako kay tiffany kundi natumba na ako.
"Candice okey ka lang?"
"Ha? Oo.. gutom lang to.."
"Kumain ka na kaya muna, ako na mag papalista
sayo okey?"
"Talaga? Sige thank you.."
"See you! Bye!"

Hindi pa pala ako kumakain, nakakahilo pala kapag
gutom. Ay Shete! nakalimutan ko yung bag ko,
may sandwich dun eh! Asan na nga pala yun! Yung
Troy na yun! Pumunta ako sa mga lokcers namin,
baka andun yun.
"Troy!"
Sumasama na talaga pakiramdam ko, gutom lang
ba to?
"Tr-troy!"
"Asan.. asan ka na?"

Shete.. hindi na ko makahinga.. yung Inhaler ko..
nasa bag ko.. Troy!! parang nanlalabo na yung
mga mata ko.. napahiga na ako sa hallway.
"Candice?" sino to? hindi ko makita?
"Hoy Betty!"
"Yung.. Inhaler ko.."
"Teka.."
Kinuha niya yung bag ko.. at bakit nasa kanya
yung bag ko?! wag mong sabihin na..

Kinuha niya yung Inhaler tapos inabot niya sakin.
Ginamit ko agad..
Hays.. buti na lang..
"Oh tubig?" naaninag ko na yung mukha ni Jeydon,
parang alalang alala siya.. "Okey ka na ba?"
Inupo niya ako.
"Anong nararamdaman mo?"
"Bakit nasayo yung bag ko ha?" umiwas siya ng
tingin sakin.
"Kasi.. ano.."
"Kasi pag ti-tripan niyo na naman ako? alam mo
okey lang eh, kasi may kasalanan din naman ako..
pero alam mo ba yung mangyayari kapag hindi ko
agad nagamit yung Inhaler! Mamatay ako!"
nararamdaman ko yung mga luha sa gilid ng mata
ko. "May magagawa ka ba kapag nangyari yun?!"
"Gusto ko lang naman gumanti.. kasi.. sor--"
"Ganti?! Okey! naka ganti ka na! muntik muna
akong patayin!" tumayo ako, kinuha ko yung bag
ko. "Ayan JEYDON LOPEZ, naka ganti ka na sakin!
MASAYA KA NA?"
"Candice.."

Hindi ko na siya hinintay mag salita. Umalis na ko.
Ang sama niya. Muntik na ko mamatay dahil sa
ginawa niya! Bakit ba kasi nakilala ko pa siya?
sana hindi na lang.. SANA WALA NG JEYDON
LOPEZ SA BUHAY KO!

**
"Candice, paki bukas yung pinto, naliligo ako.."
"Opo mama!"
Pag baba ko, binuksan ko yung pinto. Sinara ko
ulit nung makita ko kung sino, pero hinarangan
niya ng kamay niya.
"Teka!"
"Ano bang kelangan mo?"
"Yung kanina.."
"ANO?!"
"Sorry.. hindi ko kasi alam.."

Natigilan din ako sa sinabi niya. Totoo naman eh,
wala naman siyang alam na may hika ako at
andun sa bag ko yung Inhaler. Kaso maiisip ko pa
lang yung nangyari kanina, naiinis nako.
"Gusto mo bang patawarin kita?"
"Ha?"
"Layuan mo na ko! Utang na loob lang.." natigilan
siya, naka tingin lang siya sa sahig.
"Okey.." tapos tumalikod siya, for the first time
ngayon lang siya sumunod sa sinabi ko. Baka kasi
na guilty siya sa ginawa niya? pero si Jeydon?
Hindi din.. bakit naman kaya siya ganun? Okey
lang?

tska bakit parang na awa naman ako sakanya?
8: Curious

Wala pang ten minutes kong nasasara yung
pintuan namin, may kumatok na naman, binuksan
ko agad, akala ko si Jeydon..
"Anong ginagawa mo dito?!"

"Opss.. teka lang.. tutor time?" oo nga pala,
nakalimutan ko.
"Pasok.."
Pag pasok niya pina upo ko siya sa sala, kinuha ko
agad yung mga gamit ko sa taas.
"Okey mag simula na tayo para matapos tayo
agad.."
"Bakit nag mamadali ka naman Betty?"
"May atraso ka pa sakin! tatawagin mo pa kong
Betty?! kaya tatapusin natin to agad para mapag
usapan yun, ayos ba yun?"
"Ha? pero.."

"Hi Troy!"
"Hi tita Candy! gumaganda kayo lalo." Bolero. Pati
ba naman mama ko? napaka womanizer talaga
netong lalaki na to, i wonder kung makikilala niya
si Tiffany, ano kayang gagawin niya?
"Ikaw talaga! study again? gagawan ko kayo ng
meryenda.. ay teka, alam mo ba kung nasan si
Charles? hindi pa kasi umuuwi eh.."
"Hindi po eh.."

"Ah okey sige, Candice nasa kusina lang ako ah."
"Okey ma."

Nung nasigurado ko ng umalis na si mama,
tinignan ko ng masama to si Troy.
"Uy teka, ano yang tingin na yan? hindi ko naman
talaga alam nasan kuya mo eh.." bakit defensive
siya?!
"Alam ko kung nasan si kuya.. iba yung sinasabi
ko.."
"Bakit alam mo din bang nakikipag away kuya mo
ngayon?" Oo alam ko, hindi ko lang sinasabi kay
mama dahil alam kong ayaw niya nun tska nag
promise na ko kay kuya na secret lang namin yun.
"Oo.. so nag sinungaling ka kay mama.."
natataranta na siya.
"Uy hindi ah! ayaw kasi niyang ipasabi sa inyo,
alam mo naman pala, tska 1st year pa lang ganun
na si Charles.."
"Alam ko na.."
"Eh ano yung sinasabi mo ha Betty?"

"Wag mo nga kong tawaging Betty!! naalala ko
si.." Jeydon eh. "So simula na tayo?"

Gusto kong matapos agad, madami kasi akong
tanong sa kanya eh.
Okey naman siya, may mga hindi lang siya
naintindihan pero mabilis naman kaming natapos.
Kapag tinuturuan ko siya parang ang bait bait
niya, sabagay maamo kasi yung mukha niya, kaya
siguro nag ka gusto sakanya si Tiffany.
"Nakita ko yung kotse ni Jeydon, kinausap ka ba
niya?"
"Ako dapat mag tatanong dito di ba?"
"Okey okey.. geez nakakatakot ka.." natawa ako
nung sinabi niya na natatakot siya sakin.
"Oo galing siya dito.." mag sasalita ulit siya pero
pinigilan ko siya. "Bakit mo kinuha yung bag ko
ha?! at bakit na kay Jeydon yun?"
"Kasi ano.. inutusan niya ako eh.. sorry.."
"Bakit ba lagi kang sumusunod kay Jeydon?! ano
ka ba niya ASO?"
"Bestfriend ko kasi siya.. narinig ko nga pala
nangyari sayo.. sorry, hindi namin sinasadya.."

tinignan ko lang siya sa mga mata niya. Kapag
tinignan siya sa mata, mukha naman siyang
sincere. Siya nag so-sorry? tska si Jeydon? totoo
ba to?! o baka na guguilty sila.
"Muntik lang naman ako mamatay! pero sabagay
wala naman kayong alam eh.."
"Alam ba ni Tita Candy?" bakit naman siya nag
worry na malaman ni mama?
"Hindi, bakit?"
"Ah.. wala." tumingin siya sa sahig.
"Tapatin mo nga ko, may gusto ka ba sa mama
ko?!" nanlaki yung mga mata niya.
"WALA! ayoko lang na malaman niya, nakaka hiya
kasi.. alam mo na, mabait samin yung mama
mo.."
"Mabuti naman.. ayaw kitang maging step dad,
ewww.."
"Ewww ayaw din kitang maging anak!" tinarayan
ko siya.
"Whatever, hintayin mo ko dyan." Niligpit ko yung
gamit ko tapos umakyat ako. Ang dami kong
tanong kay Troy. About kay Jeydon, bakit ganun
yung naging reaksyon niya.

Pag ka baba ko, nakita ko sila mama at Troy, nag
uusap, nag tatawanan. Kung hindi ko lang alam na
napaka womanizer netong lalaki na to, okey lang
na makita ko silang ganyan, pero kung iisipin
si TROY MENDOZA siya eh. Lahat ata ng babae
papatulan niya, at hindi naman ako mag tataka sa
mama ko, kahit may dalawa na siyang anak, HOT
pa din siya, nag tataka nga lang din ako bakit hindi
ko yun namana.
"Ehem.."
"Anak andyan ka na pala, eto nag luto ako ng
lasagna."
"Thanks ma, ahmm ma, pwede bang paki dala
ngayon si cholo sa mall.. kasi.. kelangan niya
pumunta sa vet eh, please?"
"Ah sige, kukunin ko lang siya, tapos alis na din
kami, sige Troy, ikaw na bahala kay Candice ah?"
ako? sa isang pervert niya ipag kaka tiwala? eww.
"Opo tita.."
"Bye anak.."
"Bye ma.." Pag ka alis ni mama. Tinignan ko na
naman si Troy.
"At let me make this clear to you.. wala kang
something sa mama ko ha!"

"Teka, pinaalis mo talaga mama mo para makapag
usap tayo about dyan? Seryoso?"
"Oo.. hindi pwedeng andito siya kapag nag usap
tayo.."
"Geez! kilabutan ka nga! Maganda si tita Candy,
sexy pero matanda na si tita.. i mean sa age niya
at sakin.."
"Buti na yung malinaw.." parang nawala yung kaba
niya.

"So ano pala sinabi sayo ni Jeydon?" tanong niya
sakin.
"Nag sorry siya.. as if maniniwala ako!" kumunot
yung noo niya. "Bakit?"
"Alam mo alalang alala sayo si Jeydon.. totoo
yun.."
"Sus! baka masaya pa yun!"
"HINDI AH! WALA KA KASING ALAM!" nagulat ako
sakanya, anong nangyare? bakit bigla siyang
nagalit? "Sorry.."
"Bakit? may nasabi ba akong masama?"
"Kasi.. hindi ko dapat to sabihin eh.."

"Ano ba kasi yun? sabihin mo na please?" na
cucurious talaga ko, i know may malalim na rason
para magalit siya ng ganun.
"Dati kasi.. si Jeydon, tinago niya yung Inhaler ng
kapatid niya, nag aasaran din kasi sila eh.. kaso
ayun.. inatake ng hika yung kapatid niya kaya.."
"Kaya?"
"Namatay yung kapatid niya.." parang huminto
yung mundo ko. Namatay yung kapatid niya? hindi
ko yun ine-expect.
"Hanggang ngayon.. sinisisi niya yung sarili niya sa
pag kamatay ng kapatid niya.. kaya nung nangyari
yung kanina, na alala niya yung kapatid niya
sayo.. kaya galit na galit siya sa sarili niya sa
ginawa niya.. sabi ko naman sakanya, bata pa sila
nun kaya hindi niya yun kasalanan.."
"Ganun naman pala nangyari kay Jeydon eh! bakit
ang lakas pa din niya mang bully ng mga tao sa
school?!"
"Wala ka talagang alam, kaya wag kang mag
marunong Candice." Seryoso si Troy nung sinabi
niya yun. "Alis nako.."
"Teka!"

Bago pa ko makapag salita ulit, sinara na niya
yung pintuan. Bakit ba?! ano ba kasing meron?!
Hello? wala naman akong alam eh! badtrip naman.
Hindi naman ako nag mamarunong eh, tama
naman yung sinabi ko di ba? Hays.
Maya maya may kumatok na naman. Sino naman
kaya to?

"KUYA?!"
"Si mama?"
"Umalis! nako puro ka pasa! kapag nakita yan ni
mama! Sino na naman naka away mo ha?!"
"Si Brandon.. sabihin mo kala Marky lang ako..
ikaw na bahala mag dahilan ah?"
"Mar-marky?"
"Bakit?"
"Ah wala.."

Umalis na si kuya, kala Marky siya tutuloy?
Waaaa!! baka ano pa sabihin nun kay Marky..
Hayss.. Ano sasabihin ko kay Mama?! T___T

**

"Mama alis na po ako!"
"Okey nak, sabihin mo nga sa kuya mo na umuwi
na, nakaka storbo pa siya kala Marky eh.."
"Ma, hayaan mo na yun si kuya, matanda na yun.
Sige na ma!"
"Bye anak."

Ayoko nag sisinungaling kay mama eh, pero dahil
kay kuya nagagawa ko, ang bad boy talaga nun
>.< Ayoko kasi mag alala si mama sakanya at
ayoko sila mag away, alam ko din naman na hindi
mag papa awat yan si kuya eh, napaka tigas ng
ulo niyan eh, matigas pa sa bato.

"Ikaw ba yung kapatid ni Charles?"

Napalingon ako dun sa nag salita. Si... si Brandon
to ah? yung ka away ni kuya? Ano naman
kelangan niya sakin.
"Bakit?"
"Asan siya?"
"Ewan ko.." naglakad na ko, malapit na naman ako
sa school ko eh, hindi yan taga school namin, sa
kabilang school yan, yung karibal ng school namin.

"Wag mo ko tinatalikurang panget ka!" hinila niya
yung damit ko sa likod, ngayon naka angat na ko
sa sahig! Waaa!! kuya!! tulong T__T
"Bitawan mo nga ko! panget ka din!"
"Gusto mo bang saktan kita? pumapatol ako sa
mga panget ha!" mas tinaas niya pa ko, parang
nasasakal na ko sa unifrom ko >.<
"Bi..bitawan.."

Nakarinig na lang ako ng malakas na suntok sa
likod ko. Nabitawan niya ko kaya ayun nahulog ako
sa sahig, ahh sakit sa pwet T__T
"Pati ba naman babae pinapatulan mo ha?!"

"Wala kang paki alam dito! T*ngina mo Jeydon!"
pag lingon ko susuntukin na sana ni Brandon si
Jeydon kaso naka iwas naman siya, tapos sinuntok
niya si Brandon sa sikmura kaya napa higa si
Brandon. Magaling pala makipag away to si
Jeydon? ang alam ko, hindi siya nakikipag away
physically?
"Kilalanin mo sino kinakabangga mo!"
Hinila niya ko sa pag kaka tayo ko, tinanaw ko si
Brandon sa likod, nakahiga pa din. Did he just help
me?! totoo ba to?! pag katapos ng mga rude na
sinabi ko sakanya kahapon. At bakit niya hawak
kamay ko? para akong nakukuryente.
Nung makapasok na kami sa loob ng school,
binitawan niya yung kamay ko.
"Huy bakit mo ko tinulungan?" hindi niya ko
pinansin. Nakakapanibago naman siya. "Huy
Jeydon!"
Hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya
mag lakad, bakit ko ba yun ginawa? >.<
nakatingin lang siya sa mga kamay namin na mag
ka hawak, bigla ko namang binitawan.
"Hindi kita tinulungan, ka away ko yun si Brandon
kaya ko sinuntok." sus ayaw pa umamin eh.

"Kahit ano pa yun.. thank you ah.." tinaasan niya
ako ng kilay. "Thank you kasi hindi ako nasaktan
nun, tska sorry pala sa mga sinabi ko kahapon..
hindi ko alam yung sa kapatid mo.."
"ANO?!" ay shete! lagot ako kay Troy. "Sinabi ba ni
Troy?!"
"Tinanong ko kasi.. sorry ah?"
"Bakit mo naman tinanong ha?"
"Curious lang ako, bakit okey lang sayo na wag na
tayo mag pansinan, i mean.. okey na sayo na hindi
ako asarin.."
"Asa! Joke lang yun nuh!"
"HA?!"
"Madami kang atraso sakin, pero wag ka mag
alala, hindi na naman ganun kalala mga gagawin
ko eh! kawawa ka naman kasi eh.."
"ANO?! akala ko pa naman bumait ka na!"
"Mabait kaya ako.. HAHAH!"
"Bad boy ka kaya!"
"Hindi ah, medyo lang.. pero teka.. bakit ba
curious ka? Haha! sabi na eh, may gusto ka sakin!"

"WALA! ASA KA! tse alis na nga ako!"

Nag lalakad na ko palayo..

"BYE BETTY!! HAHA!"

Shete talaga yung Jeydon na yun! akala ko pa
naman lulubayan na niya ko! ang tanga ko kasi eh,
kinausap ko pa.. eh kasi naman, pinag tanggol
niya ko, halata naman eh, ayaw lang niya aminin.
Choosy pa eh.. pero sobrang curious ako eh.. bakit
niya ko pinag tanggol kanina? at bakit ang galing
niya makipag sapakan? hindi naman siya ganun, at
sabi ni kuya ayaw ni Jeydon sa mga yun.. at ano
yung sinasabi ni Troy na wala akong alam sa
buhay ni Jeydon? Oo madami akong hindi alam, at
gusto ko malaman yun, baka pag nalaman ko yun
maintindihan ko siya kahit konti? Isang tao lang
makaka sagot ng mga tanong ko..

9: Bad day

Isang tao lang yung makaka sagot ng mga tanong,
si Troy.
Sakanilang APAT, siya yung pinaka malapit kay
Jeydon, at siya lang naman yung pwedeng mag
sabi sakin, si kuya for sure hindi yun mag sasabi,
lalo naman si Marky, eh baka hindi ko pa nga
kayang kausapin yun eh >.< Alam ko alam niya
yung mga sikreto ni Jeydon, Kahit inis pa din ako
sakanya, may feeling ako na magaan yung loob ko
sakanya.
Nag ring na yung bell, first class.
Pumasok ako sa classroom, yung mga classmate
ko ang sama na naman ng tingin, ano pa bang
bago? may mga nabasa pa akong post sa FB na
kaya ako nag palipat sa last section kapag science
para maging classmate ko si Jeydon! pathetic.
Bakit ba lahat sila, tingin may gusto ako kay
Jeydon? porket sinabi ko na hinalikan niya ko!
arghh! kapag naaalala ko naiinis pa din ako, eh
yun naman yung totoo eh.
"Good morning class.."

Yan na yung huling word na narinig ko mula sa
teacher ko, lumulutang na kasi yung isip ko, baka
nakarating na nga ko ng moon kakaisip. Hindi ko

maiwasan na isipin si Jeydon, hindi sa may gusto
ako sakanya ah, ewww. Nakaka gulat lang kasi
siya kahapon, nung sinabi niyang hindi na niya ko
guguluhin, feeling ko sobrang nalungkot siya sa
ginawa niya sakin, siguro nga na alala niya yung
kapatid niya. Nung nalaman ko na namatay yung
kapatid niya dahil sa tinago niya yung Inhaler,
parang naawa ako na nalungkot at the same time
guilty, kahit hindi ko pa nararanasan yung ganun,
alam ko na mahirap yun sakanya, lalo na sarili niya
yung sinisisi niya. Hays tapos kung ano ano naman
pinag sasabi ko! Hindi ko akalain na lalambot puso
ko kay Jeydon, yung lalaking yun.. pero hindi
dapat ako mag pakampante, siya na din nag sabi
na hindi pa din niya ko lulubayan.
Okey na sana eh, kaso nag bago na naman isip,
Bipolar lang? nag simula na naman akong asarin.
Kainis talaga yun! pero bakit kaya niya ako
tinulungan? obvious naman eh, ayaw lang niya
umamin, tss. At higit sa lahat, bakit ang galing
niyang makipag basag ulo, eh sabi nila hindi siya
mahilig makipag suntukan, at sa nakikita ko, totoo
naman yun, mahilig lang siya makipag away
verbally.
Napatalon ako sa upuan ko nung marinig ko na
yung bell, lunch na agad? ang tagal ko pa lang pre
occupied. Eto kasing Jeydon na to eh! Ang bilis
pala ng oras kapag lutang utak mo eh noh? haha.

First time ko kasi hindi makinig sa teacher eh, nerd
nga eh di ba? -__-

Imbis na mag tago ako, pumunta sa hallway na
tinambayan namin ni Tiffany dati, pumunta ako sa
canteen, kahit ayaw ko naman talaga.
Kakamustahin ko kasi si kuya eh, sinabi ko kay
mama trip lang niya mag stay kala Marky, buti
naman naniwala. Kaso nag aalala yun, pati din
ako, kaya kelangan ko siyang makausap. Ngayon
lang yung time na pwede kasi hindi naman siya sa
bahay uuwi mamaya.
"Hi Betty!" tinapik niya yung likod ko, Ouch ha!
nanadya ata to si Troy eh.
Hindi ko na siya naka usap, derederetso kasi siya
papunta sa canteen, pumunta na din ako dun.
"PANGET!"
"NERD!!"
"HAHAHA ILUSYUNADA!"
Lumingon ako, yung mga studyante nakatingin
sakin, ako pala yung nilalait nila? anong meron?
sapakin ko na sila eh. Ako na naman napag tripan
-__Pag lapit ko sa tambayan ng APAT, aba wala si
kuya.

Si Jeydon napa tingin sakin, ang laki ng ngiti,
anyare? si Troy naka tingin sa iPad niya, naka
ngisi. Si Marky naman as usual, naka headset at
naka tingin sa malayo. Weird.
"Si kuya Charles?"
"Hindi pumasok eh."
"Ah ganun, Okey." tumalikod na ko, wala naman
pala dito, bakit kaya hindi yun pumasok?
"HAHAHA!! GRABE NAKAKATAWA!" nilingon ko
ulit si Jeydon, anong problema niya? pati yung
dalawa napa tingin sakin, nahiya tuloy ako >.<
feeling ko namumula yung mga pisngi ko.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?"
"Wala!! HAHAHA!! Betty!"
"Wag mo nga kong tawaging Betty!" ayan na
naman siya sa mga pang aasar niya, tss.. ano pa
ba aasahan ko, siya yan eh, si JEYDON LOPEZ.
Tumayo si Marky, may kinuha siyang papel sa
likod ko.
'LIBRE LAIT'
WTF?! sino nag lagay neto... teka... TROY!!!

"Marky naman bakit mo tinanggal! Ang KJ mo
talaga!"
"Yan lang ba kaya mong pang aasar JD? bumaba
na ata standards mo.. haha!"
"Shut up!" kinuha niya yung papel. "Nag sisimula
pa nga lang ako ng pang aasar eh, atat ka
naman!" whaaa? so siya yung may pakana niyan?
"Sabi ko kasi dito kay Troy gandahan yung sulat
eh!" ganun ah.
"Bakit okey naman ah? natawa ka nga eh!"
Ngumisi lang si Marky, naglakad na siya palayo
samin pero lumingon ulit siya, tapos tumingin siya
sakin, TUMINGIN ba talaga siya sakin? parang
gusto kong sampalin yung sarili ko.
"Kung gusto mong makita kuya mo, sumama ka na
lang kala Jeydon mamaya sa bahay."
Tumango lang ako. Kinausap niya talaga ako?
WAAAA!!!
Nung wala na si Marky, hinarap ko ulit yung
dalawa.
"Ikaw! kaya pala tinapik mo yung likod ko kanina
kasi nilagay mo yan!" binato ko si Troy ng bote ng
tubig. "At ikaw Jeydon!! humanda ka sakin!"

"Wow nakaka takot ka naman Betty! Haha!!"
"Matakot ka na talaga!!"
"Try me."
Ah ganun ah? sinuntok ko siya sa mukha. Ang
sakit, promise pero hindi ko pinakita. Ang tanga
tanga ko naman eh, suntukin daw ba tong lalaki na
to?
"Masakit pala talaga, ang kapal kasi ng mukha
mo!" Lahat na ng mga stundyante na nasa
canteen, naka tingin samin. Wala akong paki alam!
"Ikaw!"
"Hindi lang yan aabutin mo sakin! JEYDON
LOPEZ!" dinilaan ko siya bago ako umalis. Haha!
buti nga sakanya! yun lang naman lamang ko,
pwede ko siyang saktan, ako hindi niya ko
masasaktan! wahaha. Hindi ako masama nuh, as if
naman masasaktan siya sakin, ang hina ko lang
kaya pero atleast naka ganti naman ako.

Maaga pa, pumunta ako dun sa hallway na
tambayan namin ni Tiffany. Kakain muna ako,
pumapayat na ko eh. Kelangan ko ng lakas para
kay Jeydon, kay Troy, at kay kuya Charles, pati
kay Marky, in short sa APAT na yun!

Naka upo na ko, kumakain ng masarap na
shawarma na gawa ni mama. Kaso may narinig
ako na nag tatawanan, tumayo ako, andun sila sa
bandang dulo, malayo pero narinig ko pa din, wala
naman akong interes na makinig o maki tsismis
kaso narinig ko yung boses niya eh...

"Babe, kelan ulit tayo lalabas?" naka ngiti siya kay
Marky, maganda siya? hindi gaano, sexy lang eh,
malaki yung ANO. Haha! Pag bigyan niyo na ko,
ganito talaga kapag may nakita kang babae na
kausap ng taong gusto mo, todo lait ka.
"Gusto mo ba sa sunday babe? let's go to the
mall.." BABE?! girlfriend niya ba yan?! wala naman
akong napapansin sa twitter niya na may GF siya,
tska alam ko WALA talaga eh..
"Sige babe! i love you!" biglang hinalikan nung
babae si Marky, Ouch lang teh! tumalikod agad
ako, kasi naman si Marky, hinalikan din niya yung
babae, nag LP na sila. Huhu.
Sabi ng utak ko umalis na ko, buti na lang
sumunod. Bakit ganun? ang sakit naman. Yung
taong gusto mo may Girlfriend na pala, tapos...
nakita mo pang nakikipag halikan? tama ba yung
sabi nila? na sa kanilang APAT siya yung pinaka
PLAYER? >.<

Parang akong zombie na nag lalakad papunta sa
classroom namin, habang kinakain yung
shawarma, sayang eh. Math na naman at
classmate ko si Jeydon, pero wala akong paki
alam, si Marky eh... parang maiiyak na ko, hindi
naman ako sa OA eh, ikaw kaya makita mo yung
Idol mo, yung crush mo, yung gusto mo na may
kahalikan, pusong bato ka na lang kung hindi ka
masasaktan. Eh ako kasi.. tatlong taon ko ng crush
si Marky eh.
Pag pasok ko, alam ko pinag titinginan na naman
ako ng mga classmates ko, akala mo mga dyosa
sa kagandahan eh.
Pag kaupo ko, pinatong ko yung ulo ko sa desk.
What the F did i just see?!
"Hoy Betty!"
Dagdagan mo pa yung nararamdaman ko ng pang
aasar ng nilalang na nasa tabi ko, kill me! KILL ME
NOW >.<
"Hoy panget na nerd!"
Hindi ko pa din pinansin. Masyado akong nasaktan
eh, ay OA? nasaktan talaga.. basta, kapag nag ka
crush ka ng todo, na parang fangirl ka na, alam
mo yung feeling na to, na harap harapan mong
nakita yung crush mo na may kahalikan na iba.

Napansin ko na lang may isang tulo ng luha sa
desk ko. Umiiyak pala ako? buti na lang busy yung
mga classmates ko at nasa likod ako kaya hindi
nila ko napapansin. Sino ba naman kasi papansin
sakin?
"Hoy Betty! bakit ka umiiyak? ngayon mo lang ba
na realize na panget ka? haha!"
Tinignan ko lang siya, wala akong gana makipag
asaran sayo Jeydon, sorry hindi ko masasakyan
kalokohan mo. Na feel ko na naman na tumutulo
na yung mga luha ko, bakit ang OA ko? siguro nga
tama si Jeydon, ngayon ko na realize talaga na
sobrang panget ko, at walang kahit sino na
pwedeng mag ka gusto sakin.
"Bakit..." hindi na ulit siya nagsalita. Buti naman.
Tahimik lang kaming dalawa, buong math time,
bakit kaya hindi ako inaasar neto? baka kasi hindi
ko pinapatulan pang aasar niya? kaya na boboring
siya?
Nung nag bell na, kinuha ko agad yung gamit ko,
nakita ko si Jeydon pinag kaka guluhan ng mga
nerd kong classmates, kinukuhanan ng picture,
hindi ko naman ikakaila na gwapo talaga si Jeydon,
at sikat pa sa buong school, pati ata sa ibang
school ata eh, silang APAT.

Nag lakad na naman ako na parang zombie
papunta sa section nila Jeydon at Troy..
"Hi Betty! Okey lang yan! alam mo, sabi nga dapat
matuto tayong makuntento sa kung anong binigay
satin, kung panget ka, tanggapin mo na! Haha!!"
Sa totoo lang hindi ko na gets lahat ng sinabi niya,
panget lang narinig ko eh. Parang naiiyak na
naman tuloy ako, bakit kasi pinanganak akong
panget? yung mama ko, papa ko, kuya ko, lahat
good looking, ampon lang kaya ako?! AHHHH!!
nababaliw na ko.
Binilisan mag lakad para hindi ako maabutan ng
nilalang na to.
Nung makarating ako sa room nila, ang ingay nila,
ano pa bang ieexpect mo sa lower section? Hays.
Umupo na lang ako ng tahimik sa upuan ko,
mapansin pa nila ako.
"Hi Betty! Asan si Jeydon?"
"Ewan."
Kakasabi ko pa lang dumating na siya. Ano na
naman kayang pang aasar gagawin niya? wala
talaga ako sa mood.

"Troy, malungkot si Betty eh.." tahimik lang ako,
tinignan ko yung mukha niya, nag pout siya, gusto
kong matawa pero pinigilan ko lang.
"Ha?! bakit naman?"
"Hays.." tumingin siya sakin. "Ngayon lang niya
kasi na realize na panget pala talaga siya.."
"Ow.. bakit ngayon lang?"
Tapos nag tawanan silang dalawa.
"Good morning class.."
Walang sumagot kay Sir Jason, wala nga kasi ako
sa mood eh. Tumingin siya sakin, feeling ko nag
aalala siya, mukha kasi akong pinag sakluban ng
langit at lupa. Ano kayang itsura ko nun?
"Okey, so gagawa kayo ng project, may list na ko
ng mag ka partners.." Sana hindi yung dalawang
to yung maka partner ko.
"Candice at Troy.." Huhu! sabi na eh. Tumingin
siya kay Jeydon, wala kasing ka partner yung
lalaking to, please lang wag mo samin isasama yan
sir! "Jeydon.."
Bago pa makapag salita si sir, nag salita na si
Jeydon. "I can do it on my own!" wow yabang?

"Okey.. ikaw naman yung pinaka magaling sa class
ko maliban kay Candice.." siya? so matalino pala
siya? weeee? hindi nga? "So i let you pass this
paper, guidelines yan ng project niyo."
Kukunin ko na sana yung paper pero kinuha
naman ni Troy.
"Akin na!"
"Bakit? titignan ko din eh!"
"Bahala ka."
"Oh.." kukunin ko na sana pero kinuha niya ulit.
"Iyak ka muna ulit haha!"
"Akin na nga kasi! bakit ba ganyan ka?!"
"Gusto kasi kitang asarin eh! haha iiyak na yan!
iiyak na yan!"
"Ewan ko sayo Troy! wala ako sa mood! saksak mo
yan sa baga mo!"
"Wow!" biglang sabat ni Jeydon. "Haha! pati pala
mga panget nawawala sa mood?" grabe hindi ko
na talaga kaya...
"OO NA PANGET NA KO! OO NA PANGET AKO
AT WALANG MAG KAKAGUSTO SAKIN! YAN
MASAYA KA NA?!"

Humihingal pa ko pag katapos ko sabihin yun ng
napakalakas, nakakainis eh, hindi siya nakaka
tulong.
"Is everything alright Candice?"
Napatingin ako sa room. Lahat sila naka tingin
sakin. Ano na naman bang kahihiyan yung ginawa
ko? nababaliw na ata ako eh >.<
"Yes Sir, sorry po.." umupo ako sa kahihiyan.
Baliw kasi tong Jeydon na to eh! Ahhhh!! Tinignan
ko yung dalawa, sigurado akong pinipigilan nilang
tumawa, ang epal talaga nilang dalawa sa buhay
ko! AHHHH!!
"Okey class, see you on monday."
"Bye sir.." bakit kapag mag papa alam lang sila
masaya? tss.

"I hate you! kayong dalawa!" kinuha ko agad yung
bag ko, tumakbo ako palabas.
Hindi pa nga ko nakakalayo, sobrang lakas na ng
tawanan nung dalawa, akala mo nag wagi na sila
eh, humanda lang sila kapag okey na ko.
Lakad zombie na naman ako pabalik sa classroom
ko..

"Ouch!"
Epal tong bumangga sakin. Huhu, ang sakit ng
pwet ko, deretso sa sahig eh.
"Mar-marky?" ang gwapo niya, tapos naka tingin
siya sakin? NAKA TINGIN SIYA SAKIN?
"Ah sorry ah.."
Tapos umalis na siya.
"Wala yun, kahit banggain mo pa ko araw araw.."
sabi ko sa sarili ko, niyugyog ko yung ulo ko, ano
ka ba! galit ka sakanya! eh bakit ba ako galit? kasi
nakita ko siyang may kahalikan na iba? bakit GF ba
niya ko?! feeler ko >.<
Waaaaa!! pero nag sorry siya? huhuhu. Ano ba
naman yan! nakita ko pa siya..
Bumalik na ko sa room ko, history.... napaka
boring na subject, kahit mga nerd pwedeng
makaramdam nito nuh. Nag excuse na lang
ako sa teacher ko na masama yung pakiramadam
ko, favorite naman niya ko kasi sa lahat ng
studyante niya, ako lang yung nag ti-tyaga na
makinig sakanya. Tska mabait naman siya eh.

Pauwi na sana ako eh, kaso uuwi ba ako? o
pupunta kala Marky para makita ko si kuya? ano
ba gagawin ko T__T
Tumambay na lang ako sa hallway na tambayan
ko.
Nakita ko si Tiffany, ano kayang ginagawa niya
dito?

"Hi Candice!"
"Hello? wala ka na bang klase!"
"Nag ditch ako eh, nakaka tamad kasi, eh ikaw?"
"Ah.." nag ditch ba ko? nag paalam kaya ako, pero
nag sinungaling naman ako. "Same."
"Talaga? nag di-ditch ka din ng class?"
"Ahm.. parang ganun na nga.."
"Haha! nakakatuwa ka talaga, eh bakit parang
malungkot ka ata?"
Sasabihin ko ba? wag na lang.
"Kasi si Marky, may kahalikan na babae kanina
dito, nakita ko.. Girlfriend niya ata.." hindi ko nga
sasabihin eh >.<

"Hahaha!! dear masanay ka na kay Marky.."
"Ha?"
"Sorry sa sasabihin ko ah.. pero kasi.. si Marky,
Player yun.. parang nag papalit yun ng damit
kapag nag papalit ng chicks, tska hindi yun nag
Girlfriend, either fling or hook ups lang.."
Feeling ko naka nganga pa din ako sa narinig at
nalaman ko..

Si Marky? ganun? HINDI! huhuhu. Hindi yun yung
Marky na nakilala ko.. at ginusto ko >.< kahit na
madaming nag sasabi na ganun nga siya, hindi pa
din ako naniniwala.. pero bakit ngayon? tama alam
ko na, kasi ako na mismo nakakita.. ouch naman.
"Okey ka lang Candice?"
"Ha? ah.. oo.."
"Ahm sorry friend ah.."
"Okey lang, matagal ko ng alam yun, hindi lang
ako naniniwala.."
"Mabait din naman yun eh.."
"Siguro.. sige Tiffany, una na ko ah?"

"Sure kang okey ka lang?" hindi! hindi ako okey
T__T
"Oo naman! see you on monday!"
"Okey bye!"

Ngayon nag lalakad na ko pauwi, hindi na bilang
zombie.. parang dala dala ko na yung mundo..
hays... napaka sama ng ara ko ngayon...

"BETTY!!"

wag mong sabihin na....
10: Dougie King

"BETTY!"

Lumingon ako. Alam ko ng siya yan eh, badtrip
naman.
"Tara! iniintay ka na ni Charles!" sabi ni Troy.
Nakita ko si Marky sa likod ng sasakyan, ewan ko
ba, umiwas ako ng tingin.
"Ha?!"
"Sabi ko inaantay ka na ni Charles! di ba
pupuntahan mo siya? tara sabay ka na!"
"Ah kasi..." hindi ko na alam kung pupunta pa ba
ko.. sa lahat ng nangyari ngayon..
"Dali na! sayang ka sa gas!" yabang talaga neto ni
Jeydon, ang yaman yaman naman niya eh.
"Okey.."
Utak ko ba may sabi na sumama o puso ko? Kasi
kung yung utak ko, maglalakad ako pauwi samin.
Ano na naman ba kasing pumasok sa isip ko eh?
"Dun ka na sa likod! ayaw kita katabi eh!"
"Ayaw din kitang katabi! excuse me!"
Binukan ko yung pinto sa likod, pagka kita ko kay
Marky, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ang
gwapo niya kasi eh... parang hindi ako na excite
na makatabi siya, sa lahat ng nakita ko kanina..
hays.. pero bakit ganun? gusto ko pa din siya.

"Hi Candice!" binati niya ba ko? "Haha!
nakakatawa ka talaga.." oo nga! waa nakaka hiya!
"Hehe.." yan na yung pinaka stupid na sagot ko.
Gusto kong sampalin yung sarili ko.
Nakita ko si Jeydon sa rear mirror, naka tingin
sakin ng seryoso, nung nakita niyang naka tingin
ako bigla siyang umiwas ng tingin. Ano na naman
kaya binabalaka neto? wag niya ko ipapahiya kay
Marky, utang na loob.
After 30 minutes nasa bahay na kami ni Marky,
pero habang tinitignan ko siya habang natutulog
siya kanina, ewan ko kung tulog siya o naka pikit
lang, parang slow mo lahat ng nasa paligid ko,
hindi ko na nga naisip na baka mahuli ako ng
dalawa sa harap na nag pinag papantasyahan ko si
Marky eh. Buahaha! bahala sila.
Pababa na ako ng kotse, pero hinawakan ni Marky
yung pinto para makalabas ako, ehhh enebe!!
kinikilig naman ako >.< ang gentleman naman
niya. Ngumiti lang ako sakanya, ngumiti naman
siya sakin, feeling ko matutunaw ako, lahat ng
nakita ko kanina, nawala eh.
Pag pasok namin sa loob ng bahay nila,
sumalubong agad samin si kuya Charles.

"Hi lil sis! ano naka gawa ka ba ng dahilan kay
mama?"
"Duh! malamang! kung hindi malamang sinugod ka
na nun dito!"
"Haha! wala ka pala Charles eh, parang sinasabi ni
Candice na ang stupid mo!" nag tawanan sila,
maliban sa kuya ko, hindi ko naman sinasadya na
maging sarcastic pero ang stupid nga naman ng
tanong niya na yun. Haha!
"Stup up Troy! dali practice na tayo! uuwi na ko
mamaya, baka magalit pa yun si mama eh, wala
kasi akong tiwala sa palusot ng good girl kong
kapatid!"
"Sige, tara Candice pasok.."
"Okey.." ang bait naman ni Marky, ngayon lang
niya ko kinausap, bakit ang saya ko? >.<

Bago sila mga practice, binigyan nila kami ni kuya
ng time para makapag usap.
"Kuya ano ba kasing nangyare?"
"Alam mo na naman na may gang ako di ba? ako
leader nun kaya masanay ka na!"

"KUYA!"
"Bakit ba Candice? what's the big deal?"
"Alam mo ba kanina.. muntik na ko saktan ni
Brandon kasi ayokong sabihin kung asan ka.."
"ANO?!" kitang kita ko yung galit ni kuya, dapat
pala hindi ko na sinabi, gusto ko lang naman na
huminto na siya sa pakikipag away eh >.<
Sobrang protective kasi sakin niyan eh, kaya nga
walang makapang bully sakin sa school di ba?
maliban dun sa tatlo niyang tropa. Kahit
hindi halata ayaw ni kuya na nalalagay ako sa
pahamak, wala na kasing papa, i mean.. matagal
na kaming iniwan ng papa namin.. siguro para
sakanya, siya na yung tumatayong tatay sakin.
"Kuya easy ka lang! dumating naman si Jeydon
eh!"
"Kahit na! paano na lang kung wala siya dun! Gago
yun ah!" tumayo siya.
"San ka pupunta?" pinigilan ko siyang umalis,
masama kutob ko sa kanya eh.
"Uupakan ko lang yung Brandon na yun!"
"Kuya wag na!" hinwakan ko ng mahigpit yung
braso ni kuya, ayaw pa awat >.< ang laking tao
eh.

"Bitawan mo ko Candice!"
"Kuya please!!" naiiyak na ko, kasi naman eh, ano
na naman gagawin niya. "Ayoko na magasgasan
yang gwapo mong mukha, kuya please.. hayaan
mo na please lang.. uuwi ka na mamaya di ba?
pag nag ka pasa ka, hindi ka na naman makaka
uwi.. miss na kita eh! wala akong maasar!" pinahid
ko yung mga luha ko, totoo naman eh, miss ko na
si kuya, kahit na isang araw pa lang siyang wala sa
bahay.
"Wag ka na nga umiyak.. okey sige, pero kapag
may ginawa pa siya ulit, hindi ko na to
papalagpasin!"
"Thank you kuya!"
Niyakap ko si kuya. Tinap lang niya yung ulo ko.
Kuya ko talaga ang sweet kahit na lagi akong
inaasar. >.<
"Yuck!! anong ka emohan yan?" Umalis agad ako
sa pag kakayakap ko kay kuya nung makita ko si
Jeydon, sus anong yuck dun!
"Gago! tara practice na tayo, gusto ko na din
umuwi eh, Candice hintayin mo na ko, sabay na
tayo.."
"Okey kuya.."

Sumunod lang ako kala kuya. Nag form sila ng
line, tapos nag play na yung song, asan kaya si
Troy? tska teka si Jeydon sumasayaw? haha!
sigurado ako hindi siya magaling.

Teach me how to dougie.

Nung unang beat pa lang ng kanta, biglang nag
hubad si Jeydon, muntik na ata lumuwa yung mata
ko.. hindi dahil sa nakita ko siyang nag hubad..
kasi yung katawan niya.. ang GANDA! *___* six
packs! sobrang macho niya.. pwede na kong mag
laway dito eh, kaso biglang bumalik sa utak ko na
si Jeydon pa din pala yun. Ewww nasabi ko bang
sexy siya?!
Si kuya okey lang din, hindi naman yan yung hilig
niya eh, mas gusto niya tumugtog ng drums pero
hindi na masama. Si Marky naman, hmmm.. mas
gusto ko siya kapag kumakanta! Haha. Si jeydon?
waaaaaaaaaa. Hindi ko maalis yung tingin ko
sakanya.. bakit ganun?
Habang bumababa sa katawan niya yung pawis,
shet! parang gusto kong punasan! nababaliw na
ata ako! hindi ko talaga pwedeng i deny na HE'S

SO DAMN HOT when he dance. Sobrang sexy lang,
ang angas kasi niya gumalaw eh, alam mo yun
may dating.

"Tumutulo na laway mo.." talaga? matignan nga..
"Haha!"
"What the?!"
"Sabi na nga ba eh! may gusto ko kay Jeydon,
Haha!"
"Ang kapal mo! Wala nuh!"
"Kaya pala nag lalaway ka! haha!"
"HINDI NGA!"

Biglang napatingin samin si Jeydon habang
sumasayaw...

TUG TUG TUG TUG

WTF?! ano to? bakit bumilis ata tibok ng puso ko?!
ewww. Gutom lang to.

"Bahala ka kung ayaw mo aminin!"
"Hindi nga! pwede ba! iba yung gusto ko!"
"Sino?"
"Secret! Troy shut up please!" nakakairita siya,
Ugh.
"Ayoko nga! kung hindi mo sasabihin sakin sino
yung gutso mo, aasarin pa din kita kay JD! belat!"
nakakainis siya pero naisip ko mas okey ng asarin
niya ko sa Jeydon na yan, hindi naman totoo eh.
Kesa naman sabihin ko na crush ko si Marky. No
way nuh! mapapahiya lang ako, magaganda lang
kaya gusto niya tska sexy >.<
Hindi ko na lang pinansin si Troy, kahit minsan
tumitingin siya sakin, yung tingin na pang asar.
Kahit ilang beses niya akong asarin kay Jeydon,
hindi ako mag kaka gusto sa mokong na yun.
Ewww lang.
Atat agad umuwi si kuya kaya nag pahatid na kami
kay Marky. Wala pang 15 minutes nasa bahay na
kami.
"Dre salamat ah!"
"Wala yun, anytime pwede ka sa bahay!"

"Sige, tara na manang!" Tss. Bumalik na naman
yung mapang asar kong kapatid, but im happy
he's here.
Bumaba na ko agad, nakakahiya kasi kausapin si
Marky eh. Yung dalawang unggoy tulog, haha!
napagod ata. Yan kasi ang hyper nila kaka asar
sakin >.<
Pag pasok ko pa lang narinig ko na agad si mama
na sinisigawan si kuya, haha! at ang nakakatawa,
kaya siya pinapagalitan kasi baka naging storbo
daw siya kala Marky, hay mama kung alam mo
lang.

"Anak buti napapayag mo yung kuya mo na umuwi
na!"
"Siya na nag insist mama, miss ka na daw niya
eh.." kinindatan ko si kuya, ayan HA! kahit nag
sama mo sakin ang bait bait ko sayo kuya.
"Haha! na miss ko kasing asarin si manang eh!"
"Che! sige aakyat muna ako."
"Sige baby!"
"Baby damulag!"

"Ah ganun?" sinipa ko nga yung paa niya! haha.
Ayan buti nga sayo! Gangster ka pala ha!
"Hoy halika nga dito manang!"

Tumakbo agad ako sa kwarto ko, haha! belat!
sinara ko agad yung pinto. Grabe parang hindi ako
maka hinga, haha nakakatawa si kuya. Pumunta
muna ako sa bintana, Grabe hingal na hingal ako.
Humiga muna ako sa kama ko. Pinatugtog ko yung
iPod ko.

Teach me how to dougie
T-teach me how to dougie
Teach me how to dougie
T-teach me how to dougie

"All my bitches love me.."

Ang ganda talaga nung kanta na yun,
napapasayaw ako eh..

Naalala ko tuloy si.. Jeydon. Ang gwapo niya, ang
sexy niya, ang HOT niya sumayaw!
Waaaaaa!! napa tayo tuloy ako sa kama ko. Pagod
lang siguro to, maka tulog na nga lang...

"Candice!"
"Bakit?"
"Gusto mo sayawan kita?"
"Ha? sige..."

They be like smooth(what?)
Can you teach me how to dougie?
You know why?Cause all da bitches love me(aye)
All I need is a beat that's super bumpin
And for you, you, and you to back it up and dump
it!
Put your arms out front, lean side to side

"Ang gwapo mo sumayaw Jeydon.. parang gusto
kong hawakan yung katawan mo.. yung mga abs
mo! inaakit mo ba ko?"

"Oo.."

Lumapit siya sakin, ramdam ko na yung katawan
niya.. hahalikan niya ko?!

"WAAAAAA!!"

"Candice?!"
"Mama? asan si Jeydon?"
"Yuck! pati ba naman sa panginip pinag
papantasyahan mo si Jeydon?"
"Charles tumigil ka nga.. anak ano ka ba! hindi
pumunta dito si Jeydon!"

Waaa panaginip. Isang bangungot. Buti na lang
nagising ako.

"Ah okey.."
"Ikaw talaga, teka uutusan na lang kita.. anak
bumili ka nga muna sa grocery ha? Thank you."
"Okey.." Ang sama ng tingin sakin ni kuya, ay mali
parang nandidiri. Yuck! hindi ko pinag
papantasyahan yung Jeydon na yun nuh! NEVER!

Kahit tinatamad ako, sinunod ko na lang yung utos
ni mama, kesa naman asarin ako ni kuya sa bahay
about kay Jeydon. Ano ba kasing nangyayari
sakin? bakit puro ako Jeydon? baka ginayuma niya
ko? ha? hay nababaliw na ko..

Habang nag lalakad ako nakita ko si Troy, oo nga
pala may tatanong nga pala ako sakanya..

"Troy!"

Ay bingi. Hindi ako narinig -__-

"Tro.."

Bakit niya hinalikan yung babae? yung matandang
babae? wag mong sabihin na....

11: Mystery Guy

Hindi ko pa tuloy nabili lahat ng pinabili ni mama..
Si Troy kasi nasa isip ko eh, sino kaya yung babae
na hinalikan niya? Hindi pa siya sobrang tanda ah,
siguro mga nasa 30's na. Hindi ko naman na
maisip na Sugar mommy niya yun kasi napaka
yaman nun nila Troy, may ari sila ng pinaka sosyal
na clubs dito tska sa US. Girlfriend niya kaya yun?
sabagay maganda naman yung babae, sexy pa.
Pag ka dating ko sa bahay nag kasalubong kami ni
kuya.
"San ka pupunta?"
"Sa party!"

"Party o baka naman?" tinikpan niya yung bibig ko.
"Wag ka nga maingay, sa party nga. Birthday ni
Stacey ngayon, invited kaming apat."
"Ah.." friend pala sila nung babae na yun, i wonder
kung alam niyang inaway ako si Stacey. "Okey
ingat ka."
"Bilisan mo kanina ka pa hinihintay ni mama! San
ka ba pumunta?"
"Ah.." napakamot ulo na lang ako. "Wala.. sige
na." natagalan ako dahil kay Troy eh.

"Mama!"
"Bakit ang tagal mo?"
"Ah wala, kumain lang ako hehe.." tinaasan niya
ko ng kilay. Im not good at lying >.< "Si Troy,
nakita ko kasi may kahalikan na mas matanda
samin.."
"Ano naman?"
"Mama, kasing edad mo yun!" kinuha niya yung
mga binili ko, tapos niligay niya sa kusina,
sinundan ko naman si mama.

"Candice, age doesnt matter.. malay mo mahal
talaga niya yun. Don't be judgemental." hindi kasi
kilala ni mama si Troy eh, womanizer kaya nun!
tapos may May-December love affair pala? naalala
ko tuloy si Tiffany, ano kayang reaksyon niya
kapag nalaman niya?
"Okey mama.. sorry po.."

Umakyat na lang ako sa kwarto ko, bukas naman
pupunta yun dito si Troy, tatanungin ko na lang.
"Rooo!"
"Hi cholo? i miss you!" tumalon siya sakin, ang
bigat ng chowchow na to' napahiga tuloy ako sa
kama.
"roooo.."
"Bakit? miss mo din ako? haha.."

Unknown calling..

Sino kaya to?

"Hello?"
"Hi bebe candice!" hindi ko maalala kung sino siya
>.<
"Hm..." parang pamilyar yung boses niya eh.
"Tampo na ko sayo, si ate Serina! kamusta?"
"Waaaaaaaa!! ateeeee!! i miss you! sorry!" feeling
ko gusto kong tumalon sa tuwa. Hindi ko na
nakilala yung boses niya.
"Haha! i miss you more bebe! kamusta si Troy?"
"Ahm.. ganun pa din! haha.. asan ka ate?"
"Secret! got to go Candice, see you soon!"
"Teka ate!"

Toot toot...

Ay binaba na ni ate Serina.
See you soon daw? nasa pilipinas na kaya siya?
Ano kaya mararamdaman ni kuya kapag nakita
niya ulit si ate Serina? yung nag iisang babae na
bumasted sakanya. Haha! sobrang close kami ni
ate Serina, nung nandito pa siya sa pinas lagi

kaming mag kasama. Close kasi sila ni kuya tska
kay mama. Hay. Bakit ang daming nakaka gulat na
nangyayari ngayon?

"CANDICE!"

Oh no. Feeling ko may something na naman na
mangyayari.
"Bakit mama?" nakita ko si mama parang naiiyak.
"Anong nangyare? nabugbog ba si kuya?"
"Hindi.. yung papa mo.." tumalikod agad ako nung
marinig ko na about lang pala yung kay papa.
"Candice nasa ospital yung papa mo!"
"Asan yung asawa niya?"
"Candice! kelan ka pa naging ganyan?! He's still
your father!"
"Hindi na Ma, ano ba nangyare? namatay na ba
siya?"
In a span of time, nakahawak na ko sa pisngi ko.
Yeah I know, I deserve that slap.

"Hindi kita ganyan pinalaki." Ngayon umiiyak na
siya. "Aalis na tayo, pupunta tayong ospital, wala
dun si Mary kaya ako yung tinawagan."
"Kayo na lang po mama."
"Candice naman!"
"Ma! ayoko nga po. Please lang, umalis kayo kung
aalis kayo. Kaya ko na po sarili ko."
"Hindi kita pwedeng iwan dito, wala si Charles."
"Okey lang ako, safe naman sa bahay eh. Sige na
po puntahan niyo na siya."
Niyakap ako ni mama. Mali bang magalit ako sa
papa ko? Niliko niya si mama, at sa best friend pa
ng mama ko, kahit makita ko lang sila ng kabit
niya hindi ko kaya. At tatlong taon na din naman
siyang walang paki sakin. Matagal ko na siyang
kinalimutan.
"Tumawag ka kapag kelangan mo ko ah? Candice..
alam kong mahal mo ang papa mo, wag kang mag
padala sa galit."
"Sige na po mama, ako na po bahala."
"Papapuntahin ko si yaya cena dito, para may
kasama ka."

"Mama wag na po, okey lang po ako, ingat po
kayo."
"Okey, I love you Candice."
"I love you too ma."

Niyakap ulit ako ni mama bago umalis. Ayoko
makita si papa, ganun ako katigas.. ganun NA ako
katigas. Simula ng iwan niya kami. Kahit na nag
aalala ako sakanya, mas nangingibabaw pa din
sakin yun galit eh. Hanggang ngayon, masakit pa
din yung ginawa niya.
Ano pa kayang kakaiba mangyayari ngayon? >.<

Nag open na lang ko ng Facebook. Wala naman
magawa eh, tinignan ko yung FB ni Marky.
Here at Stacey's party. Gonna Make love tonight'
>:)
Like · · Share · 12 minutes ago near Manila ·
people like this.

47

Ugh. Marky, sana hindi ka na lang mahilig sa mga
babae, sa mga sexy at maganda. Eh sino ba

naman ako para mainis at magalit? hay ako lang
naman yung panget na nerd na tatlong taon ng
may gusto sayo >.<
Mag papatugtog na nga lang ako.
PAROKYA NI EDGAR - PANGARAP LANG KITA

Mabuti pa sa lotto..
May pag-asang manalo...
Di tulad sayo..imposible...
Prinsesa ka..ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita...wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta..
Pangarap lang kita...
Hay Marky.. pangarap lang kita.. dadating kaya
yung araw na mapapansin mo ko? yung
magagandahan ka sakin? yung mag kakagusto ka
din sakin? kasi ako.. gustong gusto kita.. hehe.

Ang hirap maging babae
Kung torpe iyong lalaki
Kahit may gusto ka...di mo masabi
Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari

At kahit mahal kita...Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita
Pangarap lang kita Marky. Oo tanggap ko na
naman eh..

At kahit mahal kita,
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita

Waaa! hindi ko pa siya mahal. Ano ba yan! haha.
Mag kaiba yun.
Makatulog na nga lang...

"roooo.."
"roooo.."

"Cholo bakit?"
Napatayo ako sa kama nung may narinig ako sa
baba, andyan na ba si mama? ang bilis naman
niya? anong oras na ba? 8pm pa lang eh, wala

pang 30 minutes. Si kuya kaya? bumaba agad ako
ng kwarto.
"Kuya? Mama?"

Hindi pa ko nakaka baba ng bahay may nakita na
agad ako na lalaki, naka takip yung mukha niya.
Magnanakaw! bumilis yung tibok ng puso ko.
Nanginginig na yung tuhod ko, anong gagawin ko?!
parang maiiyak na ako. May mag nanakaw sa
bahay namin at ako lang yung tao dito, tapos..
may hawak pang kutsilyo.
Bumalik ako sa kwarto ko.
Tinawagan ko pareho sila mama at kuya pero
wala.
Anong gagawin ko?! silang dalawa lang maliban
kay papa yung malapit dito. Katapusan ko na ba?
paano kapag pumunta yun dito tapos makita ako?
tapos patayin ako?! huhu.

Unknown calling..

Baka si ate Serina!

"Hello?!"
Amp bakit hindi siya sumasagot?!
"Hello! please sagutin mo.." naramdaman ko na
yung luha sa mukha ko. "Tulungan mo ko.. kung
sino ka man.. please.. may mag nanakaw sa bahay
ko.. at.. at ako lang yung tao dito.. parang awa mo
na.. andito ko sa bahay ni Candy Gonzales, sa may
Central Park Village.."
Binaba niya yung tawag. Sino kaya yun? anong
gagawin ko?!
Nag pray na lang ako, yun na lang naman
magagawa ko eh..
Maya maya, may kumatok.
"Sinong nandyan!"
Hindi ako sumagot. Nakakatakot yung boses niya.
"Wag ka na mag tago dyan! kapag nakapasok ako
dyan, lagot ka sakin!"
"Umalis ka na! tumawag akong pulis!"
"Haha! pag dating nila patay ka na!" patay?
papatayin niya ko? Oh no.

Ang lakas ng kabog sa pinto. Parang masisira na..
anong gagawin ko? mamatay na ba ako? pero
hindi pa ako nag kaka boyfriend! huhu wag naman
sana. MAMA!! KUYA!! HELP ME!! T__T
Biglang namatay yung ilaw. Waaa ang dalim! sakto
na bumukas yung pinto. Hindi ko makita yung
mukha niya kahit tinggal na niya yung takip sa
mukha niya.
"Haha! tapang mo ah! lagot ka sakin.. Gusto mo
ba mag laro muna tayo?" binato ko siya ng unan.
"Lumayo ka sakin!"
"Mag lalaro pa tayo.." panaginip lang att to eh,
natulog ako di ba? tama... OUCH! hindi to
pinaginip.

Pinikit ko yung mata ko. Hanggang dito na lang ba
buhay ko?

*BLAG*

Binuksan ko yung mata ko kahit wala pa din ako
makita dahil madilim.
Nakita ko na lang yung magnanakaw na
nakabulagta. Tapos yung lalaki na hindi ko makita
yung mukha hinubad yung damit niya tapos tinali
niya yung lalaki sa may kama. Tumalikod agad
siya nung nakita niya na naka tingin ako sakanya.
May tatoo siya sa likod, dragon. Sino siya? siya ba
yung lalaki na tumawag sakin? Umalis siya pero
hinabol ko siya.
"Sandali!"

Kahit gaano ako kabilis, naka alis na siya.
Sino yun?
at ano to?

Necklace.. dog tag, キャンディス.
Ano to?!
12: Prince Charming

"Candice!"
"Kuya? tapos na ba yung party?"
"Okey ka lang ba?" hinawakan niya yung balikat
ko, tinignan niya kung okey ako. Hello? okey na
ako, medyo natakot nga lang talaga ako kanina.
"Oo okey na.. bakit umuwi ka na?" halata mong
nag aalala talaga siya. Nakakatuwa kapag ganyan
si kuya.
"May nagsabi kasi sakin na may magnanakaw daw
sa bahay natin, Asan na yung g*gong
magnanakaw na yun?!"
"Kinuha na ng mga pulis, pababa na yun.."

Pagkababa ng mga pulis, hawak na nila yung mag
nanakaw, nakita ko na din yung mukha niya.
Mukha nga siyang magnanakaw, ang dami niyang
tatoo eh, tapos ang pula pa ng mata niya.
Nakakatakot siya, geez. Paano kapag hindi
dumating yung lalaki kanina? baka patay na ko
ngayon.
"Sir, eto na po yung nagnakaw sa bahay niyo,
lahat ng nakuha niya, iniwan na namin sa loob.
Sumama na lang po kayo sa police station para
masampahan na natin ng kaso to."

"Sige po." ang sama ng tingin ni kuya dun sa
magnanakaw. "Pasalamat ka hindi nasaktan yung
kapatid ko, kung hindi baka hindi ka na sikatan ng
araw."
"Kuya! tara na."
"Sir, susunod na lang po kami sa station. Salamat
po, kung hindi dahil sa inyo baka napahamak na
yung kapatid ko."
"Hindi po, dumating kami nakatali na yung lalaki
sa may kama, magaling po yung kapatid niyo Sir,
sige po. Sumunod na lang kayo dun."
"Sige po, salamat." Tumingin si kuya na nagtataka.
Haha! akala niya siguro ako talaga yung nag tali
dun sa lalaki. "Paano mo nagawa yun?"
"Haha!! epic mukha mo kuya! malamang hindi ako
may gawa nun!" hindi ko pa din mapigilan yung
tawa ko, naasar na ata siya.
"Eh sino ha?!"
"Hindi ko nga kilala eh, umalis siya agad.. pero
may naiwan siyang dogtag oh, tignan mo."
pinakita ko sakanya yung dogtag na may japanese
sign na hindi ko naman maintindihan.
"Candice to ah?"

"Ha?"
"Yung japanese word ng pangalan mo to."
"Ha?" binatukan niya ko. "Ouch!"
"Sino ba yun?! kilala mo ba? bakit pangalan mo
naka lagay sa dogtag niya?!"
"Pangalan ko? paano mo nalaman? marunong ka
ba mag japanese?"
"Oo natuto ako nun dati, sino ba kasi yun?"
"Kakasabi ko nga lang na hindi ko nakita, tska
wala naman ako masyadong kaibigan o kilala dito,
isa pa malaki yung katawan niya eh.. tapos may
tatoo siya na dragon.." sino nga kaya yun? kilala
niya ba ko? hays.
"Hmm.. nakakapag taka naman. Wag muna natin
isipin yun, pasalamat na lang tayo dumating siya. I
lock mo na yung bahay pupunta tayo ng prisinto,
tatawagan ko si mama."
"Sinabi na ba niya na pupunta siyang ospital?"
"Oo, akala ko naman kasi walang mangyayari sayo
eh. Yung lalaki kasing yun.." pinutol ko yung
sasabihin ni kuya, ayoko na pag usapan si papa.
"Ilock ko na yung bahay ha, ready mo na yung
kotse."

Alam ni kuya na hindi ako komportable pag usapan
si papa kaya hindi na lang din siya nag salita.
Tahimik lang kami papunta dun sa police station.
Ano kaya magiging reaksyon ni mama? Hindi ko
alam, pero pagka dating palang namin ni kuya sa
police station, kinabahan ako.
"Gusto mo ba na dito ka na lang?"
"Okey lang kuya, sasama ako."
"Okey tara." ayoko naman talaga makita yung
magananakaw na yun, nakakatakot kaya siya pero
alam ko naman kelangan ng statement ko eh.
Nag bigay lang ako ng statement sa police, hindi
na ko pinalapit ni kuya dun sa lalaki. Tapos
dumating si mama na alalang alala.
"Candice! Are you okey baby?" niyakap niya ko.
"Opo mama.."
"Asan yung g*gong yun ha?!"
"Andun po sa may kulungan na, andun din si
kuya."
"Sir, pwede na ba siyang umalis? ayoko kasi
siyang magtagal dito sa prisinto."

"Okey lang po mam."
"Anak, pumasok ka na sa kotse."
"Opo mama."

Kalahating oras din ako nag hintay kala mama at
kuya. Buti naman dala ko yung iPod ko, kung hindi
namatay na ko sa pag kabagot dito sa loob ng
kotse. Pag labas nila, si kuya sumakay sa kotse
niya, si mama naman pumasok dito sa kotse niya.
Bakit ako wala? haha.
"Babalik daw kuya mo sa party."
"Ah okey."
"Okey ka lang ba? hindi ka ba niya nasaktan? sorry
baby, hindi ko alam na mangyayari to." halata
mong pagod siya at the same time stress. Na awa
tuloy ako kay mama.
"Mama okey lang po, may dumating na lalaki para
iligtas ako kaya walang nangyari sakin."
"Sino naman? asan siya?"
"Yun nga po, hindi ko siya kilala eh.. umalis na kasi
agad, eh nawalan ng kuryente kanina kaya
madilim, hindi ko nakita yung mukha niya."

"Kung sino man siya, im glad na dumating siya
para tulungan ka, sana mapasalamatan ko siya.
Nakakainis naman yung security sa village, bakit
may magnanakaw na nakapasok dun?"
"Hayaan mo na po ma, i think you need a rest."
"Hay nako. I super need." gusto ko sana na
tanungin yung lagay ni papa pero tumahimik na
lang ako tapos natulog sa kotse.

"Candice, andito na tayo. Sige na mag pahinga ka
na, ako na bahala sa bahay."
"Okey ma, goodnight po."
"Sweetdreams baby."

Bumababa agad ako sa kotse tapos umakyat sa
kwarto ko. Inisip ko yung mga nangyari. Hay, what
a day. Parang lahat ng nangyari, hindi
kapanipaniwala. Lalo na yung mysteryosong lalaki
na yun. Bakit kaya pangalan ko yung nakalagay
dun sa dogtag niya? kilala niya kaya ako? waaaa.
Napahiga ako sa kama ko. Makakatulog kaya ako
neto sa mga nangyari? parang hindi eh.

Una, nalaman ko na may MAY-DECEMBER love
affair pala to si Troy, hindi naman pwedeng sugar
mommy niya yun kasi super yaman ng lalaking
yun, so girlfriend kaya niya yun? dapat malaman
ko yun. Pangalawa naman, si ate Serina tumawag
sakin after a year? tska sabi niya see you soon
daw? uuwi na kaya siya ng pilipinas? ano kaya
magiging reaksyon ni kuya? Pangatlo naman, si
papa nasa ospital, bakit kaya wala dun yung
magaling niyang asawa na si May? pero sa huli,
hindi ko pa din ma deny na nag aalala pa din pala
ako sa lalaking yun, sa tatay ko.
At ang pinaka huli sa lahat.. at pinaka nakakagulat
at hindi ko inaasahan, yung misteryosong lalaki na
nag ligtas sakin kanina. Sino kaya siya? tska bakit
yung dogtag niya pangalan ko nakalagay, nag
kataon lang ba? gusto ko talagang malaman eh.
Siya kaya yung tumawag sakin? Napaupo ako,
tama yung cellphone ko, andun pa yun sa call
history.
Try ko kayang tawagan?
Waaa nag ri-ring.. kinakabahan tuloy ako.

Inangat na niya yung phone pero hindi pa din siya
nagsasalita..

"Hello?"
Hindi pa din siya nagsalita pero alam ko hindi pa
niya binababa yung phone.
"Fine, kung ayaw mong magsalita, okey lang!
salamat pala kanina ah, kasi niligtas mo ko.. kung
ikaw man yun o hindi.. sana mag pakilala ka
naman sakin para mapasalamatan kita kung ikaw
man yun.. kaso kung ayaw mo.. okey lang. Thank
you talaga ah! sige goodnight.."
Naghintay ako mag salita siya pero hindi eh, kaya
inend ko na yung call. Bakit kaya ayaw niya
magsalita? Hindi naman niya binababa yung
phone? nakikinig lang siya sakin.. pero parang ang
saya ko, kasi nakapag thank you ako sakanya.
Gusto ko na tuloy talaga siya makilala. Alam ko
siya yung nagligtas sakin.. hindi ako pwedeng
magkamali.
Prince Charming na lang itatawag ko sakanya,
kasi siya yung nagligtas sakin eh. Kahit hindi ako
mukhang prinsesa. Haha! bakit ba? Ang saya ko
naman! may mysterious prince ako. Ngayon nag
iilusyon na talaga ako, asa naman ako. Hindi
naman to panaginip, kasi ilang beses ko na
sinampal sarili ko pero paulit ulit lang ako
nasasaktan. Basta, masaya ako.

Ano kaya mangyayari bukas?

**

"rooo."
"Good morning cholo.. may kasalanan ka pala
sakin! bakit hindi mo man lang tinulungan si
mommy kagabi dun sa magnanakaw?" Sabagay
mas okey na hindi na siya tumulong baka mamaya
may gawin pang masama yung magnanakaw na
yun sa baby ko. Anong oras na ba? 8am. Ang aga
ko nagising, usually kapag walang pasok mga
10am pa ko babangon. "Alam mo cholo, maganda
yung gising ko, kaya ipapasyal kita! tara!"
Nag toothbrush muna ko tapos bumaba na ko,
nakita ko nag luluto pa lang si mama. Ngayon lang
ba siya nagising? siguro hindi siya nakatulog
kagabi? kawawa naman si mama.
"Good morning mama."
"Hi Candice, ang aga mo ah? sorry napasarap tulog
ko eh." niyakap ko si mama sa likod. "Ang baby ko
nag lalambing, bakit?"

"Wala lang po mama! malambing naman talaga
ako ah? Ay si kuya nga pala?"
"Umuwi din naman siya, nag paalam lang siya
kagabi kaya siya bumalik, baka daw kasi may
pumasok na naman sa kung sino sa bahay."
"Ah, mama papasyal ko nga pala si cholo
mamaya."
"Okey sige, at bakit parang masaya ka ata?" halata
ba? hindi ko ata maalis yung ngiti ko, dahil kay
prince charming.
"Kasi yung lalaki kagabi, tawag ko na sakanya
prince charming!"
"Talaga? eh kelan ko naman makikilala ang prince
ng princess ko?" kumuha ako ng gatas sa fridge
tapos kinuha ko yung cereals, nakalimutan ko pala
kumain kagabi.
"Yun nga po mama, tinawagan ko siya kagabi pero
wala hindi siya sumasagot eh, pero alam ko siya
talaga yun.."
"Kung sino man siya, ang mahalaga okey ka na,
okey? sige kumain ka na, di ba pupunta dito
mamaya si Troy para sa project niyo?"
"Oo nga pala.." kinain ko agad yung breakfast ko.

"Sige mama alis na po kami ni cholo ah?"
"Okey mag ingat ka ha!"
"Opo mama!" kinuha ko si cholo, "Come baby."
"Bye cholo baby! balik kayo agad ah!"
"Opo!"

Nawala sa isip ko na pupunta pala si Troy samin
mamaya, ano kayang sasabihin niya kapag
nalaman niyang nakita ko siya kahapon? sasabihin
niya kaya? kahit naman hindi, wala na siyang
takas kasi nakita ko na, mas mabuti pang sabihin
na lang niya. Dinaanan ko yung bahay nung babae
na kasama ni Troy kahapon, malaki naman eh,
mukha din naman siyang mayaman. Imposible
talagang sugar mommy ni Troy yung babae.

"OUCH!"
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!"

"IKAW?!" sabay pa kami.

"Bakit andito ka?!"
"Dito din yung bahay namin eh!"
"Ha?!" dito din pala nakatira sa village na to si
Jeydon.
"Bingi ka ba? sabi ko dito din kami nakatira sa
village na to. Tska tignan mo, natapunan pa yung
sapatos ko ng kape. Binangga mo kasi ako eh!"
"Mababangga ka ba kung tumitingin ka? hindi ka
din tumitingin!"
"Pareho lang tayo! bayaran mo to! ang mahal
mahal ng nike na to eh! jordan collection to eh!
mahal pa to sa buhay mo!" aba! ang yabang niya
ha! para lang sa sapatos na yan!
"Ang kapal mo! bilhan pa kita niyan eh! alis nga,
ipapasyal ko pa si cholo."
"Bayaran mo muna to!" ang kulit niya..
"Cholo! bite Jeydon!" Sinugod ni cholo si Jeydon, si
Jeydon naman lumayo, haha sabi na eh takot siya
sa aso! Haha! nakakatawa tuloy siya. "HAHAH!!"
"Lagot ka sakin!"
"Haha buti nga sayo! TSE!"

Umalis na lang ako agad dun, epal talaga yun si
Jeydon. Muntik pa masira yung umaga ko.
Pumunta na lang ako sa park. Siguro naman hindi
yun manggugulo yun dito. Umupo lang ako sa
swing, si cholo naman nag lalaro lang sa harap ko.
May lumapit sakin na matandang babae, umupo
din siya sa tabi ko.
"Ija, gusto mo bang hulaan kita?"
"Po?"
"Libre lang to, akin na yung palad mo.."
Binigay ko sakanya yung palad ko, wala naman
siguro mawawala eh, mukha naman mabait si Lola.
"Naniniwala ka sa mga fairytales hindi ba?"
"Opo! paano niyo po nalaman?"
"Pwes, Nakilala mo na yung Prince Charming mo.."
Nagtataka ako sa sinabi ni Lola.. nakilala ko na?
pero sino? waaa.
"Katulad sa mga fairytales, palagi ka niyang
ililigtas.. palagi siyang andyan kapag kelangan mo
ng tulong.. maswerte ka Ija."
"Pero sino po yun?"

"Katulad nga ng sinabi ko.. nakilala mo na siya."
Ngumiti sakin si Lola tapos umalis na. Totoo kaya
yung sinabi niya?

Hindi kaya siya si Prince charming? nakilala ko na
daw eh? tapos lagi ako ililigtas? siya nga kaya?
Gustong gusto ko na tuloy makilala kung sino
siya..
Si Prince Charming..

13: Friends?

Bumalik na din ako agad after ako hulaan ni lola,
totoo kaya yun?
Ayoko maniwala kasi ayoko umasa pero wala
naman siguro masama di ba? niligtas naman
talaga niya ako eh. Isa pang weird, kapag naiisip
ko siya.. bumibilis yung tibok ng puso ko? normal
ba yun?

"rooo!"
"Gutom ka na ba baby? andito na tayo wait lang.."

Nakita ko si Troy sa tapat ng gate, nag aalangan
kung mag doorbell ba siya o hindi.
"HUY!" lumingon siya sakin, gulat na gulat. Haha!
"AY KALABAW!"
"Haha! bakit hindi ka pa pumasok ha?"
"Ah tinatamad kasi akong gumawa ng project eh."
Binatukan ko nga. "Aray! bakit?!"
"Para yan sa ginawa mo kahapon! akala mo hindi
ko pa nakaka limutan? at anong ayaw?! hindi
pwede! gagawa ka o gagawa ka, yun lang
pamimilian mo."
Nagkamot ulo lang siya. Binukasan ko yung gate
tapos pumasok na din naman siya. Pag pasok
namin sa bahay, dinala ko muna si cholo sa
kusina, mukhang gutom na siya eh. Pinakain ko ng
favorite dogfood niya. Si mama naman nag iwan
ng note na aalis daw siya kasi may business
meeting daw, pero nagluto na din siya at uuwi na
daw si ate Linda mamaya, yung katulong namin.

Bumalik na ko sa sala. Baka mainip pa tong si
Troy, umalis pa.
"Hmm.. kumain ka na ba?"
"Mamaya na lang, pwede bang tapusin na natin
agad yung project? may pupuntahan kasi ako
mamaya eh?" tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"
"San ka pupunta?" pagkasabi ko pa lang nun,
parang nagsisi akong itanong. Ano naman paki
alam ko kung san siya pupunta? kasi naman eh,
may feeling ako na pupuntahan niya yung babae
malapit samin.
"Bakit naman inaaalam mo?" tinaas din niya yung
kilay niya tapos ngumisi siya.
"Huy! anong iniisip mo?! may gusto ako sayo! asa!
natanong ko lang.."
"Haha! defensive! Oo alam ko naman wala kang
gusto sakin kasi si Jeydon gusto mo di ba? Uy!
haha.."
"Wag mo nga sirain araw ko! Yuck! wala akong
gusto dun! san ka nga pupunta?"
"Basta may pupuntahan lang.."
"Teka lang ah! kunin ko lang yung mga gagamitin
natin sa kwarto ko."

"Sige."

Umakyat agad ako sa kwarto ko, nangangati na
yung bibig ko na itanong sakanya kung sino ba
talaga yung babae na hinalikan niya. Hindi ako
tsismosa, Curiosity kills kaya. Haha!
Sinilip ko si kuya sa loob ng kwarto niya, tulog pa
din. Amoy alak yung kwarto niya, tss. Lasenggero
talaga, eh bakit kaya si Troy hindi naman nalasing?
tska yung Jeydon na yun? eww bakit ko ba siya
iniisip?
Nung nakuha ko na lahat, bumaba na din ako.

"Tapusin na natin to ng maaga, may sasabihin kasi
ako sayo eh." napatingin siya sakin na parang
nagtataka at the same time kinakabahan, iniisip ko
na baka alam na niya yung ibig kong sabihin, nasa
iisang village lang kami ng babae kaya hindi
imposible na makita ko sila.
"Kinakabahan naman ako dyan Betty! sige."
"Wag mo kong tawaging Betty! hindi ko bibilisan
tong project eh!"
"Oo na! sorry.."

Mabilis lang kami natapos, hindi pa siya tapos
lahat pero sabi ko ako na lang tatapos nung iba,
madali lang naman to eh. Hindi naman sa pag
mamayabang, nerd kaya ako so wala na to sakin
kasi buong break puro aral lang ako, gusto ko lang
talaga na gumawa si Troy para naman matuto
siya. Ako na nag presentang tapusin kasi alam ko
nag mamadali na siya, pero hindi ko na kasi
kayang hindi itanong sakanya yung about sa
babae.
"Troy.. may girlfriend ka ba?" hindi niya ko
tinignan, nililigpit lang niya yung mga ginamit
namin. Tapos tumawa siya.
"Haha! Madami akong chicks, sa gwapo kong to,
pero wala akong girlfriend, ayoko kasi ng
commitment eh.." so hindi niya kaya yun
girlfriend?
"So hindi mo girlfriend yung babaeng hinalikan mo
kahapon?"
Natigilan siya, kita mo sa mukha niya na parang
galit siya, hindi ko alam kung sakin o dahil sa alam
ko yung tungkol dun sa hinalikan niya yung babae.
Nakita ko yung kamay niya na nag form into fist.
Galit nga siya. Ang tanga ko naman kasi para maki

alam eh, pero gusto ko talagang malaman eh.
Sorry naman.
"Sorry ah.. hindi ko naman sinasadya na makita
eh.. galit ka ba sakin?" he sighed. Siguro na realize
din niya na hindi ko naman talaga kasalanan, wala
naman ako intensyon na guluhin yung buhay niya
kagaya ng ginagawa nila sakin ni Jeydon.
"Galit ako sa sarili ko.. hindi ako naging maingat,
hindi pumasok sa isip ko na baka makita mo ko o
kaya ni Jeydon kasi pareho lang kayo ng village.."
"Sorry.. hindi ko naman sasabihin kahit kanino
eh."
"Talaga?" parang hindi pa siya makapaniwala.
"Oo naman. Hindi naman ako masamang tao Troy,
kahit na iniinis mo ko, hindi ko pa din kayang
gumanti sayo o gayahin yung gina
gawa mo sakin." hindi siya makatingin sakin, pinag
lalaruan lang niya yung papel sa harap niya.
"Salamat Candice, and sorry sa mga ginawa ko
sayo.. sabi kasi ni Jeydon asarin kita eh.."
"Bakit ba kasi lagi kang sumusunod kay Jeydon?"
"Bestfriend ko siya eh." that make sense.

"So hindi niya alam? bakit hindi mo sakanya sinabi
kung mag best friend kayo?"
"Hindi pwede.. ate niya yun eh.." biglang nalaglag
yung panga ko sa sinabi niya. ATE NI JEYDON?!
pero kung kapatid niya yun, okey lang di ba?
"Yun naman pala eh, bakit hindi mo sabihin?
Anong masama dun?"
"May asawa na siya.. kaya hindi pwede.. at kahit
kelan hindi." ilang segundo din bago ko na proseso
sa utak ko lahat ng sinabi niya. But that doesn't
make any sense.
"Kung may asawa na siya bakit hindi mo pa din
siya layuan? ganun mo ba siya kamahal? no
offense ah, pero mas matanda siya satin ng ilang
taon.."
Ang lungkot ng mukha ni Troy. Kahit hindi ko na
tanungin, mahal niya talaga yung ate ni Jeydon.
"Mahal ko siya Candice.. Mahal na mahal.. kahit
mahirap paniwalaan kasi nga mas matanda siya
sakin. Honestly, first love ko siya.. Hindi ko naman
naisip na mas matanda siya sakin kasi napaka
ganda niya.. isa pa madali siyang makasundo.."
"Okey, naintindihan kita.. pero bakit ayaw mo
ipaalam kay Jeydon? kung totoo ka niyang
kaibigan, maiintindihan ka niya kagaya ko, hindi

nga tayo ganun ka close eh di ba?" tumingin siya
sakin, ngumiti siya pero alam mong pilit lang.
"Siya pa kaya?"
"Yung mama niya kasi, nag karoon din ng affair sa
ibang lalaki na muntik na ikasira ng pamilya nila,
kaya alam ko kung gaano niya kinamumuhian
yung mga ganung tao, at kapag nalaman niya,
kakamuhian niya ako at higit sa lahat yung ate
niya na ayoko naman mangyari.." sa sandaling
yun.. naisip ko na pareho pala kami ni Jeydon,
kinakamuhian ko din yung mga taong yun.. kagaya
ng papa ko.
Medyo naintindihan ko na pero hindi ko
maintindihan bakit tinuloy pa din niyang mahalin
yung ate ng bestfriend niya? bakit nag asawa ng
iba yung ate ni Jeydon kung mahal din pala niya si
Troy? bakit madami siyang chicks, may mahal na
naman pala siya. Hays, ang gulo ng mga lalaki.
Nakita ako ni Troy na naka kunot ng noo, tumawa
siya kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.
Alam niya siguro na ang dami kong tanong sa isip
ko.
"Alam mo Candice.. Una ko siyang nakita.. grade 5
pa lang ako nun.. pumunta kami nila Marky tska
ng kuya mo sa birthday Jeydon.. nung una ko pa
lang siyang makita gustong gusto ko na siya. Ang
ganda ganda niya.. Malapit siya saming apat.

Tuwing tinuturing niya ko na parang maliit na
kapatid, naiinis ako. Mabait si Jaycee, palagi siyang
andyan kapag binubugbog ako ng daddy ko.. Nung
nag second high school ako, nagtapat ako sakanya
na gusto ko siya.. na parang mahal ko na siya.."
binubugbog siya ng daddy niya? pero mas focus
ako sa kanya tska sa ate ni Jeydon kaya hindi ko
muna yon tatanungin.
"Tapos?" hindi ko na maintay yung susunod niyang
sasabihin, natawa tuloy siya.
"Sinabi din niyang gusto niya ko, simula nun
minahal na namin yung isa't isa.. walong taon
yung tanda niya sakin.. kaya kelangan namin itago
yung relasyon namin, pero dumating na yung
kinakatakutan naming dalawa, pinakasal na siya
ng magulang niya sa asawa niya ngayon, for
business matters.. wala naman akong magawa!
kaya sa loob ng dalawang taon palihim kaming nag
kikita at nag sasama.."
"Paano yung kahapon? baka nahuli kayo!"
"Wala yung asawa niya nasa business trip.. please
Candice, satin lang to?"
"Pangako.. pero hindi ako sure sa ginagawa mo
Troy, pareho nating alam na mali yan, sa batas
natin at sa batas ng Dyos.."

"Alam ko.. pero mahal namin yung isa't isa eh..
hinihintay ko lang na mging 18 ako tapos pwede
na kaming magsama.."
"Paano si Jeydon? kung ako nasa lagay niya
masasaktan ako.."
"Hindi ko na muna siya iniisip.." napayuko siya,
alam ko nahihirapan siya sa sitwasyon nila.
"Wag ka mag alala, safe yang secret mo sakin."
hinawakan ko yung balikat niya, gusto ko lang
siyang maging okey, na raramdaman ko kasing
nahihirapan na siya ng sobra.
Tumingin ulit siya sakin. Hinawakan niya yung
kamay ko.
"Salamat Candice, hindi mo alam kung gaano
kahalaga sakin to.."
"Kahit hindi pa ko na iinlove, alam ko naman yung
nararamdaman mo kahit konti."
"Alam mo Candice, ngayon lang ako nag tiwala sa
isang tao ng ganito.. feeling ko kasi sobrang
mapag kakatiwalaan kita.. Thank you.. babawi ako
sayo!"
"So hindi mo na ko aasarin?"

"Hmm.. inborn na sakin yun eh! Haha! babawasan
ko na prom
ise!"
Natawa naman ako sa kanya pero may isang
tanong pa akong hindi natatanong sakanya.
"Troy.. isa pa pala, kung may mahal ka na, bakit
madami ka pa ding chicks?" tumingin siya sakin na
parang hindi makapaniwala.
"Haha! wala ka pa talagang alam Candice, hindi ko
sinasabi na lahat ng lalaki ganito pero hindi mo na
maalis samin yun.. sa gwapo ko ba namang to
eh?" nag pogi sign pa siya -__- "Isa lang naman
sigurado ako, kahit ilang babae pa yung landiin ko,
makasama ko, mahalikan ko, bago ako matulog
isang babae lang yung nasa isip at puso ko.. at si
Jaycee yun.."
Kahit papaano naintindihan ko na kahit konti, pero
ang gulo pa din ng mga lalaki. Sabagay kahit sarili
kong tatay nagawang mangbabae eh. Sana lang
ginaya niya si Troy na kahit madaming chicks
isang babae pa din yung alam niyang mahal niya.
Nalungkot tuloy ako nung naisip ko.

Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya
tapos bigla siyang nalungkot, bakit kaya?

"Bakit?"
"Dumating na yung asawa niya eh.."
"Sorry, dapat pala mamaya na lang tayo gumawa
ng project.." ngumiti siya sakin.
"Okey lang, mas okey nga yun kasi hindi kami
nahuli di ba?"
"Oo nga.." hinawakan niya yung kamay ko, tapos
naka tingin lang siya sakin.
"Candice anong tingin mo sakin? masama ba kong
tao?" tapos nawala yung ngiti niya.
"Troy.." inalis ko yung pagkakahawak ng kamay
niya, tumingin lang ako sa sahig. "Hindi ko alam..
pero pag katapos mong sabihin yan sakin, parang
gumaan yung loob ko sayo. Pinag katiwala mo
sakin yung sikreto mo, pwede mo naman i deny
yun eh, pero sinabi mo pa din kahit hindi tayo
close.. ewan basta.."
"Haha! mabait naman talaga ako eh!"
"Tatanungin mo ko tapos sasabihin mo din pala na
mabait ka!"
Inabot niya sakin yung kamay niya.
"Ano yan?"

"Friends?"
Inabot ko yung kamay ko sakanya. "Friends."
"Ayun oh! may matalino na kong kaibigan! hindi na
ko mahihirapan sa mga homework ko! yehey!
wuhhoo!!" binatukan ko nga. "Haha! Joke!"
"Tara dito ka na kumain!"
"Sige! gutom na ko eh!"
Mabuti na lang may naluto na si mama, favorite pa
naman ni kuya to, chicken curry. Gusto ko sanang
gising si kuya para kumain kaso ayoko masuntok
ng hindi oras, ayaw nun ng ginigising lalo pag
lasing, kaya bahala siya. Haha! si Troy naman
naubos agad yung pagkain, ang takaw pala netong
mokong na to.
Inisip ko din na si TROY MENDOZA, kaibigan ko
na? nakakatawa di ba? sino bang mag iisip nun?
pero magaan kasi yung pakiramdam ko sakanya,
ewan ko ba. Kahit na inaasar niya ko, kahit na isa
siya sa APAT. Alam ko naman mabait siya eh,
mapang asar nga lang -___-

"Salamat Candice ah, sarap ng luto ng mama
mo.."

"Wala yun! ay.. ano nga pala nangyari kagabi bakit
lasing na lasing si kuya?" gusto ko lang talaga
malaman kung may ka date ba si Marky kagabi
pero para hindi halata, si kuya kunyari yung
tinatanong ko! Haha!
"Haha! hindi ka pa nasanay! lasenggero yan eh!
pero umalis kasi si Jeydon tska si Marky kagabi
kaya siya na umubos ng inumin dun sa birthday si
Stacey!"
"Umalis bakit?"
"Uy! tinatanong mo si Jeydon! Haha! ayiee!" hindi
siya, si Marky. >.<
"Hindi ah! nag tatanong lang eh! wag mo nga ko
asarin dun! akala ko ba friends tayo?"
"Haha kasi naman kapag inaasar ka kay Jeydon
namumula ka!" hinawakan ko yung pisngi ko, hindi
naman eh!! epal to si Troy.
Nung tumalikod si Troy para iligpit yung mga plato,
nakita ko na may something sa likod niya, naka
sando lang kasi si mokong. -__"Ano yang sa likod mo?"
"Ah eto?" tumalikod siya tapos pinakita niya sakin
yung tatoo niya na... DRAGON. parang nanlaki

yung mata ko, siya kaya? pero hindi eh nasa party
siya! "Bakit?"
"Ah... kasi may magnanakaw na pumasok dito
kagabi tapos may tumulong sakin.. may tatoo din
kasi siya na dragon sa likod.."
"Kaming apat may ganitong tatoo sa likod.. sabay
sabay kasi kami nag pa tatoo ng ganito eh.. ibig
sabi
hin may prince charming kang nagligtas sayo!
astig!"
Silang apat? posible kayang? Kinuha ko sa bulsa
ko yung dogtag, pinakita ko sakanya..
"Alam mo ba kung kanino to?"
Biglang namutla si Troy, kilala niya kaya?!
"Alam mo?!"
"Ah.. hindi.. pero parang nakita ko na yan.."
"San?"
"Hindi ko matandaan eh, tska hindi ako sure..
bakit ba?"
"Ah wala.."

Nag iilusyon lang ako.. bakit naman ako
tutulungan ni Marky? ang isang katulad ko o kaya
nung Jeydon na yun? wala naman ibang alam yun
kundi guluhin yung buhay ko.. si kuya din naman
hindi pwede.. lalo naman to si Troy kasi nasa party
siya..

"Ah naalala ko na.."

Hinitay ko lang siya na mag salita..

"Nakita ko yan dati kay.. Marky."

OMG.
14: Mall

"Candice?"
"Candice?"
"Huy manang!"

Ako ba? ako ba yung tinatawag ni kuya?

"CANDICE!!" ouch ang sakit sa tenga >.<
"Kuya naman eh! ano ba? bakit mo ko sinisigawan
ha?!" binatukan niya ko, ang sakit ah. Ano ba
kasing problema ng lalaking to?!
"Kanina pa kita tinatawag! ano bang nangyare
sayo? simula nung umalis si Troy ganyan ka na!"
ay ako nga, kaya pala.. hehe.
"Ah wala..."
Nawala pala ako sa sarili ko, hindi ko alam gising
na pala tong magaling kong kapatid. Hindi pa din
kasi ako makapaniwala sa mga narinig ko eh..
hindi ako 100% sure na si Marky nga yun.. pero
kung iisipin pwede din eh. May tatoo siya na
dragon sa likod. Nung nangyari yung kagabi, wala
daw siya sa party, tapos nakita ni Troy yung
dogtag na to kay Marky. Waaaa!! isa lang naman
yung pwede kong gawin eh, tanungin si Marky
pero ayoko din kasi kung hindi naman siya yun eh
di napahiya naman ako >.< At kung totoo man,
bakit naman ako ililigtas ni Marky?

Isang MARKY LIM. Saksakan ng gwapo, habulin
ng mga babae, mayaman, malakas yung dating,
malakas yung sex appeal.. lahat na.
Tapos ako? isang nerd, weird, panget na babae.
Imposible naman.

"Anong oras ba dadating si mama?"
"Kuya, tingin mo ba may mag kaka gusto sakin na
gwapo?" Biglang naibuga ni kuya yung tubig na
ininom niya, buti na lang malayo ako sakanya.
"Ano?"
"Haha! syempre!"
"Talaga?"
"Syempre wala!" tapos tumawa siya ng malakas.
Tss ano pa ba aasahan ko sa mokong na to?!
"Ang sama mo talaga!" hinapas ko nga siya ng
basahan.
"Im just telling the truth! tignan mo nga sarili mo!
hindi ka mukhang tao! ang manang mo masyado!
tapos gusto mo may mag ka gusto sayong
gwapong lalaki?!"

"Tinanong ko lang naman ah!" magsasalita pa sana
siya kaso biglang may nag doorbell. Tumakbo agad
ako sa para tignan kung sino yung dumating.

"YAYA!!!" niyakap ko agad siya, huhu miss ko na
yung yaya ko eh.
"Hi baby girl. Na miss kita gyud."
"Ako din! Kuya si yaya Linda andito na!" kinuha ko
yung hawak niyang bag tapos pumasok kami sa
bahay.
"Hi yaya! kamusta ang bakasyon?"
"Okey naman Charles! asan pala ang mama mo?"
"Umalis po, akin na yang bag niyo yaya, dalhin ko
na sa kwarto mo." Tss gentleman kapag sa iba,
kapag sakin hindi -__"Samalat Charles."

"Yaya! may pasalubong ka ba sakin?"
"Oo naman, para sa paborito kong alaga, tadah!"
nilabas ni yaya yung mga damit na mukhang
ewan.

"Yaya! hindi ako nag susuot ng dress at maiikli,
tska fitted yan! hindi naman ako sexy!"
"Ano ka ba naman Candice! sexy ka kaya, alam
mo nag bebenta kasi ng mga damit yung anak ko
online, tapos sabi niya eto na lang ipasalubong ko
sayo, bagay nga sayo eh, tignan mo.." hinarap
niya sakin yung damit, ayoko ng ganyan, hindi din
naman bagay sakin.
"Thank you yaya, pero hindi ko din yan
magagamit."
"Tama yaya!" bumalik na si mokong. Sinamaan ko
nga ng tingin. "Ang mga type niyan pang manang!
Haha!"
"Ang kapal mo! porket mahilig sa desenteng damit
manang na?!"
"Hello? hindi naman pang pokpok yang dala ni
yaya! sabihin mo natatakot ka lang isuot kasi hindi
bagay sayo!"
"Sige isususot ko yan!" kinuha ko yung damit. "Sa
ibang araw.." nag tawanan pareho sila yaya tska si
kuya. "Aakyat na nga ako!"

Umakyat ako sa kwarto ko, nakakainis si kuya
lakas mang asar! grrr.

Sinukat ko yung damit na binigay ni yaya Linda.
Pag kaharap ko sa salamin, akala ko hindi ako,
haha! Mukha na kong tao, de joke. Panget pa din
ako -__- bahala na kung isusuot ko ulit to.
Nag bihis agad ako, tapos humiga sa kama ko.
Hindi ko pa din maalis sa isip ko kung sino ba
talaga si Prince Charming, si Marky nga kaya?
Hays. Imposible naman eh, bahala na nga..
nababaliw na ko kakaisip dito..
Sa sobrang kaiisip, nakagat ko yung labi ko..
kinapa ko dumudugo.. >.<
"Mababaliw na ata ako.."
Na alala ko bigla yung lalaki na humalik sakin,
yung first kiss ko.. Kahit ilang beses ko pang
gustong burahin sa alaala ko yun, hindi mawala
eh.. sino kaya yun? biglang may idea na nag stuck
sa isip ko, posible kayang yung lalaki na humalik
sakin at si Price Charming ay iisa? waaaaa.. kung
ano ano na yung naiisip ko! masyado kasi akong
nag babasa ng mga romantic books eh.
"Candice baby?"
"Ma!" napatayo agad ako sa kama ko. Andito na
pala siya.
"Hi baby! maaga pa ah? matutulog ka na?"

"Hindi pa po, may kaylangan kayo?" nag smile siya
sakin, alam ko na yan eh, uutusan ako ni mama.
"Pwede bang paki kuha nung dress na gagamitin
ko sa monday sa wedding ng friend ko, dun ka
pumunta sa shop ng tita mo sa TriNoma. Please?
madami pa kasi akong gagawin eh.." sabi na eh.
"Sige po mama!"
"Thank you! sabi ni manang may pasalubong daw
siya sayong damit ah? asan na?" tinignan niya
yung lalagyan nung damit, kinuha ko agad.
"Patingin!"
"Ma wag na po, hindi bagay sakin to, baka ipasuot
mo pa sakin eh!"
"Ang daya! patingin na!" parang bata to si mama,
kinuha niya talaga yung mga damit. "Wow ang
ganda pala eh, isuot mo to bukas ha?"
"Ayaw!"
"Bahala ka, gusto mo sabihin ko sa kuya mo na
crush mo si Marky?"

"Crush? si manang may crush? sino?!" ang malas
ko, umepal pa to si kuya.

"Si ano..." tumingin sakin si mama, hinihintay
yung sagot ko, kilala ko siya kaya niya talagang
sabihin yung sikreto ko kapag may gusto siyang
makuha, ang bait ng mama ko! i black mail ba
sariling anak? >.<
"Sige na po mama!"
"Haha! sabi ko na eh.. wala yun Charles, niloloko
ko lang yung kapatid ko.." tumawa siya na parang
ewan tapos umalis na din ng kwarto ko! Waaaa!!
Mama!! may utang ka sakin. Hindi pa din umaalis
to si kuya, sama pa ng tingin sakin.
"Bakit?"
"Wala, basta siguraduhin mo na wala sa TATLO
yung sinasabi ni mama.." umalis na din si kuya
pero ang seryoso ng mukha niya. Paano kaya
kapag nalaman niya na isa nga yun sa TATLO?
huhu.

Biglang nag beep yung phone ko.. FB notification.
TROY MENDOZA added you as a friend.
Inaccept ko na lang, friends na kami di ba?
Tinignan ko na din yung profile ni Marky..

TriNoma tomo. :D
Like · · Share · 20 minutes ago near Manila ·
people like this.

56

Waaaaaaa!! may posibilidad kaya nag mag kita
kami bukas? wala naman siguro >.< Tska ayoko,
isusuot ko pa naman tong ewan na damit na to!
T__T

**

"Mama alis na po ako!"
"Teka! sabi ko isuot mo yung dala ni manang Linda
di ba?"
"Mama naman!"
"Sabi mo yun kagabi.."
"Oo na po!"
No choice na talaga. Ano kaya itsura ko, etong
dress na lang na 1 inch above the knee yung pinili
ko, stripe siya na black and white. Eto na yung

pinaka mahaba sa mga dinala ni yaya, anong
klaseng style ba meron yung anak niya? huhu.
"Ok na ba?"
"Wow! ang ganda mo anak! bakit kaya hindi ka
bumili ng contact lens mamaya? para naman
mawala na yang makapal na salamin mo sa
mata?"
"Mama! ano to make over? ayoko po. Sige na alis
na ko!"
"Teka ipapahatid kita sa kuya mo.."
"Wag na po! mag taxi na lang ako.. Sige po!"

Tumakbo na ako agad palabas ng bahay, mamaya
ano pa maisip ni mama. Kung ano ano yung
pinapagawa sakin >.< Parang feeling ko tuloy
kinakahiya niya yung itsura ko, hoho. Sino ba
naman kasi mag kaka gusto sa ganitong itsura?
pero ayoko mag bago.. sa ganito ako komportable
eh.
Pumara agad ako ng taxi. 30 minutes din yung
byahe namin papuntang TriNoma.

Ang laki laki ng mall na to, hindi ko makikita si
Marky dito, Hindi pwede lalo na ganito suot ko.
Hinanap ko agad yung shop ng tita ko, buti naman
nakita ko agad.
Pag dating ko dun, hindi pa daw tapos yung dress
at mag hintay pa daw ako ng isang oras. Ang
malas ko nga naman, huhu. Ayoko naman bumalik
sa bahay, ang hassle nun eh, at ayoko din mag
hintay sa loob ng shop na to, ang boring eh.
Naisip ko na lang mag StarBucks, hindi ko naman
siguro makikita si Marky dun eh.
Malapit na ko sa SB sa taas ng TriNoma, bigla
naman akong natapilok >.<
Feeling ko lahat ng tao dun pinagtatawanan ako!
huhu. Nakakahiya naman, naka dress pa naman
ako, lupa kainin mo na ko, NOW NA!
Habang nasa sahig pa din ako, may kamay akong
nakita.. tutulungan ba niya ko? hinawakan ko
naman para makatayo ako. Pag kakita ko
sakanya...

"IKAW?!" sabay pa kami.

15: Spy

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Bakit sayo ba tong mall ha.. Betty?" panira talaga
ng araw tong Jeydon na to.
"Betty mo mukha mo! Eh bakit mo ba ko
tinulungan ha?"
"Kasi ano.." nag iisip pa ata siya ng sasabihin.
"Akala ko ibang tao, yun pala panget na nerd lang
makikita ko!" ganun? so kapag alam pala niyang
ako to, hindi niya ko tutulungan? tapos kapag iba
tutulungan niya? sama talaga ng ugali.
"Whatever. Umalis ka na lang! panira ng araw."
dumeretso na lang ako ng SB.
Umorder lang ako ng Strawberrie Frapp. Humanap
ako ng upuan sa labas. Sana lang wag na ko
guluhin ng unggoy na Jeydon na yun. At sana wag
ko makita si Marky.

"Hi betty!" Kakasabi ko pa lang eto na po siya,
ready na naman manggulo, malas ko talaga -__"Pati ba naman sa weekends sisirain mo araw ko?
uso mag pahinga ah? tss.."
"Ang yabang mo na ah! dati nga nag papapansin
ka pa sakin! bakit si Troy na ba tagapag tanggol
mo ngayon? HAHAH!! TIME!" aba nag fliptop pa si
mokong. Inaasar talaga ako eh. "Tska porket ba,
gumanda ng one percent yang damit mo, feeling
maganda ka na?!"
"Papansin ako sayo?! In your dreams! Ba’t ba
ganyan ang get up mo, sang magasin mo ba yan
napulot? Tsong, hindi ka pwedeng maging dream
guy kung ngayon pa lang mukha ka ng
bangungot." Haha akala mo ikaw lang ha!
napanuod ko yan kay abra. Pa rap ko pang sinabi
sakanya yun, san pa siya? TIME!

"Aba lumalaban ka na ah?!"
"Ha-ha-ha! bakit tingin mo papatalo ako sa isang
unggoy na katulad mo na feeling gwapo! TSE!"
tumayo ako sa table, dinala ko na lang yung frapp
ko. Please lang lubayan niya ko. Tinawag niya ko
pero hindi naman ako lumingon.

Nakapasok na ko sa loob at malayo na din ako
dun. Nilingon ko yung likod ko, wala na yung
Jeydon na yun, buti naman. Kahit isang araw
naman wag niya ko inisin. Arghh! Tinignan ko yung
relo ko, twenty minutes pa lang yung nakakalipas,
hays ang tagal ko pa. Nakakainis naman. Inubos
ko na lang yung Frapp ko tapos pumunta akong
Timezon, mag lalaro na nga lang ako para mabilis
yung oras. Nag swipe ko sa may race car, saktong
pagkatapos ko nakita ko si MARKY!! pero hindi siya
nag iisa..

Kasama niya yung babae na hinalikan niya dati sa
school. Ouch naman, parang nasaktan naman ako.
Nagtago agad ako, baka makita pa nila ko.
Andun sila sa shooting arcade, yung babae yung
nasa harap tapos nasa likod si Marky, ang sweet
nila. Kahit dati sinabi sakin ni Tiffany na wala
namang sineseryoso si Marky, hindi ko pa din
mapigilan na masaktan, kasi kung titignan silang
dalawa.. mukhang seryoso sakanya si Marky, at
kung fling o wala lang yan sakanya, wow naman
ang sweet niya masyado.
Ang ganda kasi nung babae.. nakikita ko na siya
dati, kaibigan ata siya ni Stacey. Sexy siya, halata
mo agad yung curve ng katawan niya. Tapos sexy
na damit pa yung suot niya. Mahaba yung buhok,

makinis yung mukha pati yung legs, ang ganda ng
mukha. Chicks na Chicks yung dating, anong
panama ko dyan?

Tapos na sila, dinala ni Marky yung bag nung
babae.. bakit kasi napaka gentleman niya? naiingit
talaga ako.. Alam ko parang tanga tong gagawin
ko pero sinundan ko sila, tapos nakita ko pumila
sila sa sinehan, ano kaya papanuorin nila? naka
pila sila sa may Breaking Dawn. Ano ba yan!! huhu
nainggit na talaga ako super, pang lovers talaga
yun eh T__T tapos dagdagan mo pa ng akbay ni
Troy, nakaka inis naman. Sana ako na lang yung
babae.
Nung makaalis sila, bumili din ako ng ticket. Bakit
matagal pa naman ako mag hihintay eh, mas
mabuti ng manuod na lang ako ng movie di ba?
atleast hindi ako maiinip. Tama! hahaha. San kaya
sila nag pa reserve? dapat sa likod ako.
"Ah miss, pwede bang malaman kung sang upuan
naka upo yung dalawang nauna kanina?"
"Dito po.." tinuro niya sakin yung bandang likod
na.
"Ah dun mo ko sa pangalawa sa likod nila."

"Okey mam."
"Thank you." Haha! yes. Buti na lang may upuan
pa dun.
Bumuli agad ako ng popcorn tska soda, mag
sisimula na kasi yung movie eh. Buti wala na
masyadong tao sa pilihan kaya naka abot ako,
haha.
Wala pang tao sa loob nung nasa pinto na ko ng
sinehan pero nag mamadali na ko pumasok para
hindi nila ko makita mamaya.. Hinanap ko agad
yung upuan ako. Hindi naman masama manuod ng
movie di ba? nagkataon lang na nandito sila, hehe.
Padami na ng padami yung tao, maya maya nakita
ko na din yung babae tska si Marky, naka ngiti pa
si Marky, hays mukhang masaya siya dun sa
babae, sino ba namang hindi? sa ganda at sexy ng
kasama niya.

Nag simula na yung movie. Naka akbay si Marky
dun sa girl, ouch naman. Huhu napahawak tuloy
ako sa dibdib ko, ewan parang nasasaktan ako
makita sila. Ang shunga ko kasi eh, nag punta pa
ko dito.. na alala ko tuloy yung sinabi ni kuya,
walang mag kaka gusto sakin na gwapong lalaki,
kaya dapat hindi na ako umasa.. dapat mag move-

on na ko. As if naman naging kami ni Marky?
natawa tuloy ako.

"Hi betty!"

Wag mong sabihin na... please wag.

"Anong ginagawa mo dito?!" napalakas ata yung
boses ko kaya lahat napa tingin sakin, buti na lang
sila Marky hindi napa tingin.
"Sige ipahiya mo sarili mo."
"Sinusundan mo ba ko ha unggoy?!" pasigaw yun
pero pabulong na, ano? ang gulo -__"Bakit masama ba manuod ng movie?"
"Oo masama, alam mo kung bakit? kasi katabi
kita. Hindi naman siguro to coincidence di ba?
tsk.." Kumain lang siya ng popcorn, patay malisya
pa. Nakakainis talaga tong lalaki na to, halatang
gusto talaga ako inisin eh. Kahit san ako mag
punta, andun lagi.
Hindi na ko makapag concentrate ng panunuod.
Paano ba naman kasi, si Marky tska yung chicks

niya ang sweet sa harap ko, Lakas maka PDA sa
sinehan? >.<
Tapos may epal pa sa tabi ko..

Maya maya biglang bed scene na yung nakita ko
sa screen.. Ay ano ba yan! hindi ako sanay sa
ganyan. Nakita ko si Marky tska yung babae
naghahalikan, ouch na naman. Huhu hindi ko na
ata kaya to, wrong move ginawa ko! Tinakpan ko
na lang yung mata ko, hindi ko sila kayang makita
eh.
"Haha! arti ah! patakip takip ka pa ng mata, bakit
sobrang inosente mo ba?"
Tinggal ko yung kamay ko sa mata ko, nilingon ko
si Jeydon, halatang nag pipigil ng tawa. Buiset
talaga tong unggoy na to! Ah alam ko na..
Tumayo ako sa harap niya tapos..

"OUCH!!"
"Buti nga sayo!! Haha!"

Sinipa ko nga yung ANO niya.. yung paa niya.

Umalis agad ako, pababa na ko, nung nadaanan ko
sila Marky nag hahalikan pa din sila, napatingin
ako kay Marky, biglang bumilis yung tibok ng puso
ko nung nakita niya ko. Muntik pa nga akong
mahulog sa hagdan, buti na lang napakapit ako sa
upuan. Siguro mga 2 seconds din kaming nag
katinginan, habang nag hahalikan sila nung babae
na yun! T__T
Pumunta na ko sa shop ng tita ko, kinuha ko na
yung damit ni mama.
Tama.. dapat tigilan ko na tong matagal na
pagpapantasya ko kay Marky, sarili ko lang
pinapahirapan ko eh.. umaasa lang ako sa wala.
Pag labas ko ng shop, may humila sakin.. di ko
makita kung sino? san ba ko dadalhin neto? OUCH!
"San mo ko dadalhin! bitawan mo ko!"
Dinala niya ko sa may parking lot. Walang tao dito.
Nung nakita ko na yung mukha niya..

Bumilis ng sobra yung tibok ng puso ko.. tinulak
niya ko sa may pader.. ang lapit lapit na ng mukha
niya sakin.. anong gagawin niya?! pati yung pag

hinga niya ramdam ko na sa sobrang lapit niya sa
mukha ko. Napapa pikit na ko.. ano ba kasing
gagawin niya? naka tingin lang siya sakin.. yung
sexy niyang mata.. na parang kinakausap ka.
Hinawakan ko yung dibdib ko, sobrang lakas kasi
ng tibok ng puso ko na baka marinig na niya..
Gusto ko mag salita. Gusto kong sabihin na
bitawan niya ko pero hindi ko magawa.. naka
tingin lang ako sa mga mata niya. Alam mo yung
pakiramdam na parang matutunaw ka na sa tingin
niya.. eto yun eh.. yung pakiramdam ko masaya
ako na kinakabahan na natatakot..
"Candice.."
Ang sexy ng boses niya. Husky..
Totoo ba to o panaginip? Nilagay ko sa likod ko
yung kamay ko tapos kinurot ko siya.. OUCH ha
ang sakit, nahalata kaya niya? Naguguluhan na
ko.. hindi pa din tumutigil yung malakas na pag
tibok ng puso ko.
Nilapit na niya talaga yung mukha
niya.. HAHALIKAN BA NIYA KO?!
Pinikit ko na lang yung mata ko..

"MARKY!!"

Yung boses na yun...

Binuksan ko yung mata ko.. nakita ko si Marky
naka tingin sa sahig, naka ngiti tapos tumingin
sakin tapos kay..

"Jeydon?"

Bakit ngayon pa? T___T
16: Why me?

Anong ginagawa ni Jeydon dito?

"Marky! Anong ginagawa niyo ha?!" lumapit siya
samin, si Marky, nakangiti pa din. Paki explain nga
ano bang nangyayari.. ang gulo.
"Easy bro.. wala kaming ginagawa ni Candice.. di
ba?" tumingin siya sakin tapos kumindat siya kahit

hindi ko maintindihan kung anong pinag gagagawa
ni Marky, tumango na lang ako.
"Wala?! eh parang.." hindi tinuloy ni Jeydon yung
sasabihin niya.
"Haha! bakit ba nagagalit ka?" oo nga.. bakit
parang galit siya? at bakit andito din siya?
"Candice pinapa uwi ka na ni Charles, kanina ka pa
daw tinatawagan ng mama mo pero hindi mo
sinasagot.."
Tinignan ko yung cellphone ko, shocks! 12 missed
calls. Patay ako neto! naka silent kasi phone ko eh,
naka limutan ko pa mag text kay mama.
Masyadong magulo yung utak ko.
"Oo nga.. lagot."
"Sumakay ka na sa kotse ko, yang nasa dulo."
Tinignan ko yung kotse, Audi R8. Shet na
malagket, ang ganda naman ng kotse niya.. ang
bata bata pa lang niya ganyan na kaganda yung
kotse niya. Sabagay, anak ba naman ng may ari
ng pinaka sikat at pinaka mamahalin na hotel sa
Korea tska Singapore eh. Okey hindi na ko nag
dududa.
Dumeretso na lang ako sa kotse ni Jeydon, mas
mabilis akong makaka uwi kapag sa kotse niya ko

sumakay, hindi na ko pwedeng mag paka choosy,
papagalitan ako nun ni mama eh.
Nilingon ko ulit sila, si Jeydon nakatalikod sakin. Si
Marky naka tingin din sakin, bumilis tuloy tibok ng
puso ko. Naka ngiti kasi siya sakin eh. Siguro nga
mas mabuti na talaga dumating si Jeydon, kung
hindi.. at hinalikan talaga ako ni Marky, baka
mahimatay pa ko on the spot. Kaso ako hahalikan
niya? baka trip lang ako nun. Tss.
Hindi naka lock yung kotse niya kaya pumasok na
ko. Nakita ko sila sa malayo, nag uusap.. parang
nagtatalo pa, ano kayang pinag aawayan nila?
pero saglit lang nakita ko na din si Jeydon na
papalapit sa kotse, si Marky naman bumalik na sa
loob ng mall.
Pumasok si Jeydon sa kotse. Seryoso yung mukha,
bakit kaya?
"Anong pinag usapan niyo?"
"Wala ka na dun."
Hindi na ko nakapag salita kasi pinaandar niya na
yung kotse, take note.. ang bilis ah. Galit lang?
>.<
Sa bilis niyang magpatakbo.. na hindi ko alam
nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Jeydon.."
"Candice.."
Ay sabay pa kami. Awkward. Hindi na lang muna
ako nag salita..
"May gusto ka ba kay Marky?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Syempre hindi ko
sasabihin nuh..
"Oo.."
Ay tanga ko, hindi ko nga sasabihin eh, HUHU.
Anong bang problema ng bibig ko? Nakakainis..
ngayon lagot na ko! sigurado akong sasabihin yun
ni Jeydon kay Marky, baka nga sa buong school pa
eh, para mapahiya ako. Huhu patay na talaga.
Tinignan ko si Jeydon, naka tingin lang sa harap.
bakit kaya? hindi ba siya tatawa? hindi ba niya ko
aasarin?
"Hindi mo ba alam na player si Marky.. kaya kung
ako sayo, hindi ko siya gugustuhin."
Sa puntong yun, nakaramdam ako ng galit. Sino
ba siya para sabihin yun kay Marky? kung tutuusin
nga kaibigan niya yun eh, tapos ngayon sisiraan
niya? Anong problema niya?! Tska naririnig ba niya
yung sarili niya? Mas malala pa nga siya sa isang
Player eh.

"Sa isang MANWHORE na katulad mo pa talaga
nanggaling yan ah?"
Tinignan ko siya, kung galit siya kanina, mas galit
siya ngayon. Nagsisi tuloy ako sa sinabi ko.
Nakakatakot siya, pero hindi yun eh, parang ang
rude ko masyado. Anong msyado? rude naman
talaga ko sakanya. Bakit kasi hindi ko ma kontrol
yung bibig ko kapag nasa harap niya ko. T__T
"Hindi mo ko kilala.. kaya wala kang karapatan na
sabihin yan sakin."
"Hindi mo din ganun kakilala si MARKY! kaya wala
kang karapatan na sabihin yan kay sakanya!"
"Kilala ko siya bata pa lang kami.. at ikaw? kelan
mo ko nakilala? isang linggo pa lang ba?"
"Simula nung mag aral ako sa school natin, kilala
na kita.. leader ng APAT, mahilig makipag away,
laging nag di-ditch ng class, player at hindi lang
yun.."
"Ano?"
"Sabi nila.. manwhore ka daw.. na lagi ka daw
nakikipag one night stand."
"Sabi nila? bakit naniniwala ka ba sa kanila?"

Hindi ako maka tingin kay Jeydon kahit alam ko na
tinitignan niya ko. Naniniwala nga ba ko? hindi ko
alam.. pero sa tatlong taon na yun.. parang hindi.
Naririnig ko lang naman yun sa mga tsismosang
babae sa canteen o kaya sa corridor. Sa inis ko
kaya lagi ko yun nasasabi sakanya.
"Ahm.. hindi.. sorry.."
Ginulo niya yung buhok ko. Napa tingin tuloy ako
sakanya. Naka ngiti na si mokong, bipolar talaga
tong lalaki na to eh. Ang gulo ng utak. Napangiti
din tuloy ako.
"Basta wag mo na gustuhin si Marky.."
"At bakit? selos ka?" hindi ko mean yun, inaasar ko
lang siya. Alam ko naman na walng gusto saking
yang unggoy na yan eh.
"Ako? bakit naman? ako naman talaga gusto mo di
ba? hahaha! kunwari ka pang si Marky eh!"
"Asa ka! siya yung crush ko, hindi ikaw!"
"Hindi ka magugustuhan nun.. magagandang
babae lang gusto niya." Inalis niya yung tingin niya
sakin. "Pumasok ka na."
"Okey.." tinanggal ko yung seatbelt ko tapos
bumababa na ko pero binukasan ko ulit, "Salamat
pala.."

Sinara ko agad yung pinto. Ano? nag pasalamat ba
ko sakanya? bipolar din ata ako eh. Nag pasalamat
lang naman ako kasi hinatid niya ko. Bakit kaya
ganun? hindi ata kami nag asaran ngayon? kung
hindi ko pa sinimulan. BIPOLAR nga. Nahawaan
lang ako.
Mamaya ko na lang ulit iisipin lahat ng nangyari.
Hindi pa din kasi pumapasok sa isip ko eh. Tska
ngayon dapat kong isipin si mama.

"Im home!!"

"CANDICE!" nakita ko na yung mukha ni mama na
alalang alala. Patay talaga ako.
"Mama sorry po.."
"Hinatid ka ba ni Jeydon? OMG. Kinikilig naman
ako! haha!" akala ko pa naman galit, eh kinikilig
pala. Huhu bakit ganito yung mama ko? mas isip
bata pa sakin T__T
"Akala ko naman galit kayo? nanuod pa kasi ako
ng sine kaya hindi ako nakapag text tska naka
silent phone ko kaya hindi ko nasagot tawag niyo."

"Waaaa!! nanuod ba kayong dalawa ni Jeydon ng
sine? Nag date kayo?! may first date ka na anak?!"
parang siyang tuta na nakakapit sakin, excited na
excted.
"Ma! hindi po! pinasundo niyo ko sakanya di ba?
kaya niya ko hinatid."
"Ha? hindi naman eh.."
"Baka po si kuya. Eto na po yung dress niyo ma."
"Thank you, akala ko naman nag date na kayo ni
Jeydon, nalungkot naman ako. Okey lang madami
pa namang next time eh di ba?"
"Mama! wala po kong gusto kay Jeydon! hindi kami
nag dadate."
"Ay oo nga pala si.."
Tinakpan ko agad yung bibig ni mama nung makita
ko sila kuya tska si yaya. Buti na lang talaga hindi
narinig ni kuya kundi lagot ako.
"Sige po mama, akyat na ko sa kwarto ko..
napagod ako eh.."
"Hoy manang bakit ang tagal mo?!"
"Namasyal pa ko eh! bakit ba?"

"Candice, kumain ka muna, nag luto ako ng
adobo.."
"Wag na po yaya, busog pa po ako. Sige akyat na
ko sa taas."
Umakyat agad ako sa taas. Mamaya ano na naman
itanong sakin ni mama. Madulas pa siya sa harap
ni kuya. Hays.

Nakita ko si cholo sa kama ko, nakahiga.
"Baby!"
"rooo."
"Alam mo ba nangyari ngayon?" humiga din ako sa
kama ko, tapos niyakap ko si cholo. "Alam mo ba
ang ganda ng araw ko ngayon.."
Iniisip ko pa din yung nangyari kanina..
Muntik na ko halikan ni Marky, pero hahalikan ba
niya talaga ako kung hindi dumating si Jeydon?
Mas nangingibabaw yung hindi, na trip lang niya
yun, na baka pinag ti-tripan na niya din ako. Kaso
ayoko isipin yun, ako lang masasaktan, iisipin ko
na lang na hahalikan niya talaga ako. Haha! bakit
masama ba mangarap? kesa naman mag mukmok
ako di ba?

Naisip ko din tuloy kung mag move-on na nga ba
ko.. i mean.. kakalimutan ko nang may gusto ako
sakanya. Sa nangyari kanina parang ang hirap na
gawin T__T bahala na si batman.
Tinignan ko yung FB ni Marky.

Happy :))
Like · · Share · 7 minutes ago near Manila ·
people like this.

18

Bakit kaya? dahil dun? sus hindi din.. waaaaa!!
mababaliw na ko.. Bahala na nga bukas kung
anong mangyayari, kapag nakita ko ulit siya >.<

**
Hindi pa nag aalarm yung cellphone ko nagising na
agad ako.
Parang excited naman ako, gusto ko makita si
Marky. Hihi. Kasi naman eh.. masamang kiligin?
pagbigyan niyo na.. once in a lifetime lang ata ko
kikiligin.
After ko maghilamos, bumaba na ko ng kwarto ko.

"Good morning yaya! ang aga pa ah!" humarap
sakin si yaya tapos ngumiti sakin.
"Hi nak, nag luluto kasi ako ng breakfast niyo, aalis
din kasi ang mama mo."
"Ah ganun.. sige yaya maliligo lang ako tapos kain
na ko."
"Okey sige, ang aga mo ata ha?"
"Hehe wala lang po.." excited lang, hehe.

Naligo agad ako, wuu excited much hehe.
Pagtapos ko maligo, dumeretso ako sa kwarto ko,
humarap ako sa salamin.. ang panget ko talaga
huhu.. malaking salamin sa mata, tapos buhaghag
na buhok, makapal na kilay. Alam ko na, mag
blower kaya ako? tama..
After ng napaka tagal na pag blower ko, ganun pa
din naman ako, medyo umayos lang itsura ko.
Medyo lang talaga.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko tapos bumaba na
ko para kumain, nakita ko na sila mama at kuya.
Napatagal nga talaga pag blower ko, grabeng
buhok naman kasi to eh.
"Goodmorning mama.. kuya.."

Naka tingin lang sila sakin. Umupo ako, anong
problema?
"Candice.. nag ayos ka ng buhok?"
"Ahm.. opo mama?"
"Wahahaha!! panget mo pa din manang!"
sinamaan ko nga ng tingin. Kahit kelan talaga ang
sweet sakin neto ni kuya Charles.
"Tumigil ka nga Charles! baby ang ganda mo.."
"Mama, nag ayos lang naman ako ng buhok." si
kuya pinipigilan pa din yung tawa niya. Si yaya
naman naka ngiti lang. Inubos ko agad yung
pagkain ko.
Ano bang masama kung mag ayos ako ng buhok?
huhu. Maka alis na nga lang.
"Bye ma! yaya!"
"Ingat ka Candice!"
"Ingat ka baby!"

Ano naman ba kasing naisip ko bakit ako nag ayos
ngayon? dahil kay Marky..

Pag dating ko sa school, ang dami nang tao. Oo
nga pala, flag ceremony. Buti na lang maaga ako.
Pumila na ko agad sa line ng section namin.
Nilingon ko yung section nila kuya tska ni Marky.
Wala pa si kuya, ang bagal talaga nun kumilos. Si
Marky naman nakita ko.. waaaa! ang gwapo niya
naman, tska na eye glasses siya pero ang gwapo
pa din niya, mas okey nga kapag ganyan itsura
niya eh. Naalala ko na naman tuloy yung kahapon.
San kaya siya naka tingin? naka ngiti pa siya.
Tinignan ko kung saan siya naka tingin.. ay sino
pala.
Yung babaeng ka date niya kahapon.. hays. Lahat
tuloy ng saya ko nawala.. na realize ko kasi, trip
lang talaga niya yun. Hindi niya ko gusto, lalo na
gustong halikan.. ang gusto niya yung mga sexy at
magagandang babae katulad nung babae na
tinitignan niya.
Wag ka na mag ilusyon Candice, utang na loob.
Nag simula na yung flag ceremony, parang wala
tuloy akong gana. Buti natapos na agad.

Kahit sa first class ko wala din akong gana.. huhu.
Hindi ko alam, lunch na pala? teka nga.. bakit wala
si Jeydon sa math? at bakit ko ba siya iniisip?

Tumambay ako sa corridor na tinatambayan namin
ni Tiffany. Ang swerte ko kasi nakita ko siya.
"Hi friend Candice!"
"Hi Tiffany! bakit andito ka?"
"Wala lang, inaabangan kita, na miss kasi kita
eh.."
"Talaga? hehe.." nakaka tuwa naman, na miss niya
talaga ko?
"Oo tska inaabangan ko si Troy, kita mo yung pinto
sa tapat natin? room nila yan.. hehe" umupo ako
sa tabi niya. Oo nga pala, yung about kay Troy,
gusto ko sabihin kay Tiffany.. para kagaya ko hindi
siya umasa sa wala pero nangako ako kay Troy na
hindi ko sasabihin.
"Ikaw talaga.."
"Ay Candice, alam mo ba nakita ko si Marky tska si
Abby kahapon sa Trinoma.."
"Abby?"
"Ahmm.." naka tingin lang siya sa sahig. "Yung
girlfriend ni Marky.."
"Ah..." parang nadaganan pa yung lungkot ko sa
narinig ko.

"Wag ka mag alala! hindi naman nag sesryoso yan
si Marky, sigurado ako hindi din sila mag tatagal.."
"Okey lang.. sige punta lang ako sa locker ko.."
"Candice okey ka lang?"

Nginitian ko lang siya. Ako okey? hindi..

Habang papunta ako sa locker ko, nakita ko si sir
Jason.
"Hi Candice!"
"Hello sir, bakit po?"
"May good news pala ako sayo.."
"Ano po yun?"

"Ikaw yung magiging representative ng last section
para sa upcoming Ms. Campus.. How great right?
Excited na ko.."

Ako? hahaha.. bitch please.
17: Yes or No?

"But sir!"
"No Buts!"
"Hindi pa naman ako pumapayag ah! tska section
one po ako! Sir dont do this to me." finally
huminto na din siya. Salamat naman! kanina ko pa
siya hinahabol eh.
"Yes hindi ka nga part ng section nila, pero sa
subject ko section 11 ka so meaning part ka na din
nila, isa pa naisulat na kita dun sa listahan, there's
nothing we can do."
"Sir naman eh!!"
Tinignan niya ko ng masama. Huhu! sapilitan?
Hindi pwede to! bago pa ko maka angal wala na
siya.. hindi to fair di ba? pero kapag umangal
naman ako baka mawala yung pagiging running for
honors ko.
Paano ko sasali sa isang beauty pageant?! eh wala
naman akong BEAUTY!! huhu.
Bumalik na lang ako sa room ko.

Pag pasok ko sa room, ang ingay ng mga
classmates ko. Kung hindi si Troy, si Marky, si
Kuya Charles.. si Jeydon yung pag uusapan nila.
Ganyan ba talaga sila? sa tagal ko kasi dito, hindi
ko sila pinapansin eh. Kahit pala mga nerd na
babae, pinag papantasyahan yung APAT na yun.
And speaking of them.. malapit na dumating si Mr.
Guzman, bakit kaya wala pa di Jeydon? hmm.. at
bakit ko siya iniisip? tss.
After mag turo ni Mr. Guzman, nag botohan yung
mga classmates ko para sa Ms. Campus. Naiisip ko
na naman tuloy yung sinabi ni Sir Jason, huhu..
why me? why on earth, ako pa? Oo alam ko
naman na walang babae sa last section pero hindi
ba siya pwedeng pumili ng iba? tsk.
"Okey, any volunteer? o kung may gusto kayong
iboto?" sabi ng class president namin.
"Ako! Iboboto ko si Margot!"
Karamihan sila sumang ayon. Kahit din naman ako
eh mas gusto ko siya, siya naman kasi talaga yung
pinaka maganda saming lahat dito tska pangalawa
siya sa pinaka matalino, sunod sakin.
"Teka! teka! ako iboboto ko si CANDICE!" lahat sila
nag tinginan sakin. Ako naman sa sahig lang naka
tingin. Ang maldita talaga neto ni Bubbles, silang
tatlo ni Blossom tska ni Annie, parang power puff

lang nuh? Halata namang inaasar niya ko kaya
niya ko binoto. Sila lang ata yung kilala kong nerd
na maldita, oh baka kasi kayang kaya nila ako
kaya inaasar nila ko.
Lahat sila nag tawanan. Tapos bigla silang
pumayag! Waaaaa!! ang sama nila, ako talaga?
sobrang pang lalait na yun ah.
"Teka!" tumayo ako. "Hindi pwede! kasi.."
"Ang choosy mo naman! akala mo ang ganda
ganda mo! wala ka ngang ganda eh! na vote ka
lang, nag mamaganda ka na dyan! feeling!" sabi ni
blossom.
'KAYO KAYA BUMOTO SAKIN!'
Gusto ko yan isigaw sa mukha niya eh. Ang
yabang kasi, okey sige hindi na ko maganda pero
maganda din ba siya para manglait ng ibang tao?!
Nakakaloko lang di ba? tska hindi ako choosy.
Kinalma ko yung sarili ko, ayoko ng gulo.
"Kinuha na kasi ako ni Sir Jason na representative
para sa last section."
Natigilan silang lahat tapos tumawa sila ng
malakas na malakas. Buti na lang nag ring na, sign
na next subject na. Buti naman hindi ako sa
section na to sa next subject.

Umalis agad ako sa room namin, lakas nila mang
asar, at ayoko na marinig yung mga sasabihin nila,
for sure hindi sila maniniwala tapos sasabihin nila
nag iilusyon na naman ako. Pag ako gumanda,
WHO YOU sila sakin! Haha syempre joke lang.
Naisip ko tuloy, sasali na lang talaga ako sa
contest para makita nilang hindi ako nag iilusyon,
bahala na si batman kung anong mangyayari.

Nagmadali akong pumunta sa room ng section 11.
Malayo pa lang ako may mga kumpol na ng tao sa
labas ng room.. mga babae.

"Troy! please wag ka naman makipag break
sakin!" hindi muna ko lumapit, may mga babae sa
harap ni Troy, mga pito siguro, mga Juniors.
"Babe! please wag.." lumuhod yung babae sa
harap ni Troy, umiiyak. Yung mga lalaki naman sa
section 11, nagtatawan.
"Never naging tayo.. i don't even know your
name!" sabi ni Troy.
"We just make out last week.." make out?! what
the hell? ang bata bata pa ng babaeng to, making
out agad? kung kay Troy siguro maiintindihan ko

pa pero siya? ganun ba niya ka gusto si Troy?
"Babe please.."
"Pwede ba.. wag mo na ipahiya yung sarili mo. Go
away!"
Tinignan ko si Troy na parang nandidiri ako
sakanya. Anong kagaguhan yang ginagawa niya?
akala ko pa naman okey siya.. tapos ganyan.
Napansin niya ata ako kaya tinulak niya yung mga
babae tapos pumunta siya sakin.
"Hi Candice!" inakbayan niya ko pero tinanggal ko
lang yung kamay niya.
Dumeretso ako sa loob ng room. Yung mga babae,
ang sama ng tingin sakin, yung mga classmates ko
naman dito sa last section parang namangha pa na
ginawa ko yun kay Troy, ano choosy na naman?!
TSE.
Umalis na din yung mga babae, tapos yung mga
lalaki kong classmates pumasok na din sa loob. Si
Troy naman papunta na sa upuan niya na katabi
ko.
"Ano yun ha? akala ko friends na tayo?"
"Oo pero wala akong kaibigan na ganun kasama."
tinaasan niya ko ng kilay tapos umupo siya sa tabi
ko.

"Okey na intindihan na kita. Sorry okey?"
"Bakit ka nag so-sorry?" tinignan ko siya, parang
nalungkot siya.
"Kasi sa ginawa ko.."
"Bakit sakin? bakit hindi dun sa babae?"
"Wala naman akong paki dun eh.. siya naman
yung lapit ng lapit sakin, tska yung nangyari
samin, siya yung may gusto nun.. kaya ako nag
so-sorry kasi ayoko magalit ka sakin.. friends na
nga tayo di ba?"
Tumahimik lang ako. Oo galit ako sakanya, sa
ginawa niya pero ano bang karapatan kong
magalit? Tska ngayon ko lang na realize na BAD
BOY nga pala siya.. nawala yun sa isip ko nung
naging friends kami. Alam ko naman dapat nung
tinanggap ko pa lang yung offer niya na maging
mag kaibigan kami, dapat alam ko ng ganun siya..
isa pa nakaka tuwa yung nag sorry siya dahil ayaw
niya kong magalit.. as if mahalaga ako sakanya.
"Sorry din.. hindi dapat ako nagalit.. siguro hindi
lang ako sanay na ganun ka."
"Alam mo nung hindi pa tayo mag kaibigan, mas
malala pa nga mga ginagawa ko. Medyo bumait na
nga ako eh! haha!"

"Bumait ka na nun ha?!"
"Oo naman.. hindi naman kami na turingan na bad
boy dahil sa wala di ba?" sabay kindat. Sabagay,
iniisip ko tuloy si Marky, ano kayang bad yung
ginawa niya para mapasama siya sa APAT na bad
boy? katulad din kaya kay Troy?
"Oo nga.." gusto ko sana sabihin na wag na niya
gawin yun pero wala nga naman akong karapatan
di ba? pero sana nga wag na niya gawin.

Dumating na Sir Jason.. parang may mali?

"Good Morning Class.."
"Good Morning Sir!" sabay kaming dalawa ni Troy,
napa ngiti tuloy ako. Tumingin samin si Sir Jason
na naka ngiti din. Nagulat siguro siya sa ginawa ni
Troy, haha.
May sinulat si Sir sa board. Napatingin ako sa
upuan ni Jeydon.. yun pala yung mali, wala siya.
"Asan si Jeydon?" parang nagulat pa si Troy nung
tinanong ko.

"Bakit miss mo na?" kinindatan na naman niya ko,
i wonder kung yang kindat na yan yung ginagamit
niya sa mga chicks niya.
"Hindi nuh! nag tatanong lang eh.."
"Haha! okey lang naman eh, tayo tayo lang
makaka alam, hindi ko sasabihin kay JD." inaasar
na naman niya ko! hmmpf.
"Hindi nga! bahala ka nga dyan.."
"Nakipag away eh, ayun kaya absent.."
"Away? pero hindi siya nakikipag away di ba? ibig
kong sabihin physically?"
"Yun?! leader ng gang yun dati kaya sanay na
yun.. pero tama ka, tumigil na siya pero ewan ko
ba dun bakit nakipag away na naman.." tumigil?
bakit kaya? at bakit naman ako interesado? tss.
Tumingin sakin si Troy na naka ngisi.. "Interesado
ka?"
"Hindi."
Mag sasalita na naman siya kaso nag salita naman
si Sir Jason.

"Okey class.. aware naman kayo sa Ms. Campus di
ba?"
"Yes Sir! Mga chicks!"
"Sir dapat manuod tayo!"
"Oo nga! madaming chicks na sasali dun!"
"Bilang adviser niyo.." kaya pala.. adviser pala siya
ng section 11, kilala ko to si Sir, ayaw niyang
papatalo yung class niya. "Syempre dapat may
representative tayo.."
"Sir! wala naman babae dito eh!"
"Meron kaya.. ayan oh si Candice.."
Lahat sila napatingin sakin.. Siguro mga ilang
seconds din silang tahimik na nakatingin sakin,
yung iba nag tataka pa. tapos ayun, tumawa sila
ng malakas.
"Sir! babae ba yan!"
"Sir hindi yan mananalo!"
"Pumili ka naman ng maganda sir!"
Tumayo si Troy.
"Sir okey ako kay Candice, for sure mananalo
tayo!" tumingin siya sakin tapos kumindat na
naman. Sure siya? anong pinag iisip neto?

"Pero!"
"Troy naman!"
"Wag!"
"Papalag kayo?"
"Hindi.."
"Sabi ko nga si Candice na lang eh.."
Umupo na siya, wow ha ang galing. Parang siya
yung boss, okey humanga ako sakanya dun.
Napangiti na naman si Sir Jason kay Troy.
"Okey so wala nang angal?" hindi na lang nagsalita
yung mga classmates ko. Alam ko ayaw nila pero
yun yung sabi ng boss nila eh.
"Pano mo nagawa yun? lahat sila sumunod sayo?"
"Nakalimutan mo na ba na isa ako sa APAT?"
kumindat na naman siya.
"Mahilig ka kumindat nuh?"
"Syempre, gwapo ko nuh?" tumawa lang ako. Oo
gwapo naman talaga siya eh. "So ano na pala
balak mo sa pageant?"
"Ewan ko.. bakit kasi ako pa napili eh.."
"Wag ka na umangal! bet nga kita eh."
"Ako? sa itsura kong to?"

"Haha! maganda ka naman eh, may kilala ako na
makaka tulong sayo.." wow ha?! sinabi ba talaga
niya na maganda ako? sus sinungaling porket ba
friends na kami.
"Sino?"
"Secret. Haha!" parang ewan lang, malalaman ko
din naman. Tss.

After nun, nakinig na kami kay Sir,
nakakapanibago to si Troy, binati si Sir kanina
tapos ngayon nakikinig na sa lesson.. baka ganito
siya kapag wala si Jeydon?
Kamusta na kaya yung unggoy na yun? SHOCKS!
Bakit ko ba siya inaalala? erase erase.
Nag ring na yung bell. Kinausap ako ni Sir Jason.
"Candice, may naisip ka na bang steps para sa
upcoming Ms. Campus?"
"Wala pa po sir.."
"Bukas kelangan meron na ha, if you need
something, just tell me.."
"Okey po sir." babalik na sana ako sa loob ng room
para kunin yung gamit ko kaso pinigilan ako ni Sir
Jason.

"Candice.. napapansin ko pala na nagiging okey na
si Troy sa class ko and even sa ibang class niya..
naisip ko na dahil sayo yun, i think good influence
ka sakanya. Just keep up the good work okey?"
"Okey sir." natuwa naman ako. Atleast improving
si Troy di ba.

Kinuha ko yung gamit ko, hays History class na
naman at babalik na naman ako sa section na yun.
Mas gusto ko pa ata sa last section kesa dun sa
first section eh.
Nung nasa corridor na ko, nakita ko na lang sa tabi
ko si Troy.
"San ka pupunta?"
"Hahatid kita sa room niyo."
"Ha?" iba na to eh, may nakain ba to si Troy?
"Haha! wala.. sasabihin ko lang na, dun na lang
tayo sa bahay namin mag aral mamaya. Gusto ka
kasi makilala ni mom eh.. okey lang ba?"
"Makilala ako? bakit naman?"
"Kasi gumanda mga grades ko dahil sayo kaya
ayun.. tska siya yung makaka tulong sayo sa
problema mo.. sige na!"

"Eh? sige.. mag papa alam muna ko kay mama."
"Ayun oh! sunduin na lang kita maya sa bahay
niyo ah?"
"Okey sige."
Nandito na pala kami sa room, kaya naman pala
naramdaman kong madaming nakatingin sakin ng
masama, yung mga classmates ko na babae.
"Bye Candice!" tapos sabay kindat.

Pag pasok ko pa lang sa loob, nag parinig na
naman yung mga classmates ko. Ano bang
problema nila?! may galit ba tong mga to sakin?

"Akalain mo yun, hinatid pa siya dito na Troy!"
"Oo nga eh, ano kayang ginawa niya?"
"Haha! ano ba kayo, malamang ginayuma niya.."
sabi ni Blossom.
"Malamang! mukha naman siyang witch eh.."
"Nag iilusyon na naman nga siya eh, siya daw
yung representative ng last section! Akalain mo
yun nuh? yung section nila Jeydon at Troy pati ng

mga pinaka gwapong lalaki sa school, siya yung
naging representative, isang PANGET?" sabi ni
naman ni Bubbles. Tapos nag tawanan sila.
Tumigil lang sila nung dumating na yung teacher
namin.
Hindi ko na lang sila pinansin. Inisip ko, siguro na
iinggit sila sakin, kasi yung panget na katulad ko,
kinakausap ng pantasya nila. Eh ano sila ngayon?
kahit anong parinig nila sakin, wala naman sakin
eh, kasi sila lang nag mumukhang ewan. Alam ko
naman na gustong gusto nila si Troy eh, kaya nag
kakaganyan sila.
Naisip ko tuloy parang gusto ko na talaga sumali,
may gusto kasi akong patunayan sakanila, hindi
yung para patunayan na hindi ako nag iilusyon,
gusto kong patunayan na yung panget na lagi
nilang inaasar at nilalait, kayang manalo sa isang
beauty pageant. Hindi ko lang alam paano ako
mananalo? tama kaya si Troy, matutulungan kaya
talaga ako ng mommy niya? sana..
Natapos na din yung class namin. Pumunta ako sa
parking, nakita ko si kuya nakasandal sa kotse
niya.. tulala, bakit kaya?
"Kuya bakit?"
"Tumawag pala sayo si Serina?"

"Oo.. bakit tumawag na ba siya sayo?"
"Hindi.. yung mom niya, tinanong kasi ako kung
pwede ko siyang sunduin sa airport next week."
"Uuwi na siya?" parang gusto kong tumalon sa
tuwa.
"Oo.. tara.." malungkot lang yung mukha ni kuya.
Oo nga pala.. hindi nga pala maganda yung naging
ending nila ni Ate Serina.. Ano kaya
nararamdaman niya?
Buong byahe tahimik lang kami, lalo naman si
kuya. Dati pag ganito, aasarin niya ko. Ano kaya
nasa isip niya? kahit nung makadating kami sa
bahay, dumeretso siya agad sa kwarto niya eh.
Nakakapanibago tuloy si kuya..
"Candice anong nangyari sa kuya mo?"
"Kasi yaya, uuwi na si Ate Serina eh.."
"Ah.. bakit mahal pa ba niya si Serina?"
"Hindi ko alam yaya eh.. si mama nga pala?"
"Tumawag yung mama ni Troy dito kanina, may
gagawin daw sila eh."
"Ha?! ano naman yun?"

"Hindi ko alam, kumain ka na at sabi ng mama
mo, susunduin ka daw mamaya ni Troy dito. Bakit
boyfriend mo ba siya Candice? may boyfriend ka
na ba?" haha! natawa naman ako kay yaya. Hindi
ko naisip na magiging boyfriend ko si Troy nuh.
"Yaya talaga! hindi po! kain na nga lang tayo."

Sinabayan ako ni yaya na kumain. Simula ng baby
ako, siya na nag alaga sakin tuwing busy si mama
sa business namin, tska parang pangalawang
nanay ko na din siya.
Pagtapos ko kumain, nag bihis agad ako, mamaya
biglang dumating si Troy. Ano kayang ginagawa
nila mama tska ng mama ni Troy? yun ba yung
secret na sinasabi niya? tska alam na ba ni mama
na kasali ako sa Ms. Campus? hindi ko na tuloy
mahintay si Troy..
Sakto naman, may bumusina sa labas, pag ka
tingin ko sa bintana, Yung truck ni Troy, bakit ang
gaganda kaya ng mga sasakyan nila? Rich kids
kasi eh.
"Yaya! alis na po ako! Si cholo po, paki bigyan na
lang ng food!"
"Sige! Ingat Candice!"

Pag labas ko ng gate, nakita ko na si Troy, pag
kasakay ko nakita ko si Jeydon sa harap.

"Hi betty?"

Nung makita ko siya.. for the first time hindi ako
nainis, katulad dati na maisip ko pa lang siya
naiinis na ko. Parang naawa nga ko kay Jeydon eh,
may pasa kasi yung mukha niya.

"Ahm.. hi."
"Miss mo ko nuh? haha!"
"Hindi nuh!"
"Kita ko kaya sa mukha mo!" ayan na naman siya,
pwede ba bawiin yung sinabi ko na hindi ako
naiinis sakanya?
"Pareho lang naman kayo eh, miss niyo yung isa't
isa.. haha!"
"TROY!!" sabay pa kami ni Jeydon.
"Okey okey, tara na nga lang.."
"Mabuti pa nga.."

Buti dala ko yung iPod ko, nakinig na lang ako ng
music, mamaya asarin pa ko niyan ni Jeydon. For
sure alam na niya na kasali ako sa Ms. Campus.
Gusto ko tuloy makita reaksyon niya, haha.
Papayag kaya siya katulad ni Troy?
Huminto sa tapat ng mall yung kotse namin.
"Bakit dito? akala ko sa bahay niyo tayo Troy?"
"Dito daw tayo sabi ni mom eh.."
"Akala ko mag aaral tayo?"
"Hindi! haha excuse ko lang yun, andito tayo kasi
ima-make over ka nila mom tska ng mama mo.."

"MAKE OVER?!"
18: Make Over

"San ka pupunta?" hinila ako ni Troy, eh san pa ba
eh di uuwi na!
"Ayoko mag make over!"

"Ano ka ba para yun sa Ms. Campus! bakit ba
ayaw mo?" bakit nga ba? hindi ko alam.
"Hayaan mo siya Troy kung ayaw niya eh di wag,
wala naman mag babago kahit mag make over pa
siya eh! Siya pa din yung panget na nerd." Ah
ganun Jeydon?!
"Ang yabang mo! sige tignan natin! sige papa
make over na ko!"
"Si JD lang pala kaylangan eh, haha tara na nga!"

Inakbayan kami ni Troy tapos pumasok na kami sa
loob, hinanap namin sila Mama. Bakit nga ba
ayoko? kasi baka mamaya kahit mag make over
ako, panget pa din kalabasan -__"Ayun sila oh!" tinuro ni Troy sila Mama, sa tapat
ng salon.
"Hi Candice!" bati sakin ng mama ni Troy, ang
ganda naman niya. Pareho sila ni mama, may edad
na pero maganda pa din. Ano kaya magiging
reaksyon niya kapag nalaman niya na yung
girlfriend ni Troy matanda na din? well I mean mas
matanda sakanya at may asawa na. "Im Tracey,
just call me tita!"
"Hello po!"

"Mom, kayo na po bahala kay Candice, mag lilibot
lang kami ni Jeydon."
"Okey text ko na lang kayo kapag tapos na kami,
bye JD!"
"Bye Troy, Jeydon!" si mama kakaiba yung ngiti
kay Jeydon, ano na naman kaya nasa isip neto?
mukhang nag iisip na naman ng malisya samin ni
Jeydon.
"See you later po.. bye Betty!" kinindatan ako ni
Jeydon, tss akala niya naman ang gwapo niya
kapag kumikindat, hays oo nga gwapo nga.

"So let's start?"
"Ano po gagawin natin tita?"
"We will do some magic baby.. haha!"
Ay kalog din pala yung mama ni Troy, kakaiba
yung tawa eh, haha! Si mama naka ngiti lang
sakin, so alam na niya talaga. Sigurado ako si Troy
nag sabi nun. Kinakabahan ako na excited sa
magiging resulta.
Nung umupo na ko sa may upuan, may lumapit
sakin na bading.

"Hi Miss Candice! alam mo maganda sana tong
buhok mo, hindi lang naaalagaan, dont worry kasi
akong bahala dyan." anong gusto niyang sabihin?
pabaya ako sa sarili ko? hindi lang naman ako
mahilig mag ayos eh, huhu. Tumango lang ako.
Tinanaw ko sila Mama, ayun nag papa salon din.
Bakit kasi nadamay pa ko dito? pero okey na din
to, mag papaka choosy pa ba ko? wahaha.
Syempre gusto ko din umayos yung itsura ko.
Nag simula na sila sa buhok ko, dalawa sila na nag
aayos sakin. After i-shampoo ng buhok ko, may
kung ano anong nilagay yung bakla sa buhok ko,
minsan nga nangangati ako sa nilalagay niya eh.
Ayoko naman umangal. Ang tagal ayusin ng buhok
ko, i rerebond daw kasi nila eh. Habang inaayos
naman nung isang bading yung buhok ko, yung
isang babae naman, inahitan yung kilay ko.
Makapal kasi yung kilay ko, hindi naman kasi ako
nag aahit o nag bubunot ng kilay.
Siguro mga tatlong oras na kami sa salon, hindi
pa din daw tapos. Kukulayan pa daw nila ng kulay
brown tapos lalagyan ng shape yung buhok ko..
Gutom na ko! asan kaya sila Mama?
"Baby oh, kumain ka muna." speaking of.

"Thank you Ma, asan si Tita Tracey?" kinuha ko
agad yung donut kay mama, nagugutom na kaya
ako.
"Sabi ko kumain na lang siya dun sa donut shop
kasama niya sila Troy."
"Ah, paano niyo pala nalaman agad yung sa Ms.
Campus? kay Troy?"
"Actually, sa Mom niya.. hindi ko nasabi sayo na
close friends kami ni Tracey. Kaya ayun sa sobrang
pag ka excite ko pumunta agad kami dito sa salon,
nag pa reserve kami ng aayos sayo.. Im so happy
for you baby! sigurado ako gaganda ka ng
bongga."
"Parang ugly duckling turn into swan.."
"Ano ka ba! maganda ka Candice, hindi ka lang
kasi nag aayos.. tska walang panget sa family
natin!"
Natawa naman ako kay mama, ang lakas maka
boost ng confidence. Naniwala na lang ako kahit sa
totoo lang parang hindi naman talaga ako
maganda.
After five hours, tapos na din yung kung anong
ginawa nila sa buhok ko.

"I told you Miss Candice, ako bahala sa hair mo,
tignan mo! ang ganda ganda mo na."
Tinignan ko na yung sarili ko sa salamin, sobrang
straight na niya, tapos kulay brown.. tapos yung
kilay ko manipis na.. dagdagan mo pa nung make
up sakin nung babae kanina.. Nagtataka pa akong
humarap sa salamin eh, para kasing hindi ako eh.
Sa puntong yun, nakaramdam ako ng tuwa..
pwede palang maging ganito ka ganda yung itsura
ko nuh? parang magic nga talaga.
Napansin ko din ang manang ko pa din manamit,
tska andito pa din yung makapal na salamin ko sa
mata.. so hindi pa talaga ako nag babago ng buo.
Napangiti pa din ako kasi atleast may konting
improvement, ay teka.. hindi pala konti kasi
sobrang laki ng inayos ng mukha ko, mukha na
kong tao! Haha!
Saktong pagkatapos namin dumating si Tita
Tracey.
"Oh my.. you're so beautiful Candice.. you look like
your mom na! Im so happy!" pumapalakpak pa si
Tita Tracy. Ang cute parang bata ^__^
"Thank you po Tita."

"Kanino pa ba naman mag mamana? haha!" tapos
nag tawanan silang dalawa. " So tara na sa next
step natin?"
"Oh sure! i can't wait for the boys reactions!
haha!"

Ano naman kaya yun? parang pinag
eexperimentohan lang ako eh nuh? Well, ayoko
naman umagal kasi maganda naman yung
kinalabasan nung unag step nila eh. Hihi, excited
na tuloy ako. Bago kami umalis sa salon
pinasalamatan muna namin yung bading na nag
ayos sakin pati yung babae na nag make up sakin.
Saglit lang kami nag lakad tapos nakita ko na agad
yung isang boutique. Teka? kilalang bilihan to ng
mga damit ah..
Pag pasok namin dun, bumungad agad samin yung
mga magagandang damit, pang artista nga eh.
Tapos ang sophisticated pa. Pangarap ko din mag
suot nito dati kaso nga, naisip ko hindi naman
bagay sakin kaya kahit may pang bili ako, hindi ko
naisip na bumili.
"Actually, andito yung may ari ng boutique na to..
si Jaycee."

Lumabas dun sa isang pinto yung magandang
babae.. napanganga na lang ako nung ma realize
ko kung sino yun.. yung ate ni Jeydon.. yung
girlfriend ni Troy.. Siya pala may ari neto? Wow
ang galing. Kaso si Tita Tracy at Ate ni Jeydon na
mag kasama? awkward -__"Hi tita Tracey! Hi tita Candy, so I assume, siya si
Candice?"
"Yes, and siya yung sinasabi ko na may kelangan
ng experties mo sa fashion."
"Sure tita.. lumibot muna kayo sa shop, ako na
pong bahala sakanya."
"Thank you Jaycee, I know I can count on you.."
ngumiti si tita Tracey kay Ate Jaycee, ganun din
siya. Ako naiilang sa tagpo nila.. alam kaya ni tita
Tracey na si Ate Jaycee yung girlfriend ni Troy?
tska ano naman? malay ko ba kung okey lang
sakanya pero im sure naman na hindi eh, kasi may
asawa na nga si Ate Jaycee >.<
Sumunod lang ako kay Ate Jaycee.
"Alam mo baliktad na baliktad ka sa mga nakwekwento sakin ng kapatid ko.."
"Si Jeydon po?"

"Oo.." natawa siya bigla, tapos may kinuha na mga
damit. "Lagi ka niya nababanggit sakin eh.. yung
nerd na panget daw, eh ang ganda ganda mo nga
eh!" Yung lalaking yun talaga! pati sa kapatid niya
pinapahiya ako.
"Eh kasi nerd naman po talaga ako, pina ayos lang
kasi nila mama yung itsura ko kaya nag mukha
akong tao.."
"Stop it! you look like a Goddess nga eh.. hindi mo
lang nakikita sa sarili mo na maganda ka. Hindi na
ko nag tataka kung bakit ka niya nagustuhan."
"Ha? sino po?"
"Ah wala. Tara sukat mo na to?"
'Hm.. okey po.." Ano kaya yung sinabi niya? hindi
ko msyadong na gets, ay bahala nga siya.
Mga benteng pares ata ng damit yung sinukat ko,
tapos lahat yun sabi nya bagay daw sakin. May
mga sapatos pa nga siya na pinasuot sakin na ang
taas taas, muntik na ko matumba. Ang dami din
accesories, huhu wish ko lang suotin ko talaga
siya, parang mag suot pa lang ng maikling damit,
hindi ko na kaya eh. Sa huli pinasuot niya sakin
yung dress na pula, pero buti na lang flats lang
yung pinasuot niya sakin na sapatos na kulay blue.
Pag labas ko, gulat na gulat sila Mama sa labas.

"Wow! Jaycee, ang ganda naman! Thank you for
making my Candice look gorgeous."
"Welcome po tita Candy, actually hindi naman siya
mahirap ayusan eh kasi maganda yung katawan
niya and lahat ata ng nasa collections ko bagay
sakanya."
"Thank you Jaycee! kaya your my favorite eh! do
you want to join us sa dinner? kasama namin si
Troy and Jeydon.." nakita ko sa mukha niya na
parang nataranta niya.. Im guessing na hindi pa
alam ni Tita Tracey yung sa kanilang dalawa.
"No Tita, I have to go na din eh. Enjoy your dinner
na lang po!"
"Okey then, thank you ulit."
"Bye Jaycee, Thank you.."
"Welcome po Tita Candy, Bye Candice, I hope to
see you again!"
"Bye po Ate Jaycee, Thank you po!"
Nung umalis kami sa boutique ni Ate Jaycee, hindi
ko maalis sa isip ko yung sitwasyon nila ni Troy.
Siguro ang hirap nung tago yung relasyon niyo
tapos bawal pa.. sakin naman okey lang kung
mahal nila yung isa't isa pero kasi may asawa na si
Ate Jaycee.. hays ang tradgic naman ng love story

nila.. sana kung mag kakaroon ako ng sariling love
story, sana hindi ganun.
Akala ko naman kakain na kami, pero hindi pa
pala.. pumunta pa kami sa may optical shop.
"And for the last step, papalitan na natin yang
salamin mo."
"Ha?!"
"Why Candice?"
"May sentimental value po sakin to eh.. ayoko po."
"Ano ka ba anak! pwede mo namang itago yan,
mas okey kung mga co-contact lens ka na lang..
tara dali, I can't wait na!" Pagkasabi pa nun ni
Mama para siyang batang babae na excited. Same
sila ni Tita Tracey, kaya naman pala sila naging
close eh.
Kahit ayoko, wala naman ako magagawa. Pumili
kami ng contact lens ko, yung clear lang binili
namin, kasi ayoko naman nang may kulay eh,
pumayag naman sila kasi brown na naman daw
yung mata ko. Tinago ko pa din yung luma at
makapal kong eye glasses. Madami kayang
memory to para sakin. Tska it will remind me kung
ano ba talaga ako despite sa make over na to.

"Perfect! Now, let's go to the boys and see their
reaction." Nag apir pa silang dalawa.
After ng lahat ng mga steps nila, finally tapos na
kami at makaka kain na ko! YEY!!
Almost 8pm na nung makadating kami sa Resto
namin, Gutom much na ko!
Sa malayo pa lang nakita ko na sila Troy..

"Candice?"
"Ano masasabi mo Troy? Panget ba?"

"Hindi.. ang ganda mo!"

Napangiti ako sa sinabi ni Troy.. tinignan ko si
Jeydon pero wala siyang reaksyon. Anong
problema neto?
"See! sabi ko sa inyo eh.. Im so happy for you
Candice Ija!"
"Ako din, Thank you mare ah, I can't do this
without you."

"No worries Candy, you're my best friend kaya..
Haha! nako kumain na tayo at kanina pa nag
rereklamo ang prinsesa natin.."
"Hehe gutom na po kasi ako eh.."

Pumasok na kami sa loob, tinitignan ko yung
reaksyon ni Jeydon pero wala talaga eh, blanko
lang siya. Can't he just be happy for me? Buti pa si
Troy, tuwang tuwa. Ako din naman, Im happy kasi
maganda yung kinalabasan. Tska napansin ko
yung mga tao sa Resto namin napapa tingin sakin,
hindi katulad dati na pinag tatawanan nila ako,
ngayon naka ngiti sila sakin, lalo tuloy akong
sumaya.
Pumunta muna ako ng washroom, tinignan ko
yung sarili ko sa salamin..

Yung dating buhaghag yung buhok.. ngayon
straight na straight na tapos kulay abrown pa..
Yaung dating manang manamit, ngayon fashionista
na..
Yung dating may makapal na eye glasses, ngayon
wala na..

Yung dating panget na nerd.. wala na..
Para nga akong ugly duckling turn into a beautiful
swan.
Habang nakatingin ako sa salamin, napaiyak ako..
akalain mo yun, pwede pala ako maging maganda.

Pero bakit kaya ganun.. bakit parang hindi masaya
si Jeydon? parang wala man lang siyang reaksyon?
parang ang lungkot niya. Mali ba ko ng iniisip na
gumanda ako? o nag iilusyon na naman ako? pero
bakit naman si Troy, si Ate Jaycee, si Tita Tracey
pati si Mama sinabi na gumanda daw ako.. hays.
Bigla akong napahawak na bibig ko..

Eh bakit ko ba iniisip yung reaksyon ni Jeydon?
hays ang gulo..
Pero whatever happen, masaya ako sa total make
over na to. Oo dahil gumanda ako, pero mas
nangingibabaw yung saya kasi pwede ko din
palang maramdaman yung isang normal na tao na
hindi ka tinitignan kasi panget ka, kundi
nagagandahan sila sayo.. na pwede din pala akong
maging confident sa sarili ko. Na pwede din pala
akong maging masaya dahil lang sa itsura ko..

Iniisip ko lang yung mga mangyayari sa susunod
na araw.. ano kayang reaksyong ng iba kapag
nakita nila yung bagong ako?

19: Gandang di inakala

"Good Morning World!"
Feeling ko, sa lahat ng umaga ko eto yung pinaka
maganda kong gising, haha! Kaya pala sobrang
aga ko nagising, SIX AM. Kamusta naman? excited
much lang?
Tumayo agad ako sa kama ko, humarap ako sa
salamin.. ako pa din naman eh, hindi na nga lang
buhaghag yung buhok ko, kahit kagigising ko lang
bagsak na bagsak siya. Tska yung kilay ko,
manipis na, maganda pa yung pag kaka ahit.
Feeling ko ibang Candice na ko.
Kinuha ko sa table yung dogtag ni Prince
Charming.. alam ko sa likod pa lang niya na gwapo
siya. Magugustuhan niya na kaya ako ngayon na
maganda na ko? napangiti tuloy ako. Sino nga
kaya siya? ayoko isiping si Marky, baka mamaya
mali naman pala ako ng iniisip. Kung gusto niya

mag pakilala sakin, mag papakilala naman siya di
ba? pero kung hindi, eh di hindi. Alam naman niya
yung bahay ko eh. Masaya na ko na niligtas niya
ko..
Pumunta ako sa banyo, gusto ko na maligo. Buti
na lang may hot water yung shower namin, ang
lamig kasi kapag umaga eh. Saglit pa din naman
ako maligo eh, kaso may pinagamit sakin sila
mama na sabon na pang pakinis daw. Pagtapos ko
maligo, nag lagay naman ako ng lotion para daw
hindi mukhang tuyong tuyo yung balat ko, maputi
naman ako eh, yun nga lang dry yung balat ko.
Nakakapanibago tuloy. Sinuklay ko lang yung
buhok ko tapos bagsak pa din siya, nakakatuwa
naman. Dati kahit anong suklay ko ang buhaghag
pa din, kulang na lang masira na yung suklay ko,
haha!
Pagtapos ko patuyuin yung buhok ko, kinuha ko sa
closet yung bagong uniform na binili ni mama.
Hindi katulad ng dati kong uniform na sobrang
luwang tska sobrang haba, eto naman fit na fit,
parang hindi na ko maka hinga. Yung palda ko
sakto lang sa tuhod ko, ano ba naman to, hindi
ako sanay. Yung sapatos ko, may heels pa pero
hindi naman ganun ka taas. Yung medyas ko hindi
mataas katulad ng luma ko. Nag lagay ako ng
pulbos tapos lipgloss katulad ng sabi nila Mama
pero yun lang, ayoko naman mag make up eh.

Humarap ulit ako sa salamin.. wow.. ako ba to?
dalagang dalaga yung dating ko. Mahabang buhok
na bagsak tapos ang kintab pa. Tapos fit na damit,
heels na sapatos. Parang isa na ko sa mga
magagandang babae sa school namin. Kaso isa
lang yung nilagay ko sa utak ko, wag na wag lalaki
yung ulo ko.
Bumababa na ko, gutom na ko eh.
Pag baba ko nakita ko si Kuya Charles na naka
shorts pa din. Okey na kayo tong mokong na to?
"Hi Kuya!"
"Waaaa sino ka?!"
"Ang OA mo ha? asan sila Mama?" tinignan niya
ulit ako. Umikot siya hanggang maka harap niya
ulit ako. "Seriously?" Hindi niya kasi kami
naabutan nila Mama kagabi, tulog na siya agad.
"MANANG?!"
"Ano ka ba? Hindi naman ako nag pa plastic
surgery! nag pa salon lang kami." Kumuha ako ng
Cereal tska gatas. Bigla naman duamting sila
Mama tska si Yaya.
"Hi baby! Good Morning!" ang ganda ng ngiti sakin
ni Mama.

"Mama! si Candice ba yan?!"
"Oo naman! ano ka ba Charles! kapatid mo hindi
mo kilala?" natawa tuloy si Mama, kahit ako eh,
ang OA kasi ni Kuya Charles.
Lumapit sakin si Yaya. "Candice, ang ganda ganda
mo.."
""Thank you Yaya! San kayo galing?"
"Nilabas namin sa ospital yung Papa mo.." ah
akala ko naman importante.
"Buti naman pala okey siya, ang masamang damo
nga naman matagal mamatay." Si Mama ang sama
ng tingin sakin. Si kuya walang paki, galit din kasi
siya kay Papa eh. Si Yaya wala na lang din, sanay
na naman din siya sakin eh.
"Alis na po ako.."
"Hoy Manang Saglit lang!"
"Bahala ka! ang tagal mo! tska wag mo na nga ko
tawaging manang!" nag belat ako sakanya tapos
kinuha ko yung bag ko tska ako lumabas ng
bahay.
"Ingat Candice!"
Alam ko masama akong anak, pero nasaktan lang
naman ako eh. Ilang taon ba niya kaming hindi

kinamusta? Oo nag papadala siya ng madaming
pera.. pero hindi yun yung kaylanga ko. Gusto ko
magkaroon ng ama, yung paki ramdam na meron
ako dati nung nasa amin pa siya.
Nawala tuloy yung saya na meron ako kanina..
bakit pa kasi narinig ko yung tungkol kay Papa.
Lutang na pala msyado isip ko, nandito na ko sa
school, hindi ko man lang napansin.
Pag pasok ko pa lang sa loob ng school, nag
titinginan na sila sakin. Nakakapanibago, dati
naman wala silang paki alam sakin. Baka naman
kasi may dumi yung mukha ko? maka punta nga
muna sa wash room.
"Wow ang ganda..." hindi ko na lang pinansin yung
lalaki, Junior siguro siya.
"Hi ate!" Okey kakaiba na talaga to. Hindi ako
sanay -___May humarang naman sakin na lalaki nung malapit
na ko sa pinto ng washroom.

"Bago ka ba dito?"
"Ahm.. hindi." nginitian niya ko.

"Talaga? sa ganda mo kasing yan.. for sure
napansin na kita, well Im John."
"Ah okey, sige dadaan na ko." Narinig ko yung
mga classmates niya na tumawa.

"Pare wala ka pala eh!"
"Tablado!"
"Kala ko ba malakas ka sa chicks John?"

Halatang nainis sakin yung John na to. "Alam mo
miss, wala pang humihindi sakin.. for sure naman
nag papakipot ka lang eh, pero okey lang.. yan
naman yung gusto ko eh."
"Sorry ah, hindi ako interesado sayo." Nilagpasan
ko na siya. Feeling naman niya, lahat ng babae
makukuha niya? ang yabang niya eh mas gwapo
pa nga sakanya si Jeydon.
"Wag ka na mag pakipot!" hinawakan niya yung
kamay ko tapos tinulak niya ko papunta sa may
pader, napasandal tuloy ako tapos ang lapit lapit
niya.
"Bitawan mo ko!!"

"Eh paano kapag ayoko?" sabay kindat.
"Bitawan mo sabi ako eh!"
"Haha.. ayoko nga.." nilapit niya lalo sakin yung
mukha niya. Hala ano ba yan! huhu.

"Hindi mo ba siya narinig? bitawan mo daw siya.."
"At sino ka naman?!" napahinto yung lalaki sa
nakita niya.

"Jeydon?"

"Bakit papalag?" Ang angas niya, ngayon ko lang
siya nakitang mag angas. Lumapit siya samin.
"May nag aangas na pala dito maliban akin?"
"Ah hindi wala.. pa sensya na, hindi na mauulit."
Halatang nataranta siya tapos umalis siya agad,
pati yung mga classmates niya natakot tapos
umalis na. Nakakatakot pala talaga to si Jeydon,
kahit yung maangas na yun natakot sakanya.
"Hoy unggoy!"

Tumingin siya sakin, wala pa din siyang reaksyon.
Tapos nag lakad na ulit siya, hala bakit? ano
ginawa ko? nagalit ba siya kasi tinawag ko siya na
unggoy imbis na mag pasalamat ako kasi
tinulungan niya ko? hinabol ko siya.
"Jeydon saglit!!"
Hindi pa din siya tumitigil, kaya tumakbo ako para
maabutan ko siya kaso naka heels nga pala ako,
huhu. Ayun na out of balance ako, kaso...

"Stupid."
Hawak hawak pa din ako ni Jeydon sa likod, buti
na lang nung na out of balance ako nasalo niya
yung likod ko. Yung mukha namin magkatapat,
napatitig tuloy ako sa mata niyang maganda..
kulay brown kasi eh, mas brown pa kesa sakin.
Blanko pa din yung mukha niya pero maya maya
ngumisi na siya.

"Kuhanan mo na lang kaya ako ng litrato, mas
matagal mo yun matititigan.. nangangawit na ko
eh."
Sheteng kalabaw, napatitig na ata ako ng matagal
sa mata niya. Lumayo ako sakanya, inayos ko

yung damit ko, lintek na heels kasi to eh. Pahamak
naman, mamaya ano pa isipin neto ni Jeydon.
"Excuse me? nagulat lang ako, tska bakit naman
kita tignan? ano ka si Marky?"
"Hindi mo ko tinitignan, tinititigan mo ko tska
pwede ba wag mo nga ipamukha sakin na si Marky
yung gusto mo kasi alam naman ng lahat na ako
yung gusto mo di ba?" Ginawa na naman niya
yung sikat niyang kindat.
"Ewan ko sayo! alam mo mag papasalamat pa
sana ako eh kasi tinulungan mo ko kaso umiral na
naman yang pagka kupal mo! dyan ka na nga!"
Naglakad na ko sakanya palayo pero sumigaw pa
din siya sakin. "Bye Betty!" baliw talaga yun,
mukha pa din ba kong Betty? pero mas okey na
yung mapang asar siya kesa kanina na blanko
mukha niya, nakakatakot siya eh. Napangiti tuloy
ako.
Habang nag lalakad ako papunta sa room ko, nag
titinginan pa din sakin yung mga schoolmates ko,
hindi na ako pupunta ng wash room dahil andun si
Jeydon. Naalala ko pinabaunan pala ako ni Mama
ng maliit na salamin para daw lagi kon makikita
yung mukha ko, vain lang?

Nung sinilip ko sa salamin yung itsura ko, maayos
naman, bakit kaya nila ako tinitignan? sakto pag
balik ko ng salamin sa bag ko nasa tapat na ko ng
room. Pumasok ako sa loob tulad ng dati.

"Excuse me?" sabi ni Blossom. Lahat tuloy ng mga
classmates ko napatingin samin.
"Bakit?"
"Bago ka ba dito?" muntik na ko matawa buti na
lang napigilan ko, seryoso siya? hindi niya ko
nakilala? OA naman nun, hindi naman ako nag
palit ng mukha nuh. Nag ayos lang ako konting
pag babago lang naman yun eh. "Teka.. parang
may kamukha ka.."
"Hindi ako bago dito."

"CANDICE?!"
Gulat na gulat silang lahat, yung tawa ko naging
ngiti, ang hirap pigilan yung tawa ko amp. Yunf
mga reaksyon ng mukha nila, panalo! Akala mo
nakakita ng alien.

"Paanong yung panget na nerd.. ikaw na?" sabi ni
Bubbles. Hindi ko siya pinansin, umupo na ko sa
upuan ko. "Pero.."
"Teka! nag pa plastic surgey ka ba?" hiniwakan ni
Blossom yung mukha ko. Ouch ha, ang bigat ng
kamay niya. "Paano yun? Ikaw ba talaga yan?"
"Oo ako to, ako si Candice."

Nakanganga lang sila sa harap ko. Buti na lang
dumating yung teacher namin kundi hindi ko na
talaga mapipigilan yung tawa ko..
"Good Morning class.." tinanaw niya yung upuan
ko. "Wala pa ba si Candice?" Lumapit siya sakin.
"Teka.. miss dito ka ba sa class ko?"
"Mam si Candice po ko.."
Tumaas muna yung kilay niya tapos napahawak
siya sa bibig niya na parang nagulat na ewan.
"Wow... hmm.. okey..."
Nag tataka pa din siya nung bumalik siya sa desk
niya. Grabe sobrang laki na pala talaga ng pinag
bago ko, wala man lang nakakilala sakin..
Nung mga sumunod sa subjects, parehong
reaksyon lang yung nakikita ko sa mga teachers

ko. Yung mga classmates ko lagi ng napapa tingin
sakin, yung mga babae titignan ako tapos mag
bubulungan. Yung iba ang sama ng tingin sakin
lalo na yung Power Puff Girls, Sila Blossom,
Bubbles tska Annie. Ano kaya nasa isip ng mga to?
Bago pa mag bell, nag beep yung phone ko.

From: +639181237654
Candice, Troy to. Punta ka sa Canteen mamaya
ah? hintayin ka namin. ^___^

Bakit kaya? naisip ko tuloy si Marky.. siya na lang
kasi sa kanilang apat yung hindi pa nakakakita
sakin eh.. Mapapansin niya kaya ako?
magagandahan kaya siya sakin? naisip ko tuloy
pumunta ng canteen. Haha! sakto naman nag bell
na. Nag madali agad ako na umalis, ang sama na
naman kasi ng tingin sakin nung tatlo.
Ang dami na agad tao sa canteen nung pag
kadating ko. Natanaw ko naman agad sila Kuya sa
tambayan nila. Habang nag lalakad ako papunta
dun kulang na lang matunaw ako sa mga titig nila.
TITIG ah, hindi lang tingin. Hindi ko inexpect na
ganyan magiging reaksyon nila sa make over ko.

Yung mga babae ang sama din ng tingin sakin
tapos nag bubulungan pa..

"Bago ba siya?"
"Tignan mo lalapit siya sa tambayan ng APAT!"
"Ang kapal niya!"
"Teka siya ba yung kapatind ni Charles?"
"Di ba panget yun?"

Ang OA na talaga ah. Parang bagong tao ako, pero
buti na lang may nakakilala pa din sakin. Hindi nga
lang sila sigurado kasi yung dating ako panget, eh
ngayon? ewan ko ba kasi anong ginawa nila Mama
sakin.
Eto na ba talaga yung GANDANG HINDI MO
INAKALA? hahaha.
Pag dating ko dun, na sad tuloy ako. Wala kasi si
Marky eh.

Pumunta ko sa harap ni Troy. "Bakit mo ko
pinapunta dito?"

"Wala lang, hindi ka na nerd kaya hindi ka na
pwedeng tumambay sa library kapag lunch, kaya
dito ka nalang.." paano kaya niya nalaman na nasa
library ako kapag lunch? "Tara!"
"Hm..buti okey lang kay Kuya Charles?" tumingin
sakin yung magaling kong kuya.
"Mukha ka na namang tao eh kaya pwede na.."
"Tss! tao naman talaga ako eh!" kinuha ko kay
Troy yung sandwich, ang sarap naman neto, ano
to special sakanila? "Ang sarap ng pagkain niyo
dito ah.."
Biglang dumating si Jeydon. Naka ngisi agad sakin
nung makita ako.
"Miss me agad?"
"Miss mo mukha mo! Si Troy kasi nag text sakin na
pumunta dito!"
"Talaga?" tumingin kami pareho kay Troy. Sabihin
mong pina punta mo ko dito!
"Hindi ah! nagulat nga ko na nandito si Candice eh!
siguro nga miss ka na JD."
"Haha tignan mo na!"
"Hoy ang kapal mo! hindi kita miss at hindi kita
pinapunta dito!" tinignan ko ng masama si Troy.

Traydor! isa kang malakang traydor! Umupo
naman si Jeydon sa tabi ko. "Yuck! lumayo ka
nga!" ang sama pa din ng tingin ko kay Troy.
"Haha! nakakatawa talaga kayong asarin.. bagay
kayo!"

"Anong bagay?! hindi pwedeng mag Boyfriend
yan."

Natahimik kaming apat sa sinabi ni Kuya Charles.
Na alala ko tuloy yung sinabi niya na wag daw ako
mag kaka gusto kahit kanino kala Troy, Marky at
Jeydon. Seryoso ba talaga siya dun? tropa naman
niya yung tatlo ah.

"Candice.. bumalik ka na nga sa room mo! ang
ingay ng dalawa kapag andito ka eh!"
"Oo na!" kinuha ko yung sandwich ni Troy tapos
umalis na ko. Galit kaya si Kuya?

Habang nag lalakad ako pinag titinginan na naman
ako. Okey Candice, masanay ka na! haha tama...

Nung napadaan ako sa Music Hall may narinig
ako...

Itututloy..
20: Music is Love

Yung chapter na to para sa MarkDice/Mardice
:) [Music: All i need by Shamrock]

"Kissing you was not what I had planned..."
Si marky yun ah..
"And now I'm not so sure just where I stand."
Siya nga.. nasa music room na naman pala siya.
Kaya wala siya sa canteen. Buti na lang medyo
naka bukas yung pinto kaya hindi niya ko nakita
nung pumasok ako. Walang tao, tapos yung ilaw
nasa stage lang ulit.

"I wasn't looking for true love.. But now you're
looking at me."
Hindi na siya nag pi-piano, pero nag gigitara
naman siya. Ang dami niyang alam na musical
instrument. Noon pa lang naman alam ko na na
mahilig siya sa music. Kaya siguro nagustuhan ko
din siya kasi pareho kami. Tska sa sobrang ganda
ng boses niya na maiinlove ka na lang sakanya..
"You're the only one I can think of.. You're the only
one I see."
Pumunta ako sa likod ng mga upuan, sa dulo para
hindi niya ulit ako makita. Buti na lang walang tao
tska madilim kaya pwede ko siyang panoorin.
Pwede ko pa nga siyang titigan dito eh, kaso wag
na baka matunaw pa siya eh, hahaha!

"All I need
Is just a little more time
To be sure
What I feel
Is it all in my mind?
'Cause it seems so hard to believe
That you're all I need"

Alam mo yung nakanganga na ko dito kaka titig
sakanya.. sa ganda ng boses niya, sa ganda ng
mukha niya. Ano kayang pakiramdam kapag
kinatahan ka ni Marky? siguro baka mahimatay ka
pa. Ngayon pa nga lang kahit alam kong hindi ako
yung kinakantahan niya, kinikilig na ko ng bongga
eh.. Napapangiti tuloy ako dito bigla, para akong
tanga! makita ko pa lang siya napapa ngiti na ko.
Dati sinubukan ko na kalimutan yung
nararamdaman kong to sakanya pero hindi ko
kaya eh. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko, napa
upo tuloy ako sa may upuan.
*BLAG*
Ay sheteng kalabaw. May kahoy pala dun, nung
nahulog sa sahig ang lakas ng tunog. Patay ako
neto.

"May tao ba dyan?" Ano idadahilan ko? ah alam ko
na..

"Meoow..."

"Pusa lang pala.." pinikit ko yung mata ko, yes
hindi niya ko nakita! haha! ang galing ko talaga.

"Teka.. ang laking pusa mo naman ata?" pag
bukas ko ng mata ko, nakita ko yung paa niya.
"Hello? anong ginagawa mo dyan?"
Tumayo ako, pero nakayuko lang ako. Ayoko
ipakita sakanya yung mukha ko. Huhu! ano na
lang sasabihin niya kapag nakita niya ko dito?
Alam ko na, iibahin ko yung boses ko tapos
tatakbo ako! haha tama. Tska ibang iba na naman
yung itsura ko ngayon kaya hindi niya ko
makikilala.
"Ahm.." ibahin mo boses mo Candice! utang na
loob. "Wala sige alis na ko."
Tumakbo agad ako palayo sakanya. Buti na lang
hindi ako natumba sa heels ko. Kaso eto naman si
Marky, kinuha yung likod ng uniform ko. Hinila
niya ko para maiharap niya ko sakanya kaso na
out of balance kami pareho. Nakapatong tuloy ako
sakanya, tinignan ko yung mata niya, naka tingin
lang siya sakin. Feeling ko matutunaw na ko sa
tingin niya.. Nag iinit yung pisngi ko, huhu nag
blush siguro ako, sana hindi niya makita. Nung
ngumiti siya sakin dun ko lang naalala na naka
patong nga pala ako sakanya. Tumayo agad ako,
aalis na ko, waaaa! nakaka hiya talaga.

"Teka Candice.."

Nakilala niya ko? nakatayo lang ako nakatalikod
kay Marky. Hindi, hindi niya ko pwedeng makilala.
Kaso bakit ba niya ko hindi makikilala? eh ako pa
din naman si Candice.. ibig sabihin kaya nun, yung
dating Candice at yun ngayon, iisa pa din yung
tingin ni Marky? ibig sabihin kaya hindi siya
nagandahan sakin? Shet ano bang iniisip ko? hindi
ako maganda.

"Bakit aalis ka na agad?" hinawakan niya ko sa
braso ko, napa harap tuloy ako sakanya.
"Baka ma late kasi ako sa math subject ko."
"Maaga pa naman eh, dito ka muna.. samahan mo
ko.."

Ano daw?

"Maaga pa naman eh, dito ka muna.. samahan mo
ko.."
"Maaga pa naman eh, dito ka muna.. samahan mo
ko.."

"Maaga pa naman eh, dito ka muna.. samahan mo
ko.."
"Maaga pa naman eh, dito ka muna.. samahan mo
ko.."

Waaa samahan ko daw siya? baka panaginip lang
to ah? totoo ba talaga to? gusto ni Marky na
samahan ko siya dito? Feeling ko nag bu-blush na
naman ako. Ehhh! kinikilig ako ng bonggang
bongga eh! wala na akong paki alam kung
panaginip to o hindi, ayoko na magising. Wahaha!
"Ah.. sige.." ngumiti na naman siya sakin. :">
"Tara dun tayo sa stage, marunong ka ba mag
gitara?" hinawakan niya yung kamay ko. Parang
may kuryente na dumaloy sa katawan ko. First
time niya hinawakan yung kamay ko, shet
panaginip nga to pero mamaya na lang ako
gigising.
"Ah.. o-oo.." umayos ka Candice! para kang tanga
na na-uutal.
"Haha nakakatuwa ka talaga.." ehh.. wag ka nga
Marky! kinikilig ako, hehe.
"Nakilala mo agad ako?"

"Honestly nung una hindi, pero nung tinignan ko
yung mata mo, alam ko na.. nakita na kasi kita
dati na walang salamin kaya kilala ko yang mata
mo.."
"Ahh.." yung ngiti ko pwede na umabot hanggang
langit.

Pag akyat namin dun, kumuha siya ng isa pang
upuan. Pinaupo niya muna ko bago siya umupo,
ang gentleman talaga niya. Kinuha niya yung
gitara, tapos tumingin siya sakin, umiwas naman
ako ng tingin, nahihiya kasi ako eh. Ganito pala
yung pakiramdam ng ganito ka kalapit sakanya
tapos kayong dalawa lang. Parang nung nasa mall
kami, yung hahalikan niya sana ako...
"Bakit pala andito ka? tska bakit nag tatago ka pa?
pwede ka naman mag pakita sakin.."
"Ah narinig ko kasi yung boses mo kaya tinignan
ko.. nahihiya kasi ako eh.."
"Wag ka na mahiya, gusto mo kada break punta
tayo dito eh." hindi pa din ako maka tingin
sakanya kahit gustong gusto ko talaga.
"Ah baka magalit yung girlfriend mo.."
"Sino si Abby?"

"Ah oo..."
"Haha! hindi yun! hindi naman selosa yun eh."
"Ah.. sige, ikaw bahala.."

Bakit kasi natanong ko pa.. ayan nasasaktan tuloy
ako ngayon. Teka, eh ano bang karapatan ko na
masaktan? hindi naman kami. Feeler ko kasi
msyado.. hays.. nawala tuloy yung saya ko. Wrong
move ginawa ko dapat pala hindi ko na lang inopen
yung topic na yun para na enjoy ko yung moment.
"Okey ka lang Candice?"
"Ha? oo.." Hindi.. huhu! bakit ganun kapag ikaw
kaharap ko wala akong masabi pero kapag si
Jeydon ang ingay ingay ko, at bakit ko ba siya
naiisip? yuck.
"Para kasing malungkot ka eh.. alam ko na
kakantahan na lang kita.."
Nung tinignan ko siya naka tingin siya sa gitara
niya. Ano kayang kakantahin niya?
[Music: Magasin by Eraserheads]
"Nakita kita sa isang magasin.
Dilaw ang 'yong suot
At buhok mo'y green.

Sa isang tindahan sa may Baclaran,
Napatingin, natulala
Sa iyong kagandahan.
Naaalala mo pa ba noong
tayo pang dalwa?
Di ko inakalang sisikat ka.
Tinawanan pa kita,
Tinawag mo akong walanghiya
Medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon..."
Ewan ko ba kung bakit ako napa ngiti, natawa pa
nga ata ako. Iba kasi yung pag kaka kanta niya,
halatang pinapatawa niya ko. Ngayong nakatingin
na ko sakanya, parang hindi na ko naiilang. Naging
komportable na din ako kasama siya kahit
papano..
Yung sumunod na lang dun, sinasabayan ko na
pala siya kumanta.
"Iba na ang 'yong ngiti.
Iba na ang 'yong tingin.
Nagbago nang lahat sa 'yoooo
oh ohhh.
Sana'y hindi nakita.
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera ahh."
Hininto niya yung pag gigitara niya. Naka ngiti pa
din siya sakin.

"Ayan eh di hindi ka na naka simangot.. mas
maganda ka kapag naka ngiti ka eh.." mas
maganda? sinabi niya ba talaga yun?
nagagandahan siya sakin?
"Bolero ka eh nuh.. ako maganda? hindi ah.."
"Kung hindi ako nagagandahan sayo, tingin mo ba
gagawin ko yung sa mall? yung muntik na kitang
halikan.." Alam ko nag sisinungaling lang siya,
nung time na yun panget na nerd pa ko.
"Oo nga pala.. bakit mo yun ginawa?" hindi na
naman ako maka tingin, nahihiya kasi ako eh.
"Nung nakita sa loob ng sinehan sinundan kita
nun, hindi ko nga alam kung bakit eh.. tapos
ayun.."
"Ah.. baliw ka pala eh, kung ano ano yung trip
mo."
"Haha! sorry ah.. pero kahit naman hindi dumating
si JD, hindi kiya hahalikan.." ang awkward talaga
ng pinag uusapan namin, tapos pinapa mukha pa
niya sakin na hindi niya ko kayang halikan. Okey
tanggap ko naman eh.
"Alam ko.."

"May respeto kasi ako sayo.. alam ko hindi ka
katulad ng ibang girls dito sa school, na kulang na
lang itapon nila yung sarili nila samin.."
"Ah ganun ba.. salamat Marky.." ginulo niya yung
buhok. Napangiti naman ako sa sinabi niya,
napaka gentleman niya. Kaya hindi ako naniniwala
sa mga sinasabi ng iba eh, alam ko mabait siya.
Siguro minsan malakas lang mang trip.. hays bakit
kasi may GF pa siya?
"Ay teka.. picture tayo!"
"Ha?! wag na! ang panget ko!"
"Ano ka ba hindi ka panget, sige na.." kinuha niya
yung iPhone niya tapos nilapit niya yung upuan ko
sakanya. "Say cheese.."

Nung nakita ko yung picture namin, parang gusto
ko ipa frame ng malaki sa kwarto ko! hahaha.
Kinurot ko yung pisngi ko, time na para gumising
ako sa panaginip na to..
"Ouch.."
"Bakit?"
"Ah wala.."

Hindi pala ko nananaginip.. waaaaaa!! parang
walang pag lagyan yung saya ko. Hehe.
Kumanta pa ulit kami ng dalawang kanta, Brown
Eyes tska What makes you Beautiful.
"Damn.. sobrang late na tayo sa class natin.."
"Ha?!" tinignan ko yung relo ko, 45 mins na
kaming late. Ganun ko na ba katagal kasama si
Marky? parang saglit pa lang eh.. huhu. "Oo nga
nuh.."
"Sorry ah."
"Okey lang, mag dadahilan na lang ako.. sige
pupunta na lang ako sa Science class ko para hindi
ako ma late dun."
"Okey sige.. Thank you sa time Candice, nag enjoy
akong kasama ka, si Abby kasi walang hilig sa
music eh, buti ka pa.."
"Thank you din nag enjoy din ako.."
Ginulo niya ulit yung buhok ko bago kami nag
hiwalay.

Sana wala ka na lang Girlfriend Marky.. sana tayo
na lang nuh.. sana ako na lang yung girlfriend mo.
Mangyayari pa kaya yun? pero kahit anong isipin

ko ngayon, sobrang saya ko kasi nakasama ko si
Marky for the first time. Parang nananaginip ako..
Kaso paano kaya yung math class ko, lagot ako
dun. Mag kaka detention slip na naman ako.
Badtrip naman, okey lang sana sakin kaso parang
hindi ko naman nakasama ng matagal si Marky..
Pumunta muna ko sa locker ko, buti na lang pala
may dala akong extra na shoes yung walang heels,
ang sakit sakit na kasi ng paa ko eh. Paano kaya
nakakatiis sila Stacey sa ganitong sapatos, kung
tutuusin pa nga doble pa yung taas nung sakanila.
Pag kasara ko ng locker ko, may nakita akong
tumatakbo..

"Jeydon?"

21: Kupal

"Si Jeydon ba yun?"
Susundan ko na sana siya kaso nag beep naman
yung phone ko. Sino naman kaya to?

From: Troy
Asan ka na? ma late ka na.
Shocks! ayoko na ng dalawang detention.
Dalawang oras din yun. Bahala ka na nga dyan
Jeydon. Ayoko ma late, buti na lang nag text si
Troy.
Tumakbo na ko pa punta sa room. Buti na lang
naka flat shoes na ko. Bakit kasi papalit palit pa ko
ng room at section? pero okey na din yun kesa
palagi akong nasa section one. Mas madami pa
atang nang aasar sakin dun eh. Isa pa kahit
magulo yung last section mas masaya sila kasama.
Pawis na pawis na ko nung maka dating ako sa
room namin. Naiwan ko pa sa locker ko yung
towel, hays.

"Whoa.."
Lahat ng mga classmates ko sa section eleven
pinag kumpulan ako. Patay kang bata ka, hindi pa
nila ko nakikita na ganito ako.
"Hi miss, bago ka ba dito?" sino nga ba to? Ginno
ata name niya. Siya yung pang limang member ng
basketball team eh.

"Ahm hindi.."
"Ngayon ko lang kasi nakita yang ganyang
kagandang mukha eh.." sesyoso ba siya? eh dati
lang siya yung malakas mang asar sakin. Ang
panget panget ng tingin niya sakin dati. Ano kaya
magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ako
si Candice?
"Miss?"
"Classmate niyo ko sa English."
"Ha? pero wala namang babae samin sa English.."
Sure ba siyang walang babae sakanila? eh ano
kayang tawag niya sakin.
"Ako to si..."
"CANDICE!"
Tumabi silang lahat para makadaan sakin si Troy.
Mas nagtaka sila nung tinawag ako ni Troy.
"Candice? yung nerd na panget?" hindi
makapaniwala si Ginno.
"Siya ba talaga yan?"
"Bakit nag iba yung itsura niya?"

Pag lapit sakin ni Troy inakbayan niya ko. Ang
angas pa ng tingin niya sa mga classmates namin.
"Oo siya nga si Candice. Ganda nuh?"

"Grabe ang laki ng ginanda mo Candice." sabi
naman ni Six, yung isa pang member ng basketball
team namin. Tumango lang silang lahat.
"Mag sipasok na nga kayo sa loob!" sigaw ni Troy
sakanila.
"Yes boss." sabi ni Ginno. Boss na boss talaga
silang dalawa ni Jeydon dito. Sunod sila agad sa
sinasabi ng dalawa na to eh.
Bago sila pumasok nginitian muna nila ako.
Nakaka pa nibago tuloy. Ang laki ng pinag bago
nila ah. Hindi lang pala ako yung improving, pati
sila! haha.
"San ka galing ha? pawis na pawis ka pa." tignan
ko yung uniform ko, pawis na pawis nga. Amp kasi
naiwan ko pa yung towel ko.
"Ha? wala dun lang sa locker ko." tinaasan niya
ako ng kilay.

"Amp wala akong towel, hanap kita maya. Sa
locker ka lang galing? Kaya pala hindi ka pumasok
sa math?"
"Paano mo nalaman?" Sinabi kaya ni Marky? o ni
Jeydon? May inabot na papel sakin si Troy.
"Detention slip mo."
"Ay badtrip talaga!"
Ang sama ng tingin niya sakin. Sasabihin ko ba
kay Troy na kaya ako nag ditch sa math class kasi
kasama ko si Marky? pero hindi niya pa alam na
may gusto ako kay Marky at mukha namang hindi
pa sinasabi ni Jeydon. Mamaya asarin pa niya ko
kay Marky eh.
Bago pa ko makapag salita, nakita na namin si Sir
Jason sa hallway kaya pumasok na kami sa loob ng
room.
Pag ka upo namin, tinignan ko ulit si Troy,
mukhang itatanong na naman niya kung san ako
galing. Dapat mag change topic ako..
"Bakit wala pa si Jeydon?" mukhang nagulat siya
sa tanong ko.
"Bakit miss mo na?" yung ngiti niya pang asar eh.
"Hindi nuh! nakita ko kasi siya kanina na
tumatakbo.."

"Kunwari ka pa eh. Ayan na si Jeydon oh, JD!"

Buti na lang may kausap Sir Jason kaya hindi niya
napansin na late na si Jeydon. Pawis na pawis din
siya. San kaya siya galing? tumatakbo pa siya.
Pagka upong pag ka upo niya, tinapon niya sakin
yung towel niya. Ang bango ng towel niya amoy
lavander.
"Hoy Betty mag punas ka nga! nakikita na yung
sando mo!"
Tinignan ko yung uniform ko, Oo nga! huhu
nakakahiya naman, feeling ko tuloy namumula
ako. Pinunasan ko na lang yung uniform ko.
Badtrip to si Jeydon! Isigaw daw ba?
"Ganyan mo ba ka mahal si Candice pre? Imbis na
mag punas ka ng pawis mo, mas inuna mo pa si
Candice. Ayieeee!" Binato ni Jeydon ng notebook si
Troy buti na lang naka ilag siya.
"Gagu! ang sagwa kasi tignan eh! muntik na nga
akong masuka! Yuck!"
"Hoy ang kapal mo! Oh eh di ayan na yung towel
mo!" hinagis ko sakanya yung towel niya.

"Thank you ah!" sarcastic pa yung pag kakasabi
niya. Bakit sino ba may sabi na paheramin niya ko
ng towel niya? Kupal talaga.
"Welcome!" sarcastic ko ding sinabi sakanya.
Tapos tumalikod ako sakanya. Buti na lang nasa
gitna namin to si Troy kundi inupakan ko na tong
unggoy na to.
"LQ na naman kayo?" napalingon ako kay Troy.
"TSE!" Sabay pa namin sigaw ni Troy. Tapos
tumalikod na ulit ako kay Jeydon. Sakto naman na
pumasok na si Sir Jason.

"Good morning class!"
"Good morning Sir!"
Aba lahat kami binati si Sir Jason, Good mood?
Kaso tong Kupal na Jeydon na to wala man lang
reaksyon. Kups talaga niya.
"Aba good vibes ata ang class ko ah? Bakit? andito
na ba si Candice?"
"Opo Sir! ang ganda nga niya eh!" sabi ni Six.
Sakto naman nakita ako ni Sir Jason. Nanlaki yung
mata niya tapos pumunta siya sakin.
"Wow Candice! ang ganda mo!"

"Yuck! ang panget niya kaya!" namumuro na
talaga tong kupal na to eh.
"Ha? Im sure mananalo tayo sa Ms. Campus sa
gandang yan ni Candice! right JEYDON?"
"Whatever." whatever niya mukha niya.
"Di ba class?"
"Yes Sir!" lahat sila sinigaw yun. Hindi ko naman
mapigilan na mapa ngiti. Ang sarap pala sa
pakiramdam na maganda yung trato nila sakin.
"Good. So mag simula na tayo sa class natin, let's
discuss the pageant tomorrow."

Nag sulat na sa board si Sir Jason. Habang naka
talikod siya nag salita naman ulit si Troy.
"Bakit pala hindi ka pumasok sa math class niyo
kanina Candice?" naka tingin sakin si Troy. Mahina
lang yung boses niya para hindi kami marinig ni
Sir.
"Ha? wala napatagal kasi yung kain ko eh."
"Sinungaling." napatingin naman kami ni Troy kay
Jeydon. Anong sinungaling? bakit alam ba niya
kung nasan ako? kups talaga.

"Bakit? alam mo ba kung nasan siya kanina?"
"Oo. Kasama niya si Marky." Ha?! paano niya
nalaman? kaya ba siya tumatakbo kanina? galing
din kaya siya sa music hall?
"Wow alam na alam ah? haha." ang sama ng tingin
ni Jeydon kay Troy.
"Nakita ko lang sa fb! Muntik ko na nga maitapon
yung phone ko eh, may panget kasi na kasama si
Marky."
"Teka! hind ko pa nakikita!"
Kinuha agad ni Troy yung phone niya, binuksan
niya agad yung Fb niya. Nanlaki yung mata ko
nung nakita ko yung picture naming dalawa ni
Marky.
"Ah kaya ka pala late ha.." tinignan niya ko ng
naka ngisi.
"Ah.. wala nag gitara lang kami.."
"Eh bakit sabi mo kanina natagalan ka lang
kumain? hmmm.. ikaw ha."
"Wala nga yan!" napalakas ata yung pagkakasabi
ko. Napalingon kasi sa direksyon namin si Sir
Jason.

"Candice? may problema ba?"
"Ah wala po Sir!"
Tinignan ko ng masama yung dalawa. Ang kulit
nila. Nag sulat na lang ako sa notebook ko tapos
nakinig na lang ako kay Sir. Yung dalawa may
pinag uusapan pero hindi ko naman marinig.
Nung nag bell na, biglang tumayo si Jeydon tapos
lumabas ng room.
"Problema nun?"
"Ewan ko dun, bigla bigla na lang nag babago ng
mood."
"Kupal talaga nun. Sige punta na ko sa History
class ko." Kinuha ko yung bag ko tapos umalis na
din ako ng room. Mamaya ma late na naman ako.
"Bye Candice!" sabi nila Ginno. Ngumiti lang ako.
Lakas nila maka bipolar, biglang bumait porket
gumanda lang ako. Gumanda nga ba talaga ko?

Habang nag lalakad ako pabalik sa section one,
tinawag naman ako ni Troy.
"Oh bakit?"
"Wala lang.. may gusto lang akong itanong."

"Ano yun? hindi ba yan makakapag antay?"
"May gusto ka ba kay Marky?"
Natigilan ako. Sasabihin ko ba? eh kaibigan ko na
naman siya eh, bakit hindi? Sige na nga..
"Hindi ah!" bakit ganun? Contradicting talaga yung
utak at bibig ko.
"Buti naman. Wag ha!"
"Ha?! bakit naman?"
"Kasi gusto kita eh.." Nagulat ako sa sinabi niya.
Sobrang nanlaki yung mata ko na baka anytime
lumuwa na siya, pero buti naman hindi.
"Haha! Joke lang! nakakatawa ka talaga!" pinalo
ko nga siya ng notebook ko. Ang lakas ng trip
niya! Gulat na gulat pa naman ako. Muntik pa ko
maniwala. Gagu talaga. Ay ano ba yan? nagagaya
ko na si Jeydon mag curse! -___"Baliw ka! bakit ba?"
"Ahm wala lang.. baka kasi masaktan ka eh.
Kaibigan kita kaya nag aalala ako sayo."
"Wow concern ka pala sakin. Thank you ah pero
mabait naman si Marky di ba?"

May binulong siya. Ang hina ng boses niya hindi ko
naintindihan. Ayaw niya ata talagang iparinig
sakin.
"Teka kaibigan mo din naman si Marky, bakit
ganyan ka?"
"Wala! Basta. Sige na baka ma late ka na, tara na
nga hatid na kita."
Hinila niya ko pa punta sa room. Pag dating namin
dun wala pa yung teacher ko. Hay salamat! ayoko
na ma detention ulit.
"May basketball game pala kami mamaya sa court
ng school, punta ka ha?"
"Okey sige!"
"Okey Bye! See you later!" nag ba-bye siya tapos
kumindat pa! baliw talaga.

Pag lingon ko andun yung power puff girls.
Nakikinig ba sila sa usapan namin? As usual ang
sama na naman ng tingin nila sakin.
"San kayo pupunta ni Troy mamaya?" sabi ni
Blossom.

Sa bahay namin kasi mag aaral kami para sa
Science subject. Yan sana yung gusto kong sabihin
eh kaso ano bang paki alam nila?
"Wala ka na dun." tinalikuran ko silang tatlo. Hinila
naman ako ni Blossom.
"Wag mo kong tatalikuran! kinakausap pa kita!"
galit na galit yung mukha niya.
"Ano bang problema mo?!"
"Aba nag mukhang tao ka lang, sumasagot ka na
sakin?!" that time lahat na ng mga classmates ko
sa section one naka tingin samin.
"Pareho lang naman tayong studyante dito ah!"
"Talagang sumasagot ka na ah!"

"Anong nangyayari dito?" Lahat kami napa tingin
kay Mrs. Cruz
"Mam wala po.. di ba Candice?" tinignan niya ko ng
masama.
"Opo mam."
"Pumasok na kayo sa loob."

Hanggang maka upo ako sa upuan ako, hindi pa
din ako nilubayan ng tingin ni Blossom. Ano bang
problema niya? bakit galit na galit siya sakin? Sa
pag kaka alam ko, wala naman akong ginagawa
sakanya.
Hindi ko na lang siya pinansin. Nakinig na lang ako
kay Mrs. Cruz.
"Class may meeting pa ko ngayon, pwede na
kayong umuwi pag katapos niyong sagutan yang
exam niyo."
Pag ka alis ni Mrs. Cruz nag ingay na yung mga
classmates ko. Yung tatlo naman lumapit sakin.
"Hoy Candice! Sagutan mo nga yung exam namin."
sabi ni Bubbles.
"Bilisan mo ah, mag papa parlor pa kami."
nakairap pa si Blossom nung sinabi niya yun sakin.
"Dapat kayo yung gumawa niyan, hindi ako."
binalik ko sakanila yung papel nila.
"Ang kapal.."
"Blossom! Tignan mo to!" inabot ni Annie yung
phone niya kay Blossom. Nanlaki yung mata nilang
tatlo sa nakita nila.

"Ang landi mo din nuh! pag katapos kay Troy, si
Marky naman? Sino yung isusunod mo?! Si
Jeydon?!"
"Hindi ako malandi! Wala akong alam sa sinasabi
niyo!"
Niligpit ko lahat ng gamit ko. Umalis ako sa harap
nila, nilagay ko na lang yung exam ko sa desk ni
Mrs. Cruz. Ayokong makipag away sakanila. Hindi
pa ko nakakalayo sa room namin, kinaladkad
naman ako ni Blossom paharap sakanya.
"Sabi ko wag mo kong tatalikuran kapag
kinakausap kita!" Sobrang lakas ng boses niya,
lahat ng classmates namin lumabas ng roon. Pati
yung mga studyante na dumadaan tinitignan kami.
"Bakit ba galit na galit ka sakin?"
"Kasi Feeling mo maganda ka! eh ang panget
panget mo naman! siguro nag pa plastic surgery
ka pa para umayos yang mukha mo!"
"Sino ba satin yung nag fi-feeling maganda? hindi
naman ako ah."
"Sabi ko sayo wag kang sasagot!"

Sinampal niya ko. Sobrang lakas na kahit hindi ko
tignan yung pisngi ko alam kong namumula siya.
"Dapat lang yan sa mga feelingera na katulad mo!
Eto pa oh!"
Sinampal na naman niya ko sa kabilang pisngi ko.
Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakbo sa
malayo.. magtago, mag mukmok, umiyak pero
hindi gumagalaw yung katawan ko. Ang daming
naka tingin samin. Feeling ko yung iba naawa
sakin, yung iba pinag tatawanan ako, yung iba
walang paki alam sakin.
Hindi ko na alam yung nangyayari. Bigla na lang
may humila sakin.
Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko na din
makita kung sino siya kasi ang labo na ng mata ko
dahil sa mga luha sa mata ko. Habang hinihila niya
ko palayo unti unti naman na tumutulo yung luha
ko. Kung sino man siya, nag papasalamat ako
sakanya kasi kung hindi dahil sakanya malamang
umiyak na ko sa harapan nila. Yun yung huling
bagay na gusto kong makita nila, yung umiiyak
ako.
Nung nakalayo na kami, huminto siya. Binitawan
niya yung kamay ko.

"Bakit hindi ka lumaban?"
Pamilyar yung boses niya pero hindi ko pa din siya
makita ng malinaw kasi iyak pa din ako ng iyak.
Bakit nga ba hindi ako lumaban?
"Punasan mo nga yang luha mo ang panget mo eh.
Oh.." inabot niya sakin yung panyo niya.
Ilang segundo ko ding tinitigan yung panyo niya
bago ko pinunasan yung mga luha ko.
Pag angat ko ng ulo ko. Nakita ko na siya...
"Okey ka na ba?"
Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya.
Umiyak na naman ako. Ano bang nangyayari
sakin?
"Bakit ganun? ang hina ko. Hindi ko man lang
kayang ipag tanggol yung sarili ko." Hindi siya nag
sasalita.
Na realize ko nakayakap pa nga pala ako sakanya.
Bumitaw agad ako.
"Sorry.."
"Sa susunod.. lumaban ka ah." Tinignan niya muna
ako bago siya umalis.

Nakita ko sa mata niya na nag aalala siya sakin.
Ngayon ko lang siya nakitang ganun. Bakit kaya
niya ko tinulungan? Dapat nga masaya pa siya kasi
umiiyak ako di ba? pwede niya akong asarin..
Ganun ba ako mukhang ka awa awa kaya
tinulungan niya ko...
Tska ano bang pumasok sa isip ko bakit ko siya
niyakap?
Bakit ka ba kasi ganyan kang kupal ka...

"Jeydon.."

22: Fiancé

Ang tagal ko ng naka titig sa panyo ni Jeydon.
Bakit kaya niya yun ginawa? At bakit ko din yun
ginawa?! bakit ko siya niyakap? ahhh!! ano bang
kahihiyan yung ginawa ko? Bakit ko ba kasi
naisipin na yakapin yung abno na yun eh. Mamaya
isipin na naman nun may gusto ako sakanya. Kasi
naman eh, nadala ako ng emosyon.. tska bakit
parang naawa pa siya sakin kanina?

Lakas ng saltik nung Jeydon na yun eh. Bipolar
lang ang peg? minsan nakaka asar minsan naman
nakakatuwa. Kung palagi siyang mabait baka
pwede pa kaming maging mag ka ibigan. Kaso
ayun babait?! Haha.. asa pa ko.
Ang tagal ng detention na to. Mas okey na din pala
yung na detention muna ako. Namumula pa din
kasi yung pisngi ko eh. Ano na lang sasabihin ko
kala Mama? Tapos si Kuya Charles pa, for sure
magagalit yun. Medyo nawala na din yung bigat sa
dibdib ko.
Hays.. bakit kasi ganun sila Blossom sakin? Wala
naman akong ginawa sakanila eh. Kahit pala
umayos na yung itsura ko, trip pa din nila ko.
Si Marky kaya bakit wala? late din naman siya
kanina eh. Ang daya, hmpf. Kung andito sana siya
baka hindi ako nababagot ng ganito dito! Hahaha!

"Pwede ka na lumabas."

Ayun oh! makaka uwi na din ako. Gutom na ko.
Dumaan muna ko sa locker ko. Kinuha ko yung
sapatos ko na may heels. Magagalit kasi yun si
Mama kapag nakita niya na naka flat shoes lang

ako. Iniwan ko na din yung iba kong gamit para
hindi ako mabigatan pauwi.

"Hoy Betty!"
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Kasi dito po ako nag aaral Miss Genius." pilosopo
talaga netong lalaki na to.
"Alam ko! eh bakit andito ka pa? uwian na!"
"Bulag ka ba? May laro kami, nakita mo namang
naka jersey ako eh." Oo nga nuh hindi ko agad
napansin. Sabi din pala sakin ni Troy may laban
sila.
"Wala kasi akong paki sayo, hindi ko tuloy
napansin suot mo."
"Talaga? kaya pala kanina niyakap mo ko?" Lintek
na lalaking to, pina alala pa. Nahihiya na nga ko sa
ginawa ko eh.
"Ano ba kaylangan mo sakin?" Change topic na
lang.
"Yung panyo ko.." anong panyo? ah! yung bingay
niya sakin kanina. Kinapa ko muna sa bulsa ko
kung nandito pa.

"Ah eto? Lalabhan ko muna."
"Wag na! akin na!" hinablot niya bigla sakin yung
panyo. Anong problema ng lalaki na to? Tska
parang may naka lagay na something sa panyo
niya? Ano kaya yun?
"May sikreto ka ba dyan sa panyo na ayaw mong
ipa alam sakin?" pinag papawisan siya. Siguro
meron nga.
"Ha? wala.. baka kasi mamaya gamitin mo pa to
para gayumahin ako! tama ayun!"
"Yuck! bakit ko naman gagawin yun!" tumawa
naman siya.
"Kunwari ka pa! gustong gusto mo naman ako."
"ASA!" sinara ko yung locker ko ng malakas para
mabingi siya. Malapit kasi siya dun eh.
"Ouch!" buti nga. "Ganyan ka ba talaga mag pakita
ng pag ka gusto sa isang lalaki?" Lumapit siya
sakin, tinulak ko naman siya palayo. Ang lakas
talaga ng saltik eh, abnormal masyado.
"Ganyan ako mag pakita ng pag ka inis sa isang
tao!"
"Pagka tapos kitang tulungan.. tss."

"Sino ba kasing may sabi na tulungan mo ko?
Kung si Marky pa yun baka masaya pa ko."
"Ay sorry ah tinulungan kita. Sana si Marky
tinawag mo. Stupid." Tumalikod siya sakin.
Ay ano ba yan! Sobrang na guilty naman ako dun.
Ang mean ko msyado kay Jeydon. Dapat nga mag
pasalamat pa ako sakanya sa ginawa niya.. nagalit
ata siya?
"Jeydon!" hinabol ko siya.
Huminto siya pero nakatalikod pa din siya sakin.
"THANK YOU!"
Hindi siya nag salita.
"Sabi ko Thank you!"
Hindi pa din siya nag salita tapos umalis na lang
siya. Kupal talaga nun! Hindi ba niya ko narinig?
Hmm.. sana narinig niya. Bahala siya.
Pauwi na sana ako kaso nakita ko ang daming tao
sa may court ng school. Siguro yung laban yun ng
basketball team namin.
Lumapit ako kaso ang daming tao. Buti na lang
naka singit ako.

Mag sisimula pa lang yung game. Alam ko yung sa
kabilang school lang yung kalaban nila eh. Kaya
pala ang daming tao kasi present lahat ng mga Fan
girls at Fans club ng APAT. May mga banners pa
sila. Sila na!
Nag start na yung game.
Si Kuya Charles yung may hawak ng bola. Nag
tilian naman agad yung mga schoolmates ko pag
hawak pa lang ni Kuya Charles ng bola. Pinasa ni
Kuya yung bola kay Troy, sabay tili na naman ng
mga babae. Ang liksi ni Troy, nahihirapan yung
bantay niya. Pinasa ni Troy kay Jeydon yung bola,
mas malakas yung hiyaw nila kay Jeydon, sabagay
siya yung Captain eh. Kaso lang dalawa yung nag
babantay sakanya. Si Marky walang bantay, dapat
ipasa ni Jeydon kay Marky yung bola! Lahat
inaantay ipasa ni Jeydon yung bola pero hindi niya
pinapasa. Anong problema niya? malapit na mag
shot clock. Pinasa na lang niya kay Kuya Charles
yung bola, buti na lang naka 3 points shoot ni
Kuya.
Nung pabalik na sila sa kabilang court may
binulong si Troy kay Jeydon. Parang may mali sa
laro nila? bakit kaya ganun si Jeydon? Ganyan ba
siya mag laro? ang buakaw niya. Siya pa man din
yung Captain.

Nung nasa kalaban na yung bola. Lahat sila nag
sisigawan ng 'Defense'. Titira na sana yung
kalaban pero ma block naman ni Marky. Nag
hiyawan na naman yung tao. Hindi ko na din
napigilan na humiyaw eh! Haha ang galing kasi ni
Marky.
Habang humuhiyaw ako nag ka salubong yung
mata namin ni Jeydon. Seryoso siya. Sabagay
Captain siya kaya kaylangan mag seryoso siya
pero iba yung tingin niya..
Nung sila na naman yung may hawak ng bola, ang
ingay na naman. Cheer dito, cheer dun. Si Kuya
Charles na naman yung nag dala ng bola. Pinasa ni
Kuya kay Marky yung bola. Mahigpit yung bantay
ng kalaban niya sakanya. Mag sho-shoot na siya
pero hindi pala, pinasa niya lang kay Jeydon yung
bola kaya ayun napasok niya yung bola.
Naghiyawan na naman yung buong school namin.
Wala pang score yung kalaban. Ang galing ni
Marky maglaro.
Nakita ko na naman si Jeydon na nakatingin sa
dereksyon ko.. parang sakin pa ata naka tingin eh.
Yung itsura niya nag yayabang siya sakin. Sus eh
dahil lang naman sa good assist ni Marky kaya siya
naka shoot.
Nung nasa kalaban na ulit yung bola, yung captain
nila yung may hawak ng bola. Siya yung

binabantayan ni Marky tska siya din yung
nasupalpal niya kanina. Nung nasa side na sila ng
kalaban biglang binantayan din ni Jeydon yung
captain. Nakita tuloy ng kalaban na iniwan ni
Jeydon yung point guard nila kaya pinasa niya
dun. Dahil walang nag babantay sakanya naka
shoot siya. Amp naman! ano ba kasing problema ni
Jeydon? bakit kelangan pa niyang bantayan yun eh
binabantayan na nga ni Marky yung Captain nila.

Bigla naman ako nakaramdam ng gutom. Maka
kain nga muna. Nakaka asar din kasi manuod.
Baka mamaya okey na laro nila.. yung laro ni
Jeydon.

Pag punta ko sa canteen walang tao. Lahat kasi
nasa court pero buti na lang may tinda pa din dito.
Isang shift lang kasi kami dito sa school kaya after
class wala ng tao. Dapat lang mag isang shift sila!
ang mahal mahal ng tuition dito eh, akala mo nag
co-college ka na. Sabagay puro mayayaman
naman mga studyante dito.
Bumili lang ako ng tuna sandwich.
Nakita ko si Tiffany bumibili ng soda.
"Tiffany!"

Lumingon siya pero hindi niya ko pinansin.
Hinahanap niya kung sino yung tumawag sakanya.

"Parang narinig ko yung boses ni Candice? wala
naman siya." Kinuha niya yung binili niyang soda
tska siya umalis.

"Tiffany andito ako!"
Napahinto siya. Ang tagal niya kong tinitigan bago
siya lumapit sakin.
"Candice?"
"Oo! kanina pa kita tinatawag eh!"
"Wow ang ganda ganda mo!" umupo siya sa tabi
ko. Titig na titig siya sakin. Parang kumikislap
yung mata niya.
"Hindi naman. Nanunuod ka din ba ng game nila?"
"Oo! andun nga kami sa malapit eh. Ikaw? ang
ganda ganda mo talaga Candice!"
"Andun lang ako sa taas. Wag ka nga, mas
maganda ka kaya."

"Ah basta mas maganda ka! tara dun tayo sa
malapit! dali lika na!" hinila niya ko patayo. Buti na
lang tapos na ko kumain.
"Nakakahiya kaya!"
"Ngayon ka pa ba mahihiya? eh ang ganda ganda
mo kaya!"
Tinabig ni Tiffnay yung mga tao para makadaan
kami. Ang lakas pala netong babae na to. Pinag
titinginan tuloy kami. Buti na lang naka lapit na
kami agad. Pinag titinginan naman kami ng mga
tao malapit samin.
"Woooo!! Go Troy!" wow todo cheer si Tiffany kay
Troy. Haha nakaka tuwa siya.
Napa tingin samin si Troy. Nung nakita niya ko
ngumit siya sakin tapos kinindatan niya ko.
Napatingin naman sakin si Tiffany. Hala? baka
magalit siya. Nag pout lang siya.
"Buti ka pa pinansin ni Troy."
"Hehe! wag ka mag alala papakilala kita sakanya."
"Talaga? Thank you Candice! kaya gustong gusto
kita eh!" Niyakap niya ko. Tapos nag cheer na ulit
siya kala Troy.

Ang saya saya niya. Parang na gui-guilty tuloy
ako. Tama ba na ipakilala ko pa si Troy kay
Tiffany? Parang pinapaasa ko lang sa wala si
Tiffany kaso anong magagawa ko, ang saya saya
niya dahil kay Troy? hays.
Tinignan ko yung score. Ang laki na ng lamang
namin sa kalaban. Tinignan ko ulit yung laro ni
Jeydon. Bakit parang ganun pa din? hindi niya pa
din pinapasa kay Marky yung bola? Ganyan ba
talaga siya mag laro? Sa Tatlong taon ko dito kahit
isang game nila hindi pa ko nakapanuod. Ang dami
kasing tao eh.
"Bakit kaya ganun si Jeydon?"
"Bakit Tiffany?"
"Parang nakikipag kumpetensya kay Marky eh."
"Oo nga eh.." atleast hindi lang ako yung nakakita
di ba?
"Hayaan mo na! panalo naman tayo eh! wooo!! Go
Troy!"

Natapos na yung game. 79-61 panalo kami.
Magaling nga talaga sila katulad ng mga naririnig
ko. Nagyon pa lang kasi ako nakapanuod ng game
nila eh.

Nung natapos na yung game lumapit sila Stacey
tska Abby kala Kuya Charles. Si Abby niyakap agad
si Marky. Ouch naman! sakit sa mata. Si Jeydon
kinukulit ni Stacey, natatawa tuloy ako kasi iritang
irita siya. Si Kuya naman kausap si Ginno yung
center nila. Si Troy naman papunta sa pwesto
namin.
Habang papalapit siya kinukurot naman ako ni
Tiffany.
"OMG! papunta siya dito!"
Masakit yung kurot ni Tiffany pero hinayaan ko na
lang, kinikilig eh.

"Hi Candice!"
"Hello Troy!" tinignan ko si Tiffany, parang
kinakabahan siya na ewan. "Si Tiffany nga pala,
kaibigan ko.."
"Hi! Di ba ikaw yung kapatid ni Stacey?"
"Ha? ah.. ano.. o-oo.." tama nga siya na uutal siya
kapag kaharap si Troy.
"Kapatid mo pala si Stacey?" hawig nga sila,
ngayon ko lang napansin. Ngayon ko lang din

naisip na mag kapatid sila kasi naman ang layo ng
ugali nila sa isa't isa.
"Oo sorry Candice, hindi ko nasabi sayo.."
"Okey lang.."
"Gusto niyo ba sumama mamaya? Mag celebrate
kami sa bahay."
"Ah wag.." kinalabit ako ni Tiffany. Ay oo nga pala,
okey na gets ko na yung ibig niyang sabihin. "Ay
sige! punta kami mamaya."
"Ayos! masaya to mamaya!" ang laki ng ngiti ng
katabi ko. Ayoko naman pumunta eh kung hindi
lang talaga dahil kay Tiffany eh.

Nakita ko papalapit samin si Jeydon. Bigla ba
namang nag paalam si Troy na aalis na tapos
sinama pa si Tiffany? etong babae din na to abot
langit yung saya! natawa tuloy ako. Haha.

"Hi Betty! grabe nag cheer ka pa talaga sakin ah.."
"Asa ka! bakit naman kita i chi-cheer?! tska bakit
ganun yung laro mo?!" tinaasan niya ako ng kilay.
"Galing ko nuh?" ang pogi sign pa si Abno.

"Anong magaling dun! ang damot mo sa bola!
hindi mo man lang pinapasa kay Marky! Tss."
"Bakit ano ba alam mo sa basketball?"
"Madami! sus! insecure ka ba kay Marky kasi mas
magaling siya sayo?"
"Mas magaling?! Sino ba yung MVP? Sino ba yung
Captain? Baka AKO?" Lumapit na naman siya
sakin. Napalingon ako sa paligid, buti wala na
masyadong tao. Baka ano na naman isipin ng mga
schoolmates namin eh.
"Whatever!"
"Gaya gaya! Line ko yan ah!"
"Eh ano?"

"Babe!" pareho kaming napalingon kay Stacey.
Papunta samin, ang sama ng tingin sakin.
"Babe mo mukha mo! Yuck! Lumayo ka nga!"
Hinawakan niya yung braso ni Jeydon.
"Bakit ba ganyan ka sa Fiancé mo?" tapos nag
pout siya. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jeydon.
Hindi siya umangal? so ibig sabihin?

"Fiancé mo si Stacey?"

Parang may iba akong naramdaman. Abnormal na
din ata puso ko. -__-

23: Party

"Fiancé mo si Jeydon?"
"Oo Fiancé ko siya. Bakit may angal?" tinaasan
niya ko kilay. Kapit na kapit siya kay Jeydon. Ano
ba siya linta? tss.
"Yuck! Hindi kita Fiancée!" parang diring diri pa si
Jeydon kay Stacey. Tinutulak pa nga niya palayo si
Stacey. Abnoy talaga to. -___"Bakit ba ganyan ka?! How could you do this to me
babe?" hinawakan ni Stacey yung mukha ni
Jeydon.
"Yuck! babe yourself! lumayo ka nga!" tinutulak na
naman niya si Stacey palayo sakanya. Muntik na

matumba si Stacey pero buti nakakapit ulit siya
kay Jeydon. Kanina ko pa pinipigilan yung tawa ko
sa dalawang to.
"Babe naman!" Humarap siya sakin, "At ikaw
babae ka! sino ka ba? bakit lumalapit ka kay
Jeydon?!" lumapit siya sakin ang sama ng tingin.
"Ako lumapit kay JEYDON LOPEZ? Eww."
"Hoy CANDICE GONZALES!"
"Teka teka!" Pumunta sa harap namin si Stacey.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Napahawak siya sa bibig niya..
"Ikaw yung kapatid ni Charles?"
"Oo ako nga.."
"Di ba panget ka?! OMG! tska i remember, ikaw
yung patay na patay kay Jeydon!"
"Ako? Ha-ha-ha! Asa! isaksak mo pa sa baga mo
yan si Jeydon! bahala na nga kayo dyan."
Tumalikod agad ako sakanila.

Bagay talaga silang dalawa. Hindi ko nga alam
kung sino yung mas kawawa sa kanilang dalawa

kapag naging mag asawa na sila. Si Tracey ba o si
Jeydon? pareho kasi sila ng ugali. Haha.
Wala naman ako paki kung Fiancée niya si Stacey.
Mas mabuti nga yun, para hindi niya na ko inisin
tska para siya naman yung mainis. Halata naman
na ayaw niya kay Stacey eh at si Stacey habol
naman ng habol sakanya. Natatawa nga ko kapag
kinukulit siya ni Stacey. Hindi ko lang talaga alam
bakit may naramdaman akong kakaiba kanina.
"Candice sumabay ka na sakin." Tumingin ako sa
likod nakita ko si Kuya Charles.
"Himala ata? isasabay mo talaga ko?"
"Eh di wag!" umalis siga agad tapos pumunta sa
may parking. Hinabol ko siya.
"Kuya Saglit!"
Nakapasok na siya sa loob ng kotse, kumakatok
ako pero hindi naman niya binubuksan. Sinilip ko
siya sa loob inasar niya lang ako. Nung napalayo
ako sa kotse, bigla naman niyang pina andar.
Letsugas! nakaka asar talaga tong kapatid ko.
Mag lalakad tuloy ako suot tong sapatos kong may
heels. Ayoko naman mag taxi.
"Candice!"

Pagka lingon ko nakita ko yung tatlo na papalapit
sakin.
"Iniwan ka ni Charles? Haha! Sabay ka na samin
pauwi." sabi Marky.
"Oo nga para maka uwi ka na agad! may party pa
tayo mamaya! wooo!" inakbayan ako ni Troy.
Binuksan niya yung pintuan sa likod ng kotse ni
Marky.
Ay sa likod ako? gusto ko katabi si Marky eh.
Huhu.
Pumasok na lang din ako sa likod. Pag pasok
namin ni Troy nagulat ako nung pumasok din si
Jeydon.
"Bakit andito ka?!"
"Bakit kotse mo? koste mo?" Epal talaga neto.
Pwede naman siya umupo sa harap eh.
"Kdot." Pumasok na din si Marky tapos tumingin
siya samin sa likod. Napapa gitnaan ako ni Troy at
ni Abno.
"LQ kayo? haha."
"HINDI!" Napasigaw ako. Ano ba nasa isip ni
Marky? >.<

"Hindi kayo LQ? Ah so lovers kayo ngayon?"
inaasar ba niya talaga kami? eto naman si Troy
natatawa lang.
"HINDI KAMI LOVERS!" nagulat ako kasi sabay
pa kami ni Jeydon mag sabi nun. Napatingin tuloy
kami sa isa't isa. Yung dalawa naman tawa ng
tawa.
"Hindi kami yung lovers, sila ng Fiancée niya yung
lovers. Si Stacey."
"Oo nga pala pre, Fiancée mo nga pala si Stacey..
Bakit Candice selos ka?" sabi ni Troy. So totoo nga
talaga na Fiancée niya si Stacey? eh anong paki
ko?! -___"Eww! Yuck!"
"Hoy Betty yuck ka din! Tska Yun?! sila dad lang
naman may gusto nun eh. Hindi ko type yun."
"Kahit na, ibig sabihin lang nun hindi ka na pwede
kay Candice! eh di akin na lang siya?"
Natigilan kaming tatlo sa sinabi na yun ni Marky.
Sakanya na daw ako? seryoso ba siya? Kung totoo
man yun, Go! haha.
Tinignan ko si Jeydon tska Troy.

Si Troy naka kunot yung noo naka tingin lang kay
Marky. Si Jeydon naman naka tingin na sa may
bintana ng kotse parang ang layo ng tinatanaw.
"Ang gagu mo talaga Marky!"
"Nag bibiro lang naman ako Troy eh! Haha!"
"Eh di sayo na.." Nilagay ni Jeydon yung
headphones sa tenga niya. Tapos hindi na siya ulit
nag salita hanggang makadating kami sa bahay.
Pati tuloy si Troy tumahimik din. Ang boring tuloy
ng byahe namin. 20 minutes lang yung oras ng
byahe pero parang isang oras na.
"Andito na tayo!" sabi ni Marky.
"Sige pre, baba na din ako dito, ipapa alam ko si
Candice sa mama niya para sa party mamaya."
"Okey. See you later Candice!"
"Sige!" Tinignan ko si Jeydon bago kami bumaba ni
Troy pero tahimik pa din siya. Ano na naman
problema niya? Bipolar na naman? Abnormal
talaga.
Pag dating namin sa bahay nakita ko na yung
kotse ni Kuya Charles. Humanda talaga sakin yung
mokong na yun! iwanan daw ba ako? adik din eh.
Siguro nahawa to ng pag ka abnormal kay Jeydon.

Pag bukas ng pintuan si Kuya Charles yung
bumukas samin.
"YAAHH!!!"
"Hoy! ano bang problema mong babae ka! sumakit
tenga ko!"
"Bakit mo ko iniwan kanina?! wanna die!"
"Haha as if kaya mo ko!" Pinandilatan niya ko ng
mata, pinandilatan ko din siya. Anong akala niya?
hindi ko siya kaya? hello?! nasa bahay kami. Haha!

"Ehem.." Napalingon kami pareho kay Troy. Oo
nga pala! andito nga din pala siya. Haha!
"Oh Troy, bakit?"
"Ah kasi ipapa alam ko lang sana si Candice,
isasama ko kasi mamaya sa bahay. Andyan ba si
Tita Candy?"
"Eto? isasama mo?! anong alam niyan sa party?
puro libro lang alam niyan!" Pinalo ko nga siya ng
kamay ko. "Bakit totoo naman ah?"
"Ano naman! hindi naman ako ignorante sa ganun!
alam ko po yung salitang P-A-R-T-Y! tse!" Hinila ko
na lang si Troy papasok sa loob ng bahay namin.

Wala naman kaming mapapala dyan kay Kuya eh,
tska kay Mama kami mag papaalam hindi sakanya.
"Mama!"
"Hi baby!" Napatingin siya sa kamay namin ni Troy
na mag kahawak. Binitawan ko agad pag
kakahawak ko kay Troy, ano na naman isipin neto
ni Mama. Hindi ko alam kung nahawa na din siya
ng saltik ni Kuya Charles. Parang virus yun na
mabilis kumalat at kay Jeydon yung nag simula,
panigurado ako. Haha!
"Bakit Troy?"
"Ah Tita Candy, nanalo po kasi kami sa game
namin kanina. Mag cecelebrate kami mamaya sa
bahay. Ipapa alam ko lang po sana si Candice
kung okey lang?"
"Hmm.. okey lang as long na hindi siya iinom!"
"Mama hindi po ako umiinom! tska kasama ko
naman si Tiffany eh."
"Oo nga pero iba kapag nasa party ka."
"Promise po Tita! ako bahala dito kay Candice."
"Okey sige, I trust you naman eh. Kung kay
Charles wala pa." Sakto pagka banggit ng
pangalan niya dumating si kupal.

"Ouch Ma. You hurt my feelings!" Natawa naman si
Troy kay Kuya.
"Alam mo kung bakit wala akong tiwala sayo?! kasi
alam ko naman mag papa ka lasing ka dun kaya
mapapabayaan mo tong kapatid mo, tska
madaming chicks dun. Nako!"
"Eh bakit si Troy! mas matinik pa nga sakin yan sa
babae eh!" Ilaglag daw ba yung kaibigan niya?
adik.
"Uy hindi ah!" Hala hindi daw? haha.
"Sige sige! dalawa kayong mag bantay dito kay
Candice okey? make sure hindi siya iinom! Gusto
ko naman ma experience ni Candice yung mag
party party."
"Ako na po bahala sakanya Tita Candy. Thank you
po. Sige una na po ko, mag hahanda pa ko sa
bahay eh."
"Sige Troy! mag ingat ka."
"Hoy Troy! Damihan mo yung Jack Daniels ah!"
Sinamaan ng tingin ni Mama to si Kuya. Lasinggero
talaga ng lalaking to. "Haha! Joke lang."
Sinamahan ko si Troy palabas ng bahay.
"Narinig mo yung Mama mo ah? walang iinom."

"Oo. Kaya ko naman sarili ko eh. Kita na lang tayo
mamaya."
"Sige, sabay ka lang kay Charles maya ah, hindi na
kita masusundo eh, madami kasi ako gagawin sa
bahay."
"Haha! okey lang! ikaw talaga masyado mo akong
iniintindi."
"Syempre Best Friend kaya kita!" Napataas tuloy
ako ng kilay ng hindi oras sa sinabi niya. Best
Friend daw eh?
"Since when?"
"Ouch! so hindi mo pala ko tinuturing na Best
Friend?" nag pout siya tapos nag sad face.
"Baliw ka talaga! Eh malay ko ba!"
"Okey ngayon alam mo na ha?" Naka ngiti na
naman ulit siya. See? yan yung Virus ni Jeydon.
Yung mga tao nagiging Abnormal katulad niya.
Eww! bakit ko siya naiisip? >.<
"Teka pupunta ba mamaya si Ate Jaycee?" nag iba
tuloy yung mood niya, naging seryoso. Sige
understandable naman yung ganung change mood
niya.
"Hindi nuh! andun si Jeydon hindi pwede!"

"Haha dapat kasi hindi mo na siya sinama eh!"
"Ang sama mo kay Jeydon! bakit ganyan ka sa
mahal mo?" tinulak ko nga siya palayo.
"Kadiri ka! umuwi ka na nga!"
"Oo na! haha! Bye Jeydon! este Candice pala!"

Pumasok ako sa bahay nung naka alis na siya.
Dumeretso agad ako sa kwarto ko. Ano kayang
isususot ko mamaya?
"Candice! tara pili tayo ng isusuot mo mamaya
anak!"
"Mama baka mamaya ano na naman ipasuot mo
sakin?" Hindi niya ko pinansin, excited ba naman
pumunta sa closet ko eh.
"Alam ko na, mag dress ka na lang na Red! Oh di
ba? ang ganda neto sayo!"
"Hm.. sige basta hindi ako mag he-heels ha?"
"Sure! tara aayusan na kita baby! Excited na ko!
first party to ng baby girl ko."
"Hindi nga halatang excited ka Mama eh."

Isang oras din siguro ako inayusan ni Mama.
Inayos yung buhok ko, eh maayos na naman tss.
Nilagyan ako ng make up. Pinalagyan pa ko ng
lotion. Andaming ek ek haha! Excited si Mama kasi
ngayon pa lang niya ko naayusan. Dati kasi ayoko
ng nag papa ayos ako. Nakakatuwa din pala na
makita siya na ganyan. Kaya hinahayaan ko na
lang.
"Hoy panget tara na!"
"Excited ka naman masyado!"
"Syempre madaming chicks dun!"
"Hoy Charles, bantayan mo yan ha? nako."
"Oo mama, akong bahala. Sige Ma alis na kami."
"Okey." niyakap ako ni Mama tapos tinignan niya
ulit kung okey na yung itsura ko. "Bye baby, Enjoy
ka dun! Behave ah?"
"Opo mama! Thanks. I love you."
"Bye I love you."

Pag pasok namin sa loob ng kotse niya kakaiba
yung tingin sakin ni Kuya Charles.
"Bakit?"

"Bakit nag ayos ka pa?"
"Masama?" pinaandar niya yung kotse tapos
umalis na kami.
"Hindi naman, okey na din yun para naman hindi
nila sabihin na panget yung kapatid ko! HAHA!"

Kupal din talaga siya kahit kelan. -___-

Pag kadating namin dun, madami na agad tao.
Grabe ang laki ng bahay nila Troy tska ang ganda.
Pareho sila ng bahay ni Marky pero etong bahay
halata mong laging may party. Buhay na buhay eh,
unlike kala Marky na tahimik. Dumeretso kami ni
Kuya sa swimming pool. Mas madaming tao dun,
yung iba naka swim suit na. Ang gaganda ng
katawan nila. Puro gwapo tska maganda sila,
malamang wala naman kaibigan na panget si Troy,
ako lang siguro noon. Naalala ko tuloy yung sinabi
niya na mag Best Friend na daw kami, haha.

"Bro kanina ko pa kayo hinihintay! Hi Candice!"
"Troy, asan na yung Jack Daniels? Grabe ang dami
mo talagang chicks! kaya idol kita eh!"

"Hoy tanda! bantayan mo yan si Candice!" Haha
natutuwa ako kapag tinatawag niya na tanda si
Kuya Charles.
"Lul mas matanda nga ako pero mas pogi naman
ako sayo! Tska ano ko yaya ni panget? kaya na
niya yan. Humanda lang siya sakin kapag may
ginawa siyang kalokohan."
"Hello? andito pa ko. Isa pa wala akong gagawin,
sige uminom ka na! wag ka lang mag papakalasing
kasi mag di-drive ka pa! TANDA!"
Natawa kaming dalawa ni Troy, tapos si Kuya
kumuha ng barbecue.
"Seryoso ako Candice, wag kang gagawa ng
kalokohan. Dumikit ka lang kay Troy tska kay
Tiffany."
"Okey boss." tapos umalis na siya.

"Madaming pag kain sa loob, tara?"
"Sige, mukhang masasarap food niyo dito eh. Teka
asan na si Tiffany?"
"Hmm. Teka? ayun oh!" Tinanawa namin siya.
Kakadating pa lang niya kasama niya si Stacey.

"TIFFANY!" nung nakita niya kami dumeretso agad
siya samin.
"Hi Candice!" niyakap niya ko tapos humarap siya
kay Troy. "Hi-hi.. Tr-Troy.." natatawa talaga ako
pero pinipigilan ko lang, buti na lang cute siya
kapag nauutal. Ngumiti lang sakanya si Troy.
"Gusto niyo dun muna kayo sa loob? madaming
pagkain dun."
"Sige! kami na bahala, alam ko naman madami
kang bisita eh."
"Okey sige, pag kaylangan niyo ko tawagin mo
lang ako."
"Okey Best Friend."
"Haha! ayun oh! BFF na din kami!"
"Baliw."

Nung pumunta kami sa loob, alam ko naka tinging
sakin si Tiffany.
"Best Friend?"
"Oo sabi niya eh."

"Inggit ako! Huhu! ang daya!" nag mamaktol
naman siya na parang bata.
"Gusto mo din ba maging Best Friend si Troy?"
"No! ikaw! huhuh."
"Ha? yun lang ba? eh di sige, Best Friend na tayo."
"Talaga? Yipie!" hinawakan niya yung braso ko
tapos nag tatatalon siya sa tuwa. "Thank you
Friend.. ay Best Friend Candice pala!"
"Alam mo kumain na nga lang tayo."

Pumunta kami dun sa lamesa na puro pagkain.
Nakakapag taka lang na konti lang yung tao dito.
Lahat kasi nasa labas kung nasan yung totoong
Party. Puro alak, loud music, mga chicks. Hindi
naman talaga ako pupunta dito kung hindi dahil
dito kay Tiffany. Tska kay Marky.. asan nga pala
siya? Tska si Abno?
"Candice! dun naman tayo sa labas?"
"Ikaw na lang.. dito lang ako sa loob. Bawal din
ako uminom."
"Hmpf. Oh sige na nga. Teka lang ah? hehe."
"Okey."

Andito lang ako sa loob. Pinag mamasdan ko yung
mga tao sa labas. Ang saya saya nila. Ganito pala
sa party nuh. Nasanay na kasi ako na lagi akong
nasa bahay lang, kung hindi nag papa tugtog ng
music, nag babasa ng libro, nilalaro ko lang si
Cholo. Siguro yung APAT na yun, sanay na sanay
na sa mga ganito. Ibang iba talaga sa buhay ko.
Somehow na miss ko din yung buhay na yun.
Mababalik ko pa ba yun? Eh madami ng may kilala
sakin. Madami na ding may galit sakin. Hays.
Nakita ko na din si Marky sa labas. Nakakapag
taka naman bakit parang mag kagalit sila ni Abby?
Mag kakasama sila nila Kuya at Troy pati sila
Tiffany pati Stacey, ang saya nila. Alam ko naman
na hindi ako mag fi-fit sa grupo nila. Teka asan si
Jeydon?
Sakto sa tanong ko. May narinig ako sa may isang
kwarto..
Pumunta ako dun, sinilip ko siya..

[Music: Alipin by Shamrock]
"Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip

Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin"

Kumakanta siya? tska maganda din pala boses
niya. Bakit parang seryoso siya sa kanta niya.
Parang galing sa puso niya, parang hindi tuloy
siya. Tumayo lang ako dun para makinig, hindi ko
alam kung bakit, masarap kasi pakinggan kapag
kumakanta siya eh.

"Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik..."

Huminto siya tapos tumingin lang siya sa labas
Parang malungkot siya? ano na naman problema
niya? hindi ba siya pupunta sa labas? iinom? mang
chi-chicks? bakit nag iisa siya dito? Dapat nga nasa
labas na siya ngayon di ba? nag papakalasing,
nakikipag fling sa mga babae.
Bigla siyang tumingin dun sa panyo. Anong meron
dun?

Napatingin siya sa pinto kung nasan ako. Nagulat
siya.
"Waa! Anong ginagawa mo dito?!"
"Hm.. wala lang.." lumapit ako sakanya.
"Kumakanta ka pala?"
"Hindi tumutula ako. Stupid mo nuh?"
"Alam mo abnormal ka talaga!"
"AKO?!"
"Hindi ako ako! ikaw nga eh!" natawa tuloy ako.
"Ako abnormal?" napatigil siya. "Sabagay, yung ka
gwapuhan ko naman talaga hindi normal eh.
Pwede na din! Haha!"
See? Abnormal talaga. Siya lang yung kilala kong
tao na okey lang na tawagin siyang Abnormal.
Baliw lang eh.
"Bakit nag iisa ka dito? tska bakit seryoso ka sa
kanta mo ha?" Lumapit siya sakin. Kakaiba na
naman tingin niya sakin. Naka ngisi na naman to si
Abno, hindi ko to gusto eh.
"Bakit concern ka? kaya mo ba ko pinuntahan dito
kasi alam mo na nag iisa ako? wow ang sweet mo
talaga.. wag mo msyadong ipahalata na gusto mo
ko. Haha!"

"Asa ka! Abno!"
"Sus kunwari ka pa eh."

Napatingin ako bigla sa upuan niya kanina. Nakita
ko yung panyo. Kinuha ko nga agad. Nanlaki yung
mata niya nung nakita niyang kinuha ko yun.
"Ibalik mo nga yan Betty!"
"Ayoko nga! Ano ba kasing meron dito? kanina pa
ko nag hihinala sayo eh!"
Nakita ko na naman yung nakalagay sa panyo niya
kanina, na hindi ko nakita kasi kinuha naman niya
agad sakin. Tinignan ko nga ng mabuti, kaso ang
kulit ni Jeydon eh! kinukuha. Tumakbo nga ako
palabas, binilasan ko yung takbo tapos pumunta
ako sa kusina. Haha hindi niya ko na abutan!

Tinignan ko nga ng mabuti yung panyo.
May naka burda eh.

キャンディス

Sheteng kalabaw. Pamilyar to eh.
Tinignan ko yung dogtag. OMO!! pareho nga.

Tapos biglang bumalik sakin lahat ng nangyari..
yung mga pangyayari nag tutugma eh. Hindi nga
kaya na siya yun?

"Hoy Betty!" napatingin agad siya sa kamay ko.

"Ikaw ba yun?"
Hindi siya maka tingin sakin.
"Ikaw ba yung tumulong sakin? Yung nag
ligtas sakin sa mag nanakaw? Ha Jeydon?!"

24: Confession

Ang tagal kong iniisip kung sino ba talaga yung
lalaking tumulong sakin nung gabing pinasok kami

ng mag nanakaw na yun. Yung tinuturing kong si
Prince Charming. Gusto ko siyang hanapin.. gusto
ko siyang makita at gusto ko siyang makilala. Ang
tagal kong hinintay yung panahon na makakaharap
ko siya. Habang tumatagal nawawalan ako ng pag
asa na darating pa tong araw na to pero ngayon..

Ngayong kaharap ko na siya, hindi ko alam kung
anong mararamdaman ko.
Hindi man ako sigurado pero ang lakas ng kutob
ko na yung lalaking nasa harap ko ngayon, siya
yun.. siya si Prince Charming. Kahit sa totoo lang,
kahit kelan hindi ko na isip na posibleng siya nga
yun.
Kung tutuusin meron din siyang tatoo na Dragon
sa likod. Malaki din yung katawan niya at alam
niya yung bahay namin. Nung gabi na tinulungan
ako ni Prince Charming wala siya sa party ni
Stacey. At yung nakakagulat sa lahat yung panyo
niya. Yung panyo niya na may Japanese name ko
na kaparehong kapareho nung nasa Dogtag. Hindi
naman posible na nag kataon lang yun. Kaya ba
ayaw niyang ipakita sakin yung panyo niya? Kaya
din ba hindi siya maka sagot sa mga tanong ko
ngayon?

Hindi ako pwedeng magkamali na siya yun. Hindi
ko lang maisip kung bakit niya yun ginawa? Bakit
hindi niya sinabi yun sakin?

"Jeydon.. sagutin mo ko."

Hindi pa din siya maka sagot. Hindi siya maka
tingin sakin. Nakatingin lang siya sa sahig. Bumilis
lalo yung tibok ng puso ko. Sa inaasal ni Jeydon
mas lalo ko lang napapa tunayan na siya nga yun.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Jeydon ano ba?"
Hindi ko mabasa yung nasa isip niya, naka tingin
lang siya sa sahig. Biglang may nag salita..

"Andito lang kanina si Jeydon eh." Nung narinig ko
sila napa tingin ako kala Troy at Marky pero
bumalik lang ulit yung tingin ko kay Jeydon na
tahimik pa din hanggang ngayon.
"Anong nangyayare dito? Candice anong pinag
uusapan niyo?" Hindi ko sila pinansin, sobrang bilis
na ng tibok ng puso ko..

"Jeydon.. sagutin mo ko please.. ikaw ba yun?"
"Ha? ang ano? ano yun JD?" Lumapit samin si
Troy, nasa likod lang namin sila Marky.
"Wala." Tumingi siya kay Troy pero hindi pa din
siya maka tingin sakin.
"Anong wala?! anong ibig sabihin ng Dog tag na
to," Tinaas ko yung dog tag tska yung panyo.
"Tska ng panyo mo na may Japanese name ko?!"
"Ano? patingin nga.." Kinuha sakin ni Troy yung
panyo tska yung Dog tag. "Oo nga mag kapareho
sila.. Ikaw nga ba yun JD?" Tumingin siya kay
Marky pero hindi naman nag salita si Marky.
"Wala akong alam sa mga sinasabi niyo." Pa alis na
siya pero pinigilan ko siya.
"Umamin ka! ikaw ba yun o hindi?" Ang tagal
niyang sumagot. Mag sasalita pa sana ulit ako
kaso nag salita na din siya.
"Hindi.." Hindi pa din siya maka tingin sakin.
Parang nang hina ako sa sinabi niya. Hindi siya?
pero sino? tska anong ibig sabihin ng panyo na
yun? bakit may ganun siya? nalilito na ko.

"Hindi si Jeydon yun.. Ako yun."

Lahat kami napatingin kay Marky. Parang huminto
yung mundo ko nung oras na yun.

"Ako yung nag ligtas sayo nung gabing yun.. at
ako din yung humalik sayo sa may janitors room."

Alam mo yung literal na NGANGA? ako yun eh.

Ano bang nangyayari? panaginip lang to eh, di ba?
Sheteng kalabaw lang.

"Ano Marky? ulitin mo nga!" Sabi ni Troy. Pareho
kaming gulat sa lahat ng nangyayari. Si Jeydon
naka tingin lang ng seryoso kay Marky.

"Ako yun.. yung nag ligtas kay Candice sa
mag nanakaw, ako din yung humalik
sakanya."

Kinurot ko yung kamay ko para makasigurado na
hindi ako nanaginip. Hindi nga ako nanaginip, pero
nag iilusyon kaya ako? Si Marky yung gumawa
nun? Siya si Prince Charming? Hindi ko ma isip.
>.<

"Bakit? bakit mo ginawa yun?" Yan na lang yung
lumabas sa bibig ko, sa totoo lang naman sobrang
dami kong tanong.

Tahimik lang kaming tatlo ni Troy tska ni Jeydon.
Hinihintay namin yung sagot ni Marky. Feeling ko
mag kakaroon na talaga ako ng sakit sa puso eh.
Sobrang bilis kaya ng tibok ng puso ko. Akala mo
naka mega phone eh. Rinig ko nga eh.
TUG TUG TUG TUG
"Gusto niyo malaman kung bakit ko ginawa yun?"
Nkatingin siya kay Jeydon.

"Kasi gusto ko si Candice.."

Tumingin siya sakin. Lumapit siya sakin tapos
hinawakan niya yung kamay ko. Nung oras na
hinawakan niya ko, parang may kuryente na
dumaloy sa buong katawan ko. Feeling ko nag SM
yung muno ko. SLOW MOTION.

"Candice Gusto kita..."

Ano daw yun? pwede i rewind?

"Candice Gusto kita..."
"Candice Gusto kita..."
"Candice Gusto kita..."

Teka hinga.. pwede na ba mahimatay? as in now
na? Parang hindi na talaga ako makahinga.
Nakatulala lang ako dito. Nakatingin lang ako kay
Marky. Naka tingin lang din siya sakin. Feeling ko
nga naka NGANGA na naman ako ng literal eh.

Alam mo yung feeling na hawak hawak ni Marky
yung kamay mo tapos sinabi niya harap harapan
na GUSTO ka niya?! Feeling ko nasa cloud nine
ako.

Hindi pa nga ko tapos sa pag dama ng mga
pangyayari, nakita ko na lang naka higa na sa
sahig si Marky.

Sinuntok pala siya.. ni Kuya Charles.

"May gusto ka kay Candice?! eh Gagu ka pala pre
eh! Sabi ko di ba walang talo talo?"

Pinigilan nila Jeydon si Kuya, galit yung mukha
niya. Ngayon ko lang din napansin na kasama na
namin sila Kuya tska si Abby at Stacey pati si
Tiffany.

"Sorry pre.."

"Anong ibig sabihin neto Marky?! may gusto ka
dyan sa babae na yan?! nag kakalokohan na ba
tayo dito?! GIRLFRIEND MO KO!" Galit na galit si
Abby, naka tingin lang din siya sakin akala mo
kakainin ako ng buhay.

"Abby! alam mo naman na laro lang yung meron
satin eh!" Tinayo siya ni Troy. Imbis na lumapit si
Abby kay Makry, ako yung nilapitan niya.

"Ikaw! ikaw babae ka! ikaw yung may kasalanan
neto eh! Anong gayuma ba ginamit mo kay
Marky?! eh ang panget panget mo naman dati!
gumanda ka lang!"

Tinulak niya ko. Napa atras naman ako.
Sasampalin sana niya ko pero pinigilan siya ni
Marky.

"Tumigil ka nag Abby! gusto ko si Candice! At wala
ka ng magagawa dun."

Hinawakan na naman ni Makry yung kamay ko.
Hinila niya ako palabas ng bahay nila Troy.
Tinignan ko sila Kuya bago kami maka alis, lahat
sila nagulat sa sinabi at ginawa ni Marky. Kahit ako
din naman eh >.<

Ang tagal din niya kong hinila palabas ng bahay
nila Troy, ang laki kasi ng bahay nila eh. Habang
kinakaladkad niya ko palabas, naka tingin lang ako
sa mga kamay namin na mag kahawak. Hanggang
makalabas na kami ng bahay nila Troy, naka tingin
pa din ako sa mga kamay namin, tahimik lang ako.

"Sumama ka sakin.."

"Sa-San tayo pupunta?"

"Basta.."

Tumingin siya sakin tapos ngumiti siya. Sumakay
kami sa kotse niya. Lahat ng nangyayari ngayon,
hindi pa din pumapasok sa isip ko. Lahat kasi ng
to..

TOO GOOD TOO BE TRUE.

Bahala na nga, basta ang bilis ng tibok ng puso ko
>.< Mag kakasakit na talaga ako neto sa puso eh.
Huhu!! pero sobrang saya ko naman! Abnormal din
ata talaga ako.

San naman kaya ako dadalhin neto ni Marky?
25: Protective Kuya

Isang oras na ata kaming pa ikot ikot ni Marky.
San kaya kami pupunta? Kinakabahan tuloy ako.
Paano na pala si Kuya Charles? hala lagot ako dun
>.<
Huminto kami sa kung saan. Hindi ko alam to eh.
Kita mo dito yung city, ang gaganda ng mga ilaw.
Ang ganda dito. Alam mo yung sa mga palabas sa

TV, yung lugar kung saan sila naghihintay ng
Shooting Star. Ano ba yan! para akong tangang
kinikilig ng walang dahilan. May parking para sa
dalawang kotse, may upuan tska may mga ilaw.
May nakita din akong mga bulaklak. Ang ganda
talaga.
Bumaba si Marky ng sasakyan. Bumababa na din
ako. Nung nag meet yung mga mata namin,
ngumit siya sakin. Sumandal siya sa harap ng
kotse niya. Syempre ganun na lang din yung
ginawa ko. Ang tagal naman na tumahimik.

"Nagulat ka ba?"

Tinatanong pa ba yun? Malamang.

"Ha? Saan?" Sige mag patay malisya kang babae
ka. Hindi naman ako nagulat eh, nawindang lang
naman ako dun.

"Yung sinabi ko.. na gusto kita, na ako yung
humalik sayo, na ako yung tumulong sayo."

"Oo.. pero yung panyo na yun, di ba kay Jeydon
yun? panong ikaw?"

"Hindi sakin talaga yun."

Hind na naman ako makapag salita. Kinakabahan
ako na ewan eh. Masaya na kinikilig na ewan. Pero
may disappointment din akong nararamdaman,
dahil kaya hindi si Jeydon yung tumulong sakin?
Yuck! bakit ko ba siya naiisip! na disappoint lang
ako kasi mali pala ako ng inisip. Ang abnormal ng
nararamdaman ko ngayon. Tumingin ulit ako kay
Marky pero naka tingin lang siya sa langit. Ang
daming stars. Ang ganda dito..

"Gusto mo din ba ko?" Sheteng kalabaw na tanong
naman yan. On the spot talaga? huhu. OO! Oo
gusto kita! kung alam mo lang!

"Ahm.." Hindi ko masabi eh! huhu.
"Okey lang.. basta ako gusto kita."

Tumingin siya sakin, nagulat ako kasi naka tingin
pa din ako sakanya eh. Tumawa siya tapos
kumindat sakin. Waaa! matutunaw ata ako sa ka
gwapuhan niya. Grabe lang. Natakpan ng buhok ko
yung mukha ko, bigla naman niyang inangat yung
kamay niya. Akala ko kung anong gagawin niya,
yun pala nilagay niya sa likod ng tenga ko yung
buhok sa harap ng mukha ko. Alam mo yung sa
mga teleserye? Sobrang nag iinit yung mukha ko.
Alam ko nag blush ako. Nahalata din siguro ni
Marky kasi tumawa siya eh. Nakakahiya >.<

"Alam mo ba kung bakit dinala kita dito?"
"Hindi?"
"Sabi ko kasi kapag nakita ko na yung taong gusto
ko, dadalhin ko siya dito." Hindi na naman ako
makapag salita. Kinikilig kasi ako eh. So totoo
talaga na gusto niya ako? akala ko naman trip trip
lang niya yun eh.
"Haha! nagulat ka nga sa lahat ng nangyare
ngayon.." Ginulo na naman niya yung buhok ko.
"Sorry ah, kung nagulat kita.." Kasi naman bakit
hindi ako makapag salita kanina pa, nahalata tuloy
niya. Huhu.

"Hindi okey lang.. hindi ko lang maisip na mag
kakagusto ka sakin, kasi hindi naman ako
maganda eh."
"Maganda ka Candice. Kelangan mo lang makita
yun. Kagaya namin."
"Namin?"
"Oo.. dahil hindi lang naman ako yung
nagagandahan sayo eh.. meron pang iba." Sino
kaya yun? niloloko naman ako neto ni Marky eh!
"Alam ko may shooting star na dadaan dito eh..
teka.."

Sakto pag katapos niyang sabihin yun may
dumaan nga na shooting star, nakita ko siyang
pumikit. Nag wish kaya siya?

"Ano yung hiniling mo?"
"Ha? wala.." Naka tingin kasi ako sayo eh, kaya
ayun hindi tuloy ako naka wish >.<
"Okey lang, madami pa namang next time eh. Lagi
kitang dadalhin dito kung gusto mo."
"Okey lang sakin." Nguti ako sakanya. "Hm.. bakit
mo pala yun ginawa?"

"Ang ano?" Ay sige mag patay malisya ka din
Marky >.<
"Bakit mo ko hinalikan tska tinulungan?" Nung
sinabi ko yun, hindi ako tumingin sakanya.
Nahihiya kasi ako eh, naka tingin lang ako sa
sahig.

"Hindi ko din alam eh," alam ko na nakatingin siya
sakin pero hindi ko pa din magawang tumingin
sakanya. "Siguro kasi gusto kita.." Sarcastic niya
bang sinabi yun? huhu. Oo nga naman, kaya
naman niya nga yun gagawin kasi gusto niya ko.
Eh malay ko kung trip lang niya di ba?
"Ganun?" stupid answer Candice. Parang akong
tanga dito.
Hinawakan ni Marky yung kamay ko. Muntik na ko
mapatalon sa pag kakaupo ko! SWEAR! lintek na
lalaki to! bakit kasi ako pinapakilig? hihi.
"Iuuwi na kita, baka magalit pa si Tita Candy. Alam
ko hinahanap ka na nun ni Charles."

"Teka! paano pala si Kuya? dahil sa nangyari, galit
siya sayo.."

"Wala naman akong paki alam eh, basta nasabi ko
na gusto kita di ba?" Ayan ka na naman eh!!
Pinapakilig mo na naman ako! Huhu.
"Salamat Marky ah.. hindi ko talaga inaasahan na
mag kaka gusto ka sa isang katulad ko.. na hindi
naman kagandahan.. siguro ngayon nag mukha na
kong tao, hehe."
Lumapit siya sakin, Sheteng kalabaw, ano na
naman kayang gagawin ng lalaking to. Baka
mahimatay na ko dito on the spot sa mga pinag
gagagawa niya eh. Hinawakan niya yung dalawang
kamay ko. Tapos yung isa biglang umangat pa
punta sa mukha ko. Yung isa niyang kamay hawak
yung kamay ko, yung isa naman hawak yung
mukha ko. Pwede na ba mahimatay? hindi ako
maka hinga eh. Kinakagat ko na nga lang yung labi
ko para pigilan yung ngiti ko na siguro abot na
hanggang bwan.

"Maganda ka Candice. Hindi imposible na mag ka
gusto ako sayo."

Wala naka tulala na ko dito.
Bigla niya kong hinalikan sa pisngi.

Waaaaaaa!!!

Ayoko na please. Hindi ko na kaya! Sobrang
kinikilig na ko dito. Sobrang bilis ng tibok ng puso
ko. Nung hinalikan niya ko sa pisngi ko humigpit
yung hawak ko sa kamay niya. Natawa tuloy siya.
Huhu! eh ano ba yan Candice OA ka, di ba nga
nahalikan ka na niya sa lips? waaaa.. namumula
na naman ako dito. Mukha na kong kamatis.

"Tara na nga! haha.."

Binuksan niya yung pinto ng kotse tapos pinapasok
niya ko. Huhu! natawa siya, siguro nakakatawa
yung mukha ko! Eh kasi naman eh, kahit naman
sinong halikan ni Marky kahit sa pisngi lang
kikiligin talaga, mag mumukhang ewan. Huhu! at
isa na ko dun.
Pag pasok niya pinaandar na niya yung kotse.
Naka ngiti lang siya. Ano kaya iniisip niya? >.<

Naalala ko din na itext si Mama, for sure nag
wawala na yun si Kuya Charles. Amp naman kasi
eh, OA masydo. Sana si Mama hindi magalit >.<

Mabilis lang kami nakadating sa bahay. Hindi ko
nga napansin na naka park na agad kami sa tapat
ng bahay namin.

"Paki sabi na lang kay Tita Candy, sorry kasi
tinakas kita kanina. Baka nag aalala na yun sayo."
"Oo nga eh, pero nag text na naman ako kanina."
"Sige Candice, Good night."
"Go-goodnight din Marky, Ingat ka ha."

Bumaba agad ako sa kotse niya. Akala ko aalis na
siya, binaba niya yung glass window ng sasakyan
niya.

"See you tomorrow! hintayin kita sa music hall
ah?"

"Ha? ah.. ano.. okey.."

Natawa na naman siya. Nakakainis mukha talaga
akong tanga. Huhu! nakaka hiya kay Marky. Ang
ganda na nga ng eksena eh, tsk. Kinindatan niya
ko tapos nag wave na siya sakin. Pinaandar niya
na yung kotse niya. Nung nakita kong naka alis na
siya, napasandal ako sa gate namin. Hinawakan ko
yung puso ko. Hays grabe talaga yung nangyari
ngayon. Sobrang daming nangyari.

"CANDICE!"

Napatalon ako bigla sa boses ni Kuya.

"PUMASOK KA SA LOOB! NGAYON NA!"

Hindi na lang ako sumagot. Alam ko kasi galit siya
eh. Nakakatakot kaya siya kapag Super
Sayan mode siya >.< akala mo may aura siya na
katulad ni Son Goku eh. Gangster pa naman tong
lalaking to. Huhu lagot ako dito eh.

Pag pasok ko sa loob, naka tayo lang siya sa harap
ko. Seryoso yung mukha. Asan na sila Mama at
Yaya? Huhu. HELP!!

"Bakit sumama ka kay Marky?! nag iisip ka ba ha?"

"Kuya wala naman kaming.."

"Ngayon wala! pero dadating yung panahon na
may mangyayari ng hindi maganda! Ayoko ng
makikita na lumalapit kay Marky!!"

"Pero ayoko!"

"Kalimutan mo ng Kuya mo ko kapag lumapit ka
sakanya!"

"Teka! Charles mag relax ka nga lang dyan!"
Lumapit sakin si Mama, nag tago lang ako sa likod
niya. Nakakatakot si Kuya Charles eh. Huhu.

"Mama hindi! Ayoko na maging malapit sila ni
Marky! Kilala ko yun, sasaktan lang niya si
Candice."

"Wag ka ngang ganyan! kaibigan mo sila!" Ang
sama na ng tingin ni Mama kay Kuya. "Candice,
umakyat ka na sa taas kami na ng Yaya mo bahala
dito sa Kuya mo." Sinunod ko lang si Mama.
Umakyat ako pero wala pa ko sa kalahati ng
hagdan, nag tago ako. Gusto ko marinig yung
pinag uusapan nila eh.
"Yun nga Ma eh, kaibigan ko sila kaya kilala ko
sila, at hindi na siya lalapit kay Marky!"

"Charles! alam ko nag aalala ka kay Candice pero
wala naman akong nakikitang masama sa
pakikipag kaibigan niya kay Marky. Wag ka mag
alala kakausapin ko siya, pero hindi mo siya
pwedeng pigilan makipag kaibigan o lumapit kay
Marky."

"Inamin ni Marky sa harap namin na gusto niya si
Candice, at hindi ako tanga para hindi ko malaman
na gusto din ni Candice si Marky!" Alam pala ni
kuya? Kelan pa? Kinabahan tuloy ako lalo.

"Eh ano? kung gusto nila yung isa't isa? malaki na
si Candice, alam na niya yung tama at hindi! Kung
dun masaya si Candice, let it be Charles."

"Wala naman alam yan sa mga ganung bagay!"

"Alam niya yun! at bakit? hindi na ba siya pwede
mag ka gusto sa isang tao?"

"Sige hayaan mong masaktan yang anak mo Ma!"

"Charles!"

Umakyat agad ako sa kwarto ko. Sinara ko yung
pinto. Narinig ko yung paa ni Kuya. Ang lakas ng
pag sara niya ng pintuan. Galit nga siya.
Humiga ako sa kama ko.
Hays! bakit kaya ganun na lang ung reaksyon ni
Kuya Charles? Mabait naman si Marky eh. Nagiging
protective lang kaya siya sakin?

Maya maya kumatok si Mama.

"Pasok!"

"Candice, pwede ba tayong mag usap?" Umupo
ako, malumanay lang yung mukha ni Mama pero
hindi ko maintindihan kung galit ba siya o hindi.

"Ano po yun Mama? Yung kanina sorry po.."

"Baby!! Im so happy! akalain mo yun? may gusto
pala sayo si Marky? Ang haba naman talaga ng
buhok mo anak! Ako kaya yung kinikilig sa inyong
dalawa!"

Spell NGANGA? para pa siyang bata nung sinabi
niya yun eh. San ka pa?

"Mama? Hindi kayo galit?"

"Bakit naman? Dapat nga matuwa pa ako di ba?
Yung gusto ng baby ko, may gusto din sakanya!
Yehey!" Alam ko na kung saan ako nag mana ng
ka abnormalan. -___-

"Mama naman! Seryoso ba kayo?"
"Oo naman, yung Kuya mo lang kasi, alam mo
naman protective yan sayo di ba?"
"Opo, naiintindihan ko naman siya eh, akala ko
lang po kasi pati kayo."
"Anak, protective din naman ako sayo eh pero
malaki din yung tiwala ko sayo na hindi ka gagawa
kg katangahan! Matalino ka. Masaya lang ako kasi
alam ko masaya ka, ang tagal mo kayang loner di
ba? eh ngayon may mga kaibigan ka na.."
"Thank you mama. Hindi naman po ako gagawa ng
katangahan eh.."
"Dapat lang! at sinasabi ko sayo! gusto lang ha!
wala munang love love! Araso?!" [Araso=All right]
"Mama! nag kokorean na naman kayo!" Naalala ko
si Papa eh >.<
"Oo na hindi na! basta usapan natin ha?"

"Opo! pero Mama paano si Kuya?"

"Hayaan mo yun, hindi ka din matitiis nun. Matulog
ka na may pasok ka pa bukas. Good Night
Candice, bukas mo na ikwento sakin yung
nangyari, okey?"

"Okey mama. Good night." Niyakap ako ni Mama
bago siya umalis. Humiga na ko sa kama ko,
pinatay na din ni Mama yung ilaw sa kwarto ko.

Natatakot ako sa mangyayari bukas. Ayoko pa
naman na nag aaway kami ni Kuya Charles, i mean
yung away talaga hindi yung asaran. COLD
WAR tawag ko sa ganitong sitwasyon kasi hindi
ako papansinin ni Kuya Charles kahit umiyak iyak
na ko sa harap niya. Ganun siya kapag mag ka
galit kami. Nangyari yung ganito tatlong taon na
nakakalipas, nung araw na nag pakasal si Papa kay
Mary. Sobrang hindi ko matanggap yung nangyari
kaya lumayas ako samin. Muntik na ko mawala,
mapadpad kung saan. Buti nahanap ako ni Kuya.
Galit na galit siya sakin, ilang linggo din na hindi
niya ko kinausap. Nag alala daw kasi siya sakin ng

sobra, bakit daw hindi ko man lang iniisip yung
mga tao nag nag mamahal at nag aalala sakin.
Alam ko naman na nag aalala lang siya sakin.
Alam ko din na pinoprotektahan lang niya ko. Pero
masama na ba na lumapit ako kay Marky? Na
makipag kaibigan ako? Wala naman ginagawang
masama sakin si Marky. At hindi ko maisipi na
meron, isa pa kung iniisip niyang masasaktan ako
dahil kay Marky, pwes hindi.
Natulog na lang ako, sasakit lang yung ko kapag
inisip ko pa ng inisip yung tungkol dun. May pasok
pa ko bukas eh. Matutulog na lang ako...

**

"Candice.."
Bumukas yung mata ko sa sinag ng araw. Hinihila
pa ko ng kama ko pabalik, ayoko pa magising.
"Candice, gumising ka na.. Hinihintay ka na ng
Kuya mo at ng Mama mo sa baba.."
"Okey Yaya, salamat."

Tamad na tamad ako bumangon sa kama ko.
Natatakot din ako harapin si Kuya sa baba.

"Good monring Candice, kumain ka na."
"Good Morning din Mama.. Kuya.."

Tahimik lang si Kuya may binabasa sa dyaryo
about na naman sa NBA. Huhu! hindi na naman
talaga niya ko papansinin. Ngumiti lang sakin si
Mama tska si Yaya.

"Yaya paki sabi sa alaga mo na bilisan niya, aalis
kami after fifteen minutes."

"Ha?! hindi pa ko naliligo. Mauna ka na lang.."

"Walang pero pero!"

Umalis siya sa lamesa. Huhu! binilisan ko agad
kain ko, naligo agad ako. Hindi na ko nag ayos.
Ano ba naman yan. Grabe na to ah! Kung galit siya
wag niya ko pahirapan. Mas gusto ko pa yung nag
aasaran kami kesa sa ganito eh >.<
Sa kotse na lang ako nag suklay ng buhok. Sakto
naman yung ako. Hindi nga lang alam kung anong
klaseng ligo yung nagawa ko sa loob ng six
minutes.

Nung nakapasok na ako sa loob ng kotse, parang
hindi ako maka hinga. Ang intense lang. Huhu.
Hanggang maka dating kami ng school hindi pa din
ako pinapansin ni Kuya Charles. Gusto ko sana
siya kausapin pero natatakot ako eh.

Pupunta na nga lang ako sa room ko >.<

Napadaan ako sa gym, iniiwasan ko kasi mag ka
salubong kami ni Kuya eh.

"Ahhhh!!"

Sino yun?

Pag kasilip ko sa gym, nakita ko si Jeydon,
sinusuntok yung pader. Hala?! anong nangyari
sakanya? Yung kamay niya dumudugo na!

"Jeydon!!"
26: Enemy tayo!

"Hoy Jeydon!"

Tumakbo agad ako papalapit kay Jeydon.

"Anong ginagawa mo dito?!"
"Bakit mo sinusuntok yang pader ha?! tignan mo
nga dumudugo na yang kamay mo!" Biglang nag
bago yung itsura niya, ngumisi siya sakin tapos

lumapit siya. Omo! anong gagawin niya! baka
mamaya ako naman suntukin niya! Huhu! Joke
lang yun! >.<
"Concern ka ba sakin?" Nag iba ata ihip ng hangin,
yung ngiti niya abot langit.
"Asa! Dun ako sa pader concern! kawawa naman
eh!"
"Sus! sabihin mo na kasi concern ka sakin?"
Lumayo ako sakanya. Sige concern na ko. Eh kasi
naman dumudugo na kaya yung kamay niya! Ang
sama ko naman para hindi mag alala di ba? Ano ko
pusong bato? kahit enemy ko siya tao lang din
ako. Mabait na nilalang na nag aalala kahit sa ka
away niya. Haha!

"Whatever! Halika na nga! dadalhin kita sa clinic!"

Umupo siya sa sahig. Naka indian seat pa siya.
Tapos nag cross arms. Anong ginagawa niya?
Natuluyan na ba yung pag ka abnormal niya?
Tinaasan ko siya ng kilay pero naka ngiti lang siya
sakin. Naiirita na ko sa pinag gagagawa niya, nag
aalala na ko dun sa kamay niya eh. Hindi pa din
kasi tumutigil yung pag agos nung dugo dun.

"Sige dalhin mo ko sa clinic pero..."
"Pero?"
"Pilitin mo muna ko! Haha!"

Abno talaga -___Lumapit ako sakanya, hinawakan ko yung braso
niya tapos hinila ko siya patayo. Pfft! ang bigat
pala ng lalaking to. Huhu! ako na nga concern
sakanya, ako pa pinapahirapan. Lakas ng topak
neto eh! Pasalamat siya mabait ako, kasi kung
hindi iniwan ko na siya dito. Amp!

"Tumayo ka na dyan! baka ma late pa ko sa class
ko eh!"
"Ayoko nga! Eh di iwan mo na ko dito."
Naka ngiti pa din siya. Hindi ba sumasakit yang
kamay niya? parang ako nasasaktan kapag
nakikita ko eh. Humanda ka talaga saking Jeydon
ka kapag nagamot na yang kamay mo, susuntukin
kita! Ahh!! pahirap ka.

"Halika na nga kasi eh!!"
Hinila ko pa din yung braso niya kahit bigat na
bigat na ko. Buiset kang lalaki ka! Ang aga aga
pinapahirapan mo ko. Sa sobrang bigat niya pag
ka hila ko sakanya natumba ako deretso sa harap
niya. Nakahiga tuloy kaming pareho, tapos ako
yung nasa taas, nakaharap sakanya. >.<
Nag ka tinginan tuloy kaming dalawa. Nakita ko na
naman yung brown eyes niya. Nag iimagine ba ko?
pero bakit parang kumikislap mga mata niya?
pumikit ulit ako tapos pag ka dilat ko, nakita ko
siyang naka ngiti sakin.

"Sabi ko kasi sayo picturan mo na lang ako, para
mas matagal mo kong matitigan.. na iilang kasi
ako kapag tinititigan mo ko ng ganyan eh.."

Inalis ko agad yung tingin ko sakanya. Bakit ba
kasi kada titingin ako sa mata niya, hindi ko
mapigilang titigan yun. Amp! parang tinatawag ka
eh. Baka ano na naman isipin netong abnormal na
to. Tumayo agad ako.

"Nagulat lang ako! hindi kita tinititigan nuh! Yuck
kadiri ka!"
"Yuck ka din! Ang gwapo gwapo ko kaya!
madaming nag kakadanrapa para lang makalapit
sakin, tapos ikaw choosy ka pa?"
"Anong choosy?! eh sa hindi ako yung mga nag
kakandarapa para lang makalapit sayo! ayoko nga
lumapit sayo eh!"
"Ows? kaya pala nilapitan mo ko dito?"
"Eh kasi.."

Hindi na lang ako nag salita. Hahaba at hahaba pa
yung usapan naming dalawa eh. Malalate na ko.
Hindi ko nga alam kung bakit ko pa tinutulungan
tong abnormal na to! Halata namang inaasar lang
ako eh. Hinila ko agad siya papuntang clinic.

"Kapag ako na late humanda ka sakin!"
"Sino ba kasing may sabi na dalhin mo ko sa clinic
ha?"

Huminto ako. Malapit na sana kami sa clinic eh,
pero nakakainis na kasi tong abnormal na to.
Imbis na mag pasalamat siya na nag mamalasakit
ako sakanya na dapat hindi. Ininiis pa ko! Argh.

"Alam mo ang arte mo nuh? ikaw na nga
tinutulungan eh.."
"Sabihin mo na muna kasing concern ka sakin."
Ngumiti na naman siya. Ako stress na sakanya,
siya naman pangiti ngiti lang. Patong patong na
atraso mo sakin Jeydon!!
Mag sasalita na sana ako, sasabihin ko na sana na
OO concern ako para matigil na to, para
makapasok na din ako sa class ko. Kaso dumating
naman si Stacey.

"BABE!"

Lumapit agad siya kay Jeydon. Ang sama pa ng
tingin niya sakin.
"Anong nangyare sa kamay mo? Sinong may gawa
niyan?" Tumingin na naman siya sakin. Akala
siguro niya ako may gawa niyan. Hello? as if

naman kaya kong paduguin yang kamao ni Jeydon.
Eh matigas pa ata yan sa bato eh.
"Lumayo ka nga sakin Stacey! Wala akong paki
alam sayo! Tska dadalhin na ko ni Betty sa clinic
kaya ikaw? TSUPI!"

"Anong ako? Andyan na yung Fiancee mo kaya
aalis na ko. Siya na mag dadala sayo! Bye!"

Tumalikod agad ako sakanilang dalawa. Haha! buti
pala dumating to si Stacey. Naririnig ko pa din na
tinatawag ako ni Jeydon, tapos kinukulit naman
siya ni Stacey. Yan buti nga sayo Jeydon! ikaw
naman mainis ngayon sa kakakulit sayo ni Stacey.
Tinignan ko yung relo ko, two minutes na lang
bago mag start yung class.
Buti na lang mabilis ako tumakbo kaya umabot
ako.

Pag pasok ko pa lang sa room ang sama na agad
ng tingin sakin ng Powerpuff girls. Hindi ko na lang
pinansin. Kaso hindi ko pa din makalimutan yung
ginawa sakin ni Blossom. Ang sakit kaya ng sampal

niya sakin. Kapag ako sinampal niya pa ulit,
lalaban na ako. Masyado naman na akong kawawa
kapag hindi ako lumaban di ba? tska hindi naman
ako yung nauna eh.
Habang nag tuturo yung mga teachers ko, medyo
lumulutang yung isip ko.
Ano ba kasi yung ginawa ko kanina? Tinulungan ko
si Jeydon? Ewww.

Eh kasi dumudugo yung kamay niya, alangan
naman na pabayaan ko siya. Hindi naman ako
ganun kasama. Tska bakit kaya niya sinusuntok
yung pader kanina? Napaka misteryoso talaga
niya. Kapag okey na siya, tska siya malalagot
sakin. Pinahirapan niya ko kanina ah! tsk.
Sa lahat ng subjects ko, mas lumulutang isip ko
kakaisip sa nangyari kagabi.
Ang buong akala ko si Jeydon na si Prince
Charming. Nasa kanya kasi yung panyo eh, yun
pala kay Marky yun. Sa totoo lang I should be
thankful kasi nabigay ko yung first kiss ko sa taong
gusto ko. Kaso may weird feeling akong
nararamdaman.
Kahit ano pa yun, masaya ako. Masaya as in!
paano ba namang hindi ako sasaya? Gusto daw

ako ni Marky. Tapos siya pa si Prince Charming.
Hihi kilig to the bones lang. Gusto ko na tuloy
siyang makita ulit. *__*

"Bye class.."

Woo! Lunch na agad pero bago ako umalis ng
room nag beep yung phone ko.

From: Troy
Punta ka sa canteen. Sa tambayan namin.

Paano yun? sabi ni Marky hihintayin daw niya ko sa
may music hall. Ano kayang kaylangan neto ni
Troy?
Mag tetext pa lang ako kung bakit nag text na
naman siya.

From: Troy
Utos ni Charles yun.

Waaa!! lagot. Huhu! paano na si Marky? hmm..
gagawa na lang ako ng dahilan mamaya kay Kuya
Charles para maka punta akong Music hall. Ayoko
na siya magalit sakin, hindi ko kaya kapag mag
kaaway kami eh. Mag eexplain na lang ako
mamaya kay Marky kung bakit late ako.

Palabas na sana ako ng room, kaso nakita yung
Powerpuff na naka harang sa pintuan. Halata
namang inaabangan nila ako eh. Ano kayang
gagawin ko? Hmmm.. ah alam ko na.
Kinuha ko yung phone ko, kunwari may tumawag.

"Hello? Troy? Ha? nasa Corridor ka sa taas? Ah
okey.."

"Blossom nasa taas daw si Troy! Tara!" Tinignan
muna ako ng masama ni Blossom.
"Hm.. sige."

Pag alis nila, lumabas agad ako ng room. Haha!
ano kayang reaksyon nila kapag nalaman nilang
niloko ko lang sila?

Nung nasa corridor ako pinag titinginan na naman
ako ng mga schoolmates ko. Hanggang sa
makadating ako sa Canteen. May mga babaeng
nag bubulungan habang papalapit ako sa
tambayan ng APAT. Nung tinanaw ko yung
tambayan nila, si Kuya Charles tska Troy lang yung
andun. Nasa clinic pa din kaya si Jeydon? Si Marky
for sure nasa Music hall na yun.
"Hi Candice! Kain tayo!"
Bumungad agad sakin yung ngiti ni Troy, alam mo
yung pag ka masiyahin niya, mahahawa ka na
lang. Napa ngiti tuloy ako kahit nag aalala na ko
na late na ko sa usapan namin ni Marky.
"Ah sige.. bakit mo ba ko pinapunta dito?"
Tinignan ko si Kuya Charles pero hindi naman siya
tumitingin sakin. Nanunuod lang siya sa iPad niya
tapos kumakain ng burger.
"Dito ka na daw kakain lagi sabi ni Charles
kasabay namin. Okey di ba? makakasama ko si
Candice sa lunch! wooo!"
Tinignan ko si Kuya Charles, naka tingin lang kay
Troy. Parang may sinisignal na kung anong
message. Ano kaya yun? Ano ba sila alien? may
sariling language? kayang mag mental telepathy?

"Ah hindi naman ako gutom eh, dun na lang muna
ko sa library ha?" Patayo na ko eh, kaso nag salita
naman to si Kuya. Huhu!

"Troy! sabihin mo sa magaling kong kapatid na
hindi siya aalis. Dito lang siya."

Waaa? ano to?

"Narinig mo naman siguro Kuya mo?"

Umupo na lang ako. Nakakainis naman! nag iisip
bata to si Kuya! pati ba naman sa lunch bantay
sarado ako sakanya. Paano na si Marky? Huhu.
Itetext ko na nga lang siya. Kaso wala akong
number niya.
Ay teka.. kung siya si Prince Charming, malamang
sakanya yung number na tumawag sakin nung
gabing yun. Haha! ang talino ko talaga. Ayun na
lang yung itetext ko.

To: Prince Charming
Uhm Marky, baka hindi na ko maka punta sa
Music hall. Sorry ah.

Kinain ko na lang yung sandwich ni Troy.
Nakakainis naman, lagi na ba akong dito mag
lulunch? Huhu. Paano na si Marky? sa nangyari
kagabi malamang hindi muna siya pupunta dito sa
tamabayan nila. Paano ko siya makakasama at
makikita? T___T
Buti na lang din wala dito yung Abnormal na
Jeydon na yun. Hindi nadadagdagan yung pagka
badtrip ko.

"Candice.." Bumulong sakin si Troy.
"Bakit?" Pabulong lang din ako kasi halata naman
na ayaw niya iparinig kay Kuya yung pag uusapan
namin.
"Kasi bukas na yung pre-pageant, sinabi ko yun
kay Jaycee, sabi niya bibigyan ka daw niya
mamaya ng mga damit."
"Talaga? Oh sige, pero teka? bakit ka ba
bumubulong?"

"Kasi ano.. mamaya kasi pupunta dun si Jeydon..
kung pwede sana samahan mo siya habang kami
ni Jaycee mag dadate.."
"HA?!" Napalakas yung boses ko. Napatingin samin
si Kuya Charles. "Ah bukas na pala yung prepageant?" Nag patay malisya ako tapos kunwari
nag uusap na ulit kami ni Troy, bumalik lang yung
mata ni Kuya sa iPad niya.
"Hinaan mo yang boses mo.. Sige na Candice oh..
matagal na kaming hindi nag kakasama ni Jaycee
eh.. sige na naman.."
Lintek na lalaki talaga to. Idadamay pa ko sa
kalokohan niya. Huhu! ayoko! hindi lang dahil kay
Jeydon, alam ko mali kung tutulungan ko silang
dalawa. Mali yun eh, may asawa na kaya si Ate
Jaycee.
"Please Bestfriend?" Nag puppy eyes pa siya.
Naalala ko tuloy si Cholo kapag nag mamaka awa
sakin na makipag laro.
"Oo na.."
Kung hindi lang mabait sakin si Ate Jaycee at kung
hindi lang kami Bestfriends. Hays, kelan pa kasi
kami naging mag Bestfriend eh?
"Yehey! thanks Candice, sunduin na lang kita
mamaya sa bahay niyo ah?"

"Sige na sige na.. ay teka pwede bang favor?"
"Ano yun?"
"Itakas mo naman ako dito kay Kuya, may
kelangan akong puntahan eh."
"Hmm.." Nag isip siya ng gagawin niya. Sana maka
isip siya. "Charles! pinapatawag ka daw ni Coach."
Pinatay ni Kuya yung iPad.

"Sige, bantayan mo yan si Candice ah. Wag mo
papalapitin kay Marky."
"Ay Ay Captain!"

Umalis na din si Kuya Charles, hay sa wakas. Yie!!
mapupuntahan ko na si Marky sa Music Hall!
Yehey! haha. Sinigurado ko muna na wala na
talaga si Kuya Charles bago ako umalis.
"Magkikita kayo ni Marky?"
"Ahm.. Oo eh.. wag mo sasabihin kay Kuya ha?"
"Gusto mo din ba talaga si Marky?"
"Oo naman.."

"Kung hindi mo lang ako tutulungan, hindi ko to
gagawin eh. Hays baliw ka ding babae ka eh!"
Tinignan ko siya ng masama. So hindi niya pala
ako tutulungan kung hindi ko siya gagawan ng
favor? akala ko ba best friends na kami.
"Joke! sige na umalis ka na, ako na bahala kay
Charles," nagkamot ulo siya. "Ako malilitikan sayo
eh, mamaya sapakin ako nun eh, gangster pa
naman yun."
"Haha hindi yun! Thank you Troy!"

Binilisan ko yung pag punta ko sa Music Hall.
Pag bukas ko pa lang, naka patay na lahat ng ilaw.
Asan kaya si Marky?
Tinawag ko siya pero walang sumasagot. Naalala
kaya niya yung usapan namin? o baka hindi na?
Sayang naman tumakas pa naman ako kay Kuya
para sakanya.

Tinignan ko yung relo ko, Ten minutes na lang
tuloy bago yung Math class ko. Hmm.. baka hindi
naman talaga pumunta si Marky dito? punta na

nga lang ako sa room ko. Ayoko na ma detention
ulit.
Umikot na naman ako papunta sa room namin,
kasi madadaanan ko yung room nila Kuya, baka
makita pa niya ko, isipin pa niya galing ako sa
Music hall. Haha! eh galing naman talaga ako dun
eh. -__Nadaanan ko yung clinic. Naalala ko si Jeydon,
wala siya kanina sa tamabayan nila eh,
nakalimutan ko naman tanungin si Troy. Andito pa
kaya siya? Mag Math na ah.
Pumasok ako sa loob ng clinic para tignan kung
andito pa siya. At hindi naman ako nag kakamali,
andito pa nga siya. Aba! ang sarap ng buhay niya,
painom inom na lang siya ng shake dito. Tapos
yung nurse pa pinag papantasyahan siya. Hmpf!
napansin niya kong nakatayo sa may gilid. Nagulat
ata siya na muntik na niya maibuga yung iniinom
niya dun sa nurse na nakatulala sa mukha niya.

"Hoy Betty? anong ginagawa mo dito?"
Napatingin na din sakin yung nurse. Ang sama ng
tingin sakin. Nakita ko yung suot niya, bakit
ganun? masyadong kita yung cleavage niya. Ah
alam ko na, tinanggal niya talaga yung isang

botones para makita yung cleavage niya. Inaakit
niya ba si Jeydon? at etong lalaki naman na to,
tuwang tuwa pa. For sure nakatingin din siya sa
dibdib nung nurse, malaki pa naman.
Waaa!! ano bang paki alam ko >.<
"Wala!"

Lumabas agad ako ng clinic. Eh bakit ba ko naasar
bigla? yung Jeydon na kasi na yun, ang manyak!
Alam naman niyang inaakit siya nung nurse,
tuwang tuwa pa. Eh ano naman? bakit ba kasi ako
naiinis? Nainis na din tuloy ako sa sarili ko, huhu
abnormal -__-

"Hoy Betty! Teka lang!"
Nilingon ko siya. Naka benda na yung isa niyang
kamay. Mukhang okey na naman siya eh.
"Bakit ha?"
"Bakit pumunta ka ng clinic ha? dinalaw mo ko
nuh? Miss mo ba ko agad?"
Naka ngisi na naman siya sakin. Ah ganun? akala
mo ba nakalimutan ko ng gumanti kapag okey ka
na? Humanda ka saking abnormal ka.

Sinipa ko siya sa ANO niya. Hindi sa paa. Sa tuhod
niya.
"Ouch!"
"Para yan sa pag papahirap mo sakin kanina!"
"Ganyan mo ba ko ka mahal ha?" Naka ngisi na
naman siya. Ahhh!! sarap lagyan ng masking tape
yang bibig niya eh.
"Ewww ha! Tara na nga baka ma late pa tayo sa
math class eh!"

Pagkatalikod ko nakita ko si Marky. Oh no...

"Kung saan saan kita hinanap, andito ka lang
pala.." Tinanaw niya si Jeydon sa likod ko. Tapos
tska siya lumapit sakin tapos hinawakan niya yung
kamay ko. "Hmp, selos na ko ah, si Jeydon yung
pinuntahan mo dito sa clinic kesa sakin sa Music
Hall.." Hindi naman siya mukhang galit kasi
nakangiti siya. Selos daw siya? Waaaa.. hahaha.
Para akong mag bu-blush.
"Ah ano kasi.."

"Hoy Betty tara na malalate na tayo sa Math class
oh! Mamaya na kayo mag usap Marky!"
Kinuha ni Jeydon yung kamay ko tapos kinaladkad
niya ko palayo sa Prince Charming ko! Waa huhu!!
wag!! ang lakas ng pag kakahawak niya sakin kaya
hindi ako makapalag. Napatingin na lang patalikod
kay Marky.

"Kita na lang tayo mamaya Candice!"

Nag wave siya tapos naka ngiti. Huhu! Badtrip ka
talagang Jeydon ka!
Sakto lang yung pag ka dating namin sa room kasi
wala pa si Sir. Pag ka upo namin, tinignan ko ng
masama si Jeydon. Naka ngiti lang siya, yung
ngiting pang asar!! Argh! nakaka inis ka talagang
abnormal ka.
"Hoy Abno! bakit mo ginawa yun ha?"
"Ha? ang ano?" Patay malisya pa siya pero naka
ngiti naman siya.
"Bakit mo ko hinila palayo? eh kita mong nag
uusap pa kami ni Marky di ba?!"

"Eh kasi mukhang masaya ka kapag kausap mo si
Makry, kaya hinila kita palayo."
"HA?! at bakit mo naman ginawa yun!!" Tumayo
ako sa harap niya. Yung kamay ko nasa bewang
ko. Naka taas lang yung kilay ko. Nag aantay ng
sagot niya.
"Kasi ayoko ng nakikita kang masaya! Di ba nga
enemy tayo? Haha! panalo talaga yang mukha mo
kapag naiinis ka! Woo!!"
"Ang bad boy mo talaga! Ahhh!! dapat pala talaga
hindi na kita tinulungan!" Tumayo siya.
Magkaharap na tuloy kami. Ramdam ko nakatingin
na samin yung mga classmate ko.
"Haha! ako bad boy? Hindi ah! Medyo lang.. Medyo
bad boy."
Kumindat na naman siya sakin. Naiinis na talaga
ako ah, feeling ko umuusok na yung ilong at tenga
ko sa inis sakanya. Medyo bad boy pa daw? eh siya
nga hari ng mga BAD BOYS eh!!
"Tska alam ko naman na tinulungan mo ko kasi
nag aalala ka sakin di ba?"
"Asa ka! Wag ka mag alala! simula nga yun!
Official enemy na tayo! Tandaan mo yan!"
Nilakasan ko talaga yung boses ko, wala na kong

paki alam kung marinig pa kami ng buong class.
Eh sa naiinis ako eh!
"Deal!"
"Deal din! This is WAR!"

Umupo kami pareho sa upuan namin kasi
dumating na si Sir. Habang nag tuturo si Sir, hindi
kami nag titinginan na dalawa. Kada mag kaka
salubong yung mga mata namin akala mo may
kuryente sa mga mata namin eh. Ganun ha? War
pala gusto mo. Akala mo papatalo ako sayo ha.
Hanggang matapos yung Math class, intense pa
din kaming dalawa neto ni Jeydon. Wala na nga
akong paki alam kahit pinag didilatan na ko ng
Powerpuff girls eh.
Dumeretso agad ako sa section eleven. Baka mag
kasabay pa kaming dalawa niyan ni Jeydon eh.
Habang nag lalakad ako sa may corridor, bigla ba
naman akong binangga. Amp! badtrip!
"Ay sorry.."
"Sorry? Eh sinadya mo kaya yun!"
"Hindi kaya! haharang harang ka kasi sa daanan
ko eh!"

"Bakit sayo lang ba tong daanan na to?!"
"Oo bakit, ako HARI dito eh, may angal?"

Gusto ko pa sanag pumalag sakanya. Kaso nakita
ko yung mga studyante sa paligid namin na nag
bubulungan na. Ang sasama na ng tingin nila
sakin. Siguro fangirls sila ng abnormal na to. Mas
mabuti pang umalis na lang.
"Hindi pa tayo tapos!"

Dumeretso agad ako sa room. Tinignan ko yung
phone ko, inaantay ko kasing mag reply si Marky
sa text ko sakanya kanina eh pero wala naman.
Nagalit kaya siya? ang sabi niya nga selos daw
siya? ehh! enebe! kinikilig ako kapag umuulit sa
utak ko yung sinabi niya kanina.
"Hmp, selos na ko ah, si Jeydon yung pinuntahan
mo dito sa clinic kesa sakin sa Music Hall.."
Kung alam mo lang Marky, ikaw naman talaga
yung gusto kong puntahan hindi yung Abnormal na
yun.

Paupo na sana ako sa upuan ko kaso binangga na
naman ako ni Jeydon. Hindi ko siya pinansin.
Masyado pa kong masaya para ma badtrip
sakanya. Mamaya na lang. Tama lang din naman
eh, kasi nung nag kasalubong yung mata namin,
nagtarayan lang kami.
"Parang may kakaiba sa inyong dalawa ah?"
"At ano yun Troy ha?"
"LQ na naman ba kayo?"

"YUCK!" sabay pa kami.

"Haha! nakakatuwa talaga kayo!"

"Tumigil ka nga Troy!" sabay na naman kami!
Argh!
"Ginagaya mo ba ko?!" Bakit ba lagi kaming
pareho ng sinasabi. Nakaka inis na ah! nababasa
niya ba kung anong sasabihin ko?!

"Ang sweet naman, pareho pa kayong ng iniisip,
pareho na nga kayo ng tinitibok ng puso eh.."

"TSE!!" sabay na naman kami tapos tumalikod na
ko sa kanilang dalawa. Adik to si Troy, alam
naman na si Marky yung gusto ko, hindi yang
ABNORMAL NA YAN!

Pagkadating ni Sir Jason, kaming dalawa lang ni
Jeydon yung hindi bumati sakanya.

"Candice, bukas na pala yung pre-pageant. Don't
worry wala pa namang talent dun eh, i pre-present
lang kayo sa mga judges bukas.. Ready ka na ba?"
"Ahm.. Opo?"

"Kaya mo yan Candice!"
"Mananalo tayo niyan!"
"Oo nga! Kaya mo yan Cancdice!"

Lahat sila nag cheer sakin, nakakatuwa naman.

"Sus! ipapatalo lang tayo niyan eh."

Grrr. Epal talaga niya. Sabagay naalala ko nga
pala, this is WAR. Dapat hindi ako mag padala sa
inis ko, dapat makisakay lang ako, siya nga cool
lang eh, dapat ganun din ako.
Tumayo ako. "Don't worry guys! ipapanalo ko yung
section natin."
Lahat sila nag cheer. Tinignan ko si Jeydon,
nagulat ata sa ginawa ko. Nakataas lang yung
kilay niya. Haha! Akala mo ha!
After Science class, pumunta na ko ng History
class ko kaso wala naman yung teacher namin kasi
nag oorganize daw para sa pre-pageant bukas.
Hindi naman ako pinapasok ng mga classmate ko
sa room kasi nag reready daw sila sa pre-pageant
at baka daw gayahin ko yung mga strategy nila.
Hmp! Eh di wag!
Gusto ko sana puntahan si Marky, kaso mag
classmates nga pala sila ni Kuya. >.<
Uuwi na lang nga ako, aalis din pala kami mamaya
ni Troy. Alam ko na! Haha! Pag iisipan ko na yung

plano ko para maasar ko mamaya si Jeydon.
Wahaha.

This is war pala ha? Humanda ka sakin
mamaya.

Naglakad lang ako pa uwi samin. Mamaya pa kasi
uwian nun nila Kuya.
Dumaan muna ako sa Ministop. Bumili ako ng
chillz. Umupo ako sa upuan dun sa labas.
"So ang plano mamaya, papalibutan namin si JD?"
"Oo, basta siguraduhin niyo lang na mag isa siya
mamaya."
"Kaya ba namin siya? alam kong matagal na
siyang hindi nakikipag laban, matagal na siyang
umalis sa phoenix pero hindi mo pa din maalis sa
kanya yung galing niya."
"Natatakot ka na ba? Umalis ka na lang! Ano bang
palag niya sa dami niyo?!"
"Sorry boss.. Sige sige kami ng bahala kay Jeydon
Lopez."

Bumilis yung tibok ng puso ko. Si Jeydon pala yun.
Bubugbugin nila si Jeydon? Tinignan ko kung sino
yung mga yun pero hindi ko nakita yung mukha
nila. Nakita ko lang may tatoo din sila na dragon
sa likod. Ano bang meron kay Jeydon? may Gang
siya?
Kinakabahan naman ako para sakanya, this is war
pero iba na yung ganun nuh. Dapat malaman to ni
Troy. Ayoko naman sabihin kay Jeydon baka
sabihin niya concern na naman ako sakanya. Mas
mabuti pa kay Troy, atleast may magagawa si Troy
di ba.
Natatakot tuloy ako sa mangyayari mamaya >.<
27: Date?

"Candice?"

Nag susuot pa ko ng sapatos ko ng dumating si
Troy sa bahay. Tinext ko kasi siya agad eh tapos
umuwi muna ako sa bahay para makapag palit ako
ng damit.

"Natanggap mo ba yung text ko?"
"Oo, nakilala mo ba sila? nakita ka ba nila? Ano
ha?" Kalmado lang si Troy pero halata mong nag
aalala siya, bakit? Ang daming tanong eh! Pfft.
"Hindi! nakatalikod ako sakanila eh, hindi ko sila
namukhaan. Basta alam ko may tatoo din sila na
dragon sa likod, tska may nabanggit silang
pangalan ng gang eh, nakalimutan ko na." Pinipilit
ko talagang alalahanin yung pangalan na
nabanggit nila eh kaso hindi ko naman maalala.
Ano nga ba yun?
"Phoenix ba?"
Biglang bumalik sakin yung mga narinig ko kanina.
Naalala ko na. Oo tama! Phoenix nga.
"Oo ayun nga! Paano mo nalaman?"

Sinilip muna ni Troy kung may tao ba malapit
samin. Feeling ko sikreto lang yung sasabihin niya
sakin kaya ayaw niyang may makarinig na iba.
"Candice kasi.."

"Troy!"

"Charles!" nagulat kaming dalawa ni Troy nung
dumating si Kuya Charles. Kanina pa ba siya
andyan? Narinig kaya niya yung pinag uusapan
namin ni Troy?
"Pwede ba tayong mag usap Troy?" Hindi pa din
tumitingin sakin si Kuya. Huhu! Galit pa din siya
sakin >.<
At Ano naman kaya pag uusapan nila? Parang
importante eh, may kinalaman kaya yun dun sa
narinig ko? alam na kaya ni Kuya?
"Okey sige, Candice saglit lang ah?"
"Sige hintayin na lang kita sa labas."
"Okey sige." Tinignan muna ako ni Kuya bago sila
pumunta ni Troy sa kwarto niya, Eh! nakakatakot
naman yung tingin ni Kuya >.<

Inintay ko na lang sa labas si Troy. Ano kayang
pag uusapan nila ni Kuya? Huhu!! AMP! gusto ko
malaman!
Naalala ko na naman yung pinag uusapan ng mga
lalaki kanina.

"Kaya ba namin siya? alam kong matagal na
siyang hindi nakikipag laban, matagal na siyang
umalis sa phoenix pero hindi mo pa din maalis sa
kanya yung galing niya."

Naalala ko din yung sinabi sakin ni Troy dati na
leader daw ng gang si Jeydon. So ibig sabihin, si
Jeydon yung leader ng Phoenix. Kaso alam ko din
nag quit na siya dun. Kung nag quit na siya, bakit
pa hinahabol ng mga lalaki na yun si Jeydon?
Ganun ba katindi yung galit nila kay Jeydon?
Hindi ko alam pero hindi ko talaga maiwasang
makaramdam ng takot. Nagiging abnormal na
naman ako.
Eto naman kasi si Jeydon, napaka BAD BOY eh!
Ayan tuloy ang daming ka away. Bahala nga siya!
Bakit kasi may nararamdaman akong ganito. Nag
aalala ba ko sa abnormal na yun? Yuck! Hindi din.
Lumabas na si Troy sa gate namin.

"Tara alis na tayo?"
"Ha? teka! pero.."

"Candice, kung anong narinig mo hayaan mo na
yun okey? Wag na natin sabihin kay Jeydon kasi
gugulo lang yung sitwasyon tska kayang kaya
naman ni Jeydon yung mga yun eh."
"Kaya?! eh ang dami kaya nila! Paanong kaya
niya?!"
"Hindi mo kilala si Jeydon, malakas pa yun kay
Superman. Hindi yun naging leader ng gang dati
ng dahil lang sa wala. Wag mo na yun isipin."
"Pero!"
"Teka nga? Nag aalala ka ba kay JD?" Naka evil
smile siya sakin. Lintek na lalaki to! Konsensya ko
kaya yun kapag may nangyaring masama kay
Jeydon dahil hindi ko sinabi kung anong alam ko.
Kelangan may malisya agad? Kahit naman kanino
mangyari yun, ganito pa din reaksyon ko.
Binatukan ko nga to si Troy.. "Ouch!"
"Kahit mortal enemy ko siya mag aalala pa din
ako! Mabait kaya ako. Pero bahala ka na nga basta
ako sinabi ko na yung nakita ko." Hindi na ko nag
salita. Pumasok na lang ako sa kotse niya. Bahala
siya kapag may nangyaring masama kay Jeydon,
basta ako sinabi ko na kung anong nakita at
narinig ko. Hindi na ko makokonsenya. Hmp.

Tahimik lang kami habang papunta kami sa
TriNoma.. Argh! nakakainis.

"Huy Troy! bakit ba kasi ayaw mong sabihin kay
Jeydon yung narinig ko? Ano bang tinatago niyo?"

Hindi ko mapigilan na mag tanong eh! Tska hindi
ko na kaya yung katahimikan. Pinaka ayoko pa
naman yung nag lilihim at nag sisinungaling sakin.
Ops teka! pero hindi ibig sabihin na concern ako
kay Jeydon ah! AKO? No way!

"Aish! Candice! ang dami mong tanong! Ganyan ka
ba nag aalala kay Jeydon?" Nung una akala ko
naiirita siya sakin kasi ang kulit ko pero nung huli
naka evil smile na siya sakin. Nag iisip na naman
ng malisya to saming dalawa ni Jeydon. Halatang
halata naman sa tingin niya sakin eh.
"Ew!! Hindi ako nag aalala dun nuh! Eh kasi may
nililihim ka sakin! Ayoko ng nag lilihim sakin! kaya
sabihin mo na Troy!"
"Don't worry about JD. Kayang kaya niya yung
sarili niya."

Nag cross arm arms ako tska ako nag pout.
Nakaka inis naman! ayoko talaga ng may hindi ako
nalalaman. Hindi naman talaga ako nag aalala sa
abnormal na yun eh! Asa pa nuh!
Tinignan ko ulit si Troy.
Ngumingiti lang siya ng super wide. Parang hindi
naman siya nag aalala sa kaibigan niya? Kahit
gaano pa kalakas yung abnormal na yun kung
isang gang yung gugulpi sakanya, anong panama
niya? Hays. Hindi ko na nga lang kukulitin to si
Troy baka sabihin niya may gusto talaga ko kay
Jeydon. Ew never! >.<

Naka dating kami agad sa mall. Dumeretso agad
kami sa loob papunta sa shop ni Ate Jaycee.

"Hm.. Troy?" Malapit na kami sa shop pero
napahinto kami ni Troy. May gusto muna kasi ako
malaman bago ko makita ulit si Ate Jaycee.
"Bakit?" Naka smile pa din siya sakin. Yung
mapang asar na smile! Argh! I hate you Troy >.<

"Ano.. alam na ba ni Ate Jaycee.. na alam ko na
yung tungkol sa inyo?"
"Hindi, ayoko na kasi siya mag alala eh."
Tapos ngiti na naman. Masayahin talaga siya nuh?
Sabagay mag dadate nga pala kasi sila ni Ate
Jaycee. Tapos ako ano? maiiwan kasama yung
abnormal na yun mamaya! Waaaa! nakaka inis.
Bakit ba kasi ako pumayag? Huhu. Stupid ko din
minsan eh.
Pumunta na kami sa shop, nakita naman namin
agad si Ate Jaycee.
Grabe ang ganda ganda niya. May hawig nga siya
kay Jeydon, sabagay hindi ko naman ikakaila na
gwapo naman talaga yung Jeydon na yun.
Abnormal nga lang, hindi lang minsan ah.
MADALAS >.<

"Hi Ate Jaycee!"
Nagulat ako nung tinawag niyang Ate si Ate
Jaycee. Kaso naalala ko din na madami palang
nakakarinig sakanila, yung mga tauhan ni Ate, tska
pati pala ako kasi hindi pa niya alam na alam ko na
yung sakanila ni Troy.
"Hi Troy!"

Kahit naman mag panggap pa sila, halata mo
naman sa mga tingin nila tska sa ngiti nilang
dalawa na inlove sila sa isa't isa eh. Parang
nainggit tuloy ako! huhu. Ano kayang feeling ng
mainlove? at yung feeling na may taong inlove
sayo? Mararamdaman ko pa kaya yun?
"Candice! Hello!" Lumapit siya sakin tapos niyakap
niya ko ng mahigpit. Ek! Feeling ko hindi na ko
makakahinga. Miss niya ba ko? huhu. "Buti naka
punta ka!"
"Hehe.. Oo nga po eh."
"Tara! dun tayo sa office ko! madami akong
ipapasukat sayo eh! Troy, dyan ka muna ha?"
"Okey." Ang laki na naman ng ngiti niya. Inlababo
talaga ang Kuya mo! haha.

Pumunta kami sa likod ng shop ni Ate Jaycee,
grabe ang laki ng shop niya. Ang daming
magagandang damit, sa totoo lang lahat naman
maganda eh. Madami din siyang tauhan dito at ang
gaganda din nila. Pag pasok namin sa loob ng
office niya, may apat na dress ng naka sabit sa
may hanger tapos may sapatos na din sa baba pati
ng accesories meron na din sa may table.

"Isukat mo lahat yan okey?"
"Okey po."
Nahihiya ako sakanya. Hehe! ang ganda niya kasi
eh. Na iistar struck kaya ako! >.<
Pag pasok ko sa dressing room, sinukat ko agad
yung pinaka mahabang dress. Okey naman siya,
hinuli ko na yung dalawang maikli. Maganda siya
kaso nahihiya naman akong isuot to. Actually sa
may hita lang naman siya, hindi ganun kaiiksi kaso
eto na kasi pinaka maiksing damit na maisusuot ko
eh. Sinukat ko din yung mga sapatos, okey naman
sana lahat kaso nga lang puro may heels.
Goodluck na lang sakin! sana hindi ako madapa
kapag sinuot ko siya bukas sa pre-pageant. Nung
nasukat ko na lahat, may pinasuot pa sakin na
floral dress si Ate Jaycee, ayan na lang daw yung
isuot ko para mamaya. Mamaya? ano kayang ibig
sabihin ng mamaya?
"Mukhang okey naman lahat! Lahat talaga bagay
sayo Candice!"
Pumapalakpak pa siya nun ah. Tuwang tuwa siya
sakin eh nuh? nakakatuwa tuloy. Umupo siya dun
sa mahabang pink na sofa. Umupo na lang din
muna ako.
"You know Candice, I really like you."

"Talaga po? eh..." Huhu! nahihiya talaga ako. Bakit
ba?! >.<
"Are you shy? Haha! that's is so cute of you
Candice. Sana mag ka tuluyan kayo ni.." Hinihintay
ko yung susunod na sasabihin niya pero hindi na
niya tinuloy. "Tara na? baka nandun na sa labas si
JD. Mag dadate pa kayo di ba? hehe.."
Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi. Ano daw
yun?

Sakto nga pag labas namin, nandun na si Abno
este Jeydon pala.

"Hi Dong-saeng! Bakit ngayon ka lang?" sabay nag
pout si Ate Jaycee, hehe ang kyot ^.^ [Dongsaeng = Little brother]
"Mianhae noona." [Mianhe = Sorry / Noona = Big
sister]

Nagulat naman ako dun, marunong din palang
mag korean sila Jeydon? May lahi kaya silang
korean? Mukha kasing fluent mag salita to si
Jeydon ng korean.

Kahit wala akong lahing korean fluent din ako mag
salita kasi dun ako lumaki tska tumira sa loob ng
12 years. Sa korea kasi talaga naka base yung
family ng Papa ko. Tska karamihan ng mga
business namin nasa korean. Hindi na lang ako
bumalik dun kasi nag hiwalay na sila Papa at
Mama, kahit Papa's girl ako, kay Mama pa din ako
sumama. Nung nalaman ko kasi na nag cheat si
Papa kay Mama, kinamuhian ko na siya simula
noon. Kaya never na din ako nag salita ng korean.
Gusto ko na siyang alisin sa sistema ko pero
mahirap. May magagada din naman kasi akong
memories way back korea eh. Hays, naalala ko na
naman tuloy si Papa.

"Candice okey ka lang?"
"Oo okey lang ako Troy."
"Hoy Betty! Bawal ka dito! No pets allowed sa shop
ng Noona ko!"
Hindi lang ako nag salita, nahihiya kasi ako kapag
nasa harap kami ni Ate jaycee eh. Humanda ka
lang sakin mamayang Abnormal ka. No pets
allowed pala ha.
"Dong-saeng! Be good to Candice! or else ikaw ang
i ba-ban ko sa shop ko!"

Tinignan ko si Jeydon. Ngumiti ako sakanya. Yung
ngiti na nakaka asar. Wahaha! Buti nga sayo! Mas
boto sakin si Ate Jaycee.
"Aish! hindi ko alam kung bakit gustong gusto mo
yan si Betty! Tara na nga Noona, let's eat."
Inakbayan niya si Ate Jaycee. Nag ka tinginan
naman kami ni Troy, mukhang lumungkot yung
mukha niya. Si ate Jaycee naman mukhang
nagulat. Hala! paano na nga pala mag dadate sila
Ate Jaycee at Troy niyan? Epal talaga neto ni Abno.
Kelangan mag isip ako ng paraan..

"Hoy Jeydon! pwede mo ba ko samahan dun sa
may pet shop?"

Hinawakan ko sa braso si Jeydon tapos hinila ko
siya palayo kay Ate Jaycee. Sobrang labag to sa
loob ko. Nakakainis nga eh, hinawakan ko pa yung
braso niya. Huhu! pasalamat talaga kayong dalawa
sakin Troy, kasabwat niyo ko sa kalokohan niyo ni
Ate Jaycee. Wala na akong paki alam kung nasan
na kami ng Abno na to. Bahala na basta makalayo
sa shop. Hindi naman din siya nag sasalita eh..

Ay teka nga? bakit hindi siya nag rereklamo na
hinila ko siya palayo? nakakapag taka naman..
Huminto ako tapos nilingon ko si Jeydon.

"Sabihin mo lang agad kung gusto mo kong i date
para ready ako."

Tumataas taas pa yung kilay niya tapos ngumingisi
ngisi pa siya. Ang kapal niya! Hindi ko naman
gagawin yun kung hindi lang dahil kala Troy eh.
Bakit ba kasi lagi na lang siyang EPAL? pati ako
nadadamay pa tuloy.

"Ang kapal mo! Mag papasama lang ako, may
bibilhin kasi akong mabigat eh, kelangan ko ng
taga dala!"
"Eh bakit hindi si Troy?" Lumapit siya sakin,
tinginan niya ko. Eh! Anong ginagawa niya ha?!
"Kasi ano.." umisip ka ng dahilan Candice. Wag ka
lang madudulas. "Ayoko mabigatan si Troy! kaya
ikaw na lang para mahirapan ka pa! Wahaha!" Ay
tama ba sinabi ko?

"Ako mag bubuhat? Asa ka!" Paalis na sana siya.
Natataranta na ako kung anong gagawin ko. Hinila
ko na lang ulit siya, nakaka hiya na talaga tong
ginagawa ko eh.
"Sige na! Ililibre kita ng Ice cream mamaya!"

Mukhang sumaya bigla yung mukha niya.

"Gusto ko yan!"

Hays. Buti na lang!

"So inaaya mo ko makipag date? Hmm... sige
papayag na lang ako para hindi ka pahiya.."

"ANO?! DATE?!"

"Oo! haha.."

Sobrang laki ng ngiti niya. Ang kapal ng mukha
niya! Huhu. Ano na bang gagawin ko? Never pa
kong nag ka date, at nirereserve ko sana yun kay
Marky, kung sakali lang. Tska kahit na! ayoko na
kay Jeydon mapupunta unang date ko!! Haha OA
lang? pero ayaw pa din! Kaso anong magagawa
ko? pag hindi ako pumayag babalik siya sa shop.
Waaaa!! ayoko na..
TROY!!! humanda ka lang talaga sakin T____T

28: Ice cream

"Hoy Betty!"

Hingal na hingal na siya, parang anytime
mawawalan siya ng malay. Hinawakan nga niya
yung braso ko eh. Inalis ko naman agad yung
kamay niya. Ew kadiri ah!

"Ang arti mo naman! Konting lakad lang pagod ka
na?! at wag mo nga kong hinahawakan."
"Ako hinahawakan ka?!" Inalis niya bigla yung
kamay niya. "Wag ka nga nag iilusyon! tska teka
lang! parang mali to ah."

Hindi daw? Eh ano kayang tawag niya dun? Abno
talaga. Hinawakan niya yung bewang niya. Tapos
tinaasan ako ng kilay. Ano na naman bang ka
artihan yan?! Sa lahat ng lalaki siya yung pinaka
maarte.
"FYI Candice Gonzales A.K.A Betty.. Ikaw yung
humihingi ng favor sating dalawa, tapos ikaw pa
yung nagagalit? WOW HA?!" In the first place bakit
kasi siya pumayag na sumama? >.<

Aish! Stupid Jeydon!

"Ano ako stupid?!" Ay napalakas pag kakasabi ko.
>.<

"Bakit ba kasi ang arte mo ha?! Konti pa lang
naman nilalakad natin, hingal na hingal ka na agad

dyan!" Sige mag galit galitan ka Candice para hindi
siya makapalag. Wahaha! In the first place dapat
matuwa pa nga ako na nahihirapan siya eh.
Wahaha! atleast nakakaganti na ko paunti unti sa
mga pang iinis niya sakin.

"KONTI? EH NILIBOT NA NATIN YUNG BUONG
MALL EH!" Sobrang lakas ng boses niya. Huhu!
ginalit ko na yung dragon. Parang bumubuga na
siya ng apoy sa galit. Pati tuloy yung mga taong
dumadaan napapa tingin samin. Anong gagawin
ko? baka mamaya bigla na lang akong suntukin ni
Jeydon. Abnormal pa naman to.

"Ahm ano kasi.. hindi ko mahanap yung pet shop
eh.."

"What?! eh bakit hindi mo agad sinabi?!"

"Hehe kasi ano.."

Hindi na ko pinag salita ni Jeydon. Hinawakan niya
bigla yung braso ko. Nung pag kahawak nga niya

sakin ang init ng kamay niya. Bakit kaya? Huhu!
sabi ko na dragon tong lalaki na to eh, galit yung
dragon kaya nag iinit. Nakakatakot!!
Kinaladkad niya ko papuntang pet shop.
Alam ko naman talaga yung pet shop dito,
kumwari lang na hindi para matagalan kami.

"Bilisan mo bumili."

Parang may mali sa abnormal na to? Ano kaya
yun? kanina ko pa napapansin eh. Hindi na lang
ako nakipag talo. Kawawa naman kasi siya eh
mukhang pagod na nga siya. Ganun ba kalayo
yung nilakad namin? bakit naman ako hindi
napagod? hmp.

Hinanap ko agad yung dog food ni Cholo. Dapat
talaga isang sako yung bibilhin ko kaso nakaka
awa naman tong abnormal na to. Sabihin pa niya
wala akong puso. >.<
Habang nasa counter ako may inabot naman siya
saking cat food.

"Ano to?"
"Pagkain ng pusa." Psh! pilosopo.

I know right!

"Alam ko. Anong gagawin ko dyan?"

"Try mo kayang kainin? cat food nga di ba?"

"JEYDON!"

Napatingin samin yung mga tao pati yung
dalawang cashier. Nakakahiya huhu! lintek kasing
Jeydon to eh. Sasapakin ko na to eh. Lagi na lang
ako pinapahamak.

"Sabi ko naman kasi sayo wag mo pinapahiya yang
sarili mo sa harap ng madaming tao." sabay kindat
pa. Argh! nakakainis talaga siya.
"Tumigil ka na nga!"

"Para yan sa cat ko stupid. Sabay mo na lang."
"Yun naman pala eh! bakit hindi mo agad sinabi?"
"Nakakatuwa kasi kapag na aasar ka eh. Haha!"
Argh! iniinis talaga ako netong abnormal na to.
Humanda ka lang talaga sakin. Kapag ako
nakahanap ng magandang timing para asarin ka,
tignan ko na lang. Kahit samaan ko pa ata ng
tingin to walang palag eh. Sabagay wala nga
palang kinakatakutan tong lokong to.

Binayaran ko na lang din yung cat food niya. May
pusa siya? hindi ko ma imagine na may alaga siya.
Salbahe din kaya yung pusa niya? Sabagay like
amo, like alaga. Wahaha!
"Miss pwede bang malaman yung pangalan ng
kasama mo?" tanong nung cashier lady. Kinikilig
pa ata silang dalawa nung kasama niya. Si Jeydon
lang naman yung kasama ko di ba?
"Yung abnormal ba na yun?" Tinignan ko siya
nandun na siya sa labas, nag aantay.
"Ha abnormal?"
"Ah wala.. Jeydon pangalan niya. Bakit?"

"Ang gwapo kasi niya eh!"
"Oo nga! ehhh!! nakakatunaw yung mga tingin
niya."

Eh di nga! May gusto sila kay Jeydon?! ang dami
talagang nabubulag sa ka gwapuhan ng abnormal
na to. Buti na lang ako hindi. Yuck! never akong
mag kaka gusto sakanya. Baka tumanda ako bigla
sa konsumisyon. Tska asa naman na mag kaka
gusto din sakin yang lalaking yan. Alam ko naman
mga tipo niyan eh, mga magaganda at sexy
kagaya ni Stacey.

"Hehe. Okey."

"Alam mo ba yung number niya? pahinga naman
oh please?"
"Oo nga hindi ka naman niya girlfriend di ba?"

"Ako? Hindi ah!"

"Eh di pwede mong ibigay samin yung number
niya? Please.." nag mamakaawa pa silang dalawa
sakin. Buti na lang wala akong kasunod sa linya.
Kanina pa kasi kami dito eh, nakita ko nga si
Jeydon parang naaasar na.

"Hindi ko kasi alam number niya eh, hmm.. ibigay
niyo na lang number niyo sakin."

"Waaa!! salamat ate! ang ganda mo na ang bait
mo pa!" Nambola pa -___"Eto number namin oh!"
"Hehe sige."
"Thank you miss!"

Umalis na ko agad dun, mamaya kulitin pa ulit ako
nung dalawa na yun eh. Tska mukhang naiinis na
tong abnormal na to. Sabagay dapat nga matuwa
pa ko na naiinis siya di ba? kaso nakakatakot
naman inisin yung katulad niyang parang dragon
na anytime pwedeng bumuga ng apoy.

"Okey na. Hehe tara balik na tayo sa shop."

Bago ako makatalikod sakanya kinuha niya bigla
yung dala ko. Ano kaya nakain neto? parang
naging gentleman bigla.
Siguro nakokonsensya sa pinag gagawa niya sakin
kanina sa loob ng pet shop.
Pag katalikod ko sakanya. Hinila niya bigla yung
damit ko sa likod. Muntik na ko madapa sa sahig,
hala eto na ata yung kinakatakot ko. Gaganti na
ata siya sakin? Huhu! Lord help me. Ginalit ko na
yung Dragon.
Hinarap ko siya. Seryoso lang yung mukha niya.

"Ba-bakit?" nauutal pa ko sa takot ko sakanya.

"Ice Cream."

Muntik na ko matawa sa sinabi niya. Alam mo
yung seryoso yung mukha niya tapos sasabihin
lang pala niya gusto niya ng Ice cream akala mo
bata lang eh! Wahaha. Minsan nakakatawa din

pala to si Jeydon. Sana ganyan na lang siya lagi eh
nuh?
Kaso ano pa ba aasahan mo kay Jeydon?
Eh ABNORMAL yan.

"Oo nga pala, hehe. Sige tara sa Dairy Queen na
lang tayo."
"Okey."

Kakaiba talaga tong lalaking to. Tahimik na
naman, kanina lakas mang asar. May kakaiba
talaga sa kanya eh. Hindi ko lang masabi kung ano
ba talaga yun. Kasi naman sobrang hirap basahin
ng tumatakbo sa isip ni Jeydon. Napaka misteryoso
niya. Ang weird nga eh kasi gusto kong malaman
kung bakit siya ganyan.
Pagka dating naman sa DQ ang daming tao. Buti
na lang may upuan pa kaso sa labas nga lang.

"Anong gusto mong flavor?"
"Oreo."
"Okey."

Wow ha? pareho pala kami ng gusto. Oreo din
gusto ko eh. Habang nakapila ako hindi ko
maiwasan na tumingin kay Jeydon. Kasi naman eh,
kanina pa siya parang hindi mapakali.
HALA!
Alam na kaya niya na may gustong bumugbog
sakanya? Nawala din pala yun sa isip ko.
Kinabahan tuloy ako bigla. Kaso nasa loob naman
kami ng mall eh kaya sigurado akong walang
mangyayari samin dito.
Umorder ako ng dalawang Oreo Blizzard. Yung
malaki na yung binili ko para naman hindi na
magalit si Jeydon slash Abnormal slash Dragon.
Nung pabalik na ko sa table namin, may nabangga
akong lalaki. Muntik na matapos yung Ice cream
ko >.<

"Sorry miss.."
"Ok-okey lang.."

Parang nanigas ako sa boses niya pero buti na lang
naka recover naman ako agad. Hindi ako pwedeng

magkamali eh. Siya yung lalaki na gustong
bumugbog kay Jeydon. Ka boses na ka bose niya
talaga eh. Tska nung tinginan ko malaki yung
katawan niya, kapareho nung lalaki kanina.
Sayang hindi siya naka sando kaya hindi ko makita
ko kung may tatoo ba siyang dragon sa likod.
Kinakabahan tuloy ako. Huhu!

"Bakit ang tagal mo?!"
"Ah kasi mahaba yung pila.. oh ayan na."

Kinuha niya sakin yung Ice cream tapos tinikman
naman niya agad. Excited much? Gutom?
Hindi naman ako makakain ng maayos. Nililingon
ko kasi yung lalaki kanina. Naka cap siya na black
tapos naka leather jacket na black. Parang
gangster talaga yung dating niya. Huhu! siya nga
siguro yung isa sa mga lalaki kanina na gustong
bumugbog kay Jeydon.
Pag ka lingon ko ulit sakanya, nag ka salubong
yung mata namin. Inalis ko naman agad yung
tingin ko sakanya. Napansin niya kaya na naka
tingin ako sakanya? Waaa kinakabahan na talaga
ako. Dapat pag katapos namin kumain bumalik na
ka agad kami kala Troy eh. Asan na kaya sila ni

Ate Jaycee? for sure hindi yun dito nag date. Paano
yun? text ko na lang kaya?

To: Troy
Troy, asan na kayo? feeling ko sinusundan kami
nung mga lalaki kanina. Text back asap.

Ano ba yan? natataranta na ko. Eh si Jeydon
naman yung gusto nilang bugbugin hindi ako. Ano
bang paki alam ko di ba? pwede ko naman siyang
iwan dito tapos bahala na siya kung mabugbog
siya dito o hindi.
Waaa!! mali to eh. Ano ba yang iniisip ko? Niligtas
ako dati ni Jeydon kay Brandon, kaya dapat ganun
din gawin ko di ba? kahit na enemy kaming
dalawa. Tska para quits na din kami.
Naalala ko tuloy si Brandon. Siya kaya yung may
pakana neto? sinuntok siya ni Jeydon dati eh, eto
kaya yung ganti niya?

"Hoy Betty, anong nangyayari sayo?"
"Ha?"
"Para kang tanga dyan eh."

Psh! inaalala kasi kita.
Ay shete! hindi ko siya inaalala, yuck. Hmm..
sabihin na lang natin na nag aalala lang ako para
sa safety ko. Syempre kasama ko si Jeydon, tapos
kung gusto nila saktan si Jeydon malamang damay
ako. Tama ayun yun eh! hindi ako nag aalala dyan
sa abnormal na yan. Tama tama..

"Ha? wala wala.. oo nga pala pinapabigay nung
dalawang babae dun sa pet shop kanina. Hinihingi
kasi nila yung number mo kaso hindi ko naman
alam kaya kinuha ko na lang yung number nila."
Nakalimutan ko na ibigay sa takot ko kanina sa
kanya.
"Ano namang gagawin ko sa basura na yan?"
"Anong basura! grabe ka naman. Buti nga nag ka
gusto pa sayo yung dalawang yun. Sa sama ng
ugali mo, bulag na lang mag kaka gusto sayo eh."
"Akin na nga."
Kinuha niya yung papel tapos tinapon niya.
"Bakit mo ginawa yun?!"

"Ano ko cheap? makikipag textmate kung kani
kanino? tska sorry ah, high standard ako eh. Wala
akong nakitang maganda dun kanina."
"Psh! maganda naman yung dalawa na yun ah!"
"Ah basta! kung gusto mo ikaw na lang makipag
textmate sa mga yun!"

"Ewan ko sayo! Tumahimik ka na nga lang! Ubusin
mo na lang yang Ice cream mo."

"Ubos na."

Tinignan ko yung Ice cream niya. Waaa! ubos na
nga! ang bilis naman? ako nga wala pa sa kalahati
eh. Grabe naman tong lalaki na to. May dragon din
kaya siya dyan sa tyan niya?

"Isa pa."
"Ang takaw mo naman?"

"Eh bakit ba? tska ikaw may sabi na ililibre mo
kong Ice cream eh." para na naman siyang bata.
Grabe bipolar talaga siya.
"Oo na! teka!"

Bumuli ulit ako ng isa pang Oreo Blizzard. Ang
lakas niya kumain ng Ice cream. Sabagay pareho
lang naman kami kaso hindi ako makakain ng
maayos ngayon eh.
"Oh ayan na.."

"Yey! Thanks."

Hala para talagang bata?

"Favorite mo talaga kumain ng Ice cream?"
"Oo.. kasi ano.."
"Ano?"
"Wala! kumain ka na lang ng Ice cream dyan."

Nag sungit na naman. Abnormal talaga.
May naalala tuloy ako sa kanya.. Yung nakilala
kong batang dati dito sa pilipinas. Parang si Jeydon
lang eh. Kaso mataba yun eh, asan na kaya yun?

"Rest room."
"Ha?"
"Sabi ko pupunta akong rest room."

Hala! baka sundan siya sa loob ng mga lalaking
gustong bumugbog sakanya. Anong gagawin ko?

"Teka!"
"Bakit?"
"Ano kasi.." ano bang idadahilan ko? Tinignan ko
yung lalaking nakabangga ko kanina pero nandun
pa din naman siya eh. Kapag umalis na lang siya
tska ako susunod kay Jeydon sa labas ng rest
room.
"Gusto mong sumama sakin?" sabay kindat. Argh!
manyak neto.

"Hindi! bilisan mo ha."
"Sige dyan lang ako sa malapit."

Tinitignan ko lang yung lalaki habang nasa rest
room si Jeydon. Parang may kausap siya sa phone.
Hala! baka yung kasama niya yung kausap niya.
Dapat puntahan ko na si Jeydon.

Nung pumunta ako sa may rest room may hallway
dun na parang walang tao. Bakit kasi walang tao
dito? nakakatakot naman. Ang layo naman nung
rest room..
Nung malapit na ko sa rest room ng mga lalaki..

Biglang may panyo na tumakip sa ilong ko. Ano to?
parang nahihilo ako..

Nung natumba ako sa may sahig nakita ko yung
lalaki kanina.. gusto kong tumayo pero hindi ko
magawa.. parang nawawalan na ko ng malay..
Hindi ko na alam yung sumunod na nagyari kasi
nawalan na ko ng malay..

Jeydon!! asan ka na ba?
29: Sorry

Ang sakit ng ulo ko. Asan na ba ko?
Pag dilat ko ng mata ko nakita ko si Jeydon na
naka higa sa sahig. Pinapalibutan siya ng mga
lalaking may tatoo sa likod. Walo silang lahat. Ano
bang nangyari nung nawalan ako ng malay? tska
asan kami? parang lumang warehouse to eh. Bigla
akong natakot. Wala akong maramdaman sa
katawan ko parang namamanhid.
Tumingin ulit ako kay Jedon, sinipa siya nung lalaki
na nakita ko ka kanina. Kita mo sakanya na
nasaktan siya sa ginawa nung lalaki. Biglang may
kumirot sa puso ko. Parang naiiyak ako sa mga
nakikita ko. Dumudugo yung labi ni Jeydon tapos
ang dami niyang pasa. Amp! Kanina pa ba siya
pinag tutulungan ng mga lalaking yan? bakit wala
siyang ginagawa?

YAH! JEYDON! LUMABAN KA!

Gusto ko yang isigaw kay Jeydon pero hindi ko
magawa. Parang nanghihina pa din kasi ako eh.
Ano ba kasing ginagawa niya? Bakit hindi siya
lumalaban? akala ko ba leader siya ng gang? Akala
ko ba malakas siya? akala ko ba kasing lakas niya
si Superman? pero bakit ganito? Sabi ni Troy kaya
ni Jeydon kahit na madami pa yung lumaban
sakanya pero bakit ganito?

JEYDON! FIGHT THEM PLEASE! PROTECT
YOURSELF!

Sige na. Oo na! nag aalala na ko kay Jeydon at
hindi ko kayang makita siya na ganyan. Feeling ko
naiiyak na ko. Hindi ako sanay sa na makita si
Jeydon na kinakawawa.
"Parang humina ka na ata Boss JD?"

Umupo yung lalaki na nakita ko kanina. Nasa
harap siya ni Jeydon ngayon. Pinunasan muna ni

Jeydon yung labi niya. Dinuruan niya ng dugo yung
lalaki.
"Parang lumaki na ata ulo mo Alex? bakit dahil ba
sa bagong leader ng Phoenix?"
"Ako? lumaki yung ulo? Haha!"
Tumayo yung Alex. May kinuha siyang tubo sa
may gilid tapos humarap ulit siya kay Jeydon.
"Nag bibigay galang pa din naman ako sayo boss
eh.. kaso nga lang.."
Hinawakan niya yung mukha niya Jeydon tapos
sinuntok niya si Jeydon. Habang tumatagal mas
lalo akong nahihirapan sa sitwasyon ni Jeydon.
Gusto ko na lang pumikit para hindi ko makita
lahat ng nangyayari.

"Mas malakas na kasi ako sayo ngayon eh."

"HAHAHA!"

Halos dinig sa buong warehouse yung tawa ni
Jeydon. Nagulat yung Alex pati yung mga kasama
niya. Ano bang ginagawa ni Jeydon? mas lalo lang

niyang gagalitin yung mga lalami na to. Naiinis na
ko sakanya. Ang lakas niya pa din mang asar eh
pinag tutulungan na nga siya ng mga lalaki na to.
Hindi ba siya na aawa sa sarili niya?
"Malakas ka na nyan? Lakas mo pa din mangarap
ah. Hanggang ngayon ba naman pinapatawa mo
pa din ako Alex?"
"Anong sinabi mo?!"
"Bakit masakit ba malaman yung katotohanan? Sa
bagay Truth hurts nga naman."

Ngumiti siya dun sa Alex. Yung ngiting nakaka
asar. Yung ngiting para minamaliit niya kung sino
man yung nasa harap niya ngayon. Galit na galit
yung Alex. Hinawakan niya ng mahigpit yung tubo
tapos hinampas niya kay Jeydon. Walang reaksyon
si Jeydon pero alam kong nasaktan siya. Malakas
yung pag kakahampas sakanya ni Alex. Parang ako
yung nasasaktan..

"Yan anong pakiramdam JD? Masakit ba?"

"Bakla ka ba pumalo? parang wala akong
naramdaman eh."

"Ah ganun."

Pinalo na naman niya nung tubo si Jeydon. Sa
pagkakataon na to alam na alam mo ng nasaktan
talaga si Jeydon. Napa ubo si Jeydon ng dugo.
Tama na please. Ayoko ng makita to! hindi ko na
kaya.
"Want more?"
Papaluin na naman niya si Jeydon..

"TAMA NA!"

Hindi niya tinuloy yung gagawin niya kay Jeydon.
Lahat sila napa tingin sakin pati si Jeydon. Ngayon
ko lang din napansin na nakatali pala yung mga
kamay ko. Ngayon nararamdaman ko na yung

katawan ko. Lumapit sakin yung Alex. Dala pa din
niya yun tubo na nakasabit sa balikat niya.

"Aba gising na pala ang prinsesa.."

Umupo ulit siya para pantay kami. Nakaupo ako
tapos nakatali yung kamay ko sa bakal sa likod ko.
Nakatingin lang ako kay Alex. Sa totoo lang
natatakot ako pero ayokong ipakita.

"Alam mo buti na lang talaga andyan ka eh.."
Hinawakan niya yung mukha ko. Bumilis yung
tibok ng puso ko. Natatakot ako. Kuya! Help me!
T__T
"Natatakot ka na ba Candice? Wag kang matakot
hindi naman ako nangangagat eh."
Hinawakan niya yung labi ko. Hindi ko pinalagpas
yung pagkakataon, kinagat ko yung.daliri niya
tapos sinipa ko siya palayo sakin.

"F*CK! WHAT THE HELL!"

Lumapit siya sakin na galit na galit. Sinampal niya
ko. Sobrang sakit. Sobrang hapdi. Umiyak na
naman ako bigla sa sakit na naramdaman ko
ngayon.

"Tumigil ka na."

Kalmado lang yung pag kakasabi ni Jeydon nun
pero halata mong galit na din siya. Himawakan ulit
ni Alex yung mukha ko. Tinignan niya si Jeydon.

"Bakit ayaw mo bang nakikitang nasasaktan si
Candice? Jeydon?" Hindi sumagot si Jeydon.

"Sumagot ka! kung hindi.." Napatingin ulit sakin si
Alex. Sasampalin na naman niya ko. Hindi ko na
ata kaya kung sasampalin niya ulit ako. Pinikit ko
na lang yung mga mata ko.

Ilang segundo na din akong nag hihintay para sa
kamay niya pero walang dumapo sa mga pisngi ko.
Binuksan ko ulit yung mga mata ko. Nakita ko si

Alex na naka bulagta na sa harap ko. Si Jeydon
nakatalikod na sa harap ko.

"Sinabi ko na sayong tumigil ka."

Lumapit naman agad yung pitong lalaki kay Alex
tapos tinayo nila si Alex. Pagkatayo ni Alex
nilapitan niya agad si Jeydon tapos sinubukan
niyang suntukin si Jeydon pero naka iwas siya.
Tapos si Jeydon naman yung sumuntok kay Alex.
Napahiga ulit si Alex sa sahig. Alam kong hirap na
si Jeydon, nararamdaman ko yun. Ang dami na
niyang pasa eh pero bakit lumalaban pa din siya?
Tska feeling ko kaya naman talaga niya silamg
lahat. Kasi kahit sugatan na siya nagawa pa din
niyang patumbahin si Alex.
Hinawakan nung dalawang lalaki yung
magkabilang kamay ni Jeydon. Tumayo agad si
Alex, sa galit niya sinuntok niya agad si Jeydon.
Hindi naman makapalag yung abnormal na to kasi
may nakahawak sakanya.

"Ang lakas ng loob mo JD. Pag babayaran mo din
to. Sisiguraduhin ko na mas matindi yung igaganti

namin sayo. Hindi lang sakit sa katawan. Unti unti
kong dudurugin yang puso mo."
Sinuntok niya ulit si Jeydon.

"Sige itabi niyo yan kay Candice. Tapos kuhanan
niyo ng litrato. Ipapakita pa natin yan kay boss.
Tapos sumunod na kayo sakin sa labas. Bilisan
niyo Papunta na dito sila Charles at Troy."

"Sige boss."

"Siguraduhin niyong baldado muna yang ugok na
yan bago kayo umalis."

Umalis na yung alex. Tapos hinagis naman nila sa
tabi ko si Jeydon. Mas kita mo sa malapit yung
mga sugat niya. Awang awa ako sakanya. Sana
may nagawa ako. Sana kaya kong bawasan yung
sakit na nararamdaman niya.
Biglang may nag flash. Kinuhanan nga nila kami ng
picture.

Kanino kaya nila yun ibibigay? Sa boss daw nila?
Akala ko si Alex na yung boss nila. May boss pa
pala sila, at sino naman kaya yun? Tska papunta
na daw sila Kuya dito? Paano kaya nila nalaman na
nandito kami? hindi ko naman nasabi kay Troy.
Ang dami kong tanong nakalimutan ko na nandito
pa pala yung pitong lalaki na kasama ni Alex. Pati
si Jeydon na hinang hina na.

"Ano pare? ikaw na bahala?"
"Sige."

Kumuha siya ng kahoy na ipapalo niya kay Jeydon.
Umisip ako ng paraan para pigilan siya. Sinipa ko
yung lalaki. Sa galit niya sakin nasampal niya ko.
"Pare tama na yan! baka malapit na dito sila
Charles hayaan mo na sila."
"Sige tara."

Binitawan niya yung kahoy tapos umalis na sila.
Hanggang ngayon dama ko pa din yung sakit ng
sampal niya sa kanang pisngi ko pati sampal sakin
ni Alex.

"Candice.." mahina lang yung boses ni Jeydon.
"Ang stupid mo! bakit hindi ka lumaban ha?!" Hindi
ko na alam sasabihin ko. Yan na lang yung unang
nasabi ko.
"Kapag lumaban ako, sasaktan ka nila."
"Eh ano naman kung saktan nila ko? as if you care!
haist! ewan ko sayo!"
"Aish stupid." Ayoko lang aminin pero alam ko
naman yung ibig niyang sabihin eh. Hindi siya
lumaban kasi sasaktan nila ko pero bakit Jeydon?
bakit mo yun ginawa?

"Jedydon.."
"Hmm?"
"Ang sakit.."

Naiiyak na ko. Sobrang sakit na kasi talaga ng
pisngi ko eh. Alam ko namang mas masakit yung
nararamdaman niya kumpara sakin pero hindi ko
talaga kaya eh. Napasandal na lang ako kay
Jeydon..

Gusto kong matulog.. Gusto ng pumikit ng mga
mata ko..

"Mianhae.. Candice. Mianhae." [Mianhae =
Sorry]

Jeydon? Nag so-sorry ka ba?

**

Ang sakit sa mata ng sikat ng araw. Sino ba kasing
nag bukas ng kurtina ng kwarto ko?! sabi ko ng
ayoko ng nakabukas yan eh. Nagigising ako sa
masarap kong tulog sa malambot kong kama.
Kama ko?
Napatayo agad ako.

Bakit nandito na ko sa kama ko?! Di ba kasama ko
si Jeydon? bakit nandito na ko? Ano ba kasing
nangyari? panaginip lang kaya yun? pero...

OUCH! ang sakit pa din ng pisngi ko. Tumayo agad
ako sa kama ko, humarap ako sa salamin.
Namumula pa nga yung pisngi ko. So totoo yung
mga nangyari? pero umaga na eh. Ang na alala ko
nakatulog ko sa tabi ni Jeydon tapos alam ko
papunta na daw sila Kuya Charles tska si Troy dun
sa warehouse. Hindi kaya dinala na ko ni Kuya dito
sa bahay? tapos ngayon lang ako nagising.
Teka anong oras na ba?

11:30 AM.

Waaa super late na ko sa school. Bakit walang
gumising sakin? Dapat kumain na ko tska maligo.
Palabas na ko ng kwarto ko. May nakita akong
note sa pinto.

Candice,
Hindi alam ni Mama yung nangyari kagabi.

Wag mo ng sabihin para hindi siya mag alala.
Sinabi ko na lang na masama yung
pakiramdam mo. Wag ka na pumasok ngayon
mag pahinga ka na lang sa bahay.
-Charles.

Wag pumasok? pero hindi pwede! ngayon yung
Pre-pageant! hindi pwedeng wala ako. Paano na
lang yung section eleven? Hindi ko sila pwedeng
iwan sa ere tska okey na naman ako eh. Makaligo
na nga.

Ten minutes lang ako naligo. Nag ayos ako saglit.
Yung mga damit pala? Aish! ano ba to, natataranta
tuloy ako. Bahala na nga mamaya, bahala na si Sir
jason. Pumunta ko agad ng kusina. Nakita ko si
Yaya sakto kakaluto lang ng pagkain.

"Oh Candice? Papasok ka ba? Akala ko ba masama
yung pakiramdam mo?"
"Hindi po ko pwedeng hindi pumasok Yaya eh! Si
mama po?"

"Pinasyal si Cholo sa may park. Teka lang bata ka,
napano naman yang pisngi mo? may umaway ba
sayo?"

Tinakpan ko yung pisngi ko. Kumuha agad ako ng
pagkain. Kaylangan makapasok na ko.

"Wala po to Yaya."

After six minutes na kain, nag decide na ko
pumasok.

"Candice, sigurado ka bang papasok ka? Alam ng
Mama mo na absent ka."
"Opo! Yaya paki sabi na lang po kay Mama na
kelangan ko talagang pumasok! Sige na po. Bye!"

Kinuha ko agad yung bag ko. Umalis agad ako sa
bahay. Ang dami na naman itatanong niyan ni
Yaya eh. Kelangan bilisan ko na. Nakakainis wala
pa naman masyadong dumadaan na taxi dito sa
subdivision namin. Kelangan tumakbo na ko.

Teka si Jeydon kaya kamusta na? Okey lang kaya
siya? Papasok kaya siya?
Sana okey lang siya.

Malapit na ko sa school namin, sa tapat ng gate
may naka bangga akong magandang babae.

"Mianhae.." [Mianhae=Sorry]

Tapos umalis siya. Bakit kaya siya nasa tapat ng
school namin? tska korean pala siya. Mianhae daw
eh...
Biglang akong may na alala.

"Mianhae.. Candice. Mianhae."

Hindi ako pwedeng magkamali eh, sinabi yan ni
Jeydon kagabi. Bakit kaya siya nag sorry? tska ano
ba yung buong nangyari kahapon? Sumasakit lang
tuloy lalo yung ulo ko. Isa lang makakasagot sa
lahat ng mga tanong ko eh..

JEYDON!
30: Preparation

Pagkapasok ko pa lang sa school nagkalat na agad
yung mga studyante. Wala pa namang Lunch ah?
Ano kayang meron? Nag simula na kaya yung Prepageant? Lagoot ako neto.
Pumunta akong room ng section one. Nakita ko
yung mga classmates ko na busing busy.
Inaayusan nila si Margot. Wala na ba kaming math
class? Haist na late lang ako ng apat na subject
wala na akong ka alam alam. Mapuntahan na nga
lang si Sir Jason.
"Hoy Candice! Bakit andito ka?! I thought
representative ka ng section eleven? Tska bakit
wala ka kanina?" Aalis na nga sana ako eh kaso
napansin mo pa ko.

"Absent siya sa apat na subjects kanina Bubbles."
Singit naman ni Anne.
"Ah bakit? nag prepare ka pa ba para sa Prepageant? Haha!"
Ako nag prepare? Bitch please. Hindi ko nga alam
yung salitang prepare sa oras na to eh.
"Anong oras ba yung Pre-pageant?"
"Isang oras na lang. Hindi ka pa ba mag hahanda?
Bakit confident ka na ba na mananalo ka? Ew! As if
mapapasama ka sa magic 8!" Nakataray pa sakin
sinabi ni Blossom.
"Ah sige ah. Bye." Hindi na lang ako nakipagtalo sa
powerpuff girls. Isang oras? Sheteng kalabaw!
Makakapag prepare pa kaya ako nun?
Habang dumadaan ako sa rooms ng ibang
candidates, lahat sila nag hahanda na. Eh ako
kamusta naman? Hindi ko nga alam kung may
damit ako para mamaya eh. Hindi ko kasi nadala

yung mga damit na binigay sakin ni Ate Jaycee
kahapon. Hindi pa kami nakapag ready ni Mama sa
mga gagawin ko mamaya. Patay na talaga ako.
Baka mapahiya lang ako mamaya.
Habang tumatakbo ako papunta sa room namin
biglang may humawak sa braso ko.

"Candice.."

"Ma-marky?" Hinawakan niya yung mukha ko.
Yung right cheek ko. Medyo sumakit nung
hinawakan niya kaya napa atras ako. Inalis naman
niya agad yung kamay niya tapos nakatingin siya
sakin. Mukhang nag aalala siya. Alam na siguro
niya yung nangyari kahapon?
"Na kwento na sakin ni Troy lahat. Sorry wala
akong nagawa.. Masakit pa din ba?"
"Okey lang nuh. Wag ka mag alala kasi okey na
ko. Thanks." Hindi ako maka tingin sakanya ng
diretso, natutunaw kasi ako kapag tumitingin ako
sa mata niya. Seryoso >.<

"CANDICE!!"

Napalingon kaming dalawa ni Marky kay Troy.
Tumatakbo siya papunta samin.
"Bakit pumasok ka na?! Okey na ka ba ha?"
Hinawakan niya yung balikat ko. Mukha din siyang
nag aalala sakin.
"Oo okey na ko! Malayo to sa bituka."
"Ah buti naman. Teka sasali ka pa din ba sa
pageant? Isang oras na lang mag sisimula na yun."
Ay nawala sa isip ko. Si Marky kasi kinausap ako
eh. Haha.
"Oo nga pala!"
Tumalikod muna ko kay Troy tapos hinarap ko si
Marky.
"Marky sige ah!"

"Sige goodluck Candice. See you later." Lumapit
siya sa tenga ko tapos may binulong siya sakin.
"Madami pa tayong pag uusapan." Sabay kindat
sakin. Waaa! pwede na ba mahimatay? As in now
na?
Ngumiti pa siya sakin. Parang gusto ko ng
matunaw, bakit kasi ang gwapo niya?! Hays.
"Sige Troy, kaw na bahala kay Candice, balik na
din ako sa room."
"Sige pre."
Pagkaalis ni Marky, pumunta na din kami sa room
ng section eleven. Hindi ma alis alis sa mukha ko
yung ngiti.
Pag dating namin sa room, yung mga classmates
ko parang ang tahimik tapos naka simangot.
Anyare?
"Akala kasi nila hindi ka na makakasali eh."
"Seriously? Kaya sila malungkot?" Tumango lang si
Troy.

"CLASSMATES! ANDITO NA SI CANDICE!"
Napatingin sila samin ni Troy. As in lahat sila ah!
Kasama si Sir Jason. Ilang segundo ng
katahimikan.
1..
2..
3..
"Wuhooo!"
Lahat sila nag sigawan. Akala mo nanalo sa lotto
na ewan eh. Ano kayang nakain ng mga to?
Natawa tuloy ako bigla.
"See?"
"Oo nga.. Haha natatawa ako."
Lumapit samin si Sir Jason. May ngiti na din sa
mukha niya. Para siyang nabunutan ng tinik sa

expression niya.
"I'm glad you made it Candice!"
"Yun oh!"
"Mananalo na tayo niyan!"
"Go Candice!"
Natutuwa talaga ako sa kanilang lahat. Ramdam
na ramdam ko yung suporta nila para sakin. Kung
dati baliwala ako sakanila ngayon todo suporta na
sila sakin. Lumaki lalo yung ngiti ko.
"Dapat mag ready na tayo!"
"Yun nga po Sir eh, wala po ako akong dalang
damit eh."
"Don't worry pinadala ko na yun dito kanina. May
feeling kasi ako na dadating ka eh. Eto oh!" Inabot
sakin ni Troy yung paper bag na galing kay Ate
Jaycee.
"Thank you Troy."

"Good! Mag bihis ka na muna Candice! Tapos
andito yung dalawa kong sisteret para ayusan ka.
Don't worry Candice kaya natin to. FIGHTING!"
Nag bihis muna ako ng dress na pinilin sakin ni Ate
Jaycee. Sabi niya yung blue dress daw muna yung
isuot ko. Fitted siya tapos madaming glitters.
Pagkabihis ko, bumalik ako sa room. Lumapit sakin
yung dalawang bakla na kaibigan ni Sir Jason, Salt
at Pepper name nila. Ang cute ng name nila! Haha.
Sa lahat ng nga baklang nakilala ko silang tatlo ni
Sir Jason yung pinaka gwapo. Sayang talaga.
Hehe.
Si Salt yung nag make up sakin, si Pepper sa
buhok ko. Tapos si Sir Jason tinuturuan naman ako
ng mga gagawin ko mamaya. Sinilip ko sa salamin
yung mga classmates ko sa likod namin.
Gumagawa sila ng banners. Tapos si Troy yung
nag iinstruct sa kanila. Full support talaga ako ng
Section eleven. Touched naman ako dun. *Sob*
Dapat mapasama ako sa magic 8 mamaya. Ayoko
ma disappoint silang lahat sakin. Minsan ko lang
silang makitang ganyan eh. Huhu! Kinabahan tuloy
ako.

Kaso may naramdaman akong kakaiba. Parang
may kulang eh? parang walang nang aasar sakin..
walang nang iinis.. walang maingay..
Si JEYDON!
Napalingon ako sa likod ko wala siya. Aish! Bakit
nawala siya sa isip ko? Asan na ba siya? Okey lang
kaya siya? Hindi ko maiwasan na mag alala para
sakanya..
Sana ayos lang siya. Hindi ko mapapatawad yung
sarili ko kapag may nangyari sakanya. Dahil sakin
kaya siya napahamak. Kayang kaya niya sanang
labanan yung mga lalaki na yun kung hindi lang
dahil sakin.
Ngayon lang din pumasok sa isip ko.. Ilang beses
na ba ko niligtas ni Jeydon?
Nung una kay Brandon. Dun sa lalaking bumastos
sakin sa CR. Sa powerpuff girls. Tapos kahapon..
sa mga lalaki na yun.

Madaming beses na din pala pero kahit isang thank
you wala man lang ako nasabi sakanya. Nalungkot
tuloy ako. Hays. Sobrang sama ko na ba kay
Jeydon?
Dahil sa asaran namin, sa inisan, hindi ko na
napapansin yung mga magagandang bagay na
nagawa niya para sakin.
Sorry Jeydon.

"Ayan! Ang ganda ganda mo na Candice!"
"Ang galing mo Salt. Candice you're a Goddess."
"Oo nga. Thank you mga bakla ha! I can't do this
without you two."

Ang bilis namin natapos. Nag group hug silang
tatlo nung nakita nilang okey na lahat. Tapos nag
paalam muna sila na aalis para iupdate kung
anong next na gagawin namin.

Nung pagkatayo ko lumapit naman sakin yung
mga classmates ko. Lahat sila naka tingin sakin.
Eh >.<
"Candice ang ganda mo.."
"Candice grabe makalaglag panga."
"Wow! for sure mananalo na tayo neto."
"Hep hep! Tama na muna yan! Tapusin muna natin
yung mga banner tska yun mga poms poms okey
na ba?"
"Malapit na to boss Troy." sabi Ginno.
"Tara tapusin na natin! Excited nakooo." Parang
bata naman to si Six. Nakakatuwa.
Bumalik ulit sila sa mga ginagawa nila. Hinawakan
naman ni Troy yung balikat ko tapos hinarap niya
ko sa may salamin.
"Ang ganda mo Candice.. for sure mananalo tayo
neto."

"Sana nga Troy.. ayoko idisappoint yung section
eleven. Todo suporta sila sakin eh."
"Tiwala lang! tska kahit na hindi ka manalo
panigurado naman na susuportahan ka pa din ng
Badburn!"
"Badburn?"
"Buong section eleven tapos kami ni Jeydon. Yan
yung tawag namin sa grupo namin. Grupo ng mga
gwapo!"
Speaking of...
"Troy.. si.. si Jeydon. Kamusta?" Hindi ako
makatingin kay Troy. Nahihiya akong itanong si
Jeydon sakanya. Mamaya lagyan na naman niya
ng malisya eh! Alam mo naman yang lalaki na yan
number one sa pang aasar sakin kay Jeydon.
"Dinala namin siya sa ospital kagabi."
Ospital? ganunba kalala yung lagay ni Jeydon?

Para akong nanigas. Sana hindi malala yung lagay
ni Jeydon. Kahit aso't pusa kami, ayoko naman
may mangyaring masama sakanya. Isa pa dahil
naman sakin kaya siya nag kaganun eh. Kung
hindi niya sana ako inisip sana nakaganti siya dun
sa mga lalaki.
"Candice?" hinawakan ni Troy yung kamay ko.
"Wag ka mag alala kay JD.."
"Pero yan din yung sinabi mo sakin dati! pero ano
nangyare? napahamak pa din siya!"
Nagulat ata si Troy sa sinabi ko. Napalakas kasi
yung pagkakasabi ko sakanya nun. Napangiti na
lang siya.
"Alam mo Candice masaya ako kasi nag aalala ka
na din kay Jeydon.."
"Huh! Hindi nuh! Kasi ano.. dahil sakin kaya siya
napahamak.. kaya ayun." Eh sa ayoko aminin
sakanya na nag aalala nga talaga ako sa Abnormal
na yun. Aasarin na naman niya ko eh!
"Hindi naman masama mag alala eh! Ikaw talaga.
Don't worry, Alam mo ang masamang damo

matagal mamatay! Haha! Okey?"
"Sabagay.."
"Haha! intindihin mo na lang muna yung prepageant okey?"
"Okey boss.."
Bumalik siya sa ginagawa nilang banner. Ako
naman umupo lang ulit sa harap ng salamin.
Napangiti ako sa itsura ko. Nag galing nila Sir
Jason, napaganda talaga nila ako. Sana mapasama
ako sa magic 8. Hays kelangan mag concentrate sa
pre-pageant.
Concentrate..
Concentrate..
Concentrate..

Waaa! Naiisip ko pa din yung abnormal na yun.
Alam ko masamang damo siya pero tao pa din
naman si Jeydon. Iniisip ko nga din yung mga
sugat niya sa mukha eh. Paano na lang yung
mukha niya? yung gwapo niyang mukha? Hays

sige na gwapo na nga siya! Niligtas naman niya ko
eh. Na gu-guilty tuloy ako. Sana pala hindi ko siya
sinundan sa may Rest room. Sana hindi ako
nakuha ng mga lalaki na yun.
Aish! Eto naman kasi si Jeydon. Mas inisip pa ko,
pwede naman niyang labanan na lang yung mga
yun. Ano naman kung may mangyari sakin? atleast
ligtas siya di ba? Nag aalala kaya siya sakin?
Malabo yun.. Mortal enemy kaya kami? Baka
ginawa niya yun kasi nga kapatid ako ng tropa
niya at lagot siya kay Kuya Charles kapag
nasaktan ako.
Ang pinagtataka ko lang bakit pa ako kinuha ng
mga lalaki kung si Jeydon naman talaga yung
gusto nila di ba? Akala siguro nila Girlfriend ako ni
Jeydon at alam nila na hindi lalaban si Jeydon para
protektahan ako.
Ang swerte naman ng magiging Girlfriend ng
abnormal na yun pagnagkataon. Biruin mo yun?
Buwis buhay para lang maprotektahan niya yung
mahal niya?
TEKA!

Ano ba tong pinag sasabi ko?
Erase.

"Orayt guys! Tara na sa may field! The Prepagenat will start in Ten minutes!"
"Yown! tara na sa Pre-pageant!"
Waaa start na! Kinakabahan na ko >.<
Naramdaman ko ulit yung kamay ni Troy sa balikat
ko. Buti na lang andito siya, nawawala kahit
papaano yung kaba ko.
"Kaya mo yan! Andito lang kami para sayo."
"Thank you Troy."
Sabay sabay kaming pumunta sa field. Lahat sila

nag chi-cheer sakin kahit nasa corridor pa lang
kami. Napapa tingin tuloy samin yung mga
studyante. Napansin ko din na habang dumadaan
kami sa corridor nagtitilian yung mga babae. Oo
nga pala, section eleven lang naman kasi yung
kasama ko. Section ng mga bad boys pero section
di ng mga PINAKA GWAPO sa school. Kung iisipin,
bigtime mga taga cheer ko.
Nung nasa dulo na kami ng corridor, hinarangan
kami ni Mang Eduard. Yung Head care taker ng
school.
"Section Eleven!"
Hinarap naman siya ni Sir Jason.
"Yes Mang Ed?"
"Hindi kayo pwedeng manuod ng pre-pageant. May
community service pa kayo ngayon sa school. Tara
sa Garden."
"Ano? Paano namin i cheer si Candice?!"
"Mang Ed naman eh! Sa ibang araw na lang!"
"Oo nga! Kaylangan namin manuod!"

Pagmamaktol nila. Napakamot na lang ng ulo si Sir
Jason. Naku! walang makakawala sa community
service ni Mang Ed.
"Boys, Im sorry to say pero mandatory to. You
need to do this."
"Ano ba yan?"
"Aish!"
"Hays! KJ naman."
Wala na silang nagawa. Padabog na lang silang
nag walk out.
"Candice, hintayin mo kami ah! Kaya mo yan!"
Nag smile lang ako kay Troy bago siya umalis.
Kaya ko nga ba talaga? Huhu ewan ko. Tapos
ngayon wala pa sila? lalo akong kinabahan eh.
Dumeretso kami nila Sir Jason, Salt at Pepper sa

field. Ang daming studyate. Huhu! Nanginginig na
ata ako sa kaba. Todo support yung mga sections
sa candidate nila. Eh! naiingit naman ako. Okey
lang! alam ko naman todo support sila sakin kahit
wala sila dito eh. FIGHTING LANG!
"Kaya mo yan Candice okey? Andito pa naman
kami nila Salt at Pepper eh."
"Thank you Sir."
"Sige pumunta ka na sa back stage."

Pag punta ko naman dun nandun na lahat ng mga
Candidates. May dalawang Second year may mga
Third year din tapos yung iba puro Fourth year na.
Nakita ko agad si Margot. Nagulat naman ako
mung nakita ko si Abby. Siya pala representative
ng section two. Hinanap ko agad yung upuan ako.
Huhu lakas ng tibok ng puso ko. Ang gaganda kasi
ng mga kasali. 14 lahat kami pero 8 lang yung
makakapasok sa Final coronation.
"Okey guys! lalabas kayo sa stage once tinawag na

yung number niyo okey?"
Number 19 ako. Last pa ako. Lahat na ng pressure
at kaba nasa akin na. Hays. Sana andito si Mama
at Yaya o kay si Kuya para naman makalma ako.
Sabi naman ni Sir, mag papakilala muna, isang
rampa tapos isang Question and Answer portion.
Isa isa ng tinawag yung mga contestants.
Paglabas pa lang nung unang contestant
magpalakpakan na sila. Tapos after niya
magpakilala tinawag na yung susunod. Iniisip ko
yung mga tinuro sakin ni Sir Jason kanina pero na
mental block ako eh. Huhu.
Nung tinawag si Abby ang lakas ng palakpakan.
Sabagay maganda naman kasi talaga siya eh.
Alam ko ng crowd favorite siya pati yung naunang
dalawa kanina. Kinabahan tuloy ako lalo.
Kaming dalawa na lang ni Margot yung natira.
Nginitian niya ko. Medyo nawala yung kaba ko dun
kaso nung tinawag na siya sobrang lakas ng cheer
ng mga tao bumalik na naman yung kaba ko.
Sigurado ako nangunguna yung section one sa pag
cheer sa kanya. Rinig na rinig ko yung tili ng

powerpuff girls.
Anong sasabihin ko mamaya? Waaaa! Nangingjnig
na ko sa kaba at takot.

"And last but not the least.. Contestant number
19!"
Parang slow mo yung pag akyat ko sa stage.
Panigurado walang mag chi-cheer sakin kasi wala
dito yung section eleven. Baka nga i BOO pa nila
ako eh. Huhu. Bahala na kung batuhin nila ako ng
kamatis. Pag ka angat ko sa stage..
Wala akong marinig, para akong nabibingi..
Pinikit ko yung mata ko. Tama ba tong nakikita ko?

Bakit ganito?

31: Pre pageant

Nabibingi ako sa sigaw ng mga tao.
Totoo ba to?
Nag chi-cheer sila sakin? Tska bakit andito na yung
buong section eleven? Akala ko ba mag
cocommunity service sila? Namamalikmata lang ba
ako?

"GO CANDICE!"

Uhm? Okey hindi ako namamalikmata. Andito nga
sila. Kasi naman grabe to mag cheer si Troy eh!
Abot ata hanggang kabilang school yung sigaw
niya. Haha! Medyo nawala naman yung kaba ko

nung nakita ko sila. Buti na lang talaga andito sila
kundi hindi ko na alam gagawin ko. Hays.
After ko maka recover sa nakaka gulat na
pangyayari na yun. Pumunta ako sa tapat ng
microphone. Kaya mo yan Candice! Hinga munang
malalim. GO! FIGHTING!!

"Im Candice Gonzales. Fouth year
Representative of Section eleven. And I do
believe that Everything has beauty, but not
everyone sees it."

EH! Tama ba sinabi ko? Tahimik silang lahat eh.
HUHU! Nag smile naman ako pag katapos ko mag
pakilala eh.

"Wooo! Ang galing mo Candice!"
"Ang ganda ng sinabi mo!"
"Go Number 19!"

Biglang nag ingay na naman yung mga tao. Grabe
para akong nabibingi. Tapos ang lakas pa ng sigaw
ng Section Eleven. Pasimuno pa to si Troy. Psh!
Kung may award lang ng best supporter sila na
yung panalo. Haha! Sila na!
"Wow! ang daming supporter ni Candidate number
19. Thank you for that and you can now join the
rest of the Candidates."

Tumabi ako kay Margot. Hays buti na lang nairaos
ko yung introduction ng maayos. Akala ko mag
kakalat ako eh. Habang may sinasabi yung
dalawang emcee. Tinignan ko yung audience.
Nakita ko naman agad si Kuya Charles kaso naka
tingin lang siga sa iPad niya. Huhu! Yah! Oppa! Are
you still mad at me? Mag cheer ka naman sakin!
Huhu! *sad face* [Oppa = Older guy]
Katabi naman ni Kuya Charles si Marky. At take
note nakatingin siya sakin. Enebe! Hehe nikikilig

ako eh. Nung nag kasalubong yung mata namin
nag okey sign siya. Tapos naka ngiti siya sakin.
Ngumiti lang din ako sakanya. Tapos bigla siyang
tumingin sa kanan ko. Napatingin din ako dun
nakita ko si Abby ang sama ng tingin sakin.
Waaaa!! ano ginawa ko? parang kakainin niya ako
ng buhay.
Inalis ko na lang yung tingin ko sakanya.
Napatingin ako sa Section One. May banner din
sila, nakalagay 'Go Margot'. Nakita ko din yung
Powerpuff girls na makataas yung kilay sakin.
Bakit ako na naman? Ano na naman ba ginawa ko?
Why everybody is mad at me? Wala naman ako
ginagawa ah. Huhu *pout*
Inalis ko na yung tingin ko sakanila. Bahala sila.
Mas mabuti pa sa Section Eleven na lang ako
tumingin. Pag lingon ko pa lang sa area nila,
napansin ko na agad yung mga banners na ginawa
nila.

'Go Candice!'
'Candice you're the BEST!'
'We love you Candice'

Ehhh. Ang sweet naman nila, pwedeng maiyak?
Hehe. Ang cute ng mga gawa nila. May hawak pa
na pom poms yung ibang Badburn. Naka thumbs
up lang sakin sila Sir Jason pati si Troy. Kumaway
lang ako sakanila.
Yah! Thank you guys. Im so touched.

"Okey! Candidates wearing their Gorgeous dress is
up next but before that we'll have some dance
number from the third years muna."
Inassist kami nung isang organizer papuntang
back stage. Hays salamat makakapag break muna
kami. Makaka hinga ako kahit papaano.
Bigla naman sumulpot sila Sir Jason.
"Candice dali re-touch ka muna!"

Hindi pa ko nakaka oo, nilagyan na ko ng make up
ni Salt. Tapos todo ayos naman si Pepper sa buhok
ko. Si Sir Jason naman todo praise sa mga sinabi
ko kanina. Ang bilis nga niya mag salita eh, hindi
ko na tuloy na gets yung sinabi niya.
Tinawag na kami nung emcee para sa rampa
rampa na yun. Wala akong practice maglakad
gamit yung high heels ko eh. Huhu! Sige expect ko
ng madadapa ako mamaya.
"Candice I know kaya mo yan! Focus lang."
"Thank you sir."
Nung nasa hagdan na ko dun sa last step, as
expected natapilok ako. Huhu! Buti na lang wala
pa ako sa stage. Yung ibang candidates lang yung
nakakita. Kaso ang sakit ng paa ko.
"Haha! Sasali sali sa kasi sa mga pageant hindi
naman pala marunong."
Nilagpasan ako ni Abby tapos binangga pa niya
ako. Buti na lang nahawakan ako ni Margot kundi
baka nahulog na ko pababa.

Yah! You're so bad Abby! T__T

"Okey ka lang?" Tanong sakin ni Margot.
"Oo thank you ah."
"Kaya mo yan! Kaya natin to."
Lumakas yung loob ko sa sinabi ni Margot. Buti na
lang mabait siya sakin. Akala ko tatarayan niya din
ako. Sabagay dati ko pa naman napapansin na
mabait talaga siya eh. Sila Blossom lang talaga
yung malakas mang bully sakin dun sa Section
One.
Isa isa ng lumakad sa stage yung mga Candidates.
As usual huli kami ni Margot. Mas nakakakaba ata
yung mahuli kasi nakikita mo yung ibang kasali na
ang galing rumampa. Huhu. Lalo ata akong
kinabahan nung lumakad na si Abby.
Palakapakan yung mga tao nung siya na yung

lumalakad. Pati sila Marky at Kuya. Waah! Im
jealous! Buti pa si Abby naka cheer si Kuya. Hmp!
sabagay Section Two din nga pala to si Abby. Kahit
sila Stacey nag chi-cheer din para kay Abby. Bakit
kaya hindi sumali to si Stacey? pero mas okey na
din yun. Haha!
Napatingin ulit ako kay Abby. Ang galing talaga
niya maglakad. Graceful tska alam mong sanay na
sanay siya. Ang sexy pa niya. Hays. Walang wala
ako. Huhu goodluck na lang sakin mamaya.
Maya maya tinawag na si Margot. Waah! Ako na
susunod. Habang papalapit ako mas lalo akong
kinakabahan eh.
"And of course.. Candidate Number 19."
Pwede na ba ko mag back out? now na. AYOKO NA
EH.
Huhu. Bahala na si Batman, Superman at Ironman.
Sana kung madadapa ako hindi ganun kalala.
Ayoko mapahiya yung Section Eleven eh. Tska
nanunuod kaya sakin si Marky. Nakakahiya naman

kung madadapa ako di ba.
Sinundan ko lang yung carpet na dadaanan namin.
Wala na akong paki alam kung para akong tanga
maglakad dito. Basta hindi lang ako madapa.
Focus lang dapat.
*FOCUS*
Bawat hakbang ko ramdam ko yung sakit sa paa
ko dahil siguro sa pag kakatapilok ko kanina. Kahit
anong sakit pa yung nararamdaman ko ngayon
mas inisip ko pa din na dapat ako mag focus.
Nakatingin lang akong deretso. Parang bulang
nawala yung mga tao. Parang ako lang yung
nandito. Hindi ko alam paano nangyari yun basta
nag focus lang ako. Hindi ko pinapansin yung mga
tao sa pagilid ko. Effective ata siya kasi mas
gumaan yung paglakad ko. Magaan sa
pakiramdam, unti unting nawawala yung sakit sa
paa ko. Grabe parang naglalakad lang ako na naka
flat shoes.
Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako. Yay!
Im finished. Akalain mo yun? Nairaos ko yun ng

hindi nadadapa. Wala na akong paki kung
maganda ba yun o hindi. At least hindi ako
nadapa. Waaa im so proud of myself. *sob*
"Ang galing mo Candice."
"Ta-talaga?" Nauutal pa ko. Talaga nagalingan ka
dun Margot? Wala akong ka alam alam sa mga
pinag gagawa ko dun eh. Hehe!
"Oo kaya! Sana makapasok tayo sa magic 8!"
"Oo nga! Sana!"
Pinabalik na ulit kami ng dalawang emcee sa back
stage. May kakanta daw muna bago yung Quetion
and answer. Hays. Makakapahinga na yung paa
ko! After ko kasi rumampa rampa bumalik yung
sakit sa paa ko eh.
Pagkaupo ko sa upuan ko para akong nabunutan
ng tinik. Sobrang sarap sa pakiramdam maka upo
ulit. Kaso hindi pa ko nakaka pahinga ng maayos,
nag parinig naman si Abby.

"Bakit pa kasi sumasali yung mga taong kahit mag
lakad lang ng maayos sa catwalk hindi pa
marunong? Hays. Sayang naman.. yung section pa
naman nila, section ng mga famous at pinaka
gwapong studyante dito."
Ayoko maging assuming pero parang ako talaga
pinaparinggan niya eh. Sabayan pa niya ng
masamamg tingin sakin. Eh Sorry naman hindi
talaga ako marunong sa mga ganun eh.
Hindi ko na lang siya pinansin. Ma didistract pa
ako. Isang segment na lang naman tapos na lahat
ng to eh. Pumasok man ako sa magic 8 o hindi,
honestly I don't even care. Basta ginawa ko na
talaga lahat ng best ko. Alam ko naman kasi na
hindi eto yung forte ko. Kaso iniisip ko lang yung
magiging reaksyon ng Section eleven. Ayoko sila
ma disappoint.
"Alam mo Candice, for sure naman sa Question
and answer mangunguna tayo kesa sakanila. Ikaw
kaya yung pinaka matalino satin."
Tama si Margot at mali ako. Yung susunod na
segment, ayun yung forte namin. Wala man

kaming beauty na katulad nila, may utak naman
kami. Lumakas tuloy ulit yung loob ko.
"Thank you Margot ah. Alam mo kung wala ka
siguro hindi ko na alam gagawin ko."
"Wala yun, sino pa ba mag tutulungan di ba?"
Bigla naman sumingit yung isang organizer.
Pinapatayo na kami, kelangan na daw namin
umakyat sa stage. Hawak kamay kami ni Margot
na umakyat ng stage. Habang nakatayo kami dun
nakita namin na mas lalong dumami yung tao
tapos seryoso silang nakikinig sa mga candidates.
Nawala na naman yung kaba ko kasi alam ko
naman na may maisasagot naman ako kahit
papaano sa tanong eh. Lalo na kung about sa
academics yun.
Isa isa ng tinawag nung emcee yung mga
Candidates. May fish bowl sa harap tapos bubunot
ka ng tanong dun.
May mga sumagot na maganda pero meron din
namang hindi. Malalaman mo naman agad yun sa
way pa lang nilang sabihin kung sigurado ba sila sa

sagot nila o hindi. Tska sa palakpak ng audience,
kung nagustuhan ba nila o hindi.
Sumunod na tinawag si Abby. Bumunot siya ng
tanong tapos binigay niya sa emcee.
"Okey Candidate number 14. Eto na yung tanong
mo.. Anong gagawin mo kung may mahal ng iba
yung taong mahal mo?"
Tahimik lang lahat. Nako naman, parang
kinabahan ako. Bakit may mga ganung tanung?
Wala pa naman akong alam about sa love. Ano
kayang isasagot niya?
"Para sakin naniniwala ako na if you really
love someone you should fight for him or her.
At kung sakin mangyari yun. Of course
ipaglalaban ko yung taong mahal ko kahit
patayan pa. Hindi ko siya hahayaan na
makuha ng IBA. Yun lang po Thank you."
"Thank you Number 14."

Nag palakpakan yung mga tao sa sagot niya. Ang

ganda nga ng sagot niya.
Bakit parang may pinang huhugutan siya sa sinabi
niyang yun? Pag ka talikod nga niya tumingin siya
sakin tapos ngumiti siya.
"Narinig mo naman yun di ba, Candice?"
Nanigas ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang
sabihin? Ano naman kinalaman ko dun sa sagot
niya?
OMO!
Hindi kaya dahil yun kay Marky? Hala! Eh bakit
naman? wala naman akong ginawa ah. Hindi ko
naman inaagaw sakanya si Marky kasi hindi namin
sakin si Marky at hindi naman kami eh. Isa pa
hindi naman ako yung may sabi na mag break sila
eh. Si Marky kaya may sabi nun! Kahit naman din
ako nagulat nung sinabi niyang wala na sila ni
Abby eh. Huhu! bakit nasisisi ako sa mga bagay na
hindi ko naman ginawa.

"Thank you Candidate Number 16, and Syempre
last but not the least... Candidate number 19!"

HALA! ako na pala. Msyadong lumutang yung utak
ko sa sinabi ni Abby. Hindi ko na tuloy narinig yung
sagot ni Margot. Lumapit lang ako sa harap ng fish
bowl tapos bumunot ako ng tanong. Feeling ko
kaya ko naman sagutin yung tanong. Hindi ako
msyadong kinakabahan.

"Okey, eto na yung tanong mo.."

Sana related sa academics, o kaya sa politics o
kahit sa current affairs.

"Since malapit na yung Fathers day, tamang tama
yung tanong na to. Candidate number 19, Pwede
bang sabihin mo samin kung gaano mo kamahal
yung father mo?"

Serioulsy?

Pinag lalaruan ba ako ng tadhana?

Sa lahat ba naman ng tanong, bakit yan pa?

Bakit tungkol pa sa Papa ko?

Parang tumigil yung mundo ko. Kung may tanong
man akong hindi inaasahan, eto yun. At kung may
tanong man akong hindi ko kayang sagutin, eto
din yun. Paano ko sasabihin kung gaano ko
kamahal yung tatay ko kung kinakamuhian ko
naman siya? At hindi ko kayang mag sinungaling.
Hindi ako magaling mag sinungaling..
Ang tagal ko ng nakatahimik.. naririnig ko na yung
mga tao na nag bubulungan.
Parang gusto ko ng maiyak. Dahil lang ba sa
Question and Answer na to kaya hindi ako
makakapasok sa magic 8? kaya ma di-disappoint
ko yung buong Section Eleven? Yung mga taong
sumusuporta at tumulong sakin? Hindi ko na alam
yung gagawin ko.

Pumikit ako.

Pag dilat ko, tumingin ako sa Section Eleven,
nakita ko silang hinihitay yung sagot ko.. kaso
parang may nakita ako sa gilid?
Sino yun? Nakatingin siya sakin eh?
Tinignan ko siya ng mabuti.. OMG!!

SI JEYDON.

Naka cap siya kaya hindi mo siya agad
mapapansin. Tinignan ko siya, nakatingin din siya
sakin. Para namang bumilis yung tibok ng puso ko.
Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa
ospital siya? Wag mo sabihin na minumulto niya
ko? Waaa hindi hindi! hindi pa siya patay! Ano ka
ba naman Candice.
Tinanggal niya yung cap. Nakangiti siya sakin.
Kakaibang ngiti. Parang may ibig sabihin yung ngiti
niyang yun eh.. parang may gusto siyang sabihin
sa ngiti niyang yun.

'Kapag hindi mo yan nasagot ng maayos pag
tatawanan kita buong school year'

Shete! No way! huhu. Ayoko!
Badtrip ka talagang abnormal ka. Makikita mo,
masasagot ko din to..
Huminga muna ako ng malalim..

"Gaano ko kamahal yung Papa ko?"

Tinignan ko si Kuya Charles, for the first time naka
tingin na siya sakin. Siguro hinhintay din niya kung
ano yung isasagot ko.

"Kahit na iniwan niya kami para sa iba.. kahit
na tatlong taon niya akong hindi naalala..
kahit na wala siya sa tabi ko kapag kaylangan
ko siya.. hindi ko pa din maiwasan na mag
alala para sakanya. Hindi ko pa din maiwasan
na umasa na babalik pa siya. Umasa na
babalik pa yung Papa ko, na minahal ako ng
sobra at minahal ko ng din ng sobra."

Alam ko pagkatapos kong sabihin yun, may mga
luhang tumulo sa mata ko. Hindi ko alam pero
damang dama ko yung tanong tska yung sagot ko.
Ayoko pa naman sa lahat pinag uusapan si Papa.
Tumalikod na nga ako agad pag tapos kong sabihin
yun eh. Narinig ko naman silang pumalakpak.
Bahala na kung maganda yung sinabi ko. Basta
alam ko galing yun sa puso ko.

"We will announce the magic 8 after ten minutes.
Candidates, hinga muna."

Hindi na kami pinabalik sa back stage. Kitang kita
ko tuloy yung mga tao. Halata kayang umiyak
ako? Baka kumalat na yung make up ko. Aish,
bahala na basta matapos na to. Nakakainis naman
kasing tanong yun, pinaiyak pa ko! hehe.
Tinignan ko ulit yung pwesto kanina ni Jeydon.
Luh? Asan na yung abnormal na yun? bakit
nawala? nag iimagine ba ako kanina? pero sure
akong nakita ko siya eh.

"Okey! we now have the results.."

Waaa! ayan na. Kinakabahan ako.

"Once we call your name, it only means na pasok
na kayo sa Magic 8."

Naghawak kamay lang kami ni Margot. Bahala na
talaga si Batman. Huhu. Siguro naman kahit hindi
ako mapasama sa Magic 8, hindi naman siguro
magagalit sakin yung Section Eleven.

"Candidate Number 14!"

Nag ingay naman agad yung buong Section two.
Hindi na naman ako nag tataka na nakapasok si
Abby. Magaling naman kasi talaga siya eh.
Napatingin ako kay Marky, mukhang masaya siya
na nakapasok si Abby. Eh! ano naman Candice
ha?! malamang Ex-Girlfriend niya yan.. tska malay
ko ba baka mag kabalikan pa sila.. hmm, ano ba
yan, sinasaktan ko lang sarili ko eh. I link ba
naman ulit yung Crush mo sa Ex niya? Baliw.

"Next is Candidate number 4!"

Nagsigawan naman yung mga third year. Habang
tumatagal, lalo akong kinakabahan. Paano kapag
hindi ako tinawag? wala naman talaga akong paki
alam kung ako lang naman. Ang iniisip ko lang Sila
Troy, yung buong Section Eleven na todo suporta
pa sakin. Yung mga macho, mga astig tska mga
gwapong lalaki yun, akalain mo ba namang
gumawa ng banner at may POMPOMS pa ah! Kung
hindi ba naman effort yung tawag mo dyan, ewan
ko na lang.
Anim na yung natawag. Waaa! dalawa na lang.
Hindi pa ako natatawag tska si Margot. Kung hindi
man ako matawag, mas gusto ko ng matawag to si
Margot, mas gusto ko siyang manalo eh.

"Candidate number 16."

Bago pumunta sa harap si Margot, nginitian muna
niya ko. Buti na lang pumasok din siya. Okey na ko
dun. I know naman na she deserves it.

"And of course.. last but not the least.."

Bahala na... Section Eleven, sorry na lang kung
hindi ako yung tatawagin.

"Candidate number..."

"NINETEEN!"
"CANDICE NA YAN!"
"GO NINETEEN!"

Waaaa. Hanggang dulo talaga todo cheer pa din
sila sakin.

"Number 19!"
Lahat sila nag ingay ulit. Nakita ko yung
Section Eleven na tuwang tuwa, nag tatalunan sila.
Ang saya saya nila. Bakit? ako ba yung tinawag?
hindi ko narinig eh >.<
Inalalayan na lang ako ng emcee papunta sa
harap. Waaa! ako nga talaga!

"And now, Ladys and Gentlemen.. your
MAGIC 8!"

May mga confetti sa paligid. Ang iingay ng
audience. Napayakap pa nga sakin si Margot eh.
Akalain mo yun, napasama talaga ako sa Magic 8?
Ang saya saya naman. Naiiyak na ako sa tuwa.
*Tears of Joy*
Bumababa agad ako sa stage, pinuntahan ko yung
Section Eleven.

"Ang galing mo Candice!""Grabe wala kaming
masabi!"
"Wooo!! this goes for a celebration!"

"Guys, Thank you ah!"

Waaa ayan na naiyak na talaga ako, dahil sa saya
at sa sobrang touched.

"Candice don't cry! Alam ko na! GROUP HUG!!"

Lahat sila lumapit sakin, tapos nag group hug
kami. Ang saya saya ko talaga. Hindi ko inaasahan
lahat ng to. Lahat ng suporta, lahat ng mga
nangyari. Parang nananaginip lang ako. Alam ko
OA na to, Pre-pageant pa lang naman to eh, pero
kahit na.

"Teka si Troy?"

"Ayun oh!" Tinuro nila yung stage.

"Syempre.. may dance number tayo galing sa
Basketball team natin!"

Nagsilapitan naman yung mga babae sa stage,
nakita ko si Troy, Kuya Charles, Ginno, Six pati si
Jeydon? So andito nga talaga siya. Tska teka lang
bakit wala si Marky? part din naman siya ng

basketball team ah? Hmm.. sabagay hindi naman
kasi niya hilig yung sumayaw eh.

"Presenting Xavier, Blue Dragons."

Nakakabingi yung sigawan ng mga tao. Lalo na
yung mga babae. Halos mapatid na yung ugat nila
sa kakatili. Hindi pa nga sila sumasayaw eh!!
Grabe ha.
Naka black shirt sila tapos naka sulat 'You Only
Live Once' tapos may cap din sila nakasulat naman
dun 'DOPE'. Ang angas nila tignan, sana andyan
din si Marky. Tinatanaw ko kung nasan siya pero
hindi ko siya makita.

"ANG POGI MO PAPA JEYDON!"
"I LOVE YOU TROY!"
"GO SIX! ANG HOT MO"
"CHARLES ANG SEXY MO!"
"GO GINNO!"

Nung tumugtog na yung music. Mas lalong
umingay. Nakaka bingi na tuloy.

[Song: Boyfriend by Justin Bieber]

Nasa harap si Jeydon, tapos yung apat naman
nasa likod niya.
Ang galing sumayaw ni Jeydon, ang swabe ng
galaw niya.. tska bakit ganun? kapag sumasayaw
siya parang mas gumagwapo siya? Ang lakas ng
dating niya.
Magaling din naman sumayaw yung apat eh.. Kaso
hindi talaga maalis yung tingin ko sa abnormal na
to. Ganito din yung naramdaman ko nung nasa
bahay kami nila Marky, yung sumayaw sila
ng Teach me how to doigie. Hindi ko maalis yung
tingin ko kay Jeydon. Ang angas niya kasi
sumayaw, parang nag iiba siya kapag sumasayaw.
Mapapa nganga ka na lang. Waaa! ano ba to!
Lahat sila todo hiyaw!
Isa lang masasabi ko sa performance nila. SWAG.

Malapit na matapos yung sayaw nila. Pagkatapos
nun, nag kasalubong naman yung mata namin ni

Jeydon. Tapos may kung ano naman akong
naramdaman. Weird.
After nun bumaba sila ng stage, lalapitan ko sana
sila kaso pinag ka guluhan sila agad ng mga
schoomates kong babae. Akala mo mo artista lang
eh. Makapag bihis na nga lang. Gusto ko ng
umuwi, gusto ko na kasing sabihin kay Mama na
nakapasok ako sa Magic 8 eh. For sure matutuwa
yun.

"Sir bihis na po ako!"
"HA?"
"SABI KO PO MAG BIBIHIS NAKO!"
"Ah okey okey!"

Hindi niya ko marinig sa ingay ng mga babae tapos
nag patugtog pa ulit sila ng music. Nag party party
pa yung Section Eleven sa field, sinasabayan nila
yung tugtog. Teach me how to Dougie yung kanta.
Nakakatuwa nga eh. Kaso ayoko sumali hindi
naman ako magaling sumayaw eh.
Pumunta na lang ako sa locker ko. Pag tapos ko
mag bihis, uuwi na ko.

Nagugutom na ko. Parang gusto ko tuloy kumain
ng siopao! >.<

"HUY!"

"Ay siopao!"
"Gutom?" Tapos tumawa siya. Anong problema ng
lalaking to?
"Anong.. anong ginagawa mo dito?!"
"Bakit? pupunta din ako sa locker ko eh.."
"Eh ang daming babae na nakapalibot sa inyo
kanina, naka alis ka agad dun?"
"Haha! Eh magaling ako eh, napanuod mo ba yung
sayaw namin kanina? Ang galing ko nuh.. nakita
ko nga titig na titig ka sakin eh.." Tumataas pa
yung dalawa niyang kilay tapos naka ngisi siya
sakin.
"Hoy abno! Ang kapal mo! Hindi kaya! hindi ko nga
alam na sumayaw ka pala dun! Tska alam ko kasi
nasa ospital ka!" Nakatingin lang naman ako ah?
hindi naman ako naka titig eh >.<

"Sus maniwala! tska bakit nag aalala ka ba sakin?"
Yung ngiti niya abot hanggang langit. Pfft! nang
aasar na naman tong abnormal na to.
"Hindi nuh! Alam ko naman na ang masamang
damo matagal mamatay!"

"Masama pa ba ako nun? Eh niligtas na nga kita.."

Natigilan naman ako dun. Huhu, totoo naman eh,
niligtas niya ko.

"Ano.. kasi..."

Sabihin mo na candice, kayo lang naman tao dito
eh. Tska kapag nasabi mo na pwede mo namang i
deny na sinabi mo yun eh.. SABIHIN MO NA!!

"Thank you pala ah.."

Nakatingin lang ako sa sahig. Nahihiya ako! >.<

"Anong thank you?! Ililibre mo ulit ako ng Ice
Cream!"
"ANO?!"
"Bakit?" Lumapit siya sakin. Sa mukha ko pa. "Yun
na nga lang request ko eh." Nag pout siya. Ang
init! Ang init! ano ba naman to. Nilayo ko nga siya
sakin.

"Oo na! Sige na! layo nga! Lumayo ka!" Bakit
feeling ko namumula ako? Eto kasing lalaki na to
eh. Lapit ng lapit eh.

"Hahaha! ang cute mo talaga."
Tapos pinisil niya yung ilong ko. ANO DAW?! CUTE
ba yung sinabi niya? Cute daw ako? ABNORMAL
talaga niya! Tumalikod naman siya agad sakin.
Habang nakatalikod siya inangat niya yung kamay
niya.
"Bye Betty! Congrats pala!"

Waaaa. Bakit ganun si Jeydon? medyo bumait siya
ng mga 10 percent. Ganun ba talaga siya kapag na
oospital siya? Nalilito ako sakanya. Pa iba iba ng
mood eh.. baliw!
Una sabi niya ang cute ko daw, tapos nag congrats
naman siya sakin? Waaa magugunaw na ata
mundo eh. >.<

Makauwi na nga lang..

Pag uwi ko sa bahay, grabe akala mo may kung
anong celebration. Ang daming pagkain. Ang bilis
makasagap ng balita ni Mama. Ang saya saya niya.
Muntik pa nga siya maiyak eh. Kumain lang ako ng
kumain, gutom na gutom na ako eh. Tska ang
daming pagkain, as if naman mauubos namin to.
Kahit na dumating pa si Kuya Charles hindi namin
to mauubos eh. Si Mama talaga, kapag nag handa,
mahihiya yung salitang BONGGA eh.
Pagkatapos naming kumain, dumeretso ako sa
kwarto ko. Sumalubong naman sakin si Cholo.
"Hi baby! Na miss kita.."
"Rooo!"

"Na miss mo din si mommy?"
"Rooo!"

Nakahiga lang ako sa kama ko, katabi ko si Cholo.

Grabe yung araw na to. Overloaded.
TOO MUCH TO HANDLE.
Akalain mo ba namang mapasama ako sa Magic 8,
hindi pa kami nakapag prepare sa lagay na yun ah.
Tapos yung buong Section Eleven pa todo suporta
sakin. Ang saya saya ko...
Biglang nag flashback yung sayaw nila Jeydon
kanina. Hays. Ang galing niya talaga sumayaw.
Tsk. Ano ba naman yun, naisip ko na naman
siyang sumasayaw. Tapos kanina pa, kung ano ano
sinabi niya sakin. Epekto kaya yun ng gamot sa
kanya? Haha.
But im happy okey siya. Masaya din ako na
nakapag pasalamat na ko sakanya. Bah! hirap na
hirap kaya akong sabihin sakanya yun >.<

Excited na tuloy ako bukas. Feeling ko magiging
maganda yung araw ko bukas eh..

32: Im your Nurse

Ang aga ko nagising. Nakalimutan ko na sabado na
pala ngayon. Ano kayang magandang gawin? Hindi
na ko makakatulog ulit neto eh. Hmmpf.
Alam ko na makapag jogging na nga lang. Tama!
Kelangan ko na mag exercise. Tumataba na ako
eh! Huhu. Para naman hindi ako katawa tawa sa
Finals ng Ms. Campus. Mag papalit na lang ako
agad ng pang takbo para after ko kumain aalis na
ako agad habang hindi pa tirik yung araw.
Pagbaba ko nakita ko na sila Mama at Yaya. Ang
aga din nilang magising. Amoy ko na agad yung
niluluto ni Yaya na bacon. Yum! my favorite. Hehe.
"Good Morning Mama! Yaya!"

"Hi baby! Ang aga pa ah? Wala ka naman pasok."
"Nawala po sa isip ko na sabado na pala. Hehe."
"Talaga? Dati naman inip na inip kang dumating
yung weekends. Mag jo-jogging ka ba?"
"Opo mama!"
"Tamang tama pala yung luto ni Yaya. Kumain ka
muna."
"Teka lang Candice maluluto na din tong bacon
ko."
"Nag lalaway na ko sa amoy Yaya! Haha!"
Binilisan ni Yaya yung pagluto niya. Haha!
nagugutom na kasi ako sa amoy eh. Nung nilapag
naman ni Yaya yung food kumain na ako agad.
Akala mo isang araw hindi kumain eh! Kahit ang
dami kong nakain kagabi parang gutom na gutom
pa din ako.
Nagpababa lang ako ng kinain tapos nag paalam
na ko kala Mama na mag jo-jogging na ko. Dapat
isasama ko si Cholo kaso tulog pa eh. Yung chow

chow talaga na yun! Mana kay Kuya Charles! Tulog
mantika. Hmm. Galit pa din kaya sakin si Oppa?
Sana hindi na. Miss ko na asaran namin eh >.<

Habang nag jo-jogging ako, pumasok sa isip ko
yung sinabi sakin ni Mama. Dati kasi kapag
ganitong weekend ang saya saya ko kasi walang
pasok matatahimik ako sa bahay, magdamag na
mag babasa ng libro. Tska palagi akong tanghali
nagigising kapag ganitong weekend. Kaso ngayon
ang aga ko nagising, feeling ko kasi may pasok pa
din kami. Ewan ko ba kung dati dahil lang sa pag
aaral kaya ako pumapasok sa school parang
ngayon iba na. Parang mas na excite akong
pumasok sa school.
Ang bilis nga ng panahon. Dalawang linggo na pala
yung nakalipas simula nung mapansin ako hindi
lang nila Troy, Marky at Jeydon pati ng buong
school.
Yung tahimik na buhay ko. Yung kada lunch
pupunta lang akong library. Yung walang
pumapansin sakin kahit saan ako mag punta sa
school. Yung forever alone na drama ko. Wala man

lang akong kaibigan kahit isa. Tingin nila sakin
pangit na nerd ako. Weirdo at walang kwenta.

Ngayon totally opposite na.

Ngayon, kilala na nila ako. Hindi lang bilang
kapatid ni Charles. Bilang Candice Gonzales na.
Ngayon, may kaibigan na ako, si Tiffany at akalain
mo bang pati si Troy? Isang Troy Mendoza? Best
friend nga daw kami eh. Well sabagay, Best friend
na naman talaga turing ko sakanya. Isa hindi na
ako yung nerd na panget at manang manamit.
Ngayon, yung mga nang aasar sakin na Section
Eleven, akalin mo ba namang todo suporta na sila
sakin? Hays. Pati nga yung lalaking hinahangaan
ko, yung lalaking tatlong taon kong naging crush,
napansin na din ako. Hindi lang yun! sinabi niya pa
sakin na may gusto din siya sakin.
At syempre hindi pa dyan nag tatapos.. yung
tahimik kong buhay, ngayon ang gulo gulo na.
Dahil lang naman sa Abnormal na Jeydon na yun
na walang ibang alam gawin kundi guluhin yung
buhay ko. Siya talaga may pakana ng lahat ng to
eh.

"Ouch!"
Deretso sa lupa yung pwet ko. Huhu! Ang sakit.
"Naku sorry miss.. teka? Candice?" Pag ka angat
ko ng ulo ko may nakita akong isang dyosa.
Dyosang kamukha ni Jeydon. Waa nasisilaw ako sa
kagandahan niya. Hehe.
"Uhm? Hello po Ate Jaycee."
"Aigoo! Mianhae. Nag mamadali kasi ako eh."
Tinulungan niya akong makatayo.[Mianhae =
Sorry]
"May problema ba Ate?" Hingal na hingal na kasi
siya eh. Ano kayang Problema?
"Kasi si Jaydee, ang taas ng lagnat. Nabinat ata
kahapon. Nag pa admit kasi agad sa ospital tapos
kung saan saan pumunta. Namomroblema nga ako
kasi walang mag aalaga sakanya eh I have an
important meeting. Ayaw naman niyang palapitin
yung mga katulong namin. Hays! Sakit sa ulo."
"Eh si Troy po?"
"Hindi ko ma contact eh."

"Hmm.. Sige ako na lang po mag aalaga sakanya
habang wala kayo."
"Talaga Candice? Thank you! Hulog ka ng langit.
I'll call tita Candy para hindi ka hanapin sa inyo."
Hinawakan pa niya yung dalawa kong kamay tapos
nag puppy eyes. "Pasaway kasi yung doraemon na
yun eh! Sasapakin ko na yun eh. Hmppf!"
Bipolar din pala to si Ate Jaycee kanina ang amo
ng mukha tapos ngayon galit? Manang mana
sakanya si Jeydon. Kaso si Jeydon madalas
topakin. Huhu. Tska sino si doraemon? Si Jeydon
kaya yun? bakit naman doraemon? May naalala
tuloy ako..
Tama lang naman siguro na alagaan ko yung Abno
na yun. Ako naman kasi may kasalanan kaya siya
nag ka ganun eh. Para makabawi na din ako
sakanya.
Sinundan ko lang si Ate Jaycee papunta sa bahay..
este MANSION!
Grabe ang laki. Mansion nga talaga siya. Walang
wala sa bahay namin. Ang laki ng gate tapos pag

pasok mo pa lang may fountain na agad, anf dami
pa nilang mamahaling kotse sa may garage nila.
Ganito pala talaga sila kayaman.
"Good Morning Lady."
"Good Morning Baron. Nga pala siya si Candice,
kaibigan ni Jaydee."
"Good Morning miss."
"Ahm good Morning din po."
Napaka pormal naman nila dito. Tska sino kaya
tong baron na to? Eto kaya yung parang taga
pamahala dito sa bahay? Taray! Yaman talaga nila.
"How's my brother?"
"We didn't dare to look. You know him Lady."
"Hays I know. Don't worry! tutulungan naman tayo
si Candice. Right?" Sabay kindat sakin.
"Ha? Ah.. oh-opo." Eh! Bakit akoo? >.<
Dumeretso kami papunta sa kwarto ni Jeydon.

Grabe ang laki talaga ng bahay nila, di carpet pa
talaga yung daanan. Tska ang dami nilang
katulong. Bakit kaya ayaw mag pa alaga nung
abnormal na yun sa sandamakmak na katulong
nila? Ang arte talaga niya.
Huminto yung Baron sa tapat ng isang malaking
pinto. Kumatok siya.
"Young Master. Are you awake?"
Ang laki laki ng katawan niya pero halata mong
natatakot siya kay Jeydon. Bakit naman kasi..

"YAH! I TOLD YOU NOT TO DISTURB ME! GO
AWAY OR ILL KILL YOU!"
Waaa! now I know bakit siya natatakot. Siguro
umaapoy na sa loob ng kawarto noya kasi for sure
nag buga na ng apoy yung abnormal na dragon na
yun. Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng
ganun at hindi ko na kelangan na makita pa siya
para malaman na nakakatakot siya. Para nga
atang lumindol nung sumigaw siya, huhu.
Nakaramdam talaga ako ng takot.

Kumatok si Ate Jaycee pero walang nasagot. Ang
tagal namin hinintay yung sagot niya pero wala.
Umuusok na yung tenga at ilong ni Ate Jaycee.
Pareho talaga sila, mala dragon kapag nagalit,
umaapoy! Huhu.

"Nakatulog na nga. Aish! That kid!"
Tulog? Agad? Ang bilis naman makatulog ni
Jeydon.
Mag sasalita na sana si Ate Jaycee kaso biglang
may nag text sakanya.
"Oh no.. I really need to go. I dont have time for
Jaydee's drama. Candice kaw na bahala ah? I
know Jaydee will not be mad at you. Hehe
Fighting!"
Nag wink siya bigla sakin. Binuksan nung Baron
yung pintuan tapos tinulak nila ako papasok ng

kwarto ni Jeydon. M
Waaaaa! Wag po! Ayoko pa mamatay! Bata pa po
ako! Huhu! WAG PO! >___<
Kaso huli na. Nasa loob na ako ata nakasara na
yung pinto. Naririnig ko pa yung tawa nila sa
labas. Yah! Ate Jaycee! Ang bad mo! *pout*
Ang dilim naman. Ang taas ng ceiling ng kwato ni
Jeydon. Ang laki talaga, parang tatlong kwarto na
to sa bahay namin eh. Ang laki ng binatana kaso
may malaking kurtina naman na nakaharang kaya
madilim. Yung lamp shade lang sa tabi ng kama ni
Jeydon yung bukas tapos dalawang wall lamp.
Ayaw niya naman sa liwanag nuh? Pero kita ko pa
din naman yung kwarto eh.
Dapat kasi hindi nako nag presentang mag alaga
sa abnormal na to. Huhu! Natatakot talaga ako.
Bipolar tong lalaki na to eh. Huhu.
Biglang may kumatok, buti hindi nagising si
Jeydon.

Pag bukas ko may dalagang babae sa harap ko.
Maid kaya siya dito?
"Miss.. eto na po yung gamot ni young master.
Goodluck po!"
Waaaa! Bakit ka nag go-goodluck? Pag labas ko ba
ng kwarto na to pira piraso na yung katawan ko?
At kung makakalabas pa ko ng buhay. Huhu!
"Teka!" Hinila ko muna siya. Hindi ako mapakali sa
sinabi niya eh.
"Eh?" Mukha siyang kinakabahan.
"Bakit ka nag goodluck?"
"Ahm kasi po... Ayaw na ayaw po ni young master
na may pumapasok sa kwarto niya. Si Lady Jaycee
lang po yung may lakas ng loob na pumasok dyan.
Wala pa po ni isa na nag tangka maski sumilip
dyan sa loob. Tapos may sakit pa si young master,
mas lalo po siyang nakakatakot pag ganun.."

Tinatakot ba niya ako?

Kasi kung oo.. TAKOT NA TAKOT na ako eh.
Gusto ko ng lumabas!!!
"Miss dyan lang po kayo! Please alagaan niyo po si
young master."
Tinulak niya ko sa loob hawak hawak ko pa din
yung tray na may lamang tubig, gamot tska
mainit na tubig na may towel. Nilapag ko muna sa
gilid yubg tray sa tabi. Hinawakan ko yung door
knob. Waaaa! Bakit hindi na mabuksan?! Paano
ako lalabas neto? OMO! ayoko pa mamatay.

"Huhu! Palabasin niyo ako."

"Hmmm.."
Muntik na ako mapasigaw buti na lang nahawakan
ko yung bibig ko. Hala? Nagising na ba ulit siya?

Baka mamaya sigawan niya ko kapag nakita niya
ako. Hindi na ko mag tataka kung si Ate Jaycee
lang yung nakakapasok dito, alam ko naman na
siya lang yung katapat ng abno na to. Kaso ako?
Anong laban ko? Huhu! Tingting lang ako kumpara
sakanya.
Nilapitan ko siya. Ang laki naman ng kama niya.
Siguro ang lambot niyan? parang gusto ko tuloy
humiga. Eh! Ano ba yang iniisip ko.
Tska teka nga.. kung may sakit siya bakit pa ako
matatakot di ba? For sure nanghihina siya. At ako
yung mag aalaga sakanya. Aigoo! I shouldn't be
afraid. Paano siya gagaling? Paano ako
makakabawi sa ginawa niya? Ayoko na mag ka
utang na loob sa lalaking to nuh. Tska may sakit
siya, may sakit kaya kayang kaya ko siya. Kelan
ba ko natakot sa lalaking to?
Uhm.. siguro kanina >.<

"Jeydon?"

Ang kapal naman ng kumot na nakapatong
sakanya. Hindi naman ganun kalamig dito sa
kwarto niya. Actually, mainit nga eh kasi tinaasan
na yung temperature ng AC.
Lumapit pa ako sakanya pero tahimik lang ako.
Slowly but surely para hindi siya mag buga bigla
ng apoy sa mukha ko. Mukhang tulog pa nga.
Umupo ako tabi ng kama niya.
Pinagmasdan ko si Jeydon. Ang amo pala ng
mukha ng nilalang na to kapag tulog. Ang tangos
ng ilong niya. Tapos ang haba ng pilikmata niya.
Ngayon ko lang na appreciate yung ka gwapuhan
niya. Tapos yung ano...
Yung labi niya, ang nipis tapos ang pink. Bakit
kaya ang ganda pa din ng lips niya kahit na
malakas siya mag yosi? Sabi nila kapag nag yoyosi
daw iitim yung labi. Ang swerte naman niya.
Napansin ko din yung ilang sugat sa mukha niya.
Hindi na naman ganun kahalata pero kapag
malapit mapapansin mo pa din. Kahit na, gwapo
pa din niya...

"Sabi ko sayo kuhanan mo na lang ako ng
picture kasi ayoko ng tinititigan mo ko.."

Waaaaaa! Gising siya?

"Hoy! Ke-kelan ka pa gising ha?"
Binuksan niya paunti unti yung mata niya tapos
tinaasan niya ako ng kilay. Nakatingin lang siya
sakin.
"Nung naramdaman kong may nakatingin sakin.. I
mean NAKATITIG." Naka ngisi na naman siya! May
sakit ba talaga siya?!
"Kapal mo ha! Hindi kaya! Yuck!"
"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na
ayoko na may pumapasok sa room ko? kahit sila
Troy hindi nakakapasok dito."

Hala ayan na. Totopakin na naman siya. Baka
mamaya mag transform siya bilang dragon. Huhu!
Aalis na nga lang ako, mukha na namang okey na
siya eh.
"Ha? Si ano kasi.. Si Ate Jaycee alagaan daw kita..
pero mukhang okey ka na kaya aalis na din ako.
Hehe! Bye!"
Tumayo agad ako tapos dumeretso na pintuan.

"Stop."

Hahawakan ko pa nga lang yung door knob eh.
Andun na eh. Huhu!
"Eh?"

"Sit here."

Tinap niya yung kama niya. Sit daw? ano ako aso?
Huhu ayaw.

"Ano kasi.."
"I said sit here."
Hindi siya nasigaw pero may halong authority yung
boses niya. Ano ba tong pinasok ko? Dapat pala
hinayaan ko na lang siyang mag kasakit dito eh.
Huhu! Ay ang bad ko. Remember niligtas ka niya
Candice. Hindi lang once or twice, Madaming beses
na.
"Ano bang kelangan mo? Andun yung gamot mo
oh." Tinuro ko sakanya yung gamot niya.
"Aalagaan mo ko di ba?"
"Ha? Ano ako nurse mo? Siniswerte ka naman!

Tska okey ka na kaya."
Hinawakan ko yung noo niya.

OUCH! >.<

Ang init. Pwede na siguro akong mag prito ng itlog
sa noo niya. Grabe! napaso ata ako dun. Sige na
nga hindi pa siya okey.
"See? Im not okey. And it's all your fault."
"Bakit ako?! Sino ba kasing may sabi na wag ka
lumaban dun sa mga lalaki na yun?"
"Kahit na, nilalaganat na ko pag dating ko pa lang
sa shop ni Noona. Kaso anong ginawa mo?
pinalakad mo pa ko ng malayo. Lalo tuloy akong
nag kasakit tska.."

"Oo na! Kasalanan ko na.."
Eh bakit ba? ayoko na marinig Guilty much na nga
ko eh. Huhu. Lintek naman kasi tong Jeydon na to.
May sakit na pala, hindi man lang sinasabi. Kaya
pala parang may mali nung araw na yun. Kaya
pala ang bilis niyang mapagod nun. Hindi kasi agad
sinabi eh! Tsk abnormal talaga.
"Okey then. Be my nurse! Araso?!" [Araso =
Alright?]
"Eto na nga po eh.. pero after neto wala na kong
atraso sayo ah?"
"Sige. After this, back to basic tayo."
"Basic?"
"Remember we're enemies right?"

"Tss! Oo wag ka mag alala hindi ko nakakalimutan.
Humanda ka lang pag magaling ka na!"
"Haha! Ohhh.. nakakatakot naman yun." Nginitian
niya ko ng nakaka asar na ngiti niya.

Jeydon's irritating smile.
Kahit pala may sakit siya abnormal pa din siya eh.
Kahapon lang kung ano anong pinag sasabi saking
maganda tapos ngayon pa enemies enemies pa
siya? Sus! Talaga! Hindi lang kami enemy. Mortal
Enemy pa. Humanda lang siya sakin kapag quits
na kaming dalawa.
Kinuha ko yung tray tapos pinatong ko dun sa
table sa tabi ng kama niya.

"Humiga ka."
"Why? Anong binabalak mo?" Kinuha niya yung
kumot tapos pinulupot niya sa katawan niya.
Anong problema niya? Sus! Akala ba niya pag
sasamantalahan ko siya? Ewww.

"Pupunasan kita! Tska inumin mo pala to." Inabot
ko sakanya yung gamot niya tska yung tubig.

"Ayaw! Mapait yan eh!"

"Ang arte mo naman! Ano ka ba bata?" Hinawakan
ko yung mukha niya. Pinilit kong ipalunok sakanya
yung gamot tapos pina inom ko na siya agad ng
tubig. Eh di tapos! Dami pang arte eh. Hehe.
"Yah! Who told you that you can do that to me?!"
Hindi na ko natatakot sayo. Sa gamot nga lang
takot ka eh. Tska subukan mo lang gawan ako ng
masama. Mag hahanap ako ng ipis dito sa kwarto
mo! Huhu.
"Ako Nurse mo ngayong araw na to di ba? kaya
dalawa lang papamilian mo.."

Ang sama ng tingin niya sakin. Wahaha! Natatawa
tuloy ako. Nurse pala ah?!
"It's either susundin mo ko or susundin mo ko!"
"Ano?! wala naman akong pamimilian dun ah!"
"Wala nga kaya manahimik ka na lang. Ginusto mo
yan eh!"
"Noooo!!"

I Think mag eenjoy akong alagaan ka Jeydon. Hihi.
^_~

33: Doraemon

"Pst Betty!"

"Huy Nurse!"
"YAH!"
Ang sakit sa tenga ng sigaw niya. Binato pa ako ng
unan. Lintek talaga, sarap sarap na nga tulog ko
dito eh ginulo pa niya ko! Inaantok pa kaya ako.
Huhu!
After ko kasi siyang punasan, hinintay ko pa
siyang makatulog. Eto kasing abnornal na to hindi
daw siya makatulog kaya pinakanta pa niya ako ng
Lullaby. Para talagang bata! Kung wala lang siyang
sakit nasigawan ko na siya eh. Pati tuloy ako
inantok kaya ayun naka tulog din ako sa may
upuan tapos yung ulo ko nakapatong lang sa kama
niya.
Naka kunot lang siyang naka tingin sakin.

"Ano ba ang ingay ingay mo!"

"Im hungry."
"Anong gagawin ko?"
"Nurse kita di ba!"
Haha panahon na para makabawi ako sa mga pang
aasar mo sakin. Tignan lang natin.
"Oo pero hindi mo ko katulong."
"But I want want noodles!" Tapos nag pout siya.
Ngumiti ako sakanya ng sobrang lapad. Yung
tipong maasar siya sa ngiting yun. Wahaha!
Tikman mo naman ang ganti ko Jeydon Lopez.
"Okey pero say please muna.."
"Ayoko nga."

"No please. No noodles."
Hindi ko pa din tinatanggal yung ngiti sa mukha
ko. Nakikita ko na siyang naiinis sa ginagawa ko.
Haha! Mainis ka pa please? Nakakatuwa pala
kapag ganyan siya.

"Kuhanan mo na kasi ako!" Ehh naiinis na siya!
Sumisigaw na siya! Haha. Nakakatuwa talaga siya
kapag naaasar. Siguro ganito din yung
nararamdaman niya kada inaasar niya ko. Kaya
yuwang tuwa siya kapag naaasar ako.

"Say please muna?"

"Please."
Simple lang pagkakasabi niya. Wala man lang
emosyon.

"Gusto ko mahaba, pleeaaaseee?" Nag puppy eyes
pa ko, tapos ngumit ako sakanya.

"Ayaw."

"Eh di hindi kita kukuhanan! Manigas ka sa
gutom."

"Eh di wag."

Nag iba yung mukha niya, yung akala mo batang
na agawan ng candy. Humiga ulit siya sa kama
tapos mag takip ng kumot. Amp! Bakit parang
naaawa naman ako? Kukuhanan ko naman talaga
siya eh, gusto ko lang muna siyang mag please.
Kasi naman! sige na nga lang nakaka awa naman
eh.

"Please lang na mahaba ayaw mo pa sabihin! Sige
kukunan na kita, kawawa ka naman eh." Nung
malapit na ko makalabas narinig ko siyang
sumigaw.
"Yun oh! Bilisan mo nurse ah!" Tinignan ko siya
tapos ang laki ng ngiti niya.
Ngiting nakaka asar.
Tss. Nadali na naman ako dun ah. Niloloko lang
pala niya ko. Amp talaga! bakit kasi naawa awa pa
ko sa abnormal na yun. Kahit kelan nga pala hindi
na siya titino. Kumbaga malala na yung tama niya.
Kaso ako din tong tanga eh, kumagat sa paawa
effect niya. Hays..

Paglabas ko ng kwarto niya, feeling ko maliligaw
ako. Ang laki ng bahay nila eh. Nahirapan ako na
hanapin kung saan yung kusina nila. Buti na lang
may naamoy akong mabango kaya nakita ko din
kung nasan siya. Tapos pagpasok ko dun, grabe
ang laki ng kusina. Ang daming maid tapos ang

daming pagkain. Parang pati ako nagutom.
"Grandma! Andito na siya!" Sabi nung babaeng
nag bigay sakin kanina ng tray.
"Hello Miss." Sabi sakin nung matandang babae.
Mukha naman siyang mabait kahit medyo may
hawig siya kay Miss Minchin.
"Ahm.. Candice na lang po itawag niyo sakin."
"Oh sige Miss candice. Ano bang kelangan mo?"
Hindi ako tinatawag na Miss tapos matanda pa
tatawag sakin. >.<
"Kasi si Jeydon po, gusto daw po ng noodles."
"Ah ganun ba, Maid mag luto kayo ng noodles para
kay young master." Sinunod naman siya nung
maid. Siguro may katungkulan siya dito sa
mansion nila Jeydon. Tska kakaiba yung suot niya
kumpara sa mga maid.
"Ikaw pala si yung sinabi ni young master na.."
"Na ano po?"

Nakita kong may binulong yung babae kanina dito
sa matandang babae.
"Wala wala.. Ako nga pala si cena. Ako ang head
ng mga maid dito, ako din yung Yaya ni Jaycee
dati. Tawagin mo na lang akong Grandma. Yun
kasi ang tawag nilang lahat sakin pero bata pa
ako. Haha!" Dito kaya nag mana si Jeydon ng pag
ka isip bata? >.<
"Ah hello po Grandma."
/>
"At eto naman pala si Sunny, apo ko siya."
"Hi miss Candice!"
"Hello!" Ang cute niya naman. Ang sarap pisilin ng
pisngi niya parang siopao. Nagutom na naman
tuloy ako.
"Kamusta na pala si young master?"
"Medyo okey na naman po."
"Buti naman. Alam mo nagulat ako nung marinig
ko na nasa loob ka ng kwarto ni young master."
"Buti nga po nakalabas pa ko ng buhay eh." Huhu

akala ko pira-piraso na kong lalabas dun sa kwarto
na yun eh.
"Ano yun?"
"Ah wala po, hehe.."
"Pag pasensyahan mo na yung lalaking yun ah.
Kelangan talaga inaalagaan siya dito sa bahay,
Ayaw kasi nun sa ospital eh."
"Bakit naman po?"

"Madami kasi siyang alala sa ospital na hindi
maganda.."
Biglang lumungkot yung mukha ni Grandma.
Siguro tungkol yun dun sa kapatid niyang babae
na namatay. Hindi na lang ulit ako nag tanong
kahit gusto kong malaman >.<
"Alam mo ija, lagi kang nababanggit ni young
master samin.."

Hala? Ano daw? Ako? Nakwekwento niya?

"Kapag inaasar ka daw niya.. kapag naiinis ka daw,
kapag umuusok na daw sa galit yang ilong mo..
Haha tawa siya ng tawa!"
Huhu! Ang sama sama talaga ng lalaking yun.
Hanggang dito pala sa bahay esta mansinon nila
pinag ti-tripan pa din niya ko. Pati sa mga tao dito,
pinapahiya ako. Humanda ka talaga saking Jeydon
ka. Sasapakin na kita eh >.<
"Ngayon ko na lang ulit siya nakitang tumawa.."
Ngayon na lang?
"Simula nung iniwan siya ni.."
"Ahhh!! Grandma! Okey na yung ano.. yung
noodles!"
Sino daw yun? Waaa hindi na natuloy ni Grandma.
Si Sunny kasi eh. Sino nang iwan sakanya? Ay
bahala na nga. Baka sabihin naman nila msyado

na akong chismosa. Tska ano bang paki alam ko?
"Ikaw talagang bata ka!! Nakasigaw ka na naman!
Hindi naman ako bingi."
"Hehe sorry po Grandma..Ah Miss Candice, eto na
po yung noodles."
"Salamat. Sige po balik na po ako dun baka gutom
na po si Jeydon eh."
"Sige Ija." Nakangiti siya sakin na parang may
kung ano. Si Sunny naman nag wave lang, parang
kinakabahan na ewan.
Weird.

Bumalik agad ako sa kwarto ni Jeydon. Buti na
lang kabisado ko pa yung daan kundi naligaw na
ko sa mansion nila. Baka gutom na yung Dragon
na yun eh. Mabugahan pa ako ng apoy. Huhu!
"Ang tagal mo!"
Aba ikaw kaya tumira sa ganitong kalaking bahay!
este mansion. Ewan ko na lang kung hindi ka

matagalan.
"Nag rereklamo ka?!"
"Oo! wala kang kwentang nurse eh."
"Ah ganun? Eh di uuwi na ko. Bye."
Tumalikod talaga ako sakanya. Wala pa lang
kwenta ha? Eh di bahala ka mag isa dyan. Tss ikaw
na nga tinutulungan eh. Bigla naman niyang
hinawakan yung braso ko. Ouch! grabe mainit pa
din pala siya.
"Wag mo kong iwan."

Pagkasabi niya nun bumilis yung tibok ng puso ko.
Eh! Bakit ganun? >.<
Kakaiba pagkakasabi niya. Seryoso yung boses
niya eh. Parang ayaw niya talaga maiwan dito.
Huhu! Ayan na awa na naman ako. Abnormal na

din kaya ako?
"Fine! Kung aayos ka, hindi ako aalis."
"Okey. Just stay here. I'll just eat this."
Kinuha niya agad yung chopsticks tapos ayun..
lumamon lang naman siya. Sabagay dragon nga
pala yan, paniguradong madaming pinapakain na
nilalang yan sa tyan niya.
"Okey tapos na ko." Ang bilis niya talaga kumain.
Wala pang tatlong minuto ubos na.
"Inumin mo na yung gamot mo."
"Ayoko nga nyan eh! At wag kang magtatangka na
painumin pa ulit ako nyan!"
"Ang arte mo nuh? Gamot lang naman yan eh."

"Basta I don't want." Para akong nakikipag talo sa
bata! Pasalamat kang lalaki ka mapag pasensya
ako at may sakit ka kung hindi kanina ka pa
natamaan sakin. Aba marunong kaya ako mag
taekwondo.
"Bakit kasi pumunta ka pa sa school kahapon?
Ayan tuloy nabinat ka pa! Dapat nag pahinga ka na
lang eh. Pasaway ka din kasi eh!"

"Eh gusto kita mapanuod eh."

Eh?
Gusto daw niya akong mapanuod?
Waaaa! Ano na naman ba pinag sasabi niya?
Nakakainis na siya ah. Kung ano ano pinagsasabi
niya eh parang kahapon lang, sabihan ba naman
akong cute? Adik. Niloloko na naman siguro niya
ko. Lintek talaga tong lalaki na to.

"Ano.. kasi.. gusto kong makita kung paano ka..
paano ka madadapa o kaya gaano ka stupid yung
sagot mo! Tama ayun yun! HAHAHA!" Ah okey buti
nilinaw niya. Akala ko naman kasi kung ano eh.
Lakas na naman mang asar neto, parang walang
sakit eh.
"Ah ganun?! So ano napahiya ka kasi maganda
nasagot ko tapos hindi ako nadapa! Wahaha."
"Sus tyamba ka lang eh."
Magsasalita pa sana ako kaso biglang may pusa na
tumalon sa kama tapos nasa harap ko na.

"Waaaaa!"
I hate CAT.
"Ano bang problema mo?! Tinatakot mo si Princess
eh." Kinuha niya yung pusa, na ang haba haba ng
balahibo. So may pusa nga talaga siya, di ko ma

imagine eh. At ano daw yung pangalan nung pusa?
Princess?! Muntik na kong matawa eh kung wala
lang talagang pusa sa harap ko.

"Ilayo mo sakin yan!"
Tumataas taas pa yung kilay niya tapos ngumit na
naman siya ng nakakaasar.
"Say please muna?"
"Please."
"Gusto ko habaan mo, pleaseeeee? poging
Jeydon?"
Aba ayos to ah, ginaya pa ko. Badtrip ayoko ngang
sabihin yun. Dapat hindi ako bumigay. Tska ako
sasabihan siyang pogi? Never! hindi yun lalabas sa
bibig ko.
"Ayaw ko nga."
"Eh di makipag close ka muna kay Princess..
Haha!"

"JEYDON! ILAYO MO YAN! MAY HIKA AKO!!"
"Bakit yung aso mo? Mabalahibo naman din yun
ah!"
"Hindi naman mahaba balahibo niya eh! tska
matagal ko na siyang aso hindi pa ko hinika dahil
sa balabibo niya! pero dyan sa pusa na yan
malamang aatakihin talaga ako ng hika."
"Ang arte mo!"
"Eh ayoko sa pusa eh!!"
"Princess sa labas ka muna ha, may panget kasi
dito eh baka mahawa ka ng kapangitan." Tinaasan
ko lang siya ng kilay.
Tumayo siya para dalhin yung pusa niya sa may
pintuan kaso bigla naman tumalon sa harap ko
yung pusang yun. Napahiga naman ako. Nasa
harap ko pa din yung pusang to. Huhu ayoko
talaga sa pusa.

"Nice one Princess."
Naka ngiti pa siya. Argh! kainis talaga. Sabi ko na
ngang ayoko sa pusa eh. Dapat pala hindi ko na
sinabi! May ipang iinis na naman siya sakin. Ang
stupid ko talaga >.<
"Paalisin mo yan kung hindi itatapon ko yan!"
"Ang sama mo nuh? pati pusa sasaktan mo!."
Nung kukunin na niya sa harap ko yung pasaway
niyang pusa, kumawala naman siya agad kaya
ayun si Jeydon na out of balance kaya natumba
siya sa harap ko. Napalunok na lang ako sa
position namin ngayon. Ang lapit lapit ng mukha
namin sa isat isa. Kapag nagsalita ako at namali
ng gawal baka mamaya.. Waaaa!
DUB DUB DUB DUB

Ano ba tong nararamdaman ko? Ang bilis na
naman ng puso ko tapos ang lakas lakas pa.
Feeling ko rinig sa buong kwarto niya eh. Huhu!
tapos parang nag iinit pa yung pisngi ko. Hindi pa
din siya umaalis sa harap ko. Ano ba! umalis ka na
Jeydon nga huhu.
Naka tingin lang ako sa mata niya, sa brown
niyang mata. Maya maya lang ngumiti na siya
sakin.
Evil smile.
Anong gagawin ng mokong na to?! Lalong
bumibilis yung tibok ng puso ko eh. Palapit na ng
palapit yung mukha niya sa mukha ko. Napapikit
na lang ako.
"Hahaha!"
Biglang bumukas yung mata ko.
Nandun na siya sa tabi ng kama niya, nakahawak
sa tyan niya. Tawa ng tawa. Argh!! iniinis niya
talaga ako.
"Nakakatawa ka Betty! Promise!"

Ewan ko sayo! Amp parang biglang uminit. Bakit
ba kasi naka sara yung kurtina? Tumayo ako tapos
binuksan ko yung kurtina niya. Ang init kapag
ganito eh, tska para makita ko na yung kwarto
niya ng maayos. Pag bukas ko, lumiwanag na ng
sobra sa kwarto niya. Nagulat ako...

"DORAEMON?!"
"Sino may sabi sayong buksan mo yan! Isara mo
yan!"
"Mahilig ka sa Doraemon? HAHAHA!!" Sinara niya
agad yung kurtina. Haha! too late nakita ko na
yung tinatago mo dito sa kwarto mo. Ang daming
doraemon. Mga stuff toys, unan, basta puro
doraemon. Wahaha!
"Wag ka ngang tumawa! ano naman kung mahilig
ako sa Doraemon? Paki mo ba ha?"

"Hahaha!! wala!!" Hindi ko pa din mapigilan yung
tawa ko. Wahahah.
"Wag ka ngang tumawa!"
"Eh gusto ko eh!"
"Umalis ka na nga! Alis!" Tinulak niya ko palabas
ng kwarto niya. Waaa! ayoko pa, gusto ko pa
makita yung mga doraemon sa kwarto niya.
"Mamaya na! Aalagaan pa kita di ba? Haha!" Ano
ba yan, hindi talaga maalis sakin yung tawa ko.
Nakakagulat naman kasi eh bakit ba?
"Wag na okey na ko! Alis!"
Pag labas ko sinara na niya agad yung pinto. Loko
talaga yun! Haha! Feeling ko nahihiya siyang
makita ko yung mga doraemon niya. Isipin mo ba
naman kasi, si Jeydon Lopez? Yung pinaka Bad Boy
sa lahat ng BAD BOY. Mahilig sa doraemon? Haha!!
sa laki ng katawan niya na yun, mahilig pala siya
sa pusang robot. Ang cute. Haha!

Hanggang makauwi ako samin natatawa pa din
ako. Haha! Sulit naman pala lahat ng pag hihirap
kong alagaan siya ngayon eh, pati sa mga pang
aasar niya sakin nakabawi ako. Si mama tuloy
tanong ng tanong kung ano daw bang nangyari
nung nasa bahay ako nila Jeydon, tss. Nag iisip na
naman siya ng malisya. Si mama talaga oh. Wala
na lang akong sinabi for sure mag over react na
naman siya kapag nag kwento ako.
Bago ako maka tulog may tumawag sa phone ko.

"Hello?"
[HOY!]
Siya na nga tumawag ako pa sisigawan niya. Hindi
na kelanga tanungin kung sino siya. Siya lang
naman kilala kong ganyan e >.<
"Hello doraemon!" Pinipigilan ko lang yung tawa
ko. Baka sabihin naman niya ang OA ko eh.
[Wag mo nga kong tawaging doraemon!]

"Eh di hindi na, DORAEMON." Natutuwa talaga
akong asarin siya. Hihi.
[Humanda ka sakin kapag tinawag mo pa kong
doraemon!! ARASO?!] Feeling ko nag buga siya ng
apoy sa kabilang linya. Sumakit nga tenga ko sa
sigaw niya. Sige na nga, hindi ko na gagalitin yung
dragon. >.< 'ARASO = Alright?'
"Oo na! Bakit ka ba tumawag?"
[Ano kasi... yung ano... kasi..]
"Ano?"
[Yah! nasabi ko na ah!]
"Hindi ko maintindihan!!" Abnormal na doraemon ___-

[Wala!! sabi ko thank you.]

Waaaa! napa upo ako sa hinihigaan ko.
Nag THANK YOU siya?! Seryoso? hindi ba ko
nanaginip? o baka naman nag dedliryo na siya
kaya niya sasabi yan?

"Hoy! okey ka lang?"

[Ewan ko sayo! Nag pasalamat na nga eh.
Pabo!] In korean 'Pabo = Stupid'

Tapos inend na niya yung call. Lakas talaga ng
topak niya. Bahala nga siya. Basta ako masaya sa
nakita ko kanina, Haha! Natuwa talaga ako. Okey
na din pala na inalagaan ko siya eh. Atleast may
maasaar na ko sakanya kapag inasar niya ko.

Doraemon pala ha? ^___~

34: Birthday Gift.

Ang aga ko magising, siguro excited ako pumasok.
Umalis agad ako ng bahay. Papunta na ko ng
school kaso pag liko sa may isang kalsada may
nakita akong mga lalaki. Nakakatakot sila tapos
may tatoo sila na dragon sa likod. Sila kaya yung
mga bumugbog kay Jeydon? Nung nakita nila ako,
lumapit sila sakin. Sa takot ko tumakbo agad ako.
Sobrang bilis ng takbo ko akala mo wala ng bukas.
Habang tumatakbo ako bigla akong nadapa. Pag
angat ko ng ulo ko may nakita akong dalawang
kamay na gustong tumulong sakin..

"Okey ka lang Candice?" Sabay pang sabi sakin
nila..
Marky tska si Jeydon.
Naka tingin lang silang dalawa sakin habang
inaabot yung isang kamay nila sakin. Kaninong
kamay ba pipiliin ko? Bakit andito silang dalawa?

At bakit sabay pa silang nag abot ng kamay sakin?
Nakakalito naman. Kaso kaninong kamay ba yung
aabutin ko?
Kinuha ko na lang yung kamay ni Marky.
Pagka angat sakin ni Marky ngumiti sakin si Jeydon
pero halatang may lungkot sa mukha niya.
Pagkatapos nun tumalikod siya samin ni Marky.
Hindi ko alam kung bakit pero hinabol ko siya,
kaso nadapa na naman ako. Bumalik si Jeydon
para tulungan ako kaso lumiwanag kaya hindi ko
makita yung mukha niya. Pinikit ko yung mata ko,
pag dilat ko nakita ko yung mukha ni...
DORAEMON!

"WAAAAAA!"

Panaginip lang pala -__-

"Ang weird naman nun?"

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Napalingon ako
sa pintuan ng kwarto ko tapos nakita ko si Kuya
Charles sa may pintuan. Nakataas yung kilay niya
sakin. Hala! Kanina pa kaya siya dyan? Ano naman
ginagawa niya dito?
"May bisita ka. Tumayo ka na." Tapos umalis na
siya. Huhu! Galit pa din pala siya sakin. Nakakainis
naman! Miss ko na siya eh >.<
Tinignan ko yung relo, waaaa! tanghali na pala.
Napasarap yung tulog ko. Sino naman kaya yung
bisita ko? Si Troy kaya? Siya lang naman laging
bumibisita sakin eh. Wag mong sabihin sa si
Jeydon yan ha! Utang na loob.
Naghilamos muna ako bago ako bumaba.
Sinalubong naman ako agad ni Tiffany. Akala ko
naman kung sino. Buti hindi buysita yung dumalaw
sakin. Wahaha!

"Hi Candice!" Ang cute talaga niya tska ang laki ng
ANO niya. Nakaka inggit. Hehe.
"Hi Tiffany! Anong ginagawa mo dito?"
"Birthday ko kasi ngayon eh." Hinawakan niya ko
sa may braso ko tapos ang laki ng ngiti niya.
Nakakahiya naman, hindi ko alam na birthday niya
ngayon. Wala pa naman akong nahandang regalo.
"Happy Birthday! Sorry ah wala man lang akong
regalo sayo."
"Okey lang! actually.." Hinila niya ako sa may
sulok. As if naman may makakarinig samin eh apat
lang kami dito sa bahay. Hindi naman mahilig si
Mama sa madaming katulong.
"Ano ba yun?"
"Alam mo Candice, Hindi na ko nag handa kahit na
gusto nila Mommy na magka party ako.. kasi
naman, isa lang naman gusto ko sa birthday ko
eh.." Tumingin siya sakin. Yung ngiti niya alam ko
na kung ano yung gusto niya eh. Kaya pala
pumunta siya dito.
"Alam ko na kung ano, o baka sino?"

"Eh! Bakit alam mo?" nag pout siya tapos nag pa
cute sakin.
"Gusto mong maka date si Troy sa birthday mo.
Tama?"
"Ha? Hindi yun! Gusto kitang makasama! Gusto ko
makasama yung bestfriend ko eh." Ay! Shunga.
Yun pala hehe sorry naman.
"Ah hehe.. okey."
"Pero nabanggit mo na naman.. Pwede kaya yun
mangyari?"
"Oo naman kakausapin ko siya mamaya."
Ilang segundo pagkatapos kong sabihin yun bigla
akong nagsisi.
"Yehey! Really?"
Huhu! Hindi tama na ipag date ko sila eh. Unang
una may girlfriend na si Troy. Pangalawa naman,
ayoko umasa tong si Tiffany, masasaktan lang siya

eh. Isa pa matinik sa babae to si Troy, kahit
girlfriend niya na si Ate Jaycee hindi mo pa din
maalis sakanya yung pagka chickboy niya. Paano
ko kaya tatanggihan si Tiffany? Birthday pa naman
niya. Hays. Lagi na lang akong naiipit sa mga
sitwasyon.
"Okey sige. Kakausapin ko mamaya si Troy."
"Thank you Candice! Eto na yung pinaka
magandang birthday gift na matatanggap ko."
"Anything para sa kaibigan ko."
"I love you Candice!" Niyakap niya ko ng mahigpit
parang hindi na nga ko makahinga eh.
Nararamdaman ko pa yung ANO niya. Huhu.
"Sige ah, una na ko. Mag papa ayos pa ko eh.
Babawi ako sayo Candice promise."
"Kahit wag na nuh. Sige na! Alam ko naman na
excited ka eh."
"Okey! Bye bye!"

Ano ba tong ginawa ko?

Bahala na nga. Mukha namang masaya si Tiffany
eh. Kung tutuisin date lang naman yun, sabihin na
lang natin na friendly date di ba? hehe. Isa pa si
Tiffany yung unang naging kaibigan ko sa school
kaya gusto ko siyang maging masaya, lalo na
birthday niya ngayon.
Kinuha ko yung cellphone ko sa taas. Tinawagan
ko agad si Troy.

[Yes? Cute and handsome Troy is here.] Ansabe ng
cute at handsome niya?
"Hoy Troy! Pinagsasabi mo?"
[Haha! Hi Candice. Bakit napatawag ka?]
"Uhm kasi ano.." Paano ko ba sasabihin to? Baka

hindi pumayag eh. Patay ako neto eh! naka oo pa
naman na ako kay Tiffany.
[Ano yun?]
"Pwede bang mag date kayo ni Tiffany? Kasi ano
eh.."
[SURE!! gusto ko yan.]
Eh? Akala ko pa naman tatanggi siya. Kinabahan
naman ako bigla dito kay Troy. Sheteng kalabaw
talaga. Womanizer nga pala to' baka anong gawin
nila mamaya ni Tiffany. Kinabahan naman ako
dun. Huhu! Pag nagkataon kasalanan ko pa. May
tiwala naman ako kay Troy pero pag dating sa
chicks ewan ko na lang, sexy pa naman ni Tiffany.
"Siguraduhin mong wala kang gagawing kalokohan
ha!!"
[Oo naman! Ako pa? ang bait bait ko kaya. Sige
pasa mo na lang sakin number niya, ako na mag
susundo sakanya mamaya.]

"Okey sige."
Pag kababa ko ng phone pinasa ko agad yung
number ni Tiffany. Pumunta ako sa kwarto ko.
Tama ba yung ginawa ko? Ako tuloy yung
kinakabahah eh. Hays.

After two hours, nag text na sakin si Tiffany.
From: Tiffany
Hi Candice! Papunta na kaming Mall ni Troy. Yiiee
:"> Im so happy! Thank you for this. I love you.
Muah!
Buti naman masaya siya. Sana maging okey date
nila ni Troy. Maka tulog na nga lang para hindi ako
nag aalala sa mangyayari sakanila.
Tulog..
Tulog..

Tulog..

"Waaaaa! Hindi ako makatulog!"

Hindi ko na to kaya. Kelangan ko silang sundan.
Kelangan kong makasigurado na hindi nga talaga
gagawa ng kalokohan si Troy. Hindi din naman ako
mapapakali dito sa bahay eh. Mas mabuti pang
pumunta na lang din ako sa mall.

**
"Asan na ba yung dalawang yun?"
Ang dami naman kasing tao sa mall. Sabagay
sunday pala ngayon. Paano ko na mababantayan
sila Troy at Tiffany neto? Baka mag epic fail naman
ako. Dapat tutukan ko sila lalo eh.

"Ayun!"

Tumakbo agad ako nung makita ko yung likod ni
Tiffany at Troy. Kaso sa sobrang daming tao
nawala na naman sila sa paningin ko. Huhu! Dapat
itext ko na lang si Tiffany kung saan sila pupunta.
Sumasakit na yung paa ko kakahabol sa kanilang
dalawa eh.
Teka asan ba kasi yung cellphone ko? Andito lang
yun ah. Bakit ba kasi ang kalat ng bag ko eh.

Ouch! nabangga ako.

"F*CK!"
Ay! Badtrip naman natapunan pa yung damit ko ng
ice cream. Argh! Ang lagkit ko na tuloy. Badtrip
kasi tong lalaki na bumangga sakin eh tapos naka
sigaw pa kaagad sakin, siya na nga naka bangga
eh.

"Ano hindi ka man lang ba mag sosorry?!"

Hindi ko makita yung mukha niya naka salamin
kasi siya eh tska naka cap. Hindi din siya naka
tingin sakin kasi pinupunasan din niya yung damit
niya. Ang yabang neto ah. Tinanggal niya yung
salamin niya tska yung cap niya. Pagka kita pa
lang namin sa isa't isa nanlaki na agad yung mata
namin.

"Anong ginagawa mo dito?!"
Sabay pa kami ah. Sa lahat ba naman ng makikita
ko si Jeydon pa? Bakit ba kami laging nag kikita
dito? Kaya naman pala mayabang tska maangas
eh.

"Bakit sayo ba tong mall ha?" Umiral na naman
pag ka pilosipo siya. Sasapakin ko na tong
abnormal na to eh. Kung nasan ako nandun din
siya eh.

"Bakit ba kung nasan ako, nandun ka din?"
"Ako? baka ikaw? sinunsundan mo ko di ba? lagi
talaga tayong magkikita kapag ganun. Haha!"
What the? Ako sinusundan siya? Bakit sino ba
siya? tska malay ko bang andito siya.
"Excuse me?! Ako? FYI lang sila Troy at Tiffany
yung sinusundan ko dito hindi ikaw!"
"Sinusundan mo sila? Tsk. Isusumbong kita."
Kinuha niya yung phone sa bulsa niya. Pinigilan ko
naman siya agad. Hindi nila pwedeng malaman na
sinusundan ko sila. Magagalit yung dalawa na yun
sakin, tska masisira lang yung pag spy ko sakanila.
"Wag! Pwede ba wag kang epal dyan! Mind your
own business!"
"Wow. MIND YOUR OWB BUSINESS? Naririnig mo
ba yang sarili mo?"

Oo na nakiki alam ako sa date nila pero worried
lang naman ako kay Tiffany eh. Eh siya naman
epal lang talaga siya. Argh! nakakainis talaga to si
Jeydon. Kelan ba siya hindi magiging sakit ng ulo
sakin? Kahit isang araw lang, isa lang.
"Basta wag ka na maki alam okey? Isipin mo na
lang na hindi tayo nag kita. Bye!"
Hindi ako naka alis. Hinila na naman niya ako eh.
Huhu! Bakit ba ang hilig niya ko hilahin? Close ba
kami? Hindi naman ah. Feeling niya close kami
>.<
"Anong gagawin mo sa ice cream ko? dahil sayo
natapon yan tapos tignan mo ang lagkit lagkit ko
na."
"Hoy! kung tumitingin ka sa dinadaanan mo
matatapon ba yang ice cream mo? Tska pati
naman ako natapunan ah!"
"Bakit ka ba nabangga sakin? hindi ka din kasi
naka tingin sa dinadaanan mo. Ah basta! Ibibili mo
ko ng damit tska ice cream!"

"Ayoko nga!"

Nanlisik yung mata niya sakin. Huhu nagiging
dragon na naman tong abnormal na pusang robot
na to. Pambihira naman eh! pareho lang naman
kaming hindi tumitingin sa dinadaanan ah? Bahala
na nga, bibilhan ko na lang to para manahimik na.
Isa pa ayoko naman mabugahan ng apoy sa
mukha.

"Okey sige."

Sinundan ko lang siya kung saan siya pupunta, at
aba.. pumasok siyang LEVIS!Mahal kaya ng mga
damit dyan. Akala ko sa shop kami ng ate niya
pupunta, sabagay puro pala pang babae
dun. Huhu! kuripot pa naman ako. Pambihara
talaga tong lalaki na to. Bahala nga siya, mura
lang ibibili ko sakanya. Wahaha!

"Ibili mo na ko. Yung magugustuhan ko ah?
Siguraduhin mong pang pogi yang damit na yan."
Tss. Ayoko nga! may nalalaman pa siyang pang
pogi ha?

Naghanap hanap ako ng damit. Lintek ang mahal
nga. Alam ko na hahanapin ko na lang yung pinaka
mura dito. May pera ako pero ayoko gumastos eh.
Sana lang may mura dito, buti na lang madami
dami yung damit dito. Naka kita ako ng gray shirt
worth Two thousand! Lintek naman eto na pinaka
mura. Kaso ano ba tong naka sulat? LO? ano
naman ibig sabihin neto?
Biglang lumapit sakin si Jeydon.

"Yan na ba napili mo?" nag nod lang ako. "Good
taste. Haha!"

Ano kayang tinatawa tawa ng lalaking to?
Nababaliw na ata. May kinuha siyang gray shirt din
malapit lang dun na pinag kuhanan ko. Maliit lang
siya, pambabae talaga yung size. May nakasulat
din dun eh, ano yun? VE? ano naman yun? Ay
teka...

"Tara bayaran mo na yan!"

LO + VE = LOVE ?

Waaaaa!! Couple shirt pala yun. Hindeeeee!

"Teka hindi pala yan! papalitan ko!"
"Wag na! tara na eto na."
Hinila niya ko papuntang counter. Badtrip naman
talaga oh. Huhu! ano ba naman kasi tong pinasok
ko, dapat pala hindi na ko nag hanap ng mura eh.
Nung magbabayad na ko, bigla naman siyang nag
labas ng wallet. Nag labas siya ng pera tapos siya
na nag bayad. OMG! anong meron? akala ko pa
naman ako mag babayad eh.
"Dahil nagandahan ako sa napili mong damit kaya
ako na mag babayad." Nakangisi pa siya. Napansin
ba niyang couple shirt yan? bakit tuwang tuwa
siya? hays. Sabagay hindi ko naman yan isusuot
eh. Ano bang pinag lalaban ko dito? hehe.

"Thank you Sir." Yung dalawang sales lady todo pa
cute dito kay Jeydon. Hmp! Lakas talaga ng dating
neto sa mga babae. Buti na lang sakin hindi
tumalab, babae kaya ako? haha.

"Wear it." Binigay niya sakin yung isang shirt.

"Ha? ayoko nga!"

"Are you stupid? Ang lagkit lagkit kaya nyang ice
cream tapos hindi ka mag papalit ha?" Oo nga nuh.
Eh! pag pareho naming suot yan, magiging couple
kami. Ew! kahit kelan hindi yun sumagi sa isip ko.
"Suotin mo na. Dalian mo bibili pa tayong ice
cream." Ano ko siya boss? tss.

Sige na nga. Ngayon lang naman eh. Tska libre
naman to eh, haha! I love freebies.

Paglabas ko nakita ko na agad si Jeydon na
nakasandal sa may pader. Nahihiya akong tumabi
sa mokong na to. Mag mumukha talaga kaming
couple neto eh. Yuck! Huhu. Sana lang walang
makakita samin. Utang na loob lang ha.

"Ano.. uhm.. ta-tara?"

"Haha! anong nangyare sayo ha?" Ano? nag
tatanong ka pa? Huhu. Nananadya ka ata eh.
"Wala. Dali na ibibili na kita ng ice cream para
masudan ko na sila Troy."
"Okey." Naka ngiti na naman siya na nang asar.
Argh! Lakas niya talaga ako asarin.

Pumunta kami agad ng DQ, sabi ko take out ko na
lang siya para makaalis na ko. Buti naman
pumayag siya. Akala ko kasi papahirapan niya ko
eh.

"Oh!" Inabot ko sakanya yung ice cream. Kaso
bago pa niya makuha, hinila ko ulit.
"Bakit?"
"Teka nga pala.. Wala ka na bang sakit ha? Bakit
pala nag ice cream ka? Tska bakit nandito ka?
Baka mamaya mabinat ka na naman, mag kasakit
ka ulit!"
"Alam kong concern ka sakin pero okey na ko."
Tapos hinablot niya sakin yung ice cream niya.
Wow ha? ako concern sakanya? Hindi nuh! baka
mamaya ako na naman sisihin niya eh.

"Ewan ko sayo! aalis na ko nag aaksaya lang ako
ng oras sayo eh."

Hindi pa ko nakakalayo tumabi naman siya sakin.
Akala ko naman lulubayan na niya ko. Huhu!

"Bakit na naman?"
"Sama ako. Wala akong magawa eh." Naka ngiti
na naman siya na nakakaasar. Iinisin na naman
niya yung araw ko eh. Ah alam ko na! wahaha.

"Hoy DORAEMON! pwede ba umuwi ka na at
lubayan mo na ko." Huminto siya sa harap ko,
nanlilisik yung mata. Oh no... mali ata yung nasabi
ko. Huhu!

"DONT. CALL. ME. THAT."

"Hehe sabi ko nga eh, joke lang yun." Nakakatakot
talaga siya kapag nagagalit. Sabi ko nga eh, hindi
dapat ginagalit yung dragon. Yung hari ng mga
Bad Boy na pusang robot >.<

"Wag ka na kasi sumama."
"Eh wala akong magawa eh!"
"It's not my problem anymore, it's your problem
anymore! kaya bye!"
Ano daw? ano yung pinag sasabi ko? Haha pati ako
natawa sa sinabi ko.

"Oh sige, pupuntahan ko na lang sila Troy,
sasabihin ko sinusundan mo sila. Tama! hahaha!"
"Tekaa!! Sabi ko nga sumama ka na eh." Wala
talaga akong palag sa pusang robot na to.

"Yun naman pala eh, Asan na ba sila Troy?"

Kinuha ko yung phone ko, na sa wakas nahanap ko
na. Ikaw may kasalanan neto eh, kung nakita na
kita kanina pa lang hindi ko na sana nabangga to
si Jeydon. Ngayon tuloy kasama ko pa siya.
Pambihira talaga.

"Uhm, waaa! manunuod daw sila ng sine."

"Oh ano naman? bakit nakasigaw ka dyan?"
"Eh Fast and Furious 6 yung papanuorin nila, wala
ng ticket na available dun eh! Paano ko na sila
masusundan dun ha? Kasi naman eh, huhu."
"Para kang bata! teka."

Naglakad kami ni Jeydon, ewan ko ba kung saan
kami pupunta. Nilapitan naman niya yung
dalawang babae malapit dun sa bilihan ng tickets.

"Hi?"
"Uhmm hi kuya.."
Wow ha, ngayon pa siya nakipag landian. Nakaka
inis naman! Eto namang dalawang babae na to,
kinikilig din kay Jeydon eh. Bahala nga siya dyan!
Aalis na lang ako..
"Pwede bang bilhin ko na lang yung ticket niyo ng
fast 6? Kelangan ko na kasi eh." Kinindatan niya
yung dalawang babae. Yung dalawa naman akala
mo mahihimatay na. Hala ang OA naman nila?
Nakakamatay ba yung kindat ni Jeydon? nakaka
diri kaya! haha.

"Sige kuya, kahit sayo na lang yan! Pahingi na lang
ng number mo!"
"Okey sige! akin na yung phone niyo." Nilagay niya
sa phone nung dalawa yung number niya. Akala ko
ba hindi siya nag bibigay ng number sa iba kasi
ayaw niya ng textmate? Sus! sinungaling.
Nung umalis na yung dalawa nag wave pa sila sa
abnormal na to. Akala mo artista yung nakita nila
eh, eto naman si Jeydon todo landi dun sa dalawa.
Hmp. Bakit ba ko naiinis? tsk.

"Yan nagagawa kapag pogi ka." taas taas pa siya
ng kilay. Oo na! ikaw na.
"Oo na, tara na."
"Teka lang! Bili tayo ng Popcorn!" Hinila na naman
niya ko papunta dun sa bilihan ng Popcorn. Hello?
Mag iispy kami hindi kami manunuod.
Pinag bigyan ko na lang tong abnormal na to.
Maiinis lang ako kapag pinatulan ko pa eh.
Panigurado ako lahat ng to ginusto niya. Gustong
gusto niya ko inisin tska asarin eh. Enemy na nga
pala kami ngayon kasi magaling na siya.
Pumasok na kami agad sa loob ng sinehan para
hindi kami mapansin nila Troy mamaya. Sakto

naman yung ticket kasi nasa likod lang nila. Gusto
ko din mapanuod tong movie na to eh kaso
kelangan bantayan ko yung dalawa.
Ilang minuto lang mag sisimula na yung movie. At
aba yung popcorn neto ni Jeydon halos kalahati
na. Ang takaw talaga niya! Bahala siya kapag wala
na siyang makain mamaya.
Nung pintay na yung ilaw nakita ko na sila Troy at
Tiffany. Mukhang masaya naman silang dalawa.
Nag tago agad kami ni Jeydon baka makita nila
kami eh mahirap na nuh. Tatlong upuan lang
naman yung pagitan namin eh.
Nung nagsimula na yung movie, bigla namang
umakbay si Troy kay Tiffany. Waaaaa!! sabi na eh
dadamoves to si Troy eh. Muntik na kong mapa
sigaw buti na lang napigilan ko yung sarili ko.
Kundi nabuking na kami dito. Tinignan ko yung
katabi ko, wala eh tutok lang sa movie
samantalang ako naman kala Troy naka tingin.
Huhu! hindi ko na tuloy magets yung story.
Tapos.. tapos yung popcorn ko pa! Kinuha niya!
waaaa ang takaw talaga niya. Bahala nga siya.
Nung malapit lapit na matapos yung movie,
biglang lumapit yung mukha ni Troy kay Tiffany,
tapos.. Waaaaa!! hindi ko na kaya to. Mag ki-kiss
ba sila?! Paano nagagawa ni Troy to! Paano na si
Ate Jaycee? at si Tiffany naman for sure aasa na

siya ng bongga kay Troy. Napatayo ako, kelangan
pigilan ko yun!
Kaso hinawakan naman ni Jeydon yung kamay ko.
"Hayaan mo lang sila. Let them enjoy."
Napaupo na lang ako. Wala ka kasing alam eh! ano
kaya mararamdaman mo kapag nalaman mo na
yung girlfriend ni Troy eh yung ate mo? huhuhu.
"Kaibigan mo naman silang dalawa di ba? bakit
nakiki alam ka pa sa date nila ha?"
"Ano.. kasi alam mo naman si Troy di ba? matinik
yung sa chicks.. ayoko lang masaktan si Tiffany."
"Kapag nalaman ni Troy na ganyan yung iniisip mo
sakanya. He will be hurt. Bestfriend turing niya
sayo and yet you don't trust him. Tsk."

Habang sinasabi niya yun, hindi siya nakatingin
sakin kumakain lang siya ng popcorn. Para naman
akong tinamaan sa sinabi niya. Tagos hanggang
buto. Huhu! natahimik tuloy ako. Tama kasi si
Jeydon eh, hindi lang naman si Tiffany yung
kaibigan ko pati si Troy. Kung tutuusin nga si Troy
yung bestfriend ko di ba? Isa pa si Troy yung isa
sa mga taong laging nandyan para sakin tapos
kung ano anong iniisip ko. Hays! ang bad ko. Tska

ano naman kung mag date sila? dapat hindi na ko
nakiki alam eh. Huhu.
Nung natapos na yung movie, umalis na sila Troy.
Pinauna na muna namin sila bago kami lumabas ni
Jeydon. Dumeretso sila Troy sa garden. Ako
naman pumunta na lang ng foodcourt.

"Huy Betty! dun papunta sila Troy, san ka
pupunta?"
"Kakain. Hayaan mo na nga sila. Tama ka eh,
dapat hayaan ko lang silang mag enjoy." Alam ko
naman na hindi sasaktan ni Troy si Tiffany at lalo
na si Ate Jaycee. Dapat mag tiwala lang ako
sakanya.
"Good. Tara!" hinila na naman niya ko. Trip niya
talaga ako hilahin nuh?

Pag kadating namin sa food court ang daming tao
buti nakahanap kami agad ng upuan.

"Stay here. Ako na bibili ng food."

Aba! himala gentleman ata peg niya ngayon?
ililibre niya kaya ako? Hehe. Sana palaging ganyan
ugali niya para kahit paano natutuwa ako sakanya.
Habang hinihintay ko si Jeydon, may lumapit sakin
na dalawang lalaki. Umupo sila sa upuan.

"Mag isa ka lang ba miss?"
"Ahm hindi."
"Ah ganun ba, kasi kanina ka pa namin nakikita
eh, gandang ganda kami sayo ng friend ko. Pwede
ba namin makuha yung number mo?"
"Ahm.."

"EHEM."

Nakatayo na pala sa likod ko si Jeydon dala yung
food namin. Ang sama ng tingin niya dun sa
dalawang lalaki.
"Babe, sino sila?"
Anong pinagsasabi niya?!
"Ah sorry pare, akala kasi namin single si Ate eh"

"Sorry she's mine. Alis."

ANO DAW?!

"Ah hehe sige alis na kami."

Pag kaupo niya parang wala lang nangyari.

"Hoy Jeydon Lopez! Ano yun ha?"
"Alin?" naka ngiti na naman siya sakin. Inaatake
na naman ata to ng topak.
"Anong babe at she's mine?"
"Haha! bakit natuwa ka ba sa sinabi ko?" kikindat
kindat pa siya.
"Hindi!"
"Joke lang yun, asa ka naman nuh. Hindi kaya kita
type. Sinabi ko lang yun para umalis yung mga
manyak na yun. Ikaw naman kasi papa cute ka pa

sakanila. Halata namang hindi mapapagkatiwalaan
yung mga yun."
"Hindi kaya! sila lumapit sakin eh! Tska hello?!
hindi din kita type."
"Sus kunwari ka pa."
"Hindi ikaw yung type ko! si.."
"Gutom na ko! kumain ka na nga lang babae ka!"

Okey fine. Tss. Epal talaga niya. Lakas ng topak
eh. Isa pa gutom na din naman ako eh, hindi pa
ako kumakain simula kaninag tanghali kakasunod
kala Troy. Tapos yung popcorn ko pa kinuha
netong Doraemon na to. Tsk tsk.

"Tapos na ko. Bili ulit tayong ice cream!"

Waaaa! ang bilis kumain. Hindi pa nga ako tapos
eh T___T

"May halimaw ba dyan sa tyan mo? lakas mo
kumain eh."

"Ganyan talaga kapag pogi ka. Haha! Tara na
dali!"

Hinila na naman niya ko. Child abuse na tong
ginagawa niya ah! Hindi pwede to. Huhu! Bibili na
naman kami ng ice cream. Wala na siyang sawa.
Habang nag lalakad kami pinag titinginan kami ng
mga tao. Lintek! sigurado akong dahil yun sa
couple shirt naming dalawa. Kasi naman eh T___T
Pagka dating namin dun bumili ako ng dalawa.
Nung aalis na kami, muntik ko ng mabitawan yung
ice cream ko sa nakita ko...

"Candice?"

Si Makry. Waaaa! naka tingin siya saming dalawa
ni Jeydon. Shete! naka suot kami ng couple shirt
tapos mag kasama kami ni Jeydon. Hala! baka
isipin niya nag dadate kami. Nooooo!

"Marky! Dun na lang tayo sa..."

Parang may kumirot naman sa puso ko nung
dumating si Abby. Mag kasama sila? Akala ko ba
wala na sila? bakit magkasama pa din sila? pero
teka nga eh ano naman? as if naman na girlfriend
ako ni Marky, eh sinabi lang naman niya na gusto
niya ako. Ayun lang yun.

"Wow.. mukhang nag dadate kayo?" sabi ni Abby.
Hindi ako makapag salita. Feeling ko kasi maiiyak
na ko eh.
"Hindi, nagkita lang kami dito." sabi naman ni
Jeydon.
"Ah kaya pala naka couple shirt pa kayo ha?"
"Abby. Let's go. Sige una na kami Jeydon. Bye
Candice!"

Ngumiti lang sakin si Marky tapos umalis na sila ni
Abby. Parang gusto ko na talagang umiyak. Huhu!
bakit ko pa kasi sila nakitang dalawa eh. Hinila na
naman ako ni Jeydon, umupo kami dun sa may
table.

"Wag kang iiyak ah. Sabihin pa nila ako nag pa
iyak sayo. Kainin mo yang ice cream mo!"
"Wala na kong gana.."
"Ano bang problema mo? Nakita mo lang silang
mag kasama nag kakaganyan ka na?"
"Hindi mo kasi ako maintindihan eh.."

Nilapag ko sa table yung ulo ko. Nag aaalala ako
kay Tiffany na baka umasa siya kay Troy pero ang
hindi ko namamalayan ako na pala yung umaasa
kay Marky. Porket sinabi lang niya na gusto niya
ko. Porket hinalikan niya ko, porket niligtas niya ko
umasa na ko ng sobra. Baka mamaya wala lang
pala sakanya yun ako naman tong si TANGA
na naniwala. Hindi ko na talaga mapigilang
umiyak. Pinunasan ko agad yung luha ko, ayoko
makita ako ni Jeydon na ganito ako.

"Siya na nag sabi sayo na gusto ka niya. Kaya wag
ka nga umiyak dyan."

Iniwan niya yung panyo niya sa table. Tumayo
siya.

"Naiintindihan kita. Masakit naman talagang
makita na may gustong iba yung taong gusto
mo eh. Pero wag ka ngang tanga, gusto ka
din niya kaya wag kang umiyak dyan."

Pagkatapos niyang sabihin yun umalis siya.

Si Jeydon ba talaga nag sabi nun?

Napaka seryoso naman niya. Meron din pala siyang
side na ganun. Napaka bipolar talaga ng lalaki na
yun. Wag daw akong tanga, gusto din ako ni
Marky, kung sakanya nang galing yun, ibig sabihin
kaya na totoong gusto ako ni Marky? tska bakit
naman yun sasabihin ni Jeydon di ba? Alam naman
niyang sasaya ako sa sasabihin niyang yun. Eh
gusto nga niya akong laging naiinis. Hays! Ang
gulo ng Doraemon na yun

Sabi niya naiintindihan niya ko? bakit may gusto
din ba siyang babae na may gusto ng iba? Napaka
misteryoso talaga niya.

Beep.

From: Doraemon
Hoy Betty! yung panyo ko wag mong dumihan ah!
mahal pa yan sa buhay mo.

Abnormal talaga -____-

35: You're OUT

Monday.
Ugh i hate this day. Ang aga aga ng pasok kapag
monday eh. May flag ceremony pa kasi. At kapag
na late ka o nahuli kang natutulog o inaantok
habang may ceremony ma dedetention ka after
class. Tuwing linggo ng hating gabi pa naman yung
inaabangan kong palabas sa cable namin. Kaya
puyat ako ngayon. Huhu!

"Candice! Tawag ka na ng Kuya Charles mo!"
"Opo yaya andyan na!"
Parang hinihila pa din ako ng kama ko. Waaa
antok much pa ko. Gusto ko pa matulog. Huhu!
Pagkababa ko kumakain na sila Mama at Kuya.
Aba ang aga naman ni Kuya? Himala ata. Lagi
siyang late gumising kapag monday eh.
"Candice, nag puyat ka na naman ba kagabi? Alam
mo naman na may flag ceremony kayo ngayon."
"Sorry po Mama. Bibilisan ko na lang kumain."
Kumuha ako ng egg tska ng favorite kong bacon.
Idadaan ko na nga lang to sa kain.
"Mama paki sabi aalis ako after five minutes."
Tinupi ni kuya yung dyaryo niya tapos tumayo na
siya. Waaaa! FIVE minutes? Takte naman makaka
kain pa ba ako nun. Huhu! ang bad mo Kuya!
Galit pa din siya anong petsa na. Kelan ba niya ako
kakausapin?

"Narinig mo naman Kuya mo."
"Hindi na nga ako kakain.." Nag pout ako tapos
lumabas na din ako agad. Dumeretso ako sa kotse
ni Kuya. Baka iwanan pa niya ko eh.
Pagpasok ko dun parang nabingi ako sa sobrang
katahimikan. Hindi ko na to kaya! Hanggang kelan
ba kami ganito?
"Kuya are you still mad?"
"You know the answer to that question."
Sabi ko nga galit ka pa din eh. Huhu.
Hanggang makadating kami sa school wala pa din
kaming pansinan. Eh di wala! Bahala ka dyan
Kuya! Mamimiss mo din ako! Behlat!
Deretso agad ako sa line ng Section One. Ang
sama agad ng tingin sakin ng Powerpuff girls,
what's new? Hindi ko na lang sila pinansin. Sa
ibang way na lang ako tumingin, nakita ko yung

Section Eleven na kumakaway sakin. Kumaway din
ako sakanila. Mukhang masaya sila ah? tska
himala ata mukhang maaga silang lahat.. ay hindi
wala pala yung dalawa. Asan naman kaya yun?
Napuyat kaya sila?
Nag simula na yung ceremony. Pinipigilan ko pa
din yung antok ko. Amp! Sana wag ako mahuli.
Huhu! hindi na nga ulit ako mag pupuyat.
Nakakainis naman ang hirap ng sitwasyon ko.
Malapit ng matapos to.. malapit na.. malapit na.
Kaya mo yan Candice.. No!! hindi ko na kaya
napapikit na ako. Wala naman sigurong
makakahuli sakin.
"Ms. Gonzales! Sleepy?"
Pagkadilat ko nakita ko si Ms. Maggy. Eto yung
teacher na nanglait sakin dati eh. Patay na, terror
pa naman tong teacher na to. Tska parang may
galit sakin to eh.
"Hindi po Mam hehe."
"Don't fool me. One hour detention for you."
Sabi na eh. Adik din siya eh, tatanungin niya ako
kung inaantok ako tapos kapag sinabi kong hindi,

sasabihin niya niloloko ko siya? Tsk. May galit
talaga sakin to eh. Huhu! Nag ka detention pa
tuloy ako.
Nung ipapabalik na yung mga studyante sa room
nakita ko si Troy tska si Jeydjon na kakadating
lang. Nakita sila ni Ms. Maggy kaya ayun detention
din sila. Hindi kasi pumapalag yung charm nila
dun, paano man hater kasi.
Nag paalam muna ako kay Ms. Farrah yung Filipino
teacher ko. Kelangan ko na mag rest room eh.
After ko makalabas ng rest room nakita ko si Abby.
Nung nakita niya ako nilapitan niya agad ako.
"Ikaw!"
Ako daw? May nagawa ba ako? Galit na galit siya
eh. Huhu! Wala po akong kasalanan.
"Alam mo bang dahil sayo, Wala na sa
basketball team si Marky! And I even heard
tinanggal na siya ni Jeydon sa grupo nila.
AND ITS ALL YOUR FAULT!" sa lakas ng boses
niya, may mga studyante na lumapit samin nakiki

tsimis.
"Ha? Tinanggal? Bakit?"
"Nag mamaang maangan ka pa?" Parang nainis
ako bigla. Ano ba kasing pinag sasabi niya?! Wala
naman talaga akong alam eh. Ayaw pa kasi niya
deretsuhin. Bakit ko yun naging kasalanan?
"Alam mo Abby wala akong alam sa mga sinasabi
mo! Kaya pwede ba aalis na ko!" Paalis na sana
ako kaso hinila niya ako pabalik.
"Dahil sinabi ni Marky na gusto ka niya kaya siya
na paalis sa grupo! Dahil hindi yun pwede! Hindi
sila pwedeng mag ka gusto sayo kasi kapatid ka ni
Charles!"
/>
Ilang segundo din akong natigilan sa sinabi niya.
Ngayon naiintindihan ko na. Alam ko naman na
may rule sila na Walang talo talo. Bakit ba hindi
agad yun pumasok sa isip ko?!
Inalis ko yung kamay ko kay Abby. Kaylangan

kong hanapin si Jeydon.
"San ka pupunta?!"
"Aayusin ko to."
Hinanap ko si Jeydon. Pumunta ako sa room ng
Section Eleven pero wala siya, kahit sa gym pero
wala pa din siya. Kahit sa tambayan nila hindi ko
sila mahanap. Asan na ba siya?!
Kaya pala hindi kasama si Marky nung sumayaw
yung basketball team nung friday kasi tinanggal na
siya. Kaylan pa? kaylan pa siya inalis ni Jeydon? At
bakit ganun? Dahil lang ba sa sinabi ni Marky na
gusto niya ko inalis na agad siya? Hindi to pwede.
Kung may dapat sisihin dito ako yun. Bakit ba kasi
ako na lang yung laging cause ng problema?
Aish! parang naiiyak ako. Alam ko nasaktan ako sa
nakita ko kahapon pero hindi pa din pwedeng hindi
ako mag alala kay Marky.
"Candice?"
"Tiffany?"

"Okey ka lang? Anong nangyare? May umaway ba
sayo?"
"Kasi kaylangan ko makita si Jeydon, nakita mo ba
siya?"
"Hindi eh, bakit ba?"
"Kasi.. sabi ni Abby, natanggal na daw sa
Basketball team si Marky pati sa grupo nila." Hindi
makatigin sakin si Tiffany.
"Oo nga.. kalat na yun sa buong shool.."
"Kalat? Kelan pa?"
"Ahm.. hindi ko alam kung kelan talaga nila inalis
si Marky sa grupo pero kasi si Six na yung pang
limang member ng Blue Dragons Basketball team.
Wala na yung name ni Marky sa list."
"Hindi nila pwedeng gawin yun!"
"Candice hindi sumunod si Marky sa rule. Don't
worry naiintindihan naman kita eh. Mamaya sa
lunch tutulungan kitang kausapin sila pero
pumasok na muna tayo sa first subject natin
okey?"

"Sige Tiffany, salamat. Tska pala madami ka pang
ikwekwento sa date niyo ni Troy."
"Hihi! Oo nga sige sige!"
Hindi ko kayang maging masaya pero ayoko
naman hawaan si Tiffany ng bad vibes ko. Halata
naman kasing masaya siya.
Pumunta muna ulit ako sa Rest room bago ako
pumunta sa room ng Section One. Habang nasa
cubicle ako, may tatlong babae na pumasok.
"Bakit kaya absent si Marky?"
"Narinig niyo na ba? Inalis na daw ni Jeydon si
Marky sa grupo nila kaya wala na din siya sa
Basketball team."
"Kaya pala hindi sila nag papansinan ni Charles.
Tska hindi na siya tumatambay sa spot nila sa
canteen. Kawawa naman si Papa Marky."
"Oo nga eh! For sure nalungkot siya ng sobra kaya
hindi siya pumasok. May laban pa naman mamaya
yung basketball team. Hays bakit kaya siya inalis?
"

"Ang sabi dahil daw kay Candice!" Kalat na din
pala na ako yung dahilan. Parang sumisikip yung
dibdib ko.
"Ha? Bakit? Anong ginawa niya?!"
"Yun ang hindi ko alam eh, malalaman din natin
yan."
"Kahit na hindi na siya part ng APAT, crush ko pa
din siya! Huhu!"
"Nakakalungkot talaga. Tara na nga pasok na tayo
baka ma late pa tayo eh. Huhu!"
"Kapag nakita ko yung Candice na yun kakalbuhin
ko siya eh! Huhu."
Nung nakasigurado na akong wala na sila tska lang
ako lumabas ng cubicle baka mamaya balatan pa
nila ako dio ng buhay eh. Humarap ako sa salamin.
Amp! parang naiiyak na naman ako. Tama sila
kasalanan ko to eh..
Parang nadudurog yung puso ko. Sa tatlong taon
kong pag stalk kay Marky, Alam ko kung gaano ka
importate sakanya yung Basketball. At dahil lang
sa wala na siya sa APAT kaya inalis na din siya
dun. Napaka unfair naman nun! Isa pa matalik

niyang kaibigan sila Jeydon kaya alam kong
masakit sakanya kung aalisin siya sa grupo nila.
Nakakainis. Ako na naman may kasalanan neto.
Kung hindi niya sana sinabing gusto niya ko, sana
hindi nangyare lahat ng to.
Mabuti pa pumunta na muna ako sa class ko para
hindi ako mabigyan ulit ng detention.
Pagpasok ko sa room wala pa si Ms. Farrah. Kaya
pala ang ingay nila. Nung nakita ko si Margot
nginitian niya ako. Kahit malungkot ako ngayon
pinilit ko pa din na ngumiti sa kanya para sa lahat
ng natulong niya sakin nung pre pageant.
"Oh my gosh! Wala na daw si Papa Marky sa
basketball team?!" Pwede ba Bubbles tama na.
Paulit ulit ko na yan naririnig. Mas lalo lang akong
nalukungkot.
"Yes I know! at alam niyo ba yung dahilan kung
bakit?!"
Lumapitsakin si Blossom. Sumunod naman
sakanya si Bubbles tska Anne. Pati yung iba kong
classmate napatingin sakin.

"Dahil lang naman yun kay Candice."
Nagulat silang lahat.
"Bakit?"
"May rules kasi ang APAT. At isa na dun yung
walang talo talo. Kaso inamin ni Marky sa harap
nila Jeydon na may gusto siya dito sa malanding
babae na to!"
Mas lalo silang nagulat sa sinabi ni Blossom. Hindi
na lang ako nag salita kahit na nasaktan ako sa
sinabi niya na malandi ako, kasi hindi naman ako
ganun. Kaso tama naman siya na kasalanan ko to
eh.
"How dare you Candice! Ginayuma mo ba si
Marky? Nung una si Jeydon tapos si Troy pati ba
naman si Marky?! Grabe ka! Ang landi mo!"
"Hindi ako malandi!"
"Oh kaya pala? Lahat inaakit mo? siguro kung
hindi mo lang kapatid si Charles baka pati siya
pinatos mo na! Anong gayuma ba gamit mo?!"

"Sumusobra ka na!"
Muntik ko na siyang masampal sa galit ko.
Napigilan ko lang yung sarili ko. Mukhang nagulat
si Blossom sa ginawa ko. Kinuha ko yung bag ko
tapos lumabas ako ng room. Pumunta ako sa
Faculty office. Mag e-excuse na lang ako kay Mam
Farrah. Feeling ko mag kakasakit na ko sa stress
at sa problema eh.
Buti na lang pag punta ko sa loob ng Faculty room
andun pa siya.
"Mam Farrah?"
"Yes Candice?"
"Hm.. ano po.. pwede po bang mag excuse muna
ako sa class niyo? Masama po kasi pakiramdam ko
eh."
"Ha? Bakit?" Lumapit siya sakin. Hinawakan niya
yung leeg ko. "Hindi naman mainit yang katawan
mo pero sige pinapayagan na kita. Go to the clinic
okey?"
"Thank you po Mam."

Buti na lang pumayag siya. Ang kelangan ko na
lang ngayon hanapin sila Jeydon. Pambihirang
lalaki yun. Paano niya nagawa to kay Marky?
Matalik na kaibigan niya yun ah.
Nakita ko na din sila sa may gym. Nag pa-practice
para sa game mamaya. Kahit nandun si Kuya
lumapit pa din ako.
"Jeydon!"
Napahinto silang lahat. Nag sabi si Jeydon sa
coach nila na break daw muna sila. Linapitan ko
agad sila. Wala na akong paki alam kung marinig
man ako ni Kuya.
"Bakit? Busy kami."
"Bakit mo tinanggal sa grupo niyo si Marky?!"
"Sumuway siya sa rules namin. Tapos." Ganun na
lang ba yun? Parang wala lang sakanya yun ah?
"Hindi pwede!"

"Candice." Tumaas ata yung mga balahibo ko nung
tinawag ako ni Kuya Charles. Ngayon na lang niya
ulit ako tinawag sa pangalan ko. "Wag kang maki
alam dito."
"Candice, hayaan mo na samin to." Sabi naman ni
Troy. Isa ka pa Troy! Akala ko ba kaibigan mo si
Marky?
"Unfair naman kung aalisin niyo siya sa basketball
team dahil lang sa wala na siya sa grupo niyo!
Mahalaga kay Marky yung basketball!"
"Candice! pwede ba wag ka na ngang maki alam
dito. Rules are rules. Para san pa yun kung hindi
naman namin susundin?"
"Hindi Kuya! Dahil sakin kaya siya naalis sa grupo
niyo! Kaya makiki alam ako. Rules lang yun! Mas
mahalaga pa ba yun kesa sa pag kakaibigan niyo
ha?"
"Candice!"

"Alam ko na ngayon kung bakit tinawag kayong
Bad Boys. Haha! Grabe ano bang puso meron
kayo? Bato? Mismong kaibigan niyo ginaganito
niyo?"
Ang sama ng tingin sakin ni Kuya Charles. The hell
I care! Tama naman ako eh. Wala akong paki alam
kung magalit man sila.
"Umalis ka na Candice. May practice pa kami."
Wala man lang bang paki alam si Jeydon dito?
Alam ko naman si Kuya lang yung may problema
kay Marky. Hindi sila damay dito ni Troy pero bakit
wala siyang ginagawa? Siya yung leader ng grupo
nila di ba? Siya naman yung masusuno eh!
"Ibalik niyo si Marky kahit sa basketball team lanh!
Please!"
"What's done is done. He's out at hindi na yun
mababago pa." Tumalikod siya sakin. "Tara

practice na!"
Anong klase ka Jeydon?!
"I hate you Jeydon! Kayo nila Kuya! Wala kayong
kwentang kaibigan!"
Pinunasan ko muna yung luha ko bago ako umalis.
Ang sama nila! Bakit pati sa sarili nilang kaibigan.
Dumeretso na lang ako sa next subject ko. Habang
naglalakad ako sa corridor may ibang ang sama ng
tingin sakin. Nabalitaan na siguro nila. Sabagay
mabilis naman talaga kumalat yung tsismis dito sa
school. Nakakapanibago lang kasi kasama na ako
sa tsismis na yun ngayon.
Kahit sa room wala akong paki alam kahit patayin
na nila ko sa tingin nila. Hanggang tingin lang
naman sila eh.
Mabilis lang lumipas yung oras. Lunch na nga agad
eh. Hindi ko alam kung may magagawa pa ako
para maibalik si Marky kahit sa basketball team
lang. Kaso pakiramdam ko wala na atang pag asa.
Sa ugali pa lang ni Jeydon hindi na ako aasa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta..
Ayoko pumunta sa canteen, sa library o kahit sa
corridor na lagi kong tinatambayan.
Pumunta na lang ako ng Music Hall.
Pag pasok ko walang tao.. wala si Marky.
Nakakapanibago kasi wala siya. Para tuloy walang
buhay tong Music hall. Pumunta ako sa stage,
nandun yung piano. Hindi ako magaling mag piano
pero ayos lang wala namang tao dito eh. Isa pa
wala namang pumupunta dito.
Ano kayang papatugtugin ko?
Alam ko na..
[Just give me a reason by Pink]

"Right from the start
You were a thief
You stole my heart
And I your willing victim
I let you see the parts of me

That weren't all that pretty
And with every touch you fixed them"
Naaalala ko si Marky.. Nung una ko pa lang siyang
makita na love at first sight na ata ako sakanya.
Para siyang magnanakaw na bigla na lang kukunin
yung puso mo..
"Now you've been talking in your sleep, oh, oh
Things you never say to me, oh, oh
Tell me that you've had enough of our love, our
love."
Marky sorry ah, nang dahil sakin kaya nangyari to.
"Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just ben
tAnd we can learn to love again
It's in the starsIt's been written in the scars on our
hearts
We're not broken just bent
And we can learn to love again"
Saktong line na nung guy. May kumanta...
"I'm sorry I don't understand
Where all of this is coming from
I thought that we were fine
Your head is running wild again

My dear we still have everythin'
And it's all in your mind.."
Parang sumigla ako bigla nung nakita ko siya. Lalo
na ngayong nakikita ko na naka ngiti siya. Parang
na miss ko siya.. yung kaming dalawa lang dito sa
Music hall kumakanta nag kwe-kwentuhan. Yung
nag tatawanan kami, yung masaya kami.
"Kelangan mo pa ng konting practice sa piano."
"Marky.."
Shete! parang naiiyak ako. Hindi ko alam bakit eh.
Ayoko umiyak sa harap niya huhu. Bakit parang na
miss ko siya?
"Alam mo na miss ko yung tayong dalawa lang dito
tapos kakanta tayo.."
Tumabi siya sakin.
"Mali pala.. na miss kita. Lahat sayo."
Pwede bang mahimatay sa kilig? As in now na?
Parang namumula ako tapos bumibilis na naman
yung tibok ng puso ko. Lahat ng nakita ko kahapon

nabura. Huhu umaasa na naman ako eh.
"Akala ko hindi ka pumasok.." Wala akong masabi
eh. Hindi ko masabing miss ko din siya eh T__T
"Hindi talaga, kaso gusto kita makita tska maka
usap eh.. yung kahapon kasi yung nakita mo
samin ni Abby.."
"Marky okey lang, you don't have to explain.." Wag
mo ng sabihin baka masaktan lang ako. Nakita ko
naman eh..
"I just broke up with her officially."
Waaaaa! wala na talaga sila!
"Ah talaga.." Sus Candice pumapalakpak naman
tenga mo. Hoho!
"Tska manunuod ako mamaya ng laban."
Ayan naisip ko na naman yun.

"Marky sorry.. dahil sakin kaya natanggal ka sa
team.. kaya.."
"Shh.. it's not your fault. Ginusto ko to. Isa pa
hindi ako nag sisisi na sinabi ko sa harap nila na
gusto kita."
"Pero..."
"I like you Candice."

Waaaaa! Nganga.

"And nothing or no one can stop me."
"Marky.."
"Hmm.. wala ka man lang bang sasabihin na

maganda sakin?"
Ano nga ba? Kinabahan ako. Huhu utak gumana ka
naman kahit ngayon lang. Hindi na naman ako
nakapag salita. Amp! Tameme ako. Ginulo niya
yung buhok ko.
"Haha! Ang cute mo talaga.. Gusto mo turuan kita
mag piano?"
"Marky gusto din kita.."
Waaa! Nasabi ko ba? Huhu earth kainin mo na ako
now na. Nahihiya ako.
Tinignan ko si Marky. Naka tingin lang siya sakin.
Naka ngiti siya. Natutunaw ako sa ngiti niya. Kahit
nag aalala pa din ako dahil dun sa pag katanggal
niya sa grupo. Hindi ko din maiwasan na maging
masaya..
Kasama ko siya ngayon..
Wala na sila ni Abby officially..

Nasabi ko na din sakanya na gusto ko siya at
ganun din siya..
Grabe parang ang perfect ng moment na to para
samin ni Marky. Inalis ko na lang muna lahat ng
nasa isip ko.
Tumugtog siya ng piano habang kumakanta..
[Statue by Lil Eddie]

Ang galing niya mag piano. Ang ganda ganda pa
ng boses niya. Hindi ko mapigilan na matatitig
sakanya..
Kapag kasama kita parang ang saya saya ko.
Parang tayong dalawa lang yung nag eexist.
Parang nawawala lahat ng nasa isip ko..
"Its just cause I cant believe,That youre so
beautiful."
Habang sinasabi niya yun naka tingin siya sakin..
ay mali naka titig siya sa mga mata ko. Shocks!
bumilis yung tibok ng puso ko dun ah..
Bakit parang unti unting lumalapit sakin si Marky?

Ang bilis ng tibok ng puso ko...
Hindi ko na alam gagawin ko eh, sobrang lapit na
niya sa mukha ko.. napapa pikit na nga ako sa
lapit niya eh.. Huhu! Marky hahalikan mo ba ko?
Waaaaa! Shete eto na...
Sakto naman bumukas ng malakas yung pinto.

"EHEM."

"Haha! sabi ko na eh."
"Ha?" Napalingon kami sa pumasok.
"Kita na lang tayo mamaya."
"Ah Oh-Okey.."
Umalis na tuloy si Marky! hays eto kasing lalaki na
to, epal na naman. Umalis tuloy agad si Marky.
Nung dumaan si Marky sa harap niya hindi sila nag
pansinan kahit na alam ko naman na ngumiti
sakanya si Marky. Ang arte talaga ng pusang robot
na to.

"Anong problema mo?"

"Ha? wala matutulog sana ako dito kaso may tao
pala.."
"Alam mo kahit kelan epal ka Jeydon!"
"Bakit? may ginagawa kayong kalokohan ni Marky
nuh?"
"Wala ka na dun! galit ako sayo! TSE!"

Umalis na ko dun. Pati ba naman sa Music Hall
eepal siya samin ni Marky. Para talaga siyang
kabute. Bahala nga siya, galit pa din ako sa
kanya..
Gagawa ako ng paraan para makalaro pa din si
Marky mamaya..

36: One team

TROY'S POINT OF VIEW.

Ang tagal naman mag reply ng baby Jaycee ko.
Ano kayang ginagawa niya? Kumain na kaya yun
ng lunch? Hindi pa nag tetext anong oras na eh.
Damn I miss her.
Beep
From:Tiffany
Lunch ka na :-)

Tsk. Lintek na ka gwapuhan talaga meron ako. Ang
daming babaeng nahuhulog sakin. Mukhang
tinamaan talaga sakin tong si Tiffany. Kahit sinabi
ko na sakanya yung totoo..

Flashback
[Tiffany's Birthday]
Nandito kami sa Sbarro ni Tiffany. Nagutom agad
ako kaka drive kanina. Langhiya ang layo kasi ng
bahay nila sa bahay namin eh. Hindi pa ko nag
aalmusal. Baka mabawasan ka gwapuhan ko neto
eh.

"Anong.. anong gusto mo Troy?" Bakit kaya parang
nahihiya siya sakin? Ang tagal na namin mag
kasama dito sa mall eh.
"Hmm kahit ano.. Sige order ka na, my treat."
"Hehe sige!"
Nalingon ako sa labas.
Taena muntik ko na maibuga yung tubig na
iniinom ko. Bakit andito si Candice? Mukhang nag
mamasid siya samin ni Tiffany ah. Wahaha! Wala
talagang tiwala sakin to pag dating sa babae.
Sabagay hindi ko naman siya masisisi. Malakas
naman kasi talaga ako sa chicks eh. Kaso
kasalanan ko ba yun? Sila kaya lumalapit sakin.
Realtalk yun ah.
Hinayaan ko lang muna si Candice baka napadaan
lang eh.
Pagkatapos namin kumain, niyaya ko muna si
Tiffany na maglibot para malaman ko kung
sinusundan talaga kami ni Candice.

Naka ilang shops na kami, hanggang ngayon
nakikita ko pa din si Candice. Potek! sinusundan
nga kami. Nung dumaan kami ng DQ nakita ko
naman si Jeydon bumibili ng ice cream. Haha!
What a small world nga naman. Pustahan
magkikita pa yung dalawa na yan. Mukhang
exciting to ah.
"Troy san na tayo?"
"Nuod tayo ng sine?"
"Gusto ko yan!" Ang cute naman ng smile ni
Tiffany, tapos ang laki pa ng ANO niya.. ng pisngi.
Hehe.
Hindi ko na makita sila Candice. Nagkita na kaya
yung dalawa? Dapat sundan nila kami sa may
sinehan para masaya. Wahaha! tapos pag nandun
na sila may gagawin ako..
"Tiffany pwede bang maki heram ng phone?"
"Uhm okey sige.."
Bago niya ibigay sakin yung phone niya may
ginawa muna siya sa phone niya. Nag bura kaya
siya ng message? Siguro maya secret sila ni
Candice.

Tinetx ko si Candice, kunwari ako si Tiffany. Sabi
ko nasa Sinehan kami maya maya. Sana kasama
niya si Jeydon pag sinundan niya kami dun.
Walang reply si Candice sa text ko. Nag abang na
lang kami ni Tiffany sa may Krispy Kreme. Kita
kasi dito yung mga bibili ng tickets. Hindi naman
ako nag kamali kasi nakita ko nga si Candice at
kasama si Jeydon. Wahaha sabi na eh. Ang two
lovebirds talaga na to.
Wala ng tickets para sa Fast 6. Amp paano kaya
yun?
Hmmm.. ayun! bigla na lang may nilapitan si
Jeydon na dalawang babae. Siguro hihingin niya
yung ticket nung dalawa? Ang talino talaga ng
ugok na to. Pumaparaan makasama lang si
Candice. Wahaha.
"Troy! bili na tayo ng popcorn, malapit na mag
start yung movie eh."
"Ah sige tara."
Dun kami sa kabila bumili para hindi nila kami
makita. Wooo! Exciting to. Kelangan ko ng
malaking popcorn para dito! Haha.

Pagpasok namin ni Tiffany sa loob naka patay na
yung ilaw. Hinanap ko sila pero wala yung dalawa,
asan kaya yun? Bago kami maka upo may
napansin akong dalawang tao sa taas na
nakayuko. Malamang sila na yan. Patago tago
pang nalalaman, eh halata ko naman yung cap ni
Jeydon.
Nung nag start yung movie umakbay agad ako kay
Tiffany. Nakita ko siyang ngumiti. Si Candice kaya
anong reaksyon? sigurado ako umuusok na yung
tenga nun sa galit. Sayang hindi ko makikita! hehe
bad boy mode on. [Devil's laugh]
Malalit na matapos yung movie. Syempre dapat
grand finale yung gagawin ko..
Sumandal ako kay Tiffany. Nilapit ko lang ng konti
yung mukha ko sakanya. Ayoko naman mag take
advantage sakanya mabait ako eh. Totoo yun wag
na pumalag pa. Nagulat siya pero sinabi ko na lang
na sasandal lang ako.
Narinig ko na na yung dalawa na nag uusap.
Wahaha! Mission successful. For sure galit na galit
na yan si Candice, akala siguro niya nag kiss kami
ni Tiffany. At panigurado din ako pinigilan siya ni
Jeydon na sugurin kami dito. Eh di nag uusap na

sila di ba? Talino ko talaga.
Pagkatapos ng movie. Tinignan ko sila Candice,
nag iba sila ng way ni Jeydon. San kaya sila
pupunta? Anyare dun sa dalawa? Mag dadate kaya
yun?
"Wala na ba sila?"
"Ha?"
"Si Candice at Jeydon." Alam din pala ni Tiffany na
naka sunod yung dalawa samin. Mag ispiya na lang
kasi si Candice halata pa. Epic fail.
"Nag iba na sila ng way eh."
"Haha! Si Candice talaga, nag aalala siguro siya sa
mangyayari sa date natin."
"Oo nga eh hehe.. tara Starbucks tayo?"
Nag nod siya. For sure nag aalala yun kay Tiffany.
Akala siguro niya gagawa ako ng moves dito sa
kaibigan niya. Hindi kaya ako nag tatake
advantage. Mga babae lang gumagawa sakin nun
eh, seryoso. Haha! Tska kaya lang naman ako

pumayag kasi Birthday ni Tiffany.
Nakaupo kami sa labas. Malapit na din pala mag
gabi. Ang hangin na dito sa labas. Ang lamig tuloy
dito, mas malamig pa kesa sa sinehan. Mukhang
nilalamig pa si Tiffany. Tinanggal ko yung jacket ko
tapos sinuot ko sakanya. Bigla naman siyang
namula. Hehe cute niya.
"Troy.. thank you nga pala sa araw na to ah."
"Nag enjoy ka ba? Happy birthday ulit."
"Ahm.. oo naman. Troy i like you. Kaya masayang
masaya ako na nakasama kita sa birthday ko."
Pagkatapos niyang sabihin yun parang hindi na
siya maka tingin sakin. Medyo nagulat nga ko na
nasabi niya sa harap ko na gusto niya ako. Alam
ko kasi mahiyain siya eh. Ganun kaya niya ako ka
gusto? pero may mahal na kasi ko eh..
"Thank you for liking me Tiffany. You're a beautiful
girl but my heart is already taken by someone. I
hope we can be friends."
Tahimik lang siya. Nyeta! Ayoko talaga ng ganito
eh. Ayokong may nasasaktan ako. Siguro

matatawa kayo, kasi kilala akong womanizer,
playboy at Casanova. Oo ganun ako pero I only
play with girls na katulad ko. Girls na fling at hook
ups lang din ang habol sakin. Hindi ko lang alam sa
iba bakit sinasabi nilang pina iyak ko sila eh in the
first place naman sila yung nagpipilit sa sarili nila
papunta sakin.
Isa pa iba naman kasi si Tiffany eh, alam ko na
matino siya hindi kagaya ng kapatid niya na si
Stacey. Mahirap kaya saktan yung mga katulad
nila ni Candice. Para kang nag babasag ng
maganda at mamahaling vase na naka display ng
tahimik sa isang art gallery. Takte lalim ng sinabi
ko na yun ah!
"I understand. Im not forcing you to like me back
but please hayaan mo lang akong gustuhin ka."
Ngumiti siya sakin. "Please."
"Fine.."
Hays ano pa nga ba magagawa mo?
Sorry Tiffany. Kung nauna lang kitang nakilala
malamang nag ka gusto din ako sayo. Maganda
ka, mabait tska alam kong mamahalin mo talaga
ako ng totoo. Hindi ka mahirap mahalin but my
heart is already with Jaycee..

End of flashback

"Hoy Troy! Kanina pa kita tinatawag ah!"
"Bakit ba Tanda?" Lumutang utak ko.
"Lul! wag mo nga ko tawaging tanda! baby face pa
ko."
"Whatever." arte netong lalaki na to. Siya naman
talaga pinaka matanda dito eh, ako naman yung
pinaka bata.
"Nakita mo ba si Candice?"
"Hindi eh. Nag text ako sakanya pero hindi nag
rereply."
"Asan kaya yung manang na yun?"
"Sus nag gagalit galitan ka pero nag aalala ka din
pala. Dami mong alam!" Binato niya ko ng plastic
bottle. Peste! muntik na matamaan yung napaka
gwapo kong mukha. "Namo!"
"Bakit si Jaydee wala din?"

"Hanapan ba ako ng nawawalang tao? Dyan ka na
ngang tanda ka."
Umalis agad ako. Baka batuhin na naman ako ni
tandang Charles. Lintek talaga yun, dami pang
arte! galit galitan pa kay Candice todo naman mag
alala. Gagu lang eh.
Asan na nga kaya yun si Candice?
Galit pa din kaya yun samin? Sana hindi na. Taena
naman kasi ni Charles nag inarte, gustong
tanggalin si Marky. Wala tuloy nagawa si Jeydon
kahit siya yung leader, galit si Charles eh tska
totoo naman kasi na hindi sumunod si Marky kaya
bilang leader kelangan niya gawin yung tama.
Dami ding arte sa katawan nung tandang yun!
Kung ako lang naman masusunod papabayaan ko
na lang yun. Para san pa yung TEN YEARS na pag
kakaibigan namin? Isa pa mukha namang gusto
niya din talaga si Candice. Selos din kasi tong
abnormal na leader namin kaya big deal din
sakanya. Sus! ako pa lolokohin niya. Sa lahat kasi
ng torpe siya yung pinaka torpe, naunahan pa
tuloy ni Marky.

Mabuti pa pumasok na lang ako sa next class ko.
Mabait na ko eh, hindi na ko nag di-ditch ng class.
Siguro mga dalawang beses na lang sa isang
linggo. Wahaha.
Ewan ko ba simula talaga ng dumating sa buhay
namin si Candice parang napatino ako. Hindi na ko
masyado nang chi-chicks. Nag sisipag na ko ng ten
percent sa pag aaral. Haha! Ewan ko ba dun sa
babaeng yun! Anong ginawa sakin? Kapag kasi
magloko ako sisigawan ako ng todo nun. Malala pa
siya kay Jaycee mag pa tino eh. Kaya gustong
gusto ko siya maging best friend eh. Wala pa kaya
akong best friend na babae, na stuck up kasi ako
sa Tatlong ugok na yun.
Napansin ko nga din si Jeydon nagtino na. Sobrang
nag tino si Gagu. Ayun hindi na talaga nang chicks.
Hindi ko na din nakita na nag yosi tska uminom.
Kaso syempre bully pa din, lalo na kay Candice.
Hindi ko lang alam kung lahat ba yun dahil kay
Candice o nagkataon lang.
Kahit din sa dalawang ugok may nag bago. Hmm
siguro nga iba yung impact ng pag dating ni
Candice sa buhay namin.

"Ang landi talaga ni Candice!"
Napalapit ako bigla sa mga nag uusap na babae.
Sinong Candice kaya yun?
"Una si Troy tapos ngayon si Marky! I told you
girls, she's a b*tch in disguise. Akala mo nung una
nerd pero haliparot din pala!"
Nag pintig yung tenga ko sa mga narinig ko.
Anong karapatan nilang sabihin yun kay Candice?!
Alam ko na lahat ng kaladian ng mga babae pero
never kong nakita yun kay Candice.
"Kung hindi niyo babawiin yang mga sinabi niyo.
Mag sisisi kayo na dito pa kayo nag aral."
Nagulat silang apat nung nakita nila ako.
"Troy.."
"Isa..."

"Pero siya lang nagsabi nun! Hindi kami!" Tinuro
nila yung babaeng nasa harap.
"DALAWA!"
"Sorry na! Sorry! hindi totoo lahat ng mga sinabi
namin kay Candice." Sabay sabay pa sila.
"Ayokong makakarinig pa ako ulit ng ganito.
Naiintindihan niyo ba?"
"Oo Troy hindi na."
"Good. At hindi malandi si Candice. Itatak niyo yan
sa utak niyo."
Umalis na ko dun. Baka makasapak pa ko ng
babae eh. Hindi pa naman ako pumapatol sa mga
babae. Baka ngayon lang.
Pagkadating ko sa room Science na pala. Papasok
kaya si Candice? Sana pumasok yun..
Maya maya nakita ko na din siya. Aba mukhang
masaya ata siya?
"Hi Candice!"

Pucha ano yun? Ini-snob ang kapogian ko. Huhu!
"Uy! Galit ba you?"
Sabi ko nga galit ka pa din. Bakit kasi pati ako
damay? Wala naman akong kasalanan. Huhu!
"Sorry na oh! Candice.."
Tinignan niya lang ako pero hindi pa din niya ako
pinansin. Potek! anong drama ba yun?
Dumating na din si Jeydon. Naka ngiti din siya
pero nung nag katinginan sila si Candice nag bago
na din itsura niya.
"Jaydee!"
Hindi din ako pinansin ni gagu. Bahala nga kayo.
Galit na din ako. Akala niyo kayo lang ah? Ako din.
Nung dumating si Sir Jason lahat kami nag good
afternoon. Si Jeydon at Candice lang yung hindi.
Laki ng problema ng dalawang abnormal na to. LQ
kaya sila? pati ako damay. Huhu!
Nakita ko lang na ngumiti si Candice nung nag
congratulate sakanya si Sir Jason. Nakaka
panibago naman, ang tahimik ng dalawa. Nabibingi

ako -___Hanggang matapos yung class wala pa din imik si
Candice. Si Jeydon naman kinausap na din ako,
may meeting daw kami. Excuse naman kami sa
last subject eh.
Pumunta kami sa tambayan. Andun na si tanda.
"Ano bang pag uusapan?"
"Ibabalik ko na si Marky sa grupo."
"ANO?!"
"Narinig niyo ko di ba? tapos na yung meeting
natin."
Paalis na si Jaydee pero pinigilan naman siya ni
Charles. Naku! papalag pa tong tanda na to.
"Hindi ako papayag!"
"Ano bang pinag lalaban mo?"

"Alam mo kung bakit ako nag kaka ganito! Hindi to
dahil sa rule Jeydon."
Alam ang ano? Parang na OP ako dun ah.
"Malaki na kapatid mo. Alam na niya ginagawa
niya. Eh di kapag pina iyak siya ni Marky bugbugin
mo. T*ngina simpleng bagay eh."
Hindi nakapag salita si Charles sa sinabi ni Jeydon.
Hindi ako maka relate pucha!
"Bahala ka ngang ugok ka."
"Hoy tanda, kasali na ba ulit sa basketball team si
Marky?"
"Narinig mo naman sabi ng ugok nating leader eh."
Ayun oh! buo na ulit kami. Sabi na nga ba hindi din
matitiis ni Jeydon si Marky eh. Lakas din mag
inarte parang si Charles lang. Letche sila
pinapasakit pa ulo ko.

Aalis na sana si Charles pero binato niya muna ako
ng bote.
"Sabi ko na sayong wag mo mong tatawaging
tanda! Gagu!"
Takte. Humanda ka sakin mamaya tanda. Hindi
kita papasahan ng bola. Wahaha!
Pabalik na ko ng locker ko para makapag palit.
Nakita ko si Jeydon kinakausap ni Ms. Maggy. Anak
ng siopao naman may detention nga pala kami.
Maka alis na nga, bahala ka na dyan Jaydee.
Wahaha!
"Mr. Mendoza!"
Yun lang nahuli pa ko.
"Yes mam?"
"Detention hours."
"Pero mam naman mag pa-practice pa kami ng
basketball!" Nako Jeydon hindi tatalab powers
natin sa babaeng yan. Man hater yan eh.

"I don't care. Go to detention room. Now!"
Wala na kaming nagawa. Badtrip talaga. Paano
kaya kami mamaya? Tsk tsk. Pag pasok namin dun
walang tao. Kami lang ba dito?
Umupo si Jaydee sa sulok. Pagkakataon ko na para
mag tanong. Pucha silang dalawa ni tanda sila lang
nag kakaintindihan eh.
"Hoy Jaydee, bakit pinabalik mo na si Marky sa
grupo?"
"Ayaw mo?"
"Syempre gusto. Kaso ano yung sinasabi ni Charles
na hindi yun tungkol sa rule? Di ba kaya lang
naman siya natanggal kasi hindi siya sumunod sa
rule natin?"
"Bakla ka na ba Troy?"
"Ha?" Loko to ah! Mas gwapo nga ko sakanya eh!
Ako pa yung bakla?!
"Ang tsismoso mo. Wag ka na mag tanong basta
bumalik na si Marky sa grupo tapos."

"Eh di wag! Lul."
Hindi na nga ko mag tatanong sa ugok na to.
"Sana hindi na magalit si Candice satin.."

Teka... napa isip ako dun ah.
Ah okey. Ngayon alam ko na kung bakit pinabalik
niya na si Marky sa grupo. Medyo slow ako dun ah.
Wahaha! Akala mo Jeydon hindi ko mapapansin?
Asa ka boy.
"Hoy Troy! Anong nginingiti ngiti mo dyan?"
"Tsismoso mo. Wag ka na mag tanong."
Wahaha. Putcha natatawa ako. Ewan ko ba sayo
Jaydee pasimple ka gumalaw eh. Kung umaamin
ka na lang kasi. Amin amin din pag may time. Tsk
naturingan ka pa namang malakas sa chicks.

Nag usap na lang kami ng gagawin mamaya sa
game. Hindi kasi nakapag practice dahil sa Ms.
Maggy na yun! Minsan nahuhuli pa din niya akong
napapa ngiti pero pinipigilan ko na lang.
Taena ang tagal pala ng oras dito sa detention
room. Lagi kasi namin nauuto yung mga teacher
namin kaya hindi na kami binibigyan ng detention
slip. Yung Ms. Maggy lang kasi na yun. Galit ata sa
pogi.
Nauna na si Jeydon sa gym. Hahanapin niya din
kasi si Marky.

"Totoo bang binalik na ni Jeydon si Marky sa
grupo? Bakit?"
Ay pusa! Sino yun?
"Ginulat mo naman ako Candice!"
Para siyang kabute na sumusulpot. Tsaka paano
nalaman neto?

"Ano tama ba narinig ko?"
"Gaano ba kalakas yang pandinig mo at narinig mo
pa yun ha?"
"Baliw! nandun din ako sa loob kanina. Na
detention din ako eh." Nyeta buti na lang wala
akong nasabi kanina, andun din pala siya.
"Ah, oo binalik na siya ni Jeydon."
"Talaga?" parang nabuhayan siya bigla. "Buti
naman! At ano naman nakain ng abnormal na yun
at binalik niya si Marky?"
"Ayaw niya kasing magalit ka sakanya.."
"Ano?" buti hindi narinig. Kinabahan ako dun ah.
"Wala sabi ko hindi ka na ba galit samin?"
"Hehe nag iinarte lang ako. Bakit na ba kasi binalik
ni Jeydon si Marky ah?"
Mana pala to sa Kuya niya lakas din mag inarte.
Kanina lang hindi nag sasalita tapos ngayon ang
kulit parang ewan lang.
"Naawa kasi sayo si Jeydon kaya ayun! Baka kasi

umiyak ka na eh!"
"Weee di nga? Bakit nga kasi?"
"Yun nga! Sige na alis na ko!"
Umalis na ko dun baka madulas pa ko. Hehe
mahirap ng mabugahan ng apoy sa mukha ng galit
na dragon. Hirap kasi kapag pinag sama mo yung
ubod ng torpe sa ubod ng manhid. Samahan mo
pa ng isang mapaglarong lalaki.
Buti na lang ako happy na kay Jaycee. Matext nga
muna yung baby ko.. hehe.
To: Baby ko
Baby!! I miss you. Mag start na yung game.
Bigyan mo ko power kiss! Haha muah! I love you.
:-*

Sweet ko nuh? Ganyan mag mahal ang Bad Boy.
Wahaha!!
Pagkadating ko sa gym ang dami na agad tao.
Puro mga fangirls namin nandito ah. Pogi ko
talaga, Wahaha! De joke gwapo talaga ko.

Nakita ko na si Marky.
"Pareng Marky! Welcome back! Pucha parang tagal
mo nawala!" - Ako.
"Lul hindi naman ako umalis eh, nag inarte lang
yung dalawa eh." - Marky.
"Gagu dami mo kasing alam!" - Jeydon.
"Hoy taena mo! mag uusap pa tayo!" - Charles.
Yun oh! Ayos na talaga kami. Wala nag murahan
na eh. Yan batian namin eh bakit ba? Wahaha.
Ready na kami sa laban.
Lets get it on baby!
37: Permission

CANDICE POINT OF VIEW

29 - 45
Kakatapos pa lang ng first half pero grabe intense
na intense na yung mga tao dito sa gym. Tambak
yung Xavier High School. Ang ganda kasi ng laro
nila Jeydon, Marky, Troy, Kuya Charles tska Ginno.
Kaya pala sila yung defending champion.
Halata mo na din na okey na sila Kuya at Marky.
Huhu! Buti pa sila bati na, kami kaya ni Kuya
Charles kelan magbabati?
"Grabe pawis na pawis na si Troy!"
"Hay nako Tiffany! kanina mo pa yan sinasabi,
pumunta ka na lang dun tapos punasan mo siya."
"Eh.. nahihiya ako eh."
Nahihiya eh nag kiss na nga ata kayo? Na curious
tuloy ako kung anong nangyare sa date nila. Hindi
pa kasi niya sakin sinasabi eh. Pa spy spy pa ko
nun wala naman pala ako napala. Tsk!
"GO JEYDON! WE LOVE YOU!"

Napalingon kami ni Tiffany dun sa fangirls ni
Jeydon. Grabe sila makapag cheer kay Jeydon,
kulang na lang mag mega phone sila eh. Lalo tuloy
umingay sa gym. Puro mga fangirls ng team yung
nandito. Naririndi na nga ata yung kalaban sa
ingay nila eh.
"Go Baby Troy!"
Isa pa pala tong katabi ko. Kung may fangirl, siya
yung super fangirl. Hayaan ko na nga lang to si
Tiffany, sabagay ganyan din naman ako kay
Marky, hindi lang nga ako maingay hehe. Kumbaga
lihim na pag tingin. Eh! na alala ko tuloy yung
nangyari kanina sa Music Hall, kinikilig pa din ako.
Wahaha!
"Candice okey ka lang?" Ay pusa. Halata kayang
kinikilig ako? Hehe.
"Oo may naisip lang ako. Ayan mag sisimula na ulit
yung game! Hehe." Mukhang mag uusisa pa to si
Tiffany eh. Buti na yung mag change topic agad
ako.

Nag start na yung second half. Go Blue Dragon!
Kaya niyo yan! Go Marky! >.<
Hawak ni Ginno yung bola. Pag dating niya agad sa
kabilang side pinasa niya yung bola kay Marky.
Bigla naman lumapit sakanya yung nag babantay
sakanya tapos tinulak niya ng pasimple si Marky.
Waaaa! Foul yun ah!
Lahat ng tao sa gym nagulat kasi natumba si
Marky pero hindi man lang tinawagan ng referee
ng foul yung kalaban. Tinayo na lang ni Kuya
Charles si Marky. Nasa kalaban na tuloy ngayon
yung bola, paano kasi nung natumba si Marky
inagaw bigla ng kalaban yung bola. Ang daya
naman nila! Hindi naman sila ganyan kanina eh.
Binabantayan na ni Troy yung may hawak ng bola.
Hindi maka shoot yung binabantayan niya, grabe
kasi mag bantay to si Troy. Nung malapit na mag
shot clock, siniko niya ng pasimple si Troy. Lahat
ata kami nakita yun pero hindi na naman
tinawagan ng foul ng referee! Naiinis na ko ah.
Grabeng kadayaan na yun ah! Lantaran pa. Ano ba
tong referee namin. Ayan tuloy naka shoot yung
kalaban.

Nung nasa team na ulit yung bola dinala ulit ni
Ginno yung bola tapos pinasa niya kay Kuya
Charles.
"GO KUYA CHARLES!"
Napalakas ata pag ka cheer ko, bigla kasing
napatingin sakin yung mga tao. Huhu kakahiya
naman. Masyado akong supportive na sister!
Wahaha.
Binantayan siya nung dalawang malaking player sa
kabila. Nahihirapan tuloy si Kuya mag shoot hindi
din niya mapasa hanggang sa nag shot clock na.
Naka score naman agad yung kalaban. Nung na
samin na naman yung bola, si Ginno naman yung
may hawak ng bola. Siya yung center ng team
kaya ang laki ng katawan niya. Tignan ko lang
kung masiko nila si Ginno. Mag dudunk na sana
siya kaso pinatid naman siya nung kalaban, waaa!
grabe ang daya daya naman nun! Hindi tuloy kami
naka score.
Hanggang matapos yung third quarter puro dirty
moves ginagawa ng kalaban. Hindi naman
tinatawagan ng foul nung referee. Inis na inis na
nga kami ni Tiffany dito. Masyado ng nagiging

mapisikal yung kalaban pero buti sa team kahit
alam na nila yung ginagawa ng kalaban malinis pa
din sila mag laro. Buong game lahat sila
gumagawala maliban kay Jeydon. Ano kayang
problema niya?
Lamang na tuloy yung kalaban ng tatlo.
58 - 61
"Tiffany rest room lang ako ah?"
Hindi na niya ko napansin kaka cheer kay Troy,
nakikipag sabayan kasi sa mga fangirls ni Troy.
Sabi na eh siya talaga yung super fangirl ni Troy,
haha.
Kumaiin muna ako sa canteen, gutom na ko eh.
Nung pabalik na ko, napadaan ako sa gate. May
nakita akong magandang babae. Teka? eto yung
nakita ko din ng isang araw sa tapat din ng gate.
Ano kayang kelangan niya dito. Lumapit ako
sakanya.
"Ah miss.. may kelangan ka ba?"

"Ahm.. andyan ba si..."

"Miss Kim, tara na po."

Pag lingon ko nakita ko sa likod yung itim na kotse
tapos may may lalaking naka black suit sa likod.
Parang body guard?
"Sige.."
Ngumiti siya sakin bago siya pumasok dun sa
kotse. Sino kaya siya? ang taray naman niya may
body guard pa. Artista kaya yun? ang ganda niya
eh. Kim daw name niya, wala naman akong kilala
na Kim na artista si Kim chiu lang. Hehe
Sino kaya hinahanap niya?
Hmm.. bahala nga siya makabalik na lang sa gym.
Pag balik ko dun nagulat ako score. Tambak na
naman yung kalaban.
78 - 65
Mas nag ingay yung tao sa gym. Ano kayang

nangyare? Nawala lang ako saglit ang laki na ng
lamang namin tapos parang hindi man lang naka
puntos yung kalaban.
Nung tinignan ko yung court na kay Marky yung
bola tapos pinasa niya kay Jeydon. Derederetso
lang siya papunta sa ring si Jeydon. Yung
dalawang player ng kabila siniko siya pero hindi
naman siya nag patinag. Tapos bigla na lang
siyang nag slam dunk, natumba pa yung captain
ng kabilang team sa lakas ng talon ni Jeydon. Nag
ingay bigla yung gym sa ginawa ni Jeydon, nag
apir sila ni Marky tapos tumingin siya sa kalaban.
Nginitian pa niya yung kalaban, yung ngiting
nakaka asar. Parang asar na asar na nga yung
kalaban eh. Lalo na yung captain nila. Bagay lang
sakanila yan, madaya kasi sila eh. Buti na lang
hindi nag papatinag sakanila si Jeydon. Napansin
ko din napaka captain ng dating ni Jeydon sa
team. Kahit hindi siya pumupuntos kanina siya
naman yung nag didikta sa buong team. Ngayon
alam ko na kung bakit naging back to back MVP
siya.
Buong fourth quarter si Jeydon yung pumupuntos.
Hindi siya nag papatinag sa mga kadayaan ng
kabilang team. Waaa ang galing pala talaga niya
mag basketball.

Tapos na yung game. Panalo kami. Yehey!
82 - 69
Lahat ng mga schoolmates ko tuwang tuwa. Hinila
ako ni Tiffany papalapit kala Kuya. Bago pa kami
makalapit sa team, nakita ko si Kuya Charles tska
si Marky na paalis. Saan kaya yun pupunta na
dalawa? Waaaa kinakabahan naman ako dun.
Lumapit ako kay Troy para mag tanong.
"San sila pupunta?"
"May pag uusapan daw eh."
Hala ano kaya yun?
"Kumusta naman pala yung pag iispiya mo samin
ni Tiffany kahapon?"

"Ayun palpak."
Ay siopao nadulas ako. -___-

"Bakit mo naman kami sinusundan? Ikaw ha." Sabi
naman ni Tiffany.
"Ah ano kasi.. Ahm.. Ay teka teka pupunta pala
ako ng locker ko! Bye!"
Tumakbo ako palayo sa dalawang yun. Ano ba
naman kasing bibig meron ako. Alam pala nilang
dalawa na naka sunod ako. Waaaa! Super epic fail.
Dumeretso na lang din ako sa locker ko. Iwan ko
na lang yung books ko tapos maglalakad na lang
ako pauwi. May pag uusapan pa kasi sila Kuya
Charles tska Marky eh. Ano kaya yun? Bati na sila
di ba? Hmmm..
Nung tapos ko ng ilagay sa locker ko yung mga
libro ko lumabas na ko ng school para maka uwi na
ko habang hindi pa masyadong madilim. Napadaan
ako sa parking nakita ko si Jeydon na naka sandal
sa kotse niya tapos nag yoyosi. Ngayon ko na lang
siya ulit nakita na nag yosi.
Parang may nag tutulak sakin na lumapit kay
Jeydon. Waaa bakit naman? dapat ata mag
pasalamat ako sakanya kasi binalik niya si Marky
ulit sa team. Tska sabi niya kaya daw niya binalik
si Marky kasi naaawa siya sakin, kaso parang

imposible naman ata yun. Pero sige na nga
papasalamat na ko.
"Jeydon.."
Tinapon niya agad yung yosi nung nakita niya ko.
Buti naman ayoko maka langhap ng usok ng
sigarilyo eh.
"Bakit?"
Ay parang seryoso naman siya. Ano na naman
kaya problema ng abnormal na to?
"Ano kasi.. thank you nga pala kasi binalik mo si
Marky sa team.."
"Kahit galit ako sa mokong na yun hindi ko din
naman matitiis yun eh."
Galit pala siya kay Marky? Dahil kaya sa hindi
sumunod sa rule si Marky? pero ang babaw naman
ata nun. Gusto ko sanang itanong kung bakit kaso
naka serious mode kasi siya ngayon eh. Dama ko
yung aura niya eh. Hindi ko pa alam yung ugali

niya kapag ganyan siya, sanay lang ako sa
mapang asar, isip bata tska.abnormal na Jeydon.
Ano kaya iniisip niya? Na curious ako bigla.
"Sumabay ka na sakin."
"Ha?"
"Bingi ka ba? Sabi ko sumabay ka na sakin."
"Ah okey."
Pumasok siya agad sa kotse niya. Pumasok na lang
din ako, okey na to para hindi ako maglalakad pa
uwi tska gabi na din eh.
Nung nasa loob na kami ng kotse parang hindi ako
makahinga kasi sobrang tahimik namin. Hindi ako
sanay ma ganito kami ni Jeydon. Bakit kasi naka
serious mode siya ngayon? Mas gusto ko pa ata
yung nag aasaran kami kesa sa ganito. Ang
abnormal ko na din, kapag mapang asar siya na
iinis ako tapos ngayon namang tahimik siya hindi
ako mapakali. Ano ba talaga? naguguluhan na ko
sa sarili ko.
Hanggang maka dating kami sa bahay namin hindi
pa din siya nag salita. Ayoko ng ganito >.<

"Hoy Abnormal! ano problema mo ha?"
Tignan mo to tinaasan lang ako ng kilay.
"Bakit seryoso mo ha? bakit hindi mo ata ako
iniinis? Suko ka na?"
Tumawa siya ng malakas.
"Ako suko? Asa!"
"Abnormal ka talaga!"
"Gutom lang ako kaya ako tahimik, sino naman
nag sabi sayo na hindi na kita iinisin? Eh tuwang
tuwa nga ko kapag naiinis ka eh! Hahaha!"
Ay abno talaga. Sabi ko nga eh hindi na mag
babago tong pusang robot na to. Tama siya eh,
Asa pa ko.
"Wag ka mag alala kasi hindi ko hahayaang
matuwa ka!"
Binuksan ko yung pinto ng kotse tapos bumaba na

ko.
"Bye DORAEMON! wahaha!"
"Yah! I said don't call me Doraemon!"
"Eh gusto ko eh! Doraemon! Doraemon!
Doraemon! Wahaha!"
"Humanda ka lang sakin!"
Tumakbo agad ako papasok sa gate namin.
Wahaha! Nakaka tuwa din pala kapag siya yung
naaasar. Akala niya papatalo ako sakanya? NO
WAY.
Kaso mas okey na pala yung ganito, yung nag
aasaran kami kesa kanina na tahimik lang kami.
Ewan ko ba basta hindi kasi ako sanay na seryoso
si Jeydon. Sanay na ko na isip batan siya,
abnormal, na inaasar niya ko, iniinis. Mas okey pa
yun sakin eh.
Nung nasa bahay na ko kumain lang ako ng dinner
tapos pumunta na ko sa kwarto ko. Lalaruin ko pa
sana si Cholo kaso ayun tulog na, mana talaga kay
Kuya Charles. At speaking na din naman, asan na

kaya yun? Nag uusap pa din kaya sila ni Marky?
Sakto naman may tumawag sakin.
Unknown number.
"Hello?"
[Hi Candice!] Yung boses na to..
"Mar..makry?"
[Sino pa ba? Hehe.]
"Ah bakit ka pala napatawag?"
[Wala lang gusto lang kita makausap..]
Waaaa! Ano ba naman to si Marky. Hanggang sa
pag tulog ko papakiligin pa ko. Hindi tuloy ako
naka pag salita. >.<
[Oo nga pala okey na kami ni Charles. Payag na
daw siya satin.. paano ba yan? eh di lagi ma kitang
makakasama.]
"Ha? anong.. anong payag satin?"

[Haha! ikaw talaga. Sige matulog ka na.. Good
night Candice..]
"Ah sige.. good night.."

Call ended.

Ano daw yun? ano yung ibig nyang sabihin dun?
pero kinikilig pa din ako. Hehe.

"Kinikilig ka naman dyan?"
Nanlaki agad yung mata ko nung nakita ko si Kuya
Charles sa tapat ng pinto. Andyan na pala siya
hindi man lang nag sasabi! Huhu kakahiya naman
nakita pa niya kong kinikilig kay Marky.
"Ano.. kelan.. kelan ka pa andyan!"
"Kanina pa. Stupid mo talagang manang ka."
Tinawag niya kong manang? Ibig sabihin kaya nun
hindi na siya galit sakin?
"Hindi ka na ba galit Kuya?"
"Hindi na."

"Waaaa! Talaga?"
Lumapit ako sakanya tapos hinawakan ko pa yung
braso niya. Para akong bata na tuwang tuwa dito.
Napapatalon pa ko. Eh bakit ba! bati na kami ng
baliw kong Kuya eh. Ang saya saya ko! Hehe.
"Eww! lumayo ka nga! Tsk."
"Bakit ba na miss kaya kita! Huhu!"
"Ikaw talaga, miss din naman kita eh." Tapos
ginulo niya yung buhok ko.
"Ayieee miss daw niya ko? Wahaha."
"Sira! wala kasi akong maasar sa bahay eh, na
boboring na ko."
"Wushu! miss mo lang ako! amin amin din pag
may time! Haha!"
"Ewan ko sayo! tumigil ka nga dyan!"
Tumalikod siya sakin.
"Basta okey na ko sa inyo ni Marky pero yung
usapan natin.. Araso?!" [Araso=Alright?]
"Anong napag usapan?"

"Hindi ka pwedeng mag boyfriend."

"Ha? anong pinag sasabi mo Kuya? wala naman
akong balak mag boyfriend eh.."
"Sinasabi ko lang! Tandaan mo yan ah."
"Oo na! Oo na.. basta bati na tayo ah?"
"Oo na! sige na matulog ka na! hindi kita
hihintayin bukas kapag tinanghali ka ng gising!"

"Okey ^___^"

Yieeee! bati na kami ni Kuya Charles. Sabi ko na
eh hindi niya ako matitiis. Alam ko naman na love
na love ako ni Kuya Charles eh. Wahaha!!
38: The eldest member

CHARLES POINT OF VIEW

Aga ko nagising taena.

Excited lang siguro akong makita siya mamaya.
Gaano kaya kalaki yung pinag bago niya? Letcheng
babae yun makikita niya kung ano yung
pinakawalan niya. Sa gwapo kong to,
sandamakmak na chicks nga nag hahabol sakin
tapos ang kapal ng mukha niyang bustedin ako?
Humanda siya sakin. Haha!
Teka pucha bakit parang pakiramdam ko tulog pa
si Manang? Humanda lang sakin yung panget na
yun kapag tulog pa siya. Sabi ko na kasing
magising ng maaga eh.
Pumunta ako sa kwarto niya. Anak ng! Tulog pa
nga, tulo laway pa. Kadiri talaga to.
Ah alam ko na.
Kumuha ako ng tubig sa baba tapos...
"Waaaaaa!"
"Hahaha! Good Morning manang."
Galit na galit yung mukha niya. Haha! Ang sarap
talaga asarin netong kapatid ko. Matutuwa ka sa

itsura niya eh. Mukhang ewan lang.
"Ang sama mo talaga! Kaninis ka! Sana ginising
mo na lang ako!" Tumayo siya tapos dumeretso sa
banyo ng kwarto niya. Haha! kulit ng mukha niya.
Hindi ko mapigilan na tumawa.
"Ginising nga kita!"
"Ginising?! Eh pinaliguan mo kaya ako ng tubig!
Grabe ka!"
"Ang tagal mo na naman magigising eh! Oh eh di
ayan deretso ligo ka na di ba? Bilisan mo dyan!
iwanan kita eh!"
"Tse! Umalis ka na nga!"
"Bilisan mo! Malalate tayo eh!"
Tinutulak niya ko palabas ng kwarto niya pero
hindi niya ko matulak. Paano lampayatot kasi
masyado puro aral kasi inaatupag eh. Hindi niya ko
gayahin, petiks lang, cutting class, rambol dun,
gimik dun, chicks dun. Young Wild and Free di ba?
"Kainis! Bakit kasi ang bigat mo eh! Sige na
maliligo na ko!" Nagkamot siya ng ulo tapos nag
dadabog pa. "Hays bakit kasi bad boy yung Kuya

ko eh."
"Narinig ko yun ah!"
"Haha! joke! sige na!"
Dumeretso na siya agad sa banyo niya.
Pambihirang babae talaga to, tulog mantika nag
mana din sakin eh. Dati naman ang aga aga
magising. Taena kasi nung tatlong yun, ano kaya
ginawa dito sa kapatid ko? Subukan lang nilang
turuan ng katarantaduhan to si Candice, bibigyan
ko talaga sila.

5 minutes..
10 minutes..

Ang tagal niya maligo! Takte. Makalibot nga muna
sa kwarto ng manang na to. Tsk! ang kalat akala
mo hindi babae yung may ari ng kwarto eh.
Gumanda nga siya pero manang pa din dating niya
sakin.
Ano to?

Ah dogtag lang pala ni...
"Tapos na ko!"
"Ang tagal mong manang ka! tara na!"
Pagbaba namin luto na yung breakfast.
"Good morning Charles at Candice. Kain na kayo."
"Yaya asan po si Mama?"
"May business meeting daw eh."
"Ah okey. Wow bacon again! My favorite."
Lintek walang kasawa sawa sa bacon tong manang
na to. Umay na umay na ko dyan, utang na loob
naman. Ang daya naman ni Yaya porket mas
favorite niya si Candice laging bacon yung niluluto
niya.
Ang aga naman ata ng business meeting ni mama.
Mukhang sa iba pumunta yun ah. Wag niya sabihin

saking may boyfriend na siya baka mabugbog ko
yung lalaki. Aba hindi niya kilala si Charles
Gonzales, ang pinaka poging lalaki sa balat ng
lupa.
"Uy kuya kain ka na kaya? Akala ko ba nag
mamadali ka?"
"Wag na tinapay na lang sakin. Araw araw na lang
bacon, ma sawa ka naman Candice."
"Bakit masarap naman ah?"
"Pagkain ba yan ng mga manang kaya paborito
mo? Tss. Bilisan mo dun na ko sa kotse."
Dumeretso agad ako sa kotse ko. Ang luma na ng
kotse ko, nauungasan na ko ng tatlo. Hindi na to
makaka hatak ng mga chicks eh. Makahingi na nga
ng bagong kotse kay Papa. Tutal naman hindi niya
kayang gampanan yung pagiging tatay niya samin
ni Candice, eh di uubusin ko na lang pera niya.
Taena pala eh.

After 10 minutes tska pa lang pumasok sa kotse si
Candice.

"Sorry napasarap kain ko eh. Bakit pala ang aga
mo?"
"Masama? Tsk."
"Nagtatanong lang eh. Hmp!"
Pina andar ko na agad yung kotse. Pucha hindi ako
mapakali, lintek kasi na babae yun bakit ako pa
nautusan na sunduin siya mamaya. Hindi mawala
sa isip ko.
Pagdating sa school tinulak ko agad palabas si
Candice. Ang sama na naman ng mukha niya.
Haha! hindi na ko mag tataka bakit tuwang tuwa si
Jeydon na asarin to si manang.
"Ano na naman problema mo?"
"Bakit? ang tagal mo bumaba ng kotse ko eh!"
"Parang mas okey pa ata nung hindi mo ko
pinapansin eh!"
"Eh di sige hindi na ulit tayo bati." Tss as if naman
na kaya niya.
"Waaaa!! joke lang! mas okey na naman to, pag
titiisan na lang kita. Hay!"

Nag dadabog pa siya pumunta sa loob ng school.
Haha! kakatuwa talaga yung manang na yun. Kahit
naman lagi ko yung inaasar tska iniinis mahal ko
naman yun kahit panget pa siya.
Dumeretso agad ako sa bakanteng lote malapit sa
school. Nag text kasi yung mga alaga ko na may
rambol daw dun. Syempre ako leader ng mga yun
kaylangan andun ako. Tska yan mga gusto ko
rumble, exercise na din.
Hindi pa ko nakaka baba nakita ko na agad si
Brandon. Taenang panget talaga to, walang kadala
dala. Binugbog ko na to dati hindi pa din natitinag.
Gusto ata puruhan ko pa ng matindi eh. Langhiya
akala ba niya ganun ganun lang ako? Eh gagu siya
kung ganun.
Tska bakit parang nakalupaylay ata yung mga
alaga ko sa sahig?
"Hoy mga unggoy!"
Napalingon silang lahat sakin kasama tong unggoy
na to. Kaya naman pala bugbog sarado mga alaga
ko, taena may tubong dala sila Brandon. Langhiya
hindi talaga patas makipag laban tong mga to.

Lumalit agad sakin yung mga alaga ko.
"Boss ingat kayo, may mga tubo sila."
"Umalis na kayo. Ako na bahala dito."
"Hindi namin kayo pwedeng iwan dito boss!"
"Wala na din kayong magagawa, bugbog na kayo.
Ako ng bahala."
"Pero boss.."
"SABI NG ALIS NA!"
Nag aalala silang lahat sakin pero wala na din
silang magagawa dito. Kayang kaya ko naman
tong mga to eh. Taena may tubo lang yang mga
yan, wala namang tira yan eh.
"Ingat kayo boss."
Umalis lahat ng mga alaga ko. Baka mkatikim pa
sila sakin eh. Ayoko pa naman ng hindi ako
sinusunod. Paano pang ako leader nila di ba?
"Nag papaka bayani ka na naman ba Charles?"
Gagu ang panget mo.

"Ilang beses ko na bang binasag yang mukha mo?
Pucha kapal pala talaga buo pa din eh. Kaso
sobrang panget na nga lang. Haha!" Kitang kita sa
mukha ng panget na to na asar na asar na siya
sakin. Ma asar ka pa please? Haha!
Sa galit niya inutusan niya yung dalawa niyang
alagad na sugurin ako. Bago pa nila mahampas
sakin yung tubo nila naka bulagta na sila sa sahig
dahil sa sipa ko. Sabi na eh wala ngang tira, tss.
"Wala na bang malakas lakas? Baka gusto mo
Brandon ikaw naman?"
"Sugurin niyo siya mga tanga! Lahat kayo!"
May anim na lang na natitira sa mga alaga niya.
Sumugod nga talaga silang lahat sakin. Hindi lang
pala mahina tong mga to, mga tanga din eh. Nung
palapit na yung dalawang tangang mag katapat
yumuko lang ako kaya ayun silang dalawa yung
nag katamaan. Hindi ko alam kung matatawa ako
sa katangahan nila eh.
Apat na lang.
Papaluin na ko nung isa pero nahawakan ko agad
yung dulo ng tubo niya nung hahampasin niya na

ko. Yung isa naman susugurin na din ako sa gilid
ko. Hinawakan ko ng mahigpit yung dulo ng tubo
tapos pinang sangga ko yung kasama niyang may
hawak ng kabilang tubo. Nung natumba yung nasa
harap ko sinapak ko agad yung sumugod sakin sa
gilid. Wala tumba din sila.
Dalawa na lang. Pucha! Hindi man lang ako pinag
pawisan.
Parehong sumugod yung dalawa. Wala ng hawak
na tubo yung mga ugok. Pagkalapit pa lang nung
isa sinipa ko na agad siya natumba naman siya
agad. Napaka lampa naman. Hinarap ko yung
natitira sakanila pero parang natakot ata kaya
tumakbo na lang siya.
Ngayon si Brandon na lang...

Habang papalapit ako sakanya unti unti naman
siyang umaatras. Kita mo to takot din pala kapag
mag isa na lang. Lakas lang pala ng loob kasi
madaming kasama. Babasagin ko talaga pag
mumukha netong unggoy na to eh.
"Mukhang tayong dalawa na lang ah.."
"Wag kang lalapit."

"Okey sige.. Sabi mo eh."

Pagkatapos kong sabihin yun lumapit agad ako
sakanya tapos sinuntok ko siya sa mukha. Taena
ako pa uutusan niya? Gagu na ba siya? Si Charles?
uutusan niya? Lul pala siya eh.
Napaupo siya sa sahig.

"Pagbabayaran mo to!"
"Paano ha? Mag susuper sayan ka ba? Haha!"
"Makikita mo.."

Maya maya may mga motor na dumating. Tinignan
ko kung sino sila pero hindi ko kilala yung mga to.
Naka black leather jacket tapos malalaki yung
katawan. Parang pareho sa mga bumugbog dati
kay Jeydon. Teka.. wag mong sabihin na myembro
sila ng Phoenix?
"Haha! Humanda ka ngayon."
Nakatayo na pala palayo tong si Brandon parang
bata na nag tatago sa likod ng mga lalaki na to.

Pucha nakaka asar yung mukha niya, sobrang
panget.

"Long time no see eldest.." tama nga hinala ko.
Mga bagong myembro to ng Phoenix.
"Haha! taena Alex angas mo na tignan ah?
Lumakas ka ba?" Mukhang nainis siya sa sinabi ko.
Kapal din ng mukha niya. Dati utus utusan lang
siya sa Phoenix tapos ngayon mag aangas na siya?
Tss. Wag niyang ipag malaki sakin na lumaki
katawan niya baka sapakin ko siya.
"Alam mo tanda, maangas ka pa din eh.. Pinag
lulumaan ka na nga ganyan ka pa, retire retire din
kapag may time."

"Haha! Kahit tumanda pa ko mas malakas pa din
ako sayo."
Nginitian ko siya ng ngiti kong nakaka asar. Kita
ko yung kamao niyang galit na galit na.

"Sir Alex, kami na po bahala."

"Sige boys, siguraduhin niyong ilalampaso niyo
yan. Darating na si Boss mamaya, mag hahanda
pa ko."

Sumakay siya sa may kotse tapos umalis na. Kita
mo yun, lakas mag angas aalis din naman pala.
Tska sino yung boss nila? Yun na ba yung bagong
leader na pumalit kay Jeydon? Teana nawala lang
kami saglit ang dami ng nag bago sa Phoenix.
Pinalibutan naman ako ng mga lalaking kasama ni
Alex.
Mas malalaki yung katawan nila kumpara sa alaga
ni Brandon. Hindi ko alam yung lakas ng mga to,
ayoko naman silang maliitin.
Sumugod yung isa pero naka ilag naman ako,
kinuha ko yung kamay niya tska ko siya inikot
hanggang sa mapa upo siya tska ko siya sinuntok
sa mukha. Hindi pa ko natatapos sa isa may
sumugod na naman. Natamaan niya ko sa mukha
ko. Pucha! yung napaka pogi kong mukha. Lintek!
humanda ka saking panget ka. Kinuha ko yung
kamay niya tska ko siya binalibag sa sahig. Pa
angat pa lang sana ako pero sinuntok naman agad
ako nung pinaka malaki sakanila. Napatumba ako
dun. Sumunod na lang may mga sumipa sakin,
inangat ako nung sumapak sakin tska niya ko

sinapak ulit. Taena malakas siya ah, tumilapon
naman ako. Patayo na sana ako pero hinawakan
ako nung dalawa, lumapit ulit yung pinaka malaki
sa kanila. Sinuntok niya ko sa tyan ko. Malakas
nga talaga siya pero ordinaryo na lang yun sakin
sa dami na ng away na nasalihan ko. Masyadong
mahigpit yung pagkakahawak sakin nung dalawa
kaya hindi ako maka palag. Nung pag ka suntok
ulit niya sakin, nahilo na ko. Bago pa ko mawalan
ng malay nakita ko si Jeydon.

"Wow, mga bakla ba kayo?"

Napalingon silang lahat kay Jeydon.

"Isa lang si tanda, tapos sampu kayo? Hindi ba
kayo marunong mag bilang o sadyang duwag lang
kayo ha?"
"Ikaw pala yung dating leader ng Phoenix.
Mukhang maganda to ah." sabi nung unggoy na
sumapak sakin.
"Bitawan niyo yan si tanda, ugod ugod na yan. Ako
kalabanin niyo."

Binitawan nga nila ko. Pag ka upong pag ka upo
ako napapikit na lang ako. Taenang yun sumakit
katawan ko dun ah, May tira din kasi tong mga to.
Hindi ko na makita yung nangyayari, nag aalala
ako kay Jeydon. Mag isa lang kasi yung ugok na
yun. Matagal na nung huli siyang nakipag away.
Bahala siya paka bayani din siya. Taena makapag
pahinga na nga lang, nahilo talaga ako dun. Wag
mong sabihin tumatanda na ko, 19 pa lang ako.

"Hoy tanda!"
Pucha to sabi ng wag nila akong tatawagin na
tanda.
"Hoy nirayuma ka na ba dyan?"
"Lul! mas gwapo pa din ako sayo kahit mas
matanda ako."
"Haha! Asa ka naman! Taena mo parang yung mga
yun lang hindi mo pa nakaya, nakakahiya ka
naman, leader leader ka pa ng gang mo ang hina
hina mo."
Binuksan ko na yung mata ko. Taena naman oh!
bakit nakabulgata na silang lahat. Taena halimaw
talaga tong Jeydon na to, isang daplis lang sa

mukha nakuha niya samantalang ako medyo
nahirapan ako, medyo lang naman eh.

"Gagu! wala lang akong kain! Yung manang na
kasi yun eh."
"Haha! okey na kayo?" Umupo siya sa tabi ko.
"Oo, nag usap na naman kami ni Marky eh.
Haha.." natatawa ako kapag naisip ko yung pinag
usapan namin.
"Ano napag usapan niyo ha?"
"Sikretong malupet! Haha!" mamatay ka sa
kakaisip.
"Taena mo ano nga?"
"Bakit ba gusto mong malaman?"
"Wag na nga. Letche." Haha alam ko na talaga
kahinaan netong ugok na to.
"Tingin mo sino kaya yung bagong leader ng
Phoenix?"
"Malay ko, wala akong paki alam sa mga unggoy
na yun. Matagal ko ng iniwan yung Phoenix pero
taena niya siguraduhin lang niya na mapapantayan
niya yung lakas ko. Hindi sumikat yung grupo

natin dahil lang sa wala. Dugo't pawis din
pinuhunan ko dun."
"Ang arte mo kasi nag quit quit ka pa dahil lang
kay.."
"Tumayo ka na dyan tanda! Taena mo nag ditch pa
ko ng class sayo!"

"Eh gagu sino ba nag sabi sayong puntahan mo ko
dito?"
"Nag sumbong sakin alaga mo eh. Alangan naman
pabayaan kita. Letche! maka alis na nga. Nag
sisipag na nga ko mag aral eh, tsk." Nakain nung
baliw na yun? Nag sisipag daw. Taena niya.

Sarap sa pakiramdam na may ganyan kang leader.
Hindi ka pababayaan kahit saang laban. Kaya kahit
ako pinaka matanda saming APAT siya pa din pinili
namin maging leader ng grupo kahit sa Phoenix
dati. Siya din naman kasi pinaka malakas samin.
May lahing sayan ata si Jeydon, lolo ata neto si
Goku. Nakakapag taka lang talaga bakit hindi ko
na siya nakitang nakipag away simula nung umalis
kami sa Phoenix. Simula nung nangyari yun.. Ano
kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman
niyang andito na din si Kim. Lintek kasi ang

daming nag babalikan. Maka pasok na nga lang.
Babalikan ko pa sana si Brandon kaso nawala na si
Unggoy.
Pag pasok ko lunch na agad potek.
Dumeretso ako sa tambayan namin sa canteen.

"Tanda! anong nangyare sayo ha?"
"Taena mo Troy wag mo nga ko tawaging tanda."
"Bakit pareho kayong may galos ni Jaydee?
Nakipag away kayong dalawa? Daya niyo ah! Hindi
niyo kami sinama ni Marky!"
Umupo ako sa tabi ni Marky tapos inagaw ko yung
kinakain niya na burger. Tumingin lang sakin ng
masama to si Marky, sinamaan ko din ng tingin.
Gutom na ko eh, badtrip kasi na manang yun eh
puro bacon na lang kinakain ako tuloy hindi na
kakanin. Tinignan ko naman si Jeydon nag lalaro
lang ng PSP.
"Akala ko ba ayaw mo magalusan yang gwapo
mong mukha ha Troy? Gusto mo pa ng away?"
"Baka matamaan nila ko?"

"Gagu!" binato ko nga ng towel to. "Anong gusto
mong palabasin na mas malakas ka sakin? Ako nga
nagalusan ikaw pa kaya!"
"Eh matanda ka na eh, nirarayuma ka na!"
Tapos nag tawanan silang tatlo. Aba pinag
tutulungan nila ko ah. Mga gagu, bugbugin ko
kayo isa isa eh. Tignan natin kung sino mag ka
rayuma satin. Maka alis na nga lang dito, porket
mas pogi ako sakanila pag tutulungan na nila ako?
Tsk.
Nag yosi na lang ako sa may parking. Naka sandal
lang ako sa kotse ko.
Ano na kayang itsura ng babaeng yun? Panigurado
mas pumanget siya. Haha!
Taena maka tulog na nga lang sa kotse ko,
hihintayin ko na lang mag uwian. Para hindi ako
nag iisip ng kung ano ano dito. Madali lang naman
mag excuse sa adviser ko eh, buti na lang bakla
yun kaya hindi ako binabagsak. Taena niya ang
talino ko para ibagsak niya ko.
Makatulog na nga...

"KUYA!"

Ang sakit sa tenga ng boses niya. Kung ganyan na
lang kaya yung alarm clock na ginagamit niya kada
umaga? Panigurado akong gising siya agad. Tsk
lintek naman ganda na ng tulog ko eh.
"GISING!"
"Ano bang problemama mo?!"
"Bakit ang dami mong pasa ha? nakipag away ka
na naman nuh? Paano kapag nakita ka na naman
ni Mama niyan? Tsk pasaway ka talaga!" Manang
mana to kay Mama kung sermunan ako. Akala mo
mas matanda sakin eh.
"Pwede ba itikom mo yang bibig mo ha?
Nakakairita eh."
"Ayoko nga! Sagutin mo ko nakipag away ka na
naman nuh?!"
"Oo na, sumakay ka na bilis. Pupunta tayong
airport."
"Ha? bakit?"
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Ayun
tumahimik na din. Buti naman, sakit na ng tenga
ko sa kaka sigaw niya. Bagong gising pa naman

ko. Maka deretso na nga lang sa airport,
panigurado pag nagkita yung dalawa titigilan na
niya ko sa kakatanong niya.
Mga isang oras din kami byumahe papunta sa
airport. Nag suot ako ng headset para hindi siya
mag tanong sakin. Wala pa naman akong
matinong kain ngayon, nabugbog pa ko kanina.
"Sino susunduin natin?"
"Basta makikita mo na lang."

Nag hintay kami sa may arrival area.
"Sino ba kasing hinihintay natin dito?"
Hindi ko makita yung babae na yun. Gaano ba
kalaki pinag bago niya? Taena kanina pa lumapag
eroplano niya ah. Baka naman hindi talaga siya
umuwi?
"Waaaaaa! Ate Serina!" Lumapit siya dun sa babae
na naka shades. Seryoso si Serena na ba yan?
Paano naman siya nakilala ni Candice eh naka
shades nga?
"Candice? wow you're so pretty!" Inalis niya yung
shades niya.

T*NGINA.

Si SERINA JIMENEZ na ba yan? Bakit ganun?
Bakit parang gumanda lalo? Bakit? Nag paretoke
kaya tong babae na to? Lintek naman parang
bumilis ata tibok ng puso ko. Kagaya pa din ng dati
nung nakikita ko siya. Hoy Charles! Tandaan mo,
gaganti ka pa sa ginawa niya sayo dati.

"Charles?" Wag niyang sabihin na hindi niya na ko
kilala.
"Hello serena!"
"Hey! How many times I've told you not to call me
serena! Im not a mermaid. It's Serina."
"Whatever Serena."

"Uyyyy!! Ayie kinikilig naman ako." Putek na
manang to. -___-

"Sige gumanyan ka pa, iiwan kita dito sa airport
eh!"

"Haha! why Charles? Still into me?" kindat kindat
ka pa dyang babae ka. Anong still into you? Sus.
Sa dami ng mga magagandang chicks na nag
kakandarapa sakin, baka mahiya ka. Letche
naman, ganun pa din siya. Lakas pa din akong
asarin. Siya lang yung may lakas ng loob na
tablahin ako eh. "Just kidding."
"Baliw." Kinuha ko na lang yung bag niya. Lintek
sasakit na naman ulo ko sa babaeng to. Bakit kasi
bumalik pa siya eh?
"Tara na ate Serina! Dun ka muna sa bahay
pumunta ah? Miss ka na namin ni Mama eh!"
"Sure! I miss tita Candy too." Sus englesera na
ang ate mo. Ilang taon lang naman siyang tumira
sa US. May boyfriend na kaya siya dun? Ay lintek.
Ano bang paki alam ko? Tss.

Bago kami maka labas ng airport, may nakita
akong lalaki. Posible kayang si ano yun.. pero bakit
naman hindi siya mag sasabi saming APAT? baka
namamalikmata lang ako. Hays, lintek na Serena
kasi to eh. Lakas pa din pala talaga ng tama sakin.
ARGH! bumalik balik pa kasi.

Basta hindi na ko ulit ma iinlove sakanya.

Ano kayang mangyayari sa mag susunod na araw?
sasakit na naman siguro ulo ko neto. Ahhh!!
Tatanda talaga ako neto ng mabilis eh. Sayang ka
gwapuhan ko -_____-

39: Queen Bee

CANDICE POINT OF VIEW.

Para akong zombie na naliligo dito. Super antok pa
kasi ako eh. Kaso kapag na late na naman ako ng
gising bubuhusan na naman ako ng tubig ng
magaling kong kuya. Huhu ang bad talaga niya.
mas lumamala pa ata pang aasar niya sakin nung
nag kabati kami.
Ala una na kasi kami natapos mag chikahan ni Ate
Serina. Ang dami niyang pina kwento sakin. Simula
ng makilala ko sila Marky, Troy at Jeydon. Gusto
na nga niya makilala yung tatlo eh. Kinikilig naman

siya nung na kwento ko yung about sa first kiss ko
tska kay Prince charming. Tawa naman siya ng
tawa nung na kwento ko sakanya yung mga
asaran namin ni Jeydon. Para daw kaming aso't
pusa at syempre siya yung pusa ako yung aso.
Ang dami talaga namin napag kwentuhan. Ayan
tuloy puyat ako. -__"Manang! Bilisan mo!"
Waaaa! Ang bilis talaga ni Kuya. Huhu. Rush
masyado? Paglabas ko ng banyo nag bihis agad
ako. Konting ayos lang. Sinalubong ako ni Cholo
muntik na ko matumba.
"Rooo.."
"Hi baby! nag mamadali ako eh, later na lang tayo
mag laro ha." parang nalungkot tuloy siya.
Kawawa naman yung cute kong aso, hindi na kami
madalas nakakapag laro. Wag ka mag alala
ipapasyal kita bukas sa park.
Pag dating ko sa kusina. Waaa! Ano to?
"Bakit cornbeef yung breakfast? Huhu! Asan yung
bacon Yaya?"
"Nag request kasi si Charles na mag iba naman.

Masarap naman yan Candice, kumain ka na."
"Puro ka na lang bacon anak baka maging bacon
ka na nyan! tska galing pang states yang cornbeef
na yan bigay ni Serina." Kumakain naman ako ng
cornbeef eh pero wala akong gana. Tinignan ko si
Kuya nginitian niya ko. Kakainis talaga siya! alam
naman niya yun eh. Pa request request pa siya.
Argh!
Umupo na lang ako tska kumain. Ano pa nga bang
magagawa ko? Huhu papagalitan ako ni Mama
kapag namili pa ko ng kakainin ko.
"Charles pupunta ba mamaya dito si Serina? Mag
ba-bake ako ng brownies."
"Wag niyo nga akong tanungin. Wala kong paki
dun sa babaeng yun."

"BITTER?"
Sabay pa kami ni Mama. Haha! Natawa tuloy kami
pati si Yaya. Ang bitter niya msyado. Wala daw
paki eh patay na patay naman siya kay Ate Serina
dati.
"Amp! Ano ba yan! Ang aga aga! Maka alis na

nga!"
"Hoy Kuya saglit lang! Hintayin mo naman ako!"
"Bahala ka dyan."
Waaa! Ayoko mag lakad ngayon baka ma late ako.
Maka alis na nga lang din sabagay ayoko naman
ng cornbeef.
"Bye Mama! Bye Yaya!"
"Ingat kayo!"
Pagpasok ko pa lang sa kotse ang sama na ng
tingin sakin ni Kuya Charles. Hala! Ano na naman
ginawa ko sakanya?
"Ano naman pinag usapan niyo kagabi nung
Serena na yun?"
"Hmm.. kung ano ano lang. Bakit?"
"May.. ano.. kasi.."
Ano daw yun? Sabi niya wala siyang paki alam kay
Ate Serina tapos ngayon nag tatanong siya. Napag
hahalataang gusto niya pa din talaga si Ate Serina.

Haha! Nag bi bitter bitteran lang siya kasi binusted
siya ni Ate Serina noon.
"Wala pa siyang boyfriend."
Tumingin ako sakanya tapos ngumiti ako. Ayan
naman talaga gusto mo malaman di ba kuya?
kunwari ka pa dyan eh! Haha.
"Hoy hindi ko tinatanong! Eh ano naman kung may
boyfriend yung babaeng yun? Wala akong paki
alam."
"Pero alam ko may nanliligaw sakanya eh."
"Ha?! Sino?"
"Ang isda nga naman nahuhuli sa sarili niyang
bibig. Haha!" Sinamaan na naman ako ng tingin.
Ang sarap asarin ni Kuya lalo kapag si Ate Serina
yung topic.
"Ewan ko sayo."
Pinaandar niya ng mabilis yung kotse kahit hindi
pa ko nakakapag seat belt. Aba gumaganti siya ha!
Ang sama talaga niya. Huhu! Kakainis muntik na
ko ma untog dun ah. Okey lang alam ko naman si
Ate Serina lang katapat niya eh. Humanda ka sakin

mamaya Kuya Charles papapuntahin ko mamaya si
Ate sa bahay. Wahaha!
Pagka park pa lang ng sasakyan bumaba na agad
ako ng kotse. Itutulak na naman ako ng magaling
kong Kuya eh. Habit niya na yan eh.
Dumeretso agad ako sa room namin. Kaso lahat
pala sila nasa gym na. Ay shete! P.E. pala ngayon.
Naka limutan ko yung P.E. uniform ko huhu paano
na yan. Nung nasa gym na ko lahat sila nag lalaro
na ng volleyball.
"Candice, mag palit ka na."
"Ms. Farrah nakalimutan ko po yung shirt at pants
ko. Sorry po."
"Hm okey sige. Mamaya naman manunuod lang
din tayo ng cheering. Sige umupo ka na lang dun
sa may bench."
Buti na lang talaga mabait si Ms. Farrah. Na upo
na lang ako sa bench. As usual ang sama ng tingin
sakin ng powerpuff girls. Laki ng problema nila
sakin? Ano ba pinag lalaban nila?
Hindi pa ko nag tatagal sa pag kaka upo ko sa
bench may narinig na kong nag tatawanan na mga

babae. Tumingin ako sa likod nakita ko sila Stacey.
Ayoko naman makinig sa pinag uusapan nila kaso
narinig ko pangalan ko. Lumapit ako sakanila pero
syempre naka tago lang ako.
"Ang swerte mo nga Stacey eh, Fiance mo si
Jeydon. Ang hot hot kaya niya tska balita ko super
rich pa nila!" sabi si Amber yung kaibigan ni
Stacey. Bale tatlo silang nag uusap pero hindi nila
kasama si Abby.
"Syempre super rich din naman kami eh. Isa pa
perfect match na kami ni Jeydon. Nag papakipot
lang yan sakin. Haha!" Sus parang hindi naman. ___"Paano kapag bumalik ulit yung dati niyang
Fiancee? Balita ko mas yumaman sila ngayon."
"Oh dears.. Matagal na siyang wala sa buhay ni
Jeydon. Isa pa kinakamuhiaan na siya ng Baby ko.
So why bother? Isa pa ako na yung Fiancee niya."
Baby daw? kelan pa niya naging baby si Jeydon?
Teka lang nga may fiancee pa na iba si Jeydon?
Sino naman kaya yun? Tska bakit niya
kinakamuhian? At bakit na curious ako bigla?

"That's the spirit girl. But lately napapansin ko
napapalapit na si Candice kay Jeydon pati kala
Marky at Troy. Hindi ka ba nababahala? To think
na may gusto si Candice kay Jeydon." OMG! ako
nga pinag uusapan nila. Yuck! Wala akong gusto
dun sa Doraemon na yun nuh.
"Hahaha! Seriously? Ano bang panama niya sakin?
Im prettier, hotter and more famous than her.
Hindi ako dapat ma threaten sa Candice na yun."
Eh di siya na. Siya na talaga.
"Pero si Marky nga nag ka gusto sakanya. Imagine
si Abby na yung kalaban niya ah. Posible din na
maakit niya si Jeydon." Waaa! Ako aakitin yung
abnormal na yun? No way. Mortal enemy lang
kami ayun na yun.
"Girls, si Abby kasi hindi marunong dumiskarte.
But don't cha worry. Kapag humarang sa daan ko
yang Candice na yan, aapakan ko siya ng buhay!
Remember Im the School Queen Bee." Nag
tawanan silang tatlo. Nakakatakot pa yung tawa ni
Stacey parang witch lang. Huhu!
Bakit ako na naman napag tripan nila? Kasalanan
ko bang mag kaibigan na kami ni Troy? Na may
gusto din pala sakin si Marky? Na lagi akong iniinis

ni Jeydon? Hays. Ako na lang palagi.
Makabalik na nga lang sa upuan ko.
Simula talaga ng napalapit ako sa APAT gumulo na
buhay ko. Ang dami ng nakakapansin sakin. Ultimo
pag lalakad ko tinitignan ako, eh dati naman wala
silang paki alam sakin. Tapos ngayon naman ang
dami ng umaaway sakin. Ang laki talaga ng nag
bago sa buhay ko pati na din sa sarili ko pero hindi
naman ako nga sisisi eh. Naging masaya ako,
nagkaroon ako ng mga kaibigan. Na miss ko lang
siguro yung buhay ko dati.
"Hi Candice!"
Dumaan sa harap ko yung buong Section Eleven.
Tapos kinakawayan nila ako. Nginitian ko na lang
sila. Pag tingin ko sa mga classmates ko ang sama
ng tingin sakin pati ibang sections. Dapat masanay
na ko na kahit wala akong ginagawa may nagagalit
sakin. Huhu fair ba yun? Alam ko mabait naman
ako?
"Hay nako ang landi talaga. Lahat na lang ata."
Sabi ni Bubbles.
"Nagtaka ka pa. Pati sa Section Eleven nag papa

cute siya." sabi naman ni Blossom with matching
irap pa sakin. Hindi naman ako nag papa cute eh!
Lahat ng Section One nandun sa isang side. Ako
lang pala mag isa dito. Yung ibang sections kasi
nasa ibang bench. Nakita ako ng Section Eleven
napansin nila wala akong kasama kaya tinatawag
nila ako. Tumanggi na lang ako baka mamaya
kainin na ko ng buhay ng mga babae dito. Sabihin
lumalandi na naman ako.
Nag ready na yung Cheering Squad namin.
Kasama dun sila Stacey tska Abby.

"Huy!"
"Ay siomai!" parang aatakihin ata ako sa
puso.Pambihira to si Troy.
"Bakit mag isa ka dito Candice?"
"Hmm wala lang."
"Nag eemo ka Betty?" Naku dumating pa tong
lalaki na to. "Bakit binusted ka na agad ni Marky?
Haha!" Aga aga inaasar na naman ako.

"Pinagsasabi mo ha? Umalis ka na nga lang dito.
Epal ka na naman eh." sasapakin ko na tong
abnormal na to eh.
"Ano ba yan aga aga world war two na naman
kayo? Nuod muna tayo ng cheering pwede?"
"TSE!"
Sabay pa namin siyang sinigawan ni Jeydon. Buti
na lang nasa gitna namin siya ni Doraemon. Kaso
kawawa naman siya lagi na lang siya yung
nasisigawan namin. Haha! Sorry Troy.
Naka pwesto na lahat sa gitna. Ang gaganda nung
mga member ng cheering squad namin. Ang kinis
ng mga legs nila. Waaa! Kasama pala sa kanila si
Tiffany? ang sexy niya. Nilingon ko agad si Troy,
naka tingin din siya kay Tiffany. Sabi na eh!
"Baka matunaw ah?" Napalingon naman siya sakin.
"Bakit mo tinitignan si Tiffany?"
"Bakit nakiki alam ka ha?" sabi bigla ni Jeydon.
"Wow ikaw na pala si Troy ngayon ha?" Ang epal
talaga niya kahit kelan.
"Bakit ikaw ba kausap ko? Epal ka din eh." Siya

kaya yun! Amp.
"Hahaha! Nakakatawa naman kayong dalawa."
"Wag ka ngang tumawa! Bakit mo tinitignan si
Tiffany? Siguro iniisip mo yung nag kiss kayo
nuh?"
"Nag kiss? Hindi ah! Pinalabas ko lang yun kasi
alam ko na sinusundam niyo kami ni Jaydee."
Waaaa! Alam din pala niya na kasama ko nun si
Jeydon? Shete! Sana hindi nila nakita na naka
couple shirt kami nun.
"Ang bad mo talaga!" Pinalo ko siya sa braso niya
pero ako lang din nasaktan eh. Huhu!
"Ang ingay mong babae ka! Mag sisimula na oh!"
Tss hindi naman malakas boses ko ah?
Naka position na sila Stacey. Nag simula na mag
play yung music. Ang galing nila sumayaw. Napa
tingin samin si Tiffany, nginitian niya kami tapos
parang namula pa siya nung tumingin siya kay
Troy. Napatingin din tuloy samin si Stacey, naka
ngiti siya kala Jeydon. Kaso nung sakin na siya
tumingin parang tutunawin niya ko sa tingin niya.
Grabe pala siya tumigin, kaya pala naturingan
siyang Queen Bee ng school. Ewan ko ba kung

bakit naging kapatid niya si Tiffany eh ang layo
layo naman ng ugali nilang dalawa.
"Ang sama ng tingin sayo ni Stacey ah?"
"Malamang! Akala kasi niya may gusto ako kay
Jeydon kaya ayun galit sakin. Hays."
Nag form sila ng pyramid tapos ihahagis nila si
Stacey. Lahat kami naka tutok sakanya.
"Ingat ka lang Candice ah baka mamaya pag tripan
ka ng grupo nila."
Nag sigawan yung mga tao nung naihagis na nila si
Stacey. Ang ingay sa gym.
"Subukan ka lang nilang galawin."
"Ulitin mo nga sinabi mo Troy?" ang ingay kasi
talaga hindi ko narinig ng maayos sinabi niya.
"Sabi ko ingat ka sakanila!"
"Hindi yun! yung pag katapos mong sabihin yan?"
"Wala na kong sinabi pagkatapos nun, inaantay ko

sagot mo eh."
"Talaga? may narinig talaga ako eh.."
"Baka guni guni mo lang yun! pero wag ka mag
alala andito lang naman kami para sayo! Resbak
mo kami!" ang weird naman sino kaya yun?
"Sabi mo yan ah!"
Pagkatapos nung cheering pinabalik na kami sa
room namin. Malapit na kasi yung National
Cheering Competition. Gusto ko sanang lapitan si
Tiffany kaso kasama niya sila Stacey eh. Ang sama
ng tingin niya sakin pati si Abby.
Nung nasa room na ko wala na namang tigil sila
Blossom na mag pa rinig sakin. Hindi ko na lang
pinansin. Bahala kayo, kayo lang din mapapagod.
Nung pang apat na subject na. Nagulat ako
nilapitan ako ni Margot.
"Candice may naisip ka na ba na talent sa Ms.
Campus? Next week na yun ah."
"Wala pa nga eh. Ikaw ba?"

"Napag botohan namin ng Section One na
sumayaw na lang daw ako tapos back up ko sila
Blossom." Ang taray naman. Huhu kamusta naman
kaya yung sakin? Ano kaya gagawin ko?
"Ah buti ka pa meron na. Ako wala pa eh."
"Eh di pag isipan niyo mamaya ng Section Eleven.
Mag tanong ka kay Ginno, creative yun mag isip."
"Teka kilala mo si Ginno?" Si Margot may kilala sa
last section? Kapatid niya kaya? Hindi naman sila
mag ka mukha?
"Ah kasi.." nakayuko lang siya. "Boyfriend ko siya
eh." Talaga? Hindi ko naisip yun ah.
"Haha! Talaga? Alam mo bagay kayo. Ang cute nga
eh, bad boy tapos good girl."
"Kahit na bad boy siya mahal ko siya. Tska alam
mo masaya din pala mag mahal ng mga katulad
nila. Kahit kasi gaano sila ka gago pag nag mahal
naman sila totoo.." kita ko sa mata niya na
masaya nga siya. Hindi na ko mag tataka bakit
siya nagustuhan ni Ginno, maganda na matalino
pa.
"Im happy for you."

"Thank you Candice."
"Ako nga dapat mag pasalamat sayo kasi
kinakausap mo ko. Bakit ang bait mo sakin?"
"Matagal na kitang gustong kausapin kaso parang
ayaw mo naman ng may kumakausap sayo. Gusto
ko sana sabay tayo mag aral tska mag basa ng
mga libro ni Nicholas Sparks. Favorite author ko
din kasi siya eh." Ganun ba talaga ko dati? Ang
akala ko walang gustong kumausap sakin eh.
Meron naman pala hehe.
"Pa sensya ka na ah, kung nung una pa lang
nalaman ko ng gusto mo ako kausapin sana kina
ibigan na kita."
"Okey lang, so ngayon pwede na ba tayong
maging mag kaibigan?"
"Oo naman!"
"Gusto sana kitang samahan mag lunch kaso inaya
ako ni Ginno na kumain sa labas mamayang
lunch."
"Okey lang nuh! Sige. Hehe."

Sakto nag ring yung bell.
"Kita na lang tayo mamaya ah?"
"Sige! Bye." "Teka candice, yung tungkol pala
samin ni Ginno.. ahm.. satin na lang muna yun
ha?"
"Bakit?"
"May gusto kasi si Amber sakanya, yung kaibigan
ni Stacey. Kaya pinapalayo nila ako sakanya.
Ayoko na kasi ng gulo eh.."
"Makaka asa ka.."
Akalain mo yun. Isang good girl tska isang bad
boy. Ang cute naman nun, akala ko mga gusto ng
mga bad boy na yun mga bad girl din. Kaso may
Queen Bee na umeepal sakanila, parang
kontrabida lang sa mga drama. Haha! joke.
Paano kaya kung mag ka girlfriend si Jeydon na
good girl? Ay teka! Bakit siya naisip ko? Tsk. Siya
kasi hari ng mga bad boy eh.
Hindi ko alam kung saan ako dederetso sa canteen
ba o sa music hall?

Nasagot naman yung tanong ko kasi pagkadaan ko
sa Music Hall may humatak sakin papasok sa loob.
"San ka pupunta?"
Ang lapit ko sakanya. Hawak pa niya yung kamay
ko. Kinabahan ako bigla, medyo madilim dito sa
loob tapos dalawa lang kami. Alam ko naka air
condition yung room na to pero parang nag iinit
yung pisngi ko.
"Sa ano.. sa canteen sana.."
"Dito ka na lang samahan mo ko." Sure why not?
Ikaw pa malakas ka sakin eh. >.<
"Si-sige.."
Umupo kami dun sa front seat. Inabutan niya ko
ng burger.
"Kain ka muna, ayoko nagugutom ka eh."
Eh? bakit ganyan ka Marky? >.<
"Ikaw? kumain ka na ba?"
"Makita lang kita busog na ko eh.."

Ayoko na! kelangan ko ng hangin. Huhu! Kung ano
ano pinagsasabi ng gwapong nilalang na to.
"Bolero ka din eh nuh? Kumain ka na nga!"
"Sige na kumain ka na, hindi naman ako
nagugutom eh."
Kinain ko na lang yung burger. Sakto wala akong
nakain kanina dahil sa cornbeef na yun ni Kuya
Charles. Kaso kada kagat ko ata naka tingin sakin
si Marky. Hindi tuloy ako makakain ng maayos.
Pagkatapos ko kumain hinawakan ni Marky yung
labi ko. Waaa! Ano na naman yan? Gusto ata niya
akong atakihin sa puso eh.
"Ang clumsy mo naman kumain, tignan mo may
ketchup ka pa sa labi mo.." ah yun naman pala
yun.
After nun nag ka titigan kaming dalawa.
Napapalunok na lang ako dito. Habang tumatagal
kasi mas lalong lumalapit sakin si Marky. Hindi
niya ko hahalikan, hindi. Wag ilusyunada inday!
"Pumikit ka.."

Parang one second na huminto yung pag tibok ng
puso ko. Pikit daw ako? Hahalikan niya nga ako!
Anong gagawin ko? Huhu.
Sa kaba ko napa pikit na lang din ako. Alam ko
nag kiss na kami dati pero ngayon kasi alam ko
eh, kumapara noon na hindi ko alam.
Nararamdaman ko na talaga na sobrang lapit ng
mukha niya sa mukha ko. Lalo lang bumibilis yung
tibok ng puso ko.

"Meoww.."
Napadilat ako dun. Nakita ko na lang si Marky na
naka ngiti sakin.
"Haha ang dami talagang pusa dito."
"Ah hehe oo nga eh.." May pusa pala talaga dito?
Akala ko wala, palusot ko lang yun dati kapag
nakakagawa ako ng ingay habang nanonood ako
sakanya. Meron pala talaga?

Alam kong namumula na ko, ayoko naman na
makita niya ko kaya tumayo agad ako. Sakto
naman nag ring yung phone ko.
Kuya Charles calling..
[Hoy manang asan ka?!]
Ang lakas ng boses niya nag eecho sa buong music
hall. Akala mo naka loud speaker ako.
"Bakit ba?"
[Anong bakit? Pumunta ka dito sa tambayan
namin. Dalian mo!]
Toot toot.
"Haha tara? Baka magalit pa yun." See? Narinig ni
Marky. Sumakit tenga ko dun ah.
"Hehe oo nga, baliw talaga yun."

Lumabas na kami ng music hall. Lagi na lang
napuputol yung moment namin dun. Huhu! ang
malas naman.
Nung nasa corridor na kami ang sama ng tingin
sakin nung mga babae. Paano ba kasing hindi?
Kasabay ko maglakad papuntang canteen si Marky
eh. Huhu! Hindi pala maganda na may kasama
kang heartthrob. Hanggang sa canteen pinag
bubulungan kami.
"Uy bakit mag kasama kayo?" Baliw to si Troy
tinanong pa nakita na naman niya. "Kayo ah?"
"Anong pinagsasabi mo dyan ha?" tinignan ko si
Kuya Charles nakatingin lang siya samin.
"Sabay kami nag lunch, bakit?" hala! Loko to si
Marky. Tinignan ko ulit si Kuya pero wala naman
siyang imik. Akala ko magagalit na naman to eh.
"Hala! Tanda oh! Si Marky!" Binato ni Kuya si Troy
ng bote. Buti na lang naka ilag siya.
"Laki ng problema mong ugok ka! Tska wag mo
sabi akong tatawagin na tanda eh!"
"Eh di wag! Lolo na lang? Haha."

Umupo kami ni Marky sa may sofa. Nag habulan
naman yung dalawa. Teka asan nga pala yung
pusang robot na Jeydon na yun?
"Hinahanap mo si Jeydon?"
"Ha? Hindi ah! Bakit ko naman hahanapin yun. Buti
nga yun wala siya dito eh para walang umeepal
sakin."
"Haha! Talaga lang ah?"
"Bakit?"
"Wala lang.. oh andyan na pala si Jeydon eh."
Ang sama ng tingin ni Jeydon kala Troy at Kuya
Charles. Napahinto naman yung dalawa tapos
umupo sila. Umupo din tong abnormal na to sa
harap ko tapos kumain siya ng malaking footlong.
May dragon talaga sa tyan netong lalaki na to eh.
"Hoy Jaydee san ka galing?"
"Wala dyan lang sa tabi tabi.." Tapos kumain na
naman siya. Takaw talaga.
Nag ring na yung bell. Math time na. Parang ang

bilis ng oras.
Bumalik na kaming lima sa mga room namin.
Classmate ko nga pala tong Jeydon na to sa math.
Tsk. Pagdating namin sa room ni Jeydon napa
tingin saming lahat yung mga classmates namin.
Ngayon lang kasi kami nag sabay ng abnormal na
to papasok sa math.
Umupo na kami ni Jeydon sa upuan namin. Feeling
ko may tatlong mata na naka tingin sakin. Hindi ko
na kaylangan hulaan pa kung sino yung tatlong
yun.
Pag dating ni Sir nag pa suprise long quiz siya.
Shete! Hindi pa naman ako nakapag review. Paano
na kaya to? Kakahiya naman first time ko to hindi
nakapag review. Nung nilingon ko yung papel ni
Jeydon aba ang dami niyang sagot. Nag review ba
siya? Na tetemp tuloy akong tumingin.
"Hoy Betty! Wag ka nga mangopya!"
"Kapal mo hindi ah!" huhu titingin lang naman eh.
Wala akong maisagot eh. Bakit kaya? Lutang
siguro isip ko nung tinuro niya yan?
Malapit na matapos yung time. Isang number pa
lang nasasagutan ko. Pambihira naman oh! Nag

hang ata utak ko ngayon. >.<
"Galingan niyo dito sa long quiz. Remember that
quizzes is twenty percent of your grade."
Gusto ko ng maiyak.
"Okey pass your papers."
Wala na. Wala na yung twenty percent ko. Paano
pagiging valedictorian ko? Major subject pa naman
yung math. Huhu naiiyak na talaga ako.
May binigay sakin si Jeydon. Ano to papel niya?
Bakit wala pang pangalan? Nag yayabang ba siya?
porket wala akong sagot. Huhu! Sama talaga.
"Sayo na lang."
"Ha?"
"Sabi ko sayo na yang papel ko. Kawawa ka
naman eh wala ka man lang ka sagot sagot."
"Paano ka?"
"Amp! Daming arte!" kinuha niya yung papel tapos
nilagay niya yung pangalan ko. Pagkapasa niya
lumabas na siya ng room dala yung bag niya.

"Okey class you may go."
Bakit ginawa yun ni Jeydon? Hinabol ko siya. Ang
abnormal talaga niya.
"Jeydon!"
"Bakit?" nilingon niya ko pero parang naiirita siya.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Trip ko lang."
"Trip? Abnormal ka talaga!"
"Wala naman akong paki alam sa grades ko eh. Eh
ano kung bumagsak ako."
"Kahit na! Hindi pa din tama yun! Sayo yun eh!
Kasalanan ko naman kasi hindi ako nag review."
"Sana nag tha-thank you ka na lang sakin di ba?"
"Kasi.." oo nga dapat mag thank you na lang ako.
"Tss." Tumalikod siya sakin. Hinawakan ko naman

yung braso niya.
"Teka! Sige na thank you."
Hindi ako sanay na nag papasalamat sakanya pero
kung tutuusin ang dami na niyang tulong sakin.
Kasi naman ang bipolar ng lalaking to. Ngumiti
lang siya tapos umalis. Bakit siya ngimiti?
Naiwan ako dito na nakalutang yung utak. Buti na
lang may tumawag sakin. "Hoy Candice!"
"Bakit?"
Ano na naman kaya ginawa ko. Bakit galit na galit
na naman to si Stacey? Nakita niya kayang mag
kausap kami ni Jeydon?
"Gusto lang kitang balaan, layuan mo si
Jeydon. Naiintindihan mo?"
Akala ko ba hindi siya na threaten sakin? tapos
ngayon sinasabi niyang layuan ko si Jeydon.
Abnormal din pala siya eh! Idol niya ata si Jeydon
sa pagka abnormal.
"Hindi naman ako yung lumalapit sakanya!
nagkakataon lang na.."
Hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi sinampal

niya ko. Ouch! sakit nun ah. Huhu!
"I don't care kung siya yung lumalapit! Basta
ayoko makitang nag uusap kayo! Naintindihan
mo?!"
"Pero.."

"That's the Queen Bee's order. Better follow
it."

Umalis siya kasama yung mga alipores niya. Hindi
naman ako lumalapit kay Jeydon ah! Tska wala
naman masama kung mag usap kami! Hindi ko
naman aagawin sakanya yung Fiance niya nuh.
Tsk. Ang sakit tuloy ng pisngi ko. Namula siguro
siya. Hays.
Kung makikita pa din ni Stacey na nag uusap kami
ni Jeydon hindi niya ako lulubayan. Eh kaya ko
bang hindi kausapin yung abnormal na yun kapag
inaasar niya ko? Ano bang gagawin ko? Gayahin ko
na lang kaya si Margot?

Hindi ko na nga lang kakausapin si Jeydon para
walang gulo..
40: Turning tables

Pag pasok ko sa room ng Section Eleven ang ingay
nila. Batuhan ng papel dun, habulan dun, yung iba
naman nag babaraha pa. Last section nga talaga
oh. Napahinto naman sila nung nakita nila ko.
"Uy Candice!"
"Hello.."
"Okey ka lang Candice? Bakit namumula yang
pisngi mo? May umaway ba sayo?" Sabi ni Six.
"Ha? wala.. wala lang yan."
Nginitian ko na lang sila tska ako dumeretso sa
upuan ko sa likod. Nahalata nila agad yun? Amp!
ganun ba bumakat yung kamay ni Stacey sa
mukha ko? Kinuha ko yung salamin ko tapos
tinignan ko yung itsura ko. Namumula nga yung
pisngi ko. Huhu! ang lakas kasi ng sampal ni
Stacey eh.
"Yow!"

Napalingon agad ako sa likod ko, nakita ko yung
dalawang mag best friend, si Troy tska si Jeydon.
Parang kinabahan ako nung nakita si si Jeydon,
ewan ko ba. Tinakpan ko na lang ng buhok ko
yung kanang pisngi ko para hindi nila mapansin
yung sampal sakin ni Stacey.
"Grabe Jaydee ang ganda nung babae kanina nuh?
Sexy pa." Napatingin ako bigla kay Troy. Tss basta
maganda at seksing babae talaga bukas na bukas
mata niya eh nuh? May pa loyal loyal pa siyang
nalalaman ah.
"Tss. Panget. Parang yung katabi mo lang
ngayon."
Katabi ni Troy? Teka lang ah.. ako yun ah? Loko
talagang Doraemon to, ako na naman nakita! Hindi
ko na nga pala siya kakausapin. Tinignan ko na
lang siya ng masama.
"Candice tahimik ka ata?"
"Ha? Hindi ah. Nakikinig lang ako sa inyo. Dinig ka
dinig ko yung mga pinag sasabi mo eh. Hilig mo
talaga sa babae eh nuh?"
"Uy grabe! Hindi ah! Ang ganda lang kasi nun tska
ang sexy pa."
"Haha! Alam mo Troy inggit lang yan si Betty kasi
panget na nga flat chested pa siya."

Hindi ako Flat chested!
Anak ng siopao! Nang iinis na naman tong
abnormal na to. Pasalamat ka hindi na kita
kakausapin kundi kanina pa kita sinigawan.
Mahirap din pala snobin to si Jeydon lalo kapag
inaasar ka.
"Hala bakit hindi ata nag rereact si Candice sa mga
pang aasar mo ngayon Jaydee?"
"Malay ko.. Ah! Alam ko na!" Napatingin ako
sakanya. Naka ngisi naman siya sakin. Ano naman
yun? Alam ba niya yung nangyari samin ni Stacey
kanina?
"Ano yun?"
"Nahihiya siguro siya sakin kasi binigay ko sa
kanya yung papel ko sa math. Wala kasi siyang
sagot eh. Haha! Samantalang ako ang dami."
Ang kapal! Hindi ko naman hiningi yun eh! Binigay
mo kaya! Tska wala lang talaga akong review kaya
wala akong sagot. Argh! Tska siya lang naman nag
pumilit na ibigay yun sakin eh.
"Talaga? Yung Valedictorian ng School natin,
walang sagot sa math? At ang matindi pa dun, si
Jeydon meron!"

Naka tingin silang dalawa sakin. Parang ewan lang
yung ngiti nilang dalawa, nang aasar tong dalawa
na to eh. Nag pipigil lang akong sigawan silang
dalawa. Kasi naman eh! sabi ko hindi ko na
papansinin si Jeydon para wala ng gulo pero shete
naman oh!
ANG HIRAP.
"Candice? Ano bang problema mo? Bakit ang
tahimik mo ha? Hindi ako sanay na hindi kayo nag
sasagutan ni Jaydee eh."
"Wala akong problema. Baka ikaw may problema
dyan?" Naman kasi Troy eh! Wag mo na lang
pansinin. Nahihirapan na nga ako na hindi
pinapatulan yang Jeydon na yan. Baka isipin pa
niya kaya na niya ko ngayon.
"Galit ka ba kay Jeydon?" Saktong pag kasabi niya
nun biglang tumahimik sa buong room. Eh? Ano ba
yun. Hindi naman ako galit kay Jeydon. Ayoko lang
siya kausapin para hindi na ko guluhin nila Stacey.
"Hindi."
"Weee? Hindi nga?" Hinihila niya pa yung blouse
ko. Eh! Kainis ka Troy ang kulit mo.
"Hindi nga. Bakit naman ako magagalit? Naisip ko
lang na simula ngayon, hindi ko na siya
kakausapin." Natulala lang si Troy sa sinabi ko.

Okey na yan para hindi niya na ko kulitin. Isa pang
tanong niya sasapakin ko na siya.
"Hoy Betty! Sino naman nag sabi sayo na gusto
din kitang kausapin ha? Kung ayaw mo di wag!
Hindi ka kawalan!" Tapos tumalikod siya sakin. Eh
di fine! Yun naman pala eh. Hmpf.
"Ay? Ang sad naman hindi na kayo mag
papansinan?" Nag sad face tong si Troy tapos
pinatong niya sa desk yung ulo niya. Lakas din ng
topak ng lalaki na to eh. Ewan ko ba bakit naging
mag best friend kami.
"Bahala nga kayo kung ayaw niyo mag pansinan..
ewan ko lang kung kaya niyo.."
"TALAGA!"
Sabay pa kami na nagsabi nun kay Troy. Nag ka
tinginan tuloy kaming dalawa ni Jeydon sa mata.
Nakita ko na naman yung brown niyang maya.
Awkward naman, umiwas na lang agad ako ng
tingin sakanya.
"Hays.. ma mimiss ko yung asaran niyo eh."
Binatukan ko mga siya. Natutuwa pa siya na nag
aasaran kami ni Jeydon ah? Tss.
"Kung gusto mo kayong dalawa na lang mag
asaran! Tse!"

Hindi ko na din pinansin to si Troy. Ang kulit
netong lalaki na to eh. Ang daming tanong sakin,
sabi na ngang hindi ako galit kay Jeydon. Ayoko
lang ng gulo kaya hindi ko siya kinakausap. Tska
para wala na din nang aasar sakin.
Pagka dating ni Sir Jason sinabi niya agad samin
na next week na yung Miss Campus at kaylangan
daw may ready na akong talent by monday. Wala
naman akong talent eh! kaya ayun kagaya ng sabi
ni Margot humingi ako ng suggestion kay Ginno.
Sabi naman niya mag sing and dance na lang daw
kami. Ako daw yung kakanta tapos yung ibang
Section Eleven yung sasayaw sa likod. Dapat nga
lahat sila eh pero kaylangan daw may mag chicheer sakin habang nag tatalent para audience
impact daw. Ang dami nilang alam eh nuh? sila
Ginno, Six, Troy at Jeydon na lang tuloy yung
sasayaw tutal naman daw sila yung pinaka gwapo
sa Section Eleven. Pumayag naman lahat, mga
baliw talaga. Nakakatuwa nga lang kasi lahat sila
nag pa-participate. Ang saya din nila kasi hindi na
nag pa surprise quiz si Sir Jason dahil lahat naman
daw sila nakiki cooperate.
Sa sabado na lang daw kami mag pratice para buo
na ni Ginno yung steps by that time. Buti na nga
lang tinulungan kami ni Ginno kahit na alam ko

naman na mas suportado niya si Margot. Nag
request daw kasi si Margot na tulungan ako, ang
bait talaga niya. Pagkatapos naming pag usapan
lahat about sa Ms. Campus, nag pa dismiss na
naman si Sir.
Inayos ko na yung gamit ko para maaga ako maka
punta sa next subject ko, kaylangan mag review
ako sa history baka may quiz din dun eh.
"Alis ka na Candice?"
"Oo mag rereview pa ko eh. Asan na ba yung
notebook kong pink?"
"Eto oh.." pag ka abot niya sakin ng notebook ko
napansin niya ata yung pisngi ko.
"Teka! Bakit namumula yang pisngi mo?"
"Ah wala.. wala yan.." Tinakpan ko na lang ulit ng
buhok ko yung pisngi ko.
"Wag mo nga takpan! Kung wala lang yan bakit
kanina mo pa yan tinatago samin. May sumampal
ba sayo?"
"Ha? wala nga yan!" Bakit ba ang kulit mo Troy.
Huhu ayoko na sabihin eh. Ayoko na talaga ng
gulo.
"Si Stacey ba sumapal sayo? Mag sabi ka nga!"

"Hayaan mo na yun! Sige ma late na ko! Hehe
bye." Hindi ako nakatakas, hinila kasi niya ako
pabalik eh.
"Teka! Hindi ka niya pwedeng saktan! Humanda
siya sakin!"
"Teka wag na! Hayaan mo na siya!" Naghihilahan
kaming dalawa tapos biglang..
"Tabi nga!" dala dala ni Jeydon yung bag niya
tapos umalis na ng room. Bakit parang galit yung
abnormal na yun? Ano na naman problema niya?
Bahala nga siya.
"Basta Troy hayaan mo na at wag mo na sabihin to
kay Kuya ha?" Nako mag wawala yun si Kuya
kapag nalaman niyang may nanakit sakin.
"Okey sige na nga. Siya na bahala dun."
"Ha? Sino?" ngumiti siya sakin tapos ginulo niya
buhok ko.
"Bahala na si Batman dun." Tapos tumawa siya ng
malakas. Anong batman? Lakas na naman ng trip
niya ha. "Tara na nga hatid na kita sa room mo
baka mamaya awayin ka na naman nung mga yun
eh."
Hinayaan ko na lang siya. Baka mamaya awayin
nga nila ako ulit atleast kasama ko si Troy. Isa pa

wala naman sinabi si Stacey na kasama si Troy sa
iiwasan ko eh, si Jeydon lang sinabi niya.
Pag dating ko sa room ng Section One nag review
agad ako nilagyan ko din ng concealer yung pisngi
ko para wala ng maka pansin. Sakto naman
pagkadating ng teacher namin tapos na kong mag
basa. Tama nga ko may quiz nga. Buti na lang
hindi na ko na blanko. Naisip ko tuloy yung kanina,
bakit kaya wala akong nasagot kanina? Kaso hindi
yun eh, bakit binigay sakin ni Jeydon yung papel
niya? Nag yayabang ba siya sakin? O baka naman
puro mali yung sagot niya kaya niya binigay kasi
gusto niya akong asarin? Waaa kapag yun lang
talaga puro mali humanda siya sakin, ay kaso hindi
ko na nga pala siya kakausapin -___Nung nag bell na mabilis pa ko sa hangin na umalis
ng school. Hindi ko na nga napansin si Margot eh,
mag papasalamat pa naman ako sa kanya.
Ang sama na naman kasi ng tingin sakin nila
Blossom. Tapos sila Stacey mamaya awayin na
naman ako nun. Ewan ko ba bakit mainit yung
dugo nila sakin, wala naman akong ginagawang
masama sa kanila. Hays.
Ako pa ata yung pinaka unang studyante na
lumabas ng school. Hindi ko na hinintay si Kuya
Charles, mag yoyosi pa yun. Pati tuloy si Marky
hindi ko na din nakita. Bahala na, bukas naman

panigurado nasa music hall yun eh. Napaisip tuloy
ako, sana wag din ako awayin ni Abby. Baka
mamaya pag bawalan din niya ko na lumapit kay
Marky, kung kelan naman okey na kami kay Kuya
Charles.
Habang naglalakad ako pauwi napatalon ako bigla
nung napansin ko yung dilaw na Ferrari sa tabi ko.
Nakakapag taka naman to, ang bagal ng andar.
Bakit parang sinasabayan ako neto sa paglalakad
ko? Kilala ko ba yung driver neto? Bigla naman
niyang binaba yung windshield niya. ANAK NG
SIOMAI!
Si abnormal na pusang robot.

Bakit ba kung nasaaan ako nandun din siya? Tska
bakit ang gaganda ng sasakyan niya? Super rich
kid.
Naka ngiti lang siya sakin habang sinasabayan niya
ko maglakad. Ano na namang trip netong lalaki na
to? Iinisin na naman ata ako neto eh pero hindi
naman niya ko kinakausap. Naka ngiti lang siya
sakin, yung ngiting pang asar. Abnormal talaga to.
Binilisan ko pa unti unti yung paglalakad ko.
Bumilis din yung takbo ng Ferrari niya. Sinusundan
talaga ako neto eh. Tumakbo ako bigla, tapos

umandar din ng mabilis yung sasakyan niya. AMP!
ano bang trip niya? Tatakbo na nga lang ako.
Takbo lang ako ng takbo dito pero siya pa easy
easy lang tapos naka ngiti pa. Ayoko na! Pagod na
ko.
"Hoy! Anong problema mo?"
"Ako ba?" Malamang! Kaming dalawa lang naman
dito eh.
"Hindi! hindi ikaw! baka yung gulong? Hoy gulong
anong problema mo?"
"Haha! Akala ko ba hindi mo na ko kakausapin?"
Ay oo nga pala. Eh kasi naman! nakakainis kang
abnormal ka. Ang hirap pala hindi pansinin neto ni
Jeydon lalo kapag nang aasar. Mas sanay din kasi
ako na nag sasagutan kaming dalawa. Hindi ko na
lang ulit siya pinansin. Naglakad na lang ulit ako,
ayoko na tumakbo ang bilis ng Ferrri niya eh kahit
anong takbo ko wala eh. Mapapagod lang ako dito
mas mabuti pa mag relax lang ako sa paglalakad
tapos iisipin ko na lang na wala siya sa tabi ko.
Mag lilimang minuto na ko nag lalakad.

"Hoy Betty! Bakit ba ayaw mo ako kausapin?"
Nilingon ko siya naka taas lang yung kilay niya
sakin.

"Oh akala ko ba hindi mo din ako kakausapin?"
"Ikaw kaya unang kumausap sakin."
"Anong ako? Hindi na kita kinakausap pero
kinausap mo pa din ako!"
"Eh bakit ba kasi hindi mo ko kinakausap?" Sabihin
ko na lang kaya kay Jeydon? para tigilan na niya
ko. Kaso sa ugali neto baka lalo lang niya kong
hindi tigilan para maasar ako, para hindi din ako
tigilan nila Stacey.
"Ayoko lang!"
"Tss. Siguro naiinlove ka na sakin nuh? Kaya ka
umiiwas? Natatakot kang ma fall sakin. Haha! Wag
ka mag alala, normal lang yan. Madami talaga na
iinlove sakin."
Waaa ako? Maiinlove sakanya? NO WAY!!
"Hindi ah!"
"Hindi daw? Eh bakit nga? Kunwari ka pa eh.
Pinapalabas mo lang na si Marky yung gusto mo
pero sakin ka naman talaga patay na patay.
Haha!"
"Hindi nga! Sinabihan ako ni Stacey na layuan ka
kaya hindi kita kinakausap! Ayoko lang guluhin nila

yung buhay ko dahil lang sayo! Araso? Akaya
pwede wag na tayo mag usap!" [Araso=Alright]
Tumakbo ako palayo. Waaa! Bakit ko sinabi? Huhu.
Hindi na naman din siya sumunod sakin eh. Buti
naman, titigilan na niya kaya ako? Hays.
"Candice!"
Paglingon ko nakita ko si Ate Serina. Ang aga niya
pumunta sa bahay, sakto para pag dating ni Kuya
andito na siya. Haha! Aasarin ko nga silang dalawa
mamaya.
"Ate!"
"Why are you alone? Where's Charles?"
"Nasa school pa eh. Nauna na ako. Tara pasok ka
na sa loob! Mag ba-bake si Mama ng Brownies."
"Really? Tara!" Tuwang tuwa naman siya. Gusto
din kasi ni Ate Serina yung brownies ni Mama eh.
Pagpasok namin sa loob sinalubong kami agad ni
Mama tska ni Cholo. Nag ba-bake na pala sila ni
Yaya. Sakto gutom na ko eh hehe.
Pag ka tapos pa lang ma bake ng brownies kumain
na agad kami. Sakto naman dumating si Kuya
Charles.
"Anak ng! Anong ginagawa ng babaeng yan dito?!"

"Bakit Charles? May angal ka ba?" Ngumiti si Ate
Serina sakanya tapos tumayo siya sa harap ni
Kuya. Nanunuod lang kami nila mama at yaya sa
kanilang dalawa.
"Wow ha? Bahay mo?"
"Bitter ka pa din ba kasi BINUSTED kita dati? Move
on move on din kapag may time." Grabe siya lang
talaga nakakabara kay Kuya. Siya lang din yung
may lakas ng loob na awayin si Kuya Charles,
nakakatakot kasi yang lalaki na yan eh.
"Tss. Baka ikaw hindi maka move on? Ang tagal na
nun, hindi ko na nga ma alala eh."
"Yun naman pala eh!"
"Pero hindi ka pa din pwede dito kaya alis!"
"At bakit ha?"
"Tama na nga yan, Charles alam naman naming na
miss mo si Serina kaya itigil mo ma yan."
Natawa kami ni Yaya sa sinabi ni Mama. Ayan
tuloy napikon si Kuya kaya nag kulong sa kwarto
niya. Ayaw pa kasing aminin na miss naman talaga
niya si Ate Serina eh. Taas kasi ng pride eh.
Buong mag hapon nasa amin si Ate, nag
kwentuhan lang kami about sa buhay niya sa

Amerika. Parang gusto ko tuloy pumunta dun, sa
Pilipinas at Korea pa lang kasi ako nakakapunta
eh. Na kwento din ni Ate Serina na nakita niya dun
sila Papa at yung napaka galing niyang asawa.
Nawalan tuloy ako ng gana sa usapan namin dahil
narinig ko si Papa. Malapit na din pala yung araw
na kelangan tumira kami ni Kuya sakanya sa loob
ng 2 days, part daw kasi yun ng rights niya.
Mabilis lang natapos yung araw na to.
Bago ako matulog tinignan ko ulit yung mukha ko,
nawala na pala yung Concealer na nilagay ko sa
pisngi ko. Medyo namumula pa din yung mukha
ko. Hays, sana bukas wala ng mang aaway sakin..

**

"Waaaa! Bakit pinapababa mo ko dito?"
"Maglalad ka."
"Bakit ha? Ang layo pa ng school dito."
"Yan ang napapala mo sa pag papunta mo kay
Serina sa bahay kahapon. Kaya sige baba na sa
kotse ko!" Tinulak niya ko palabas ng kotse tapos
umalis na siya.

Ang sama niya! Wala namang masama kung
pumunta dun si Ate Serina ah? Akala ko ba hindi
na siya bitter? Baliw din talaga tong Kuya ko eh.
Hays makapag lakad na nga lang, ano pa bang
magagawa ko di ba?
Nung naglalakad ako may biglang dumaan na pusa
sa harap ko. Huminto yung pusa tapos napatingin
sakin tapos umalis na din siya. Naalala ko tuloy si
Jeydon..
Waaaa! bakit ko siya na aalala? YUCK.

Pag pasok ko sa school, pumunta muna ako ng
locker ko. Nilagay ko muna yung ibang books ko sa
loob.

"Hoy Candice!" Paglingon ko nakita ko yung
Powerpuff girls. Ano na naman kayang problema
ng mga to? Ang sama na naman ng mga mukha
nila, sayang ang cute pa naman sana nilang tatlo.
"Bakit?"
Bigla naman akong sinampal ni Blossom. Ouch!
huhu.
"Ano bang problema mo Blossom?"

"Ikaw! Malandi ka kasi eh! Lagi ka na lang nag
papa cute sa lahat ng gwapong lalaki dito sa
school, kaya ayan hindi na nila kami napapansin.
Epal ka eh!" Waaa! hindi naman ako ganun ah.
Nakaka inis sumusobra siya ah.
"Hindi ko kaylangan na mag pa cute para
mapansin nila, at hindi ako nag papapansin sa
kanila!"
"Aba sumasagot ka na ha?" Sinampal naman ako
ngayon ni Bubbles. Nakaka dami na yung
sumasampal sakin ah. "Wag kang sasagot saming
tatlo."
"Nag sasabi lang naman ako ng totoo eh!"
Sasampalin na naman ako ni Blossom pero may
kamay na humarang sakanya.

"Aba, ang lakas ng loob niyong mag maldita dito
sa school ah.."

Teka... si Stacey?
Wag mong sabihin sasali pa siya sa pang aaway
sakin? Huhu ang malas ko naman talaga oh.
Mamumula na naman yung pisngi ko neto eh.

Kung tutuusin mas malakas siya sumapal kesa kay
Blossom at Bubbles.
"Miss Stacey, kasi to si Candice eh!" sabi naman ni
Annie.
"Oo nga, ang landi niya kasi eh.." sabi ni Blossom.

"Malandi? eh mas malandi pa nga kayo eh. Di ba
puro retoke lang naman yang mukha niyo? para
saan? para mapansin kayo ng mga gwapong
lalaki? Sino ngayon mas malandi sa inyo ni
Candice ha?"

"Pero.." singit ulit ni Blossom.

"Ayoko ng makikita na inaaway niyo si Candice,
naiintindihan niyo? Kung hindi ako yung
makakalaban niyo dito sa school. I bet you don't
want that. Remember Im the School Queen Bee."
"Ah.. oo.. si-sige po Miss Stacey.." nauutal naman
si Blossom sa pag sasalita. Kahit din pala silang
tatlo takot din kay Stacey.
"Good, alis na! napapangitan ako sa mga pag
mumukha niyo."

Umalis naman agad silang tatlo. Tumingin sakin si
Stacey na naka ngiti. Ano ba yung nangyari?
Pinagtanggol niya ko sa Powerpuff girls? Bakit
naman? para kaya siya lang pwedeng umaway
sakin? Waaaa.
"Okey ka lang ba Candice?"
"Ha? ah oo.."
"Sorry pala sa ginawa ko sayo kahapon.. pati sa
mga sinabi ko. Pwede bang kalimutan na natin
yun?" Panaginip ba to? Nag so-sorry siya sakin?
"And let's be friends.." Inabot niya sakin yung
kamay niya para mag shake hands kami.

PANAGINIP TALAGA TO EH.

Kinurot ko yung kamay ko, nasaktan ako kaya ibig
sabihin hindi to panaginip. Nakikipag kaibigan
sakin si Stacey Chua?
"Ah.. sige?"
"Good! From now on, mag kaibigan na tayo!"

Ngumiti siya sakin tapos sinamahan niya ko
pumunta sa room ko. Lahat ng mga studyante
napapatingin samin. Ano kayang nangyari dito kay
Stacey? kahapon lang sinampal niya ko, ngayon
naman pinag tanggol niya ko tapos gusto pa
niyang maging mag kaibigan kami.
Ibig sabihin kaya nun, pwede ko ng kausapin ulit si
Jeydon?
Ang gulo.
41: Fridate

Nakakapanibago talaga. Kapag titingin ako kala
Blossom naka ngiti sila sakin pero halata ko naman
na pekeng ngiti lang yun eh. Mas okey na din kesa
lagi nila kong tinatarayan. Ano kayang nangyari
kay Stacey? Bakit kaya bumait siya sakin bigla?
Nakakapagtaka tuloy.

"Okey Class dismiss."
Lunch time. Maka punta nga ng Music Room,
andun na kaya si Marky?
Paglabas ko ng room nakita ko sila Stacey.

"Hi Candice! Tara punta na tayong canteen! Andun
na yung apat sa tambayan nila." Apat? So andun si
Marky? Hindi siya pumuntang Music Hall?
"Ah.. okey.."
"Girls, sorry pero hindi kayo makakasama. Alam
niyo naman hindi basta basta pwedeng tumambay
dun. I'll see you later na lang sa practice."
Sumimangot sila kay Stacey pero wala na din
silang nagawa. "Tara Candice?"
"Sige."

Hindi talaga ako sanay. Biruin mo kasama ko yung
Queen Bee ng school. Yung sikat na si Stacey
Chua. Awkward nga eh, okey sakin na hindi kami
mag ka away pero ayoko siyang maging kaibigan.
Hindi sa choosy ako pero hindi pa din maalis sa isip
ko yung pagiging b*tch niya.
"Hi guys!"
Lahat sila napatingin samin.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Troy! Isang bwan pa lang akong hindi tumambay
dito, so bawal na ko dito?" Tumabi siya kay
Jeydon. "Hi baby!"
Hindi pinapansin ni Jeydon si Stacey kasi busy siya
mag iPad. Tinignan ko si Kuya Charles ang sama
ng tingin sakin, hala! anong problema niya?
Tumabi na lang ako kay Marky, inalok naman niya
ko agad ng burger. Tumabi din sakin si Troy, naka
simangot.
"Ayokong nandito si Stacey." Inirapan lang siya ni
Stacey.
"Ang arte mo Troy! Palagi naman silang nandito ni
Abby." Tama naman si Kuya Charles eh. Nung
hindi pa ko kilala ng tatlo palagi kong nakikita sila
Abby at Stacey dito.
"Oo nga anong problema mo Troy?" Sabi naman ni
Marky.
"Hay nako! Kung alam niyo lang kasi.."
"Troy nakita mo ba si Tiffany?" Nag change topic
agad ako. Tinignan ko siya para ipa alala yung
usapan namin na wag niyang sasabihin kala Kuya
yung nangyari.
"Hindi pa eh.."

"Bakit anong meron sa inyo ng kapatid ko Troy?
Are you dating?"
"Nope." Tinarayan lang ni Troy to si Stacey. Haha!
Seriously? Bakit ang laki ng galit niya kay Stacey?
"Bakit mag kasama kayo ha?" bulong niya sakin.
"Nakipag bati na siya sakin eh."
"Sus! Maniwala. Basta mag ingat ka pa din."
Dumating naman yung waiter nung canteen, may
dalang pagkain. Footlong na malaki tska mahaba.
Alam ko na kung kanino yan.
"Sir Jeydon eto na po yung order niyo."
Kinuha agad ni Jeydon yung pagkain niya. Hindi
man lang nag pa salamat dun sa waiter. Grabe
may dragon talaga siya sa tyan niya eh. Ang lakas
kumain. Eto naman si Stacey nakatingin lang kay
Jeydon habang kumakain. Mukhang patay na patay
talaga siya sa pusang robot na yan.

"Oo nga pala Charles, aayain ko sana si Candice na
lumabas bukas, tutal wala naman pasok dahil
holiday."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Marky. Si Jeydon
nabulunan pa ata. Si Kuya hindi maipinta yung
mukha. Kahit naman din ako nagulat eh.

"Wala naman sigurong tututol?"

"Ako! Bakit kayo mag dadate? Hindi pwede!"
"Hoy Troy wag ka ngang OA! Ako Kuya dito ah,
hindi ikaw. Mas nauna ka pang nag react eh!"
"Eh best friend niya ko eh!"
"So? wala akong paki sa nararamdaman mo! basta
yung kotse na gusto ko kaw na bahala Marky.
Payag na ko." Ano? Payag siya?
"Hoy tanda papayag ka ng makipag date si
Candice dahil lang sa kotse!"
"Oo bakit? Nag usap na naman kami ni Marky eh.
Tska isa pa may tiwala ako kay Candice. Di ba
Candice?" At kelan pa sila nag usap?
Nag tinginan naman sila sakin.

"Ha? Ano?"

"Tsk. Para lang sa kotse papayag ka ng makipag
date si Candice." Nag mamaktol pa din to si Troy.
"Ang OA mo Troy! Wala naman kaming gagawing
masama! Boyfriend ka ba ni Candice ha?"
"Wala kasi akong tiwala sayong unggoy ka!"
"Sweet mo naman Marky! San naman kayo
pupunta?" singit naman ni Stacey.
"Sa Tagaytay, okey lang ba sayo dun Candice?
May event kasi dun bukas, eh kaylangan may
kasama ka kasi pang couples yun eh. Kaya
naisipan kong isama ka." Magsasalita pa lang sana
ako kaso eto naman si Jeydon tumawa bigla.
"Talaga? Dun kayo? Pupunta din ako dun bukas
eh! Haha what a coincidence nga naman."

Eh? Seryoso? Sino naman kasama niya?

"Hoy anong pupunta ka din? Bakit sinong kasama
mo dun ha? Kaylangan couples dun!" Tanong ni
Marky. Hindi din siguro niya ine-expect na pupunta
din dun si Jeydon.
"Ha? Kasama? Meron akong kasama!"

"Sino naman kasama mo Jaydee?" Tanong ni Troy.
"Ha? Si.. si Stacey! Bakit may angal? Di ba
Stacey?"
"Ha? Ah oo! Inaya ako ni Jeydon kahapon dun.
Hehe ibig sabihin pala mag do-double date tayo
bukas! Excited na ko!"
Seryoso ba si Jeydon? Si Stacey yung kasama
niyang pumunta dun bukas? Akala ko ba hindi niya
type si Stacey? Kunwari pa siyang naiirita siya
sakanya tapos aayain din naman pala niya ng date
bukas. Abnormal talaga siya.

"Hahaha! Mukhang exciting yang date niyo bukas
ah? Okey yan para may kasamang babae bukas si
Manang. Mamaya mag pasaway to si Marky eh.
Haha!"
Umalis siya ng tawa ng tawa. Bakit yun tumatawa
si Kuya? May nakakatawa ba dun? Minsan talaga
may kanya kanya silang topak eh. Mana sila sa
leader nilang abnormal.
"Candice, punta na ko sa room ko. Hintayin mo ko
mamaya sa parking, hatid kita pauwi."
"Ah okey sige Marky."

Ngumiti muna siya sakin bago siya umalis. Omg
talaga! Mag dadate kami bukas ni Marky? Hindi
ako makapaniwala. Totoo ba to? Hehe.
"Candice let's buy clothes for tomorrow. Punta ako
sa inyo ng mga 5pm ah? Shopping tayo. I have to
go na din. Bye guys! Bye baby!"
Luh? Kelangan talaga mag sho-shopping pa para
bukas? Feeling ko naman napaka dami ng damit
neto ni Stacey eh. Sabagay first date ata nila to ni
Jeydon kaya gusto niya bongga yung isusuot niya
bukas.
"Parang nainggit tuloy ako. Hays."
"Eh bakit hindi ka sumama bukas?" Napaisip muna
siya. Kung sasama siya, sino naman isasama ni
Troy?
"Ay wag na pala may gagawin din pala ako bukas.
Hehe!" Ah alam ko na kung anong gagawin neto.
Ang dali talaga basahin kung anong nasa isip niya.
Sabi nga nila..
When the cat is away the mouse will date
este play pala. Haha!
"Goodluck sa gagawin mo bukas! Haha!" Akala mo
hindi ko alam na mag dadate kayo bukas ni Ate
Jaycee? Mautak ka din talaga Troy eh nuh.

"Haha! Alam mo Candice ang talino mo talaga!
Pumasok na nga kayo ni Jeydon baka ma late pa
kayo eh." Nahalata ko pa siyang namumula. Ang
kyot pala niya kiligin. Haha!
"Bye!"

Nung tumalikod ako wala na si Jeydon. Iniwan ako
nung lalaking yun. Teka nga, kakausapin ko na ba
siya o hindi?
Pagdating ko sa room nandun na nga si Jeydon.
Naka upo tapos may binabasa siya na libro. Nung
nakita niya ko bigla naman niyang tinago. Nag
babasa ba talaga siya ng libro? Tska parang kay
Nicholas Sparks pa yung libro na yun ah. Tinitigan
ko pa kung ano yun pero ayaw naman niyang
ipakita sakin.
Pagkaupo ko hindi kami nag papansinan.

"Good Afternoon class."
Dala na ni Sir yung result ng long quiz. Shete
kinakabahan na ko! Baka mamaya tama yung
hinala ko na puro mali yung binigay sakin na sagot
ni Jeydon. Mas gugustuhin ko pa na wala akong
pinasa kesa naman zero ako dahil puro mali yung

sagot ko. Humanda talaga siya sakin kapag puro
mali yun! Huhu nakakahiya naman yun! Feeling ko
tuwang tuwa na siya na malaman ko yung result
ng quiz.
"Eto na pala yung result ng quiz niyo.. I guess
lahat kayo nahirapan sa quiz kasi isa lang yung
pumasa sa long quiz na to.."
Waaa! Isa lang talaga? hindi ba pwedeng dalawa?
Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Malamang sa
malamang si Margot na yan. So ibig sabihin
mahirap pala talaga yung quiz na yun, wala naman
bumabagsak sa mga quiz dito sa section na to eh.
At ang nakakahiya pa, isa ako sa mga yun. Huhu!
Ang Class Valedictorian.
"Take note, bukod sa siya lang yung pumasa, na
perfect pa niya yung exam. Candice, you've done a
great job!"
Inabot sakin ni Mr. Gomez yung papel.
Nagpalakpakan naman silang lahat. Candice ba
sinabi niya? Hindi nga? Perfect ako? So ibig sabihin
pala perfect lahat ng sagot ni Jeydon? Waaaa! Ang
galing naman niya. Kung si Margot nga hindi din
pumasa ibig sabihin lang talaga mahirap yung quiz
na yun. So hindi lang pala talaga ako na blanko.
Tumingin ako kay Jeydon kaso naka tingin lang
siya sa harap. Paano niya na perfect yun? Hindi

naman pwedeng nag kodigo siya kasi computation
yun. Napapaisip tuloy ako, matalino ata talaga to
si Jeydon, maloko lang talaga.
"Dahil dyan Candice, Exempted ka na para sa
Second quarterly exam."
Di nga? Shete! 300 items yun ah! Kaso ano ba yan
parang na guilty naman ako bigla. Hindi naman
kasi talaga ako yung sumagot nun eh. Dapat
sabihin ko yun kay Sir. Dapay si Jeydon yung
exempted hindi ako. Kahit maparusahan ako okey
lang, kasalanan ko naman eh.
Tatayo na sana ako kasi hinila naman ako pabalik
ni Jeydon.

"Anong gagawin mo?"
"Mali to eh! Sayo to."
"Kapag nalaman niya yung ginawa natin pati ako
mapapahamak. Wag ka mo na sabihin."
Napa upo na lang ulit ako. Sabagay tama siya okey
lang naman kung ako lang yung mapagalitan pero
hindi na tama kung pati siya mapapagalitan pa.
Tinulungan na nga niya ako eh. Bahala nga siya,
basta wag niya sakin isusumbat yun ah.

Hanggang matapos yung math hindi na ulit kami
nag pansinan si Jeydon.

Gusto ko mag pasalamat kay Jeydon. Yun na lang
kasi pwede kong gawin sa ginawa niya
sakin. Tama! dapat mag thank you ako. Sinundan
ko na lang siya papunta sa room ng Section
Eleven, dun din naman next subject ko eh.
May lumapit kay Jeydon na tatlong babae. Yung isa
may dalang spaghetti.

"Ahm.. Jaydee tikman mo tong ginawa naming
spaghetti kanina sa TLE, ginawa ko talaga yan
para sayo." Naka ngiti pa siya nung inabot niya
yun kay Jeydon.
Nagulat ako pati yung kasama nung babae kasi
binuhos lang ni Jeydon yung spaghetti sa ulo nung
babae. Waaa! Anong problema niya?
"Kilalanin mo kung sino kinakausap mo." Tapos
umalis siya. Umiyak naman yung babae na nag
bigay ng spaghetti. Ang sama talaga nun ni
Jeydon. Wala namang ginagawa yung babae eh.
Ano na naman bang trip nun?

Hinabol ko siya.
"Hoy Doraemon!"
Napahinto siya na parang may black na aura ng
nakapalibot sakanya. Waaa! Baka mamaya
buhusan din niya ko ng spaghetti. Natakot tuloy
ako bigla. Pagkaharap niya sakin ang sama ng
tingin niya.
"Hoy Betty! Sinong tinawag mong Doraemon ha?"
Ayan na bubugahan na niya ko ng apoy! Huhu
wrong move pala yun. Mag change topic ka
Candice!
"Bakit mo ginawa yun dun sa babae ha? Buti nga
binibigyan ka pa ng pagkain!"

"Ayoko ng tinatawag akong Jaydee."

"Ayaw? Yun naman tawag nila Troy sayo ha?"

"Mga importanteng tao lang pwedeng
tumawag sakin ng Jaydee."
Hala! ang arte naman ng abnormal na to.

"Lahat ng nag tatangkang tawagin akong
Jaydee nilalagay ko sa Hunt's list."

Ngayon ko na lang ulit narinig yung hunt's list na
yun. Parang red card yun eh. Kapag nakasama ka
dun sa listahan na yun, expect mo ng madaming
mang bu-bully sayo. Isa na dun at mangunguna
ang Hari ng school na si Jeydon. Sabi ko sa inyo
hobby niya yung pang aasar at pang bu-bully
parang sakin lang di ba? >.<

"Naiintindihan mo na ba? Kaya kung ayaw mo ding
mapasama dun, wag mo kong tatawaging
Doraemon."
Tumalikod ulit siya sakin tska siya nag lakad.
Napalunok naman ako dun. Huhu! Hindi ko alam
na mga importanteng tao lang tumatawag sakanya
ng Jaydee. Eh nickname naman niya yun eh. Ang
abnormal talaga niya. Buti na lang pala hindi ko
siya na tawag na Jaydee kahit minsan. Hindi ko na
nga din siya tatawaging Doraemon.
Ay teka mag papasalamat nga pala ako sakanya.

"Jeydon teka lang!"

"Bakit?"
"Ano kasi.." Huminga muna ako, hiningal ako sa
pagtakbo. Mamaya atakihin na naman ako ng hika
ko. "Thank you ah.. dun sa papel."
"Ano?"
"Sabi ko thank you!" Nilakasan ko na para marinig
niya.
"Ang hina hindi ko marinig." Niloloko na niya ko
ah! Ang lakas lakas na nga nun eh. Lumapit ako sa
tenga niya.

"SABI KO THANK YOU!"

"Yah! Bakit mo sinigaw sa tenga ko!"

"Sabi mo hindi mo madinig eh kaya sinigaw ko!
Haha! Behlat!" tumakbo ako palayo sakanya para
hindi ako mabugahan ng apoy niya. Haha!
Nung nasa room na ko ng Section Eleven hingal na
hingal ako. Na upo agad ako sa upuan ko.

"Candice anong nangyari sayo?"
"Kasi.. kasi tinakbuhan ko si Jeydon baka bugahan
ako ng apoy eh."
"Okey na kayo?"
Kami okey na? Hindi ko alam. Kakausapin ko na ba
talaga ulit siya? Sabagay okey na naman kami ni
Stacey eh. Tska for sure hindi na naman titigil sa
pang aasar yun si Doraemon dahil sa ginawa ko
kanina.
Biglang bumukas ng malaks yung pinto. May
Dragon na galit na galit.
"Hoy Betty! Akala mo makatakas ka sakin ah?"
Lumapit siya sakin, anong gagawin niya? Huhu!
Pumunta ako sa likod ni Troy.
"Waaa! Troy wag kang aalis! bubugahan ako ng
apoy ng dragon!"
"Hoy Troy alis dyan!" Umalis nga si Troy. Waaa
traydor!
Lumapit si Jeydon sakin. Hinawakan niya ng isang
kamay yung dalawang braso ko tapos..
"Hahaha! Wag! Malakas kiliti ko dyan!"
"Haha! Eh di mag dusa ka! Akala mo papalagpasin
ko yung ginawa mo ah?"

"Waaa Jeydon ayoko na! Peace na tayo! Haha!
Joke lang yun.." Hindi pa din niya ako tinitigilang
kilitiin. Waaa! Malakas kiliti ko sa bewang eh.
Grabe hindi ko na kaya!
"Haha! Iyak ka muna!"
"Sige pag hindi mo tingil yan.. haha ayoko na!"
"Anong gagawin mo?" Ah ganun gusto mo talaga
ha?

"SI JEYDON MAHILIG SA DORAEMON!"
Lahat silang nag iingay huminto sa sinabi ko. Pati
si Jeydon napahinto sa pangingiliti sakin. Haha!
Sabi ko kasi sayo eh. Ayan tuloy nasabi ko.
Nagtawanan silang lahat pati yung traydor kong
best friend na si Troy.

"Opss.. sorry." Lalo atang nagalit tong abnormal
na to. Huhu! Mama help me!

"Pagbabayaran mo yan!"
Kiniliti niya pa ko lalo, napahiga tuloy ako tapos
napasama din siyang napahiga sa sahig kasi hawak

hawak niya yung braso ko eh. Ngayon tuloy
nakapatong na siya sakin. Waaaa! eto na naman
kami eh. Shete ang bigat niya. Nakatingin lang
siya sa mata ko, hindi ko din naman maiwasan na
mapatingin sa kanya. Parang bumilis yung tibok ng
puso ko. Nakita ko na naman yung brown niyang
mata, yung maganda niyang mata na may
mahabang pilik mata, yung matang kapag tinitigan
mo para kang tinatawag..

"AYIEEEE!"
Natulak ko bigla si Jeydon nung narinig ko yung
buong Section Eleven. Tumayo ako tapos nakita ko
silang naka ngiti na ewan sakin, parang namumula
tuloy yung pisngi ko.
"Ang sweet naman ni Candice at Jeydon!" Asar
nilang lahat samin.
"Ha? Kami sweet? Yuck!"
"Eh bakit namumula yang pisngi mo Candice?"
Tse! Tumigil ka! Traydor ka Troy! Nahiya lang ako
kaya namula pisngi ko. Tska bakit ba sila tawa ng
tawa? Kaninis naman oh, baliw kasi to si Jeydon
eh.

"Hoy tumigil nga kayo kung ayaw niyong
malintikan sakin!"
Tumahimik naman silang lahat tapos bumalik sila
sa upuan nila. Ganun din ginawa ko.

"Na miss ko talaga yang asaran niyo! Buti okey na
kayo! Haha!" Pareho namin siyang tinignan ng
masama ni Jeydon kaya ayun napatahimik din
siya.
Pag dating ni Sir nag turo agad siya samin kasi
nahuhuli na daw kami sa lesson eh malapit na
yung Second quarterly exam kaya kelangan mapag
aralan lahat ng nasa exam. Nung nag pa dismiss
naman si Sir Jason nag mamadali si Jeydon na
umalis.

"Anong problema nun?"
"Susunduin kasi niya yung Daddy niya sa airport.
Ayaw niyang ma late kasi madaling mag init ulo
nun ni Tito Jake."
"Ah.. okey." Ano kaya itsura ng daddy niya?
Maintin din pala ulo, kaya pala ganun siya eh.
Alam ko na kung san siya nag mana.

"Punta ka na sa next class mo baka ma late ka pa.
Pasalubong ko ha!"
"Sige! Bibilhan kita!"
Dumeretso agad ako sa History class ko. Nag text
naman sakin si Tiffany na hindi daw siya naka
pasok kasi pumunta daw siyang Macau para
asikasuhin yung business nila dun. Wow Macau,
gusto ko din pumunta dun. Buti pa siya nakaka
libot dahil sa business ng family nila. Ako naman
kasi wala akong gana lalo na kapag sa business ni
papa yung pag uusapan. At miss na din daw niya
ako, ako din miss ko na siya.
Mabilis lang natapos yung last subject ko. Nung
nag uwian na hinintay ko sa parking lot si Marky.
Hindi muna ako sasabay kay Kuya baka mamaya
pababain na naman niya ko bigla sa kotse niya.
Tska wala na din naman pala yung kotse niya dito.
Hindi man lang talaga ako hinintay! Bad Kuya
talaga nun! Palibhasa aasarin ko siya kay Ate
Serina eh. Haha!

"Candice! Kanina ka pa ba?" Pagtingin ko sakanya
nakahawak pa siya sa buhok niya. Waa! ang
gwapo mo Marky! hehe.
"Hindi kakadating ko lang.."

"Tara?" Bago pa kami maka sakay sa kotse bigla
naman dumating si Abby.
"Marky pwede ba tayong mag usap?" Tinignan ako
ni Marky bago ulit siya tumingin kay Abby.
"Next time na lang, ihahatid ko pa si Candice."
Sinamaan naman ako ng tingin ni Abby.
"Ah Marky wag na sige mag usap na lang muna
kayo, may pupuntahan din pala ko. Sige ha? Bye!"
Iniwan ko agad silang dalawa dun. Mukhang
importante naman yung sasabihin ni Abby eh.
Kaso syempre hindi ko pa din maiwasan na isipin
kung anong pag uusapan nila.
Kakalabas ko pa lang ng school nakita ko yung
sasakyan ni Stacey. Walang tint yung kotse niya
kaya kita mo siya agad kasama niya yung mga
kaibigan niya.

"Candice? Akala ko ba ihahatid ka ni Marky?"
"Ah mag uusap pa kasi sila ni Abby eh."
"Ganun ba? Yung babae talaga na yun! Don't
worry, mag shopping na lang tayo ngayon! Tara?
Girls baba."
"Ano?" Reklamo nila.

"Bingi ba kayo? Mag sho-shopping kami ni Candice
di ba? o baka gusto niyo maging alalay namin?"
Wala na naman silang nagawa. Parang na awa
naman ako sakanila.
Sumakay na ko sa kotse niya. Grabe ang bilis
naman mag patakbo neto ni Stacey. Saglit lang
nasa boutique na agad kami. Malaki yung boutique
na to. Pag pasok namin dun binati naman agad ng
mga staff si Stacey.
"Nga pala samin kasi tong boutique. Kaya don't
worry, kumuha ka lang ng kahit anong gusto mo."
Tinginan ko yung mga damit, magaganda naman
sila. Ang problema lang ang se-sexy naman.
Halatang style ni Stacey yung mga damit dito.
Paano kaya ako makakapamili neto?
"Bakit Candice? Ayaw mo ba ng mga damit namin
dito?" Oo ayoko talaga ang iiksi eh, may pantalon
naman kaso ang nipis din. Huhu kaso ayoko
naman sabihin sakanya.
"Hindi naman, hindi lang ako makapili.."
"Ah ganun ba! Ako na pipili sayo!"
Naupo lang ako habang si Stacey pili ng pili ng
mga damit. Bahala na nga siya. Hindi ko na lang
yun isususot bukas. Hehe

"Ayan, wag mo na isukat yan kasi kasya naman
sayo lahat yan eh. Isuot mo yan bukas ah? Im so
excited. Tara kain tayo dyan sa tapat na resto
tapos hahatid na kita pauwi."
"Ha? sige.." Goodluck sa mga damit na to.

Nakahanap naman agad kami ng upuan sa resto
na katapat ng botique nila. Mukha namang
masasarap yung pagkain dito pero syempre mas
masarap sa resto namin! Hehe.
"Alam mo excited na ko bukas! First official date
kasi namin to ni Jeydon."
"Hindi pa ba kayo nag date dati?" Nakikita ko na
kasi sila dati ni Jeydon na magkasama sa school.
Sa totoo lang mag kakaibigan naman sila eh. Sila
kasi yung mga pinaka mayaman tska pinaka sikat
sa school namin. Yung mga members ng basketball
team tska cheering team. Balita pa nga nun na
mag on sila Jeydon at Stacey, syempre pareho
silang leader eh.
"Nag date na kami dati kaso nga lang group date,
kasama namin yung APAT tska yung mga friends
ko. Nakakapag taka nga eh, lately kasi hindi na
nag ba-bar si Jeydon, tapos ngayon pati sila Troy.

Isa pa dun, hindi na masyado nag yoyosi si
Jeydon, pati wala na siyang masyadong binubully."
"Ah talaga? nakakapag taka naman.."
"Wag ka na mag taka. For sure nag babago na si
Jeydon para sa future namin. Pag dating kasi
namin ng 18 iaanounce na yung engagement
namin.." Nabulunan ako sa sinabi niya. "Okey ka
lang Candice?"
"Ha? Oo.. hehe. Gustong gusto mo talaga si
Jeydon nuh?"
"Oo naman, sino bang hindi ma iinlove sakanya?
Gwapo, mayaman, sikat, lahat na ata na na
sakanya. Isa pa ang tapang niya, yun kasi yung
gusto ko sa isang lalaki Bad ass. Bad boy."
Sabagay tama naman siya. Kaso para sakin kahit
gaano ka bad boy o ka tapang ni Jeydon sa
paningin ng iba, para sakin madami pa din siya
kinakatakutan. Isa pa napaka isip bata kaya nung
lalaki na yun.

Pagkatapos namin kumain hinatid na din ako ni
Stacey sa bahay. Kelangan daw niya ng madaming
tulog para magandang maganda siya bukas.
Natatawa nga ako sakanya eh kasi sobrang excited

talaga siya. Buti niyaya siya ni Jeydon makipag
date.
Nung nalaman naman nila Mama na inaya ako ni
Marky makipag date bukas, grabe sobrang kinilig
ang lola mo! Haha! First date ko daw kasi to. Oo
FIRST KO.
Ang daming hinanda ni Mama, mga susuotin ko,
mga pagkain, tinuruan pa ako ng mga gagawin ko
bukas para daw hindi ma turn off sakin si Marky, si
Mama talaga. -__Si Kuya din natatawa na lang kay Mama at Yaya.
Tss, makikipag date pa lang ako akala mo ikakasal
na ako eh. Pambihira talaga! pero nakakatuwa din
hehe.

Ano kayang mangyayari bukas?

Excited much na din ako >.<

42: Double date

"Anak basta lahat ng sinabi ko sayo, tandaan mo
yun!"
"Opo mama." Wag na sana niyang ulitin..
"Wag kang kumain ng madami sa harap ni Marky.
Wag kang mag papahalata na kinikilig ka. Dapat
lagi kang maganda mamaya. Wag kang matutulog
sa byahe baka mamaya habang natutulog ka
tumulo laway mo. Tapos.."
"Mama! Alam ko na po. Pang limang beses niyo na
yan sinabi eh." Hays grabe para na siyang sirang
plaka kaka ulit ng mga yan.
"Hehe sorry naman baby! You know naman,
excited lang ako. First date to ng baby girl ko eh."
Mama naman eh, hindi halata.
"I know right. Haha! Basta susundin ko po lahat ng
sinabi niyo."
"And syempre enjoy your date!"
"Yes ma, thank you."
"Hoy Manang! Umayos ka dun ha! Kahit wala ako
dun may mata ako sayo. Humanda ka sakin kapag
gumawa ka ng kalokohan." Sino naman kaya mata
niya sakin dun? Hanggang tagaytay ba naman?

"Yes Kuya. Hindi ko sisirain ang tiwala mo. Behave
ako dun."
"You should be." Kahit kelan napaka protective
niya pero ang lakas naman niya akong i bully.
Abnormal din eh.

*Beep beep*

"Andyan na ata si Marky, Yaya okey na ba yung
mga gamit ni Candice?"
"Yes mam. Eto na lahat. Ingat ka dun Candice ha,
kumpleto na yang gamit mo."
"Thank you Yaya. Sige Mama alis na ko!"
"Ingat kayo! Enjoy!"
"Tara hatid na kita sa gate." Aba hahatid pa talaga
niya ko ah.
Paglabas namin ni Kuya ang madilim pa. Ang aga
pa kasi mga 6 am pa lang ata. Pagka labas namin
ng gate nakita namin yung BMW na sasakyan. Ang
ganda naman ng kotse ni Marky. Pagkababa ng
bintana ng kotse nakita ko sa harap si Jeydon.
Waaaa! Anong ginagawa niya dyan?

"Hoy Jeydon bakit naka sakay ka sa kotse ni
Marky?"
"Bakit Betty? hindi ba pwede? Eh sa tinatamad ako
mag drive eh." At bakit driver ba niya si Marky?
Loko to ah.
"Ako nag utos na sa isang kotse lang kayo
sumakay. Mas safe ka kapag ganun eh." Safe? At
bakit hindi ba ko safe kay Marky? Daming alam ni
Kuya Charles.
"Lul Charles! Anong tingin mo sakin may gagawing
masama kay Candice?"
"Gagu nag tanong ka pa! Kung hindi lang dahil sa
kotse hindi ako papayag eh." Mukha talaga siyang
kotse. Huhu! Kaya pala niya ako ipagpalit sa kotse.
How dare you Kuya Charles!
Pagbukas ko ng pinto sa likod nagulat ako nung
nakita ko si Stacey na natutulog. Andyan na pala
siya tulog lang.
"Sige Kuya alis na kami."
"Sige, basta yung sinabi ko ah."
"Okey okey!" para din siyang si Mama eh.

Pagsakay ko sa loob dahan dahan lang ako para
hindi ako marinig ni Stacey para hindi ko siya
magising. May sinabi si Kuya dun sa dalawa hindi
ko naman madinig. Naramdaman ko nag vibrate
yung cellphone ko.

From: Troy
Ingat ka sa mga yan. Haha! Enjoy your day best
friend :-)
Baliw talaga tong best friend ko pero ang sweet
niya. Ngayon alam ko na kung bakit madami
siyang babae na napapa inlove. Ma replyan nga,
asan na ba yung name nun? Waaa pinalitan niya
siguro name niya sa cp ko. Pogi pa talaga ha.

To: Poging Troy
Thank you. Enjoy ka din sa date niyo ni Ate
Jaycee. ^__^

"Sige ingat kayo. Text niyo ko pag naka dating na
kayo dun ah."
Pagkasabi nun ni Kuya pina andar na ni Marky
yung kotse. Kita ko siya sa rear view mirror.

Napatingin siya sa salamin habang naka tingin ako
kaya ayun nag ka tinginan kami.

"Candice kamusta yung gising mo?"
"Okey lang naman medyo antok pa.." Hindi kasi
ako naka tulog kagabi sa sobrang excitement.
"Matulog ka muna." Lumingon siya sakin saglit
para ngitian ako. "Malayo layo pa yung byahe
natin."
"Wag mo na patulugin si Betty! Mamaya tumulo pa
laway nyan habang tulog eh."
"Hoy hindi ah! baka ikaw yun!"
"Anong ako? Kaya pala titig na titig ka sakin nung
nakita mo kong natutulog?" Naalala ko tuloy nung
may sakit siya. Ang amo amo ng mukha niya
kapag natutulog.
"Ha? Natutulog?" Waaa hindi alam ni Marky yun at
hindi na niya dapat malaman yun! Isa pa baka
biglang magising tong katabi ko kapag narinig niya
yun.
"Wala! nag iimagine lang yan si Jeydon! sige Marky
matutulog na lang muna ko. Gisingin mo na lang
ako kapag andun na tayo."

Tinignan ko ng masama si Jeydon sa harap. Kahit
sabi ni mama na wag akong matulog, wala naman
akong magagawa kasi kapag gising ako buong
byahe aasarin lang ako ni Jeydon. Mas mabuti
pang matulog na lang ako. Magtatakip na lang ako
ng mukha para kahit tumulo nga talaga yung
laway ko habang natutulog ako walang
makakakita. Huhu! Sana.wala, bahala na si
batman.
Buti na lang nakatulog ako agad..

Parang may lumiliwanag sa paligid. Ano bang
nangyayari? Nasan na ba kami? Pag dilat ko ng
mata ko..
Waaaa! Si Jeydon kinukuhanan ako ng picture.
"Haha! Hindi ka pala tulo laway ah? Post ko kaya
to Facebook? Wahaha! Grabe! Ang panget mo
dito!"
Pinunansan ko agad yung mukha ko. Kainis naman
wala din palang kwenta yung pag takip ko ng
mukha ko. Napalingon ako sa labas, nandun si
Stacey tska Marky inaayos yung mga gamit namin.
Andito na pala kami sa Tagaytay.

"Burahin mo yan!"
"Ayoko nga papakita ko pa to kala Marky eh."
Hindi! Hindi pwede yun! Huhu ang panget ko dun,
tulo laway talaga ako dun eh.
"Wag! Akin na! Ako mag bubura!"
"Ayaw! Habulin mo ko!"
Lumabas siya ng kotse. Hindi pwedeng makita yun
ni Makry! No way! Baka ma turn off pa siya sakin
eh. Nakakainis ka talaga Jeydon! Lumabas agad
ako ng kotse tapos hinabol ko siya.
"Akin na kasi!"
"Abutin mo muna! Haha"
Tinaas niya yung cellphone niya. Ang tangkad
tangkad niya kumpara sakin tapos inangat pa niya
ng kamay niya. Paano ko naman yan makukuha?
Pambihira naman talaga oh! Kahit anong talon ko
hindi ko maabot eh. Tuwang tuwa pa tong
Doraemon na to habang nakikita akong
nahihirapan.
"Ano bang kelangan mo sa phone ni Jeydon?"
Biglang kinuha ni Marky yung phone ni Jeydon tska
niya binigay sakin. Pagka hawak ko pa lang ng
phone niya nag mamadali akong burahin yung

picture ko. Sakto naman nakuha ulit ni Jeydon
yung cellphone niya.
"Ang KJ mo talaga Kie kahit kelan."
"Ayoko kasing masyadong malapit sayo si Candice,
nag seselos ako eh." Eh? nag seselos? parang
namula ako sa sinabi ni Marky. Selos selos pa
siyang nalalaman ah.
"Tss korni mo!" Umalis na din si Jeydon pumunta
siya dun sa pwesto ni Stacey.
"Ahm.. bakit Kie tawag niya sayo?"
"Ah nickname ko yun.
"Ah importanteng tao lang ba pwedeng tumawag
sayo nun?"
"Ha?" Eh naisip ko kasi yung kay Jeydon baka
mamaya pareho sila.
"Kasi si Jeydon ayaw ng tinatawag sa nickname
niya, mga importanteng tao lang daw pwedeng
tumawag sakanya nun. Eh kasi baka ikaw din
ganun eh."

"Haha! Hindi I dont mind. Tska okey lang na
tawagin mo kong Kie kasi importante ka para
sakin."

Ako importante sakanya? Napatingin agad ako sa
sahig para itago yung namumula kong mukha. Ang
init ng pisngi ko. Sabihan ka ba naman ni Marky na
importante ka sakanya eh. Sino bang hindi
kikiligin? >.<
"Tara? Baka mamaya magalit na yun si Jaydee."
Ngumiti siya sakin tapos hinawakan niya yung
kamay ko tska niya ako hinila papunta kala
Jeydon. Mas lalo lang ata akong nag blush nung
hinawakan niya yung kamay ko. Kinikilig ako eh,
hehe.
"Wag nga kayong PDA masyado."
"Why? are you jealous?"
Napatingin si Stacey kay Jeydon. Anong jealous?
Nakataas naman yung kilay ni Jeydon kay Marky.
"Haha! Stacey naman kasi maging sweet ka naman
kay Jeydon, naiingit ata siya samin ni Candice."
"Ow sorry baby, kaka gising ko lang kasi. Later I'll
be sweet to you." Hinawakan ni Stacey yung braso
ni Jeydon pero tinanggal naman agad ni Jeydon
yung kamay niya. Tapos pumasok na siya dun sa
loob ng hotel. "Ugh! ang lakas talaga mag mood
swings ni Jeydon, kanina lang he's sweet to me.
Sige guys gonna talk to him pa."

Tumakbo siya para habulin si Jeydon. Lakas talaga
ng topak ng lalaking yun eh. Parang babaeng may
menstruation.
"Pag pasensyahan mo na yung dalawa na yun. We
can still enjoy our date. I have a surprise for you
later." Ngumiti siya sakin tska kami pumasok sa
loob ng hotel. Okey lang basta kasama kita Marky.

Mga ten AM na kami naka dating dito sa tagaytay.
Sinalubong agad kami nung staff ng hotel. Pati
yung event organizer, nilagyan nila kami ng
bulaklak sa leeg namin. Puro pala talaga mga
couples yung nandito.
Gusto ko agad subukan sumakay ng kabayo.
Siguro four years ago pa nung huling punta ko
dito, summer nun sa Korea kaya pumunta kami ni
Papa dito. Tska sa maliit na kabayo pa ko
pinasakay nila mama noon.
Ang daming pagkain sa harap namin. Nakita ko
agad yung bacon. Waaa! I miss bacon. Nung
kukuha na ko ng bacon sabay din kumuha si
Jeydon. Kinuha pa niya yung nakuha ko. Argh!
"Candice try mo tong kimchi." Kinuha ni Marky
yung Kimchi tapos nilagyan niya ko sa plato ko. Na
miss ko din tong kimchi, matagal na akong hindi

nakaka kain neto eh. Hindi na nga lang ako kakain
ng bacon.
"Thank you Marky."
"Stacey eto kainin mo masarap to." Nilagyan
naman ni Jeydon ng Steak yung plato ni Stacey.
Sus! Akala ko ba ayaw niya kay Stacey? Eh bakit
ang sweet niya ngayon sakanya? May gusto na ba
siya kay Stacey?
"Thanks baby." Tinignan ko si Jeydon naka ngiti
lang siya samin ni Marky. Wag daw PDA pero ano
kayang ginagawa nila si Stacey?
"San niyo gusto pumunta after neto?" Tinaas ko
agad yung kamay ko.
"Horseback riding!"
"Gusto ko din dun Candice! Baby let's go there ha?
Let's ride together."
"Sure." Ang laki ng ngiti niya. Gustong gusto
naman niya. Tss cha-chansing lang siya kay Stacey
eh.
"Okey, Candice gusto mo ba sumakay sa kabayo
kasama ko?"

"Sige okey lang." Ngumiti ako kay Marky tska ko
kinain yung mga food sa harap ko. Excited na ko
sumakay dun tapos kasama ko pa si Marky.
Kulang kulang isang oras din bago kami natapos
kumain. Grabe ang dami kasing food na naka
handa dito. Pang couples lang ba talaga lahat ng
naka serve na food dito? Parang pang buffet eh.
Kahit sinabi ni Mama na wag daw ako kumain ng
madami hindi ko din napigilan, malakas kasi talaga
ako kumain eh. Naka tingin na nga lang silang
tatlo sakin habang lumalamon este kumakain ako.
Si Marky naman natawa pa sakin, hindi daw kasi
ako malakas kumain kapag nasa school. Hindi ko
kasi gusto yung mga pagkain dun eh. Sana hindi
siya na turn off nung nalaman niyang matakaw ko.
-__-

Dapat sasakay na kami ng kabayo pero biglang
umaraw kaya nag decide kami na mamayang
hapon na lang. Nag roller skate na lang kami. Kaso
hindi ako marunong!
Nung nandun na kami tinuruan naman ako ni
Marky. Si Stacey din pala hindi gaanong marunong
kaso ayaw naman siyang turuan ni Jeydon. Bipolar
talaga nang Jeydon na yun, kanina ang sweet niya
kay Stacey tapos ngayon naman ayaw niyang
turuan. Bahala nga siya.

Ang galing mag turo ni Marky kaya natuto naman
agad ako.
"Sige mag skate ka na Candice. Tuturuan ko
naman si Stacey."
"Okey sige." Buti pa si Marky gentleman. Si Jeydon
wala eh.
Pumunta ako sa gitna. Ang luwag pa ng ring kasi
kaming apat pa lang yung tao dito. Dahan dahan
lang ako mag skate. Bigla namang may dumaan sa
likod ko. Na out of balance tuloy ako kaya ayun
deretso yung pwet ko sa sahig. Ouch ang sakit!
Huhu. Loko talaga tong Doraemon na to.
"Haha! Ang lampa mo talaga!"
"Ang sama mo talaga Jeydon nuh? Tss."
Lumapit siya sakin tapos inabot niya yung kamay
niya sakin. Hindi ko alam kung aabutin ko ba o
hindi. Baka mamaya itumba na naman niya ko eh.
Kaso wala na din naman ako nagawa kasi hindi ko
talaga kayang tumayo mag isa. Tinayo niya naman
talaga ako kaso pag tayo ko hinila niya ako bigla.
"Waaa! Jeydon baka matumba na naman ako!"
"Hindi yan! Hawak kita."

May biglang weird naman akong naramdaman sa
sinabi niya. Ewan ko ba, hawak hawak kasi niya
yung kamay ko eh. Tapos..
"Jeydon! Wag mo bilisan! Waaa!"
Ang bilis niya mag skate. Pati ako kasama kasi hila
hila niya ko. Natatakot nga ko kasi nakatalikod
siya habang nag skate. Naka tingin lang siya sakin
tapos naka ngiti lang siya. Napatingin ako kala
Stacey hindi nila kami napapansin kasi busy sila ni
Marky.
"Ano okey di ba?"
"Anong okey? Ang bilis mo kaya!"
"Ipikit mo mata mo, hindi ka matutumba hawak
naman kita eh." Pinikit ko na lang yung mata ko
baka mabawasan yung takot ko. Wag lang ako
bibitawan neto ni Jeydon.
Habang tumatagal na eenjoy ko na din siya.
Habang tumatagal ang sarap na sa pakiramdam,
para akong lumilipad. Binuksan ko yung mata ko,
naka ngiti pa din sakin si Jeydon. Hindi ko din
mapigilan na mapa ngiti, ang sarap pala mag skate
ng mabilis, nakakatakot nga lang.
"Okey na kami!" Pagkasabi ni Stacey nun hinila ko
bigla si Jeydon para mapahinto kami. Shete muntik
ma mag dikit yung katawan namin. Buti na lang

hindi kami nakita nila Marky lalo na si Stacey baka
pag selosan pa niya ko.
"Ano Candice nasanay mo na ba sarili mo sa ring?"
"Hehe oo Marky.. tara?"
"Baby tara na! Skate na tayong apat!"
"Kayo na lang pagod na ko." Nag sad face tuloy si
Stacey. Paano ba siyang hindi mapapagod eh ang
bilis namin kanina.
Naka dalawang ikot lang kami ni Marky tapos nag
pahinga na ko. Sabi ko samahan niya muna si
Stacey kawawa naman siya iniwan kasi neto ni
Jeydon eh.
Nakita ko si Jeydon na naka upo dun sa waiting
area. Kumakain na naman siya, pareho pala
kaming matakaw neto kaso mas grabe naman
siya. Tumabi na lang ako sakanya. Ang bilis niyang
kumain. Naka tingin lang siya kala Marky tska
Stacey.
Ang gwapo pala ni Jeydon kahit naka side view
siya. Hala? Ano ba tong pinag sasabi ko? Tsk.

"Jeydon thank you pala kanina. Hindi mo ko
binitawan, nag enjoy ako."

"Wala ka kasing tiwala sakin eh."
"Eh palagi mo kasi akong pinapahamak eh! Buti
nga kanina hindi mo ko binitawan eh.." May sinabi
siya pero pabulong lang kaya hindi ko narinig.
"Ulitin mo nga sinabi mo?"
"Sabi ko ang gwapo ko." Tss yabang talaga niya.
Siya na, siya na gwapo.
Bumalik naman agad sila Marky tska Stacey.
"Nakakapagod pala to, Marky kain tayo tapos
palipad tayo ng saranggola."
"Okey yun tapos tska tayo sumakay ng kabayo."
Yes kakain na naman, nagugutom na ko eh hehe.
Nauna na maglakad si Jeydon, sinundan naman
siya agad ni Stacey. Nag pahuli naman kami ni
Marky, mukha kasing napagod siya.
"Nakapag pahinga ka na ba Candice?"
"Oo, ikaw mukhang pagod ka na eh. Okey ka lang
ba?"
"Oo makita lang kita nawawala na yung
pagod ko eh."

Pambihirang lalaki talaga to. Alam niya talaga
paano mag pakilig ng babae. Kinurot niya yung
pisngi ko. "Haha! Ang cute mo talaga."
"Alam mo gutom na yan, tara na nga."
Binilisan ko na lang yung lakad ko. Kung ano ano
na sinasabi neto ni Marky eh, lagi na lang akong
pinapa kilig. Pag dating naman dun sa taas, Naka
rent na agad ng place sila Stacey. May ihawan pa
sa gilid. Nakita ko ang daming seafoods. Wow
yummy! Sino naman kaya bumili ng mga yan?
"Sino bumili ng mga pagkain?" Hindi pa luto yung
ibang foods. Bale kayo talaga yung magluluto at
mag iihaw! Yie! Ang cool.
"Yung event organizer nag bigay nyan. Kasama
yan sa package ng event nila para mamaya."
"Ah ang cool naman." Tinigan ko yung mga
pagkain, woo! gusto ko na silang ihawin.
"Kaso sinong mag luluto? I don't know how to
cook. You know naman madami kaming taga luto
sa bahay kaya hindi ko alam yan."
"Ako na lang!"
"Hoy Betty! Sigurado ka ba? Baka mamaya hindi
masarap yan ah?" Tss tignan natin mamaya kapag
natikman mo yung luto ko.

"Sanay ako dito, ganito lagi ko ginagawa sa.."
Hindi ko tinuloy, maaalala ko lang si Papa. "Sige na
mag palipad na kayo ng saranggola ako na bahala
dito."
"Siguraduhin mong makakain namin yan ah!"
Kinuha niya yung kite na pusa. Haha! Mukha
talaga siyang pusa. Pumunta agad siya dun sa
open field tapos nag palipad agad siya. Sumunod
naman agad sakanya si Stacey. Si Marky naman
nandito pa din.
"Hindi ka ba sasama sakanila?"
"Bakit ako sasama eh andito ka. Turuan mo ko
mag ihaw."
"Sige, pati din pala ikaw hindi marunong."
"May taga luto kasi kami kaya hindi ko alam."
Seryoso? bakit kami din naman may taga luto pero
marunong ako? Sabagay anak mayaman naman
nga talaga.
"Hay nako! Sige tuturuan kita ng How to cook 101
ni Candice. Haha!"
Akala mo ang galing ko mag luto eh nuh? Wahaha
eh hindi naman expert sa ganito si Marky eh. Tska
sabi naman nila masarap ako mag luto. Tinuruan
ko lang siya ng tamang timpla sa sawsawan, kung

gaano katagal sa grill yung chicken. Tuwang tuwa
naman siya.
Habang nag iihaw kami dito napapa tingin ako kala
Jeydon at Stacey. Para silang bata, akala mo
ngayon lang sila nakapag laro ng saranggola. Ang
saya naman nilang dalawa, lalo na si Stacey.
Gustong gusto niya talaga si Jeydon. Bagay silang
dalawa.. pero bakit ganito? parang nalungkot ako?
Ano ba tong nararamdaman ko? Siguro gusto ko
lang din mag palipad ng saranggola. Tama tama!
Ayun yun.
Sakto pagkatapos namin mag luto dumating yung
dalawa. Mukhang pagod na pagod sila. Nung
nakita pa lang nila yung niluto namin ni Marky
parang akala mo nag lalaway na sila.
Wala pa atang Sampung minuto naka dalawang
plato na agad si Jeydon. Wag niyang sabihin na
gutom lang siya kaya madami siyang nakain. Sabi
ko na eh, nasarapan siya. Haha!
"Grabe Candice, ang sarap ng luto niyo ni Marky."
"Thank you Stacey. Nabusog ka ba?"
"Oo naman, how about you baby?"
"Hindi masarap." Wow ha? Halos siya na nga
makaubos ng pagkain namin.

"Alam mo Candice mas masarap ka pa mag luto
kesa sa mga chef namin."
"Haha! Bolero mo nuh!"
"Yieee. Sweet niyong dalawa, alam mo Candice
bagay kayo ni Marky. Why don't you consider
Marky as your boyfriend?" Sasagot pa lang sana
ako pero sumabat naman to si Jeydon.

"Bawal yan mag boyfriend."

"Hay nako, ang strict naman kasi sayo ni Charles
eh. Buti na lang ako pwede na but syempre I'm
already engaged to Jeydon." Halos maibuga ni
Jeydon yung iniinom niya.
"Okey lang Stacey. I can wait for Candice." Eh?
Ano daw yun? >.<
"Ewan ko sa inyo! Sakay na tayo sa kabayo."
Tumayo agad si Jeydon, baliw talaga hindi man
lang kami tulungan mag ligpit.
"Hayaan mo na yan Candice, may mag liligpit na
nyan. Tara? Alam ko excited ka na sumakay sa
kabayo." Sinabi mo pa!

Pumunta agad kami sa mga kabayo. Waaa! Gusto
ko na sumakay. Super excited na ko! Dalawa lang
kinuha naming kabayo. Pinapili ako ni Marky ng
kabayo na sasakyan namin. Pinili ko yung kulay
white, ang ganda kasi parang unicorn.
Si Jeydon yung nasa harap ng kabayo nila tapos si
Stacey naman nasa likod naka kapit ng mahigpit
kay Jeydon. Ako naman sa harap ako pina upo ni
Marky tapos siya sa likod ko. Eh ang romantic ng
dating parang sa mga movies lang. Haha!
"Stacey kumapit ka ng mabuti ah, baka malaglag
ka. Uy Kie karera tayo!" Bakit sweet na naman
niya kay Stacey ngayon? Bipolar talaga niya eh
nuh.
"Sure." Ang bilis magpatakbo ni Jeydon tska bakit
umalis na agad sila? Unfair naman yun!
"Wag ka mag alala makakahabol tayo sakanila.
Kapit ka lang ah? Nandito lang naman ako sa likod
mo kaya hindi ka mahuhulog."
Ramdam ko yung hininga ni Marky sa likod ko.
Tumaas balahibo ko dun, ang sexy kasi ng
pagkasabi niya eh. Pina andar niya na yung kabayo
namin. Ang bilis din niyang mag patakbo.
Natatakot pa din ako pero nasa likod ko naman si
Marky kaya na enjoy ko pa din siya. Naabutan na
namin sila Jeydon.

"Paano ba yan? Mukhang kami ni Candice yung
mananalo ah?" Napalingon agad samin sila Jeydon.
"Asa!"
Sinipa ng malakas ni Jeydon yung kabayo.
Mukhang takot na takot na si Stacey sa likod.
Grabe yung kapit niya kay Jeydon eh. Tsk! tuwang
tuwa naman tong Doraemon na to. Si Marky
naman sakto pa din yung pag papa andar sa
kabayo.
"Hayaan mo sila.. Mananalo pa din tayo."
"Paano? eh ang layo na nila satin."
"May alam akong shortcut eh." Kumindat pa siya
sakin.
"Haha! Ang daya mo!" Hinawakan niya bigla yung
isang kamay ko. Shete! Namumula na naman tuloy
ako.
"Gusto ko lang i enjoy na mag kasama tayo..
alam mo kapag kasama kita masaya ako."
Hininto niya yung kabayo tapos tumingin siya
sakin. Napatingin din naman ako sakanya.

"Ako din masaya ako kapag kasama ka.."

Hindi na pinatakbo ni Marky yung kabayo namin ng
mabilis. Nakapatong pa nga sa balikat ko yung ulo
niya para tuloy yakap yakap niya ko mula sa likod.
Grabe kinikilig talaga ko! parang nasa romantic
movie lang kami eh. Napaka perfect ng date na to.
Masaya ko na siya yung unang date ko. Wala na
kong hihilingin pa hehe.
Bigla kaming lumiko tapos nagulat ako nandun na
kami sa unahan. Nakita namin sila Jeydon na
padating pa lang.
"Di ba sabi ko sayo mananalo tayo?" Kumindat
siya sakin. Natawa naman ako.
"Hoy ang daya niyo ah! Hindi ko kayo nakita!"
"Nag shorcut kami eh. Wala ka namang sinabi na
bawal yun di ba?"
"Whatever loser." Bumaba agad siya ng kabayo.
Mukhang nainis siya kasi kami yung nauna dito.
"Baby okey lang yun nag enjoy naman tayo eh.
Kayo Candice?"
"Oo nag enjoy din kami. May pupuntahan pa ba
tayo?"
"Zip Line."

Para naman akong nanigas dun. Waaaa! May fear
of heights ako eh. Oh no! Hindi ata ako excited sa
next naming pupuntahan.

Naka pwesto na si Stacey at Marky. Naka kabit na
yung harness sa kanila. Ang tapang naman nila. Si
Jeydon wala daw gana. Ako naman walang balak.
"Candice sigurado ka bang ayaw mo?"
"Hehe! Kayo na lang. Enjoy kayo ha."
"Sayang naman. Baby ikaw ba?"
"Kayo na lang." Tinigan ko si Jeydon parang bored
na bored itsura niya pero halata mo naman na
kinakabahan siya.
"Sige, dyan muna kayo ni Jeydon. Tara Stacey?"
Inalis na ni Kuya yung hawak niya kala Stacey at
Marky. Napasigaw naman agad sila. Nakaka inggit
pero shete! Hindi ko talaga kaya baka mamatay
lang ako sa takot.
Tinignan ko si Jeydon, umalis siya bigla. San
naman kaya yun pupunta? Waaa iniwanan pa ko.
Sundan ko kaya?

"Hoy Jeydon!"
Naka tingin lang siya sa malayo. Naka sandal dun
sa railings. Ano kayang iniisip neto? Parang
seryoso niya masyado.
Nung lumingon siya sakin hawak hawak niya yung
buhok niya. Ang gwapo niya kapag ginagawa niya
yun. Nag slow motion lahat..

"Oh bakit?"
Bakit ganito? bakit nag slow mo kanina nung
lumingon siya sakin? ang weird naman.

"Ahm wala lang.. wala ko kasama dun eh."
"Bakit hindi ka sumakay dun?" Tumabi lang ako
sakanya.
"Eh may fear of heights kasi ako eh. Eh ikaw?"
"Ayoko lang." Sus baka mamaya takot lang siya
sumakay dun. Kunwari pa siya eh. "Ano iniisip mo
ha?"
"Wala naman.. ahm.. pwede ba magtanong?"

"Nag tatanong ka na di ba? Mag papa alam ka pa?"
Pambihira napaka pilosopo talaga niya. Bahala siya
mag tatanong na lang ako.
"May gusto ka na ba kay Stacey?" Hindi ko alam
pero parang kating kati akong tanungin siya about
dun.
"Bakit gusto mong malaman?" Tumingin siya sakin
tapos naka ngisi siya. Ano naman iniisip niya?
Natanong ko lang naman eh.
"Kasi sabi mo dati hindi mo siya type tapos ngayon
inaya mo siya mag date.. Bipolar ka din nuh?"

"Hindi siya yung gusto ko."
Hindi siya? Ibig sabihin nun may gusto siyang
babae ngayon?
"Eh sino naman?"
Mas lalong lumaki yung ngiti niya sakin. Lintek
baka iniisip niya kaya gusto kong malaman kasi
may gusto ako sakanya.
Lumapit siya sakin, napapa atras naman ako. Nung
wala na akong ma atrasan ang lapit na ng mukha
niya sa mukha ko.

"Paano kapag sinabi kong ikaw yung gusto
ko?"
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sobrang
bilis na parang ngayon ko lang to naramdaman.
Ako yung gusto niya? Gusto niya ko? Ako talaga?
"Pero.. bakit.. ano.."

"HAHAHA!"
"Bakit ka tumatawa?"
"Naniwala ka naman?" Hindi kaya! Hindi naman
ako naniwala eh! Alam ko naman na nag bibiro ka
eh. Alam ko kaya yun. Baliw!
"Abnormal ka talaga!"
"Hindi kita gusto nuh.." tapos may binulong na
naman siya. Bakit ba ang hilig niya bumulong? O
baka naman mahina na pandinig ko? Ano kaya
sinabi niya? Pero anong sabi niya? Hindi niya ko
gusto?
"Hoy Jeydon, hindi din kita gusto!"
"Alam ko, halata naman eh."

Nginitian niya ko, pero kakaibang ngiti. Ngiting
parang ewan. Nilagay niya yung kamay niya sa
bulsa ng jacket niya tska siya nag lakad palayo.
Hinawakan ko yung puso ko..
Bakit ganito? bakit parang nasasaktan ako para
kay Jeydon? Yung ngiti niya.. yung tingin niya
sakin, para siyang nasasaktan. Ang sama ba ng
pag kakasabi ko sakanya na hindi ko siya gusto?
Teka.. wala ba talaga kong gusto sakanya?

"Candice! San pumunta si Jeydon?" Tinuro ko lang
sakanya yung direksyon niya. Tska niya sinundan
si Jeydon.
Wala ba talaga akong gusto sakanya? Bakit hindi
ko masagot? Hindi lang naman yung sagot dun eh.
Simple lang, limang letra isang salita.
HINDI.
"Candice! Okey ka lang? Tara punta na tayo sa
hotel? Andun yung surprise ko sayo.."
Tinignan ko lang si Marky. Hindi. Hindi ko siya
gusto, hindi siya yung gusto ko. Si Marky yun,
tama. Si Marky yung gusto ko.

Sa terrace ng hotel ginanap yung party ng event.
Halos lahat dito puro couples. May mga drinks tska
may DJ tska may dance floor pa sa gitna. Gabi na
kaya bukas na yung mga ilaw. Ang gaganda nga
eh. Hindi ko na makita sila Stacey at Jeydon.
Maya maya nag pa tugtog yung DJ ng slow song.
Inaya naman ako ni Marky na sumayaw.
"Nag enjoy ka ba sa date natin?" Nakahawak siya
sa bewang ko tapos nakapatong naman yung
kamay ko sa balikat niya.
"Ha?" Ang tanga nung sagot ko na yun. Bakit ba
kanina pa lumulutang yung isip ko?
"Anong iniisip mo?"
"Wala.. Oo nag enjoy ako. Thank you Marky ah..
Thank you for making my first date memorable."
"Masaya ko kasi nagustuhan mo. Tara, may
papakita ako sayo."
Hinila niya ko papunta dun sa dulo ng terrace.
Kinuha niya yung bulaklak tska teddy bear. Tapos
piniringan niya muna ako. Ano kaya to? Eto ba
yung surprise niya?
"Pag tanggal ko ng piring sayo tumingin ka ka
agad sa langit ah.."

Nung oras na tinanggal niya yung piring, biglang
may mga fireworks sa langit. Ang ganda..
"Eto na ba yung surprise mo sakin?"
"Nagustuhan mo ba? Sabi kasi ni Charles you like
fireworks."
"Oo ang ganda.."
Bigla naman niya kong niyakap. Nanigas naman
ako dun.

"Candice I like you.. alot. Do you feel the
same way?"

Hinarap niya ko para makita niya ko. Feeling ko
nag bu-blush ako.

"Yes I like you too.."
Tama naman ako di ba? Gusto ko rin si Makry.
Tumingin ulit ako sa langit, hindi pa din tapos yung
fireworks. Yes Marky ikaw yung gusto ko.. ikaw.
"Alam mo ba simula ng niligtas mo ko dun sa mag
nanakaw na yun ikaw na yung tinuring kong Prince

Charming ng buhay ko." Umiwas siya ng tingin
sakin.
"Candice.. I have to tell you something.."
"Ano yun?"

"Candice! Kanina ko pa kayo hinahanap eh! Opss
sorry, nakaka storbo ba ko?"
"Hindi naman Stacey, you're just in time. Teka
asan si Jaydee?"
"Ayun kumakain na naman. Busy ba kayo? May
papakita lang sana ako kay Candice." Tumingin
muna sakin si Marky.
"Sige Candice next time na lang natin ituloy yung
pinag uusapan natin. I hope you like my surprise."
"Don't worry I super like it."
"Sige iwan ko na kayo, punatahan ko lang si
Jaydee."

Hinila naman ako ni Stacey palabas ng hotel.

"San tayo pupunta?"

"Eh kasi may nakita akong secret house dun,
Actually nirerentahan pala siya kaya ayun
nirentahan ko na siya hanggang bukas! Plano ko
sana ayain sila mamaya dun. Tara! Tignan mo."
Hinila na naman niya ko papunta sa sinasabi
niyang secret house. Napahinto naman kami saglit
tapos nasa tapat na kami ng hanging bridge, hindi
ako pwedeng tumawid dyan.
"Yah I know, You have fear of heights kaya eto
may piring ako. Basta kumapit ka lang sa kamay
ko ha?"
"Pero Stacey.."
"Tara na! Wag kang KJ."
Hindi na ko naka palag kasi piniringan na niya ko.
Unti unti niya kong hinila, ramdam ko nasa
hanging bridge na kami. Sobrang kinakabahan
ako. Ang higpit ng pag kaka kapit ko kay Stacey.
Buti na lang naka tawid kami ng maayos. Pumasok
kami agad sa loob ng secret house. Wooden house
siya, tapos ang ganda. Bakit kaya tinawag to na
secret house?
"Candice, my call of nature ako."
"Ha? May rest room ba dito?"

"Meron pero walang tubig, babalik na lang muna
ako sa hotel tapos pag balik ko kasama ko na sila
Jeydon. Dito ka lang ha?"
"Ayoko! Sama ako!"
"Gusto mo ba tumawid ulit dun sa bridge? Yun lang
yung daan palabas eh. Dito ka lang ha. Sige na
babalik ako."
"Okey bilisan mo ha.."
Kinakabahan akong maiwan mag isa dito. Kaso
wala naman akong magawa, sana bumalik agad
sila Stacey dito.
Ilang minuto na pero wala pa din si Stacey. Asan
na sila?
Bigla namang bumuhos yung malakas na ulan.
Kinakabahan na talaga ako, babalikan pa ba nila
ko? Biglang kumulog kaya nagtago ako dun sa
kama. Maya maya nawalan ng kuryente. Bigla
namang lumamig, mag iisang oras na wala pa din
sila. Nag lagay ako ng kahoy dun sa chimney tapos
kinuha ko yung posporo. Buti na lang may ganito
dito. Ang lakas na talaga ng ulan
Nung lumipas yung dalawang oras alam ko ng
hindi na nila ko babalikan. Nag desisyon na ko na
tumawid sa bridge. Nasa labas ako basa na yung
damit ko. Nasa tapat lang ako ng hanging bridge

pero hindi ko talaga kayang tumawid sa kabila.
Naiiyak na ko, anong gagawin ko? May tutulong pa
kaya sakin?

"CANDICE!"

Si Prince Charming.. tama si Marky!

"DITO!"
Hindi ko siya gaanong makita kasi madilim na tska
ang lakas na ng ulan. Nasa hanging bridge na siya.
Habang palalapit siya sakin mas lalong lumilinaw
sakin kung sino siya..
"Jeydon?"
"Anong bang ginagawa mo! Kanina ka pa namin
hinahanap!"
"Ha? pero..."
Biglang umangat yung tubig halos hindi na namin
makita yung bridge. Umakyat kami agad ni
Jeydon, buti na lang hindi niya abot yung bahay
kasi nasa taas pa siya.

"Paano tayo babalik?"
"Pahintuin muna natin yung ulan. Pwede na ba
tayong pumasok muna sa loob? Basang basa na
ko."
Pumasok naman kami agad sa loob. Basa na kami
pareho. Buti na lang sinidihan ko yung apoy sa
chimney. Pina upo ko si Jeydon sa tapat ng apoy.
Tinabihan ko lang siya kasi hindi ko din kaya yung
lamig.
"Sabi ni Stacey babalikan niyo ko dito."
"Stupid."
"Ha?"
"Kapag bumaba yung tubig tska tayo bumalik sa
hotel pero kaylangan ko muna mag hubad."
"Mag hubad?! Okey ka lang?"
"Ano ba? Yung shirt ko lang naman eh, maawa ka
naman sakin basang basa na ko. Tska ikaw ano
ganyan ka na lang?" Tama naman siya eh pero
mag huhubad siya tapos kaming dalawa lang dito?
Waaa ayoko. Okey na ko kahit mag kasakit ako.
"Basta ayoko.."
Nung tinginan ko siya wala na kong nagawa kasi
hinuhubad na niya yung t shirt niya. Napalunok

naman ako bigla. Ang macho niya.. six pack abs..
ang ganda pala ng katawan niya.
"Ayaw mo kong mag hubad pero bakit mo
tinitignan yung katawan ko?" Inalis ko agad yung
tingin ko sa abs niya. Bakit ba ko napa tingin dun?
ang ganda kasi eh parang katawan lang ni
superman..
"Hindi ah! Mag kumot ka nga, meron dun sa
kama!"
Nung nilingon ko siya ulit may kumot na siya sa
katawan niya. Hays buti naman.
"Paano ka?"
"Hindi naman ako sobrang nabasa eh kaya okey
lang ako." Bigla naman siyang inubo. Hinawakan
ko agad yung leeg niya. Ang init niya, tapos ubo
pa siya ng ubo.
"Ang taas ng lagnat mo! Ano ba kasing ginawa
mo?"
"Isang oras na kong nauulanan eh."
"Eh sino ba kasi may sabi sayo na mag pa ulan
ka?"

"Hinahanap kita eh.."

Napasandal siya sa balikat ko. Hinanap niya ko?
Kaya siya nag kasakit kasi nag pa ulan siya ng
isang oras para lang hanapin ako? Baliw ba siya?
Bakit naman niya gagawin yun?
"Kaylangan makabalik na tayo dun baka mapano
ka pa."
Hinila ako pabalik ni Jeydon. Ang init niya, mas
mainit pa siya ngayon kesa nung inalagaan ko siya
dati.

"Dito ka lang.. Dito ka lang sa tabi ko.. wag
kang umalis."
May kakaiba na naman akong naramdaman.
Abnormal na ata tong nararamdaman ko. Kelangan
mag pa check up na ko.
Umupo ako sa tabi niya, tinignan ko siya.
Nakatingin lang siya sakin. Napatigin naman ako
sa mata niya. Para na naman akong tinatawag ng
mata niya. Nagkatitigan kaming dalawa, ang tagal
naming tinitignan yung isa't isa. Hindi ko ma alis

yung tigin ko sa mata niya. Unti unting lumalapit
yung mukha niya sa mukha ko..

Tapos..

Napapikit na lang ako kasi naramdaman ko na lang
yung labi niya sa labi ko...
Bumilis ng sobra yung tibok ng puso ko. Hindi ko
alam kung ano tong mararamdaman ko, kakaiba.
Feeling ko huminto yung oras, huminto lahat sa
paligid ko. Yung mga labi lang ni Jeydon yung nasa
isip ko.. siya lang yung nasa isip ko. Parang hindi..
Parang hindi ako..

Hindi ako makahinga.

43: In between

Ang lambot ng labi niya..

ni Jeydon..

Waaaaaaa!!

Bumukas agad yung mata ko. Wala na ko sa secret
house, wala na si Jeydon. Nandito na ko sa
malaking kwarto tapos hindi na gabi, umaga na.
Panaginip lang ba yun?
Pinagmasdan ko yung kwarto, mukhang kwarto to
ng hotel na pinag tuluyan namin kahapon. Tumayo
agad ako sa kama tapos pumunta ako sa salamin.
Nag iba na yung suot ko, ano bang nangyari
kagabi? Bakit wala akong maalala?
Yung naaalala ko lang kagabi nasa secret house
ako tapos kasama ko si Jeydon tapos..
Hala!! AMP. Nag kiss ba talaga kami? Parang
totoong totoo kasi yun eh.

"Candice!"

Pag tingin ko sa pintuan nakita ko si Marky,
mukhang alalang alala.
"Okey ka lang ba?" Lumapit siya sakin tska niya
hinawakan yung braso ko.
"Oo okey lang naman ako.."
"Alalang alala ako sayo. San ka ba pumunta
kagabi?" Hindi niya ba alam? Akala ko naman
sasabihin ni Stacey.
"Dun sa may secret house.. Ano bang nangyari
kagabi? Wala kasi akong masyadong maalala eh."
"Nawala ka kasi kagabi, ang lakas ng ulan kaya
hinanap ka namin."
"Ah ganun ba.. sorry.." napayuko na lang ako,
nakakahiya naman pinag alala ko pa sila. Hindi ko
naman akalain na mapapahamak ako dun.
"Okey lang, tara sa baba? Kumain ka na para
maka uwi na tayo." Tumalikod na siya sakin pero
pinigilan ko siya. Kung nag over night ako dito,
paano sila mama? Baka nag aalala na yun!
"Sinabi mo ba kala Mama?"
"Haha! Ikaw talaga, oo naman. Kung hindi ko
sinabi malamang sinugod na tayo ng Kuya mo."
Sabagay baka kagabi pa ko pinuntahan nun dito.

"Marky, paano nga pala ako naka balik dito?" Hindi
siya tumingin sakin. Parang nairita siya sa
tinanong ko. Bakit kaya?
"Dinala ka ni Jaydee pabalik.. Tara?"
Hinila na niya ko palabas ng kwarto. Kung si
Jeydon nga talaga yung nag dala sakin dito, totoo
nga talagang mag kasama kami kagabi sa secret
house. Kaso yung kiss, totoo ba yun? baka kasi
imagination ko lang eh. Napahawak ako sa labi
ko.. Sheteng kalabaw! Totoo talaga yun eh.
Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko nun, tapos
parang huminto lahat ng nasa paligid namin.
Feeling ko first kiss ko yun eh. Kaso bakit naman
ako hahalikan ng abnormal na yun? Kapag naiisip
ko pa din yun parang may kung ano akong
nararamdaman. Hays! Kainis naman, kelangan
tanungin ko si Jeydon bakit niya ko hinalikan. Trip
lang ba niya yun?

"Candice?"
Bigla akong natauhan sa boses ni Makry, nasa
baba na pala kami ng hotel. Hindi ko man lang
napansin kakaisip sa nangyari kagabi. Hays.
"Okey ka lang ba?"

"Ha? hehe oo. Gutom lang siguro ako.."
Nakakahiya naman, si Marky yung kasama ko pero
si Jeydon naman naiisip ko.
"Ikaw talaga, tara kain na tayo. Baka hinahanap ka
na nun ni Charles."
"Waaa! Oo nga pala!"
"Kaya bilisan na natin." Hinila na naman niya ko
papunta dun sa table na puno ng pagkain. Ang
lambot ng kamay ni Marky. "Kumain ka na.."
Kumain na lang ako ng kumain. Ang daming
pagkain eh, gutom na gutom na ko. Hindi pa ata
ako nakakain kagabi. Bakit kaya hindi sinabi ni
Stacey na nasa secret house ako? Tska bakit hindi
niya ko binalikan? Hindi naman niya siguro yun
sinasadya.
Hindi ko pa din maalis sa isip ko yung nangyari.
Nag kiss kami ni Jeydon, nag kiss. Huhu! hindi ko
naisip na magki-kiss kaming dalawa. Kaso bakit
ganun? nung hinalikan niya ako hindi man lang ako
umiwas, hindi ko man lang siya tinulak. Parang
lumalabas tuloy na gusto ko din. Hala! Hindi nuh!
kasi naman yung mata ng lalaki na yun ang ganda
tapos parang tinatawag ako. Hindi pa din talaga
ako maka get over dun.

"Candice, kanina ka pa wala sa sarili mo, may
nangyari ba sa inyo kagabi ni Jeydon?"
"WALA!" nagulat si Makry sa sagot ko. Bakit kasi
ang defensive naman masyado ng reaksyon ko.
Wala naman talagang nangyari di ba? >.<
"Ah ganun ba.. mabuti naman."
Nakakahiya na talaga yung mga pinag gagawa ko
sa harap ni Marky. Mamaya ma weirdohan na siya
sakin. Huhu! Pambihira naman kasing DORAEMON
na yun eh, ano ba kasing ginawa sakin kagabi.
Halikan daw ba ako? Wag niyang sabihin na trip
niya lang yun ha! Huhu! Nauna pa ko mag ka kiss
kesa mag ka boyfriend, nakakahiya ako. Dapat
bigyan niya ko ng magandang dahilan kung bakit
niya ko hinalikan. Speaking of, asan na nga pala
siya? tska si Stacey?
"Wala na si Jeydon." parang nababasa ni Marky
yung nasa isip ko.
"Ha? bakit hindi nila tayo hinintay?"
"Ang taas kasi ng lagnat ni Jaydee kagabi kaya
sinundo na siya ni Baron kagabi pa. Sumama na si
Stacey." Naalala ko nga nung hinawakan ko siya
ang init niya.
"Ah ganun ba.."

"Kumain ka ng madami ha, para maka uwi na
tayo."
May sakit na naman si Jeydon. Dahil na naman
sakin kaya napahamak yung abnormal na yun.
Nakakainins naman, ang dami ko ng utang
sakanya. Bakit ba kasi palagi na lang niya akong
nililigtas? siya pa tuloy tong napapahamak.
Kamusta na kaya siya? Okey na ba siya? At bakit
ba ko nag aalala ng ganito sa Jeydon na yun?
Hays, feeling ko may sakit din ata ako. Kung ano
ano naiisip ko.
Pagkatapos naming kumain, inayos na namin ni
Marky yung gamit namin tska kami umalis ng
tagaytay. Nakakabitin naman yung date namin ni
Marky, kulang yung isang araw.
"Candice nag enjoy ka ba sa date natin?"
"Oo naman sobra.. Marky thank you ah kasi inaya
mo ko dun."
"Wala yun, masaya ko na nag enjoy ka." Kahit
hindi siya naka tingin sakin kasi nag di-drive siya
kita ko pa din sa mukha niya na parang malungkot
siya. Bakit kaya? Hindi ba siya masaya? dahil kaya
sa mga ka weirdohan ko?
"Marky, bakit malungkot ka. Hindi ka ba masaya?"

Finally, tumingin na siya sakin. Ngumiti na din siya
sakin. Hinawakan ng isa niyang kamay yung
kamay ko. Waaaa! bumilis tibok ng puso ko.
"Makasama lang kita, masaya na ko."
Umiwas ako ng tingin sakanya. Pakiramdam ko
namumula na naman yung pisngi ko. Bakit ang
cheesy niya nuh? Palagi na lang niya ko
pinapakilig, alam na alam niya kiliti ng mga babae.
Ngumiti lang ako sakanya, hindi ko alam yung
sasabihin ko eh. Ginulo niya yung buhok ko tska
siya tumawa. Eh? nakakatawa ba ko? huhu.
"Matulog ka na.. gigisingin na lang kita pag dating
natin sa inyo."
Natulog na lang talaga ko. Antok pa din naman ako
eh. Mas okey na yun baka kung ano ano na
namang nakakahiya gawin ko sa harap ni Marky
eh.
Pag dilat ko ng mata ko nakita ko agad si Marky na
nakatingin sakin. OH MY!
"Ba-bakit ka naka tingin sa-sakin?" Huhu sana
hindi ako tulo laway kanina, nakakahiya yun.

"Ang ganda mo kasi eh.." Eh? maganda daw?
weeee.

"Haha baliw ka talaga! tara na nga lang baka
hinahanap na tayo nila Mama.."
Gusto ko na bumaba eh, gusto ko tignan baka may
panis na laway sa bibig ko. Kaso bago ko pa
mabuksan yung pintuan ng kotse hinila naman ako
ni Marky pabalik tapos.. niyakap niya ko.

"Candice, pwede bang akin ka na lang?"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ano ba tong
ginagawa ni Marky, niyakap na ako tapos
tatanungin pa ako kung pwede daw bang sakanya
na ako. Huhu! Grabe na to.
"Marky.. ano bang sinasabi mo?" Hinarap na niya
ako sakanya. Pfft! feeling ko namumula na naman
ako kasi ang init ng pisngi ko.
"Candice I like you. Minsan lang ako mag ka
gusto ng ganito kaya gusto ko sakin ka
lang.."
"Ha? ano.. sayo lang ako? gusto mo ko maging
girlfriend?" hala nakakahiya, yun nga ba yun? hindi
ko naman kasi alam eh. Wala akong alam pag
dating sa ganito. Mahilig ako mag basa ng

romantic books pero iba pala kapag nangyari na
talaga sayo sa totoong buhay. Huhu!
"Yes, I want you to be may girlfriend.."
"Eh kasi bawal pa eh.." Napayuko na lang ako. Eh
bawal pa naman kasi talaga eh, lagot ako kay
Kuya Charles tska isa pa dapat mahal niyo muna
yung isa't isa bago maging kayo di ba? Eh gusto pa
lang naman niya ako, ganun din ako. Gusto ko pa
lang si Marky pero hindi ko pa siya mahal. At hindi
ko pa alam paano mag mahal! Huhu.
Napasandal siya sa upuan niya tapos napangiti
siya.
"Haha! Oo nga pala.. sorry.."
Humarap siya sakin, nakatingin lang siya. Eh?
na conscious naman ako bigla dun.
"Sorry nagiging selfish na naman ako. Okey then,
sisiguraduhin ko na lang na hindi ka niya ma
aagaw sakin." Kumindat siya sakin.
"Sinong aagaw sakin?"
"Hahaha! Ang manhid mo talaga Candice." Hala!
naging manhid pa tuloy ako. Ano ba kasi sinasabi
niya? Ang gulo niya.
"Hindi naman eh, ewan ko sayo Makry."

Ngumiti na naman siya sakin tapos nilapit niya ko
sakanya tapos niyakap niya ulit ako.
"Thank you for making me happy Candice."
Binitawan niya ako tapos hinawakan niya yung
kamay ko. OMG! bumilis na naman yung tibok ng
puso ko. Nakatingin lang ako sa kamay namin na
mag kahawak..
"CANDICE!"

"Mahihirapan din pala ako sa Kuya mo. Haha!
Napaka hirap mo talagang makuha."
Hindi ko na pinansin yung sinabi ni Marky, eto
kasing si Kuya ang sama ng tingin samin. Nakita
kaya niyang mag kayakap kami ni Marky?
"Bakit ngayon lang kayo ha? Tska asan sila
Jeydon? Bakit kayong dalawa lang dyan ha?"
"Hoy tanda! Mag relax ka nga baka atakihin ka ng
rayuma mo. Umuwi na si Jeydon, may sakit eh."
Naniningkit yung mata niya samin.
"Candice pumasok ka na."
"Ikaw Marky, gusto mo ba pumasok muna sa
loob?"

"Hindi na mag papahinga na lang din ako sa
bahay. See you on monday."
"Ah sige.."
"EHEM!" Kakausapin ko pa sana si Marky kaso
naalala ko nga pala na may asungot sa tabi namin.
"Baka sabihin niyong nakaka storbo ako sa inyo?"
"Oo, nag uusap pa kami ni Candice eh."
"Lul! sasamahan mo pa ko, kukunin ko na yung
kotse na sinasabi mo. Candice bumaba ka na
dyan! Pumasok ka na sa loob, bilis!" Kung
makapag utos talaga siya. Hay nako kahit kelan
talaga tong si Kuya.
"Oo na, sige Makry, ingat ka. Salamat ulit!"

Hindi pa nga ko nakakababa hinila na agad ako ni
Kuya palabas. Pambihira talaga oh! Kinuha ko na
lang yung gamit ko tapos pumasok na ko sa loob.
Excited siya masyado sa kotse niya. Mukha na
siyang kotse eh.
Pagpasok ko sa loob ng bahay naka abang na agad
sakin si Mama tska si Yaya.
"Baby kamusta? Anong nangyari? Hindi ka ba
kumain ng malakas sa harap ni Marky? Ano?"

"Mama! Isa isa lang po, isa lang bibig ko oh."
Nagtawanan kaming tatlo nila Mama. Para
talagang teenager to si Mama eh, mas excited pa
ata siya kesa sakin. Ano kaya magiging reaksyon
niya kapag nalaman niya na nag kiss kami ni
Jeydon? Jusko. Wala akong balak na sabihin, baka
mag wala pa siya eh. Hindi sa galit kundi sa tuwa.
Ganyan yan si Mama eh -__Mga isang oras siguro kami nag kwentuhan nila
Mama about sa mangyari kahapon. Paano kasi
kada kwento ko mag rereact muna si Mama. Kaya
ayun natagalan kaming tatlo kaka kwento. Sakto
nga kasi dumating si Troy. Buti na lang kundi baka
bukas pa kami matapos nila Mama. Pag ka dating
niya iniwan niya kami sa sala kasi magluluto na
daw sila ni Yaya ng tanghalian namin.
"Asan na sila Ginno? May practice tayo ngayon di
ba?"
"Wala si Jeydon eh. Kamusta date niyo?" Kamusta
na kaya yung abnormal na yun? Hmp matagal
naman mamatay yung masamang damo kaya for
sure okey yun.
"Okey lang naman, kayo?"
"Mag kwento ka nga, may nangyari bang maganda
sa inyo kahapon?" Anyare? Bakit nag change topic

to si Troy? Ano kayang nangyari sa date nila ni Ate
Jaycee?
"Nag horseback riding kami, nag roller skate tapos
pasyal pasyal lang."
"Weee? Yun lang?" Naka ngisi siya sakin na para
bang may iniisip siya na kalokohan. Baliw talaga
to! Hindi naman pwedeng alam niya na nag kiss
kami ni Jeydon eh >.<
"Oo bakit ano na naman nasa isip mo ha?"
"Wala nakakapag taka lang kasi sabi ni Baron
basang basa kagabi si Jeydon, ayan tuloy ang taas
ng lagnat ngayon. Hmmm.. bakit kaya nuh? May
alam ka ba dun Candice?"
"Ha? WALA NUH!" Lintek nagiging defensive na
naman ako.
"Hahaha! sabi nga nila, ang isda nahuhuli sa bibig
niya." Hala line ko yun ah! Badtrip naman kasi
wala naman kasi talaga nangyari. As in wala. Nag
kiss lang kami, Oo nag kiss kami T__T
"Tumigil ka nga.. ano.. okey na ba.. si.. ano okey
na?" hindi ko masabi ng deretso. Tatanungin ko
lang naman kung okey na si Jeydon. Baka kasi
mag isip ng malisya to si Troy eh.

"Okey na si Jeydon? Nako simpleng tanong lang
hindi mo pa masabi sakin. Haha! Hindi may sakit
pa siya eh, gusto mo sama ka sakin? pupunta ako
ngayon sa kanila eh."
Wag na bakit naman ako sasama? magiging okey
din siya. Kaso kung iisipin dahil naman sakin kaya
siya nag ka sakit eh, kaya siya napahamak ulit.
Hays, kelangan alagaan ko yung baliw na yun
kasalanan ko naman to eh. Mamaya ayaw na
naman uminom ng gamot yun. Ang arte arte pa
naman ng lalaki na yun, kahit mag papasok sa
kwarto niya ayaw niya. Oo pala hindi yun nag
papasok sa kwarto niya! Sino kaya mag aalaga
sakanya? Andun kaya si Ate Jaycee? Nag alala
tuloy ako bigla. >.<
"Sige sama ako, teka papa alam na ko kay
Mama.."

Pinakain muna kami ni Mama ng lunch sa bahay
tapos umalis na din kami ni Troy. Nag lakad lang
kami kasi malapit lang naman samin yung bahay
este mansion nila Jeydon. Parang kinakabahan ulit
akong bumalik sa bahay ay oo nga pala mansion
nila. Ang totoo talaga, kinakabahan ako sa
sasabihin ni Jeydon about dun sa kiss namin.
Waaaa.. naiiisip ko na naman.. yung labi niya >.<

"Good Morning Sir Troy, Mam Candice. Dadalawin
niyo po ba si Young Master?" Sumalubong samin si
Sunny, yung apo ni grandma. Ang kyut talaga ng
pisngi niya parang siopao.
"Oo Sunny, nasan ba siya?"
"Eh nasa kwarto po eh, ayaw nga po mag
papasok.. si Master Dave pa lang po yung
nakapasok dun tska yung private doctor kanina."
"Ah ganun ba, sige papasok na lang kami dun,
akong bahala." kumindat siya kay Sunny parang
kinilig naman tuloy si Sunny. Hmp! Womanizer!
Ang bilis lang naming naka punta sa kwarto ni
Jeydon, aba hindi kami naligaw ah. Mukhang
kabisado na ni Troy papunta sa kwarto ni Jeydon
ah? Nakapasok na kaya siya sa loob? Siguro.
"Pasok ka na."
"Eh? Ako lang?"
"Oo! kahit kami bawal pumasok dyan." Waaa!
sinungaling! Ayaw lang niyang mabugahan ng
apoy kapag nagalit si Jeydon.
"Weee? maniwala? bakit alam mo papunta dito?"
"Kita mo yung sumunod na pinto? Dyan kami lagi
tumatambay na tatlo pero hindi pa kami

nakapasok sa loob ng kwarto niya." So ibig sabihin
nauna pa akong nakapasok sa kanila sa kwarto ni
Jeydon? Buti pala talaga, buhay pa ako ng lumabas
ako sa kwarto niya.
"Eh bawal din ako dyan! Next time na lang kaya
tayo dumalaw kapag lumabas siya? Hehe.."
Sinamaan niya ko ng tingin.
"Wag mo nga ko lokohin! nakapasok ka na dyan
eh. Pasok na! Tsk."
Hinila niya ko, binuksan niya yung pintuan, waaa
dapat naka lock yan di ba? Tinulak ako ni Troy
bigla papasok sa loob. Waaaa!! NO! wag po! ayoko
pa mamatay. Huhu. Binuksan ko yung pintuan
mula sa loob pero ayaw na, ano yun pwedeng i
lock sa labas? Baliw ka Troy! Anong ginawa mo!
Humanda ka lang talaga sakin.

"Sino yan?"

Napalunok ako. Gising siya? Bumilis bigla yung
tibok ng puso ko.

"Ahm... ano.. kasi.."

"Come here."
Hala lapit daw ako? bubugahan kaya ako ng apoy
ng dragon na to? Tska mukhang seryoso yung
boses niya. Oo nga pala may sakit siya kaya
abnormal na naman yung ugali na meron siya
ngayon. Eh! Natatakot ako, dalawa lang kami dito
tapos as usual medyo madilim.
"Ang bagal mo."
"Ha? Oo eto na!" Lumapit ako sa kama niya. Napa
upo siya, eto na nga ba sinasabi ko. Huhu!
"Bakit nandito ka?"
"Ah ano kasi..." Ano idadahilan ko? Ayoko ngang
sabihin na nandito ako para dalawin siya kasi nag
aalala ako sakanya. No way nuh!
"Miss mo na ko nuh?" " Kita ko pa din yung mukha
niya dahil dun sa lamp shade. Naka ngisi siya
sakin. Tss! Akala ko ba may sakit siya? Parang ang
loko pa din niya. Dapat makaisip ako ng dahilan.
"Ha hindi ah! Kasi ano.. may practice kasi tayo di
ba? Oo ayun! Kaya dinalaw ka namin ni Troy kasi
kelangan ka namin bukas.."
"Kelangan mo ko?"

"Hoy hindi! sabi ko kelangan ka namin! may sakit
ka ba talaga? parang wala naman!"
"Meron ah!" kinuha niya yung kamay ko, may
kuryente ata na dumaloy sa buong katawan ko
nung hinawakan niya yung kamay ko. Niligay niya
sa leeg niya yung kamay ko. Ouch! ang init nga
niya. "See?"
"Tsk! bakit kasi nag pa ulan ka pa? May payong
naman. Tska bakit kasi hinanap mo pa ko?"
"Wow Thank you ah kasi hinanap kita kaya ako
nag kasakit." Ang lakas talaga mag pa guilty ng
lalaki na to eh nuh.
"Oo na Thank you.. tska sorry kasi dahil sakin kaya
nag ka sakit ka na naman.." napayuko na lang
ako.
"Okey lang, aalagaan mo naman ako ngayon di
ba?" Naka ngisi na naman siya sakin. Magiging
nurse na naman niya ko?! Pambihira talaga.
"Oo na, ano pa nga ba magaga ko? Ako naman
may kasalanan kaya ka nag ka sakit."
"Pa inumin mo na lang ako ng gamot tapos
matutulog na ko." Ay talaga yun lang gagawin ko?
Wahaha ayos yun ah!

"Okey! teka.." kinuha ko agad yung gamot niya
tapos yung tubig na nasa table katabi ng kama
niya. Kaso naka tanga lang siya nung binigay ko
sakanya yung gamot. Oo nga pala! kelangan
sakanya sapilitan kapag papa inumin ng gamot.
Haha!
Hinawakan ko yung mukha niya tapos nilagay ko
agad yung gamot tapos pinainom ko na siya ng
tubig. Na ubo ubo pa siya.
"Wala ka talagang kwenta, wala ka man lang care
mag alaga eh."
"Eh hindi naman kasi ako nurse di ba?"
"Tss. Maka tulog na nga lang.." Pahiga na siya
pero..
"Teka!" pinigilan ko siya, eh? bakit ko yun ginawa?
"Bakit?" Kasi nga pala yung sa ano... itatanong ko
pala sakanya.

"Kasi ano.. yung kagabi.. ano kasi.. ahm.."
Huhu! hindi nag fu-function ng maayos yung brain
cells ko. Ano ba yung sinabi ko?
"Ano yung hinalikan mo ko?"

"ANO?!"
"Oo di ba hinalikan mo ko kagabi?"
"Ang kapal mo! Hindi ako yung humalik sayo! Ikaw
kaya! Ikaw yung lumapit sakin!" Ang kapal niya!
bakit ko naman siya hahalikan! Huhu pero confirm
na nga talaga na nag kiss kami. Waaa!
"Hindi ah, ikaw yun. You kissed me."
"Hindi kaya! Baliw ka ba? bakit mo ko hinalikan
ha? Bakit?" Kumuha ako ng unan tapos pinalo ko
siya, wala akong paki kahit may sakit siya. Bigyan
niya ko ng matinong sagot!

"Eh sa gusto kitang halikan eh."

Shete. Yun na lang masasabi ko. Dapat magalit
ako di ba kasi hinalikan niya ko? Hindi ko naman
siya boyfriend. Kaso parang hindi ko naman
kayang magalit. Ano bang nangyayari sakin? Kasi
naman eh, ang sarap pala niya halikan, ang lambot
ng labi niya. Waaaa! Letche ang landi ko! ano bang
iniisip ko. Huhu! Umiwas ako ng tingin kay Jeydon.
Nailang ako bigla. Dapat ngayon nag wawala na
ako eh, dapat galit na galit na ko.

"Sorry, galit ka ba?"
"Ha? ano.. Oo syempre! bakit mo ko hahalikan ha?
Hindi naman kita boyfriend.. pero ano.. tapos na
yun, kalimutan na lang natin."
Tumawa siya ng konti tapos nakatingin lang siya
sakin.

"I enjoy that kiss Candice.."

Tumaas yung balahibo ko sa sinabi niya. Nag enjoy
siya? tapos.. ano yung tinawag niya sakin? tinawag
niya ba ko sa pangalan ko? Ngayon pa lang niya ko
tinawag na Candice eh.
Naiwan lang akong nakatulala, nakahiga na pala
ulit siya tapos natulog na. Napahawak ako sa
dibdib ko. What the hell did I just hear?
"I enjoy that kiss Candice.."

Shete. Parang nag eecho siya sa utak ko. Iba na
talaga yung nararamdaman ko. Bakit kasi ganito?
Meron ding kung sino o kung ano na nag sasabi
sakin na nag enjoy din ako sa kiss na yun. Waaaa!
OMG! Kasi kung hindi bakit hindi ako umiwas?
bakit hindi ko siya tinulak palayo nung papalapit na
siya sakin? bakit naiisip ko pa din hanggang
ngayon yung kiss na yun. Ayoko mag paka plastic.
Oo ginusto ko din talaga yung kiss na yun.
Kaso bakit?
Pinag masdan ko si Jeydon habang natutulog siya.
Ang amo amo ng mukha niya. Para siyang anghel
eh, napa ngiti tuloy ako. Ang gwapo mo pala
Jeydon kapag tulog nuh? Sana lagi ka na lang
tulog.
Bakit ganito? hindi ko mapigilan na tignan siya.
Hindi ko maalis yung tingin ko sakanya. Pwede na
naman akong umalis kasi tulog na siya pero may
nag tutulak pa din sakin na samahan ko siya dito.
Posible kayang..
Waaaa! hindi. Hindi nuh. Hindi ko siya gusto.
HINDI.
Hinakawan ko yung leeg niya. Maka alis na nga.
Mukhang okey na naman siya kasi bumaba na
naman yung lagnat niya.

Nung patayo na ko, hinawakan na naman niya
yung kamay ko.

"Dito ka lang.."

Nakahawak pa din siya sa kamay ko. Bumalik na
lang din ako. Naka pikit pa din naman siya. Nag
stay na lang ako baka hindi siya maka tulog kapag
mag isa lang siya dito? Sige na nga samahan ko na
lang siya dito.

Nakatulog din ako sa tabi ni Jeydon, grabe apat na
oras na pala yung nakakalipas. Mukhang tulog na
naman si Jeydon eh. Umalis na ko, hinanap ko si
Troy sa labas. Tinignan ko siya sa kabilang kwarto,
dun sa pinag tatambayan daw nila. Andito pa kaya
yun? Wag niyang sabihin na iniwan niya ko?
"Hindi ko akalain na mag tatagal ka dun ah."
"Tinulak mo kaya ako!" Baliw pala siya eh.
"Kamusta okey na ba si Jaydee?"
"Oo okey na naman yung Doraemon na yun. Kahit
may sakit loko loko pa din eh."

"Buti naman, sabi ko na ikaw makakapag pagaling
dun eh." Ano ko gamot? Adik.

Napatingin ako sa mga pictures dun sa table. Mga
picture pala nila to nung bata pa sila. Kahit nung
bata sila cute pa din nila. Nakita ko din yung family
picture nila Jeydon. Yung Mama niya na maganda
parang dyosa lang, yung Papa niya na gwapo pero
mukhang masungit, si Ate Jaycee, si Jeydon, tapos
may kambal, isang lalaki tapos isang babae. Eto
kaya yung namatay na kapatid ni Jeydon?
Mukhang malapit silang dalawa sa mga pictures
eh. Apat pala silang mag kakapatid, lahat sila
magaganda yung mukha. Nung napatingin ako sa
gilid, may picture dun ni Jeydon tapos isang babae,
siguro tatlong taon ng nakalipas yun. Pamilyar
yung mukha nung babae, nakita ko na siya! San
ko nga na siya nakita? Lalapit na sana ako kaso
tinakpan naman ni Troy yung picture.
"Patingin ako nun.. Sino yun?"
"Wala yun, tara hatid na kita pauwi, matulog ka ng
maaga may practice tayo bukas."
Titignan ko pa sana yung picture kaso hinila na ko
ni Troy. Hmpf! Ang daya naman nun. Umalis na
agad kami sa mansion nila Jeydon. Saglit lang
nasa bahay na din naman kami.

"Bukas ah? Kahit wala si Jeydon kaylangan meron
ka ng talent kasi sa Monday na yung Ms. Campus."
"Okey sige, Ingat ka pauwi."

Pag uwi ko sa bahay nakita ko yung bagong
sasakyan ni Kuya Charles, ang ganda, kaya pala
kaya niya kong ipag palit dyan eh. Kumain na ko
agad ng dinner tapos dumeretso na ko sa kwarto
ko, mapapa kwento na naman ako neto kay mama
eh. Pag dating ko sa kwarto ko nakita ko si Cholo
na malungkot kaya nag laro kami tapos nun
humiga na ko sa kama ko, nakakapagod kalaro
tong chow chow na to.

Naisip ko na naman tuloy yung mga nangayari
kahapon tska kanina..

Dapat yung nasa isip ko lang ngayon yung mga
nangyari samin ni Marky, date nga namin yun di
ba? Kaso hindi ko din kasi maiwasang maisip yung
nangyari samin ni Jeydon eh. Minsan nga mas
naiisip ko pa yung moment namin ni Jeydon kesa
samin ni Marky.

Masaya ako sa lahat ng sinabi ni Marky, alam ko
na naman na gusto niya ako pero hindi ko alam
yung sinabi niya na ngayon pa lang siya nag ka
gusto ng ganito. Gusto pa niya akong maging
girlfriend. Totoo kayang hihintayin niya ko? Kung
mag kaka tuluyan kami parang nasa fairytale na ko
nun kasi naka tuluyan ko si Prince Charming.
Akalain mo yun, tatlong taon ko siyang pinag
pantasyahan tapos ngayon gusto niya na ko
maging girlfriend. Hays..
Kaso yung kay Jeydon, yung sa kiss namin.
Mababaliw na ata ako kakaisip nun! Gusto lang
daw niya akong halikan? Kung trip niya yun bakit
sinabi pa niyang nag enjoy siya? Bakit pa siya nag
sorry? Bakit ba hinahalikan ng lalaki yung babae?
Di ba kapag gusto lang nila yung babae? May
gusto kaya sakin si Jeydon? pero hindi eh,
imposible yun. Kung gusto niya ko bakit niya ko
laging inaasar? tska ayun mag kaka gusto sakin?
Eh napaka choosy nun pag dating sa babae. Gusto
niya maganda, parang yung nakita ko lang sa
picture kanina, sino kaya yun? Girlfriend niya
kaya? Ang sweet naman niya kasi talagang tinabi
niya yung picture nilang dalawa. Tsk parang nairita
ako bigla.
Hays wag ko na nga lang isipin yung kiss na yun,
wala lang yun. Trip lang yun ni Jeydon, tska okey

lang may first kiss na naman ako eh si Marky,
kakalimutan ko na lang yun.
Dapat si Marky yung isipin ko hindi si Jeydon..

Tama si Jeydon, ay mali si Marky!!

Waaaaa ang gulo. Mababaliw na ata ako. Bahala
na nga si Batman.
Makatulog na lang at may practice pa kami bukas.
Goodnight world..

44: Slow Motion

"Good Morning Candice."
Pag mulat ko ng mata ko nakita ko sila Troy, Ginno
tska Six. Waaaa! bagong gising pa lang ako
nakatingin pa sila sakin. Kamusta naman yung
itsura ko neto? Baka mamaya may panis na laway
pa ko. Bakit andito na sila? Ang aga aga pa eh.

"Hello! bagong gising po ako. Pwede mag ready
muna ko?"
"Haha! Tanghali ka na kasi nagising! Cute ka pa
din naman eh. Sige hinatayin ka na lang namin sa
baba ah." Tanghali na ba?
Bumaba sila ng tumatawa. Pambihira naman oh!
Next time nga mag lo-lock na ako ng kwarto ko.
Silang tatlo lang? Wala si Jeydon? Hmp. Tska
anong oras na ba? OMG! Tanghali na nga.

Naghilamos agad ako tapos bumaba na ako.
Pumunta muna ako sa kusina para batiin sila
Mama at Yaya, pinakain na din nila ko ng lunch. Si
Kuya Charles as usual tulog pa, tulog mantika din
yan eh.
Pumunta na ko sa sala nakita ko silang tatlo nag
uusap tapos kumakain ng brownies. Nagutom ako
bigla kaya tumabi ako kay Troy tapos kumuha
agad ako ng Brownies ni Mama. Tanghali na pala
ako nagising. Ang dami ko kasing iniisip eh.

"So ano na pala gagawin natin?"
"Backstreet boys medley. Ayos ba?" Sabi ni Ginno.

"Paano yun?"
"Tatlong song, una muna yung Shape of my heart,
next I want it that way tapos konting As long as
you love me. Sasayaw kami tapos mag se-second
voice din kami." Wow ha, talagang planado niya
yung gagawin namin.
"Basta kakanta lang ako ah!" Wag nila ko
papasayawin ha. Hindi ako marunong eh.
"Oo, wala na din naman tayong time mag practice
kasi bukas na yung Ms. Campus. Wag ka mag alala
maganda pa din kakalabasan neto. Haha!" Hindi ko
alam kung mag titiwala ba ako sa tawa neto ni
Troy pero alam ko naman na hindi nila ako
ipapahamak. Ha! Subukan lang nila.
Nag start na kami ng practice, kelangan matapos
namin to ngayong araw kasi bukas na yung
pageant. Pinakanta muna ako ni Ginno.
Nakakahiya nga lang kasi hindi ko alam kung
maganda ba yung boses ko o hindi. Kung
mamalasin nga baman nagising na yung asungot
kong Kuya. Nung nakita niya akong kumakanta
tumawa agad siya.

"Hay nako! Sa boses mo pa lang talo ka na! Tsk
tsk. Ang panget!"

"Alam mo hindi ka naman nakaka tulong eh kaya
umalis ka na, baka gusto mong papuntahin ko pa
dito si Ate Serina?"
"Si Serina nandito na?" sumama yung tingin sakin
ni Kuya. Hindi pa ba niya sinasabi kala Troy? Opss
sorry naman.
"Wala yun! Sige mag practice na kayo." Yun oh!
Sabi na nga ba si Ate Serina lang katapat niya eh.
Wahaha. Napakamot ulo na lang tuloy si Troy.
"Okey na yan Candice, maganda naman yung
boses mo eh. Ngayon naman mag pa-practice na
kami ng sayaw." Buti pa to si Ginno marunong
tumingin kung ano yung magandang boses. Haha!
Joke lang.
"Paano si Jeydon? Hindi ba siya pupunta?" tanong
ni Six.
"Hindi ko alam eh. Troy may sakit pa din ba si
Jeydon?"
"Hindi ko alam eh basta nag text na ko sakanya
kanina na may practice tayo ngayon ng sayaw."
"Kelangan natin siya eh.."
"Hayaan niyo na practice na lang tayo."

Nag practice nga sila kahit wala si Jeydon. May
sakit pa ba siya? Nung umalis naman ako kahapon
hindi na gaanong mataas yung lagnat niya. Ano
kayang nangyari dun? Baka naman tinamad? Tss
kupal talaga.

Bigla namang may nag doorbell. Pumunta agad
ako sa labas para buksan yung gate. Pag bukas ko,
speaking of, nakita ko siya. Parang bumilis yung
tibok ng puso ko.
Naalala ko kasi bigla yung mga sinabi niya sakin
kahapon. Waaaa! Naisip ko na naman yung kiss
namin. Kainis naman! May sakit lang siguro siya
kaya niya nasabi yung kahapon.

"I enjoy that kiss Candice."

Ay nag eecho na naman sa isip ko.

"Hindi mo ba ko papa pasukin?" Ay andyan nga
pala siya nuh. Hehe.
"Okey ka na ba?"

"Masyado ka namang concern sakin." Naka ngiti na
siya agad sakin. Tss kahit kelan talaga. "Wag ka
mag alala, okey na ko."
"Baka kasi mabinat ka na naman eh, kasalanan ko
na naman uit."
"Eh di kapag nag kasakit ulit ako, aalagaan mo ulit
ako." Kumikindat kindat pa siya.
"Ano ko nurse mo? Bahala kapag nag ka sakit ka."
Tigas ng ulo niya, bahala siya hindi ko na
kasalanan kapag nag kasakit ulit siya. "Sige pasok
ka na."
Bago kami makapasok sa loob sinalubong kami ni
Cholo.
"Roo!" Lumapit agad siya kay Jeydon. Pfft! Bakit
kay Jeydon siya lumapit? Parang gustong gusto
niya sa Jeydon. No baby! Dapat kay mommy ka
lang lalapit.
"Sh*t! Ilayo mo sakin yang aso mo!" Kinuha ko
naman agad si Cholo sakanya. Ang arte talaga ng
lalaki na to. Sabi ko kasi sayo Cholo wag kang
lalapit sa pusang robot na yan.
"Anong problema mo kay Cholo ha? Wala naman
ginagawa sayo yung aso ko."
"Eh sa ayoko sa aso eh."

"Ang cute cute kaya ni Cholo, di ba baby?" Umupo
para ma hug ko siya. Dinilaan naman niya ko.
"See? Sweet pa. Ang arte mo lang eh."
"Ayaw ng mga pusa sa aso kaya ayoko din
sakanila." Napatingin ako sakanya. Hindi ko
napigilan yung tawa ko sa sinabi niya.
"Anong nakakatawa ha?!"
"Oo nga pala si Doraemon ka kaya ayaw mo sa
aso! Wahaha! Mukha ka talagang pusa. Meow!" Na
miss ko din asarin tong abnormal na to. Natatawa
pa din ako, ang sama na ng tingin niya sakin.
"Meow!"
"Shut up Betty!" Sabi na nga ba eh, may sakit lang
siya kahapon. Hindi na niya ko tinawag sa
pangalan ko.
"Whatever Doraemon!"
"Yah! Wanna die?" Haha ang sarap niya asarin.

"AYIEEE!"
Napalingon kaming dalawa kala Troy, Ginno at Six.
Ano na naman trip nila? mga baliw.

"Dyan nag katuluyan yung aso't pusa namin.
Palaging nag aaway eh ayun na
develop." Tawa sila ng tawa sa sinabi ni Six.
"Hoy Six tumigil ka nga! Hindi pwedeng
magkatuluyan yung aso tska pusa." Sinabi mo pa!
I hate cats. Kaya nga siguro hate ko din to si
Jeydon.
"Talaga! Ang arte kasi ng mga pusa. Parang yung
isa dito! Wahaha."
"Whatever. Akala ko ba mag pa-practice tayo ha?"
Haha! Change topic kasi na aasar na siya. Mukha
kasi siyang pusa!
"Ikaw lang naman iniintay namin eh."

"Eh di tara na."
Pumasok na kami sa loob. Dinala ko na lang muna
sa taas si Cholo baka pag initan na naman ng
Doraemon na yun. Mga pusa nga talaga ayaw sa
aso. Haha! Sabagay ayoko din naman ayaw sa
pusa pareho lang din ako sa aso ko. Eh mas cute
naman si Cholo kesa dun sa alaga niyang si
Princess. Tss sigurado ako salbahe din yun kagaya
ng amo niya.

Pag dating ko sa sala nag pa-pratice na sila ng
sayaw. Nadagdagan naman yung Brownies sa
lamesa. Waaa ang sarap, sana lagi nag ba-bake si
Mama ng ganyan kadami, tapos ako lang kakain!
Haha! Umupo lang ako sa harap nila.
Nung nag play na ulit yung kanta, sumayaw na
sila. Napatingin ako kay Six, magaling din siya
sumayaw kagaya ni Troy. Si Ginno naman mas
magaling sa dalawa, mukha naman talaga siyang
dancer eh, magaling pa siya mag choreographed.
Huli na kong napa tingin kay Jeydon..
Nung naka tingin na ko sakanya parang nag slow
motion yung paligid. Anong nangyayare? Yung
bawat galaw niya naka slow mo. Pati pag galaw ng
buhok niya pag pikit ng mata niya. Hala! Anong
nangyayari?
Tumingin ako kala Troy pero bumalik na sa dati
yung galaw nila, hindi na naka slowmo. Nung
tinignan ko ulit si Jeydon normal na ulit. Ano yung
nangyari kanina? Bakit ganun? Hala! Okey lang
kaya ako? Pangalawa ng nangyari to, nung una sa
tagaytay nung tinignan ko din si Jeydon.

"Candice okey ka lang?"

"Ha?" Tapos na pala sila mag sayaw. Naka upo na
din sila tapos kumakain na ng brownies.
"Candice, pwedeng mag laro ng ps3?"
"Sige lang Six." Binuksan nila ni Ginno yung ps3
tapos naglaro sila ng NBA.
"Parang wala ka sa sarili mo Candice? May sakit ka
ba?"
"Siguro.." kung ano ano nangyayari sakin eh.
"Ha? May lagnat ka ba? Baka nahawaan ka ni
Jaydee." Hinawakan niya agad yung leeg ko. "Hindi
ka naman mainit ah?"
"Haha! Baka kasi may naiisip siya.." Napatingin
ako kay Jeydon. Tawa siya ng tawa habang
kumakain ng brownies. Siguro akala niya iniisip ko
pa din yung kiss namin. Hindi kaya! Iba kaya nasa
isip ko.
"Ah iniisip niyo date niyo ni Marky nuh? Daya mo
naman kasi ayaw mo mag kwento." Buti na lang
iba yung nasa isip ni Troy.
"Wala na kong dapat i kwento kasi napaka perfect
na naman ng date namin ni Marky.."
"Perfect? Talaga?" pang asar yung tono ng
boses neto ni Jeydon. Iniisip niya siguro paano

magiging perfect yun kung nag kiss kami. Eh bakit!
Siya may kasalanan nun.
"Oo perfect! kasi super saya ko kapag kasama ko
si Marky. Bakit angal ka?"

"Hindi. Sabi mo eh." Umalis siya sa tabi namin ni
Troy tapos sumali siya kala Ginno mag ps3.
"Ang weird ni Jaydee ngayon, siguro epekto ng
sakit yan."
"Bakit weird?"
"Hindi ka kasi niya gaanong inaasar eh." Amp.
Hindi pa ba sa lagay na yun? Tska ayun pa talaga
napansin niya ah. Kaso tama din si Troy hindi na
nga ako gaanong inaasar ni Jeydon.
"Troy paano kapag biglang nag slow motion yung
paligid.. Anong ibig sabihin nun?"
"Eh di nahihilo ka! Nag slowmo pala eh." Tsk
pilosopo. Alam ko naman yun eh. Binatukan ko
nga. "Ouch! Bakit?"
"Hindi yun! Yung kapag may tinignan kang isang
tao tapos biglang nag slow motion habang
tinitignan mo siya."

"Ahm, nung una kong makita si Jaycee nag
slowmo bigla yung paligid. Ibig sabihin lang nun
magugustuhan mo yung taong yun, or baka naman
gusto mo na siya."
"Ha? Gusto?" Napa tingin ako kay Jeydon. Hindi
ko naman gusto si Jeydon ah? At hindi ko siya
magugustuhan nuh. >.<
"Bakit nangyari na ba sayo yun ha? Kanino?
Kanino ha?" para siyang bata.
"Ha wala hindi pa, natanong ko lang." baka nga
nahilo lang ako kanina. Imposible naman na gusto
ko si Jeydon.
"Basta kapag nangyari na sayo yun sabihin mo
sakin kung kanino. Kung hindi si Marky dapat
ipakilala mo sakin kung sino para makilatis ko
muna. Mamaya babaero pala yun." Bakit ba hindi
ko naranasan yun kay Marky?
"Sabagay, kung babaero man yun alam mo na
agad, ganun ka din eh!"
"Huy grabe hindi ah. Loyal ako." Oo loyal, maloko
nga lang. Kamusta na kaya sila si Ate Jaycee?
Hindi ko naman matanong kasi andito si Jeydon.
"Okey Candice practice na ulit tayo!" Sabi ni Ginno.
"Sasabayan ka na namin."

"Sige, basta kakanta lang ako ah."
"Teka mag lalagay muna ako ng earphones." Ang
arte talaga ng pusang to.
"Bakit may ganyan ka pa Jaydee?"
"Eh ang panget ng boses niyan ni Candice, sasakit
lang tenga ko." Waaa! Ang yabang niya! Akala mo
naman maganda din boses niya.
"Mas panget naman boses mo!"
"Bakit narinig mo na?" Oo nung nasa bahay kami
nila Troy, alipin pa nga kinanta niya eh.
"Oo! Ang panget kaya!"
"Haha! Panget? Baka sabihin mo nainlove ka pa sa
boses ko?" Ako nainlove?! Hindi naman niya ka
boses si Marky eh.
"Asa! Baka sabihin mo nainis lang ako sa boses
mo!"
"Kantahan pa kita eh!"
"Wag na baka mag ka bagyo pa bigla eh!"

Habang nag tatalo kami dito ni Jeydon napansin ko
yung tatlo na nakatingin samin tapos parang nag
pipigil pa ng tawa. Ano naman nakakatawa?
"Hoy kayong tatlo! Bakit kayo tumatawa?"
"Haha! kanina pa kasi kayo may sariling mundo ni
Jaydee eh. Pwede mamaya na kayo
maglambingan?"
"Lambingan? Eww. Practice na nga tayo."
"Oo nga para matapos na tayo."
Nagka tinginan kami ni Jeydon. "TSE!"

Habang nag pa-practice kami nagkaka tiginan kami
ni Jeydon. Pareho kaming masama yung tingin sa
isa't isa. Panget daw boses ko? Akala mo naman
maganda boses niya. Hmp!
Tatlong oras din kami nag practice. Mula sa timing
kung kelan sila papasok para sa second voice,
yung tamang pwesto ko. Malakas yung
pakiramdam ko na magiging maganda yung
production number namin. Ang galing nga talaga ni
Ginno mag isip ng concept. Magaling din naman
yung apat, isasama ko na si Jeydon para hindi
naman ako maging bias.

"Wow! Ang galing niyo." Nasa pinto ng sala si
Mama kasama si Yaya at Kuya Charles. "Excited na
ko bukas!"
"Thank you Ginno, Six, Troy.. tska Jeydon."
"Wala yun Candice, ikaw pa." Nag bow ako kay
Ginno. Ang galing niya.
"For Section Eleven!" Nag apir naman kami ni Six.
"Tita Candy, may food na ba? Gutom na kami eh."
Nakahawak pa si Troy sa tyan niya habang
sinasabi yun kay Mama. Lumapit naman si Kuya
Charles kay Troy tapos binatukan niya.
"Ang takaw mo talaga eh nuh!"
Nagtawanan naman kaming lahat. Kahit kelan
talaga joker tong si Troy.
"Tara, kain na kayo nag luto ako ng adobo."
Tuwang tuwa naman sila. Nagutom nga siguro
talaga sila. Haha! nangunguna na to si Troy. Lahat
kami dumetso na sa Dining room. Ang daming
niluto nila Mama at Yaya.
Nung nangangalahati na kami sa kinakain namin
bigla naman tumayo si Jeydon pupunta atang
kusina. Sakto naman naubos na yung ice tea ko
kaya sumunod din ako sakanya.

"Sino to?"
Sinilip ko si Jeydon sa kusina. May kausap siya sa
cellphone niya.
"Why?"
Taray niya ah. Sino kaya kausap niya?

"I don't care. Pwede ba wag mo na kong
tatawagan? Nakakairita ka eh."
Wow grabe, sino ba kasi kausap niya? Ang harsh
naman niya mag salita. Kaaway niya kaya?

"Stop it Kim! Wala na tayo matagal na! so
just please leave me alone."
Kim? Parang narinig ko na yung pangalan na yun
ah? Saan nga ba? Hindi ko na maalala. Bakit
ganun siya makipag usap dun sa babae? Ex
girlfriend niya siguro yun. Palibhasa kasi ang dami
niyang babae, ayan tuloy kinukulit na siya ngayon.
Kaso parang galit na galit siya. Ngayon ko nga lang
siya nakitang magalit ng ganyan eh. Yung seryoso,
mas nakakatakot pala siya kapag ganyan.

"Tapos ka na nakinig sa usapan namin?"
Sa gulat ko nalaglag ko yung basong hawak ko.
Hala shete nakita niya ko! Nakakatakot yung boses
niya. Hala! baka mag buga siya ng apoy sa mukha
ko ng hindi oras! Huhu.
"Ha? Napadaan lang ako nuh, nakikinig ka dyan?
Hindi kaya.."
Pinulot ko ka agad sa sahig yung nabasag na baso.
Katangahan pala yung ginawa ko, bakit ko pinulot
gami yung kamay ko? Ayan nasugatan tuloy ako.
Natataranta kasi ako eh. Huhu! Ouch may dugo na
tuloy yung daliri ko. Anong gagawin ko? Amp takot
ako sa dugo eh. Naiiyak na ko! T__T
Kinuha bigla ni Jeydon yung kamay ko tapos hinila
niya ko papunta sa sink. Binuksan niya yung gripo
tapos tinapat niya yung kamay ko.

"Ang stupid mo nuh?"
"Eh kasi eh.." Nakakatakot ka po kasi eh nuh!
Ayan nataranta ako.
"Sa susunod nga mag ingat ka."

Mag ingat daw ako? Bakit nag aalala ba siya sakin?
Tinignan ko siya tapos biglang bumilis yung tibok
ng puso ko. Napatingin kasi ako sa labi niya. Sa
labi niyang sobrang lambot..
Waaa! Ano ba tong naiisip ko?

Kumuha si Jeydon ng band aid dun sa first aid kit
namin tapos nilagyan niya ng ban aid yung daliri
ko.
"Okey na ba?"
"Ha? Ano.. Okey na.. Thanks.."
"Marunong ka na ata mag thank you ngayon? Dati
sapilitan pa eh."
"Ha? Eh kasi.. sorry naman. Ayan na nga nag
thank you na di ba?" Bakit ganito na yung
nararamdaman ko kapag mag kasama kaming
dalawa? Ang bilis ng tibok ng puso ko tapos parang
kinakabahan ako. Simula to nung kiss na yun eh.
"Balik na tayo dun." parang nailang na din siya.

Pag balik namin dun nag tatawanan sila. Ano kaya
pinag usapan nila? Hindi naman nila kami napansin
maliban kay Kuya Charles na hindi pa din

tinatanggal yung tingin sakin hanggang matapos
kami kumain. Eh? bakit na naman?
"Sige po Tita Candy, una na po kami. Salamat sa
pagkain."
"Salamat po!" Sabay sabay nilang sabi tapos nag
paalam na sila samin ni Mama.
"Bye po."
Hinatid ko sila palabas ng gate namin.
"Bye Candice! Ready ka na ba bukas?" Tanong ni
Six. Ready na nga ba ako? Huhu. Ewan ko.
"Bahala na si batman."
"Yah! Anong bahala na si Batman? Wag mong
ipapahiya yung Section Eleven."
"Opo boss Jeydon! Nakakahiya naman sayo eh."
Tapos nag tawanan kami.
Nag paalam na sila sakin, sumabay na lang sila sa
kotse ni Jeydon. Pero bago sila umalis kinausap ko
muna si Jeydon.
"Jeydon?"
"Bakit?"

"Yung nangyari dun sa secret house.. Ano.. kasi..
Ahm.. Ano eh.." Hindi na naman gumagana yung
utak ko.
"Bakit gusto mo ng part two?" Sobrang laki ng
ngiti niya abot hanggang langit na ata.
"Manyak!"
"Anong manyak dun? Kiss lang naman yun eh."
Parang namumula ako, ano ba naman kasi tong
pinas uusapan namin.
"Anong kiss lang? Importante kaya sakin yun.."
"Sorry.. hindi ko sinasadya.."
"Hindi mo sinasadya?" Ano yun aksidente lang?
Hindi niya ba yun ginusto? So ibig sabihin kaya trip
niya lang yun?
"Ahm.. ano.."
"Trip mo lang ba yun ha?"
"Hindi! hindi.." ang gulo niya. Eh ano?
"Eh bakit mo nga ko hinalikan ah?"
"Gusto lang kita halikan." Parang namumula pa
siya nung sinabi niya yun.
"Eh bakit gusto mo ko halikan?"

"Ewan ko sayo! Ang stupid mo kahit kelan." Umalis
agad siya tapos pumasok na siya sa kotse niya.
Nakita ko yung tatlo sa loob kanina pa pala naka
tingin samin. Hala! Wag mong sabihin na nakikinig
sila? Nag wave sakin sila Ginno tapos si Troy tinaas
niya yung dalawa niyang kamay tapos parang
pinag ki-kiss niya. Waaaa! Oh My G! No way!
Narinig nga nila! Shete.
Pumasok agad ako sa loob ng bahay. Humiga ako
sa kama ko. Waaa nakakahiya naman. Narinig nila
Troy, anong gagawin ko neto.
Tska ano ba namang klaseng sagot yung binigay
sakin ni Jeydon? Na stupid pa ko. Malay ko ba kasi
kung bakit hinahalikan ng lalaking kagaya ni
Jeydon yung isang babae. Eh playboy nga siya di
ba? Habulin ng mga babae. Panigurado naman ako
na madami na siyang nahalikan kaya wala lang
yung kiss namin na yun. Kaso bakit ang big deal
naman sakin?
May kiss naman din kami ni Marky ah? Yung sa
may janitors room. Kahit hindi ko alam yun, ayun
pa din naman first kiss ko eh. Huhu!

"Candice."
"Ate Serina? Anong ginagawa mo dito?"

"Ininvite ko siya baby. Kelangan ready ka bukas sa
pageant nuh. Kaya tuturuan ka ni Serina ng mga
tamang gagawin bukas."
Oo nga pala, model si Ate Serina kaya matuturuan
niya talaga ako tska alam ko sumali na din siya sa
mga beauty contest dati.
"I'm so excited to teach you Candice!"
"Hehe sana ako din excited.."

Grabe isang oras ako pinaglakad nila Ate Serina
gamit yung six inch stiletto niya. Parang mamatay
ata ako kapag suot suot ko to. Ang sakit sa paa
eh. May libro pa sa ulo habang nag lalakad ako
tapos kelangan hindi siya mahuhulog. Pambihira
naman! Mas madali pang mag solve ng mga
problems sa trigo at calculus eh. Buti na nga lang
talaga naka survive ako sa practice namin.
Pagkatapos nun, iniwan naman kami ni Mama dito
sa kwarto ko.

"Ate Serina, ang hirap pala mag heels nuh?"
"Masasanay ka din. Manunuod ako sayo bukas.
Galingan mo ha?"

"Hehe thank you Ate.. Ahm Ate Serina may tanong
ako sayo.." Sigurado naman ako masasagot niya
yung tanong ko eh.
"Sure, what's that?"
"Ahm.. kapag ba hinalikan ka ng lalaki ibig sabihin
gusto ka niya?"
"That depends.. The way he kiss you, it really
depends on the situation."
"Paano kapag isang bad boy slash play boy slash
chick magnet yung humalik sayo?"
"You know Candice kahit na isa pang
Casanova yung humalik sayo, if you feel that
MAGIC FEELING. It's like every moment is in
slow motion, if you feel that there's just the
two of you at that moment and if your heart
beats so fast. There is something to that
kiss."

Bakit ganun? Parang na describe ni Ate Serina
lahat ng naramdaman ko nun.

"And remember Dj and Kath's Movie? Kapag nakita
mo siya tapos nag slow motion yung paligid. Ay
nako.."

"It Must be love!" Natawa kami ni Ate Serina
kasi sabay pa kami mag sabi nun.

Kaso.. bakit ganun? Parang mali ata..
Bakit kay Jeydon ko naramdaman yun? Bakit
sakanya? May gusto ba ko sakanya?
Kay Marky ako may gusto di ba? Dapat kay Marky
ko yun maramdaman hindi kay Jeydon. Huhu kaso
yung slow mo na yun, dalawang beses ko na
naramdaman yun at kay Jeydon pa.
"Candice andyan na si Drew, friend ko. I need to
go na."
"Okey Ate samahan na kita sa baba."
Nagpaalam lang si Ate Serina tapos hinatid ko na
siya sa labas. Nagulat naman ako kasi nasa labas
din pala si Kuya Charles, nagyoyosi.
Bumaba yung Andrew na friend ni Ate Serina.

"Hi Drew, si Candice nga pala."
"Hello po."
"Hi! So paano tara na Serina?" Napatingin ako kay
Kuya Charles, hindi naman maipinta yung mukha
ni Kuya. Lumapit siya samin.
"Hoy teka, san mo dadalhin si Serina?" Uh-oh. I
smell someone is jealous.
"Sino siya Serina?"
"He's my friend, He's name is Charles. Charles si
Andrew."
"Boyfriend mo?" Bah yan! Obvious much magselos
Kuya?
"It's none of your business Charles." Kumindat
muna siya kay Kuya. "Bye Candice!" Tapos umalis
na sila.
"Tss. Ipagpapalit na lang ako sa panget pa. Mas
maganda pa nga kotse ko sakanya eh! Mag sama
sila!"
Naka tingin lang ako kay Kuya Charles.
"Bakit?"
"Ganyan ka pala mag selos nuh?"

"So what? Tss."
"Ay Kuya may tanong ako.."
"Ano?"
"Nung nakita mo ba si Ate Serina nag slow motion
yung paligid?"
"Kolokohan!"
Ibig sabihin hindi naman pala totoo yun..

"Oo nangyari yun dati.."

Waaaa! Lintek kasing Slow motion yan eh. Wala
bang fast forward para makita ko na agad yung
future? O kaya naman pause para mag process
muna siya sa utak ko? >.<
45: Ms. Campus

"Ready ka na?"

Ready? Ano yun? Nakakain ba yun? Huhu.

"Sir Jason, kinakabahan ako eh."

Napatingin silang lima sakin. Ang sama ng tingin,
ano magagawa ko? Eh sa kinakabahan talaga ako
eh. Tsamba lang naman ako nung Pre-Pageant eh.
Huhu pwede pa ba mag back out?
"Candice, nag practice na tayo sa paglakad mo di
ba? Wag kang kabahan." Inaayos ulit ni Ate Serina
yung mga susuotin kong damit, accessories tska
sapatos, hindi lang basta sapatos. High heels, mga
six inch lang naman.
"Alam mo Candice, after ka namin lagyan ng make
up ni Salt, it will boost your confidence." Inayos
naman ni Pepper yung buhok ko habang si Salt
nilalagyan ng glitters yung katawan ko. Wish ko
lang hindi ako mangati mamaya. Sana nga ma
boost talaga.
"And don't forget na napaka dami mong supporters
mamaya Candice! Ako yung number one na mag
cheer sayo!" May hawak pang pom poms si
Tiffany. Dapat hindi pa siya uuwi ng pinas pero
umuwi daw talaga siya para ma suportahan niya
ko. Ang sweet talaga niya, may pasalubong pa siya
sakin na libro.

"Yes, kaya Candice wag ka ng kabahan."
"Hays, okey po Sir Jason. Thank you talaga sa
inyo." Buti na lang nandyan sila para suportahan
ako. Sila Mama at Yaya hahabol daw mamaya, nag
ba-bake pa kasi sila ng sandamakmak na brownies
para sa buong Section Eleven tska samin. Akala
mo naman mananalo ako.
Isang oras na lang mag sisimula na yung Pageant.
Half day lang yung class ngayon dahil sa Ms.
Campus kaya for sure madaming manonod
mamaya. Wish ko lang hindi ako mag kalat
mamaya. Mas nakaka kaba pala ngayon kesa sa
Pre Pageant. Kamusta naman yun walo na lang
kami? Huhu.
Lahat sila todo ayos sakin. Pati mga susuotin ko
mamaya ayos na ayos. Yung Section Eleven nasa
ibang room may surprise daw kasi sila sakin. Ang
dami nilang alam pero excite akong malaman kung
ano yun.
Nung natapos na kami mag ayos parang hindi ko
na nakilala yung sarili ko. Ang taray ng lola mo!
Long black dress na high cut na kita yung hita.
Medyo fitted pa siya kaya may curve talaga. Puro
silver accessories, mula sa necklace, earrings tska
bracelet. Tapos kamusta naman yung 6 inch heels
ko? Grabe huhu sasakit na naman paa ko. Tiis
ganda ba talaga kapag sasali ka sa mga beauty

contest? Sana last ko na tong sasalihan. Ayaw ko
na po.
"Ang ganda ganda mo Candice! Pak na Pak!" Sabi
ni Sir Jason.
"Grabe nganga silang lahat sa beauty mo Candice!
Buti na lang success yung ayos namin sayo ni
Pepper." Nag apir pa silang dalawa.
"Yeah! That's my girl. You're so beautiful and
gorgeous Candice."
"Thank you, Thanks Ate." Humarap ulit ako sa
salamin, ang ganda ko nga. Super layo ko na
talaga sa dating ako.
"Pupuntahan ko na muna yung Section Eleven.
Goodluck my pretty best friend."
"Thanks Tiff." Tama kaya ko to. Aja!

Dumeretso na kami sa stage baka ma late pa kami
eh. Habang nag lalakad kami sa corridor nag
titinginan sakin yung mga studyante. Hays
nakakahiya, baka napapangitan sila sa suot ko!
Huhu kamusta naman yun? para na nga kong
natutunaw sa tigin nila.

Bago pa kami maka deretso sa stage lumapit
samin yung buong Section Eleven.
WOW.
Naka suot sila ng shirt na may mukha ko. San nila
nakuha yang picture ko? Buti na lang maayos yung
itsura ko dyan, huhu. May hawak din silang
pompoms! Haha muntik na akong matawa. Tapos
may dalawa pa silang drums. Akala mo mag chicheer lang sa basketball eh. Ang laki pa ng benner
nila, may tarpaulin pa. Nakalagay 'GO
CANDICE!' tapos may drawing pa ng mukha ko.
So ayan pala yung surprise nila? Waaa touch
naman ako. >.<

"Thank you Section Eleven."

"Wala yun! Ikaw pa malakas ka samin eh!"
"Number one supporters mo kami!"
"Kaya mo yan Candice! Andito lang kami!"

"Thank you boys! Nakakatuwa naman na may
unity na kayo.. and because of that dadalian ko
ang exam ng Section Eleven para sa Second
quarterly exam!"

Lahat sila tuwang tuwa sa sinabi ni Sir Jason.
Natawa naman ako. Nakakatuwa din kasi kung
iisipin yung dating section na magulo, at
nabansagang section na puro barumbado, eh
tignan mo naman ngayon di ba? Nag kakaisa na
sila. Taray!
Teka nga pala, asan na yung apat? Si Jeydon,
Troy, Ginno at Six?
"We need to go. Boys lakasan niyo cheer niyo ha!
Ten percent ang audience impact."
"Yes Sir!"
Pumunta na kami sa back stage. Sakto naman
yung dating namin medyo maaga pa nga kung
tutuusin. Nakita ko na din yung ibang contestants.
Nginitian agad ako ni Margot nung nakita niya ako,
kasama niya yung Powerpuff girls. Iniwas ko na
lang agad yung tingin ko dun sa tatlo kasi parang
kakainin nila ko ng buhay eh.
"Candice, bakit ganun tumingin yung tatlong yun
sayo? Something wrong?" Tanong ni Ate Serina.
"Wala ate hayaan mo na lang.."
"If I caught them looking like that to you again, I'll
grab their eyeballs." Warfreak nga pala to si Ate

Serina, tska napaka protective niya din sakin
parang si Kuya Charles.
"Hehe yaan mo na lang po Ate."

"Okey Lumabas na yung mga kasama ng
contestants, the pageant will start in fifteen
minutes!"
"Goodluck Candice, nasa harap lang kami nila
Charles. Wag kang kakabahan." Goodluck talaga
sakin. Huhu!
"Opo Ate!"
"Goodluck Candice." Sabi naman sakin nila Sir
Jason, Pepper at Salt. "Babalik kami kada break."
Pag alis nila sakto naman na dumaan sa harap ko
si Abby, Naka dress siyang itim with glitters tapos
ang iksi nung dress, ang sexy niya sa suot niya.
Nakatigin lang siya sakin, nung naka upo na siya
sa upuan niya naka tingin pa din siya sakin. Naka
ngiti siya sakin, kaso hindi friendly smile, parang
nag tataray. Hindi ko na lang siya pinansin,
hinanap ko na lang si Margot.
"Hi Candice!" Naka suot siya ng dress na tube
tapos naka straight yung buhok niya.

"Hi Margot! Ang ganda mo naman."
"Hindi naman, ikaw nga eh. Ang ganda ganda mo.
Tska ang sexy mo sa suot mo." Bolera din siya eh
nuh?
"Sus parang hindi naman eh. Oo nga pala, salamat
ah kasi sinabi mo kay Ginno na tulungan ako sa
talent ko."
"Wala yun, tska kahit hindi ko sabihin tutulong pa
din yun. Mabait naman yun eh, maloko lang
talaga." Naalala ko tuloy silang dalawa ni Six yung
palaging nang aasar sakin dati nung nerd pa ko
pero ngayon naman ang bait na nila sakin. Mabait
naman talaga sila maloko lang talaga.
"Goodluck satin, kahit hindi ako manalo basta ikaw
yung manalo okey na sakin." Nginitian niya ko tska
niya hinawakan yung kamay ko.
"Ako din Candice ganun din yung gusto kong
mangyari. Mas gusto kong ikaw yung manalo kesa
kay Abby." Nagtawanan kaming dalawa, para
namang narinig ni Abby yung pinag uusapan
namin kasi tumayo siya tapos pumunta siya sa
harap namin ni Margot.
"Wag na kayong umasa na mananalo kayo.
Ako at ako lang ang may karapatan na
maging Ms. Campus. Get it?"

Hindi na lang kami nag salita ni Margot. Eh di siya
na talaga. Sabi ko nga extra lang kami dito tapos
siya yung bida eh.
"Okey contestants line up!"
Buti na lang tinawag na kami. Umalis na naman si
Abby sa harap namin pero bago yun, umirap muna
siya. Tumayo na kaming walo tapos pumila na
kami. Okey this is it pancit. Kinakabahan na ko.
Unang lumabas sa stage yung third year na babae.
Ang lakas ng palakpakan ng mga tao. Mas lalo lang
akong kinabahan. Sumunod yung apat pang
contests. Kami pala ni Margot tska ni Abby yung
natira sa likod. Last na naman ako. Nauna lumabas
si Margot, todo cheer din sakanya yung mga tao.
Naiwan tuloy kaming dalawa dito ni Abby,
nakatalikod siya sakin pero feeling ko nakairap pa
din siya. Nung lumabas na siya grabe siya yung
pinaka malakas na cheer. Crowd favorite talaga
siya.
"Last but not the least, contestant number
Nineteen."
Unti unti kong nilakad yung paa ko. Kinakabahan
ako pero hindi naman ako nanginginig. Dapat mag
relax lang ako. Tama relax and stay focus.

Paglabas ko sa stage nakita ko na yung mga tao.
OMG lang, ang dami nila, buong school ata
nandito. Ang ingay nila, mas malakas pa sa cheer
kay Abby. Nabibingi tuloy ako. Napatingin ako sa
harap, limang judge yung nakita ko kasama yung
School Director. Nakita ko na din sila Ate Serina sa
harap kasama sila Sir Jason tska si Kuya Charles
din. Nandun na din si Mama at Yaya, kumay sakin
sila Mama. For sure ang saya saya ni Mama na
makita akong nakasali sa beauty pageant. Nandun
naman sa kabilang side yung buong Section
Eleven. Todo cheer sila tapos parang leader nila si
Tiffany. Hindi ko pa din makita yung apat, asan na
kaya yun? Pati si Marky hindi ko makita..
Dumeretso ako sa microphone.
"You only live once but if you use it well, once is
enough. Candice Gonzales nga pala ang Kathryn
Bernardo ng Section Eleven."

Lahat sila nag palakpakan. Pambihira anong
speech ba yun pang comedy. Huhu si Ate Serina
kasi nag isip nun eh. Dumeretso ako sa likod
tumabi ako kay Abby. Naka ngiti na siya sakin,
feeling ko plastic lang yung ngiting yun. Ngumiti
na lang din ako tska ako nag wave.

Pinabalik naman agad kami sa likod ng stage
habang may production number yung mga first
years. Sports wear yung next, bumalik naman sila
Sir Jason para ibigay sakin yung susuotin ko. Pang
basketball yung theme namin. Pagkapalit namin
pinabalik na kami agad sa stage. Medyo nawala na
yung kaba ko kasi hindi na ko naka high heels.
Paglakad ko lahat naman sila nag che-cheer sakin.
At sa wakas, nairaos ko naman ng maayos yung
lakad ko na yun. Okey talaga talaga kapag hindi
naka heels eh. Next na yung mag susuot kami ng
night gowns namin. Dun lang ako kinabahan kasi
mag high heels na naman ako. Huhu!
Nag bihis agad ako para maayusan pa ako nila
Pepper at Salt. Pagkatapos nila akong ayusan
sakto naman na dumating sila Troy.
"Wow Candice ang ganda mo!"
"Thanks Troy.." Nag smile ako sakanya tapos
napatingin ako kay Ginno na naka tingin naman
kay Margot. Ha! Huli ka balbon. Lumapit ako kay
Ginno.
"Ang ganda ng girlfriend mo nuh." Binulong ko
lang yun sakanya baka kasi hindi pa alam nila Troy
yung about sa kanila ni Margot. Nag blush naman
si Ginno sa sinabi ko. Sakto napatingin samin si
Margot kaya nag ka tinginan yung dalawa. Haha!
Cute nila.

"Candice, ang ganda ng damit mo. Ang hot mo
dyan!" Pagkasabi pa lang nun ni Six binatukan na
siya agad ni Troy.
"Hoy Six! Wag mo mga manyakin si Candice!"
Tapos nagtawanan sila, grabe to si Troy,
minamanyak agad? Hindi ba pwedeng pinupuri
lang? HAHA! Napansin ko naman si Jeydon sa may
sulok, problema nun? nilapitan ko nga.
"Hoy Doraemon!"
"Yah! Wanna die?" Favorite niya yung line na yun
eh nuh. Haha ang cute niya kapag inaasar ko
siyang Doraemon, nag mumukha siyang pusa.
Meow.
"Maganda ba yung suot ko?"
"Oo maganda ka.." Ang hina nung pagkasabi
niya hindi ko din na gets.
"Anong sabi mo?" Siguro nilait niya ko.
"Sabi ko ang ganda ng damit, panget nga lang
yung nag susuot!" Sabi na nga ba eh!
"Wee ang yabang mo! Porket gwapo ka.."
"Ano?" Buti hindi niya narinig yung sinabi kong
gwapo siya.

"Wala! sabi ko mukha kang pusa! Haha! Meow!"
Mukhang magagalit na siya, tumakbo ako palayo
sakanya para hindi niya ko mabugahan ng apoy.
Kaso nawala sa isip ko na naka heels pala ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi hindi
ako nasubsob sa sahig o hindi. Kasi naman, sinalo
ako ni Jeydon tapos ayun ang lapit na naman
namin sa isa't isa. Hindi ko naman maiwasang
tumigin sa mata niya. Napalunok na lang ako kasi
bumilis na naman yung tibok ng puso ko.
"Sabi ko sayo mag iingat ka eh."
"Eh?"
Inayos ko agad yung sarili ko nung na feel ko na
papalapit na sila Troy samin.
"Uy kayo ah? Ano yan?"
"Ha? Pinagsasabi mo?" Tapos tumawa sila nila
Ginno.
"Bakit namumula ka Candice?"
Weee? Di nga? Napahawak ako sa pisngi ko. Bakit
hindi ako mamumula eh may make up ako. Argh!
Loko to si Six ah.
"Ewan ko sa inyo. Maka alis na nga." Naramdaman
ko ngang mag init yung pisngi ko. Pambihira!

Umalis na ko dun. Tss trip na naman nila kami ni
Jeydon. Hays, bakit ba bumibilis yung tibok ng
puso ko kapag malapit ako kay Jeydon? Kaya nga
ako lumapit sakanya para mawala yung kaba ko
kasi alam ko aasarin niya ko eh.
"Candice mag line up ka na.. Goodluck"
"Thanks Sir Jason."

Nakapila na kami. Hindi ko makausap si Margot
kasi nasa gitna namin si Abby eh. Pag lumilingon si
Margot sakin parang tinatarayan siya ni Abby kaya
napapa iwas siya ng tingin sakin.
Nag salita na yung emcee. Isa isa na silang
pinalabas. Kaya ko to, nakaya ko na to dati eh.
Huhu! Fighting!
Nung ako na yung maglalakad, todo cheer na
naman yung Section Eleven. Sobrang bilis na ng
tibok ng puso ko sa kaba. Parang nanginginig na
tuloy ako. Naglakad na ako, okey inhale, exhale.
Relax at focus. Nung malapit na ko matapos
medyo naka hinga na ako ng maayos. Akala ko
okey na lahat kaso..
Nadapa ako.

Ang sakit ng paa ko pati ng tuhod ko. Narinig ko
na biglang tumahimik yung mga tao. Kung kanina
nabibingi ako sa ingay nila, ngayon naman
nabibingi ako sa katahimikan. Ano ba tong ginawa
ko? Malapit na eh, ayun na yun eh. Bakit nadapa
pa ako! Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Narinig ko na
yung mga tao, nag bubulungan sila, yung iba nag
tatawanan pa. Ha! Siguro pinag tatawanan nila
ako, huhu! Naramdaman ko na yung luha sa gilid
ng mata ko, malapit na siya pumatak. Ayoko na,
bakit ba kasi pumayag pa ko na sumali dito? Hindi
naman ako bagay dito. Tama si Abby eh, siya yung
bagay na maging Miss Campus hindi yung katulad
ko..

"Hoy Betty! Tumayo ka nga! Wag mong
ipahiya yung Section Eleven."

Alam ko kung kaninong boses yun. Siya lang
naman yung tumatawag sakin na Betty eh. Naisip
ko bigla sila Sir Jason, si Mama, si Yaya, si Kuya
Charles, si Ate Serina, si Tiffany, si Marky at yung
buong Section Eleven. Todo suporta sila sakin,
tama si Jeydon dapat hindi ko sila ipahiya. Dapat
hindi ako sumuko, nadapa lang ako. Ginawa ko
lahat para makatayo ako. Tinuloy ko yung
paglalakad ko tapos pag lingon ko sa audience

ngumiti lang ako na para bang walang nangyari
kahit ang sakit na ng paa ko.
"Go Candice!"
Lahat sila nagpalakpakan. Nag ingay na naman
yung buong Section Eleven. Tinignan ko sila
Tiffany, naka okey sign sila sakin. Hinanap ko si
Jeydon pero hindi ko siya makita.
"That's the spirit!" sabi nung emcee.
"Yes, that is so brave of her."
"And that is our contestants wearing their beautiful
evening gown."
"Next is our talent portion, Alam ko lahat kayo
excited na but let's have a quick fifteen minutes
break."
Pagkasabi nun ng emcee dumeretso na kami sa
likod. Tinabihan naman agad ako ni Margot.
"Okey ka lang ba Candice?"
"Oo, Salamat.
"Buti naman, sige mag prepare pa kami nila
Blossom."
"Sige." Dumeretso agad siya kala Blossom.
Dumating na din yung backup dancers ko.

"Candice okey ka lang ba?" Hinawakan ni Troy
yung balikat ko, alalang alala siya sakin. "Baka
nagalusan yang binti mo?"
"Okey lang ako nuh!" Tinignan ko yung binti ko,
wala namang galos pero namumula nga lang.
"Teka papalit muna ako."
Dumeretso ako sa dressing room tapos nag palit
ako. Naka white na damit ako, tapos yung apat
parang Jabbawockeez lang yung peg. Ang gwapo
nila tignan sa suot nila, ang angas pa ng dating
nila.
Nasa likod pa din kami ng stage. May TV sa likod
para mapanuod nung ibang contestants yung
talent nung contestant na nasa stage ngayon.
Yung unang umakyat ng stage yung third year
student. Nag ballet dance siya tapos may partner
siya na lalaki. Yung next naman nag acting, yung
isa nag rap tapos may pitch perfect pang
performance. Nanunuod lang kaming lima, nung
natapos na yung pang limang contestant, si Margot
na. Tinignan ko si Ginno, feeling ko sa loob loob
niya gusto niyang i cheer si Margot. Hehe.
Sumayaw sila, My Boy ng sistah. Ang lambot ng
katawan nila lalo na si Margot. Naka sando sila
tapos naka short tapos naka boots. Ang sexy pala
ni Margot! Witwew.

"Dancer din ba si Margot?"
"Ah oo mag ka grupo kami dati."
"Dun kayo nag kakilala?"
"Ahm oo.. sa totoo lang crush ko na siya noon pa."
Nag bu-blush pa siya. Haha! Nakakatuwa naman.
"Aha! sabi na eh! Crush mo yung representative ng
section one!" Nagulat kami ni Ginno nung nakita
namin si Six, kanina pa pala siya nakikinig samin.
"Girlfriend niya na kaya si Margot!" Pati si Troy at
Jeydon napatingin sakin. Oppss sorry Ginno,
nadulas ako.
"Ginno bakit hindi ka nag sasabi samin ha!" Hindi
naman maka sagot si Ginno. Huhu kasi naman ang
ingay ko.
"Sorry Ginno.."
"Okey lang. Sa totoo lang matagal ko na din
gustong sabihin sakanila yung samin ni Margot.
Nauunahan lang ako ng takot."
"Ha? Bakit?"
"Kasi yung inaasahan ng lahat yung mga kagaya
nila Stacey yung mga nasa cheering squad. Sikat,
kilala, maganda tska sexy yung magiging Girlfriend
namin.. Eh si Margot kasi nasa cream section,

tahimik lang, low profile. Kaya kapag nalaman nila,
malamang aasarin nila ko."
"Dude! Ano ka ba? Kung saan ka masaya
susuportahan ka namin. Isa pa maganda naman si
Margot eh, bagay nga kayo eh."
"I agree." Sabi ni Troy.
"Eh di ayan alam niyo na.."
"AYIEEE!"
Sabay sabay kaming tatlo nila Troy inasar si Ginno.
Haha mas namula tuloy siya ngayon. Hindi na
namin namalayan na tapos na pala sila Margot.
Nung pagkababa ni Margot sa stage, tinulak bigla
ni Six si Ginno papunta kay Margot. Kaya ayun
nakapag usap din yung dalawa. Wala na naman si
Abby kasi nasa stage na siya. Ako kinikilig sakanila
ni Margot. Hehe!
"Uy teka panuorin na natin si Abby, balita ko
kakanta siya.." Hmm mukhang may kakaiba dito
kay Six, may gusto ba siya kay Abby? Updated eh.
Naka upo na si Abby may hawak siyang gitara.
Wow kakanta nga siya. May isa pang upuan,
kanino kaya yun?
Nung nalaman ko kung sino yung kasama ni Abby
na kumanta parang sumikip bigla yung dibdib ko..

Si Marky..

Ouch! >.<
Alam mo yung pakiramdam na nag seselos ka?
Alam ko wala akong karapatan pero yun talaga
yung nararamdaman ko eh. Hindi ko siya boyfriend
pero siya yung Prince Charming ko..
Nag gitara na si Marky. Lucky yung kakantahin
nila. Ouch love song talaga..
Hindi naman ako girlfriend ni Marky kaya hindi
dapat ako ganito. Kaso wala eh, parang nag
seselos talaga ako. Bagay kasi si Abby at Marky.
Napaisip tuloy ako, kami kaya ni Marky, bagay
din?
"Candice, tara tayo na yung susunod dyan."
Tumayo na ko. Pagkatapos nila Abby
nagpalakpakan naman yung mga tao. Na distract
ako dun pero dapat mag focus ako sa kakantahin
ko mamaya.
Umakyat na yung apat, bago pa ko makaakyat
sakto naman na bumaba sila Abby. Nagka
salabong kami ni Marky tapos hinawakan niya
yung kamay ko.

"Goodluck Candice. Galingan mo."
"Thank you Marky.."
Hays, nawala na yung kirot na naramdaman ko
kanina. Makita ko lang siyang ngumiti sakin okey
na ko. >.<
Dumeretso ako sa gitna ng stage. Nakatalikod
yung apat sa audience. Wow ha? May pa
mysterious effect pa sila. Nag play na yung music..

[Shape of my Heart - Backstreet Boys]
"Hmm, yeah, yeah.. Baby, please try to forgive
me"
Nag cheer na naman yung Section Eleven.
"Stay here don't put out the glow
Hold me now don't bother if every minute it makes
me weaker
You can save me from the man that I've become,
oh yeah"
Bigla namang humarap yung apat. Grabe sobrang
ingay ng mga tao. Yung mga babae nag wawala sa
kilig. Dinaig pa ata yung cheer ng Section Eleven.
Sabay sabay na kami dito sa part na to..

"Lookin' back on the things I've done
I was tryin' to be someone
I played my part, kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart"
"Waaa ang gwapo ni Jeydon!"
"Kyaaa! Ang cute ni Troy!"
"Ang sexy nila Ginno at Six!"
Nagpalit na ng song..
[I want it that way - Backstreet Boys]
"Yeah.. You are my fire..
The one desire, Believe when I say
I want it that way
But we are two worlds apart
Can't reach to your heart
When you say
That I want it that way"

Pumunta sa harap ko yung apat tapos sumayaw
sila, tapos sabay na naman kami..
"Tell me why
Ain't nothin' but a heartache
Tell me why
Ain't nothin' but a mistake
Tell me why

I never wanna hear you say
I want it that way"
Nag palit ulit kami ng position tska ng kanta..

Okey last song na..

[As long as you love me - Backstreet Boys]

Nung pagka palit ng kanta, napatingin ako sa isang
lalaki. Yung lalaki na sobrang pamilyar sakin. Yung
lalaki na hindi ko na gusto pang makita. Yung
lalaki na tatlong taon na kong kinalimutan..
May biglang kumirot sa puso ko.
Bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon ko pa siya
makikita? Bakit siya andito? Anong kelangan niya?
Bakit? Lahat tuloy ng sakit naramdaman ko na
naman dahil nakita ko ulit siya after three years..
Napansin ko na lang hinihintay na pala ako ng
audience na kumanta. Napansin ko na lang din na
wala na kami sa timing ng kanta, hindi ko na
nakanta yung first phrase tapos umiiyak na ko..

Bigla na lang may humila sakin, tinalikod niya ko
sa audience. Hinarap niya ko sakanya. Nakita ko
na naman yung brown niyang mata. Sakto nag
play yung Chorus..

"I don't care who you are.. Where you're
from.. What you did.. As long as you love me.."
Anong ginagawa niya? Bakit parang bumilis yung
tibok ng puso ko..
"Who you are.. Where you're from.. Don't care
what you did.. As long as you love me."

Narinig ko na ulit na nag ingay yung mga tao.
Yung iba parang kinikilig pa. Anong ginagawa ni
Jeydon? part ko yun di ba? Sinalo niya yuny part
ko.. Sinalo niya para hindi ako mapahiya.
Pinunasan niya yung luha sa mukha ko, ngumiti
siya sakin tapos hinarap niya na ko. Hinawakan
niya yung kamay ko tapos nag bow na kami.
Tapos na..
Lahat naman sila nag palakpakan..

"Candice anong nangyari sayo?" Feeling ko wala pa
din ako sa sarili ko kahit nasa backstage na kami.
"Sorry guys.." Nakakahiya yung ginawa ko.
Nagkalat na naman ako. Okey na sana eh,
maganda na.. nakita ko pa si Papa.
"Wala yun, kinilig pa nga sila sa ginawa niyo ni
Jeydon eh. Mas okey pa nga yung ending na
ginawa niyo ni Jeydon." Tuwang tuwa si Ginno kasi
successful yung prod namin. Hinanap ko si Jeydon
pero wala na siya.

"Candice.."
"Sige Candice una na muna kami ah." hinawakan
muna ni Troy yung balikat ko bago sila umalis nila
Ginno.
Nilingon ko yung tumawag sakin.
"Bakit nandito ka?"
"Your umma told me about the pageant so I
decided to support you." Bakit pa sinabi ni Mama?
At ako susuportahan niya?
Kalokohan! [Umma=mother]

"I don't need you." I said it straight to his face.
Alam kong mali na sabihin ko yun sakanya pero
wala na kong pakialam. Galit ako sakanya.
"Candice don't be like that to me. I'm still
your Appa. I know your mad at me..
Mianhe." [Appa=father / Mianhe=Sorry]
Haha! Sorry? Ganun na lang yun? Pagkatapos ng
lahat, Sorry lang? Hindi ko mapigilan na maiyak sa
galit.
"Candice!" Nakita ko sila Kuya at Mama na
papalapit samin.
"Chris! Anong nangyayari dito?"
"I'm just talking to Candice."
"Pwede ba Papa wag mo nang guluhin si Candice.."
Tinabi ako ni Kuya Charles sa likod niya, galit na
galit siya. "Umalis ka na."
"Charles wag ka namang ganyan sa Papa mo."
"Mama bakit mo pa ba siya kinakampihan? Eh
niloko ka nga niya eh, ang malupit pa sa best
friend mo pa. What a jerk!"
Muntik ng pagtaasan ng kamay ni Papa si Kuya
pero hindi din naman niya tinuloy. Napansin ko
nagtitinginan na samin yung mga tao.

"Bakit hindi mo ituloy ha?"
"Dont dare me Charles."
"Haha! Why? Takot ba?"
"Im still your father! Anak ko pa din kayong
dalawa ni Candice. And don't worry I'm just here
for Candice!"
"Tama na! Pwede ba? Wag niyo nang guluhin
yung tahimik kong buhay!"

Kinuha ko yung bag ko, inalis ko yung heels ko
tska ako tumakbo palayo. Malayo sakanila..
malayo kay Papa. Malayo sa katotohanan na sira
na yung pamilya ko, na hindi na kami mabubuo,
kahit kailan hindi na matutupad yung pangarap ko
na magkaroon ng masayang pamilya..
Huminto ako sa corridor na pinagtatambayan
namin ni Tiffany. Wala na kong pakialam kung
masira ng luha ko yung make up ko. Wala na din
sa isip ko yung pageant. Pageant para sa
magaganda..
Nakakatawa nga eh, hindi ko naisip kahit minsan
na gaganda pa pala ko, na makakasali ako sa
isang beauty pageant.

Kinuha ko sa bag ko yung eye glasses ko. Yung
malaking salamin na suot suot ko dati nung isa
lang akong hamak na Nerd, Nobody, Manang at
Forever alone. Sinuot ko ulit siya.
Na miss ko tuloy yung tahimik kong buhay noon,
yung wala akong inaalala, iniisip ko lang kung
paano i sosolve yung mga math problems ko. Yung
walang pumapansin sakin, walang mga matang
naka tingin sakin kapag mag lalakad ako sa school.
Yung malaya akong gawin kung anong gusto ko.
Takte naman kasi na make over pa ko. Natawa
tuloy ako, ginusto ko to eh.
Paano kaya kapag bumalik ulit ako sa dating ako?
Yung nerd na panget na walang pumapansin..

"Para kang baliw."
Inangat ko yung ulo ko tapos nakita ko si Jeydon.
"Haha! Alam ko.." Pinunasan ko yung luha ko. Bah!
kasi naman yan iyak tawa na ko eh.
"Problema mo?"
"Wala.. hoy nga pala! bakit mo ginawa yung
kanina? pinunasan mo pa yung luha ko.." nahiya
ako bigla kaya umiwas ako ng tingin.

"Wala lang, para naman hindi masayang lahat ng
practice natin tapos sisirain mo lang.. haha!"
"Sorry naman..."
"Bakit hindi ka na bumalik dun? Mag sisimula na
yung pageant.."
"Para sa pa? hindi naman para sakin yun.."
"Alam mo mas bagay sayo kapag ganyan yung
itsura mo.."
"Ha? may malaking salamin sa mata?"
"Oo, mas okey ka kapag ikaw si Betty.." tinignan
ko lang siya. Hindi ko alam pero napangiti ako sa
sinabi niya. For the first time hindi ako nainis na
tinwag niya akong Betty, parang natuwa pa ako.
"Jeydon tingin mo ba may mag kaka gusto pa din
sakin kapag bumalik na ko sa dating ako? Yung
nerd na panget, yung may malaking salamin, yung
buhaghag yung buhok, yung mamang manamit.."
Nababaliw na nga ako, sa lahat ba naman ng
pagtatanungan ko si Jeydon pa? Pag tatawanan
lang ako nyan eh.
"Kung gusto ka talaga ng isang tao
tatanggapin ka niya kahit ano ka pa. Kahit

ikaw pa yung pinaka panget na tao sa
mundo."
Napatingin lang ako sakanya. Hindi ko inaasahan
yung sagot niya. Ang seryoso ng sagot niya sakin.
"Minsan feeling ko hindi ako to.. gusto kong
bumalik sa dati pero paano kapag hindi na nila ko
magustuhan? Haha.. nakakatawa nuh.."
Tumahimik lang kami saglit. Tumayo siya pero
bago pa siya maka alis may sinabi muna siya
sakin..

Tumakbo ako papunta sa stage, sana hindi pa ako
huli. Gusto kong makahabol, ang stupid ko. Hindi
ko dapat biguin yung mga taong sumusuporta
sakin.
Sakto naman ako kasi kakatawag pa lang sa
pangalan ko. Umakyat agad ako ng stage, lahat
sila nagulat nung nakita ko pero wala akong paki
alam. Pumunta agad ako dun sa dalawang emcee
tapos bumunot agad ako ng tanong. Pag ka abot
ko sa isang emcee yung tanong parang gulat pa
din siya pero kinuha pa din niya yung papel tska
niya binasa.

"Uhm.. okey contestant number Nineteen. Eto
yung tanong mo.."
Nakatingin pa din siya sakin, actually lahat sila.
Lahat nag tataka.
"Anong katangian ang dapat meron ang isang
Ms. Campus?"
Parang nakalaan talaga sakin yung tanong na yun.

"Una sa lahat alam kong nagtataka kayo kung
bakit ganito yung itsura ko. Bakit may malaking
salamin ako sa mata, bakit wala akong make up at
bakit hindi ako nala heels.."
Huminga muna ako ng malalim.
"Para sakin bilang isang Ms. Campus hindi
dapat puro ganda lang yung meron ka. Dapat
maging huwaran ka sa iba, maging
inspirasyon ka para sa iba. Gusto kong
patunayan na kahit ganito yung itsura mo
may karapatan ka pa din na sumali sa mga
beauty pageant kasi yung ganda naman
nakikita yun loob hindi sa pang labas na
itsura. Yung ganda ng isang tao nakikita yun
sa mabait niyang puso."

Lahat sila nakatingin sakin, alam ko mahaba na
yung sinabi ko pero hindi pa din naman nila ko
pinipigilan..
"Hindi mo kaylangan maging maganda, hindi
mo kaylangang mag bago para magustuhan
ka ng mga tao.. Kaylangan mo lang maging
totoo sa sarili mo."

Yan yung sinabi sakin ni Jeydon.
Yan yung sinabi niya sakin na nag panalo sakin.
Nag bigay sakin ng titulo para maging..

Ms. Campus 2012.
46: Celebration

"Candice gumising ka na anak may sundo ka na sa
baba oh.."
"Ma five minutes antok pa ko eh.." Istorbo naman
oh, sinong sundo ba yun? Antok pa ang lola mo.

"Bahala ka nga, sige pag hintayin mo si Marky sa
baba." Bah yan! si Marky lang pala eh..

MARKY?

"Waaaa! Seryoso?" Baka niloloko lang ako neto ni
Mama. Bakit naman ako susunduin ni Marky sa
bahay?
"Oo nga! Kaya mag handa ka na dyan, nasa baba
na siya hinihintay ka."
Puyat na puyat pa naman ako. Paano nag
celebrate pa kami nila Mama sa labas after nung
pageant. Hindi pa nga din ako makapaniwala na
ako yung nanalo eh. Akalain mo yun? natalo ko si
Abby, naaalala ko pa din tuloy yung mukha niya
nung ako yung inannounced na panalo. Parang
gusto niya na kong sabunutan eh. 1st runner siya
tapos si Margot naman yung second runner up.
Nung sinabing akong yung Ms. Campus, parang
nag wawala yung Section Eleven. Haha!
Tumayo agad ako sa kama ko. Muntik pa ko
madulas kakamadali ko papuntang banyo. Omg!
Bakit niya ko susunduin? Hindi man lang siya nag
papasabi. Eight minutes lang ako naligo, sobrang
bilis ko di ba. Nakakahiya naman kasi pag hintayin

si Marky. Ano naman kayang naisip nung lalaki na
yun at naisipang sunduin ako?

Dumeretso muna ako sa kusina, kumakain na si
Kuya, kumuha lang ako ng sandwich tapos nilagay
ko sa bag ko.
"Hoy manang, bakit nag mamadali ka?"
"Ah wala!" Mas mabuti ng hindi ko sabihin baka
mamaya magalit pa siya. "Sige bye Kuya."
Nagmadali na lang akong pumunta ng sala. Feeling
ko gusto ako kausapin ni Kuya Charles, siguro
tungkol yun sa nangyari kahapon kay Papa. Ayoko
masira yung araw ko kaya mas okey ng hindi na
lang namin yun pag usapan.
Pag dating ko naman sa sala nakita ko na si Marky
na naka upo sa sofa. Ang gwapo niya kahit side
view, parang si Jeydon. Hala! bakit pumasok bigla
sa isip ko yung abnormal na yun?
"Ahm.. Marky, bakit sinundo mo pa ko?" Humarap
siya sakin tapos ngumiti.
"Good morning beautiful." Waaa ang aga aga eh.
Eto talang Prince Charming ko. Huhu napaka
cheesy talaga niya.

"Good morning handsome." Heh! kala mo ikaw
lang ah? Ayan nag bu-blush tuloy ako.
"Ahm.. Tara?" hihi parang nag blush din siya, ang
cute.
"Ah okey wait paalam lang ako kala mama."
Pupunta na sana ako sa kusina kaso nagulat ako
nung nakita ko sila mama malapit sa sala.
Nakatago silang dalawa ni Yaya, nakikinig ata sila
sa pinag uusapan namin ni Marky.
"Ma? nakikinig ba kayo?"
"Ha? hindi nuh napadaan lang kami ni Yaya dito.
Sige na umalis na kayo.." Hindi daw nakikinig pero
alam niyang paalis na kami ni Marky. "Bye anak."
Sila Mama talaga pasaway, dumeretso na lang
kami ni Marky sa kotse niya. Pinagbukasan pa niya
ako ng pinto ng kotse pati seat belt ko siya pa nag
ayos. Napaka gentleman talaga ni Marky, sabagay
ganun naman talaga yung mga Price Charming di
ba?
"Palagi na kitang susunduin ah?" Tapos kumindat
siya sakin.
"Ahm, bakit mo naman naisipan na sunduin na ko
lagi?" pinaandar na niya yung kotse.

"We're dating, right?" napalunok ako dun.
Ansabe ng dating niya?
"Eh? ano di ba.. hindi pa pwede.."
"We're just dating, wala naman masama dun di
ba?" Kindat kindat pa siya. Sabi ko nga wala eh
>.<
Hanggang makadating kami sa school sinamahan
pa din ako ni Marky. Seryoso na ba talaga siya?
We're dating? OMG. Kaso hindi pa naman ako
pwedeng magka boyfriend tska ano na lang
magiging reaksyon nun ni Kuya Charles kapag
nalaman niyang dating na ang peg namin ni
Marky? parang ayokong isipin. Ay OA sabi nga ni
Marky, 'We're just dating'.
Habang naglalakad kami sa corridor napansin ko
pinag titingan kami ng mga tao. Teka parang ako
tinitignan nila eh, may dumi ba yung mukha ko?
"Hi Candice!" Binati ako nung schoolmate ko.
Ngumiti na lang ako sakanya kasi hindi ko naman
siya kilala eh.
"Hello Miss Campus!" may bumati na naman sakin.
Anong meron?
"Hi Ate Candice!" Kakaiba na 'to ah.

"Candice pwedeng mag pa picture kasama ka?"
Pareho kaming nagulat ni Marky dun sa first year
na lalaki. "Sige na oh! Kuya picturan mo naman
kami!"
Hala! Inutusan niya si Marky. Parang nairita tuloy
si Marky pero kinuha na lang din niya yung
cellphone nung lalaki. Kinuhanan niya kami ng
picture. Tuwang tuwa naman umalis yung lalaki.
"Sikat ka na ah."
"Ha? hindi nuh. Wala lang yun."
Habang naglalakad kami papunta sa room ko
biglang hinawakan ni Marky yung kamay ko.
Nagulat naman ako sa ginawa niya kasi ang
daming tao sa paligid namin. Hindi ba siya
nahihiyang hawakan yung kamay ko sa harap ng
madaming tao? Nakatingin nga din yung mga
studyante sa kamay namin na magkahawak eh.
Ano kaya nakain niya ngayon? O baka naman kasi
wala siyang nakain?
"Madami na siguro akong karibal sayo dahil ikaw
na yung Ms. Campus.."
Napatingin ako sakanayan. Huminto siya tapos
mas hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.
Nag init naman bigla yung pisngi ko.

"Hahawakan ko na lagi yung kamay mo para
hindi ka maagaw ng iba sakin.."
"Hehe bahala ka magaspang kamay ko eh."
"Haha! Ang cute mo talaga. Tara hahatid na kita sa
room mo?" Hinila niya ako papunta sa room ng
Section One. Hindi niya talaga bibitawan yung
kamay ko ah. Bahala nga siya sabi ng magaspang
kamay ko eh.
"Thanks Marky."
"Hihintayin kita sa Music Room mamaya ah?"
Kiniditan niya ulit ako. "Bye Candice.." Ngumiti
siya sakin bago umalis. Hays nakakatunaw naman
yung smile niya na yun. Hehe feeling ko busog na
ko kahit hindi pa ako nag breakfast.
"Hi Miss Campus!" Hala? Sino na naman yun? Pag
lingon ko nakita ko si Margot, akala ko naman
kung sino na. Mukhang masayang masaya siya.
"Hi Margot!" dumeretso kami sa upuan ko sa likod,
tinabihan naman niya ko. "Mukhang masayang
masaya ka ah?"
"Pinakilala na kasi ako ni Ginno sa buog Section
Eleven eh. Sabi niya hindi na daw namin kelangan
itago yung relasyon namin."

"Talaga? Taray! Ikaw na teh, haba ng buhok mo
oh.." Tumawa kaming dalawa pero nahinto din yun
kasi nag parinig si Blossom.

"Akalain mo nga naman, Girlfriend pala siya ni
Ginno? all along tahimik lang siya pero may
tinatago din pala siyang kalandian."

Tumayo ako, wala silang karapatan na awayin si
Margot. Kung ako yung aawayin nila kaya ko pang
palagpasin pero hindi ko kaya kapag kaibigan ko
na yung pinag uusapan.
"Candice hayaan mo na.." hinawakan niya yung
braso ko.
"Hindi, wala silang karapatan na tawagin kang
malandi."
"Ayoko na ng gulo. Please Candice." umupo na
lang din ako. Sabagay baka mas lalo lang gumulo
kapag pinatulan ko pa. Sumusobra na yung tatlong
yan.
"Sige papalagpasin natin to pero sa susunod hindi
na."

Ngumiti lang sakin si Margot, na awa tuloy ako
sakanya. For sure hindi siya sanay sa mga ganun.
Nakikita ko kasi yung sarili ko sakanya dati, sa
tahimik na buhay siya lumaki kagaya ko noon.
Feeling ko mas lumakas yung loob ko simula ng
manalo ako. Hindi dahil sa nag yayabang ako o
ano. Kaso pakiramdam ko na may napatunayan
ako. Kahit na simpleng studyante ka lang sa school
na to may karapatan kang lumaban. Haha! dami
kong alam.

Nag bell na, lunch time.

Aayain ko sana si Margot na kumain sa canteen
kaso pupunta nga pala akong Music Hall. Sakto din
naman kasi sabay na daw sila ni Ginno na kakain.
Bago ako makalabas ng room ang sama ng tingin
sakin ng Powerpuff girls. Sinamaan ko din sila ng
tingin, nagulat pa nga sila sa ginawa ko. Pagod na
kong palagi akong inaapi. Siguro naman kahit
paminsan minsan kelangan ko ding lumaban.
Fighting!
Papunta na akong Music Hall pero naka salubong
ko sila Stacey.

"Candice! Congratulations!"
"Thank you Stacey."
"Yung sa Tagaytay nga pala I'm really sorry about
that, sana hindi ka galit?"
"Ah hindi, okey lang." so hindi naman pala talaga
niya sinasadya, good to know.
"Anyways, Invited nga pala kayo mamaya sa bar
nila Troy."
"Ha? Bakit?"
"I'm going to announce something and to celebrate
your win." Celebrate pa talaga, at ano yung
announcement niya? pero teka... Hindi pa ko
nakakapunta sa bar!
"Teka Stacey.."

"See you later Candice. Bye!"

Oh no.

**

"Candice, okey ka lang ba?" bigla akong natauhan
sa boses ni Marky. Ano bang nangyayari sakin?
Masyado akong naging pre occupied simula kanina.
Naisip yung sinabi ni Stacey, mag ba-bar kami?
kasama pa talaga ako. Nakakahiya tuloy kay
Marky, kasama ko siya pero kung ano ano yung
naiisip ko.
"Sorry Marky, siguro inaantok lang ako."
"Sorry for waking you up early. Dont worry bukas
hindi ko na aagahan."
"Haha! Seryoso ka talaga na araw araw mo kong
susunduin?"
"Yeah. That's how much I like you."
"I like you too Marky pero hindi pa talaga ako
pwedeng mag boyfriend eh."
"It's enough for me na gusto natin yung isa't isa.
Yun naman yung importante di ba?" hinawakan
niya yung kamay ko. Pareho namin gusto yung
isa't isa.. tama naman siya di ba?
"So I guess, your unofficially mine?"

"Unofficially yours? Haha! parang movie ni Angel at
John Loyd lang ah."
"Haha! Kinda like that." hala kinda like that nga
talaga. Waaaa!
"Eh parang friends with benefits yun ah? Hala wag!
Bata pa ko nuh! Hindi pa pwede. MU MU lang."
Tumawa ng malakas si Marky na halos nag eecho
na sa buong Music Hall. May nakakatawa ba sa
sinabi ko? Eh ganun naman talaga sila Angel at
John Loyd eh.
"Alam mo kaya kita nagustuhan eh. You always
makes me laugh."
"So ano ako clown mo?" Hmp ganun pala tingin
niya sakin, dapat kumuha na lang siya ng clown o
kaya comedian.
"You're not my clown.. You're the girl I
like." Tumingin siyang deretso sa mata ko. Waaa!
Omaygash.
"We're not in a relationship but we act like one.
Sabihin na nating, Mutual Understanding. Okey?"
"Hmp! Okey. Dapat kasi nililinaw mo." Pahiya pa
tuloy ako eh. >.<
"So im unofficially yours and your unofficially
mine. Okey?"

Ano ba isasagot ko?
"Okey.."
"I'll pick you up later."
"Ha? bakit?"
"Sa party."
"Ah, wag na. Ayoko pumunta kayo na lang.." Hindi
ko feel pumunta dun. Hindi pa talaga ako
nakakapasok sa mga bar bar na yun at wala din
naman akong balak. Mas okey pa basahin ko na
lang yung bigay na libro sakin ni Tiffany.
"I want to come with you.. please Candice?" tapos
nag puppy eyes siya. Ihh ang cute naman niya,
ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Amp paano
na ko tatanggi neto?
"Okey sige.."
Bahala na nga huhu. Sana hindi ako ma out of
place dun mamaya. Wala naman akong alam dun.
Hinatid na ko ni Marky sa room ko. Classmate ko
nga pala ngayon si Jeydon. Hinanap ko si Margot
pero wala siya. Mag isa lang tuloy ako dito sa
likod.
Dumating na si Sir, sakto din na dumating si
Jeydon. Umupo siya sa tabi ko pero hindi siya

nagsasalita. Kakausapin ko sana siya kaso nakita
kami ni Mr. Gomez. Napapa lingon ako sakanya
minsan, tinitignan ko kung bakit seryoso niya
ngayon. Ano kaya nangyari sa pusang robot na to?
Parang hindi tuloy ako makapag concentrate.
"Class dismiss."

"Jeydon, pupunta ka ba mamaya sa party?"
"Yeah. You? I think Marky's going to pick up you
up right?"
"Ah oo.."
"Key." tapos umalis na siya. Ay napaka sunget
naman niya ngayon. Hindi man lang niya ko inasar
ah.
Ano kayang problema ni Doraemon? Bakit
mukhang seryoso yung mukha niya?
Nakakapanibago yung abnormal na yun. Ngayon
ko lang din napansin na amg sexy pala niya kapag
nag eenglish siya.
Pumunta na din ako sa room ng Section Eleven.
Habang papunta ako dun ang daming bumabati
sakin kahit hindi ko naman sila kilala. Dahil nga
siguro sa pagkapanalo ko sa Ms. Campus.

Nakakatuwa din pero nakakapanibago. Sikat na ba
ako? Ayoko isipin.
Pagdating ko sa room ng Section Eleven, aba
walang tao? May hindi ba ako alam? Wala ba
kaming klase?

"CONGRATULATIONS!"

Anak ng siopao naman! Biglang may confetti sa
harap ko. May hawak hawak na cake si Troy tapos
nakita ko na silang lahat.
"Ano to ha?"

"We need to celebrate!"
"Celebrate? Alam ba to ni Sir Jason? May klase
kaya to." Speaking of, lumapit naman samin si Sir
Jason.
"Don't worry Candice, wala muna tayong klase
ngayon. Aba we also need to celebrate! Di ba
boys?"

"Yeah boy!"
"Celebrate!"
"Party party!"
Hala para silang mga bata, may mga birthday hat
pa sila. Haha! Ang kukukit talaga nila. Pumasok
naman sila Six at Ginno na may dala dalang
pagkain. Pizza, Donuts, Softdrink, Spaghetti tapos
may ice cream pa. Ano to? Christmas party? Haha.
"Haha! Aba okey ah. Uy thank you Section Eleven..
Sir thanks ah.. Sorry brownies lang napakain ko sa
inyo kahapon."
"Okey lang yun! ang sarap naman ng brownies ni
Tita Candy. Tska hindi pa tayo huli para mag
celebrate! Wooo!"
"Tama! Let's party!"
Nagpatugtog si Ginno ng music. Yung mga boys
naman todo sayaw. Akala mo nasa bar kami pero
kakaiba yung party nila, may halong party ng bata.
Kinain na namin yung dala nilang foods. Grabe ang
saya ng party na to. Ang kukulit ng mga boys.
Tuwang tuwa kami ni Sir Jason. Simot na simot
naman namin yung food, ang takaw din ng mga to
parang si Jeydon lang, teka? asan nga pala yun?
Hanggang matapos yung Science hindi dumating si
Jeydon.

"Candice, pupunta ka sa party mamaya di ba?"
"Oo, kinakabahan nga ko Troy eh. Hindi pa kasi
ako nakaka punta sa mga ganun."
"Haha! Naisip ko na yan, wag ka mag aalala
kasama naman mamaya si Tiffany eh." hays buti
na lang.
"Buti naman naisip mo yun! Ay, Sige alis na ko,
bye!"
Parang ayoko na nga umalis sa Section Eleven.
Ang saya saya kasi nila dun, kumpara sa Section
One na puro seryoso at tahimik yung tao. Sana
pala naging last section na lang ako.
Pagdating ko sa history class ko wala yung teacher
namin kaya pwede na daw kami umuwi pero may
iniwan naman siyang sandamkmak na assignment.
Nung nasa gate na ko ng school para umuwi nakita
ko si Jeydon. Lalapitan ko sana siya kaso lumapit
naman sakanya si Stacey tapos may huminto na
sasakyan sa harap nila tska sila pumasok dun
kotse. Bigla naman akong nairita. Mabuti pa
makauwi na muna baka gutom lang to. Tetext ko
na lang si Marky na nauna na ko.
Paguwi ko sa bahay kumain lang ako tapos
dumeretso ako sa kwarto ko. Pupunta ba talaga

ako sa party na yun? Naka oo na kasi ako kay
Marky eh.
"Candice anak, may party pala mamaya sa bar nila
Troy para i celebrate yung pagkapanalo mom"
"Oo nga po mama."
"Bakit hindi ka pa nag hahanda?"
"Eh kasi.. Paano mo pala nalaman Ma?"
"Kausap ko kasi yung Mommy ni Troy, pinag papa
alam ka sakin para sa party mamaya."
"Parang ayoko nga pumunta sa party.."
"Party? Anong party?" singit naman ni Kuya
Charles para siyang kabute na bigla bigla na lang
susulpot. -__"Celebration, later sa bar nila Troy."
"Bar? hindi pwede. May pupuntahan ako mamaya
kaya hindi ko mabanantayan yan si Candice." At
san siya pupunta?
"Charles that party is for her, bakit hindi siya
pupunta ha? At san ka naman pupunta?"
"Kahit na, bar yun eh. Ah basta may pupuntahan
ako."

"Candice mag ready ka na, you're going to that
party. Don't mind your Kuya."
"Mama! hindi pwede!"
"Oa mo masyado nuh? Dun ka na nga." Hinila na ni
Mama si Kuya palabas ng kwarto ko. Si Kuya
talaga kahit kelan napaka protective. Makapag
ready na nga lang.
Ano naman kaya isusuot ko? Ano ba sinusuot sa
mga bar? Huhu never pa talaga akong nakapunta
dun. Bahala na nga, dress na lang.
After one hour, nakapag ayos na din ako. Yung
suot ko? silver dress na kumikintab pa tapos fit na
fit sakin, maikli pa siya. Si Mama kasi pinalitan pa
yung suot ko kanina. Sa bar daw ako pupunta
hindi sa simbahan. Huhu pasaway talaga si Mama.
Hindi tuloy ako komportable sa suot ko.
Maya maya dumating na si Marky, ang gwapo niya
sa suot niya.

"Tita ako na pong bahala kay Candice."
"Sige Marky, enjoy kayo ha! Konting drinks lang,
kaw na bahala sa baby girl ko."

"Hoy ingatan mo yang kapatid ko! wag niyong
papainumin yan!"
"Charles what did you expect that's a bar but don't
worry babantayan ko naman si Candice. Bakit ba
hindi ka sasama?"
"May pupuntahan ako. Basta pag may nangyari
kay Candice, bubugbugin kita. Tandaan mo yan."
Basagulero talaga tong lalaki na to.
"Hay nako wag niyo na intidihin yan si Charles,
sige na umalis na kayo."
"Okey ma, bye." Nung palayo na kami parang
nagtatalo pa din si Mama at Kuya Charles.

Pagkita ko sa kotse ni Marky bago na naman.
Siguro eto yung ginagamit niya kapag pumupunta
siya sa mga bar. Binuksan niya yung pintuan para
sakin. Kinakabahan ako, buti na lang andun si
Tiffany mamayan
"You look stunning."
"Weeee? parang hindi naman."
"Haha! Yeah, ang sexy mo." Shocks feeling ko nag
init buong mukha ko sa sinabi niya. Nahihiya nga
ako sa suot ko eh.

"Oo na, ikaw din naman eh."
"Basta stay close to me." Hinawakan niya yung
kamay ko tska niya pina andar yung kotse.
Sobrang bilis ng kotse niya, wala pang twenty
minutes nandun na kami.
Sa labas pa lang ng bar nila Troy ang ingay na.
Tapos ang dami ng tao, puro mga high class yung
nandito. Sabagay sikat naman talagang bar yung
Republiq. Kahit hindi pa ko nakaka punta sa mga
bar, nababasa ko na sa magazine na pang high
society naman talaga tong bar na nila Troy.
"Candice! I'm so happy you're here! Wow.. you
look sexy and gorgeous."
"I told you."
Kumindat pa sakin si Marky bago makalapit samin
si Tiffany. Hmpf! Bolero!
"Hello Tiffany, kanina pa kayo?" Ang sexy din ni
Tiffany, sabagay palagi naman siyang sexy eh.
"Kakadating lang din namin pero kayo na lang
hinihintay eh. Tara?" Hinawakan ni Tiffany yung
isang kamay ko tska niya ako hinila. Nabitawan ko
tuloy yung kamay ni Marky pero sumunod naman
siya agad samin ni Tiffany.

Bago kami makapasok sa loob tinatakan muna
kami ng invisible mark sa kamay. Bago ka
makapasok i check muna nila yung mark na yun,
itatapat lang nila yung flash ligh tapos makikita na
siya. Ang cool naman, ganito pala dito eh nuh.
Hinila ako ni Stacey papunta dun sa pinaka loob.
Tueday night pa lang pero madami ng tao, sabi ni
Tiffany may event daw kasi. Dun kami pumunta sa
taas, kita mo dito yung buong dance floor. VIP
area daw to. Kami nga lang yung tao dito. Ang
ganda nung kanta ng DJ, RnB kaya masarap
pakinggan.
Nakaupo na na table si Troy katabi sila Ginno at
Six. Sa kabilang side naman sila Stacey, Abby
tapos si Amber yung member din ng cheering
squad na friend ni Stacey. Lahat sila ang sexy ng
damit, kita nga cleavage nila eh. Okey na pala na
nag palit ako ng damit kasi kung hindi parang
naligaw lang ako dito. Hindi naman masama yung
tingin sakin ni Abby pero ang bigat pa din sa
pakiramdam na nandito siya. Nung napatingin
naman ako sa isang sulok nakita ko si Jeydon,
umiinom mag isa. Hala emo? May problema talaga
'to eh.

"Guys andito na sila Candice at Marky!" Lahat sila
napatingin samin.

"Yun oh! Hi Candice, ang sexy mo." baliw to si Six,
ipagsigawan daw ba? Nahihiya na nga ako sa suot
ko eh. Binatukan nga ni Troy.
"Manyak ka talaga Six. Hi Candice!"
"Since Candice is alreay here. Pwede na tayo
uminom! Cheers!" kinuha niya yung baso niya na
may alak, malay ko ba kung anong alak yun.
Kinuha din nilang lahat yung mga alak nila. Nag
aalangan tuloy ako kung pati ako iinom. "Candice,
go get your drink."
Napalunok ako dun. Iinom ba talaga ako? Amp!
hindi kaya ako umiinom baka mamaya masuka
agad ako eh huhu! Tinignan ko si Marky, tumango
lang siya sakin.
"Don't worry, andito naman ako eh."
Nung sinabi niya yun kinuha ko yung baso tska ko
ininom yung alak.

SHETE.

Hindi ko alam pero humahagot hanggang
lalamunan ko yung alak na yun. First time kong

uminom, kahit mga wine o champagne hindi pa
ako naka inom eh. Huhu parang hindi ko na to
uulitin. Nag init nga agad yung mukha ko eh.
"Syempre andito tayo para o celebrate yung
pagpanalo ni Candice, kasama na din si Tiffany
dun. But wait there's more! I have something to
announce!"
Pumapalakpak si Stacey tapos ang hyper niya.
Lahat kami naka tingin lang sakanya, hinihintay
yung sasabihin niya.

"Its official. Me and Jeydon are engaged."

Kahit malakas yung sounds rinig na rinig ko pa din
yung sinabi niya. Parang may naramdaman akong
kakaiba. Yung feeling ko nung nakita ko si Marky
at Abby sa stage na magkasama, naramdaman ko
ulit eh..
"Wow, cheers to that girl! Masaya ako para sainyo
ni Jeydon." sabi ni Amber.
Kinuha ulit nila yung mga drinks nila. Kusa
sigurong gumalaw yung kamay ko kasi kinuha din
niya yung baso ko na may alak. At that moment
hindi ko naramdaman yung pait.

"Ang ganda ng music, tara sayaw tayo?" hinila ni
Amber sila Ginno papunta sa baba.
"Candice c'mon." aya sakin nila Tiffany at Troy
"Sige lang, hindi ako sanay sa mga ganyan eh.
Kayo na lang." Feeling ko nawala na din ako sa
mood.
"Are you sure? Tawagin mo lang kami pag may
kaylangan ka ah."
"Wag kayo mag alala, sasamahan ko naman si
Candice eh."
"Okey, sunod na lang kayo sa baba if you feel."
Bumaba na silang lahat. Tatlo na lang kami naiwan
sa taas. Si Marky, ako tska si Jeydon. Si Jeydon
nasa tapat namin, umiinom.
"Candice, rest room lang ako ah? Jaydee kaw na
bahala kay Candice."
Pagkababa ni Marky, napatigin ako ako kay
Jeydon, nagulat ako kasi nakatingin pala siya
sakin. Umiwas agad ako ng tingin, kinuha ko na
lang yung drinks sa tapat ko. Bago ko pa mainom
yung yun, may kamay naman na pumigil sakin..

"Hindi ka dapat umiinom."

"Hayaan mo na ko, minsan lang naman to eh."
"Don't drink."
"Eh bakit ikaw ha?" tinabig ko yung kamay niya
tska ko kinuha ulit yung baso.
"I said don't drink!"
Mas hinigpitan niya yung hawak niya sakin.
Nakakatakot yung boses niya.
Hinila niya ko pababa, palabas. San niya ko
dadalhin? Ang layo ng nilakad namin, ang sakit na
ng paa ko.

"Jeydon san ba tayo pupunta?
Ang layo na ng nalakad namin, nahihilo na ako
dahil sa alak. Yan kasi eh, inom pa Candice. Maya
maya huminyo na kami, hay salamat. Nandito
kami sa may park katapat lang ng building kung
nasan yung bar nila Troy. Ang ganda dito, ang
daming ilaw. Parang Christmas na nga eh. Tahimik
pa kasi walang tao kaming dalawa lang.
"Jeydon ano ba! Bakit tayo umalis dun?"
"Wala lang, gusto ko lang umalis dun."

"Bakit sinama mo pa ko? Baka mamaya hanapin
ako ni Marky.."
"I just want to be away from that place but I don't
want to be alone kaya sinama kita." umupo siya
dun sa may bench. "Just stay here with me."
Umupo na lang ako sa tabi niya. Feeling ko
malungkot si Jeydon, kanina pa siya seryoso tapos
inom pa siya ng inom. Dahil kaya sa engagement
nila ni Stacey?
Ang tagal naming hindi nagsasalita. Naka tingin
lang sa langit si Jeydon. Ang daming stars ngayon,
full moon pa.
"Hoy Jeydon, anong problema mo? Bakit parang
hindi mo ata ako inaasar ngayon ah?"
"Bakit na miss mo na bang asarin kita?"
"Hmm.. medyo.." totoo naman talaga eh, na miss
ko na agad ung asaran namin. Tska hindi ako
sanay na seryoso siya. "Miss ko na kasi yung
mukha kapag naasar ka sakin.."
"Baka naasar ako sayo." Ngumiti naman siya.
"Mas okey kapag naka ngiti ka.. Hindi ako sanay
na emo ka eh.."

Tumawa siya ng mahina tapos tumahimik na
naman..

"Jeydon, totoo bang engaged na kayo ni Stacey?"
Parang gusto kong mawala na parang bula, bakit
ko ba yun tinanong? Eh ang tahimik kasi eh.
"Bakit gusto mong malaman?" tinignan niya ko,
baka ano isipin neto.
"Wag ka nga mag isip ng kung ano! Eh kasi sabi
mo dati di ba hindi mo naman gusto si Stacey.."
"Oo nga pero yun yung gusto ni dad eh."
"So okey lang sayo?"
"Hindi."
"Eh bakit pumayag ka?"
"Kahit kelan hindi ko pa sinuway yung utos ng dad
ko.."
"Ganun ba.."
Bakit parang nalungkot ako? siguro nalungkot lang
ako para kay Jeydon. Ngayon parang naisip ko,
kaya siguro sila malakas mang babae kasi sa huli,
sa babaeng hindi din nila mahal sila ipapakasal ng

magulang nila. Sa sandaling yun parang
naintindihan ko si Jeydon..

"Sorry.."
"Sorry for what?"
"Kasi hindi mo pala pwedeng piliin yung taong
gusto mo.."
"Sinong nag sabing hindi pwede? I can stop
that stupid engagement for her.."
"Pwede naman pala eh.. Bakit hindi mo gawin?
Nag eemo ka pa dyan." Naka tingin lang ako
sakanya. Ang drama niya eh pwede namab pala
niyang pigilan yun.
"I don't know if she likes me too.."
"Eh sira ka pala eh! Hindi mo pa nga sinasabi eh..
Sabihin mo muna kaya nuh! Haist ang torpe mo!"
Baliw talaga siya, naturingang Casanova tapos na
totorpe sa isang babae, na curious tuloy ako bigla
kung sino yun.
"Hindi ako torpe.. I'm just afraid to know the
truth.."
"May kinakatakutan ka pala?" mukhang napaka
seryoso niya dun sa babaeng gusto niya. Akalain

mo yun? Isang casanova at malokong si Jeydon
Lopez, mag seseyoso ng ganito. Bongga! ang
swerte siguro nun.

"If you only know who she is.."
"Kanina pa ako nag no-nosebleed sayo ha! Eh
bakit hindi mo na kasi aminin para magka alaman
na.." dami pang arte ng lalaking to.
"Yeah, that's what I've been thinking all day.. I
want to tell her now how much I like her."
"Now na? Asan ba siya? tska sino ba yun?"

Hindi siya sumagot..

"Sa totoo lang kaya kita dinala dito because I have
to tell you something.."

Humarap siya sakin. Nakatingin siya deretso sa
mata ko. Kinabahan ako bigla..
"A-ano na-naman yun ah?" Posible kayang..

Tumayo siya tapos hinila niya ako palapit sakanya
tapos, tapos.. niyakap niya ko. Niyakap niya ko ng
mahigpit, sobrang higpit. Sobrang bilis ng tibok ng
puso ko na feeling ko pati siya maririnig yun.

"Candice.."

Tumayo bigla yung balahibo ko. Tinawag na naman
niya ko sa pangalan ko..

"Hindi ko na kayang itago to eh, feeling ko
sasabog na yung puso ko kapag hindi ko pa
sinabi.."

Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sakin.
Wag mong sabihin na..

"Candice gusto kita.."

Sumikip yung dibdib ko, ngayon naman parang
nag slow motion yung pagtibok ng puso ko..
parang hindi na naman.. hindi na naman ako
makahinga..

"Candice gustong gusto kita.."
47: Jeydon's Revelation

JEYDON POV

Sabi nila, Hot Sexy Chicks daw yung tipo ko sa
isang babae. Yung mga kagaya ni Stacey. Sabi
lang nila yun..
Yung babaeng gusto ko?
Yung babaeng hindi uso suklay sakanya. Yung
babaeng walang paki alam sa itsura niya. Yung
babaeng walang paki alam sa sinasabi ng iba. Yung
babaeng walang ka arte arte sa katawan.

Yung babaeng pinapasaya ako kada maasar siya
sakin. Yung babaeng pinapasaya ako kada naiinis
siya mga pang aasar ko. Yung babaeng pinapasaya
ako kahit wala pa siyang ginagawa. Yung feeling
ko hindi kumpleto yung araw ko kapag hindi ko
nakikita yung mukha niya. Yung babae na simple
lang pero malakas yung dating. Yung hindi na
kaylangang mag make-up para gumanda. Yung
babaeng ngiti pa lang pamatay na. Yung babaeng
nag papabilis ng pag tibok ng puso ko. Yung
babaeng nag papa slow motion ng mundo ko. Yung
babaeng sobrang hirap makuha.
Yung babae na tawagin na lang nating CANDICE.

2 months ago..

"Jeydon sorry na please, hindi ko naman sinasadya
na madumihan yung sapatos mo.." Lumuhod pa
siya sa harap ko, tingin niya maawa ako sa panget
niyang mukha? Lul mukha niya!
"Alam mo bang mas mahal pa yang sapatos ko sa
buhay mo ha?"

"Jaydee pasukan na pasukan high blood ka,
hayaan mo na yan. Mag sisimula na yung NBA eh,
tara na."
"Shut up Troy."
"So-sorry na please Jeydon.. babayaran ko na lang
siya.." Gagu ba siya? Babayaran? Alam ba niya
kung mag kano yung sapatos ko?
"Ikaw, kahit ibenta niyo pa bahay at lupa niyo,
hindi pa din yan sapat para mabayaran mo yung
sapatos ko." mukhang iiyak pa tong panget na to.
Naiirita na ako sakanya. Napaka panget ampucha.
"Gagawin ko lahat para mapatawad mo lang ako..
Sorry na."
"Sige." Tinapat ko sakanya yung sapatos ko.
"Dilaan mo yang sapatos ko."
Lahat ng mga studyante sa paligid namin nag
bulungan. Sige tignan niyo yung mangyayari sa
mga taong iniinis ako.

"Pe-pero Jeydon.."
"Didilaan mo o hindi?"
Kinuha niya yung paa ko. Ayan! Gagawin din pala
niya eh, ang dami pa niyang arte. Nung malapit na

yung mukha niya sa sapatos ko, pinigilan naman
siya ni Marky.
"Tama na yan, Ilagay mo na lang siya sa hunt's
list. He's just wasting our time." Epal siya kahit
kelan. Nag eenjoy pa naman ako dito pero sige na
nga.
"Mas mabuti pa nga, feeling ko may virus pa yang
laway mo." Tumalikod ako sakanya, hinarap ko
yung tatlo na mukhang bored na bored na. "Simula
ngayon nasa hunt's list ka na."
Goodluck kung makaka survive ka pa dito sa
school. Dapat sa mga panget na katulad niya hindi
na lumalabas sa bahay nila. Kahit kelan talaga
ayoko sa mga panget. Lintek talagang panget yun,
ngayon kelangan ko pang bumili ng bagong
sapatos.
Pumunta kaming apat sa tambayan namin. Sakto
naman kaka umpisa pa lang ng NBA.
"Pustahan tayo, ilang weeks tatagal yung
studyanteng yun kanina?" Eto na naman si Troy.
Nag taas naman ng kamay yung dalawa.
"Okey sabi ni Charles, 2 weeks, si Marky naman 3
weeks. Ako hmm.. mga 1 week. Ikaw Jaydee?"
"One."

"One week?" Haha! Patawa ba siya?
"One day."
"Lupit mo talaga haha! Deal yan!"
"Pag ako nanalo i reserve mo na yung bar mo next
week. May mga chicks akong nakilala sa Korea,
aayain ko next week."
"Bakit sigurado ka bang mananalo ka Charles?
Tska maganda ba yan? Mala Stacey ba yan?
Jaydee bakit pala wala si Stacey?" Hanapan ba ko
ng nawawalang aso? este tao pala.
"I'm just playing with her Troy so I don't fcking
care where the hell she is."
"Whoa.. Masyado ka namang na high blood dun sa
lalaki kanina." Sinong hindi? Mukha pa lang niya
masisira na araw mo.
"Gusto mo sumama sakin mamaya Jaydee? May
rumble akong pupuntahan."
"No thanks baka magalusan pa yung gwapo kong
mukha. Palibhasa sayo Charles walang
mawawala." binato niya ko ng bote pero dahil
matanda na siya, naka ilag ako. Asar talo talaga
to, ayoko lang naman sumama kasi kakagaling ko
sa rumble kahapon.

"Gagu! Mas gwapo ako sayo!"
"Libre mangarap."
"Mukha mo! Alam naman natin yun eh!" Sapakin
ko tong gurang na to.
"Haha! Suntukan! Suntukan!" Pucha napaka isip
bata neto ni Troy kahit kelan. Ako nag iisip bata
lang sa harap ng taong gusto ko pero siya t*ngina
wala sa lugar eh.
Maka alis na nga lang.

"Hoy Jaydee! Nuod muna tayong NBA." Manuod ka
mag isa mo Troy, buiset ang kulit.

Maka punta nga munang library mag babasa na
lang ako ng libro ni Nicholas Sparks. Oo nag
babasa ako ng libro, kahit ganito itsura ko.
*Blag*

WTF.

"Sh*t! Bulag ka ba ha?"

Nahulog lahat ng libro niya. Seriously? lahat ata ng
libro dala niya. Ang bagal pa niya kumilos.
"Ah sorry.."
Nagulat siya nung nakita niya ko. Fck! ang panget
niya, ano bang klaseng buhok meron siya? Akala
mo isang taon na siyang hindi nag susuklay. Ang
laki laki pa ng salamin niya, naiirita ako. Kaya
ayoko sa mga panget eh, makita ko pa lang mukha
nila sumasama na yung araw ko.
"Anong magagawa ko sa sorry mo ha?"
"Nabangga mo din naman ako pero hindi ka nag
sorry, tapos ako nag sorry na, ikaw pa din yung
galit? Sorry na nga eh, sige bye!" pinulot niya yung
bag niya tska siya umalis.

AMP!

Hindi ba niya ko kilala? Hindi ba niya kilala na ako
yung hari ng school na to? Hindi ba niya alam na
ako si JEYDON LOPEZ!
Kaso bakit ganun? Biglang bumilis yung tibok ng
puso ko nung nakita ko siya. Sa buong buhay ko

isang babae pa lang nakapag patibok sa puso ko
ng ganito.
Sinundan ko siya, Pumasok siya sa may Library.
Umupo na lang ako sa katapat na table sa harap
niya. Kunwari nag babasa din ako para kapag
napatingin yang nerd na yan sakin magtatakip lang
ako ng libro. Humanda talaga sakin to.
Pucha! ang dami naman netong libro na
babasahin. Kinuha niya yung isang libro, naks
Nicholas Sparks. Pareho kami ng taste sa libro, not
bad. Bigla niyang tinanggal yung salamin niya sa
mata tska siya nagtali ng buhok niya. May kakaiba
eh, napatitig ako sa mukha niya..

T*NGINA!

Ang ganda pala niya. Habang tinitignan mo yung
mukha niya mas lalo siyang gumaganda..
Hindi kasi marunong mag ayos tong babaeng to.
Ano bang buhok meron siya? Hindi ata uso suklay
sakanya eh. Tska ang luwang luwang ng damit
niya eh, sakanya ba yan? Kaso kapag sa mukha ka
lang niya titingin tapos wala siyang salamin,
maganda siya. Oo maganda siya..

What the fck? Bumilis na naman yung tibok ng
puso ko..
Pagka bell, tumayo agad si nerd dala lahat yung
libro na yun binabasa niya. Ako yung nabibigatan
para sakanya. Parang gusto ko tuloy buhatin yung
bag niya. Pucha ano bang nangyayari sakin? Ako
mag bubuhat ng bag ng iba? At sa isang nerd pa? ____Paglabas ko ng library pinalibutan agad ako ng
mga babae. Okey sana kung maganda sila tulad
nung babaeng nerd na yun eh. Kaso hindi eh, ang
panget na nga ang landi pa, Amp!
Pagbalik ko tuloy sa room mainit na naman ulo ko.
Taena naman oh, ayoko talaga sa mga maarte
tska malalandi.
"Jaydee high blood ka pa din?"
"Hoy Troy, may kilala ka bang babae na buhaghag
yung buhok tapos may malaking salamin sa
mata?" natawa naman siya bigla. Baliw ampucha!
"Haha! sorry Jaydee ah, mga magagandang chicks
lang kasi yung nanapansin ng mata ko." Sus,
babaero buti pa ko hindi.
"Lul. Manyak."

"Nag bago na ata taste mo?" lapad ng ngiti ng
ugok na to. Pinagsasabi niya?
"Shut the fck up. Maka alis na nga lang buiset."
Mag ditch na lang ako, taena msyado na kong
matalino sa math eh.
Makatambay na nga lang muna sa canteen.
Walang magawa.
Nung nasa corridor ako nakita ko si tandang
Charles. Palapit na sana ako eh kaso may kausap
si mokong.
"Ano masama pa ba pakiramdam mo?"
"Okey na ko Kuya. Sige na babalik na ko sa room
ko."
"Sige hintayin mo ko sa parking mamaya."
Pagkaharap sakin nung babaeng kausap ni Charles
nanlaki agad yung mata ko. Si nerd? Siya pala
yung kapatid ni Charles? Seryoso? Kaya naman
pala niya hindi pinapakilala samin kasi ganun
itsura ng kapatid niya. Ano kayang pangalan ng
kapatid niya? ni nerd? Tss bakit ba ako naging
interesado sakanya bigla?
Nag yosi muna ko habang nakatambay sa gym.
Hanggang dito ba naman tinitilian pa din ako? Mga
babae talaga. Rest rest din kapag may time. Pag

bell ulit, dumeretso ako sa locker ko para kumuha
ng yosi. Sakto naman nakita ko ulit si nerd.
Pag kita ko sakanya lumapit ako malapit sakanya.
Syempre hindi ko siya kinausap, nakatayo lang
ako. Ang swerte naman niya kung ako pa
kakausap sakanya di ba? Yung napaka gwapong si
Jeydon Lopez? Kakausapin yung isang nerd na
katulad niya. Ako kausapin niya, haha!
Pinag titinginan na ko ng mga babae dito. Mga
fangirls ko talaga, nakita lang yung napaka gwapo
kong mukha akala mo hihimatayin na eh. Paano pa
kaya tong nerd na to? Baka himatayin talaga siya
sa harap ko. Wahaha!
Bumalik agad yung tingin ko kay nerd nung narinig
ko na sinara na niya yung locker niya. Tumigin siya
sakin saglit tapos umalis na siya. Anak ng tupa!
Inisnob niya ba ko? Hindi man lang niya ko
kinausap? Amp! Ang swerte na nga niya ako na
lumalapit sakanya. T*ngina talaga, ngayon lang
ako napahiya ng ganito. Tumalikod na lang ako
agad, kunwari wala akong alam sa nangyari.
Takte.

Nung nakita ko si Troy, inaya ko agad siyang
uminom. Pucha! Badtrip eh.

Nakaka isang case na kami ng red horse dito.
Kaming dalawa lang ni Troy, wala yung dalawang
ugok eh. Buiset talaga kapag na iisip ko yung
kanina.
Kung ibang babae siguro yun sobrang saya na niya
na lumapit ako sakanya. Kaso taena siya wala eh,
dedma lang! Pambihira! Sobrang labo ba ng mata
niya? Badtrip talaga. Isang katulad pa niya yung
gagawa sakin neto? Si Stacey nga patay na patay
sakin.
"Kanina ka pa high blood ah?"
"May kapatid pala si Charles?"
"Ah, yung nerd na kapatid niya? Oo kaso hindi ko
pinapansin, sabi ko nga sayo maganda lang
nakikita ng mata ko."
Ugok talaga to. Ang sabihin niya malalaking boobs
lang nakikita niya. Tss tska maganda naman yung
nerd na yun ah? Ang simple pa nga niya hindi
katulad ng ibang babae na napaka arte. Kaso..
AMP!

Fck talaga. Hindi maalis sa isip ko na binalewala
lang niya ko. Aish! Anak ng Tupa.

Buong linggo ko tuloy iniisip yung nerd na kapatid
ni Charles. Naiinis pa din ako sa ginawa niya sakin
pero naiisip ko din yung mukha niya. Ang ganda
niya kasi eh, sa dami ng sexy at magagandang
babae na nakita at nakilala ko, siya lang yung
napansin ko ng ganito. Gusto ko kasi talaga sa
babae yung simple lang pero may dating na
kagaya niya.
Dalawang linggo ko sinusundan yung nerd na
kapatid ni Charles, at sa dalawang linggo na yun
gutom inaabot ko! Anak ng tupa talaga! Kada
lunch kasi pupunta lang siya sa library para mag
basa ng libro ni Nicholas Sparks. Hindi ba siya
nagugutom? Tanga ko din sumusunod din kasi ako.
Gustong gusto ko kasing nakikita yung mukha niya
na walang salamin tska kapag naka tali yung
buhok, eh sa library lang niya yun ginagawa.
Sobrang nagagandahan ako sakanya. Siguro kapag
nalaman to ng tatlo pag tatawanan ako nun, kaso
naisip ko si tandang Charles. Alam ko strikto daw
siya sa kapatid niya. Baka mamaya suntukin ako
nun kapag nalaman niya na yung ginagawa ko. As
if naman sasabihin ko? Ano ako baliw?!

Tatlong linggo.
Sinundan ko yung nerd na yimun. Sa tatlong
linggo kong pag sunod sa nerd na yun. Madami na

kong nalaman sakanya. Nabigla nga din ako kasi
malaki din yung pinag bago ko.
Ayaw niya sa mga nag yoyosi, kada may mag
yoyosi sa harap niya naiirita siya. Tatlong linngo na
kong hindi nagyoyosi.
Maawain siya, kada nakikita niya yung mga
studyanteng nasa hunt's list ko na binu-bully,
pinag tatanggol niya. Tatlong linggo na kong hindi
nag lalagay ng pangalan sa hunt's list.
Dahil tinapos niya yung the lucky one na libro ni
Nicholas Sparks, palagi siyang nasa library kahit
uwian na. Tatlong linggo na kong hindi umiinom ng
alak kasama yung tatlo.
Amp! Feeling ko ang laki ng pinagbago ko. Lahat
ng to kasalanan ng nerd na kapatid ni Charles eh.
Kaylangan niya tong pag bayaran! Feeling ko
ginayuma niya ako eh. Oo tama! Ginayuma niya
ko! Amp!

May gusto na talaga ako sakanya. Lintek talaga!
Tinamaan na naman ako sa pangalawang
pagkakataon..

After 2 months..

"Jeydon ano ba! Bakit tayo umalis dun?"

Hindi ko alam bakit ko siya hinila palayo dun sa
bar. Gusto ko lang siguro siyang makasama. Isa
pa ang daming tumitingin sakanya dun sa loob.
Parang gusto ko na ngang manapak sa inis at galit.
Ano ba kasing naisip niya at nag suot siya ng
ganun? Ayoko kapag may ibang nag kaka gusto
sakanya. Kapag may tumitingin sakanya. Kaya nga
mas gusto ko na nerd lang siya para ako lang
makakapansin kung gaano siya kaganda.
Tska nasasaktan ako na makita ko silang
magkasama ni Kie.
Tuwing nasa music hall silang dalawa, nandun din
ako. Pinag mamasdan ko lang sila, minsan naiingit
ako kay Kie kasi nakakasama niya si Candice.
Nasasaktan din ako lalo na kapag nakikita kong
masaya si Candice kapag kasama si Kie. Minsan
nga nag panggap pa kong pusa para hindi lang
mahalikan ni Kie si Candice. Yung gagong yun!
Kinuha na nga niya yung first kiss ni Candice iisa
pa siya. Oo siya yung humalik kay Candice sa

Janitors room hindi ako.Kung hindi ko lang siya
best friend baka nabugbog ko pa siya eh. Kung
hindi lang din siya gusto ni Candice..
Ang sakit pala makita na yung taong gusto
mo may gustong iba.

"Wala lang, gusto ko lang umalis dun." Ang totoo
gusto lang kitang makasama.
"Bakit sinama mo pa ko? Baka mamaya hanapin
ako ni Marky.."
Wala ka bang ibang bukang bibig kundi si Marky?
Hindi mo ba alam na nasasaktan ako Candice?
Nasasaktan ako tuwing pinapamukha mo sakin na
siya yung gusto mo.
"I just want to be away from that place but I don't
want to be alone kaya sinama kita." Umupo ako sa
bench, hoping she will sit beside me.
"Just stay here." Kahit ngayon lang, samahan mo
ko.

Napatingin ako sa langit, ang daming stars. Naala
ko tuloy yung gabi na niligtas ko si Candice sa
lokong magnanakaw na yun. Gagung lalaki yun!

Kung wala lang dun si Candice baka binugbog ko
na yun ng todo. Pero alam ko naman na ayaw ni
Candice sa mga basagulero kaya matagal na kong
tumigil makipag away. Nasa birthday party ako
nun ni Stacey, nabaliw ata ako kaya tinawagan ko
siya. Sakto naman kasi kaylangan niya pala ng
tulong nung gabing yun kaya umalis agad ako sa
party tska ako pumunta sa bahay nila. Nabunutan
ako ng tinik nung nakita kong okey siya. Nahulog
ko nga lang yung dogtag na bibigay niya sakin
noon, naalala ko na naman tuloy yung nangyari
nung mga bata pa kami..

[11 years ago]
Seven years old pa lang noon si Jeydon. Nandito
siya sa school kasama si Troy at Marky. Nasa labas
sila ng school para mag drawing.
"Jeydon, partner tayo! partner tayo!" Sabi nung
batang lalaki na classmate niya.
"Ayoko sayo! ang panget mo eh. Get away from
me!" Naiirita si Jeydon sakanya, ayaw niya kasi sa
mga panget, pero makulit talaga yung batang
lalaki.

"Please.. Partner na tayo! Partner! Partner!"
naiirita na siya.
"Get away from me. TEACHER!"
Lumapit naman sakanila yung teacher nila. Pati si
Troy at Marky lumapit din.
"What's wrong Jeydon?"
"He's annoying me teacher! Ang panget niya!"
Wala namang nagawa yung teacher nila kundi ilayo
yung batang lalaki. Sila Jeydon kasi yung may ari
ng school kaya ayaw niya na matanggal siya ng
hindi oras.
"Lucas, tara dun na lang tayo.."
Nilayo na lang nung teacher nila si Lucas. Wala ng
nagawa si Lucas kundi umiyak. Gusto niya kasi
talagang maging kaibigan si Jeydon pero wala din
siyang nagawa. What Jeydon wants, Jeydon gets.
"Jaydee bakla ba yung classmate natin? bakit lapit
siya ng lapit sayo?" tanong sakanya ni Troy.
"I don't know. And I don't care, ang panget niya
eh." tinuloy na lang ni Jeydon yung pag drawing
niya sa pusa, pusang robot na si Doraemon.
"Huli ka! Si Doraemon na naman ginagawa mo?"
Ang laki ng ngiti ni Marky kay Jeydon.

"Eh sa gusto ko si Doraemon eh!"
"Haha! sasabihin ko yan kay Kuya Charles! Si
Jeydon gusto si Doraemon, si Jeydon gusto si
Doraemon!" nainis naman si Jeydon sa ginawa ni
Troy kaya umalis na lang din siya dun.
Nag drawing siya sa may isang table malayo sa
dalawa niyang best friend. Tuwang tuwa siya sa
drawing niya, balak niyang ipakita yun sa Daddy at
Mommy niya. Gustong gusto niya kasi yung mga
pusa pati si Doraemon.
Nung kinukulayan na ni Jeydon si Doraemon
biglang lumagpas yung kulay niya dahil sa tawa na
narinig niya. Pag kalingon niya nakita niya si Lucas
kasama yung batang babae. Sa inis niya lumapit
siya sa dalawa.
"Hoy mga panget! Wag nga kayong maingay!"
nakita niya yung takot na mukha ni Lucas.
Humarap naman sakanya yung batang babae.
"May problema ka ba samin? Hindi naman kami
panget eh.." hindi ka agad nakapag salita si Jeydon
kasi nagandahan siya dun sa batang babae. Sa
hindi malamang dahilan bumilis yung tibok ng puso
niya. Ngayon pa lang nangyari sakanya yun.

"Pro-problema ko? ka-kayo.. Ang ingay niyo eh,
lalo ka na Lucas, ang panget mo!" bigla namang
umiyak si Lucas sa sinabi ni Jeydon.
"Lucas, wag ka nang umiyak.. Tignan mo yung
ginawa mo bata! Umiyak na naman tuloy siya.
Shhh tahan na.."
"Bagay lang yan sakanya, ang panget niya."
Mas lalo lang umiyak si Lucas sa sinabi na yun ni
Jeydon. Galit na galit naman yung batang babae
kay Jeydon pero pinipigilan lang niya yung sarili
niya dahil ayaw ng papa niya na nakikipag away
siya.
"Panget! Panget! Panget!"
Sa galit nung batang babae, tinulak niya si Jeydon
palayo. Napahiga naman si Jeydon sa sahig.
Lumapit sakanila yung ibang bata, kasama si Troy
at Marky.
"Hahaha! Jaydee talo ka ng babae!" asar sakanya
ni Troy. Natawa din si Marky tska niya ginatungan
si Troy.
"Haha! Wala ka pala Jaydee eh."
"Ikaw.." Tumayo siya para harapin yung batang
babae.

"Bagay sayo yan! ang salbahe mo kasi. Tska mas
panget ka, panget ng ugali mo."
Kakausapin pa sana ni Jeydon yung batang babae
na yun pero may tinawag na yung batang babae
ng Papa niya.
"Bye Lucas!"
Pagka alis niya bumalik na sa mga ginagawa nila
yung mga bata. Maliban kay Jeydon, naiwan siya
tulala sa kinakatayuan niya. Ngayon lang may nag
sabi sakanya na panget siya. Lahat kasi ng tao
sinabing gwapo siya. Ngayon lang din may nag
tangkang umaway sakanya. Ngayon lang siya
natameme at sa isang batang babae pa. Ngayon
lang siya nakahanap ng katapat niya.
Pauwi na si Jeydon, sinundo siya ni Baron. Nung
nasa kotse siya habang pauwi may nakita siyang
pamilyar na mukha sa park.
"Baron! Baron! Stop the car!"
"Young master?"
Pagkahinto pa lang ng kotse bumaba na agad si
Jeydon, nagulat naman si Baron pati yung Yaya
niya.
"Bata!" Hinabol niya yung batang babae..

"Ikaw? Ano na namang problema mo?"
"Ahm.." Hindi makasagot ang batang Jeydon,
tuwing nakakaharap niya kasi yung batang babae
wala siyang masabi, nakahap nga talaga siya ng
katapat niya.
"Bakit? Aawayin mo din ba ako?"
"Hindi! ano.. gusto kita maging kaibigan." nahihiya
pa si Jeydon na sabihin yun sakanya.
"Kaibigan? pero salbahe ka!"
"Hindi! Hindi! Hindi ako salbahe.. sige na payag ka
na bata!" hinila niya yung damit ng batang babae.
"Paano mo mapapatunayan na hindi ka salbahe?"
Nag isip siya ng paraan para patunayan sa batang
babae na yun na mabait siyang bata. Kinuha niya
yung bag niya tska niya kinuha yung paborito
niyang Doraemon.
"Eto! paborito ko yan pero ibibigay ko na sayo!
Ano mag kaibigan na ba tayo?" tumawa yung
batang babae.
"Bakit ka tumatawa?"
"Si Doraemon paborito mo? Haha! Ayaw ko
sakanya eh.." nalungkot bigla si Jeydon sa narinig
niya.

Napansin naman ng batang babae na nalungkot
ang batang Jeydon kaya kinuha na lang niya yung
Doraemon kahit ayaw niya talaga sa mga pusa.
"Salamat dito. Sige na nga bata, mag kaibigan na
tayo. Okey?" Bigla namang sumigla yung mukha ni
Jeydon. Tuwang tuwa siya na maging kaibigan
yung batang babae.
"Yehey! Tara ice cream tayo!" Hinila ni Jeydon
yung batang babae papunta dun sa nagtitinda ng
ice cream. Naka bantay lang sakanila si Baron at
yung Yaya niya.
"Batang mahilig sa Doraemon, mahilig ka din sa
ice cream?"
"Oo, gusto mo araw araw tayo kumain ng ice
cream dito eh.." nalungkot naman bigla yung
batang babae.
"Hindi na pwede.."
"Bakit?"
"Aalis na kasi kami ng papa ko eh.."

Sakto naman na tinawag yung batang babae ng
papa niya.

"Sige ah," nag isip yung batang babae ng pwedeng
ibigay dun sa batang lalaki. Gusto niya kasing
palitan yung binigay sakanya ni Jeydon. Naisipan
niya na lang yung kwintas na bigay sakanya ng
Kuya niya. "Oh ayan, sign yan ng pagkakaibigan
natin."
Tinawag na siya ng Papa niya.

"Let's go anak!"
"Yes Appa! Sige na alis na kami, bye bata!"
"Teka! Anong pangalan mo bata?"

"Candice!"

Hindi ko inakala na siya din pala yung babaeng
unang nag pabilis ng pagtibok ng puso ko.
Pambihira nga eh, akala mo nasa drama kami.
Kaya pala nung nakita ko siya ulit, bumilis na
naman yung tibok ng puso ko. Siya pala yung
batang babae na nakilala ko noon. Nalaman kong
lahat yun nung nahulog niya yung Doraemon na
binigay ko sakanya nung araw na tinulak siya ni

Charles palabas ng kotse niya. Hanggang ngayon
hindi ko pa din nakalimutan yung batang babae na
yun..

"Hoy Jeydon, anong problema mo? Bakit parang
hindi mo ata ako inaasar ngayon ah?" Minsan kasi
pinipilit ko yung sarili kong umiwas sayo kaso
parang hindi ko din pala kaya..
"Bakit na miss mo na bang asarin kita?"
"Hmm.. medyo.. Miss ko na kasi yung mukha
kapag naasar ka sakin.."
"Baka naasar ako sayo." Ngumiti ako. Kahit pala
paano na miss din niya ko.
"Mas okey kapag naka ngiti ka.. Hindi ako sanay
na emo ka eh.."

Natawa ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang
Candice, miss na din kitang asarin. Yung nilagyan
ko ng pulang coloring yung upuan mo, nakakatuwa
yung itsura mo nun kaso na guilty agad ako kaya
nag pa cute pa ko sa isang studyante para
paheramin niya ako ng palda para may masuot ka.
Kapag tinatawag kitang Betty, natutuwa ako kapag
naasar ka, pakiramdam ko lalo lang akong nag

kakagusto sayo. Hindi ko lang masabi sayo na ang
ganda mo kaya tinatawag kitang panget lagi.
Gustong gusto kitang asarin, nakaka inlove ka kasi
kapag napipikon ka..

"Jeydon, totoo bang engaged na kayo ni Stacey?"
Kung mamalasin oo..
"Bakit gusto mong malaman?" tinignan ko siya.
Concern ba siya?
"Wag ka nga mag isip ng kung ano! Eh kasi sabi
mo dati di ba hindi mo naman gusto si Stacey.."
"Oo nga pero yun yung gusto ni dad eh."

Ako? Mag kaka gusto kay Stacey? Baliw na lang
mag kaka gusto sakanya. Hindi ko nga gustong
kausapin yun. Kung hindi ko lang siya kinausap
para tigilan niya na si Candice. Kaya ko lang din
naman siya inaya sa tagaytay kasi wala akong
masama. Takte biglaan kasi yun eh yung pag aya
ni Kie kay Candice eh. Hindi naman pwedeng
dalawa lang sila Candice dun.

"So okey lang sayo?"

"Hindi."
"Eh bakit pumayag ka?"
"Kahit kelan hindi ko pa sinuway yung utos ng dad
ko.."
"Ganun ba?"

Tinignan ko siya, mukhang nalungkot siya sa
sinabi ko. Buong buhay ko lahat ng utos tska gusto
ni dad sinunod ko. Lahat yun para lang
mapatunayan ko yung sarili ko sakanya. Kaya
hindi ako nag reklamo nung in-arranged nila yung
kasal namin ni Stacey.

"Sorry.."
"Sorry for what?"
"Kasi hindi mo pala pwedeng piliin yung taong
gusto mo.." Oo nga eh, hindi mo pala pwedeng
piliin kung sinong magugustuhan mo. Sa lahat ba
naman ikaw pa..
"Pwede.. I can even stop that stupid engagement
for her.."

Kaya kong gawin yun para sayo Candice. Kaya
kong suwayin yung daddy ko.
"Pwede naman pala eh.. Bakit hindi mo gawin?
Nag eemo ka pa dyan."
"I don't know kung gusto din niya ko."

Kung magugustuhan mo ako..

"Eh sira ka pala eh! Hindi mo pa nga sinasabi eh..
Sabihin mo muna kaya nuh! Haist ang torpe mo!"
Torpe? Ganun talaga ko eh. Hindi ko masabi sa
babae na gusto ko siya. Isa pa siya pa lang tska si
Kim yung nagustuhan ko. Kaya nga nung gabing
tinanong mo ko kung ako ba yung may ari ng
dogtag, kung ako ba yung nag ligtas sayo, hindi ko
nasabi.

"Hindi ako torpe.. I'm just afraid to know the
truth.."
Yung katotohanan na hindi ako yung gusto mo, na
yung best friend ko yun at hindi AKO.
"May kinakatakutan ka pala?"

Kahit Bad boy, nasasaktan din.
Mukha lang akong malakas Candice pero ang totoo
mahina lang talaga ako..

"If only you know who she is.."

Kung alam mo lang na ikaw yun. Kung alam mo
lang na lahat ng ginagawa ko hindi aksidente.
Kaya ako laging nasa tabi mo kasi gusto ko ako
yung maging Prince Charming na sinasabi mo.
Alam ko naman na para sayo si Marky si Prince
Charming eh. Kung nakikita mo lang sana na ako
yung palaging nasa tabi mo kapag kaylangan mo
ng tulong. Ako at hindi si Marky.
"Kanina pa ako nag no-nosebleed sayo ha! Eh
bakit hindi mo na kasi aminin para magka alaman
na.."
"Yeah, that's what I've been thinking all day.. I
want tell her now how much I like her."
Yeah that I Like you.

"Now na? Asan ba siya? tska sino ba yun?"

Eto na ba yun? Eto na ba yung tamang panahon
para sabihin ko sakanya? Tama ba bang sabihin ko
pa? If I already know that you like someone else.

"Sa totoo lang kaya kita dinala dito because I have
to tell you something."

Humarap ako sakanya, tinignan ko siya sa mata
niya. Sana makita mo naman ako Candice, hindi
bilang lalaking palaging nag aasar sayo. Kundi
yung lalaking gusto ka at laging andyan para sayo.

"A-no na-man yun ah?"

Tumayo ako, hinila ko siya palapit sakin. Niyakap
ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit. Matagal ko
ng gustong gawin to. Sobrang lakas ng tibok ng
puso ko. Feeling ko sasabog na siya. Eto na naman
yung feeling na kakaiba, parang pareho lang nung
naramdaman ko nung hinalikan ko siya.

"Candice.."

I'll take the risk. Sasabihin ko na tong
nararamdaman ko kasi kung hindi baka mabaliw
na ko.

"Hindi ko na kayang itago to eh, feeling ko sasabog
na yung puso ko kapag hindi ko pa sinabi.."

Mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sakanya.
Eto na to, t*ngina naman kinabahan ako. Masasabi
ko kaya?
Masasabi ko bang..

"Candice gusto kita.."

Parang huminto yung mundo ko. Feeling ko
kaming dalawa lang yung tao dito. Kakaiba yung
nararamdaman ko..

"Candice gustong gusto kita.."

Gusto kita kahit ano pang itsura mo. Gusto kahit
iba yung gusto mo. Gusto kita kahit pa ulit ulit mo
kong sinasaktan. Gusto kita kahit ang manhid
manhid mo. Gustong gusto kita na pakiramdam ko
ngayon mahal na kita..
Oo Candice, mahal na nga ata kita.
48: Her Answer

[Try niyo basahin habang nakikinig ng A thousand
years ni Christina Perri]

CANDICE POV

Panaginip lang to di ba? Hindi naman to totoo di
ba? Kaso hindi eh, totoo lahat ng nangyayari
ngayon. Damang dama ko eh.
Teka nga, ano nga ulit yung nangyayari?

Sinabi bi Jeydon na gusto niya ko. Ibig sabihin ako
yung gusto ni Jeydon? Ako yung sinasabi niya
noon pa lang sa tagaytay na babaeng gusto niya.
Kaso tama ba ako si Jeydon?
Si Jeydon na walang alam kundi asarin at inisin
ako. Si Jeydon na hari ng school. Si Jeydon na
habulin ng mga babae. Si Jeydon na gwapo at
mayaman. Si Jeydon na yung mga tipo eh hot sexy
chicks. Si Jeydon..

"Candice.."

Naka yakap pa din siya sakin. Sa totoo lang
bumilis yung tibok ng puso ko nung niyakap niya
ko. Feeling ko nag slow motion na naman yung
mundo ko eh. Pakiramdam ko kaming dalawa lang
yung tao dito. Kada magkapalapit kaming dalawa,
palaging ganito yung nararamdaman ko. Kagaya
lang nung nag kiss kami sa may secret house.

"Gusto mo ko? Ako? pero bakit.."

Nalilito ako, naguguluhan. Maniniwala ba ako
sakanya? O baka naman trip niya lang ako? Siguro
iinisin na naman niya ko. O baka naman lasing
lang siya kaya kung ano anong sinsabi niya?
Bumitiw na siya sa pagkakayakap niya sakin. Hays
buti naman mawawalan na ko ng hangin eh. Kaso
tinitigan niya naman ako sa mata. Yung mga tingin
niya, mukhang seryoso siya. Mukhang totoo talaga
lahat ng sinasabi niya.

"Oo ikaw.. gusto kita Candice."
"Ano bang nangyayari sayo? Lasing ka ba? Trip mo
na naman ako nuh?" Umiwas ako ng tingin
sakanya parang naiilang kasi ako eh. Hinawakan
niya ng mahigpit yung kamay ko.

"Seryoso ako, gusto kita."

Kinabahan ako, gusto nga niya talaga ako. Ang
bilis pa din ng tibok ng puso ko. Sa tingin pa lang
niya halatang seryoso talaga siya. Gusto nga ako
ni Jeydon. Bakit hindi ko man lang napansin?
Ganun ba ko ka manhid?

"Bakit ako? Madami namang babae dyan eh.."

"Sabibin na lang natin na madaming isda sa
dagat, pero para sakin ikaw yung nemo ko."
Ngumiti siya sakin.

Waaaa! Ano bang sinasabi niya? Ano daw yun? Ako
yung Nemo niya? Ano ako isda? pero feeling ko
namumula yung pisngi ko. Kinikilig ba ko sa sinabi
niya? Ngayon ko pa lang nakita yung side ni
Jeydon na ganyan.

"Ano wala ka man lang sasabihin? Tss
pinapahiya mo na naman ako."

Umiwas siya ng tingin. Feeling ko nahihiya siya. Eh
ano naman ba kasing sasabihin ko? Eh nagulat ako
sa sinabi niya. Kahit kelan hindi ko naisip na mag
kaka gusto siya sakin. Huhu! Ano bang sasabihin
ko kasi? Ano bang dapat kong sabihin?

"Ahm.. ano.. kasi.. nakakagulat ka naman eh kasi,
Kung totoo na gusto mo talaga ako bakit hindi ko
man lang napansin?"

"Paano mo mapapansin na gusto kita kung
lahat ng atensyon mo na kay Marky?"

Ouch. Natamaan ako dun. Ganun na nga ba talaga
ako ka manhid? Lahat nga ba ng atensyon ko na
kay Marky kaya hindi ko man lang napansin na
may gusto na pala sakin si Jeydon? Eh sino ba
kasing baliw yung makaka isip na magkaka gusto
siya sakin? Hindi naman ako yung type niya. Ano
ng gagawin ko?

"Sorry.."

Yan na lang yung kaya kong sabihin eh. Alangan
naman na sabihin kong, 'Oo Jeydon gusto din kita.'
Alam ko hindi ko naman siya gusto eh, kaso kapag
tinatanong ko sa sarili ko kung gusto ko siya hindi
ko deretsong masabi na HINDI. Hindi tuloy ako
sigurado. Hindi ko alam kung gusto ko siya o hindi.

Tinignan na naman niya ko. Ano ba Jeydon!
Matutunaw na ko sa mga tingin mo! >.<

"Posible bang magustuhan mo din ako?"

Posible nga ba? Posible bang mag kagusto ako
sakanya? Posible bang magustuhan ko si Jeydon?
Kaso naisip ko si Marky. Paano siya? Siya yung
gusto ko. Siya yun di ba? Si Marky sigurado akong
gusto ko siya pero si Jeydon hindi..
Gusto ko si Marky pero kapag tinatanong ko yung
sarili ko kung gusto ko din ba si Jeydon, hindi ko
masabing hindi. Ano bang nangyayari sakin? Ano
bang gagawin ko? Gusto ko ba silang dalawa?
Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni Marky.
"So im unofficially yours and your unofficially mine.
Okey?"
Oo nga pala may usapan na kami ni Marky. Ano ba
kasi tong ginagawa ko? Si Marky yung gusto ko
hindi si Jeydon. Si Marky.

"Jeydon kasi si Marky.."

"Si Marky yung gusto mo."

"Oo pero.."

Tumalikod siya sakin.

"Si Marky yung gusto mo, hindi ako. Alam ko
na naman yun eh. Alam ko na pero umasa pa
din ako. Look how stupid I am? Haha!
Nakakatawa ako.."

Alam mo yung tumatawa ng pilit? Yung parang
naiiyak sa galit. Yung parang nasasaktan. Si
Jeydon yun ngayon. Hindi ko alam kung naawa ako
sakanya ngayon o natatakot.

"Jeydon sorry.."

"Wag kang humingi ng sorry. Hindi mo
kasalanan na siya yung gusto mo, hindi ako."

Tumingin na naman siya sakin. Nakikita ko sa
mata niya na nasasaktan siya kahit na nakangiti
siya sakin. Hindi ko alam pero parang nasasaktan
din ako na makita siyang ganyan.. na makita
siyang nasasaktan. Oo gusto ko si Marky, pero
hindi ko alam kung hindi nga ba talaga kita gusto
kasi hindi ko yun masabi sa sarili ko. Nalilito ako..

"Kung pwede nga lang sana ako na lang siya
para ako yung gusto mo.. Sana ako na lang
siya, sana ako na lang yung gusto mo."

Bakit Jeydon? Ganyan mo ba talaga ako ka gusto?
Bakit ako pa? Bakit sa lahat ng babae ako pa yung
nagustuhan mo?

"Wag, hindi mo kaylangang gawin yan.. Jeydon
wag na ako.. iba na lang. Iba na lang yung
gustuhin mo.."
Nakita ko yung galit sa mata. Nakaramdam ako ng
takot..

"T*ngina sana nga iba na lang eh! Sana iba
na lang yung gusto ko! Akala mo ba madaling
mabalewala? Akala mo ba madaling magpaka
tanga ng ganito?! Hindi Candice! kaso lahat
yun tiniis ko para sayo tapos ngayon
sasabihin mo na iba na lang yung gustuhin
ko? Pucha naman Candice eh!"

Napayuko ako, natatakot ako. Alam kong galit
siya, sino bang hindi? Ang sama sama ko. Ang
manhid manhid ko. Ang tanga tanga ko. Hindi ko
mapigilan na maiyak..

"Sorry hindi kita gustong sigawan.."

"Sorry Jeydon.. Kahit alam kong walang
magagawa yung sorry ko, sorry pa din. Sorry
kasi nasasaktan kita. Sorry kasi ang manhid
ko. Sorry.."

Hinawakan niya yung mukha ko. Pinunasan niya
yung mga luha na pumapatak galing sa mata ko.

"Wag kang umiyak, ayokong nakikita kang
umiiyak."
Niyakap na na naman niya ko. Hindi ko mapigilan
na yakapin din si Jeydon. Hindi na ko maintindihan
yung sarili ko.

"Alam mo bang sinaktan mo na naman ako.."

Ewan ko kung bakit pero nasasaktan ako sa lahat
ng sinabi ni Jeydon. Ganun ba ako kasama? Bakit
kasi ako pa? Ako pa yung nagustuhan niya? Wala
naman akong kwenta eh! Hindi ko pa din mapigilan
na maiyak.

"Jeydon sorry.. Ayokong saktan ka.. hindi ko alam
na mangyayari to.. Hindi ko naman alam na..."
"Shh.. tama na, kalimutan mo na lang yung sinabi
ko sayo."

Hinarap niya na ko sakanya. Kitang kita ko yung
luha na galing sa mata niya. Jeydon wag kang
umiyak, nasasaktan ako. Wag kang umiyak para
lang sakin..

"Kakalimutan na lang kita, kalimutan mo na
lang din ako.."

Pag kasabi niya nun sakin tumalikod siya sakin.
Yung likod na lang niya yung nakikita ko. Naglakad
na siya palayo sakin. Palayo ng palayo..
Hindi ko pa din mapigilan yung luha ko.
Napahawak na lang ako sa puso ko. Bakit ganito
yung nararamdaman ko?
Nasasaktan ako..

Alam kong gusto ko si Marky pero hindi ko masabi
kung gusto ko din si Jeydon. Ano nga ba para
sakin si Jeydon?
Siya yung lalaking palaging nang iinis sakin. Yung
palaging nang aasar. Yung lalaking nandyan kapag
kaylangan ko ng tulong. Siya yung lalaking
komportable ako kasama. Siya yung lalaking
nakapag paranas sakin ng slow motion. Kapag
kasama ko siya nalalabas ko yung kung ano ba
talaga ako. Kapag kasama ko siya naaasar ako
pero at the same time natutuwa ako.

Gusto ko na din ba siya?
Kung ano pa man yung sagot dun, wala na ata yun
magagawa.. dahil kagaya ng sabi niya..
Kakalimutan na niya ako.

***

"Candice!"
"Candice!"
"Kapag hindi ka pa bumangon dyan, bubuhusan
kita ng tubig! mainit na tubig!"
Napa upo agad ako.

"Kuya naman! inaantok pa ko!" nasa harap siya ng
kama ko. Ang sama ng tingin sakin.
"Uminom ka ba kagabi ha? Bakit antok na antok
ka? Anong oras na! kapag hindi ka pa bumangon
dyan, humanda ka sakin!"
"Pero Kuya antok pa ko!"

"Get up. Araso?!" [Araso=Alright?]

"Aish! Huhu antok pa ko." wala na lang din akong
nagawa. Bumangon na ko sa kama ko kahit na
sobrang hinahatak pa ulit ako ng kama ko pabalik.
Hindi naman ako lasing eh, isang baso lang nainom
ko pero pakiramdam ko lasing ako. Dalawang oras
pa lang kasi yung tulog ko. Hindi kasi mawala sa
isip ko yung nangyari kagabi. Yung sinabi sakin ni
Jeydon na gusto niya ko.
Pagkatapos umalis ni Jeydon nakita ako ni Marky
sa labas kaya dinala niya ulit ako sa loob. Hinintay
namin si Jeydon na bumalik pero hindi na namin
siya nakita. Umuwi na din kami after one hour.
Hinatid ako ni Marky pauwi. Tinatanong niya ako
kung bakit wala ako sa sarili ko tska bakit parang
umiyak ako pero hindi na lang ako nag salita.
Kinakabahan akong makita si Jeydon.
Ang lamig ng tubig. Para akong naka tangang
nakababad dito sa shower. Amp! pinagmamadali
nga pala ako ni Kuya. Nawawala ako sa sarili ko
kapag naiisip ko siya..
Nagmadali na ko. Lagot na naman ako neto kay
Kuya Charles eh.

"Good Morning Anak, puyat ka ah. Mukhang nag
enjoy ka kagabi?"
"Ah opo.."
"Hoy manang, bilisan mo dyan. Ayoko ma late."
Tss palagi ka kayang late! Ewan ko sayo Kuya.
"Mauna ka na kung gusto mo Charles, andyan na
si Marky sa labas para sunduin si Candice." Muntik
ko ng maibuga yung kinakain ko. Oo nga pala
palagi na niya akong susunduin.
"Ano?! bakit nanliligaw ba sayo si Marky?" hala eto
na nga ba kinakatakot ko eh. Mama naman kasi
eh, sinabi pa.
"Ahm.. ano.."
"Eh ano kung manligaw si Marky? Pinapayagan ko
naman siya eh. Isa pa mabait na bata si Marky
kaya I don't see anything wrong. Right Yaya?"
"Yes mam, bagay naman sila ni Candice eh." Naku
po nag sama pa silang dalawa. Tingnan ko yung
reaksyon ni Kuya hindi maipinta yung mukha.
"Ah basta! Hindi siya pwedeng mag boyfriend.
Hindi pa pwede hanggat hindi siya nag de-debut."
Kinuha niya yung bag niya tapos umalis na siya.

Tinignan ko yung relo ko, patay kang bata ka. 7:15
na eh kamusta naman 7:30 pasok ko. Waaa ma
de-dention ako neto eh. Inubos ko na agad yung
pagkain ko tska ako nag paalam kala Mama. Nag
hihintay pa pala sakin si Marky. Pambihira talaga
nakakahiya naman pati tuloy si Marky ma lalate
neto eh.

"Sorry late na naman ako nagising."
"Okey lang, siguro tinamaan ka dun sa tequila.
Haha! Hindi ka pa nga sanay. Okey ka na ba?"
"Ha? Bakit nag kasakit ba ko?" pinisil naman niya
yung pisngi ko.
"Pilosopo ka din eh nuh. Wala ka kasi sa sarili mo
kagabi pa kaya baka may nangyari." nangyari? Oo
madami..
"Wala yun, tara na baka ma late na talaga tayo."
Ngumiti siya sakin tapos pina andar na niya yung
kotse. Ang bilis talaga niya magpa takbo ng kotse.
Papasok pa lang kaming dalawa nakahawak na
naman si Marky sa kamay ko. Hobby na ba niya
yan? >.<
Lahat tuloy napapa tingin saming dalawa tapos
nag bubulungan pa.

Bigla naman namin nakita si Jeydon..
Nakatingin lang siya samin tapos napatingin siya
sa kamay namin ni Marky. Kinabahan ako bigla.
Lumapit si Marky sakanya at dahil magkahawak
kami pati ako napalapit.

"Hoy Jaydee! Umalis ka kaagad kagabi ah?"
"Inaantok na ko eh. Geh una na ko." Hindi man
lang siya tumingin sakin. Tapos ang cold pa ng
dating niya. Parang wala siyang kahit anong
emosyon.
"May alam ka ba kung bakit ganun si Jeydon?"
"Ha? Wala eh.." hindi ako makatingin kay Marky
kasi may alam naman talaga ako.
"Hmm.. ano kayang problema nun? Tsk. Tara hatid
na kita sa room mo."

Dumeretso na kami sa room ko na magkahawak
pa din yung kamay namin. Misteryoso si Jeydon.
Ang hirap niyang basahin pero ngayon halatang iba
siya. Ibang iba siya kesa dati.

"See you later."
"Okey, thanks Marky."
Pagpasok ko sa loob buti na lang talaga wala pa si
Ms. Farrah. Tumabi agad ako kay Margot sa likod
sakto naman na dumating na din si Ms. Farrah.
Habang nag tuturo siya wala ako sa sarili ko.
Naiisip ko pa din kasi si Jeydon. Nakakapanibago
siya kanina. Kasalanan ko naman yun eh, nasaktan
ko siya. Ano pa nga bang aasahan ko? Malamang
kinakamuhian na niya ko. Nalilito pa din ako, gusto
kong malamab kung wala ba talaga akong gusto
sakanya o indenial lang ako kasi alam kong gusto
ko si Marky.
Last subject na bago mag lunch.
"Candice okey ka lang?" pati ata si Margot
napansin na wala ako sa sarili ko.
"Hindi ko alam eh.. Hays.." pinatong ko na lang
yung ulo ko sa desk. Mababaliw na ata ako.
"May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin
sakin." inangat ko ulit yung ulo ko.
"Margot, paano mo ba masasabi na gusto mo yung
isang tao?" ngumiti siya sakin.

"Kung sino man yung iniisip mo ngayon, gusto mo
siya." Hala? paano naman niya nalaman na may
iniisip akong tao? Alam din ba niyang iniisip ko si
Jeydon?
"Di nga?"
"Kapag palagi mo siyang naiisip isa lang ibig
sabihin nun, gusto mo siya. Bakit mo naman siya
iisipin kung hindi mo siya gusto. Bakit sino ba
siya?" naka ngiti na naman siya sakin.
"Ha? Wala ah.. wala to."

Buti na lang dumating na yung teacher namin kaya
hindi na ko inusisa ni Margot. May punto naman
siya dun eh pero kaya ko lang naman iniisip si
Jeydon kasi sa mga sinabi niya sakin kagabi. Ang
pinagtataka ko lang bakit parang mas malakas
yung impact sakin nung pagtatapat ni Jeydon kesa
kay Marky. Kasi naman eh, kung hindi ko inakala
na mag kaka gusto sakin si Marky, mas lalong
hindi ko inakala na mag kaka gusto sakin si
Jeydon. Not even in my wildest dream. Hays.

"Candice wag mo isipin yun mahal ka nun."

"Ha?" ay bakit kami na lang ni Margot yug tao sa
room?
"Haha! kanina ka pa tulala tska wala sa sarili mo.
Hindi ka pa din ba tapos isipin yung taong yun?"
ngumiti siya sakin na parang nang aasar pa. Hala!
si Margot ba yan?
"Alam mo nahahawa ka na kay Ginno. Wag mo
mga ko asarin dyan sa mga ngiti mo, wala lang to.
Gutom lang siguro."
"Kumain ka na, sabay kami ngayon ni Ginno kaya
hindi kita masasamahan."
"Okey lang, sige na pumunta ka na sa boyfriend
mo. Haha! lakas mo maka lovelife eh nuh."
"Tignan mo to, ikaw naman nang aasar ngayon."
Nag blush pa siya. Ganyan ba kapag inlove? Haha.
"Sige na, sige na."

Pupunta na lang ako ng Music Hall, panigurado
andun na yun si Marky. Pambihira, feeling ko
buong araw akong ganito, wala sa sarili. Kasi
naman eh..

"Ouch!"

Pag tingin ko sa nakabangga sakin, bumilis yung
tibok ng puso ko..

"Ah sorry Jeydon.."
Hindi siya nagsalita, napatingin lang siya sakin
saglit tapos umalis na siya. Tumalikod ako para
makita ko siya, naglalakad na siya palayo sakin.

"Jeydon teka lang!"

Huminto siya saglit pero naglakad ulit siya. Amp!
Hindi na ba talaga niya ko papansinin? Totoo ba
talagang kakalimutan na niya ako. Alam kong
nasaktan ko siya pero unfair naman ata tong
ginagawa niya. Mag kaibigan pa din naman kami di
ba? Hays.
Hinabol ko siya, hinawakan ko yung braso niya
tska ko siya hinarap sakin.
"Seryoso ka ba talagang kakalimutan mo na ko?
Pwede pa din naman tayong maging mag kaibigan
di ba? Pwede mo pa din akong asarin! kalimutan
na lang natin yung nangyari kagabi.."

Nakatingin lang siya sakin. Walang siyang
emosyon. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
Ibang iba siya ngayon.
"Sorry na. Pwede ba pansinin mo naman ako? Sige
ka ma mimiss mo din akong asarin. Huy
doraemon!"
Inalis niya yung pagkakahawak ko sa kamay niya
tapos tumalikod siya sakin.

"Pwede ba, layuan mo na ko."

Natulala ako sa sinabi niya. Layuan ko siya? Ganun
ba talaga yung galit niya sakin? Unti unti na siyang
naglakad palayo sakin..

"Bahala ka ma mimiss mo din akong
asarin.. Yah Jeydon.. bakit ka ganyan?
kasalanan ko bang gusto ko si Marky? tska
sinabi ko na bang hindi kita gusto? Stupid
cat.."

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon.
Nasasaktan ako.
Kung gusto niyang layuan ko siya. Eh di sige yan
naman gusto niya di ba? Tska ano naman kung
lalayuan ko na siya? Madali lang naman yun eh.
Madali lang naman di ba?
Isa pa ako naman may gusto neto di ba? ako yung
nagsabi na wag niya akong gustuhin. Ako yung
nagsabi na sa iba na lang siya mag kagusto. Tapos
ngayon..

Para akong tanga, kasi nasasaktan ako.
49: Candice Realization

Isang linggo.
Isang linggo na yung nakalipas simula nung gabing
nag tapat sakin si Jeydon. Sa isang linggo na yun,
napaka daming nag bago..
Si Jeydon, bumalik na naman sa dati. Kada lunch
wala siya sa tambayan ng APAT. Panay pa yung
pag yoyosi niya, nakaka dalawang kaha ata siya sa
isang araw, tsk nag susunog ata siya ng baga.

Kada uwian naman pupunta siya sa bar nila Troy
para uminom, sabi pa ni Troy ang dami niyang
kasamang babae kada iinom siya. Tapos ang dami
na naman niyang nilagay sa hunt's list tapos palagi
pang nasa rumble. Parati pa siyang wala sa class.
Bumalik na naman siya sa dating siya, mas malala
pa nga ata ngayon.
Kami naman ni Marky lalong napapalapit. Palagi
niya akong hinahatid sundo. Nag paalam na din
siya kay Kuya Charles na nag dadate na kami.
Hindi naman nagalit si Kuya, basta may tiwala daw
siya sakin. Kalat na nga din sa buong school na
nag da-date na kami ni Marky. Kaya yung mga
fangirls niya ang sama lagi ng tingin sakin, isama
mo pa si Abby. Kaso parang hindi ako masaya?
Si Troy napansin ko medyo malungkot. Nabanggit
kasi niya na nagiging malamig daw sakanya lately
si Ate Jaycee. Hays naawa nga ako sakanya kasi
palagi na lang siyang puyat kaka intay kay Ate
Jaycee galing sa shop niya.
Si Kuya Charles naman palaging inaasar ni Ate
Serina. Kaya ayun palaging badtrip. May na miss
tuloy ako..
Ako naman, eto ang dami kong iniisip.. parang
may kulang.. parang may namimiss ako..

"Sa susunod wag mong ipapakita yang mukha mo
sakin, ang panget eh."
"Sorry Jeydon."
Biglang binuhusan ng juice ni Jeydon yung babae.
Lahat kami nagulat sa ginawa niya. Madaming
estudyante yung nanunuod sa pinag gagawa niya
pero kahit isa wala man lang pumigil kay Jeydon,
wala man lang tumulong dun sa babae. Umiiyak na
tuloy yung babae kaya nilapitan ko na lang siya.
"Eto mag punas ka." Nilabas ko yung panyo ko,
narinig kong nag bulungan yung mga studyante
nung lumapit ako.
"Salamat Candice."
"Sige na, mag ayos ka muna." Umalis na siya
agad, tinignan ko na naman ng masama si Jeydon.
Halata naman na nainis siya sa ginawa ko. Nainis
na naman siya sa pakiki alam ko. Umalis na din
ako dun, maiinis lang din ako sa mga pinag
gagawa niya.

Sa isang linggo na yun hindi na kami nag usap ni
Jeydon. Minsan gusto ko siyang kausapin pero
hindi pa ko nakakalapit sakanya lumalayo na agad
siya. Hindi ko mapigilan na mag alala sakanya.

Gusto ko siyang bumalik sa dati, sa dating Jeydon
na nakilala ko.
Kada mag lalasing nga siya sa bar nila Troy
pupuntahan ko siya dun para pigilan siya. Kapag
makikipag rumble siya, kapag mapapadami siya ng
yosi. Pinipigilan ko siya kahit na pinag tatabuyan
niya ko.
Bumalik na ko sa room.

"Uy girls alam niyo ba next week daw may
malaking event sa hotel nila Jeydon." ang lakas ng
boses ni Blossom rinig buong room.
"Yan ba yung engagement nila Jeydon at Stacey?"
lumapit sakanya si Bubbles, sumunod naman si
Annie.
"Yup! at invited tayo! Oh my gosh, kelangan na
nating mag shopping."
"Tama! Madaming mga lalaki dun!" hindi pa din
sila nag babago, mukha pa din silang lalaki.

Naisip ko yung sinabi ni Jeydon na kaya niyang
itigil yung engagement na yun para sakin. Kaso sa
ginawa ko, hindi na ko nag tataka na itutuloy na

niya. Sa totoo lang ayoko yun matuloy kasi alam
ko naman na ayaw ni Jeydon kay Stacey. Kung
pwede lang niya yun itigil hindi para sakin, para sa
sarili niya.
"Candice, pupunta ka ba sa Engagement nila? may
natanggap din kasi akong invitation eh." ang dami
atang invited.
"Ah hindi na siguro. Kasama mo si Ginno?"
"Oo, bakit hindi ka pupunta? Paano si Marky?" oo
nga nuh, malamang pipilitin ako nun pumunta dun.
"Bahala na nga, tska wala pa naman akong
natatanggap na invitation." Sana nga wala na lang,
ayoko din pumunta dun.
"Sumama ka na, kamusta pala kayo ni Marky? siya
siguro yung iniisip mo nung nakaraan. Sabi ko
sayo wag mong isipin yun mahal ka nun." hindi
naman siya yung iniisip ko nun, si Jeydon.
"Okey lang kami."

Okey lang naman talaga kami eh. Kaso ewan ko ba
may kakaiba akong nararamdaman. Okey na
naman siya kay Kuya Charles pero bakit parang
hindi pa din ako masaya? Ano bang nangyayari
sakin? Dahil kaya to kay Jeydon? yung abnormal

na pusang robot kasi na yun eh, palagi na lang
pumapasok sa isip ko. Nung nag date nga kami ni
Marky palagi kong nababanggit si Jeydon sakanya.
Hindi ko naman alam kung bakit. Nakakahiya nga
kasi siya yung kasama ko pero si Jeydon yung
naiisip ko.
Isang araw pa nga naka higa ako sa kama ko
tapos pinatugtog yung Thinking of you sa radyo,
sobrang naka relate ako bigla. Kagayang kagaya
kasi sakin, si Marky yung kasama ko pero si
Jeydon yung nasa isip ko. Si Marky yung pinili ko
pero.. amp! Ewan ko ba. Gulong gulo na din ako
eh.

Nag rest room muna ako.
Nakita ko na naman si Jeydon. Aba dalawang kaha
na ng yosi yung naubos niya, mag bubukas na
naman siya?

"Hoy Jeydon! Akin na nga yan!" kinuha ko agad
yung kaha ng sigarilyo sakanya.
"Ibalik mo sakin yan! Bakit ba ang kulit mo ha? Di
ba sinabi ko ng layuan mo na ko?" tinapon ko sa
malayo yung yosi niya.

"Lalayuan lang kita kapag umayos ka na! Ano ba
kasing ginagawa mo sa sarili mo ha?" kumuha na
naman siya ng panibagong kaha ng yosi sa bulsa
niya. Pambihirang lalaki to! Factory ba siya ng
sigarilyo?
"Wala kang paki alam."
Tumayo siya tapos ang sama ng tingin niya sakin.
"Layuan mo na nga ko."

Bahala nga siya ako na nga nag aalala sakanya eh.
Makabalik na nga lang sa room.
Saglit pa lang akong nandun nag bell na ng lunch.
Umalis na si Margot kasi sabay ba naman sila ni
Ginno. Papunta pa lang sana ako ng music hall
pero hinila ako agad ni Tiffany.

"Candice! nakita mo na ba? OMG! kung sino man
yung b*tch na gumawa neto sayo, kakalbuhin ko
siya!" mukhang galit na galit si Tiffany. Hinihila
niya ko papuntang canteen.
"Teka Tiffany! bakit mo ko dadalhin sa canteen?
Ano bang nangyayare?"

"Candice kalat na yung picture mo sa buong
campus! at lahat sila pinag uusapan na yun!"

Bigla akong kinabahan, picture ko? Ano yun? at
bakit pinag uusapan na siya sa buong school?
Hindi pa din ako binibitawan ni Tiffany hanggang
makarating kami sa canteen.
Pag dating ko sa canteen parang nalaglag yung
puso ko sa nakita ko.

MS. CAMPUS REYNA DIN SA KALANDIAN.
Ms. Campus, Candice Gonzales nilalandi pareho
ang mag best friend na si Jeydon at Marky.
Ganyan ba dapat yung isang Role Model? Akala mo
mahinhin, yun pala ubod ng LANDI. Famewhore at
mang aagaw.

Picture namin ni Marky yung nandun magkasama
kaming dalawa sa music hall tapos yung isang
picture yung gabi na nag tapat sakin si Jeydon,
ako yun at si Jeydon na magkayakap.
Gusto kong umiyak. Naiinis ako, sinong gagawa
neto sakin? Hindi naman niya alam yung buong

kwento kaya bakit ganyan yung pinapalabas niya?
Isa pa hindi naman ako malandi eh, hindi ako
famewhore at mang aagaw. Napatingin ako sa
palagid, lahat sila nag titinginan sakin, pinag
bubulungan nila ko. Yung iba parang diring diri pa
sakin. Akala mo napaka sama kong tao. Tinignan
ako ni Tiffany halatang nag aalala siya sakin.
Napansin din niya na madami ng studyante yung
naka tingin samin.

"Hoy anong tinitingin tingin niyo dyan ha? Gusto
niyo dukutin ko yang mata niyo ha?!" galit na galit
siya, lumapit agad siya dun sa poster na naka dikit
sa pader tapos pinagtatanggal niya habang ako
naman nakatulala lang dito. Ang dami pang naka
dikit na ganun sa canteen, feeling ko sa buong
school meron neto.
"Candice okey ka lang? Wag mo ng pansinin yan,
ako nang bahala dyan." hindi ako okey pero
ayokong ipakita yun kay Tiffany kasi alam kong
nag aalala siya sakin.

"Well well well.. look who's here.." napatingin
kaming dalawa ni Tiffany sa nag salitang yun. Si
Stacey kasama sila Abby.

"Anong kaylangan mo ha Stacey?"
"Sorry sister, hindi ikaw ang gusto kong kausapin
kundi ikaw Candice." Ang sama ng tingin niya
sakin. Akala ko ba okey na kami? dahil ba sa
picture na magkayakap kami ni Jeydon?
"Stacey mali ka ng iniisip.."
"Shut up! noon pa man alam ko na yang tunay
mong ugali. Malandi ka talaga, una inagaw mo si
Marky kay Abby tapos ngayon aagawin mo pati si
Jeydon na Fiance ko? How dare you!"
"Hindi ko inagaw si Marky at hindi ko aagawin sayo
si.."

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi sinampal
ako ni Stacey ng malakas. Napahawak na lang ako
sa pisngi ko. Alam kong malapit ng tumulo yung
luha ko pero pinipigilan ko lang. Ang sakit, sobrang
sakit ng sampal niya.
"Kahit ano pang sabihin mo, malandi ka!"
"Hoy Stacey! bakit mo ginawa yun! Sumusobra ka
na ah!" lalapitan na sana ni Tiffany si Stacey pero
hinawakan siya nila Abby.

Lumapit sakin si Stacey tska niya ko tinulak.
Napahiga tuloy ako sa sahig. Nilapitan niya ko tska
niya hinawakan yung buhok ko.
"Hoy Candice, kahit ano pang gawin mo hindi mo
makukuha sakin si Jeydon. Simula pa lang to ng
pagpapahirap ko sayo. Kuha mo?" sobrang sakit
ng sabunot niya sakin kaya hindi ko na maiwasan
na mapaiyak.
"Ano ba Stacey! tama na please, wala akong
ginagawa sayo." mas hinigpitan niya yung hawak
sa buhok ko.
"Akala mo lang wala!" Kiniha niya yung baso mg
tubig tapos tinapon niya sa mukha ko. "Ano
masarap ba?"
"Stacey si Jeydon." pagsabi ni Abby nun binitawan
na agad ni Stacey yung buhok ko. Pinunasan ko
agad yung mukha ko.
Nakatingin lang kaming dalawa ni Stacey kay
Jeydon. Si Stacey tumayo na ako naman nakadapa
pa din ako sa sahig, umiiyak.
"Hi baby! Kakain ka na ba?" Tumango siya kay
Stacey.
"Hoy Jeydon! Tulungan mo si Candice!" sinamaan
agad ng tingin ni Stacey si Tiffany. Napatingin
saglit sakin si Jeydon.

"Bagay lang sakanya yan, isa pa sino ba siya
para tulungan ko?"

OUCH.

Umalis siya agad tapos sinundan naman siya agad
ni Stacey kasama sila Abby.
Ang sakit naman ng sinabi ni Jeydon. Bakit ganun
siya? Bagay to sakin? Bagay lang ba na saktan nila
ko? Palagi naman niya kong tinutulungan dati pero
ngayon hindi man lang niya ko tinulungan.

"Candice! humanda talaga sakin yang evil sister ko
mamaya! Wag ka ng umiyak!" tinayo ako ni
Tiffany.
Kanina naiiyak ako dahil sa sakit ng sabunot sakin
ni Stacey. Ngayon naiiyak ako dahil sa sinabi ni
Jeydon. Alam kong galit siya sakin pero sobra na
siya. Naging mag kaibigan din naman kami ah?
Kilala naman niya ko di ba? Alam naman niyang
hindi ako ganun. Kaso ano bang karapatan kong
mag reklamo eh ginusto ko naman to di ba?

"Candice, wag ka ng umiyak! Hayaan mo sila ni
Jeydon, magsama silang masama yung ugali!"
"Okey lang ako Tiffany, salamat. Gusto ko lang
muna mapag isa." Bago pa ko makaalis hinawakan
ulit ni Tiffany yung kamay ko.
"Kapag kaylangan mo ko andito lang ako."
Ngumiti ako sakanya tska ako umalis. Salamat
Tiffany, ayoko din na makita mo akong ganito.
Sobrang nasasaktan lang ako. Feeling ko ang
unfair ng mundo sakin.

Pumunta ako sa tambayan ko, sa tahimik na
hallway. Gusto ko talagang mapag isa. Gusto ko
ng katahimikan.
Hindi ko alam kung deserve ko ba lahat ng to. Oo
nasaktan ko si Jeydon, pero tama na mangyari to
sakin? Tama ba na husgahan nila ako? Hindi
naman nila ako kilala ah. Hindi ko naman nilandi si
Marky, ganun din si Jeydon. Oh baka malandi na
talaga ako hindi ko lang alam sa sarili ko? Nag
bago na ba ko? Yung inosenteng walang ka alam
alam mundo, naging malandi na nga ba ko? Hays.
Naging famewhore na ba ko? Mang aagaw nga ba
talaga ako? Naiinis tuloy ako sa sarili ko.

Napayuko na lang ako. Pinatong ko sa tuhod ko
yung ulo ko tska ako umiyak. Gusto kong umiyak
hanggang sa wala na kong iluluha. Bakit ba palagi
na lang ako kawawa? Bakit hindi ko magawang
maging masaya? Gumanda nga ako, nagkaroon ng
kaibigan, nakilala ako sa school pero mas naging
malala pa yung buhay ko ngayon. Sana bumalik na
lang ako sa dati kong buhay.
May narinig akong mga studyante na dumaan.

"Grabe akala ko pa naman mabait siya, yun pala
ang landi niya!"
"Oo nga eh, naturingan pa naman siyang Ms.
Campus tapos ganun yung ugali niya."
"I hate her. Siguro gusto niya lahat ng atensyon
nasa kanya. Tama yung sabi ng poster Famewhore
siya!"
"Tama, bagay lang sakanya yung ginawa ni
Stacey. Mang aagaw siya! Malandi!"

Ouch. Ang sakit naman ng mga sinabi nila. Dahil
lang sa nakita nila dun sa poster na yun ganun
ganun na lang nila ako husgahan. Hindi ko naman
ginusto lahat ng kasikatan na meron ako ngayon.

Never kong hiniling na sumikat ako sa school na
to.
"Candice.." pag ka angat ko ng ulo ko nakita ko si
Marky. Tinignan ko siya. Mukhang nakita na niya
yung poster na yun. Kita ko sa mata niya na hindi
siya masaya.
"Marky yung.."
"Candice sana sinabi mo na lang sakin yung
nangyari nung gabing yun para hindi ako nag
mumukhang tanga." napayuko ako, bakot nga ba
hindi ko sinabi?
"Marky malandi na din ba yung tingin mo sakin?
naniniwala ka din ba sa nakasulat dun?"
"Kilala kita at alam kong hindi ka ganun. Never mo
kong nilandi o inagaw ako naman yung kusang
lumapit sayo eh. Wag kang mag aalala magiging
okey din lahat. Wag ka ng umiyak." pinunasan niya
yung luha sa mukha ko.
"Sorry kung hindi ko nasabi sayo.." naiiyak na
naman ako. Bakit ba wala akong magawa kundi
mag sorry na lang ng mag sorry.
"So nag tapat na siya sayo?"
"O-oo.. alam mo din ba?" Tumawa siya.

"Halata namang gusto ka niya eh. Manhid mo ka
lang kasi. Ano ba yang puso mo? Pusong bato?"
Natawa tuloy siya.
"Hindi ko naman naisip na mag kaka gusto siya
sakin eh.."

"Gusto mo din ba si Jeydon?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako makapag
salita.

Isang linggo ko na yan tinatanong sa sarili ko pero
hindi ko masagot eh. Hindi ko masabing hindi,
pero hindi ko din masabing gusto ko siya.

"Hindi.. hindi ko alam.." hindi ako maka tingin
sakanya. Ayoko siyang lokohin. Yun naman talaga
yung totoo eh, hindi ko alam.
"Ngayon naiintindihan ko na yung lahat."
napatingin ako sakanya. Anong ibig niyang
sabihin?
"Naiintindihan ang alin?"

"Candice, gusto mo din si Jeydon.." ha? Paano
niya nasabi?
"Hindi ko alam, paano mo naman nasabi?"
"Kasama mo nga ako pero yung isip mo na kay
Jeydon. Candice alam ko yun kahit hindi mo
sabihin kasi nararamdaman ko."
"Sorry, hindi ko naman sinasadya yun.. Hindi ko
talaga alam bakit ko siya naiisip." hinawakan niya
yung kamay ko
"Iniisip mo siya kasi gusto mo siya."
"Ha?"
"Naniniwala naman ako nung sinabi mo na gusto
mo ako eh, pero alam ko din na gusto mo din si
Jeydon."
"Galit ka ba sakin?"
"Hindi ako magagalit sayo kung aalamin mo kung
sino ba talaga samin yung gusto mo, hindi ako
magagalit kung siya yung pipiliin mo. Ayoko lang
malito ka.."
"Paano ko malalaman yun?"
"Ikaw lang makaka pagsabi niyan.. hihintayin ko
yung sagot mo ah? wag ka ng malungkot." Ngumiti
siya sakin tska niya ako hinalikan sa noo ko.

Umalis na siya, naiwan naman ako ditong
nakatayo. Pinipigilan ko pa din na umiyak. Hays
Nalilito na ko.

Nag bell na, math na.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng room pinag
titinginan na agad ako ng mga tao dun. Lalo na
yung powerpuff girls. Umupo na lang agad ako sa
likod. Nakita ko si Margot, halata mong nag aalala
siya sakin. Nginitian ko na lang siya kahit pilit lang.
Sakto naman na dumating si Jeydon. Dere-deretso
lang siya na umupo sa tabi ko. Hindi ko pa din
makalimutan yung sinabi niya kanina. Nasaktan
talaga ko, alam ko namang kasalanan ko yun,
okey lang sakin na hindi niya ko tulungan pero
sana hindi na niya sinabi yun.
"I told you, malandi talaga siya." nilakasan pa ni
Blossom yung boses niya para marinig naming
lahat.
"Tama ka dyan! Nag kukunwari lang siyang
mabait, mahinhin pero sa loob loob lang niya,
she's a b*tch." tapos nag tawanan sila.
"Feeling ko nga hindi na siya virgin!"

"Hindi na talaga Bubbles! Buti nga naka timik siya
kay Stacey." Nagtawanan ulit sila ng malakas.

Grabe na yung mga sinasabi nila. Below the belt
na lahat yun ah! Ano bang ginawa ko sakanilang
masama para ganituhin nila ako?
Hindi ko na talaga mapigilan yung pag iyak ko.
Pinunasan ko agad siya. Ayokong makita nila
akong umiiyak. Ayokong makita nila akong
mahina. Kinuha ko yung gamit ko tska ako
lumabas ng room. Uuwi na lang ako. Hindi na din
maganda yung pakiramdam ko.
Bago ako makalabas ng room may pumatid sakin,
nadapa tuloy ako. Nakita ko yung mga classmates
ko pinag tatawanan ako.
"Yan yung bagay sayo! Malandi ka!"
"Famewhore!"
"Mang aagaw ka!"
"Hindi ka bagay na maging Ms. Campus!"
Ang sakit ng tuhod ko pero pinilit ko pa din na
tumayo. Tumakbo ako palayo sa room na yun.
Ilang beses na kong nadadapa pero wala akong
paki alam. Napatigil ako, daming poster sa palagid.

Inalis ko siya pero wala eh ang dami pa din. Bakit
ba kasi ganito? Ang unfair ng mundo sakin.
Paglabas ko ng gate naglakad na ko pauwi. Hindi
ko na napigilan na maiyak. Wala naman
nakakakita sakin eh. Ang bigat na kasi sa
pakiramdam.
Hindi ko naman hiniling na magustuhan ako ni
Marky at Jeydon. Hindi ko naman hiniling na
maging sikat ako sa school. Hindi ko naman
hiniling na maging maganda. Hindi ko hiniling na
lahat ng atensyon mapunta sakin.
Gusto ko lang naman maging masaya..

*Beep*

Napa upo ako sa kalsada. Ang lakas ng busina ng
kotse na to. Muntik na pala niya akong
masagasaan. Sa kalsada na pala ako nag lalakad,
hindi ko alam kasi wala ako sa sarili ko.
"Hoy miss mag papakamatay ka ba ha!"
Galit na galit yung mamang driver.
"Sorry po."

"Sa susunod kung magpapakamatay ka tumalon ka
na lang sa tulay!" pumasok ulit siya sa kotse niya,
ang lakas ng paglasara niya sa pintuan na para
bang masisira na.
Nakatayo upo pa din ako dito sa kalsada. Wala na
kong paki alam kung may dumaan ulit na kotse,
mas mabuti pa nga sagasaan na lang nila ako eh.
Sakto ata may papadating na kotse. Sana hindi na
siya huminto, sagasaan na lang niya ko. Kaso kung
mamalasin nga liliko pa ata siya. Binaba niya yung
windshield niya.
"Hoy baliw!" Haha! Oo baliw na ko.

"Oo baliw na nga ko!"

"Dun ka sa tulay mag pakamatay!"
Effective ba mag pakamatay sa tulay? Lahat sila
ganun sinasabi eh.
Nababaliw na nga talaga ako. Iyak tawa na ako
dito sa gitna ng kalsada. Napayuko na lang ako
tapos naiyak na naman ako. Ano bang nangyayari
sakin?

May humawak naman sa kamay ko. Ang lakas niya
kaya na angat niya agad ako. Nakita ko na naman
tuloy yung mata niya..

"Mag papakamatay ka ba talaga ha?!"

Mukhang galit na galit siya. Ano na naman ba
nagawa ko sakanya?

"Oo, mas mabuti pang mag pakamatay na
lang ako. Bagay naman sakin yun di ba?
Hayaan mo na ko dito.." Inalis ko yung kamay
niya tska ako umupo sa sahig. Tignan mo lang ako
na masagasaan, eto naman gusto mo di ba? eh di
ibibigay ko sayo para naman maka bawi na ko sa
kasalanan ko sayo.

"Baliw ka ba! Tumayo ka dyan!"

"Ano bang paki alam mo sakin? Sino ba
naman ako sayo? Bagay lang to sakin di ba?"

Hinatak niya ko ng napakalakas. Buiset talaga tong
abnormal na to. Ano naman to? Hinila niya ko sa
gilid ng kalsada.

"Ano bang problema mo Candice?!"
"Wala akong problema kaya hayaan mo na ko
Jeydon.." hinawakan na naman niya yung kamay
ko, sobrang higpit.
"Bakit ka ba nag kaka ganyan? Hindi ka naman
ganyan ah?!"
"Hindi ah, ganito naman ako di ba? Malandi ako,
mang aagaw, famewhore at kung ano ano pa. Mas
mabuti pa mamatay na lang ako eh!"

Napaupo ako. Hindi ako makahinga, hindi ako
makahinga sa sobrang pag iyak. Feeling ko
inaatake ako ng hika ko.

"Candice asan yung inhaler mo ha? Asan?"
Hinawakan niya ko sa balikat ko.
"Nasa.. nasa.. bag.." hindi ako makahinga..

Kinuha niya sa bag ko yung inhaler tapos binigay
niya sakin. Ginamit ko naman agad. Kinapa niya
yung leeg ko.
"Ang init mo! dadalhin kita sa ospital."
"Hindi ayoko! Ayoko sa ospital! Pabayaan mo na
ko! Umalis ka na.."
Bigla niya akong binuhat. Nasa balikat na niya
tuloy ako. Ano bang ginagawa niya?
"Hoy Jeydon! Bitawan mo nga ako! San mo ko
dadalhin ha? Bitawan mo ko!"
"Wag ka ngang maingay!"
Pinasok niya ko bigla sa kotse niya. Ano bang
ginagawa niya? Akala ko ba wag na kami mag
pansinan? Akala ko ba layuan ko na siya?
Abnormal pala siya eh!
Pina andar niya agad yung kotse niya. Hindi na
lang ako nag salita kasi nahihirapan pa din ako
huminga. San naman ako dadalhin ng doraemon
na to?!
Maya maya nakadating na kami sa pupuntahan
namin. Sa bahay este mansion pala nila. Ano
naman ginagawa ko dito?

Bumababa siya ng kotse tapos binuksan niya yung
pintuan tska niya ko binuhat ulit.
"Hoy ano bang ginagawa mo?" hindi ako maka
tingin sakanya. Ang lapit ng mukha namin.
"Shut up." Bumalik na naman yung nakakatakot
niyang tingin. Hindi na lang ako nag salita.
Mamaya bugahan niya ko ng apoy.

Pumasok kami sa loob ng bahay este mansion nga
pala nila. Binati siya ng mga maid dun. Nakakahiya
nga kasi buhat buhat niya ko. Ano na naman trip
ng lalaking to?
Dinala niya ko sa kwarto na katapat lang ng
kwarto niya. Sinara niya yung pintuan tapos hiniga
niya ako sa kama. Ang dilim din dito. Tapos..
tapos..
Waaaa! OMO! Bumilis yung tibok ng puso ko.

Nag hubad siya >.<

Nag hubad siya ng uniform! Shete naman oh, ano
bang iniisip niya? Dalawa lang kami dito sa kwarto,
madilim tapos nakasara yung pinto. Waaa! pag

sasamantalahan niya ba ko? Kasi sa ginawa ko?
Waaaa eto ba yung gaganto niya sakin? Anong
gagawin niya? Amp naman eh kita yung abs niya.
"Hoy Jeydon!"
"Oh?"
"Anong gagawin mo sakin?" hindi ako makatingin
sakanya feeling ko namumula yung pisngi ko.
"Ha?" napatingin siya katawan niya tapos ngumiti
siya ng sobrang lapad. Lumapit siya sakin.
"Ang init eh.. ikaw hindi ka ba
naiinitan?" naka tingin pa din siya sakin tapos
palapit siya ng palapit sakin.
"Malamang naiinitan ako! May lagnat ako eh!"
"Eh di mag hubad ka din." Binato ko nga siya ng
unan!

"Ano?!"

"Haha joke lang!" tawa pa din siya ng tawa.
"Manyak mo talaga!"

"Nag hubad lang manyak na agad? Ikaw nga naka
tingin ka pa sa katawan ko! Sinong manyak satin
ha?" hala! Ang kapal niya! napa tingin lang naman
ako ah.
"Bakit ba kasi dito mo ko dinala? Ano bang
binabalak mo ha?"
"Mag pahinga ka muna dyan, tatawagan ko lang
yung family doctor namin. Kung ano ano iniisip
mo." Tumawa na naman siya tapos lumabas na
siya ng kwarto.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti. Nawala
lahat ng lungkot ko, kasi naman eh nakita ko ulit si
Jeydon na tumawa. Nakita ko ulit yung napang
asar na side niya. Na miss ko tuloy yung asaran
namin.
Na miss ko siya.
Oo na miss ko nga siya. Hays.
Maya maya dumating na nga yung doktor. Okey
naman daw ako, umiyak lang ako ng sobra kaya
daw inatake ako ng hika ko. Mag pahinga na lang
daw ako tapos may binigay lang na gamot para
bumaba yung lagnat ko.
"Sit."

"Bakit?" ano na naman gagawin niya?
"Sabi ko sit!"
"Maka sit ka dyan! Ano ko aso ha? Eto na." Umupo
na lang din ako. Mahirap na galitin tong lalaki na
to.
"Aso ka naman talaga di ba?" ah asaran pala gusto
niya ha.
"Ikaw naman mukha pusa! Doraemon!" hehe ang
cute naasar na naman siya. Nag mumukha na
naman siyang pusa.
"Hoy di ba sabi ko sayo wag mo kong tatawagin na
Doraemon? Baka gusto mong ilagay kita sa hunt's
list?"
"Hindi na kaylangan, lahat naman sila galit na
sakin.." napayuko ako.
"Matuto ka kasing lumaban."
Hinawakan niya yung tuhod ko. Hala? Dumudugo
pala kaya pala masakit. Nakuha ko siguro kanina
nung nadapa ako. Kinuha niya yung betadine tapos
nilagay niya sa sugat ko. Nagulat ako kasi ang
galing niya mag lagay, hindi ganun kasakit.
Nilagyan niya agad ng band aid.
"Lampa mo kasing babae ka eh."

"Jeydon thank you ah, tinulungan mo na naman
ako.."
Hindi siya nagsalita.
"Hmm.. galit ka pa din ba sakin?" hindi siya
tumingin sakin.
"Mag pa hinga ka na dyan, umuwi ka na lang
kapag okey ka na."
Tapos lumabas na siya ng kwarto. Tss ang
abnormal talaga nun, kanina okey na siya tapos
nag sunget na naman bigla. Akala ko naman hindi
na siya galit sakin.
Saglit lang din ako nag stay tapos lumabas na din
ako ng kwarto niya.
Paglabas ko napansin ko yung playroom nila
Jeydon. Naalala ko yung picture na nakita ko sa
kwarto na yun dati. Pumunta muna ako dun, wala
naman sigurong masama di ba? May titignan lang
ako.

Binalikan ko agad yung litrato ni Jeydon tska nung
babae. Nakita ko siya ulit. Siguro first year high
school pa lang silang dalawa dito. Ang ganda nung
babae para talagang nakita ko na siya, hindi ko
lang maalala kung saan eh. Naka akbay sakanya si

Jeydon tapos naka piece sign naman yung babae.
Ang saya saya ni Jeydon dito sa picture na to,
halatang inlove siya. Nainis naman ako bigla.
Ibabalik ko na sana yung picture kaso may nakita
akong sulat sa likod ng frame. Na curious naman
ako kung ano yun, Sorry Jeydon kung nabasahin
ko ah..
Love letter pala siya. May mga hearts hearts pang
design. Kay Jeydon kaya to? Hindi ko maisip na
gagawa siya ng love letter.

Dear Kim,
Hello labs! Happy first anniversary satin. Mahal na
mahal po kita labs. Palagi ka pong nasa isip at
puso ko. Hehe sana forever na tayo nuh? Kasi
hindi ko kaya kapag wala ka sa buhay ko. Alam mo
naman na gago ako di ba? pero hindi ako nagsisisi
na sayo ako nag seryoso, sayo lang. I love you
Kim! My labs.
Love, Jaydee.

Muntik ko ng malukot yung papel na hawak ko.
Bakit ganito? Naiinis ako na naiingit ako. Ganun
pala talaga mag mahal si Jeydon. Sabi nila ang
mga bad boy daw seryoso mag mahal. Sa sulat pa

lang na to halata mo naman na nag effort talaga
siya eh. Seryoso nga talaga siya. Nakaramdam
talaga ako ng inggit parang ang sarap maging
girlfriend ni Jeydon. Sana ako na lang yung Kim,
sino kaya siya? Asan na kaya siya? Siya kaya yung
sinasabi ni Stacey na fiancee dati ni Jeydon? kahit
ano pa yun nainis talaga ako bigla sa nabasa ko.
Hala? Ano tong sinasabi ko?

Na pa upo ako. Ayoko ng lokohin yung sarili ko, Oo
nag seselos ako. Matindi pa ata to sa naramdaman
kong selos kay Marky at Abby. Nag isip ako,
pagkatapos ng ilang minuto, napatayo ako bigla.

Tingin ko alam ko na yung sagot sa tanong
ko..

Tinawagan ko agad si Troy.

[Gwapong Troy speaking.]
"Hoy Troy! Asan si Jeydon?"

[Alam ko nasa bar ko siya, umiinom na naman
ata.]
"Ah ganun ba sige salamat!"
[Oy teka! sinaktan ka daw nila Stacey ah? Ano
bang nangyare ha? Asan ka ba?]
"Troy nag mamadali ako! May sasabihin ako kay
Jeydon, pupunta ako ng bar mo ngayon."
[Ha? Sige sige! Goodluck!]

Nag madali na kong pumunta sa bar ni Troy.

Kaya pala nakaramdam ako ng slow motion nung
nag kiss kami. Kaya pala parang huminto yung
mundo ko nung magkayakap kami. Kaya pala
nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang
nasasaktan. Kaya pala nasaktan ako nung pinalayo
niya ako sakanya. Kaya pala hindi ko maiwasan na
laging mag alala sakanya. Kaya pala kahit pinag
tatabuyan niya ko nadyan pa din ako sakanya.
Kaya pala kahit si Marky yung kasama ko si Jeydon
yung naiisip ko. Kaya pala nag selos ako nung
nabasa ko yung sulat na yun. Kaya pala parang
hindi pa din ako masaya kahit okey na lahat samin
ni Marky. Kaya pala nasabi ni Margot at Marky yun.

Kaya pala parang may kulang. At kaya pala na
miss ko siya..

Shete. Confirm.

Hinanap ko agad si Jeydon pag dating ko sa bar
nila Troy. Nakita ko naman agad siya na umiinom
may kasamang babae.

"Jeydon pwede ba tayong mag usap?" nagulat siya
nung nakita niya ko. Medyo hinihingal pa ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto kitang kausapin! Pwede ba tayong mag
usap?" Uminom muna siya bago mag salita.
"Importante ba yan? Kita mo bang umiinom ako?"
Uminom na naman siya. Para namang linta yung
kasama niyang babae lalo siyang dumikit kay
Jeydon.
"Honey sino ba siya? paalisin mo siya." Sinamaan
ako ng tingin nung babae na kasama ni Jeydon.
"Hoy miss mag uusap lang kami pwede ba?"
Tumayo siya tapos hinarap niya ko.

"Eh kung ayoko?" Nainis ako bigla sakanya.
Tinabig ko siya kaya napa upo siya sa sahig. Tska
ako lumapit kay Jeydon.
"Mag usap tayo!" Hinila ko si Jeydon kaso
hinawakan naman siya nung babae.
"San mo siya dadalhin ha?!"
"Hoy ikaw gusto mo bang putulin ko yang kamay
mo?" Natakot ata siya sakin kaya binitiwan niya si
Jeydon.

Hinila ko yung abnormal na pusang robot na to
palabas ng bar. Naku! Ang arte gusto pa hinihila
siya eh.

"Hoy anong eksena yan ha? Ano bang sasabihin
mo? Importante ba yan?"
"Tingin mo makikipag sisiksikan pa ko sa bar na
yun kung hindi naman importante yung sasabihin
ko?"
"Eh ano ba kasi yun?" Nag sindi siya ng yosi,
kinuha ko naman yun sa bibig niya tapos tinapon
ko sa malayo.

"Makinig ka sa sasabihin ko!"

Huminga muna ako ng malalim. Kaya mo yan
Candice, madali lang yan.

"Kasi ano.. kaya pala.. kasi.."

"Ano?"

"Kasi ano nga.. ahm.."

Hindi ko siya masisi kung bakit hindi niya sakin
masabi to dati. Anak ng siopao naman! ang hirap
pala neto. ANG HIRAP SABIHIN!

"Bahala ka nga dyan!"

Tumalikod siya sakin. Oh no! Hindi pwede! It's now
or never. Hindi ko alam kung mag kakalakas pa
ulit ako ng loob para sabihin sakanya to. Hinabol

ko siya, hinawakan ko yung kamay niya. Hinarap
ko siya sakin. Kinakabahan ako ng BONGGA! Eto
na to, ayusin mo Candice.
"Ano?"

"Excited? Teka eto na nga eh di ba?" Huminga ako
ng malalim. Shet kinakabahan talaga ako.

"Wala naman palang kwenta yang sasabihin mo
kaya.."

"Gusto kita! Jeydon gusto kita!"
50: Marky's plan

MARKY POV

"Candice?"
Inangat niya yung ulo niya para makita niya ko.
"Ikaw pala Marky."
"What's up?" I smiled at her. Hindi siya maka
tingin sakin, hmm? ano kayang problema?
"Yung ano.. kasi.. ano eh.."
Siguro nasabi na niya..

"Nasabi mo ng gusto mo si Jeydon. Tama?"

"Oo kagabi sinabi ko na sakanya." hindi pa din siya
maka tingin sakin.
"Anong nangyari?" tinignan ko siya, naka simangot
siya. Ano kayang nangyari kagabi dito sa dalawa?
"Bakit ganyan itsura mo?"
"Tinanong niya ko kung sino ba sa inyong dalawa
yung pipiliin ko.."

"Sinong pinili mo?"

"Sinabi ko sakanyang hindi ko alam.."
Hindi ko napigilan na tumawa. Napatingin naman
sakin si Candice..
"Bakit?"
"Inamin mong gusto mo siya pero hindi mo kayang
pumili saming dalawa?"

"Pareho ko kayong gusto, alam ko mali to.
Kaso hindi ko talaga alam kung sinong mas
gusto ko at ayokong magsisi sa huli."

Panahon na siguro para malaman niya yung totoo..

"Candice magagalit ka ba kapag sinabi ko sayong
nag sinungaling lang ako?" Napatingin na siya
sakin this time, nagtataka.
"Anong ibig mong sabihin Marky?"
"Hindi ako yung nag ligtas sayo dun sa
magnanakaw. Si Jeydon yun, hindi

ako." nagulat siya sa mga sinabi ko. Parang hindi
pa siya makapaniwala.
"Bakit mo sinabi na ikaw yun?"
"Nung una pa lang gusto ko ng paaminin si Jeydon
sa nararamdaman niya sayo. Akala ko nung gabing
pinaamin mo siya sasabihin na niya kaso wala eh,
torpe talaga si Jaydee. Kaya sinabi ko na lang na
ako yun."
"Una pa lang? Ibig sabihin alam mo na?"
"Oo, alam ko na.."

Nung nakita ko si Jeydon dati sa library dun ko
unang nalaman na may gusto siya kay Candice.
Palagi siya naka sunod kay Candice, hindi niya na
nga alam pati kaming dalawa ni Charles napansin
na yun. Oo una pa lang alam na din ni Charles
yun, kaming dalawa. Kaya nung sinabi kong ako
yung nag ligtas kay Candice at nung sinabi ko din
na gusto ko yung siya, nagalit si tanda sakin kaya
ako natanggal sa grupo. Alam niyang si Jeydon
yung nag ligtas sa kapatid niya, at alam niya din
na lahat ng ginagawa ko plano ko lang.
Plano ko na paaminin si Jeydon sa nararamdaman
niya kay Candice. Una pa lang lahat yun plinano ko
na. Yung pag halik ko kay Candice sa Janitor's

room, yung pag hila ko kay Candice sa parking lot
ng mall para kunwaring hahalikan ko siya, yung
sinabi ko kay Candice na gusto ko siya. Yung pag
aya ko sakanya sa tagaytay, pati yung pag punta
namin lagi sa Music hall. Lahat yun plano ko, gusto
kong mag selos si Jeydon, gusto kong sabihin niya
na gusto niya si Candice. Kaya nung sinabi ko
sakanya na ako yung humalik kay Candice sa
Janitor's room, galit na galit siya sakin.
Kilala ko siya, mag best friend kami kaya alam ko
kung gaano siya ka torpe. Ganun din yung mokong
na yun kay Kim dati, gumawa lang kami ng paraan
nila Charles para mapaamin namin siya.
Hindi ko naman talaga gusto si Candice, at nung
panahon na yun girlfriend ko pa si Abby. Oo,
player ako, mapaglaro. Hindi pa ko nag seryoso
kahit minsan sa isang babae. Para saan pa? Alam
ko naman na ipapakasal lang ako ng parents ko sa
babaeng gusto nila. Nag stick lang ako kay Abby
kasi kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. Oo,
maldita siya pero masaya siyang kasama tska
sumasabay siya sa trip ko. Sinubukan kong i
explain sakanya yung plano ko pero hindi niya
naintindihan kaya nakipag break na lang ako
sakanya.
Habang kasama ko si Candice, nakilala ko din siya.
Wala siyang arte sa katawan. Simple lang siya tska

napaka bait. Alam ko nang may crush siya sakin,
first year pa lang kami alam ko na. Palagi ko kasi
siyang nahahalata na nakasunod sakin, sa tingin
pa lang niya halata mo na. Nakakatuwa nga siya
kapag nahihiya siya sakin. Masaya siyang kasama,
tska iba siya sa lahat ng mga babae na nakilala
naming APAT, kaya hindi na ko nag tataka kung
bakit napalapit agad si Troy sakanya, kung bakit
napaka protective ni Charles sakanya at kung bakit
gustong gusto siya ni Jaydee.

"Lahat ng to plano mo lang?"
"Oo Candice, sorry."
"Ah, akala ko talaga gusto mo ko.." alam kong
nalungkot siya sa sinabi ko, hindi ko naman siya
gustong saktan.
"Hindi naman yan yung mahalaga eh, yung
importante alam mo na ngayon kung sino samin
yung dapat mong piliin.."
"Kahit na plano mo lang yun, gusto pa din kita
At hindi ko pwedeng piliin si Jeydon kasi hindi pa
din ako sigurado."

"Alam mo Candice, crush mo lang ako pero si
Jeydon yung gusto mo.." nagulat na naman siya sa
sinabi ko.
"Ha? a-alam mong crush kita?" nahihiya na naman
siya sakin. Haha! Ang cute niya talaga.
"Haha! alam mo pareho lang naman kayong
obvious ni Jeydon eh. Ewan ko ba sa inyong
dalawa.."

Tumayo ako, kinuha ko yung cellphone ko.

"Ha? si Jeydon aalis na?" tinignan ko si Candice,
nanlaki agad yung tenga niya nung narinig niya
yung pangalan ni Jeydon.
"Ah ganun ba? Oh sige.." lumapit naman agad
sakin si Candice. Curious na curious siya porket
narinig niya yung pangalan ni Jeydon.

"Ano daw yun?"
"Si Jeydon nasa airport na ngayon, yung malapit
sa bahay niyo."
"Ha bakit daw?"

"Aalis na siya papuntang amerika."

"Ha? mag babakasyon ba siya?" halatang nag
aalala siya bigla.
"Hindi dun na siya titira.." Natigilan siya sa sinabi
ko. Pambibira akala mo nasa korean novela kami
eh.

"Pero..."

"Candice eto na yung panahon mo para mamili
saming dalawa, kung hindi mo siya pipigilan
ngayon ibig sabihin mas pinili mo ko pero hindi mo
na makikita pa ulit si Jeydon. Kung pipigilan mo
naman siya ngayon, ibig sabihin lang nun siya
yung pinili mo.."

"Aish! Neomu honranseureowo
mesinjeo." [Translation = Im so confused!]

Ano daw yun? Na nosebleed naman ako dun.

"Take him or leave him."

Nag isip siyang mabuti..

"Marky alam ko na.. alam ko na.. si Jeydon yung
gusto ko, siya yung gusto ko!"
"Ano pang ginagawa mo dyan?"
"Ha? Ah oo nga! Salamat Marky.."

Nagmamadali siyang umalis. Haha! Syempre lahat
ng yun hindi totoo. Taena mo Jeydon ang dami mo
ng utang sakin. Nag papaka cupid ako para sayo.
Kinuha ko agad yung cellphone ko tapos tinawagan
ko si Jeydon.

[Oh?]
"Hindi ka ba marunong mag hello?"

[Bakit ba? Busy ako.]
"Ah busy ka pala, sayang may sasabihin sana ako
tungkol kay Candice pero busy ka eh kaya bye na."
inend ko agad yung tawag, alam ko naman
tatawag ulit siya eh.

JD calling..

See? Haha.

"Oh?"
[Anong sasabihin mo ha?]
"Akala ko busy ka?" hindi ko mapigilan yung tawa
ko dito.
[Yah! Wanna die? Say it now!]
"Ayoko nga! say please muna." Haha! na iimagine
ko na yung itsura niya ngayon.
[Damn you Kie! Say it now!]
"Ang tagal ng please mo.."
[Please.]

"Hahahaha!" Sorry Jaydee, hindi ko na mapigilan
eh. Nakakatawa ka kasi, sasabihin din naman pala
eh.
[Hoy! wag ka ngang tumawa! pag nakita kita
humanda ka sakin!]
"Pumunta ka ng airport, malalaman mo kung sino
ba satin yung pinili ni Candice."
[Anong kalokohan yan?]
"Bahala ka, ayaw mo di wag.."

Ang tagal niya bago sumagot.

[Sang airport?]
"Malapit sa inyo. Bilisan mo na ugok!"

Takte binabaan agad ako. Gagu talaga yung
lalaking yun. Pasalamat talaga siya mabait ako,
wahaha! mabait naman talaga ako sabi ng mommy
ko.

"Alam mo Kie, tanga ka din eh.." pag kalingon ko
sa nag salita nakita ko si Abby.
"Ano na naman yan Abby?"

"Gusto mo si Candice."

Tumawa ako sakanya, taena paano naman niya
nahalata yun? Akala ko matatago ko yung totoong
nararamdaman ko kay Candice. Oo lahat ng to
plano ko lang, pero may hindi ako inaasahan na
mag kaka gusto din pala talaga ako sakanya, kay
Candice.

"Hindi na naman mahalaga yun eh, si Jeydon
talaga yung gusto niya hindi ako."

Tinabihan ako ni Abby. Pakiramdam ko nag aalala
siya sakin.

"Siguro nga may kakaiba talaga sa babaeng yun..
Akalain mo yun pareho pa kayo ni Jeydon na nag

ka gusto sakanya. Basta kung ano pa yun, andito
lang ako sayo."
Ngumiti siya sakin. Ginulo ko yung buhok niya,
natawa naman agad siya. Haha! Lintek nakaka
miss din pala tong babaeng to. Sayang nga lang, si
Candice na kasi yung gusto ko ngayon.
"Na miss mo ko nuh?"
"Haha! Oo wala na kong kasama mag road trip
eh."
"Eh di tara road trip tayo! Dali!" hinila niya ko
papuntang parking.
"Teka may kukunin lang ako sa locker ko."
"Punta na ko sa kotse mo ah, bilisan mo!"

Baliw talaga to si Abby. Pumunta na ko agad sa
locker ko, kunuha ko lang yung extra shirt ko. Mas
mabuti pa i road trip ko na lang to. At least hindi
ko mararamdaman yung sakit, yung sakit na si
Jeydon yung pinili ni Candice at hindi ako.

"Marky.."
Nagulat ako sa nakita ko.. totoo ba to?

"Kim?"

"What's up?" naka ngiti siya sakin, akala mo
walang nangyari dati.
"Bumalik ka na?"
"Haha! Hindi mo ba ko na miss?" nakakaloko pa
din yung ngiti niya.
"Hindi eh. Bakit ba andito ka?"

"Nandito ako para kunin kung ano ba yung
para sakin."

Ngumiti ulit siya sakin tapos umalis din siya.
Lintek! kung mamalasin nga naman, kung kelan
magiging okey na yung dalawa tska naman siya
babalik. Hindi na tuloy ako mapakali..

Goodluck Jeydon at Candice.
51: In love?

[Try niyo play yung If we fall inlove ni Yeng
habang nag babasa ^__^]

CANDICE POV

Humanda talaga sakin yung pusa na yun! Hindi
man lang niya sinabi sakin na aalis na siya. Kung
kelan naman umamin ako tska niya ko
tatakbuhan? napaka abnormal talaga!
Grabe, hingal na hingal na ko kaka takbo tska kaka
ikot dito sa airport para lang hanapin siya. Asan ba
siya? Umalis na ba siya? Kaso lahat naman ng
flight papuntang amerika andito pa. Jeydon nasan
ka na ba?

"Asan ka na bang pusa ka?"

Pumunta akong waiting area para hanapin siya
pero wala siya. Hinanap ko na nga siya sa lahat ng
waiting area pero wala pa din. Matangkad naman
siya kaya mapapansin mo agad siya tska malakas
aura ng lalaking yun eh pero wala pa din. Badtrip

naman oh, eto na nga eh sasabihin ko nang siya
yung pinili ko. Sasabihin ko na sakanyang siya
talaga yung gusto ko.

"Jeydon! Asan ka na ba?"

Napa upo na lang ako, amp! napapagod na ko.
Pinapahirapan ako ng pusang to eh. Humanda
talaga siya sakin kapag nag kita kaming dalawa!

"All flight going to US, is now boarding." Nakita ko
lahat ng flight papuntang US umalis na. Para
akong nanlumo. Umalis na siya..

Huli na ba ko?
Huli na ba yung lahat? Bakit naman kung kelan
alam ko nang gusto ko si Jeydon, kung kelan alam
ko ng siya talaga yung gusto ko at hindi si Marky
tska naman siya aalis. Humanda talaga siya sakin!
Pinapahirapan mo kong pusang robot ka! Parang
naiiyak tuloy ako.

"Abnormal na pusa! Asan ka na!"

"Anong ginagawa mo dyan?"

Yung boses na yun...

"Jeydon?!"
"Oh bakit?" lumapit agad ako sakanya. Andito pa
siya, hindi pa siya umaalis, hindi pa niya ko
iniiwan. Naiiyak na talaga ako nung nakita ko na
siya.
"Bakit nandito ka pa?"
"Eh sa nandito pa ko eh." Psh! napaka pilosopo
talaga.
"Dito ka na lang.."
"Ha?"
"Wag ka ng pumunta ng Amerika! Wag ka ng
umalis, dito ka na lang.." hindi ko na napigilan na
maiyak. Amp ang babaw ng luha ko, nakakainis.
Tumawa siya tapos lumapit siya lalo sakin.

"Sige dito lang ako, dito sa tabi mo pero bigyan
mo muna ako ng magandang dahilan."
Hinawakan niya yung mukha ko tapos pinunasan
niya yung luha ko.
"Ano kasi.."
"Ano?"
"Alam mo na yun."
"Baka pwedeng marinig?"

"Gusto kita! Jeydon gusto kita kaya dito ka na
lang, wag ka ng umalis."

Ang lapad ng ngiti niya. Nakaka inis talags tong
pusa na to! Pinag ti-tripan na naman ata ako >.<
"Sinong mas gusto mo, si Marky o ako?"
"Pipigilan ba kita kung siya yung pinili ko?
Malamang mas gusto kita. Teka mali, ikaw pala
talaga yung gusto ko, hindi siya."

"Then prove it."
Waaa! Bakit kelangan may ganun pa? Amp naman
ang abnornal niya talaga siya na nga pinili ko eh.
Huhu! Trip niya talaga ako eh.
"Paano ko naman gagawin yun?"
Lumapit siya sakin, lumapit siya sa tenga ko tapos
may binulong siya.

"Kiss me."

ANO?! Anak ng siopao! Hahalikan ko siya? Seryoso
ba siya? Ang dami kayang tao. Ano bang nasa isip
niya? Napaka abnormal niya talaga.
"Ayaw mo? Okey lang.. aalis na lang ako."
Tumalikod siya sakin tapos unti unti siyang nag
lakad siya palayo.
Ano bang gagawin ko? Hahalikan ko ba talaga
siya? Ang dami kayang tao pero ayoko siyang
umalis. Amp naman oh! Bahala na nga si Batman,
bibilisan ko na lang tska sa chicks lang naman eh.
Hinawakan ko yung braso niya tapos hinarap ko
siya tapos...

HINALIKAN KO SIYA.

Sabi ko sa pisngi lang eh pero sa labi ko siya
nahalikan. Pakiramdam ko nag slow motion na
naman yung mundo ko. Kanina parang ang daming
tao sa paligid namin pero ngayon kaming dalawa
na lang. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso
ko.
Nung natauhan na ko aalisin ko na sana yung labi
ko sa labi ni Jeydon pero hinawakan niya bigla
yung likod ko, hinila niya ko papalapit sakanya.
Ramdam ko na yung katawan niya tapos hinalikan
niya ko pabalik.
Hinahalikan niya ko..
Oxygen! Hangin please! parang hindi ako maka
hinga. Gusto ko ng kumawala pero hindi ko
magawa, hindi ako makagalaw. Feeling ko sasabog
na yung puso ko. Omo! Jeydon ano bang ginagawa
mo sakin? Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap
sa pakiramdam..
Kumawala na din siya sa halik namin na yun,
dinikit niya yung noo niya sa noo ko tapos tinignan
niya ko ng naka ngiti.

"Alam mo nag bibiro lang naman ako eh pero hindi
ko alam na gagawin mo talaga.."
Hala! huhu joke lang pala yun. Amp! ang slow ko
talaga.
"Ang sarap ko halikan nuh?" kumindat siya sakin.
Bigla naman nag init yung pisngi ko. Lintek ka
Jeydon! ano bang ginagawa mo sakin?
"Alam mo abnormal ka talaga!" napatigin ako bigla
sa paligid, feeling ko ang daming naka tingin
samin. OMG! lahat nga sila naka tingin samin.
Nakakahiya naman nag halikan pa kami dito sa
airport. Yung mga teenager kinikilig samin, yung
mga matatanda naman parang nagalit. Waaa!
Kelangan na namin umalis dito! Nakakahiya yung
ginawa namin. Hinawakan ko yung kamay ni
Jeydon tapos hinila ko siya palayo dun.Tumakbo
kami papunta sa labas.
Napahinto kami sa tapat ng kotse niya.
"Kelangan pa pala umalis ako para malaman mo
na ako yung gusto mo."
"Sorry naman! nalilito lang naman ako eh. Eh bakit
ba hindi mo man lang sinabi sakin na titira ka na
sa Amerika ha?" natawa siya. Luh? anong
nakakatawa?

"Sinong nag sabing aalis ako? Haha!"
"Si Marky kasi sabi niya sakin sa Amerika ka na
daw titira!"
"Naniwala ka naman?"
"So hindi naman pala totoong aalis ka?!"
pambihirang lalaki yun! dinali niya ako dun ah pero
sabagay okey lang nalaman ko naman yung totoo.
Kaso naniwala talaga ako sakanya eh.
"Basta wala ng bawian ah? Ako na yung pinili
mo. Ako na yung gusto mo."
"Gagawin ko ba yun kung hindi ikaw yung gusto
ko?" kapag naaalala ko umiinit talaga yung pisngi
ko. Hinawakan niya yung kamay ko, ang lambot ng
kamay niya >.<
"Thank you Candice. Thank you kasi ako yung
pinili mo. Thank you kasi pinatunayan mo
sakin na gusto mo talaga ko. Thank you kasi
dahil sayo ang saya saya ko."

Hinila na naman niya ko. Akala ko hahalikan niya
ulit ako hehe pero yayakapin lang pala niya ko.
Ang higpit ng yakap niya sakin, nararamdaman ko
nga yung tibok ng puso niya eh.

"Hoy pusa! ba-bakit?"
"Wag kang maingay dyan, hayaan mo lang
ako na yakapin ka. Ang tagal kong hinintay to
eh."
Niyakap ko din siya. Hindi ko alam pero ang sarap
sa pakiramdam. Napaisip ako, kahit minsan hindi
ko akalain na mag kaka gusto si Jeydon sakin, at
mag kaka gusto din ako sakanya.
"Ang saya ko ngayon Jeydon.. ang saya ko
dahil sayo."
Hinarap niya ko tapos naka ngiti siya sakin. Hindi
ko tuloy mapigilan na mapangiti din. Ano kayang
nasa isip niya?
"Masaya din ako, masayang masaya ako dahil
sayo Candice.."
Naka tiningin lang kami sa isa't-isa. Ang gwapo ni
Jeydon, ang ganda ng mata niya. Kinikilig ako,
ngayon ko lang kasi nakita si Jeydon na ganito ka
sweet. Na ganito ka seryoso..
"Tara? may pupuntahan tayo.."
"San naman?"

Ngumiti lang siya sakin tapos binuksan niya yung
pinto ng kotse niya, wow ha gentleman din pala
siya. Haha!
Akala ko naman kung saan kami pupunta, dito
lang pala sa may park. Ngayon lang ata ako naka
punta dito pero alam ko malapit lang to sa dati
kong school nung kindergarten ako.
"May na aalala ka ba dito?" hinila niya ko sa may
swing ng park tapos umupo kami dun. Ano naman
ma aalala ko dito? Kaso pamilyar nga siya sakin.
"Wala akong ma alala eh, bakit?"
"Dito tayo unang nag ka kilala.."

May inabot siya sakin na Doraemon. Inaalala ko
lahat eh.. Park, Doraemon, batang lalaki..
Alam ko na!
Yung batang umaway kay lucas noon. Yung batang
mataba na nakilala ko dati. Yung batang gusto
akong maging kaibigan. Yung batang mahilig sa
pusa. Yung batang nag bigay sakin ng Doraemon.
Yung pinag bigyan ko ng kwintas na binigay sakin
ni Kuya Charles..

Teka lang, yung kwintas. Yung dogtag yun, hindi
ako pwedeng magkamali ayun yung binigay niya
sakin nung nag bakasyon siyang Japan. Kaya pala
naka sulat sa Japanese yung name ko. Bakit
ngayon ko lang na alala lahat?

"Ikaw yun.."
"Oo ako nga yung batang tinulak mo noon, yung
batang sinabihan mo ng panget, yung inaway mo,
yung batang gusto kang maging kaibigan, yung
batang nag bigay sayo ng Doraemon, yung batang
iniwan mo."
"Ang chubby mo pa kaya nun kaya hindi sumagi sa
isip ko na ikaw yun! Tska anong iniwan?"
"Iniwan mo ko! Palagi kaya akong nandito dati,
akala ko kasi babalik ka pa.." napatingin siya sa
palagid, malaki na din pala yung pinag bago ng
park na to.
"Sa Korea na ako nun tumira kasama yung Papa
ko, bumalik lang ako nung High School na ko."
"Okey lang, binalikan mo na naman ako eh."
Hinawakan niya yung kamay ko, tapos mukhang
ang saya saya niya.

"Haha! natatawa ako kapag naaalala ko.
Nakakainis nga ngayon ko lang nalaman na ikaw
pala yun.. na ikaw din pala si Prince Charming."
"Ang gwapo ng Prince Charming mo
nuh?" Psh! Oo na gwapo ka naman talaga eh
hehe.
"Mahilig naman kay Doraemon! Haha!" Hindi ko
mapigilan yung tawa ko. Kada maiisip ko kasi na
yung BAD BOY na si Jeydon mahilig sa isang
pusang robot? Yung Prince Charming ko? Haha!
"Ah asaran pala ah?" Sinamaan niya ko ng tingin.
Tumayo siya sa may swing tapos kiniliti niya ko.

"Jeydon! Wag nakikiliti ako!" hindi pa din siya
tumitigil.
"Haha! ayoko nga! kiss mo muna ko!" hinawakan
ko yung kamay niya kaso ang lakas niya, matumba
tuloy kaming dalawa sa sahig.
"Hoy pusa ang bigat mo!" nakapatong na naman
siya sakin.
"May boobs ka din pala." nanlaki agad yung mata
ko. Waaaa! tinulak ko siya ng malakas.
"Manyak!"

"Hahaha! Joke lang. Bakit namumula ka?"
hinawakan ko yung pisngi ko, nag iinit nga. Kasi
naman tong pusa na to eh.
"Eh kung ano ano kasing sinasabi mo.." hindi ako
maka tingin sakanya baka kasi namumula pa din
yung pisngi ko.

Biglang may nag bell. Napalingon kaming pareho,
si mamang nag titinda ng ice cream.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Sabi mo araw araw mo ko ililibre ng ice cream
dito di ba?" ngumiti ako sakanya.
"Bakit pag sa ice cream na aalala mo?"
Tumayo siya tapos kinuha niya yung kamay ko
para makatayo din ako tapos pumunta kami kay
mamang nag titinda ng ice cream. Bumili siya ng
dalawang malaking ice cream tapos umupo kami
sa may bench sa tapat ng playground.
"Sorry Jeydon ah, hindi ko naalala yung sa dogtag.
Bata pa tayo nun tska hindi ko naman alam na
Japanese name ko pala yung naka sulat dun."
"Eh bakit yung Doraemon, hindi mo na hinanap
nung nawala sayo?"

"Alam kong nawala siya, hinanap ko na siya pero
hindi ko na makita eh. Tska alam mo naman na
ayoko sa mga pusa."
"Eh bakit mo kinuha sakin yun dati?" Nag pout pa
siya, ang cute niya para siyang bata.
"Kawawa ka naman kasi eh! Haha!"
"Ang sama mong aso ka! Mga aso talaga palaging
inaaway yung mga pusa.."
"Hoy ako kaya inaaway mo! Lagi mo kaya akong
inaasar dati!" natawa siya, yan guilty ka nuh?
Hmmp.
"Nakaka inlove ka kasi kapag na pipikon ka
eh.."
"Ah ganun? Ikaw naman nakakatawa kapag na
aasar ka!" Bigla na naman niya kong kiniliti,
muntik na kong mahulog sa upuan pero buti
nahawakan niya ko. Nahulog yung dogtag na
nakasabit sa leeg ko.
"Nasayo pa din pala yan, akin na." kinuha ko sa
sahig tapos binigay ko sakanya.
"Eto, anong gagawin mo?"
"Ibibigay mo ulit sakin yan tapos ibibigay ko ulit
sayo to. Kagaya lang dati."

"Haha! ang arte mo talaga!" kinuha niya bigla yung
dogtag ko tapos binigay niya sakin yung Doraemon
niya. Naka simangot pa siya.

"Mahalaga kaya sakin yang Doraemon na yan,
kaya ingatan mo yan ah! lagot ka sakin kapag
nawala mo pa ulit yan!"
"Opo boss Jeydon." Sinuot niya agad yung dogtag
ko. Ang saya saya niya. Napansin niya na ubos na
pala yung ice cream niya tapos wala na si mamang
nag titinda ng ice cream. Napatingin siya sa ice
cream ko tapos..
"Akin na lang ah?"
"Waaaa! Akin yan! ibalik mo!" kinain niya agad
yung ice cream, nag pout na lang ako.
"Hoy aso wag ka ngang ngumuso dyan!"
"Bakit naman? Ikaw nga eh!"
"Gusto mong halikan kita?" ngumisi siya tapos
nilalitan niya ko. Tinulak ko naman siya.
"Hoy pusa! Sumosobra ka na ah! Nakaka ilang kiss
ka na sakin!"
"Ano naman?"

"Hindi pa naman tayo mag boyfriend tska
girlfriend!"
"Haha! Kelangan pa ba yun?" pinalo ko nga siya sa
braso niya pero wala eh ako lang nasaktan, ang
tigas eh >.<
"Oo naman! Anong akala mo sakin? Katulad ng
mga naging babae mo?!"
"Ikaw lang naman yung babae sa buhay ko
eh."
"Sus! Chickboy ka kaya! Casanova!"
"Hindi ah! Wala pa nga kong nagiging girlfriend
after namin maghiway ni.."
Hindi niya na tinuloy yung sasabihin niya pero
alam ko naman na si Kim yun. Parang nairita tuloy
ako bigla. Hininila na lang niya ko patayo tapos
hawak pa din niya yung kamay ko.
"Simula ngayon, nililigawan na kita. Okey?"
"Nag pa alam ka na ba sa Mama ko? pati kay Kuya
Charles?"
"Eh di mag pala alam na ko ngayon!" Hinila niya ko
papunta dun sa kotse niya.
"Hoy pusa seryoso ka ba ha?"

"Oo, aakyat ako ng ligaw sa inyo. Wahaha!
ngayon ko lang to gawin pero gagawin ko
para sayo!"
"Ano? Seryoso ka talaga?" Mukhang nagbibiro lang
siya, siya manliligaw?!
"Oo nga!" Pinigilan ko siya pero hindi naman
nagpapigil.
"Bawal pa ko mag boyfriend!"
"Walang bawal kapag ginusto mo."
Pinapasok niya ko agad sa kotse niya tapos
pinaandar na niya papuntang bahay namin.

Tinitignan ko siya habang nag di-drive siya
mukhang excited siya. Hindi ba siya natatakot kay
Kuya Charles? Kinakabahan na nga ako eh, sa
totoo lang hindi ko iniisip yung reaksyon ni Mama
kasi panigurado masaya pa yun. Ang iniisip ko si
Kuya Charles eh, pumayag lang naman siya samin
ni Marky kasi date date lang yun pero kay Jeydon
hindi basta date eh, ligaw! Waaaa! kinakabahan
talaga ako. Isa pa hindi pa nila alam na may gusto
sakin si Jeydon, ang alam lang nila yung samin ni
Marky tapos ngayon kay Jeydon naman bigla.
Habang papalapit kami sa bahay namin mas lalo
akong kinakabahan.

Pagka hinto naman sa tapat ng bahay, pinigilan ko
muna si Jeydon.

"Pusa sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?"
"Gusto kong ipakita na seryoso ako sayo kaya
liligawan kita sa harap ng pamilya mo."
Kumikindat kindat pa siya habang sinasabi yun.
Ang cool niya ha, tignan lang natin kapag nakita na
niya yung reaksyon ni Kuya Charles, nag bubuga
din ng apoy yun eh.
Pagpasok pa lang namin sa gate ang lakas na ng
tibok ng puso ko sa kaba. Wala pa naman kasing
umakyat ng ligaw sakin.

"Mama! Andito na po ako!"
Sakto dumating silang tatlo sa sala. Waaa andito si
Kuya Charles.
"Jeydon, anong ginagawa mo dito? Hinatid mo ba
yung anak ko?"

"Andito po ako para umakyat ng ligaw."

Lahat kami napa nganga sa sinabi niya. Kahit ako
nagulat kasi hindi ko naman akalain na deretsahan
niyang sasabihin yun. Sa harap ni Mama, Yaya at
Kuya Charles. Tinignan ko ka agad yung reaksyon
ni Kuya, parang may black aura na siya. Eto na
mag su-super sayan na siya. Huhu!
"Gagu ka ba Jaydee? Hindi ko pa pinapayagan na
ligawan si Candice!" Huhu sabi ko na nga ba eh.
Humarang naman sa harap si Mama.
"Alam mo Jeydon, payag na payag naman ako na
ligawan mo tong anak ko eh. Kaso ang alam ko
kasi si Marky ang ka date niya? Nalilito ako."
"Mama, hindi naman seryoso si Marky about dun
kaya nga ako pumayag eh. Gusto niya lang kasi
paaminin si Jeydon na may gusto siya kay
Candice."

"ALAM MO?!" napasigaw kaming dalawa ni
Jeydon.
"Oo naman! Anong akala mo sakin stupid?"
lumapit na naman samin si Mama.

"Ah ganun pala yun, Sige naintidihan ko na. Boto
naman ako sayo Jeydon kaya sige payag na kong
ligawan mo si Candice."
"Mama!! Hindi pa ko pumapayag!" huhu sabi na
eh, expected ko na to.
"Ano papayag ka ba o hindi? Sagot agad!" ang
sama ng tingin sakanya ni Mama. Haha!

Tumalikod si Kuya tapos paakyat na siya sa taas.

"Basta wag mong sasakatan yang kapatid
ko!"

Tapos umakyat na talaga siya sa taas. Waaaa!
PUMAYAG SIYA?! hindi ako makapaniwala. Yung
kupal kongh kapatid na napaka protective sakin
pumayag na ligawan ako ni JEYDON LOPEZ.

"Kumain na ba kayo? Tara kain muna kayo nag
bake ako ng brownies.."

Pumunta kami nila Mama sa kusina. Ang saya saya
nilang dalawa ni Yaya. Masaya din naman ako eh
kasi hindi ko inaasahan na papayag yun si Kuya
Charles, tska alam na din pala niya yung plano ni
Marky. Ang galing nila mag tago ah, hindi man
lang ako naka halata.
Pag katapos namin kumain, nag presenta naman si
Jeydon na kaming dalawa na daw yung mag
huhugas ng pinag kainan namin. Pumayag naman
sila Mama, dun na lang daw muna sila sa garden.
"Pusa, paano mo napapayag yun si Kuya Charles?"
Siya na daw mag huhugas, tapos manuod na lang
daw ako. Akala mo naman marunong siya, tss.
"Gwapo kasi ako eh." Pshh! Siya na, siya na
gwapo.
"Gwapong mahilig kay Doraemon! Haha!"
"Gwapong lalaki na gustong gusto ka.." Eh? parang
namumula na naman tuloy ako.
"Abnormal na mahilig sa pusang
robot," Tinignan niya ko ng masama. "Na
gustong gusto ko."
Ang bilis niya matapos mag hugas. Aba mas
magaling pa ata siya sakin eh! Akala ko wala

siyang alam diyan kasi Rich kid siya eh. Nag punas
siya ng kamay tapos humarap siya sakin.

"Basta hihintayin ko yung OO mo, kahit
matagal pa."
Hinawakan niya yung kamay ko.
"Wag mo kong bustedin ah! Buong buhay ko
ngayon pa lang ako manliligaw, kadalasan kasi ako
yung nililigawan nila eh. Kaya maging mabait ka
sakin!"
"Ikaw na! Ikaw na nililigawan. Wag ka mag alala
wala pa din naman nanligaw sakin, ikaw pa lang."
"Gagawin ko lahat para maging boyfriend mo
ko."

Hinila niya na naman ako tapos niyakap niya ko.
Hala baliw! Mamaya makita kami ni..

"EHEM!"
Ni Kuya Charles.

"Ay sorry bayaw." Natakot ako sa sasabihin ni
Kuya pero hindi ko pagilan na matawa sa sinabi
niya.
"Gagu! bayaw mo mukha mo! Umuwi ka na nga!"
"Oo na, uuwi na baka magalit ka pa sakin eh. Tara
Candice." Hinila niya ko pero hinila din ako ni
Kuya.
"San mo dadalhin kapatid ko?"
"Papahtid lang ako sa labas." Nginitian niya si Kuya
tapos hinila na niya ko papunta sa garden. Mag
papa alam pa daw siya kala mama.

"Tita Candy, Yaya Linda, alis na po ako. Salamat
po."
"Ingat ka future son-in-law!" tapos nag tawanan
sila ni mama.
"Mama naman eh!"
"Sige na ihatid mo na sa labas si Jeydon."

Hinila ko na siya agad palabas. Ang lakas ng topak
nila Mama, son-in-law agad? Hindi ba pwedeng

boyfriend muna? Huhu si Mama talaga eh, akala
mo teenager.

"Hoy aso! wag ka nang magpapaligaw sa iba ah!
Ako lang pwedeng manligaw sayo."
"Eh kung ayoko?" sinamaan niya ako ng tingin.
Haha! natatawa ako sa itsura niya.
"Bahala ka dyan! Hindi na tayo bati!" sumimangot
siya bigla.
"Alam mo para kang bata, naturingan ka pa
namang Bad Boy tapos ganyan ka?"
"Ganito lang ako sa harap ng taong mahal
ko.."
"Bakit mahal mo ba ko? Gusto mo lang ako di ba?"
Lumapit siya sakin, malapit na malapit >.<

"Paano kapag sinabi kong mahal na kita?"

"Ewan ko sayong pusa ka! Umuwi ka na nga!"
Tinulak ko na siya papunta sa kotse niya, pssh!
kung ano anong sinasabi niya.

"Bakit namumula ka?" Kasi naman kung ano anong
sinasabi mo!
"Wala! Uwi na!" hinawakan niya muna yung kamay
ko tapos niyakapa na naman niya ko.

"Bukas agahan mo yung gising mo sabay tayong
pumasok." Kumindat siya sakin, tapos pumasok na
siya sa maganda niyang kotse. Bago siya umalis,
binaba niya yung salamin ng bintana.

"Bye future Girlfriend!"

Tinignan ko na lang yung kotse na mabilis umalis.
Kapareho ng tibok ng puso ko ngayon, ang bilis.
Nakaka inis kasing pusa yun eh! Pinapakilig ako.
Ang saya saya ko ngayon, ngayon ko pa lang to
naramdaman. Ganito pala kapag..

Na fa-fall inlove ka sa isang tao...
52: Aso't Pusa

"Manang bakit ang aga mo magising?"
"Wala lang, baka ma late ako eh hehe." kumuha
agad ako ng pagkain. Napatingin ako kala Mama,
Yaya at Kuya, nakatingin silang tatlo sakin. Anong
meron?
"Ayaw ma late o baka kasi may nag hihitay sayo sa
labas?" napatayo ako bigla, nasa labas na si
Jeydon? bakit ang aga naman ata niya?
"Relax ka lang huy! wala pa si Jeydon." Amp! akala
ko naman andyan na siya agad. Pinagtatawanan
pa ko neto ni Kuya Charles!
"Oy Kuya trip mo ko ah? Gusto mong papuntahin
ko dito si Ate Serina?" sumama agad yung timpla
ng mukha niya.
"Bastos ka din eh nuh? kumakain ako tapos
babanggitin mo yung pangalan ng babaeng yun!"

"Bakit nadidiri ka ba sa maganda kong pangalan
Charles?" napaligon kaming lahat sa nagsalita.

Sakto si At Serina. Wow ang sexy niya sa suot
niya, mukhang mag wo-work out ata siya.
"Waaaa! Bakit nandito ka ha?!" gulat na gulat si
Kuya, haha! lagot ka ngayon.
"Bakit may angal ka ba?" ang angas talaga ni Ate
Serina, siya lang talaga yung may lakas ng loob
barahin si Kuya Charles. Hindi siya natatakot kahit
mag transform pa si Kuya sa pagiging super sayan.
"Charles ako nag papunta kay Serina dito,
tuturuan niya kasi kami ni Yaya Linda mag work
out." Waaa? Sila ni Yaya mag wo-work out? Ano
nakain nilang dalawa?
"Work out? Bakit gym instructor na ba yan si
Serena? tss." umupo si Ate Serina sa tabi ni Kuya
Charles tapos kinuha niya yung kinakain ni Kuya
na pancake. "Hoy! Akin yan!"
"Alam mo Charles, mas magaling pa ko sa isang
gym instructor." Kumindat si Ate kay Kuya, si Kuya
naman parang nandidiri, ang cute nilang tignan na
dalawa.
"Serina ija, madali lang ba yang gagawin natin?
baka atakihin ako ng rayuma eh." natawa kaming
lahat sa sinabi ni Yaya Linda.
"Madali lang po to Yaya Linda. Parang ganito
lang.." ini-stretch niya yung kamay niya tapos

sinandya niya na tamaan yung mukha ni Kuya
Charles. "Opps! Sorry!"
"Ouch ang sakit nun ah! Amazona ka talagang
babae ka! Umalis ka na nga lang! Ang aga aga
nanggugulo ka!"
"Bakit ako aalis? Kakadating ko nga lang eh. Ay
nga pala may poging lalaki na nag hihintay sa
labas ng bahay niyo." Waaa! baka si Jeydon na
yun?
"Huy manang! Ayan na yung manliligaw mo!"
"Manliligaw mo yun Candice?" hindi ko pa nga pala
na kwento kay Ate Serina. "Ang gwapo ah!"
"Ate mamaya ko na po kwento, alis na po ko!
Bye!" Kinuha ko yung gamit ko tapos lumabas na
ko ng bahay.

Pag dating ko sa labas nakita ko na si Jeydon naka
sandal sa gate namin. Aba! wala siyang dalang
sasakyan ah. Kanina pa kaya siya dyan? bakit
hindi man lang siya nag doorbell?
"Kanina ka pa?"
"Bakit ang tagal mo?!" waaaa! masama ata gising
ng pusang to.

"Maaga kaya ako nagising! Eh malay ko bang nasa
labas ka na? Uso kumatok ah." kinuha niya bigla
yung bag ko.
"Tss, dapat alam mo ng nasa labas na ko. Next
time ayokong pinag hihintay ako."

Naglakad na siya, eh malay ko bang nandito na
siya! Paano ko naman malalaman? hindi naman
ako manghuhula. Amp! abnormal talaga niya.
Sinundan ko na lang siya.
"Ganyan ka ba manligaw? iniiwan mo yung
nililigawan mo ha?"
"Eh sa ayokong nag hihintay eh! Psh." bakit ba
badtrip siya? PMS ba siya?
"Sorry na nga eh!" Kahit hindi ko naman kasalanan
>.<
Habang naglalakad kami hinila niya ko papalapit
sakanya tapos hinawakan niya yung kamay ko.
"Dito ka nga lang sa tabi kong aso ka."
"Paano ako makakatabi sayo ha eh iniiwan mo ko!
Abnormal ka talagang pusa ka eh nuh?"
"Ang bagal mo kasi eh, baka ma late tayo nyan."

"Eh bakit kasi hindi mo dinala yung kotse mo?
tapos mag rereklamo ka sakin na mabagal ako?"
Psh napaka reklamador.
"Gusto kong maglakad kasama ka."
"Maglakad? kahit naman nasa kotse tayo mag
kasama tayo. Anong pinag kaiba nun?"
"Eh gusto kong maranasan yung HHWW
kasama ka!" tinignan ko siya pero hindi siya
maka tingin sakin.
"Haha! Ang korni mo! Hahaha!" hindi ko mapigilan
na matawa. Eh kasi naman sa lahat ng tao
sakanya ko pa maririnig yung HHWW? wahaha.
"Wag ka ngang tumawa dyan! nakaka inis ka
naman eh!" binitawan niya yung kamay ko tapos
iniwan na naman ako. Tignan mo yung pusa na
yun! Ang lakas ng topak eh.
"Hoy pusa!"
"Ano pag tatawanan mo na naman ako?" ang sama
ng tingin niya sakin.
"Hindi na nga eh. Ang tampuhin mong pusa ka
nuh?"

"Ikaw kasing aso ka eh! Halika na nga! baka ma
late ka pa!" Hinawakan na naman niya ko tapos
hinila niya ko papuntang school.

Nung nasa tapat na kami ng gate ng school, mag
kahawak pa din kami ng kamay. Hindi ako
sigurado kung okey lang ba na makita kami ng
mga schoolmates ko na mag holding hands. Alam
na ng lahat na engaged na sila Jeydon at Stacey,
tska yung kumakalat na poster about sakin. Waaa!
kinabahan tuloy ako bigla. Aalisin ko sana yung
kamay ko sa kamay ni Jeydon kaso mas hinigpitan
niya lang yung hawak niya sa kamay ko.

"Nahihiya ka bang makita nila na mag ka hawak
tayo ng kamay?"
"Hindi! natatakot lang kasi ko sa sasabihin nila.
Alam mo naman yung sinasabi nila sakin di ba?"
"Wala akong paki alam sa sasabihin nilang
lahat, mahalaga hawak ko yung kamay
mo." Sinubukan kong ngumiti sakanya, tama
naman siya dapat hindi ko na pansinin yung mga
yun kaso minsan nahihirapan ako.
"Okey sige."

"Wag kang matakot nasa likod mo lang ako
palagi. Hindi ko hahayaan na may manakit
sayo."

Bago kami makapasok sa loob hinigpitan ni Jeydon
yung pag hawak niya sa kamay ko. Siya nga pala
si Prince Charming, alam kong hindi niya ko
papabayaan. Alam kong nandyan siya palagi sa
tabi ko. Kahit kinakabahan ako hindi ko mapigilan
na mapa ngiti.
Habang nag lalakad kami sa corridor, pinag
titinginan kami ng mga studyante. Yung iba ata
nagulat, yung iba nag bubulungan. Paanong hindi?
Eh dala dala niya yung bag ko tapos mag ka hawak
pa kami ng kamay. Daig pa ata namin mag
boyfriend at girlfriend eh. Nakikita ko sa gilid ng
mata ko na tinitignan ako ni Jeydon. Tinitignan
niya siguro kung okey lang ako. Nung nag ka
tinginan kami, ngumiti lang ako sakanya para hindi
siya mag alala sakin.
Hanggang maka dating kami sa tapat ng room ko
simamahan niya pa din ako. Binitawan niya na din
yung kamay ko tapos inabot niya sakin yung bag
ko.

"Hoy aso behave ka dyan. Hintayin mo ko
mamayang lunch." Tss! ang bossy ng pusang to.
"Opo boss." papasok na sana ako kaso hinila
naman niya ko. "Bakit?"
"Kiss ko?"
"Kiss mo mukha mo! Pumasok ka na!"
Tumawa siya tapos umalis na din siya, huhu! trip
niya talaga ko. Pag talikod ko nakita ko agad yung
Powerpuff girls. Naka taas na agad yung kilay
nilang tatlo sakin, ang aga aga eh. Nakita siguro
nila na magkasama kami ni Jeydon. Dumeretso na
lang ako sa upuan ko. Nandun na si Margot, ang
lapad ng ngiti niya sakin.
"Ano yun ah?"
"Alin?" Ano daw yun?
"Haha! patay malisya ka pa? akala ko naman si
Marky, si Jeydon pala."
"Shh.. wag ka maingay nakakahiya."
"Mag kwento ka dali!" para siyang batang excited
na nakikinig sakin.
"Si Jeydon, nanliligaw na siya sakin."

"Waaaa! Si Jeydon.." tinakpan ko ka agad yung
bibig niya. Aish! sabi ng wag maingay eh.
"Sabi ko wag ka maingay eh." Buti na lang
natakpan ko agad yung bibig niya bago niya
masabi lahat. Hindi naman narinig ng mga
classmates namin pero yung Powerpuff girls
narinig ata kasi naka tingin sila samin ni Margot.
Kaya nag hininaan na namin ni Margot yung boses
namin.
"Sorry Candice, nagulat lang ako. OMG! kinikilig
ako eh." Mukha nga siyang kinikilig, parang mas
kinikilig pa siya kesa sakin eh.
"Basta wag kang maingay ah."
"Bakit naman? dapat nga proud ka pa. Isang
Jeydon Lopez nanliligaw sayo teh!"
"Eh alam mo naman yung kumakalat na balita
sakin di ba?"
"Ay oo nga pala! Grabe yung gumawa nun sayo,
ang bad nila. Hayaan mo na alam naman namin
yung totoo na hindi ka ganun. Wag mo na lang
pansinin." Ngumiti siya sakin, tama nga sila wag
ko na lang pansinin yun.
Nag kwentuhan lang kami ni Margot about samin
ni Jeydon, kada kwento ko kikiligin siya, ayan tuloy
ang sama sama ng tingin samin ng tatlo. Naputol

lang yung kwentuhan namin nung dumating na
yung teacher na si Mam Farrah.
Nung pangatlong class na namin, nag vibrate yung
phone ko.

1 new message received.

From: Doreamon<3
Anong ginagawa mo aso? I miss you..

Eh! miss agad? kaka kita pa lang namin kanina.
Para naman din akong tanga kasi hindi ko
mapigilan na mapangiti. Amp naman! baka
mahalata ako ng teacher ko na kinikilig dito. Paano
siya nakaka text habang may klase? Replayan ko
nga.
To: Doraemon<3
Nag aaral ako! Ikaw pusa? Mag aral ka! Miss
you too >.<

Wala pang isang minuto nag vibrate agad yung
phone ko. Buti na lang may kausap sa labas yung

teacher namin. Tinignan ko ka agad yung text
niya.

From: Doraemon<3
Paano ako mag aaral kung ikaw nasa isip ko?
Psh! Wait mo ko dyan maya ah? sige na mag
aral ka na. :-*

Muntik na ko matawa, may pa kiss kiss emoticon
pa siya ah? Adik to sa kiss si Jeydon. Masarap ba
ko halikan? Haha joke.
"Huy! Kinikilig ka dyan! Baka makita ka ni Mam."
Nagulat ako kay Margot akala ko nahuli na ko ni
Mam.
"Hehe wala yun, mag aral na lang tayo."
Medyo nawala tuloy ako sa concentration ko. Kasi
tong Jeydon na to eh, bastos! pumapasok na lang
bigla sa isip ko hindi man lang nag papa alam.
Hehe pasaway. First time akong matuwa na nag
bell na para sa lunch. Ay excited makita si Jeydon?
>.<
"Candice, punta ka mamaya sa gym may laban
yung basketball team natin."

"Ah sige! See you later."

Nauna na siya sakin, niligpit ko muna lahat ng
gamit ko tapos lumabas na ko ng room. Nakita ko
na agad kung nasan si Jeydon, paano
pinapalibutan ng mga babae. Nung nakita niya ko
lumapit agad siya sakin.
"Ang tagal mo!" hindi niya alam yung salitang
patience eh nuh?
"Eh sino ba kasing may sabi na hintayin mo ko?"
psh! reklamador na pusa.
"Nakaka inis ka! Nag eeffort na nga yung tao eh!
Bahala ka na nga dyan!" Iniwan na naman ako.
Argh! ano ba naman tong pusa na to! sensitive
much?
Sinundan ko na lang siya sa may canteen. Pagka
dating ko pa lang sa canteen pinag bubulungan na
naman ako ng mga studyante dun. Tinignan ko
yung paligid ng canteen, wala na yung mga
posters. Medyo naka hinga ako ng maluwag. Hindi
ko na lang pinansin yung mga tumitingin sakin.
Nakita ko ka agad yung APAT sa tambayan nila,
nandun din si Tiffany.
Pag dating ko dun nag lalaro si pusa ng psp naka
earphone. Si Marky naka iPod naka earphone din.

Si Kuya Charles naman kumakain. Napansin
naman agad ako ni Troy at Tiffany kaya umupo
ako sa tabi nila.

"Hi Candice!" ang saya ni Tiffany, malamang katabi
ba naman niya si Troy eh. Haha!
"Hello." tinignan ko si pusa hindi man lang ako
tinignan, busy masyado sa psp. Bahala nga siya!
Laki ng problema niya eh.
"Candice nuod ka mamaya ng laban namin ah! I
cheer mo ko! haha!"
"Madami namang mag chi-cheer sayo mamaya
Troy eh." pagka sabi ko nun napatingin ako kay
Tiffany, tapos bigla siyag nag blush. Haha! ang
cute.
"Eh gusto ko ikaw din! Ha? ha? Please?" hinahatak
hatak pa niya yung damit ko, isip bata talaga neto.
"Oo na! mag cheer kami ni Tiffany, di ba?" tinignan
ko ulit si Tiffany, nagulat ata siya.
"Ha? ah oo.. i-cheer kita mamaya Troy este kami
ni Candice."
"Thank you Tiffany! gaganahan ako mag laro niyan
mamaya." Ang laki naman ng ngiti ni Tiffany.

Tumayo ako tapos umupo ako sa tabi ni Kuya
Charles para naman magtabi yung dalawa, ngayon
ko lang napansin na singit pala ako sakanila. Haha
ang slow ko talaga -__Nasa tapat namin si Jeydon at Marky. Pareho
silang naka headset, mukhang may sariling
mundo. Bakit kaya hindi namansin bigla si Jeydon?
Wala naman akong ginawang masama ah?
"Anong problema ng manliligaw mo?" biglang
tanong ni Kuya pero pabulong lang niya sinabi.
"Malay ko?" kumuha ako mung pagkain nila, ang
dami neto akala mo naman mauubos nilang lahat
to. "May topak ata."
"Haha! kung ako sayo binabusted ko na yang
ganyang manliligaw. Walang kwenta." mahina lang
pagkakasabi nun ni Kuya pero parang narinig ni
Jeydon kasi napatingin siya saglit samin tapos
ayun tingin ulit sa psp.
"Wag ka ngang maingay dyan Kuya!" napalakas
ata pagkakasabi ko, napatingin samin si Marky eh.
"Hi Candice!" After ten years ngayon lang ako
napansin ni Marky. Haha!
"Hello Marky!" nginitian ko siya tapos nginitian
niya din ako. Akala ko magiging awkward kapag
nagkasama kaming tatlo ni Jeydon pero hindi

naman pala. Hindi naman kasi talaga niya ko gusto
at yung nararamdaman ko sakanya, paghanga
lang.
"Candice, i cheer mo din ako mamaya ah?" nag
puppy eyes pa siya. Luh? ano ko? taga cheer nila?
"Ha? Sige.."

"Ako lang pwede niyang i cheer mamaya!"

Nagulat kaming lahat nung nag salita si Jeydon.
Akala ko naka earphones siya, narinig pala niya
yun.
"Hoy pusa! i cheer mo ko mamaya! lagot ka sakin
kapag wala ka dun."
Kinuha niya yung footlong tapos umalis siya. Akala
ko ba galit siya? Hmp abnormal.
"Ang bossy ng manliligaw mo! Akala mo siya yung
nililigawan eh."

"MANLILIGAW?!" gulat na gulat si Troy at
Tiffany. Lumapit agad silang dalawa sakin. Hindi ko

pa nga pala na kwento sakanila. Eh hello? Kahapon
lang yun.

"Nanliligaw sayo si Jeydon?"
"Kelan ka pa niya nililigawan?"
"Sasagutin mo ba siya?"
"Bakit biglaan?"

"Wait!" sa bilis nilang mag tanong hindi ko na alam
kung sino sakanilang dalawa yung nag sasalita.
Huhu! ang kulit nilang dalawa.
"Candice! Mag explain ka! ang daya mo naman eh!
Best friend mo ko tapos hindi ko alam?" nag sad
face si Troy.
"Candice tell us na!" pareho pa sila ni Tiffany, omg.
"Teka lang naman! eh kahapon lang naman kasi
siya nanligaw sakin, okey?"
"Sasagutin mo ba si Jaydee ha? Eh akala ko kayo
ni Marky.." napatigin kami kay Marky.
"Troy ang dami mong tanong kay Candice, nakaka
irita ka na." binato ni Marky ng towel si Troy, buti
na lang naka ilag siya.

"Hoy Marky! Wala kang paki alam! Hindi ikaw yung
kausap ko si Candice."
"Candice umalis ka na kukulitin ka lang niyan ni
Troy, ako na lang mag papaliwanag sa ugok na
yan!" hay salamat naman hehe.
"Eh ayoko sayo!" ilang taon na ba to si Troy? akala
mo bata eh.
"Sige alis na ko ah, Tiffany kwento ko na lang sayo
next time." ayoko mag kwento kapag nandyan si
Troy, super kukulitin na naman ako nyan eh.
"Sige bye Candice!"

"Teka Candice!" Pipigilan pa sana ako ni Troy kaso
hinila naman siya ni Marky. Si Kuya nakisali na din
sakanilang dalawa, natatawa na lang tuloy si
Tiffany.
Umalis na ko dun, grabe ang kulit nila. Pumunta
muna ako sa locker ko. Nilagay ko muna yung
ibang gamit ko dun, pagkasara ko ng locker ko
nakita ko si Stacey.

"Malandi ka talaga eh nuh?" sobrang sama ng
tingin niya sakin.

"Hindi ako malandi, wala akong alam sa sinasabi
mo." tumawa siya, yung sarcastic na tawa.
"Hindi? kaya pala kanina mag ka hawak kayo ng
kamay ng FIANCE KO? hindi ka malandi nun?!"
diniinan talaga niya yung pagkakasabi niya ng
fiance ko.
"Siya yung humawak sa kamay ko, hindi ako."
lumapit siya sakin, feeling ko anytime sasampalin
na niya ko.
"Wow feelingera ka talaga eh nuh! Gusto mo
talaga ng away ah?!" tinaasan niya ko kilay,
nakakatakot siya para siyang witch.
"Ayoko ng gulo kaya pwede ba."
"Para sabihin ko sayo, three days from now
gaganapin na yung official engagement naming
dalawa. Kaya pwede wag ka nang nag iilusyon
dyan? Fiance ko siya, kaya akin siya!" nainis ako
sa sinabi niya, kung angkinin niya si Jeydon akala
mo pag aari niya talaga.
"Fiancee ka nga niya pero gusto ka ba
niya?" namula siya bigla sa galit, hindi ko alam
bakit ko nasabi sakanya yun.
"So feeling mo gusto ka na ni Jeydon porket sweet
siya sayo? Sorry pero pinaglalaruan ka lang niya.

He's just playing with you." sumosobra na siya,
laki ng problema niya.
"At least sweet siya sakin, eh sayo?" sasampalin
niya sana ako pero pinigilan ko siya.
"How dare you!" tinulak niya ko sa sahig. Nung
napa upo ako sasampalin na naman niya ko pero
may kamay na pumigil sakanya.

"Don't you dare hurt my girl."

Si Jeydon, wow english ah! ang sexy niya nung
sinabi niya yun.

"Jeydon yung kamay ko!" ang higpit ng hawak ni
Jeydon sa braso ni Stacey. Binitawan niya agad
yun tapos tinulungan niya kong tumayo.
"Okey ka lang?" tinginan niya agad ako sa mata
ko, halatang nag aalala siya sakin.
"Oo okey lang ako." napatingin siya kay Stacey.
"Sa susunod na saktan mo pa si Candice, ako
na yung makakalaban mo."ang sama ng tingin
niya kay Stacey.

"Bakit mo siya pinagtatanggol?! ako yung Fiancee
mo! Ako at hindi si Candice!"
"Wala akong paki alam sayo! Si Candice yung
gusto ko, siya lang. Pwede ba tigilan mo na yang
pag iilusyon mo? hindi mo ko pag mamay ari."
hinawakan ni Jeydon yung kamay ko tapos hinila
na niya ko palayo pero narinig ko pa din yung
sigaw ni Stacey.
"Makakarating to sa Daddy mo Jeydon!
Pagsisisihan mo to!"

"Ang lampa mo talaga." hila hila pa din niya ko.
"Eh ang lakas ni Stacey eh." akala mo wrestler eh
>.<
"Wag ka mag alala, kapag sinaktan ka niya ulit
humanda sakin yung baliw na yun!"
"Okey lang naman ako eh.."
"Yan ka na naman sa okey mo, pero hindi yun
okey. Tsk! hindi ko na alam gagawin sayong aso
ka!" huminto ako.
"Teka nga, bakit pala hindi mo ko pinapansin
kanina ha? PMS ka ba? Lakas ng topak mo eh nuh?

tapos pag tatanggol mo ko ngayon?" humarap siya
sakin.
"Sinabi ko na sayong hindi ako marunong
manligaw di ba? tapos hindi mo pa na appreciate
mga ginagawa ko? Aish!" hindi ko na naman tuloy
mapigilan na matawa. Haha! ayun pala yung
dahilan. "Yah! Don't laugh."
"Alam mo napaka abnormal mo talagang pusa ka
eh nuh?"
"Abnormal talaga ako, abnormal yung ka
gwapuhan ko. Hahaha! Tara na nga!" Abno talaga!
bakit ba ko nagka gusto sa pusang to.

Pagka dating namin sa room lahat ng mga
classmates namin naka tingin lang samin. Si
Margot nakakaloko yung ngiti sakin. Hindi ko na
tinignan yung powerpuff girls sigurado naman ang
sama ng tingin nila sakin eh.
Nung dumating si Mr. Gomez lahat kami
tumahimik. Nilingon ko si pusa, naka ngiti siya.
Bakit kaya?
Habang nag susulat ako may inabot siya saking
papel. Nung tinignan ko drawing ng aso tska pusa
tapos nag kiss sila. Waaaa! kaya pala siya naka

ngiti kung ano ano nasa isip niya. Baliw talaga
niya.

"Aso.."
Nilingon ko siya, pag tingin ko bigla siyang
ngumuso parang nanghihingi na naman ng kiss.
Lakas ng topak >.<
"Wag ka ngang makulit dyang pusa ka."
"Hehe sorry.." bumalik ulit ako sa sinusulat ko
pero feeling ko may naka tingin sakin. Huhu!
naiilang ako bigla.
Buti na lang hindi na ako kinulit ni Jeydon
hanggang matapos yung math class. Kinuha niya
yung bag ko tapos lumabas siya ng room. Nag
paalam lang ako kay Margot tapos sinundan ko na
si Jeydon. Nung na abutan ko na siya hinawakan
niya agad yung kamay ko. Pinagtitinginan na
naman kami ng mga studyante. Eto naman si
Jeydon, wala lang sakanya.
Pag dating namin sa room ng Section Eleven..

"AYIEEE!"

Anak ng siopao.

"Wow sweet niyo ah?"
"Naks naman may love team na tayo!"
"Ayiee bagay kayo!"

"Hoy tumigil nga kayo!" natawa na lang sila kay
Jeydon. Paano kasi namumula siya tapos parang
nahihiya pa.

"Ganyan pala kiligin si Jeydon?"
"Jeydon bakit ka namumula?"
"Haha! nahihiya ka pa samin eh!"

"SHUT UP!'
Dumeretso siya sa upuan niya tapos nag lagay siya
ng earphones sa tenga niya. Nag tawanan na
naman silang lahat. Hindi ko din tuloy mapigilan na
matawa, ngayon ko pa lang kasi siya nakita na
namumula.
Pag upo ko sa likod sakto dumating si Troy. Umupo
siya sa tabi ko tapos biglang kumanta.

"Pag ibig nga kaya? pareho ang nadarama eto ba
ang simula? Di na mapipigilan.." napatingin siya
saming dalawa ni Jeydon. Tapos natawa siya, huhu
bakit ba ko pinapalibutan ng mga malalakas yung
topak?
"Oh please Troy, shut up."
"Candice, pahirapan mo si Jaydee ah? Wag mo
agad sasagutin yang mokong na yan! Wahaha!"
Tinignan ng masama ni Jeydon si Troy.
"Hoy Troy kung ano ano sinasabi mo dyan sa aso
na yan! Tumahimik ka nga!"
"Bakit natatakot ka ba na ma busted? Haha!"
pinalo ni Jeydon ng papel si Troy.
"Asa ka!"
"Candice hindi pa kasi nanliligaw yan eh, kaya
maganda kung busted siya sayo! Wahaha!"
binatukan siya ni Jeydon.
"Tumahimik ka nga!"
"Bustedin si Jaydee! Bustedin si Jaydee!" grabe
ang kulit niya talaga.
"TROY!"

"Wahaha!"
Bahala nga silang dalawa dyan. Nilabas ko na lang
yung libro ko, malapit na pala yung exam. Malapit
na din mga entrance exam sa mga universities
kelangan ko na mag ready dun. Paano ako makaka
concentrate sa pag aaral kung may dalawang baliw
akong katabi? hays.
Mabilis lang natapos yung class, ihahatid pa sana
ako ni pusa sa next subject ko pero mag papractice na daw sila para sa game mamaya. Saglit
lang din naman natapos yung last class ko,
dumetso na muna ko ng locker ko para ilagay yung
gamit ko.
Dumeretso na ko sa gym pagtapos nun. Pag dating
ko dun ang dami ng tao, puro mga babae yung
nandito. Nanlaki pa yung mata ko nung nakita ko
yung malaking banner na may nakalagay na. 'Go
Jeydon!' Siya na may fans club.
Nakita ko sila Stacey tska yung cheering team sa
side ng court. Gusto ko sanang lumapit pero
mukhang mag kakagulo lang kaya dito na lang ako
sa may taas sa may gilid.
Maya maya lumabas na yung kalaban na team tska
yung basketball team namin. Ang lakas ng
sigawan. Nakaka bingi naman dito.

Nung nag start yung game, yung kalaban yung
may hawak ng bola pero naagaw naman agad ni
Troy yung bola. Grabe tilian na naman, tinignan ko
si Tiffany todo cheer ang lola mo! Haha.
Habang naglalaro sila napansin ko na parang may
hinahanap si Jeydon. Ako kaya hinahanap ng
pusang yan?

"Hoy pusa! i cheer mo ko mamaya! lagot ka sakin
kapag wala ka dun."

Waaa! oo nga pala patay kang bata ka. Huhu lagot
na naman ako sakanya neto eh. Bahala na,
nandito naman ako eh tska madami na namang
nag chi-cheer sakanya eh.
Nung malapit ng matapos yung game, napatingin
si Jeydon sa pwesto ko. Nakita niya ko, hindi ko
alam kung galit siya o hindi eh.
Nung hawak na niya yung bola, bigla siyang nag
slam dunk. Tapos tumingin siya sakin tapos nag
okey sign siya. Halos lahat tuloy ng mga tao
napatingin sakin, pati sila Stacey na umuusok na
ngayon yung tenga sa galit. Amp! nakaka inis tong
pusa na to, nakakahiya tuloy lahat sila naka tingin
na sakin. Huhu! Ang sama ng tingin sakin ng mga

babae dito parang gusto ko na tuloy mawala na
parang bula dito.
Nung nawala na yung tingin nila sakin umalis na ko
agad dun sa gym. Panalo naman sila eh, maka uwi
na nga lang, bahala na si pusa. Text ko na lang
siya na uuwi na ko.
Paglabas ko ng gate may biglang dumaan na
motor sa gilid ko, napa upo tuloy ako. Amp!
sasagasaan niya ba ko? Ang saket tuloy ng pwet
ko. Huminto naman yung lalaki sa may motor. Ang
ganda ng motor niya, parang pang karera. Bumaba
siya tapos lumapit siya sakin.

"Miss sorry! Okey ka lang ba?"
"Mukha ba akong okey? sasagasaan mo ata ako
kuya eh!" tinanggal niya yung helmet niya. Parang
ang taray ko naman ata.
"Sorry ah, gusto mong dalhin kita sa ospital?" Ang
bait naman niya, tinarayan ko na nga dadalhin pa
ko ng ospital. Sabagay halata naman sa mukha
niya, ang amo kasi eh.
"Hindi na, okey na to malayo naman to sa bituka
eh." tinulungan niya kong tumayo.

"Sorry ulit miss, sige una na ko." sinuot niya ulit
yung helmet niya tapos sumakay na siya ng motor
niya. "Bye Candice!"

Teka lang wait ah! Tama ba narinig ko? Tinawag
niya ko sa pangalan ko? Kilala ba ko nun? Hindi
naman siya mukhang taga school namin. Siguro
gutom lang to, kung ano ano na naririnig ko. Maka
uwi na nga lang.

"Hoy aso!"

Hala lagot.

"Bakit hindi mo ko hinintay?" pag lingon ko nakita
ko agad si pusa, hindi naman siya mukhang galit.
"Nagugutom na ko eh, nag text naman ako sayo
eh."
"Nakaka inis ka! hindi ka nga nag cheer sakin iiwan
mo pa ko?" nag sad face siya.
"Ang dami dami ng nag cheer sayo eh."

"Gusto ko ikaw mag cheer sakin eh! Wala tuloy
akong gana mag laro kanina." Nag pout naman
siya ngayon, wala pa siyang gana nun ah? Eh halos
lahat ata ng points ng team sakanya galing.
"Next time gagawan pa kitang banner."
"Haha! promise mo yan ah?" uh-oh. Ano tong
pinasok ko? Nag bibiro lang naman ako eh huhu.
"Oo na, tara uwi na tayo!"
"Teka lang, kukunin ko lang yung bag ko. Dyan ka
lang ah!" tumakbo siya papasok ng school.

Napatingin ako sa kalsada, may picture. Tinignan
ko kung ano yun. Nanlaki agad yung mata ko nung
nakita ko.
Class picture namin nung kindergarten kami,
kasama ko dito sila Jeydon.
Malamang dun yun sa lalaking naka motor kanina.
Tama ba talaga yung narinig ko? Tinawag niya
yung pangalan ko? Sino kaya yun? Nung tinignan
ko yung likod may nakasulat sa gitna, sino siya?

Shawn L.

53: New Arrival

Ang aga ko nagising pero wala naman siya. Andito
naman ako sa labas ng bahay kaso wala pa din
siya. Asan ba yung pusa na yun?
Pinatong ko na lang yung ulo ko sa tuhod ko.
Kapag nakita ako ni Kuya Charles dito sa labas pag
tatawanan ako nun. Excited pa ko kanina lumabas
ng bahay tapos wala naman pala yung Doraemon
na yun! Psh lagot yun sakin, huhu. Ang lamig pa
naman dito sa labas, ang aga pa kasi eh.
Biglang may itim na kotse na pumarada sa harap
ko. Pagkababa nung driver akala ko si Jeydon na
pero hindi pala..

"Good Morning Miss Candice."
"Good Morning po er-- Sir Baron." ang aga aga
naka pang amerikanong damit siya.
"Baron na lang Miss Candice. Andito ako kasi
pinapasundo kayo ni Young Master." Wow Miss
Candice talaga tawag niya sakin.

"Asan po si Jeydon?"
"He's busy." ngumiti sakin si Baron.
"Eh?" Ansabe ng busy niya?
"Tara na po Miss Candice?" Binuksan niya yung
pintuan ng kotse, pumasok na lang din ako.

Ano kayang ginagawa ng pusang yun? Hindi man
lang nag sabi sakin, humanda talaga siya sakin.
Sabi niya agahan ko gumising, psh tapos wala
naman siya. Eh! parang miss ko siya agad, ay OA
lang? haha.
Pagka baba ko ng kotse naka ngiti pa sakin si
Baron. Bakit kaya? parang may kakaiba akong
nararamdaman. Dumeretso agad ako sa loob ng
school, pagpasok ko dun may studyante na nag
bigay sakin ng isang pirasong rose.

"Pinapasabi ng nag bigay na, Maganda ka pa
sa umaga." tatanungin ko pa lang sana siya kung
kanino galing to pero tumakbo na siya. Feeling ko
kilala ko na..

Hindi pa ako nakakalayo may nag bigay na naman
sakin ng isa pang pirasong rose, hanggang sa
makarating ako sa locker ko may nag bibigay sakin
ng rose. Pinag titinginan na nga ako ng mga
studyante dito. Ang aga aga may dala akong
bulaklak? huhu. Pagka dating ko sa tapat ng locker
ko nakita ko si Jeydon na nakatalikod. Ano na
naman kayang kalokohan to?

"Hoy Pusa!" pagkaharap niya may hawak hawak
siya, akala ko teddy bear pero stuff toy pala na
choe chow. Waaa ang cute.
"Oh.." inabot niya sakin yung stuff toy na chow
chow.
"Ano to?" kaya ba hindi niya siya pumunta ng
bahay kasi pinlano niya to?
"Stuff toy malamang!" Psh! pilosopo. Hindi siya
maka tingin sakin tapos napapakamot na lang siya
ng ulo.
"Ikaw din yung nag bigay ng mga roses?"
"Oo, nagustuhan mo ba?" Hindi pa din siya mka
tingin sakin, mukhang nahihiya ata siya. Paano ko
kaya sasabihin na ayoko ng ganito? huhu baka
magalit siya.

"Ahmm.."
"Sabi ko na eh ayaw mo! Psh! Akin na nga."
Kinuha niya agad sakin yung roses na hawak ko
pati yung chow chow. Patay galit na naman to.
"Ayoko lang kasi nakakakita ng nalalantang rosas
pero na appreciate ko naman yung.."
"Hindi mo pa din nagustuhan! Aish nakakainis!"
feeling ko mag ta-transform siya anytime sa
pagiging dragon. Hirap talaga galitin ng pusang to,
nagiging dragon.
"Nagustuhan ko namam tong chow chow eh! Wag
ka na mainis." Kinuh ko yung chow chow. Ngumiti
ako sakanya para hindi na siya magalit.
"Sorry, amp kasi sabi ni Troy lahat ng babae gusto
ng bulaklak! Lagot talaga siya sakin."
"Haha! Hindi ka talaga marunong manligaw nuh?
Palibhasa kasi mahilig ka lang makipag laro sa
mga babae." hinarap niya agad ako.
"Kasalanan ko bang gwapo ako? Sila kaya yung
nanliligaw sakin." Ikaw na talaga yung gwapo >.<

Bigla naman tumunog yung phone niya, muntik na
naman ako matawa kasi yung theme song ng

Doraemon yung ringtone niya. Buti na lang talaga
hindi ako natawa, kundi magagalit na naman tong
pusa na to. Napaka moody pa naman niya.

"Oh?" Wow ang galang niya, haha! wala talagang
kwenta sumagot ng tawag tong pusa na to.
"ANO?!" Hala? bakit kaya siya sumisigaw? Tska
sumisigaw din yung kausap niya sa phone. Sino
kayang malakas yung loob yung sisigagawan din si
Jeydon?
"Okey." tapos pinatay na niya yung phone niya.
Dahil umiral na naman yung pag ka curious ko,
tatanungin ko kung sino yun.

"Sino yun?"
"Si Noona." Kaya pala sumisigaw din sa kabilang
phone yung kausap niya eh. Now I know,
haha. [Noona=Older sister]
"Hoy bakit ganun ka makipag usap kay Ate
Jaycee? Bakit ba?"
"Umma and dong-saeng is going back here."
waaaa! parang kinabahan ako bigla. Mama niya
tska yung kapatid niya na lalaki,

shete. [Umma=Mother / dong-saeng=Little
brother]
"Kelan naman sila babalik?"
"Mamaya, sasama ka sakin. Ipapakilala kita
sakanila." ngumiti siya sakin.

Ako sasama at ipapakilala niya? Hahaha. Bitch
please.

Buong klase lumulutang lang yung isip ko. Makikita
ko na ng personal yung Mama at kapatid ni
Jeydon. Sa picture ko pa lang nakikita yung Mama
niya, maganda siya, akala mo nga bata pa. Yung
kapatid naman na lalaki ni Jeydon, kamukhang
kamukha niya. Kinakabahan ako, bakit kasi
kasama pa ako mamaya? Okey lang naman na
makita ko sila pero ano na lang sasabihin nila
kapag ako yung kasama ni Jeydon, imbis na yung
fiancee niya na si Stacey. Huhu! baka sabihin pa
nila na epal ako >.<
Wag na lang kaya ako sumama? Eh kamusta
naman magiging reaksyon ni pusa? Mamaya mag
tampo na naman yun.
Nung malapit na mag lunch nag text si pusa.

From: Doraemon<3
Hoy aso! Aalis kami nila Troy mamayang
lunch. Sumabay ka kay Tiffany kumain.
Behave.

Ang bossy talaga niya kahit kelan. San naman
kaya sila pupunta?

Bago mag lunch inaya ko si Margot na sumama
sakin, pumayag naman siya kasi aalis din daw sila
Ginno. Inaya ko siya sa tambayan ng APAT, nakita
agad namin si Tiffany dun.
Nagtataka lang ako, kasama kaya nila Ginno sila
Jeydon? Ano na naman kayang kalokohan yung
gagawin nung mga yun?

"Hello Candice! Margot!" Ang sexy ni Tiffany, huhu
ang laki talaga ng hinaharap niya nakakapang liit.
Wahaha!
"Magka kilala na kayo ni Margot, Tiff?" umupo
kaming dalawa ni Margot sa tabi ni Tiffany. Ang
dami na namang pagkain, nakaka gutom.

"Oo, kasali siya dati sa cheering team." kinuha ko
yung footlong, naaalala ko si pusa. Favorite kasi
niya to eh.
"Kasali ka pala dun? bakit wala ka na?" nag ka
tinginan silang dalawa.
"Kasi si Amber may gusto kay Ginno. Nung
nalaman niya na boyfriend ko na si Ginno,
tinanggal ako ni Stacey." Ang sama talaga niya.
"Sorry Margot, wala akong nagawa noon. Alam mo
naman yung evil sister ko yung captain." pati si
Tiffany, admitted sa ugali ng kapatid niya.
"Okey lang Tiff, matagal na naman yun. Tska
mahalaga naman okey kami ni Ginno."
"Speaking of, nabanggit ba sayo ni Ginno kung
saan sila pupunta?"
"Hindi nga eh. Basta may pupuntahan daw sila ng
section eleven." Waaaa! Buong section eleven
kasama? May kalokohan talaga sila Jeydon at Troy
eh.
"Ano kayang gagawin nun?"
"Nag aalala siya kay Jeydon? Uy ikaw ha." natawa
silang pareho. Amp! nag join force pa sila sa pang
aasar sakin ah.

"Hindi ah! hindi yun yung pinag aalala ko.." napa
buntong hininga na lang ako.
"Ano naman yun? aside sa pag aalala mo kay
Jeydon?" kumindat pa sakin si Tiffany habang
sinasabi yun.
"Mga baliw talaga kayo!"
"Eh ano nga kasi yun? Kanina ka pa wala sa sarili
mo eh."
"Dadating na mamaya yung Mommy at kapatid ni
Jeydon, isasama daw ako ni Jeydon mamaya sa
airport." nanlaki yung mata nila akala ko nagula
sila bigla naman silang kinilig.
"OMG! ipapakilala ka na agad ni Jeydon sa family
niya? Ang advance niya ah. Bakit ka nag aalala?"
anong pinag sasabi neto ni Tiffany? parang hindi
niya alam na engaged yung kapatid niya kay
Jeydon.
"Tiffany naman, alam mo naman na engaged na si
Jeydon at Stacey. Paano na lang kapag nakita ako
ng Mama at kapatid niya mamaya? Anong
sasabihin nila? na malaki akong EPAL? huhu." sa
itsura nila mukhang na gets na nila yung pinag
dadaanan ko.

Goodluck na lang yung nasabi sakin ng dalawa.
Huhu! wag na lang kaya ako sumama? Sasabihin
ko na lang sa pusa na yun na masama yung
pakiramdam ko. Bahala siya sa buhay niya! Huhu.
After ng lunch pumunta na kami ni Margot ng Math
class. Nakakapanibago na wala si Jeydon, bakit
ganun? parang kelan lang ayaw na ayaw ko siyang
katabi tapos ngayon naman hinahanap ko siya.
Ano kayang ginawa sakin ng pusa na yun? Siguro
ginayuma niya ko? Haha.
Pumunta na ako ng Section Eleven para sa Science
class ko. Andun na kaya sila Jeydon at Troy?
Pag pasok ko sa room, andun na nga sila. Nagulat
ako kasi lahat sila may mga pasa. Nakipag away
kaya sila? Panigurado ako kasama yung dalawa sa
mga to.
Hinanap ko si Jeydon at Troy pero wala sila.
Nilapitan ko sila Ginno at Six.
"Asan sila Jeydon?"
"Ha? ah.. hindi namin alam eh.." Umiwas agad sila
ng tingin sakin. Hmp! Akala nila hindi ko alam na
nag sisinungaling silang dalawa.

"Nakipag away kayong lahat?" Napatingin silang
lahat sakin. "Ano? nakipag away kayo?"t bigla
silang umiwas ng tingin sakin. Napa upo agad sila
sa upuan nila. Hala! bakit ganun? halatang ayaw
nila sabihin sakin yung nangyari. Asan na ba kasi
yung dalawang abnormal na yun?

"Good Morning class.." umupo na lang ako sa
upuan ko nung dumating si Sir Jason.
"Good Morning Sir." nagtataka si Sir sa itusa nilang
lahat pero hindi na lang siya nag salita tapos
nagturo na siya. Siguro sanay na siya na may mga
pasa tong mga to.

Nag aalala ako sa dalawang yun kaya nag text ako
pareho sakanila kung nasan na sila pero hanggang
matapos yung klase wala man lang silang reply.
Pumunta na lang ako sa last class ko.
Hindi pa din ako mapakali, iniisip ko si Troy at si
Jeydon. Okey lang kaya sila? Ano na naman
kayang ginawa ng pusa na yun? Kapag nalaman
kong nakipag away siya, ako aaway sakanya.
Huhu!

Bago pa matapos yung class ko, nag vibrate yung
phone ko.

From: Doraemon<3
Miss me already? haha. Wait kita sa labas aso
ko. :*

Miss niya mukha niya! Hindi kaya, konti lang >.<
Pagka bell pa lang lumabas agad ako ng school,
nakita ko na agad si Jeydon sa labas kasama si
Troy. Napansin ko agad yung pasa sa mukha nila.
Sabi na eh!

"HOY!!" napalakas pala yung boses ko, napatingin
sakin yung mga tao eh.
"Hoy aso! Bakit ka kumakahol ha?" Luh? kagatin
ko kaya siya.
"Haha! bakit aso tawag mo kay Candice Jaydee,
hindi naman mukhang aso si Candice ah?" lumapit
bigla sakin si Jeydon tapos pinisil niya yung
magkabilang pisngi ko.
"Anong hindi? Mukha kaya siyang aso!"

"Aw mashhaket pusa!!" Inalis ko agad yung kamay
niya sa pisngi ko. Baliwag talaga.
"Haha aso't pusa? Aba okey yun ah. Bagay na
bagay! Wahahah!"
"Hoy wag nga kayo mag change topic! Nakipag
away ba kayo ha?" hindi makatingin sakin yung
dalawa, nakipag away nga to. "Ano na naman
ginawa niyo ha?"
"Wala yun, tara na nga! punta na tayong airport.
Oy Troy ikaw mag drive ah." tinapon niya yung
susi ng kotse niya kay Troy. No! hindi ako sasama.

Kaso wala na akong nagawa, hinila na ako ni
Jeydon papasok sa loob ng kotse niya eh.
Goodluck sakin mamaya sa airport, sasabihin ko
na lang sa mama at kapatid niya na friend niya ko.
Haha tama! ang talino mo talaga Candice.
Habang nasa byahe kami kinukulit ako ng kinukulit
neto ni Jeydon. Na miss siguro niya ko, wahaha
echos lang. Panay tanong naman ako sa ginawa
nila sakin pero wala silang matinong sagot sakin.
Hindi ko na lang pinilit, eh ayaw nilang sabihin eh.
Bahala silang dalawa, puro sila kalokohan eh.

Pagkababa namin ng kotse, kinabahan na naman
ako. Eto na malapit ko ng makita yung Mama at
Kapatid niya..

Nag hintay kami sa arrival area. Kahit pala sa
Airport pinag titinginan yung dalawang to. Lakas
ng karisama sa mga babae. Syempre bawal nila
tignan ng matagal si Pusa, ako lang pwede.
Wahaha! feeling ko msyado.

"Ano na kaya itsura ni Jayshin tska ni Tita Janice?"
Yun pala yung pangalan ng Mama at Kapatid niya.
Hindi ko pa pala natatanong name nila, sa sobrang
kaba ko.
"Ganun pa din, si Jayshin pumanget lalo." Bully
talaga to kahit sa kapatid niya. Ano kayan ugali ng
Kapatid niya? Bad boy din kaya yun?
"Gusto kong makita yung reaksyon nila kapag
nakita nila si Candice." Waaa! kinabahan na naman
ako. Ano nga kaya magiging reakyon nila? Sana
hindi nila ako sungitan.
"They will like her for sure." naka ngiting pusa
pa sakin to si Jeydon, how sure siya dun sa sure
niya?

"Candice, hindi ka nag sasalita, okey ka lang?"
"Ah wala wala.." hinawakan agad ni Jeydon yung
kamay ko. Nahalata siguro niya na kinakabahan
ako o baka naman kasi alam niyang masungit yung
mama at kapatid niya kaya hinahawakan niya
kamay ko? Waaa paranoid na ko.
"Ay ayan na sila!"

Hindi ko na kelangang tanungin kung asan sila.
Kamukhang kamukha ni AteJaycee yung mommy
ni Jeydon. Si Jayshin naman... waaaa! parang
carbon copy lang ni Jeydon. Para siyang small
version ni Jeydon eh.
"Hi Tita! Hi Jayshin!" lumapit agad sila samin. Hala
mukhang mataray yung Mama ni pusa. Yung
kaptid niya busy sa phonen niya.
"Hi Troy, mukha ka pa ding babaero ah? Haha!"
waaa hindi pala siya mataray. Ang cool niya, haha
muntik na nga ako matawa sa sinabi niya kay
Troy. Ang awkward naman, kung alam lang niya sa
si Troy yung boyfriend ni Ate Jaycee.
"Haha! Tita naman, habulin lang ng chicks." Nako
ha! pa impress pa siya.

"At ikaw namang Doraemon ka, pasaway ka daw
sabi ng ate mo!" hindi ko napigilan na tumawa ng
mahina nung tinawag siyang doraemon ng mommy
niya. Wahaha!
"Umma! shikkeu reowo!" [Mom! shut up!] tignan
mo makipag usap to sa mommy niya.
"Haha don't be shy."
"Umma!"
Bigla naman siyang napatingin sakin, waaa oh-no!
Napatingin siya sa kamay namin ni Jeydon, inalis
ko agad yung kamay ko sa kamay ni Jeydon.
"Si Stacey na ba siya?"

Ouch.

"Aish! No! she's Candice.."
"Friend po niya." sabat ko agad, baka ano sabihin
niya sa mommy niya eh.
"Yah! You're my girlfriend right?" kinindatan niya
pa ko. Ano bang ginagawa mong lalaki ka! Ano na
lang sasabihin ng mommy neto?

"Dang Shin Eun Ah Reum dap seum
nida" [You're beautiful] Waaaa!!! maganda daw
ako?
"Kamsahamnida" [Thank you very much]
"Hoy aso! marunong ka mag korean?" Hala! hindi
pa nga pala niya alam.
"Yah, are you korean Candice?"
"Tumira po ako dun dati pero hindi po ako
Korean."
"Wow that's cool, my son's girlfriend knows how to
speak korean!" pumapalakpak pa siya, naalala ko
si mama. Magkakasundo siguro sila, perehong
pareho sila eh.

"Girlfriend?!" biglang namang sumingit si Jayshin.
"Yes, your hyung's girlfriend." [Hyung=Older
brother]
"Hyung who's your girlfriend?"
"Eto oh, si aso." hinawakan niya ko balikat ko
tapos hinarap niya ko sa kapatid niya.

"I don't like her to be your Girlfriend."

OUCH LANG. T_____T

54: Lil Brother

Hindi pa nga nagiging kami ni Jeydon, maririnig ko
na ka agad na ayaw sakin ng kapatid niya.
Nakakatawa di ba? pero mas nakakatawa pala
yung dahilan niya.

"I want her to be my girlfriend!"

Ang gulo nuh? gusto din pala akong maging
girlfriend ng kapatid niya. Akala ko nga sa itsura
lang sila ni Jeydon mag ka tulad, hindi pala.

"Yah Jayshin wag kang lumapit kay aso!" tinutulak
ni Jeydon tong si Jayshin. Papunta kami sa
yakimix, nag aya kasi yung mommy ni Jeydon na
kumain.
"Eh sa gusto ko eh! Who are you her boyfriend?
Noona is not your girlfriend!"
"She's gonna be my girlfriend!" ang sama ng
tingin nila sa isa't isa. Nung naka hanap na kami
ng table, uupo sana si Jayshin sa tabi ko pero
tinulak siya ni Jeydon palayo.
"Boys! shut up. Naririndi na sa inyo si Candice."
nasa tapat namin si Tita Janice tska si Troy.
Mukhang mas naririndi pa siya sa dalawang
magkapatid, sabagay sanay na kasi ako sa pusang
to.
"Okey lang po tita, sanay na po ako kay Jeydon."
napatingin sakin si Jeydon.
"Anong sanay? ang bait bait ko kaya sayo!"
hinaharangan pa din niya si Jayshin, bale nasa
gitna namin si Jeydon.
"See? Naririndi lang sayo si Noona! Ikaw ang
lumayo sakanya!" pumunta siya sa likod ng upuan
namin tapos bigla siyang tumalon sa likod kaya
naka upo na siya sa tabi ko. "Hi Noona!"

"YAH!" ang lakas ng boses ng pusang to, pinag
titinginan tuloy kami ng mga tao dito.
"Haha! Noona yan ba yung gusto mong maging
boyfriend? Bad boy! hindi katulad ko pogi na
mabait pa!" kinikindat kindatan pa niya ko, para
akong nasa harap ni Jeydon, three years ago.
Kamukhang kamukha niya eh.
"Hoy Jayshin tumahimik ka nga!" nag uusok na
yung tenga niya sa galit. Hinila niya ko palayo sa
kapatid niya. "Dito ka nga!"
"Haha Candice, mukhang ma stress ka sa
dalawang magkapatid ah." sinabi mo pa Troy.
"Don't worry Troy, kayong dalawa umayos kayo!
be nice to each other. Get it boys?"

"Umma No way!"
"Ayoko nga!"

"YAH!" mas malakas pa sa boses ni Jeydon yung
sigaw ni Tita Janice. Huhu nakakatakot din pala
siya, actually mas nakakatakot siya kay Jeydon.
"Mag be-behave kayo! Araso?!"

Tumango lang yung dalawa sa mommy nila. Sakto
naman dumating na yung pagkain. Alam ko na
kung saan nag mana si Ate Jaycee tska si Jeydon.
Grabe pala magalit mommy nila, kahit si pusa
hindi makapalag. Yung dragon naging pusa ulit,
nakakatuwa siyang tignan. Pero buti na lang hindi
pa ako sinusungitan ng mommy niya, akala ko kasi
magagalit siya sakin. Hindi man lang siya
nagtanong kung bakit ako yung kasama ni Jeydon
at hindi si Stacey, panigurado namang alam niya
yung sa engagement. Natataka tuloy ako, okey
lang sakanya na mag ka girlfriend na iba yung
anak niya kahit engaged na si Jeydon sa iba? bakit
kaya?

"Noona, eat this." nilagyan ng kimchi ni Jayshin
yung plato ko.
"Don't eat that, eat this." kinuha naman ni Jeydon
yung nilagay ni Jayshin tapos nilagyan niya ko
shrimp.
"Hyung why did you do that?" kinuha ni Jayshin
yung nilagay ni Jeydon tapos nag lagay na naman
siya ng kimchi sa plato ko. Huhu pakainin niyo
kaya muna ako?
"Candice is mine, get away!" ang sama na naman
ng tingin ng dalawa sa isa't isa. Parang anytime

mag bubugahan na sila ng apoy. Nasa gitna pa
naman nila ko. Huhu! hindi ako makakain ng
maayos.
"Haha! She's not yours! She's mine!" waaaa! ang
gulo nila. Sumasakit na yung ulo ko sakanila.
"Wanna die?!"
"Im not afraid of you hyung!" hala ayan na naman
sila, mag aaway na naman.
"Candice pwedeng tumayo ka muna dyan?"
tumayo naman agad ako, mukhang galit na naman
si Tita Janice. Nung nakatayo na ko bigla siyang
umupo sa upuan ko, sa gitna nila Jeydon at
Jayshin. "Dun ka na umupo sa pwesto ko Candice."
Tumabi ako kay Troy, buti na lang wala na ko dun
sa pwesto na yun. Hindi ako makakain ng maayos
dahil sa dalawang magkapatid na to. Hindi naman
nag reklamo yung dalawa sa ginawa ng mommy
nila. Maya maya tumayo si Jeydon, hinila naman
siya ni tita Janice.
"San ka pupunta?"
"Sa tabi ni aso." hinila pabalik ni tita Janice si
Jeydon, sinamaan niya ng tigin si Jeydon. Parang
maamong pusa si Jeydon na bumalik sa upuan
niya, si Jayshin nag pipigil ng tawa.

"Candice, pag pasensyahan mo na abnormal kasi
tong dalawang to eh! hindi ko nga alam kung saan
sila nag mana eh." natawa ako sa sinabi ni tita
Janice. Sakanya talaga nanggaling na abnormal
yung anak niya? Haha, ang cool niya.
"Abnormal talaga ako umma, sobrang gwapo ko
eh." muntik na ko mabulunan, parehong pareho
kasi yung sinabi ni Jayshin sa sinabi dati ni Jeydon.
Parehong pareho sila ng kuya niya.
"Jayshin, may gusto ka ba talaga kay Candice o
gusto mo lang asarin si Jeydon?"
"Both! Haha! I like Noona and I love to tease
Hyung!" Nakangiti siya sakin. "Noona, di ba hindi
mo pa naman boyfriend si Hyung? Can I court you
too?"

"I TOLD YOU SHE'S MINE!" hala galit na si pusa.
Tatayo na sana siya para lapitan si Jayshin pero
hinila na naman siya ni tita Janice.
"Jeydon! kumalma ka nga. Jayshin is just teasing
you. Hindi niya aagawin sayo si Candice. Jayshin
umayos ka!" tapos tumawa si Jayshin.
"Umma! I'm serious! I like Noona! May fiancee na
si Hyung, kaya hindi sila pwedeng mag katuluyan."
biglang natahimik yung lahat pati si Jeydon.

Biglang tumayo si Jeydon tapos umalis. Hala? ano
na naman problema niya?

"Look what you did! Jayshin I told you to behave.
Alam mo namang moody si Jeydon."
"What? I'm just telling the truth. Totoo naman
talagang engaged na siya. That's why we are here
right to attend the engagement." parang may kung
anong kumirot sa puso ko. Engagement.. si Jeydon
at Stacey.
"I think we should go now, Candice pwede bang
samahan mo ko? Troy and Jayshin will find Jeydon
before we go home."
"Sige po Tita."

Pumunta kami ni Tita Janice sa Starbucks.
Umorder lang siyang dalawang frappe. Ano kayang
gagawin namin dito? Kinakabahan ako, baka
kakausapin niya ko about kay Jeydon.

"Alam mo Candice, ngayon ko na lang nakita
si Jeydon na nag ka gusto ng ganito sa isang

babae. I think you're a very special
girl." ngumiti siya sakin.
"Hindi naman po ko special Tita, hindi ko nga alam
bakit siya nag ka gusto sakin."
"Kilala ko yung anak ko, hindi siya basta
basta nag kaka gusto sa isang babae. Isang
beses pa lang siyang nag seryoso sa isang
babae, at alam kong seryoso siya sayo." gusto
kong matuwa pero may inis din akong
naramdaman. Siguro kasi naiisip ko yung past nila
Jeydon at Kim. Alam ko naman na si Kim pa lang
yung nag iisang babae na sineryoso niya dati. Ano
ba yan, nag seselos ba ko?
"Okey lang ba sa inyo? I mean, engaged na si
Jeydon kay Stacey." tumawa siya.
"Kalokohan! alam naman natin na ayaw ni Jeydon
sakanya at alam kong hindi niya matutunang
mahalin si Stacey. Ayoko lang magaya si Stacey
sakin.." biglang lumungkot yung mukha niya. Bakit
kaya? bakit siya magagaya kay Stacey?
"Okey lang ba kayo?" ngumit ulit siya sakin,
hinawakan niya yung kamay ko.
"Candice madami na kong kasalanan kay Jeydon,
kahit na malaki yung nagawa kong kasalanan
sakanila lalo na sakanya tinanggap pa din niya ko.

Mahal na mahal ko yung anak ko, kaya ayoko
siyang makitang miserable dahil lang sa walang
kwentang engagement na yan."
"Hindi po ba kayo yung nag arranged ng
engagement nila?"
"Hindi ako, yung daddy niya. Wag kang mag alala
alam kong gagawa si Jeydon ng paraan. Gusto mo
din yung anak ko di ba?" naka tingin lang sakin si
Tita Janice, hinihintay yung sagot ko.
"Gusto ko po siya, gustong gusto." ngumiti ulit
siya sakin, mukhang masaya na ulit siya.

"Then fight for him."

Ayun na yung huling sinabi sakin ni Tita Janice
bago kami bumalik sa entrance, dumating na kasi
si Ate Jaycee para sunduin sila. Nung nag kita kita
kami, parang may mali kay Ate Jaycee at Troy.
Hindi maka tingin si Ate Jaycee kay Troy, may
problema kaya sila?
"Thank you Candice, I hope we could go out
again." Nag bow sakin si Tita Janice, ganun din
ako.

"Jeydon and Jayshin tara na." sabi ni Ate Jaycee.
"Noona, ihahatid ko pa si aso sakanila, mauna na
kayo." tumango lang si Ate Jaycee.
"Umma, Noona! I'll come too. Gusto kong makita
yung bahay nila Candice Noona." lumapit na
naman si Jayshin sakin.
"Yah! umuwi ka na! tsupi!" tinulak na naman niya
palayo si Jayshin pero hindi nag patinag si Jayshin.
Malaking tao din siya kagaya ng kuya niya, mas
bata siya samin ng tatlong taon pero mag kasing
katawan na sila ni Jeydon.
"Noona can I come?" nag puppy eyes sakin si
Jayshin, eh? ano bang sasabihin ko?
"Sige okey lang." nanlaki naman yung mata ni
Jeydon. Humarap siya sakin, ang sama ng tingin.
"Isasama mo yan? Hoy aso ayoko nga!"
"Eh di wag! wag ka sumama samin sa bahay."
tumawa silang lahat, hala mas lalo ata siyang
nagalit.
"Haha! thank you Noona! tara na?" ang laki ng
ngiti ni Jayshin.
"Haha! ano Jaydee sama ka pa ba?"

"Aish! Tara na nga, ikaw mag drive. Troy ah!
Badtrip talaga!" nag walk out na siya papunta sa
kotse niya.
"Candice, ikaw na bahala dyan sa dalawang
abnormal kong anak ha. Saktan mo kapag ginulo
ka. Haha!" ang cool talaga ni tita, haha natawa
tuloy ako.
"Candice sabihin mo sakin kapag nag pasaway
yang dalawa sayo ah, humanda sila sakin."
"Okey lang po Ate Jaycee, I can handle." sana nga
ma handle ko silang dalawa, huhu.

Nag paalam na kami kala Ate Jaycee tska kay Tita
Janice. Pag ka dating namin sa kotse ni Jeydon
nasa loob na siya sa likod. Pumasok na din ako
tapos sumunod sakin si Jayshin, nako naman
napapagitnaan na naman nila ako. Dapat pala sa
harap na lang ako umupo eh.

"Hoy dun ka sa harap Jayshin!"
"Ayoko nga! Gusto ko katabi ko si Noona!"
Ang sama na naman ng tingin ng dalawang to sa
isa't isa. Nako eto na naman sila eh. Feeling ko

sobrang tagal ng byahe namin papunta sa bahay.
Paano kasi buong byahe nag aaway yung
magkapatid. Natatawa na nga lang si Troy sa
harap eh. Sumasakit na nga ulo ko sakanila,
parang nasa tug of war sila. Kapag hihilahin ako ni
Jeydon papunta sakanya hihilahin din ako ni
Jayshin papunta sakanya. Mag sisigawan sila sa
harap ko, huhu pambihirang buhay naman to.
Gusto kong tumalon sa tuwa nung nakadating na
kami sa bahay. Sa wakas naman, wala na ko sa
gitna nila. Binilisan ko yung pagpasok sa bahay
baka mamaya hilahin na naman nila ko.
Pagdating namin sa loob wala sila Mama at Yaya,
nag work out na naman sila kasama si Ate Serina.
Si Kuya Charles lang nandito.

"Charles Hyung. Alam mo mas pumogi ka ngayon."
nagulat si Kuya sa sinabi ni Jayshin.
"Ano naman nakain mo ha Jayshin?"
"Haha! Charles nag papalakas ata sayo si Jayshin,
manliligaw din daw siya kay Candice." Sakto
kumakain kami ng brownies nabulunan si Kuya sa
sinabi ni Troy, kumuha agad ako ng tubig sa
kusina.
"Taena! joke ba yan?!"

"No! I like Noona. Charles Hyung okey lang ba
manligaw ako kay Candice Noona?" hindi pa din
makapaniwala si Kuya sa sinasabi ni Jayshin.
"Umasa ka! Hindi ka papayagan ni Tanda! Alam
mo epal ka lang dito eh, umuwi ka na nga lang!"
napatingin si Kuya kay Jeydon, ngumiti siya bigla,
yung nakakalokong ngiti.

"Sige lang Jayshin, ligawan mo lang si Candice
payag ako."

"ANO?!" sabay sabay kaming tatlo ni Troy tska ni
Jeydon. Ano na namang kalokohan to ni Kuya?

"Hoy Tanda! Anong pinagsasabi mo?" lumapit si
Jeydon kay Kuya Charles.
"Wuhoo! Thanks Hyung!" ang saya saya ni Jayshin.
"Charles ano na namang trip mo?"
"Hindi ba exciting to Troy? may karibal manligaw si
Jaydee, tapos si Jayshin pa. At least hindi na
kampante si Jaydee." nag evil laugh si Kuya tska si
Troy. Mga baliw talaga sila, hays.

"Nako Jaydee, kabahan ka na! madami ng napa Oo
to si Jayshin, eh ikaw? wala kasi hindi ka naman
marunong manligaw! Haha!" naiinis na si Jeydon
kay Kuya at Troy.
"Sakin pa rin mapupunta yung Oo ni Candice!
Sakin lang!" nag dabog siya palabas.

Nagtawanan yung tatlo. Ngayon ko pa lang nakita
na napikon si Jeydon. Hindi ko alam kung
matatawa din ako o ma aawa eh. Parehong pareho
kasi sila ni Jayshin kaya parang nakahanap siya ng
katapat. Sa totoo lang hindi ko naman sineseryoso
yung mga sinasabi ni Jayshin, feeling ko gusto niya
lang asarin si Jeydon. Pinuntahan ko muna si Cholo
sa taas, habang nag lalaro yung tatlo ng ps3. Si
Jeydon naman nasa labas lang.

"Roo!" dinaganan agad niya ko.
"Miss mo ko nuh?"
"Roo!" tumakbo siya bigla sa pintuan, nakita ko si
Jayshin.
"Hi Noona? Can I come?" binuhat niya si Cholo
papalapit sakin.

"Gusto mo sa Aso?"
"Oo naman." nilaro laro niya si Cholo, mukhang
gusto din siya ni Cholo, nakakapanibago nga kasi
masungit tong asong to kapag hindi niya kilala
yung mag hawak sakanya.
"Si Jeydon kasi ayaw sa aso." natawa siya sa
sinabi ko.
"Pusa kasi siya kaya ayaw niya sa aso." alam din
pala niya haha!
"Abnormal na pusang robot."
"You like him right?" biglang naging seryoso yung
boses niya. Ganito pala siya mag seryoso, mas nag
mumukha siyang mature tignan.
"Yah, I do.."
"Do you love him?" natigilan ako sa tanong niya.
Mahal ko na ba si Jeydon? Ang alam ko lang gusto
ko siya pero never pa pumasok sa isip ko yung
tungkol sa love.
"Hindi ko alam eh."
"Eh di may chance pa pala ko sayo Noona?"
ngumisi siya sakin, akala ko naman seryoso na
siya.
"Seryoso ka ba talaga?" lumapit siya sakin. Hala!

"Yeah, i really like you." seryoso na naman yung
boses niya.
"Ano.." ano ba naman tong si Jayshin >.<
"Haha! Kidding." parang naka hinga akong
maluwang sa sinabi niya.
"Ang lakas din ng trip mo nuh?" natawa na naman
siya, kita mo lakas talaga ng topak eh.
"I'm just teasing Hyung. Alam ko naman na you
and Hyung like each other. Tough crush din kita.."
Eh?
"Alam mo parehong pareho kayo ni Jeydon."
naging seryoso bigla yung mukha niya.
"Akala ng lahat pareho kami but we're not."
"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Hyung minsan lang yung mag seryoso sa
babae, seryoso siyang tao pero kapag kasama niya
yung taong mahal niya nagiging isip bata siya.
Akala mo wala siyang kinakatakutan pero sa
simpleng pag inom ng gamot takot siya. Hindi niya
hahayaan na mapahamak yung mga importanteng
tao sakanya. Lahat ng akala ng tao sakanya mali.

Oo bad boy yun pero siya lang sa lahat ng bad boy
yung mahilig sa doraemon! Haha!"
Napangiti ako sa mga sinabi ni Jayshin. Totoo
naman kasi eh, kaya ko siguro nagustuhan si
Jeydon kasi sa lahat ng lalaki na nakilala ko siya
yung pinaka kakaiba. Masaya ako kapag kasama
ko siya, komportable ako, kapag kasama ko siya
pakiramdam ko safe ako. Alam kong nandyan siya
palagi para sakin.

"YAH!" napalingon kaming dalawa ni Jayshin sa
pinto. Si Jeydon, ang sama ng tingin samin.
"Alam mo Hyung storbo ka eh, moment namin to
ni Noona." inakbayan ako ni Jayshin, lumapit
naman agad samin si Jeydon, inalis niya yung
kamay ng kapatid niya.
"Di ba sabi ko sayo layuan mo si aso!" biglang
lumapit si Cholo kay Jeydon. "Waaa! Lumayo sa
sakin!"
"Hoy pusa, inaaway mo na naman si Cholo!"
binuhat ko si Cholo palayo kay Jeydon.
"Alam mo Noona, ako gusto ko sa aso." Kinuha ni
Jayshin si Cholo sakin, gustong gusto nga siya ni
Cholo. "See gusto din ako ni Cholo? ano cholo?
mas boto ka sakin?"

"Roo!" aba sumasagot na siya ha.
"Kita mo na hyung? Paano ka sasagutin ni Noona
kung ayaw mo sa pinaka mamahal niyang aso?
Kaya ako na talaga yung sasagutin ni Noona!"
natatawa ako sa ginagawa ni Jayshin, ang lakas
niyang mang asar. Si Jeydon pa talaga inasar niya
ha. Kinidatan niya ko, parang sinasabi niya sakin
na sakyan ko lang siya sa pang aasar kay Jeydon.
"Oo nga naman Jeydon, paano kita sasagutin kung
ayaw mo sa aso ko?"
"Anong ayaw?" lumapit siya samin ni Jayshin,
kinuha niya agad si Cholo. Nagulat naman kaming
dalawa ni Jayshin.
"Hoy pusa! Anong ginagawa mo? Ayaw mo sa aso
di ba?"
"Hindi kaya! Gusto ko nga ng aso eh." sinasabi
niyang gusto niya sa aso pero halata namang
naiirita siyang buhatin si Cholo. "Hi Cholo?"
"Roo!" dinalaan siya ni Cholo. OMG? ano tong
nakikita ko?
"See? gusto din ako ni Cholo di ba? wahaha!"
dinala niya sa baba si Cholo. Nagkatinginan kami
ni Jayshin, natawa kaming pareho kay Jeydon.

"He likes you alot huh? Haha! I can tell sa loob
loob niya nag mumura na siya dahil dala dala niya
si Cholo."
"Abnormal talaga yun." Bumaba na kami ni
Jayshin, nakita namin sa baba sila Troy at Kuya, si
Jeydon naka upo tapos naka patong sa hita niya si
Cholo. Magugunaw na ba yung mundo? Si puso
kalong kalong yung aso ko? Waaaa!

Tumawag kay Jeydon yung daddy niya kaya nag
paalam na sila samin, sumabay na din si Troy
sakanila. Bago sila umalis kinausap muna ako ni
Jeydon.

"Wag mong sabihin i coconsider mo si Jayshin sa
manliligaw mo?" parang ang sarap asarin ni
Jeydon, haha.
"Why not?" haha! sumama agad yung tingin niya
sakin.
"Sabi ko sayo ako lang pwedeng manilgaw sayo di
ba?!"
"Ikaw na nga lang nanliligaw sakin, ikaw pa
choosy?"

"Psh! Bahala ka nga dyan. Nakakainis ka talagang
aso ka."
"Haha! ano ka ba binibiro lang kita. Teka nga,
akala ko ba ayaw mo sa aso?"
"Lahat ng gusto mo kahit ayoko gugustuhin
ko na din."
"Bakit naman?" hinawakan niya yung kamay ko
tapos hinila niya ko papalapit sakanya tapos
niyakap niya ko,
"Kasi gusto kita, gustong gusto."
Feeling ko namumula yung pisngi ko. Kapag
sinasabi ni Jeydon na gusto niya ko, bumibilis yung
tibok ng puso ko. Yakap pa niya ko ngayon.

"Hyung! Tara na!"
"Aish panira talaga siya ng monent."
"Sige na, umuwi ka na." hinarap niya ko tapos
ngumuso siya sakin, parang nang hihingi ng kiss.
Binatukan ko nga, baliw talaga! "Uwi na!"
"Bye aso! tatawagan kita mamaya.."
"Okey bye pusa!"

Papasok na sana ako sa bahay kaso may nakita
akong lalaking naka motor. Siya yung muntik ng
naka bangga sakin! Naka ngiti siya sakin, nung
napansin niya na naka tingin ako sakanya nag suot
siya ng helmet tapos umalis na siya.
Kilala kaya ako ng lalaking yun? sakanya kaya
yung picture?
Pag pasok ko sa bahay, dumeretso ako sa kwarto
ko. Humiga ako sa kama ko.

Akala ko hindi ako magugustuhan ng mommy ni
Jeydon pero mukhang okey naman ako sakanya.
Ang bait pa nga niya eh tska ang cool niya. Mag
kakasundo kaya sila ni Mama? Sana.
Nag tataka lang ako sa sinabi niya kanina na ayaw
niyang matulad si Stacey sakanya. Ibig sabihin
kaya nun arranged marriage lang din yung
sakanila nung daddy ni Jeydon? May mahal na
ibang babae yung daddy ni Jeydon? Kaya ba siya
nag loko dati? sabi ni Troy muntik na daw masira
yung pamilya nila Jeydon dahil nag karoon ng
affair yung mommy ni Jeydon. Kahit ano pa yun,
masaya ako na okey lang ako sa mommy at
kapatid niya.

Tumayo ako para kunin yung class picture namin
na nakita ko sa kalsada, dun kaya to sa lalaki
kanina? Sino nga kaya yun? Hinanap ko yung year
book namin nung kinder pa ko.
Shawn L.
Tinignan ko lahat ng pangalan nila hinanap ko
yung studyante na may Shawn yung pangalang,
nung nakita ko yung last page muntik ko na
mabitawan yung year book.

Shawn Lucas Dela Feunte.

Si Lucas...

55: Broken hearted Troy

(Special Chapter of Troy)

Troy POV

Hindi maalis sa isip ko si Jayce.
Nung nakita ko siya kahapon nung sinundo namin
sila tita sa airport hindi man lang siya maka tingin
sakin. Dun lang pumasok sa isip ko na may
problema nga kami pero hindi ko alam kung ano
yun. Ayun yung kaylangan kong alamin.
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok balak ko
sana siyang puntahan ngayon na kaso may
practice kami ng basketball. Pag dating ko sa gym
ng school namin nakita ko na sila Jeydon, takte
ang aga ng mga to ah.

"Hoy Troy! Sabi ko nine practice natin di ba?
Anong oras na?" taena neto ni Charles ten minutes
late pa lang naman akong late.
"Late agad? Hindi ba pwedeng na traffic lang?" ang
totoo wala akong tulog kakaisip kay Jaycee kaso
hindi ko naman pwedeng sabihin yun sakanila.
"Lul! baka sabihin mo nag bar ka pa kagabi? Kelan
ka ba mag seseryoso? puro ka na lang laro." haha!
kung alam mo lang Jaydee.. kung alam mo lang.
"Hoy Jaydee ang yabang mo porket may Candice
ka na? Ganyan ka din naman dati kagaya ni Troy."

"Asa ka Marky! bitter ka lang sakin kasi mas pinili
ako ni Candice kesa sayo!" tumawa siya, ang gago
talaga neto ni Jeydon.
"Haha! sorry ka, three years niya kong crush. Beat
that huh?" biglang umusok yung tenga ni ni
Jaydee, magiging dragon na naman tong
doraemon na to.
"Past is past!" kita mo tong abnormal na to, nag
walk out bigla. Siya yung unang nakipag asaran
pero siya din pala yung mapipikon. Pag dating
talaga kay Candice mabilis siyang ma asar.
Pag dating ni coach nag practice agad kami, next
week kasi kakalabanin namin yung school nila
Brandon. Court nila yung gagamitin kaya may
advantage sila ng konti, hindi dahil sa mas madami
silang supporters. Madumi kasi maglaro yung
school nila, isama mo na yung madayang referees.
Kaya sabi ni coach kelangan handa na kami sa
mga dirty tactics nila. Sus kahit ano pa gawin ng
mga yun hindi nila kami matatalo, sa mukha pa
lang eh walang wala na sila samin. Haha! sa
mukha ko pa lang panalo na kami.
Habang nag pa-practice kami parang lutang yung
utak ko. Tatlong beses na kong tinamaan ng bola.
Taena talaga, baka mamaya mag ka pasa yung
napaka gwapo kong mukha. Lahat ng tira ko hindi
tumatama puro sigaw tuloy yung abot ko kay

coach. First time kong sumaya na tapos na yung
practice namin, wala kasi talaga ako sa mood.
Gusto kong makita si Jaycee.

"Troy okey ka lang? Wala ka sa sarili mo." Lumapit
din sakin si Charles at Marky.
"Oo nga pre, ayos ka lang ba?" tsk ganun na ba
kahalata para mapansin ng tatlo.
"Okey lang ako, madami lang akong iniisip."
kinuha ko yung bag ko, mas mabuti pa kausapin
ko na si Jaycee para hindi ako nag kaka ganito.
"Inom tayo mamaya? Babae lang katapat nyan!"
gagu talaga to si Charles, mukha ba kong babae?
Inosente kaya ako sa mga ganyan! Haha.
"Pass ako, alam niyo naman loyal ako kay
Candice." napatingin kaming tatlo kay Jaydee.
Babatuhin ko sana siya ng towel na hawak ko pero
binato na siya ng towel ni Marky.
"Loyal mo mukha mo!"
"Bitter much? Haha! Bahala nga kayo, magkikita
pa kami ni aso." bago siya maka alis hinila siya ni
Charles pabalik.
"San kayo pupunta ni manang?"

"Mag da-date kami. Ba-bakit?" mukhang
kinakabahan siya, nadulas siguro siya. Huli ka
balbon!
"Nag paalam ka na ba sakin?"
"Ay sorry bayaw ah, mag da-date pala kami ni
Candice, hehe okey na ba? Sige Bye!" bigla siyang
tumakbo palayo samin.
"Alis na din ako."
"Sigurado ka bang okey ka lang Troy?"
"Oo pre salamat pero ayos lang talaga ko. Sige!"
umalis na din ako dun baka tanungin pa din ako
nila Charles at Marky, madulas pa ko.

Dumeretso na ko sa mall, kumain muna ko bago
ako pumunta sa shop ni Jaycee. Nasa labas lang
ako ng shop niya, hindi ako pwedeng pumasok sa
loob ng shop na ako lang mag isa. Iniiwasan kasi
ni Jaycee na makita kami ng mga staff niya.
Siguro isang oras na kong mag hihintay dito sa
labas pero hindi ko pa din siya makita. Mabuti pa
maglibot libot muna ko dito.
Punta na lang akong Dairy Queen, sabi nila kapag
malungkot ka kumain ka daw ng ice cream. Mas

mabuti pa nga kumain na lang ako nun para
mawala naman yung lungkot ko.
Papunta na kong DQ kaso may naka bangga
naman ako.

"WHAT THE HELL?!"
Hindi ko pa nakikita kung sino siya kasi napatingin
ako sa sahig nung nagkabanggaan kami. Gagu to
ah, sigawan daw ba ko? Suntukin ko kaya to?
Inangat ko ka agad yung ulo ko para makita ko
yug mukha niya.

"Hoy pare! sinong may sabi sayong sigawan mo
ko? Hindi mo-- Shawn?!"
"Troy pare!" hindi ako makapaniwalang nandito
siya.
"Gagu ka akala ko kung sino ikaw lang pala! Kelan
ka pa bumalik? hindi ka man lang nag pasabing
mokong ka!"
"Haha! sorry pare balak ko sana kayong
surprisahin bukas, tamang tama nga engagement
ni Jaydee bukas. Ininvite ako ni Tito Jake." parang

walang nag bago sakanya, kagaya pa din siya ng
dati, 4 years ago.
"San ka pupunta?"
"Wala nag lilibot lang ako pero pauwi na din
naman ako eh. Ikaw?"
"Ah wala nag papalamig lang."
"Sige una na ko ah? Kita na lang tayo bukas, wag
mo muna sabihin sa tatlo ah."
"Sige sige!"
Mukhang nagmamadali siyang umalis. Ano kayang
magiging reaskyon nung tatlo kapag nakita nila si
Shawn? Lalo na si Jaydee, anong magiging
reaksyon niya kapag nakita niya yung dati niyang
best friend.

Speaking of Jeydon..

"Huy!"
"Pusang gala!" gulat na gulat siya nung nakita niya
ko. Dito ba sila nag dadate ni Candice?
"Asan si Candice? May date kayo di ba?"

"Aish nasa DQ! Date? paanong magiging date yun?
eh si Jayshin buntot ng buntot saming dalawa.
Badtrip nga eh." Haha! kaya pala hindi maipinta
yung mukha niya.
"Hahaha! gusto mo pati ako makisali sa inyo?"
"Letche! wag ka ng makigulo samin, bakit ka ba
nandito? uminom ka na lang dun sa bar mo!"
"Nay pinapabili kasi sakin si mommy sa shop ng
ate mo. Andyan ba siya sa shop?" mukha naman
hindi siya mag hihinala sa tanong ko.
"Oo hanggang mamaya pa dyan si Noona, mabuti
pa isama mo si Jayshin sa shop ni Noona para
naman umalis na siya!"
"Ayoko nga, ano ko yaya ng kapatid mo? Haha
bahala ka dyan!" tumakbo ako papalayo sakanya.
Haha! akala niya ah, mag dusa siya.

Nag lakad lakad na lang muna ako habang
hinihintay kong mag sara yung shop ni Jaycee.
Nung napadaan ako sa SB sakto naman nakita ko
siya.

"Jaycee!" nilapitan ko ka agad siya.

"Bakit nandito ka?" nag pout ako sakanya. Sounds
like she doesn't want to see me.
"You don't miss me huh?"
"Troy stop acting like a kid. Madami lang akong
ginagawa."
"Ano ba kasing pinag kaka abalahan mo? Masyado
ka atang busy?" bigla niyang natapon yung kape
na iniinom niya. Kinuha ko agad yung panyo ko
para punasan yung damit niya.
"Wag na kaya ko na to. I have to go back Troy."
Nagmamadali siyang umalis pero pinigilan ko siya.
May kakaiba sakanya at hindi niya pwedeng itago
sakin yun.
"Jaycee may problema ba?"
"Wala, Troy please kelangan ko ng umalis."
binitawan niya agad yung kamay ko.
"Jaycee please, may nagawa ba ako? Bakit ang
lamig mo na sakin?"
"Troy busy lang ako. Okey? I have to go."
"Okey.." Nung umalis siya hindi man lang niya ko
nilingon para tignan. Parang hindi na siya yung
Jaycee na nakilala ko dati.

[Play niyo po yung Let Me be the One = Jimmy
Bondoc]

Nagbubulugan lang naman ako na wala kaming
problema ni Jaycee pero isang linggo na din simula
nung maging malamig siya sakin. Sa isang araw
tatlong beses na lang siya mag text sa halos isang
daan kong text sakanya. Halos hindi na din kami
nag kikita. Alam ko naman na dadating talaga
yung araw na to eh pero kahit ganun pinag laban
ko pa din siya. Hindi ko kaya kapag wala siya.
Nag hintay ako sa parking ng mall. Sa tapat ng
kotse niya, kelangan ayusin ko na to. Kelangan
kasi kung hindi baka hindi ko kayanin. Apat na
oras akong nag hintay sa tapat ng kotse niya. Apat
na oras akong naka tanga, iniisip siya.
Muntik na nga kong makatulog sa pwesto ko pero
narinig ko yung boses niya.

"Troy? kanina ka pa ba dyan?" hinawakan ko ka
agad yung kamay niya.
"Baby naman wag mo na kong tawagin sa
pangalan ko, dalawa na lang tayo dito. I miss the
way you call me baby." ngumiti ako sakanya pero

hindi man lang nag bago yung expression ng
mukha niya.
"Stop it Troy." Gusto niyang kumawala sa
pagkakahawak ko sakanya pero hinila ko siya
papalapit sakin, niyakap ko siya.
"Jaycee miss na miss na kita. Bakit ka ba ganyan
sakin? May ginawa ba ako sayo? Sabihin mo
naman oh, nahihirapan na ko.." Fck parang naiiyak
pa ko. Nilayo niya ko sakanya.
"Troy tama na! Tapos na tayo!"

Hindi ko alam yung gagawin ko. Ano ba yung
narinig ko? Tapos na kami? Panaginip lang to di
ba? Hindi naman totoo lahat ng narinig ko di ba?
Haha! tama panaginip lang naman lahat ng to eh.
Humarap ako sa pader, sinuntok ko siya, sobrang
lakas. Dun ko lang nalaman na mali pala ko. Totoo
pala lahat ng to, nakikita ko yung dugo sa kamao
ko, nararamdaman ko yung sakit.. pero walang
wala yun sa sakit na nararamdaman ng puso ko
ngayon.

"Troy I'm sorry.. please tama na." Hinarap ko si
Jaycee, umiiyak siya. Bakit siya umiiyak? di ba eto
naman yung gusto niya?

"Ano bang nagawa ko Jaycee? Meron ba? Kung
meron sabihin mo, itatama ko yun." pinunasan ko
yung luha sa mata niya, kahit sinasaktan niya ko
ngayon hindi ko pa din siya kayang makita na
umiiyak.
"Naisip ko lang na mali to, na hindi to tama kaya
mas mabuti pang tapusin ko na to habang maaga
pa."
"Jaycee naman eh! Ganun ganun na lang ba yun?!
itatapon mo na lang basta yung ilang taong pinag
samahan natin? Akala ko ba hihintiyin mo lang na
mag eighteen ako? Dalawang linggo na lang yun
eh!" wala na kong paki alam kung umiiyak na ko
ngayon, taena ang sakit eh.
"Mas mabuti na to Troy, madami ka pang
makikilala na kasing edad mo. Hindi yung katulad
ko na mas matanda sayo, yung may asawa na.
Simula pa lang naman alam na natin na mali to.
And im sorry, kasalanan ko lahat ng to." gusto
kong matawa sa mga sinasabi niya, maghanap ng
iba? haha!
"T*ngina kung kaya ko nga lang mag hanap ng
kasing bata ko, yung walang asawa, yung wala
akong problema ginawa ko na eh! Kaso hindi eh
kasi Jaycee ikaw yung mahal ko ikaw!" lumuhod
ako sa harap niya. Hindi ko kayang mawala siya

sakin, hindi ko kaya. Ngayon pa na mahal na
mahal ko na siya.
"Troy tumayo ka dyan, wag mo ng pahirapan yung
sarili mo please. Alam ko naman na kakayin mong
wala ako, alam kong ngayon lang yan pero
mawawala din yang sakit na nararamdaman mo."
"Hindi eh! Hindi ko kaya Jaycee eh, hindi ko
kayang wala ka sa buhay ko. Jaycee naman, wag
mo kong iwan, nag mamaka awa ako sayo."
hinawakan ko yung braso niya, hindi siya maka
tingin sakin. Nanlalabo na yung mata ko dahil sa
luha sa mata ko.
"Troy kasi.." bigla siyang nag takip ng bibig niya.
Lumayo siya sakin tapos nag suka siya. Wag mong
sabihin na..

"BUNTIS KA?!" lumapit ako sakanya, hinarap ko
siya sakin.

"I'm sorry Troy.."
"Sagutin mo ko!" mas lumakas yung iyak niya.
Nakatingin lang ako sakanya, hinihintay yung
sagot niya.

"Oo buntis ako! Yun yung totoong dahilan kaya
nakikipag hiwalay na ko sayo. Troy magkaka
pamilya na kami ni Louis, kaya hindi ko kayang
masira yung pagsasama namin. Kaya ako umiiwas
sayo, kasi pinipilit na kitang kalimutan."
nanginginig na yung kamay ko sa galit. Hindi ko
kayang tanggapin lahat ng sinasabi niya sakin.
"Alam mo unfair ka eh! Pinapaasa mo ko
tapos nag mo-move on ka na pala? Haha! Ang
galing ah. Ang galing nun Jaycee, ang galing
mo." lumapit siya sakin, hahawakan niya sana
yung kamay ko pero nilayo ko agad sakanya yung
kamay ko.
"Troy hindi totoo yun, hindi kita pinaasa!" tinignan
ko siya na parang diring diri ako sakanya.

"Tama na. Umalis ka na."

"Pero.."

"Umalis ka na!"

Naglakad siya papunta sa kotse niya. Umiiyak siya,
bago siya pumasok sa loob tinginan niya muna
ako. Nung nasa kotse na siya umalis na din siya.

"Bakit Jaycee? bakit.."

Napasandal ako pader sa likod ko. Ang sakit eh,
sobrang sakit. Yung babaeng minahal mo ng sobra
ng ilang taon mawawala na lang ng ganito sayo.
Hindi ko naman siya pwedeng pigilan, hindi ko na
siya pwedeng ipaglaban kasi mag kaka anak na
sila ng asawa niya. Ano pa bang laban ko? Wala
na.. wala na kong magagawa. Parang dinudurog
ngayon yung puso ko. Sobrang sakit eh..
Pumasok ako sa kotse ko, pinaandar ko siya. Hindi
ko alam kung saan ako pupunta pero wala akong
paki alam. Gusto ko lang ngayon maka limutan
lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala na kong
paki alam kahit sobrang bilis ko mag patakbo, wala
akong paki alam kahit mabangga pa ko. Kahit
mamatay ako, mas mabuti pa ngang mamatay na
lang ako eh.

Ang sakit.. sobrang sakit.

-Tiffany POV

Grabe ang sarap talaga kumain ng isaw, kahit
street food siya nasasarapan ako. Buti na lang
palaging nandito si Ateng nag titinda ng isaw.
"Miss Tiffany, baka po hinahanap na kayo ng
daddy niyo."
"Ano ka ba naman chard, hindi yan!"
Kakainin ko na sana yung isaw ko kaso nakita ko si
Troy sa kotse niya. Naka red yung stop light kaya
naka hinto yung kotse niya. San kaya siya
pupunta? Bakit parang umiiyak siya? Tatawagin ko
pa lang sana siya kaso umadar na yung kotse niya,
sobrang bilis niya mag patakbo. Ayos lang kaya
siya?
"Chard! alis na tayo!"
"Hay salamat, uuwi na ba tayo Miss Tiffany?"
"Hindi! Hindi! Susundan natin si Troy! Tara dali!"

Napakamot na lang ng ulo si Chard. Sensya na
Chard mamaya na tayo uuwi, susundan pa natin si
Troy. Sigurado na ko ngayon na may problema
siya kaya kelangan kausapin ko siya.
Parang isang oras na namin nililibot yung mga
kalsada dito pero hindi namin makita yung kotse ni
Troy. Paano ba namin mahahabol yun eh ang bilis
bilis niya mag patakbo. Inisip ko na lang yung mga
pwede niyang puntahan, naisip ko ka agad yung
bar niya.
Tama nga yung hinala ko, nakita ko yung kotse
niya dun sa tapat ng bar niya. Bumaba agad ako
sa kotse ko.
"Miss Tiffany! San kayo pupunta?"
"Basta umuwi ka na Chard! Ako na bahala dito!"
mag sasalita pa sana siya pero sinamaan ko agad
siya ng tingin, naku! mas kelangan ko ngayong
makita si Troy, wala akong paki alam kahit
pagalitan pa ako ni Daddy.

Pumasok agad ako sa bar ni Troy, ang ingay dito.
Sa totoo lang minsan lang talaga ako mag bar,
ayoko kasi dito masyadong maingay. Si Stacey
lang naman yung aya ng aya sakin sa mga

ganitong lugar. Hinanap ko siya kung saan saan
pero hindi ko siya makita, tinignan ko yung VIP sa
taas nakita ko siya dun, umiinom mag isa.
Aakyat na sana ako sa loob pero pinigilan ako
nung bouncer, hmmpf! Hoy kuya papasukin mo ko
kung ayaw mo ma flying kick kita!
"Sorry miss ayaw ni boss mag pa istorbo."
"Kaibigan niya ko kaya payagan mo na ko
pumasok please!"
"Sorry bawal talaga eh." Nakakainis ka na ah! kaso
hindi ko siya kaya ang laki laki ng katawan niya
eh. Mag papa awa effect na lang ako sakanya.
"Sige na kuya please.." Ginamitan ko siya ng super
puppy eyes ko. Hoy kuya wag ka ng choosy dyan!
papasukin muna ko! Kelangan kong maka usap si
Troy! Huhu.
"Sige na nga pero ikaw bahala sakin kapag nagalit
si boss ah!"
"Oo akong bahala sayo, thanks kuya bouncer."
umakyat agad ako sa taas.

Nakita ko si Troy na nakaka tatlong bote na ng
vodka. Ano bang ginagawa niya? Bakit nag

papakalasing siya mg ganito? Nung iinumin na niya
yung isa pang baso ng vodka pinigilan ko siya.
"Tama na yan! Nakaka dami ka na!" nagulat siya
nung nakita niya ko.
"Anong ginagawa mo dito? Sabi ko walang
pwedeng umakyat dito!"
"Troy ano bang problema mo? Bakit ka ba nag
kaka ganyan? Tama na nga!" kinuha ko yung baso
niya ng alak.
"Wag ka ngang maki alam! Sino ka ba sa
buhay ko?"

Ouch. Ouch lang talaga. Sino ako sa buhay niya?
Ako lang naman yung babaeng mahal na mahal
siya. Yung babaeng nag papaka tanga sakanya.
Hindi ko tuloy mapigilan na umiyak.
"Ano iiyak iiyak ka ngayon? Alam mo Tiffany
umalis ka na lang! Hindi kita kaylangan!"
"Troy tama na.." Hindi ako maka tingin sakanya,
naka yuko lang ako umiiyak.
"Leave me alone!"
"Iiwan lang kita kapag tumigil ka na sa pag inom
mo!"

Nairita siya sakin kaya tumayo siya tapos bumaba
siya. Sinundan ko agad siya, sumakay siya sa
kotse niya. Hindi siya pwedeng mag drive! Lasing
siya! Kaso huli na ko naka sakay na siya sa kotse
niya, pumasok na lang ako sa kotse niya sa tabi
niya.
"Bumaba ka!"
"Hindi, lasing ka! wag ka na mag drive!"
"Bahala ka sa buhay mo!"

Pinaandar niya ng mabilis yung kotse niya.
Sobrang bilis niya mag patakbo, ilang beses na
kaming muntik mabangga.
"Troy dahan dahan lang.." pagkasabi ko nun
muntik na ulit kaming mabangga. Naiiyak na lang
ako dito, ano ba kasing nangyayari sakanya?
Nung naka dating kami sa tabi nung ilog, hininto
niya yung kotse niya yun. Bumaba siya, sinundan
ko lang siya.
"AHHHH!"

Sobrang lakas ng sigaw niya, buti na lang kami
lang dito. Napa upo siya, umiiyak siya. Tumabi
agad ako sakanya. Natatakot akong mag salita,
baka magalit siya sakin.

"Ang sakit.. sobrang sakit eh. Mahal na mahal
ko siya eh! tapos.. tapos iiwan niya lang ako
ng ganito."

Parang sinasaksak yung puso ko. Ang sakit marinig
na kaya siya nag kaka ganyan dahil sa isang
babae. Ang sakit makitang nasasaktan siya.

"Nag mahal lang naman ako eh pero bakit
ako nasasaktan ng ganito?"

Hindi pa din siya tumitigil sa pag iyak niya.
Lumapit ako sakanya tapos pinatong ko yung ulo
niya sa balikat ko.
"Ang tanga tanga ko eh, minahal ko siya kahit iba
naman yung mahal niya! Isa akong malaking
tanga!"

Hindi ako nag salita. Hinayaan ko lang siyang
sumigaw, hinayaan ko lang siyang sabihin lahat ng
gusto niyang sabihin. Maya maya hindi na siya nag
salita, tignan ko siya pero naka tulog na pala siya.
Pinatong ko yung ulo niya sa hita ko.

"Alam mo Troy, hindi lang naman ikaw yung
tanga dito eh, ako din."

Hindi ko mapigilan na umiyak, pinunasan ko ka
agad baka magising siya.

"Ang tanga ko kasi kahit alam kong iba yung
mahal mo, mahal pa din kita. Kahit na hindi
mo ko napapansin. Alam mo bang nasasaktan
ako kapag nakikita kitang ganyan? Sana ako
na lang yung mahal mo. Sana ako na lang."

Hindi ko na talaga mapigilan yung iyak ko. Naisip
ko na mas mabuti pa, iuwi ko na si Troy sakanila.
Malamig na din dito sa labas, baka mamaya mag
kasakit pa siya.

Binuhat ko siya kahit na bigat na bigat ako.
Pinasok ko siya sa kotse niya, kinuha ko yung susi
ng kotse niya sa bulsa niya. Pina andar ko yung
kotse, kinakabahan ako. Wala akong lisensya tska
hindi ako masyadong marunong mag drive.
Pinilit ko na lang na maka dating sa bahay nila
Troy. Pinag buksan naman nila kami ng pintuan.
Nung nandun na ko sa loob, wala yung mommy ni
Troy puro katulong lang kaya sabi ko dun sa maid
ako na lang mag hahatid kay Troy sa kwarto niya.
Hiniga ko ka agad siya sa kama niya, ang bigat
niya ha. Amoy alak pa din siya kaya nag hanap
ako ng damit sa closet niya, tinanggal ko yung
damit niya. Omg! ang ganda ng katawan niya. Ay
baliw ka Tiffany! ano ba yang iniisip mo? Tsk tsk.
Sinuot ko na agad sakanya yung t-shirt niya. Nung
nakita kong okey na siya, kinumutan ko siya.
Mabuti pa umalis na ko..

"Wag mo kong iwan.." Hala? uuwi na ko Troy!
lagot ako kay daddy. Ano bang gagawin ko? Wag
ko daw siyang iwan? Sige na nga.
"Matulog ka na dito lang ako sa tabi mo.."
"Dito ka lang sa tabi ko Jaycee.. dito ka lang."

"Hindi ako si Jaycee pero sige dito lang ako sa tabi
mo.."

Pinag masdan ko lang siya habang natutulog siya.
Alam mo Troy kahit na ibang babae yung nasa isip
mo ngayon, masaya na kong ako yung kasama
mo..
56: Bet

TIFFANY POV

Ang sarap naman ng tulog ko dito. Ang bango na
ng unan ko, ang lambot lambot pa ng kama. Kaso
parang na aamoy ko yung pabango ni Troy. Kelan
pa ba naging pabango ni Troy yung pabango ng
kama ko?

*Dilat Mata*

Waaaa! Hindi ko to kama! Asan na ko? Nasa
heaven na ba ko? Huhu! bata pa ako tska hindi pa
ko napapansin ni Troy! Teka lang, alam ko kagabi
hinatid ko si Troy sa bahay nila tapos pinalitan ko
siya ng damit tapos sinamahan ko siya kagabi
tapos naka tulog na ata ako?
Tinignan ko ka agad yung buong kwarto. OMG!
Nasa kwarto niya ko? Dito ata ako natulog buong
gabi, pero dito sa kama niya? Waaaaa! Magkatabi
kaya kaming dalawa kagabi? Huhu kung
magkatabi nga kami ang malas ko kasi wala man
lang akong ka alam alam. Hindi ko man lang
nadama na katabi ko siya. Eh di sana nayakap ko
pa siya. Wahaha!! *pout*

"Gising ka na pala."

"Ah ano.. oo.. dito ba ko natulog sa kama mo?"

"Oo dyan ka natulog, magkatabi tayo pero wala
naman akong ginawa sayo kaya relax ka lang
dyan." shocks! huhu magkatabi nga kami.

Humarap siya sa salamin tapos.. waaa! nag hubad
siya ng shirt. OMG! Aatakihin ata ako sa puso.
Over exposed yung katawan ni Troy. Wala siyang
suot na shirt, tapos naka shorts lang siya. Huhu!
Bigla tuloy bumilis yung tibok ng puso ko. Troy
bakit ka ganyan? bakit mo ako inaakit? Wahaha
echos lang. Shems naman hindi ko tuloy
mapigilan na mapatingin sa katawan niya, ang
macho niya kasi eh.

"Baka matunaw yung abs ko nyan." Bigla kong
inalis yung tingin ko sa katawan niya. Nakakahiya!
nakita niya kong nag lalaway sa hot niyang
katawan. Feeling ko tuloy namumula yung buong
mukha ko sa kahihiyan.

"Ah.. kasi naman.. ba-bakit wa-wala kang damit?"
hindi pa din ako maka tigin sakanya, nauutal utal
pa ko.

"Kwarto ko naman to ah? Kahit mag hubad ako
ayos lang. Feeling ko nga gusto kong mag hubad
eh." Hala! ang bad niya! huhu ano ba kasi nasa
isip niya.

"May babae ka kayang kasama!" lumapit siya
sakin, malapit na malapit. Ayoko na! Huhu hindi
ko na to kaya.

"Ano naman?"

Napatingin ako sa mata niya tapos kinindatan niya
ko. Yung pamatay na kindat niya na nag pa inlove
sa madaming babae, kagaya ko. Habang naka
tingin pa din ako sakanya, mas lalo niyang nilapit
sakin yung mukha niya, palapit na ng palalit.
Waaaa! hahalikan ba niya ko? siguro? Haha!
pipikit na nga lang ako..
Tumawa siya bigla tapos ginulo niya yung buhok
ko.

"Ang cute mo talaga Tiffany."

Naka tingin lang ako sakanya, hindi naman pala
niya ko hahalikan pumikit pikit pa ko! Nakakainis
na talaga, ilang beses na ko napapahiya sa harap
niya! Kama kainin mo na ko ngayon na! huhu
T___T

"Tara breakfast tayo.."

Kumuha siya ng shirt sa closet niya tapos inabot
niya sakin yung kamay niya. Kahit nahihiya pa din
ako hinawakan ko yung kamay niya tapos tumayo
ako sa kama niya.
Malaki din yung bahay nila Troy, ang daming
painting tska pictures. Madami din silang maid.
Pag dating namin sa dining area may babaeng
naka upo sa dulo ng table. Mommy niya siguro
yun?

"Good Morning mom." napalingon agad yung
mommy niya samin. Tinignan niya ako
agad, kinabahan ako ng bongga. Baka mamaya
tarayan niya ko, sino ba naman kasing
matinong babae yung makikitulog sa bahay ng
isang lalaki?

"Good morning anak. May maganda ka pa lang
kasama, hindi mo man lang sinasabi. Sige upo
kayo, sabayan niyo ko kumain." Waaa maganda
daw ako! Haha.

"Good morning po Mrs. Mendoza." umupo lang ako
sa tabi ni Troy. Ang ganda naman ng mommy niya
pero hindi niya ka mukha.

"Ano ka ba ija! Tita Tracy na lang. Anong pangalan
mo?" naka ngiti siya sakin, akala ko naman
mataray siya.

"Tiffany po." kumain agad si Troy, kumuha na lang
din ako ng pagkain, hindi pala ako nag dinner
kagabi.

"Ikaw ba yung girlfriend ng anak ko?
Sabay pa kami ni Troy na nabulunan sa sinabi ng
mommy niya. Natawa tuloy yung mommy niya.
Huhu wish ko lang ako yung girlfriend ni Troy!

"Mom naman!"

"Oh bakit? Wala na ba akong karapatang
malaman?"

"Kaibigan ko lang siya." Ouch. Ouch lang,
kaibigan LANG. Sakit pala talaga marinig yun
kapag galing sa taong mahal mo.

"Kaibigan mo lang siya? You must be kidding me
Troy. Sa ganda't sexy na yan ni Tiffany, friend mo
lang siya?" kumindat bigla sakin si Tita Tracy.
Sakanya naman pala nag mana si Troy eh.

"Mom mag kaibigan nga lang kami." huhu oo na
alam ko na Troy! Wag mo ng ulitin. Hindi naman
siya pinansin ng mommy niya.

"Tiffany gusto mo ba yung anak ko?" nanlaki yung
mata ko sa tanong ni Tita Tracy. Straight to the
point pala siyang tao >.<

"Opo." Napatingin silang dalawa sakin. Si Troy
parang nagulat sa sinabi ko, si Tita Tracy naman
naka ngiti sakin. Alam ko nakakahiya na umamin

ako sa harap niya pero yun naman talaga yung
totoo eh.

"Narinig mo ba yun Troy? Gusto ka ni Tiffany!
Kung ako sayo liligawan ko na siya baka maagaw
pa siya ng iba."

"Mom! di ba may meeting pa kayo? You better go."
nag sad face naman si tita kay Troy.

"Oo nga pala, I better go. Bye! See you again
Tiffany!" kumindat ulit siya sakin bago siya
umalis. Nakakatuwa naman, ang bait bait niya.

Pagka alis ni Tita Tracy parang may dumaan na
anghel sa harap namin ni Troy. Tahimik lang
kaming dalawa, dahil kaya sa sinabi ko sa mommy
niya na gusto ko siya? Galit kaya siya sakin kaya
hindi niya ako kinakausap? Bago pa ko makapag
salita, nauna na si Troy.

"Gusto mo ba talaga ako Tiffany?" Hindi ako
tumingin sakanya. Naka tingin lang ako
sa pagkain sa harap ko.

"Oo, gusto kita Troy." dati makaharap ko pa lang
siya nauutal na ko pero ngayon na realize ko na
dapat lakasan ko yung loob ko. Kung hindi ko
sakanya sasabihing gusto ko siya, wala na talaga
akong pag asa.

"Wag mo na kong gustuhin." hindi pa din ako
tumitingin sakanya. Nasasaktan ako sa
mga sinasabi niya, anong akala niya ganun lang
kadali yun?

"Kung kaya ko nga lang pigilan yung sarili ko
na gustuhin ka sana ginawa ko na pero hindi
eh. Kahit anong gawin ko ikaw pa din yung
gusto ko."shems! na se-sense ko ng maiiyak
ako. Hindi pa naman ako iyakin pero pag dating
kay Troy ang dali ko masaktan.

"Nag papakatanga ka lang sakin."

"Alam ko, alam kong nagpapaka tanga ko
sayo. Ang tanga tanga ko di ba?" hindi ko
na napigilan na umiyak, masiyahin akong tao kaya
ayokong umiiyak pero hindi ko na kasi mapigilan.
Tumalikod na lang ako kay Troy para hindi niya ko
makita.

"Tiffany hanggang kaibigan lang talaga yung turing
ko sayo."

"Tama na! Oo na alam ko ng hanggang kaibigan
lang ako! Wag mo ng ipamuka pa sakin kasi
nasasaktan lang ako!"

Tumayo ako sa upuan, tumakbo ako palabas ng
bahay nila. Ang sakit na ng mga sinasabi niya,
hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga mapigilan na
umiyak. Wala naman akong karapatan na
masaktan kasi ano nga ba naman ako sa buhay
niya? pero tao lang din naman ako eh, may puso
din kaya ako! >.< marunong din akong masaktan.
*sob*

Habang nag lalakad ako biglang umulan. Siguro
alam ng ulan kung anong nararamdaman ko
ngayon kaya dinadamayan niya ko. Hindi ako
tumigil sa paglalakad ko, ayokong sumilong, mas
gusto kong manatili sa ulan. Parang kino-comfort
ako ng ulan.
Nadaanan ko yung court ng village nila Troy.
Umupo lang ako sa gitna, naka tingala ako sa
langit habang naka pikit yung mata ko. Parang
gumagaan yung loob ko dahil sa ulan. Wala na
kong paki alam kahit basang basa na ko. Wala
naman tao dito eh, ako lang.

Naririnig ko pa din yung patak ng ulan, pero hindi
ko na maramdaman yung ulan sa mukha ko.
Napadilat ako tapos nakita ko si Troy sa harap ko,
pinapayungan ako. Nakatingin lang siya sakin,
bigla na naman tuloy akong naiyak nung nakita ko
siya.
"Tumayo ka na dyan, baka mag kasakit ka pa."
"Iwan mo na lang ako dito."

Hindi pa din niya inaalis yung tingin niya sakin.
Bigla niyang binitawan yung payong na hawak
niya. Hinila niya yung kamay ko, napatayo naman

ako. Ngayon magkaharap na kami, naka tingin
lang kami sa isa't isa. Hindi ko inaasahan yung
sunod niyang ginawa..
Niyakap niya ko. Niyakap niya ko sa gitna ng ulan.
Pareho na kaming basa basa ngayon.
"Salamat kasi nandyan ka para sakin pero Tiffany
may mahal na kong iba." naisip ko lahat ng sinabi
niya sakin kagabi.
"Gaano mo ba siya kamahal?" sige Tiffany, saktan
mo pa sarili mo.
"Sobra." alam mo yung parang tumusok bigla sa
puso mo, eh wala eh ginusto ko to eh.
"Pero iniwan ka na niya di ba? Bakit nag papaka
tanga ka pa sakanya?" pagkasabi ko nun naalala
ko yung sarili ko, oo nga pala nag papakatanga din
ako sakanya.
"Alam mo yung sagot dyan." Hinarap na niya ko
sakanya.
"Ganun mo ba siya kamahal?" Hind siya maka
tingin sakin.
"Oo kaya kalimutan mo na lang ako." sana nga
ganun lang kadali, pwede bang mauntog ako bigla
tapos mag ka amnesia ako?

"Ayoko." ang sama bigla ng tingin niya sakin.

"Tiffany! pwede ba layuan mo na ko! Hindi
kita kelangan sa buhay ko."

Ouch, ouch at isa pang ouch. Hindi ka na nga niya
gusto, pinapalayo ka pa niya. Feeling ko tuloy ang
panget panget ko. Feeling ko wala akong kwenta.
Hindi ko na naman mapigilan na umiyak.

"Sige lalayuan na kita.."

Pinunasan ko yung mata ko, wala na naman ako
magagawa eh, siya na yung nag sabi na layuan ko
siya. Alam ko naman na hindi niya makakalimutan
si Jaycee. Katangahan to pero eto na lang yung
paraan para bago man lang ako lumayo sakanya,
makasama ko man lang siya. Magkaroon man
lang ako ng magandang alaala kasama yung taong
mahal ko.

"Mag date tayo sa loob ng dalawang linggo.
Pagkatapos ng dalawang linggo tapos hindi mo pa

din siya nakalimutan. Lalayo na ko sayo. Ano
deal?"
"Sigurado ka ba dyan?"
"Ano takot ka ba na mainlove sakin? Haha!"
natawa lang siya sakin.
"Sige deal."
"Sabi mo yan ah? Wala ng bawian?"
"Ano bang nasa isip mo?" naguguluhan pa din siya
sa sinabi ko.
"Magtiwala ka lang sakin!"
"Sige sabi mo eh, pwede ba tumila na tayo?
Kanina pa tayo nababasa dito eh."

Bigla akong may naisip na evil plan. Wahaha!
Hinila ko siya paikot ng court. Haha! Maligo tayo
sa ulan Troy! Yahoo! tama na yung ka emohan.
Ayoko ng malungkot yung paligid.

"Hoy Tiffany! Tama na!"
"Anong tama na? Ang sarap kayang maligo sa
ulan! Haha!" inaasar asar ko pa siya.

"Humanda ka sakin kapag nahuli kita!"

Ilang minuto din kaming naligo sa ulan ni Troy.
Nung una naiirita pa siya pero maya maya nag
eenjoy na din siya. Naghabulan lang kaming
dalawa na parang bata. Sa totoo lang hindi ko pa
din mapigilan yung iyak ko pero buti na lang
umuulan kaya hindi niya yun napapansin. Nung
napagod na kami, umupo ulit kami sa gitna,
mahina na lang din yung ulan.
"Alam mo dati ayaw ko sa ulan pero masarap
palang maligo sa ulan."
"Sabi ko sayo eh! Kapag umulan ligo ulit tayo ah?"
bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Salamat Tiffany.." naka tingin lang ako sa kamay
namin na magka hawak. Oh wag kang mag bigay
ng malisya Tiffany, wala lang yan.
"Para san naman?"
"Kasi pinasaya mo ko ngayon.." nakatingin siya
sakin tapos parang napapalapit yung mukha niya
sa mukha ko...

"Miss Tiffany!" pagka tanaw ko kung sino yun
nakita ko si Chard na papalapit samin, hingal na
hingal. Panira naman siya ng moment oh! Huhu!
"Oh Chard bakit?"
"Miss Tiffany! Kagabi pa kayo hinahanap ng daddy
niyo! Galit na galit na siya." Waaaa! Oo nga pala
hindi ako nag paalam! Oh no!
"Shocks! Troy, uwi na ko! Lagot ako neto kay
daddy eh. Bukas ha? Partner tayo sa engagement
party nila Jeydon at Stacey." ngumiti siya sakin.
"Sige! Ingat ka, mag text ka na lang kapag nasa
bahay ka na." waaaa! ingat daw ako tapos mag
text pa daw ako, taray level up. Dati nakaka ilang
text na ko hindi man lang siya nag rereply tapos
ngayon mag text daw ako sakanya.
"Sige! Bye bye!"

Makalimutan man niya si Jaycee o hindi, talo pa
din ako. Alam ko sa huli ako lang din yung
masasaktan. Hindi ko alam bakit ko to ginawa pero
isa lang yung sisiguraduhin ko. Hindi ko
sasayangin yung dalawang linggo na makaka date
ko siya. Gusto ko lahat ng alala ko kay Troy
masaya..

-3rd person POV.

"Hindi mo ba pipigilan yung engagement niya
bukas?" natawa yung babaeng kausap niya.
"Trust me, hindi matutuloy yung walang kwentang
engagement na yun." parang bored na bored na
siya, tinitignan niya lang yung litrato niya kasama
yung dati niyang boyfriend.
"Masyado ka atang kampante?"
"Kilala ko siya, hindi niya kayang suwayin yung
daddy niya pero alam kong pipigilan niya yung
stupid na engagement na yun para dun sa
babaeng yun. Nakakatawa nga eh, hindi ko maisip
na mag kaka gusto siya dun." biglang sumama
yung tingin sakanya ng lalaking kausap niya.
"Hindi mo kasi siya kilala." tumawa ulit siya.
"Hindi ko na siya kaylangan makilala, unless na
lang magiging sagabal siya sa plano ko." biglang
siyang hinawakan ng lalaking kausap niya, sobrang
sama ng tingin niya.

"Wag mo siyang idadamay sa plano mo."
"At bakit? Wag mong sabihin na gusto mo siya?
Haha! Hindi ka na ba nadala?" mas lalo lang
hinigpitan nung lalaki yung paghawak niya
sakanya.

"Wag mong sabihin na hindi kita binalaan
Kim..

57: Engagement

Candice POV

Sa lahat talaga ng araw pinaka ayoko yung
monday. Gigising ka na nga ng maaga para sa flag
ceremony ang dami pang assignment na ipapasa.
Kaso sa lahat ng monday eto ata yung pinaka hindi
ko gusto.

"Anong oras ba yung party?"
"May isusuot ka na ba?"
"Ano kayang isusuot ni Stacey mamaya?"
"Excited na ko sa engagement nila!"

STFU. Argh! puro na lang engagement nila Jeydon
at Stacey naririnig ko. Naiinis na ko ah, kelangan
paulit ulit? Hindi ko masabi kung bakit hindi ako
mapakali, dahil ba sa selos to? Hindi pa naman
kami ni Jeydon eh. Ewan ko ba! Gusto ko na lang
matapos tong araw na to. Yung engagement nilang
dalawa.
Punta na nga lang akong library, wala kasi yung
mapang lait teacher namin eh kaya vacant yung
buong section one. Bawat studyante na makita ko
walang bukang bibig kundi yung engagement nila
Stacey at Jeydon. Rinding rindi na ko, mabuti pa
dito sa library tahimik.
Nagbasa na lang ako ng libro ni Nicholas Sparks,
para naman ma distract ako.

"Wala ka ata sa sarili mo?" nagulat ako nung may
nag salita sa gilid ko. Si Marky lang pala.
"Paano mo nasabi?" parang matagal tagal ko na
din hindi nakita si Marky, mukhang masaya siya.
"Madali kasing basahin kung ano yung nasa isip
mo. Thinking about the engagement?" madali daw
basahin yung iniisip ko, wee baka naman kasi may
mala psychic siyang powers.
"Lahat kasi sila yan yung pinag uusapan." Talo pa
ata nila Jeydon at Stacey yung artista kung pag
usapan sila.

"So you're jealous?"

Pinatong ko yung ulo ko sa libro na binabasa ko.
Simula pa kaninang umaga ayan na yung nasa isip
ko. Selos lang naman talaga yung pwedeng
maging dahilan kung bakit ako hindi mapakali eh.
Kaso unti unti na din nag si-sink in sakin na hindi
lang yun yung dahilan.

"Oh baka natatakot ka?"

Afraid. Tama, takot ako. Takot ako na matuloy
yung engagement nilang dalawa. Hindi ko naman
kasi pwedeng ipilit kay Jeydon na umatras na lang
siya basta sa engagement na yun. Sino ba ako
sakanya? Oo gusto niya ko at nililigawan niya ko
pero utos yung ng daddy niya. Tulad nga ng sabi
niya, never pa niyang sinuway yung daddy niya.

"Oo tama ka Marky, takot ako."

Takot ako na hindi pigilan ni Jeydon yung
engagement na yun kahit na sinabi niya sakin
noon na kayang niyang itigil yun para sakin. Kasi
kung balak niya talagang pigilan yun dapat noon
pa lang ginawa na niya. Kaso gusto lang naman
kasi niya ko eh, hindi pa naman niya ako mahal
para suwayin niya yung daddy niya ng ganun.
Aish! hindi ko na alam yung gagawin ko.

"Mag tiwala ka lang sakanya." ngumiti siya sakin.
Tama nga siguro si Marky, mag tiwala lang ako kay
Jeydon. Hindi naman ako liligawan nung pusang
yun kung hindi niya pipigilan yung engagement na
yun.

*blag*

Nagulat kaming dalawa ni Marky nung biglang
bumukas ng malakas yung pintuan ng library.

"YAH!"

Nanlaki yung mata ko nung nakita ko si Jeydon.
Lahat ng tao sa library naka tingin sakanya pati
yung librarian. Anong problema niya? alam ba
niyang nasa library siya.
"Bakit mag kasama kayong dalawa?!"
Ang lakas pa din ng boses niya, hindi ba niya alam
na bawal mag ingay dito? abnormal talaga siya.
Nagka tinginan pa kami ni Marky, bigla naman
natawa si Marky tapos inakbayan niya ko. Waaaa!
"Bulag ka ba? Nag da-date kami dito sa library."
Amp! inasar pa ni Marky to si pusa, kitang
umuusok na yung tenga sa galit.
"MARKY LIM!" para siyang pusa na nag
transform sa isang lion.

"Kayong tatlo dyan! Out!" galit na galit yung
librarian samin. Eh sino bang hindi? sobrang ingay
neto ni Jeydon eh. Nakakahiya tuloy sa mga
studyante dito.
Nung palabas na kami kinuha ni Jeydon yung
kamay ko tapos hinila niya ako palabas. Nung nasa
labas na kami, ang sama ng titig ni Jeydon kay
Marky. Hala lagot ka Marky! huhu bubugahan ka
nyan ng apoy.
"Hoy Kie! umayos ka."
"Haha! ang sarap mo talaga asarin Jaydee. Nag
uusap lang naman kami ni Candice."
"Nag uusap? kayong dalawa lang?" napa tingin na
naman kami ni Marky sa isa't isa.
"Selos ka ba?" sabay pa kami ni Marky. Hindi
makatingin samin si Jeydon. Seryoso siya nag
seselos siya? eh best friend niya kaya si Marky.
"Hindi ah! Nagtatanong lang ako." sus kunwari pa
siya eh. Natawa tuloy si Marky, gusto ko din
matawa kaso baka makita ako ni pusa eh.
"Ewan ko sayo! Candice kita na lang ulit tayo ah."
kinindatan pa ako ni Marky bago siya umalis. Loko
talaga yun, gustong gusto niyang inaasar si
Jeydon.

Napatingin ako kay Jeydon, ang sama ng tingin
sakin. Hala? Ano kayang ginawa ko?

"Bakit magkasama kayo?"
"Ano namang masama kung magkasama kami?"
"Masama kasi ayoko." hindi daw nag seselos ah?
Haha.
"Kung nag seselos ka umamin ka na lang, hindi
yung ang dami mo pang dahilan."
"Oo na! Nag seselos na ko." hindi pa din siya
maka tingin sakin. Para siyang bata na nahihiya,
ganyan pala siya mag selos haha.
"Wala ka naman dapat ipag selos eh! Magkaibigan
lang kami tska ano ka ba best friend mo si Marky!"
"May gusto kaya siya sayo!" nagulat ako sa sinabi
niya. Si Marky?! eh pakana lang naman niya yun
eh.
"Wala siyang gusto sakin at ganun din ako kaya
tumigil ka na nga dyan!"
"Basta ayoko makikita kayong magkasama na
kayong dalawa lang! Nagseselos ako eh!" Hindi ko
na napigilan matawa. Seloso pala siya? Wahaha.
Sumama tulot tingin sakin ni pusa.

"Lahat na lang ba pag seselosan mo ha? Una yung
kapatid mo tapos ngayon yung best friend mo?"
"Selfish ako eh! gusto ko sakin ka
lang." namumula siya tapos hindi na naman siya
maka tingin sakin. Napangiti tuloy ako.
"Gusto mo sayo lang ako? Boyfriend na ba kita?"
tinitigan niya ko.
"Bakit bu-bustedin mo ba ko?" naka titig pa din
siya sakin, napa lunok tuloy ako.
"Paano kita sasagutin kung may.. may fiancee ka
na?" bigla siyang napa ngisi sa sinabi ko. Eh! ano
ba kasi yung sinabi ko? bakit ko ba yun sinabi?
"Sabihin mo kung nag seselos ka." natawa siya,
aba loko tong pusang to. Siya kaya yung nag
seselos! hindi ako. Sige sabihin na nating nag
seselos ako pero konti lang naman.
"Haha! hindi kaya!" hinawakan niya yung kamay
ko. Naka tingin ulit siya sakin, gusto niya ba kong
tunawin sa mga tingin niya? Ang ganda pa naman
ng mata niya >.<

"Hindi mo kaylangan mag selos sa iba, kasi
ikaw lang naman yung gusto ko. Ikaw lang
wala ng iba."

Say what? Huhu kinilig naman ako sa sinabi niya
with matching titig pa yun. Jeydon naman eh!
bakit ang sweet mo ha? Kinikilig tuloy ako dito.
Feeling ko tuloy namumula na naman yung pisngi
ko.

"Pumunta ka mamaya sa party. Hihintayin kita."
"Ha? Bakit pa ko pupunta? wag na ayoko!" mas
hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.
"Basta pumunta ka." bakit pa ko pupunta dun?
Huhu gusto ko nga matapos na yun eh. Nag pout
na lang ako, pag ka pout ko bigla niyang nilapit
yung mukha niya sa mukha ko.
"Hoy pusa ano na naman yan!"
"I ki-kiss sana kita eh." sobrang nag init yung
pisngi ko sa sinabi niya.
"Bakit ba gustong gusto mo kong halikan? Ang bad
boy mo talaga!" tumawa siya tapos pinisil niya
yung pisngi ko.
"Ang sarap mo kasi halikan eh." lumapit siya sa
mukha ko tapos hinalikan niya ko sa chicks.

Ngumiti siya sakin, ewan ko ba kinikilig ako. Haha!
abnormal ko na din eh.

Binigay niya sakin yung invitation ng engagement
nila ni Stacey. Parang gusto ko yun punitin eh.
"Pumunta ka mamaya. Aasahan kita." tumalikod
siya sakin tapos naglakad na siya palayo.

Ano kayang binabalak ng pusang to? Sabi nga ni
Marky, mag tiwala lang daw ako sakanya. Jeydon
kung ano man yung nasa isip mo, may tiwala ako
sayo.

-"Baby bakit yan yung suot mo? ang pangit!" nag
halungkat na naman si Mama ng damit sa closet
ko. Maayos naman yung suot ko ah?
"Mama tama na to." may hawak hawak siyang
pulang dress, yung sexy na dress na bigay pa
sakin ni Stacey.

"Kelangan bongga yung suot mo. Eto yung isuot
mo baby." Kung alam lang niya na kay Stacey
galing yan. Ano kaya magiging reaksyon ni Stacey
kapag nakita niya ko dun mamaya? tapos suot ko
pa yung dress na bigay niya. "Dali na! Anong oras
na oh!" hinila ako ni mama papuntang cr.
Sinuot ko na lang to para tumigil na si mama sa
pangungulit sakin. Hindi ko kasi talaga alam kung
bakit kelangan nandun pa ko. Di ba parang insulto
yun kay Stacey? baka mamaya kalbuhin pa ko nun
ng buhay dun eh. Huhu! pag kabihis ko lumabas
ako ng cr. Parang may spark spark yung mata ni
mama nung makita niya ko.
"Ang ganda ganda mo baby!"
"You're so gorgeous in that dress." napatingin ako
sa nagsalita. Waaa! si Marky nasa pintuan. Anong
ginagawa niya dito?
"Hi Marky! susunduin mo ba si Candice? teka lang
titignan ko si Charles kung ready na siya." pagka
alis ni mama lumapit sakin si Marky.
"Pinasundo ka sakin ni Jaydee baka daw kasi hindi
ka pumunta."
"Akala ko ba ayaw niya na magkasama tayo na
tayong dalawa lang tapos ipapasundo pa niya ko

sayo? abnormal talaga yun." natawa tuloy si
Marky.
"Kaya mo nga siya nagustuhan di ba kasi abnormal
siya. Haha!" sabagay tama naman siya.
"Abnormal na pusang robot."
"Haha! alam mo bagay talaga kayo." biglang nag
ring yung phone niya. "Oo na! papunta na kami."
ang lakas ng boses nung kausap niya. Halatang si
doraemon kausap niya.
"Mabuti pa pumunta na tayo dun."
Kinuha ko yung bag ko tapos bumaba na kami ni
Marky. Nasa baba na din si Kuya Charles. Bago
kami umalis ng bahay kinausap muna ko ni Mama.
"Anak mag tiwala ka lang kay Jeydon. Alam kong
pipigilan niya yung engagement na to para sayo."
Hanggang sa makasakay ako sa kotse naiisip ko pa
din yung sinabi ni mama. Mag tiwala lanh ako kay
Jeydon, oo may tiwala naman ako sakanya. Kaso
hindi ko talaga alam kung pipigilan ba niya yung
engagement nila ni Stacey oh hindi. Hinahanda ko
na nga din yung sarili ko kung matuloy man yun.

Papasok pa lang kami sa hotel nila Jeydon
kinakabahan na ko. Ang daming body guards tapos
ang daming tao. Pagkabigay namin ng invitation
dumeretso kaming elevator. Ang lakas talaga ng
tibok ng puso ko. Ano kayang nasa isip nung
pusang yun? Ano kayang gagawin niya at
kaylangan nandito pa ko? Bahala na nga si
batman.
Pagpasok namin sa venue napa nganga na lang
ako. Ang ganda kasi eh halatang pinag handaan.
Huhu! mas lalo lang tuloy akong kinabahan.
Dumeretso agad kami nila Kuya dun sa isang
table. Nandun na si Tiffany tska si Troy, wow
mukhang may something sa dalawang to ah.

"Hi Candice!" lumapit agad sakin si Tiffany, as
usual ang sexy na naman niya. Buti sakanya bagau
yung mga sexy na damit eh sakin? Huhu bigla
tuloy akong nahiya sa suot ko.
"Candice ang sexy mo sa damit mo. Haha! kapag
nakita ka nun ni Jaydee magagalit yun." hindi na
ko nagtanong kay Troy kung bakit siya mamagalit,
napaka seloso nung lalaki na yun eh.

Ang ingay dito, ang daming tao. Karamihan mga
taga school namin. Bigla kong nakita si Stacey ,
kasama siguro niya yung parents niya. Bigla siyang
napatingin sa table namin. Nag tago naman ako
bigla kay Tiffany. Huhu sana hindi niya ako nakita.

"So nandito ka pala." kung mamalasin ka nga
naman nakita pa niya ko.
"Hoy evil sister wag kang gumawa ng gulo dito.
Ininvite siya ni Jeydon dito." natawa siya ng
malakas. Ang sama ng tingin niya sakin parang
gusto niya kong patayin si tingin niya.
"Oh well, siguro gusto niya lang ipamuka sayo na
pinaglalaruan ka lang niya. Gusto niyang ipamukha
sayo na kami yung nararapat sa isa't isa!" hindi ko
na lang siya papatulan, ayoko ng gulo.
"Stacey tama na nga! bumalik ka na dun kala
daddy!"
"Gusto ko munang ipamukha sa malanding
Candice na to na hindi niya makukuha si
Jeydon sakin!" tatayo na sana si Tiffany pero
naunahan na siya ni Kuya Charles.
"Hoy Stacey tawagin mo pa ulit na malandi si
Candice, makakatikim ka talaga sakin!" pinigilan
lang siya nila Troy. Mukhang galit talaga si Kuya.

"Haha! Masakit bang marinig yung katotohanan
Charles?" tumayo na din si Tiffany tapos nilayo
niya si Stacey sa table namin.
"Candice wag mo na siyang pansinin, baliw lang
talaga yung babaeng yun." gusto ko na tuloy
umalis dito. Ayoko na dito, gusto ko ng umuwi.

"Hey! Ano yun? Candice is everything alright?"
pagka tingin ko si Ate Serina pala. Invited din pala
siya dito?
"Okey lang ako ate." umupo na lang ako, tumabi
sakin si Ate Serina. Mahinahon na naman yung
itsura ni Kuya Charles.
"Nung nakita kong galit na galit si Charles nag
alala agad ako. May ginawa ba sayo si Stacey?
Inaway ka ba niya ha? Sabihin mo kakalbuhin ko
siya!" ang protective talaga nilang dalawa ni Kuya
Charles sakin.
"Wala yun ate okey lang talaga ko. Sino pala nag
invite sayo dito?" ngumiti na lang ako kay Ate
Serina para hindi na siya mag alala sakin iniba ko
na lang din yung usapan.
"Ako kasi yung nag organized ng party na to. Ako
yung kinuha ni Mr. Lopez. Isa pa kaibigan ko din si
Jaycee."

Pagkasabi niya ng pangalan ni Ate Jaycee sakto
naman na nakita ko sila dun sa isang table. Yung
mommy ni Jeydon tska si Jayshin. Asan kaya yung
daddy ni Jeydon? at asan yung doraemon na yun?
"Alis na muna ko, mag sisimula na yung party."
kinabahan ako bigla buti bumalik na si Tiffany.

Maya maya biglang nag stop yung music na
pinapatugtog nung DJ. Namatay yung ilaw tapos
yung natirang ilaw lang nasa stage. May lalaking
nakatayo dun, daddy ni Jeydon. Sa picture ko pa
lang siya nakita pareho lang naman siya sa
personal kaso mukhang nakakatakot siya.

"Good evening, ladies and gentlemen. Thank you
for coming here tonight."
Parang ang bossy ng boses niya. Nagpalakpakan
lahat ng tao sa speech niya.
"Wag na nating patagalin pa yung announcement
na to. Now let me introduce to you, Ms. Stacey
Chua." pagkasabi nun ng daddy niya umakyat
naman si Stacey sa stage. Nagpalakpalak ulit yung
mga tao.

"Ang laki ng ngiti ng evil sister ko akala mo naman
asawa na siya ni Jeydon." natawa na lang ako sa
comment ni Tiffany. Hindi naman halata na ayaw
niya sa kapatid niya .

"And of course my son, the future successor of our
family."

Umakyat naman si Jeydon, kinabahan ako bigla.
Naka tuxedo siya, ang gwapo niya sa suot niya.
Nag palakpakan lahat ng tao. Tuwang tuwa naman
si Stacey, lumalit agad siya kay Jeydon tapos
hinawaka niya yung braso ni pusa pero inalis
naman niya agad yung kamay ni Stacey. Buti na
lang yung spotlight nasa daddy ni Jeydon kaya
hindi sila gaanong kita.

"As all of you know, we are here to announce the
engagement of this two young individual that will
tight the relationship of Lopez's and Chua's
business."

Nagpalakpakan naman sila, silang lahat maliban
sakin. Hays gusto ko na talagang umuwi, mukha

namang walang balak pigilan ni Jeydon yung
engagement nila. Bakit pa kasi niya ako pinapunta
dito? Tama ba si Stacey na gustong ipamuka sakin
ni Jeydon na pinaglalaruan niya lang ako? Parang
naiiyak ako, amp para akong tanga.

"Any message for our guest, Stacey and Jeydon?"
kinuha ni Stacey yung mic sa daddy ni Jeydon.
"Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pag punta
niyong lahat. I know you're all excited for me and
Jeydon's wedding but we need to wait for me to
turn eighteen kaya let's just enjoy na lang muna
this party tonight. Okey?" nag smile siya sa lahat.
Kinuha naman ni Jeydon yung mike kay Stacey.

"Thank you for coming tonight. I know you are all
here for our engagement.."

Hindi ako maka tingin kay Jeydon. Pipigilan ba
talaga niya yung engagement na to? Bakit parang
hindi naman? Eh ano naman kung hindi niya
pigilan? Eh di wag. Mabuti pa maka alis na lang
dito. Pagkatayo ko may kamay na pumigil sakin.
Napatingin ako sakanya, nagulat ako nung nakita
ko yuny brown niyang mata. Nakatutok saming

dalawa yung ilaw, lahat ng tao naka tingin samin,
hawak hawak pa din niya yuny mic. Hinawakan
nung isang kamay niya yung kamay ko.

"But the engagement is not going to happen
anymore because of this girl in front of me.
The girl that I like, and the girl I really want
to marry someday."

Binaba niya yung mic table namin. Lahat nga tao
nagulay, lahat sila nag bulungan. Kinakabahan
ako, naka tingin lang ako kay Jeydon.

"Jeydon what the hell are you doing?!" sigaw nung
daddy ni Jeydon.

"Sumama ka sakin."
"Ha? saan?" ngumiti lang siya sakin tapos hinila
niya ko palayo dun. Nag hihiyawan pa sila Troy
nung pa alis na kami.
Hila hila lang niya ko hanggang makalabas kami ng
hotel nila.

"Hoy pusa! Saan ba tayo pupunta ha? Naka heels
kaya ako kanina pa tayo naglalakad!" napa hinto
kami. Yung heels ko hala sira na pala, paano pa ko
mag lalakad neto? huhu. Nag bend naman si
Jeydon sa harap ko.
"Sakay ka sa likod ko." naka titig lang ko sa likod
niya. Sigurado siya sasakay ako sa likod niya?
"Dali na!"
"Oo na!" sumakay na lang ko sa likod niya, bale
buhat buhat niya ko sa likod niya. Pagka angat
niya nag lakad agad siya. Nakakahiya naman! ang
dami tuloy naka tingin samin.
"Ayos ba yung ginawa ko?"
"Baliw ka talaga! Ano na lang sasabihin ng daddy
mo? nung parents ni Stacey? nung mga tao dun?"
"Wala akong paki alam sa kanilang lahat.
Mahalaga sakin nalaman nilang lahat na
gusto kita. Kiligin ka naman dyan!" natawa ako
sa sinabi niya, kinilig naman ako sa ginawa niya
eh.
"Thank you Jeydon ah, hindi ko akalain na pipigilan
mo talaga yung engagement na yun para sakin."

"Ano ko tanga? Papakasal ako sa taong hindi ko
gusto? No way!"
"Pero paano yung daddy mo.." hind niya ko
pinatapos sa sasabihin ko.
"Shhh! wag mo nga silang isipin! Ako lang isipin
mo okey? Haha!"
"Teka nga san ba tayo pupunta ha?"
"Secret!" tumawa lang siya ng tumawa. Saan kaya
ako dadalhin ng pusang to? "Atat ka naman eh!
Mag hintay ka lang dyan."
Nakakapit lang ako sa likod niya. Pinag titinginan
kami bawat taong makakasalubong namin. Saan
naman kasi niya ako dadalhin? Parang ang layo na
ng nalalakad namin.

Bigla kong natanaw yung park, yung park na
pinuntahan namin dati nung bata pa kami ni
Jeydon. Nagtataka lang ako bakit parang ang
daming ilaw? Pasko na ba? Mag November pa lang
ah.
Nung nandun na kami inupo niya ko dun sa upuan.
May mga bulaklak sa paligid ng upuan ko. Ang
daming Christmas lights dito. Ang ganda, iba iba
yung kulay niya.

"Hoy pusa ano to ha?"
"Dyan ka lang ah?" Umalis siya saglit, pagkabalik
niya may dala dala siyang gitara. Hala! Anong
gagawin niya?
Nakatayo lang siya sa harap ko. Bigla siyang nag
gitara. Sa unang tunog pa lang ng gitara alam ko
na yung kakantahin niya..
[Ako'y Sa 'yo At Ika'y Akin Lamang - First Circle]

"Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y
lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang
iba"
Habang kumakanta siya naka tingin lang siya
sakin. Seryoso yung tingin niya sakin. Bumilis yung
tibok ng puso ko. Ang ganda din pala ng boses ng
pusang to. Ang gwapo pa niya sa suot niyang
tuxedo.

"Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan?Na
ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang.."

Hininto niya yung pagtugtog ng gitara niya, nilapag
niya sa sahig yung gitara tapos lumapit siya sakin.
Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harapan
ko. Ano na namang gagawin niya?

"Hoy aso!" ngumiti siya sakin.
"Oh bakit?"
"Ngayon na wala na kong fiancee.. ngayon na
malaya na ko.. uhmm ano.." hindi siya maka tingin
sakin parang kinakabahan pa siya.
"Ano yun?" hinawakan niya yung dalawang kamay
ko.

"Can you be my Girlfriend?"

"Ha? pero..." ano bang sinasabi niya? di ba sabi ni
Kuya Charles hindi ba daw pwede?

"Nag paalam na ko sa Mama mo, pati kay Charles
at pumayag na sila. Sagot mo na lang hinihintay
ko." hindi pa din ako makapaniwala sa mga
sinasabi niya, nag paalam na siya? kelan yun?
wala man lang akong ka alam alam. "Nangangawit
na ko ah?"

Kahit kelan talaga napaka bossy niya manang
mana sa daddy niya. Hindi siya maka tingin sakin
halatang kinakabahan siya sa isasagot ko. Alam ko
naman na takot siya na ma busted ko siya eh,
never pa siyang nanligaw kaya yung ma busted ko
man siya sigurado akong masasaktan siya. Inisip
ko muna ng mabuti kung ano ba talaga yung
isasagot ko, inisip ko kung worth it ba talaga si
Jeydon sa Oo ko. Ayokong pag sisihan yung
desisyon ko, unang boyfriend ko siya kung iisipin.
Lahat naman ng tanong, lahat yun sinasabing
worth it si Jeydon para sa Oo ko. Alam ko naman
na gusto niya talaga ako at seryoso siya sakin. Sa
ginawa pa lang niya kanina lahat yun pinatunayan
na niya sakin. Mismong daddy niya na never niya
pang sinuway, sinuway para lang sakin. Tapos
lahat pa ng effort na to na ginawa niya. Ano pa
bang mahihiling ko? Tanga na lang ako kung
tatanggi pa ko sakanya.

"Oo Jeydon, girlfriend mo na ko."

Sobrang laki ng ngiti niya. Sa tuwa nga niya hinila
niya ko patayo, niyakap niya ko tapos binuhat niya
ko. Akala mo kung ano ng nangyari sakanya eh!
Haha buti na lang kami lang yung tao dito.
"Yes!"
"Hoy pusa! ibaba mo na nga ko!" binaba naman
niya ko. Haha! good boy.
"Candice.." hinarap niya ko sakanya. Hawak hawak
lang niya yung bewang ko, naka tingin siya sakin,
sa mata ko. Bumilis na naman yung tibok ng puso
ko. "May sasabihin ako.. makinig ka ha?"
"Okey.. ano naman yun?" Niyakap niya ko, niyakap
niya ko ng mahigpit na mahigpit.

"Candice.. I love you."

58: Officially yours

I love you.
Three words eight letters.
Maliban kay Papa at kay Kuya Charles, Never pa
kong nasabihan ng I love you ng isang lalaki sa
buong buhay ko. Nung narinig ko yung salitang 'I
LOVE YOU' galing kay Jeydon tumaas lahat ng
balahibo sa katawan ko. First time niya kong
sinabihan ng I love you. Yung pagkakasabi pa niya
napaka seryoso. Ramdam mong totoo, yung galing
sa puso. Sobrang saya ko marinig yun kay Jeydon,
sa taong mahal ko din.

"Can I Kiss you?"

Naka tingin lang siya sa mata ko. Hindi ako
sumagot, ngumiti lang ako. Naka tingin lang din
ako sa mata niya, sa maganda niyang mata. Unti
unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.
Pumikit na lang ako and the next thing that I
knew, he's already kissing me.
Parang fisrt kiss ko siya, nag kiss na kami dati ni
Jeydon pero ngayon kakaiba eh. Sobrang bilis ng
tibok ng puso ko, feeling ko nag slow motion na

naman yung mundo ko, feeling ko dalawa lang
kami dito. Never ko pang naramdaman yung
ganito, hindi ko mapaliwanag basta si Jeydon lang
nasa isip ko ngayon.
Habang nag ki-kiss kami nilagay niya yung kamay
niya sa bewang ko, nilagay ko naman yung kamay
ko sa leeg niya. Alam mo yung parang nag
sasayaw kaming dalawa habang nag ki-kiss kami.
Sobrang sarap sa pakiramdam, feeling ko
lumulutang ako. Hindi ako marunong humalik,
kaya sinusundan ko lang yung ginagawa ng labi
niya. Alam mo yung halik na may kasamang love?
yung hindi basta bastang kiss lang. Yung kiss na
dala ng emotion. Para nga kong nasa cloud nine,
hindi ko alam kung OA lang ba talaga ko o
talagang ganito yung pakiramdam kapag
hinahalikan mo si Jeydon. Yung parang ayaw mong
bumitiw sa kiss niyo, yung kiss na napaka perfect.
Bumitiw na si Jeydon sa kiss namin. Akala ko isang
oras kaming nag ki-kiss pero sa totoo lang ilang
minuto lang naman yun. Naka tingin lang ulit siya
sa mata ko. Kahit medyo madilim nakikita ko pa
din yung maganda niyang mata. Yung mata na
parang tinatawag ka, hindi ko tuloy maalis yung
tingin ko sakanya. Hindi ko mapigilan na mapa
ngiti, sa tingin kasi sakin ngayon ni Jeydon
sinasabi na niya kung gaano siya kasaya kasama
ako. Kung gaano niya ko kamahal.

"I love you. I love you Candice."

Hindi ko pa din mapigilang ngumiti, yung ngiting
aabot na ata sa langit. Ang sarap pala talaga sa
pakiramdam na marinig na mahal ka din ng taong
mahal mo. Hindi ko mapaliwanag tong
nararamdaman ko pero isa lang nasisigurado ko,
masaya ko. Masayang masaya ako dahil kay
Jeydon.

"Jeydon, saranghae."

Oo mahal ko na siya, mahal ko na din si Jeydon.
Kaya sobrang saya ko kapag kasama ko siya. Kaya
kahit na abnormal siya, kahit na bad boy siya
tanggap ko pa din siya kasi mahal ko siya.
"Ipangako mo sakin, sakin ka lang." hindi pa din
niya inaalis yung tingin niya sakin, hinawakan niya
yung mukha ko.
"Pangako." hinawakan ko yung kamay niyang naka
hawak sa kamay ko. Ngumiti ako sakanya, ganun
din siya.

"Ako'y sayo.. at ikay sakin lamang.." kinanta
niya yun, kinanta niya habang nakatitig siya sakin.
Feeling ko tuloy ako si Kathryn tapos siya si
Daniel. Alam mo yung nag pipigil ng kilig? Ako yun
eh. Jeydon ano bang ginagawa mo sakin? Sobrang
pinapakilig mo ko. Sobra mo kong pinapasaya.
"Pangako yan ah?"
"Pinky swear?" nag pinky swear kaming dalawa.
Para kaming bata pero okey lang, masaya naman
eh.

Then he kiss me again. A kiss on his lips in the
moonlight, para sakin parang fairy-tale tong
moment na to. Hindi ko na pala kelangan maging
prinsesa para ma ramdaman to.
Yung Bad boy na palaging nang aasar sakin. Yung
palaging nangungulit sakin. Yung lalaking ang
lakas ng topak. Yung lalaking nagiging dragon
kapag nagagalit. Yung lalaking nakakatakot yung
tingin. Yung abnormal na lalaking mahilig kay
Doraemon. Yung lalaking takot sa ospital at takot
uminom ng gamot. Yung lalaking pasimple mag pa
sweet. Yung lalaking laging nandyan para sakin.
Yung lalaking nag papasaya sakin, yung nag papa
slowmo ng mundo ko. Yung nag palabilis ng tibok

ng puso ko. Yung lalaking gusto ko, at yung
lalaking mahal ko.
Never kong na imagine na yung isang katulad ko
na Good girl, maiinlove sa isang Bad boy Sabi nga
nila, good girls falls for bad boys. And yes I'm one
of those good girls who fall inlove with a bad boy.
Ang bad boy ng buhay ko, Jeydon Lopez.

"Candice, thank you."
"Thank you saan? dahil sinagot kita?"
"Oo pero hindi lang yun.." hinawakan niya ulit
yung kamay ko. Tumingin siya sa langit, ang
daming stars tska bilog na bilog yung bwan.

"Alam mo bang gago ako, napaka gago ko
pero dahil sayo nag bago ako."

Hindi ko alam yung sasabihin ko, eto na ba yung
speechless? Jeydon yah! bakit pinapakilig mo na
naman ako ng bongga.

"Saranghammida Candice.."

[Saranghae/Saranghammida = i love you in
korean]
--

"OMG! Kayo na talaga? Waaaa! mamatay na ata
ako sa kilig dito!" tignan mo to si Tiffany, parang
bata kung kiligin eh.
"Hoy Tiffany mag hunos dili ka nga, mas kinikilig
ka pa ata kay Candice eh!" natawa tuloy kaming
dalawa ni Margot sakanya. Paano parang ewan
kasi eh, super kilig ang lola mo.
"Eh sa kinikilig ako eh!" nag pout siya samin, para
talaga siyang bata sa inaasal niya. Naalala ko tuloy
bigla si Troy, pareho kasi sila, isip bata.
"Ano pa lang nangyari nung umalis na sila Jeydon
at Candice?" yun pa nga pala yung hindi ko
natatanong kay Tiffany, simula nung umalis kami
ni Jeydon sa hotel hindi ko na alam kung anong
nangyari sa hotel.

"Kung nakita niyo lang yung mukha ng evil sister
ko! Akala mo bulkan siya na sasabog na! Galit na
galit siya! Tawa nga kami ng tawa nila Troy sa
reaksyon niya nung hinihila na ni Jeydon palabas si
Candice eh!" kung pag usapan namin si Stacey
akala mo hindi niya kapatid eh. Buti na lang pala
hinila na ako ni Jeydon palayo dun kundi baka
kinalbo na ko ni Stacey. Eh! nakakatakot.
"Eh yung daddy ni Jeydon, anong sabi?" hindi
maka tingin sakin si Tiffany, alam kong nagalit
yung daddy ni Jeydon sa nangyari kagabi pero
hindi ko alam kung gaano siya nagalit sa ginawa ni
Jeydon.
"Ahm.. ayun.. galit na galit din." bigla akong
kinabahan. Naisip ko ka agad si Jeydon, sabi niya
hindi daw siya makakapasok ngayon. Dahil kaya
yun sa daddy niya? Pinagalitan kaya siya? Ano
kayang nangyari?

"May kukunin lang ako sa locker."
Umalis ako agad dumeretso ako sa locker ko. Sa
totoo lang wala naman akong kukunin dun eh,
tatawagan ko lang talaga si Jeydon. Kanina pa kasi
siya hindi nag tetext kaya nag aalala na ko. Kinuha
ko agad yu g cellphone ko tapos tinawagan ko si
Jeydon.

*ring ring*

"Hello pusa?" Walang sumasagot, mas kinabahan
tuloy ako. Bakit hindi sumasagot si Jeydon?
"Hoy pusa! Bakit hindi ka nag sasalita dyan?" Wala
pa ding sumasagot, naiinis na ko. Hindi ba niya ko
marinig? bakit ayaw niya kong kausapin?
"Uy! ano ba? kausapin mo naman ako.." naiiyak na
ko dito, hindi kasi siya nagsasalita eh, alam ko
naman nasa kabilang line siya.
"Bakit miss mo na ba agad ako?" bakit ganun?
parang nasa malapit lang siya?
"Asan ka?"
Hindi na naman niya ko sinagot, bigla na lang may
yumakap sakin mula likod ko.

"I miss you."
Uminit bigla yung pisngi ko. Yakap yakap pa din
niya ko mula sa likod, nakapatong lang yung ulo
niya sa balikat ko.

"Akala ko ba hindi ka papasok? tska bakit hindi mo
ko kinakausap kanina? Nasa likod lanh pala kita!"
hinarap ko siya sakin, waaa! bakit parang ang
gwapo niya ngayon? I mean gwapo naman talaga
siya pero mas gwapo siya ngayon eh.
"Hindi ko kayang hindi ka makita eh." ang sexy ng
pag kakasabi niya nun, nag blush tuloy ako sa
sinabi niya >.<
"Eh bakit hindi mo ko sinasagot kanina! Nasa likod
lang pala kita!" Naka ngisi siya sakin, anong
problema niya? trip na naman siguro ako ng
pusang to.
"Sabihin mo kasi kung miss mo ko, pwede mo
naman sabihin sakin eh."
"Abno ka talaga! Nag aalala ako sayo nuh!"
hinawakan niya yung kamay ko.
"Okey lang ako, wag mo ng isipin yun."
"Pero.." hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko,
hinila niya ko papunta sa canteen.

Pumunta kami sa tambayan ng APAT, nandun pa
din si Tiffany tska si Margot. Akala ko uupo na siya
pero nakatayo lang siya, naka harap siya sa mga
schoolmates namin. Anong trip niya?

"Makinig kayong lahat."
Lahat ng studyante na nasa canteen lumapit kay
Jeydon. Anong gagawin niya? parang kinakabahan
ako ah.

"Gusto kong malaman niyong lahat.." hinila niya ko
patayo, inakbayan niya ko.

"Candice is now officially my girlfriend."

NGANGA. Alam mo yung literal na nganga? Ako
yun eh. Lahat sila nag bulungan,naka tingin silang
lahat sakin. Loko ka Jeydon ano ba tong ginagawa
mo! nakakahiya naman >.<

"Kung sino man yung makita kong aaligid sa
girlfriend ko, malilintikan sakin."

Mas lumakas pa yung bulungan ng mga studyante
dun. Nakita ko si Stacey kasama si Abby dun sa

dulo, sobrang sama ng tingin niya sakin.
Kinabahan ako bigla, for sure galit na galit siya
sakin. Pagkatapos ba naman talikuran ni Jeydon
yung engagement nila, mag aannounced siya
ngayon sa harap ng mga schoolmates na girlfriend
niya na ko. Kahit din naman ako magagalit eh pero
wala naman akong magagawa eh. Huhu! sana lang
hindi niya ko bugbugin bigla kapag naka salubong
ko siya sa corridor. For sure kakalbuhin talaga niya
ko. Hinila ko na lang si Jeydon dun sa upuan, kasi
naman eh kelangan pa talaga niya sabihin sa
lahat? pero natuwa naman ako sa ginawa niya. At
least proud siya sa relationship namin, hindi na
lang nga sana nakita ni Stacey.

"Baliw ka talaga eh nuh?"
"Baliw sayo." ang laki ng ngiti niya sakin tapos
kumikindat kindat pa. Abno talaga tong pusang to.
"Hoy Jeydon dun nga kayo ni Candice! masyado
kayong PDA dito! Paano naman akong walang
lovelife?" napatingin si pusa kay Tiffany, hindi pa
din nawawala yung ngiti niya.
"Nag da-date na kayo ni Troy di ba?" Tama ba
narinig ko? date? sila ni Troy?

"Oo nga.. ha? hindi ah!" biglang hindi mapakali si
Tiffany, parang namumula pa ata siya. So nag dadate na nga sila ni Troy? pero paano si Ate Jaycee?
may hindi ako alam sa dalawang to ah.
"Tiffany totoo ba yun?"
"Ha? hindi! sige alis na nga ko." kinuha niya yung
bag niya tapos nag mamadaling umalis, mukhang
totoo nga ah.
"Alis na din ako, nag hihintay na sakin si Ginno
eh."
"Bye Margot."

Dalawa na lang kami dito ni Jeydon, as usual
kumakain na naman siya ng favorite niyang
footlong. Naka tingin lang ako sakanya habang
kumakain siya, ang takaw niya. Saan kaya niya
nilalagay lahat ng kinakain niya? ang sexy kasi
niya eh. Ang gwapo ng pusang to, ng boyfriend ko.
"Gwapo ng boyfriend mo nuh?" tumingin siya bigla
sakin tapos kumindat siya.
"Haha! mas gwapo kaya sayo si Marky!" sumama
bigla tingin niya sakin, nilapag niya yung kinakain
niya tapos biglang umalis. Oh no! inatake na
naman ng topak si doraemon.

Hinabol ko agad siya, grabe talaga siya kapag
tinotopak. Mag walk out ba naman bigla ng hindi
nag sasabi kung bakit? pero mukhang alam ko na
naman eh.
"Doraemon!" hindi niya pa din ako nililingon.
Binilisan ko yung lakad ko tapos pinigilan ko siya.
"Anong problema mo?"

"Nakaka inis ka eh!"
"Bakit? Anong ginawa ko?"
"Mas gwapo pala siya para sayo, eh di sana
siya na lang yung binoyfriend mo!" Tumalikod
siya sakin tapos nag cross arm siya, humarap akp
sakanya. Sabi na eh! gusto kong tumawa pero
pinipigilan ko lang.
"Nagseselos ka ba?" Sa gulat ko, tumawa siya sa
sinabi ko.
"Ako nag seselos? bakit naman ako mag seselos eh
mas gwapo lang naman si Marky sakin sa paningin
mo. Haha! anong ikaka selos ko dun?"
"Yun pala eh, eh anong pinaglalaban mo dyan?"
abnormal talaga neto ni Jeydon, minsan hindi mo
maintindihan eh. Hindi naman pala siya nag
seselos pero kung makapag walk out wagas.

"Gusto ko ako lang gwapo sa paningin
mo!" napakamot siya ng ulo tapos may kung ano
ano pa siyang binubulong.
"Eh di nag seselos ka nga?!" pwede naman kasi
niyang sabihin sakin. Pfft!
"Oo na! Nag seselos na ko! kaya pwede ba wag mo
ko pag selosin?" Hindi siya maka tingin sakin,
namumula pa ata yung pisngi niya, pinisil ko yung
pisngi niya.
"Ang cute cute talaga mag selos ng boyfriend
ko."
"Yah! pag pinag selos mo pa ulit ako, lagot ka
sakin! Araso?!" ang bossy talaga niya. Tska hindi
ko naman siya pinag seselos nuh? nag bibiro lang
naman ako sa sinabi ko kanina.
"Masusunod po boss." bumalik na naman yung
ngiti niya, ang ngiting pusa ni Jeydon.
Pumunta na kami sa room ng section one,
syempre HHWW ang peg naming dalawa. Tuwang
tuwa siya kapag mag kahawak yung kamay namin
habang nag lalakad kami. Pag pasok namin dun
napatingin saming lahat yung buong section one.
Siguro narinig na nila yung balita, na kami na ni
Jeydon.

Pagkaupo naming dalawa sa likod nakatingin pa
din sila samin. Sinamaan naman ng tingin ni
Jeydon silang lahat kaya hindi na sila tumingin
samin hanggang makadating si Mr. Gomez. Hindi
ako makapag concentrate sa lesson, lagi kasi
akong kinukulit ni Jeydon eh. Buti na nga lang
hindi kami nahuli ni Mr. Gomez eh, pasaway talaga
to si Jeydon. Nung mag ring na yung bell pumunta
na kaming section eleven. Pag dating namin dun
wala pa si Troy, umupo naman si Jeydon sa tabi ko
tapos saktong dating ni Troy.

"Jaydee upuan ko yan!"
"Simula ngayon dito na ko. Ako na yung katabi ni
Candice." kahit kelan talaga, ang bossy niya. Hindi
na ata siya mag babago.
"Ayoko nga! Ako katabi ni Candice eh." hinihila ni
Troy si Jeydon paalis sa upuan. Nako mag away pa
tong dalawa.
"Ako dapat katabi niya!" Ouch sakit sa tenga, ang
lakas ng boses niya.
"Ako ka partner niya sa science!" nagpapalakasan
ba sila ng boses? grabe sumasakit ulo ko sa
kanilang dalawa.

"Ako yung boyfriend niya!"

Natahimik lahat. Si Troy gulat na gulat, yung
buong section eleven na kanina ang ingay ingay
ngayon sobrang tahimik na. Parang may anghel na
dumaan sa room.

"KAYO NA?!"

Akala ko si Troy lang mag rereact eh pero buong
section eleven nakaharap na samin. Sabay sabay
pa talaga silang nag tanong nun ah. Tumayo
naman si Jeydon sa harap nilang lahat.
"Oo kami na, bakit may angal?!" natahimik na
naman silang lahat.
"Candice sinagot mo na agad yung mokong na
yan? Akala ko pa naman papahirapan mo siya eh!"
"Eh kasi.."

"Troy ano ka ba? Okey nga yun eh, this goes for a
celebration! Inuman na!" inakbayan ni Ginno si

Jeydon, lahat naman sila pumayag sa suggestion
niya, lahat maliban sakin.
"Bawal uminom si Jeydon."
"Candice naman! wag ka namang KJ dyan, iinom
lang naman tayo eh." Sabi naman ni Six, lahat
naman sila sumang ayon ulit. Sinamaan ko naman
ng tingin si Jeydon, hoy pusa makuha ka sa tingin!
"Sorry guys, hindi umiinom si Candice tska ayoko
din uminom eh." nag wink sakin si Jeydon ng
palihim, buti naman na gets niya ko.

Lahat sila nagreklamo pero wala na din naman
silang nagawa. Irereserve na lang ni Jeydon yung
bar ni Troy para sa buong section eleven. Pumayag
naman sila kaya bumalik na silang lahat sa upuan
nila sakto din dumating na si Sir Jason. Mukhang
naka ngiti siya samin ni Jeydon. Alam niya kaya?
pero paano naman makaka dating sakanya yun.
Sabagay sinabi pala kanina ni Jeydon sa harap ng
napaka daming studyante na girlfriend na niya ko.

"Alam mo Candice for sure pag sisihan mo yang
ginawa mo. Tsk dapat kasi binusted mo na lang si
Jaydee."

"Troy shut up." kaso hindi naman tumigil si Troy,
nag eenjoy pa ata siyang asarin si Jeydon.
"Bantayan mo yan si Jeydon, madaming babae na
umaaligid dyan."
"I said shut up!" parang alam ko na kung saan to
mapupunta eh, mag aaway na naman tong dalawa
na to. Sarap nilang pag untugin eh.
"Shut up nga kayong dalawa!" Sinamaan ko silang
dalawa ng tingin. Buti naman tumahimik silang
dalawa. Nakukuha naman pala sila sa tingin eh,
wahaha!

Nung natapos na yung science class dumeretso na
ko sa history class ko. Sabi ko kay Jeydon mag
kita na lang kami mamaya. Iniwan ko sila dun ni
Troy na nag aaway. Napansin ko lang gustong
gustong asarin nung tatlo si Jeydon about sakin.
Ang bilis naman kasi niyang maasar kapag about
sakin. Akalain mo yung Hari ng mga Bad Boy at
yung number na malakas mang bully at mang
asar, naasar sa tatlo niyang best friend dahil lang
sakin. Haha! kapag naiisip ko tuloy napapangiti
ako.
As usual boring talaga yung history class namin.
Parang ang tagal tuloy ng oras, gusto ko ng

umuwi. Nung malapit ng matapos yung class
namin, nakita ko yung powerpuff girls na naka
ngiti sakin. Nung pinauwi na kami, nag hello pa
sila sakin. Anong nakain ng tatlong yun? bumait
ata sakin bigla. Sabi ni Margot may kakaiba nga
daw dun sa tatlo.

Pagkalabas ko ng gate nakita ko na agad si
Jeydon, hinila niya ko papunta dun sa kotse niya.
Pagpasok ko sa loob napansin ko yung sign sa
tapat ng kotse niya, 'NO PARKING'.
"Bakit dito ka nag park? No parking dito."
"Ano naman?"
"Bawal mag park dito!" tumawa lang siya.
"Ang tunay na bad boy sa 'No parking' area
nag pa-park." Hari talaga ng bad boy tong
pusang to.
"San tayo pupunta?"
"Sa bahay niyo. Ipapa alam natin kay Charles tska
sa Mama mo na tayo na."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman." ngumiti siya ng malapad tapos pina
andar na niya yung kotse niya.

Kinakabahan ako. Huhu! hindi pa alam nila Mama
at Kuya Charles na kami na. Sabi namn ni Jeydon
pinayagan na siya nila Mama kaso kinakabahan pa
din ako sa reaksyon ni Kuya. May promise kasi ako
sakanya na hindi muna ako mag boyfriend hanggat
wala pa kong eighteen, eh isang taon pa yun.
Kinakabahan tuloy ako ngayon, sana si Mama hindi
magalit.
Nag ring yung phone ko. Sino naman kaya to?
walang pangalan.

Unknown calling..

"Hello?" napatingin sakin si Jeydon.
[Yeoboseyo Noona! Asan ka? Let's eat ice
cream!] [yeoboseyo=Hello on the phone]
"Jayshin? pauwi na ko eh." biglang sumama yung
itsura ni Jeydon.
[Punta na lang ako sa bahay niyo.]
"Pupunta ka sa bahay? kasi.." kinuha ni Jeydon
yung phone ko.

"YAH! DON'T CALL MY GIRLFRIEND!" pinatay
niya bigla yung phone. Hala! bastos! kinakausap
ko pa nga yung kapatid niya eh.
"Ano ka ba kinakausap ko pa kaya yung kapatid
mo!"
"Ayokong may kinakausap kang iba kapag kasama
mo ko."
"Ang seloso mo talaga nuh?"

"Ganun talaga mahal kita eh."

Hindi na tuloy ako nakapag salita sa sinabi niya.
Minsan talaga matatameme ka na lang sa mga
banat niya sayo. Pagka dating namin sa bahay,
nag doorbell agad siya. Hindi naman siya excited?
huhu hindi kasi siya takot kay Kuya Charles eh.
Pagka bukas ng gate, si Ate Serina tska si Kuya
Charles yung nag bukas ng gate. Nag tatalo pa
silang dalawa kaya hindi nila agad kami napansin.

"Hi Candice! ohh.. di ba siya yung manliligaw mo?
Aakyat ata siya ng ligaw Charles." nagka tinginan
kami ni Jeydon. Huhu boyfriend ko na nga eh.

"Anong aakyat ng ligaw?! Candice pumasok ka na
nga at ikaw Jeydon umuwi ka na."

"May sasabihin kami ni Candice sa inyo." tinignan
agad ako ni Kuya, ang sama ng tingin niya. Huhu!
lagot talaga ako neto eh.

"Next time na, sige uwi na.."

"Hoy Charles may sasabihin nga daw sila eh? Wag
ka ngang kontrabida dyan! Sige pasok na kayo."
pumasok kami agad ni Jeydon sa loob, sila Kuya
Charles naman tska Ate Serina nag aaway sa may
gate.

Dun kami sa may kusina dumaan, nauuhaw na
kasi ako. Nakita namin dun si Yaya, nag titimpla
ng juice. Binilang ko yung baso, parang sobra ata
ng isa? Alam ba nila na pupunta dito si Jeydon?

"Yaya bakit sobra ng isa yung baso?"
"May bisita ka Candice. Mabuti pa ikaw na mag
dala neto sa sala, mag hihiwa pa ko ng cake eh."
napa tingin kami ni Jeydon sa isa't isa. Bisita? sino
naman bibisita sakin?
Kinuha ni Jeydon yung tray na puno ng juice.
Kinuha ko na lang yung dalawang baso para hindi
siya mabigatan.

"Bisita pala ha."
"Ang Jelly Fish mo talaga! Hindi ko nga kilala kung
sino yun eh." may binulong siya pero hindi ko
narinig kung ano.

Pagdating namin sa sala nakita ko si Mama. May
kausap siyang lalaki na nakatalikod samin. Nung
napansin nila kami ni Jeydon, napalingon yung
lalaki samin..
Nung makita ko kung sino siya, sa sobrang gulat
ko nabitawan ko yung hawak hawak kong baso...

Bakit siya nandito?

59: Meet the Father

Sa sobrang pagka taranta ko pinulot ko yung
basag na baso sa harap ko. Alam ko katangahan
yun g ginawa ko pero wala na ko sa sarili ko eh.
Wala na kong paki alam kahit may dugo na sa
kamay ko para ngang wala akong maramdaman na
sakit. Maya maya may kamay na humawak sa
sakin.

"Candice anak, pabayaan mo na yan." inalis ko
agad yung kamay niya sa kamay ko, tinignan ko
siya. Anak? wow ha.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Candice, im here for you." natawa ako sa sinabi
niya, ang sama ng tingin sakin ni Mama. Alam ko
makikita to ni Jeydon pero wala akong paki alam,
tama lang na malaman niya kung gaano ko
kinamumuhian yung tatay ko.
"Pagkatapos ng tatlong taon na hindi mo man
lang ako naalala? tapos ngayon bigla bigla

kang magpapakita sakin tapos sasabihin
mong nandito ka para sakin? Sinong niloloko
mo?"
"Alam kong galit ka sakin, patawarin mo ko..
Candice anak." hahawakan sana niya yung kamay
ko pero nilayo ko agad yun sakanya.

"Hindi mo ko anak!"

"Candice! He is still your father!" nainis ako bigla,
feeling ko maiiyak ako sa inis ko.
"Simula ng tinalikuran niya ko kinalimutan ko ng
may tatay pa ko! Kaya pwede ba wag niya na kong
guluhin!" nararamdaman ko na yung galit.
"Mianheayo Candice." [Sorry]
"Dakcho!" umalis ako dun, umakyat ako sa kwarto
ko. Bakit kelangan pa niyang bumalik? Okey na
naman ako na wala siya eh. Okey na okey na
ko. [Shut up]
"Candice!" tinawag ako ni Mama pero narinig ko na
pumasok na sila Kuya Charles sa loob kaya
pinigilan lang siya ni kuya.

Pumunta agad ako sa kwarto ko, sinara ko yung
pinto. Sumandal ako sa pintuan, na pa upo ako
dun, hindi ko na mapigilan na umiyak. Kada
makikita ko ulit si papa halo halo na yung
nararamdaman ko, galit, inis tska kalungkutan.
Hindi ko naman gustong kamuhian yung sarili kong
ama pero kada maiisip ko yung ginawa niya samin,
lalo na sakin kahit anong pilit ko, wala akong ibang
magawa kundi kamuhian siya. Masama ba ko?
Sobrang sama ko bang anak?

"Candice.. buksan mo yung pinto."
"Jeydon iwan mo muna ko, gusto kong mapag isa."
hindi ko siya nakikita pero alam kong nakasandal
na din siya sa pintuan ng kwarto ko.
"Hindi, hindi kita iiwan. Alam ko kung anong
nararamdaman mo, at alam kong matagal mo na
yang kinikimkim sa sarili mo. Candice kelangan mo
yan ilabas, andito ako makikinig ako sayo.."
Hindi ako nagsalita, pareho kami ni Jeydon
na.hindi nagsasalita. Inisip ko yung sinabi niya,
kelangan ko na nga siguro ilabas tong sama ng
loob ko. Sa tagal ng panahon hindi ko siya masabi
kay at kuya kasi alam kong hindi nila ako
maiintindihan. Si Jeydon, naranasan na niya to sa

mommy niya kaya sigurado akong kaya niya kong
intindihin.
"Bata pa lang ako si papa na yung palagi kong
kasama. Daddy's girl ako, sanggang dikit nga
kaming dalawa eh. Alam mo yung papa ko siya
pero at the same time best friend ko siya."
Hindi ko mapigilan na maiyak, kapag naiisip ko
yung panahon na yun nasasaktan ako. Yung
panahon kasi na yun masaya pa kami ni papa,
masayang masaya.
"Nung pumunta kaming Korea akala ko magiging
masaya pa din kami pero mali pala ko. Nakilala
niya dun yung best friend ng mama ko, wala pang
isang taon naging sila. Nag bulagbulagan ako nun.
Yung papa ko na iiniidolo ko, niloloko pala yung
mama ko. Kahit ilang beses kong pilitin yung sarili
ko na walang ginagawa si papa na masama hindi
ko kaya. Sobrang sakit nun eh, ang sakit para ako
pa makakita.."
Huminto ako para humagulgol. Matagal na yun
pero kahit kelan hindi ko yun nakalimutan at hindi
na yun matatanggal sa puso at isip ko. Ayokong
makita ako ni Jeydon na ganitp pero hindi ko
kayang pigilan yung sarili ko. Isa pa siya lang
naman makaka intindi sakin eh.

"Masama ba kong anak? Siguro.. Kaso sobrang
nasaktan lang naman ako eh. Yung palaging
nandyan para sakin, yung best friend ko, yung
papa ko. Hindi ko maisip na tatalikuran niya ako
ng ganun ganun na lang. Tatlong taon akong nag
hanap ng papa pero wala, wala siya. Jeydon ang
sakit eh.. ang sakit kaya nun.." mas lalo lang
lumakas yung iyak ko. Malakas na malakas na
pakiramdam ko maririnig na nila mama at papa
yun sa baba.
"Candice, naiintindihan kita. Alam ko kung gaano
kasakit yung nararamdaman mo pero hindi mo
dapat talikuran yung pamilya mo kahit na
tinalikuran ka na nila. Papa mo pa din siya."
Hindi ako makapaniwala, akala ko naiintindihan
niya ko pero bakit parang kinakampihan pa niya
yung papa ko? Akala ko kakampi ko siya pero
pareho lang pala sila ni mama.

"Candice.."
"Tama na! Akala ko kakampi kita! Akala ko
maiintindihan mo ko pero pare pareho lang kayo!
Iwan mo na ko Jeydon!"
"Candice, intindihin mo din ako.."

"Iwan mo na ko!" parang aatakihin na ko ng hika
sa sobrang iyak.
"Hindi kita kayang iwan.."
"Jeydon hindi kita kaylanga! kaya umalis ka na!"
Hindi siya nag salita ng ilang minuto sa sinabi ko,
pareho kaming hindi nag sasalita. Maya maya
narinig ko na siyang tumayo.
"Kausapin mo na lang kapag okey ka na.. andito
lang ako." narinig ko yung paa niya na pababa na
ng hagdan. Nilock ko yung pinto ng kwarto ko,
dumeretso ako sa kama ko. Nagtakip ako ng
kumot at una, dun ako umiyak ng umiyak.

Siguro kalahating oras na kong umiiyak sa kama
ko, tinatawag ako nila Mama at Kuya sa labas pero
hindi ko sila sinasagot. Gusto ko lang muna
mapag isa. Naiisip ko pa din kasi si papa at ayokp
siyang isipin. Oo alam ko na, masama akong anak,
wala akong kwenta pero ano bang magagawa ko?
Ayun yung nararamdaman ko ngayon eh. Akala ko
magiging magada yung araw na to, hindi pala.
Bigla kong naisip si Jeydon, ang tanga tanga ko.
Kung ano anong pinagsasabi ko sakaya kanina sa
inis ko. Galit kaya siya sakin? kinuha ko agad yung

phone ko, mag message sana ako sakanya pero
may text na pala siya sakin.

From: Doreamon<3
Take some rest. I miss you.

Nakaramdam ako ng guilt, sobrang guilt. Ano ba
kasi yung mga sinabi ko kanina sakanya? Alam ko
naman na nag aalala lang siya sakin. Masyado
akong nadala ng galit ko, bigla na naman tuloy
akong nainis, hindi kay papa, sa sarili ko ako
naiinis. Hindi ko tuloy kung re-replyan ko ba siya o
hindi. Nahihiya ako sa mga inasal ko kanina
sakanya, siguro mas mabuti kausapin ko na lang
siya bukas kapag okey na talaga ko. Hihingi na
lang ako ng sorry sakanya, sana naman
maintindihan niya kung bakit ako nag kaganun.
Mabuti pa matulog na lang ako, sana pag gising ko
bukas okey na ko.

---

Pagkababa ko ng kwarto ang awkward ng feeling.
Hindi ako pinapansin ni Mama, si Kuya Charles
iwas sakin, si Yaya lang ata yung nakapansin
sakin. Alam kong galit si Mama sa ginawa ko
kahapon kay papa pero hindi ko maintindihan kung
bakit iniiwasan ako ni Kuya. Kumain na lang muna
ko ng breakfast kahit na gustong gusto ko ng
umalis sa bahay.
"Alis na ko."
Akala ko may kakausap sakin pero kahit si Yaya
hindi ako kinausap.

"What a beautiful day!"
Yan na lang masasabi ko, hindi na nga nila ako
pinapansin sa bahay kapag labas ko pa sa bahay
walang abnormal na pusang robot na nag aabang
sakin. Lahat ng to kagagawan ko, dahil sa galit ko
na hindi ko na control. Ang tanga tanga mo kasi
Candice eh, ewan ko ba sayong babae ka.
Ang bigat ng pakiramdam ko habang nag lalakad
ako papunta ng school, parang isang oras na
lakaran yung ginawa ko bago ako makarating sa
school.
Pag pasok ko sa loob ng school lahat ng mga
babae dun naka tingin sakin pinag bubulungan

ako. Ano na naman bang kamalasan meron ako?
May poster na naman kayang nakapaskil sa buong
school na sinasabi na malandi ako? Ano pa bang
kamalasan darating sa araw ko ngayon?
Dumeretso ako sa locker ko, nung papalapit na ko
nakasalubong ko si Jeydon.
Nung nakita ko siya napatigil kaming pareho,
nakatingin lang kami sa isa't isa. Parang ang
awkward naman bigla, parang may gap kami.
Akala mo nag away kaming dalawa eh, bakit hindi
nga ba? eh pina alis ko lang naman siya kahapon.
Hindi ko talaga alam yung gagawin ko at yung
sasabihin ko kaya dumeretso lang ako sa
paglalakad ganun din naman ginawa niya. Nung
lumagpas na ko sakanya, napatingin ako sa likod
ko. Tinanaw ko siya sa likod, nakatalikod lang siya
sakin, abnormal talaga! hindi man lang niya ko
lingunin! Naalala ko bigla yung sinabi niya sakin
kahapon..

Kausapin mo na lang kapag okey ka na.. andito
lang ako.

"Jeydon sorry!"

Napalingon siya sakin, bigla akong nataranta hindi
ko alam gagawin ko. Lumapit siya sakin tapos
binatukan niya ko pero mahina lang naman.
"Miss mo ko nuh?" napangiti ako sa sinabi niya,
mukha kasing hindi siya galit sakin eh.
"Eh paano kapag sinabi kong oo?" napangiti na din
siya sakin, waaaa!! bakit parang gusto ko siyang
yakapin?
"Alam ko na naman na ma mi-miss mo ko eh,
haha!" tss over confident.
"Sorry nga pala dun sa ginawa ko kahapon." hindi
ako makatingin sakanya. Nakakhiya kasi yung
ginawa ko eh.
"Wag mo na isipin yun, past is past. Mahalaga miss
mo ko di ba?" tumataas taas pa kilay niya, tss oo
na miss ko na siya!
"Abno ka talagang pusa ka!" nag pout ako bigla sa
harap niya, nagulat ako bigla siyang lumapit sa
mukha ko.
"Wag ka ngang mag pout sa harap ko, hahalikan
kita." sige okey lang halikan mo ko! Wahaha joke
lang nuh. "May practice kami ng basketball kaya
hindi na kita mahahatid, late na kasi ako eh.
Pupuntahan na lang kita room mo mamaya ha?"

"Okey sige, hihintayin kita." lumapit siya sa tenga
ko, mukhang may ibubulong ata siya.

"I Love You."

Siguro para ng kamatis na ngayon yung pisngi sa
sobrang pula. Alam mo yung pagkakasabi niya ng I
Love you? sobrang sexy tapos sobrang kakaiba.
Ganito ba talaga kapag si Jeydon yung nag sasabi
nun? Kikiligin ka tapos bibilis yung tibok ng puso
mo? shet naman.
Inlove na talaga ako sa abnormal na pusang robot
na to.

"Saranghae Jeydon."

Hinalikan niya ko sa pisngi ko tapos ngumiti siya
sakin bago siya umalis. Na iwan naman akong
tulala dito, na stun ako sa ginawa ni Jeydon. Bakit
ang sweet ng boyfriend ko? >.<
Natauhan na lang ako nung nag bell ng malakas,
waa baka ma late na ko. Si Jeydon kasi kung ano

anong pinag gagawa sakin eh. Makapunta na nga
sa room ko.
Pag dating ko dun nasa labas si Ms. Farrah, hala
lagot! late na nga ako.

"Miss Farrah, sorry po.." may kausap pala siya,
hindi ko nakita.
"Candice, may gustong kumausap sayo."
"Ha? sino po?" napatingin ako sa lalaki na kasama
ni Ms. Farrah, kamukha niya si Baron, parang mag
kapatid pa nga silang dalawa eh.
"Malalaman mo yan mamaya Miss Candice." Hala!
kilala niya ko?
"Go ahead Candice, excuse ka na sa class ko."
natulala lang ako kay Ms. Farrah, ipag kakatiwala
niya ko sa lalaki to? waaa baka mamaya kidnapper
to eh. Ay OA? bakit naman niya ki-kidnapin di ba?
isip isip din Candice.
"Er-- sige po."

Sinundan ko lang si mamang kamukha ni Baron.
Pag kalabas namin pinasakay niya ko sa itim na
kotse, kinakabahan tuloy ako. Sino ba kasi to? San

niya ko dadalhin tska sino naman kakausap sakin?
Omo! baka mamaya kindnapper talaga to pero
hindi naman ako ipagkakatiwala ng teacher ko sa
kidnapper eh. Bahala na si Batman.
Binaba kami ng kotse sa isang resto, sosyal na
resto.
"This way po Miss Candice." okey sige, hindi na
siya kidnapper pero sino ba kasi siya?
"Ahm, ano po bang kelangan niyo sakin?" Hindi
siya nagsalita, huhu bastos to ah! Tinuro lang niya
sakin yung isang table dun sa dulo na may naka
upong lalaki, hindi ko naman makilala kasi
nakatalikod siya sakin.
Dumeretso ako dun sa table, pag kaharap ko dun
sa lalaki na naka upo para akong na stroke. Bakit
niya ako kakausapin? hindi to maganda, huhu!
Jeydon help me T_T

"Maupo ka Ija." wow ang bossy din pala ng boses
niya. Natataranta pa ako nung umupo ako sa
harap niya, ang bilis ng tibok ng puso ko sa
sobrang kaba o sabihin na lang natin sa takot.
"Hello po.." mas awkward pa to kesa sa nangyari
kanina sa bahay. Ngumit naman siya sakin, hindi
pa din maganda na feel ko dito.

"Pasensya ka na kung naabala kita ngayon. Gusto
lang sana kitang kausapin bago ako pumunta ng
Macau bukas." sobrang bilis ng tibok ng puso ko,
kung ano man yung pag uusapan namin alam kong
hindi yun maganda.
"Okey lang po, bakit niyo po ba ako gustong maka
usap?"
"Do you really love my son?" Straight forward din
pala siyang tao nuh, medyo speechless naman ako
dun. Nag hahanap ako ng tamang sasabihin kasi
ayoko mag kamali ng sagot sa harap ng daddy ni
Jeydon.
"Yes I do. I do love him."
"Sana alam mo na lahat ng maling ginawa natin,
may kapalit."
Hindi ako nag salita, hindi ko alam kung ano ba
talagang gusto niyang sabihin pero halata naman
na about sa ginawa namin yun ni Jeydon eh.
"Kamusta nga pala si Candy?"
"Kilala niyo po yung mama ko?" ngumiti na naman
siya, mas lalo lang akong natatakot sakanya kapag
ngumingiti siya sakin eh.
"Yes, i know her. How was your Father?" ouch,
kung kelan naka move on na ko kay papa tapos

ibabalik naman niya, huhu. Ayoko umiyak sa harap
ng papa ni Jeydon. Ngumiti na lang ako sakanya
pero hindi ako nag salita.
Lumapit sakanya yung kamukha ni Baron, siguro
nga kapatid to ni Baron mukhang kuya niya. May
binulong siya sa daddy ni Jeydon tapos humarap
siya sakin.
"Kelangan ko ng umalis. Ipapahatid na lang ulit
kita kay Brian."
"Hindi na po! kaya ko na po bumalik mag isa."
tumango lang siya. Tumayo siya tapos tumingin
ulit siya sakin, ngumiti siya.

"Hanggat maaga pa, lumayo ka na sa anak
ko."

Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin sakin
yun umalis na siya. Natulala na lang ako dito,
ewan parang maiiyak ako. Na isip ko na naman na
mangyayari to eh pero nakaka gulat pala kapag
nangyari na talaga. Unconsciously tumayo ako sa
upuan ko, lumabas ako ng resto na naka tulala.
Habang nag lalakad ako para akong zombie eh,
paulit ulit nag eecho sa isip ko yung sinabi ng
daddy ni Jeydon.

"Hanggat maaga pa, lumayo ka na sa anak ko."
Lalayo ako kay Jeydon? Naiisip ko pa lang
nasasaktan na ko.

"Miss!"

Napaupo ako sa sahig, sa sobrang pre-occupied ng
isip ko hindi ko na alam na mababangga na pala
ko. Tinignan ko yung tuhod ko, dumudugo
masyado ata akong napa upo sa sahig kaya
dumugo. Maya maya lumapit sakin yung may ari
nung motor na muntik ng makabangga sakin.
Inabot niya sakin yung kamay niya, inabot ko na
lang din para makatayo ako.
Pagkatayo ko napatingala pa din ako sakanya, ang
tangkad kasi niya eh. Bigla niyang inalis yung
helmet niya. Nakita ko na yung itsura niya,
maamong mukha, makinis, matangos na ilong,
magandang pilik mata. Hindi ako pwedeng mag
kamali, siya yung lalaki na muntik na din na maka
bangga sakin, yung lalaki sa motor na naka iwan
ng class picture namin nung kinder kami.

"Okey ka lang ba?"

"Teka, pwede ko bang malaman yung pangalan
mo?" curious na curious na talaga ko eh.
"Shawn, Shawn Lucas. Long time no see,
Candice."

OMG! Nalaglag ata puso ko.

60: Someone is jealous

JEYDON POV

"So, buo na yung bad burn?" naka tingin lang ako
sa yosi ni Kie. Minsan na te-temp ako mag yosi
pero naiisip ko kasi si Candice. Ayaw niya sa mga
nag yoyosi kaya kahit na parang nanunuyo na
yung lalamunan ko tinitiis ko. Laking tulong pa ng
tatlong to, palaging nag yoyosi sa harap ko, letche
talaga.

"Tayong apat at yung Section Eleven, hindi tayo
ganun kadami kumapara sa bagong Phoenix pero
maasahan naman yung mga yun." tama si Troy,
hindi nadadaan sa dami yung lakas ng isang
grupo.
"May idea na ba kayo kung sino yung bagong
leader ng Phoenix?" tumingin ako sa langit, inalala
ko yung grupo na pinamunuan ko dati. Hindi ko
kayang isipin na yung pangalan na pinangalagaan
ko, wala na dahil sa gagong leader na yun. Sirang
sira na yung pangalan ng Phoenix sa mga
kagaguhan na pinag gagawa nila. Kung sino man
siya, yung bagong leader ng dati kong grupo, mag
babayad siya sa pag sira sa Pboenix.
"Kung sino man siya nakaka sigurado akong
malakas siya pero kung titignan mo yung mga
alagad niya wala silang ibubuga satin." sabi ni
Tanda.
"Sa gwapong mukha ko pa lang wala na silang
ibubuga satin eh! Wahaha!" ilang ulit ko bang
sasabihin kay Troy na kung may gwapo man
saming apat ako yun. Pambihira talaga hanggang
ngayon nangangarap pa din siya.
"Hoy Troy alalahanin mo na mas gwapo ako sayo,
tandaan mo yan." Tignan mo, isa pa to si tanda
eh, wag niyang sabihin na future bayaw ko siya.
Haha!

"Nagtatalo pa kayo eh andito lang naman sa harap
niyo yung pinaka gwapo." Lintek, pati ba naman si
Marky? napatingin ako sa relo ko, shet! malapit na
pala mag lunch. Mabuti pa puntahan ko na lang si
Candice kesa makinig sa non sense na usapan na
to. Ako naman kasi talaga yung pinaka pogi
saming apat eh. Tss hindi lang matanggap ng
tatlo.
"Wag na kayong mag talo."
Napatingin silang tatlo sakin.
"Naimbento lang naman yung salitang gwapo
nung pinanganak ako."
"Lul!" sabay pa silang tatlo, tsk mga kontrabida
talaga sila kahit kelan.
"Hindi ko alam bakit nagustuhan ka ng kapatid ko
eh." tinatanong pa ba yun? malamang ang pogi ko
eh, wahaha!
"Ano ka ba Charles ako naman talaga yung gusto
ni Candice eh, kaso kawawa naman si Jaydee kaya
nag paraya lang ako." Anong pinag sasabi niya?
tumatawa pa siya, ako kaya yung gusto ni
Candice, ako lang.

"Hindi niya ko gusto, mahal niya ko."

Natawa si Charles tska si Marky. Akala mo wala ng
bukas kung makatawa eh, batukan ko kaya sila.
Totoo naman ah! hindi ako gusto ni Candice kasi
mahal niya ko. -__"Paano mo naman nasabi na mahal ka ni Candice?
Grabeng joke yun ah." Sige tawa pa, sumandal ako
sa pader hinarap ko yung dalawa. Sabagay wala pa
palang alam tong dalawang ugok na to, si Troy
tahimik lang kasi alam na niyang kami na ni
Candice. Mas mabuti pa sabihin ko na sa dalawang
to, lalo na kay Charles.
"Yun nga pala yung gusto kong sabihin sa inyong
dalawa. Kasi.."
"Sila na ni Candice." napatingin silang dalawa
kay Troy. Nanlaki agad yung mata ni Charles,
tumingin siya sakin pabalik kay Troy tapos sakin
ulit. Pucha talaga to si Troy! inunahan pa ko.

"KAYO NA?!"
Gulat na gulat si Charles, si Marky naman tawa ng
tawa. Humanda ka talaga sakin Troy! panira ka ng
moment eh.
"Kelan naging kayo ha?"

"Nung engagement nila ni Stacey." sinamaan ko
ng tingin si Troy, dalawa na sila ni Marky na tawa
ng tawa.
"Ikaw na kaya mag kwento Troy?" hinarap ako ni
Charles.
"Bakit wala akong alam ha?! bakit hindi sakin
sinabi ni Candice?" patay kang bata ka nagwawala
na si tanda.
"Yun nga yung sasabihin namin kahapon kaso
dumating kasi yung papa niyo." medyo na kalma
na naman siya pero ang sama pa din ng tingin niya
sakin. Lumapit ako kay Troy tapos binatukan ko
siya. Tumawa lang siya, abnormal talaga tong
lalaki na to.
"Charles kung tutol ka sa relasyon nila Jaydee at
Candice dapat sabihin mo na ngayon para hindi na
umaasa si Jaydee." naka ngisi sakin si Kie, taena
talaga ng lalaking to eh.
"Hindi ako tutol sakanila, desisyon yan ni Candice.
Pero eto lang tandaan mo Jeydon.."
Naka tingin sa mata ko si Charles, ngayon pa lang
ako natakot sa tingin niya. Naka tingin lang
kaming tatlo sakanya, hinihintay namin yung
susunod niyang sasabihin.

"Sa oras na paiyakin mo yung kapatid ko,
humanda ka sakin."

Napa lunok ako sa sinabi ni Charles. Nakakatakot
siya, akala mo kakainin niya ko ng buhay eh wala
pa nga kong ginagawa sa kapatid niya.

"At sa oras na gaguhin mo siya, kalimutan mo
ng mag kaibigan tayo."

Pinatay niya yung sindi ng yosi niya tapos nag sign
siya sakin na 'Im watching you' tapos umalis siya.
Taena lakas manakot neto ni Charles ah, wala pa
nga kong ginagawang masama tska wala naman
akong balak gumawa ng masama. Tinignan ko
yung dalawa sa gilid ko, naka ngisi pa din silang
dalawa sakin.
"Lagot!" sabay pa sila.
"Letche! Ewan ko sa inyo!"
Umalis na lang ako dun, aasarin lang ako ni Troy
tska ni Marky eh. Naka alis na nga ko rinig ko pa
din na tawa sila ng tawa. Kahit nakatalikod na ko
sakanila nakikita ko pa din yung reaskyon nilang

dalawa. Napaka abnormal talaga ng tatlo na yun,
ako lang ata normal sakanila eh.
Mabuti pa puntahan ko na si Candice sa room niya.
Ano kaya ginagawa ng aso na yun? Takte! parang
miss ko na agad siya samantalang kakakita pa
lang namin kanina.
Dumeretso ako sa room ng section one, pagka
dating ko dun hindi ko makita si Candice sa loob.
Pinagtitinginan naman ako ng mga babae dun, buti
na lang nakita ko si Margot.
"Hinahanap mo si Candice?"
"Oo, bakit wala siya dito?"
"May pumunta dito kanina na lalaki tapos sinundo
siya. Hindi ko kilala kung sino eh." sino naman
kayang lalaki yung susundo sakanya dito?
tiniganan ko agad yung phone ko pero wala naman
siyang text.
"Papa niya ba yun?" siya lang naman naiisip ko na
pwedeng sumundo kay Candice eh.
"Hindi, nakita ko na yung papa niya eh. Ahm, naka
black suit siya eh. Parang nakita ko na siya dun sa
engagement party niyo ni Stacey. Kausap ng
daddy mo." si daddy?!

"Sige salamat Margot, pinapasabi nga pala ni
Ginno na puntahan mo daw siya mamaya sa room
namin." bigla siyang nag blush nung narinig niya
yung pangalan ni Ginno.

Lumabas ako ng school, ano na naman kayang
kalokohan yung gagawin ni dad? bakit kelangan
niya pang kausapin si Candice? Sinabi ko na
sakanya na wag niyang papakialaman si Candice.
Wag niyang subukan saktan si Candice kundi baka
mag away kami. Kinabahan ako bigla, hindi ko
alam nasa isip dad. Alam kong galit siya dun sa
nangyari sa engagement, napahiya lang naman
siya sa mga business partners niya. Malaking
kawalan din sakanya yung investment ng pamilya
ni Stacey pero ang sabi niya wala na yun sakanya.
Kung iisipin hindi naman mahirap sila Candice,
mayaman sila at kilala yung pamilya nila sa Korea.
Wala naman sigurong masama kung maging kami
di ba? Mali lang talaga yung timing namin. Bakit
kaya hindi sinasagot nung aso na yun yung phone
niya? Lagot talaga siya sakin, nag aalala na kaya
ko sakanya, aish! Babo! Mabuti pa matawagan na
lang si Baron.
"Baron! San dinala ni Dad si Candice?"

[Young master kasama po ngayon ng daddy niyo si
Brian, ang alam ko po pumunta sila sa resto ng
uncle niyo.]
Binaba ko na agad yung call, pambihira! Bakit kaya
sumama si Candice kay Brian? hindi pa siya nag
text sakin. Tinatawagan ko naman siya pero naka
off yung phone niya. Amp! naiinis na talaga ko.

Papunta na sana ako sa resto ni uncle kaso nung
pagkadaan ko dun sa park nakita ko na din si aso.
May kasama siyang lalaki, hindi ko makita yung
itsura kasi nakatalikod siya sakin pero mukhang
kasing edad lang namin yun eh, anak ng! SINO
YUN?!

"BABY!" lumapit agad ako sakanilang dalawa.
Nagulat si aso nung nakita niya ko, tumayo siya
tapos lumapit siya sakin.
"Baby?" hinawakan ko agad siya sa kamay niya,
hinarap ko siya dun sa lalaking nakatalikod.
"Baby sino yang kasama mo?" nag tataka pa din si
aso kung bakit ko siya tinawag na baby. Yun
naman talaga tawagan ng mga mag
boyfriend/girlfriend di ba? at kung sino man yung

lalaking yan dapat malaman niya na agad na ako
yung boyfriend ni Candice.
"Hoy pusa anong baby ka dyan? Gusto mong
malaman sino kasama ko? Matutuwa ka kapag
nalaman mo kung sino siya!" matutuwa?! ngayon
pa nga lang hindi na ko natutuwa eh. Kapag
humarap lang siya dito susuntukin ko siya, anong
karapatan niyang kausapin yung girlfriend ko?
Hindi..

"Wazzup?"

Namamalikmata lang ata ako eh, tama ba yung
nakikita ko? Siya ba talaga yan? Taena hindi to
totoo di ba? Bakit kelangan makita ko pa ulit siya?
AMP!
Shawn?!"
"Musta Jaydee?" wala siyang pinag bago, ganun pa
din siya. Nag iriti bigla ako, sa lahat ba naman ng
tao siya pa yung makikita ko na kasama ni Candice
"Anong ginagawa mo dito? kelan ka pa bumalik?"
mas hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay ni
Candice.

"Last week lang. Musta? Long time no see ah?"
"Teka lang, pusa kilala mo na si Lucas?" sino
naman si Lucas? second name kaya yun ni Shawn?
"Noona he knows me as Shawn not as Lucas." wow
ha?! Noona pa tawag niya kay Candice, bakit mas
matanda ba si aso sakanya? Mukha na kaya siyang
lolo! Tss.
"Ohh okey, Jaydee siya si Lucas yung classmate
natin nung kinder tayo, si Lucas." tinignan ko ng
mabuti si Shawn, si Lucas? yung batang binu-bully
ko dati? yung matabang lalaki na pinagtatanggol
niya dati? pero ang layo na niya dun sa batang
yun. Tska bakit hindi man lang niya sinabi sakin na
siya pala yun?
"Bakit hindi mo sakin sinabi na ikaw yun Shawn?"
ngumiti siya sakin, naiirita talaga ako kapag
nakikita ko yung ngiti niya. Yan din yung ngiti niya
sakin two years ago.
"Past is past Jaydee. And there's nothing important
about the old Lucas right?" english speaking na
pala siya, tss.
"Alam niyo super coincidence neto, nag kita kita
ulit tayong tatlo! mabuti pa pumunta na tayo sa
bahay, for sure gusto ka ng makita ni Mama
Lucas!" what?! sasama niya pa talaga si Shawn sa

bahay nila? tinaasan ko ng kilay si Candice. Nakita
ata ako ni Shawn.
"May gagawin pa ko Noona, I'll just go later. Alam
ko na naman yung bahay niyo eh. Bye!" alam
niya?! ano siya stalker ni Candice? Hindi talaga
maganda kutob ko dito kay Shawn.
"Bye Lucas, see you later!" Sumakay na si Shawn
sa motor niya. Ano na naman kayang binabalak
nung lalaking yun? Kung uulitin niya yung ginawa
niya sakin dati, ngayon pa lang naka handa na
kong upakan siya. Kung dati hindi ko yun nagawa,
makaka asa siya ngayon na kayang kaya ko na
yun.

"Yah!" napaharap si Candice sa sigaw ko. Aish!
parang nakalimutan niyang kasama niya ko. Close
ba sila ni Lucas? eh bata pa kami nung nag kakilala
sila eh.
"Hoy pusa! bakit ka sumisigaw dyan? tska bakit
tinatawag mo kong baby kanina?"
"Cause your my baby girl." nag blush naman
siya sa sinabi kong yun parang nahihiya pa siya.
Hinawakan ko yung mukha niya. "You're
blushing baby."

"Ha? blushing ka dyan? Hindi kaya!" hinawakan
niya yung pisngi niya tapos tumalikod siya sakin.
Haha! hindi pala ah? Hindi pa din siya humaharap
sakin kaya ako na lang humarap sakanya.
"San ka galing baby?" hindi maalis yung ngiti sa
mukha ko, kasi naman ang cute niya kapag nag
bu-blush siya. Gusto ko tuloy pisilin yung pisngi
niya. Nawala tuloy sa isip ko yung si Shawn.
"Ah wala.. ano.. bakit ba kasi baby tinatawag mo
sakin?" hindi pa din siya maka tingin sakin, haha!
nag bu-blush pa din siya.
"Ayun na yung tawagan natin, Araso?"
"Ah okey sige."
"Call me baby." gusto ko lang marinig na tawagin
niya din akong baby, masarap kaya sa
pakiramdam? "Dali na.."

"Baby.."
Grabe masarap nga sa pakiramdam, haha! Ang laki
na siguro ng ngiti ko dito, nahuli pa ko si Candice.
"Waaa! nag bu-blush ka din!" anong blush? naka
ngiti lang ako pero hindi ako nag bu-blush nuh.

"No I'm not! You're the one blushing baby."
ngumiti ako sakanya, sige tignan natin sino talaga
nag bu-blush satin. "Baby.. baby girl.."
"A-no? Ba-bakit?" see? she's the one blushing not
me. Haha! hindi ko tuloy mapigilan na tumawa.
Nung nakita niya ko parang nainis siya, tapos..

She kissed me.

"Now look who's blushing?" feeling ko ang bilis ng
tibok ng puso ko, amg init init ng pisngi ko. Oo na
ako na nag bu-blush samin. Hindi ko naman kasi
ine expect na hahalikan niya ko, dito sa park, sa
madaming tao.
"You naughty girl." hinila ko siya papalapit sakin,
yan pala gusto mo ha?
"Haha! Sorry na! hindi na!"
"Anong sorry? you kissed me. Dapat ako din i kiss
ka!" nag evil grin ako sakanya. Tinulak naman niya
ko palayo.
"Ayoko nga! Haha! ang slow mo kasi baby kaya
ayan hindi ka tuloy naka kiss sakin!" Anong slow
dun? Eh nagulat kaya ako. I smiled unconsciously.

Hays ewan ko ba bakit ako na inlove sa abnormal
na babaeng to.
"Baby girl."
"Yes baby boy?"
"I love you."
Ngumiti siya tapos lumalit siya sakin.
"I love you too."
I don't care kung madaming tao dun, I don't care
about them. The moment was just perfect so I put
my hand in her face and kiss her.
"Saranghae, saranghae Candice." she smiled and
the she hug me. Alam mo yung parang nasa cloud
nine ka? it feel so good. Kay Candice ko lang
naramdaman yung ganito, sakanya lang.
"Mabuti pa pumunta na tayo sa bahay. Gutom na
ko eh."

Naglakad kami papunta sakanila. Masyado lang
maganda yung moment kanina kaya hindi ko siya
natanong pero naisip ko na din na tanungin siya
about kay dad tska kay Shawn habang papunta
kami sa bahay nila.

"Alam kong nagkita kayo ni dad, anong sabi niya?"
hindi siya tumigil pero bumagal naman yung lakad
niya.
"Ah wala lang, gutom ka na ba?" bakit kaya niya
iniiwasan yung tanong ko? alam kong may sinabi
sakanya si dad eh, ayaw lang niya sabihin. Amp!
parang hindi niya ko boyfriend eh. Kaso sa tono ng
boses niya mukhang wala nga talaga siyang balak
sabihin sakin kaya mabuti pa wag ko na lang
tanungin.

"Close ba kayo ni Shawn?" sakto nasa tapat na
kami ng gate nila tska siya huminto.
"Bakit mo naman natanong?" tss wag niyang
sabihin na ayaw din niyang sabihin -___"Wala lang, di ba bata tayo nung huli kayong
nagkita?"
"Hindi, four years ago lang nung huli kaming
nagkita sa Korea kaso hindi ko na siya nakilala kasi
pumayat na siya. Nakilala ko lang siya nung napa
tingin ako sa mata niya." wow ha? so alam niya
talaga yung mata ni Shawn? Ganun ba sila naging
close? psh.

"Ano naman ginagawa niya sa Korea?" nagtataka
siya sa mga tanong ko, aish! gusto ko lang naman
malaman eh.
"Sabi niya sinundan daw niya ko sa Korea. Simula
first grade hanggang mag eight grade ako mag
classmate kami kaya close kami." Sinundan?
Kalokohan! bakit naman siya susundan dun ni
Shawn? porket pinag tanggol siya ni Candice sakin
dati? Ang OA niya, tss dami niyang alam.
"Eh bakit hindi na kayo nag kita nung nag high
school kayo?"
"Umuwi na kasi kami agad ng pinas, hindi na ko
nakapag paalam sakanya. Tapos hindi ko na siya
naka usap." mukhang malungkot pa siya na hindi
na sila nag kita ah? so ngayon siguro masaya na
siya.
"Four years ago na pala yun pero Noona pa din
tawag niya sayo, wow ha? Feeling close pa din?"
sinamaan ako niya ko ng tingin.
"Para niya kasi akong ate kahit na mas matanda
siya sakin, lagi ko kasi siyang pinagtatanggol sa
mga classmates namin dati." super hero na din
pala siya ni Shawn? Nag papanggap lang yun eh,
ang galing galing kaya nun makipag away, kaya
nga kanang kamay ko siya dati sa Phoenix.

"Ah okey, eh di masaya ka na nag kita ulit kayo?"
ayusin mo sagot mo Candice.
"Oo naman! ang tagal na kaya namin na hindi nag
kikita! Tska ang gwapo na niya ngayon kumapara
nung huli ko siyang makita." Amp! gwapo? si
Shawn? eh mas gwapo ko dun eh.
"Key." naka tingin siya sakin ng matagal tapos
bigla siyang ngumiti. "Why?"
"Nag seselos ka ba kay Lucas?" hindi pa din
matanggal yung ngiti sa mukha niya.
"Ako?! nag seselos sakanya? Haha! hindi ah!" bakit
ako mag seselos sakanya? haha! Sorry pero
confident ako sa ka gwapuhan ko. Tanga na lang
siguro si Candice kapag pinag palit niya pa ko kay
Shawn.
"Eh di maganda! para naman maging close din
kayo!"
"No thanks." nag pout siya bigla pero nung
tinignan ko siya ng masama nag smile na lanh
siya.
"Bakit naman? tska bakit Shawn tawag mo
sakanya? mukhang mag kakilala na kayo dati pa?"

"Best friend ko siya dati." nagulat siya sa sinabi
ko, parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko
yun.
"Best friend mo siya? pero bakit mo simabing dati?
hindi na ba kayo mag best friend ngayon? bakit
naman?" aish! how will I answer her questions, as
if madami akong bibig.
"Dahil lang yun sa babae." akala ko mag tatanong
pa ulit siya pero natigilan lang siya bigla.

"Dahil kay Kim?"

Nakatingin lang ako sakanya, kilala niya si Kim?
pero paano niya nalaman? hindi ko pa naman
sinsabi sakanya yun eh. Sila Troy kaya nag sabi?
pero hindi eh, hindi sila yung taong mag sasabi
nun kay Candice. Ayoko mag lihim sakanya kaya
sinabi ko yung totoong dahilan kung bakit kami
nag away ni Shawn, kung bakit ko siya
kinakamuhian ngayon pero hindi ko balak ma
sabihin pa sakanya yung tungkol kay Kim.
Ayokong pag usapan yung babaeng yun sa harap
niya. Ang dami tuloy tanong sa isip ko, nag iisip
ako ng isasagot kay Candice pero wala blanko
yung isip ko.

"Pasok na tayo sa loob, naamoy ko na yung
brownies ni Mama eh. Ahh gutom na ko."

Hinila niya ko papasok sa loob. Ano kayang nasa
isip ni Candice? bakiy hindi man lang siya nag
tanong about kay Kim? Shet! mas lalo lang akong
nag aalala eh kaso ayoko naman i open yung topic
about Kim.
"Andito na pala yung boyfriend ni Candice eh."
tumingin sakin si Candice, siguro nagtataka siya
paano nalaman ng Mama niya na kami na. Sino pa
nga ba mag sasabi nun kundi si tanda. Gagu talaga
niya.
"Paano mo nalaman Mama?"
"Yung magaling mo kasing Kuya Candice, nadulas
samin kanina. Epal talaga to si Charles eh, sabi ko
nga dapat kayo ni Jeydon magsabi nun." binatukan
bigla ni Serina si tanda. Sa lahat ba naman ng
bagay na madudulas siya yung samin pa ni
Candice masabi niya. Aish! lumapit ako tapos
bumulong ako kay Candice.
"Sinabi ko na kanina sakanya, sorry hindi ko alam
na sasabihin niya." tumango lang siya sa sinabi ko.
"Oppa!! wala na! alam na ni Umma!"

"Bakit ah? ganun din naman yun eh! malalaman
din naman ni mama! Aish this girl." ang sama ng
tingin nila sa isa't isa.
"Okey lang, Mas okey nga nalaman ko na agad
bago kayo pumunta dito kaya nakapag luto na ko.
Hay I'm so happy!" nakakatuwa yung mama nila,
siguro mag kakasundo sila ni mom.
"Haha! kaya pala madaming pagkain eh, sige
pinapatawad na kita kuya."
"Jeydon wag mong sasaktan si Candice ah, mahal
na mahal namin yan. Plese take care of our
maknae." nag bow sakin si Tita Candy, nag bow
din ako sakanya.[Maknae=Youngest in the
family/group]
"Don't worry tita," hinawakan ko yung kamay ni
Candice tapos tumingin ako sakanya. "Hindi ko
sasaktan si Candice, i love her that much that
I'm afraid to hurt her."
"Ang korni niyo!" psh! kahit kelan panira ng
moment to si Charles.
"Yah babo! Are you jealous because Candice is
happy inlove and you're loveless?" mukhang mag
aaway to si Charles at Serina. [Babo=Stupid]
"Sinong nag sabi sayo na loveless ako ha?! Ang
dami ko kayang babae!"

"Oh really? parang wala naman!"
Ayun buong pag stay ko dun nag aaway silang
dalawa. Ayaw pa kasing aminin ni tanda na mahal
pa din niya si Serina, palagi niyang nababanggit
samin si Serina. Ang kaisa isang babaeng
bumasted sakanya.

Sabi ni Tita Candy wag na daw namin pansinin
yung dalawa. Kumain na lang kami ng niluto niya,
amg dami kong nakain. Ang tagal ko dun, nag laro
pa kasi kami ni Charles ng ps3. Hinihintay ko nga
din dumating si Shawn eh pero wala.
Mukhang tahimik si Candice bakit kaya? nung
hinatid na niya ko labas ng bahay nila parang wala
pa din siya sa sarili niya.

"Okey ka lang?"
"Oo naman." oo pero parang hindi naman. Hays
ano kayang problema niya.
"Kung may problema ka sabihin mo naman sakin,
boyfriend mo kaya ko." naka tingin lang ako
sakanya, naka yuko siya sakin. Hinawakan ko yung
chin niya tska ko inangat yung mukha niya pero
umiwas pa din siya ng tingin.

"Jeydon, do you still love Kim?"
Ahhh so ayun dahil lang naman pala kay Kim eh.
Teka kay Kim?
"Are you jealous?" hinawakan ko yung kamay niya.
Hindi pa din siya maka tingin sakin.
"Paano kung sabihin kong oo?" akala ko hindi siya
selosa pero mukhang pareho pala kami.
"Well don't be!"
"First love mo siya! anong panama ko
sakanya? sa first love mo? eh first love never
dies kaya!"
Natawa lang ako sa sinabi niya, hinila ko siya tapos
tska ko siya niyakap.
"You may not be my first, but I'll do
everything for you to be my last."
Hinarap ko siya sakin, hinalikan ko siya. I kiss her
to assure her how much I love her. To show her
that I love her so much.
"Wag kang mag selos sa kahit kanino kasi
nasayo lang yung puso ko. Nasayo lang."
Ngumiti na siya ulit sakin, bumalik na ulit siya sa
dati.

"Dapat lang nuh!"
"Grabe ka pala mag selos, silent but deadly."
"Takot lang ako mawala ka sakin kaya ako
nag kaka ganito." that puts a smile on my face.
"Hindi ako mawawala sayo, baby girl."
"I love you baby boy." I kissed her on her
forehead.

"Candice, i love you so much."

Naka tingin kami sa isa't isa, naka ngiti kami
pareho. Ganito pala yung feeling na kahit naka
tingin lang kayo sa isa't isa damang dama mo na
yung love sa inyong dalawa. Masarap din pala
maramdaman na nag seselos siya kasi mas
nararamdaman mo na mahal ka niya. Ayoko na
matapos tong nararamdaman ko, kung pwede nga
lang panghabuhay na to eh. Sana kami na ni
Candice forever and ever..

--

3rd person POV.

"Ako dapat yung kasama niya, ako hindi ikaw.."
kung nakakamatay lang yung tingin, malamang
kanina pa siya nakapatay ng tao.
"Master, hindi pa po ba tayo aalis? Nasasaktan
lang kayo."
Nilayo na niya yung tingin niya kay Jeydon at
Candice.

"Tawagan mo si Mr. Lopez, gusto ko siyang maka
usap."

61: Phoenix

3rd person POV

"Tatlong studyanteng nabugbog ng walang kalaban
laban kagabi malapit sa school." nilapag ni Charles
yung dyaryo sa harap ni Troy at Marky. Headline
yung balitang yun sa dyaryong hawak niya. "At
lahat ng grupo sa distrito, tinuturo yung Phoenix."
"Ano bang balak nila? napapadalas na to ah." hindi
pa din makapaniwala si Troy sa nakita niya sa
dyaryo. Kahit kelan hindi sila gumawa ng ganitong
kalokohan nung nasa Phoenix pa sila. Tumayo si
Marky sa upuan niya, napa tingin naman si Charles
at Troy sakanya, halatang galit siya.
"Malinaw naman kung anong gusto nila eh, gusto
nilang ipaalam sating lahat na dapat natin silang
katakutan. Gusto nilang matakot lahat ng gang sa
kanila. How pathetic." nag sindi siya ng yosi,
lumapit siya sa litrato na naka sabit sa kwarto ng
tambayan nila.

Litrato nila yun dati three years ago, nung nasa
Phoenix pa sila. Si Jeydon, yung leader ng grupo
nila katabi si Shawn, yung kanang kamay niya at
tinuturing niyang best friend. Siya, si Troy, si
Charles tska si Ginno. Sila yung pinaka unang
myembro ng grupo, yung bumuo sa Phoenix.
Malakas tska kinakatakutan yung Phoenix pero
hindi nila gawain lumaban sa ibang gang ng
walang kalaban laban, katulad ng nangyayari

ngayon. Kung tutuusin katulad lang sila ng ibang
ordinaryog gang, ang pag kakaiba nga lang
mayayaman at makapangyarihan yung mga kasali
sa grupo nila.

"Kung alam lang natin kung sino yung bagong
leader ng Phoenix." tumayo si Troy kinuha niya
yung phone niya para itext si Jeydon. "Kelangan
malaman to ni Jaydee."
"Wag mong ipa alam to sakanya Troy." parehong
nagtataka si Troy at Charles sa sinabi ni Marky.
"Bakit hindi Kie? tama si Troy eh, may karapatan
siyang malaman."
"Kilala niyo si Jaydee, padalos dalos siya sa lahat
ng bagay kaya kapag nalaman niya to sigurado
akong mag wawala yun, hindi yun titigil hanggat
hindi niya nahahanap yung pinuno ng Phoenix, we
can't risk it. Mahirap kalabanin yung kalaban na
hindi natin kilala." napaisip yung dalawa sa sinabi
ni Marky, naisip nila na tama siya. Kilala nila si
Jeydon, palagi siyang napapahamak dahil padalos
dalos siya sa lahat ng bagay.
"Anong gagawin natin?"
"Stick with the plan, patatagin natin yung bad
burn. Ako ng bahala mag hanap kung sino man

yung bagong leader." dumeretso siya sa pintuan
pero pinigilan siya ni Charles.
"Sasama ko sayo."
"Hindi na Charles, kaya ko to." hindi siya nag pa
awat, umalis siya dun. Kung san siya pupunta
hindi niya alam.
"Anong balak niya? hindi niya kayang harapin mag
isa yung bagong Phoenix, Charles kelangan natin
pigilan si Marky." nag aalala si Troy para kay
Marky, alam kasi niyang kayang pumatay ng
Phoenix, sa mga balita pa lang na nakukuha nila
wala silang paki alam kung anong gawin nila.
"Hayaan mo na siya Troy, yan yung gusto niya.
Kilala mo si Marky, hindi niya ugali na mag pa
awat." umupo si Charles sa sofa para mag laro ng
ps3. Oo, nag aalala siya para kay Marky pero hindi
naman niya kayang pigilan yung taong ayaw mag
papigil.
"Kapag nakita ko talaga kung sino yung bagong
leader ng Phoenix, makaka tikim siya sakin."
ininom ni Troy yung isang baso ng brandy, gawain
na niya na uminom kapag badtrip siya.
"Wag mo siyang maliitin, kung basta basta lang
siya madali lang natin siyang makikilala. Mabuti pa
bigyan mo na lang ako ng chicks." naka ngiti siya

kay Troy, yung ngiting parang nang aakit. Binato
siya ni Troy ng lemon na ginagamit niya habang
umiinom siya.
"Ang tanda tanda mo na chicks ka pa din!" tumawa
siya habang lumabas siya sa tambayan nila.
Tinawag siya ni Charles pabalik pero hindi niya
pinansin si Charles.
Tinignan niya yung relo niya, may date pa nga pala
sila ni Tiffany. Umuwi agad siya para makapag
ready mamaya sa date nila. Hindi niya alam kung
bakit ba siya pumayag bet nilang dalawa, alam
naman niyang masasaktan lang niya si Tiffany. Sa
tatlong araw nilang pag da-date, isa lang yung
alam ni Troy, masaya siya kapag kasama niya si
Tiffany, unti unti nang nawawala sa isip niya si
Jaycee. Ayaw nga lang niya isipin yung mangyayari
kapag natapos na yung dalawang linggo, kapag
natapos na yung pustahan nila.

Sa hindi naman malaman na lugar, pinapatakbo ni
Marky yung pinaka mabilis niyang kotse.
Pinapatakbo lang niya yung kotse niya kung saan,
nag iisip siya ng paraan para malaman kung sino
yung bagong leader ng Phoenix. Nasa isip niya na
kelangan nilang malaman kung sino yun dahil alam
niyang babalikan sila ng Phoenix. Binugbog na nila
si Jeydon dati ng walang kalaban laban at hindi

imposible na gawin nila ulit yun. Kung kanino at
kelan nila gagawin yun, hindi nila alam. Sa
sobrang pre occupied ng isip niya, muntik na
siyang maka bangga ng babae. Napa upo yung
babae, bumaba agad siya ng kotse niya.
"Ano ka ba?! magpapakamatay ka ba?" tumayo
agad yung babae nung narinig niya yung sigaw
sakanya ni Marky. Mukhang natatakot siya kay
Marky, sa sigaw niya.
"So-sorry.. sorry talaga." nagulat si Marky sa
reaksyon ng babae. Akala niya magagalit din yung
babae sakanya, kasi kung tutusin naman siya
naman talaga yung may kasalanan sa kanilang
dalawa. Siya yung hindi tumitingin sa dinadaanan
niya, siya yung muntik na maka patay ng tao.
Kung siya siguro yung nasa kalagayan nung babae
mas magagalit siya.
Naglakad na palayo yung babae. Bumalik naman si
Marky sa kotse niya. Naisip niya yung mukha ng
babae, mukha siyang mahina. Namumutla siya
tska parang inuubo pa siya. May guilt feeling na
nararamdaman si Marky, hindi niya ugali na
makaramdam ng ganito. Hindi siya good boy para
ma guilty at makaramdam ng awa. Unti unti
niyang pina andar yung kotse, sinusundan niya
yung babae na muntik na niyang mabangga. Nasa
likod lang siya, ayaw niyang magpa halata na

sinusundan niya yung babaeng yun. Maya maya
pumasok yung babae sa drug store, nag hintay si
Marky sa labas. Hindi niya alam kung ano bang
ginagawa niya, hindi niya alam kung bakit ba niya
sinusundan yung babaeng yun. Aalis na sana siya
kaso lumabas na ng drug store yung babae.
Sinundan niya kung saan pupunta yung babae,
kaso bigla naman siyang natumba. Nagulat si
Marky, nag aalangan pa siya kung anong gagawin
niya pero bumaba agad siya ng kotse tapos
nilapitan niya yung babae na nakahiga na sa
kalsada.
"Miss! miss gumising ka! bakit hindi mo naman
kasi sinabi na nasaktan ka dun sa pagkabunggo ko
sayo! Amp naman oh!" natataranta na si Marky
kaya binuhat na lang niya yung babae tska niya
dinala sa kotse tapos pinaandar niya ng mabilis
yung kotse papunta sa pinaka malapit na ospital.
"Ano pong nangyari?" bati sakanya nung nurse.
"Nahimatay siya bigla eh!"
"Kami na po bahala sir, dyan na lang kayo." dinala
agad nila sa stretcher yung babae, dinala siya
nang mga nurse sa emergency room. Naiwan
naman si Marky sa labas hawak hawak yung bag
nung babae.

Hindi ako paki alamero, yan yung nasa isip ni
Marky pero kelangan niyang tignan yung bag nung
babae para hanapin yung cellphone niya. Nasa isip
ni Marky na kelangan malaman ng pamilya niya
yung nangyari dun sa babae. Nag halungkat siya
pero wala siyang nakitang cellphone, o kahit ID
para malaman kung sino yung babae o kung saan
siya nakatira. Diary lang yung nakita niyang
useful, kaso may lock yun kaya hindi niya mabasa
pero sa labas naka sulat yung pangalan ng babae.

Ginny's diary.

"So Ginny pala yung pangalan niya.."
"Sir?" muntik ng mabitawan ni Marky yung diary,
lumapit sakanya yung doktor.
"Doc, Kamusta po siya?" hindi niya alam kung
sasabihin ba niya sa doktor na muntik na niyang
mabangga yung babae, si Ginny. Ang alam naman
niya muntik lang niya mabangga si Ginny, muntik
lang naman yun eh.
"Kaano ano niyo yung pasyente?"
"Hindi ko siya kilala, nakita ko lang siyang naka
higa sa kalsada." hindi maka tingin si Marky dun sa

doktor, totoo naman na nakita niya si Ginny na
naka higa sa kalsada pero hindi niya sinabi
muntikan na niyang mabangga si Ginny. Iniisip
niya kasi na baka na shock lang si Ginny sa
nangyari kanina kaya siya nawalan ng malay.
"Buti na lang nadala niyo siya agad sa ospital kung
hindi baka lalo lang lumala yung sitwasyon niya."
nagtataka si Marky, anong ibig sabihin ng doktor?
hindi kaya dahil talaga yun sa muntik na niyang
mabangga si Ginny?
"Okey na ba siya?"
"She's in a stable condition now pero kaylangan
niyang ma confine dito sa ospital." hindi na kaya ni
Marky na ilihim sa doktor yung nangyari, naisip
niya na mas okey kapag sinabi niya yung totoo
para magka idea yung doctor, hindi niya kasi
maisip bakit kelangan ma confine ni Ginny dito eh
mukha naman siyang okey kanina mukha lang
siyang nanghihina.
"Doc kasi yung totoo muntik ko na siyang
mabangga kanina, gaano ba kalaki yung epekto
sakanya nun?" tinaasan siya ng kilay nung doktor.
"Iho, may leukemia siya." naka titig lang si
Marky sa doktor, leukemia? paano naman
malalaman agad ng mga doctor yun sa maikling
panahon lang? hindi siya naniniwala pero parang

nababasa ng doctor yung nasa isip niya. "Dati na
siyang na confined dito, ako yung doctor niya dati.
Alam namin dinala na siya sa Amerika ng pamilya
niya para dun mag pa gamot pero I'm surprised na
walang improvement yung condition niya."
"Mabuti pa tawagan natin yung pamilya niya.
Kelangan nilang malaman to."
"Ginawa ko na pero hindi ko sila ma contact, nag
padala na ko ng letter sa bahay nila. Hihintayin na
lang namin yung sagot nila. Maraming salamat sa
pag dala mo sakanya Iho, kami ng bahala kay
Ginny." hindi pa din mapakali si Marky, parang
may nagsasabi sakanya na wag niyang iwan si
Ginny.
"Doc, pwede ko ba siyang makita?" ngumiti
sakanya yung doktor.
"Oo naman, this way."
Dinala siya ng doktor sa isang private room.
Iniwan niya si Marky dun kasama si Ginny.
Nilapitan agad ni Marky si Ginny, ang himbing ng
tulog niya. Hindi mapigilan ni Marky na mapatingin
sa maamong mukha ni Ginny, naisip niya na para
siyang anghel na natutulog. May kakaibang
nararamdaman si Marky na hindi naman niya
mapaliwanag.

Ilang minuto na din na nandun si Marky kasama si
Ginny, naka tingin lang siya sa dalaga.
Naguguluhan siya sa sarili niya, hindi niya
mapaliwanag kung bakit parang ayaw niyang iwan
mag isa dito si Ginny, kung bakit parang gusto
niyang alagaan si Ginny. Kung tutuusin hindi
naman niya kilala yung dalagang kaharap niya at
hindi niya gawain na mag alala sa mga taong hindi
importante sakanya.
"Sino ka?" muntik ng matumba sa upuan niya si
Marky nung nagsalita si Ginny. Nakapikit pa din
siya tapos unti unti niyang minulat yung mata
niya.
"Ah, ako si Marky. Ako yung muntik ng maka
bangga sayo kanina." hindi siya makatingin sa
dalaga, naaalala niya kasi yung inasal niya kanina
nung nagkita sila.
"Ikaw ba yung nag dala sakin sa ospital na to?"
nanghihina pa din yung boses niya, mukhang
malala nga yung lagay niya.
"Oo ako nga, asan pala yung pamilya mo? dapat
malaman nila yung nangyari sayo." napatingin
sakanya si Ginny, parang may mga luha na sa gilid
ng mata niya. Hinawakan niya yung kamay ni
Marky.

"Wala na kong magulang at nag mamaka awa ako
sayo, wag mong sasabihin to sa kuya ko please..
wag mong sabihin." umiiyak na siya kaya
nataranta lalo si Marky, hindi niya alam na wala na
pala siyang magulang. Nagtataka naman siya kung
bakit ayaw ipaalam ni Ginny sa kapatid niya yung
nangyari.
"Sige pero bakit hindi mo sasabihin sakanya? mag
aalala siya sayo. Isa pa paano na lang yung
gagastusin mo dito sa ospital?" binitawan na siya
ni Ginny, tumingin siya sa kisame tska niya
pinunasan yung luha sa mata niya.
"Susulatan ko na lang siya, sasabihin ko na may
pinuntahan lang ako. Ayoko siya mag alala. Isa pa
wala kaming pera at kapag nalaman niya yung
nangyari sakin, gagawa na naman siya ng
kalokohan para lang mag kapera siya para sa pag
papagamot ko."
"Paano ka?" umupo si Ginny sa kama, tinatanggal
niya yung mga nakakabit sakanya. Pinigilan
namam agad siya ni Marky. "Ano bang ginagawa
mo?"
"Hindi ko na kelangan mag pa gamot, mamatay
din naman ako eh kaya mag sasayang lang ako ng
pera. Aalis na ko dito." hindi siya binitawan ni
Marky.

"Tumigil ka nga! wag mong sabihin na mamatay ka
lang! madaming tao dyan na may leukemia na
lumalaban at gusto pang mabuhay. Kaya humiga
ka na dyan." nakatingin lang si Marky kay Ginny,
seryoso yung mukha niya tska nakakatakot.
"Hindi mo ko kelangang kaawaan. Hindi mo naman
ako kilala at wala naman dahilan yung pagka
bangga mo sakin sa sakit ko. Hindi mo ko
responsibilidad."
"Namatay yung mommy ko dahil sa leukemia.
Wala akong nagawa, pinanuod ko lang siyang
mamatay sa harap ko. Simula nun naging
miserable na yung buhay ko. Tingin mo anong
mangyayari sa kuya mo kapag may nangyari
sayo?" nagulat si Ginny sa sinabi ni Marky, naisip
niya na napaka insensitive niyang tao. Nakikita
niya sa mukha ni Marky na nasasaktan siya,
nasasaktan siya kapag naaalala niya yung tungkol
sa mommy niya.
"Sorry.. hindi ko alam."
"Ako ng bahala sa gastos mo dito basta magpa
galing ka. Naiintindihan mo?" nagtataka si Ginny,
hindi niya maintindihan kung bakit siya
tinutulungan ng ganito ni Marky. Hindi naman nila
kilala yung isa't isa, at wala naman dahilan para
tulungan siya ng ganito ni Marky.

"Hindi mo naman kelangan gawin to, wala din
akong pang bayad sayo. Kung iniisip mo yung
nangyari kanina wala yun, hindi mo naman ako
nabangga eh." hindi siya pinansin ni Marky.
"Mag pagaling ka, kapag okey ka na tska mo ko
bayaran. Ano okey na ba? tska wag ka mag alala
mayaman ako kaya barya lang yung gagastusin ko
sayo." tumayo si Marky sa upuan niya, desidido na
siyang tulungan si Ginny. Kahit ano pang tanggi
yung gawin niya, tutulungan niya si Ginny, yan
yung nasa isip ni Marky.
"Salamat.. pangako mag papa galing ako tapos
babayarin kita."

May ngiti sa mukha ni Marky nung umalis siya sa
kwarto ni Ginny. Pinuntahan niya yung doctor na
kausap niya kanina.
"Doc, ako ng bahala sa gastos ni Ginny sa ospital.
Siguraduhin niyo lang na hindi siya aalis dito. Eto
yung calling card ko, tawagan niyo na lang ako
kung may emergency."
"Sige iho, salamat." aalis na sana si Marky pero
may naalala siyang itanong sa doktor.
"Pwede bang ibigay niyo sakin yung address ni
Ginny? gusto ko sanang maka usap yung kuya

niya." tumango lang yung doktor tska niya inabot
yung papel na nag lalaman ng address nila Ginny.

Pinuntahan naman agad ni Marky yung lugar na
naka sulat sa papel. Malaking bahay yung nakita
niya pero mukhang luma na tska wala ng nakatira
dun. Na isip ni Marky na posibleng lumipat na ng
bahay yung kuya ni Ginny. Naisip din niya yung
sinabi ni Ginny na wala na silang magulang kaya
nga siguro sila nag hirap. Kung titignan mo naman
yung bahay, maganda siya at malaki. Halatang
mayamang pamilya yung nakatira dito dati.
Naka parada lang sa labas ng bahay si Marky.
Hindi niya maintindihan kung bakit niya tinulungan
si Ginny. Ang nasa isip niya naaalala niya yung
mommy niya kay Ginny. Yung mommy niya na
mahal na mahal niya na namatay nung ten years
old pa lang siya dahil sa leukemia. Nung nalaman
niyang may leukemia si Ginny meron siyang
naramdaman na kelangan niyang alagaan si Ginny,
kelangan niyang protektahan si Ginny. Meron pang
ibang dahilan kung bakit to ginagawa ni Marky
pero hindi niya maipaliwanag kung ano man yun.
Hindi maalis sa isip niya yung mala anghel na
mukha ni Ginny.

'Ano bang nangyayari sakin? bakit ba ko nag kaka
ganito dahil sa babaeng yun? Ano bang meron sa
babaeng yun?'
Yan yung nasa isip niya.

"Oo boss, ako ng bahala dun." may nakita siyang
lalaki na papalapit. Madalim kaya hindi niya makita
yung mukha nung lalaki. Posible kaya na siya na
yung kuya ni Ginny? pero nung naaninag niya
kung sino yun, iba yung pumasok sa isip niya.
Bakit nga ba hindi niya naisip agad si Alex? Siya
yung traydor ng grupo nila, yung dating utos
utusan lang sa Phoenix. Nabanggit sakanila ni
Jeydon na kanang kamay na si Alex ng bagong
leader ng Phoenix. Bumaba agad si Marky sa kotse
niya tska niya nilapitan si Alex.
"Long time no see." nalaglag ni Alex yung dala
dala niyang beer. Gulat na gulat siya na makita si
Marky, o sabihin na natin na takot siyang nakita
niya si Marky dito sa madilim na eskinita.
"Anong kelangan mo?" hinawakan ni Marky yung
damit niya. Nilapit niya si Alex sakanya, mas
matangkad si Marky sakanya kaya napa angat si
Alex.

"Alam mong madami akong kelangan sayo."
natatakot na ngayon si Alex pero ginagawa niya
lahat ng kaya niya para hindi mahalata yun ni
Marky. Alam niyang wala siyang laban sa lalaking
kaharap niya ngayon.
"Wala akong alam sa mga pinag sasabi mo Marky,
bitawan mo ko." sinunod ni Marky yung sinabi niya
pero bigla naman niya sinuntok si Alex. Natumba
siya sa kalsada, umupo si Marky para makaharap
niya si Alex, hinawakan naman niya yung damit ni
Alex.
"Isang beses ko lang to tatanungin sayo, sino yung
bagong leader ng Phoenix?"
Mabagal lang sinabi ni Marky yun, naka emphasis
lahat ng salita na sinabi niya. Seryoso siya sa
tanong niya at kilala siya ni Alex, he'll not accept a
no for an answer. Hindi na alam ni Alex kung
anong gagawin niya pero desidido siya na hindi
niya sasabihin kung sino man yung boss niya,
yung bagong leader ng Phoenix. Nag iisip siya ng
paraan para makatakas kay Marky, sakto namang
may dumating. Napa tingin si Marky kung sino
yun, sa sobrang gulat niya nabitawan niya si Alex.
Hindi na nag dalawang isip pa si Alex na tumakbo
at tumakas. Wala na din pakialam si Marky dahil
mas may pakialam siya sa lalaki na nasa harap
niya ngayon.

"Musta Kie?"
"Kelan ka pa bumalik?" tumayo siya para harapin
yung kaibigan niya na matagal na niyang hindi
nakita.
"Last week lang. Anong ginagawa mo dito? tska
sino yung ka away mo?" hindi pa din siya
makapaniwala na bumalik na si Shawn.
"Ah wala yun."
"Busy ka ba? gusto mo shot muna tayo?" hindi
naman niya tinanggihan si Shawn.

Uminom lang sila sa malapit na bar. Sa totoo lang
masaya si Kie na makita ulit si Shawn. Alam
niyang may hindi pag kakaintindihan si Shawn at
Jeydon pero hindi mo maalis sakanya na naging
malapit din sila dati.
"Pupunta sana ako sa engagement ni Jeydon kaso
naisip ko na baka mag ka gulo lang. Alam mo
naman na galit pa din sakin si Jaydee."
"Hindi mo siya masisisi, alam mo naman kung
gaano niya kamahal noon si Kim." uminom siya ng
beer, nawala na sa isip niya si Alex.

"Kasalanan ko bang mag ka gusto sakin si Kim? isa
pa mas maganda na nga yun eh at least hindi sila
nag katuluyan. Tingin mo karapatdapat si Kim
sakanya?"

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi magawang
magalit ni Marky kay Shawn dahil naiintindihan
niya yung sitwasyon nila noon. Alam niyang may
kasalan din naman si Shawn pero alam niyang
hindi niya yun ginusto.
Dalawang taon na yung nakakalipas simula ng
mabuwag yung Phoenix. Umalis sa grupo si
Jeydon, iniwan niya yung Phoenix. Lahat ng yun
dahil sa hindi niya matanggap na niloko siya ng
babaeng mahal niya at ng tinuturing niyang best
friend. Bata pa lang si Kim at Jeydon, naka
arranged na yung kasal nila. Ayaw ni Jeydon at ni
Kim sa isat isa dahil ang totoo si Shawn yung
gusto ni Kim pero dahil sa pag tutulak ni Shawn
kay Kim palayo unti unti niya na din nagustuhan si
Jeydon at ganun din si Jeydon. Minahal ng sobra ni
Jeydon si Kim, naging sila. Kaya nung isang araw
nakita niyang naghahalikan si Kim at Shawn
parang gumuho yung mundo niya. Binuwag niya
yung Phoenix, isang bwan siyang hindi nag pakita
kahit kanino. Nung bumalik siya pinatigil na niya
yung arranged marriage nila ni Kim. Kinamuhian

niya yung dalawang tao na naging importante
sakanya. Dun din nabuo yung APAT. Simula noon
si Marky na yung pumalit sa pwesto ni Shawn
bilang matalik na kaibigan ni Jeydon.

"Bakit hindi mo subukang kausapin ulit si Jeydon?"
natawa naman bigla si Shawn.
"Nakita ko siya kahapon, sa tingin pa lang niya
sakin mukhang galit pa din siya."
"Nag kita kayo? Saan?" ininom na ni Marky yung
natitirang bote ng beer.
"Sa park, kausap ko kasi si Candice." muntik na
niyang maibuga sa harap ni Shawn yung iniinom
niya. Nakita naman siya ni Shawn kaya natawa
siya.
"Kilala mo si Candice?" nasa isip ni Marky kung
sasabihin ni Shawn na kilala niya at gusto niya din
si Candice, napaka mapaglaro ng tandahan.
"Oo kilala ko siya, actually I like her." si Marky
naman yung matawa this time.
"Hinanda ko na yung sarili ko dyan, did you know
she is Jeydon's girl." natawa na din ngayon si
Shawn, napa tingin siya sa langit.

"Mapaglaro talaga yung tadhana.."
Pareho na silang naka tingin sa langit ngayon na
puno ng bituin. Pareho silang hindi nagsalita. Hindi
naman masisisi ni Marky si Shawn kung mag
kagusto siya kay Candice dahil kahit siya nag ka
gusto din kay Candice.

"Well I guess history will repeats it's self?"
napatingin sakanya si Marky, alam niya yung ibig
sabihin ni Shawn at hindi niya yun gusto. Masyado
ng masaya ngayon si Jeydon para guluhin la niya
ulit yung buhay niya. Nahalata naman ni Shawn
yung masamang tingin sakanya ni Marky.
"Don't dare Shawn."
"Haha! I don't know.. Don't get mad at me, you
know how it feels. Nag ka gusto ka din kay
Candice." nanlaki yung mata ni Marky sa sinabi ni
Shawn.
"How did you know?"
"I just know, I think I should go now. We're still
friends right Kie?" ngumiti siya kay Marky tska siya
tumayo.
"Haha! hindi ka pa din nag babago. Pumunta ka sa
tambayan para makita ka ni Charles at Troy."

"Nakita ko na si Troy, siguro dadalawin ko na lang
si tanda sa bahay nila. Sige, see you when I see
you." umalis na siya.

Nagtataka si Marky kung paano nalaman ni Shawn
na nag ka gusto siya kay Candice pero hindi niya
din naman magawang magalit sakanya dahil
kagaya ng sinabi niya nag kagusto din siya kay
Candice. Ang pagkakaiba nga lang nila matagal ng
kinalimutan ni Marky yung feelings niya kay
Candice para kay Jeydon. Iniisip niya na sana
ganun din yung gawin ni Shawn, dahil kung
papapiliin siya mas gusto niya ulit mabuo yung
tropa nila two years ago.
Tumunog yung phone niya..

Charles Calling..

"Bakit tanda?"
[Tulong.. Marky tulong..]
"Asan ka?! Anong nagyayari ha?!" nataranta bigla
si Marky, lahat ng kalasingan na nararamdaman
niya nawala.

[Dun sa warehouse.. sa school..]

Call ended.

Sumakay agad siya sa kotse niya, pinaandar niya
ng mabilis yung sasakyan niya. Hindi pa siya
sigurado pero may kutpb siya na Phoenix yung
may gawa nun kay Charles. Tinawagan niya si Troy
para pumunta dun sa warehouse.
Sabay lang silang dumating dun ni Troy. Nakita
nila si Charles na naka higa sa sahig, punong puno
ng dugo sa katawan. Nilapitan agad nila si Charles
na walang malay.

"Tanda gumising ka!" unti unti naman binuksan ni
Charles yung mata niya.
"Sinong may gawa neto ha? Sino?!" galit na galit si
Troy, hindi siya makapaniwala na nakikita niya
ngayon si Charles na naliligo sa sarili niyang dugo.
"Yung.. yung.." hinang hina siya.
"Wag ka ng mag salita, dadalhin ka na namin sa
ospital. Troy tulungan mo kong buhatin si Charles."

pinigilan na sila ni Charles bago pa sila makaalis.
Tinuro niya yung papel na nasa sahig.

Simula pa lang yan, kung ako sa inyo mag
hahanda na ko. Lalo ka na Jeydon Lopez. Ano
kayang mararamdaman mo kapag mismong binuo
mong grupo yung gagawa sayo neto? Let see..
- RED DRAGON

62: Just a kiss goodnight.

Special Chapter of Charles.

CHARLES POV

Asan na ba ko? puro puti yung nakikita ko sa
paligid. Wag mong sabihin na patay na ko? Pucha
akala ko ba matagal mamatay yung masamang
damo? ang huling pagkaka tanda ko may sungay

pa ko. Tska isa pa kung puti lahat ng nakikita ko
malamang langit nga to pero hindi ako qualified sa
langit eh.
"Hoy Charles!"
Taena sakit sa tenga ng boses na yun ah! Si
kamatayan na ba yun? baka sinusundo na ako
dito. Bigla tuloy akong kinilabutan, teka pati ba
patay kinikilabutan pa din?
"Wag kang mag tulog tulugan dyan ugok!"
Napansin ko lang nakapikit pala ako. Akala ko dilat
mata ko, kaya pala puro puti lang nakikita ko. Unti
unti kong binuksan yung mata ko, yung maganda
kong mata. Pag kadilat ko, nakita ko si Serena.
Galing pala sa amazong babae yung boses na yun.
Nasa ospital lang paa ako, sabagay puro puti
naman talaga makikita mo sa ospital di ba. Akala
ko talaga patay na ko, sayang yung lahi ko kapag
nangyari yun.
"See? sabi sa inyo eh, matagal mamatay yung
masamang damo." tatlo silang nasa paligid ng
kama ko. Si Serena, si Troy tska si Marky.
"Tanda, okey ka na ba? pinag alala mo kami ah."
umupo ako sa kama ko. Ouch! sumakit bigla yung
ulo ko tska yung buong katawan ko. Ano ba kasing

nangyari? Inalala ko yung huling nangyari bago ko
mawalan ng malay.

Nasa tambayan ako tapos may nag text sakin na
nasa warehouse daw ng school si Candice. Nag
alala ako kaya pumunta ako dun tapos may limang
lalaki na pa lang nag aabang sakin. Sinuntok na
lang ako bigla nung daawang lalaki, syempre
gumanti ako. Natumba agad silang dalawa kaso
hinawakan ako nung dalawang kasama nila sa
likod. Nung hawak na nila yung kamay ko tska nila
ko pinag tulungan. Sa totoo lang wala namang
panama sakin yung limang yun eh. Kaso hindi sila
patas lumaban! may tubo pa yung mga pangit na
yun. Malakas ako pero hindi ako si superman, hindi
ako si Jeydon. Taena kahit si superman nga may
kahinaan eh ako pa?

"Nahuli niyo ba yung may gawa sakin neto?"
tinignan ko yung dalawa pero hindi nila ako
sinasagot. Napatingin si Troy kay Serina, andito
nga pala tong babaeng to. "Serena pwede mo ba
kong ibili ng pagkain sa labas? gutom na ko eh."
"Aba may utusan ka ha! pasalamat ka baldado ka.
Makikipag away kasi hindi naman kaya yung sarili!
Hay ewan ko ba! Kahit kelan ang bad boy mo!"

umalis siya sa kwarto ko na nag dadabog pa din.
Ang dami pang arte ng babaeng yun, bibili din
naman. Mga babae naman talaga napaka daming
arte.
"Nung nakita ka niya kaninang walang malay,
sobrang nag aalala yung mukha niya." sus nag
aalala daw? wala yun sa bokabolaryo niya. Ang laki
pa ng ngiti sakin ni Troy, malisyo.
"Change topic! Sino gumawa sakin neto?"
"Nakita namin to sa sahig dun sa warehouse."
inabot ni Troy sakin yung papel. Ilang minuto ko
din tinitigan yung naka sulat dun, red dragon.
Isang tao lang yung alam kong gumamit ng red
dragon, si Jeydon. Hindi kaya yung bagong leader
ng Phoenix yung nag sulat nito? siya nga lang
yung pwedeng gumawa neto. Red dragon yung
pinangalan ng Phoenix kay Jeydon, sa leader
namin. Malamang red dragon din tawag ng
Phoenix sa bagong leader nila.
"Alam kong alam mo na din kung ano yung nasa
isip namin."
"Alam na ba ni Jeydon to? teka sinabi niyo na ba
yung nangyari sakin kay mama at kay Candice?"
lintek patay ako neto kay mama. Sisigawan na
naman ako nun tapos si manang pa, pag sasabihan
na naman ako nun. Pambihira talaga!

"Hindi pa namin sinasabi sakanila. Kay Serina pa
lang namin pina alam. Gusto mo bang sabihin
sakanila?"
"Wag! wag na wag niyong sasabihin!" kinuha ko
agad yung phone ko, nag text agad ako kay mama
na hindi ano makaka uwi ngayon. Kahit anong
palusot na lang ginawa ko. Mas mabuti ng hindi
nila alam yung nangyari sakin. "Marky, tingin ko
kelangan na natin to sabihin kay Jaydee." pareho
namin tinignan ni Troy si Marky, nag hihintay ng
sagot niya.
"Tama, ako ng bahala mag sabi sakanya. Mabuti
pa mag pagaling ka dyan." binuksan ko yung TV.
Medyo masakit pa din yung katawan ko pero
mukhang kaya ko na naman lumabas dito sa
ospital bukas. May laban pa kami ngbasketball,
paano na lang yung mga fans ko? May na alala
tuloy ako bigla.
"Troy i abot mo nga sakin yung salamin!" sana
mali yung nasa isip ko.
"Wala naman pinagbago Charles eh." pag ka abot
pa lang niya ng salamin tinignan ko na agad yung
mukha ko.
"PUTCHA! YUNG NAPAKA GWAPO KONG
MUKHA!"

Tinignan ko ng masama si Troy, eto ba yung
walang pinagbago? Hindi 'to pwede! anong
nangyari sa mukha ko? puro pasa na. Ang layo
layo na neto sa napaka gwapo kong mukha.
Pagbabayaran talaga ng mga yun yung ginawa nila
sakin! hindi ako titigil hangga't hindi ako nakaka
ganti sakanila. Wala silang karapatan sirain yung
mukha ko. Paano ko haharap bukas neto sa game
namin?

Biglang bumukas ng malakas yung pinto.

"Ang layo layo ko pa lang dinig na dinig ko na yung
boses mo! Anong problema mo Charles?!" hindi ko
siya pinansin, busy ako sa mukha ko. Nung
lumapit siya sa kama ko kinuha ko agad yung
pagkain na dala niya.
"Problema ko? Yung mukha ko!" tumawa siya ng
malakas, napa tingin tuloy kaming tatlo sakanya.
"Ngayon mo lang ba na realize na pangit ka?
Hahaha! nakakatawa ka talaga." hinawakan pa
niya yung tyan niya sa sobrang tawa niya. Simula
pa lang talaga alam ko ng takas siya sa mental eh.
"Iwan na nga namin kayo." lumapit sakin si Marky
tska si Troy. "Sige una na kami tanda."

"Ano wag niyo kong iwan sa baliw na babae na to!"
ngumisi lang silang dalawa sakin. Alam mo na
iniisip ng dalawang to eh! Malilintikan talaga silang
dalawa sakin kapag nakalabas na ko dito.
"Bye Charles!" dumeretso sila sa pintuan tapos
lumabas sila agad na tawa ng tawa.
"Wag niyo kong iwan sa amozona na to!"
binatukan niya ko, see? Amazona talaga.
"Ikaw wag ka na mag inarte dyan! aalagaan na
nga kita dyan eh! Arte mo pa?"
"Sino ba kasing may sabi na alagaan mo pa ko?
Kaya ko naman eh!" binatukan na naman niya ko,
pisikalan talaga gusto niya eh.
"Ouch ang sakit nun ah!" umupo siya sa tabi ko,
nag balat siya ng mansanas. Sasaktan niya ko
tapos ngayon pinag babalat niya ko ng mansanas?
Anong trip ng babaeng to.
"Yan naman gusto mo di ba? Sakit ng katawan?
hindi ka pa din nag babago."
"Nag nag bago na ko ah!" nilagay niya yung
mansanas sa plato sa harap ko, kinain ko na lang.
Sa tingin niya sakin parang hindi siya naniniwala
na nag bago na ko.
"San banda ka nag bago?" oh! tignan mo na.

"Mas gwapo na ko ngayon, mas macho tska
mas attractive. Isa pa, wala na kong gusto
sayo."

Sana hindi ko na lang sinabi yun. Hindi na ulit kami
nag usap ni Serina. Pakiramdam ko ang hirap
huminga, sobrang awkward. Kada mag sasalita
ako iiwas siya ng tingin sakin kaya ang ending,
hindi na lang ako mag sasalita. Hindi ko
maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Hindi
naman ako seryoso dun sa huli kong sinabi pero
ano bang paki alam niya? Buti na lang after ten
years nag salita na din siya, kundi mas sumakit
lang ulo ko.

"Matulog ka na." tumayo siya palayo sa kama ko,
kumuha siya ng unan tapos umupo siya sa may
mahabang sofa.
"Umuwi ka na." hindi siya tumingin sakin, humiga
siya sa sofa tapos tumalikod siya. Anong trip na
naman netong Serena na to? "Pst huy! sabi ko
umuwi ka na!"
"Wag ka ngang maingay dyan! babantayan kita.
Matulog ka na kung ayaw mong upakan pa kita

dyan." magsasalita pa sana ako kaso pinigilan na
naman niya ko. Bahala nga siya dyan, lakas ng trip
niya.

Sinubukan kong matulog pero kahit anong pilit ko
wala eh, gising pa din ako. Sinong lalaki ba yung
makaka tulog sa ganitong sitwasyon? Dalawa lang
kayo ng taong gusyo mo sa isang kwarto. Naka
talikod sakin si Serina, naka higa siya sa sofa
katabi ng kama ko. Hindi mo malaman kung nag
aalala ba siya sakin o hindi. Mapapaisip ka eh,
bakit naman niya ko sasamahan dito sa ospital eh
pwede naman siyang umalis na lang. Sino ba ko sa
buhay niya? Wala naman akong halaga sakanya di
ba? Naka patay na yung ilaw sa kwarto kaya ilaw
na lang ng bwan yung nag bibigay ng liwanag dito
kwarto. Maya maya napaharap sakin si Serina,
muntik na kong matumba sa kama ko. Naka tingin
kasi ako sa likod niya kaya nung humarap siya
akala ko mahuhuli niya ko na naka tingin sakanya.
Nanginginig siya sa sobrang lamig, ang nipis kasi
ng kumot niya eh. Hindi ko mapigilan yung sarili
ko, tumayo ako sa kama ko kahit medyo masakit
pa yung katawan ko. Lumapit ako sa sofa,
kinumutan ko siya. Nag indian seat ako sa harap
ng sofa para makita ko ng maayos yung mukha ni
Serina.

Maganda pa din siya katulad ng dati. Kapag gising
siya akala mo tigre pero kapag ganitong tulog siya
para siyang pusa na maamo. Napa tingin ako sa
labi niya, biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
Mas lalo atang bumilis yung tibok ng puso ko nung
bumukas yung mata niya. Taena! akala ko naman
tulog siya! Akala ko nung una mag wawala siya
pero tinignan niya lang ako sa mata ko. Hinila niya
yung kwelyo ko nilapit niya ko sakanya tapos
hinalikan niya ko.
T*angina nag dedeliryo na ata ako.
Si Serina? hinahalikan ako? ano to panaginip? Kaso
lahat ng tanong sa isip ko, unti unting nawawala.
Isa lang yung nasa isip ko, si Serina. Yung
babaeng una kong minahal, yung babaeng unang
nag paiyak sakin. Yung babaeng kahit ilang beses
na kong sinaktan, ginugusto ko pa din, minamahal
ko pa din.
Lalayo na sana ako kay Serina pero mas hinila lang
niya ko papalapit sakanya. Hinawakan niya yung
likod ng leeg ko, mas lalo lang naging deep yung
kiss namin. Feeling ko nag iinit na ko kaya nilayo
ko na agad yung sarili ko sakanya. Nung nakalayo
na ko, naka tingin siya sakin tapos naka ngiti siya.

"Ngayon sabihin mo saking hindi mo ko
gusto."

Hindi ako nakapag salita. Tumayo ako tska ako
tumalikod sakanya. Hindi ko alam yung sasabihin
ko, yung gagawin ko. Kung may katapat man ako
sa mundong to, siya yun. Siya lang yung babaeng
nag papa tikom ng bibig ko. Siya lang yung
babaeng kaya akong asarin tska barahin. Siya lang
yung nag iisang babae na minahal ko nga ganito,
ng isang bad boy na katulad ko.
"Ano na namang trip mo ha?" lumapit siya sakin.
"Gusto mo pa din ba ko?" hindi ako kaka sagot,
taena natameme na naman ako. Ano bang
sasabihin ko?
"Umuwi ka na ngang babae ka." humarap siya
sakin, naka tingin siya sa mata ko at mukhang
seryoso siya.
"Sagutin mo ko, gusto mo pa din ba ko?" Wag
kang aamin Charles, sasaktan ka lang ulit niya.
Wag na wag kang aamin.

"Hindi kita gusto Serina.. kasi mahal kita."

Taena! gusto kong bugbugin yung sarili ko. Ayoko
ngang aminin sakanya na mahal ko siya, kahit sa
sarili ko ayokong aminin yun. Kaso ang hirap pala
mag sinungaling sa sarili mo. Natakot ako sa
sasabihin niya sakin kaya tumalikod ulit ako
sakanya. Humarap ako sa bintana, kitang kita dito
yung bwan. Bilog na bilog siya, naalala ko tuloy
yung dati. Ganito.din yung bwan nun.

*4 years ago*

Bilog yung bwan, inaya ko si Serina sa park. Sabi
nila romantic daw kapag mag tatapat ka sa isang
babae kapag ganito yung moon.
"Anong gagawin natin dito?"
"May sasabihin ako, makinig ka." shet! parang
kinabahan ako bigla. Taena naman, ganito pala
kapag magtatapat ka sa babaeng gusto mo.
Matagal ko ng kilala si Serina, bata pa lang kaming
dalawa. Mag kasundo kami sa lahat ng bagay pero

siya din yung katapat ko. Wala akong
kinakatakutan maliban sakanya.
"Dalian mo! manunuod pa tayo ng movie sa inyo di
ba?"
"Serina gusto kita."
Naka tingin lang siya sakin, parang nagulat siya.
Sabi niya bilisan ko eh, tapos ngayon magugulat
siya. Akala ko may sasabihin na siya pero tumawa
lang siya.
"Anong trip yan ha?! Hahaha!"
"Seryoso ako gusto kita!"
"Iba na lang, wag ako." tumalikod siya sakin tapos
nag simula na siyang maglakad payo. Hinabol ko
agad siya.
"Serina, gusto kita. Seryoso ako, gustong gusto
kita! tingin ko nga mahal na kita eh!" hindi siya
tumingin sakin.
"Charles, sorry but I don't feel the same way."

Yun yung unang beses na nasaktan ako at umiyak
ako dahil sa isang babae. Lumaki akong bad boy.
Cutting classes, yosi, inom ng alak, puro basag ulo
tska puro laro. Aaminin ko puro ako babae, puro

ako chicks. Kaso simula ng dumating si Serina sa
buhay ko natutunan kong mag seryoso. Natutunan
ko mag mahal..

*End of flashback*

Bigla na lang akong niyakap ni Serina sa likod ko.
Niyakap niya ko ng mahigpit, hinawakan ko yung
kamay niya.
"Nung gabing nag tapat ka, natakot lang ako nun,
natakot akong mahalin ka kasi ayokong
masaktan."
"Anong sinasabi mo?" hindi ko ma gets kung
anong ibig niyang sabihin.
"Charles, mahal din kita."
Hinarap ko siya sakin.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo, mahal mo ko?"
hindi talaga ko makapaniwala. Totoo ba talaga to?
hindi naman to panaginip eh kasi ramdam ko pa
din yung sakit sa katawan ko.

"Bingi ka? Mahal nga kita!" ngumiti ako sakanya,
katulad nung ngiti ni Candice na ngiting abot
hanggang langit. "Sabihin mo din na mahal mo ko!
Dali!"
Ngumiti ako sakanya, hindi ko siya sinagot. Imbis
na mag salita ako hinila ko siya papalapit sakin
tska ko siya hinalikan. Nakahawak yung kamay
niya sa likod ko, ganun din ako. Yes it was a deep
passionate kiss but I know it was full of love. A
love that we kept just for ourselves for four years.
Ngayong nasa akin na si Serina, wala na kong
plano pang pakawalan siya.

It's the best kiss I've ever had.

63: Misunderstanding

*phone ringing*

Sobrang antok na antok pa ko. Binuksan ko yung
mata ko tapos tinignan ko yung orasan. Alas
kwatro ng umaga?! Sino bang abnormal yung

tatawag sakin ng ganitong oras. Napabangon agad
ako sa kama ko, isang tao lang yung kilala kong
ganun! Isang abnormal na pusang robot. Inabot ko
agad yung cellphone ko sa kay bedside table.
Tama nga si Jeydon nga yung tumatawag.
[Yah! What took you so long?] Hindi uso sakanya
yung hello eh nuh?
"Ang aga aga pa po kaya! Tulog pa ako eh."
[Gusto ko kasi boses ko yung unang maririnig mo
pag ka gising mo. Sorry baby..] waaa! ang aga aga
ang cheesy niya pero napa ngiti naman ako dun.
"Okey lang, eh bakit ang aga mo magising pusa?"
nakahiga pa din ako sa kama ko, ang sarap sarap
pa matulog bakit kaya gising na agad si Jeydon?
[Tumingin ka sa bintana mo.]

Tumayo ako sa kama ko, wag niyang sabihin na
nasa tapat siya ng bahay namin ah. Binuksan ko
yung kurtina ng bintana ko tapos napa tingin ako
sa labas. Aigoo! andyan nga siya, bakit nasa tapat
siya ng bahay namin ng alas kwatro ng umaga?!
[Good morning baby.]
"Anong ginagawa mo dyan?"

[May practice kami ng basketball, sabi kasi ni
coach mas maganda makapag practice kami ng
wala si tanda. Kaya dumaan muna ako dito para
mkita ka.] hindi maglalaro si Kuya Charles
mamaya? So ibig sabihin kaya nun tama yung
hinala ko na nakipag away siya?
"Asan si Kuya Charles?" hindi agad naka sagot si
Jeydon. "Nakipag away siya kahapon nuh?"
[Kilala mo naman yun eh, basta wag ka na mag
alala dun. Masamong damo yun eh.]
"Nag aalala din sakanya si Mama eh. Samahan mo
ko mamaya sakanya, kakausapin ko siya." nag
okey sign siya sakin.
[Matulog ka na ulit baby.]
"Okey, goodluck sa practice niyo. Uhm.. I love
you." kahit sa malayo kita ko na nag evil grin siya
sakin. Ano kaya nasa isip niya? Nag blush ba ko
nung nag I love you ako?

[Kiss ko?]
Yun pala yun eh, pasaway talaga. Nag flying kiss
ako sakanya tapos nag acting siya na sinalo niya
yung kiss ko. Hindi ko tuloy mapigilan na tumawa.

[Thanks for completing my day already baby. I
love you.] kahit nasa malayo siya alam kong
kitang kita niya yung ngiti sa mukha ko. Bakit
kapag siya yung nag sasabi ng salitang 'I love you'
may kakaiba akong nararamdaman.
"Pumunta ka na sa practice niyo, masyado mo na
ko pinapakilig dito eh." tumawa siya ng mahina.
[Go to sleep now.] tinapos niya yung call.
Tumalikod ako, papunta na sana ako sa kama ko
kaso bumalik ulit ako sa tapat ng binatana.
Nandun pa din si Jeydon, naka ngiti siya sakin.
Nag flying kiss siya sakin tapos tumawag ulit siya.

[Miss me already?]
"Gusto lang ulit kita makita para pag tulog ko ikaw
ulit yung kasama ko."
[I'll be there, okey? Sleep now.] bossy talaga ng
boyfriend ko na to. Okey his wish is my command,
haha!

Pagbalik ko sa kama ko, parang nawala lahat ng
antok ko. Naka tingin lang ako sa kisame, iniisip si
Jeydon.

Makita ko pa lang siya sumasaya na ako ng walang
dahilan. Sa mga simpleng bagay lang napapa ngiti
na niya ko. Lagi niyang pinaparamdam sakin na
mahal niya ko. Tuwing sinasabi niyang mahal niya
ko ang sarap sa pakiramdam.
Ang swerte ko pala talaga dahil may
boyfriend akong isang Jeydon Lopez.

Pinilit kong matulog ulit para hindi ako antukin
mamaya sa klase pero nawala na talaga yung
antok ko eh. Nag decide na lang ako na mag
jogging muna tutal maaga pa naman. Naligo agad
ako tska ako nag bihis ng shirt tska ng jogging
pants. Gusto ko sana manuod ng practice nila pusa
kaso baka maka storbo naman ako dun.
Pagka baba ko ng kwarto nasa baba na si Mama at
Yaya. Nagulat silang dalawa kasi ang aga ko daw
nagising, sabi ko nalang hindi na ko inaantok.
Kumain lang ako mg konti tapos umalis na ko ng
bahay.
"Good Morning world!" inunat ko yung kamay ko.
Feel na feel ko mag jogging ngayon, grabe pala
yung nagagawa ng flying kiss ni Jeydon. Naging
hyper ako masyado, haha!

Nag jogging ako sa subdivision namin habang
nakikinig ako sa iPod ko. Habang tumatakbo ako
biglang may kumalabit sakin, pag lingon ko nakita
ko si Lucas.
"Good Morning Noona." Mukhang pawis na pawis
na din siya, kanina pa siguro siya tumatakbo.
"Anong ginagawa mo dito Lucas?" dito kaya siya
nakatira sa subdivision namin?
"Napadaan lang, mas maganda kasi mag jogging
dito sa subdivision niyo kesa dun samin. Akalain
mo nga naman yun nakita pa kita."
"Oo nga eh, hindi ka na pumunta sa bahay nung
isang araw, gusto ka pa naman makita ni Mama."
"Okey lang ba kung ngayon na ko pumunta sa
bahay niyo?" naka ngiti siya sakin tapos napa
kamot siya sa ulo niya habang naka yuko siya. Ang
cute niya talaga para siyang batang nahihiya.
"Tara gutom na din ako eh."

Bumalik kami sa bahay, tawa ako ng tawa kapag
napag kwe-kwentuhan namin yung mga nangyari
samin dati sa Korea. Nung nasa Korea kami puro
kami kalokohan dati ni Lucas. Ang sarap kasi mag
bike tska mag gala dun after school, hindi katulad

dito. Saglit lang kami nag usap bago maka dating
sa bahay pero parang ang dami na naming nag
usapan.
Pag dating namin sa bahay tuwang tuwa si Mama
nung nakita niya si Lucas. Matagal ng kilala ni
mama si Lucas, kapag dumadalaw kasi silang
dalawa ni Kuya sa Korea dati palagi nilang nakikita
si Lucas. Best friend ko kasi dati si Lucas nung
nasa Korea kami.
Pinakain kami nila Mama ng breakfast. Habang nag
uusap sila sa kusina, naligo lang ako nag bihis
tapos lumabas na kami ni Lucas ng bahay. Ang
dami kasing tanong nila mama at yaya, nakaka
hiya tuloy sakanya.

"Asan pala si Charles?" natigilan ako sa tanong
niya, bigla ko ulit na alala si Kuya. Asan na nga
kaya yung unggoy na yun?
"Hindi ko alam eh, hindi umuwi kagabi."
"Hindi ba alam nila Jeydon kung nasan siya?"
mukhang nag aalala siya para kay Kuya. Ang lakas
tuloy ng kutob ko na nakilag basag ulo na naman
yung magaling kong kuya.
"Alam ni Jeydon kung nasan siya pero hindi niya
sakin sinasabi. Bakit?"

"May gusto lang kasi akong sabihin sakanya.
Hayaan mo na, for sure makikita ko din siya one of
this days." waaa umatake na naman ang pagka
curious ko.
"Ano yun?" tumawa siya tapos ginulo niya yung
buhok ko.
"Boys talk yun. Sige na pumasok ka na, may
pupuntahan pa ko eh. Bye Noona!"
"Okey, ingat ka. Kita na lang ulit tayo!" Nag
paalam na agad sikya sakin tapos nag lakad na ko
palabas ng subdivision namin. San kaya yun
pupunta? tska ano kaya yung sasabihin niya kay
kuya? Haha umiral na naman pagka tsismosa ko.

Parang ang laki na ng pinag bago ni Lucas simula
nung huli ko siyang makita. Mas nag mature na
siya ngayon although minsan para pa din siyang
bata. Hindi lang dahil sa itusra niya pati sa kilos
niya. Kahit mas matanda siya sakin dati, mas bata
siya kumilos tska mag isip dati. Kaya nga noona
tawag niya sakin kasi para niya kong ate nung
nasa Korea kami. Kaso ngayon ibang iba na siya,
ang laki na ng katawan niya. Ang macho macho na
ng dating niya pati boses niya. Feeling ko tuloy
ibang tao na siya.

"Noona Candice!" akala ko bumalik si Lucas pero
pag lingon ko si Jayshin yung nakita ko. "Noona! is
it true? Kayo na ni Hyung?!"
"Ha? ahm ano.. oo kami na." nanlaki yung mata
niya sa sinabi ko, may binulong siya na Korean
pero hindi ko narinig eh. "anong ginagawa mo
dito?"
"Nakita kita kanina kasama si Shawn, lalapit na
sana ako kaso nakawala sa kamay ko si princess
kaya hinanap ko muna siya tapos pina kuha ko kay
Baron tska kita hinabol." kaya pala siya hingal na
hingal eh pero bakit naman niya ko hahabulin?
Para akong nabunutan ng tinik na hindi niya dala
yung pusa ni Jeydon.
"Bakit mo ba ako hinahabol? tignan mo hinihingal
ka na." kawawa naman si Jayshin, mukhang ang
layo pa ng tinakbo niya para lang mahabol ako.
"Hyung told me na ihatid ka sa school niyo baka
daw kasi may umaligid sayo habang wala siya.
Crazy guy." sa sandaling yun napa ngiti ako. Ang
dami talagang alam ng pusa na yun!
"Baliw talaga yung kuya mo eh nuh." baliw pero
ang sweet ng ginawa ni pusa, minsan talaga kahit
OA siya mag selos nakakatuwa pa din.
"He's crazy for you."

Hindi ako nakapag salita, para akong tanga kasi
nag blush na lang ako bigla. Candice please
contain yourself, nakakahiya ka nasa harap ka pa
naman ng kapatid ng boyfriend mo.
"Noona, you're blushing!" ayan nahalat ka tuloy
agad, tawa siya ng tawa. Hala pagtawanan daw ba
ako? Huhu ang sama mo Jayshin!
"Hindi nuh! blush on lang yan. Sige na andito na
tayo sa school." Nakakahiya naman talaga oh
tapos tawa pa siya ng tawa kaso medyo naging
seryoso siya bigla.
"Noona please don't go near Shawn."
"Ha? bakit? pero kaibigan ko siya.." ano kaya nasa
isip neto ni Jayshin? Mukha na talaga siyang
seryoso eh.

"JAYSHIN!" napalingon kaming dalawa dun sa
sumigaw. Nakita namin sila Jeydon tska yung
buong basketball team.
"Hyung! What's your problem?" lumapit agad sakin
si Jeydon tapos nilayo niya ako sa kapatid niya.
Hala abnormal talaga.

"Sabi ko ihatid mo lang si Candice pero hindi ko
sinabi na kausapin mo ng matagal yung baby girl
ko." tumahimik lahat.
"BABY GIRL?!"
Lahat sila yan yung sinabi. Kasi naman to si pusa
kelangan talaga pag sigawan yung baby girl eh
>.<
"Bakit may angal? Tara na nga baby girl!"
hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya
ko papasok sa loob ng school. Lumingon ako sa
likod tinignan ko si Jayshin.
"Thanks Jayshin!"

Nagtawanan lang sila dun sa labas. Para naman
kasing ewan tong boyfriend ko eh. Lakas ng topak
eh ipapa hatid niya ko sa kapatid niya tapos ayaw
niyang mag usap kami. Di ba? ang lakas ng topak
eh. Ewan ko ba bakit ko siya naging boyfriend.
Haha!
"Dun kami mag lalaro sa Gillands high school.Mag
cheer ka sakin ah?" nag pout ako, ilang segundo
pa lang lumapit na agad sa mukha ko si Jeydon.
Muntik na niya na ko mahalikan buti na lang
napalayo ako tapos tumawa siya. Pasaway talaga,
ang dami daming studyante eh.

"Pasaway ka talagang pusa ka! Ang dami daming
tao hahalikan mo ko?" nag grin siya sakin tapos
hinila niya ko dun sa dulo ng corridor.
"Anong gagawin natin dito?" mas lalo lang siyang
nag grin sakin, evil grin.

"Ayan wala ng tao, pwede na ba kita i kiss?"
Wala nga talagang tao dito, kasi nasa dulo na
kami. Lumapit siya sakin tapos napasandal naman
ako sa pader. Ang lapit niya sakin tapos naka titig
pa siya sa mata ko. Namula agad yung pisngi ko,
sobrang init talaga. Madami na kaming kiss na
dalawa pero nararamdaman ko pa din yung
pakiramdam na parang ngayon pa lang kami mag
ki-kiss. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.
"Haha! It's cute when you're like that baby." Akala
ko hahalikan na niya ko pero tumingin lang ulit
siya sakin tapos naka ngiti siya.
"When I'm what?"
"When you're tense, it's like I'm kissing you for the
first time again." bakit alam niya? ganun ba ako
kahalata? huhu. Eh nakaka tense naman talaga
kapag isang Jeydon lopez yung hahalik sayo eh.

"Ikaw kasi eh.." hindi ako maka tingin sakanya,
feeling ko nag blush pa din ako. Pinisil niya bigla
yung chicks ko.
"Wag ka kasing nag po-pout, na tetemp akong
halikan ka eh." tumawa ulit siya tapos hinila na
niya ko papunta sa room ko. Nakaka temp ba
kapag nag gaganun? parang hindi naman eh.

Habang papunta kami sa room naka matanglawin
na naman mga schoolmate namin. Matagal na
kaya kaming nag lalakad ni Jeydon sa school na
mag kawak ng kamay pero akala mo first time nila
kami makita ng ganito. Minsan aalisin ko yung
kamay ko sa kamay ni Jeydon kasi ang sama na ng
tingin nila samin, ay mali sakin lang pala. Kaso
kada aalisin ko yung kamay ko sa kamay ni Jeydon
mas lalo lang niyang hinihigpitan yung hawak niya
sa kamay ko.
"Sumabay ka na lang kala Margot mamaya, maaga
kami punta dun sa kabilang school eh."
"Okey, paano pala si Kuya Charles? Asan siya?"
"You'll see him later. Dont worry." medyo
nabunutan na ko ng tinik. Naku makita ko lang
siyang may pasa humanda siya.
"Galingan mo mamaya ha?"

"Oo naman, and don't break your promise okey?
I'll be looking for it later." at anong promise naman
yun? Hala dapat isipin ko kung ano yun baka
magalit siya kapag di ko na alala. "Psh the
banner."
"Ah! Oo alam ko naman yun! Hehe. Oo promise."
Buti na lang nabanggit niya, hindi ko kasi na alala
eh, huhu ang bad ko.
"Okey see you later.."
Bago niya ko papasukin sa room ko, hinila niya ko
papalapit sakanya tapos niyakap niya ako bigla.
Syempre nagulat ako, niyakap lang naman niya ko
sa harap ng buong section one.
"Huy pusa! bakit mo ko niyayakap? ang daming
tao." nakayakap talaga siya sakin eh, sa tapat ng
room ng section one tapos pati mga dumadaan sa
corridor naka tingin samin.

"I just want to show them how much I love
you."

Hinarap niya ko, kinindatan niya ko tapos umalis
na siya. Baliw talaga siya! huhu nahiya tuloy ako
pumasok sa loob ng room. Buti na lang nakita ako

ni Margot kaya sumabay ako sakanya na pumasok
sa loob. Umupo agad ako sa likod na upuan
deretso nga lang ako eh. Yung mga classmates
namin nag bubulungan tapos biglang titingin sakin.
May iba parang kinikilig pa. Yung powerpuff girls
naman tahimak lang dun sa dulo, nakaka panibago
tuloy.
"Ang sweet naman ni Jeydon." ang laki ng ngiti
sakin ni Margot, oo na sweet na si Jeydon.
"Oo nga eh, lagi na lang akong pinapakilig." napa
tingin siya sa may bintana, ano kaya iniisip niya?
"Masarap talaga mag mahal ang bad boy."
Mukhang may pinanghuhugutan siya dun ah.
Siguro sweet din sakanya si Ginno. Dalawang taon
na sila ni Ginno. Mag tatagal din kaya kami ni
Jeydon kagaya ni Ginno at Margot? Hindi ko alam
at hindi ko sigurado pero sana nga kami na talaga.
Mahal ko pa lang si Jeydon, hindi ko pa siya mahal
na mahal pero kuntento na ko sakanya. Sobrang
lumulutang yung utak ko dahil kay Jeydon kaya
hindi ko namalayan na lunch na pala.

"Candice, gusto mo ba sabay na lang tayo mamaya
papunta sa Gillands high school?"
"Okey sige tamang tama wala akong kasabay eh."

"Okey sige, mabuti pa punta na tayong canteen
baka nandun na si Tiffany." pa tayo na ko sa
upuan ko tapos biglang nag beep yung cellphone
ko.

From: Doraemon<3
Kumain ka ng madami. I cheer mo pa ko
mamaya. :P

Naalala ko tuloy yung banner para kay Jeydon.
Gagawa pa ba talaga ako nun? huhu nakakahiya
naman tapos sa ibang school pa sila mag lalaro
ngayon. Kaso dapat gawin ko yun, dapat maging
supportive girlfriend ako para kay Jeydon. Isa pa
promise ko yun sakanya eh, yung banner tapos i
cheer ko siya. Ayaw ko naman sirain yung pangako
ko sakanya, ang tampuhin pa naman nun.
Habang papunta kami sa canteen dinaanan ko
yung locker ko, may extra kartulina kasi ako dun
kaya kinuha ko. Pag dating namin sa canteen
nandun na si Tiffany, busy na busy sa phone niya.

"Hello Tiffany! Sino yang katext mo?" nagulat siya
nung nakita niya kami. Bigla niyang tinago yung
cellphone na hawak niya. Aha! may tinatago siya.

"Margot akin na!" inaagaw ni Tiffany yung
cellphone niya inagaw kasi agad ni Margot yung
phone ni Tiffany.
"Candice oh! basahin mo kung sino yung katext
niya." hinagis niya sakin yung cellphone ni Tiffany,
buti na lang nasalo ko. Tinignan ko yung message
niya.

From: Boo<3
Punta tayo maya sa sushi house after ng
game namin. Punta ka ha cheer mo ko? haha.

Sino naman si boo? wag mong sabihin na..

"Si Troy ba tong ka text mo Tiffany?" parang
nataranta siya bigla. Haha! Confirm.
"Wala lang yan Candice.." hindi siya makatingin
sakin, lumapit naman sakin si Margot para makita
din niya.
"Ayie! Lovelife kung lovelife."
Hindi namin mapigilan na matuwa para kay
Tiffany. Alam naman namin kung gaano niya ka
gusto si Troy at mukhang in good terms sila.

Nakalimutan ko na nga si Ate Jaycee eh, paano na
pala sila ni Troy? Hays sana lang wag masaktan si
Tiffany pati si Troy. Sa kwento naman ni Tiffany
about sa mga date nila ni Troy, mukha naman
masayang masaya sila. Sa totoo lang mas gusto ko
mag katuluyan yung dalawa kong best friend.
Habang kumakain kami, ginagawa ko na yung
banner ko para kay Jeydon. Nilagay ko ng mga
glitters tapos nag drawing pa ko ng Doraemon sa
baba. Sana naman magustuhan niya to.

Go JEYDON! <3

Simple lang yan pero nag effort pa ko sa letterings
niyan pati sa design. Tapos yung doraemon na
drawing ko ang ayos ayos. Haha! Sana makita niya
to mamaya, wala na akong paki sa mga tao dun
mamaya. Mahalaga naman makita ni Jeydon yung
effort ko tska matuwa siya sa ginawa ko. Excited
na tuloy ako para mamaya.
"Ikaw na ang supportive girlfriend!"
"Gusto ko lang bumawi kay Jeydon. Okey ba?"
nagka tinginan sila ni Margot tapos tumawa sila.
Hala trip nila ko ah.

"Alam mo baka akalain nila mamaya ikaw yung
presidente ng fans club ni Jeydon."
"Ako naman talaga number one fan niya eh."
"Dapat pala gumawa din ako para kay Ginno! Hindi
na lang ako papasok sa next subject. See you later
girls!" tumakbo si Margot pa alis dun, pupunta ata
ng locker niya. Seryoso talaga siya ha? atleast
dalawa kami mamayang mukhang super fan girl.
Haha!
"Hay nako buti pa kayo may boyfriend na i chicheer mamaya."
"Eh si Troy? sabi niya i cheer mo siya." biglang
namula si Tiffany sa sinabi ko.
"Hindi ko naman siya boyfriend eh pero don't
worry kasi may nagawa na kong banner para
sakanya kahapon pa, maliit nga lang." hindi naman
siya prepared niyan ha?
"Ewan ko sa inyong dalawa ni Troy, ang
complicated niyo."

Nung nag bell bumalik na kami ni Tiffany sa room
namin. Nilagay ko muna sa locker ko yung banner
na ginawa ko.

Mabilis lang tumakbo yung oras ko, after ng math
pumunta na ko ng section eleven. Pag dating ko
dun seryoso sila na nag uusap usap. Hindi nga nila
napansin na nandun ako eh.

"Panigurado lalabas mamaya yung leader ng
Phoenix, kaylangan handa tayo." ano naman yung
Phoenix?
"Kasali si Brandon sa Phoenix kaya manunuod din
yung mga yung iba mamaya." Siya yung ka away
ni Kuya Charles ah, yung nang away sakin dati.
"Kung mag kaka rumble man mamaya handa na
ko, dapat hindi tayo magtalo. Wala naman yang
Phoenix na yan sating Badburn. Lalo na si Jeydon
yung leader natin."

"Rumble? Phoenix? Badburn? Si Jeydon yung
Leader?"

Lahat sila napa tingin sakin, nagulat silang lahat na
akala mo multo ko sa harap nila. Hindi sila
makatingin sakin halata mong may tinatago sila
eh.

"Wala bang mag sasabi sakin kung ano yung mga
narinig ko?"
"Ah kasi Candice.." binatukan ni Mir si Carl.
"Wala yun Candice." hindi pa din sila maka tingin
sakin. Naiinis na ko, anong akala nila sakin tanga
para isipin na wala lang yun?
"Carl sabihin mo sakin kung ano yun." napatingin
silang lahat kay Carl. "Wag niyo akong pag taguan,
involved dito yung boyfriend ko kaya please
naman."
"Kasi ano.."
"Candice, ayaw sabihin ni Jeydon sayo yung tugkol
dun. Magagalit samin si Jeydon kapag sinabi namin
sayo. Mas maganda kung si Jeydon yung
magsasabi sayo." gusto ko pa sanang magsalita
pero na realize ko na tama si Mir, kung may mag
mag sasabi man sakin neto dapat si Jeydon yun.

Dumating na si Sir Jason kaya bumalik na ko sa
upuan ko sa likod. Wala sila Jeydon, Troy, Ginno at
Six. Nasa Gillands High na sila para sa laban
mamaya. Hindi ko mapigilan makaramdam ng inis.
Bakit wala akong alam tungkol sa Phoenix na yun
tska dun sa Badburn na sinasabi nila? Girlfriend

ako ni Jeydon kaya may karapatan naman siguro
akong malaman di ba? Bakit kaylangan niya mag
lihim sakin? Bakit ayaw niyang ipaalam sakin yung
tungkol dun? Wala ba siyang tiwala sakin? Hays,
sobrang daming tanong sa isip ko. Feeling ko
parang balewala lang ako sakanya. Kung tungkol
man yun sa mga gang, maiintindihan ko naman eh
pero sana sabihin niya sakin. Ang hirap kayang
mag mukhang tanga na walang kaalam alam.
Nung last subject na parang wala na kong gana
pumunta mamaya sa game. Sobrang laking impact
nung nalaman kong mag lihim siya sakin. All along
hindi niya to sinasabi sakin? Sa iba ko pa narinig
yung tungkol dun. Nung nag bell na tuloy na uwian
na parang hindi ako masaya.

"Anong problema mo?" papunta kami ni Margot sa
locker ko para kunin yung banner na ginawa ko.
"Margot, may nabanggit ba sayo si Ginno about sa
Badburn?"
"Oo yun yung grupo nila ng Section eleven. Bakit
hindi ba sayo nasabi ni Jeydon? Siya yung leader
dun ah." Ouch naman, nag mukha na naman
akong tanga, Strike two. buti pa si Ginno sinabi
kay Margot.

"Oo alam ko yun, akala ko kasi nag bibiro lang si
Jeydon.. hehe." sige mag panggap ka lang Candice
para hindi ka mag mukhang ewan.

Pagkakuha ko sa banner pumunta agad kami sa
gate ng school. Nakita namin si Tiffany, naka pang
cheering siya na suot.
"Candice una na kayo dun, sabay sabay kasi kami
ng cheering team na pumunta dun. Kita na lang
tayo maya ha?"
"Sige see you!"

Naglakad lang kami ni Margot papunta sa Gillands.
Medyo malayo yun pero wala naman kaming kotse.
Nandun din pala mamaya yung cheering team.
Naisip ko bigla si Stacey, ano kayang mangyayari
kapag nag kita kami? Baka mamaya kalbuhin niya
ko lalo na kapag nakita niya yung banner na
ginawa ko para kay Jedydon.
"Asan na tayo Margot? Kanina pa tayo naglalakad
pero wala pa din tayo, for sure nag start na yung
game." tinignan niya yung phone niya.
"Mali pala tayo ng nilikuan kanina, sorry. Basta
deretsohin mo lang to Candice." ako lang?

"San ka pupunta?"
"May kaylangan pa pala akong puntahan. Nag text
kasi sakin si Ginno ngayon lang, may pinapabili
siya sakin, mauna ka na dun para may upuan tayo
ah?"
"Okey sige, mag text ka na lang sakin."

Tinignan ko yung cellphone ko pero wala namang
text si Jeydon. Buti pa si Ginno nagawang makapg
text kay Margot. Ano kayang ginagawa nun ni
pusa? ganun ba siya ka busy? ano ba yan parang
nagiging bitter na ko masyado.
Sinunod ko lang yung sinabi ni Margot, derederetso lang ako. Habang nag lalakad ako may
narinig akong ingay pag kalingon ko dun sa isang
eskinita may mga studyante na pinapalibutan yung
isang lalaki. Naka higa na yung lalaki sa sahig
tapos binubugbog pa din nila. Anong gagawin ko?
kawawa naman yung lalaki. Nag decide na lang
ako na humingi ng tulong kaso nakita nila ako.
"Hoy dyan ka lang!" sa sobrang takot ko hindi ako
nakagalaw. "Mag susumbong ka pa ha?"
Ang lalaki ng katawan nila, mukhang mga
gangster. Oh no! patay ako neto. Ang sama pa
naman ng tingin nila sakin tapos ang dami nila.

Pinalibutan lang nila ko, hindi tuloy ako
makatakas.
"Maganda pala to mga brad, pwede na." para
akong nanigas dun, anong gagawin nila sakin?
kinakabahan na ko.
"Oo nga chicks to brad, ayos to." hinawakan ako
nung isang lalaki.
"Bitawan niyo ko!" ang higpit ng hawak niya sakin.
"Eh paano kung ayoko ha?" nakakatakot tong
lalaki na to. Halata mong may balak siyang
masama.
"Isusumbog kita sa boyfriend ko!" nag tawanan
silang lahat. "Isusumbong ko kayo Jeydon!"
natigilan sila nung binanggit ko yung pangalan ni
Jeydon.
"Ikaw pala yung girlfriend niya? Sige isumbong
mo! bakit nandito ba siya?" nag tawanan na
naman sila, huhu naiiyak na ko.

"Bitawan niyo siya!"

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko na si
Jeydon yun. Dumating siya para iligtas niya ko,

katulad ng palagi niyang ginagawa. Kaso nung mas
lumapit yung mag salita, mali pala ako. Hindi pala
siya si Jeydon kundi si Lucas.
"Buhay ka pala Shawn?" siya pala yung
binubugbog nila kanin, hindi ko nakita kasi naka
talikod siya sakin.
"Gagu! matagal mamatay ang masamang damo."
lumapit siya samin puro na pasa yung mukha niya.
Naawa tuloy ako sakanya.
"Wag kang maki alam dito!"
Bigla niyang sinuntok yung lalaki na may hawak
sakin. Napa atras siya tska nabitawan niya ko.
Hinila ako ni Lucas papunta sa likod niya. Lumapit
samin yung kasama nung lalaki na humawak
sakin. Kahit madami silang umatake kay Lucas, na
iwasan naman niya lahat yun. Sinuntok niya yung
unang sumugod sakanya, sinipa naman niya yung
sumunod. Maya maya lang naka tumba na lahat
sila sa sahig, ang galing makipag laban ni Lucas.
Hinila niya agad ako pa alis dun.

"Okey ka lang Noona?"
"Oo salamat pala kaso ikaw ang dami mong pasa
oh!" muntik na siyang matumba kaya inalalayan ko

siya. Buti na lang napadaan kami dun sa park kaya
pina upo ko muna siya dun.
"Gagu talaga yung mga yun, hindi lang yun yung
aabutin nila sakin kung nasaktan ka nila."
Mukhang seryoso siya, galit kasi siya eh.
"Hindi naman ako yung nasaktan nila eh, ikaw
kaya. Gusto mo ba pumunta tayo sa bahay para
gamutin yan?" ngumiti lang siya sakin, tumingin
siya sa langit.
"Alam mo ba pangarap ko to." nagtataka ako na
tumingin sakanya, anong ibig niyang sabihin?
"Pangarap mong mabugbog?!" natawa tuloy siya
sa sinabi ko.
"Pangarap ko na iligtas ka kapag nasa panganib
ka." hindi ako makapag react sa sinabi ni Lucas.
Hindi tuloy ako maka tingin sakanya.
"Baliw ka talaga Lucas, tignan mo tuloy nangyari
sayo mas lalong dumami yung pasa sa mukha
mo."
"Naalala mo ba dati? ikaw yung palaging nag
tatanggol sakin kapag binu-bully ako sa school?
sabi ko sa sarili ko isang araw mapag tatanggol din
kita."

Napa tingin ako sa langit, na alala ko nga yung
mga yun. Palagi ko siyang pinag tatanggol sa mga
salbaheng bata na classmates namin dati sa Korea.
Mataba pa kasi siya dati kaya palagi siyang inaasar
ng mga classmates namin. Ang laki na talaga ng
pinag bago niya, ngayon kayang kaya na niya
yung sarili niya. Hindi na din siya yung matabang
bata na nakilala ko dati, ang ganda na ng katawan
niya tska for sure madami ng babae yung mag
kaka gusto sakanya. Oo nga pala yung mukha
niya!
Kinuha ko yung panyo sa bag ko, pinunasan ko
yung mukha niya.

"Noona I'm fine." hinawakan niya yung kamay ko,
nagulat ako kaya inalis ko agad yung kamay ko.
"Haha! Sorry.."
"Sino ba yung mga yun Lucas? bakit ka nila
binubugbog?" parang nag iisip pa siya kung
sasabihin niya sakin o hindi.
"Member sila ng Phoenix, ng bagong Phoenix."
narinig ko na naman yung Phoenix na yun. Hindi
na ko mapakali kaya nag tanong na ko kay Lucas.
"Lucas anong meron kay Jeydon at sa Phoenix?"
nagulat siya sa tanong ko. For sure mag mumukha

na naman akong tanga neto kasi wala akong alam
pero wala akong paki alam kasi kelangan kong
malaman ano ba talaga meron sa Phoenix.
"I shouldn't be the one telling you this Noona."
hindi siya tumitingin sakin.
"Please Lucas, ayoko ng mag mukhang tanga sa
lahat! kaya sabihin mo na sakin."
"Grupo namin dati yung Phoenix, si Jeydon yung
leader nun. After nila mag break ni Kim, binuwag
niya yung grupo. Ngayon may bago mg Phoenix, at
binabalikan nila yung mga dating member ng
Phoenix." ngayon medyo malinaw na sakin lahat,
nainis na naman ako nung narinig ko yung
pangalan ni Kim.
"Eh ano naman yung Badburn?"
"Yun yung bagong grupo na ginawa nila Jeydon, sa
pag kaka alam ko siya din yung leader nila."
naintindihan ko na lahat pero may isa pa kong
hindi maintindihan.
"Bakit niya binuwag yung Phoenix pagkatapos
nilang mag break ni Kim?" halatang nag aalangan
pa si Lucas sabihin. "Tell me."
"Kasali si Kim sa Phoenix, kaya nung nag break
sila hindi kaya ni Jeydon na makita si Kim tska
ako, because he saw us kissing. Kaya mas pinili

niya na buwagin yung Phoenix. He loves Kim so
much kaya mas gugustuhin niyang buwagin yung
grupo makalayo lang sakanya."
"Hindi man lang niya sinabi sakin yun.." mas lalo
lang tuloy akong nainis. Madami pa sana akong
tanong kay Lucas pero sa sobrang inis ko hindi na
lang ako nag tanong.
"Noona i understand him, hindi mo na dapat
malaman tong mga to. You should understand
him, he's your boyfriend."
"Yun nga eh! boyfriend ko siya! girlfriend niya
ko pero nag lilihim siya sakin! Anong akala
niya hindi ko maiintindihan yun?" pakiramdam
ko nag iinit na ko sa galit ko.
"Noona.. calm down."

Nilagay ko sa mukha ko yung kamay ko. Naiiyak
ako sa inis, hindi ko maintindihan si Jeydon. Ayoko
sa lahat yung may tinatago sakin at alam niya yun.
Di ba dapat sinabi niya sakin yung mga yun? Ano
bang akala niya hindi ko maiintindihan kapag
nalaman ko na may gang siya? Kay Kim naman
sinabi niya kasali pa nga siya dun eh. Naiinis
talaga ako, lalo na kapag naririnig ko yung
pangalan ni Kim. Kung gaano minahal ni Jeydon

nun si Kim. Pakiramdam ko walang wala yung
relasyon namin sa relasyon na meron sila dati ni
Kim.
Maya maya niyakap ako ni Lucas.
"Noona don't cry please."
Mas lalo lang akong naiyak, ganito pala kapag
sobrang naiinis ka mapapaiyak ka na lang. Halong
inis at selos na ata tong nararamdaman ko. Ang
OA ko ba para maramdaman to? hays..

"So hindi ka pumunta sa game namin dahil
kasama mo si Lucas? wow ha."

Pag ka angat ko ng ulo ko nakita ko si Jeydon,
Troy tska si Marky. Galit na galit si Jeydon,
nakatingin lang siya sakin.
"Jeydon mali ka ng iniisip." pinunasan ko yung
luha ko, tumayo ako para harapin siya.
"Anong mali sa nakikita ko? Alam mo bang natalo
kami sa game? Sa sobrang kaka isip ko sayo
pinatalo ko yung team tapos makikita lang kita
kalandian si Lucas dito sa park?!"

Gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya pero
pinigilan ko yung sarili ko. Hinawakan ako ni
Lucas, hinila niya ko papunta sa likod para
maharap niya si Jeydon.
"Wag mong tawagin ni Candice na malandi, wala
kang alam sa nangyari Jeydon."
"Ano Shawn? aagawin mo naman yung girlfriend
ko ha?! hobby mo na ba talagang manulot ha?"
nakita ko yung kamay ni Lucas na nag pipigil.
"Jeydon tama na! Walang kasalanan dito si Lucas.
Wala kaming ginagawang masama."
"Mag kayakap kayo tapos sasabihin mo na wala
kayong ginagawang masama?! wag niyo nga
akong gawing tanga! Mag lalandian na lang kayo
yung lantaran pa?!"
Bigla na lang sinuntok ni Lucas si Jeydon.
Susuntukin din sana ni Jeydon si Lucas pero na
awat siya nila Troy.
"Alam mo wala kang kwentang boyfriend!
You don't deserve Candice!"
Hindi makapag salita si Jeydon. Naka tingin lang
siya sakin tapos bigla siyang tumawa.
"At sino yung deserve niya? Ikaw Shawn? Haha!
Eh di mag sama kayo!"

Inalis niya yung kamay nila Troy sa braso niya.
Tinignan niya ulit ako bago siya umalis. Naiwan
naman dun si Troy at Marky.
"Sundan niyo na si Jeydon." Umalis naman silang
dalawa, susundan din sana ni Lucas si Jeydon pero
pinigilan ko siya.
"Wag na Lucas, wala kang kasalanan dito."
"Kaylangan niyang malaman yung totoo. Mali siya
ng iniisip eh!" pinunasan ko yung luha sa mata ko
pero hindi pa din tumitigil.

"Wag na.. hayaan mo na siya.."

Naglakad ako palayo sakanya. Hindi ko pa din
mapigilan na umiyak. Sakto naman umulan,
parang alam niyang umiiyak ako. Wala na kong
paki kung mabasa ako. Basta ang alam ko lang
ngayon.. nasasaktan ako.

64: Lover's Quarrel

Ang bigat pala sa pakiramdam kapag mag kaaway
kayo ng taong mahal mo. Walang text, walang
tawag, walang kamustahan.
Buong gabi ko inisip lahat ng nangyari kahapon.
Nilagay ko yung sarili ko sa sitwasyon ni Jeydon.
Paano kung isang araw makita ko sila ni Kim na
mag kayakap? Malamang ganun din yung magiging
reaksyon ko, siguro nga mas malala pa. Ang tanga
tanga ko naman kasi eh, hindi ko man lang naisip
yung game nila. Hindi ko man lang siya naisip pero
ang nakakainis lang, hindi man lang niya ko
binigyan ng chance para mag explain. Masyado
siyang nadala ng selos tska nang galit. Kung
tutuusin may mali din ako, hindi na nga ako
pumunta sa game niya tapos maaabutan pa niya
na mag kayakap kami ni Lucas. Kaso sapat na
dahilan na ba yun para sabihin niyang
nakikipaglandian ako? parang sinabi niya na din na
malandi ako. Ako na girlfriend niya.
Sa huli napag desisyunan ko na lang na hayaan
muna siya. May kasalanan din naman siya sakin
eh, nag lihim siya sakin. Isa pa kaya lang naman
ako umiyak dahil sa inis ko sa paglilihim niya
sakin, gusto lang ako i comfort ni Lucas nung time
na yun.

Ewan ko, naguguluhan na ko. Bahala na mamaua
kung anong mangyayari kapag mag kita kaming
dalawa.

"Candice, breakfast na."
"Okey yaya baba na din ako." sinilip ko muna yung
cellphone ko kung may text siya pero wala kaya
bumaba na ko.
"Manang tanghali ka na nagising ah." aba nandito
na pala tong magaling kong kuya at mukhang
kakaiba aura niya ah. Tinignan ko yung orasan,
ang aga pa.
"Kuya may sakit ka ba? ang aga mo nagising eh.
Six pa lang nuh." hindi niya ko sinagot, busy siya
sa cellphone niya tapos grabe yung ngiti niya.
Pumunta ako sa likod niya tapos tinignan ko kung
sino yung ka text niya at aabot na sa langit yung
ngiti niya.

From: Serena ko
I love you sweety pie. :-*

"Waaaaaa!" napatingin sakin sila mama at yaya.
Nagulat si Kuya Charles nung nakita niya ko, sa
sobrang busy kasi niya kaka text hindi na niya ko
napansin sa likod niya.
"Anak, anong problema mo ha?" ang sama ng
tingin sakin ni Kuya, mukhang alam na niyang
nabasa ko yung text niya.
"Sweety pie?! Hahaha!" hindi ko mapigilan yung
tawa ko. Babatuhin sana ako ni Kuya ng dyaryo
pero naka ilag ako.
"Hoy Candice subukan mo lang!" ang sama talaga
ng tingin niya sakin. Hindi ko pa din mapigilan
yung tawa ko. Sa lahat ba naman ng tawagan na
maiisip nila, sweety pie pa? for sure si Kuya
Charles nag isip nun.
"Si Kuya Charles na at Ate Serina!" lumayo agad
ako kay Kuya, tumabi ako kay mama. Gulat na
gulat sila ni Yaya sa sinabi ko.
"Ang ingay mo!" matutunaw na siguro ako sa
tingin sakin ni Kuya.
"Hahaha! di ba inunahan mo din ako na sabihin
yung tungkol samin ni Jeydon? kaya quits lang
tayo." akala niya nakalimutan ko na yun? wahaha.
"Charles naman bakit hindi mo man lang samin
sinabi? botong boto naman ako kay Serina eh."

obvious na obvious naman sa reaksyon ni mama
eh.
"Mama nung isang araw lang naman naging kami,
sasabihin ko naman eh. INUNAHAN lang ako ng isa
dyan." naka diin talaga yung pagkakasabi niya ng
inunahan ah, with matching titig pa yun. Eh bakit?
ginawa din naman niya sakin yun dati ah.
"Aba parehong in a relationship na ang alaga ko.
Dapat mag celebrate tayo nyan." umupo ako sa
table, kumain ako. Celebrate? eh mag kaaway nga
kami.
"Oh anong problema mo anak?" hindi ano, sino.
Amp! ayoko malaman nila mama na mag ka away
kaming dalawa ni Jeydon.
"Wahaha! baka LQ sila ni Jeydon." sinamaan ko ng
tingin si Kuya. Epal talaga siya eh nuh, masaya pa
siya na mag ka away kami. Gumaganti talaga siya
sakin.
"Hindi wala to."

Umalis ako ng kusina. Dumeretso ko sa kwarto ko
tapos nag ready na lang ako. Pagka baba ko ng
kwarto nag pa alam na ko kala mama. Tatanungin
na naman ako nun nila mama, hindi pa naman ako
magaling mag sinungaling. Isa pa for sure pag

uusapan nila sila Kuya Charles at Ate Serina, at ma
bitter lang ako dun.
Pambihirang pusa kasi na yun sobrang lakas ng
topak. Kung mag selos wagas eh. Pag nakita ko
siya baka ma batukan ko siya.
Pagdating ko sa school ang iingay ng mga
studyante. Lahat sila isa lang yung pinag uusapan,
yung game kahapon. Luh? hindi ba sila maka get
over din? move on din pag may time.

"Bakit kaya ganun yung laro ni Jeydon kahapon?"
"Parang hindi si Jeydon yung naglalaro kahapon,
hindi man lang siya naka puntos."
"Ang galing ni Marky nuh, sayang nga lang wala sa
laro si Jeydon."
"Okey lang yan, may chance pa naman tayo sa
finals eh. Sana lang maging okey na yung laro ni
Jeydon."

Anak ng siomai. Unli ba silang lahat? puro na lang
Jeydon! bakit si Jeydon lang ba yung naglaro
kahapon? andun din naman si Marky, si Troy, si
Ginno tska si Six. Akala mo naman si Jeydon lang

yung member ng basketball team. Hindi ko
maintindihan sarili ko ngayon, bakit ba ko na iinis
na marinig yung pangalan ni Jeydon? ang weird.
Bitter much ba ko?
Pumunta na lang ako ng locker ko. Ilalagay ko dun
yung banner na ginawa ko kahapon. Hindi ko kasi
alam kung itatapon ko na siya o hindi eh. Wala na
din naman sigurong paki alam si Jeydon dito sa
ginawa ko.

*blag*

"Ouch!"

Nauna yung pwet ko sa sahig, huhu ang sakit nun
ah.

"Sorry."
Inabot niya sakin yung kamay niya. Nung nakita
na namin yung mukha ng isa't isa parang pareho
kaming nanigas sa kinakatayuan namin. Inalis niya
agad yung paghawak niya sa kamay ko. Naka
tingin lang ako sakanya. Hindi ko alam yung

gagawin ko? Kakausapin ko ba siya? anong
gagawin ko? Mas mabuti pa nga kausapin ko na
siya para matapos na to.

"Jeydon yung kahapon.." hindi man lang niya ko
pinatapos sa pag sasalita ko.
"Save it, I don't need your explanation."
Blanko lang yung mukha niya, walang emosyon.
Parang hindi nga siya si Jeydon eh, parang ibang
tao siya. Yung tingin niya parang wala siyang
pakialam sakin. Tinignan niya yung phone niya
tapos umalis na siya. Feeling ko may kung anong
kumirot sa puso ko. Nakatulala na lang tuloy ako
dito, what the F did just happen?
He didn't need my explanation?
Okey fine, ako na nga tong makikipag ayos pero
ayaw pa niya. Wow naman ang taas ng pride niya.
Kung ayaw niyang maging okey kami, eh di wag!
panindigan niya yun ah. Hay nako! naiinis talaga
ko, parang napahiya ako dun.
Pumunta na ko sa room ng section one, feeling ko
nag iinit ako sa sobrang inis. Pag dating ko sa
room lahat sila napa tingin sakin tapos nag
bulungan sila. Ano na naman kayang meron sakin?
Araw araw na lang iba iba yung issue meron ako.

"Candice, sorry kahapon. Siguro kung hindi kita
iniwan hindi kayo mag aaway." umupo ako sa tabi
ni Margot.
"Wala yun, isa pa nangyari na eh." nilapag ko sa
armchair yung ulo ko. Nangyari na lahat, nag away
na kaming dalawa.
"Gusto mo bang kausapin namin si Jeydon para
mag ka ayos kayo?" inangat ko ulit yung ulo ko.
Nilabas ko na lang yung libro ko. Hindi nga pala
ako dapat nag mumukmok dito. Nakipag ayos na
ko sakanya pero anong sabi niya? He didn't need
my explanation.
"Hayaan niyo na siya, yan yung gusto niya eh.
Mabuti pa wag na natin siya pag usapan."
Kahit sa libro ako naka tingin kita ko pa din na
gusto pa ni Margot mag salita. Siguro pipilitin niya
ko makipag ayos kay Jeydon. Makipag ayos? wag
na lang, panigurado naman na hindi niya ulit ako
kakausapin, gagawin ko lang tanga sarili ko
katulad kanina. Ako na nga gumawa ng effort mag
ka ayos kami pero wala mas pinairal niya yung
pride tska selos eh. Panindigan niya talaga yang
ginawa niya!
Buong class nakinig lang ako sa teacher namin.
Hindi ko siya inisip, para san pa ba? Ako ba iniisip
niya? eh mukhang busy naman siya sa katext niya

sa phone niya. Baka nga si Kim pa yung katext
niya eh, eh di mag sama sila.

"Okey class dismiss.."

Hindi ako sumama kay Margot sa tambayan ng
apat. Ayoko makita si Jeydon eh tska for sure
ayaw din niya ko makita. Pumunta na lang ako sa
library, mas tahimik pa dun.
Pagka dating ko dun kumuha agad ako ng libro ni
Nicholas Sparks. Nung nag babasa ako, may
pakiramdam akong may naka tingin sakin. Pagka
tingin ko sa harap mo muntik na mo mapasigaw,
buti na lang napigilan ko sarili ko.
"Anong ginagawa mo dito?" he just frown at me.
"Last check ko, free for all the students naman
tong library." ngumiti siya sakin, ay mali ngumisi
siya.
"Okey sabi mo eh." binalik ko yung tingin ko sa
libro na hawak ko. Oa ko lang siguro pati si Marky
napag babalingan ko ng inis ko.
"Mag kakilala na pala kayo ni Shawn?"

"Oo, best friend ko siya nung nasa Korea pa ko."
bakit kaya Shawn tawag nila kay Lucas? mas okey
naman yung Lucas.
"Alam mo best friend din siya ni Jeydon.. dati."
parang alam ko na kung saan papunta yung
usapan namin.
"Nasabi nga niya sakin pero kung ano man meron
sila noon wala na ko dun." kinuha niya yung libro
na binabasa ko. Yung tingin sakin ni Marky
seryosong seryoso, medyo nakakatakot nga eh.
"Makinig ka ng mabuti sakin." hindi na lang ako
umangal, promise nakakatakot na siya ngayon.
"O-okey.. a-ano ba yun?" nauutal na tuloy ako.
"Pinagkatiwalaan ni Jeydon si Shawn, tinuring na
nga niyang kapatid si Shawn nun eh. Isang araw
nakita niya na nag hahalikan si Kim tska si Shawn,
nakita yun ng dalawang mata niya. Alam mo ba
kung gaano ka sakit yun Candice? pakiramdam ni
Jeydon pinag taksilan siya ng dalawang tao na
pinaka importante sakanya. Kaya nung nakita niya
kayo ni Shawn na magkasama, natakot siya na
maagaw ka din ni Shawn sakanya."
"Wala naman kaming ginagawa! Umiiyak ako nun
kaya niyakap niya ko para na din siguro i comfort
ako. Hindi man lang ako hinayaan ni Jeydon mag

explain." medyo tumaas yung boses ko habang
sinasabi ko yun. Pag katapos ko mag salita,
kinalma ko yung sarili ko.
"Kilala mo naman si Jeydon di ba? Nadala lang siya
ng selos niya, ng galit niya. Candice, intindihin mo
naman siya."
"Ako na lang ba laging iintindi? Paano naman ako
Marky? Nag lihim nga siya sakin about sa Phoenix
at Badburn eh!" natulala na lang si Marky sa sinabi
ko. Nagulat siguro siya na may alam na ko about
dun.
"Sinong nag sabi sayo?"
"Hindi na importante kung kanino ko nalaman,
importante may alam na ko. Nag mukha lang
naman akong tanga. All this time pala wala akong
ka alam alam."

Kinuha ko yung bag ko tska ako tumayo, mas lalo
lang akong naiinis eh. Bago pa ko makaalis sa
upuan ko pinigilan na ko ni Marky. Hinawakan niya
yung kamay ko para hindi ako makaalis. Sakto
naman na nakita namin si Jeydon. Kakadating lang
niya sa library, natigilan siya nung nakita niya
kami. Nakatingin lang siya samin tapos maya
maya napatingin siya sa kamay namin ni Marky.

Inalis agad namin ni Marky yung kamay namin sa
isa't isa. Ang sama lang ng tingin niya samin, hindi
niya kami pinansin tska siya umalis. Ano na naman
iisipin niya? na nakikipag landian ako kay Marky?
"Pambihira talaga, ano na naman iisipin ng
mokong na yun." pareho pala kami ng iniisip ni
Marky.
"Marky hayaan mo na lang siya, gusto naman niya
yan eh. Wag mo na din akong pilitin makipag ayos
kasi ginawa ko na yun at napahiya lang ako."
umalis na talaga ako sa library.
Dumeretso na ko sa math class ko. Umupo agad
ako sa upuan ko sa likod. Maya maya dumating na
din si Jeydon. Hindi ako tumigin sa kanya, naka
tingin lang ako sa notebook ko.
Hanggang dumating si Mr. Gomez hindi pa din ako
tumingin sakanya. Feeling ko hindi ako mapakali,
hindi ko nga siya pinapansin pero aware na aware
naman ako na nasa tabi ko siya.
"Okey class, I want you to have your partner.
Make a problem and let your partner answer it."
Lumingon ako sa kanan ko pero may partner na
yung katabi ko. Si Margot din meron na tska
parang lahat sila meron na. Kami na lang ni Jeydon
yung wala. Paglingon ko sakanya hindi siya naka

tingin sakin pero may inabot siya saking papel.
Gumawa agad ako ng problem tapos inabot ko
sakanya.
Pagka tingin ko sa problem na ginawa niya,
sobrang hirap. May galit talaga siya sakin eh nuh?
Sana pala hinirapan ko din yung sakin. Nakaka inis
talaga siya.
Muntik ko ng hindi masagutan yung problem na
ginawa niya, buti na lang bago mag bell natapos
ko na din siya. Pagkapasa ko ng papel ko umalis
agad ako tapos dumeretso ako sa Section Eleven
para sa Science class ko. Kung mamalasin ka nga
naman classmate ko din dun si Jeydon.
Pag dating ko sa Section Eleven, tahimik lahat sila.
Dumeretso agad ako sa upuan ko sa likod, naka
upo na dun si Troy.
"Hi best friend! Okey ka lang?" ngumiti ako
sakanya. Walang dahilan para hindi ako maging
okey.
"Bakit naman ako hindi magiging okey? may
nangyari ba?" nagulat siya sa sinabi ko tapos
tumingin siya sa likod ko. Pag kalingon ko nakita
ko si Jeydon na nakatayo sa likuran ko. Dumeretso
lang siya dun sa upuan niya katabi ni Troy.

"Sang club ka nga pala nag pa lista? club activities
lang gagawin natin sa last subject."
"Sa music club ako." nag pout siya bigla.
"Dapat dun ka nag pa lista sa dance club! dun
kaming lahat eh, si Marky lang nandun sa music
club." magsasalita sana ako kaso nag salita naman
si Jeydon.
"Troy wag ka mag aya ng member sa club natin na
hindi marunong sumayaw." bakit sino bang may
sabi na sasali ako dun? Ang epal talaga niya, akala
naman niya gusto ko sa club nila.
"Alam mo Troy wala naman akong interes na
sumali sa club niyo. Lalo na kung may epal kang
ka member dun." tumawa ng malakas si Jeydon,
anong problema niya?
"Sabihin mo gusto mo dun kasi nandun si Marky."
hindi naman yun yung dahilan ko eh, music talaga
yung gusto ko kaya dun ako sumali. Kung yan
yung iniisip niya eh di papanindigan ko na lang.
"Oo sumali ako dun dahil kay Marky, masaya ka
na?" natigilan siya sa sinabi ko. Tahimik lang
kaming tatlo.
Hanggang matapos yung Science class namin hindi
kami nag usap na tatlo. Masyado siyang TH eh,
tamang hinala.

Pag punta namin sa field hinanap ko agad yung
music club. Nandun na si Marky, kasama yung
ibang member namin.

"Hi Candice! buti dito ka nag pa lista." may hawak
hawak siyang gitara. Yung iba naman naming ka
member may kanya kanya din na instrument na
hawak. Akong lang yung walang dala dala.
"Wala akong instrument Marky, paano yun?"
"Okey lang yun, ikaw yung kakanta para sa club."
lahat sila naka tingin sakin. Waaa bakit naman
ako?
"Panget kaya ng boses ko! dapat ikaw na lang eh."
umupo kaming lahat sa mini stage ng club namin.
"Mag duet naman tayo eh, tapos yung iba mag
play ng instruments. Okey ba yun?" lahat sila
pumayag, paano naman ako? paano kung ayoko?
huhu.

Tumugtog bigla yung gitara ni Marky, pangarap
lang kita ng parokya yung kakantahin namin. Wow
goodluck kung kaya ko to. Habang kumakanta si
Marky, napansin ko na yung ibang studyante
nanunuod na samin. Nung ako na tuloy yung

kakanta, kinabahan ako bigla. Buti na lang ngumiti
sakin si Marky kaya inisip ko na lang na parang
nasa music hall lang kami. Yung kaming dalawa
lang dun tapos walang nanunuod. Effective naman
siya kasi mukhang okey naman yung kinalabasan.
Lahat sila nag palakpakan yung iba inaasar pa
kaming dalawa ni Marky.
Pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya
napatingin ako sa harap. Muntik na ko malaglag sa
upuan ko kasi nakita ko si Jeydon na naka tingin
sakin. Nung napansin niyang naka tingin na din
ako sakanya bigla siyang umiwas ng tingin. Bigla
naman tumawa si Marky.
"Bakit?"
"Wala lang." sobrang lawak ng ngiti niya. Ano na
naman iniisip niya?
Tumugtog ng malakas yung speaker ng dance
club. Nakatayo si Kuya Charles, si Troy tska si
Jeydon sa mini stage ng club nila. Yung ibang
member kasama na dun si Tiffany, naka upo lang
habang pinapanuod sila. Nung tumugtog na yung
'Teach me how to dougie' lumapit sakanila halos
lahat ng studyante. Ang lakas ng tilian nila hindi pa
nga sumasayaw yung tatlo. Nung nag start na
silang sumayaw, kay Kuya Charles lang ako naka
tingin, ayoko nga tumingin kay Jeydon. Okey
naman yung sayaw ni Kuya, napatingin ako kay

Troy, malambot din yung katawan niya. Nung
chorus na kahit anong pigil ko na wag tumingin
kay Jeydon wala din akong nagawa kung hindi
mapa tingin.
Hindi lang basta malambot yung katawan ni
Jeydon, may dating pa siya. Ang angas angas niya
tignan kapag sumasayaw siya. Ang sexy niya
tignan tska mapapatingin ka talaga. Naalala ko
tuloy nung nakita ko din siya na sumayaw kala
Marky. Ganito din yung feeling ko nung time na
yun. Tinitilian siya ng mga studyante, akala mo
naman sila yung sinasayawan ni Jeydon.
Pagkatapos nilang sumayaw bigla siyang
napatingin sakin, bumilis yung tibok ng puso ko.
Umiwas agad ako ng tingin sakanya, baka mamaya
isipin pa niya pinag papantasyahan ko pa siya.
Naka tingin lang kaya ako.
"Alam mo hindi ko kayo maintindihang dalawa.
Halata naman na miss niyo na yung isa't isa eh.
Nauunahan lang kayo ng pride." tingnan ko ng
masama si Marky. Ako miss siya? hindi din.
"Wag ka nga mag joke dyan." kinuha ko yung bag
ko tapos umalis ako dun. Naririnig ko pa din yung
tawa ni Marky kahit nasa malayo na ko. Mabuti pa
talaga na umalis na ko dun.

Pumunta ako sa locker ko, nilagay ko dun yung
ibang libro ko. Nung nakita ko yung banner na
ginawa ko para kay Jeydon, kinuha ko siya agad.
Dapat dito tinatapon na eh.
Pagsara ko ng locker ko naka bangga ko ulit si
Jeydon. Amp! hobby niya ba talagang banggain
ako? nalaglag ko tuloy yung banner. Pareho
kaming napatingin sa banner tapos kinuha niya
bigla. Tingnan niya yung harap ng banner, kinuha
ko naman agad sakanya. Pag kakuha ko nun
tinapon ko agad sa basurahan tapos umalis na ko.
Bago ako umuwi, kumain muna ako sa canteen.
Habang kumakain ako feeling ko may naka tingin
na naman sakin. Kinabahan tuloy ako bigla kaya
umalis na din ako. Mas mabuti pa umuwi na lang
ako.
Dumaan muna ako dun sa park na lagi kong
tinatambayan. May nakita akong ice cream kaya
bumili muna ko. Pag lapit ko kay kuyang nag
titinda ng ice cream nakita ko si Jeydon.
Sinunsundan kaya ako neto? kung nasan ako
nandun din siya eh.
"Kuya Cookies and cream nga po." inabot ko yung
bayad ko pero tinabig ni Jeydon yung kamay ko.
"Kuya ako nauna dito kaya sakin mo ibigay yang
cookies and cream." inabot naman ni kuya yung

bayad niya. Ano bang problema ng abnormal na
to? akala mo naman mauubusan siya.
"Kuya ako din po isang cookies and cream." bakit
kaya naka ngiti si Jeydon? ano na namang trip
niya?
"Ay miss sorry, last na kasi yun eh. Chocolate na
lang meron ako dito." tinignan ko ulit si Jeydon.
Tinignan ko siya ng masama pero patay malisya
lang siya. Binuksan niya yung ice cream niya tapos
parang iniingit pa ko.
Sa inis ko kinuha ko agad yung ice cream ko tapos
umalis na ko dun, dumeretso ako sa swing. Buti na
lang may isa pang bakante dun, pag lapit ko
biglang umupo dun si Jeydon. Pambihira! ang epal
talaga niya.
"Sorry nauna ako eh." inaasar pa niya ko sa ngiti
niya. Argh! nakaka inis siya.
"Eh di ikaw na!" tinapon ko sa harap niya yung ice
cream na hawak ko. Nakaka inis talaga siya!
Naglakad na lang ako pauwi sa bahay. Siguro
naman walang Jeydon na mang gugulo sakin dun.
Makaka hanap ako ng peaceful life sa bahay.
Feeling ko na naman may naka tingin sakin,
binilisan ko yung lakad ko. Pag dating ko sa bahay
nag bihis agad ako tska ko humiga sa kama ko.

Buti na lang talaga walang manggugulo sakin dito
sa bahay.

*ding dong*

"Candice buksan mo yung pinto!" tumayo agad ako
tapos pumunta ako sa gate.
Pag bukas ko sa gate nakita ko si.. Jeydon! Ano
bang kamalasan meron ako? Sinasadya niya ba
talaga to para maasar ako?
"Anong ginagawa mo dito?!" hanggang dito ba
naman iinisin niya ko? Argh!
"Pinapunta ako ni Charles dito eh." hindi niya ko
hinintay na papasukin ko siya. Tinulak niya ko
tapos bigla na lang siyang pumasok sa loob.
Hindi ko na lang siya pinansin, umakyat ako sa
kwarto ko tapos nag lock ako ng pintuan. Siguro
naman hindi na niya ko magugulo dito. Nanuod
lang ako ng TV habang katabi ko si Cholo. Umalis
na kaya yun si Jeydon? nagugutom na ko eh. Wala
pa naman pagkain dito sa kwarto ko.
Dahil hindi ko na kaya yung gutom na
nararamdaman ko, bumaba na ko ng kusina.

Kumuha ako ng brownies sa fridge. Pagbalik ko sa
kwarto ko naka upo na sa kama ko si Jeydon
hawak hawak niya si Cholo.
"Hoy sinong nag sabi sayong pumasok ka dito?"
"Nag print lang ako sa computer mo, hindi kasi
gumagana yung kay Charles." meron nga siyang
pini-print. May printer naman sila sa bahay dito pa
siya sakin makiki gamit. Nagugulo pa tuloy niya
ko.
"Cholo wag kang dumidikit dyan! dog hater yan.
Come to mommy!" hindi nakinig sakin si Cholo,
sarap na sarap pa siyang naka higa sa kama
habang hinahawakan niya si Jeydon. Traydor kang
aso ka! paano mo to nagawa sa amo mo?
Lumapit ako kay Cholo tapos kinuha ko siya kay
Jeydon. Mukhang ayaw pa nga niya mag pa kuha
eh. Ano kayang gayuma ginamit neto ni pusa sa
aso ko?
Hindi ko pinapansin si Jeydon, nilalaro ko lang si
Cholo.

"Baby girl.."
"Bakit?" natigilan ako sa sinabi ko. Tumawa siya
bigla, bakit ba kasi ako sumagot?

"I miss you." hindi ako tumingin sakanya. Naka
tingin lang ako kay Cholo.
"Miss you too.." Sinabi ko bang miss ko din siya?
abnormal ko din eh.
"Bati na tayo?" para siyang bata na nakikipag ayos
sa kalaro niya.
"Ganun ganun na lang yun?"
"Maganda naman yung ginawa mong banner eh
kaya pinapatawad na kita." ngumisi siya sakin.
"Bakit ako pinapatawad na ba kita? ang sakit kaya
ng mga sinabi mo sakin." kinuha niya yung kamay
ko. Feeling ko may parang kuryente ma dumaloy
sa katawan ko nung hinawakan niya ko.
"I'm sorry.." yung boses niya mukhang malungkot,
napatingin tuloy ako sakanya. Naka tingin siya
sakin, malungkot nga siya tapos mukhang seryoso.
"Sorry saan?" malay ko ba kung saan siya nag sosorry di ba? Mas okey na yung malinaw.
"Sorry for being a jerk. Sorry kasi kung ano
ano yung nasabi ko sayo and sorry kasi hindi
kita pinag explain."
Hindi ako makapag salita, nakatingin lang ako sa
kamay namin na mag kahawak. Hinigpitan niya

yung hawak niya sakin, lumapit siya tapos niyakap
niya ko.
"Baby I'm sorry.. I don't want to hurt you. I'm just
so angry and jealous that time. Please forgive me."
Ang higpit na ng yakap sakin ni Jeydon. Feeling ko
parang naiiyak siya. Niyakap ko na lang din siya.
Ayoko ng pairalin yung pride ko.
"Jeydon sorry din, kasi hindi ako naka punta sa
game niyo tapos nakita mo pa kaming
magkayakap ni Lucas, kasi.." hinarap niya ko.
"I told you I don't need your explanation cause no
matter what I will believe you."
"Yun naman pala eh! bakit nag inarte ka pa dyan!
ang dami mong alam eh nuh." tumawa siya tapos
hinawakan niya ulit yung kamay ko.
"Nag galit galitan lang naman ako eh. Akala ko
kasi susuyuin mo ko! pero kanina nakita ko kayo ni
Marky na magkasama tapos duet duet pa kayong
nalalaman." hindi ko tuloy mapigilan na matawa.
Ang lakas talaga ng topak ng boyfriend ko na to.
"Napaka seloso mo talaga nuh! tapos mag gagalit
galitan ka ikaw din pala yung unang bibigay!"
"I miss you already! and it really kills me
baby."

Nag pout siya bigla tapos parang humihingi pa siya
ng kiss sakin. Pinalo ko nga siya ng mahina sa
braso niya. Loko loko talaga niya.
"I kiss mo ko para bati na tayo!"
"Haha! ayoko nga! manigas ka dyan!"
Sinaamaan niya ko ng tingin, unti unti siyang
lumalapit sakin. Tumayo ako sa kama tapos
hinabol niya ko. Naki sali samin si Cholo kaya nung
pumulupot siya sa paa ko natumba ako pati si
Jeydon. Waaa! eto na naman kami, naka dagan na
naman siya sakin. Ang lapit lapit ng mukha niya sa
mukha ko.
"Got you." naka evil grin siya sakin, ramdam na
ramdam ko yung hininga niya sobrang bango.
Palapit ng palit yung mukha niya sa mukha ko.
Pumikit na lang ako, ramdam na ramdam ko na
yung mukha niya..

"EHEM!"
Pagmulat ko ng mata ko tumingin agad ako sa
pintuan tapos nakatayo dun si Kuya Charles ang
sama ng tingin samin ni Jeydon. Natawa tuloy ako
bigla, si Jeydon naman halatang nadismaya.

Sorry Jeydon, better luck next time.
65: It's a DATE.

"Hop in."
Akala ko may artista sa harap ko. Super gwapong
lalaki na naka sakay sa nakaka silaw na Porsche
Boxster. Muntik na nga malaglag yung panga ko
nung nakita ko siya eh, buti na lang na alala ko
boyfriend ko nga pala to. Haha!
"San tayo pupunta?" sumakay ako sa napaka
ganda niyang kotse tapos ngumisi siya sakin. Ano
na naman trip neto ni Jeydon?
"We're going on a date." nilagay niya yung seatbelt
ko tapos hinalikan niya ko sa pisngi. Hobby niya
talagang halikan ako eh nuh.
"San naman tayo mag da-date baby?"
"Secret." sabay kindat.

Pina andar niya yung kotse, akala ko mag
hihiwalay yung katawan ko sa kaluluwa ko sa bilis
niya mag patakbo. Hindi ko nga alam kung mabilis
lang ba talaga tong kotse niya o mabilis lang
talaga siya magpatakbo. Malayo layo din yung
byahe namin, muntik na nga ko makatulog eh.
Dun ko lang din napansin na pasaway na driver
pala to si Jeydon. Nung nasa stop light kami kahit
naka red yung ilaw nag go pa din siya. Sinamaan
ko nga siya ng tingin pero tumawa lang siya, sabi
niya wala naman daw kotse pero hindi pa din okey
yun nuh. Tapos nag counter flow pa sa one way
road tska nag park sa no parking. Ang bad boy
talaga ng boyfriend ko na to.
Nung malapit na kami sa pupuntahan namin, dun
ko lang nalaman saan ba talaga kami mag dadate. Bigla na lang ako napa ngiti, bumabalik kasi
sakin yung memory namin dito eh. Nakaramdam
ako ng excitement.

"We're here. Are you Ready?" tumango lang ako
sakanya.

Tinanggal niya yung seatbelt ko tapos pagkalapit
ng mukha niya sa mukha ko hinalikan niya ulit
yung pisngi ko. See? hobby niya talagang halikan

ako eh. Feeling ko tuloy nag blush ako sa ginawa
niya. Bumaba agad siya sa kotse tapos pinag
buksan niya ko ng pinto. Pagbaba ko ang daming
naka tingin samin, karamihan mga babae. Habang
naka tingin sila samin nag bubulungan sila, yung
iba ang sama pa ng tingin sakin. Hindi na din ako
magtataka kung bakit sila nag kaka ganyan. Ikaw
ba naman pag buksan ng pinto ng kotse ng isang
napaka gwapong lalaki, not to mention na napaka
gwapo din ng kotse este sportscar niya. Inakbayan
ako ni Jeydon papunta dun sa hotel, hindi pa din
inaalis nung mga tao yung tingin nila samin. Ang
abnormal ko na ata, feeling ko kasi ang haba haba
ng buhok ko, kasing haba ng kay Rapunzel.
Wahaha! ikaw ba naman maging boyfriend si
Jeydon Lopez eh, ewan ko na lang.
"Ang ganda talaga dito sa Tagaytay, na miss ko
dito." tinignan ko siya pero naka ngisi siya sakin.
"Ako din na miss ko dito, na miss ko yung.." naka
akbay pa din siya sakin habang papunta kami sa
front desk ng hotel, lumapit siya sa tenga ko. "Na
miss ko yung kiss natin dito."
Muntik na ko matigilan sa sinabi niya. Waaa! na
alala pa talaga niya yun ah. Kapag naiisip ko yun
nag iinit yung pisngi ko. Hindi ko makakalimutan
yung kiss namin na yun, yung kiss namin habang
umuulan sa may secret house.

"Good Morning Mr. Lopez." bati sakanya nung
babae sa may front desk. Feeling ko may gusto
siya kay Jeydon, para kasing kinikilig pa siya eh.
"Yung pina reserve ko na room please." hindi ko
makita yung mukha ni Jeydon kasi nasa harap niya
ko pero feeling ko ngumiti siya dito sa babae na to.
Akala mo hihimatayin na siya eh, hello girlfriend
here!
"Eto na po Mr. Lopez. Enjoy your stay here." grabe
kinikilig pa din? enjoy ko yang mukha niya eh.
Hinila ko na agad si Jeydon palayo dun. Ang harot
ni ate! wahaha.
Pumasok kami sa elevator tapos dun kami sa 6th
floor naka reserve. Ang ganda dito, iba to dun sa
hotel na pinuntahan nami dati nung nag double
date kami dito. Pag pasok namin sa kwarto na pina
reserve niya, wow na lang nasabi ko. Ang ganda
kasi tska ang laki. Ang laki pa ng bintana dito,
kitang kita yung tanawin.
"We'll ride a cable car later baby." nilapag niya
yung bag niya sa kama tapos umupo siya sa may
sofa malapit sa table na puno na ng pagkain.
"Takot ako sa mataas baby eh! pwede bang wag
na dun?" lumapit siya tapos hinawakan niya yung
bewang ko tska niya ko nilapit sakanya. Naka
tingin siya ng deretso sa mata ko.

"Don't worry I'm here." yung pagkakasabi niya nun
talagang hindi ka mag aalala.
"Takot ka din sa mataas di ba? paanong ikaw
bahala sakin?" nagtataka siya sa sinabi ko. "Di ba
nung nag zip line sila Marky, hindi ka din sumama
nun, dalawa tayo di ba?" tumawa siya bigla.
"Kaya lang naman ako hindi sumama kasi alam
kong hindi ka sasama. I better be with you." akala
ko takot din siya sa matataas yun pala dahil lang
sakin, ang sweet.
"Thanks baby." ngumiti siya sakin, umupo kami sa
table tapos inubos namin yung pagkain na naka
handa dun. Grabe ang sarap parang nabitin pa nga
ako eh.

"Eat up, aalis na tayo."
Tumayo siya sa upuan, tinignan ko siya tapos
nagulat ako kasi bigla siya nag hubad ng shirt
niya. Nakatalikod siya sakin kaya kitang kita ko
yung dragon tattoo niya sa likod. Kahit pala sa
likod mo tignan sobrang sexy pa din ni Jeydon.
Ang macho niya grabe, maglalaway ka na lang.
Sabi nga nila likod pa lang ulam na, parang gusto
ko ngang hawakan yung likod niya eh. Haha!
Sinampal ko mentally yung sarili ko, ang halay ko

naman masyado. Ano ba tong naiisip ko? ang bad
ko. Humarap sakin si Jeydon, naka hubad pa din
siya. Nung nakita niya kong naka tingin sakanya
sobrang lawak ng ngiti niya. Tumalikod agad ako,
kunwari kumakain ulit ako. Nakakahiya naman
baka anong isipin niya, nag iinit tuloy yung pisngi
ko.
"Baby girl." liligon ba ko? eh naka hubad pa din
siya eh.
"Bakit?" sige mag patay malisya ka lang dyan
Candice, wag kang titingin.
"Come here." hindi ko alam gagawin ko, tumayo
na lang ako tapos lumapit ako sakanya. Naka
hubad pa din siya, omegesh.
"Ano ba yun? mag suot ka nga ng damit." hindi
ako maka tingin sakanya, nag iinit pa din yung
pisngi ko. Oh tukso layuan mo ko!
Hinawakan niya yung dalawang kamay ko tapos
bigla ba naman niya nilagay sa six pack abs niya.
Omo! what's happening? parang napapaso yung
mga kamay ko. Wahaha! ang hot ng katawan ni
Jeydon, ang tigas ng abs niya. Bumulis tuloy tibok
ng puso ko, ramdam na ramdam ko yung abs niya.
"Hoy ano yang ginagawa mo ha?" inaalis ko yung
kamay ko sa napaka sexy niyang abs pero

nakahawak yung kamay niya sa kamay ko kaya
hindi ko magawa. "Yah! let go of my hands!"
"Alam ko naman gusto mo hawakan abs ko eh
kaya ayan na." tumatawa lang siya habang ako
pinipigilan ko yung sarili ko dito. "It's okey baby,
remember I'm your boyfriend so you can touch it
whenever you want." sabay kindat sakin. Waaa
baliw!
Ginawa ko talaga lahat ng kaya ko para maalis
yung kamay ko sa abs niya buti na lang naalis ko.
Pambihira talaga tong boyfriend ko, ang bad boy
masyado. Ipahawak ba naman sakin yung abs
niya? Omo! bigla tuloy umiinit sa palagid.
"Mag bihis ka na baliw ka talaga!" tumalikod agad
ako sakanya tapos tumingin na lang ako binatana.
Tumawa na lang siya. Huhu bakit ka ba ganyan
Jeydon? bakit ang hot mo? wahaha.
Maya maya lang may humawak bigla sa bewang ko
tapos naramdaman ko na lang si Jeydon sa likod
ko. Omo! parang nag iinit na naman yung room,
ano ba naman to. Niyakap ako ni Jeydon mula sa
likod ko, bumilis bigla yung tibok ng puso ko.
"One day, dito tayo ikakasal." natawa naman ako
bigla sa sinabi niya.

"Sure ka na bang tayo talaga hanggang dulo?"
inalis niya yung pagkakayakap niya sakin tapos
hinarap niya ko. Nag sasalubong yung dalawa
niyang kilay.
"Hindi ako sigurado pero I'll do everything to make
it happen." ngumiti lang ako sakanya tapos
niyakap ko siya.

"Please make it happen."

Umalis na kami ng room namin. Pagkalabas namin
m dumeretso agad kami dun sa cable car na
sinasabi niya. Ang ganda nga dito pero hindi ko
mapigilan na mapakapit ng mahigpit kay Jeydon.
Ang taas kasi dito eh, takot talaga ako sa matataas
eh. Feeling ko malalaglag ako, nakakainis nga eh
kasi kapag sinisilip ko yung mukha ni Jeydon
parang natutuwa pa siya. Sumakay na kaming
dalawa dun sa loob, akala ko hindi na ko
kakabahan kapag nasa loob na kami. Mali pala ako
ng iniisip, kasi naman yung sahig ng cable car
salamin din. Mas lalo lang tuloy humigpit yung
kapit ko kay Jeydon nung umandar na.

"I told you don't be afraid, I'm just here."
natatawa pa din siya. Tss! akala niya hindi ko to
kaya ah? Makikita niya.
"Hahaha! kayang kaya ko to." bumitaw ako
sakanya tapos lumayo ako ng konti. Oh di ba?
kaya ko naman eh..
"Booo!"
"Waaaaa!" sa sobrang gulat at takot ko napayakap
ako kay Jeydon. Ang pasaway niya! ginulat niya
ko! huhu.
"Akala ko ba kayang kaya mo na yan baby? eh
nakakapit ka pa din sakin eh." tawa pa din siya ng
tawa sakin. Sinamaan ko nga siya ng tingin. Ang
daya naman niya nang gugulat siya eh.
"Ewan ko sayo." tumalikod ako sakanya tapos
tumayo ako sa may unahan ng cable car. May
hawakan naman kaya hindi ako gaanong natakot.
Huhu ang bad talaga niya! alam naman niyang
takot ako sa mataas eh.
"Sorry.." niyakap na naman niya ko sa likod ko.
Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Sobrang
higpit ng yakap niya sakin, hinawakan ko na lang
yung kamay niya.

"Alam mo pag yakap mo ko, nawawala yung takot
ko." kahit hindi ko nakikita yung mukha niya alam
kong naka ngiti siya.
"Eh di palagi kitang yayakapin, lagi kitang
sasamahan, lagi kitang pro-protektahan." ang
sarap pakinggan. Sinandal ko yung ulo ko sa ulo
niya, sa sandaling yun nawala na talaga yung takot
ko.
"Bukod sa pagiging Prince Charming ko, super hero
pa kita. So may Superman na din pala ako."
"Oo ako si Superman, at ikaw yung kryptonite
ko."
Humarap siya sakin, hinawakan niya yung mukha
ko. Naka tingin siya sa mata ko, kita ko tuloy yung
brown niyang mata. Unti unti siyang lumapit sa
mukha ko, napapikit na lang ako.
"Sir, andito na po kayo."
Paglingon ko dun sa pintuan ng cable car andun na
yung caretaker, nasa baba na pala kami. Natawa
na lang tuloy ako. Tinignan ko si Jeydon, halatang
na disappoint na naman siya.
Pagkatapos namin sa cable car dun naman kami sa
may mga kabayo. Na excite tuloy ako! mas
masarap kasi mag horseback riding dito kasi mas
malawak tapos exclusive lang yung place para sa

member nung hotel. Ang daming kabayo dito, iba
ibang kulay pa. Lumapit agad ako dun sa puting
kabayo.
"Be careful baby, baka masipa ka nyan." hawak
hawak lang niya yung braso ko.
"Dito tayo sumakay ah?"
Ngumiti siya sakin, kinuha niya yung puting
kabayo kay kuya. Nilapit niya sakin yung puting
kabayo tapos hinawakan ko. Inalalayan niya ko
sumakay tapos sumakay na din siya. Nasa harap
ako tapos siya naman likod ko, hindi naman ako
natakot kasi nasa likod ko naman si Jeydon. Kapag
nandyan siya feeling ko secure na secure ako. Pina
andar niya yung kabayo namin papunta dun sa
gitna ng field. Ang ganda dito tapos may lake pa
sa bandang gitna. Huminto kami saglit dun sa may
lake na may malaking puno.
"Anong gagawin natin to?" hindi niya ko pinansin,
dumeretso siya dun sa may puno. Sinundan ko
lang siya. "Ano yan baby?
Humarap siya sakin, tinignan ko yung puno.
Mukhang matagal na yung puno na dito pero
magana pa din siya. May naka ukit dun, lumapit
ako mabuti para makita ko.

JEYDON AND CANDICE, ALWAYS AND
FOREVER.

"Matagal na yang puno na yan, wala pa ko buhay
na yan. Sabi ni mom, kapag inukit mo daw dyan
yung name mo tska name ng taong mahal mo
magkakatuluyan kayo."
Tinignan ko yung ibang part ng puno, puro name
nga din pero halata mong matagal na silang naka
ukit dito. Totoo kaya yun? nag katuluyan kaya din
yung mga pangalan na naka ukit dito? May forever
pa ba?
"Promise me." lumapit siya sakin, hinawakan niya
yung kamay ko.
"Promise what?" kinakabahan ako kasi ang seryoso
ng mukha ng pusang to. Ano kayang ipapangako
ko sakanya?
"Tayong dalawa lang, always ang forever."
Ngumiti ako sakanya, niyakap ko siya ng mahigpit.
Hindi ko siya sinagot, ayoko siyang sagutin.
Naalala ko kasi yung promise namin dati ng papa
ko, na forever lang siyang nandyan para samin.
Hindi naman yun natupad eh, kaya simula nun
ayoko ng umasa sa forever. Ayoko na sa always
and forever na yan, sa forever na hindi naman

natutupad. Okey na ko na magkasama kaming
dalawa, yung masaya kami. Ayoko mangayari
samin yung nangyari samin ng papa. Ayoko
mangyari samin yun ng lalaking pinaka mamahal
ko. Ayoko ng mawala sakin si Jeydon.
"Mahal na mahal kita Jeydon. Dito ka lang sa
tabi ko, wag mo kong iiwan."
"Kahit anong mangyari dito lang ako sa tabi
mo."
Bumalik na kami sa hotel para kumain ng lunch.
Medyo late na nga kami kakain kasi ang tagal
namin nag horseback riding. Naipon tuloy lahat ng
gutom sa tyan ko. Dun kami kumain sa may resto
ng hotel. Pagkakita ko dun sa table namin, wow
happy fiesta! Ang dami na namang pagkain sa
table namin, akala mo may fiesta. Saktong sakto
kasi gutom na gutom na ko. Ang dami kong
kinuhang food, naka tingin nga lang si Jeydon sa
plato ko eh.
"Bakit?" napadami nga siguro yung nakuha ko.
"Wala lang, ang takaw mo eh." nag pout ako
sakanya, malayo siya kaya hindi niya ko
mahahalikan.

"Kumain ka na nga lang dyan, eh sa gutom yung
tao eh." hindi ko na pinansin si Jeydon, basta
kumain na lang ako ng kumain.

Naubos ko agad yung pagkain sa plato ko kaya
kumuha ulit ako. Kapag nakita ako ni Mama
papagalitan ako nun, ayaw niya kasing kumakain
ako ng madami sa labas. Eh sobrang sarap kasi ng
luto nila dito tska sakto pang gutom ako. Alam ko
naka tingin sakin si Jeydon habang kumakain ako
pero nung inangat ko yung ulo ko pati pala yung
mga guest malapit samin naka tingin na din sakin.
Binagalan ko na lang yung pagkain ko.
"Don't mind them. Kumain ka lang dyan." don't
mind them? eh ang sama na ng tingin sakin. Iniisip
siguro nila patay gutom ako, hindi kaya! masama
na ba magutom ng bongga?
"Hehe busog na ko." mamaya na lang ulit ako
kakain.
"Okey, tara mag bihis ka na." hinila niya ko pabalik
dun sa room namin.
"San tayo pupunta?" naka ngisi siya sakin,
masama kutob ko dito.
"Swimming." Oh no! hindi ako marunong eh.
Naningas tuloy ako bigla. "Why?"

"Hindi ako marunong mag swimming eh."
tinawanan niya ko tapos pinisil niya yung pisngi
ko. "Ikaw na lang tska wala akong damit na dala."
buti na lang pala may palusot ako sakanya kaya
hindi niya ko mapipilit. Wahaha!
"I'll teach you okey? sige na mag bihis ka na. May
damit ka na dun sa closet." wala pala akong takas
dito kay Jeydon.
Nagpalit ako ng swimsuit na nakita ko dun
sa closet. Paglabas ko pa lang ng bathroom ang
sama na ng tingin sakin ni Jeydon. Magpalit daw
ako kasi ayaw daw niya yun. Nakaka tatlong palit
na ko ayaw pa din niya nung pinipili ko, ano bang
problema ng pusang to? Sa huli siya na lang pumili
ng isusuot ko. Long sleeve tapos naka leggings pa
ko. Balot na balot ako sa suot ko, ang init tuloy.
"Pwede bang yung isa na lang? hindi naman maiksi
yun eh." tinaasan niya ko ng kilay.
"Ayoko may tumitingin na ibang lalaki sayo kaya
ayan na isuot mo. Araso?" tss sana pala hindi na
lang kami nag swimming di ba? huhu.

Madami din tao dun sa swimming pool ng hotel.
Nasa loob kamipa din kami ng hotel, malaki siya,
tatlong pool tapos may jakusi tska may sauna pa.

Pagpasok pa lang namin halos mabali na yung ulo
nung mga babae kakatingin sa katawan ni Jeydon.
Ang daya nga niya eh, siya naka shorts lang.
Paano naman kaya yung mga babae na nagnanasa
sakanya? tss nakakainis talaga tong pusa na to.
Ang sama ng tingin sakin nung mga babae dun,
yung tingin na 'bakit siya yung kasama niya?'. Well
sorry na lang, ako yung girlfriend eh. Wahaha!
sakin na po siya.
Dun lang kami sa my dulong pool, tinuturuan ako
ni Jeydon ng basic sa pag swimming. Nakakahiya
para akong bata dito, ang dami pa namang naka
tingin samin, ay mali kay Jeydon lang pala. Pinag
swimming ko muna saglit si Jeydon dun sa gitna
para naman makapag enjoy siya.
Nung napa tingin ako sa may entrance may mga
lalaking nag kukumpulan dun. Ano kayang meron?
May artista kaya dun? May babae na sexy, naka
two piece lang siya tapos naka shades siya. Kahit
hindi ko makita yung mukha niya alam kong
maganda siya tska sa hubog pa lang ng katawan
niya alam mo ng maganda nga siya, Chicks
kumbaga. Lahat napapalingon sakanya, mapalalaki
o babae. Naging insecure froglets ang mga ate mo
dun sa babae. Sino kaya siya? artista kaya yun?
nagtaka lang ako kasi papalalit siya sa dereksyon
ko. Akala ko dadaan lang siya dito pero huminto
siya sa harap ko.

"Hello." ay hala? kinausap niya ko?
"Ahm hello.. may kaylangan ka ba?" ngumiti siya
sakin.
"Baby tapos na ko mag swimming.." napalingon
ako sa likod ng babae, nakita ko si Jeydon.
Lumapit siya sakin tapos hinarap niya din yung
babae.
"Annyeong Oppa."
Tinanggal niya yung shades niya tska yung hat
niya. Hindi ako pwedeng magkamali kung sino
yung babaeng nasa harap namin ngayon.
Kinabahan ako bigla, siya pala yung babae na
nakikita ko sa labas ng gate ng school. Ang ganda
pala talaga niya. Hindi na ko nagtataka kung bakit
minahal siya noon ni Jeydon. May inis akong
naramdaman, alam ko dahil to sa sitwasyon
ngayon. Hindi ako ready sa ganitong sitwasyon.
Ako, si Jeydon tska si Kim.
"What are you doing here?"
"Palagi naman tayong nandito di ba? this is our
place before.." hindi siya pinatapos ni Jeydon
magsalita.
"Shut up." Tinignan ako ni Jeydon, hinila ako ni
Jeydon dun sa upuan ko. Pinigilan naman kami ni
Kim.

"I want to meet your new girl. Why don't you stay
here for awhile oppa?"
"Kim leave us alone." ang higpit ng hawak sakin ni
Jeydon, hinila niya ko palayo dun. Ano bang
nangyare kanina? shocks. Ayoko yung
nararamdaman ko ngayon, ayoko.

Pagpasok namin sa kwarto, nakatayo lang si
Jeydon sa tapat ng bintana parang naka tingin sa
malayo. Ano kayang iniisip niya? apektado kaya
siya kasi nakita niya si Kim? hindi mabasa kung
anong iniisip niya. Ngayon pa lang kasi kami nag
kaharap na tatlo. Para akong na suffocate kanina
dun, buti na lang umalis na kami ni Jeydon. Dito
din pala sila dati nag pupunta ni Kim, naisip ko
tuloy, sinulat din kaya ni Jeydon yung pangalan
nila ni Kim dun sa puno? naiinis na naman tuloy
ako. Hindi ko kasi maiwasang maisip na baka
ginawa na din lahat to nila Jeydon at Kim
dati. Maisip ko pa lang na mag kasama silang
dalawa, naiinis na ko. Ayokong ipakita yun kay
Jeydon, napaka selfish ko naman kapag nag inarte
ako bigla. Date namin to kaya dapat masaya
kaming dalawa. Lumapit ako sakanya, niyakap ko
siya habang nakatalikod siya sakin.

"Okey ka lang?"
"Yeah, don't worry about me." humarap siya sakin
tapos niyakap niya din ako. Ano kayang nasa isip
niya?
"Gusto mo ba umuwi na tayo?"
"No, dito lang tayo. May gagawin pa tayo dito."
tumingin ako sakanya, ngumiti ako para hindi siya
mag alala sakin. Ngumiti ako para sabihin na okey
lang ako.
"Baby, nagugutom na ko. Kain ulit tayo?" natawa
siya sa sinabi ko tapos pinisil na naman niya yung
pisngi ko.
"Ang takaw mo talaga. May halimaw ka ba dyan sa
tyan mo?"
"Halimaw agad? Hindi ba pwedeng gutom lang?"
tumawa kami pareho, nawala na kahit papaano sa
isip ko si Kim.

Nag order ulit si Jeydon ng pagkain. As usual ang
dami na naman niyang order. Dinaan ko na lang
lahat ng iniisip ko sa kain. Although hindi pa din
talaga mawala sa isip ko si Kim. Pinipilit ko na
itago kay Jeydon kung ano man yung nasa isip ko.

Ayoko mag alala siya sakin, alam ko naman na
iniisip niya din si Kim eh.
"Yung kanina.." hindi ko na siya pinatapos sa
sasabihin niya.
"Okey lang, wala naman sakin yun eh. Wag na
natin isipin yun, past is past." hinawakan niya
yung kamay ko.
"Thanks baby girl."

Yeah right, past is past.

Natulog muna ko hoping na mabubura ng tulog ko
lahat ng nangyari kanina sa swimming pool. I want
this day to be perfect, at hindi ko hahayaan na
masira yun dahil lang kay Kim.
"Baby wake up.."
Pag mulat ko ng mata ko nakita ko si Jeydon.
Hinalikan niya ko sa noo ko tska niya hinawakan
yung buhok ko. I smiled at him.
"Gising na, may pupuntahan pa tayo."
Pag silip ko sa binatana, gabi na pala. Gaano kaya
ako katagal natulog? bumangon agad ako tapos

nag palit ako ng damit. Nag ayos ako para naman
okey ako tignan. Hello? ang gwapo gwapo ng
boyfriend ko kaya dapat maganda ako.
"San tayo pupunta?"
"Wait and see." nag papa mysterious na naman
siya, malalaman ko din naman yun.
Hawak hawak lang niya yung kamay ko. Lumabas
kami ng hotel, naglakad kami papunta sa isang
lugar na pamilyar na pamilyar sakin. Nung nasa
harap na kami ng hanging bridge, natigilan ako.
Natatakot akong tumawid dito kahit ibang iba na
siya. Ang dami ng ilaw sa palagid pati sa mga
puno.
"Humawak ka lang sakin, wag kang titingin sa
baba." ginawa ko lang yung inutos niya sakin.
Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ni Jeydon.
Hindi ako tumigin sa baba, kaya naka dating
naman kami sa dulo ng hindi ako nag pa-panic.
Pumasok kami sa loob, may table dun na may
pagkain with matching candles pa. Puro petal
nakikita ko, ang ganda. Eto siguro yung sinasabi
nilanh candlelight dinner. Inalalayan ako ni Jeydon
umupo dun sa table. Binuksan niya yung
Champaign na nasa bucket na puno ng yelo. Pasta
yung hinanda niyang pagkain namin ngayon. Ang

romantic ng dating niya, hindi ko tuloy mapigilan
na mapa ngiti.
"Nagustuhan mo ba? Ako nag ayos nyan habang
tulog ka."
"Ang ganda, thank you baby."
"Buti naman nagandahan ka, pinaghirapan ko kaya
to. Haha! dali kumain ka na." siya din kaya nag
luto neto? pagka tikim ko ang sarap.
Inubod namin ni Jeydon yung pagkain na hinanda
niya. Nilagyan niya yung glass namin ng
Champaign tapos ininum namin yung isang baso
tska biglang tumunog yung player. Tumayo sa
upuan niya si Jeydon, inabot niya sakin yung
kamay niya
May circle sa gitna na puro petals. Ang ganda ng
kanta, Dancing away with my heart ng Lady
Antebellum.
Pinatong ko lang yung kamay ko sa leeg ni Jeydon,
nakahawak naman siya sa bewang ko. Pareho
kaming naka tingin sa mata ng isa't isa habang
sumasayaw kami. Sobrang saya ko, ang perfect
lang kasi ng moment ngayon. Eto din kasi yung
dream date ko eh. Ngayon tinupad na lahat ni
Jeydon.

"You're so beautiful." hindi ko mapigilan na mag
blush sa sinabi niya. Alam na alam talaga ni
Jeydon kung paano ako papakiligin. Lumapit siya
sa tenga ko, "You're blushing baby."
"Ang sweet mo kasi eh." tumawa siya ng mahina.
"Thank you for this day, alam mo bang eto yung
dream date ko? Candlelight dinner, dancing in a
romantic music."
"I'm happy to make your dream date come true."
pinatong niya yung noo niya sa noo ko. "It's like a
dream, and I don't want it to end."
"I love you, so much."
Tumingin siya sa mata ko, bumilis yung tibok ng
puso ko. Ang gwapo ni Jeydon, parang natutunaw
ako sa mga tingin niya.
"I love you so much that I can't imagine my
life without you."
Hinawakan niya yung mukha ko. Nag slow motion
na naman yung paligid ko, sobrang bilis ng tibok
ng puso ko, kagaya ng feeling na naramdaman ko
dati nung nandito kaming dalawa.

"Candice mahal na mahal kita."

Lumapit siya sa mukha ko, pumikit lang ako.
Naramdaman ko yung labi niya sa labi ko. Hawak
hawak niya pa din yung mukha ko habang
hinahalikan niya ko, niyakap ko naman siya.
Sobrang perfect at romantic ng kiss namin. Wala
akong ibang iniisip kundi si Jeydon, kung gaano ko
siya kamahal. Habang tumatagal mas lalong
nagiging passionate yung kiss namin ni Jeydon.
Ang sarap sa pakiramdam na parang ayoko ng
bumitiw pa. Isang bagay lang yung napatunayan
ko ngayon.

Sobrang mahal ko na si Jeydon.

66: Troy's Birthday

"Happy Birthday Troy." kinuha ko yung regalo na
bigay sakin ni Abby. Akala ko kasama niya si
Tiffany pero hindi. Siguro si Stacey yung kasama
niya. "Looking for someone?"

"Ah wala, sige pasok ka na Abby. Thanks dito ah."
ngumiti siya sakin tapos pumasok na siya sa loob.
Dumating naman si Ginno tska si Six.
"Bro happy beerday!" sabi nung dalawa, mga adik
talaga sa alak tong mga to.
"Salamat! maya bro inuman tayo. Pasok muna
kayo sa loob may party pa kasi na ginawa sila
mom sakin eh."
"Sige bro." pumasok sila sa loob pagkaabot ng
regalo nila sakin.

Balak ko lang sana sa bar lang kami mag celebrate
ng birthday ko. Hindi naman kasi ako sanay sa
mga sosyaling party, club at house party lang yung
trip ko. Kaso si Mom and Dad gusto bongga yung
party na ibibigay nila sakin. Chance kasi nila to
para maka hanap ng business partners, mostly
kasi business minded yung mga magulang ng mga
kaibigan ko. Konti nga lang yung invited na friends
ko talaga puro sila Mom kasi yung pumili ng mga
bisita. Takte nga eh feeling ko hindi ako
makakapag enjoy neto. Basta pumunta yung apat,
si Candice tska si Tiffany, okey na ko. Buti na lang
napa reserved ko yung isang bar namin kaya
mamaya dun kami. Ang boring kasi kung dito lang
ako sa hotel mag celebrate.

"Bro happy birthday! Ang tanda mo na!" gagu
talaga to si Charles, sino kayang mas matanda
samin? tska napaka baby face ko kaya.
"Hoy tanda pagbaliktarin man natin ang mundo
mas matanda ka pa din sakin!" tumawa ng
malakas si Serina. Aba mag kasama sila at
mukhang may kakaibang aura tong dalawa na to.
May nangyari kayang romantic sakanila nung
iniwan namin sila ni Marky sa ospital? Haha
maasar nga siya mamaya about dun.
"Ugok mas gwapo pa din ako sayo!" bigla naman
lumapit samin si Candice, naka smile agad siya
sakin nung nakita niya ko. Ang sama ng tingin niya
kay Charles.
"Hoy kuya mas gwapo sayo si Troy! pag bigyan mo
na birthday naman eh." tumawa siya tapos may
inabot siya sakin na maliit na box. Wow may
regalo pa talaga siya sakin ah, na excite tuloy
akong buksan. "Happy birthday Best friend."
"Thanks! asan pala si Jeydon?" tinignan niya yung
cellphone niya.
"Papunta na daw sila dito." medyo hindi pa
mapakali si Candice nung sinabi niyang sila.
Kasama kaya ni Jeydon si Jaycee? hindi ko naman

siya invited eh baka si Jayshin lang yung kasama
niya. "Uy si Marky nandito na din pala."
Nilingon namin si Marky, may dala dala siyang susi
sa kamay niya tapos binato niya sakin. Ang gagu
lang ng lalaking 'to, paano kapag natamaan yung
napaka cute and handsome face ko? tsk baka hindi
na ko magustuhan nun ni Tiffany.
"Regalo ko sayo, galing pang ibang bansa yan."
tinignan ko yung sabitan ng susi, takte akala ko
Ferarri ibibigay ni gagu, Porsche pala.
"Hindi mo man lang nilagay sa box, wala ka
talagang kwenta." nilagay ko sa bulsa ko yung
susi, sabagay maganda taste neto ni Marky sa mga
kotse kaya for sure magugustuhan ko din yun.
"Thank you ah." ang sarcastic ng pagkakasabi
niya, haha gagu talaga. Sinilip ko sila mom
tinatawag ako.
"Sige guys, dun muna ko sa parents ko. May naka
reserve ng table para sa inyo dun."

Pag punta ko kala mom and dad may pinakilala
agad sila sakin na business partner namin sa L.A.
Ngumiti lang ako sakanila, alam ko naman na ako
yung mag mamana ng business namin pero ayoko

pa mag seryoso dahil nag eenjoy pa ko sa buhay
ko. Young wild and free pa ako eh.
Maya maya nakita ko na si Jeydon kasama yung
Mommy niya, makaka hinga na sana ako ng
maluwag pero nakita ko si Jayshin at Jaycee sa
likod nila. Hindi tuloy ako mapakali, bakit pa siya
sumama? gusto niya ba talagang sirain yung
birthday ko?
"Happy birthday Troy! you're a grown up man now,
look at you." hinawakan niya yung braso ko.
"Thank you tita, thank you for coming tonight."
nag beso lang kaming dalawa tapos inabot niya
sakin yung regalo niya sakin.
"Thanks Janice for coming, I think madami tayong
pag uusapan about sa business. Tara let's go
inside." Nagtawanan silang dalawa tapos
sinamahan ni mom si tita sa loob. Hinarap naman
ako ni dad.
"Wait for the Chua's okey?" nag nod lang ako
tapos sinundan niya sila mon. Humarap ako kala
Jeydon.
"Happy birthday hyung! andyan na ba si Candice
Noona?" sinamaan agad ng tingin ni Jeydon si
Jayshin, lakas talaga ng topak pati kapatid niya
pinag seselosan niya.

"Hoy Jayshin baka dumikit dikit ka na naman kay
Candice humanda ka lang talaga sakin! Kay
mommy ka lang dumikit dahil hindi ka belong
samin." tinawanan lang siya ni Jayshin.
"Hahaha! Eh kung ayoko?" tumakbo siya sa loob.
"Aish! that kid." napa kamot ulot na lang si Jeydon
sa kapatid niya. Kahit kelan talaga tong leader
namin mas isip bata pa kesa sa kapatid niya eh.
"Happy birthday pre, tanda mo na ah."
"Lul! baby face pa din ako!" tinaasan niya ko ng
kilay. Anong problema nila? Totoo naman ah? Baby
face pa din naman ako.
"Libre mangarap, haha! Sige puntahan ko na si
Candice baka miss na ko nun eh." pumasok na din
siya sa loob. Miss daw eh parang araw araw
naman silang nag kikita. Adik lang.

"Happy birthday.." tinignan ko lang siya. Hindi ko
alam kung paano ko na siya papakisamahan. After
all that happen, she has the guts to show up here
and pretend that nothing had happen? "I know
your mad.."
"Thank you, wag mo ng isipin yun. Naka move on
na ko." tinignan ko lang siya sa mata.

May bitterness sa boses ko pero totoo lahat ng
sinabi ko. Oo, naka move on na ko sakanya. Hindi
ko ikakaila na may parte pa din siya dito sa puso
ko. Hindi naman siguro mawawala yun kasi first
love ko siya pero tanggap ko ng hindi na magiging
kami. Yun naman yung sign na naka move on ka
na talaga di ba? kapag hindi ka na umaasang
magiging kayo pa ulit.
"Good to know, well I'll go inside." may lungkot sa
boses ni Jaycee. Siguro kung ako pa din yung
dating Troy, hindi ko hahayaan na malungkot siya
ng ganyan. Kung ako pa din yung dating Troy mag
mamakaawa pa din ako sakanya na balikan niya
ko. Kaso hindi na ako yun, ibang Troy Mendoza na
ko.
Hinintay ko yung mga Chua. Kanina ko pa tinetext
si Tiffany pero hindi siya nag rereply. Maya maya
dumating na din sila but to my disappointment
wala si Tiffany.
"Happy birthday Troy." bati sakin ni Mrs. Chua.
"Thank you po, please come inside. My parents are
waiting for you." sinamahan ni Mr. Chua yung
asawa niya tska sila pumasok, naiwan naman dito
si Stacey. Sa totoo lang ayoko siyang nandito kasi
nandito si Jeydon at Candice pero sila mom kasi
yung nag invite sa buong family nila.

"Don't worry, hindi ako manggugulo. Alam kong
nandyan silang dalawa." mukha namang nababasa
na niya yung nasa isip ko.
"Better not." ngumiti siya sakin, hindi ko alam pero
mukha naman siyang sincere sa mga sinasabi niya.
Tinignan ko kung dadating si Tiffany baka kasi may
ginawa lang saglit sa labas ng hotel pero wala.
"I know you're looking for my sister but I think
she's not coming." bago pa ko makapag tanong
nag salita ulit siya. "Lately there's something
bothering her and I know it has something to do
with the both of you. Troy, if you're just gonna
hurt her itigil mo na. Hindi lang halata pero mahal
ko yung kapatid ko na yun."
Ngumiti siya sakin, a weak smile tska siya
pumasok sa loob. Anong ibig niyang sabihin na
kung sasaktan ko lang si Tiffany? wala naman
akong balak saktan yung kapatid niya. Wala akong
balak saktan yung babaeng gusto ko. Oo, gusto ko
na si Tiffany.
Sinilip ko yung entrance one last time pero wala pa
din siya. Hindi na ba talaga siya dadating? Alam
naman niyang importante sakin yung araw na to
eh. May nagawa kaya ako kaya hindi siya
pumunta? Ang daming tanong sa isip ko.

"Son, come on. Your visitors are waiting for you
inside." sumama na lang ako kay mom sa loob.
Talagang pinaghandaan nila yung party na to. Ang
elegante ng hotel na pinili nila puro din kasi mga
taga high society yung nandito. Ano kaya yung
surprise nila mom at dad sakin? Wag nilang sabihin
na may engagement din ako bigla, taena mag walk
out talaga ako. Ang dami nilang ginawang speech,
sa huli pina akyat din nila ako sa stage.
"Kasabay ng 18th birthday ni Troy, we're proud to
announce na," takte ayan na yung announcement
na yan. Wag lang talaga about sa engagement
yan. "Our clubs and bars our now opening in
Macau, and we are proud to say that our business
is getting stronger and bigger. So son please
prepare yourself."
Nabunutan naman ako ng tinik dun. Yun lang
naman pala announcement nila pero taena naman
parang nalalapit na yung panahon na kelangan ko
mag seryoso. Nag palakpakan yung mga bisita
namin. Nag bow lang ako sakanila tapos bumalik
na ko sa table namin.
"Guys mamaya deretso na tayo sa club ko. Naka
reserved na yun satin." tuwang tuwa sila Ginno
tska Six, gagu talaga.

"Troy.." gulat na gulat si Charles tska Marky dun
sa nakita nila sa likod ko, akala mo nakakita ng
multo. Tinignan ko si Jeydon muntik na niyang
maibuga yung iniinom niya. Ano bang meron?
"Hi hyung! I missed you."
Muntik ng lumuwa yung mata ko sa nakita ko,
niyakap niya ko bigla. Taena talaga para akong
mag kaka heart attack neto. Eto ba surprise nila
mom at dad sakin? Hindi magandang surprise to,
takte talaga. "Wae? don't you miss me?"
"Anong ginagawa mo dito?!" sinamaan niya ako ng
tingin, oh no wrong move Troy baka magalit yung
witch. Nagtataka naman si Candice sakin.
Pambihira naman kasi bakit nandito tong babae na
to.
"It seems like you don't miss your little sister
huh!" nilagay niya sa bewang niya yung dalawa
niya kamay, ang sama sama ng tingin niya sakin.
Tumawa naman yung tatlo, mga ugok talaga.
"Little sister?" narinig kong bumulong si Candice,
hindi pa nga pala niya kilala yung amazona at
baliw kong little sister.
"Tammy I just thought hindi ka pa babalik galing
Korea."

"Well papalagpasin ko ba yung birthday ng pinaka
mamahal kong kuya?"
Sobrang lapad ng ngiti niya sakin. Napa tingin si
Tammy kay Jeydon, hala patay kasama niya nga
pala si Jayshin, naku patay kang bata ka. Lumapit
siya kay Jeydon.
"Jeydon Oppa where's Jayshin, I've heard nandito
na siya sa pinas?" may kung anong kalokohan
yung pumasok sa isip ng mokong na to. Kitang kita
sa ngiti niya eh, tinawag ni Jeydon si Jayshin na
galing dun sa buffet ng pagkain.
Nilingon namin siya, muntik na niyang mabitawan
yung dala dala niyang baso. Nanlaki agad yung
mata niya. Ang saya saya naman ng little sister ko,
lumapit agad siya kay Jayshin. Hindi ko pa ba
nasasabi na patay na patay si Tammy kay Jayshin
noon pa? Obsessed na ata siya sa little brother ni
Jeydon eh.
"Jayshin-ssi, na miss kita. Bakit hindi mo sinasagot
yung mga tawag ko? Don't you miss me?" kapit na
kapit siya kay Jayshin, tuwang tuwa naman to si
Jeydon. Iniisip niya siguro ngayon nandito na si
Tammy hindi na guguluhin ni Jayshin si Candice.
Haha ang gagu lang talaga.

"Yuck Tammy! lumayo ka sakin!" inalis agad niya
yung kamay ng kapatid ko tapos lumapit siya kay
Candice. "Noona help me!"
Ang sama bigla ng tingin ni Tammy kay Candice.
Nako baka pati kay Candice magalit 'tong babae na
'to. Pag seselosan pa niya yan. Baliw pa naman
yang kapatid ko tska pro-Kim yan eh.
"Who's she?"
"Ah ako nga pala si Candice." sagot naman ni
Candice, oh no.
"I'm not talking to you." nagulat si Candice sa
sinabi ni Tammy, aish nakakahiya siya pati si
Candice inaway. Hindi pa kasi kilala ni Candice
tong kapatid ko.
"Sorry." Natahimik tuloy Candice, ang sama
naman ng tingin ni Serina kay Tammy.
"Troy mukhang maldita tong kapatid mo."
Lumapit ako kay Tammy tapos nilayo ko siya kala
Candice. Sinamaan ko siya ng tingin yung sis ko.
"Sorry guys."
"Wae? I'm not talking to her and yet she answered
me. Am I wrong?" mukhang nag pipigil si Serina
ng galit niya, pinipigilan lang siya ni Charles. Si
Candice naman naka yuko lang, pambihira talaga

to si Tammy, malilintikan to sakin eh. Tumayo
naman si Jeydon sa upuan niya.
"Tammy can you be nice to her? She's my
girlfriend." aba knight in shining armor.
"Girlfriend? How about Ate Kim?" lahat kami
natahimik. Wala talaga sa ayos tong kapatid ko,
minsan hindi ko alam kung masaya ba talaga ako
ka naging sis ko siya eh.
"Troy, mabuti pa pumunta na tayo sa bar mo."
pagbabasag ni Marky ng katahimikan. Whoa!
thanks Marky for saving me.

"Yeah, mabuti pa nga."

Bago kami pumunta sa bar na katabi lang naman
ng hotel kinausap ko muna ng masinsinan si
Tammy.
"Tammy pwede bang mag behave ka? Tska alam
kong maldita ka pero wag mong awayin si Candice,
best friend ko siya."
"See? pinag mumukha pa niya kong maldita sayo
kuya? Eh sa paki alamera siya eh. I don't like her."

hinawakan ko yimung braso niya, tinignan ko siya
sa mata ng seryoso.
"I don't care of you don't like her but you will be
nice at her, understand?"
"No! I don't like her period." inalis niya yung
kamay ko sa braso niya tapos nag walk out na
siya.
Pambihira naman talaha oh! Kahit kelan talaga
sakit siya sa ulo. Paano kaya sila nag kasundo ni
Kim? sabagay may pagkaka tulad sila ng ugali eh.
Sila mom naman kasi pina uwi pa si Tammy eh
mukhang hindi pa din naman nag tatanda yung
batang yun. Bratinela pa din eh, aish.
Bumalik na ko sa bar, puro RnB yung pinili kong
song. Pagpasok ko pa lang ang sarap na sa tenga
nung music, ang sarap sumabay sa beat. Empire
state yung pinapatugtog nung DJ, siya yung pinaka
gusto kong DJ sa lahat ng mga DJ's namin.

"Bro, ayos to ang dami mong chicks dito. Ang
sarap pa ng mga alak mo!" langhiya to si Six,
party na party na.
"Enjoy lang kayo bro!" aba hindi ko na pala
kelangan sabihan tong mga to.

Si Marky nandun na sa dance floor kasayaw si
Abby. Si Ginno naman nandun na din sa gitna
kasayaw si Amber, pasaway talaga porket wala si
Margot eh. Si Charles tska si Serina nasa gitna na
din ng dance floor sumasayaw. Si Stacey tska nasa
gilid umiinom, buti hindi talaga nag gulo si Stacey,
neutral lang siya.Hindi ko pinapasok sa loob sila
Jayshin tska Tammy dahil masyado pa silang
under age. Tinanaw ko si Six bumaba na din pala
siya sa dance floor. Si Candice naman tska Jeydon
naka upo pa din dito sa taas, mukhang
naapektuhan talaga si Candice kay Tammy.

"Candice okey ka lang?" nagulat ako kasi ngumiti
siya sakin.
"Oo, may hinihintay lang ako." Ano naman kaya
yun?

Maya maya pinatugtog yung My Boo ni Usher.
Tumayo bigla si Candice hila hila si Jeydon.

"Yan yung hinihintay ko! Tara baby sayaw tayo!"
tapos bumaba na sila. Nag hihintay lang pala ng
magandang kanta yung dalawang yun.
Pinagmasdan ko sila, sumasabay sila sa kanta
habang sumasayaw. Mukhang nag eenjoy nga sila.
Umupo ako tapos nag lagay ako ng brandy sa baso
ko. Yung kanta, may naaalala ako. Uminom ako ng
alak, ang saya nila pero bakit parang ako hindi
masaya? birthday na birthday ko parang
malungkot ako. Parang may kulang kasi eh.. wala
kasi siya.
Sinandal ko yung ulo ko sa sofa, sinasabayan nila
sa baba yung kanta, sinabayan ko na lang din sila.

"My ohh.. My ohh.. My ohh.. My boo."

Boo.. asan ka na ba? kung kelan ako mag tatapat
ng nararamdaman ko para sayo tska ka naman
wala.

Biglang nag beep yung phone ko.

Unknown: Can we talk? Meet me outside.

Kinabahan ako, hindi ko maintidihan yung
nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko,
siya na kaya yan?
Tumakbo ako palabas ng bar, hinanap ko siya sa
labas. Inikot ko yung buong bar, nakita ko siya sa
likod ng bar nakatalikod siya sakin.
"Tiffany?"
Lumapit ako sakanya pero pagharap niya sakin
hindi siya si Tiffany, si Jaycee.
"Troy.." umiiyak siya.
"Jaycee, ikaw ba yung nag text? Ano to?" hindi
niya ko sinagot, niyakap niya ko. Nagulat ako sa
ginawa niya, anong kalokohan to?

"Troy, mahal pa din kita.. Troy I still love
you."

Nilayo ko agad si Jaycee sakin. Anong pinagsasabi
niya? Mahal pa din niya ko? hindi ko siya
maintindihan.

"Troy hindi ako buntis, it was just a false alarm.
Dun ko na realize na ikaw pala talaga yung mahal
ko, so I've decided to divorced Louis for you."
Ganun ganun na lang yun? porket hindi siya buntis
babalik siya sakin at makikipag ayos? At ano yung
nakipag divorce na siya sa asawa niya? T*ngina
naman eh, bakit ngayon lang? Sobrang tagal kong
hintay yung araw na to eh.
"Troy di ba eto naman talaga plano natin? kapag
nag 18th ka na tska natin sasabihin sakanila? Eto
na yun eh, aren't you happy?"
"Jaycee bakit ngayon pa?"
"Why? don't tell me it's too late?"
Hindi ko siya sinagot. Nalilito ako taena naman oh,
hindi ko alam yung gagawin ko, hindi ko alam
yung sasabihin ko. Lumapit sakin si si Jaycee tapos
hinalikan niya ko. Sa gulat ko nakatayo lang ako
dun. Iba na yung pakiramdam ko ngayong
hinahalikan ko siya. Wala na yung spark na meron
kami dati, wala na.
Binitawan niya ko, umiiyak pa din siya. Ayoko
siyang makita na umiiyak, kahit na sabihin na hindi
ko na siya mahal pa. Napa tingin naman ako sa
likod niya, nakita ko si Tiffany.

"Tiffany.."

Nung nakita niya ko na naka tingin sakanya
tunalikod siya tska siya umalis. Hahabulin ko na
sana siya pero piniglan ako ni Jaycee.
"Siya ba yung dahilan kung bakit nahuli na ko?"
"Oo siya nga Jaycee."
"Do you love her?" natigilan ako sa tanong niya,
nag isip ako pero yung puso ko na yung sumagot
sa tanong na yun.
"Yes I do love her."
Ngumiti sakin si Jaycee tska niya binitawan yung
kamay ko. Alam kong naiintidihan niya ko, hinabol
ko na si Tiffany.
Binilisan ko yung pagtakbo ko. Gusto ko siyang
maka usap, gusto kong sabihin yung
nararamdaman ko para sakanya.
Sapat na yung dalawang linggo para magustuhan
ko si Tiffany, para mahalin ko siya. Kapag kasama
ko siya ibang saya yung nararamdaman ko. Gusto
ko siyang makasama araw araw, oras oras. Ibang
iba siya sa lahat, siya lang yung nakakapag pa

ngiti at nakakapag pasaya sakin ng sobra na kahit
si Jaycee hindi nagawa to.

Nakita ko siyang naglalakad, hinabol ko siya.
Pinigilan ko siya, hinarap ko siya sakin.

"Tiffany bakit hindi ka pumunta? hinihintay kita
eh." blanko yung mukha niya, naka tingin lang siya
sakin. May problema ba siya?
"Kelangan pa ba ko dun?" hindi siya maka tingin
sakin parang iwas na iwas siya sakin.
"Oo naman! importante ka sakin kaya dapat
nandun ka!" tumawa siya ng mahina.
"Troy hindi na ko kelangan dun, tska congrats
pala." naka ngiti siya sakin, hindi ko siya
maintindihan. Bakit siya nag congrats sakin? Ano
bang nangyayari?
"Ano bang pinag sasabi mo?"
"Narinig ko lahat ng pinag usapan niyo ni Jaycee,
malaya na siya Troy. Divorced na sila ng asawa
niya kaya pwedeng pwede na kayo. Masaya nga
ako para sa inyo eh.."

"Stop it! Ano bang pinagsasabi mo?! I don't care
anymore about Jaycee!" nagulat siya sa reaksyon
ko. Wala na akong paki alam kahit pinag titinginan
kami ng mga taong dumadaan.
"Troy alam mo ba kung anong sinasabi mo? Eto
naman yung gusto mo di ba? Siya naman yung
gusto mo, yung mahal mo."
"Oo pero dati yun, kasi Tiffany.."
Hinawakan ko yung braso niya. Tinignan ko siya sa
mata niya, naka tingin lang din siya sakin. Biglang
bumilis yung tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog
na siya kapag hindi ko pa to nasabi sakanya.
"Tiffany ikaw na yung gusto ko, Tiffany ikaw
na yung mahal ko."

Tahimik lang kaming dalawa, yung ingay ng mga
sasakyan tska ng mga taong dumadaan lang yung
naririnig ko. Hindi ko mabasa yung iniisip niya,
kung ano man yung kinakabahan ako.
"Troy please, wag mo na kong paasahin. Wag mo
na kong saktan pa. Hayaan mo na kong kalimutan
ka."

Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya.
Tumalikod siya sakin tska siya naglakad palayo.
Hinabol ko siya, pinigilan ko siyang makalayo.
"Tiffany mahal kita! Mahal kita!"
"Tama na Troy, tama na."
Tumalikod na naman siya sakin, nag lakad ulit siya
palayo sakin. Mag isip ka ng gagawin Troy, matinik
ka sa chicks di ba? wala kang kwenta kung yung
taong mahal mo mawawala na lang ng ganyan.
Pumunta ako sa gitna ng kalsada, umupo ako dun.

"Kung mawawala ka sakin, mas mabuti pang
mawala na lang din ako."

Nilingon ako ni Tiffany tapos nagulat siya sa
ginawa ko. Taena natatakot din ako baka
masagasaan ako bigla dito pero buti wala pa
namang dumadaan na kotse.
"Troy umalis ka nga dyan!"
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ko
kinakausap!"

"Stupid! Kinakausap na kaya kita!" Oo nga pala
nuh, shete may naaninag akong kotse pero hindi
galit pa din siya eh.
"Ibig kong sabihin, hindi ako aalis dito hanggat
hindi tayo nag kaka ayos!" lumapit siya sakin,
hinihila niya ko patayo.
"Tumayo ka na dyan! May kotse na padating!"
hindi nga siya nag bibiro may kotse talaga na
padating. Kaso sayang effort ko dapat mag ayos
muna kami.
"Sabihin mo munang mahal mo ko!"
"Troy tumayo ka na!" shete kinakabahan na ko,
ang lapit na talaga nung kotse samin. Ang tagal
naman kasi ni Tiffany. "Sabihin mo na!"
"Oo na mahal na kita!" tinulak ko siya gilid ng
kalsada kasi andun na talaga yung kotse. Saktong
sakto ng lang yung pagkakatulak ko sakanya eh.

"Hoy kung magpapakamatay kayo dun kayo
sa tulay!" sigaw samin nung driver.

Naka higa kaming dalawa ni Tiffany, nasa taas niya
ko. Tumawa lang kaming dalawa sa reaksyon ni
kuyang driver.
"Kelangan pala mamatay muna ako ganun?" naka
tingin ako sa mata niya.
"Baliw ka talaga! kung ano anong pinag gagawa
mo! paano kung nasagasaan ka nga talaga dun?"
ngumiti ako sakanya.
"Bakit iiyakan mo ba ko?"
"Ha? oo.. oo naman.." nakahiga pa din kami sa
gilid ng kalsada. Wala akong paki alam kung pinag
titinginan na kami ng mga tao.
"Eh bakit ka naman iiyak ha?"
"Tinatanung pa ba yun?! malamang kasi mahal
kita!" ang lapad ng ngiti ko sakanya. Namumula
naman siya, tinayo ko na siya pero hindi ko pa din
siya binitawan. Naka hawak ako sa bewang niya.
"Mahal mo ko? pwede paki ulit? hindi ko narinig?"
inaasar asar ko pa siya. Huminga siya ng malalim
tska siya sumigaw.

"Mahal kita! mahal kita Troy Mendoza!"

Feeling ko naka jackpot ako sa lotto, ang saya ko.
Hinawakan ko yung mukha niya. I know this
moment is perfect. Unti unti kong nilapit sakanya
yung mukha ko then I kiss her. Nung parang
mawawalan na kami ng hininga dahil sa kiss namin
bumitaw na ko tapos tinignan ko siya.

"I love you Tiffany."
67: Worried boyfriend

Parang kelan lang kinakainisan ko siya. Yung
makita ko pa lang yung mukha niya nag iinit na
agad yung ulo ko. Yung kapag nandyan siya hindi
ako matahimik. Ayoko pa nga siya kausapin o
kahit tabihan man lang. I just hate him back then
but after three months ibang iba na kami. Kapag
hindi ko siya nakikita parang hindi kumpleto yung
araw ko. Kapag hindi ko siya nakaka usap
nalulungkot ako. Palagi ko siyang iniisip tska palagi
din akong nag aalala sakanya. Akalain mo yun ha?
tumagal kami ng tatlong bwan? Ano kayang
ginawa sakin ng pusang robot na yun?

Bakit mahal na mahal ko na siya..

"Hoy pusa.. ang tagal mo naman mag text."
Pinatong ko sa study table yung ulo ko. Malapit na
mag 12am pero hindi pa din nag tetext si Jeydon.
Antok na antok na nga ako dito eh, bigla na lang
kasing hindi nag reply yung pusa na yun. For sure
bukas sa flag ceremony aantukin na naman ako
neto at kasalanan lahat to ng magaling kong
boyfriend! Huhu badtrip naman kasi sabi niya wag
daw muna akong matulog tapos bigla namang
hindi na mag tetext. Sira ulo talaga yung pusa na
yun!
"Candice, matulog ka na." napa tingin ako sa
pintuan ng kwarto ko, si Kuya Charles lang pala.
"May pasok pa tayo bukas."
"Eh bakit ikaw? gising ka pa din naman ah?" binato
niya ko bigla ng unan. Waaa! ang bad niya
natamaan ako dun ah! "Ang sakit nun ah!"
"Sumunod ka nga sakin, matulog ka na!" tapos
umalis na siya.

Seriously? papatulugin niya ko tapos siya gising
pa? makatarungan ba yun? paano ko kaya siya
susundin nun? Hays matatanda nga naman.
Wahaha! makatulog na nga for sure tulog na 'tong
pusa na 'to eh.
Humiga ako sa kama tapos tinignan ko ulit yung
cellphone ko pero wala pa ding text ni Jeydon.
Natulog na ko kapag bukas lang wala siyang text
sakin, kakalbuhin ko siya. Wahaha! Humanda ka
sakin Jeydon!

Pinikit ko na lang yung mata ko.. hay, inaantok na
talaga ako.

"Manang gising na!"
Teka lang, five minutes pa.
"HOY CANDICE!"
Ang ear drums ko! ang sakit sa tenga ng boses ni
kuya. Gustong gusto ng dumilat para tumigil na
siya sa pag sigaw sakin kaso antok pa din talaga
ko eh.
"Aba ayaw mo gumising ah.."

Oo ayaw ko pa kaya ikaw dyan kuya manahimik ka
dahil natutulog pa ko. Akala mo ka kagandahan
yung boses mo? Wag mo muna akong gisi-"Waaaaaa!"
Anak ng siopao ang lamig nun ah! Tinapunan niya
ko napaka lamig na tubig! Anong klaseng kapatid
siya?! wala man lang siyang puso. Huhu! nabuhay
tuloy bigla yung katawang lupa ko.
"Haha! Ayaw mo pa magising ha? oh eh di naligo
ka ngayon?" tawa tawa pa siya dyan! Argh!
nakakainis talaga.
"Sige tawa pa! next time bubuhusan kita ng
kumukulong tubig!" aba tumatawa pa din siya,
hindi ba ko nakakatakot kapag ako yung nagsasabi
nun? "Alis na nga! naiinis lang ako sayo Kuya!"
"Sabi ko kasi sayo matulog ka ng maaga, ayan
tinatanghali ka tuloy ng gising." tinulak ko siya
palayo ng kwarto ko.
"Tell me ikaw ba yung ma la-late? hindi naman di
ba? Ako?! kaya ikaw kung ayaw mong matulog
magpatulog ka!" sinarahan ko nga siya ng pintuan.
Ayan! dapat lang sayo yan kuya! huhu istorbo ka
sa pagtulog ko eh.

Ang aga pa naman eh, huhu ngayon tuloy hindi na
ako makatulog. Paano na to mamaya? patay talaga
ako neto eh. Mabuti pa tignan ko na lang muna
yung cellphone ko.
Aba walang text si pusa pero may isang unknown
na text, kanino naman galing to?

From:Unknown
Good Morning Noona -Lucas.

Wow lang ha, buti pa 'to si Lucas nag text sakin eh
yung sarili kong boyfriend wala eh. Pambihira
naman talaga oh. Sinave ko yung number ni Lucas
tapos nag ready na lang ako para sa class ko maya
maya. Wala na naman akong choice eh dahil hindi
na din ako makatulog dahil sa napaka galing kong
kuya. Pambihira talaga! wala na din akong pang
blackmail sakanya kasi sila ng dalawa ni Ate
Serina.
"Morning ma.." mukhang malungkot si mama ah?
Anong nangyari? "May problema ba?"
"Ha? wala.. wala naman." tinignan ko si Yaya,
hindi siya mapakali. Tinignan ko din si Kuya
Charles pero hindi din maipinta yung mukha niya.

Ano ba kasing meron dito na hindi ko alam?
"Kumain ka na anak."
"May something ba akong hindi alam dito ma?"
kinuha ko yung breakfast ko tapos kumain na ko.
Hindi maka tingin sakin si mama eh, mukhang
wala naman silang planong sabihin sakin. "Okey,
sabi ko nga wala eh."
Nung malapit ng maubos yung pagkain ko biglang
tumunog yung phone ko. Napatingin silang tatlo
sakin, eh kasi naman yung theme song ng
doraemon yung theme song ng phone ko. Huhu
nakakahiya buti nasagot ko agad.
"Hello?"
[Yah! kanina pa ko nasa labas ng bahay niyo.]
waaaa! kanina pa? shete hindi nga pala uso
sakanya yung kumatok. Eh bakit kasi hindi siya
nagtext?!
"Sorry na, lalabas na ko." kinuha ko agad yung
bag ko tapos kumuha ako ng tinapay sa lamesa.
"Alis na po ako!"
Iba magalit to si pusa eh, mainitin pa din talaga
yung ulo. Buhay pa din yung dragon niya sa
katawan kaya kung ayaw mong mabugahan ng
apoy wag mo siyang galitin. Tumakbo na ko
palabas ng bahay kaso sa pagmamadali ko

nabangga ko yung picture frame malapit sa may
pinto. Pinulot ko yung picture, bigla akong
kinabahan nung nakita ko yung laman ng picture.
Nag vibrate ulit yung phone ko, waaa! oo nga pala
si pusa.

"O-okey na.. so-sorry.." hingal na hingal pa ko,
tumakbo kasi ako palabas ng bahay.
"Bakit ngayon ka lang ha?" teka nga, may naalala
ako eh. Pinatong ko yung kamay ko sa bewang ko
tapos tinignan ko siya ng masama. "Oh bakit?"
"Sino kaya may kasalanan? Ako ba yung hindi nag
reply kagabi? Ako ba yung hindi nag tetext?" ayan
mukhang guilty siya, ma guilty ka talaga! pinuyat
mo lang naman ako.
"Sorry! eh nakatulog na ko eh." eh bakit hindi siya
nag text ngayon? naglakad na lang ako palayo
sakanya. Feel ko mag inarte ngayon eh bakit ba?
hehe. "Ui baby girl! teka!" hinawakan niya yung
braso ko.
"Oh ano yun?" galit galitan pa din ang drama ko
dito. "May sasabihin ka?"
"Sorry na, gusto ko kasi mag damag tayong mag
katext kaya kahit inaantok na ko nag tetext pa din
ako sayo, eh talagang inantok na ko eh." iiyak na

yan! iiyak na yan! haha ang cute niya kapag
defensive siya.
"Oh bakit hindi ka man lang nagtext ngayon? buti
pa si.." ops muntil ko na mabanggit si Lucas,
sigurado magagalit siya kapag nalaman niyang
nagtext sakin si Lucas. "buti pa si Troy may text
sakin."
"Sira na phone ko eh, kaya mamaya sasamahan
mo ko bumili." hinila na niya ko papuntang school.
Tss, sira daw.

Pagtapat namin sa gate ng school hinarap niya ko
sakanya, anong problema niya?

"Pwedeng pa charge?" ano daw? charge? eh
akala ko ba wala siyang phone?
"Anong char--" hindi ko na natapoa yung sinasabi
ko kasi niyakap niya na lang ako bigla. Omo!
anong trip neto ni pusa? nangyayakap bigla ang
dami pa namang tao dito. "Huy pusa ko! ano yan?"
"Puyat din ako eh kaya kumuha ako ng lakas
sayo." ang lawak ng ngiti niya. Sira ulo talaga!
pero kinilig ako dun ah, hehe. Eh bakit ba? ang
sarap kaya yakapin ni Jeydon.

Pagpasok namin sa school dumeretso agad ako sa
room. Gusto ko kasi matulog kahit konti tutal wala
pa naman si Ms. Farrah eh. Pinatong ko lang yung
ulo ko sa desk, antok pa din talaga ko. Wala pa
kong ten minutes na nakaka tulog dumating
naman agad si Ms. Farrah. Yan tuloy buong
subjects nilalabanan ko yung antok ko. Si pusa
kasi eh! huhu tapos saglit lang ako niyakap kanina
siya lang tuloy naka charge ng enegy. Buti na lang
nag ring na yung bell, makaka tulog na din ako.
"San ka kakain? gusto mo sabay sabay na tayo?"
tanong sakin ni Margot.
"Kayo na lang, kelangan kong matulog eh." hindi
ba halata na antok na antok ako?
"Oh sige, bye."

Dumeretso agad ako sa may music hall. Dun
masarap matulog eh, malamig tska tahimik.
Umupo ako dun sa pinaka unahan na upuan,
malambot kasi upuan dun tska pwede mong ibaba
para makatulog ka. Yes makakatulog na din ako...

*beep*

*beep*
*beep*

Aba kanina pa nag vivibrate phone ko ah, anong
oras na ba? Matignan nga yung relo ko.

Omegash. Shete.

Waaaaaa! OMO! uwian na pala. Ganun ba ko
katagal natulog? parang wala pa ngang ten
minutes yun eh. Hala patay ako neto eh. Tinignan
ko yung cellphone ko. Putek sobrang daming text
ni Jeydon. 102 text messages tapos 25 missed
calls, unli lang? akala ko ba waa siyang cellphone?
Ano kaya mga text niya? parang kinabahan naman
ako.

'Asan ka na?'
'Wala ka sa claas mo?'
'Asan ka?!'
'Candice sagutin mo ko!'
'Isa!'
'Pls talk to me.'

Hala puro ganyan yung text niya, patay talaga ako
neto. Lumabas agad ako ng music hall, wala ng
masyadong tao. Tinawagan ko si Jeydon pero
nakapatay naman yung phone niya. Asan na kaya
yun? lagot talaga ako dun eh. Kinakabahan na
tuloy ako dito. Bakit ba kasi ang stupid ko naman
masyado? hindi man lang ako nagising sa mga text
niya kanina. Dapat pala kasi nag pa alarm ako eh,
aish.
Palabas na sana ako ng gate, buti nakita ko si
Jeydon. Nag uusap sila ni Marky, mukhang seryoso
yung pinag uusapab nila. Lumapit ako para marinig
ko sila. Natatakot pa ko lumapit kay Jeydon eh,
baka mamaya sobrang galit siya sakin.

"Ewan ko! nababaliw na ko kakahanap sakanya!"
napaupo si Jeydon sa sahig, mukhang alang alala
na siya sakin.
"Jaydee calm down, hindi pa naman natin alam
kung ano ba talagang nangyari, baka naman
namatay lang yung phone." pinapakalma siya ni
Marky, huhu nakaka awa si pusa ko.
"Mag tetext yun sakin, kaya sigurado akong may
nangyari sakanya! T*ngina baka may kinalaman
dito yung Phoenix." Patay na talaga ko, akala ni
pusa may nangyari ng masama sakin eh nakatulog

lang naman ako sa music hall. Guilty pa tuloy ako
kasi hindi naman talaga ako nagtext sakanya.
Huhu ang bad mo Candice. "Kelangan ko siyang
hanapin."
"Paano kung Phoenix nga yung may gawa neto?
alam mo namang habol ka nila eh kaya kelangan
mag isip muna tayo ng plano." Phoenix na naman?
tska bakit siya hinahabol ng Phoenix?
"Hindi ko kayang tumanga dito! kaylangan kong
makita yung girlfriend ko!"

"Wag na!" napalingon silang dalawa sakin, gulat na
gulat akala mo nakakita ng multo eh. "Andito lang
naman ako eh."
"San ka ba galing ha?" lumapit agad sakin si
Jeydon, hinawakan niya yung kamay ko. Alam
kong galit siya pero mas nangingibabaw yung pag
aalala sa mata niya. Sorry Jeydon, sorry talaga.
"Pinag alala mo ko." niyakap niya ko nh sobrang
higpit, feeling ko hindi na ko makahinga.
"Na-nakatulog ako sa music hall, hindi na kita na
text eh. Sorry.." nakayakap pa din siya sakin,
waaa pusa ko hindi na ko maka hinga. "Jeydon.."
"Huy Jaydee! hindi na maka hinga si Candice!" buti
napansin ni Marky.

"Next time wag mo ng gagawin yun, hindi ako
mapakali kakaisip sayo."
"Oo na, sorry na ulit." tapos niyakap niya ulit ako.
"Naku sa harap ko pa nag yakapan! Korni niyo
hoy!" ay langhiya! andyan pa nga pala si Marky.
Hihi sorry naman. "Alis na nga ko!"
"Bye Marky!" sumakay agad siya sa kotse niya.
"C'mon, bibili pa tayo ng bagong phone ko."
"Kanino yung gamit mo kanina?" pagkalabas
namin ng gate nakita ko yung kotse niya, dinala pa
talaga dito ng driver nila.
"Bumili na ko kanina sa pag aalala ko sayo, kaso
gusto ko pareho tayo ng phone kaya bibili ulit
ako." binuksan niya yung pinto ng kotse niya tapos
pumasok na ko. As usual siya nag lagay ng
seatbelt ko, at syempre may kasama na namang
kiss sa cheeks yun. Adik to sa kiss si Jeydon eh, eh
ako naman si kinikilig! wahaha.

Dumeretso agad kami sa may bilihan ng cellphone
pag dating namin sa mall. Ang daming maganda
pero may nakita ko dun na kulay pink.

"Baby! eto sakin ang cute eh!" tinuro ko sakanya
yung pink na phone, kumunot naman yung noo
niya. Ay oo nga pala pink nga pala to baka
mapagkamalan pa siyang bading. "Sige wag na
pala."
"Miss dalawa nga neto." eh? bibilhin niya talaga
yan kahit pink? akala ko naman ayaw niya nun.
"Okey lang ba sayo kulay pink?"
"Oo naman, hindi naman ako
mapagkakamalan na bading sa gwapo ko ba
namang to eh." eh di siya na gwapo. Sabi ko nga
eh ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko.
Si Jeydon nag bayad ng phone namin, aba dapat
lang kuripot ako kaya ako gumastos. Wahaha! tska
ang dami dami namang pera ng pusang to eh.
"San na tayo?" nginitian niya ko. Oo alam ko na
kung saan kami pupunta. "Sabi ko nga kakain
tayong ice cream eh."

As usual andito kami sa DQ para kumain ng ice
cream. Yung oreo na malaki pa din yung inorder
ko, favorite naming dalawa. Para naman siyang
bata na tuwang tuwa nung binigay ko yung ice
cream niya. Kapag ganyan siya hindi mo maiisip na
bad boy siya eh.

"Why didn't you text me? nag alala ako sayo." hala
ayan na naman yung tanong niya.
"Sorry nakalimutan ko eh." ang sama ng tingin
niya sakin, hehe sorry na Jeydon. "Peace na tayo,
sorry na nga eh."
"Matitiis ba kita?"
"Hehe i love you." bigla ba naman akong pinahiran
ng ice cream sa mukha. Waaa! lakas na naman ng
topak.
"I love you din." sabay ngiti sakin, aba gusto niya
ng ganyanan ah? akala niya uurunagn ko siya?
Nilagyan ko nga din siya ng ice cream sa mukha
niya. Ayan patas na tayo! wahaha. "Ah ganun?"

Ayun nag pahiran na kami ng ice cream sa mukha
ni Jeydon, hindi na nga kami nakakain eh. Hindi pa
din kami tumitigil kahit pinag titinginan na kami ng
mga tao. Wapakels na kaming dalawa, enjoy
naman kami eh. Tumigil lang kami nung ubos na
yung ice cream namin. Ang saya naman parang
gusto ko pa!
"Baby ang lagkit na natin! ikaw kasi eh!" huhu ang
lagkit na talaga.

"Ikaw din naman ah? haha! tara punta tayong
washroom?" umalis na kami dun, kanina pa talaga
kami pinag titinginan ng mga tao dun. Para kaming
bata ni Jeydon, haha.
Habang papunta kaming restroom ang higpit ng
hawak sakin ni Jeydon. Problema niya?
"Ayaw mo naman akong hawakan ng lagay na
yan?" tumingin siya sakin pero seryoso lang siyang
naka tingin sakin.
"Ayoko kasing mawala ka pa ulit sa tabi
ko." kelan ba ko nawala sa tabi niya? parang wala
naman akong maalala. Pagtapat ko sa women's
rest room tska lang niya binitawan yung kamay ko.
"Bilisan mo ah."
Nag hugas ako ng mukha ko pati kamay ko. Ang
lagkit talaga, abnormal kasi netong boyfriend ko
pahiran ba naman ako ng ice cream? ako din
naman abnormal pinatulan yung kalokohan niya.
Ewan ko ba lakas ng topak naming dalawa.
Paglabas ko ng rest room nasa tapat na si Jeydon
ng pintuan.

"Tara?" sabay hawak agad sakin.

"San naman?" wow grabe talaga pagkakahawak
niya sakin ah akala mo naman bata ako na
mawawala dito sa mall.
Hinila niya lang ako sa may Timezone. Hinila niya
ko sa may basketball, yung mag shoot ka dun sa
napaka taas na ring.
"One shoot, one kiss." eh?
"Ang daya mo ah? eh ang galing mo mag shoot!
iisa ka lang eh! ayoko nga!" akala niya ha, haha.
"Oh sige i block mo ko, pero kapag napasok ko pa
din may kiss ako ah?" sabay kindat sakin. Sus
akala niya hindi ko siya kaya? humanda siya sakin.
So ayun, naka sampung kiss siya sakin, sa chicks
lang naman eh. Ang hirap niya pala bantayan kasi
ang tangkad tangkad niya. Pinag titinginan na nga
kami ng mga tao dun kasi kung ano ano yung
ginawa namin. May nalalaman pa kaming block
block, ano to basketball court? Yung iba naman
umisigaw pa ng 'ayiee' kada hahalikan ako sa
pisngi ni Jeydon. Mga sira.ulo din sila eh! Manang
mana sa kabaliwan ng boyfriend ko. Ako naman
tong sumasakay din sa kabaliwan niya.
Hinawakan na naman ni Jeydon yung kamay ko
tapos pumunta kaming garden sa taas ng mall.
Ang higpit talaga ng hawak niya sa kamay ko.

Nung naka upo kami dun malapit sa may fountain
hindi pa din niya binibitawan yung kamay ko. Yung
totoo? aalis ba ko sa tabi niya? >.<

"Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may
sumasabay sa kabaliwan mo."

"Nahawaan mo na kasi ako eh! abnormal na pusa."
tinignan niya tapos pinisil niya yung ilong ko.
"Mashakeet!"
"Wag mo na ulit gagawin yun ah, sobra ako mag
alala sayo eh. Parang mababaliw ako kapag hindi
ko alam kung nasaan ka."
"May problema ba?"
"Wala, I'm just being concern. Bakit?" wushu patay
malisya pa siya, halata kaya. Ah baka naman
tungkol sa Phoenix? hindi ko pa din kasi
natatanong direkta sakanya yung about dun,
tanungin ko na kaya?
"Jeydon, bakit hinahabol ka ng Phoenix? tska ano
ba talagang meron sa Phoenix?" naka tingin ako
nun sakanya habang nagtatanong ako, pagkatapos
ko mag tanong napatingin siya sakin. Nagulat ata
siya sa sinabi ko pero kumalma naman agad siya.

"I don't want you to know." natigilan ako sa sinabi
niya, bakit ayaw niyang malaman ko? bakit ako
hindi pwede? Hmpf! ang daya naman.
"Eh bakit si Kim? di ba kasali pa nga siya sa
Phoenix dati? tapos ako mag tatanong lang about
dun ayaw mo pa.."
"It's better that you don't know, ayaw kitang
mapahamak." naiinis ako, mas lalo lang akong nag
aalala sa mga sinasabi niya eh. Yah! Jeydon tell
me. "Please baby, intindihin mo ko." niyakap niya
ko.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" ang daya daya
niya talaga! pero bahala nga siya, siya naman boss
ko eh.
"Thank you, and don't be jealous to Kim." hindi
kaya ako nag seselos! adik pala siya eh, konti lang
naman eh. "I love you so much."
Sinandal niya yung ulo niya sa braso ko habang
nakayakap siya sakin.
Hindi ko na nga lang siya pipilitin about dun sa
Phoenix na yun, baka mas okey naman talaga na
hindi ko yun alam. Tska ayoko naman pag awayin
pa namin yun, maganda yung araw na to kaya
ayokong sirain.

Biglang nag beep yung phone ko, yung luma pa
din yung gamit ko. Kukunin ko na sana kaso si
Jeydon naman kumuha.
"Yah! who's texting you ha?" naku umiral na
naman ang pagkaseloso ng boyfriend kong
abnormal. Ay shete baka si Lucas! pag nakita niya
magagalit to malamang.
"Wala yan! akin na!" inangat niya yung phone
gamit yung kamay niya. Hindi ko maabot ang haba
ng kamay niya eh.
Napahinto naman siya bigla nung nakita na niya
yung text sakin. Hala patay na si Lucas nga siguro
yan. Kaso parang nakatulala siya sa text na nakita
niya..
"Huy pusa ko! Sino ba yan?"
Inagaw ko sakanya yung phone ko tapos binasa ko
yung text sakin.
Muntik ko ng mabitawan yung phone ko nung
nabasa ko yung text ni Mama..
"Haha pusa, joke di ba? nag jo-joke lang to si Kuya
Charles di ba?"
Tinignan lang niya ko.
"Yah! tell me di ba joke lang to?"

Tapos niyakap niya ko, niyakap niya ko mahigpit
na mahigpit.
"Matagal kaya mamatay yung masamang damo
kaya hindi pwede to!"

"Candice.. andito lang ako."

Yakap yakap pa din ako ni Jeydon, shete naman
eh! bakit ganito? ayoko maniwala pero habang
tumatagal nag si-sink in lang sakin na totoo nga
lahat to. Niyakap ko ng mahigpit si Jeydon tapos
hindi ko na napigilan na umiyak.. iyak ako ng iyak.
Ang sakit sakit eh.. sobrang sakit. Kaya pala
nabasag yung picture frame namin ni papa na
magkasama kanina

Wala na si papa.. wala na siya.

68: I got your back

Tama nga yung sabi nila, laging nasa huli yung
pagsisi. Kung kelan wala na yung isang bagay tska
mo pa lang makikita yung halaga niya.

"Appa, mianhe.. mianhe."
Niyakap ko ulit yung puntod ni papa. Ang sakit
pala, sobrang sakit na hindi mo na maka usap ulit
yung papa mo. Ang dami ko pa sanang gustong
sabihin sakanya eh, gusto ko pang mag sorry.
Gusto ko pang sabihin na pinapatawad ko na siya,
gusto kong sabihin kung gaano siya kahalaga
sakin. I want to tell him how much I love him but
it's too late. Wala na siya eh, wala na.
"Candice, umuwika na muna." nilingon ko kung
sino yun, si mama pala.
"Hindi mama, kelangan ako dito ni papa." hindi ko
na naman napigilan yung pag iyak ko.
"Isang linggo ka ng ganyan, anak maawa ka
naman sa sarili mo baka mag kasakit ka naman
nyan."
"Please ma.. hayaan niyo muna ako."

Napa buntong hininga na lang si mama, alam
niyang hindi niya ko mapipilit. Isang linggo simula
ng ilibing si papa, halos hindi na ko umalis sa
puntod niya. Isang linggo na din akong hindi
pumapasok sa school. Parang may sarili na kong
mundo kasi wala akong masyadong kinakausap.
"Tawagan mo ko kapag gusto mo ng umuwi."
umupo si mama tapos hinawakan niya yung kamay
ko. "I love you Candice."
"Thanks ma, I love you too."
Niyakap niya ko tska siya umalis. Alam kong
nahihirapan din sila ni Kuya Charles sa nangyari
pero mas masakit sakin kasi biglaan lahat para
sakin. Alam na pala nila Mama at Kuya na malala
na yung sakit ni papa, ayun yung bagay na ayaw
nilang sabihin sakin nung umaga na namatay si
papa. Akala nila hindi din ako makikinig, akala nila
wala akong paki alam. Totoo naman eh, kung
sinabi nila sakin yun noon baka hindi ko din naman
pinansin yun pero ganito pala kapag wala na
talaga si papa. I did take him for granted, porket
nandyan pa siya wala kong paki alam kahit mag
hingalo na siya. Eto ngayon na wala na talaga siya
tska ako nasaktan ng ganito. Pakiramdam ko isa
akong malaking tanga at napaka walang kwenta
kong tao.

Sa sobrang dami ko ng nailuha parang wala ng
gusto lang lumabas sa mata ko.
Ayoko sanang tignan yung phone ko, kaso kanina
pa may nag te-text sakin.

56 messages. 8 missed calls.
Binuksan ko lahat, Condolences galing kala Marky,
Troy, Tiffany, Margot tska kala Ginno. Hinuli ko na
yung mga text sakin ni Jeydon.

'Kumain ka na. Wag mong pabayaan sarili
mo.'
'I'm just here if you need me'
'I just want to tell you how much I missed
you'
'I love you, hope you're better now.'

Isang linggo ko na din kasing hindi kinakausap si
Jeydon. Hindi ko alam kung bakit, siguro sobrang
nasasaktan lang ako. Actually maliban kay mama
at Kuya Charles wala pa akong masyadong
kinausap simula ng nilibing si papa. Minsan nga na
aawa na ko kay Jeydon, ang sama sama ko kasing
girlfriend sakanya. Parati niya akong itetext o

tatawagan, minsan pupuntahan pa niya ko dito
pero dedma lang ako.

Jeydon sorry.. sorry.

Pinalubog ko lang yung araw bago ako nag decide
na umuwi na sa bahay. Nung nag hihintay ako ng
taxi may biglang nag park na kotse sa harap ko.
Nung binaba niya yung salamin akala ko kung
sino, si Lucas lang pala.
"I'll bring you home Noona." Nag dalawang isip pa
ko bago ako sumakay sa kotse niya, wala din
naman dumadaan na taxi dito.
Tahimik lang ako buong byahe kahit si Lucas
tahimik lang din. Buti na lang naiintindihan niya
ko. Nung nasa tapat na kami ng bahay, hinawakan
niya yung kamay ko.
"Be strong Noona, andito lang kami." ngumiti lang
ako sa kanya, a weak smile.
"Thanks." wala na kong ibang sinabi tska ako
bumaba. Hindi ako lumingon sakanya, dumeretso
lang ako sa bahay.

Dumeretso ako sa kwarto ko. Tinawag ako nila
Mama pero hindi ko sila pinansin. Sorry Mama,
Yaya, Kuya Charles. I jst don't want to talk to
someone right now.
Alam ko naman na hindi lang ako yung nahihirapan
pati din sila. Napaka selfish nga ng ginagawa ko
kasi sarili ko lang iniisip ko pero sobrang sakit
talaga. Never akong naging ready sa ganitong
sitwasyon.
Galit na galit ako sa sarili ko, napaka taas kasi ng
pride ko kaya hindi na tuloy kami nakapag usap pa
ni Papa. Hindi man lang kami nag ka ayos bago
siya mawala. Humarap ako sa bintana ng kwarto
ko. Pinag mamasdan ko yung mga stars ngayon.
Papa andyan ka ba sa mga yan? Are you happy
there? I miss you so much pa. I wish you're still
here.
*beep*

From: Doraemon<3
Tama na sight seeing, tulog na.

Paano niya nalaman na gising pa ako at andito ako
sa tapat ng bintana ko?

"Jeydon.."
Nandun siya sa tapat ng bahay namin,
pinagmamasdan niya ko. Naka tingin lang siya
sakin, naka ngiti siya pero halata mong malungkot
siya. Paalis na siya kaya tumakbo agad ako sa
baba na akala mo wala ng bukas. Paglalabas ko
nakita ko siyang nakatalikod na naglalakad palayo.
"Yah!" napaligon siya sakin. Lumapit ako sakanya,
napahawak pa ako sa braso niya kasi hingal na
hingal na ko. "Ba-bakit a-alis ka na?" hingal pa din
ako.
"Akala ko ayaw mo pa din akong kausapin."
Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya niyakap ko
siya. Yung isang linggo na hindi ko nakasama si
Jeydon parang isang bwan na. Grabe sobrang na
miss ko pala talaga tong pusa na to.
"Pusa.. sorry. I'm sorry." Naramdaman ko na lang
yung luha sa mata ko. Niyakap niya din ako tapos
hinaplos niya yung buhok ko.
"Shh.. I know, I understand." hindi ko napigilan na
maiyak. Nakaka inis kasi, napaka wala kong
kwentang girlfriend pero inintindi niya pa rin ako.
Bakit ganyan ka Jeydon? "Tama na, ayokong
nakikita kang umiiyak." hinarap ko siya.

"Sorry kasi I take you for granted, hindi ko naisip
na nasasaktan na din kita sa pag iwas ko." umiiyak
pa din ako kaya nilagay niya yung kamay niya sa
mukha ko tska inalis yung luha sa mata ko gamit
yung kamay niya.
"Sabi ko naman sayo, lagi lang akong nandito kahit
anong mangyari." ngumiti na siya sakin, mukhang
masayang ngiti na. "I missed you so much."
Niyakap niya ulit ako ng sobrang higpit. Niyakap
ko din siya. Miss na miss ko din siya. Buti na lang
talaga he understands me, buti na lang siya yung
boyfriend ko. Jeydon thank you for understanding
me.
"Jeydon, I love you so much."
Hindi niya ko sinagot, instead he just kissed me.
It's more than saying he loves me too kasi
ramdam na ramdam ko naman eh. How much this
bad boy loves me.
"I love you too."

--

"Candice kamusta ka na?" tanong sakin ni Margot.
Ngumiti lang ako sakanya, I'm still not okey pero
ayoko mag emo sa harap niya. Sa harap nilang
lahat.
"Okey na ko, thanks." syempre ayokog ipakita na
hindi pa din ako ganun ka okey kaya todo fake
smile ako, ayoko na silang mag alala sakin.
"Kamusta? anong nangyari habang wala ako?"
"Eto busy lahat dahil sa foundation day. Oo nga
pala kelangan natin mag isip ng concept para sa
booth natin."
"Ah okey."
Dati excited ako sa foundation day ng school.
Masaya kasi yun eh, madaming mga booth tska
madaming pagkain. Kaso ewan wala akong gana,
parang ayoko nga atang pumunta.
"Candice kamusta pala kayo ni Jeydon?" biglang
tanong sakin ni Margot, tumingin naman ako
sakanya na nagtataka. Alam ba niya na hindi kami
nag uusap ni Jeydon nung namatay si Papa?
Nabasa niya ata yung nasa isip ko, "Kasi nung
isang linggo kang hindi pumasok sobrang lungkot
niya, akala mo pasan niya yung mundo eh."
"Talaga? Hays.. ang sama ko kasi eh." hinawakan
ni Margot yung balikat ko.

"Wag ka mag alala kasi alam ko naman na
naiintintindihan ka niya." tama, sobra sobra pa.
Hays, im so bad. Nilapag ko na lang yung ulo ko sa
table. Hindi ko man lang naisip si Jeydon, kawawa
naman yung pusa na yun. Guilty na guilty tuloy
ako. Kelangan ko talagang bumawi sakanya.

Nung nag lunch na pumunta agad akong canteen,
yung iba nakiki condolence sakin. Medyo nakaka
gaan din ng loob. Bumili agad ako ng ice cream
tapos pumunta ako sa tambayan ng apat. Nakita
ko naman agad si Jeydon, naka ngiti agad siya
sakin nung nakita niya ko. Tinago ko sa likod ko
yung ice cream na dala ko. Pagkaharap ko sakanya
tska ko inabot yung ice cream.
"Para san yan?"
"Waa lang, gusto ko lang bumawi sayo." kinuha
naman niya yung ice cream tapos umupo ako sa
tabi niya.
"Hindi mo naman kelangan gawin to eh pero okey
na din kasi na miss ko na mag ice cream eh."
sobrang lawak ng ngiti niya, hindi ko naman din
mapigilan na mapa ngiti. Nakakahawa kasi tong si
pusa ko eh. "Eh di ayan naka ngiti ka na din, mas
mukha kang tao kapag ganyan ka."

Sinamaan ko siya ng tingin, so hindi pala ko
mukhang tao. Pinahiran ko nga siya ng ice cream
sa mukha, haha yan bagay sayo pusa! Aasarin mo
pa ako ah.
"Huy ayan ka na naman! dudumihan mo yung
napaka gwapo kong mukha eh!" binitawan ko yung
ice cream na hawak ko, hinawakan ko ng dalawa
kong kamay ko yung mukha niya.
"Gwapo? Saan ha? Saan?"
"Tss, eh di hindi na ko gwapo." binaba na din
niya yung ice cream niya pero takte ubos na din
naman eh! nag cross fingers siya tapos parang
galit. "Sabi ko nga panget ako eh."
Gusto kong matawa sa reaksyon ni Jeydon, para
siyang bata na nagmamaktol. Hinawakan ko ulit
yung mukha niya. "Eto naman hindi na mabiro,
ikaw kaya yung pinaka gwapo sa paningin ko."
bigla naman siya ngumisi sakin.
"Kung gwapo ako para sayo, kiss mo nga ako."
ngumuso siya sakin, ah kiss pala ah. Pinisil ko nga
yung pisngi niya. "Awchh.. mashaket beybi."
"Puro ka kiss eh!" natawa naman siya sa sinabi ko.
"Oh bakit?"

"Gustong gusto mo naman yung kiss ko eh."
napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "Sabihin
mong hindi?"
"Hindi!"
Nag evil grin siya sakin, unti unti siyang lumapit
sakin. Napasandal naman ako sa may sofa, hala
anong gagawin ng gwapong nilalang na to sakin?
sobrang lapit na niya sa mukha ko. Sa sobrang
atras ko nakasandal na talaga ako sa sofa na
inuupan namin.
"Hindi mo pala gusto na hinahalikan kita? eh paano
kapag hinalikan kita ngayon?"
Waaa! ang sexy ng boses ni Jeydon, damang dama
ko yung napaka bango niyang hininga.

"Help!"

Bigla siyang napa atras tapos tumawa siya ng
malakas. Eh bakit hindi niya tinuloy? nag
papakipot lang naman ako. Haha echos lang yun.
"Help ka dyan! feel na feel mo naman."
"Sus hindi kaya! iisa ka lang eh! Aminin mo na!"

"Ayieeee." napalingon kaming dalawa ni Jeydon sa
bagong dating, si Troy tska Tiffany. "Ang sweet
naman, hi Candice na miss ka namin."
"Na miss mo ko Troy? parang hindi naman. Eh ang
laki laki ng ngiti mo eh porket kasama mo si
Tiffany." akala ko si Tiffany lang yung nag blush
aba pati din to si Troy. Haha ang cute nila tignan.
"Uy Candice na miss ka nga talaga namin. Nag
alala kaya kami sayo. Okey ka na ba?"
"Sorry ah pinag alala ko pa kayo. Okey na ko,"
tama lang naman na hindi ko na ipakita sakanila
na hindi pa din ako ganun ka okey, ayokong mag
alala pa ulit sila sakin. Ngumiti ako sakanilang
dalawa. "Anong bago ah?"
"Wala naman, busy lang lahat sa foundation day.
Sang section ka sasama? Sa section eleven ka na
lang!"
"Pwede din, ano bang gagawin niyo?" nagka
tinginan si Troy at Jeydon. "Bakit?"
"Horror house."
"HORROR? eh tapos na Halloween ah!" hala ayoko
dun, takot ako sa mumu eh.

"Bakit takot ka siguro sa multo nuh?" tumawa na
naman tong baliw kong boyfriend. "Awooo! haha!"
pinalo ko nga siya, asarin daw ba ko! abno talaga.
"Haha! wag ka matakot andun naman si Jeydon
eh, basta samin ka na sasali ah? Ikaw boo samin
ka din ah?"
"Sure! masaya yan!" Yung ngiti niya sa isat isa
sobrang lawak, ano ba tong dalawa na to, hindi
naman halata na super inlove sila sa isat isa ha?
Wahaha, eh di sila na. "Excited na ko!"
"Mamaya aayusin ko na yung gagawin natin." wow
wala namam siyang effort dun. Seryoso sila dun
ha? eh di sila na todo effort. "Ay boo tara hatid na
kita sa room mo."
"Sige boo tara! bye Candice and Jeydon, maya na
lang." tapos umalis na silang dalawa. Magkahawak
pa talaga ng kamay eh, ayaw naman nilang
maging sweet nun?
Nginitian ko na naman sila ng sobrang lawak para
na nga akong tanga kasi fake na fake naman yung
smile ko.
Tinignan ko si Jeydon, tahimik lang tapos
nakatingin lang siya sakin.
"Oh bakit? may dumi ba sa mukha ko?"

"Na miss lang kita."
Eh? miss daw niya ko. Ngumiti na naman ako, ano
ba yan nakaka ngawit pala mah smile kapag hindi
totoo yung ngiti mo.
"Miss din kita pusa ko." hinawakan niya yung
kamay ko. "Saan tayo punta?"
"Cutting tayo."
"Ha?!" naka ngiti pa siya nung sinabi niya yun ha,
ano ba nasa isip neto ni pusa? Mag cutting daw ba
kami eh kakabalik ko nga lang sa school. Isang
linggo kaya akong hindi pumasok tas mag cutting
pa ko. "Saan naman tayo pupunta ha? Ayoko nga!"
"Dali na!" hindi na niya ko pinag salita eh hinila na
niya ko palabas ng school, wow like a boss talaga.
Ano naman magagawa ko? napaka lakas ng
lalaking ton
"Huy saan tayo pupunta?"
"Sa papa mo." natigilan ako sa sinabi niya. Ano
namang gagawin namin dun? "Bakit?"
"Ba-bakit? ke-kelangan ba ngayon na?" ayan
parang naiiyak na tuloy ako. "Wag na."

Hindi niya ko pinansin, pumasok lang siya sa
sasakyan kaya wala na din akong nagawa kundi
pumasok din sa kotse niya. Ano kayang nasa isip
niya?
Tahimik lang kami pareho habang papunta sa
puntod ni papa. Mukhang seryoso yung mukha ni
Jeydon. Ang hirap basahin kung ano yung iniisip
niya. Malakas talaga topak netong boyfriend ko eh,
ewan ko ba sakanya.
Bumaba siya sa kotse tapos derederetso lang siya,
sumunod na lang ako sakanya. Umupo siya nung
nandun na kami sa tapat ng puntod ni papa.
"Tito, malungkot po tong anak niyo eh,
pagsabihan niyo naman siya oh. Akala niya
kasi nakakatuwa na yung ginagawa niya.
Hindi niya alam pinag aalala niya kami, lalo
na ko."
Nagulat sa mga sinabi niya kay papa. Umupo din
ako sa tabi niya. "Jeydon, ano ba yang sinasabi
mo?"
"Candice alam ko naman na hindi ka pa talaga
okey eh, kung sila naloloko mo pwes ako hindi.
Kaya andito ngayon kasi isusumbong kita sa papa
mo."

Hindi ako nag salita. Hindi ko alam sasabihin ko
eh, tama naman kasi si Jeydon eh. Hindi naman
talaga ako okey. Akala ko pati siya maniniwala
pero hindi pala.
"Candice," hinawakan niya yung kamay ko. "Alam
ko naman na nahihirapan at nasasaktan ka ngayon
pero tingin mo ba magiging masaya yung papa mo
kapag nakikita ka niyang ganyan? Mas gusto niya
yung naka ngiti ka."
Hindi na naman ako makapag salita, naka tingin
lang ako sa mata ni Jeydon. Hindi ko na napigilan
na umiyak, niyakap ko na lang si Jeydon. Lahat
kasi ng sinabi niya totoo.
"Jeydon ang sakit kasi eh, ni hindi man lang ako
nakapag sorry kay papa. Hindi man lang kami nag
kapatawaran, hindi man lang kami naging okey.
Hindi ko man lang nasabi kung gaano siya ka
importante sakin tska kung gaano ko siya
kamahal."
Hinawakan ni Jeydon yung likod ko, pinapatahan
niya ko sa pag iyak ko pero hindi ko pa din talaga
mapigilan na maiyak eh.
"Ang sama sama kong anak eh, alam mo ba yun?
wala akong kwenta. Gusto kong mag sorry kay
papa, gusto kong sabihin na mahal ko siya pero
wala na eh, wala na siya."

Hinarap ako ni Jeydon sa kanya, hinawakan niya
niya ng dalawang kamay niya yung mukha ko tska
niya inalis yung mga luha sa mata ko.
"Alam ko kung nasan man siya ngayon naririnig ka
niya. Candice sigurado naman ako na napatawad
ka na ng papa mo, alam ko din na alam na niya
yung mga gusto mong sabihin. Kaya please lang,
wag ka ng umiyak oh. Hindi lang kami yung
mahihirapan makita ka ng ganyan, pati yung papa
mo."

Niyakap ko lang ulit si Jeydon. Ayoko mag salita,
gusto ko lang umiyak. Unti unti din naman
nawawala yung mga luha sa mata ko. Nakaka
gaan pala ng loob kapag alam mong may taong
nag co-comfort sayo ng ganito. Tama si Jeydon eh,
alam ko ayaw akong nakikita ni papa na umiiyak at
nalulungkot. Ayoko siyang mag alala sakin. Tama
siya na kelangan maging matatag ako, hindi lang
para sakin para na din kay Mama at Kuya Charles.
Hindi ko kelangan mag mukmok at umiyak na
lang. Kilala ko si papa, ayaw na ayaw niyang
umiiyak ako. Kelangan kong maging malakas at
matatag. Hindi ko na alam kung anong nangyari
sakin after papa died pero isa lang yung alam ko
ngayon. I need to stop crying and make everyone
worry for me.

"Jeydon thank you kasi nandyan ka lagi para sakin.
Kung wala ka siguro hindi ko ma rerealize lahat ng
to."
"Palagi naman akong nandito para sayo eh
kahit na anong mangyari."
"I love you.."
Niyakap niya ko ng mahigpit.
"Saranghaeyo Candice.."

Ngayon palagay na yung loob ko. I know it will
really take alot of time for me to be okey but now I
can say I'm better. I'm beter because of this guy
who's always there for me. Who always understand
and loved me.

69: Join forces

KIM POV

"Ang tagal na din nating hindi nagkita."

Umupo siya sa harapan ko, andito kami sa bahay.
Madami akong bodyguards sa paligid, in any case
may gawin siyang masama sakin. Hindi ko pa din
naman siya kontrolado at wala akong tiwala
sakanya.
"Bakit na miss mo ba ko?"
Tumawa siya tapos kinindatan pa niya ko. Yuck!
nadidiri ako sakanya. Nahalata niya ata yung
reasyon ng mukha ko kaya tumawa siya. Naiirita
ako sakanya, maisip ko pa lang na siya yung may
dahilan kung bakit nabugbog dati si Jeydon
kumukulo na yung dugo ko. Anong karapatan niya
na saktan yung mahal ko? Kung hindi ko lang siya
kaylangan hindi ako mag aaksaya ng panahon
sakanya. Hindi na ko nag paligoy ligoy pa.
"I know who you are." Bigla siyang natigilan sa
sinabi ko, kitang kita ko sa mukha niyang nag
pipigil siya ng galit. Hindi niya siguro akalain na
makikilala ko siya. Well, thanks to your best friend
at nakilala kita.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." tumayo
siya at tumalikod sakin. You don't turn your back
on me stupid bastard. Sumenyas ako sa isa kong
bodyguard. Hinarangan siya ng pinaka malaki kong
bodyguard pero hinawakan niya yung kamay niya
tapos binalibag niya. "Hindi mo ko matatakot."
Well, mukhang minaliit ko nga siya. Naglakad na

ulit siya palayo sakin. Inuubos niya yung pasensya
ko.
"Really now, Red Dragon?" napahinto siya sa
paglalakad then he faced me again with a smile
pero halata mong galit pa din siya. "The new
Phoenix leader." hindi bagay sakanya maging
Red Dragon, kahit kelan hindi niya mapapantayan
yung mga ginawa ni Jeydon sa Phoenix. Walang
wala siya kay Jeydon, yun siguro yung dahilan
kung bakit galit na galit siya kay Jeydon.
"Ano bang kelangan mo?" ngumiti ako sakanya,
nilabas ko sa bag ko yung sobra na may perang
nag kakahalagang isang milyon. Tinapon ko yun sa
harap niya. "Para san 'to?"
"Kelangan mo yan di ba? para sa kapatid mo.
Sabihin na nating konting tulong lang yan galing
sakin." tumawa siya. Sabi ko na nga ba, he's
crazy. Hirap makipag usap sa mga baliw na kagaya
niya.
"Kim hindi ka angel, alam kong may dalawa kang
sungay sa ulo mo. So tell me, ano bang kelangan
mo sakin?" i smiled at him. Hindi naman pala siya
ganun ka stupid kagaya ng iniisip ko.
"Alam kong may plano kang masama kay Jeydon."
now it's his turn to smile at me. Kumukulo talaga
yung dugo ko sakanya, he's irritating.

"Alam mo naman pala eh." lumapit ako sakanya
tska ko siya tinignan ng masama.
"Don't you dare hurt him." I said it in a serious
dead tone. Subukan lang niyang saktan ulit si
Jeydon, hindi niya alam kung paano ako magalit.
"Paano kapag ayoko?"
"Ako makaka bangga mo." seryoso kong sinabi yun
sakanya. Yeah I'm so dead serious.
"Why don't you do it now then?" kung pwede lang
eh pero hindi dahil gagamitin pa kita.
"Why would I do it? when we can do it together,"
he looked at me dumfounded. "Narinig mo na ba
yung salitang hitting two birds at the same time?"
"Go straight to the point Kim." akala ko naman ka
level ko siya, mahina pala siya.
"Gusto mo lang naman maka ganti kay Jeydon di
ba? and you think hurting him physically will give
justice to your revenge?"
"Ano bang gusto mong mangyari?" he's mad now,
totally impatient. Pinapakita lang niya kung gaano
siya ka stupid, paano ba siya naging leader ng
bagong Phoenix?

"Kung gusto mo talagang makaganti kay Jeydon,
madali lang naman yung kelangan mong gawin.
Imbis na si Jeydon yung saktan mo, why not
Candice?"
"At bakit ko yun gagawin? ikaw lang naman may
habol kay Candice so bakit hindi ikaw gumawa
nun?" he really is stupid.
"Yung sakit sa katawan madaling gumaling but
think of this. Mas masakit makita na nasasaktan
yung taong mahal mo, right?" once again tumawa
siya sa sinabi ko.
"Hitting two birds at the same time huh? Matalino
ka nga talaga." of course, that's who I am. Hindi
ako tanga na katulad mo at nung Candice na yun.
"So, it's a deal?"
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" ugh, chismoso din
pala siya nuh? and isn't it obvious? I'm starting to
think na hindi ko din siya magagamit eh.
"Simple, cause I love him."

"But he loves someone else, si Candice yung mahal
niya." sa sobrang galit ko naitapon ko lahat ng
nakapatong sa table na nasa harap ko. He's mine,
at hindi sa babaeng yun.

"Jeydon is mine! and after ng plano natin, I'm sure
na babalik na siya sakin. Like he used to do."
"Fine, I think it's already a deal."
"Good, we'll do it tomorrow."

Jeydon babalik ka din sakin, tandaan mo yan. Akin
ka lang, sakin at hindi sa Candice na yun.

---

MARKY POV

["Asan ka ng ugok ka?! mag start na yung mga
booth dito! pumunta ka na!"]
"Shut up Charles!" binabaan ko na agad siya ng
phone. Buiset na matanda 'to, sobrang sakit sa
tenga ng boses niya. Naka lunok ata siya ng
microphone.
Inaantok pa ko leche. Dapat pala talaga hindi na
ko sumali dun sa foundation day na yun. Mas
masarap pang matulog sa bahay mag damag eh.

Dami kasing alam ng mga classmates namin at
ang matindi si tanda pa yung may pakana neto.
Tumayo ako tska ako tumingin sa salamin, bakit
ang gwapo ko?

*phone ringing*

Lintek na Charles 'to, ang kulit talaga. Kapag
nakita ko siya mamaya sasapakin ko siya eh.

"Ano ba tanda?! papunta na ko!" at kapag nakita
kita humanda ka sakin.
"Ah Mr. Lim?" anak ng! hindi pala si Charles 'to,
nakakahiya naman. "This is Dr. Alvarez, yung
doctor ni Ginny."
"Ah yes doc, sorry about that. May problema ba?"
lintek nakakahiya talaga. Mamaya ano pang isipin
niya sakin.
"Do you have time to visit Ginny?"
"Why is there something wrong?" kinabahan tuloy
ako bigla. Sana naman walang nangyari sakanya.

"Lately kasi palagi siyang umiiyak and masama
yun sa lagay niya. We don't know what to do, we
can't make her to stop crying."
"Don't worry doc, I'll go now."
"Okey Mr. Lim, thank you."
Binilisan ko na lang papunta sa ospital para
makahabol pa ko sa school. Sisigawan na naman
ako ni tandang Charles kapag hindi ako nag pakita.
Ano kayang problema ni Ginny? nung huling bisita
ko naman sakanya maayos siya. May nangyari
kaya? kinakabahan na talaga ko.
Pagka dating ko sa ospital pumunta agad ako sa
kwarto ni Ginny. Pag bukas ko ng pintuan, narinig
ko siyang tumatawa. Pag pasok ko sa kwarto may
isang lalaking kausap si Ginny. Hindi ko pa siya
makita kasi naka talikod siya sakin. Sino kaya
siya? siya kaya yung kuya niya? Hindi na sana ako
mag papakita kay Ginny pero nakita niya ko.
"Marky," pagtawag niya sakin, lumingon yung
lalaki. "bakit ka nandito?"
Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Kilala
niya si Ginny? paano? nalilito ako.
"Shawn? anong ginagawa mo dito?" tumingin
muna siya kay Ginny bago siya lumapit sakin.

"Usap tayo sa labas," binalikan niya ng tingin si
Ginny. "Ginny dun muna kami sa labas." tumango
lang si Ginny tapos lumabas siya.
"Sandali lang Ginny ah." ngumiti siya tska siya
tumango ulit. Sinundan ko na sa labas si Shawn.
"Kilala mo si Ginny?" yun agad yung bungad ko
sakanya.
"Marky, siya yung susi natin kay Red Dragon."
Natigilan ako sa sinabi niya, paano niya nalaman
yung tungkol kay Red Dragon? anong kinalaman ni
Ginny dito? at bakit sinasabi niya ngayon 'to sakin?
nalilito na talaga ko pucha.
"Shawn pwede bang ipaliwanag mo sakin lahat,
hindi ko maintindihan."
"Naka usap ko si Alex, gusto nila ko isama sa
bagong Phoenix pero tumanggi ako. Simula noon
inalam ko lahat tungkol sakanila. Narinig ko na
habol ng leader nila si Jeydon at tinatawag din
siyang Red Dragon."
May inabot siya sakin na picture, isang family
picture. Masayang pamilya, isang lalaki at isang
babae yung anak nung mag asawa. Matagal na
'tong litrato na 'to pero parang nakita ko na yung
dalawang anak ng mag asawa dito sa litrato.

"Nung nalaman ko na kasali pala si Alex sa bagong
phoenix, bigla ko din na alala yung gabing nag kita
tayo. Yung binubugbog mo siya, nangyari yan dun
sa tapat ng bahay ni Red Dragon, at sigurado
akong dun papunta si Alex."
Umupo ako saglit, nilagay ko muna lahat ng sinabi
niya sa utak ko. Kung pupunta si Alex dun sa
katapat na bahay kung saan ko siya sinuntok, teka
ibig sabihin lang..
"Kaya ka ba nandito?" tumango siya sakin.
"Oo kaya ako nandito para i confirm kay Ginny
yung totoo at hindi naman ako nabigo."
"Ano bang kinalaman dito ni Ginny?" hindi naman
pwedeng may kinalaman siya sa lahat ng nangyari.
Hindi ko siya ganun kakilala pero sigurado akong
wala siyang kinalaman dito.
"Kilala ni Ginny kung sino si Red Dragon,
kilalang kilala."
Mas lalong lumilinaw sakin lahat pero taena
magulo pa din eh, hindi ko pa din talaga
maintindihan. Pinag masdan ko ng mabuti yung
mga mukha sa picture na binigay sakin ni Shawn.
Yung babae, kamukha nga siya ni Ginny. So what?
anong meron?

"Pinakita sakin yan ni Ginny," umupo din siya sa
tabi ko. "Yung lalaki na katabi niya, kuya niya
yan." pinagmasdan ko din ng maigi yung mukha
nung lalaki, unti unti ko na siyang nakikilala.
"Siya si Red Dragon?! pero hindi yun pwede!"
"Oo siya nga, si Ginny yung nagpatunay sakin na
siya nga yan."
Tumayo ako para puntahan si Ginny sa kwarto
pero pinigilan ako ni Shawn. "Bakit?"
"Mas mabuti pa balaan mo na sila Jeydon tungkol
dito, hindi natin alam kung kelan siya aatake. Ako
ng bahala kay Ginny."
Sinunod ko na lang si Shawn. Pumunta agad ako
sa school. T*ngina talaga, hindi ko akalain na siya
yun. Pucha bakit? hindi ko maintindihan kung bakit
siya? at bakit kelangan maging kapatid pa siya ni
Ginny? Kahit anong pilit kong intindihin kung bakit
niya yun ginawa, hindi ko kaya. Kaylangan niyang
mag paliwanag sakin and he should give me a
good damn reason.

*phone ringing*

"Hello.. Ano?!"

Taena nahuli na ko..
70: Meet Red Dragon

"Wooo excited na ko!" inayos niya yung mala white
lady look niya. Ang gandang white lady naman
neto ni Tiffany. Sino naman matatako sakanta
aber? "Awooo! Candice nakakatakot na ba ko?"
"Haha! sa ganda mo na yan walang matatakot
sayo!" bigla siyang nag pout, aw ang cute niya.
"Eh kamusta naman ako ha?" tinignan ko yung
sarili ko sa salamin. Manananggal yung pinili kong
costume, mukha ngang effortless yung itsura ko
eh -__"Okey na okey! ang galing mo nga eh! kaso bakit
ako?" sabay pout again. Eh kasi nga masyado kang
sexy at maganda kaya hindi mahirap sayo, eh ako
effortless.
Pumasok naman sa tent yung ibang section eleven.
Karamihan sakanila zombie tska mumky. Yung
totoo? hindi pa din naka move-on sa November?

December na kaya, ilang araw na lang pasko na.
Abno talaga yung nag isip ng concept ng booth
namin eh. Yung dalawa naman pumasok na din. Si
Jacob, este Troy pala na super pogi sa wolf
costume niya at ang Edward Cullen ng buhay ko.
Ang napaka gwapong bampira ng buhay ko, si
Jeydon. Kung ganyan ba naman yung vampire na
kakagat sakin why not di ba? mapapa say pa ko ng
'I volunteer!' wow hunger games lang ang peg?
wahaha.
"Natatakot ka ba sakin o na iinlove ka?" sabay
kindat sakin ni pusa. Nag blush naman ako bigla
kasi kanina pa ko naka tingin sakanya. Ang gwapo
kasi niya eh.
"Inlove na ko sayo dati pa." sabay kindat ko din,
Ha! akala mo ikaw lang ha? meron din ako nyan.

"AYIEEE!"
Tinignan namin sila ni Jeydon, ay shete andito pa
din pala yung section eleven tska sila Troy.
Masyado kaming nadala ni Jeydon.
"Kayong dalawa! wala pang Valentines day!
Nandito tayo para manakot ha?" sabi ni Troy na
nakahawak sa kamay ni Tiffany. Binatukan tuloy
siya ni pusa ko. "Ouch ha!"

"Wala pang Valentines," hinawakan niya yung
magkahawak na kamay nila Troy at Tiffany tska
niya inangat. "Eh ano to ha?!"
Nag tawanan kaming lahat tapos namula yung
dalawa. Lakas din maka PDA netong dalawa na 'to
eh, talo pa kami ni Jeydon. Waaa hindi ako
papayag! mas sweet kami pusa ko! Hihi joke lang.
I'm happy for both of them, seeing my two
bestfriends happy inlove is priceless.

"Guys! ready na kayo! mag start na tayo!" tawag
samin ni Sir Jason.

Nag ayos na kami tapos pumunta kami sa kanya
kanya naming destination. Si Ginno at Six yung
mga killers na nasa entrance, sila yung kukuha ng
bayad ng mga studyante. Gumawa kami ng parang
maliit na tunnel tapos may mga design syempre.
Katakot nga yung mga ginawa nila eh, may mga
spiders, putol na kamay at ulo with matching
nakakatakot na ilaw pa. Yung iba nag kalat lang sa
tunnel na ginawa namin. May zombie tska mummy
na naka kalat sa buong tunnel. Tapos si Tiffany si
white lady at ako naman si manananggal. Dalawa
lang kaming girl dito, si Margot kasi dun sa section
one sumali. Nung unang isang oras madami dami

din yung pumasok sa mini tunnel namin. Ewan ko
lang kung natatakot sila kaya sila nag titilian o
dahil sa nagwagwapuhan sila sa section eleven.
Honestly kasi lahat sa section eleven gwapo naman
talaga. Nung tumapat naman sila sakin, aba ang
mga bruha natakakot sakin! Haha! ewan ko din
kung matutuwa ako kasi effective akong manakot
o maasar kasi parang pang asar yung pagkatakot
nila sakin eh.
"Uy balita ko vampire daw si Jeydon tapos
natutulog daw siya dun sa coffin. Tara puntahan
natin siya!" sabi nung babae na feeling ko taga
section one. Hindi nila ako nakikita kasi nakatago
ako. Supposedly gugulatin ko sila.
"Tara dali!" mukha siyang excited ah. Lalabas pa
lang sana ako para takutin sila kaso nakaalis na
sila eh. Hmpf! buti pa sila mapupuntahan si pusa
ko, eh ako andito lang. Huhu! miss ko na si pusa.
Ay miss agad? abnormal.
After ng ilang minutes bumalik yung mga babae
kanina at mukhang happy sila. Ano kayang
nangyari?
"OMG! napagmasdan ko yung mukha ni Papa
Jeydon!" aba lukaret ka! anong ginawa mo sa pusa
ko? "Ayieee!" kilig na kilig pa siya.

"Muntik ko na siya mahalikan sa chicks! gumalaw
kasi siya bigla eh! hays sayang!" Ano daw?!
hahalikan niya yung pusa ko?!
"Ang gwapo niya talaga!" sabi pa nung isa. Waaaa!
pinag papantasyahan nila ang hubby ko! This can't
be! ako lang pwedeng mag pantasya sa pusa na
yun. AKIN siya! wow obsessed much Candice? >.<
Lumabas ako sa hide out ko tapos Ginamit ko yung
pinaka nakakatakot na acting ko sakanilang tatlo

"Awooo!"

Sobrang nanlaki yung mata nila, akala mo nakakita
talaga sila ng aswang. Aaswangin ko talaga kayo
kapag hindi niyo tinigilan si Jeydon!

"Oh my gee! nakakatakot siya!"
"Waaa alis na tayo!"
"Ayoko na! tara na girls!"

Ayun takbo sila palayo, takot na takot.

"Wahaha! Sakin pa din ang huling halakhak!"

Hindi ko mapigilan na matawa. Haha ayan
napapala niyo! pag pantasyahan niyo ba naman
yung hubby ko eh.
Biglang may parang dumaan sa likod ko. Nilingon
ko kung sino yun pero wala naman akong nakita?
Haha alam ko na 'to eh tinatakot nila ko. Sus luma
na yan eh, gasgas na. Sino naman kaya yung lakas
trip na nanakot sakin? Hindi ba niya nakikita na isa
kong manananggal? Mumu din ako, ay mali
monster pala ko.
"Candice.."
Luh? shete naman bakit ganun yung boses
kakaiba? Huhu! sino ba kasi yan! anak ka ng pusa!
hindi ka nakakatuwa ha. Kapag nakilala ko lang
kung sino ka babatukan talaga kita.
"Candice.."
Putcha ayan na naman! Huhu mama ayoko na!
Ayoko ng ganitong joke! takot ako sa multo eh.
Kaya nga yan yung palaging panakot sakin ni kuya
nung bata pa kami.

"Candice.."
"Waaaaa!" ayoko na talaga grabe hindi ko
ma.kaya!
Tumakbo ako palayo dun sa pwesto ko. Sa
sobrang takot ko hindi ko na alam saan ako
pupunta. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon
sa takot. Amp ano ba naman 'to? parang biglang
lumaki yung tunnel na ginawa namin? maliit lang
'to ah?! Asan na ba yung labasan? hala nawawala
na ata ako sa sarili ko? O baka naman nililigaw ako
nung multo? Waaa wag po ako! bata pa ko.
Nanlalamig na ko dito, nag re-replay pa naman
yung boses kanina.
"Huhu ayoko na! tama na!"
May dumaan na naman sa likod ko, waaa ayoko na
talaga.
"Mama!"
Saan na ba ko pupunta? dead end na yung sa
harap ko eh. Teka nga may coffin dun! ibif sabihin
may bampira, tama si pusa andun.
Pumunta agad ako sa harap ng kabaong, naka
sara siya. Ang creepy naman dito oh, bakit ang
galing nila gumawa ng props na nakakatakot? Pula
pa yung ilaw dito, pambihira talaga.

"Pusa.. tayo ka dyan."
Walang reply si Jeydon, mas kinabahan ako lalo
kasi mas lalong lumamig. May aircon ba dito? wala
naman ah. Naiiyak na talaga ko, takot nga ako sa
multo eh! Huhu karma ko ba 'to sa pananakot ko
kanina dun sa tatlong babae? Joke lang naman yun
eh! Joke lang talaga yun pero eto parang hindi na
joke eh.
"Hubby, labas ka na dyan please natatakot na ko."
nag hintay ako ng five minutes pero hindi pa din
bumukas yung kabaong. Naririnig kaya ako ni
Jeydon? mabuksan na nga lang.
Unti unti kong inangat yung takip ng kabaong
tapos walang laman! Hala asan na si Jeydon!
"Waa ayoko na!"
Pinikit ko yung mata ko tapos tumalikod ako tska
ako tumakbo palayo pero may nakabangga naman
ako.
"Waaa mumu wag po! wag po ako please!" tinulak
ko siya tapos tumalikod ako, dun na lang ako sa
kabaong magtatago.
Bago ko pa madating yung kabaong hinila ako ng
multo, tapos niyakap niya ko mula sa likod ko.
Teka! multo na nangyayakap?

"Shhhh.. wag ka ngang maingay."
Tumayo mga balahibo ko dun, parang may electric
shock akong naramdaman. Ramdam na ramdam
ko yung hininga niya ang bango. Dinig na dinig ko
din yung hininga ko, bakit ganun parang hingal na
hingal ako? pati din yung pag hinga niya dinig ko.
"Multo bakit ka nangyayakap ha?!"
"Hindi ako multo, bampira ako at kakagatin kita."
ang sexy ng boses niya, bakit ganun? Kinakabahan
ako ah. Hinarap ko siya tapos nakita ko na naman
yung Edward Cullen ng buhay ko! Waaa ang gwapo
ni Jeydon ko.
"Sira ka!" pinag hahampas ko siya sa dibdib niya.
Sira ulo siya! siya lang pala yung nanakot sakin!
tska ouch parang ako lang nasaktan kasi ang tigas
tska wow ang sexy ng chest niya. "Natakot talaga
ko dun!" tinignan niya lang ako tapos tinitigan niya
yung mata ko. Unti unti niyang nilapit sakin yung
mukha niya. Magkadikit na ngayon yung noo
naming dalawa.
"Nakakatakot ba ko? sa gwapo kong 'to?"
"Kahit gwapo ka, bampira ka pa din!" tama na wag
mo na ko titigan please, baka matunaw ako dito
eh.

"Gusto mong kagatin talaga kita?" sabay smirk.
Waaa! tinulak ko siya palayo, ang adik niya.
Namumula na tuloy ako neto. Kung ano ano yung
pinagsasabi niya kainis. "Haha! bakit lumayo ka?"
Lumapit na naman siya sakin, napa atras ako
tapos napasandal ako dun sa may table. Nilapit na
naman niya yung mukha niya! Waaa Jeydon wag
mahina ako sa tukso eh, haha echos lang. Nung
sobrang lapit na niya sakin napapikit na lang ako
tapos hinalikan niya ko, sa noo ko.
"Nakaka ilang kiss ka na sakin kaya yan lang
muna." pag dilat ko ng mata ko ang laki ng ngiti
niya. Wow ako pa daw? siya kaya laging nag kikiss sakin. Hinawakan niya yung kamay ko. "Tara
kain na muna tayo, hindi ako nag breakfast, gutom
na ko eh."
"Sayang akala ko ikiss mo na ko." bulong ko sa
sarili ko.
"Madami pa namang next time wifey." ang lapad
ng ngiti niya sakin. Shocks narinig niya pala yun!
lakas ng pandinig niya.
Pumunta kaming tambayan nila. Naka costume pa
din kami pero wala na kong pakpak. Ang bigat
kaya nun tapos ang init pa kapag suot suot mo.
Yung hubby ko naman kahit naka pang bampira na
costume ang gwapo pa din. Pinag titinginan tuloy

siya ng mga babae. Dukutin ko mga mata nila eh!
haha.
Pagdating namin dun nakita namin si kuya Charles
at mukhang badtrip siya. Anong problema ng
lalaking 'to?!
"Huy kuya! Anong problema?"
"Badtrip kasi si Marky eh kakagising pa lang.
Paano yung marriage booth namin!" masyado niya
kinakarir yung booth nila, kahapon pa siya ganyan.
"Malilintikan talaga yun sakin!"
"Wag ka ngang maingay dyan tanda! ang aga aga
bad vibes ka kaya ka tumatanda agad eh."
sinamaan agad siya ng tingin ni kuya Charles, hala
lagot ka pusa. "Joke lang bayaw! ikaw talaga hindi
na mabiro." sabay tawa, haha adik lang.
"Ewan ko sa inyo!" tapos nag dabog siya paalis.
Kumain kaming dalawa dito na akala mo wala
kaming iniwan na booth dun. Pasaway talaga 'tong
si pusa, habang yung section eleven nandun kami
kumakain dito.
Habang kumakain kami bigla na lang kumidlat.
Napayakap agad ako kay Jeydon sa sobrang takot
ko. Ayoko ng kidlat eh! natatakot talaga ko.
Nagulat si Jeydon sa ginawa ko pero niyakap niya

pa din ako. Narinig ko pa siyang tumawa, tinignan
ko siya nagpipigil siya ng tawa.
"Anong nakakatawa ha?!"
"Ang dami mo kasing kinakatakutan," nilapit niya
ko lalo sakanya tapos niyakap niya pa ko ng
mahigpit. Kahit kumikidlat pa din ng tuloy tuloy,
feeling ko secured ako sa tabi ni Jeydon. "Andito
lang naman ako."
"Sus akala mo ikaw walang kinakatakutan? eh
takot ka nga sa gamot!" natawa na naman siya.
Bakit totoo naman ah?
"Ayoko lang ng lasa ng gamot pero hindi yun yung
kinakatakutan ko," tinignan niya ko, mata sa mata.
Yung brown niyang mata na tinatawag ka. "Alam
mo kung saan ako natatakot?"
"Saan?"
Gamit yung dalawa niyang kamay, hinawakan niya
yung pisngi ko. Nakatitig pa din siya sakin,
sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Natatakot akong mawala ka sa buhay ko."
Hindi ako makapag salita, speechless eh. Alam mo
yung ngiti ko ngayon? abot na ng mars. Nakatitig
pa din kami sa isa't isa tapos unti unting nilapit
sakin ni Jeydon yung mukha niya. Pinikit ko na

lang yung mata ko, kaso biglang kumidlat ulit kaya
napayakap na naman ako sakanya. Epal kang
kidlat ka! yun na yun eh. Akala ko hindi na ko
makaka kiss sa hubby ko pero inangat niya yung
mukha ko, hinawakan niya yung baba ko. Lumapit
siya sakin tska niya ko hinalikan. Kahit anong
ingay pa ng kidlat wapakels na ko. Si Jeydon lang
kasi yung nasa isip ko, yung labi niya tska yung
kiss namin. Waaaaa! omo.
"I love you wifey."
"I love you hubby!"
Tapos nag hug ulit kami, I'm so kinikilig hehe.
"Tara balik na tayo?" hinawakan niya kamay ko
tapos hinatak niya ko. Nung nandun kami sa isang
corridor pagkaliko ko, "Wifey, you have stain." ano
daw? tinignan ko siya na nagtataka. "May tagos
ka."
Waaaaa! Lupa kainin mo na ko now na please.
Nakakahiya nakita pa dun ni Jeydon. Omo! what to
do? namumula na ko sa kahihiyan dito.
"Mag cr ka na, hintayin na lang kita sa tent." pinisil
niya pa yung ilong ko. Siguro nahalata niya na
nahihiya ako. "Hurry up okey? I might miss you."
"Oo na, sige na." tinulak ko siya palayo, natatawa
pa siyang umalis.

Badtrip naman talaga oh bakit ngayon pa? tss.
Pumunta akong locker ko para kumuha ng napkin.
Buti may extra ako dito palagi. Pumunta ako ng cr
tapos nag palit ako. Paglabas ko ng cr, ang dilim
sa paligid kahit tanghali pa lang. May bagyo ata?
bah yan nakakatakot naman dito.

*whoosh*

May parang dumaan na kung ano sa likod ko.
Nakaka inis 'to si pusa! tinatakot na naman ako.
Humanda talaga siya sakin.
"Hoy hubby! hindi na mabenta sakin yan!"
Naramdaman ko siya sa likod ko, nung humarap
ako sakanya nagulat ako kasi hindi pala si Jeydon.
"Anong ginagawa mo dito?"
Ngumiti lang siya sakin tapos bigla niyang tinakpan
yung bibig ko ng isang panyo. Naka tingin lang ako
sakanya. Anong ginagawa niya? Unti unti akong
nahihilo tapos nawalan na.ako ng malay..

**

"Ano ng balak mo ngayon?"
"Hintayin natin siyang dumating, sigurado naman
akong dadating siya."
"Honey, paano kapag pumalpak tayo?"
"Hindi tayo papalpak!"
May tape yung bibig ko, nakatali yung kamay at
paa ko. Hindi ko minumulat yung mata ko pero
gising na ko. Narinig ko lang yung mga boses nila.
Kilala ko na sila sa boses pa lang pero parang
ayaw ko maniwala. Anong balak nila? bakit nila
ginagawa 'to? nalilito ako. Hindi ko maintindihan
lahat ng nangyayari.
"Hindi mo naman balak patayin si Jeydon di
ba?"
Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya namulat ko
bigla yung mata ko. Napansin naman agad nila
ako. Nasa isang lumang warehouse kami, madami
sila pero yung mukha nilang tatlo yung una kong
nakita. Hindi talaga ako makapaniwala, bakit sila?
may kinalaman ba 'to sa Phoenix na yun?
"Gising na pala yung prinsesa eh." Nilapitan ako ni
Margot. Ibang iba siya ngayon, parang hindi ko

siya kilala. "Kamusta tulog Candice?" inalis niya
yung tape sa bibig ko.
"Anong ibig sabihin neto?" tumawa siya tapos
lumapit siya sa boyfriend niya. Tinignan nila ko na
tumatawa.
"Simple lang, gagamitin ka namin para maka ganti
ako sa pinakamamahal mong boyfriend na si
Jeydon." nag sindi siya ng yosi. Ibang iba siya sa
taong nakilala ko.
"Bakit Ginno?"
"It's a long story Candice, mamaya na lang kapag
nandito na si Jeydon." hindi ko mapigilan na
magalit.
"Bakit ikaw? bakit kayo pa? magkaibigan kayo di
ba?" natawa silang tatlo. Lumapit sakin si Six,
umupo siya sa harap ko.
"Kaibigan? Unfortunately Candice, hindi alam ni
Jeydon yung salitang yun."
"Tinuring niya kayong kaibigan!" hindi ko
mapigilan yung galit ko. May luha na sa mata mo,
unti unting bumabagsak sa pisngi ko.
"Shut up b*tch!" sigaw sakin ni Margot, hindi nga
siya yung Margot na nakilala ko. "Wala kang alam
kaya manahimik ka!"

"Ano bang ginawa sa inyo ni Jeydon ha?! May
kinalaman ba 'to sa Phoenix?" nag iinit na buong
katawan ko sa galit at inis.
Lumapit sakin si Ginno tska niya kinuha yung
buhok ko. Hinila niya yun tska niya inangat para
makita ko yung mata niya.
"Madami, sobrang dami niyang ginawa sakin."
dinuraan ko siya sa mukha niya. "B*tch!" sinampal
niya ko ng sobrang lakas. Naramdaman ko na
yung dugo sa labi ko. Hindi pa din tumitigil yung
pag agos luha ko. Ang sakit, sobrang sakit.
"Red dragon, tumatawag na si Jeydon." napa
lingon si Ginno dun sa lalaki. Kilala ko siya, siya
yung Alex na bumugbog din kay Jeydon dati.
Kinuha niya yung cellphone kay Alex.
"Oh Jaydee, musta?" nilagay pa niya sa speaker
yung phone para marinig namin si Jeydon.
["Hayop ka Ginno! wag na wag mong sasaktan si
Candice! Ako kelangan mo di ba?!"]
"Wow Prince Charming, ikaw ba yan?" nag
tawanan silang lahat.
["Fvck you! pakawalan mo si Candice! Damn
you!"] halatang galit na galit si Jeydon.

"Pumunta ka sa ibibigay kong address. Make sure
na ikaw lang kung hindi," lumapit ulit siya sakin.
"Goodbye Candice."
"Hoy pusa! wag kang pupunta dito! madami sila!"
hindi na ko nakapag salita kasi sinampal na naman
ako ni Ginno.
Sobrang sakit ng sampal niya, pinigilan kong
umiyak kasi ayokong marinig yun ni Jeydon. Ayoko
siyang mag alala at ayoko siyang lumujta dito.
Kaso sa sobrang sakit hindi ko pa din napigilan
yung iyak ko.
["Shet! don't fvcking touch her you dumbass! I'm
going there alone kaya wag mo siyang
gagalawin!"] inend na agad ni Jeydon yung call.
Ang stupid niya! bakit siya pupunta dito mag isa?!
dapat tumawag na lang siya ng pulis. Hindi niya
kaya sila Ginno.
"Mukhang magandang show 'to." naka ngiting sabi
ni Six habang nag yoyosi.
Naiinis ako sakanila, akala ko kaibigan namin sila
pero hindi pala. Isang malaking pag papanggap
lang pala yun. Hindi ko din maiwasang magalit sa
sarili ko kasi dahil na naman sakin mapapahamak
si Jeydon. Palagi na lang siyang napapahamak

dahil sakin. Hindi ko ata kakayanin kapag may
nangyaring masama sakanya.
Sa sakit ng katawan at mukha ko nakatulog ako,
nagising na lang ako nung narinig ko na bumukas
yung malaking pintuan ng warehouse.
Kitang kita ko na siya, pinuntahan nga niya ko.
Naiyak na lang ako, naiisip ko na kasi yung
pwedeng mangyari. Jeydon bakit? I told you not to
go, stupid!
Lumapit siya samin, pinaligiran siya ng mga
tauhan ni Ginno. Tinignan niya ko, sobrang nag
aalala siya sakin. Pakiramdam ko nga naiiyak siya
na makita niya akong ganito.

"Let go of my girl."

71: Red Dragon's Revenge

"Let go of my girl."

Seryoso yung mukha niya. Halatang halata na nag
pipigil siya ng galit, kitang kita ko yun sa mukha
niya. Hindi ko din mapigilan na magalit, sa lahat
ng betrayal na nalaman ko. Nagagalit din ako sa
sarili ko, bakit kelangan na naman niya kong
iligtas? hindi ko ba kayang ipag tanggol yung sarili
ko? bakit pa siya pumunta? alam naman niyang
mapapahamak lang siya. Alam ko naman na siya
yung Prince Charming at normal lang na.iligtas
niya ko kapag nasa panganib ako pero hindi ko
maiwasan na mag alala para sakanya.

Paghakbang pa lang niya sa loob ng warehouse
pinalibutan agad siya ng mga kasama ni Ginno.
Madami sila, mga labing lima sila at may mga
hawak silang mga tubo.

"Kung ayoko? may magagawa ka ba?"

Naka ngiting sabi ni Ginno kay Jeydon. Napa tingin
sakin si Jeydon, sa mata pa lang niya alam kong
sobra na siyang nag aalala sakin. Hindi ko din
mapigilan na mag alala, hindi para sakin kindi para
kay Jeydon. Nangyari na 'to dati. Nabugbog na
siya dati dahil sakin, at ngayon mas madami sila.

Sana lang talaga hind maulit yung nangyari noon
kasi hindi ko kakayanin kapag may nangyaring
masama kay Jeydon. Hindi ko mapapatawad yung
sarili ko.

"You'll let her go or I will fvcking kill you."

Tumawa ng malakas si Ginno tska siya lumapit
sakin. "Kill me? Sa tingin ko ngayon pa lang, wala
ka nang magagawa kung gawin ko 'to kay
Candice.." Hinawakan niya yung buhok ko sa likod,
"Teka? Ano kayang maganda gawin sakanya?"
inangat yung mukha ko para makita ko siya, naka
ngiti siya sakin, isang nakakatakot na ngiti.

Kahit naka tingala ako nakita ko na tumakbo
palapit samin si Jeydon pero hinawakan agad siya
nung mga kasama ni Ginno. "Let go of her! You
dumbass!" pilit pa din siyang kumakawala dun sa
mga lalaki. Sinutok niya yung dalawang humawak
sakanya, nung malapit na siya samin may pumalo
ng tubo sa likutan niya kaya napaluhod si Jeydon.

"Subukan mong lumaban, mas masakit yung
gagawin ko kay Candice." hinila niya ng sobrang
higpit yung buhok ko. Hindi ko napigilan na
sumigaw sa sakit.

"Fine! but let her go." hinawakan na naman siya,
hindi lanh dalawa kundi apat na lalaki na.

"Hawakan niyo siyang mabuti, iharap niyo siya
samin para makita niya yung gagawin ko sa pinaka
mamahal niya." mas hinigpitan niya yung hawak
sa buhok ko. Sobrang sakit na talaga na gusto ko
ng umiyak pero ayoko ipakita sakanya, I won't
give him that satisfaction.

"Stop it! Ako kelangan niyo kaya ako saktan niyo!"
kahit anong lakas ni Jeydon hindi siya makawala
sa mga nakahawak sakanya. Hinila nila si Jeydon
palapit samin. Nasa harap na namin siya,
nakatingin lang siya sa kung ano yung gagawin ni
Ginno sakin. May takot sa mata niya, takot saan?
sa gagawin sakin ni Ginno?

"Pagmasdan mong mabuti yung gagawin ko."

Tinignan ako ni Ginno, ngumiti siya sakin na
naging dahilan para mapuno ng takot yung buong
katawan ko. Hindi nag tagal naramdaman ko na
yung mainit na kamay niya sa pisngi ko. Napayuko
ako sa sobrang lakas, malakas at masakit. Ngayon
pa lang ako nakaramdam ng ganitong sakit.
Walang wala 'to sa sampal ni Stacey sakin.

"CANDICE! FVCK! YOU'LL GONNA REGRET
THAT FVCKING BASTARD! CANDICE!" kahit
nakayuko ako at hindi ko nakikita si Jeydon, alam
kong galit na galit siya at puno ng pag aalala.

"How does it feel Jaydee na makitang nasasaktan
si Candice? Umpisa pa lang yan." tumawa siya ng
malakas. "Masakit ba Candice?"

"LET GO OF HER! AKO KELANGAN MO DI BA?!
PLEASE DON'T HURT HER!"

Mahina lang naman ako pero ngayon kahit ngayon
lang magiging malakas ako. Hindi ko hahayaan na

makuha nila Ginno yung gusto nila. Alam ko
naman na si Jeydon lang talaga yung habol nila at
ginagamit lang nila ko. Alam ko na gusto nilang
saktan si Jeydon at gagawin nila yun gamit ako.
Alam nilang mahal ako ni Jeydon at ikadudurog ng
puso niya kapag nakita niya kong nasasaktan at
nahihirapan. Ayokong makitang nasasaktan si
Jeydon, madami na siyang ginawa para sakin.
Inangat ko yung mukha ko para makita sila, hindi
ako umiyak. Nasasaktan ako, oo. Gustong gusto
kong umiyak dahil sa sakit pero hindi ko yun
ipapakita sakanila. Ngumiti ako sakanilang lahat,
tinignan ko si Jeydon. Wag kang mag alala sakin
Jeydon, sakit lang naman 'to sa katawan pero hindi
ko kaya kapag nakikita kitang nag aalala sakin ng
sobra tska nasasaktan.
"Yan lang ba yung kaya mo Ginno? Hindi ako
nasaktan eh." nagulat sila sa sinabi ko, kahit si
Jeydon nagulat. "Hoy pusa! kumalma ka nga wala
naman yung sampal niya eh." pagkasabi ko nun
sinampal na naman ako ni Ginno. Ang sakit,
napaka sakit.

"Fvck! Candice stop it! Don't speak!" inangat ko
ulit yung ulo tapos hinarap ko si Ginno. Naka ngiti
akong naka tingin sakanya. "Wifey please.."

"Jeydon wag kang mag alala sakin pwede ba."
tumawa ako, tumawa ako kahit nasasaktan na ko.
"Wag na wag mong hahayaan na saktan ka nila,
wag mong hayaan na sirain nila yung napaka
gwapo mong mukha!"

"Stupid! ikaw yung inaalala ko! kayang kaya ko
naman 'tong mga 'to eh." ngumiti siya sakin,
parang nawala yung sakit na nararamdaman ko.

Lumayo sakin si Ginno. Umupo siya sa isang silya
tska nag sindi ng yosi. Naka tingin siya sakin,
tapos inutusan niya yung mga tauhan niya ilapit
sakanya si Jeydon. Nung nasa tapat na si Jeydon
sa kanilang tatlo nila Margot, pinaluhod nila si
Jeydon sa harap nila.

"Nasusuka ako sa ka kornihan niyong dalawa."
sabi ni Ginno. Nagtawanan naman sila Margot at
Six na dinig sa buong warehouse. Naiirita ako tawa
nila, mga traydor sila. Mga inakala naming totong
kaibigan. "Wag ka mag alala Jaydee, mamaya
makikita mo kung gaano mahihirapan si Candice
sa harap mo. Unti untiin natin." tinapon niya yung
naka sindi pang yosi sa mukha ni Jeydon.

"Ano bang kelangan mong gagu ka? Fvck I didn't
know it was you, hindi ko inakala na kaibigan ko
pa. Pinagkatiwalaan pa naman kita."

"Wow, what a coincidence naman. Alam mo ba
minsan din kitang pinag katiwalaan pero sinira mo
lang. So I guess quits na tayo?" ngumiti siya ng
malapad. Anong sinasabi niya? Kelan pa ba sumira
ng tiwala si Jeydon?

Lumapit si Six kay Jeydon, hinawakan niya yung
mukha niya. "Ang bilis mo namang makalimot sa
mga kasalanan mo Jaydee?" lumayo siya kay
Jeydon tska siya lumapit sakin.

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo." hinila
ni Six yung likod ng buhok ko. "Bitawan mo siya
Six!" mas lalo lang niyang hinigpitan yung hawak
niya sa buhok ko. Siguro ngayon ubos na ubos na
yung buhok ko sa mga pag hawak na ginagawa
nila.

"Yung panahon na humingi ako ng tulong para
iligtas yung girlfriend ko, may ginawa ka ba? Wala
di ba? pinabayaan mo lang siya. Pinabayaan mo ko
na pumunta mag isa, anong nangyari? iniwan ako
ng girlfriend ko tapos isang linggo akong nasa
ospital." binitawan niya yung buhok ko, tinulak
niya yung mukha ko papunta sa sahig. Natumba
ako kasama yung upuan na naka tali sa buong
katawan ko, inangat niya ulit ako.

"Gagu ka ba?! sinabi ko naman sayong patibong
lang yun! ginamat ka lang ng babaeng yun,
boyfriend niya talaga yung leader ng kaaway na
gang natin at kasalanan ko ba kung hindi ka
nakinig sakin?!"

Mukhang nagulat si Six sa sinabi ni Jeydon pero
nag sindi lang ulit siya ng yosi. Lumapit siya kay
Jeydon tska niya binugahan ng usok si Jeydon sa
mukha. "Fcvk your lies! Hindi na ko maniniwala
sayo!"

"Tanga ka! isa kang malaking tanga Six!" sinapak
agad ni Six si Jeydon. Nag pipigil din ng galit si Six

pero tumalikod lang ulit siya tska bumalik sa
kinakaupuan niya.

"Tanga nga siguro kami para maniwala sayo,
leader." tumayo naman si Ginno. "Itayo niyo siya."
sinunod agad siya ng mga kasama niya tska siya
pumunta sa harap ni Jeydon.

"Eto, para sa mga magulang ko," sinuntok niya ng
napaka lakas si Jeydon. Napahiga si Jeydon sa
sahig, tinayo siya agad ng mga kasama ni Ginno.
Pagkatayo pa lang ni Jeydon sinuntok na naman
niya si Jeydon, hindi siya napahiga sa sahig pero
may dugo na yung labi niya. Hindi ko kayang
makitang ganyan si Jeydon. "Gusto mo pa?"
susuntukin na naman niya si Jeydon.

"Tama na! Ginno wag mong gawin 'to kay Jeydon!
Di ba mag kaibigan kayo! Tama na please!"

"Wag kang maki alam sakanila b*tch!" lumapit
sakin si Margot tska niya ko sinampal tapos
sinabunutan. "Tumahimik ka dyan!" nilagyan niya
ko ng tape sa bibig ko.

"Wag niyong galawin si Candice! ako lang naman
habol niyo di ba?! Ako na lang wag na siya!"
lumuhod siya sa harap ni Ginno, yah Jeydon!
please don't do that. Hindi ko pa din mapigilan na
umiyak, hindi dahil sa sampal o sabunot. Naiiyak
ako kasi nakikita kong nahihirapan si Jeydon. "Ako
na lang please, hindi ako lalaban basta wag niyo
siyang sasaktan, ako na lang please." yah! stupid!
don't say that hubby.

"Sabi mo eh!" sabay suntok ulit ni Ginno sakanya.
"Masyado kang pa bida di ba?" nung pa higa si
Jeydon sa sahig biglang niya sinipa si Jeydon.
Pinikit ko na lang yung mata ko kasi hindi ko
kayang makita yun. Ilang suntok at palo na yung
inaabot ni Jeydon. Hindi ko na talaga kaya pero
hindi ako maka sigaw.

"Alam mo bang namatay yung mga magulang ko
dahil sa napaka galing mong tatay?! hindi nakapag
bayad ng utang sila daddy sa inyo kaya
pinahirapan nila kami," hinawakan niya yung
mukha ni Jeydon. "Sobra kaming nag hirap pero
ano bang ginawa mo?! wala di ba?!
pinagkatiwalaan kita, akala ko may gagawin ka
para itigil ng daddy mo yung pag papahirap niya
samin pero wala kang ginawa!" sinuntok na naman

niya si Jeydon. "Wala kang kwenta! You stupid
useless bastard!" kinuha niya yung tubo sa kasama
niya tska niya pinalo kay Jeydon yung tubo. Naubo
si Jeydon sa ginawa niya, naiyak ako nung nakita
kong may dugo yun. Ang sakit sakit makitang
nahihirapan si Jeydon. Hindi ko siya malapitan,
hindi ko siya matulungan kasi naka tali ako sa may
upuan, hindi din ako maka sigaw kasi may tape
yung bibig ko.

"Ginawa ko lahat para tulungan kayo ang sabi ni
daddy ititigil na niya yun! hindi ko alam na
pinahirapan pa din niya kayo!"

"Hindi mo alam?! crazy! nagpakamatay si dad para
makuha namin yung insurance ng kompanya, hindi
yun kinaya ni mommy kaya nag pakamatay siya!"
unti unti ng lumilinaw sakin lahat ng dahilan ni
Ginno, kung bakit niya 'to ginagawa. Kaso sobra
naman ata 'to! isa pa alam kong hindi papabayaan
ni Jeydon yung mga kaibigan niya. "At dahil din
dun hindi na nakapag pa gamot yung kapatid ko!
Lahat nawala sakin," hinila niya ulit Jeydon tapos
sinapak niya ulit. "Lahat yun dahil sayo, Jeydon."

"Sorry Ginno." natigilan si Ginno sa sinabi ni
Jeydon, tumingala siya tska siya tumawa.
"Ayokong mangyari yun sayo, alam mong kapatid
yung turing ko sa inyo, sa Phoenix." mas lalo lang
lumakas yung tawa niya.

"Shut up. Kahit ilang sorry pa yang gawin mo wala
nang magagawa yan." lumapit siya sakin.
Tinanggal ni Margot yung tali sa kamay at paa ko
pati yung tape sa bibig ko tapos hila hila yung
buhok ko tinayo niya ko. "Alam ko namang walang
wala na sayo yung sakit sa katawan Jaydee, kaya
sakit na lang sa puso yung gagawin ko. Okey ba
yun?" sumenyas siya dun sa isang kasama niya
tapos may hatak hatak na isang malaking drum.
Kinakabahan ako kasi parang alam ko na kung
anong gagawin nila.

"Anong gagawin mo?! bitawan mo si Candice!"
gustong lumapit dito ni Jeydon pero hawak pa din
siya ng mga tauhan ni Ginno. "Bitawan mo siya!!"
hindi pinansin nila Ginno si Jeydon.

Hinila na naman ni Ginno yung ulo ko hawak yung
buhok ko. Hinarap niya ko sakanya papunta kay

Jeydon tapos bigla niya nilublob yung mukha ko sa
drum na punong puno ng tubig. Ilang segundo
niya yun ginawa, feeling ko mawawalan na ko ng
hininga. Kahit nasa ilalim ng tubig yung ulo ko
dinig na dinig ko pa din yung pag mamakaawa ni
Jeydon sakanila na wag akong saktan. Nung
inangat na ni Ginno yung ulo ko, I gasped for air.
Nahihilo ata ako, parang anytime mawawalan ko
ng malay.

"Hayop ka Ginno! Wag mong idamay si Candice
dito!" unti unti kong tinignan ni Jeydon, galit na
galit siya tska parang naiiyak na siya. Yah Hubby
don't cry! I'm fine.. I'm just tired.. I can survive
this thing.

"Gaano ba kasakit Jeydon? makitang naghihirap at
nasasaktan yung pinaka mamahal mong babae?"
hinila na naman niya yung ulo ko papunta sa
drum. Ilang segundo na naman akong hindi maka
hinga, sobra na kong nanghihina dahil hindi ako
maka hinga. Pagka angat niya sa ulo ko, nakayuko
lang ako. Kung hindi lang hawak ni Ginno yung ulo
ko malamang natumba na ko. Ang hirap huminga,
sana hindi ako atakihin ng hika ko. "Umiiyak ka na
agad? eh hindi pa nga grabe yung ginagawa ko
kay Candice?" inangat ko yung ulo ko para tignan

si Jeydon, umiiyak nga siya. Naka tingin lang siya
sakin habang tumutulu yung luha sa mata niya.
Kitang kita mo sakanyang nasasaktan siya. Unti
unting nadudurog yung puso ko na makita siyang
ganyan.
"Patayin mo na lang ako kesa sa pahirapan
mo siya Ginno, nakiki usap ako."

"Wag kang excited. Gusto kong maging masakit,
masakit na masakit yung pagkawala mo. Kayong
dalawa ni Candice." hinila niya ko tapos tinulak
niya ulit ako sa may upuan, tinali ni margot yung
kamay ko sa likod. Hindi ko magawang iangat
yung ulo ko dahil hinang hina na ko, isa pa
ayokong makita ni Jeydon yung itsura ko dahil
alam kong masasaktan siya. "Six alam mo na yung
gagawin mo."

Narinig kong lumapit sakin si Six, maya maya
lumuhod siya sa harap ko. Hinawakan niya yung
mukha ko, naka tingin siya sa mata ko. Anong
gagawin niya? magulat ako ng bigla siyang lumapit
para halikan ako pero iniwas ko agad yung mukha
ko. Ano bang kalokohan yung ginagawa niya?!

"Candice wag ka ng magpakipot sakin." hinawakan
niya yung leeg ko. Ano bang balak nilang gawin
sakin? Yung babuyin ako sa harap ni Jeydon?! mga
hayup sila.

"Back off Six! Don't dare touch my girl!!" sigaw ni
Jeydon sakanya pero tumawa lang siya. Linapit
niya yung bibig niya sa leeg ko, pilit kong nilalayo
yung sarili ko sakanya pero hindi ko magawa.
Tanging pag iyak na lang yung kayang kong gawin
ngayon. "Shit! I said don't touch her!" narinig kong
may nag suntukan tapos yung sumunod na
nangyari hinila ni Jeydon si Six palayo sakin.
Nagulat ako ng makita ko si Jeydon sa harap ko,
naka tingin siya sa mga mata ko. Mas lalo lang
akong niyak nung nakita ko ulit yung mga mata
niya. Hinawakan niya yung mukha ko. "Sorry
wifey, sorry."

"Hubby, okey lang ako. Don't worry about me."

Niyakap ako ni Jeydon pero hindi pa nag tatagal
may pumalo ng tubo sa likod niya, si Alex.
Napaluhod si Jeydon tska siya umubo ulit ng dugo.

Hinila siya ni Six, "Gagu ka!" pinag papapalo niya
ng tubo si Jeydon.

"Tama na! maawa kayo sakanya!" hinang hina
kong sigaw sakanila.

"Tumahimik ka Candice!" lumapit sakin si Margot
tapos sinampal na naman niya ko. "Alex, akin na
yung tubig." sinunod naman siya ni Margot. Nung
nahawakan na ni Margot yung tubig, binuhos niya
sakin yun. Ang lamig ng tubig, sobrang lamig. Mas
lalong sumakit yung katawan ko.

Nakaluhod sa harap ko si Jeydon, habang ako naka
upo sa may upuan nakatali sa likod yung mga
kamay ko. Akala mo nasa isang action movie
kaming dalawa. Isa lang yung pinagdadasal ko
ngayon, sana katulad sa movie may dumating para
iligtas kami. Kaso sino? Sila Kuya Charles? pero
hindi sakanila sinabi ni Jeydon kung nasan kami.
Isang himala na lang ata na may dadating pero
hindi ako nawawalan ng pag-asa.

"Ginno, ano pa bang hinihintay mo?" tanong ni Six
kay Ginno na naka sandal sa lamesa habang
naninigarilyo. "Nag sasayang tayo nboras dito."

"Hindi ano Six, sino." pinatay niya yung sigarilyo
niya tska tumingin sa malaking pintuan ng
warehouse.

"Boss andito na siya." sabi nug isa niyang kasama.
Unti unti namang bumukas yung malaking pintuan.

May isang lalaking nakatayo dun, isang lalaki na
pamilyar sakin. Isang lalaki na kilala ko, kilalang
kilala ko. Papalapit siya ng papalapit samin, hindi
ako makapaniwala sa nakikita ko. Pati ba naman
siya, yung taong pinagkakatiwalaan ko, isa din
palang traydor. Nakaramdam agad ako ng galit,
sadyang niloko lang ba nila ko o talagang ganun
ako kadaling mag tiwala? Pakiramdam ko ang
tanga tanga ko, napaka tanga ko.

"Nahuli na ba ko Red dragon?" tanong niya kay
Ginno. Naka tingin lang siya kay Jeydon, hindi pa
nag tatama yung mata naming dalawa. "Mukhang

pinahirapan mo talaga siya." tama nga si Jeydon
tungkol sakanya, dapat hindi ko siya
pinagkatiwalaan.

"Nag uumpisa pa lang ako, hinihintay kasi kita."
tumayo ulit si Ginno tska siya lumapit kay Jeydon.
"Ikaw na bahala kay Candice, pagmamasdan ko
lang kung paano magdudusa si Jeydon habang
pinapahirapan mo yung mahal niya." umupo siya,
katapat ni Jeydon. Tinaliaan na pala nila yung
kamay ni Jeydon.

Lumapit siya sakin, tinignan ko siya ng masama.

"Bakit Lucas? bakit?"

72: You'll be fine

(Grabe lang mga reaction niyo ah, affected much
talaga? haha kaya love ko kayo eh. Oh kalma lang
kasi may pasabog na naman ako dito. At wag niyo
ipapatay sakin yung mga kontrabida! hindi ako
mamatay tao, sila lang yun. Wahaha!)
--

"Hi Noona." ngayon nagkita na yung mga mata
namin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya
pero alam ko na sa mata ko bakas yung galit na
nararamdaman ko sakanya. Paano niya pa
nasisikmura na tawagin akong noona? ang kapal
ng mukha niya. Isa siyang malaking traydor.
"Don't worry, I'll be gentle." ngumiti siya sakin
tska niya hinawakan yung buhok ko. Nilayo ko
agad yung sarili ko sakanya. Kinakasuklaman ko
siya, hindi ko maalis yung galit ko sakanya.

"Jeydon, panuorin mo 'to. For sure mas nakakakilig
pa 'to kesa sa mga pinag gagawa niyo ni Candice."
rinig sa buong warehouse yung tawa ni Ginno,
kasunod ng tawanan nilang lahat. "Look, tingin ko
mas bagay si Shawn para kay Candice."

Unti unting inangat ni Jeydon yung ulo niya. Mukha
lang siyang kalmado pero alam kong galit siya.
Nakatitig lang siya sakin, ngayon ko nakita ng
malinaw yung mukha niya. Ang dami niyang sugat
sa mukha, yung gwapo niyang mukha ibang iba
na. Gustong gusto kong lumapit sakanya, gusto ko
siyang yakapin. Jeydon, nasasaktan akong makita
kang ganyan.

"Don't. dare. touch. her, Shawn." kahit na hinang
hina na siya sinabi pa din niya yun. Nanlilisik yung
mata niya sa likod ni Lucas.

"Jeydon naman wag kang selfish kay Candice.
Hindi mo naman siya pag mamay ari." nilapit ni
Lucas yung kamay niya sa mukha ko. Hinawakan
niya yung pisngi ko na ilang beses ng sinampal.
Hinimas himas pa niya yun, nakakita ako ng awa
sa mata niya. Na aawa ka ba talaga sakin Lucas?
isang traydor na katulad mo may awa pa ba? "Wag
kang mag alala, hindi naman siya masasaktan sa
gagawin ko." bumaba yung kamay niya sa mga
labi ko. "Hindi ko siya kayang saktan." ngumiti siya
sakin, yung ngiti na palagi kong nakikita. Ang
galing niya palang umarte.

"That girl you are holding is my girl," stupid,
kahit kelan napaka seloso niya. Unti unting
tumutulo yung luha sa mata ko pero hindi ko din
mapigilan na mapangiti dahil sa inaasal niya.
Selosong pusa. "Ilayo mo yung kamay mo
sakanya. She's mine."

Kalmado yung boses niya pero may autoridad sa
boses niyang yun. Bugbog sarado na nga siya't
lahat ang bossy pa din niya. Tinignan ko si Lucas
pero ngumiti lang siya. Umupo siya sa harap ko,
ngayon pantay na kami at kitang kita na namin
yung mata ng isa't isa. Unti unti niyang nilapit
yung mukha niya sa mukha mo. Malapit na malapit
na para bang may balak siyang halikan ako.

"Look Candice and Shawn K-I-S-S-I-N-G!" pang
aasar ni Ginno kay Jeydon, napuno ng tawanan
yung buong werehouse. Nangingibabaw yung kay
Ginno. Ang sakit sa tenga, naiinis ako sa tawa nila.
Naiinis ako sakanilang lahat. Ang sasama nilang
lahat, mga traydor.

"Stop it!" hindi ko makita si Jeydon kasi nasa
harap na ng mukha ko si Lucas. Sa naririnig ko

parang tumayo siya pero may humampas sa kanya
ng tubo, dinig na dinig ko yun. "I.. said.. st-stop.."
hirap na hirap siya mag salita, parang nadudurog
yung puso ko. Humarap ako sa kanan para hindi
matuloy ni Lucas kung ano man yung balak niya.

"Just trust me noona.." bulong niya sakin. Nanlaki
yung mata ko, nagulat ako sa sinabi niya,
pagkatiwalaan ko siya? nag patatawa ba siya? Ano
na namang pangloloko yan? "Makisakay ka lang sa
gagawin ko, please." hindi ko pa din siya
hinaharap. Unti uni siyang lumapit sakin na para
bang niyayakap niya ko. "Kakampi niyo ko.."
muntik na kong matawa pero sumigaw naman si
Ginno.

"Hoy Jeydon! tignan mo sila! Ang sweet di ba?"
sigaw ni Ginno. "Tumayo ka dyan!" narinig ko na
naman na may pumalo sakanya, tama na.. hindi
ko na kaya.. wag niyong saktan si Jeydon.

Niyakap ako ni Lucas, papalag sana ako pero
naramdaman ko na may nilabas siya sa kamay
niya tapos unti unti niyang kinakalag yung tali sa
kamay ko. Bakit niya ginagawa 'to? Hindi ba isa

siya kala Ginno? o baka naman nag papanggap
lang siyang kakampi siya nila Ginno? nalilito na
talaga ako hindi ko na alam kung anong
papaniwalaan ko pero naisip ko yung sinabi niya
na makisakay lang ako sakanya. Hindi na lang ako
umimik kasi paano kung totoo na kakampi nga
namin siya? Sa oras na 'to wala na kaming
malalapitan ni Jeydon kaya mas okey na din na
mag tiwala ako sakanya kahit hindi pa din ako
sigurado. Siya na lang yung pag asa namin na
makatakas dito. Inalis niya yung pagkakayakap
niya sakin, tumayo siya tapos pumunta siya sa
likuran ko.
Nakita ko na ulit si Jeydon, ang sama ng tingin
niya samin. Sobrang talim ng tingin niya na akala
mo matutusok ka. Pinipigilan ko din yung pag iyak
ko, duguan na kasi yung mukha niya at ang sakit
sakit na makita yun.
Kumuha si Lucas ng upuan, nilagay niya yun sa
likod ko tska siya umupo. Kinuha niya yung buhok
ko, nilagay niya yun sa kabila para ma expose
yung leeg ko. Wala na kong tali kaya pwede ko
nang pigilan kung ano man yung balak niyang
gawin pero may nag sasabi sakin na mag tiwala
lang ako sakanya.
Nilapit niya yung labi niya sa leeg ko. Lahat ata ng
balahibo sa katawan ko nag sitaasan. Unti unti

siyang umangat papunta sa likod ng tenga ko, nag
panggap siya na inaamoy yung buhok ko pero ang
totoo may binulong siya sakin.

"Nasa loob na din ng warehouse yung buong
section eleven, kasama yung tatlo."

Napakahina nun kaya kaming dalawa lang yung
nakakarinig. Pagkatapos niyang sabihin yun sakin
nakita ko si Troy sa may dulo na nagtatago. Para
akong nasa isang napaka dilim na lugar na
nakakita ng liwanag. Maliligtas na kami, parang
gusto kong maiyak. Hindi ko pa makita sila Kuya
Charles pero alam kong nasa paligid lang din sila.

"Kapag lumabas na silang lahat kaylangan niyo
nang umalis ni Jeydon dito. Kami ng bahala dito
basta lumayo na kayo dito."

Napatingin samin si Margot, mukhang nagtataka
siya samin. Napansin din ni Lucas yun kaya bigla
niya akong niyakap mula sa likod ko habang
pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Ang bango ni Candice, lalo na yung mga buhok
niya." baliw talaga siya! pasalamat siya ganito
yung sitwasyon namin kung hindi binatukan ko na
siya.

Nilapit na naman niya yung bibig niya sa tenga ko,
nag kunwari na naman siyang inaamoy yung
buhok ko. "Dumaan kayo sa likod na pintuan,
dumeretso lang kayo tapos makikita niyo dun sila
Serina at Tiffany." binalik niya ulit yung
pagkakayakap niya sakin.

"Alam mo Jeydon, ang tagal ko ng gustong gawin
'to. Gustong gusto kong yakapin si Noona, ang
sarap pala niyang i-hug nuh." sige asarin mo pa
yang pusa na yan, siraulo.

"Fvck you.." mahinang sabi ni Jeydon.

"Ginno, pwede bang ipagtabi natin si Candice at
Jeydon?" kumunot yung noo ni Ginno parang ayaw
niya yung idea ni Lucas. "Gusto mo ng show di ba?

maganda 'to." matagal na nag isip si Ginno. Hindi
ko alam yung balak ni Lucas pero kung ano man
yun sana mag work at sana pumayag 'to si Ginno.

"Siguraduhin mong matutuwa ako dyan Shawn,"
tumayo siya tska niya sinenyasan yung mga
kasama niya na ilapit sakin si Jeydon. "Sige mag
reunion muna kayo dyan." lumapit si Lucas sa tabi
ni Ginno.

Tinulak nila sa harapan ko si Jeydon. Nasa harap
ko na siya ngayon, puno ng dugo yung mukha
niya. Gusto kong hawakan yun pero naalala ko na
hindi nila dapat malaman na kinalagan ako ng tali
ni Lucas. Inangat ni Jeydon yung kamay niya,
hinawakan niya yung mukha ko tapos tinignan niya
ko.

"Wifey sorry, tignan mo yung ginawa nila sa
maganda mong mukha.."naiyak na talaga ako
sa sinabi ni Jeydon. Napayuko ako, nasasaktan ako
eh. "Shh.. you'll be fine, hindi ko na hahayaan
na saktan ka ulit nila." para akong tanga kasi
mas lalo lang lumakas yung iyak ko. Ano bang

nangyayari sakin? "Tahan na, it hurts me to see
you cry wifey."

"Hubby, mahal na mahal kita." nakita kong
ngumiti siya sa sinabi ko. Nilapag niya yung ulo
niya sa tuhod ko, siguro ang sakit sakit na ng
katawan niya ngayon. Siguro pagod na pagod na
din siya kagaya ko. Kung pwede ko lang sana
pagalingin yun eh, oa man pero parang gusto kong
kunin yung sakit na meron siya ngayon. "Stupid ka
kasi eh, sabi ko ng wag kang pumunta."

"I'm stupidly inlove with you.." ang hina pa din
ng boses niya.

"TAMA NA YAN! ANG KORNI NIYO." naiiritang
sigaw ni Ginno samin. Nag sindi ulit siya ng yosi.
"Shawn ano ba? asan na yung show? naiinip na
ko." pumunta sa likod ni Ginno si Lucas.

Tinignan niya ko, tumango siya. Yan na ata yung
sesnyales na sinasabi niya. Unti unti ko ng
naaaninag yung mga galaw sa likod. Panigurado
ako na section eleven na yan. Hinanda ko na yung

sarili ko, kaya ko 'to. Tinignan ko si Jeydon,
nakasandal ulit siya sa tuhod ko. Kaylangan namin
na makalayo ni Jeydon dito. Kaylangan kasi
sugatan na siya kaya hindi din siya makakalaban.

"Let the show begin.."

May kinuhang tubo si Lucas sa ilalim ng lamesa,
napalingon sakanya si Ginno. Hindi pa man
nakakalingon ng tuluyan sakanya si Ginno,
hinampas na ni Lucas ng tubo yung mukha niya.
Napa atras naman si Ginno sa lakas ng pagkapalo
sakanya, nagulat lahat. Nakatulala lang sila
hanggang matauhan si Six kaya sumigaw siya na
tulungan si Ginno. Lahat sila papalapit na kay
Lucas pero nakita kong lumabas si Kuya Charles,
hinatak niya si Brandon, isa pala siya kala Ginno.
Tumango sakin si Kuya Charles bago niya suntukin
ulit si Brandon. Sinuntok ng sinuntok ni Kuya si
Brandon. Si Marky naman nakita kong hinatak si
Alex, si Troy kay Six. Pati yung ibang section
eleven nag silabasan na din. Nagkakagulo na
silang lahat, wala na kong inaksayang panahon.

"Hubby, kaya mo pa bang tumayo? kelangan na
nating umalis dito," tumayo ako, kinuha ko yung
kamay niya nilagay ko yun sa balikat ko para
alalayan siyang tumayo. Masakit yung katawan ko
pero nakakaya ko pa din siya, siguro eto yung
tinatawag nilang adrenaline rush. Kelangan maka
alis na kami dito. "Tara na.."

Hinila ko si Jeydon papunta dun sa likod na pintuan
ng warehouse. Kelangan maka punta kami sa dulo
ng daan, nandun na sila Ate Serina tska Tiffany.

Nung nakalabas na kami sa warehouse na yun,
ang daming drums. Nalilito ako kung saan ako
pupunta kasi puro matataas na damo yung
nakapalibot samin. Dumretso na lang ako, sana
tama yung dindaanan ko. Naglakad lang kami pero
hindi pa man kami nakakalayo ni Jeydon, biglang
may pumalo sa ulo ko. Napa higa ako kasama si
Jeydon, nakita ko si Ginno.

"At san niyo balak pumunta ha?!" galit na galit
yung mukha niya. "Hindi kayo makakatakas sakin."
hihilahin niya na sana ako kaso pinigilan naman

siya ni Jeydon. Pareho kami ni Ginno na nagulat
nung gumalaw si Jeydon.

"Di ba sabi ko sayo, kapag hinawakan mo si
Candice, papatayin kita."

Tumayo si Jeydon tska sinuntok si Ginno. Napa
atras naman si Ginno, lalapit sana ako kay Jeydon
pero sumenyas siya sa wag.

"Wifey, umalis ka na. Puntahan muna sila Tiffany
dun, kaya ko na 'to."

"Sugatan ka! hindi mo kaya si Ginno!" biglang
napatayo si Ginno may hawak siyang tubo tapos
ipapalo niya yun kay Jeydon. "Hubby sa likod mo!"
nahawakan naman agad ni Jeydon yung tubo na
ipapalo sakanya ni Ginno.

"Umalis ka na, sumunod ka sakin."

"Pero.." pinalo naman niya ng tubo si Ginno,
tinignan niya ko ng masama. "Okey, pero ipangako
mo na magiging okey ka." nag nod siya sakin
tapos umalis na ko. Narinig ko pa din na nag
susuntukan sila ni Ginno dun sa lugar na pinag
iwanan ko sakanila.

Ang tataas ng mga damo dito, derederetso lang
ako. Hinahawi ko yung matataas na damo. Nung
nakalakad na ko ng medyo malayo, nawala na
yung matataas na damo. Natatanaw ko na yung
daanan. Tumakbo ako papunta dun pero may
humatak ng buhok ko. Napahiga naman ako tapos
pumatong siya sa harap ko.

"You b*tch! akala mo makakatakas ka?!" bigla niya
kong sinampal. "Mamatay ka muna dito!" sinampal
na naman niya ko. Tinutulak ko siya pero ang
lakas at ang bigat niya.

"Itigil mo na yan Margot!" parang hindi niya ko
narinig, sinabunutan niya ko. Galit na galit yung
mukha niya, nakakatakot siya. "Ano bang
kasalanan ko sayo?" natawa naman siya.

"Palagi na lang ikaw yung number one sa klase!
palagi mo na lang akong natatalo! palagi na lang
nasayo yung atensyon ng lahat!" nagulat ako sa
mga sinasabi niya, hindi ko akalain na ganun na
pala yung iniisip niya.

"Yun lang ba yung gusto mo? sana sinabi mo sakin
para binigay ko na lang sayo! hindi naman
importante sakin yun eh!" sinampal na naman niya
ko.

"Sinungaling! ambisyosa ka! gustong gusto mo
naman yan di ba?! dapat ako yung nasa pwesto
mo eh! dapat ako yung miss campus! dapat ako
yung sikat! dapat ako yung nagustuhan ni
Jeydon!"
Nanlaki yung mata ko sa huli niyang sinabi. Dapat
na siya yung nagustuhan ni Jeydon? ibig sabihin ba
nun may gusto siya kay Jeydon?

"Hindi kita maintindihan! mag kaibigan tayo di ba?
Kaibigan yung turing ko sayo!"

"Tanga! kahit kelan hindi kita tinuring na kaibigan.
Isa lang yung malaking pag papanggap!"

"Anong ibig mong sabihin?" mas lalo lang
sumasakit yung ulo, litong lito na ko.

"Nagulat ka ba? mamatay ka na lang din naman
kaya sasabihin ko na sayo yung totoo." tumawa
siya na parang baliw tapos may nilabas siyang
baril, tinutok niya yun sa mukha ko. "Makinig kang
mabuti.."

Nakatingin lang ako sakanya, nakakatakot na
talaga siya. Ibang iba siya sa Margot na nakilala
ko. Para siyang nababaliw na ewan.

"Yung nag video sayo nung sinabi mong hinalikan
ka ni Jeydon, ako gumawa nun. Ako nag pakalat
nun para isipin nila na Ilusyanda ka!"

"Ginawa mo talaga yun? ang sama mo." akala ko
may kung sino lang walang magawa yung nag

upload at nang trip sakin pero sinadya niya pala
talaga niya yun. Grabe siya.

"Ikaw yung masama stupid! dahil sayo nabugbog
si Jeydon noon. Naaalala mo ba yung nasa mall
kayo noon? Ako nag utos kala Alex na bugbugin ka
at hindi si Jeydon, nag panggap akong si Ginno
nun. Kaso tanga tanga 'to si Alex dinamay si
Jeydon."

"Wala kang kasing sama!"

"Makinig ka muna, hindi pa ko tapos!" Sinampal na
naman niya ko, " Alam mo bang ako din yung
nagkalat ng mga posters sa school tungkol sa
pagiging malandi mo? yung litrato mo kasama si
Marky at Jeydon?"

Tumawa na naman siya na parang baliw. Hindi ko
kinakaya yung mga sinasabi niya, ganun ba siya
kasama?

"Bakit mo kelangang gawin yun ha?!" hinawakan
niya yung baba ko tapos tinutok na naman niya
yung dulo ng baril sa pisngi ko.

"Kasi malandi ka! may Marky ka na nga, pati si
Jeydon ko aangkinin mo?! siniswerte ka ba?! Akin
dapat si Jeydon eh!"

Nababaliw na talaga siya. Parang ayokong
maniwala, gusto kong isipin na isa lang 'tong
malaking bangungot.

"Yung naligaw tayo, akala mo ba naligaw talaga
tayo nun? hahaha! pakana ko lang lahat yun!
binayaran ko yung mga lalaki na nang bugbog kay
Shawn. Alam kong malandi ka," sinamapal na
naman niya ko. Sobrang sakit na ng mga pisngi
ko. "Malandi ka kaya alam kong tutulungan mo
siya. Nakita ko kayong pumunta sa park kaya
tinawag ko agad sila Jeydon para makita yun."

"Ang sama mo!" nag iinit na yung buong mukha ko
sa galit. Paano niya nagawa lahat ng yun? grabe

siya. "Akala ko totoong kaibigan kita!" tumawa na
naman siya ng malakas.

"Alam mo kasi Candice, bukod sa malandi ka,
tatanga tanga ka pa! Ang dali mong lokohin, ang
dali mong utuin!"

"Nagtiwala lang ako sayo! Isa pa, kung si Jeydon
yung gusto mo, bakit si Ginno yung boyfriend
mo?"

"Tanga ka nga talaga nuh? Kaya lang naman
naging kami ni Ginno para mapalapit ako kay
Jeydon, para palagi ko din siya makasama."
hinawakan niya yung pisngi ko, sobrang diin ng
kamay niya damang dama ko yung kuko niya.
"Kaso umepal ka! kaya lahat ng pangarap ko, lahat
ng plano ko nasira ng dahil SAYO!" sinampal
naman niya ko ngayon gamit yung baril niya. Ang
sakit na talaga, nanghihina na ko.

"Alam mo din bang ako yung nagsulsol kay Ginno
para gawin 'to. Oo may balak talagang gumanti
nila Ginno kaya binuo ulit niya yung Phoenix pero

hindi ganito kalala yung balak namin. Araw araw
kong pinapaalala sakanya yung ginawa ni Jeydon
sakanya kahit alam ko naman talaga na tinulungan
talaga siya ni Jeydon. Tinapon ko lahat ng gamot
ng kapatid ni Ginno para mas lalong lumala yung
sakit niya, dahilan para mas lalong magalit si
Ginno."

Tumawa na naman siya na parang baliw. Grabe,
hindi ako makapaniwala. Ang galing niya talaga
mag panggap. Pati kapatid ni Ginno na walang
kinalaman dito dinamay niya, anong klase siya?

"Sinaktan ako ni Jeydon, pinag palit niya ko sayo!
Sa isang panget na katulad mo! kaya ngayon mas
mabuti pang mamatay na lang din siya at syempre
kasama ka!" baliw na nga talaga siya. Natawa na
lang ako.

"Kahit kelan hindi ka niya pinagpalit kasi kahit
kelan hindi naman siya naging sayo!"
Nanlaki yung mata niya, tinutok niya yung baril
sakin. Kahit na hinang hina na ko nagawa ko pa
din hawakan yung kamay niya. Nag agawan kami
sa baril, sinipa ko yung tyan niya. Biglang pumutok

yung baril, sa gulat niya nabitawan namin pereho
yung baril. Nagka tinginan kami tapos kinuha niya
yung buhok ko tapos sinabunutan niya ko. Kinuha
ko din yung buhok niya tska kami nag sabunutan.
"Kakalbuhin kitang malandi ka!"
"Ikaw yung malandi! Wala kang kasing sama!"
Hindi ko na alam kung ilang sampal, sabunot at
tadyak yung inabot namin sa isa't isa. Hindi ako
nagpatalo sakanya. Ngayong alam ko na yung
totoo niyang ugali wala ng dahilan para maawa
ako sakanya. Tinuring ko pa man din siyang
totoong kaibigan pero traydor pala siya. Mas
masahol pa siya kay Stacey, atleast siya hindi
plastic. At may pagnanasa din pala siya sa Hubby
ko. Ang dami na niyang kasalanan sakin. Hindi ko
alam kung mapapatawad ko pa siya sa lahat ng
ginawa niya.

Hingal na hingal na kaming dalawa. Napahinto
kami saglit, sakto naman nung pareho kaming
napa tingin dun sa baril. Nag unahan kami dun
pero mas nauna siya. Tumayo siya hawak hawak
yung baril, nakatutok na sakin yun at anytime
pwede na niya kong patayin. Bumilis yung tibok ng
puso ko. Natatakot ako, sa ginawa niya sakin hindi
nga imposible na barilin niya ko.

"CANDICE!"

Napalingon kami dalawa, si Jeydon. Lumapit agad
siya sakin, pumunta siya sa harap ko para
harangan ako.

"Ako muna yung makakalaban mo bago mo siya
masaktan!"

Nakatitig lang samin si Margot. Biglang may mga
luha na tumulo sa mata niya.

"Bakit Jeydon? bakit siya? mas maganda naman
ako sakanya! mas mayaman! mas sexy at mas
matalino! bakit siya pa at hindi ako?!"

"Kahit kelan hindi ako mag kaka gusto sa isang
baliw na kagaya mo!" tumawa na naman si Margot
na parang baliw, habang umiiyak.

"Pwes pag sisisihan mo yung pag reject mo sakin!"
nawawala na talaga siya sa katinuan.

"Tigilan mo na yan!"

"Tumahimik ka! Alam mo isa na lang yung bala ng
baril na 'to. Siguro mas maganda kung isa lang
yung mamatay di ba? para yung isa habang buhay
na magdudusa sa pag kamatay ng taong mahal
niya! Hahaha! sino kaya sa inyo yung
mamamatay?"

"Dyan ka lang sa likod ko Candice." hawak hawak
ni Jeydon yung mga braso ko habang nasa likod
niya ko.

Alam ko sa tingin pa lang ni Margot, seryosong
seryoso siya na babarilin nga niya yung isa samin.
Naisip ko din si Jeydon, siya yung unang
mababaril. Kaya ko bang mawala si Jeydon? kaya
ko bang mabuhay na wala siya? Oo kaya ko pero
hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ko.
Mahal na mahal ko siya. Palagi na lang siya yung
nag liligtas sakin, siya na lang lagi yung

nasasaktan. Panahon na siguro para ako naman
yung mag ligtas sakanya. Sabi nga nila Love is
Sacrifices. Hindi ko hahayaan na may mangyari
sakanya.

Tinulak ko si Jeydon kasabay ng pag putok ng
baril..

Wala akong maramdaman pero nanlalabo yung
paningin ko, alam kong napahiga na ako. Dinig na
dinig ko yung boses ni Jeydon na tinatawag ako.

"Wifey wag kang bibitiw ha? dadalhin na kita sa
ospital.." basang basa na yung mukha ko, umuulan
ba? o baka naman umiiyak si Jeydon? "Please
wag mo kong iiwan, hindi ko kaya." Hinawakan
ko yung mukha niya tska ko pinunasan yung mga
luha niya.

"Mahal.. na.. mahal kita.. Jeydon.."

Pagod na ko, pagod na pagod na yung mata ko.
Hubby, pipikit lang ako saglit ah? hindi ko na kasi
kaya eh..

"Candice.."

Binuksan ko yung mata ko. Gising na ko? nasa
ospital na ba ko? puro puti yung nakikita ko eh.

"Candice anak.." tinignan ko yung nagsalita.

"Papa?"

Sobrang liwanag, hindi ko masyadong maaninag
yung mukha ni papa pero kilala ko yung boses
niya. Alam kong siya yan.

"Anak tara na, sumama ka na kay papa.."

Unti unting tumulo yung mga luha ko, Oo papa
sasama na ko sayo. Miss na miss na kita eh.
Gustong gusto na kitang makasama.

"Sasama ka na ba kay papa anak?"
Inabot sakin ni papa yung kamay niya, unti unti
kong inangat yung kamay ko para makuha yung
kamay niya.

"Oo papa.. sasama na ko sayo.."
"Marky?" bigla siyang naiyak. "Haha! Susunduin
mo na ba ko? tara na? San tayo punta?" nakaka
awa siya, ibang iba na siya.
"Dyan ka na panghabang buhay, Margot." nawala
yung tawa niya, kinikilabutan ako sakanya.
"Dito? ayoko dito. Ayaw nila ko dito. Wag kang
maingay pero madami kami dito sa loob ng kwarto
ko at lahat sila ayaw sakin. Alis na ko dito! Ialis mo
ko dito please.. inaaway nila ko dito." madami?
pero nag iisa lang siya sa kwarto na yan. Bigla
siyang nagwala kaya matras ako sa harap ng

pintuan. Nakakatakot siya, kung ano ano na lang
yung sinasabi niya.
"Imbis na magalit ako, naaawa ako sayo. Dahil sa
inggit nag kaganyan ka, sayang." huminto na
naman siya. Sinabunutan niya yung sarili niya tska
siya umiyak.
"Si Candice! kelangan ko siyang iligtas! may
babaril sakanya! Marky dalhin mo ako kay
Candice! Friend ko yun eh.. friends
kami." umiiyak pa din siya tapos bigla siya tatawa
tapos iiyak ulit.
"Baliw ka na nga talaga."
"Baliw? Sinong baliw? may baliw dito? Asan? Marky
teka si Candice yung friend ko! Asan na? Haha!
may baliw daw dito?"
Naglakad na ko palayo at paalis sa lugar na yun.
Naawa ako sa nangyari sakanya. Naririnig ko pa
din yung boses ni Margot bago ako maka alis dun.
Sinisigaw niya yung pangalan ni Candice. Hindi ko
akalain na mababaliw siya ng tuluyan.
Nakakalugkot lahat ng nangyari. Sana nga isa na
lang 'tong panaginip, isang bangungot. Lumipas na
yung new year pero malungkot pa din kaming
lahat dahil hanggang ngayon, hindi pa din
gumigising si Candice. Kelan kaya siya magigising?

Nag drive na ko papunta sa grocery bago ako
pumuntang ospital. Pagka dating ko dun dinalaw
ko muna si Ginny. Pareho lang sila ng ospital ni
Candice kaya sabay ko silang nadadalaw.
Pagpasok ko sa kwarto niya, gising siya pero
nakatulala siya sa may bintana. Mukhang malayo
yung iniisip niya, hindi man lang niya napansin na
pumasok ako. Nilapag ko agad sa lamesa yung
dala kong pagkain para sakanya. Umupo ako sa
tabi niya.
"Anong iniisip mo?" nilingon niya akong naka ngiti.
"Iniisip ko si kuya Ginno, sana patawarin siya ni
Papa God sa ginawa niya." nguniti siya sakin pero
halata naman na malungkot siya. "Kahit na
nagawa niya yun, mahal ko pa din siya dahil kuya
ko pa din siya." nawala na sa mukha niya yung
ngiti. "Hindi ko alam kung bakit niya nagawa yun,
mabait naman siya eh. Alam ko yun.." unti unti ng
pumapatak yung mga luha sa mata niya.
"Ginny wag ka nang umiyak, hindi yan makakabuti
sayo. Kelangan mong gumaling."
"Marky si kuya na lang yung natitira sakin, kung
wala na siya ano pang dahilan para mabuhay ako?"
niyakap ko siya habang umiiyak pa din siya.
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.

"Alam mo bang madaming tao yung gustong gusto
mabuhay pero hindi sila binibigyan ng chance kaya
ikaw mag pagaling ka." natigil na din siya sa pag
iyak niya.
"Sana ako na lang yung na comatose at hindi si
Candice. Naaawa ako sakanya pati kay Jeydon."
tinignan niya ako na puno ng lungkot yung mga
mata niya.
"Wag mong sabihin yan. Ginny, mag pagaling ka.
Madaming rason para mabuhay, kung tingin mo
nag iisa ka na lang, nandito pa ko." hinawakan ko
yung mukha niya tapos ngumiti ako
sakanya. "Ginny andito lang ako para sayo."
"Salamat Marky.. salamat."

-Jeydon Pov

"Jeydon umuwi ka na muna, baka mag kasakit sa
ginagawa mong yan." hinawakan ni tita Candy
yung braso ko. Hindi ko pa din inaalis yung kamay
ko sa kamay ni Candice.

"Tita kelangan nandito ako kapag nagising na si
Candice. Kelangan niya ako kaya hindi ako aalis
dito." Napa buntong hininga na lang si tita Candy.
Halos dalawang bwan ng hindi gumigising si
Candice, simula nung pasko hindi na ako umalis sa
tabi niya. Halos dito na nga ako tumira sa ospital
eh.
"Pag bibigyan kita pero bukas mag pahinga ka na,
isa pa tapos na yung Christmas at new year break
niyo kaya kelangan mo ng pumasok."
"Pero.." tinignan ko yung mukha ni Candice na
natutulog. "Paano na lang kapag nagising na si
Candice? kelangan nasa tabi niya ko." tinignan ko
si tita Candy, pinilit niyang ngumiti sakin. Ayoko
talagang umalis sa tabi ni Candice, mas gusto ko
sa tabi niya.
"Ayaw ni Candice na mapapabayaan mo yang pag
aaral mo dahil sakanya, tandaan mo yan Jeydon."
hinawakan ulit ni tita Candy yung balikat ko "Uuwi
muna ako, babalik din ako mamaya." tska siya
lumabas ng kwarto.
Napangiti ako habang naka tingin sakanya.
Wifey, will you get mad?

Pumikit ako, inimagine ko yung mukha niya tska
kung anong sasabihin niya sakin ngayon kung
nakikita niya ko.
'Yah! hubby bakit hindi ka pumapasok dahil
sakin?! kapag mababa yang mga grades mo
wala kang kiss sakin!'
Na imagine ko talaga siya habang sinasabi yan
sakin. Masisi mo ba ko wifey kung mas gusto kong
manatili dito sa tabi mo? Hindi din naman ako
makakapag aral kasi ikaw lang din naman yung
iisipin ko. Kaso paano na lang kapag gumising ka
na tapos nalaman mo na bumaba pala yung grades
ko? makakahingi pa ba ko ng kiss at hug sayo?
hay.. miss na miss na kita. Nakaka inis ka na! ang
tagal mong gumising dyan.
Bumukas yung pinto, akala ko ba uuwi muna si tita
Candy?
"Tita bakit bumalik ka na?"
"Pwede ba kong dumalaw?" hindi ko alam kung
anong reaksyon yung dapat kong ipakita nung
nakita ko siya.
"Wala pa din siyang malay." binalik ko ulit yung
tingin ko kay Candice. Umupo siya sa tapat ko, sa
kabilang dulo ng kama.

"Malakas siya kaya alam kong babalik pa din siya
satin."
"Alam ko, babalik siya. Hindi niya ko pwedeng
iwanan. Hindi ko kakayanin.." hinawakan ko yung
kamay niya. Hindi ko kaya na wala siya. Takte
naman 'to si Shawn, naiiyak tuloy ako.
"Jeydon, patawarin mo ko." kumunot yung noo
ko sa sinabi niya. Sorry para saan? Kung ano ano
sinasabi niya. "Kasalanan ko 'to."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nahuli ako, hindi ko agad nalaman na si Ginno
tska si Red dragon iisa pala. Kung nalaman ko
sana agad, eh di sana--"
"Wala kang kasalanan dito.." nagulat siya sa sinabi
ko. Tama naman ako eh. "Sa totoo lang ako
yung dapat humingi ng tawad sayo, pinag
dudahan kita. Sa huli ikaw din pala yung
magliligtas samin." ngumiti siya sakin ng pilit.
Hindi pa din naman naaalis sa isip ko yun ginawa
niyang pagtataksil sakin dati pero hindi ko din
kayang magalit sakanya.
"Jeydon, maniwala ka man o hindi tinuturing pa
din kitang best friend. Pareho kayong mahalaga
sakin ni Candice. Sana.. mapatawad mo pa ko sa
mga nagawa namin sayo nun ni Kim." hindi ako

naka tingin sakanya pero alam ko naman na
sincere siya sa mga sinasabi niya. Matagal ko ng
kilala si Shawn kaya alam ko kung nag
sisinungaling siya o hindi.
"Napatawad na kita Shawn. Isa pa nag
papasalamat nga ako dahil ginawa niyo sakin yun
ni Kim." ngumiti ako sakanya, isang totoong ngiti.
"Ha?"
"Kung hindi dahil sa pagtataksil niyo sakin
dati, hindi ko makikilala si Candice. Yung
babaeng pinaka mamahal ko. Tama nga sila,
everything is with reason." binato niya sakin
yung maliit na unan sa tabi ni Candice. Gagu 'to
ah! "Anong problema mo?"
"Everything happens for a reason yun! tangek!
kahit kelan talaga!" yun ba yun? pareho lang
naman yun eh.
Hindi namin napigilan ni Shawn na matawa. Bakit
ganun? parang ang gaan na ng loob ko sa ugok na
'to. Parang bumalik ulit kami sa dati, yung
pagiging mag best friend namin. Ganitong ganito
din kami dati, may sasabihin akong palpak tapos
itatama niya ko. Siguro nga panahon na din para
ibaon ko na talaga lahat ng masasamang bagay na
nangyari samin noon. Masaya na naman ako
ngayon kay Candice, masayang masaya. Kaibigan

din naman siya ni Candice, tska kampante naman
ako na hindi ako ipagpapalit ni Candice sakanya.
Sus sa gwapo ko ba naman na 'to eh? Lugi pa siya
sakin.
"Jeydon.." napatingin siya kay Candice, gulat na
gulay kaya napatingin din ako.
"Ang ingay niyo.. nagising ata ako sa tawa
niyong dalawa.. mga abnormal.."
Hindi ako makapaniwala sa nakikita at naririnig ko.
Gising na ba talaga si Candice? Totoo ba talaga
'to? baka nananiginip lang ako? o kaya baka nag
mumulto na siya samin?! Hindi pwede yun!!
"Shawn batukan mo nga ko!"
"Ha?"
"Dali batukan mo ko!"
Aray! punyeta ang sakit nun ah! Mukhang may
pinanghuhugutan si gagu pero nasaktan ako. Ibig
sabihin lang nun..

"Gising na ko.. abnormal na pusang robot.."

-Candy Pov

From: Jeydon
Tita good news po! Gising na si Candice!

Muntik na ko matumba sa kinakatayuan ko sa
nabasa kong text. Hindi ko ma pigilan na maiyak
sa text sakin ni Jeydon. Gising na yung baby girl
ko. Thank you God, dininig niyo po yung
panalangin ko. Ang saya saya ko, parang wala na
ngang mapaglagayan 'tong tuwa ko ngayon eh.
Nagmadali akong mag imapake ng mga damit ni
Candice, tska mga pagkain na din.
Wala si Charles at Linda sa bahay dahil nasa
tagaytay sila para sa business matter. Simula ng
mamatay si Danny, si Charles na yung namahala
sa mga business namin. Sigurado ako magiging
masaya din silang dalawa sa balita ko na 'to.
Naisip ko tuloy si Danny, sana nandito siya sa tabi
ko, sa tabi namin.
Papunta na sana ako sa ospital kaso nakita ko siya
na nakatayo sa tapat ng bahay ko.

"Janice?"
Humarap siya sakin, hindi pa din siya nagbabago.
Ano kayang pinunta niya dito?
"Pwede ba tayong mag usap?"
"Janice nagmamadali ako.."
"Please.. Saglit lang naman 'to." hindi ko alam
kung papayag ba ako sakanya. Mas inportante
yung anak ko kesa sa kung anong sasabihin niya
pero gusto na din matuldukan lahat samin. "Please
Candy.."
Sumama ako sakanya, nag usap kami sa isang
coffee shop malapit lang sa ospital.
"Ano bang kelangan mo Janice?"
"Gusto ko sanang mag usap kayo ni Davee." i
looked at her confused. Hanggang ngayon ba
naman yun pa din yung issue niya sakin? Matagal
ko ng nilagay sa limot lahat ng yun.
"Dekada na yan Janice, ano pa bang gusto mo? for
God's sake may kanya kanya na tayong pamilya."
"Makikipag divorce na sakin si Dave." muntik ko na
maitapon sakanya yung kape na iniinom ko. Wag
niyang sabihin na ako yung may dahilan? "And
yes, you're the reason behind all of this Candy."

"Nakakatawa ka Janice, nakuha mo na siya sakin
dati pero hanggang ngayon pala palpak ka pa din."
nakikita ko yung galit sa mata niya.
"Kahit kelan hindi niya ko minahal dahil sayo
Candy at dahil nalaman niyang wala na si Danny,
nabuhay na naman yang lintek na pagmamahal
niya sayo!" hindi pa din siya nag babago.
"Hindi ko na yun kasalanan. Janice pwede ba?
tigilan mo na ako. Masaya na ko sa buhay ko, may
mababait kang anak kaya matuwa ka na lang din
sa buhay mo." Tumayo ako dala dala yung kape
ko. "Matagal na kitang pinatawad sa ginawa
mo sakin noon kaya wag ka ng gumawa pa ng
panibagong gulo, ex best friend."
Hinarangan niya ko, nagulat ako nung bigla siyang
lumuhod sa harap ko. Ano bang ginagawa niya?
"Please Candy, ayokong masira yung pamilya ko.
Kausapin mo si Dave, pigilan mo siya sa balak
niya." umiiyak na siya sa harap ko. Hindi ko alam
na aabot siya sa ganitong punto.

"Janice tumayo ka dyan!"

Napalingon kaming dalawa sa sumigaw..

Ngayon ko na lang ulit siya nakita,
nakakapanibago. Tinignan ko ulit si Janice tska ko
tinignan ulit yung lalaking matagal ko nang
kinalimutan. Dave Lopez, ang lalaking matagal ko
ng ibinaon sa limot, bakit ganun? parang lahat ng
sakit at lahat ng pagtataksil bumalik.

75: Family

Candice Pov

"Ano pang kelangan mo?"
"Nagugutom ka na ba?"
"Gusto mo ng tubig? o kaya juice?"
Nagkatinginan kami ni Lucas sa isa't isa tapos
sabay kaming natawa na dalawa. Masisisi niyo ba
kami? Nakakatawa naman kasi 'tong si pusa eh.
Simula nung nagising ako tapos na check ako ng
doctor hindi na siya mapakali. Akala mo batang
pasenyete ako.

"Bakit niyo ko pinagtatawanan?!" nag pout siya
sabay simangot. Para talagang bata, sarap niya
kurutin sa pisngi eh. "Wifey! you're so bad to your
hubby!"
"Ikaw naman kasi hubby, okey lang ako kaya
pwede ba kumalma ka?"
"Oo nga Jaydee, sumasakit ulo namin sayo."
"Aish! Fine." parang nagmamaktol na bata, psh.
Nag cross finger lang siya tska umupo sa tabi ko.
Bumukas bigla yung pinto ng kwarto ko, nakita ko
si Mama. Lumapit agad siya sakin tapos niyakap
ako. Alam mo yung yakap na wala ng bukas?
Mukhang lahat sila na miss ako ah? Sabagay
dalawang bwan ba naman akong tulog eh.
"Candice sobrang saya ko na gising ka na!" ayan
naiiyak na si mama. "Akala ko mawawala ka din
sakin, buti dininig ni God yung panalangin ko."
naka yakap pa din sakin si Mama, medyo
nahihirapan na ko huminga.
"Uhmm.. mama?" narealize din ni mama na yung
sitwasyon namin kaya kumawala din siya sa
pagkakayakap niya sakin. Pinunasan niya yung
luha niya.
"Sorry anak, masaya lang talaga ko."

"Masaya din ako kasi nagising na ko. Kung
sumama pala talaga ako kay papa, ang lungkot
niyo siguro." ngumiti ako sakanila. "Ngayon
nandito na ko, kelangan masaya na tayong lahat,
okey?"
Nagtinginan silang tatlo tapos napa ngiti na lang
din. Ayoko mag drama, gusto ko masaya lang
kami. Alam ko naman na nung tulog ako dito sa
ospital lahat sila malungkot at umiiyak.
"Nakausap niyo na ba yung doktor?"
"Opo tita, he wants a word with you."
"Okey, kakausapin ko lang yung doctor, maiwan ko
muna kayo." niyakap ulit ako ni mama tapos
lumabas na siya ng kwarto.
"Aalis na din ako, epal lang ako dito eh." sabi
naman bigla ni Lucas.
"Lul buti alam mo." tinignan ko ng masama si
Jeydon. Ang rude niya kay Lucas, parang kanina
lang nag bati na sila. Echusero!
"Yah hubby!" tinignan ko si Lucas. "Thank you
Lucas, salamat talaga sa lahat. Mag usap na lang
ulit tayo kapag nakalabas na ko ng ospital. Ingat
ka ha."

"Wala yun noona ikaw pa." sabay kindat sakin
tapos hinawakan niya yung kamay ko. Bigla naman
sumulpot si Jeydon inalis niya yung kamay ni
Lucas sa kamay ko. Problema ng pusang 'to? "Hoy
anong problema mo Jaydee? psh."
"Nagseselos na ko eh. Sige na alis na." tinulak niya
pa si Lucas palabas ng pintuan, abnormal talaga
niya kahit kelan. The selos king kahit kelan. Nung
naka alis na si Lucas, sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang rude mo talaga hubby."
Ang seryoso ng tingin niya sakin, lumapit siya
tapos umupo siya sa tabi ko. Akala ko may
sasabihin niya pero nilapit lang niya yung mukha
niya sa mukha ko. Sobrang lapit na ng mukha niya
sakin, dama ko na nga yung hininga niya.
Nakatingin lang ako sa brown niyang mata na
akala ko tinatawag ka.
"I miss you so much."
Omo! nag iinit yung pisngi ko! ang hot kasi nung
pagkakasabi niya nun. Seryoso yung boses niya
tapos may pag ka husky, at ang lapit pa niya sakin
ah. Ano ka ba naman Jeydon! kakagising ko lang
gusto mo na ko patayin! patayin sa kilig! Kainis ka
naman eh! hehe.
"I-I mi-miss you too.."

Ayan nag stutter na tuloy ako. Ialis niyo nga muna
sa harap ko si Jeydon! mahina pa ko! baka
atakihin naman ako sa puso neto. Jusme bakit
ganito ka gwapo yung boyfriend ko? Lumapit na
naman siya sakin, kaya napapikit ako. Hinitay ko
na halikan niya ko pero wala naman nangyari kaya
binuksan ko ulit yung mata ko. Naka ngiti siya
sakin tapos hinawakan niya yung dulo ng ilong ko.
Kainis naman akala ko naman he will kiss me.
Wahaha! echos lang.
"Are you disappointed?"
"Disappointed san?" Hindi ah! Hindi talaga!
sobrang hindi! yan mag patay malisya ka.
"Disappointed because I didn't kiss you." bigla
siyang nag smirk sakin. Ganun ba ko ka obvious?
Eh miss ko yung kiss niya eh. Halikan ko siya dyan
eh. "If you want, I'll kiss you. Ayoko lang biglain--"
Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita niya. Hinila
ko yung damit niya tapos hinalikan ko siya. Sandali
lang yun pero parang ang tagal. Hindi lang yung
kiss niya yung na miss ko, na miss ko lahat kay
Jeydon. Nung kumawala ako sa kiss namin nakita
ko si Jeydon na gulat na gulat.
"Naughty girl." pinisil niya yung magkabilang
chicks ko. Nakita ko yung pisngi niya na

namumula. Ang cute niya tignan ngayon, hindi ko
mapigilan na matawa.
"Uy! blushing!" asar ko sakanya.
"No I'm not!" mas lalo lang siyang namula sa
sinabi ko. Hihi ang cute cute niya.
"Haha! nakakatawa ka hubby!" hindi ko na naman
mapigilan na matawa, hinawakan ko na nga yung
tyan ko sa sobrang tawa.
"Yah! parang hindi ka na comatose! can you calm
down? baka mapano ka."
"Okey na ko, feeling ko nga ang lakas lakas ko
na."
"Kahit na, we should still be careful. I don't
want to loose you.." seryoso na naman yung
mukha niya tapos ang lungkot. Hinawakan ko yung
mukha niya.
"Nahirapan ka siguro nung tulog ako noh? Sorry,
sorry kung pinahirapan kita. I'll make up to you.
Sorry hubby." hinawakan niya yung kamay ko.
"You don't have to do that. Yung nandito ka lang
sa tabi ko, masaya na ko. Masayang masaya na
ko."
"Thank you hubby, i love you."

"I love you too." the he kissed me.

Nung nakabalik na si mama, sabi daw sakanya ng
doktor ko pwede na din akong umuwi afer two
days. May gagawin pa daw na mga tests para
makasigurado na okey na ko. Sabi pa ng doktor
isang milagro daw yung nangyari sakin. Oo isang
napaka laking milgro nga yung nangyari sakin.
Hindi ko inakala na mabubuhay pa ko, akala ko
nga mamatay na ko. May punto na gusto ko ng
talagang sumama kay papa kaso naisip ko yung
mga taong maiiwan ko. Yung mga taong
malulungkot at iiyak dahil sakin. Hindi ko din alam
kung panaginip lang ba o totoo yung naririnig ko si
Jeydon pero isa yun sa mga nakapag palakas
sakin. Lagi niya kong tinatawag, sinasabi niyang
kelangan niya ko. Lagi niya sinasabi kung gaano
niya ako kamahal at gaano niya ko kaylangan.
Ayoko siyang iwan, ayokong malayo sakanya.
Siguro binuhay pa talaga ako ni God para
pasayahin pa yung mga taong mahal ko at nag
mamahal sakin. Maybe.. or should I say yes, this is
now my second life.

--

"Ang hirap naman neto." nilagay ko na lang yung
ulo ko sa table. Sumasakit yung ulo ko sa mga
numbers na to.
"Papakopyahin na lang kita." tss alam kong math
genius siya pero gusto ko din naman matuto eh.
"Tama na yan."
"Hubby naman, ituro mo na lang kasi sakin 'to
please?"
Nag puppy eyes na ko sakanya pero mukhang
ayaw pa din niya. Ang dali lang naman ituro 'to eh!
ang damot niya. Kung hindi lang ako na comatose
ng dalawang bwan, malamang chicken lang sakin
'to.
"Mag date na lang kasi tayo." psh! kakadate lang
namin kahapon eh. Date na naman?
Dalawang linggo na simula nung lumabas ako ng
ospital. Okey na okey na ko. Hindi na din OA sila
mama pati sila Kuya. Nung unang linggo kasi ang
OA nila eh. Akala mo may sakit pa din ako, eh
yung doktor na nga yung may sabi na
I'mPERFECTLY FINE NOW.
Eto namang hubby ko, araw araw na lang akong
inaaya mag date. Ewan ko nga anong nangyari
sakanya eh. Five straight days na kaming nag da-

date. Akala mo wala ng next time eh. Ako naman
tag hirap. Oo tag hirap! ang dami ko kasing dapat
habulin na mga lessons, after kasi ng JS PROM
namin, final examination na at dalawang linggo na
lang yun. Kaya eto kami ngayon, overtime dito sa
school para makapag aral ako sa math kaso etong
napaka galing kong boyfriend, ayaw naman akong
turuan kasi gusto niya mag date daw kami.
"Wifey, tara!" inayos niya bigla yung gamit ko
tapos hinila niya ko palabas.
"San na naman ba tayo pupunta?"
"May ipapakilala ako sayo." sino naman kaya yun?
Hindi na ko nag tanong kasi nandun na kami agad
sa tapat ng kotse niya. Hindi ko alam san kami
pupunta neto ni Jeydon pero hindi na lang ako
umimik. Kanino naman kaya niya ako ipapakilala?
Buong byahe tahimik lang kaming dalawa,
kinakabahan siguro ako? Huminto kami sa isang
sementeryo. Sinundan ko lang kung saan siya
pumunta. Tumigil siya dun sa isang puntod.
Jenny Lopez
March 20, 1997 - September 6, 2003
You will always be miss.
Siya kaya yung kakambal ni Jayshin? Yung kapatid
niyang babae na namatay? Siguro siya nga yun.

Umupo si Jeydon kaya napaupo na lang din ako.
"Jenny, I would like you to formally meet my
girlfriend," tinignan niya ko. "Oo, Etong babae na
'to na kahit hindi ganun kaganda, hindi ganun
ka sexy at hindi ganun kalakas yung appeal
yung girlfriend ko." sinamaan ko lang siya ng
tingin. Laitin ba ko sa harap ng kapatid niya? kahit
na sabihin mong totoo yun hindi pa din siya
makatarungan!
"But.. I love her so much. No other girls
makes me feel this way. It's weird
right?" natawa siya ng mahina. Okey you're
forgiven Jeydon. Hehe parang kinilig pa ko amp!
"Uhm.. Hi Jenny! ako nga pala si Candice. Ako
yung nag iisang babae na nagtyatyaga sa
abnormal na ugali ng kuya mo. Kahit minsan
nagiging dragon siya kapag galit, kahit minsan
abnormal siya, bipolar, parang ewan lang.. mahal
na mahal ko naman siya."
Tinignan ko si Jeydon, ang laki ng ngiti niya sakin.
Panis ka speech ko nuh? Pinatong niya yung ulo
niya sa balikat ko tapos hinawakan niya yung
kamay ko.
"Close na close kami ni Jenny even tough I always
tease her. One day tinago ko yung inhaler niya just
to tease her but then inatake na pala siya ng hika

niya.. causing her death. I'm so stupid."
naramdaman ko na lang na may luha na sa balikat
ko, umiiyak si Jeydon.
"Hindi mo naman ginusto yun eh di ba?" hinigpitan
ko yung hawak sa kamay niya.
"Kahit na, ako pa din yung may dahilan kaya siya
namatay. I'm so bad, right? Simula din nun palagi
na lang nag aaway si dad and mom. Mom even
cheated on dad, i don't know why but I have a
feeling that it's because of Jenny's death. It's all
because of me." hanggang ngayon pala sinisisi
niya pa din yung sarili niya.
"Hubby.. wag mong sabihin yan.." parang naiiyak
na din ako, ang lungkot lungkot na kasi ng boses
ni Jeydon. "Wala kang kasalanan."
"I love my family so much wifey.. but I don't know
what's happening now. My dad is planning to
divorce my mom. It's all my fault.. I hate myself."
Niyakap niya ko habang umiiyak siya. Para siyang
bata na nag susumbong sa mama niya kasi may
umaway sakanya. Naiiyak na din tuloy ako, ayoko
siyang makita na ganito. Akala mo ang lakas lakas
niya pero ganito pala siya kahina. Ang sakit makita
na nasasaktan siya.
"Tahan na.. everything will be okey."

Tahimik lang kami sa harap ng puntod ni Jenny.
Kahit hindi kami nag uusap okey lang. Hindi ko
alam kung anong pwedeng gawin para maging
okey si Jeydon kaya tahimik na lang din ako.
Yakap yakap ko lang siya hanggang mag decide na
siyang ihatid ako pauwi, mag gagabi na din kasi.
Nung nasa tapat na kami ng bahay, tinignan ko
siya.
"Hubby, okey ka na ba?"
"Yeah I'm fine. Thank you for being there." lumapit
siya sakin then he kissed me on my forehead. "Go
ahead, I'll see you tomorrow. I love you."
"Drive safely. I love you too." lumabas na ko ng
kotse niya, hinintay ko siyang maka alis bago ako
pumasok sa loob ng bahay.
May nagawa nga ba ko para kay Jeydon? parang
wala naman. Malugkot pa din siya eh. Kung may
magagawa lang talaga ako para hindi masira yung
pamilya nila. Apat na taon din kaming naging
broken family kaya alam ko kung gaano kahirap
yun. Sana talaga hindi matuloy yung divorce ng
parents niya.
Papasok na sana ako ng bahay ng may narinig
akong boses..

"Please don't do this Dave." napahinto ako sa tapat
ng pintuan nung narinig ko yung boses ni.. mama.
Sino si Dave?
"Candy, I've already made my decision."
Pamilyar yung boses na yun. Hindi ko sila makita
kaya pumunta ako sa likod ng bahay para
makapasok ako sa may kusina. Tahimik lang
akong naglakad papunta sa sala para makita ko
kung sino ba yung kausap ni mama. Mali 'tong
gagawin ko pero curious talaga ko kung sino yun
kasi pamilyar yung boses eh. Isa pa lalaki yung
kausap ni mama. Wag mong sabihin na boyfriend
niya? Aish! what am I thinking?
"Kahit kelan hindi na ko babalik sayo. Kaya please
lang wag mong sirain yung pamilya mo."
Anong ibig sabihin nun? sumilip agad ako para
makita ko kung sino ba talaga yung kausap ni
mama. Muntik na kong mapasigaw nung nakita ko
kung sino ba talaga yun. Buti na lang talaga
napigilan ko yung sarili ko.
"Candy, alam mo naman simula noon
hanggang ngayon ikaw lang yung minahal ko.
Pinilit kong mahalin si Janice pero ikaw pa
din talaga."

Yung papa ni Jeydon.. tama ba talaga 'tong
nakikita ko? at ano daw? mahal niya si mama?
"Naririnig mo ba yang sarili mo? hindi mo minahal
si Janice pero nagkaroon kayo ng apat na anak?
paano sila Jeydon?"
"Natali lang ako sa engagement na yun. Ngayong
kayang kaya ko ng gawin kung ano yung gusto ko,
wala ng makakapigil sakin."
"Do what you want but I will never get back to
you. Kahit ano pa yung nangyari mahal ko pa din
si Danny, kahit na wala na siya siya pa din yung
mahal ko. Isa pa mahal na mahal ko yung
dalawang anak namin."
Mahal pa ni mama si papa?
"Yun nga ba yun o iniisip mo si Jeydon at
Candice?"
"Wag mong idamay yung dalawang bata dito. Hindi
kita mahal yun lang yun tapos. Pwede bang umalis
ka na? at wag mo na kong gugulihin pa."
"Candy please.."
"Aalis ka o tatawag ako ng security?"
Hindi na nagsalita yung papa ni Jeydon, umalis na
siya. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

Ang hirap iproseso sa utak ko lahat ng narinig ko.
Gulong gulo pa din ako. Anong relasyon ba meron
si mama at yung papa ni Jeydon? Napaupo na lang
ako dito sa kinakatayuan ko. Pakiramdam ko
sumasakit yung ulo ko.
"Candice?" tumingala ako, tinignan ko si mama.
"Mama anong ibig sabihin nun?"
"Ka-kanina ka pa?" gulat na gulat yung reaksyon
ng mukha niya.
"Mama can you please explain that? I want to
know.." bigla na lang akong naiyak, hindi ko nga
alam kung bakit.
"Okey.." umupo si mama sa harap ko para maging
magkapantay kami tska niya ako niyakap. "Narinig
mo ba yung pinag usapan namin ng papa ni
Jeydon?" tumango ako sakanya.
"Ex boyfriend mo ba yung papa ni Jeydon mama?"
hinarap niya ko sakanya, tumabi siya sakin.
"Oo anak, magkakakilala na kaming apat noon pa.
Ako, ang papa mo, si Janice at si Dave. Best friend
ko si Janice, at best friend naman ng papa mo si
Dave. Naging kami ni Dave, we were happy inlove
back then.. pero isang araw sinabi na lang ng
magulang ni Dave na ipapakasal nila si Dave at
Janice."

Medyo luminaw na sakin yung mga pangyayari.
Hindi ko akalain na mag best friends pala dati yung
mga magulang namin ni Jeydon. Ang nakaka gulat
pa dun, may relasyon dati yung mama ko at yung
papa ni Jeydon? hindi ako makapaniwala.
"Hindi pumayag si Dave sa engagement kaya
humingi siya ng tulong kay Janice at Danny. Mag
tatanan sana kaming dalawa pero.. si Janice, hindi
siya tumupad sa usapan namin."
"Bakit? tska di ba mag best friend kayo?"
"Mahal niya pala si Dave.. matagal niya yun tinago
samin. Wala kaming nagawa kaya sa huli nag
pakasal silang dalawa. Naiwan akong mag isa,
iniwasan ko si Dave dahil alam kong mali na
lumapit pa ko sakanya. Naging miserable yung
buhay ko.."
"Paano kayo ni papa?"
"Tinulungan ako ng papa mo na kalimutan si Dave,
hindi nagtagal nahulog na din ako sa kanya.
Naging kami, hindi din nagtagal nag pakasal
kaming dalawa tska dumating sa buhay namin si
Charles at syempre ikaw anak." niyakap ulit ako ni
mama. Umiiyak siya at hindi ko alam kung bakit.
"Mama.. may kinalaman ba si Dave Lopez
kaya kayo naghiwalay ni Papa?"

Sa sinabi ni mama kanina, out of the blue naisip ko
yun, bigla akong hinarap ni mama. Nanlaki yung
mata niya sa sinabi ko. Hindi siya makatingin
sakin. Bigla akong kinabahan, meron nagsasabi sa
sarili ko na sana wala. Sana walang kinalaman
yung papa ni Jeydon sa paghihiwalay ng papa at
mama ko.
"Candice.. patawarin mo ko."
Umiiyak na naman si mama. Natatakot ako sa
sasabihin niya, parang ayoko na marinig yung
sagot niya.
"Isang gabi tinawagan ako ni Dave para mag usap
kami. Simula ng ikasal sila ni Janice hindi na kami
nakapag usap pa kaya naisip ko n mabuti na din
na kausapin ko siya."
"A-anong nangyari?" natatakot na kinakabahan
ako sa susunod na sasabihin ni mama.
"Nakita kami ng papa mo, akala niya nagtaksil ako
sakanya. Akala niya sa buong pagsasama namin si
Dave pa din yung minahal ko pero hindi.. kasi siya
yung mahal ko, mahal na mahal ko yung papa mo
Candice."
"Mahal mo naman pala si papa eh, bakit nag
hiwalay pa din kayo?" may sakit akong
nararamdaman ngayon..

"Hindi siya naniwala sakin, pinigilan ko siya pero
hindi siya nakinig sakin. Kinausap niya si Dave
pero binalikyad niya lahat.. Kaya umalis siya sa
bahay, kaya kayo pumunta noon sa Korea ng papa
mo para umalis dito. Dun niya nakilala yung isa ko
pang best friend na si Ann yung asawa niya.."
"Lahat pala 'to kasalanan ng papa ni
Jeydon?"
"Anak.."

Tumayo ako..
Naglakad ako palabas ng bahay..
Naglakas ako palayo, hindi ko alam kung san ako
pupunta..

Nakakatawa naman isipin na yung magiging
dahilan ng pag hihiwalay ng magulang ng taong
pinaka mamahal ko eh yung mama ko pala..
Kaso ang masakit, yung dahilan naman ng
pagkasira ng pamilya ko ay yung papa niya..

Wow, grabe. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?

76: Family Issues

Candice POV

Hindi ko alam kung ilang oras na kong naka upo
dito sa park.
Iniisip ko kung bakit? kung bakit ginawa ng daddy
ni Jeydon yun? bakit kelangan pang maging daddy
ni Jeydon?
Buong akala ko nagtaksil si papa kay mama pero
mali pala ako. Hindi si papa, kundi yung daddy ni
Jeydon. Si Jeydon na boyfriend ko at yung taong
mahal ko.
Gusto kong magalit sa daddy niya. Gusto kong
pumunta sa bahay nila, kausapin si Dave Lopez at
sigawan siya. Lahat naman ng 'to kasalanan niya
eh. Kung hindi dahil sakanya, hindi masisira yung
pamilya ko. Yung pamilya na pinakamamahal ko.

Oo galit ako kay Dave Lopez pero kapag
tinatanong ko yung sarili ko kung bakit niya yun
ginawa isa lang naman yung nakikita kong dahilan.
Dahil sa pagmamahal niya kay mama. Hindi tama
yung ginawa niya, maling mali na sinira niya yung
pamilya ko. Kaso naisip ko paano kung ako yung
nasa katayuan niya? magagawa ko ba yun? Wala
na kong nagawa kung hindi intindihin na lang siya.
Kung may isang bagay man na naituro sakin si
papa nung nawala siya, yun ay ang magpatawad.
Oo masakit pero may magagawa pa ba ko kung
magagalit pa din ako? May mangyayari ba?
masasaktan lang ako pati si Jeydon.
Palaging sinasabi ni Jeydon sakin kung gaano niya
tinitingala yung daddy niya. Kung paano niya
iniidolo yung daddy niya. Kapag nalaman niya
yung dahilan kung bakit makikipag hiwalay yung
daddy niya sa mommy niya, masasaktan siya.
Ganun din yung naramdaman ko dati nung
nalaman kong makikipaghiwalay si papa para sa
isang babae. Iniidolo ko din yung papa ko, kaya
nung nalaman ko yun parang gumuho yung mundo
ko. Mukha lang naman malakas si Jeydon pero pag
dating sa pamilya madali siyang masaktan.
Tumayo ako, dinala ako ng paa ko sa isang lugar
na alam kong dapat kong puntahan. Nandito ako
sa tapat ng bahay nila Jeydon. Kaylangan kong

pigilan yung daddy niya na makipaghiwalay kay
tita Janice. Mahal ko si Jeydon at hindi ko
hahayaan na masira yung pamilya niya katulad ng
pagkasira ng pamilya ko, lalo na si mama yung
dahilan.

"Miss Candice? May problema po ba? nandito ba
kayo para kay young master?" nginitian agad ako
ni Sunny, ngumiti din ako sakanya.
"Ah.." paano ba 'to? paano ko ba kakausapin si
Dave Lopez? "Hindi, hindi siya yung pinunta ko
dito." nilagay niya yung garbage bag dun sa trash
can tska siya lumapit sakin.
"Sino po ba yung pinunta niyo dito? gusto niyo
tawagin ko si young master? Teka lang po ah."
papasok na sana siya sa loob pero hinila ko siya
pabalik. Ayokong malaman ni Jeydon yung
gagawin ko.
"Andyan ba si.. Dave Lopez?" nanlaki yung mata
niya sa sinabi ko. "Gusto ko sana siyang
makausap."
"Ay si master Dave po, nandun po sa office niya."
"Pwede mo ba kong samahan dun? gusto ko kasi
siyang makausap." nalilito ata siya kung bakit si
Dave Lopez yung gusto kong makausap at hindi si

Jeydon. Napakamot na lang siya tapos nginitian
ulit ako.
"Sige po miss Candice pero bago kayo makapasok
sa loob ng office niya kakausapin niyo muna si
Brian, yung assistant niya. Sakanya na lang po kita
dadalhin."
Tumango lang ako tska ko siya sinundan. Wala
naman sinabi samin yung guard sa gate nila, kilala
na din naman niya ko. Kinakabahan ako habang
papasok kami sa loob. Madami na din beses na
naka punta ako dito pero sa oras na 'to nandito
ako para kay Dave Lopez at hindi para kay Jeydon.
Tama bang kausapin ko siya? Ay mali, ang tanong
dun kaya ko ba siyang kausapin? Nakakatakot
kaya siya, isa pa hindi ko alam magiging reaksyon
ko sakanya, ngayong nalaman ko na yung totoo.
Kahit kabado ako sinundan ko na lang si Sunny sa
loob.

"Miss Candice andyan po yung kwarto ni Brian,
kaylangan niyo po muna siyang kausapin kasi
kapag dinala ko kayo agad sa office ni master, ako
po yung malalagot. Sorry po." nag bow siya sa
harap ko para humingi ng sorry.
"Sunny okey lang, naiintindihan ko. Salamat."

"Sige po, madami pa po kaming gagawin." bago pa
siya makaalis hinawakan mo yung braso niya.
"Sunny pwede bang wag mong sasabihin kay
Jeydon na nandito ako?"
"Ah sige po." napakamot na naman siya ng ulo
pero umalis na din siya.
Hinarap ko yung pintuan kung nasan si Brian. Siya
yung kapatid ni Baron. Siya din yung sumundo
sakin dati sa school para makausap ako ni Dave
Lopez. Parang pati sakanya kinakabahan ako,
mukha din kasi siyang masungit eh. Mana siya sa
amo niya eh >.<
Huminga muna ako ng malalim bago ako
kumatok.Nakaka isang katok pa lang ako sumagot
na agad siya.

"Sino yan?" ang laki pa din ng boses niya,
nakakatakot. Huhu parag gusto ko na tuloy mag
back out.
"Uhm.. si Candice Gonzales po." wala pang ilang
segundo binuksan na niya agad yung pintuan.
Nakatayo lang siya sa harap ko tapos ang sama ng
tingin. Masungit nga talaga siya, sana wag niya
kong sungitan.

"Anong kaylangan mo?" may galit ba siya sakin? o
ganyan lang talaga siya tumingin? dati kasi hindi
kami nagkatinginan nang ganito katagal. Ngayon
nakatingin talaga siya sakin, masamang tingin pa.
"Gu-gusto ko po sa-sanang makausap si Mr. Dadave Lopez." napalunok na lang ako sa takot ko
sakanya. Sana si Baron na lang kaharap ko, mas
mabait yun eh.
"May appointment ka ba kay Master Dave?"
Appointment? Kaylangan pa ba nun? kainis naman
oh wala pa naman akong appointment. Eh malay
ko ba naman na kaylangan pa nun. Presidente ba
siya ng pilipinas? Nag iisip pa lang ako ng isasagot
nagsalita na naman siya. "Meron o wala?" nag
mamadali ba siya? atat lang? tsk ano kayang
gagawin ko? kaylangan ko siyang makausap.
"Wala pero--"
"Makaka alis ka na." hala bastos niya ha? hindi pa
kaya ko tapos magsalita eh. Ang tanda tanda na
niya ganyan pa ugali niya. Hindi ako pwedeng
umalis ng hindi ko nakakausap yung papa ni
Jeydon. "Alis na." psh! parang siyang matandang
dalaga. "Alis!" grabe naman siya kung ipah
tabuyan ako.
"Kaylangan ko siyang makausap!" napasigaw na
tuloy ako sa inis ko. Nakaka inis kasi siya eh, hindi

naman niya ko kaylangan ipag tabuyan ng ganito
nuh. "Please naman.." sabay puppy eyes. Sana
madaan siya sa pag mamakaawa ko.
"Gusto mo bang tumawag pa ko ng guard para
paalisin ka?" sheteng kalabawa, hindi tumalab.
Ang bad naman niya huhu kakausapin ko lang
naman si Dave Lopez eh, wala naman akong
gagawing masama sakanya. Para namang
papatayin ko siya nuh!
"Sige na kasi! kaylangan ko nga kasi siyang
makausap!" sinamaan niya ko ng tingin tapos
hinawakan niya yung likod ng damit ko. Inangat
niya ko na akala mo puppet ako. Ang lakas niya
kaya pati tuloy paa ko napaangat na. "Ibaba mo
ko! ano ba?!" hindi niya ata ako pinakinggan.
"Matuto kang lumugar."
"Teka ano ba! bitawan mo.. sabi ako.." parang
nasasakal na ko. Child abuse 'to! isusumbong kita
sa police! huhu ibaba mo ko!
"Ilalabas muna kita."
"Brian, anong nangyayari dito?!" napatingin
kaming dalawa sa nagsalita. Binitawan niya ko
agad.
"Lady, nag pupumilit kasi 'to na makita si Master
Dave kaso wala naman siyang appointment."

lumapit samin si Ate Jaycee tapos nilayo niya ko
kay Brian.
"Brian hindi mo ba alam na girlfriend siya ni
Jeydon? how could you treat her like this?!"
sinamaan siya ng tingin ni Ate Jaycee, napayuko
na lang siya. Behlat! yan kasi ang bad bad mo! "I
don't care kung wala siyang appointment kay Dad,
ako na magdadala sakanya sa office ni Dad. You
may leave." hindi na nagsalita si Brian, wuhoo! yan
buti nga sayo! behlat! haha. Para siyang maamong
aso ngayon, kanina para siyang galit na bulldog.
Wahaha!
"Candice," hinarap ko si Ate Jaycee, wow ang
ganda pa din talaga niya. "Bakit gusto mong
makausap si Dad? may problema ba?"
"Uhm.." ano bang sasabihin ko? hirap naman mag
palusot oh.
"May sinabi ba siya sayo about sa inyo ni Jeydon?
pinaghihiwalay niya ba kayo? Tell me, ako mismo
yung kakausap sakanya."
"Ah hindi po, hindi po dahil dun! kasi.."
"Okey, I think it's between you and dad. I'll lead
you to his office." hay salamat naman, wala akong
maisip na palusot eh, bakit ko ba naman nga kasi
kakausapin yung daddy nila?

Tumango na lang ako tska ko sinundan si ate
Jaycee dun sa dulong kwarto. Ang laki din ng
pintuan. Hindi ko alam kung dahil sa alam kong
kwarto yan ni Dave Lopez yun o talagang may
kakaibang aura yung kwarto niya. Nakakatakot,
parang may monster sa loob ng kwarto na yun.
"It's me Jaycee."
Hindi na kumatok si ate Jaycee, binuksan na lang
niya yung pintuan. Habang unti unting bumubukas
yung pintuan, mas lalo naman bumibilis yung tibok
ng puso ko. Hindi 'to yung unang beses na
makikita ko siym Dave Lopez eto yung unang
beses na haharapin ko siya pagkatapos kong
malaman na siya yung sumira sa pamilya ko.
"Dad, Candice is here." hinila ako ni Ate Jaycee sa
loob ng kwarto. "I'll leave you know Candice."
Nakatayo si Dave Lopez sa tapat ng malaking
bintana ng kwarto niya. Nakatalikod siya samin.
Nginitian lang ako ni ate Jaycee tapos iniwan na
niya ko dito. Waaa ate Jaycee wag mo kong iwan!
baka hindi na ko makalabas ng buhay dito.
73: Christmas gift

Jeydon Pov

[Now Playing: Dare you to move by switchfoot play niyo para mas dama niyo :P]

It's been a month..
Isang bwan ko na siyang hindi nakakausap, na
aasar, na yayakap at nahahalikan. Isang bwan ko
nang hindi nakikita yung mga ngiti niya, yung mga
tawa niya pati yung mga mata niya.
Candice, isang bwan na pala nuh?
Isang bwan pa lang pero parang ang tagal tagal
na. Isang bwan na pero bakit ang sakit sakit pa
din? Isang bwan na akong nangugulila sayo. Isang
bwan na kitang hinahanap hanap.
Napatingala ako sa langit..
"Wifey.. miss na miss na kita."
Unti unti na namang tumulo yung mga luha ko.
Akala ko mamaubos na yung mga luha sa mata ko
sa araw araw na pag iyak ko. Nagkamali ako, hindi
pala. Kada maiisip ko yung masasayang araw na
kasama ko siya, kusa na lang pumapatak yung
mga luha ko. Hindi ko mapigilan na maiyak. Hindi
ko mapigilan na maging malungkot. Hindi ko
mapigilan na maging mahina.

Hindi ako 'to eh, hindi ganito si Jeydon Lopez. Si
Jeydon lopez na tinitingala at kinakainggitan. Ano
pa nga ba yung mahihiling ng isang katulad ko?
Ano pa bang wala sa isang Jeydon Lopez? Gwapo,
mayaman, sikat makapangyarihan, pinag
kakaguluhan at kinakatakutan. Yan yung nag bigay
sa kanila ng dahilan para isipin na napaka perpekto
na nang buhay ko. Ang hindi nila alam, isa lang
yung malaking pag kakamali, dahil hindi. Hindi
perpekto yung buhay ko lalo na ako. Napaka sama
kong tao. Wala akong inatupag kundi yung mga
bisyo ko. Alak, yosi, sugal, bugbugan, pag cucutting classes pati babae. Para sakin walang
kwenta yung buhay ko. Hindi ko nga alam bakit pa
ako nabubuhay sa mundong 'to. Wala naman
akong silbing tao. Isa lang akong salot sa buhay ng
iba. Yan ang totoong Jeydon, yan yung nakatanim
sa utak ko. Kumbaga yung daan na tinatahak ko,
papuntang impyerno at hindi sa langit.
Akala ko nung una hanggang dito na lang ako.
Akala ko habang buhay nang magiging patapon
yung buhay ko. Kaso lahat yun nag bago nung
dumating si Candice, yung babaeng
pinakamamahal ko. Yung babaeng inalis ako sa
maling daan na nilalakaran ko.
Pinaramdam niya sakin yung kakaibang
pagmamahal. Pinaramdam niya sakin na may
halaga din pala ko. Pinaramdam niya sakin na

masaya din pala maging mabait. Kahit hindi niya
alam, unti unting umayos yung buhay ko dahil
sakanya. Kusa akong nag bago dahil sakanya. Ang
lakas nga talaga ng epekto niya sakin, nang pag
dating niya sa buhay ko.

Kanina pa ako naglalakad, hindi ko na namalayan
kung saan saan na pala ako nakarating. Humangin
ng malakas, hindi ko mapigilan na lamigin.
Napatingin ako sa paligid ko, pasko na nga pala.
Nabalot ako ng kalungkutan. Pasko na mamaya
pero hindi ako masaya. Hindi ko kayang maging
masaya. Sobrang sakit nang nararamdaman ko
ngayon para mag saya. May lugar pa ba para
maging masaya ako? Kaya ko pa bang maging
masaya?
Kung tutuusin siya lang naman yung nakakapag
pasaya sakin. Siya lang yung may kakayahan na
pasayahin ako kahit sa maliit na bagay lang.
Makita ko pa nga lang siya napapa ngiti na ako.
Kaso bakit kapag naiisip ko siya ngayon, imbis na
maging masaya ako, nalukungkot lang ako?
"Just like the song, I can't smile without
you.."
Huminto ako sa gitna ng malaking parke. Ang
daming bata sa kalsada, mga batang namamasko.

Mga pamilya na masayang namamasyal. Mga
Christmas Tree at Christmas light na may iba't
ibang kulay. Mga Christmas song na magandang
pakinggan. May mga mag kasintahan pa na
sobrang sweet sa isa't isa. Lahat ng nasa paligid ko
masaya, lahat naka ngiti at nag tatawanan. Lahat
sila masaya. Nakaramdam ako ng galit kaya sinipa
ko yung bote sa harapan ko. Damn it, why I can't
be happy? Ganun ba ko kasama kaya kahit ngyong
pasko lang hindi pa ko maging masaya?
Sa kalagitnaan ng malamig na panahon, uminit
bigla yung pisngi ko dahil sa mga luha na unti unti
na namang pumapatak galing sa mata ko. Umiiyak
na naman pala ako, naalala ko na naman yung
panahon na mag kasama kami. Sana nandito siya
sa tabi ko, sana maghawak kami ng kamay habang
naglalakad dito. Sana nayayakap ko siya ngayon.
Candice sana kasama kita dito, ito na yung
magiging pinaka masayang pasko ko kung
nagkataon. Eto sana yung unang pasko natin na
mag kasama. Balak ko nga sana dalhin ka sa Jeju
island, di ba gusto mo dun?
Napaupo ako sa kinakatayuan ko habang naka
tingala sa langit.
"Candice.. Merry Christmas."
Ang kulit talaga ng mata ko, sabi ng wag iiyak eh!
palagi na lang umiiyak. Buiset talaga, hindi naman

ako iyakin kaso pag dating kay Candice hindi ko
mapigilan. Pag dating sakanya yung matigas na
puso ko lumalambot.
Tumayo ako, nilagay ko sa bulsa ko yung kamay
ko tska ako naglakad muli. Para akong malamig na
bangkay na naglalakad dahil sa walang emosyon
kong mukha. Malayo na yung nalakad ko pero
parang hindi ako makaramdam ng kapaguran.
Manhid na ba yung mga paa ko? Hindi ko nga
namalayan na nandito na pala ko sa harap ng
puntod niya. Unti unti akong lumapit, umupo ako
tska ko hinimas yung napaka lamig niyang lapida.
You will always be miss.
'Doraemon..'
Eto na naman yung boses niya.. Naalala ko na
naman tuloy siya. Hindi ko na naman napigilan
umiyak. Pinilit kong ngumiti, alam kong ayaw
niyang nakikita akong malungkot. Ayaw na ayaw
pa naman niyang umiiyak ako. Siguro kung may
nakakakita man sakin ngayon, iisipin nila na
nababaliw na ko. Naka ngiti ako ngayon habang
patuloy pa din yung pag patak ng mga luha ko.
"Kamusta na?"
Para akong tanga na nag hihintay ng sagot galing
sakanya. Tanga nga talaga ako, paano siya
makakasagot sakin kung patay na siya? Wala na

siya kaya hindi na siya makakapag salita, hindi na
niya ako makakausap pa. Baliw ka nga talaga
Jeydon.
"Miss na miss na kita."
Pinunasan ko yung luha sa mata ko. Eto na naman
ako eh, palagi na lang akong naiiyak. Stupid
Jeydon.
"Miss mo na din ba ko? Masaya ka ba dyan?
Masaya ba dyan sa langit?"
Sana nga masaya ka dyan, panigurado naman
akong madami ka ng kaibigan dyan eh, ikaw pa.
"Sorry ngayon lang ulit nakadalaw si Oppa, Jenny."
Sigurado ako kung nasa harap ko siya ngayon para
siyang baby na mag dadabog sa harap ko. Parang
noon lang, kapag hindi niya nakukuha yung gusto
niya. Spoiled siya sakin kahit na palagi ko siyang
inaasar. Matagal na akong hindi nakakabalik dito
sa puntod niya kaya malamang nagtatampo na
siya sakin.
"Merry Christmas my little sister."
Tinigil ko na yung pag iyak ko. Ayoko na makita
niya ako na umiiyak. Palagi niya sakin sinasabi na
matang ako. Matapang yung oppa niya.

"Sorry if you're seeing me like this. I know you
want me to be strong Jenny, but right now I just
can't."
Hindi ko kayang maging malakas ngayon. Kahit
naman si superman na napakalakas may kahinaan
di ba? Ako pa kaya.
"Jenny, maki usap ka naman kay God oh.
Sabihin mo naman sakanya na wag muna
niyang kunin si Candice."
Niyakap ko yung mga tuhod ko at dun ko pinatong
yung ulo ko.Hinayaan ko na lang yung sarili ko na
umiyak. Sabi nila minsan kaylangan mo daw iiyak
yung kalungkutan na nararamdaman mo para
mawala.
Kahit mga gagong katulad ko nasasaktan din.
"Alam ko masama ako pero hindi naman
masama si Candice eh. Please naman oh, wag
muna. Wag niyo muna siyang kunin dyan sa
langit kasi kelangan ko pa siya.."
Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ganito ka sakit?
"Wag muna please.. wag muna."
May bigla na lang humawak sa balikat ko. Inangat
ko yung ulo ko at nakita ko si mommy.

"Mom bakit ka nandito?"
"Na miss ko din si Jenny. Hindi ko akalain na
nandito ka din pala anak." ngumiti siya sakin pero
alam kong malungkot siya. "Wala ka pa din bang
balak puntahan si Candice sa ospital?"
Napabuntong hininga na lang ako.
"I don't know mom, I don't know." niyakap ako ni
mom. Niyakap ko na lang din siya, hindi ko na kasi
kaya eh.
Simula nung sinabi ng doctor na, na comatose si
Candice parang gumuho yung mundo ko. Hindi nga
siya namatay pero parang ganun na din naman
yun di ba? Parang nawala na din siya samin.
Wala akong mukhang maiharap sa pamilya ni
Candice pati na din sakanya. Wala akong kwentang
boyfriend, wala akong kwentang tao. Hindi dapat si
Candice yung nabaril eh, dapat ako yun. Dapat ako
yung nasa kama na yun, nakikipag laban kay
kamatayan. Hindi ko matanggap na hindi ko siya
naipagtanggol. Hindi ko matanggap na nangyari
sakanya yun dahil sakin. Ako lang naman talaga
yung balak pag higantihan nila Ginno eh pero
nadamay pa siya.
"Puntahan mo na siya. Anak, don't blame
yourself." hinarap ako ni mom pero hindi ako
makaharap sakanya. Kasalanan ko naman lahat ng

'to di ba? Dapat lang sisihin ko yung sarili ko.
"Kaylangan ka niya anak. Tingin mo ba kakayanin
niyang lumaban ng wala ka sa tabi niya?"
Natigilan ako sa sinabi ni mom, kaylangan niya ko?
'Hubby wag mo kong iiwan ah..'
Isa nga talaga akong malaking tanga. Bakit hindi
ko agad naisip yun? bakit hindi pumasok sa isip ko
na kaylangan niya ko? bakit ko siya iniwan dun
mag isa? dapat kasama niya akong lumalaban.
Nangako ako sakanya na hindi ko siya iiwan.
Nangako ako sakanya na palagi lang akong nasa
tabi niya.
Tumayo agad ako, kaylangan ako ni Candice.
"Mom, thank you. Okey lang ba kung sa tabi ako ni
Candice mag pasko?" tumayo siya, niyakap niya
ulit ako.
"Oo naman anak, go ahead."
"Merry Christmas umma. I love you."
"Merry Christmas Jeydon, I love you too."
Nagmadali akong pumunta sa ospital. Candice
hintayin mo lang ako, sabay tayong lalaban. Sabay
tayong mag ce-celebrate ng pasko. Tutuparin ko
yung pangako ko na hindi ako aalis sa tabi mo.

Takbo lang ako ng takbo papuntang ospital.
Natigilan ako saglit nung nakita ko yung kwintas
na naka display sa isang shop. Kwintas na may
angel na pendant. Pumasok ako saglit sa shop tska
ko yun binili. Magugustuhan niya kaya yung
Christmas gift ko na 'to? Sana..

--

Natatakot akong pumasok sa loob. Galit ba sila
sakin? hahayaan ba nila akong makita ko si
Candice?
Hindi pa man ako nakakakatok, bumukas na yung
pinto.
"Jeydon?" hindi ako maka tingin ng deretso
sakanya. "Bakit nandito ka?" papaalisin niya ba
ko? sisigawan niya kaya ako?
"Sorry po tita, gusto ko lang sanang makita si
Candice kahit saglit lang. Kung ayaw niyo po aalis
na lang ako." hindi pa din ako maka tingin
sakanya, tumalikod na lang ako at nag decide na
umalis na.

"Jeydon wag kang umalis. Kaylangan ka ni
Candice." this time napa tingin na ako sa mga
mata ni tita Candy. "Jeydon please stay."
Humakbang ako papalapit kay tita, niyakap niya ko
at niyakap ko din siya. Pumasok kami sa loob ng
kwarto ni Candice, nandun si Yaya Linda at
Charles. Dun ko din nakita ulit si Candice.
Umupo agad ako sa tabi ng kama niya. Pinigilan
kong umiyak dahil ayokong makita yun nila
Charles pero hindi ko talaga kaya eh. Parang
nadudurog yung puso ko na makita siyang ganito.
Mukha lang siyang natutulog pero napaka daming
nakakabit sa katawan niya. Sigurado akong
nahihirapan na siya ngayon at ang masakit dun
wala akong magawa.
"Ang tagal ka niyang hinintay, bakit ngayon ka
lang?" tanong sakin ni Charles. "Jeydon hindi ka
namin sinisisi sa mga nangyari kay Candice.
Walang may gusto neto."
"Sorry, naging duwag ako." hinawakan ni tita
Candy yung mga balikat ko. "Sorry tita." ngumiti
siya sakin na para bang sinasabi niyang ayos lang
lahat.
"Jeydon dito ka ba mag papasko?" tumango lang
ako sakanya. "Paano yung pamilya mo?"

"Mas kelangan po ako ni Candice."
"Ganun ba, sigurado akong masaya siya na
kasama ka niya ngayong pasko." tumalikod si tita
Candy sakin, hindi ko man siya nakikita pero alam
kong umiiyak na siya. "Sige lalabas muna ako."
"Sasamahan ko na si Mam." pareho nang lumabas
si tita Candy at yaya Linda.
"Maiwan ko muna kayo dito, alam kong madami
kang gustong sabihin sakanya." tinapik ni Charles
yung balikat ko bago umalis.
Ngayon dalawa na lang kami ni Candice dito.
Hinawakan ko yung kamay niya. Ang ganda ganda
mo pa din Wifey. Parang natutulog ka lang
Candice, kelan ka ba gigising?
"Wifey, I'm sorry kung iniwan kita. Andito na
ko, hindi na ako aalis sa tabi mo. I promised
you that, right?"
Hinawakan ko yung mukha niya. Miss ko na yung
makitang namumula 'tong mga pisngi mo dahil sa
kinikilig ka.
"Let's spend the Christmas together okey? So
hurry up and wake up now."
Please Candice, gumising ka na. Miss na miss ka
na ng hubby mo. Miss na miss na kita.

"I have a gift for you," nilabas ko yung necklace
ba binili ko kanina. Sinuot ko sakanya yun. "Yang
angel na yan, babantayan ka nyan pero
syempre hindi ka niyan kukunin! dahil babalik
ka pa dito. Babalikan mo pa ko di ba?" umiiyak
na naman ako.
"Don't leave me yet please."
Naramdaman ko na biglang gumalaw yung isang
daliri niya. Nataranta ako, hindi ko alam kung
anong gagawin ko. Nung natauhan ako lumabas
agad ako ng kwarto para tawagin yung doktor.
Pumasok naman agad sila para tignan si Candice.
"Anong nangyari?" alalang tanong nila Charles
sakin.
"Gumalaw kasi yung isang daliri niya eh." papasok
sana sa loob ng kwarto si tita Candy pero pigilan
siya nung nurse.
"Kami na po yung bahala, mag hintay na lang po
kayo sa labas."
Umiyak si tita Candy, lumapit naman sakanya si
yaya Linda. Si Charles naman nakaupo lang,
nakatingala habang nakapikit. Umupo lang din ako.
Magigising na kaya si Candice?
Habang nag hihintay kami sa labas, biglang
nagpatugtog ng mga Christmas song yung ospital.

*You better watch out, you better not cry.. You
better not pout I'm telling you why.. Santa Claus is
coming to town*
Naalala ko yung sinabi sakin dati ni mom nung
bata pa ko. Pasko din yun at parehong kanta yung
naririnig ko..
"Jeydon, better behave yourlsef so that Santa
Claus will give you a gift this Christmas."
"I don't need it mommy! I have all the toys I
want."
"It's not all about the toys Jeydon.."
"Really mom? then what is it?"
"Something that your heart really desires."
Hindi ko pinansin dati yung sinabi ni mom. Kung
ano man yun wala akong paki alam dahil lahat
naman ng gusto ko nakukuha ko.
Something that my heart really desires?
Isa lang naman yung gusto ng puso ko eh, bumalik
si Candice. Isang bagay na gustong gusto ko pero
hindi ko makuha.
Santa totoo bang ibibigay mo sakin yung gusto ko
basta naging mabait ako?

Kung para sayo naging mabait ako, please ibalik
mo si Candice. Pagalingin mo naman siya oh.
Nakikiusap na ko sayo.
"Family of the patient?"
Lumapit agad sila tita Candy sa doktor.
"Doc, kamusta yung anak ko?"
Sabihin niyong okey na siya, sabihin niyong gising
na siya. Please naman oh..
"I'm sorry.."
Hindi mali 'tong naririnig ko. Hindi pwedeng
mawala si Candice.
"We're sorry to tell you na mas lalong lumala yung
lagay niya."
"Anong ibig niyong sabihin?"
"Her life depends on the machine now. Once na
tinanggal natin yun, she'll be dead. I want to be
straight forward, isang milagro na lang kung
magigising pa siya."
"Hindi totoo yan! hindi pwedeng mangyari yun sa
anak ko!" humagulgol si tita Candy, niyakap siya
agad ni yaya Linda. "Candice anak ko.."
nangingibabaw sa buong hallway yung pag iyak ni
tita Candy.

"Salamat doc." walang luha sa mata ni Charles
pero alam kong unti unting nadudurog yung puso
niya.
Tumayo ako, tumakbo ako palayo. Tumakbo lang
ako ng tumakbo malayo sa lugar na yun. Hindi ko
na alam kung saan ako pupunta pero wala akong
paki alam.
Siguro nga hindi ako naging mabait kaya hindi
binigay ni Santa Claus yung Christmas gift na
gusto ko ngayong pasko.
Huminto ako sa harap ng isang chapel na malapit
lang sa ospital. Naglakad ako papasok tska ako
lumuhod sa harap ng altar.
"Lord alam ko naman walang kwenta yan si
Santa eh. Hindi niya man lang nabigay yung
Christmas gift ko."
Pinunasan ko yung luha sa mata ko tska ko ulit
tinignan yung altar.
"Lord alam ko hindi ako naging mabait na
anak sa inyo pero si Candice, naging mabait
naman siya eh. Kaya sana pagalingin niyo na
siya, sana gumising na siya. Kaylangan pa
namin siya."
Nakatitig lang ako sa altar habang umiiyak.

"Lord sana bumalik na siya samin. Lord.. sa
buong buhay ko, eto lang yung Christmas gift
na hihilingin ko sa inyo.."

Candice.. bumalik ka na.
74: Forgiveness

Marky Pov

"Masaya ka na ba?"
Nagkatitigan lang kaming dalawa. Gustong gusto
ko na siyang suntukin ngayon pero hindi ko
magawa. Gusto kong ipadanas sakanya lahat ng
ginawa nila kay Candice at Jeydon. Sana siya na
lang yung nasa ospital ngayon at nag aagaw
buhay.
"Akala ko sasaya ako, hindi pala."
Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko matutuwa siya
sa binalita kong comatose ngayon si Candice. Alam
naman naming lahat na si Jeydon lang habol nila
at walang kinalaman dito si Candice. Hindi man

siya o sila nag tagumapay sa balak nila kay
Jeydon, nagawa naman nilang sirain yung buhay ni
Candice na alam nilang ikakasira din ni Jeydon.
Hindi ko pa din maalis yung inis at galit kapag
naiisip kong nadamay pa sa gulong 'to si Candice.
Anong klase sila?! bakit nila kelangan idamay yung
inosenteng tao. Tapos ngayon sasabihin niyang
hindi siya masaya? T*ngina niya pala eh.
"Nag tagumay ka na Ginno. Naka ganti ka na kay
Jeydon sa ginawa mo kay Candice. Buhay ni
Jeydon si Candice kaya sa nangyari ngayon doble
dobleng sakit na yung nararamdaman niya. Isn't
that enough?"
Hindi siya maka tingin sakin. Nalulungkot ba siya?
Anong problema niya? Hindi ba dapat matuwa pa
siya? dahil ba hindi siya nag tagumpay ng tuluyan
kasi nandito sila ngayon sa kulungan? Bagay lang
naman sakanila mapunta dito eh, mga halang na
ata yung kaluluwa nila. Nakakatawa nga na kahit
kelan hindi ko sila pinaghinalaan. Ang galing nila
umarte at magpanggap, lahat kami napaniwala
nila.
"Maniwala ka man o hindi, pinag sisihan ko na
yung ginawa ko. Kaya kahit kelan hindi ako
magiging masaya."
Natawa ako sa sinabi niya. Huli na para mag sisi
siya. Kahit anong pagsisisi pang gawin niya, hindi

na maibabalik pa nun yung nangyari. At kahit
anong gawin niya mabubulok sila dito sa
bilangguan.
"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ka na makaka
alis dito. Wag kang mag pa awa samin kasi wala
kaming balak iatras yung kaso laban sa inyo."
Ngumiti siya sakin, hindi ko siya maintindihan.
"Wag kang mag alala, aamin naman ako eh. Handa
kong pagbayaran lahat ng kasalanan ko. May isa
lang sana akong paki usap.."
"May gana ka pang maki usap?"
Yumuko siya, nanahimik lang kami ng ilang minuto
tska siya nag salita ulit.
"Si Ginny, yung kapatid ko.." tinignan niya ko na
puno ng kalungkutan yung mukha niya. "Alam
kong ikaw yung nag bayad para sa pag papagamot
niya. Ngayong alam mo ng kapatid ko siya, nakiki
usap ako sayo na wag mo sanang itigil yung pag
tulong sakanya." Akala mo napaka bait niya sa pag
hingi niya ng paki usap sakin.
"Hindi ko ititigil yun." Napa ngiti siya ng sabihin ko
yun.
"Salamat Marky."

"Hindi ko gagawin yun dahil sayo, gagawin ko yun
dahil kay Ginny. Alam mo? kung anong kinasama
mo, yun naman yung kinabait ng kapatid mo."
Yumuko ulit siya tska siya umiyak. Lintek naman
talaga oh, nag drama pa si mokong sa harapan ko.
"Hindi ko alam na si Margot pala yung dahilan ng
paglala ng sakit niya. Tama nga si Jaydee, isa
akong malaking tanga. Wala akong kwenta."
Pinagmasdan ko siyang umiyak sa harap ko. Sana
nakikita siya ngayon nila Jeydon, sana nakikita nila
ngayon yung pag dudusa nila Ginno. Kulang pa
nga yan sa ginawa nila eh.
"Buti naman at alam mo yan, pag dudusahan
niyong lahat yan sa kulungan at ipagdasal mo lang
na gumising si Candice dahil kung hindi baka
anong magawa ko sayo." tumayo na ko, wala na
akong dapat pang sabihin sakanya. Masyadong
mahalaga yung oras ko para aksayahin ko pa
sakanya.
Bago pa ko makaalis hinawakan ni Ginno yung
kamay ko.
"Marky, paki sabi naman kay Jeydon at
Candice yung pag hingi ko ng tawad. Sana
balang araw mapatawad nila ako."

Hindi ko siya sinagot o nilingon. Umalis na ko sa
kulungan. Sa totoo lang malaki yung galit ko
sakanya, sakanila pero hindi ko maitatanggi na
sincere si Ginno sa pag hingi ng tawad. Kung
gising lang ngayon si Candice, sigurado naman
akong papatawarin niya sila Ginno. Oo ganun siya
kabait, sino naman ako para hindi siya patawarin?
pero hindi ngayon. Hindi ngayon, at alam kong
matagal pa yun.
Ngayon may isa pa akong kelangang puntahan.
Ngayon lang ako naka punta sa lugar na 'to.
Habang papalapit ako sa kwarto niya narinig ko na
yung tawa niya. Nakakatakot pala dito, dinig yung
mga tawa nila. Nasa tapat na ako ng kwarto niya
na may maliit na bintana pero sapat lang para
makita ko siya.
"What brings you here?"
Humarap siya sakin, ang seryoso ng mukha niya.
Umupo siya sa may mahabang sofa sa office niya.
Sinensyasan niya ko na umupo din kaya umupo na
din ako.
"Gaano mo ba kamahal si mama?"
May sariling isip ata yung bibig ko. Hindi naman
talaga yun yung gusto kong sabihin. Hindi naman
ako nandito para sumbatan siya, para ipamuka

sakanya kung gaano siya kasama kaso hindi ko na
din ata mapigilan.
"How much did you love my son?" napangiti siya
sakin, ang creepy ng ngiti niya.
"Mahal ko si Jeydon, mahal na mahal pero
hindi ko kayang manira ng pamilya ng
iba." san kaya ako kumukuha ng lakas ng loob
para sabihin sakanya 'to ng harap harapan? siguro
sa galit ko, kahit pilitin ko pa lang hindi magalit
sakanya hindi ko pa din kaya. Masyado lang kasing
masakit yung ginawa niya.
"You're talking as if you knew everything Candice."
"Hindi ko man alam lahat nang nangyari sa inyo
dati pero sapat nang malaman ko na bibaliktad
niyo si mama kay papa dahilan para mag hiwalay
sila." napa pormang kamao na lang yung kamay
ko sa pag pipigil ng galit ko.
"Kasalanan ko bang hindi naniwala ang papa mo
kay Candy?" sinisisi niya pa ngayon si papa?!
damang dama ko na yung mga kuko ko sa sobrang
pagpipigil nang galit. Kumalma ka Candice, hindi
ka nandito para magalit sakanya, nandito ka para
makiusap.

"Masaya ka ba?" hindi niya ata maintindihan yung
tanong ko. "Masaya ka ba na nasira yung pamilya
namin?"
"I didn't want to destroy your family because from
the start Candy is mine. Inagaw lang siya nang
magaling mong tatay. I bet you know that right?"
"Hindi inagaw ni papa si mama sayo. Hindi naman
niya siguro kasalanan na hindi mo napaglaban sa
pamilya niyo si mama, tama?" ngumiti ako
sakanya para ipamuka na siya yung mali at hindi si
papa. Successful naman ako kasi inis na inis na
yung mukha niya.
"Hindi na ko nagtataka na anak ka talaga ni
Danny. Nag kakaganyan ka ba dahil ipinagtanggol
ka ni Jeydon?" hindi ko pinansin yung tanong niya.
"Kaya ba pinag hihiwalay niyo kami dahil gusto
mong makipag balikan kay mama?"
"I just don't want you for my son. I don't like you
because in your blood runs the blood of the person
I hate the most, Danny." anong klase bang pag
iisip meron siya? dahil lang sa anak ako ni papa?
kinaiinisan niya si papa kabit best friend sila dahil
lang kay mama. Napaka selfish naman niya.
Naiinis lang ako. Tama na lahat ng 'to. Hindi ko na
kaylangan ungkatin yung nakaraan dahil matagal

ng tapos yun at isa pa masasaktan lang ako kapag
inisip ko pa yun ulit. Hindi din naman 'to tungkol
samin ni Jeydon, tungkol 'to sa pamilya niya.
"Tanggap ko kung ayaw niyo sakin. Hindi ko
naman ipagpipilitan yung sarili ko sa inyo. Hindi
ako andito para dun at para ungkatin pa yung
nakaraan. Oo galit ako sa inyo pero alam kong
matagal na yun at tapos na din naman lahat kaya
pinapatawad ko na kayo."
"Ano ba talagang kaylangan mo sakin?" inisip ko
muna kung paano ko uumpisahan lahat.
"Mahal na mahal ni Jeydon yung pamilya niyo.
Palagi niya yun sinasabi sakin. Nasasaktan siya
ngayon dahil sa desisyon mong makipag hiwalay
kay tita Janice. Nasasaktan siya ng sobra ngayon
dahil masisira yung pamilya niya."
"Are you asking me to stop that divorce?"
"Iniidolo kayo ni Jeydon bilang ama niya kaya
wag niyo sanang sirain yun. Wag niyong
sirain yung pamilya niyo dahil lang sa
pangsarili niyong kagustuhan." wow ang lalim
naman nun. Kapag ganito pala parang napaka
seryoso ko.

"You don't understand it. Buo na ang desisyon ko
and there's no one who can stop me." selfish nga
talaga siya, nakakainis lang.
"Please lang, wag niyong saktan yung pamilya
niyo. Yung mga anak niyo at si tita Janice. Mahal
kayo ng pamilya niyo kaya sana mahalin niyo din
sila."
Tumayo na ko dun, nasabi ko na naman lahat eh.
Aasa na lang ako na sana matauhan siya sa mga
sinabi ko. Nag bow ako sakanya para magpaalam.
Bago ako tuluyang lumabas ng bahay, may sinabi
ulit ako sakanya.
"Sana wag kayong makipag divorce kay tita Janice
para lang sa mama ko. Mas deserving si tita Janice
kesa sa mama ko. Isipin mo lahat ng sakripisyo na
ginawa niya para sa pamilya niyo pati na din po sa
inyo."
Lumabas na ko agad sa kwarto. Ayos kaya yung
final speech ko na yun? Sana matauhan na siya
nuh.

"Si tita Candy?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ko. Napatigin
ako sa nagsalita. Si Jeydon, nakasandal sa may
pader. Kanina pa ba siya nandyan?
"Tell me, si tita Candy yung dahilan?" narinig niya?
narinig niya ba lahat? anong sasabihin ko? "Tell
me!" hindi ako makatingin kay Jeydon, natatakot
ako sa boses niya. "Can you tell me what the fvck
is going on?!" nanlaki yung mata ko kay Jeydon,
bakit niya ko sinisigawan? bakit siya nagagalit
sakin?
"Oo, si mama. Si mama nga yung dahilan kung
bakit mag hihiwalay yung daddy at mommy mo."
Hindi ako maka tingin ng deretso sakanya. Hindi
ko pa hinanda yung sarili ko sa sitawasyon na 'to.
Sa sitwasyon na malalaman ni Jeydon na dahil sa
mama ko kaya masisira ngayon yung pamilya niya.
Nakatingin lang sakin si Jeydon. Wala siyang
emosyon, hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
"Kelan mo pa nalaman?"
"Nung isang araw pero wala akong balak na itago
sayo eh."
"Bakit?"
"Hubby hindi ko gustong itago--"

"Bakit mama mo pa?!"

Sinigawan ba niya talaga ko? sa tingin pa lang niya
sakin parang galit nga siya. Bakit kaylangan
niyang magalit sakin? ginusto ko bang si mama
yung maging dahilan nang pag hihiwalay ng
mommy at daddy niya?! Ginusto ko ba lahat ng
'to?
"Maniwala ka, walang alam si mama dito. Hindi
niya gustong mangyari to. Kaya nga nandito ako
para ayusin 'to."
"Tama na! malinaw naman na dahil sa mama mo
kaya masisira yung pamilya ko. Ang nakakainis
lang bakit mama mo pa?! bakit ha?!" hinawakan
niya yung braso ko, ang higpit ng pagkakahawak
niya. Hindi ko mapigilan na umiyak sa harap niya.
"Wag kang umiyak, hindi naman pamilya mo yung
masisira dito eh, pamilya ko. At paano mo maayos
'to? desidido na si dad."
Bakit ganyan ka Jeydon? Bakit parang ibang tao na
yung nasa harapan ko? bakit nasasaktan ako
ngayon?

"Jeydon hindi mo naiintindihan.." hindi ko pa din
mapigilan yung pag iyak ko.
"Maliwanag naman sakin lahat eh. Mahal kita pero
ang sakit lang na dahil sa mama mo masisira yung
pamilya ko, yung pamilyang mahal na mahal ko."
Hindi ako nagsalita, umiyak lang ako sa harap
niya. Kaylangan kong intindihin si Jeydon, kung
ako din naman yung nasa lugar niya masasaktan
din ako, magagalit din ako. Ang hindi ko lang
maintindihan kung bakit nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil kung ako iniintindi siya, ako
hindi niya kayang inindihin yung sitwasyon ko.
Nasasaktan din naman ako sa lahat nang
nagyayari eh. Napahawak ako sa dibdib ko, iyak pa
din ako ng iyak.
"Wag kang umiyak! hindi ikaw yung masisira yung
pamilya! Ako yun! Masisira yung pamilya ko dahil
sa mama mo! inakit niya ba yung dad ko para
makilag hiwalay kay mom?!"
Sinampal ko siya, hindi ko na kaya. Hindi ko
kayang pati si mama madamay pa dito. Hindi niya
naman alam lahat nang nagyari eh.
"Kahit kelan hindi inakit ni mama yang daddy mo!
hindi ganun si mama. Alam kong galit ka sakanya
pero hindi siya ganun!"

Pinahid ko lahat ng luha sa mata ko. Hinarap ko si
Jeydon, kahit naiiyak pa din ako pinipigil ko.
"Umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Alam mo ba
kung bakit ako nasasaktan ngayon ha? kasi buong
akala ko kaya nasira yung pamilya ko dahil nag
traydor si papa kay mama pero hindi pala! Lahat
pala yun dahil sa daddy mo!"
Nagulat siya sa sinabi mo kaya napabitaw siya sa
pagkakahawak sa mga braso ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit hindi mo itanong sa daddy mo?"
Nagbago na yung expression ng mukha niya. Wala
na namang emosyon at hindi mo mababasa kung
ano yung nasa isip niya.

"Kapag nalaman mo na lahat, siguro naman
hindi ka na magagalit sakin kasi kung ikaw
masisira pa lang yung pamilya mo, ako sirang
sira na matagal na."

Tinignan ko ulit si Jeydon bago ako umalis.
Naiinitindihan ko naman na galit lang siya ngayon.
Ganun din naman yung naramdaman ko sa daddy

niya nung nalaman ko na sinira niya yung pamilya
ko. Kaso ako inintindi ko yung papa niya,
nagpatawad ako. Inintindi ko din naman siya pero
bakit ako parang hindi niya kayang intindihin?
Habang pabalik ako sa bahay, hindi ko mapigilan
na umiyak.
Tinatanong ko dati kung bakit kaylangan maging si
mama pa yung magiging dahilan ng pagkasira ng
pamilya nila. Ngayon iba na yung tanong ko sa
utak ko, bakit hindi ako kayang intindihin ni
Jeydon? mahal niya ba talaga ko? bakit ganun
siya? bakit ang abnormal niya? Pumunta na nga
ako dun para pigilan yun daddy niya na makipag
divorce sa mommy niya eh. Iintindihin ko na lang
siya, tutal hindi pa naman niya talaga alam lahat
eh. Sigurado ako kapag nalaman naman niya yung
totoo, marerealize din niya yung tama at hihingi
siya mg sorry sakin.
Subukan lang talaga niyang humingi ng sorry sakin
mamaya kapag nalaman na niya yung totoo,
babatukan ko talaga siya ng malakas.
Napadaan ako sa park na palagi namin na pinag
tatambayan ni Jeydon. Hindi muna ako umuwi,
tumambay muna ko dito.
Naalala ko si papa dito, palagi kaming nandito para
kumain ng ice cream. Naalala ko din dito si Jeydon,

dito kami unang kumain ng ice cream na mag
kasama. Para akong tanga na ngumingiti habang
umiiyak. Nakakainia kasi balikan yung mga
masasayang memory na hindi na pwrdeng balikan.
Hindi ko na inintindi yung oras, hindi ko tuloy agad
napansin na gabi na pala.
Nung malapit na ko sa bahay namin, nakita ko si
Jeydon na nakasandal sa may pader ng gate
namin. Ano kayang ginagawa niya dito? alam na
niya kaya lahat? Mag sosorry na kaya siya?

"Uhm.." hindi ko din alam sasabihin ko, what if
galit pa din siya? "Bakit ka pumunta dito?"
tumingin siya sakin.
"I'm sorry.." sabi na eh, mag so-sorry din siya.
Lumapit ako sakanya, tinignan ko siya. Blanko pa
din yung mukha niya, walang emosyon. Hindi ko
pa din mabasa kung anong iniisip niya. Nag sosorry siya kasi alam na niya laha di ba? bakit
ganyan siya?
"Sorry ka dyan! ang sakit kaya ng mga sinabi mo
kanina! akala mo papatawarin kita agad? tse
manigas ka dyan."
Nagulat ako kasi niyakap niya na lang ako.

"Sorry.. sorry.."
Kakaiba yung pakiramdam ko ngayon parang may
mali eh.
Hinarap niya ko, tinignan niya ko sa mata. Kakaiba
talaga siya ngayon, kinakabahan ako.

"I need space."

Ano daw space? space na ano? yung sa mga
astronauts? may balak ba siya pumuntang mars?
ano bang pinagsasabi niya?
"Hubby naman eh! anong space ka dyan? san mo
balak pumunta sa moon o sa mars?"
Hindi siya tumawa o kahit ano. Hindi nag bago
yung expression ng mukha niya.
"I'm sorry.. sana maintindihan mo ko. I need
this, Candice."
Tumalikod siya sakin tska siya naglakad palayo
sakin. Nakatulala lang ako sa kinakatayuan ko.
Maya maya may luha na pala na pumapatak sa
mata ko. Seryoso ba talaga siya dun? kelangan
niya ng space? nakikipag break na ba siya? ano ba
yun?

Napahawak ako sa puso ko. Ouch eh, ang sakit
lang. Akala ko nag so-sorry siya sa mga nangyari
kanina pero hindi pala. Bakit kelangan niya ng
space? may nagawa ba ko? wala naman eh. Kung
may dapat ngang magalit dito ako yun di ba? kaso
bakit ganito?

Jeydon bakit sinasaktan mo ko ng ganito?
77: Prom Night

Candice POV

After one week.
"Tama na yan!" ay bastos? ipatong ba naman yung
kamay niya sa libro na binabasa ko. "Matalino ka
na kaya tigilan mo na yan!" sinamaan ko nga siya
ng tingin.
"Kung ayaw mo mag review, mag pa review ka
nga!" tinapik ko yung kamay niya sa libro na
binabasa ko. Ang kulit kulit niya.
"Hindi ka ba excited sa prom mamaya? last na
natin yun!" kinuha na niya yung libro ko. Amp! hari
talaga siya ng kakulitan.

"Troy hindi porket wala si Tiffany pwede mo na
kong kulitin ah. Can't you see I'm busy?" kinuha
ko ulit sakanya yung libro ko. Simula nang nag
bakasyon si Tiffany sa Macau palagi na lang niya
kong kinukulit lalo about sa prom na yun. Buti na
lang uuwi na si Tiff mamaya.
Wala akong time para mag isip about sa Prom na
yan. Kelangan kong mag review dahil final
examination na namin mamaya sa math. Abnormal
nga yata yung mga teachers kasi sinabay nila sa
math examination yung JS Prom. May galit lang sa
mga studyante? Haha. Paano ka makakapag handa
sa prom na yun kung busy ka kaka review? Siguro
tinitignan nila kung anong mas importante sa mga
Seniors, exam o prom? Well for me, mas
importante yung exam kesa sa Prom na yun. Hindi
ako bitter dahil wala akong partner mamaya, mas
masarap lang talaga mag aral. Ayun talaga yung
dahilan hindi ako bitter, Hindi talaga promise.
"Miss lang naman kita eh kaya kita kinukulit."
hinawakan niya yung braso ko parang nilalambing
pa ko. Kahit kelan talaga 'tong best friend ko
malambing pero napaka kulit. "Hindi mo ba ko na
miss Candice?"
"Haha para kang ewan dyan Troy!" paano niya ko
hindi ma mi-miss eh busy sila ni Tiffany sa isa't

isa. Sila na may lovelife! Kinalimutan na nga ata
ako ng dalawa kong best friend eh.
"Yiee miss mo din ako eh? sabihin mong hindi?"
hay nako paano kaya siya natatagalan ni Tiffany sa
kakulitan.
"Hindi noh! Asa ka!" natigilan siya tapos tinignan
niya ko na parang may balak na masama. "Hoy
ano yang tingin na yan ha?" tumawa siya tapos..
"Hindi pala miss ah?"
"Hahahaha!" anak ng! malakas kiliti ko sa bewang!
lintek ka Troy. "Tama na! Uy! Hahaha!"
"Ayoko nga! sabihin mo muna miss mo ko?"
pinipigilan ko yung kamay niya pero ang lakas niya
kaya hindi ko siya mapigilan. Hindi ko na talaga
kaya! Parang kagaya lang siya ni Jeydon kung
kumiliti eh.
Si Jeydon..
Kahit kinikilit ako ni Troy, bigla na lang akong
natigilan.
"Ay.. bakit hindi ka na nakikiliti?" akalain mo yun
natigilan ako sa pagtawa, naalala ko lang bigla si
Jeydon.

"Wala lang.." badtrip naman, kahit saan naaalala
ko yung abnormal na yun. Kaylangan ibaling ko
yung atensyon ko sa iba. Tinignan ko si Troy ng
masama. "Troy?"
"Oh bakit?" lumapit ako sakanya tapos kiniliti ko
siya. Wahaha! lintek lang ang walang ganti. "Uy!
haha! wag malakas kiliti ko!"
"Akala mo ikaw lang ah?"
Nagtatawanan kaming dalawa dito, ang lakas nga
ng boses namin pero wapakels. Pinagritinginan na
siguro kami ng mga studyante. Wala naman
malisya 'to nuh, best friends lang kami. Mahal ko
sila pareho ni Tiffany.
"Hahaha! tama na uy Candice!"
"Anong tama--"

"Troy."
Pagkatingin ko sa dumating lumayo agad ako kay
Troy. Hindi ako makatingin sakanya, ang awkward
pa. Bah yan! bakit ba ganito?
"Oh bakit Jaydee?"

"Ha? ah ano.. peram ng kotse mo."
"Ha? eh may kotse ka naman ah? mas maganda
kotse mo di ba? bakit hihiramin mo pa yung sakin?
tska may exam pa tayo sa math aalis ka? san ka
pupunta?" grabe walang preno yung mga tanong
niya. Yung totoo Troy?
"Aish! nevermind." sabay walk out niya. Problema
ng pusang yun?
"Troy wag mong lapitan si Candice,
nagseselos ako. Mahirap bang sabihin
yun?" napakamot si Troy ng ulo. "Mag papalusot
lang halata pa. Haha!" ano bang sinasabi ng
lalaking 'to? "Ikaw kasi Candice, wag mo pinag
seselos yung boyfriend mo! tsk."

Boyfriend?

"Ano bang ibig sabihin kapag sinabi niyang he
needs SPACE?" pinag diinan ko talaga sakanya
yung salitang space. "Ibig sabihin lang nun cool off
kami, at ibig sabihin lang din nun hindi ko na siya
boyfriend. Cool off nga di ba?"

"Yan ka na naman eh. Cool off lang, break na
agad? hindi ba pwedeng nag iisip isip muna?
Ang nega mo."
"Ano namang pag iisipan niya ha?"
"Baka about sa family niya, or sa sarili niya.
Candice, hayaan mo muna si Jeydon. Normal lang
sa relasyon yan." hay nako eto na naman po si Mr.
Love Guru.
"Ewan ko Troy, sana naiisip din niya na nasasaktan
ako sa ginagawa niya."
Kinuha ko agad yung mga gamit ko. Mabuti pa
makatakas na agad dito kay Troy. Kung ano ano
na naman sasabihin niya. Palagi na lang niya pinag
tatanggol si Jeydon, siya lang ba kaibigan niya?
pambihira. Wala naman akong ginagawang mali eh
pero ako pa din dapat yung umintindi. Wala eh,
mahal ko eh.
Isang linggo na kaming 'COOL OFF'.
Hindi kami nag uusap na dalawa. Hindi ko na nga
siya nakikita simula nung sinabi niyang he needs
space. Space ko mukha niya eh! abnormal niya.
Kahit naiinis ako sakanya, kahit sinasaktan niya ko
ngayon hindi ko magawang magalit sakanya. Eto
na ba yung tinatawag nilang nag papakamartir?
Wow ah, hindi ko na imagine na magiging ganun

ako. Kada magagalit ako sakanya, mas
nangingibabaw pa din sakin yung pag mamahal ko
sakanya. Abnormal na din yata ako, hindi ko mga
alam kung kami pa o hindi na. Hindi ko alam kung
may babalikan pa ba ko o wala na pero eto ako,
nag hihintay pa din sakanya. Iniintindi bawat
pwedeng dahilan ng inaasal niya ngayon.
Ganito pala talaga kapag nag mamahal ka
noh? nagiging tanga ka.
Aish! puro na lang pag-ibig. Mag e-exam na ko sa
math! wah! kaylangan ko nang pumunta sa room.
Pag dating ko dun lahat sila andun na, umupo
agad ako sa upuan ko. Sakto lang yung dating ko
kasi kaka bigay pa lang ng exam papers. Kaso teka
may mali eh.
Wala dito si Jeydon.
Bakit ba naiisip ko pa din siya? Ako ba naiisip niya?
Malamang nag pa special exam na yun para lang
hindi niya ko makita. Gaanong space ba yung
kaylangan niya? tss. Naasar na ko sakanya.
Sa dinami dami ng oras na nag review ako
pakiramdam ko wala akong magandang nasagot sa
exam. Eto kasing si Jeydon eh.
"Okey class, pwede na kayong umuwi para
makapag ready kayo sa prom mamaya."

Lahat sila tuwang tuwa. Yung powerpuff girls puro
chika na sa damit na susuotin nila mamaya. Na
alala ko tuloy si Margot, wala na kasi akong
kausap dito sa section one. Kamusta na kaya siya?
Hay nako naman feel ko alone ako. Makauwi na
nga lang, mabuti pa matulog na lang ko. Hindi na
lang ako pupunta sa prom mamaya.
Nung pauwi na ko hinarang naman ako ni Marky sa
may gate.
"Pupunta ka bang prom mamaya?"
"Hindi eh, matutulog na lang ako." sinamaan niya
ko ng tingin. Iniisip niya siguro bitter ako? hindi
ah. Ayoko lang pumunta dun ng wala akong
partner kasi mukha naman akong kawawa nun.
"Wala akong partner mamaya eh, ikaw na lang
pwede ba?"
ANO DAW? PARTNER NIYA?
"Oh bakit nagulat ka? haha! cool off naman kayo ni
Jaydee kaya I think okey lang na ayain kita."
seryoso talaga siya? "Friendly date?" sabay kindat
sakin.
Friendly date? sabagay wala namang masama dun.
Makakapunta na din ako ng Prom. Okey na din yun
para naman maging memorable yung last JS Prom

ko. Sayang memory din yun, para din ma enjoy
ako yung high school life ko.
"Okey sige, sunduin mo ko mamaya sa bahay."
Bahala na si doraemon, este si batman pala.

[A/N: Na miss ko ang MarDice eh! kaya pinush ko
'to haha!]
--

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Ang sexy
naman ng damit na pinasuot sakin ni mama. Blue
dress na medyo may pagka SPG. Hindi bongga
yung damit ko pati ayos ko. Naniniwala kasi ako sa
kasabihan na simplicity is beauty. Wahaha! de joke
lang. Hindi masi ako nag ready kasi hindi ko
naman talaga balak pumunta sa prom na yan. Eto
kasi si Marky kung mag aaya biglaan eh.
"Candice! Nandito na si Marky!"
"Opo mama andyan na!" kinuha ko yung gamit ko
tapos bumaba na ko.
Nakatayo na silang lahat sa sala.

Si Kuya Charles na poging pogi sa blue amerikano
niya kasama niya si ate Serina na naka black
dress. Bagay na bagay silang dalawa, kainggit
lang. Buti na lang si ate Serina yung event
organizer kaya invited siya sa prom, bawal kasi
outsiders dun.
"Baby! ang ganda mo!" inayos ayos pa ni mama
yung buhok ko.
"Thank you mama." kahit alam kong binobola mo
lang ako.
"Candice you're so gorgeous."
"Ate Serina naman, ikaw kaya yun!" wag kang
ganyan Ate Serina baka maniwala na talaga ko,
hehe.
"Binobola ka lang ni sweety pie naniwala ka
naman! ang panget mo kaya! haha!" kahit kelan
panira talaga si kuya ng moment. Siniko tuloy siya
ni ate Serina. "Ouch naman!" ayan buti nga sayo
kuya.
Napatingin ako kay Marky, wow ang gwapo niya.
Madami sigurong maiingit sakin mamaya kasi siya
ka partner ko. Wahaha! sorry na lang sila, ako
inaya niya. Lumapit siya sakin tapos inabot niya
yung kamay niya. Inabot ko na lang kahit medyo
awkward. Alam mo yun, dapat si Jeydon yung

partner ko ngayon pero imbis na siya si Marky,
best friend niya yung kasama ko. Alam na naman
nila mama na cool off kami ni Jeydon ngayon kaya
walang problema sakanila na si Marky partner ko.
Sabagay, walang malisya naman 'to eh, friendly
date lang naman 'to. Kahit cool off kami hindi ko
naman kayang ipag palit agad si Jeydon.
"Marky, ikaw na bahala sa anak ko ah?" mama
talaga, para akong batang kaylangan pang
bantayan.
"Opo tita, makaka asa kayo."
"Tss asan kasi yung magaling mong boyfriend.."
bulong ba yun o talagang nag papatinig 'to si kuya
Charles? lahat kami ang sama ng tingin sakanya.
"Alam mo mabuti pa pumunta na kayo dun."
tinulak kami ni mama palabas ng bahay. "Enjoy!"
Goodluck kung mag eenjoy nga ko. Sana, sana
makapag enjoy ako kahit hindi si Jeydon kasama
ko. Ano ba 'to?! puro na lang si Jeydon naiisip ko.
Candice, kahit ngayon lang kalimutan mo muna
siya okey?
"You're so beautiful tonight." bulong sakin ni Marky
nung maka dating kami sa school. Ano bah Marky!
wag kang ganyan baka kiligin ako! wahaha. Kainis

'tong gwapong nilalang na 'to! ang lakas pa din
mang bola.
"Ikaw naman you're so handsome tonight!"
nagtawanan kaming dalawa sa mga kabolahan na
pinag gagawa namin sa isa't isa. Medyo kakaiba
lang feeling ko kasi parang may naka tingin sakin.
"Tara?" inabot niya sakin yung kamay niya. Inabot
ko naman yun tska ako ngimiti. Nilagay ko yung
mask sa mukha ko. Masquerade theme daw kasi
yung Prom.
Mag eenjoy nga siguro ako, partner ko pa lang ang
pogi na eh.
Ang ganda ng set up ng JS prom namin. Sa may
malaking field ginanap yung event. May malaking
stage na puno ng balloons na heart tska mga
bulaklak. Ang laki ng dance floor, ang ganda ng
mga table. Ang daming pagkain! sobrang saya ko
dahil sa pagkain, wahaha. Ang ganda din ng mga
ilaw, grabe ang bongga ng Prom namin na 'to.
Hindi ako nag sisi na pumunta ako ngayon dito.
Yung ibang students ang ganda ng mga suot na
gown, halatang pinaghandaan talaga. Eh di sila na
yung prepared! ako na yung hindi. Parang kapag
tinabi ako sakanila mag mumukha akong
napadaan lang dito. Buti na lang natatakpan yung

mata ko ng maskara kaya hindi nila ako agad
makikilala.
Nilibot ko yung mata ko sa paligid para mahanap
ko sila Troy. Ang lakas ng boses ni Stacey, kaya
nahalata ko agad siya kahit naka maskara siya.
Ang ganda niya tska ang sexy niya. Okey na din
kami at ibig sabihin ng okey namin, hindi na kami
enemy pero hindi din kami friends. For sure yung
kasama niya si Abby na naka white dress, ang
ganda din niya para siyang diwata. Hindi ko na
makilala yung iba kasi naka maskara sila. Asan na
kaya sila Troy?
"What is the meaning of this?!"
Speaking of, ang lakas ng boses niya, napalingon
agad kami ni Marky sakanya.
"Baki kayong dalawa yung magkasama ha?" sa
boses pa lang niya kilalang kilala ko na siya.
"Uhm.. kasi.." paano ko ba sasabihin 'to kay Troy?
Tinignan ko si Marky, naka tingin din pala siya
sakin at naka ngiti pa si mokong. "Teka paano mo
nalaman na kami 'to?"
"Kahit mag maskara pa kayo kilala ko kayo. Wag
niyo nga ibahin yung usapan, bakit kayong dalawa
yung magkasama?"

"Date ko si Candice ngayon, bakit may problema
ba?" wah! date agad? hindi ba pwedeng mag
partner lang? mas walang malisya yun eh.
"Paano si.." tinignan ako ni Troy, nahalata niya ata
na naiilang ako kaya hindi na niya tinuloy yung
sasabihin niya. "Enjoy kayo!" napakamot na lang
siya ng ulo.
"CANDICE!"
Bumungad naman samin ang isang napaka
gandang babae na halata naman na si Tiffany.
Wah! ang ganda talaga ni Tiffany ang laki ng ANO
niya, nakaka inggit hehe. Lumapit agad sakanya si
Troy, napag hahalataang protective boyfriend siya.
Ganun din kaya kalakas yung radar ni Tiffany kaya
nakilala niya agad kami? O halata lang talaga ko?
"Hello Tiffany! kamusta bakasyon?"
"Okey naman! may pasalubong ako sayo. Ay
teka.." tumingin siya kay Marky tapos sakin tapos
kay Marky ulit. "Kayo ba yung mag ka date
ngayon?"
"Mag partner kami ngayon." mas preferred ko
yung partner kesa sa term na date.
"Ah okey yun para makapag enjoy ka ngayon!
Kayo ni Marky yung iboboto ko na Prom Queen and
King! hihi."

"Wag na noh! iba na lang iboto mo."
"Ah basta kayo iboboto ko! haha! oh sige dun
muna kami ni Troy. Uy Marky ingatan mo yan si
Candice ah? Bye." hinatak na niya palayo si Troy
samin. Iwanan daw ba kaming dalawa? Gusto
talaga nila laging nag sosolo eh palagi naman
silang mag kasama.
"Ikaw din iboboto kong Prom Queen." bulong sakin
ni Marky, nginitian niya ko. Ngumiti na lang din
ako, alam ko naman na hindi siya mag papatalo
eh.
Ano kayang pakiramdam maging Prom
Queen? Hindi ko naman ikakaila na pangarap ko
din yun. Hindi nga lang ako umaasa lalo na dati na
isa pa kong panget na nerd. Nung 3rd year ko nga
walang ibang nag tangkang sumayaw sakin
maliban lang kay Kuya Charles. Siya yung first and
last dance ko nung last JS Prom. Hindi ko naman
na enjoy yun prom last year, yung masasarap na
pagkain lang talaga yung nakapag pa stay at
nakapag pasaya sakin. Parang kumain lang ako sa
isang resto habang nanunuod sa mga studyante na
masayang nag sasayawan.
Magiging masaya kaya yung Prom ko ngayon? Aba
dapat lang! last na kaya 'to.

"Good evening students." bati ng school president
namin.
Naka upo na kami sa mga kanya kanya naming
table. Kasama ko sa table si Marky, Troy, Tiffany,
Kuya Charles tska Ate Serina. Mag bibigay daw
muna ng opening speech si Mr. president bago
mag kotilyon tapos sayawan na.
"Welcome to Junior and Seniors Prom." lahat kami
nag palakpakan. "After the stressful examination
week comes your much awaited event, so enjoy
this night specially to the seniors. This will be your
last prom night so please do enjoy." palakpakan na
naman kaming lahat.
"Mr. Tan, we all know you as a man of words.
Pwede po bang bigyan niyo ang mga students
natin ngayon ng inyong words of wisdom." tanong
sakanya ni sir Jason. Tumango naman si president.
"Just follow your heart."
Simple yet so meaningful.
Natapos na yung speech ni Mr. Tan kaya nag start
na yung kotilyon. Hindi lahat ng studyante kasali
dun. Kaya nanunuod lang kami sa may gilid.
Parang may kulang, may taong wala dito.
"Hinahanap mo siya?" tiningala ko si Marky na
nasa gilid ko. Ang tangkad niya kasi eh.

"Ano bang sinasabi mo? wala akong hinahanap ah.
Anong paki alam ko kay Jeydon." natawa siya sa
sinabi ko. "Oh bakit?"
"Wala naman akong sinasabing si Jeydon yung
hinahanap mo. Masyado ka namang obvious." oo
nga noh? ang tanga lang ng sagot ko. "Hindi
pupunta si Jeydon. Okey lang naman di ba? Wala
ka namang paki alam eh." sabay kindat sakin.
Ganun ba talaga niya ko iniiwasan na kahit sa
kahuli hulihang JS Prom, hindi siya pumunta? Ano
bang paki ko? eh sa ayaw niya eh.
Namatay yung dalawang malaking ilaw sa stage.
Nag sindihan yung ilaw na parang sa mga bar.
Iba't ibang kulay, may bilog may star. Ang ganda,
ang sarap tuloy sumayaw.
"Okey students, dance floor is now open. Para mas
lalo niyong madama ang Prom natin, we invited
live performers to sing for us. Enjoy!"
Umupo muna ako, nag paalam si Marky na
pupunta lang daw siya sa may comfort room.
Nag patugtog na yung banda sa stage. Ag astig
lang, mas maganda pala kapag live kinakanta.
Can't take my eyes of you ng Lady Antebellum
yung pinapatugtog nila. Slow song siya kaya
madaming couples yung pumunta sa dance floor.

Inaya ni Troy si Tiffany ganun din si Kuya Charles.
Ako naka upo lang dito, naka tanga, asan na kaya
yung magaling konh partner? Akala ko tulot wala
ng mag aaya sakin sumayaw buti na lang may
lumapit sakin na isang lalaki. Mukhang junior pa
lang siya kasi maliit siya eh.
"Uhm.. pwede ba kitang masayaw miss beautiful?"
nag isip ako kung papayag ba ko, aba first dance
ko 'to noh. Mukha naman siyang mabait eh.
"Okey." iaabot ko na sana yung kamay ko sakanya
kaso parang nakakita siya bigla ng multo sa likod
ko. Anong meron? "May problema ba?" napatingin
ako dun sa tinitignan niya, wala namang tao.
"Ah, may call of nature pala ko. Sorry ah? sige
bye!" napakamot siya ng ulo tapos umalis.
Wah! epic fail yun ah. Kawawa naman ako, wala
na ngang ng aaya sakin sumayaw, hindi pa natuloy
yung kay kuyang may call of nature.
Naka upo lang ako dito pinag mamasdan yung mga
sumasayaw sa gitna. Kakainggit naman, buti pa
sila may kasayaw. Asan na ba kasi yun si Marky?
Ang tagal mag restroom, may call of nature din
kaya siya?

"Hi ate, can I have a dance with you?" nag smile
siya sakin, kahit naka maskara siya ang cute ng
smile niya.
"Sure." bago ko iabot sakanya yung kamay ko,
parang may multo na naman siyang nakita sa likod
ko katulad kanina dun sa lalaki. "Anong
problema?"
"Ah kasi.."
"Ano may call of nature ka?"
"Ah oo yun nga, sorry ate ah! hehe una na ko."
napakamot din siya ng ulo tapos umalis din.
Hmpf! nakakainis na ah, pangalawa na yun. Ano
ba kasing meron dun sa likod ko?! may multo ba
dun o kung ano? bigla na lang nagkaka call of
nature yung nag aaya sakin.
Maya maya after three songs hindi pa din
naghihiwalay sila Troy at Tiffany tska sila Kuya
Charles at Ate Serina. Wala pa din si Marky, naiinip
na ko dito. Sana mag bago na yung kanta, sana
mag pang disco song na para kahit wala akong
partner okey lang. Naiinip na ko dito, anong oras
kaya kami kakain? Tinignan ko yung cellphone ko
para tignan yung orasan, ang tagal pa pala. Nung
inangat ko yung ulo ko may lalaki na naka tayo sa
harap ko. Matangkad, malaki yung katawan, tska

ang bango niya. Kahit naka maskara siya halatang
gwapo siya. Kamukha nga niya si Jeydon eh.
Niyugyog ko yung ulo ko, ano ba 'tong iniisip ko?
Sabi ko nang kakalimutan ko muna siya kahit
ngayon lang. Sabi ni Marky wala siya dito kaya
imposibleng siya yan. Isa pa iniiwasan nga niya ko
di ba tapos isasayaw niya pa ko.
Inabot lang sakin nung lalaki yung kamay niya,
hindi lang man lang siya nag salita. Nag isip muna
ako kung iaabot ko ba yung kamay ko.
"Bago mo ko ayain sumayaw, wala ka bang call of
nature? o kahit anong excuse para hindi ako
isayaw bigla? baka katulad ka nung--"
Hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko. Hinila na
lang niya ko papunta sa dance floor. Naka ngiti
siya sakin, bakit parang kakaiba yung pakiramdam
ko sa lalaking 'to? Bahala na nga, okey na 'to may
first dance na din ako. Wahaha!

[Now Playing: Jar of hearts]
Slow song pa din yung kinakanta ng banda.
Nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko,
nilagay ko naman sa balikat niya yung kamay ko.
Ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Hindi ako
maka tingin ng deretso sa mata niya kasi nahihiya

naman ako tignan siya. Sabihin pa neto ni Kuya
pinagnanasahan ko siya. Dinama ko lang yung
kanta. Nag sasayaw lang kami dito na para bang
kaming dalawa lang yung nandito. Bumilis bigla
yung tibok ng puso ko, bakit ganito? Ang weird,
kakaiba.
Napa tingin ako sa langit, ang daming stars. Ang
perfect naman ng moment na 'to. Sana kasama ko
ngayon si Jeydon. Sana siya yung kasayaw ko
ngayon. Sana siya yung first dance ko. Sana okey
kami ngayon. Hay nako! hindi ko talaga kayang
hindi siya isipin. Miss ko na kasi siya eh. Kelan
kaya kami magiging okey ulit? Ang tanong
magiging okey pa kaya kami?
Sumayaw lang kami ng sumayaw buong kanta
neto ni kuya. Ang sarap niya kasayaw, kakaiba
yung feeling ko. Feeling ko nga matagal ko na
siyang kilala. Hindi kaya kilala ko talaga siya?
Tinignan ko yung mukha niya tapos yung mata
niya..
"Candice!" may biglang humila sa mga braso ko.
"Kanina pa kita hinahanap eh."
"Ah kasi inaya niya ko sumayaw--" nung nilingon
ko yung lalaking kasayaw ko kanina wala na siya.
Asan na yun? "Asan na siya?"

"Sino bang hinahanap mo? Andito lang naman
ako."
Napatingin ako kay Marky, hindi pa din siya nag
babago. Kainis ka Marky! alam na alam mo talaga
paano papakiligin yung isang babae.
"Mabuti pa sumayaw na lang tayo. Halika nga."
hinila niya ko papalapit sakanya. Hinawakan niya
yung bewang ko. Nilagay ko na lang din yung
kamay ko sa balikat ni Marky.
Tahimik lang kaming nag sayaw ni Marky. Pinipilit
ko na ibaling lang kay Marky yung atensyon ko
pero naiisip ko pa din yung lalaking kasayaw mo
kanina. Hindi ko nakita ng buo yung mata niya
pero sigurado akong pamilyar siya. Sino kaya yung
lalaking yun? Ang gaan gaan ng pakiramdam ko
kapag kasama ko siya.
"Okey ka lang ba?" bumalik yung atensyon ko kay
Marky, pre-occupied na naman utak ko. Isang tao
lang nakakapag palutang ng utak ko ng ganito.
"Miss mo siya noh?"
Miss? Oo, sobra.
"Ako kaya miss niya din?" pakiramdam ko
tutulo na yung luha ko. Naiiyak ako, siguro sa
lungkot na din. "Kasi ako miss na miss ko na
siya Marky eh."

Hinila niya pa ako lalo palapit sakanya para
mayakap niya ko. Nung oras na yakap yakap na ko
ni Marky, hindi ko na napigilan na umiyak.
"Shh.. tahan na. Masisira yang make up mo."
hinaplos niya yung buhok ko na parang
pinapatahan niya ko. "You just have to trust him. I
know he loves you so much and he has a reason
for doing this." hinarap niya ko tska niya
pinunasan yung luha sa pisngi ko. Buti na lang
naka maskara ako kung hindi mukha na akong
ewan neto.
"Thank you Marky. Thank you kasi nandyan ka
para sakin."
"Kung hindi lang si Jaydee yung karibal ko
sayo, malamang hindi na kita pinakawalan
noon."
"Ha? ulitin mo nga yung sinabi mo." ngumiti na
naman siya sakin. Hindi pa din siya nag babago,
siya pa din yung Marky na naging crush ko.
"Wala sabi ko ang ganda mo kaso bingi ka" wah!
narinig ko kaya! eh hindi ko lang naman kasi ma
gets yung sinabi niya eh. "Ang cute mo talaga!"
pinisil niya yung ilong ko. Ouch iy hurts ah!
"Ahem ahem.. Marky pwedeng masayaw si
Candice?" tumango si Marky kay Troy. "Thank

you." umalis na si Marky na naka ngiti pa din
sakin.
"Sinong kasayaw ni Tiffany?"
"Wala nag papahinga na siya. Hindi siya pwedeng
sumayaw kapag hindi ako yung kasayaw niya."
nag evil laugh siya sa kalokohan niya. Spell over
protective? teka para mas madali OA na lang.
"Kayo ni Marky ha? baka muling ibalik?"
"Sira! walang malisya yun. Alam naman natin lahat
na.." napatingin ako sa langit, oo alam naman
naming lahat eh. "Si Jeydon yung mahal ko kahit
na sinasaktan niya ko ngayon." amp parang naiyak
na naman tuloy ako.
"Tama na nga yang drama! andito ka para mag
enjoy. Isa pa ang ganda mo para umiyak noh!"
"Maganda ko? Ulitin mo nga, ang sarap pakinggan
eh."
"Maganda ka sana kaso bingi ka!" pareho pa talaga
sila ni Marky ng sinabi ah. Oo sige na ako na yung
maganda kaso bingi.
Habang nag sasayaw kami kinukukit pa din niya ko
ng kinukulit. Dapat talaga masanay na ko sakanya
eh.
"Ibibigay na kita kay Charles."

"Sige thanks Troy."
"No problem best friend basta ikaw. Ngumiti ka na
nga! sabihin pa ni tanda pinaiyak kita!" ngumiti
ako sakanya tska ko siya niyakap. Thank you best
friend. Sakto naman na dating ni Kuya Charles.
"Ikaw na bahala tanda!" nag salute siya tska
umalis.
"Oh bakit ganyan itsura mo? ang panget mo." tss
kahit kelan talaga to si Kuya Charles eh. Siya na
yung gwapo! siya na talaga. "Haha joke lang! kahit
labag sa kalooban kong sabibin 'to, ang ganda mo
ngayon manang. Wag ka nga lang maging
malungkot, kahit naka maskara ka, kita ko pa din
yung lungkot sa mukha mo."
"Kuya may sakit ka ba? Tinawag mo ba talaga
akong maganda ha? sinabi mo talagang maganda
ako?"
"Oo maganda ka kaso--"
"Bingi ako." ako na nag tapos ng sasabihin niya,
nakakahiya naman sakanya eh. Oo na bingi na ko,
bingi bingian lang.
"Haha! buti alam mo!" binatukan niya ko. Argh!
masira pa ayos ng buhok ko neto eh.
"Kuya naman eh" biglang sumeryoso si Kuya. Hala
anong meron?

"Candice sabihin mo sakin kapag pinaiyak ka pa ni
Jeydon. Sabihin mo sakin kapag sinaktan ka pa
niya ulit."
Nag transform na siya sa pagiging overly
protective brother.
"Bakit Kuya anong gagawin mo?"
"Bubugbugin ko lang naman siya. Wala
siyang karapatan na paiyakin tska saktan
ka." niyakap ko si Kuya. Amp naiiyak naman ako,
bakit ang sweet ni Kuya Charles ngayon? may
sakit ata siya eh. "Wag kang ma touch dyan,
alam kong sweet akong kuya. Ganun daw
talaga kapag gwapo." Toinks! okey na eh,
bumanat pa.
"Thank you poging pogi kong kuya!"
Nagtawan kaming dalawa ni Kuya Charles.
Sobrang swerte ko na siya yung naging Kuya ko.
Siya yung kuya na bad boy na sweet.
Nung natapos na yung kanta na sinasayaw namin
ni Kuya Charles. Dinner time daw muna. Yeah boy!
kainan time, gutom na ko eh. Ang sarap kaya ng
mga pagkain na hinahanda nila. Hindi naman ako
nag kamali eh kasi nung nilapag na sa table namin
yung mga pagkain, itsura pa lang masarap na.
Yum yum yum!

Habang kumakain kami lahat sila naka tingin
sakin. May dumi ba sa mukha ko?
"Oh bakit?"
"Candice gutom ka ba? ang lakas mo kumain
ngayon eh." sabi ni Ate Serina.
"Eh masarap kasi yung pagkain ate. Kung ayaw
niyo kumain, ako gusto ko. Hehe."
"Ganyan ba talaga epekto ng cool off niyo ni
Jeydon?" ouch, ipaalala pa kuya. Siniko tuloy siya
ni Ate Serina. "Joke lang naman eh." Sabay kamot
ng ulo.
Aish! nawalan tuloy ako bigla ng gana kumain.
Makapag rest room na nga lang.
"Sige una na ko." nung tumayo ako kahit naka
maskara sila halatang nag aalala sila sakin. "May
call of nature." yan na lang sinabi ko para hindi sila
mag alala. Pinagtawanan pa tuloy nila ko. Lintek
na call of naturw yan, sino ba nag pauso kasi
nyan?
Dapat pala nag pasama ako kay Marky papuntang
comfort room. Kahit maliwanag dito nakakatakot
kasi walang katao tao. Busy silang lahat sa
pagkain dun. Huhu bibilisan ko na lang nga mag
cr, konting re touch na lang.

Nang heram muna ako ng super powers kay The
Flash sa pag re touch ng make up ko na nasira
kanina dahil sa pag emote emote ko. Lumabas
agad ako sa rest room. Whew! I'm safe hahaha!

"Waaaaa!"

Mama tulong! may yumakap sakin galing sa likod
ko. Jusko! ano to multo? monster? killer? rapist?
Waaa ayoko na. Naiisip ko lahat ng mga horror
movies na napanuod ko. Si sadako, si the grudge,
yung mumu sa shutter, lahat lahat na!
Kaso teka nga lang, eh bakit yakap yakap niya ko
sa likod ko? Dapat pinapatay na niya ko sa takot
ngayon di ba? Hala baka naman i torture pa niya
ko? Wah! huhu bata pa ko! madami pa
kong.pangarap sa buhay.
"Hayaan mo lang akong yakapin ka."
Yung boses na 'to. Yung boses na kilalang kilala
ko. Yung husky at sexy na boses na 'to. Yung
boses na miss na miss ko na. Boses ni Jeydon.
Haharap sana ako pero pinigilan niya ko.
"Five minutes lang, kahit five minutes lang."

Hindi ako nag salita. Hinayaan ko lang siyang
yakapin ako. Hindi ko na lolokohin sarili ko, gusto
ko din naman 'to dahil miss na miss ko na siya.
"Ang hirap pala na lumayo sayo. Isang araw
pa lang na hindi kita kasama, hirap na hirap
na ko."
Pareho lang naman tayo Jeydon eh. Hirap na hiral
din naman ako eh.
"Akala ko kaya ko pero hindi pala. Kapag nakikita
kita gustong gusto kita kausapin. Gustong gusto
kitang yakapin tska halikan. Ang hirap wifey."
Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Nung nakita ko kayo ni Troy na magkasama tapos
nag tatawanan, nakaramdam ako ng selos. Sana
ako yun, sana ako yung nag papatawa sayo."
Totoo pala talaga yung sinabi ni Troy na kaya lang
siya pumunta dun kasi nag seselos siya.
"Yung mga lalaki kanina na gustong sumayaw
sayo, tinignan ko sila ng masama para hindi ka nila
isayaw. Gusto ko kasi ako yung first dance mo at
hindi naman ako nabigo. Parang love lang yun eh,
sabi nga nila di ba, first love don't die."
Muntik na ko matawa, alam ko seryoso siya kaya
pinigilan ko matawa. Kasi naman eh, first love

never dies yun hindi first love don't die. Psh! kahit
kelan talaga.
"Ikaw yung lalaki na kasayaw ko kanina?"
"Oo ako nga."
Ay anak ng pusa. Kaya naman pala ang gaan gaan
ng loob ko sakanya kanina. Kaya pala komportable
akong kasama siya. Kaya pala pamilyar sakin yung
mata niya. Ang slow ko naman, hindi ko ka agad
siya nakilala.
"Okey lang sakin na inaya ka ni Marky sa Prom, na
kayo mag ka partner ngayon. Kaso fvck lang! nung
niyakap ka niya, nung pinunasan niya yung luha sa
mukha mo. Gustong gusto ko siyang suntukin. I'm
so damn jealous."
Hinigpitan niya yung yakap niya sakin.
"Do you miss me?"
Oo miss kita sobra pero hindi ko siya sinagot.
Bahala siya dyan! sakit kaya ng ginawa niya kaya
papahirapan ko muna siya! haha. Galit galitan
muna ang peg ko dito.
"Please don't tell me that you hate me."
I don't hate you because I love you.
"What if I did hate you?"

Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sakin.
Yung totoo? gawin ba kong unan.
"I'm gonna hate myself."
Magsasalita na sana ako kaso naramdaman kong
nababasa yung balikat ko. Umiiyak si Jeydon pero
bakit? siya naman yung may gusto neto di ba? siya
naman yung humingi ng space? siya yung lumayo
ng walang dahilan? kung may nasasaktan man
dapat ako yun di ba?
"Yes I know, kung may dapat masaktan dito ikaw
yun at hindi ako. Ginusto ko naman 'to eh. Kaso
kada araw na wala ka sa tabi ko, kada araw na
nakikita kita pero hindi kita malapitan, parang
dinudurog yung puso ko."
"Bakit kasi kelangan mo ng space? bakit kelangan
mong lumayo? may nagawa ba ko? kung meron
man sabihin mo. Ipaliwanag mo lang sakin ng
mabutk yung dahilan mo, iintindihin ko."
Ang tagal ko na kayang gustong sabihin sakanya
yan. Kabisado ko na nga yang line na yan eh.
"Kaya ako lumayo kasi gusto ko munang
tanggalin yung galit na nararamdaman ko sa
sarili ko. Hindi kita kayang mahalin ng buo
kung may galit ako sa puso ko. Galit sa mama
mo tska galit sa sarili ko."

Naiintindihan ko na kung may galit siya kay mama
pero bakig pati sa sarili niya?
"Pati sa sarili mo galit ka?"
"Oo galit ako sa sarili ko kasi wala akong kwentang
boyfriend sayo. Palagi na lang kitang nasasaktan,
palagi na lang kitang hindi iniintindi. Ang sama
sama ko. Nagagalit ako sa sarili ko kasi
pakiramdam ko hindi ako worthy para sayo."
Bakit ganyan siya mag isip? kahit kelan hindi ko
yun naisip. Oo minsan nasasaktan niya ko pero
hindi naman siya nag kukulang sakin bilang
boyfriend.
"Naisip ko pa nga mas mabuti pang ibigay na lang
kita sa taong mas worthy sa pagmamahal mo.
Kaso hindi ko pala kaya, sobrang hirap. I love you
so much.."
Nilagay ko yung sarili ko sa lugar niya. Alam ko na
nasasaktan siya dahil sa problema sa pagitan ng
pamilya namin.
Humarap ako sakanya. Tinignan ko yung mata
niya, yung matang niyang umiiyak. Pinunasan ko
yung mga luha sa mukha niya. Nasasaktan ako
kapag nakikita ko siyang umiiyak eh.

"Naintindihan kita at kahit naman hindi kita
maintindihan wala akong paki alam kasi
mahal kita."
Lumuhod siya sa harapan ko.
"I'm sorry, sorry for everything. Just give me
another chance and I will make things right this
time."
Ngumiti ako sakanya, pinunasan ko yung mga luha
ko tska ko siya hinila para makatayo siya.
Hinawakan ko yung mukha niya.
"Hihingi ka pa lang ng tawad sakin, pinatawad na
kita. Tama na nga emote hubby! kaka retouch ko
lang eh." Niyakap niya ulit ako. Mahigpit na
mahigpit na yakap.
"Thank you for being the best girlfriend."

"Sus nambola pa! kahit hindi mo na yan sabihin
papatawarin pa din kita."
"Sira ka talaga wifey! dapat kikikigin ka dun.
Banat kaya yun!" natawa kaming pareho.
Narinig namin yung music, wah! DJ na yung nag
papatugtog. Party music na! wohoo! gusto ko yun!

saktong sakto, okey na kami ni Jeydon my hubby
loves.
"Tara hubby!" hawak ko yung kamay niya hinila ko
na siya papuntang field pero hinila niya ko pabalik.
"Oh bakit?" hinawakan niya yung mukha ko.
"I miss your kiss." sheteng malagket naman.
Ayan tayo sa mga kiss kiss na yan eh! "I want to
kiss you so badly now wifey."
Unti unti niyang nilapit sakin yung mukha niya,
pumikit na lang tapos..
"Ehem."
"Fvck." bulong ni Jeydon.
Dumilat agad yung mata ko. May teacher sa harap
namin ngayon. Pambihira naman, nakakahiya!
huhu. Terror pa naman ata 'tong teacher na 'to.

"Please stop making any inappropriate things here
and go back to the field."

"Panira ng moment." mahinang sabi ni Jeydon.
Pinigilan kong matawa sa sinabi niya kasi nasa
harap pa din namin yung teacher.

Hinila ko siya papunta sa field.
Nung malapit na kami sa may field hinila na naman
niya ko kung saan.
"San tayo pupunta?"
Hindi niya ko sinagot. Papunta kami sa terrace ng
main building namin. Nung nandun na kami, napa
nganga na lang ako.
May mga balloons na heart may mga bulaklak din.
May mga kandila sa sahig na naka korteng puso.
Super ganda niya.
"I've made this for you."
I'm so speechless. Hindi halata kay Jeydon na ma
effort siya kaya sobrang nakaka touch na ginawa
niya 'to para sakin. Kaso paano pala kung hindi ko
naman siya pinatawad?
"Confident ka ba talagang magiging okey tayo
ngayon?"
"Actually I've made this for you and Marky. I didn't
plan this for the both of us. Hindi ko na kasi
napigilan yung sarili ko kaya nilapitan na kita."
Para samin 'to ni Marky? bakit naman niya yun
gagawin? to think na napaka seloso niya.

"I want this night to be memorable for you even if
you're in the hands of someone else. Cause from
what I've heard, hindi daw maganda yung prom
mo last year kaya gusto mo maging maganda
prom mo ngayon."
Seryoso siya? amp sobrang na touch ako. Kaya
niya kong ipaubaya sa iba para lang maging
memorable yung Prom ko.
"Do you like it?"
Tumango ako sakanya tapos niyakap ko siya ng
mahigpit.
"Sobrang nagustuhan ko."
Pumunta siya dun sa iPad niya tapos nag
pinatugtog niya yung theme song namin. Hinila
niya ko dun sa gitna ng mga kandila na korteng
puso.

[Now Playing: Tadhana - Up dharma down ]

Nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko,
nilagay ko naman sa likod ng leeg niya yung
kamay ko. Hindi ako marunong sumayaw kaya
sumusunod lang ako kung saan pupunta yung mga

paa ni Jeydon. Naka tingin lang kami sa mata ng
isa't isa habang nag sasayaw.
Tahimik lang kami pero sobrang saya ko. Pwede
pala na kahit hindi kayo nag uusap, kahit puno
kayong dalawa ng katahimikan kaya niyo pa din
maging masaya. Makasama ko lang siya, kahit nga
makatabi ko lang siya masaya na ko eh.
"You're so damn beautiful wifey."
Nakakakilig yung pagkakasabi niya. Nag iinit yung
pisngi ko. Simpleng salita lang naman yun pero
kapag sakanya galing, kikiligin ka talaga.
"You're blushing, haha!" sino ba namang hindi? eh
ang sweet mo kaya.
"Ikaw naman kasi eh, dami mong alam."

"Isa lang naman alam ko eh, yung mahalin
ka."
Anebe! tama na kinikilig na talaga ko ng bonggang
bongga. Parang walang away na nangyari saming
dalawa.
Nilapit niya pa ko lalo sakanya, yakap yakap niya
ko habang nag sasayaw kami. Nasandal yung ulo

ko sa dibdib niya. Ang bilis pala ng tibok ng puso ni
Jeydon.
"You know what? I've realize something when I
ask for space."
"What?" kinakabahan ako, ano naman kaya
yun?Ma realize niya kaya na kaya naman niya na
wala ako sa buhay niya? o kaya naman na hindi
niya ko ganun ka mahal?
"I realize how much I love you."
Hinawakan niya yung mukha ko, unti unti siyang
lumapit sakin then he finally kiss me. A passionate
kiss under the stars. A kiss in a perfect moment. A
kiss that i missed so much.
A kiss with the man I love so much.
Hindi man kami naging okey ng isang linggo, na
realize naman namin sa panahon na yung kung
gaano kahalaga para samin yung isa't isa. Kung
gaano namin kamahal yung isa't isa. Sabi nga nila,
after the rain comes the beautiful rainbow. Hindi
naman kaylangan patagalin yung away at
tanpuhan eh. Sinasabi ng utak ko na kaylangan
mainis at magalit ako sa mga ginawa sakin ni
Jeydon pero sabi nga ni Mr. President, Just follow
your heart.

Hindi man ako yung naging Prom Queen ngayong
gabi, ako naman yung Reyna sa puso ng taong
mahal ko.

For me, this is the best Prom night ever.

78: Sealed with a kiss.

CANDICE POV

"Wifey gising na!"
"Uhm.. five minutes pa." inaantok pa ko eh, anong
oras na kaya natapos yung Prom kagabi. Wala pa
kong tulog, zzZzzz.
"Wifey gising na! wag mong pag hintayin si hubby
mo."
"Hubby naman ang kulit mo." andito si Jeydon sa
kwarto ko? Hindi pwede, pati ba naman sa
panaginip ko nandito si Jeydon?

"Kapag hindi ka pa gumising dyan hahalikan kita."
kahit dito pala sa panaginip ko adik pa din siya sa
kiss.
"Eh di halikan mo."
"Sabi mo yan ah?"
Nanlaki yung mata ko nung naramdaman ko yung
labi niya sa labi ko. Anak ng pusa naman! hindi
pala ako nanaginip.
"HUBBY?!" akala ko talaga panaginip lang, totoo
pala na nandito siya. Wah! hinalikan niya tuloy
talaga ako, hihi.
"Tulog mantika!" binatukan niya yung ulo ko ng
mahina nag pout tuloy ako. Pag pout ko hinalikan
ulit ako ni Jeydon. "I told you, don't do that cause
I will kiss you." sabay kindat. Psh! umiisa lang siya
eh! ang aga aga naka dalawang kiss na siya sakin.
"Ang aga pa ah? at bakit ka nga pala nasa kwarto
ko?!" oo nga pala bagong gising lang ako!
Tumakbo agad ako sa banyo ng kwarto ko. Jusme
baka mamaya may laway laway pa ko sa bibig ko.
Pag harap ko sa salamin, ang PANGET ko! huhu.
Nakita akong ganito ni Jeydon, nakakahiya. Siya
ang gwapo gwapo tapos ang bango bango tapos
ako ganito? Lupa kainin mo na ko ngayon na.

"Wifey? Anong ginagawa mo dyan?"
"Kainis ka naman eh! kakagising ko lang! Ang
panget ko oh! dyan ka lang mag aayos lang ako."
huhu kahiya talaga.
"Haha!" Bah! pagtawanan daw ba ko? Hubby ang
sama mo nuh? Ikaw na si beauty ako na si beast.
"Maganda ka na kahit ganyan ka. Lumabas ka na
nga dyan." hmp! bolero.
Hindi ko siya pinansin. Nag ayos pa din ako dito sa
loob. Alam ko sa ganitonh itsura ko, hindi ako
maganda. Binilisan ko na lang yung pag aayos ko
para hindi siya mainip sa labas. Bakit naman ba
kasi nandito siya ng ganito ka aga?!
Paglabas ko ng kwarto aba nakahiga siya sa kama
ko. Pumunta ako sa harap niya habang naka
pamewang ako.
"Anong ginagawa mo sa kama ko?"
"Ano ba ginagawa sa kama? Malamang
hinihigaan." I know right! inaasar na naman niya
ko. "Tara tabihan mo ko." sira talaga siya.
"Tumayo ka na nga dyan! mamaya--"
"Ehem ehem."
Mamaya makita pa tayo ni Kuya Charles.

"Bumaba na nga kayo." ang sama ng tingin samin
ni kuya Charles. Luh? wala naman kaya kaming
gagawin na masama dito. Maka tingin siya parang
may gagawin kami ni Jeydon na hindi maganda.
"Yes kuya." pagkababa ni kuya si Jeydon nakahiga
pa din sa kama ko. Aish! pasaway sabi na ngang
bumaba na. "Pusa baba na daw."
"Nahihirapan ako tumayo wifey, can you help me
to get up?"
Lumapit ako sakanya, inabot ko yung kamay ko
para makatayo siya. Ang bigat ng lalaking 'to,
bakit ba kasi ako pa mag bubuhat sakanya? Nung
hinila ko ulit siya bigla naman niya kong hinila
papunta sakanya. Napapunta tuloy ako sa itaas
niya. Nung nasa taas na niya ko naramdaman ko
yung mga pandesal niya, este yung six pack abs
niya. Tinulak niya ko sa gilid tapos pumunta siya
sa taas ko. OMO! nasa taas ko na siya. Nanlaki na
nga lang yung mata ko sa ginawa niya. Nakita ko
yung brown na mata niya, tinatawag na naman
ako ng mata niya. Bumilis din yung tibok ng puso
ko. Jeydon wag! bata pa tayo! huhu. Hindi ko pa
pwedeng isuko ang bataan.
"Hindi ka naman kasing ganda ni Angel
Locsin. Hindi ka din kasing sexy ni Megan Fox
pero bakit patay na patay ako sayo?"

Habang sinasabi niya yun naka tingin siya ng
deretso sakin. Damang dama ko yung hininga niya
na sobrang bango. Kahit inaasar niya ko sobrang
kinikilig ako dito. Deads na puso ko sa kilig. Feel
ko talaga talong talo ko si Angel Locsin tska si
Megam Fox! wahaha.
"Mahal kita kung ano ka kaya wag kang
magbabago. Para sakin ikaw pa din si nerd na
panget, wag mong babaguhin yun ah? kasi
dun kita minahal eh."
Ang aga aga binabanatan niya ko, kinikilig tuloy
ako. Kelan pa ba siya natutong bumanat ng
ganyan? Hihi ikaw na sweet Jeydon ko.
"Hindi ako magbabago, ako pa din yung nerd
na panget na mahal yung hari ng mga bad
boy na si Jeydon Lopez."
Ngumiti siya sakin tapos unti unti niyang nilalapit
yung mukha niya sa mukha ko. Pinikit ko yung
mata ko, nako ah! nakaka tatlo na siya! quotang
quota ka na hubby. Ang tagal naman niya ko kiss?
ay teka akala ko hahalikan niya ko sa lips pero sa
noo lang pala. Wah! I expected more! haha epic
fail lang. Landi mo Candice.
"Baba na daw tayo sabi ni bayaw. Tara?"

Sabi ko nga baba na tayo eh. Huhu pwede wag na?
dito na lang tayo? hehe charot lang.
Pagbaba namin naka upo na sa mesa sila mama.
Si kuya Charles naka busangos yung mukha. Ang
aga aga ganyan itsura niya.
Kaya siya tumatanda agad eh.
"Ako? tumatanda agad?" ay shet lang. Napalakas
yung pagkakasabi ko sa utak ko.
"Ha? wala naman akong sinabi." pagkaupo ko ang
sama pa din nang tingin niya sakin. Hehe peace
tayo kuya Charles, joke lang naman yun eh.
"Jeydon san naman kayo pupunta ni Candice
ngayon?" ha? anong sinasabi ni mama?
"San naman kami pupunta?" tinignan ko si Jeydon.
Naka ngiti siya at anong ibig sabihin nun? Alam
niyang aalis kami pero ako walang ka alam alam?
"Ano na naman ba yan hubby?" kinindatan niya ko.
"Mag EK lang po kami tita." ang lapad nang ngiti
niya, si Kuya naman umasim na naman yung
mukha. "Ibabalik ko din po si Candice nang
maaga."
Wah! Enchanted Kingdom daw kami pupunta? Wow
excited na ko pumunta dun kasama siya!

"Ano ka ba? okey lang Jeydon! mag enjoy lang
kayo ng baby girl ko." Si mama talaga, hindi pa din
nag babago. Mas excited at kinikilig pa siya kaysa
sakin eh.
"Kapag wala pa si Candice dito ng seven ng gabi,
malilintikan ka sakin Jeydon at hindi na ulit kayo
makakapag date ulit." sinara niya yung dyaryo na
binabasa niya. Tinignan niya muna kaming dalawa
ni Jeydon ng pamatay na tingin niya bago siya
umakyat sa taas.
Ang weird ni Kuya Charles, palagi na lang high
blood. Ano kayang problema nun?
Bago kami umalis ni Jeydon, pumunta muna ako
sa kwarto ni kuya. Kaylangan kong malaman kung
bakit siya nag kakaganyan. May monthly period
kaya siya? o sadyang bad mood lang siya? Tsk!
tatanda talaga siya agad nyan eh.
"Oh bakit?"
Nakahiga siya sa kama niya habang nag lalaro sa
psp niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Kuya may problema ka ba?" hindi man lang siya
tumingin sakin, nakatutok pa din siya sa psp niya.
Psh! high blood na nga snobero pa.
"Wala." ha? wala daw? eh sa boses pa lang niya
halata nang may problema siya.

"Ano nga kasi? akala ko ba walang lihiman satin?"
Oo bawal mag secret secret samin, siya nag set ng
rule na yun. "Galit ka ba sakin kuya?"
Umupo siya tapos pinatay niya yung psp niya.
Tumingin siya sakin, yung tingin niya seryoso na.
Kinakabahan tuloy ako, huhu. Galit kaya siya
sakin?
*boogsh*
"Aray!" huhu batukan daw ba ko? hindi naman
masakit, OA lang talaga ko. "Kita mo? may galit ka
nga sakin!" ginulo gulo niya yung buhok ko akala
mo aso lang ako.
"Na miss ko lang yung little sister ko."
Teka lang wait ah? Maiiyak na ba ko? ano iiyak na
ko? miss daw ako ni kuya Charles? Anong nakain
niya at sinabi niya yun? Hindi naman kasi siya
yung tipong mahilig mag express nang feelings
niya. Once in a blue moon lang siya maging sweet
sakin. Yung way kasi nang paglalambing niya sakin
yung pangaasar niya.
"Kuya may sakit ka ba?"
*boogsh*

"May galit ka talaga sakin eh!" huhu pangalawa na
yun ah. "Kaya siguro high blood ka na lang
palagi?" ginulo na naman ni kuya yung buhok ko.
"Hindi ako galit, natatakot lang siguro ako."
"Saan ka naman natatakot kuya?" takot din siya sa
multo? nabansagan pa naman na.bad boy.
"Pwede bang wag mong mahalin ng sobra si
Jeydon?" Ano daw?! ano ba 'tong sinasabi ni
kuya?
"Ha? bakit kuya?"
"Natatakot ako na masaktan ka kapag
minahal mo nang sobra si Jeydon."
Natigilan ako sa sinabi ni kuya Charles. Ngayon ko
lang siya nakita nang ganito, yung itsura niya
seryoso na may halong pag aalala.
"Napapansin ko kasi na habang tumatagal
mas lalo mong minamahal si Jeydon. Candice
kung ngayon pa lang nasasaktan ka na niya
paano pa kapag tumagal kayo? Mas lalo kang
masasaktan."
Hindi ako makapag salita, ngayon alam ko na kung
bakit siya nag kaka ganyan. Kaya pala nag simula
siyang maging ganyan nung nag cool off kami ni
Jeydon. Nag aalala siguro siya na baka maulit ulit

yun tapos masaktan na naman ako. Uh, ang sweet
ni kuya.
"May usapan tayo na hindi ka mag bo-boyfriend
hanggat hindi ka pa 18 di ba? Sinuway ko yung
sarili kong rule kasi may tiwala ako kay Jeydon.
May tiwala ako na hindi ka niya sasaktan pero mali
ata ako."
"Yun ba yung kinakatakot mo kuya? Hindi naman
niya ko sasaktan eh. Kaya wag ka na mag alala."
"Sana nga hindi ka niya saktan kasi hindi ko
mapapatawad yung sarili ko kapag nasaktan
ka dahil sa kagagawan ko."
Niyakap ko si kuya. Wala feel ko lang na yakapin
siya, de joke. Na touch kasi talaga ako sa sinabi ni
kuya. Siya na talaga yung pinaka sweet na kuya sa
buong mundo. I'm so thankful having him as my
brother.
"Thank you kuya! thank you for being the best
brother to me. Waaaa! naiiyak na talaga
ko!" seryoso naiiyak na ko.
"Ang panget mo na nga iiyak ka pa?"
Alam mo yung paiyak na ko, wala eh na udlot.
Kahit kelan talaga si Kuya Charles panira ng
moment.

"Sige na umalis na kayo nung ugok na yun. Umuwi
ka nang maaga."
"Yes boss!" bago ako makalabas, tumayo muna
ako sa pintuan ng kwarto niya. "Kuya pwedeng
9pm?" Sinamaan agad niya ko nang tingin. "Thank
you kuya!" dinilaan ko siya tapos bumababa agad
ako. Kahit nasa hagdan na ko narinig ko pa din
yung boses niya.
"CANDICE 7PM!"

Hehe sorry kuya, ang aga kaya ng 7pm. Hindi din
kami mag eenjoy nun.

--

"Whoa."
Nilingon ko si Jeydon, ang cute ng expression ng
mukha niya! Para siyang bata na manghang
mangha sa mga rides dito sa EK. Ang cute niya
pala kapag ganun siya? Ang cute niya kapag nag
iisip bata siya.
"First time lang?"

"Oo first time ko lang dito." napataas yung kilay
ko. First time niya dito sa EK? eh madami naman
silang pera para sa ticket dito. Kahit one year pa
siya mag rides all you can kayang kaya ng pera
nila.
"Seryoso ka? ngayon ka lang talaga naka punta
dito hubby?" tumango siya na para na namang
bata habang na pout. Cute cute niya sarap pisil
pisilin ng pisngi niya.
"Sa Disneyland lang kasi kami pinapasyal noon nila
dad and mom."
Sabi ko nga eh, sosyal kayo kaya dapat sa
Disneyland kayo hindi sa EK. Hiyang hiya naman
yung Disneyland sa EK di ba?
"Have you been here wifey?"
"Oo naman! palagi kami dito kapag family day
namin."
"Then be my tour guide, okey?" lumapad yung
ngiti niya. Hinawakan niya yung kamay ko tapos
hinila niya ko papasok. Alam ko girlfriend ako hindi
tour guide.
Ang daming tao ngayon palibhasa weekend. May
nahuhuli akong mga babae na kung tumingin kay

Jeydon kulang na lang matunaw siya. Yung iba pa
nga halos mabali na yung leeg kaka lingon sa
hubby ko. Tusukin ko kaya yung mata nila? hehe
joke lang dudukutin ko lang naman mata nila.
"Where should we start?" tanong niya sakin.
Tinignan ko yung mga rides tapos nakita ko na
yung perfect na sasakyan namin.
"Dun oh sa carousel!" hinila ko siya papunta dun,
excited pa ko. Akala ko nakadating na kami dun sa
dami ng hakbang na ginawa ko. Nandito pa din
pala kami sa pwesto namin kanina, epic fail. "Ano?
tara na?"
"Ang boring dyan wifey." tignan mo 'to, tatanungin
niya ko tapos ayaw din pala niya. Sana pal hindi na
niya ko tinanong di ba? pasaway.
Lumingon siya sa may kanan, napatingin ako sa
rides na meron dun. Nanlaki yung mata ko sa
nakita ko. Hindi! ayoko dyan! baka mamatay ako
dyan huhu.
"Dun tayo oh!" napalunok na lang ako. Nag smile
siya na para na namang bata. Hinila niya ko
papunta dun sa rides na yun. "Yahoo!! Excited na
ko!"
Utang na loob wag sa SPACE SHUTTEL! May fear of
heights ako eh. Ang alam ko ako yung tour guide

saming dalawa di ba? AKO hindi siya pero bakit
siya nasusunod? Mali 'to! huhu.
"Scared siya! haha." Sige asarin mo pa ko hubby
sasamain ka sakin. Takot na takot na nga ko eh.
"Don't worry, andito lang naman ako eh."
Hinigpitan niya yung pagkakahawak sa kamay ko.
Hanggang makaupo kami dun sa shuttle hindi ko
pa din binibitawan yung kamay ni Jeydon. Anong
sinasabi niyang scared? scared na scared kaya
ako.
"Haha nakakatawa ka! you looked really scared
wifey."
Sige pagtawanan mo pa ko, maganda yan eh.
Hindi na nga ako nag sasalita dito sa kaba ko.
Feeling ko tuloy nasusuka ako. Ew yuck lang wag
sana, nakakahiya naman sa harap pa ko ni Jeydon
mag susuka.
Parang masusuka talaga ko.
"Come closer." medyo mahigpit yung seatbelt
namin kaya medyo nahirapan akong lumpit
sakanya.
"Bakit? mamaya umandar na tayo."
"I'll kiss you."

Wala pa nga akong GO signal hinalikan na niya
agad ako. Aba nakaka ilan na siyang halik sakin
ah? Okey lang masarap naman eh, wahaha!
Ang landi mo Candice.
Eh bakit ba? kung isang Jeydon Lopez yung hahalik
sayo, mag papaka choosy ka pa ba? Syempre hindi
na.
"You're blushing." pinisil niya yung pisngi ko. Feel
ko nga nag blush ako kasi nag iinit yung pisngi ko
eh. "Yan ah may pabaon ka sakin na kissperin
kaya hindi ka na masusuka."
Hala narinig niya kaya yung sinabi ko na para
akong masusuka? Nalapalakas ata pagkakasabi ko
sa isip ko.
"Oo na-- Waaaaaaah!"
Ano ba?! mag sabi kayo kung papaandarin niyo na!
hindi yung nang bibigla kayo!
"Waaaaaaah!"
Ang taas nang binaba namin. Waaaa shet naman
talaga oh! Putol putol na siguro yung litid ko
kakasigaw dito.Yung katabi ko naman parang
tahimik? Tinignan ko nga siya habang mabagal pa
yung andar ng shutter. Pagkakita ko sakanya,
NGANGA. Straight face kung straight face.

Napansin niya ata ako na nakatingin sakanya kaya
tinignan niya din ako. Natawa siya bigla, siguro
pinagtatawanan niya ko. Hmp! eh siya na hindi
takot, siya na brave. Napasimangot na lang ako.
Pagharap ko pababa na kami, ang taas ng ibaba
namin kaya napakapit ako ng mahigpit sa kamay
ni Jeydon.
Malapit na talaga bumaba yung shutter, hinawakan
ni Jeydon yung mukha ko. Hinarap niya ko sa
mukha niya.
Then he kissed me.
Hindi ako makasigaw habang pababa yung shutter
namin kasi we're still kissing. Bumitaw lang siya sa
paghalik niya sakin nung huminto na kami. OMO!
oxygen nga po.
"You're so loud so I kiss you to shut you up."
Kumindat siya sakin sabay tawa. Ako naman
parang tuod na kinikilig. Ewan ko ba, hindi naman
ganun ka bongga mga pinag gagawa ni Jeydon
pero kinikilig ako.
"Tara next ride na tayo!" pinisil pa niya yung ilong
ko bago kami umalis dun.
Siya na naman sana yung pipili ng next ride na
sasakyan namin pero sinamaan ko siya ng tingin.
Nakukuha naman pala siya sa deathly glare ko eh.

Kaya eto ngayon andito kami sa bump car. Ako
yung driver tapos nasa tabi ko si Jeydon. Sabi ko
sakanya dun na lang siya sa isa pang bump car
pero ayaw daw niya mahiwalay sakin.
Habang enjoy na enjoy ako sa pag drive may bigla
naman na bumangga samin. Lalaki yung driver
tapos kasama niya yung girlfriend niya ata. Inisip
ko na lang na hindi niya yun sinasadya.
"Hubby okey ka lang-- OUCH!"
Ang lakas ng pagka bangga niya samin kaya napa
forward ako sa upuan ko. Buti na lang talaga naka
seatbelt kami kung hindi tumalsik na ko dito.
Nakakainis 'to si kuya na may red na buhok kanina
ko pa napapansin na parang napapadalas yung pag
bangga niya samin. Hindi na siya nakakatuwa ah,
hindi man nga lang siya nag sorry.
Hindi pa nga kami nakaka recover binangga na
naman niya kami. Tumawa silang dalawa nung
girlfriend niyang ang kapal ng make up tapos naka
blonde na buhok pa. Namumula na ako sa galit!
sinasadya nila yun.
"Wifey does hurt much?" worried na tanong sakin
ni Jeydon. Umiling na lang ako at nag smile para
hindi ma siya mag alala. "Itabi mo, I'll drive."
"Sigurado ka?"

"Just trust me." sabay pakawala ng makamandag
niyang kindat. Na double dead na naman yung
puso ko.
Hininto ko sa gilid yung bump car namin tapos nag
palit kami ng upuan ni Jeydon.
Hinanap ko si red hair boy tska si blonde girl,
nakita ko sila sa likod namin. Mukhang babanggain
na naman nila kami, seriously? anong problema
nilang mag jowa? Naka drugs ata 'tong mga 'to eh
ang lakas ng trip. Hindi naman namin sila inaano
tapos umeepal sila samin.
"Hubby baka banggain na naman nila tayo."
"Subukan lang nila." sabay tawa. Ano kaya
binabalak niya? "Hindi nila kilala kung sino
kinakalaban nila." woo! go hubby ko.
Pagkalingon ko sa kanan nandun na sila red hair
boy at babanggain na nila kami. Pagka lapit nila
samin iniwas agad ni Jeydon yung bump car namin
kaya ayun na bangga sila dun sa pader. Pareho
silang nasaktan, si blonde girl parang nag uusok
na yung ilong at tenga sa galit. Kung nakakamatay
lang yung tingin kanina pa kami na murder dito ni
Jeydon.

"Tara? boring na dito eh." hinila niya ko palabas
dun. Mabuti pa nga, hindi maganda atmosphere
dito.
Sunod na ride naman na sinakyan namin yung
Anchors Away. Grabe mahilohilo ako dun, sumakit
lalamunan ko. Ang dami pa naming ride na
sinakyan na nakakatakot kasi ang tataas. May fear
of heights nga kasi ako. Si Jeydon naman nag
eenjoy daw pero kapag tinignan mo naman siya
habang naka sakay sa mga rides naka poker face
lang. Siya na yung hindi takot sa mga rides. Ako
nga sumasakit na lalamunan ko kakasigaw, puro
matataas na rides kasi trip niya
Nung ako naman pumili ng mga rides namin, pinili
ko yung hindi pang buwis buhay. Nag Ballon ride
kami, nag Go-Kart, Train ride tapos sa Swan lake.
Sobrang saya ko, sarap sa feeling na kasam ko si
Jeydon habang naka sakay sa mga rides na pinili
ko.
"Pagod ka na?"
Tumango ako tapos uminom ako ng tubig. Sino
kayang hindi mapapagod dun? Mas pagod pa ata
lalamunan ko kaka sigaw.
"Pahinga ka muna." pinatong niya yung ulo ko sa
balikat niya habang naka akbay siya sakin. Naka

upo lang kami dito sa may Victoria park. Pahinga
pahinga din pag may time.
"Hubby nag eenjoy ka ba talaga? eh naka poker
face ka naman palagi kapag nakasakay tayo sa
mga rides." natawa siya ng konti. Pati ba naman
tawa niya ang sexy pa din?
"Honestly hindi ako nag eenjoy sa mga rides, I find
it boring." napatingin ako sakanya tapos nag pout
ako.
"Sabi mo kaya nag eenjoy ka! Hindi naman pala,
ako lang pala nag eenjoy eh." sabay sad face.
"Nag eenjoy ako kapag nakikita ko yung reaction
mo. Haha sobrang nag eenjoy ako."
"Ah ganun? pinag tatawanan mo ko?" ang bad bad
niya huhu. "Hindi na tayo bati! Hmpf! dyan ka na
nga lang!" tumayo ako, ready na mag walk out
kaso hinila naman niya ko pabalik. Hindi ko
inaasahan yung susunod niyang ginawa.
He kissed me AGAIN.
De joke, expexted ko na talaga na hahalikan niya
ko! Kaya nga ako nag walk out kunwari eh.
"Yan bati na ba tayo?"

"Oo na, dinadaan mo ko lagi sa kiss mo." natawa
ulit siya, guilty siguro siya. "Siguro most wanted
ka na sa mga pulis."
"Ha bakit naman?"
"Ang galing mo kasi magnakaw ng halik eh."
"Matagal na akong nakakulong, dyan nga
lang sa puso mo."
Tinago ko yung mukha ko sa dibdib niya. Para na
naman akong tuod na kinikilig dito. Nakakainis
naman kasi kapag ganito ka sweet yung boyfriend
mo. Mahihiya yung asukal sa ka sweetan niya.
"Tama na nga masyado ka ng kinikilig dyan wifey.
Where should we go next?"
Nag hanap ako ng magandang sasakyan yung
hindi na buwis buhay. Rides hinahanap ko pero
dinala ako ng mata ko dun sa mga game booth.
Wow gusto ko yung aso na stuff toy nila. "Pusa!
dun tayo oh?"
"You want that dog stuff toy huh?" ngumiti ako ng
malapad sakanya. Hehe alam na alam na talaga
niya kung anong gusto ko. "Okey kukunin ko yan
para sayo."
"Yehey!" niyakap ko siya sa tuwa ko. "Tara na dali
hubby!" hinila ko siya agad dun sa game booth.

May mga figurines na gumagalaw paikot tapos ang
kaylangan mo lang gawin makapatumba ng
sampung figurines.
"Watch and learn." bumili siya ng sampung bala
pampatumba dun sa mga figurines. "I'll get that
dog for you."
"Go hubby!"
"Ikaw kelangan tira sampu, ikaw bigay ko etong
aso. Oke?" sabi nung intsik na may ari ng booth.
Tumango sakanya si Jeydon. Aba confident ang
hubby ko! ^__^
Nung unang tira niya hindi tumama. Okey lang
tinatansya pa siguro niya yung mga figurines.
Nung pangalawang tira wala pa din. Mabilis lang
siguro yung galaw ng mga figurines. Nung
pangatlo tska pang apat naman hindi pa din
tumama, okey.. baka naman hindi lang siya
sanay?
"Hubby kaya mo yan, relax ka lang."
"Aish! may daya ata 'to! dapat kanina pa ko nanalo
eh!" halatang frustrated na siya.
Nung pang lima na tumama din siya.
"Yun oh! Go hubby!"

Mukhang ginanahan siya kasi nakata tatlong tama
pa siya pero yung huling dalawa hindi pumasok.
Hindi din namin nakuha yung aso. Ang sad pero
okey lang ginawa ni Jeydon yung best niya. Kaso
sabi nga sa kanta, 'I guess his best wasn't good
enough.' haha.
"Sorry iho. Hende mo nakuha eh." parang nang
aasar pa si manong.
"Aish! badtrip!"
"Hubby okey lang. Bibili na lang ako na lang ng
ganyan sa mall mas maganda pa."
"No! I'll get that." nilabas ulit niya yung wallet
niya. Wag mong sabihin na iisa pa siya? "Manong
I'll try again." desidido talaga siya makuha yung
stuff toy na yun.
May bigla namang nag salita sa likod namin. "Ang
dali dali lang naman nyan!"
"Talaga honey bunch?"
"Hahaha! oo naman hindi ako katulad ng iba dyan
na hindi man lang naka limang tira. Kukunin ko
yung aso na yan para sayo honey bunch!" sigaw
ni, wah! si red hair boy na naman tska si blonde
girl. "Manong ako din kukunin yung aso."
"Kaso nauna na si Pogi sayo."

"Eh di sabay na lang kami." ang angas ng tingin
niya kay Jeydon. Epal din siya noh? nauna kaya
kami dito. "Ano panget?"
PANGET?! naririnig ba niya yung sarili niya? Si
Jeydon Lopez tinawag niyang panget?! Wow ha,
hiyang hiya naman si Jeydon sakanya. Eh mukha
nga siyang hito kung ikukumpara sa hubby ko eh.
Wala ata silang salamin sa bahay.
"Hoy ikaw ang kapal mo! umalis na lang kayo kasi
nauna kami dito!" susugurin ko na sana sila eh
kaso pinigilan ako ni Jeydon.
"It's okey wifey, I'm gonna win this for you."
Jeydon naman eh! hindi mo forte yan baka matalo
pa tayo.
"Who will shoot the ten figurines first will win.
Okey red boy?" pumunta siya harap ni red hair.
Kalmado lang si Jeydon habang kausap niya si red
hair pero nakakatakot siya. Ang tangkad pa naman
ng hubby ko tska mas malaki katawan niya
kumpara sa payatot na red hair na 'to.
"Si-sige." Hah! napalunok na lang siya sa takot.
Ano ka ngayon? Ang angas angas mo pa.
"Humanda ka lang sakin."

Bago sila mag simula na dalawa biglang dumami
yung tao sa paligid. Kinabahan tuloy ako bigla.
Hindi pa naman magaling dito si Jeydon. Sana lang
talaga hindi kami matalo.
Tinignan ko si blonde girl, naka tingin din pala siya
sakin. Ang sama ng tingin niya ah?
"Go honey bunch!" naka cheer siya sa boyfriend
niya pero sakin siya naka tingin with macthing irap
pa. Ahitan ko kaya siya ng kilay? kanina pa siya
eh.
"Go hubby!" syempre hindi ako papatalo.
Hinila ko muna si Jeydon papalapit sakin tapos
hinalikan ko siya. Nagulat si pusa sa ginawa ko
pero napangiti din siya.
"Yan power kiss para manalo ka."
"Thanks wifey."
Effective yung power kiss ko kasi nung unang tira
pa lang may napatumba na agad si Jeydon.
Kampante na sana ako kaso si red hair naka
dalawa ng figurines! Anak ng tinapa naman oh!
Kaya pala mayabang siya eh, magaling siya dito.
Kinabahan ako nung sumunod na tatlong tira ni
Jeydon hindi tumama. Si red hair boy nakaka walo
na agad?! kami nga mag lilima pa lang.

"Sabi sayo honey bunch eh, walang binatbat sakin
yang panget na yan." tumawa siya nang malakas
pati si blonde girl. Ang lakas ng tawa nila, asar na
asar na talaga ko sa mag jowa na 'to eh.
Tignan ko si Jeydon, seryoso siya. Hindi niya
pinapansin yung mga pang aasar ni red hair. Hindi
ko na lang din sila pinansin. Nag cheer na lang ako
sa hubby ko.
Nakakawalo na kami, dalawa na lang panalo na
kami. Kaso sila red hair naman nakaka siyam na,
isa na lang sakanila. Wah talo na ata kami.
"Just trust me."
Pagkatira ulit ni Jeydon, dalawa agad yung
napabagsak niyang figurines. Ibig sabihin?
"Wah! Panalo tayo! Hubby ang galing mo!" sa tuwa
ko niyakap ko si Jeydon. "I love you hubby!"
"Aba iho ang galing mo. Oh heto na yung prize
niyo."
Kinuha ko agad yung stuff toy na aso. Niyakap ko
siya, ang lambot tska ang bango pa. Ang saya
saya ko naman.
"Thanks hubby!"

"Sus! ang panget panget naman ng stuff toy na
yun. I'll just buy you something expensive honey
bunch."
Lumapit kay red hair si Jeydon. Napatingala na
naman siya kasi mas matangakad sakanya si pusa.
"Wag kang mag yayabang kung wala ka
namang tira."
"A-anong sabi mo?!" hinila ni pusa yung kwelyo ni
red hair.
"Feeling mo bad boy ka na nyan? Mangarap
ka na lang kasi mas bad boy pa din ako
sayo."
Binitawan din naman niya agad yung kwelyo ni red
hair. Bumalik siya sakin at hinawakan niya yung
kamay ko. Bago kami umalis dun tinignan niya ulit
si red hair boy.
"Kung panget ako, eh ano na lang tawag
sayo? baka pati yung salitang halimaw
masyado pang maging maganda para dyan sa
mukha mo."
Wahaha! "TIME!" Dinilaan ko nga silang dalawa.
Asar na asar silang dalawa samin ni Jeydon. Yan
buti nga sa inyo. Behlat!

Sa sobrang saya ko wala pa ko sa mood mag rides.
Si Jeydon naman gutom na kaya bibili daw muna
siya ng pagkain. Eto ako nag hihintay sakanya
habang nilalaro yung stuff toy ko. Ang cute niya,
kamukha niya si Cholo! hihi. Ano kaya ipapangalan
ko sakanya?
"What a coincidence nga naman." nag sisi ako na
inangat ko pa yung ulo ko. Sa lahat ba naman ng
makikita ko dito, siya pa? "Where's Jeydon?"
"Bumili ng food namin." umupo pa siya sa harap
ko. Hindi ko talaga feel na kasama siya.
"Iniwan ka niya? you know nung kami pa, never
niya kong iniwan. He always holds my hand. Takot
daw kasi siyang mawala ako sakanya."
Bigla ko na lang nahigpitan yung hawak ko dun sa
stuff toy ko. Ano bang gusto neto ni Kim? nang
aasar ba siya?
"Dito ba kayo nag date ngayon? alam mo kasi
kapag nag dadate kami, we always go abroad.
Nakakapag taka naman na dito ka lang niya
dinala."
Okey Candice kalma. Kumalma ka baka ma murder
mo bigla yan si Kim.

"Okey lang ba si Jeydon? lately kasi napapansin ko
malungkot siya. When he's with me palagi siyang
naka ngiti."
Weh? masaya siya? kaya pala nag break kayo?
HMP! echusera ka girl!
"Ah okey lang naman siya."
Sana naman makaramdam siya na hindi ako
komportable na pag usapan pa yung past nila ni
Jeydon.
"Alam mo dati lagi niya kong binibigyan ng letters.
Ang sweet ni Jeydon noh? Ginagawa din ba niya
yun sayo?"
Naalala ko yung sulat na nakita ko sa bahay nila
Jeydon. Ang sweet nga nung sulat na yun. Amp!
naiinis na talaga ako. Bakit pa ba niya kaylangang
ipamuka sakin yung mga ginawa sakanya dati ni
Jeydon?
"Hindi eh, wala siyang sulat na binibigay sakin."
"Oh I see. Maybe hindi na siya sweet tulad ng
dati."
Hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na kayang
tumahimik lang dito. Ayokong lumabas na
kawawa.

"Hindi ah sweet kaya siya. Alam mo pinigilan nga
niya yung engagement nila ni Stacey. Akalin mo
yun? sinuway niya yung daddy niya? Ang sweet di
ba?" Wala na kong paki alam kung may pagka
sarcastic yung pagkakasabi ko nun.
"He's always like that naman eh." ayaw talaga niya
magpatalo. "Ganon din siya sakin dati." tss parang
hindi naman. "I am even his fiancee back then."
"Ah talaga.." wala na akong masabi. Oo na talo na
ko sakanya. Eh di sila na mas sweet na dalawa.
"Wifey!"
Buti na lang dumating na si Jeydon. Hindi ako
komportable na kasama si Kim.
"What are you doing here?" ang sama agad ng
tingin niya kay Kim.
"Sinamahan ko lang si Tammy dito, may tour kasi
sila. Alam mo naman yung sister ni Troy madaling
ma bored kaya gusto kasama ako." close pala sila
ng kapatid ni Troy. Kaya ba ayaw sakin ni Tammy?
Tumabi sakin si Jeydon, pagkalagay niya ng food
namin sa mesa inakbayan niya ko. "Then why are
you talking to my wife?" nanlaki yung mata ni Kim.
"Wife? did the both of you already get married?!"

"Alam mo kasi si Kim para kay Jeydon, ako na
yung future wife niya kaya yun tawag niya
sakin. Sweet niya noh?" sinabayan ko pa nang
yakap kay Jeydon. Gusto kong tumawa sa
reaksyon niya. Halata kasing asar na asar siya.
"Oh I see. Sige I should go baka hinahanap na ko
ni Tammy." nag smile siya kay Jeydon pero nung
pag tingin niya sakin inirapan niya ko.
Isa lang napatunayan ko, mahal pa niya si Jeydon.
Si Jeydon kaya may nararamdaman pa kay Kim?
first love niya yun eh kaya imposible naman na
makalimutan niya agad yun.
"Okey ka lang?" hindi ako tumingin kay Jeydon.
Kinuha ko na lang yung pagkain na dala niya. "May
sinabi ba siya sayo?"
"May dapat ba siyang sabihin sakin?"
"Wala naman, akala ko lang may sinabi siya sayo
kaya ka nag kaka ganyan." ang dami niya kayang
sinabi sakin kung alam mo lang.
"Wala naman siyang sinabi, nabanggit lang niya
sakin kung gaano ka kasweet sakanya, kung gaano
kayo kasaya, kung gaano mo siya kamahal. Yun
lang naman nasabi niya sakin. YUN LANG."
Hindi pa din ako tumitingin sakanya. Mabuti pa
ikakain ko na lang 'to. Naiinis lang ako, masisira

lang date namin ngayon. Wala naman kasalanan si
Jeydon dito, epal kasi yung bitter na ex-girlfriend
niya.
"Hey.." hinawakan niya yung mukha ko tapos
hinarap niya sa mukha niya yung mukha ko. "Are
you jealous again?" hindi ako maka tingin sakanya.
"What if I am?" No I am, I am jealous.
"Tignan mo ko." tinignan ko naman siya. Naka
tingin na naman ako sa kulay brown niyang mata.
Unti unti niyang nilapit sakin yung mukha niya
tapos hinalikan niya ko.Halik na nagsasabi sakin
kung gaano niya ko kamahal. Tama nga
sila, actions speak louder words. Wala man
sinabi sakin na kahit ano si Jeydon, na kampante
na ko sa halik niya sakin. Nung kumawala na kami
pareho sa halik na yun, ginulo niya yung buhok
ko. "Jealous girlfriend."
"Hindi kaya!" slight lang naman eh.
"Haha! sabi mo eh. Hindi ka pa pala selosa sa
lagay na yan. Hindi talaga, Hindeeee." nangasar
pa. Oo na ako na selosa. Akala mo naman siya
hindi seloso.
Kumain na lang ako, lahat ng pagka badtrip ko
dahil kay Kim kinain ko na lang.

After namin kumain niyaya ko siya sa may
carousel. Akala ko aayaw siya pero pumayag din
siya. Para pa nga siya bata habang naka sakay dun
sa kabayo. Palagi ko siyang kinukuhanan ng
picture. Ang cute niya kasi para siyang bata.
"Ako naman pipili ng last ride natin." last na agad?
ang bilis naman ng oras. "We'll go to the Ferris
Wheel."
NO WAY! Takot ako sa mataas na lugar, eh hello?
ang taas kaya nyan.
"Ayaw."
"Please wifey?" nag puppy eyes siya. Para siyang
bata pero hindi, hindi ako bibigay. "Please?"
"Oo na sige." sabi ko hindi ako bibigay eh, hindi na
naman nakisama yung bibig ko. "Isang ikot lang
ah?"
"Yehey!" hindi ko napigilan na matawa. Ilang taon
na ba 'tong boyfriend ko na 'to? Six years old?
haha. "Tara na wifey!" Excited na excited siya
sumakay sa Ferris Wheel habang ako naninigas na
sa takot. Goodluck sakin.
Nung naka sakay na kami todo kapit ako kay
Jeydon. Basta hindi ako titingin sa baba. Isa pa
andito naman si Jeydon kaya hindi dapat ako
matakot.

"Look, ang ganda sa baba. Ang gaganda ng mga
ilaw. Saktong sakto gabi na. Isn't it beautiful
here?"
Unti unti akong tumingin sa baba habang sobrang
higpit ng hawak ko kay Jeydon. Oo nga ang ganda
nga sa baba, ang daming ilaw.
"Hindi na mag hihiwalay si mom and dad."
naplingon agad ako sakanya. "I know you said
something to my dad that made him stop the
annulment." hindi ko napigilan na mapangiti.
"Thank you." niyakap niya ko, ganun din ako.
Lahat ng takot at kaba ko napalitan ng saya dahil
sa narinig ko. Masaya ako para kay Jeydon at sa
pamilya nila.
"Masaya ako para sayo hubby." hinarap niya ko
pero naka sad face naman siya.
"If only I could do the same thing to your family."
ang lungkot ng mukha niya. "I'm sorry, I couldn't
do anything." hinawakan ko yung mukha niya.
"Sabi mo nga, everything is with reason di ba?
kaya wala kang dapat ihingi ng sorry. Ang
importante naman natuto ako tska naging matatag
ako." nawala na din yung lungkot sa mukha niya.
"Kaya sayo ako eh."

"At bakit?"
"Kasi nasayo na ang lahat." parang kanta lang
yun ah?
Tumigil kami saglit sa pinaka tuktok sabay naman
na may fireworks display. Sobrang ganda niya,
biglang nawala yung takot ko sa matataas.
Niyakap ako ni Jeydon mula sa likod ko habang
pinapanuod namin yung fireworks. Bigla na lang
kinanta ni Jeydon yung tadhana. Ang sarap
pakinggan, sinandal ko yung ulo ko sa ulo niya.
"Sinanay mo na ko na palagi kang nasa tabi
ko kaya hindi mo na ko pwedeng iwan
hubby." hinawakan niya yung kamay ko.
"Palagi lang akong nasa tabi mo. Ganon
naman talaga role ni Prince Charming sa
Prinsesa niya di ba?" humarap ako sakanya.
"Promise?"
Hinawakan niya ng dalawang kamay niya yung
mukha ko, unti unti niyang nilapit yung mukha
niya. Pinikit ko yung mga mata ko pagkatapos
naramdaman ko na yung mga labi niya sa labi ko.
It was indeed a passionate yet a sweet kiss from
him. This is another perfect moment for the both
of us.
"Promise dito lang ako sa tabi mo."

Kung sa kanta eh letter, samin naman A PROMISE
THAT IS SEALED WITH A KISS.

79: Championship game

CANDICE POV

*ding dong*
Ang aga naman ata ni Lucas? akala ko mamaya pa
siya pupunta sa bahay. Makapasok na nga din tutal
nandito na naman siya eh.
"Mama alis na po ako!"
"Sige anak, ingat ka!"
Pumunta muna ako sa kwarto ni kuya Charles baka
gising na siya kaso wala eh tulog pa. Seryoso pala
talaga siya na kaylangan DAW niya ng madaming
tulog kasi championship game na ng basketball
mamaya. Sabihin niya napuyat siya kagabi
kakabantay samin kung anong oras kami uuwi ni
Jeydon galing EK. Ang daya nga eh porket excuse

sila ngayon sinasamantala naman niya. Huhu
gusto ko din ma excuse eh, inaantok pa ko.
Lumabas na ko ng bahay tapos binuksan ko yung
gate.
"Lucas ang aga mo--" uh oh, hindi pala si Lucas
yung nag doorbell. "Hubby! akala ko ba mamaya
ka pa papasok?" ang sama ng tingin niya sakin.
Huhu! patay ako neto, hari pa naman ng selos 'to.
"Gusto kasi kita kasabay pumasok kaya maaga ako
papasok ngayon." hindi naman siya mukhang galit.
"Wow ang sweet naman ng hubby ko! hehe sige
tara na!" hinawakan ko yung kamay niya tapos
hinila ko na siya paalis pero hindi naman siya
umaalis sa pwesto niya.
"Mabuti pa hintayin mo na lang si Lucas dito tapos
kayo na yung sabay pumasok." sabay walk out.
Psh! walk out king talaga siya.
Eh ikaw naman kasi Candice! sino bang hindi mag
seselos dun? Hay kung ako din yun magagalit ako.
Wah! Jeydon naman kasi eh! sabi niya mamaya pa
siya papasok. Hinabol ko na lang siya, grabe ang
bilis niya maglakad ah. Takbo na yung ginagawa
ko tapos siya naglalakad lang. Mas mabilis ba yung
pusa kesa sa aso?

"Hubby!" hindi niya ko nilingon. "Uy hubby naman
teka lang!" ayaw pa din niya ko lingunin. "Hot
pusa!" Ayaw mo talaga lumingon ah? Ah alam ko
na! Ayaw mo talaga ako pansinin? "Aray! Aray!
ang sakit."
Nagpanggap ako na sumasakit yung tyan ko.
Umupo pa ko sa sahig para kapanipaniwala. Best
actress lang ang peg. Hindi naman ako nabigo kasi
nilingon niya na ko tapos lumapit pa siya sakin.
Haha! hindi mo din ako matitiis Jeydon.
"Wifey anong masakit?" alalang alala siya sakin.
"Ano? Anong masakit sayo?"
"Eto oh masakit." tinuro ko yung puso ko.
"Sumasakit kasi hindi mo ko pinapansin."
"Aish! wag mo na nga ulitin yan! Akala ko totoo
na, pinag alala mo ko!" ikaw kasi eh! snob mo ko.
"Yun lang naisip ko para pansinin mo ko." tinayo
niya ko tapos niyakap niya ko. Eh ano ba Jeydon!
wag naman dito sa gitna ng kalsada. Hehe joke.
"Sorry, nag selos lang talaga ko."
"Sorry din hubby! kaya ko lang naman ineexpect si
Lucas kasi.." wah! hindi ko pwedeng sabihin!
"Basta hehe.." ngumiti na lang ako sakanya.

Hindi siya nag sasalita, nakatitig lang siya sakin.
Naka poker face lang siya. Ihahanda ko na yung
sarili ko, baka magalit na naman siya.
"I trust you."
"You trust me?"
"I love you that's why I trust you."
"Huhu! I love you hubby!"
Hindi niya ko sinagot. Hinalikan na lang niya ko.
Ganyan ka ba mag I love you too Jeydon?
"Pambihira naman oh!"
Napalayo agad kami ni Jeydon sa isa't isa. Nilingon
namin kung sino yung nagsalita.
"Ang aga aga ang sweet niyo ng dalawa? baka
anayin kayo niyan ah." lumapit sakanya si Jeydon
tapos binatukan siya.
"Panira ka din ng moment." napakamot na lang ng
ulo si Jeydon. "Bakit ang aga mo ha Troy?"
"Wala na kasi si Ginno at Six sa team kaya
kaylangan kong praktisin yung dalawang bago
natin. Tska si coach eh kaylangan expertise ko."
wow nagising talaga siya ng maaga para lang dun?
dedicated siya masyado sa game mamaya. At
anong sabi ng expertise niya? "Hindi ko pa tuloy

makakasabay si Tiffany. Mamaya pa kasi siya
papasok eh."
Siguro gumagawa na si Tiffany ng banner para kay
Troy. Si Lucas kaya gumagawa na ngayon ng
banner para kay Jeydon? Gusto ko sana ako
gumawa ng banner kaso hindi ako pwedeng hindi
pumasok. Huhu! bakit kasi ngayon pa ako mag
rereport.
"Wifey anong nangyare sayo? bakit parang
natulala ka?" na pre-occupied pala ko. "Baka
mamaya may masakit talaga sayo?"
Nilapitan ako ni Troy, kinapa niya yung noo ko
para tignan kung may lagnat ba ko. "Wala ka
naman lagnat, anong masakit best friend?" hinila
naman siya ni Jeydon palayo sakin.
"Ako boyfriend di ba Troy? Ako?"
"Kahit kelan selfish ka talaga. Boyfriend ka lang!
best friend naman ako. Ang best friend hindi nag
hihiwalay."
"Mas mahal niya ko!"
Hindi pa din sila nag babago. Kahit kelan naman
talaga oh.
"Tumigil nga kayong dalawa! Gutom lang 'to."
hindi pa pala ako kumakain.

"Ano ka ba naman best friend? baka mamaya mag
ka sakit ka nyan. Jeydon naman ginugutom mo si
Candice eh."
"Alam kong binubusog kita sa pagmamahal ko
pero hindi mo pa din dapat ginugutom yang tyan
mo."
Hinila niya agad ako papasok sa loob ng school.
Napakamot ulo na lang si Troy saming dalawa.
Dumeretso kaming dalawa sa canteen. Bumili siya
ng napaka daming pagkain akala mo naman may
fiesta.
"Kumain ka ng madami, you'll gonna need that
later." nilapag niya yung mga pagkain sa harap ko.
Akala mo naman wala ng bukas. Alam ko matakaw
ako pero hindi naman ako PG eh. "Kaylangan
madami kang lakas para makapag cheer ka sakin
ng maayos."
"Don't worry hubby, aayusin ko yung pag cheer ko
sayo."
Kung alam mo lang nag patulong pa talaga ako
kay Lucas para gumawa ng banner. Buti na lang
binilin ko din kay mama yung about dun sa banner
na yun. Eto naman kasing seloso kong boyfriend
eh, nag tampo na naman. Yan tuloy hindi ko

naabutan si Lucas sa bahay. Bahala na sila mama
dun.
Sa dinami dami ng pagkain na binili ni Jeydon na
akalain mong naubos ko yun? Muntik muntikan pa
ko ma late sa first subject ko. Ang bilis kasi ng
oras kapag kasama mo yung mahal mo.
Buti na lang talaga girls scout ako kaya handa ako
sa report ko kahit wala na gaanong time makapag
prepare. Nung nag lunch na hindi ako dumeretso
sa tambayan nila Jeydon. Wala kasi yung apat
dito, nandun na siguro sila sa sports complex. Si
Tiffany naman wala pa din, hindi pa din ata tapos
sa banner niya. Mag isa tuloy ako ngayon na
kumakain.
"Girls nakita niyo ba yung babae kanina?" nag
kumpulan yung powerpuff girls sa harap ng upuan
ko.
"Ano ka ba Anne, hindi mo ba siya kilala? Siya lang
naman si Kim." biglang lumaki yung tenga ko sa
narinig ko.
"Siya yung dating fiancee ni Jeydon di ba
Blossom?" hindi ako nakatingin sakanila. Nakayuko
lang ako sabay nguya sa kinakain ko.
"Oo siya nga, alam niyo balita ko mahal na mahal
daw siya ni Jeydon dati. Hindi ko nga alam kung

bakit sila nag hiwalay eh." hindi ko maiwasan na
mainis. Nanadya ba talaga sila? pag usapan daw
ba sa harap ko?
"Muntik pa nga daw mag suicide si Jeydon dati
nung nag hiwalay sila ni Kim." mag suicide?
parang hindi ko alam yun ah.
"Ganun ba katindi yung pagmamahal ni Jeydon kay
Kim noon? true love siguro nila yung isa't isa."
alam kong may halong pang aasar yung mga tono
ng boses nila. Loko 'tong mga 'to.
"Sino ba namang hindi magmamahal ng ganun kay
Kim, eh sa ganda ba naman niyang pang dyosa?"
eh di siya na yung dyosa!
"Hindi ko nga alam kung bakit biglang bumaba
yung taste ni Jeydon sa mga babae. From a Swan
to an ugly duckling."
Pagka angat ko ng ulo ko para tignan silang tatlo,
naka tingin na pala sila sakin! Pinaparinggan talaga
nila ko ah. Sasagutin ko na dapat sila kaso may
bigla namang nagsalita.
"Sa inyo pa talaga nanggaling yung salitang ugly
duckling? Haha pinapatawa niyo ba ko?"
Pumunta siya sa harap ng powerpuff girls. Tinignan
niya yung tatlo mula ulo hanggang paa. Hanggang
ngayon nakakatakot pa din yung tingin niya.

"Ikumpara niyo nga yung mga mukha niyong puro
retoke sa mukha ni Candice? Baka pati yung
salitang panget hindi pa din mag fit sa description
ng mukha niyo."
Halatang nagulat yung tatlo sa ginawa niya kahit
din naman ako eh. Napanganga pa ata ako sa
ginagawa niya ngayon eh.
"Kung ayaw niyong pag tripan kayo ng mga alagad
ko, better shut your mouth. Umalis na kayo sa
harap ko! Ang papanget niyo!"
Umalis naman agad yung tatlo sa harap namin.
Grabe talaga siya, bilib na talaga ako sakanya.
Kaso bakit kaya ganun? pinag tanggol niya ko? ay
hindi! inaway ka niya! haha.
"Stacey, salamat sa pag tanggol sakin." hindi siya
maka tingin sakin.
"Ha? a-anong pinag tanggol ka dyan!" hindi siya
mapakali napapahawak pa siya sa leeg niya.
"Sabi ko nga hindi mo ko pinag tanggol eh."
"Hindi naman talaga eh! Ayoko lang na may ibang
nag mamaldita dito maliban sakin. Isa pa between
you and Kim mas gusto kita para kay Jeydon."

Okey napanganga na talaga ako sa sinabi niya.
Hindi ko inexpect na sasabihin ni Stacey yan sakin.
Wah! maiiyak na ba ako? na touch ako eh.
"Isara mo yang bunganga mo baka pasukan
ng langaw."
"Alam mo panira ka talaga eh! ang ganda na sana
ng scene natin. Ayun na yun eh." tumawa siya
pero hindi na tawang pang witch. Bago pa siya
makalayo humarap ulit siya sakin.
"Hoy Candice! payag na kong maging mag
kaibigan tayo pero tandaan mo mas maganda pa
din ako sayo!" nag behlat siya sakin tapos umalis
na siya.
Bastos din 'to si Stacey. Hindi man lang ako pinag
salita, bakit payag din ba ko na maging mag
kaibigan kami? syempre oo payag ako. Malaki na
naman yung pinag bago ni Stacey. Kahit si Tiffany
sinasabi sakin yun. Meron akong pakiramdam na
masaya din maging kaibigan si Stacey. Wish ko
lang maging mag kaibigan na talaga kami.
"Candice!"
"Oh Tiffany? tapos ka na sa banner mo?"
"Oo tapos na pero teka bakit ka kinausap ng sister
ko? Inaway ka ba?" natawa lang ako sa tanong ni
Stacey. "Bakit ka tumawa?"

"Eh kasi naalala ko yung ginawa ni Stacey kanina.
Pinagtanggol niya ko dun sa powerpuff girls"
nanlaki bigla yung mata ni Tiffany.
"OMG! Hindi ako makapaniwala pero masaya ako
ay bumabait na siya."
"Oo nga eh, ang tao nga talaga pwedeng mag
bago ng biglaan."
"I hope mag tuloy tuloy na yun. Nga pala punta na
tayo sa sports complex, mag sisimula na yung
game." hinihila hila pa niya yung kamay ko.
Naalala ko sakanya si Troy, nahawa na ata
sakanya si Tiffany.
"Wala na bang klase?"
"Wala na! kaya tara na! dali!"
Inubos ko agad yung pagkain ko tapos pumunta na
kaming sports complex.

--

"Boo asan na yung banner ko?"

Nilabas ni Tiffany yung banner na ginawa niya.
May picture ni Troy tapos may nakalagay na 'GO
CUTE AND HANDSOME TROY'. "Tadah!"
"Wow boo ang ganda! ang sweet sweet mo talaga!
I labsss you!" Sabay kiss sa harap namin.
Tinignan ko si Jeydon, naka tingin lang siya sakin
na parang may hinihintay. Oo alam ko hinihintay
niyang ilabas ko yung banner na ginawa ko. Wala
pa kasi si Lucas eh, asan na ba kasi yung lalaki na
yun?
"Troy and Jeydon, mag start na yung game."
tawag sakanila ng coach nila.
Ngumiti sakin si Jeydon pero alam kong
disappointed siya sakin. "I have to go." Wah!
Jeydon sorry! Huhu patay ka talaga sakin Lucas.
Ang ganda pa naman ng design nun. May drawing
na doraemon tapos may aso na naka cheer dun sa
pusa na nag slam dunk. Todo effort ako nun ah!
Dinrawing ko yun sa iPad tapos si Lucas yung
tatapos tska mag pi-print.

--

Nakakakaba na talaga. Fourth quarter na pero
lamang pa din yung kalaban. Hindi nga ata
lumamang yung Blue Dragon basketball team kahit
isa. Malaking kawalan nga talaga si Ginno sa team.
Magaling din naman yung bagong member ng
team, si Mir kaso hindi pa kasi niya alam yung
galaw nila Jeydon. Pagod na pagod na din si Marky
tska Jeydon. Ayaw naman nila magpapalit kasi
hindi pa daw gaanong magaling yung mga reserve
players nila. Hindi katulad dati na nakakapalitan
nila si Six. Ang hirap pala kapag biglaan nawala
yung mga inaasahan mo. Hirap na hirap tuloy yung
team ngayon. Ang lakas lakas na nga ng hiyawan
at cheer ng team namin parang home court na nga
namin 'tong court eh. Nagsama sama na din lahat
ng mga fangirls nung APAT, join forces na at lahat
pero wala pa din eh.
"Candice kulang pa ata yung pag cheer natin eh!
pinabaunan ko naman si Troy ng power kiss
kanina." napakamot ulo na lang si Tiffany, maya
maya naka shoot si Troy. "Kyaaaaa! Go boo! Ang
galing galing mo! I love you!"
Hindi pa din pala naalis sakanya yung pagka
number one super fangirl ni Troy. Mas kinilig pa si
Tiffany nung tumingin sakanya si Troy tapos nag
flying kiss. Ang sweet talaga nila sa isa't isa.
Minsan kinikilig pa ko sa mga kalokohan nilang
dalawa.

"Ikaw hindi ka mag cheer kay Jeydon?" bulong
sakin ni Lucas.
Buti dumating siya after ng first quarter kasi kung
na late pa siya ng konti, sasakalin ko na talaga
siya.
"Hindi na, nakakahiya eh."
Nasa taas kami naka pwesto para daw mas kita
kami ni Jeydon at Troy. Para din mas kita yung
mga banner namin. Talong talo nga mga banner
nung mga fangirls dito. Akala mo president kami
ng fans club. Hindi naman kami nag effort noh?
hehe. Ganon siguro talaga kapag supportive
girlfriend.
Nasa team na naman yung bola. Hawak ni Marky
yung bola, automatic todo tili yung mga fangirls
niya. Dalawa yung naka bantay sakanya kaya
pinasa niya kay Jeydon. Matangkad tska malaki din
yung nag babantay sakanya pero walang pakialam
yung hubby ko, dunk kung dunk. Sakuragi ikaw ba
yan? hehe. Pagka dunk ni Jeydon sabay naman
hiyawan sa buong court. Yung mga babae, kilig na
kilig. Papatalo ba naman ako?
"KYAAAA! ANG GALING GALING MO JEYDON!
ANG POGI MO! I LOVE YOU SUPER DUPER
HUBBY!"

Nung natapos na ko sa kabaliwan ko napansin ko
na nakatingin na pala sakin yung mga tao.
Napalakas ata pag cheer ko? hehe. Sorry naman
po nadala lang ng damdamin.
"Nahihiya pala ah?" hinamapas ko nga si Lucas,
kainis siya inasar pa talaga ko. "Haha tignan mo si
Jaydee oh."
Tinignan ko sila sa baba, nag time out pala yung
kalaban. Kaya eto si Jeydon naka tingin sakin.
Tawa siya ng tawa sakin pati sila Kuya Charles.
Sigeeee! pagtawanan niyo pa talaga ko. Maganda
yan eh! napahiya na nga ako.
"Candice, mas fangirl ka pa pala sakin." isa pa 'to
si Tiffany eh. Sige magsama sama kayo ha.
Namumula na nga ako dito sa hiya.
Bago sila bumalik sa field nag ka tingin ulit kami ni
Jeydon. Nag flying kiss siya sakin, sinalo ko naman
hehe. Ang laki ng ngiti niya, nag heart sign pa siya
sakin tapos kinindatan pa ko. Buiset na pusa 'to?
bakit kaylangan niyang maging sobrang HOT?
"Ayieee! kinikilig ako sa inyong dalawa." kinikilig
nga talaga siya, lakas mangurot eh. Ouchy lang
ah, huhu Tiffany talaga. Kapag kinilig siya expect
mo ng may kurot siya.
"Haha! nakakatawa talaga."

Oo nga Lucas eh, kanina ka pa tawa ng tawa dyan.
Hiyang hiya naman ako sayo! Ganyan yan eh.
"Ewan ko sa inyo Lucas at Tiffany! lakas niyo mang
asar! Mabuti pa makapag rest room na nga lang."
Tawa ng tawa yung dalawa. Mag sama kayong
dalawa mga taksil! Kaylangan ko munang umalis
dun, nakakahiya talaga yung ginawa ko. Yung
feeling na todo sigaw ka with kilig factor ka pa
tapos lahat pala naka tingin na sayo. Epic fail
talaga.
Habang nasa cubicle ako may pumasok na mga
babae, ay malamang? pang babaeng rest room 'to
eh. Ano ba yan hindi na nag fu-function ng
maganda yung utak ko.
"Ang laki na nang pinagbago ni Jeydon noh?" dahil
narinig ko pangalan ni Jeydon, nag stay muna ko
dito.
"Naalala ko pa nung mga first year tayo, totoy pa
siya pero gwapo na talaga siya." Si Jeydon ko kaya
yung pinag uusapan nila?
"Sayang talaga nag break sila ni Kim noh? Ang
saya saya pa naman nila dati. Halos hindi mo nga
sila mapag hiwalay eh." Si Jeydon nga at eto na
naman yung mga naririnig ko. Kim at Jeydon love
story na naman. Coincidence ba 'to?

"Oo nga eh, andito nga si Kim eh. Sinusuportahan
niya pa rin si Jeydon."
"Mahal pa din niya si Jeydon, eh si Jeydon kaya
mahal pa din si Kim?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Mahal pa nga ba ni
Jeydon si Kim? Sabi ni Jeydon hindi na pero totoo
kaya yun? o ayaw lang niya na masaktan ako
kapag sinabi niya yung totoo?
"May girlfriend na si Jeydon ano ba kayo? yung
Candice." sabay sabay silang nag 'Ah'.
"Pero malay mo naman kahit may girlfriend na
siya, mahal pa din niya si Kim deep inside. Nakita
ko nga silang nag usap kanina eh."
"Alam niyo tara na baka malapit na matapos yung
game. Nag hihiyawan na sila oh."
Lumabas agad sila ng rest room kaya lumabas na
din ako sa cubicle. Napatingin ako sa salamin. Ano
bang panama ko kay Kim? Eh mas maganda at
mas sexy naman siya kesa sakin. Tska bakit nag
usap sila ni Jeydon kanina? parang kinabahan tuloy
ako. Na realize kaya niya na mahal pa din niya si
Kim? pwede naman yun di ba? Posibleng mahal
niya ko tapos mahal din niya si Kim.

Hindi ako nag dududa sa pagmamahal sakin ni
Jeydon pero sa totong nararamdaman niya para
kay Kim, hindi ako sigurado.
Ano ba yan! kung ano anong pinag iisip ko kay
Jeydon. May tiwala siya sakin kaya dapat mag
tiwala din ako sakanya.
Bumalik ako sa court, tie na yung score. Nakita ko
si Jeydon, mukhang pagod na pagod na talaga
siya. Kawawa naman yung hubby ko, pawis na
pawis pa.
"Bakit ngayon ka lang? kanina pa tingin ng tingi
dito si Jeydon eh, hinahanap ka." yan agad bungad
sakin ni Tiffany.
"Pumunta ka sa bench nila mag time out yang mga
yan mamaya." utos naman sakin ni Lucas.
Nakipagsiksikan ako sa mga tao para lang
makapunta sa bench nila. Mabait naman yung
coach nila kaya pinayagan ako na mag stay dito
dapat kasi bawal ibang tao dito. Nag time out na
yung coach nila.
Pag balik pa lang nila sa bench lumapit na agad
sakin si Jeydon tapos niyakap niya ko ng sobrang
higpit. Dinig na dinig ko yung pag hinga niya,
parang hinihingal na nga siya eh. Pagod na pagod
na talaga siya.

"Pa charge ah. Pagod na ko eh."
"Kaya mo pa ba?" habang sila Kuya Charles
nakikinig sa coach nila kung anong gagawin, kami
naman ni Jeydon nag mo-moment dito.
"Andyan ka kaya kakayanin ko." hinarap niya ko,
nakita ko yung mukha niya medyo okey na
kumpara kanina. Wag mong sabihin na nakakapag
charge talaga siya ng energy sakin? "I like your
banner, thanks wifey."
"Nag effort talaga ako para dun tska kaya ko
inbangan si Lucas kasi sakanya ko pinatapos yun."
"Thanks best girlfriend." hinalikan niya yung noo
ko tapos tinawag na ulit sila. "We will win this.
Watch and learn." kumindat siya sakin na parang
hindi na siya pagod.
Pagbalik nila sa game last two minutes na lang.
Kinakabahan ako pati sila coach.
Nag tandem ulit si Marky at Jeydon sa laro. Ang
power duo na JeyKei. Si Jeydon yung pupuntos, si
Marky naman sa assist. Nag fake ng jump shot si
Marky tapos pinasa niya kay Jeydon. Walang nag
babantay kay Jeydon kaya nakapag three points
siya. Ang galing din nila kuya Charles at Troy kahit
si Mir. Ang liksi ni Troy, palagi siyang may dala ng
bola. Si Kuya at Mir naman sa rebound. Lumamang

na sana kami pero ang daya nung kalaban kasi
sinisiko nila lahat ng binabantayan nila. Kainis nga
yung mga referees kasi hindi man lang
tinatawagan ng foul. Hindi naman nagpatinag sila
Jeydon kaya sa huli kami pa din yung panalo.
Grabe sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao. Nag
sibagsakan yung mga confetti. Nag kumpulan sila
sa gitna. Inabot nung sports organizers yung mga
medal tska trophy nila pati na din sa first at second
place.
At yung napili naman na MVP, walang iba kung
hindi ang aking hubby. Nung i aaward na sakanya
yung medal niya nilapitan niya ko tapos hinila niya
ko. Nung sinuot sakanya yung medal tinanggal
niya yun pagkatapos sinabit niya sakin.
"Para sayo yang MVP medal ko."
Namumula na ata ako, lahat kasi ng mga tao sa
paligid inaasar kami.
"Yes MVP ng buhay ko."
"Hoy! Ang korni niyo!"
"Tama na nga yan! Kaumay na!"
Sabi ni Kuya Charles tska Marky. Hmp! bitter lang
sila! wahaha.

Nag picture picture muna kami. Kasama na din
namin si Lucas at Tiffany. Ang saya namin, buong
school masaya din pati mga school officials.
Syempre number one lang naman yung basketball
team nationwide.
After ng game nag sama sama yung team.
Dumeretso kaming lahat sa bahay este mansion
nila Jeydon para mag celebrate. Inaasahan na ba
talaga nila na mananalo yung team at talagang
may handa agad? Paano na lang pala kung talo?
wahaha epic fail yun.
Pag dating namin sa loob ang daming handa.
Mabubusog na naman ako neto eh hehe. Masaya
na sana eh kaso..

"Congratulations!"

Dumating pa siya.
80: Past vs Present

LUCAS POV

"Congratulations!"
Halos lahat kami natigilan nung siya yung
bumungad samin. Anong ginagawa niya dito? Mas
mabuti sigurong itanong, anong binabalak niya at
nandito siya?
"Para naman kayong nakakita ng multo?" ang
lapad lapad ng ngiti niya. Hindi maganda yung
kutob ko. "Hi Jeydon! oh hello Candice."
Napatingin ako kay Candice. Halata naman na
naiilang siya pero ngumiti pa din siya. Si Jeydon
naman hindi maipinta yung mukha. Panigurado
akong naiinis siyang makita siya dito.
"Anong ginagawa mo dito Kim?!" galit na galit na
tanong ni Jeydon.
Bigla namang dumating si tito Dave. "I invited him
Son. Wala namang masama hindi ba? She's been
friends with the four of you right? He's even your
ex girlfrie--"
"Dad enough. Guys dun muna kayo sa dining."
Sinamahan ni Sunny sila Candice papuntang dining
area. Hindi ako sumunod, gusto kong makausap si
Kim.

Nung wala na sila Candice, nagsalita na ulit si
Jeydon. "Ano na naman bang binabalak niyo dad?"
naka tago lang ako habang nakikinig sa usapan
nila.
"I just invited Kim here, is there something wrong?
palagi naman siyang nandito sa bahay dati." Noon
pa naman, botong boto na si tito Dave kay Kim.
Kaya hindi talaga maganda yung naiisip ko.
"Dad! nakaraan na yun! move on!"
"Tito it's okey kung ayaw ni Jeydon, aalis na lang
ako. Ayoko din naman na mailang sila Candice
sakin."
"No Kim ija, you'll stay here. Pamamahay ko 'to
kaya ako ang masusunod dito."
Hinawakan ng mahigpit ni Jeydon si Kim sa braso.
"Ano bang kaylangan mo ha Kim?!"
"Nagpatulong sakin si tito Dave na ayusin yung
celebration party na 'to. That's all, wag ka ngang
OA oppa." sinungaling, kilala na kita Kim at alam
kong hindi ka susuko. "Akala ko ba friends na
tayo? akala ko napag usapan na natin yan kanina."
nag usap sila kanina? Alam kaya yun ni Candice.
"Fine whatever. Basta tandaan mo, wag kang
gagawa ng kahit anong masama lalo na kay
Candice."

Umalis na si Jeydon. Nag stay pa din ako dito,
hinihintay kong umalis si tito Dave pero nag uusap
pa ata sila ni Kim. Hindi ko naman talaga gustong
makinig sa usapan nila pero gusto kong malaman
kung anong pinaplano nila.
"Kim don't worry, he'll gonna realize that he's still
inlove with you."
"I know he's still inlove with me. It's just that
Candice is confusing him. No need to worry, I can
wait for him tito." sabi na nga ba eh. Hanggang
ngayon ba naman mahal pa din niya si Jeydon?
Hindi na ba siya nahiya? pagkatapos ng ginawa
namin?
"I have to go ija. Feel at home, okey?"
Narinig ko na yung mga paa ni tito Dave na paalis.
"Lumabas ka na dyan, alam kong nandyan ka."
Wow ha, alam pala niyang nandito ako, ang lakas
talaga ng radar niya. Lumabas ako at hinarap ko
siya. May ngiti na agad sa mukha niya, hindi ko 'to
gusto.
"Don't worry wala akong evil plan if that's what
you're thinking."
"So you don't consider having Jeydon back an evil
plan?"

"Sakin naman talaga siya eh, kukunin ko lang yung
sakin." nilapitan ko siya tska ko hinawakan ng
mahigpit yung kamay niya.
"Kung ano man yang plano mo Kim, mabuti pa
itigil mo na yan."
"Bakit ba palagi ka na lang nakiki alam ha Lucas?"
inalis niya yung kamay ko sa kamay niya. "Are you
doing this for Jeydon or for Candice?" may
malapad na ngiti na naman sa mukha niya. "Oh I
see, you like Candice?" tumawa siya ng malakas.
"Shut up. Kung gusto ko man siya hindi na
importante yun. I care for the both of them." Oo
totoo yun, pareho ko silang iniisip.
"Hindi ka na ba nadala Lucas? pagkatapos mo
akong ahasin kay Jeydon? ngayon gusto ulit ng
part two?"
"Ikaw hindi ka ba nahihiya? pagkatapos mong
lokohin si Jeydon may gana ka pang agawin siya
kay Candice? Gaano ba kakapal at katigas yang
mukha mo Kim?" may galit sa mukha niya ngayon.
Nasapul ko siguro siya dun.
"Kung makapag salita ka akala mo hindi mo din
siya niloko. Lucas para ipaalala ko sayo, pareho
natin siyang niloko." hindi ko maiwasan na
magalit. Ayoko ng maalala pa yun. Isa yun sa

pinaka pinag sisihan ko. "Haha! ano? na realize
mong tama ako?"
"Oo, niloko ko siya. Inakit mo ko noon at nag pa
akit ako. Masaya ka na? pero matagal ko na yun
pinagsisihan." kung galit ako mas galit siya.
"Pinagsisihan ko na din naman yung nagawa ko
ah!" muntik na akong matawa.
"Huli ka na Kim."
"Lucas I know you like her. Wag ka kang mag paka
martir." loko talaga 'tong babae na 'to. Kung ano
ano yung pinag sasabi. "I like Jeydon and you like
Candice."
"Wag mo akong idamay sa binabalak mo."
Nilapitan ko siya, tinulak ko siya papunta sa pader.
Tinignan ko yung mata niya. Hindi ako
makapaniwala na minsan akong nag ka gusto
sakanya. Nag tatapang tapangan lang siya pero
kita ko naman na natatakot din siya. Hinawakan ko
yung braso niya.
"Eto ang tandaan mo, wag na wag mong gagawan
ng masama si Candice kasi kung hindi.."
"Kung hindi ano?!" inaalis niya yung kamay ko sa
braso niya pero mas lalo ko lang hinigpitan yung
paghawak ko. "Bitawan mo nga ko!"

"Gagawin ko sayo, kung anong ginawa ko three
years ago."
Nanlaki yung mata niya, binitawan ko na din yung
braso niya. Alam kong matatakot siya sa sinabi ko.
Mabuti pa maka alis na, na iinin lang ako sa pag
mumukha ni Kim.
"Lucas nagmamahal lang naman ako eh..
kasalanan ko ba yun?"
"Hindi yan pagmamahal. Niloko mo siya."
hinawakan niya yung kamay ko para pigilan akong
umalis.
"Oo na mali ako. Na bored ako sa relasyon namin
ni Jeydon dati kaya nakipag flirt ako sayo. Akala ko
naman kasi okey lang kay Jaydee yun kasi alam ko
naman na mahal na mahal niya ko pero nagkamali
pala ko." inalis ko yung kamay niya pero ayaw
niyang magpa pigil. Natigil lang kami nung
dumating si Jeydon.
"Na bored ka? Yun ba yung dahilan mo?" hindi
makapaniwala si Jeydon. "After all this years,
gusto kong malaman yung dahilan mo Kim
kung bakit mo ko niloko tapos malalaman ko
na bored ka lang? eh t*ngina pala eh."
Lumapit naman si Kim kay Jeydon. Bigla na lang
siyang lumuhod sa harap ni Jeydon.

"I know it's all my fault. I'm so stupid for doing
that to you. Please forgive me Jeydon."
"Matagal ko na yung kinalimutan. Matagal na
kitang kinalimutan." Tinayo ni Jeydon si Kim.
"I know we've already talk about this awhile ago
but I still love you oppa."
"Mahal mo ko, pero niloko mo ko." umiiyak na si
Kim, naka tayo lang ako sa harap nilang dalawa.
"Tama na Kim, mahal kita pero dati yun. Si
Candice na yung mahal ko."
"Kung hindi ko ba ginawa yun? will you still love
me? will you oppa?"
Ngumiti si Jeydon sakanya.
May narinig akong ingay sa hallway. Nakita ko
yung likod ni Candice. Kanina pa kaya siya
nakikinig? Narinig kaya niya lahat? Hindi yun
napansin nila Jeydon at Kim.

"Stop it Kim, whatever happen I'm still not
gonna love you because I know I'm destined
to love Candice."

--

CANDICE POV

"Kung hindi ko ba ginawa yun? will you still love
me? will you oppa?"
Ngumiti lang siya kay Kim.
Anong ibig sabihin nun? Silence means yes? Yun
ba yung ibig sabihin ni Jeydon? parang may
kumikirot sa puso ko. Umalis na lang ako dun.
Hindi ko kaya makita na magkasama silang
dalawa. Mamaya may marinig pa ko na hindi ko
gusto.
Paano nga kaya kung hindi niloko ni Kim si
Jeydon? Malamang hanggang ngayon sila pa din.
Hanggang ngayon nag mamahalan pa din sila.
Baka nga kasal na sila ngayon, engaged na sila
dati eh. May inis akong nararamdaman. Nag
seselos kaya ako? Eh sino bang hindi? Mas nauna
siyang minahal ni Jeydon.
At bakit sila nag usap kanina? Ano yung pinag
usapan nila? Hindi naman nabanggit sakin ni
Jeydon na nag usap sila ni Kim. May tinatago kaya
silang dalawa sakin?
Hindi ko alam kung saan na ako pupunta, naisip ko
na lang na pumunta dun sa kwarto kung saan ko
nakita yung mga pictures nila Jeydon at Kim.

Narealize ko dapat malaman mo na lahat about sa
past nila. Alam kong sasaktan ko lang yung sarili
ko sa gagawin ko pero mas okey na 'to para isang
bagsakan na lang yung sakit. Ang hirap kasi ng
pabalik balik yung sakit.
"Miss Candice?" napahawak ako sa dibdib ko.
Nakaka gulat naman si Sunny. "Ano pong
ginagawa niyo dito? nandun po sa dining yung
party." natawa na lang ako sa pagiging cute niya.
"Pumunta talaga ako dito, may gusto lang sana
akong tignan." lumapit ako dun sa drawer kung
saan ko nakita yung mga pictures dati. "Kilala mo
ba si Kim?"
"Ah.. ano po.. kasi.."
Napatingin ako sakanya. Bakit parang hindi siya
komportable pag usapan si Kim? "May problema
ba?"
"Simula po kasi nung nag hiwalay si young master
at miss Kim, bawal na po namin banggitin yung
pangalan niya."
"Ganun ba.."
Siguro sobrang nasaktan si Jeydon nung niloko
siya ni Kim kaya pati pangalan niya ayaw niya
marinig. Ganun niya nga siguro kamahal si Kim.
Hays, naiinis lang ako. Maisip ko lang kung gaano

nila kamahal yung isa't isa, parang mamatay na ko
sa selos kahit pa sabihin na dati pa yun.
"Palagi siguro siyang nandito dati? kwentuhan mo
naman ako tungkol sa kanila Sunny." bigla siyang
hindi mapakali sa sinabi ko. "Please?"
"Kasi po miss Candice ano eh.." hinawakan ko
yung kamay niya sabay puppy eyes. "Sige na nga
po pero wag niyo sasabihin kay young master na
sinabi ko."
"Oo promise." Mas mabuti ng malaman ko na
ngayon. Sabi ko nga mas maganda na yung isang
bagsakan lang yung sakit na mararamdaman ko.
"Ano po bang gusto niyong malaman?" ano nga
ba? pwede bang lahat? hehe.
"Ano bang ginagawa nila palagi?" nag isip muna
siya bago sumagot, medyo matagal din siya
sumagot. Ganon ba kadami yung ginagawa nila
dati?
"Mahilig po sila manuod ng movie sa kwarto ni
young master."
Akala ko ako lang maliban sa pamilya niya yung
nakakapasok sa kwarto niya pati din pala si Kim.
Sabagay mahal na mahal naman niya dati si Kim
eh. Nainis na naman ako.

"Palagi po nag bake ng cake si miss Kim para kay
young master. Minsan nga tinuruan pa niya si
young master, kaso wala eh hindi masarap.
Nagulat na lang kami kinain pa din ni miss Kim
hehe.."
Ang sweet naman pala ni Kim. Sa tono ng pag
kwento ni Sunny, ang saya saya nila noon.
Nakakainggit lang..
"Palagi nilang nilalaro si princess, yung pusa na
regalo ni miss Kim kay young master. Para nga po
nilang anak yun eh."
Pareho pala silang mahilig sa pusa. Naiinggit ako,
hindi ko kasi kayang gawin yung ginagawa nilang
yun. Hindi ko kaya kasi ayoko sa pusa. May inis din
akong nararamdaman ngayon. Kaya siguro
importanteng importante si princess kay Jeydon
kasi bigay sakanya yun ni Kim.
"Close din po si miss Kim kala Master Dave kaya
po palagi siyang kasama sa mga family outings."
Buti pa sila close ng papa ni Jeydon. Samantalang
ako, kulang na lang ipagtabuyan niya para sa anak
niya.
"Masaya po dati si young master. Masayang
masaya sila ni miss Kim. Kaso isang araw iniwan
siya ni miss Kim, naging miserable na po yung

buhay niya. Ayaw na niya lumabas sa kwarto niya,
ayaw na niya kumain, muntik pa nga po siya mag
suicide eh. Tapos po--"
"Sunny tama na." Naramdaman ko na lang yung
mga luha ko sa mata ko. Lumapit ako kay Sunny
tska ko siya niyakap.
"Nako! ang tanga tanga ko! Sorry po miss Candice,
nadala lang po ako. Sorry po talaga."
"Okey lang, ako yung may gusto na mag kwento
ka. Mas okey na nga 'to eh, nalaman ko kung ano
sila noon ni Kim. Ayaw naman kasi ikwento sakin
ni Jeydon." tinapik tapik niya yung likod ko para
patahanin ako.
"Miss Candice, ayaw lang sabihin yun ni young
master kasi baka masaktan pa kayo. Isa pa
nakaraan na po yun eh." hindi ko na pinigilan yung
pag iyak, dalawa lang naman kami ni Sunny dito
eh. "Tahan na po."
"Ang hirap pala mag selos. Ang mahirap pa dun
yung pinagseselosan mo yung ex niya. Yung taong
minsan na din naging mundo niya."
"Miss Candice." hinarap ako ni Sunny. "Alam niyo
po, nung dumating kayo sa buhay ni young master
naging masaya ulit siya, kakaibang saya. Nag bago
nga din po siya eh, naging uhm.. mabait na siya."

"Bakit hindi ba siya mabait dati?" hehe parang
alam ko na yung sagot sa tanong ko.
"Masungit po yun eh tapos parang palaging galit.
Kaso ngayon po iba na eh, palaging naka ngiti
tapos palagi na niya kaming binabati."
"Abnormal kasi yun eh."
"Kayo din po kaya miss Candice.. hehe." Luh? ako
din? wahaha sabagay tama siya.
"Oo nga eh, alam ko naman masasaktan lang ako
sa ginagawa ko pero ginagawa ko pa din.
Abnormal nga talaga." mana kay Jeydon >.<
"SUNNY!!"
"Hala! tinatawag na po ako ni grandma! sige po
miss Candice, bye na po." tumakbo agad siya
palabas. Ang cute cute niya talaga. Natigilan siya
saglit sa may pintuan. "Mahal na mahal po kayo
ni young master!" tapos umalis na talaga siya.
Tinignan ko yung mga litrato na nandito. Isang
litrato lang nila Kim at Jeydon yung nakita ko.
Naka akbay si Jeydon kay Kim. Inalis ko na lang
agad yung tingin ko sa picture na yun. Ay teka,
may picture din kami ni Jeydon dito. At ang dami
ata? picture namin sa school, sa tagaytay tska dun
sa EK. Hindi ko tuloy napigilan na mapa ngiti.
Tinignan ko pa yung mga pictures dito pero may

nakita akong box. Natabig ko yung box kaya nakita
ko yung napaka daming letters.
Puro sulat ni Kim. He really treasures this. Mahal
pa nga kaya niya si Kim?
"Get your hands off my letters."
Yung boses na yun..
"Kim?"
"Why are you here? at bakit hawak hawak mo
yang mga sulat ko para kay Jeydon?" binitawan
mo ka agad yung mga sulat tska ko binalik sa box.
"Balak mo ba yan itapon?"
"Ha? hindi ah. Nahulog kasi yung box eh." lumapit
siya sakin. Ang sama sama ng tingin niya sakin.
Para siyang ahas na gusto akong tuklawin. "Bakit
ko naman yan itatapon?"
"Coz you're jealous." slight lang naman eh. "You're
jealous kasi kahit anong gawin mo, hindi mo ko
mapapantayan."
"Ano bang pinag sasabi mo Kim?" gusto ata niya
ng away. Warfreak pala siya eh.
"Don't play dumb. Ingit ka sakin kasi mas minahal
ako ni Jeydon. Sa sobrang pag mamahal nga niya

sakin, he's still inlove with me." ngumiti siya na
nakakaloko.
"Ako na yung mahal niya." tinaasan niya ko ng
kilay tapos tumawa siya na parang witch. Mas
matindi pa siya tumawa kay Stacey. "Nakaraan na
yung sa inyo."
"Don't worry babalikan niya ko. Ganon niya ko
kamahal." naiinis na talaga ako sakanya, akala ba
niya hindi ko siya papatulan?
"Kung mahal ka niya hindi ka niya babalikan.
Kasi kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya
iniwan." Medyo nainis siya sa sinabi ko.
"Ako may kasalanan kung bakit kami nag hiwalay
kaya okey lang sakin nung iniwan niya ko. But face
the truth, he's still inlove with me." Sa inis ko
napasagot ako sa sinabi niya.
"Maniniwalana na sana ako na mahal ka ni Jeydon
kaso hindi naman CANDICE yung pangalan mo eh.
Last time I check kasi ako yung mahal niya."
Naiinis siya pero pinapakalma niya yung sarili niya.
Hindi ko expected na makakapagsabi ako ng
ganun. Ganito pa ba nagagawa ng selos at inis?
nagiging palaban?
"Minsan Candice naisip ko sana ako na lang
ikaw. Kaso Joke lang pala, ang pangit mo eh!"

Aba aba ayaw talaga niya mag patalo sakin ah.
Tawa pa siya ng tawa. Kaya mo yan Candice, past
na siya at ikaw na yung present. Oo mas maganda
siya sayo pero ikaw yung mahal ni Jeydon hindi
siya.

"Pangit man ako sayong paningin pero bakit
si Jeydon, sakin nahuhumaling?"

Oha! Oha! Anong say mo ngayon Kim? Wahaha
TIME! idol ko ata si Loonie. Mag kakaroon ata ng
part two yung pinatubo eruption. Para siyang
bulkan na super lapit ng sumabog. Hindi ko tuloy
napigilan na matawa. San ko ba nakukuha yang
mga pinagsasabi ko?
"Enough, I won't stood down to your level." sus
sabihin niya wala na kasi siyang masabi. "I'm
pretty enough para pumatol sayo."
"Ikaw kaya yung nauna hindi naman ako."
tinaasan niya ko ng kilay. Ang taray niya talaga.
Ahitan ko kilay niya eh.
"Me? eh ikaw yung epal dyan eh."

"Ako pa? ikaw nga dyan yung hindi maka move-on
eh. Ginugulo mo pa kami." sabihin niyang hindi,
sinungaling siya.
"Eh ayoko mag move-on eh! It's not yet time to
move-on."
"Alam mo yung pag move on, parang diet lang yan
eh. Kayang kaya mo naman gawin ngayon pero
bakit pinag papabukas mo pa?"
Move-on Move-on din kasi kapag may time.
"Why should I move-on? eh kung si Jeydon nga
hindi pa nakakapag move on sakin. He even talked
to me earlier. Sabi niya we should still be friends."
Yun ba yung pinag usapan nila kanina? Totoo kaya
yun o gawa gawa lang ni Kim? pero totoo naman
talagang nag usap sila eh. Kaya ba ayaw sabihin
sakin ni Jeydon kasi yun yung pinag usapan nila?
Nakaramdam tuloy ako ng galit.
"Alam mo Candice para kang basurera eh, mahilig
ka pumulot ng mga bagay na tinapon na ng iba."
Nanlaki bigla yung mata niya. Hindi pala siya
nakatingin sakin. Nakatingin siya sa likod ko, akala
mo nakakita siya ng multo. Tumalikod ako para
tignan kung sino yun.
Pagkatalikod ko, niyakap niya ko bigla.

"Salamat kasi pinulot mo ko nung binasura
ako ng iba. Dahil sayo, buo na ulit ako."
"Je-jeydon.."
Humarap siya sakin, hinawakan niya yung mukha
ko tska niya ko hinalikan.
Hinalikan niya ko sa harap ni Kim.
Hinarap niya ulit ako. "Nag mahal man ako ng
iba bago ka, promise wala ng susunod kasi
ikaw na yung huli kong mamahalin."
"Stop! Oppa!" Lumapit si Kim samin, nilayo niya si
Jeydon sakin. "Are you doing this to make me
jealous? para bumalik ulit ako sayo? You don't
have to do that!"
"Kaylangan ko pa bang halikan ulit si Candice sa
harap mo para ipamukha sayo na siya yung mahal
ko at hindi ikaw?"
Namumula na siya sa galit. "Tandaan mo 'to oppa,
babalik ka din sakin." Nag flip hair pa siya tska
siya nag walk out. Napaka bratinella niya.
"What did she told you?" hindi ko siya sinagot.
"Bakit kayo nag usap kanina?" curiosity kills.
"Gusto niyang maging mag kaibigan kami."
magtatanong pa lang ulit ako pero pinigilan niya

ko. "Pumayag ako basta hindi ka na niya
guguluhin. Please ah? wag kang mag selos."
"Hindi pala yung mga babaeng umaaligid sayo
yung nakakaselos. Mas nakakaselos pala yung ex
mo." hinawakan niya yung kamay ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin na she's just the
past? Wifey stop it."
"May nag kwento sakin ng mga ginagawa niyo dati
ni Kim. Ang sweet niyo, karamihan sa mga
ginagawa niyo hindi natin ginagawa, hindi natin
kayang gawin. Nakaka inggit lang, nakakaselos.
You love her so much that you even try to kill
yourself." hinawakan niya yung mukha ko. Naka
tingin siya sa mata ko, feeling ko malungkot siya.
"Sorry, hindi ko lang mapigilan na ikumpara yung
relasyon natin sa relasyon niyo noon."
"Yes I try to kill myself because I've been hurt.
Niloko nila ko, siya at si Lucas ang best friend ko.
Sobrang nasaktan lang ako."
Niyakap niya ko, niyakap niya ko nang mahigpit na
mahigpit.
"Wag na wag mong ikukumpara kung anong
meron satin sa kung anong meron samin
noon. Minahal niya lang ako, ikaw binago mo
ko."

Hindi ko tuloy napigilan na maiyak.
"Hindi mo kaylangang pantayan yung mga
ginawa namin, kasi nahigitan mo na yun."
"Hubby.. sorry.. natatakot lang ako na baka ma
realize mo na mahal mo pa din pala siya tapos
iwan mo ko. Akala ko kasi--"
"Maisip ko pa lang na iiwan kita hindi ko na
kaya."
"Nakakainis ka!" iyak ako ng iyak tapos pinag
hahampas ko siya sa dibdib niya. Nakaka inis siya
eh. "Bakit kasi ang sweet sweet mo eh!"
hinawakan niya yung kamay ko para pigilan ako sa
paghampas ko sakanya.
"Ang bad boy, kapag nag mahal pati asin
lalanggamin."
Napa ngiti ako, oo pati asin namin nilanggam na.
Swerte ako kasi ikaw yung naging boyfriend ko,
Jeydon.

"CANDICE!"

Napalingon kaming dalawa ni Jeydon kay kuya
Charles. Ano 'to sisirain na naman niya moment
namin dito? psh kahit kelan talaga oh.

"Candice, pumasa ka dun sa University na pinag
aplayan mo."

Parang huminto bigla yung pagtibok ng puso ko.
Napatingin ako bigla kay Jeydon.

"Wifey ano yun?"

"Sa Korea na ko mag aaral hubby.. dun na ko mag
college."
81: Closing time

JEYDON POV

"Young master gising na po."

Ilang beses ko bang sinabi sakanila na wag nila
akong gigisingin? Sinabi ko nang ayoko umattend
sa graduation.
"Young master, tanghali na po. Baka po hindi kayo
makapag ready mamaya sa graduation niyo."
Isa pa talagang gising sakin, sisigawan ko na siya.
Kahit si Sunny pa yan o si Yaya grandma.
"Gumising--"
"YAH! WANNA DIE?!"
Bigla na lang may bumato ng unan sa ulo ko.
Lintek! sino ba yung ponsyo pilatong may lakas ng
koob batuhin ako ng unan?! ginugulo pa niya yung
masarap kong pag tulog!
"Kelan mo pa ko sinigawan ha?!" nanlaki yung
mata ko nung nakita ko siya. Anong ginagawa niya
dito? "YAH! GET UP!"
"Noona naman eh!" nilapitan niya ko tapos
binatukan niya ko ng malakas. Psh! Amazona
talaga siya, wala akong panama. "Bakit ganyan ka
sakin? parang hindi mo ko love ah?" mag papaawa
effect sana ako kaso tinaasan niya ko ng kilay.
"Hindi lalapit sayo yung diploma mo, kukunin mo
yun. Tatayo ka ba o tatayo ka?" nag bigay pa siya

ng choice, hiyang hiya naman ako. "Ano bang
pinag lalaban mo dyan?"
"Sabi ko kasi kay Candice, pupunta lang ako
sa graduation kapag hindi na siya pupunta
dun sa Korea."
Kung kanina malakas yung pagbatok niya, ngayon
sobrang lakas na. Minsan naiisip ko ang sweet ng
ate ko kaso masyadong mapisikal. Medyo bad girl
lang.
"Ano?! that is so unfair and selfish Jaydee!"
pinagpapalo niya ko ng unan. "Get up! nasa labas
si Candice!" inis na inis siya sakin pero teka bakit
nasa labas si aso?
Napatayo ako bigla. Hinila ako ni noona pabalik
bago pa ako makalabas ng kwarto ko.
"Jaydee, wag mong i-blackmail si Candice! Utang
na loob lang. Hayaan mo siya kung sa Korea niya
gustong mag aral!"
"Then let me study there!" binato niya na naman
ako ng unan. Noona may galit ka sakin? "Oo na!
hindi na pwede."
Unfortunately I can't study in Korea. It's my dad's
decision and I can't damn do anything about it.
Bakit kasi lahat ng pera ko hawak ni dad? pera ko
nga pero hindi ko naman magamit. Badtrip talaga.

Obvious naman na yung dahilan niya kaya hindi
niya ko pinayagan kasi alam niya na si Candice
yung susundan ko sa Korea. Nag sasaya na siguro
siya ngayon kasi magkakalayo kami ni Candice.
"You win dad." bulong ko sa sarili ko.
Lumabas na ko ng kwarto ko, ayoko pag hintayin
si Candice. Hindi ba siya pupunta ng graduation?
Wait, does it mean na kaya siya nandito kasi
sinusundo niya na ko? Hindi na siya pupunta sa
Korea? Sasabihin niya na 'Hubby hindi na ko
pupunta sa Korea, tara punta na tayo sa
graduation?'. Wahaha! effective pala yung sinabi
ko. Na excite tuloy ako bigla.
"Wifey, sinundo mo pa talaga ako dito ah. Ano tara
na sa graduation?"
Hinarap niya ko. Blank face lang siya, hindi ko
mabasa yung nasa isip niya.
"Hubby tuloy pa din ako sa Korea.."
"Mali pala ako. You'll still go." I came closer to her
then I hugged her. I hugged her tight, I don't want
to let her go.
Hindi ko kaya so I let go of her quickly. I can't take
a look at her. Nasasaktan ako eh, punyeta naman.
Ayoko siya umalis pero napaka selfish ko kapag
pinigilan ko siya.

"Wifey, pwede ba kahit ngayon lang maging
selfish ako? dito ka na lang? Ayokong umalis
ka."
"I'm sorry hubby, pangarap kasi 'to ni papa eh."
I faced her. Anong pangarap? "Your dad's dream?"
"Pangarap ni papa na makapag aral sa University
na yun. Kaso mahirap pa lang sila noon kaya hindi
daw niya nagawa yung pangarap niya pero bago
mamatay si papa, nabanggit niya sakin dati na
gusto niya daw mag aral ulit sa University na yun."
bigla siyang naiyak, I immediately wiped her tears.
It really hurts me to her cry. "Gusto kong tuparin
yung pangarap na yun ni papa, kahit yun na lang
magawa ko para sakanya."
"Why didn't you even tell me this?"
"Hindi ko sinabi kasi ayoko umasa. Mahirap kasi
yung entrance exam dun eh. Expected ko hindi rin
ako papasa kaya hindi ko na nasabi."
"Okey," tsk. Hindi ko talaga mapigilan na
malungkot. Paano ko pa siya pipigilan na umalis sa
dahilan niya? Ngayong alam ko na kung gaano 'to
ka importante sakanya. "I understand."
Huminga siya ng malalim. "Kung ayaw mo talaga,
tatanggihan ko na lang muna siya. Pwede naman

ako mag aral dun kapag pwede ka na sumama
sakin."
"Kaya mo ba talagang tanggihan yun para sakin?"
"Pareho kayong importa
nte sakin ni papa, I really want to persue his
dream pero sabihin mo lang sakin na wag akong
umalis, hindi muna ako aalis."
Oo Candice dito ka na lang. Wag ka ng umalis, dito
ka lang sa tabi ko. Kung pwede ko lang sana yan
sabihin.
"No, you need to go. Kaylangan mong tuparin
yung pangarap ng papa mo." hindi siya
makapaniwala sa sagot ko. "I now it's hard for us
specially to me but I know you need to do that, for
your dad."
Niyakap niya ko. Bakit ngayon pa lang parang
nahihirapan na ko?
"Thank you hubby, hindi mo lang alam kung gaano
mo ko pinasaya. Thank you for understanding me."
"Pipilitin ko pa din si dad na sa Korea na din ako
mag aaral o kaya mang heheram ako ng pera kala
Troy para makapag aral ako sa Korea." tinignan
niya ko tapos pinisil niya yung magka bilang pisngi
ko.

"Wag mo na pilitin ang ayaw. For sure ako sisihin
nun tapos magagalit na naman siya sakin. Nag
papalakas kaya ako dun!" I can't help but to smile.
Kakaiba talaga siya sa lahat. "Madami naman
akong kilala na long distance relationship na
tumatagal pa din."
"Anong long distance relationship?! lagi kitang
pupuntahan dun. Kung pwede nga lang gagawin
kong walking distance yung Korea, gagawin ko
eh."
"Nasa daddy mo yung pera mo, hindi ka bibigyan
nun kapag nalaman na sa Korea ka palagi nag
pupunta." pinisil na naman niya yung pisngi ko.
"Okey na kahit once a week ka dumalaw sakin.
Kahit nga twice a month." Nag dabog akong
umupo sa sofa. Naka cross arms pa ko.
Nagtatampo ako. Ayaw niya ba ko makasama
palagi? "Oh bakit?"
"Ayaw mo na nga na dun ako mag aral, ayaw mo
pa ko dumalaw palagi sayo. Are you planning to
break up with me?" binatukan niya ko bigla.
"Abnormal ka talaga!" psh! mana lang naman ako
sakanya. "Ipapaalala ko lang sayo na yung daddy
mo yung may ayaw mag aral ka dun. Mapapagod
ka lang kaka byahe tska paano ka makakapag
concentrate sa pag aaral mo? May skype at phone
naman. Isa pa--"

"What?!" ano pa bang dahilan niya?
"Wala akong balak makipag hiwalay sayo.
Maisip ko pa lang yun, nasasaktan na
ko." fvck naman, kinikilig ako bigla sa mga
sinasabi niya. Mga babae lang yung kinikilig di ba?
Tsk, kung ano ano ginagawa sakin ni Candice. Bad
boy ako eh! at ang tunay na bad boy dapat tigasin.
"I still want you here. Iba pa rin kapag nandito ka.
Iba pa rin kapag nahahawakan kita, kapag
nayayakap kita at kapag nahahalikan kita."
binatukan na naman ako. Nahahawa na siya kay
noona, amazona na silang dalawa.
"Mamatay ba ko? mag aabroad lang ako noh.
Sabihin mo na nga lang kasi kung ayaw mo ko
tumuloy dun."
Hinila ko siya palapit sakin tapos niyakap ko siya
ng sobrang higpit. Sana selfish na lang ako para
kaya ko siyang pigilan.
"Ma miss lang kita ng sobra."
"Ako ba hindi? mahirap din naman sakin na
malayo sayo pero alam ko naman kaya nating
lagpasan 'to eh."
"Basta mag behave ka dun! May curfew ka dapat
ah? mga 7pm nasa bahay ka na."

"7PM?!" why? late pa nga yun eh.
"Bawal ka mag club or party dun. Bawal ka
lumabas labas kapag hindi mo kasama yung body
guard na i hire ko para sayo. Ayoko din na may
umaaligid na lalaki sayo dun, tapos.." I paused, OA
na ata ako masyado. Kita naman sa expression ng
mukha niya na nagiging OA nga ako.
"Oh bakit tumigil ka?"
"Okey fine! do whatever you want. I trust you."
tumawa siya. Abnormal talaga siya, hirap na hirap
na kaya ako dito. "Sige pagtawanan mo pa ko."
Sinungitan ko na lang siya. Psh! bad girlfriend!
Nagtatampo na ko.
"I love you hubby." I unconsciously smiled at her.
Alam niya talaga soft spot ko. Hindi na ko
nagtatampo.
"Mas mahal kita. Mahal na mahal." I kissed her
gently, fvck I'm going to miss her kiss.
"Ehem."
Nagulat kami pareho, she even pushed me away.
Akala ko si Charles, si noona pala. Teka nga,
parang nagkakatulad na si Ate Jaycee kay Charles.
Nakita ko na yung eksena na 'to eh, kay tanda.

"Candice nasa labas na si Charles, sinusundo ka
na. Kaylangan mo na ata mag ready para sa
graduation mamaya."
"Sige na hubby, kita na lang tayo mamaya sa
graduation. Pumunta ka okey? mag speech ako
mamaya."
"Alright, go ahead. Take care my wife." namula pa
siya when I mentioned the word wife. I'm sure
she's going to miss me, haha!
Nag ready na agad
ako nung naka alis na si Candice. Wala si mom and
dad dito kaya hindi din ako masyadong excited. Si
ate Jaycee at Jayshin lang yung pupunta mamaya,
okey na din at least may pupunta.
"I'm happy that you allow her to go." shet. Muntik
na ata ako atakihin sa gulat kay noona. Wala
naman kasing pumapasok sa kwarto ko. "Nag
matured na talaga ang baby brother ko." ginulo
gulo pa niya yung buhok ko na para akong bata.
"Noona gusto ko siyang pigilan."
"Eh di pigilan mo, ang tanong kaya mo bang
pigilan siya sa pangarap niya?" ngumiti siya ng
nakakaloko bago siya umalis.
Napahiga ako sa kama ko.

Kaya ko ba na malayo kay Candice? Malamang
hindi pero anong magagawa ko? eh kaylangan
niyang mag aral dun. Kaylangan niyamg tuparin
yung pangarap ng papa niya.
Ngayon pa nga lang nalulungkot na ko, paano pa
kaya kapag umalis na talaga siya? Punyeta
talagang buhay 'to. Ang yaman yaman ko nga,
hindi ko naman magamit yung pera ko. Thanks to
my beloved father.
"Hyung mag ready ka na! isang oras na lang
graduation niyo na." kabute na ba mga kapatid ko?
bigla bigla na lang sumusulpot.Nag da-drama pa
nga ako dito eh. "What happened to you?"
"Wala 'to, may iniisip lang ako." biglang nanlaki
yung mata niya.
"Nag break na kayo ni Candice?!" nabatukan ko
tuloy siya agad. "I'm just kidding!"
"Hindi kami mag hihiwalay, itaga mo yan sa
bwan!" natawa siya bigla, aba loko 'to ah.
"Anong bwan? sa bato yun!" tawa pa din siya ng
tawa. Babatukan ko na siya ng malakas eh.
"May sarili akong version eh! ganun talaga kapag
gwapo ka! Wahaha!" unique ako eh.

Ngumisi siya then he became serious. "Seriously
hyung, long distance relationship is not that easy.
What if you meet someone else while noona is
away? and you fall for that someone?"
"Never kong lolokohin si Candice! Itaga mo yan sa
bwan ah!"
Tumayo ako sa kama ko. Dumretso ako sa closet
ko tska ako nag bihis. Kung ano ano naman pinag
sasabi ni Jayshin.
Paano ako makakakita ng iba kung siya lang yung
nakikita ko?
"Let's say na hindi ka nga makakita ng iba habang
wala si noona pero naisip mo na ba ganun din kaya
siya?" papatayin niya ata ako sa gulat eh!
napatingin ako kay Jayshin. Kanina pa siya, ang
dami niyang alam.
"What do you mean?"
"Sigurado ka bang hindi siya makakakita ng ibang
lalaki sa Korea? Madaming gwapo dun, mas gwapo
pa sayo."
"I trust her."
"Yes I know," alam pala niya eh! "I also trust her
pero you need to secure yourself." May nilabas
siyang mga plane tickets.

"Para san naman yan?"
"It's a two day vacation sa Jeju Island. Nanalo ako
dun sa raffle kahapon." kinuha ko siya. Two day
trip for two. Aba okey 'to ah.
"Anong connect naman neto sa mga sinabi mo?"
matalino ako pero hindi ko ma gets eh. Paano ko i
secure yung sarili ko dito?
"Mag date kayo ni noona. Siguraduhin mo na hindi
niya makakalimutan yung date niyo na yan para
ikaw lang palagi yung maisip niya sa Korea."
Ah yun pala yun, kumbaga mag iiwan ako sakanya
ng alala na palagi niyang maiisip habang mag
kahiwalay kami. Tignan ko na lang kung mag
hanap pa siya ng iba dun. Lalo sa gagawin ko sa
date namin! Wahaha.
"Alam mo Jayshin, mana ka talaga sakin. Ang
talino mo."
"Oo nga mana ako sayo, hiyang hiya naman brain
cells ko sayo hyung."

Wahaha! Jeju Island hintayin mo lang kami dyan ni
Candice.

-CANDICE POV
[Now playing: Closing time - Semisonic]

"Baby bakit hindi ka mapakali dyan?"
"Mama wala pa kasi si Jeydon eh." subukan lang
talaga niya na wag pumunta, magtatampo ako.
"Asan na ba kasi yun?"
"Mag focus ka nga sa speech mo wag dyan sa
boyfriend mo." ang sama ng tingin sakin ni kuya
Charles. Porket nandito na si ate Serina ganyan
siya, pa easy easy na lang. Siya kaya dito sa
sitwasyon ko.
Kagaya ng sabi ni kuya, nag focus na lang muna
ako sa speech ko. Okey na naman siguro 'tong
speech na 'to.
Maya maya tinawag na kami sir Jason para umupo
na dun sa mga upuan ng students. Nakita ko na
yung Section Eleven, si Stacey tska si Tiffany pati
si Troy at Marky. Si Jeydon na lang talaga yung
wala dito.
"Wag mo na ako hanapin, nasa puso mo lang
naman ako eh."

Paglingon ko sa likod nakita ko na din siya. Ang
lapad lapad ng ngiti niya. Psh! binabanatan na
naman
niya ko ng mga pick up lines niya. Nakahinga na
ako ng maluwag, akala ko hindi na siya pupunta
eh.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Si Tammy kasi kinukulit si Jayshin sa labas kaya
natagalan kami." tumingin ako sa likod, si ate
Jaycee at Jayshin lang nakita ko. "Wala si dad and
mom, nasa business trip." naka ngiti siya pero
alam ko naman na malungkot siya.
Siguro kung buhay si papa ngayon, hindi niya
papalagpasin yung graduation namn ni kuya.
Nalukungkot tuloy ako para kay Jeydon, sana
nandito din yung parents niya. Alam ko naman na
gusto niyang nandito yung parents niya.
Isa isang tinawag yung mga pangalan namin. Isa
isa din namin tinanggap yung diploma na apat na
taon naming pinag hirapan. Lahat ng mga kilala ko
isa isang tinanggap yung diploma nila pati si Kuya
Charles.
Ang sarap sa pakiramdam na maka graduate.
Lahat ng paghihirap mo nung high school finally
tapos na. Kaya lang mas nangibabaw sakin yung

lungkot, tapos na kasi yung high school life ko.
Masasabi kong napakasaya ng buhay high school,
lalo na nung dumating sa buhay ko yung APAT.
"Candice Gonzales, our batch Valedictorian."
Tinignan ko muna si Jeydon bago ako pumunta sa
stage. "Go wifey!"
Pagtungtong ko sa stage nakita ko agad si mama
na parang naiiyak. Hindi ko alam kung naiiyak ba
siya sa lungkot o sa tuwa.
"Congratulations Candice." sabi ni school president
tapos nagkipag shake hands siya sakin. "Mrs.
Gonzales, isabit niyo na po yung medal ni
Candice."
Habang sinasabit sakin ni mama yung medal
naiiyak siya. "Mama bakit?"
"I'm just so proud of you anak. Sayo at sa kuya
mo. Sana nakita din kayo ng papa niyo na
umakyat sa stage." niyakap ako ni mama. Hindi ko
na din tuloy mapigilan na maiyak.
Sana nga nandito din si papa. Para sakanila ni
mama 'tong medal ko. Papa kung nasan ka man,
sana proud ka din sakin. Para sayo 'tong pagiging
Valedictorian ko.
"Candice get ready for your valedictorian speech."

Bumaba na si mama sa stage. Naiwan ako dito
para sa speech ko. Nag salita lang si Mr. President
tapos tinawag na ko para sa speech ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nag
salita. Nakakakaba kasi, ang daming tao.
"Sabi nila ang high school life daw ang the best sa
lahat. Lahat ng saya at kalokohan nangyari nung
high school sila. Para sakin, sa isang nerd kung
tawagin nila, ang high school life ko ay puro aral,
aral, aral. Naiinis nga ako sa mga pasaway na mga
studyante kasi para sakin ang school ay lugar para
mag aral hindi gumawa ng kalokohan."
Huminga ulit ako ng malalim. Tinignan ko sila
Troy, Marky, Kuya Charles at Jeydon.
"Kaya lang isang araw may apat na tao akong
nakilala. Sila siguro yung isa sa mga pinaka
pasaway na studyante dito. Nung dumating sila sa
buhay ko gumulo na yung tahimik kong buhay dito
sa school."
Nag flashback sakin yung araw na binigay ko yung
sulat ni Tiffany kay Troy. Ayun yung unang beses
na nakaharap ko silang apat.
"Gumulo man yung buhay ko may isang
bagay din akong na realize. Ang high school
life pala hindi lang puro aral."

Tinignan ko lahat ng mga tao na naging parte ng
magulo pero masaya kong buhay. Hindi ako
nagsisisi na nakilala ko sila.
"Mangopya sa exams, mag ditch ng class,
magkaroon ng crush o kaya ng kasintahan.
Magkaroon ng kaibigan at kaaway. Masaktan,
umiyak, tumawa, mainlove at sumaya. Yan yung
mga bagay na sa high school mo lang ma
experience. Yung mga bagay na hindi maituturo
sayo ng libro o ng teacher mo."
Lahat din ng yan natutunan ko, nasaktan man ako
pero iba din yung saya na naramdaman ko. Buti na
lang kahit sa huling year ko sa high school,
naranasan ko maging isang normal na.studyante.
"Tama nga sila, experience is the best teacher.
Sana sa mga katulad kong studyante na
magtatapos ngayon, sana madami din kayong
natutunan kagaya ko. Sana masabi niyo din sa
sarili niyo na 'High school life is the best."
Nag bow ako sakanila. Nagpalakpakan sila
pagkatapos ng speech ko. Hindi ko na pala
kaylangan ng kodigo para dito sa speech na 'to.
Nasa puso ko na kasi siya eh.
"Ihagis niyo na yung mga toga niyo! Graduate na
kayo! Congratulations batch twenty thirteen!" sabi
ni Mr. President.

Sabay sabay kaming naghagis ng toga namin. Ang
sarap sa pakiramdam, hindi ko mapigilan na mapa
ngiti. Graduate na ko! Yehey!
"Congratulations best friend! Ganda ng speech mo.
Woo! College na tayo!" bati agad sakin ni Troy.
Lumapit naman agad sakin si Tiffany. "I'm so
happy Candice! Graduate na tayo! at congrats pala
dahil ikaw yung Valedictorian natin!"
"Salamat dalawa kong best friend!"
"So Ms. Valedictor
ian san mo balak mag college?" natahimik ako sa
tanong ni Marky. Hindi pa nila alam na sa Korea
ako mag aaral.
"Ah hehe sa ano," parang hindi ko masabi,
malulungkot lang ako dapat masaya ako eh.
Change topic na lang. "Asan nga pala si Jeydon?"
Sabay sabay tinuro ng nguso nila si Jeydon.
Kasama niya sila ate Jaycee at Jayshin pero teka?
Andito din yung mommy at daddy niya!
"Hi Candice! Congrats ah! I'm so proud of you."
bati sakin ni Ate Serina. Bagay nga sila ni kuya
Charles para silang kabute eh, bigla bigla na lang
sumusulpot.

"Thank you ate!"
Hindi ko pa din maalis yung tingin ko kay Jeydon.
Mukhang masaya na talaga siya kumpara kanina.
Masaya din ako para sakanya. Nag iinarte lang
naman siya pero alam kong mahalaga sakanya
yung graduation na 'to.
"Hoy Candice! kay Jeydon ka na naman naka
tingin? sanayin mo na yung sarili mo na wala
siya." gulat na gulat naman sila Troy sa sinabi ni
kuya. Kahit kelan talaga si kuya, palagi akong
nilalaglag.
"Bakit sasanayin niya yung sarili niya na wala si
Jeydon?" tanong ni Troy.
"Eh sa Korea na siya mag aaral eh." ay nako,
ihahanda ko na yung tenga ko.
"KOREA?!"
"OA niyo ha! ako ngang boyfriend hindi ganyan
mag react." tapos na ba sila mag usap ng parents
niya? at ano daw yub? hindi siya OA mag react?!
"Kalma lang kayo! mag aabroad lang naman si
Candice eh."
Wow ha?! as in wow lang talaga. Line ko ata yun
eh at sakanya ko din yun sinabi. Parang kanina
sobrang OA niya tapos ngayon nag iba na yung
ihip ng hangin. Abnormal talaga.

Natawa tuloy bigla si Marky. "Knowing you mas OA
pa siguro yung reaction mo nung una mong
nalaman."
"Hindi ah! kalmado lang ako." oo kalmadong
kalmado ka nga eh. "Ako pa? haha!"
"Best friend naman wag ka ng umalis! dito ka na
lang. Bahala ka kapag umalis ka magkakabalikan
si Kim at Jeydon."
"Boo! ano bang pinagsasabi mo?!" lakas ng sigaw
ni Tiffany.
Binatukan naman siya ni Jeydon. "Gunggong ka
talaga!" mukha tuloy kawawa si Troy.
"Nag bibiro lang naman eh!" tumawa na lang ako
pero sa totoo lang napaisip din ako sa sinabi na
yun ni Troy. "Huhu!! hindi ako papayag na umalis
ang best friend ko!!"
Natawa na lang kami kay Troy, para siyang bata.
Ma miss ko siya eh.

"GUYS! PICTURE!" sigaw samin ni mama, hawak
hawak niya yun DSLR niya. "Smile ah?"

Naka line kami para sa picture picture session
namin kay mama. Katabi ko syempre si Jeydon,
lahat kami may partner. Si Marky kasama ngayon
si Abby kaya hindi siya lonely.
Nung natapos na yung picture picture nag paalam
na ko sakanila, pupuntahan pa namin yung puntod
ni papa.
"Congratulations Ms. Valedictorian. I'm so proud of
you wifey, dahil dyan may kiss ka sakin." hinila
niya ko bigla tapos hinalikan niya ko. Sira talaga
siya!! mamaya makita pa kami ni kuya. "Sarap
noh? haha ma miss mo yan kapag nasa Korea ka
na."
"Baka ikaw ang makaka miss? ikaw lang naman
adik sa kiss ko eh. Wahaha!!"
"Ah ganon? sige wala ka ng kiss sakin!" eh di wag!
akala naman niya kaya niyang hindi ako i kiss.
"Eh di wala! panindigan mo yan ha?"
"Wifey naman, joke lang kaya yun." see? hindi
niya kaya.
"Ano palang sabi ng parents mo?"
"Proud daw sila sa gwapo nilang anak." Abnormal
talaga, ganyan kapag may lahing pusa eh.

"Masaya ko kasi nakapunta sila dito para sayo,
sana nga nandito din si papa eh." niyakap niya ko.
Wag ka ngang ganyan Jeydon! baka maiyak ako.
"Pupunta na pala kami sa puntod ni papa, text na
lang tayo."
"Wait I have something to give.." may kinuha siya
sa bulsa niya tapos inabot niya sakin yung papel.
Plane ticket? sa Jeju Island?
"Ano 'to hubby?"
"We're going to JEJU!!"
"Uy Jeju! pupunta kayong Jeju? Sama kami!" sabat
ni Troy. Sumama naman itsura ni Jeydon.
"You're not allowed. Date namin yung dalawa tska
dalawa lang ticket na binigay ni Jayshin."
"Anong walang ticket? Eto oh, bigay ni Jayshin."
Nanlaki yung mata namin ni Jeydon kasi may
ticket nga si Troy at hindi lang siya, silang lahat.
Sobrang sama ng tingin ni Jeydon kay Jayshin.
Haha loko loko talaga 'to si Jayshin,

"Wahaha!! Wooo! JEJU! here we come!"

"JAYSHIN!!!" sigaw ni Jeydon.

Mukhang masaya to,
hello JEJU!! Excited na ko.

82: The Fighter (Charles's Special Chap)

Charles POV

"Parang lahat na ata ng gamit mo inimpake mo
ha?" Pambihira! akala mo maglalayas na siya.
"Kuya hindi na ko babalik dito sa pinas eh, deretso
Korea na ko." kahit na, parang wala na siyang
balak bumalik sa bahay. Malamang kapag vacation
dun babalik din siya dito, anong gagamitin niya?
"Uy siguro ma mimiss mo ko noh?"
Oo wala na kong kaasaran sa bahay. "Asa ka
naman! Okey nga yun eh, wala ng maingay sa
bahay."

Lumapit siya sakin tska niya hinawakan yung braso
ko. "Weee? Ma miss mo ko eh! Amin amin din pag
may time!" tawa siya ng tawa. Taena nahawa na
yung kapatid ko sa pagka abnormal ni Jeydon.
Malapit na kaming umalis kaya naging seryoso na
ko.
"Wala ako sa Korea para bantayan ka kaya
mag ingat ka dun. Wag kang mag dadalawang
isip na tawagan ako kapag may kaylangan
ka." Mukhang naiiyak na siya? Lintek baka mag
kaiyakan pa kami neto.
Niyakap ako bigla ni Candice.
"Kuya sobrang ma mimiss kita dun! Wala ng mag
bububos ng tubig sakin kapag late ako nagising!
Wala ng mag drive sakin papasok ng school! Wala
ng mang aasar sakin!"
Taena ayoko ng ganito, drama much. Kaso pucha
talaga parang naiiyak ako. Ayoko naman kasi
talaga umalis si manang eh. Mamaya hindi na siya
komportableng tumira ulit sa Korea. Matagal na
siyang hindi tumira dun eh.
"I'll miss you too lil sis. Wala na kong maasar dito
sa bahay. Tahimik na dito."
"Promise babalik agad kami ni yaya! Pag balik ko
mabait ka na ah?" oy! mabait naman ako ah? "De

joke lang kuya mabait ka na naman eh, konti
hehe."
"Uy ang magkapatid, nag dadrama." napatalon ako
bigla. Eto si sweety pie bigla bigla na din
sumusulpot. "Candice umiyak ba si Charles? dapat
vinideohan mo eh!" hay nako eto talagang
girlfriend ko.
"Ate hindi eh! pusong bato talaga si Kuya! este
pusong tigasin lang pala, mahal na mahal ka kasi
niyan eh." aba ngayon lang siya may nasabing
maganda, tama yan Candice! Wahaha. "Ayiee si
Ate Serina kinikilig!"
Tinignan ko si Serina, pucha namumula siya. Once
in a blue moon ko lang makita na kinikilig siya.
Palagi kasing naka serious face eh. "Sweety pie
kinikilig ka nga. Ayie!" hinampas niya ko sa braso
ko. Amazona talaga oh.
"Sweety pie! Hindi ako kinikilig noh!" ah ganon ah?
Hindi pala kinikilig.
Lumapit ako sakanya, malapit na malapit. Tinitigan
ko siya ng mata sa mata. Napalunok na lang siya
sa ginawa ko. Hinawakan ko yung likod niya tska
ko siya hinila papalapit sakin.
"Alam mo bang hindi tayo tao?"

"Alam ko na yan eh! Ano bagay tayo? sus luma na
yan!" kahit kelan talaga 'to si sweety pie palagi na
lang akong binabara. Ganyan siya maglambing
sakin, kung hindi niya ko sasaktan, babarahin niya
ko.s
"Hindi tayo tao, bagay o hayop kasi pera tayo."
"Pera?"
"Pera tayo, pera sa isa't isa."
Wahaha! Eh di natameme siya? Akala mo ah
sweety pie hindi ako makakahanap ng pang tapat
sa mga pangbabara mo sakin. Sabihin niyang hindi
siya kinilig dun! hahalikan ko siya!
Pero teka lang wait ah? Hindi siya makatingin
sakin? pucha! wala bang talab sakanya yun?
"Oo na alam ko na hindi ka kinilig sa pick up line
ko. Hindi ka naman kinikilig sakin eh." sabay sad
face. Paawa lang.
Hinawakan niya yung mukha ko. "Hindi mo na
kaylangan mag pick up line o ano pa. Makita
pa lang kita kinikilig na ko."
AMP! taena naman oh! ako pa ata kinilig sa sinabi
niya. Kahit kelan talaga taob ako sakanya. Shet!
kabadingan talaga, kinikikig ako. Ano bang
ginagawa sakin ng Serena na 'to?

Bigla naman sumingit si manang. "AYIEEE!
KINIKILIG AKO! KINIKILIG AKO!"tapos
tumawa siya. Abnormal talaga. Mag sama nga sila
ni Jeydon!
Biglang bumukas yung pintuan. Si mama, alalang
alala yung mukha niya.
"Anong nangyari dito?" napatingin kaming dalawa
ni Serina kay Candice. "Narinig kong may sumigaw
eh."
"Hehe mama! wala po yun." yan kasi ang lakas ng
boses. "Mabuti pa kaya pumunta na tayong
airport?"
"Mabuti pa nga anak, okey na ba mga dadalhin
niyo?"
"Okey na yung sakin mama. Si Candice okey na
din binalot na lahat ng damit niya. Akala mo
naman forever na sa Korea." lumapit sa tenga ko
si Serina.
"Hindi naman halatang ayaw mo siyang umalis
noh?" Tss. Baka kasi magkalat siya dun sa Korea.
"Hindi ah! eh di dun na siya tumira."
"Amin amin din pag may time sweety pie."

"Ewan ko sayo sweety pie." tablado na naman ako
sakanya. Ganyan yan eh!
Kinuha ko na yung mga gamit namin tapos nilagay
ko sa sasakyan na mag hahatid samin. Lintek
naman, ang daming dala ni Candice. Kami nga nila
mama at Serina kahit si Yaya, isang bag lang tapos
siya lima lima? Dun na lang kaya siya sa Korea? ay
potek dun na nga pala talaga siya titira.
Isang oras din yung byahe namin papuntang
airport. Lahat sila tulog, akala mo naman malayo
yung pinuntahan namin.
"Andito na tayo!"
Pagtanaw ko sa labas, aba at nandito na si Jeydon
kasama si Jayshin. Ang aga nila ah, excited siguro
'to si Jeydon.
"Waaa! Si hubby nandito na?" bumaba agad si
manang para puntahan yung hubby niya. Akala mo
taon silang hindi nagkita. "Hubby! Hubby!"
Bumaba na din kami sa kotse dala yung mga nag
namin. Lumapit sakin si mama. "Si Candice yung
sumisigaw kanina noh?"
"Sino pa nga ba ma?" the one and only Candice
Gonzales.

"I'll miss my baby girl." mukhang iiyak pa si
mama. "Sana pwede din ako mag stay sa Korea."
ayan naiyak na nga siya. "Yung mag business kasi
natin nandito eh."
"Mama, hayaan mo siyang maging independent.
Hindi na bumabata yan si Candice, tumatanda na
yan." inakbayan ko si mam para hindi na siya
umiyak. Mamaya mag ka dramahan pa dito. Andito
pa naman yung tatlong ugok baka makita pa ko.
"Hi tita Candy!" bati samin ni Jeydon. "Ok lang po
ba kayo?"
"Oo, nag emote lang ako konti. Teka sino pa ba
hinihintay natin?
"I'm here." napalingon kaming lahat kay Marky.
Aba kasama niya si Ginny, teka okey na ba
sakanya na byumahe? "Sinama ko si Ginny,
kaylangan daw kasi niya ng sariwang hangin."
"Hello Ginny! Ako 'to si Candice! Naalala mo pa ba
ko?"
Medyo nahihiya pa siya samin. "Ahm oo, naalala
kita."
"Talaga? yun oh! friends na tayo ah? hehe."
sigurado ako mawawala na yung pagiging
mahiyain niya kapag sila ni Candice yung palaging

magkasama. Baka mahawa pa siya ng kabaliwan
niya.
"Charles anak uupo na muna kami dun habang
hinihintay natin sila Troy." naiwan kami nila Jeydon
habang sila mama ate Serina naka upo na.
"Dumating lang si Ginny hindi na ko pinansin ni
Candice ko." sabay nguso. Nabatukan tuloy siya ni
Marky. "Ouch! my precious head!"
"Pati ba naman si Ginny pinagseselosan mo? paano
pag nasa Korea na yan si Candice? madaming mas
gwapo sayo dun."
Tumawa siya ng malakas. Maliban sa pagiging bad
boy king, abnormal king pa siya. "Alam mo Marky
hindi ako ipagpapalit ni Candice, I'm sure of that."
tapos tawa ulit. Baliw.
"Asan na ba yun si Troy? baka malate pa tayo sa
flight natin eh."
Nag hintay pa kami ng another twenty minutes
bago dumating si mokong. Kahit kelan talaga late
siya.
"Sorry ah? sinundo ko pa kasi si Tiffany tapos si
Tammy nag tantrums pa."
Si Tammy pumulupot agad kay Jayshin. Eto tuloy
little brother ni Jeydon iritang irita na. Obsessed na

ata si Tammy kay Jayshin, natarayan pa nga niya
si Candice nuon dahil kay Jayshin.
"Kumpleto na tayo di ba? Tara na sa JEJU!" Psh.
Excited na excited naman 'to si manang. Dun na
nga siya titira eh. "JEJU! JEJU!" sabay pa sila ni
tiffany. Kumakalat na ang abnormal virus.
Dinala na namin lahat ng bagahe namin tska kami
dumeretso sa plane namin. Sakto lang naman
yung dating namin. Buti na nga lang hindi kami
naiwan dito.
By two's yung upuan kaya partner partner din
kami. Si Jeydon katabi Candice. Si Troy katabi si
Tiffany, si Marky naman si Ginny. Si mama katabi
si yaya Linda at ako syempre katabi si sweety pie.
Si Jayshin naman kung mamalasin si Tammy pa
yung nakatabi, wahaha! For sure mag eenjoy siya.
Napasandal ako kay Serina. "Sweety pie I love
you." tinaasan niya ko ng kilay.
"Sweety pie bakit ang sweet mo ata ngayon?"
"Eh syempre sweety pie mo ko eh! kaya kaylangan
sweet ako. Tska masanay ka na." tumawa siya ng
mahina. Oh bakit may nakakatawa ba dun sa
sinabi ko?
"Hindi lang ako sanay na yung bad boy na si
Charles, yung basagulero eh ganyan ka sweet."

sabi nila kapag gwapo daw sweet eh kaya nga
hindi na ako nagtaka kung bakit sweet ako. Ang
gwapo ko eh.
"Gusto ko lang maging sweet para
maramdaman mo kung gaano kita
kamahal." hindi siya makatingin sakin, tumingin
lang siya sa bintana. Asus! kinikilig siguro siya?
Wahaha. "Sweety pie matutulog muna ako."
Hinawakan ko yung kamay niya habang
nakasandal ako sa balikat niya. Wala akong tulog
kagabi kakaisip kay Candice. Kahit pogi inaantok
din.
"Sweetdreams sweety pie." unti unti ng pumikit
yung mga mata ko.

--

"Andito na tayo sweety pie." unti unti kong minulat
yung mata ko. Si Serina agad yung nakita ko. "Ang
sarap ng tulog mo kanina pa kita ginigising eh."
"Sorry, na miss mo naman ako agad? nasa tabi mo
nga lang ako eh." binatukan niya tuloy ako. Bakit
ba kasi nag girlfriend ako ng amazona? "Sabi ko
nga hindi eh."

Nung lahat kami nakuha na yunh bagahe namin
dumertso na kami dun sa private bus na
maghahatid samin sa private resort nila Jeydon.
Eto si Candice kanina pa talaga 'to eh. Akala mo
first time pupunta ng Korea eh. Itali ko na kaya
siya dito? ayaw na ata niyang bumalik sa bahay
eh.
"Tammy gey away from me!" hanggang sa bus ba
naman mag kukulitan 'tong dalawa na 'to? Bagay
talaga sila eh, mana sila sa mga kuya nila. "Ahhh!
ayoko na!"
"Jashin oppa! ano ka ba? nag papakipot ka pa
sakin! Jayshin oppa!"
"Don't call me oppa! mas gurang ka pa sakin!"
natawa na lang kami ni Serina sakanilang dalawa.
"Nakakatuwa sila noh? Kahit ganyan si Jayshin at
Tammy kinikilig ako sakanila." marunong pala siya
kiligin ha?
"Wag ka ng kiligin sakanila, sakin pa lang quota ka
na eh." ayan hampas na naman sakin. Wala bang
araw na hindi niya ko hahampasin o babatukan?
Amazona na nga sadista pa. Kaya mahal na mahal
ko siya eh.
Dalawang oras din yung byahe namin sa bus at sa
bangka papunta sa Jeju. Pagkadating namin sa

resort kumain muna kami saglit. Si Marky
sinamahan na lang muna si Ginny sa kwarto nila ni
Tiffany. Napagkasunduan namin na kaming dalawa
ni Marky yung magkasama sa isang kwarto. Si
Troy at Tammy sa isang kwarto. Si mama at yaya
naman ang magkasama, si Tiffany at Serina
naman sa isang kwarto. Si Jeydon kasama si
Jayshin, gusto pa nga atang kasama si Candice
pucha! bugbugin ko siya eh. Si Candice naman
tuwang tuwa kay Ginny kaya sila daw yung dapag
magkasama sa kwarto. Badtrip tuloy si Jeydon,
wahaha! parang extra na lang siya sa kapatid ko
dahil kay Ginny. Nice one Ginny, wahaha!
"Sweety pie, may pupuntahan lang ako."
"Ha? Saan naman?"
"Basta dyan lang may hahanapin lang." psh! kelan
pa siya nag lihim sakin? "Sige babalik na lang ako
mamaya."
"Teka sasamahan kita!" sinamaan niya ako ng
tingin. Ang deadly glare ni Serina Jimenez. "Oo na
sige na, ingat ka sweety pie."
Ano naman kayang hahanapin ng serena na yun?
mag hahanap ba siya ng shokoy dito sa Korea?
Wag mong sabihin na ipagpapalit siya ko sa
Koreanong shokoy ah!

"Hyung!" hingal na hingal si Jayshin na pumunta
sakin. "Itago mo ko dali!" pumunta siya sa likod ng
upuan ko.
Si Tammy naman yung lumapit sakin. Kaya naman
pala nagtatago si Jayshin eh. Ang taray taray
talaga ng kapatid neto ni Troy. Kaya siguro ayaw
sakanya ni Jayshin. "Where's Jayshin oppa?"
"May kasamang chicks eh." wahaha! ewan ko ba
parang trip ko asarin si Tammy. "Ang ganda tska
ang sexy nga eh."
"WHAT?!" umuusok na yung tenga niya. "Ang
kapal niya lumandi sa iba eh alam naman niyang
nandito ako! Humanda siya sakin!" umalis siyang
nagdadabog. Ang sarap pala niya asarin haha.
"Hyung idol na talaga kita! kita ko sa likod yung
mukha niya! nakakatawa! Wahaha! buti nga sa
babaeng yun, ang kulit eh."
"Jayshin wala ka bang gusto kay Tammy?"
maganda naman kasi si Tammy, maldita nga lang.
"Kahit konti?"
"Yuck! Over my dead gorgeous body. I'm too
handsome for her." ang vain, mana talaga kay
Jeydon. "Change topic nga, asan si Ate Serina?"
"Ayun umalis may hahanapin daw."

"Hala baka maghahanap na ng kapalit sayo!" oh
bitch pleas. Etong gwapong mukha na 'to
ipagpapalit niya? "Nako madami pa namang
gwapong guest dito sa hotel namin."
"It's okey Jayshin, kampante ako sa itsura ko.
Yung mukhang 'to hindi na pinagpapalit pa."
"Okey sabi mo hyung eh. Ikaw din." wala atang
tiwala sa ka gwapuhan ko 'to si Jayshin eh.
"Jayshin oppa!" papalapit na samin si Tammy.
"Oppa!"
"Uh oh, got to go hyung." kumaripas na siya ng
takbo. Hinabol naman siya ni Tammy, para silang
tom and jerry.
Hindi tuloy ako mapakali sa sinabi ni Jayshin. Ang
sarap sarap na ng upo ko dito eh ginulo pa ko.
Baka mamaya may pumorma kay Serina habang
naglalakad siya, ang ganda pa naman niya. Pucha!
mahanap na nga lang siya.
Paglabas ko sa hotel nila Jeydon, kitang kita na
yung dagat. Ang ganda pala dito, perfect pang
date. Eh asan ba kasi yung amazona at sadista
konh girlfriend? Tsk pasaway talaga.
Naglakad lakad muna ako sa tabing dagat baka
nandito lang yun.

"Sweety pie? yuhoo? asan ka na?"
Nagugutom na ko, mag lunch na oh. Wala naman
text 'to si sweety pie kung nasan na siya. Bugbog
talaga sakin yun kapag nakita ko, bugbog ng halik.
Wahaha.
"Serina! Asan ka na?"
"Alam ko kung nasan siya."
"Sino ka?" potek! eto ba yung pinagpalit sakin ni
Serina? Ang panget naman amp. Sana man lang
yung gwapo din. "Asan ba siya?"
"Sumama ka sakin kung gusto mo pang makita ng
buhay yung girlfriend mo."
Sa galit ko kinuha ko yung kwelyo niya. "Gagu ka
pala eh! San mo dinala yung girlfriend ko!"
"Easy lang. Sumunod ka lang sakin. Oras
na.saktan mo ko, hindi mo na makikita yung
pinakamamahal monh girlfriend."
Binitawan ko siya. Nanginginig na ko sa galit, ano
bang kaylangan nila sakin? Bakit kaylangan pa
nilang idamay si Serina? Wag na wag lang nila
subukan kahit hawakan siya kundi baka
makapatay ako.

Sinundan ko lang siya, pumunta kami sa
pinakadulong lugar ng beach. May malaking bato
tapos pumunta kami sa likod nun. Pag dating
namin dun bigla na lang may pumukpok ng
matigas ng bagay sa ulo ko. Buti na lang hindi ako
nawalan ng malay, nahilo lang ako. Pucha!
humanda lang sakin yung gumawa neto, babalatan
ko siya ng buhay. Taena niya!
"Lone time no see Charles."
Nakadapa na ko sa buhangin kaya inangat ko yung
ulo ko para makita ko siya. Pag kakita ko kung
sino yun, isang unggoy lang pala.
"Hindi ka pa din ba nadala Brandon?" gagu 'to
buhay pa pala. Pasalamat siya hindi siya nakulong
katulad nila Ginno, under age pa kasi si mokong.
"Ginagamitan mo pa din ako ng dirty tactics mo
ah?"
"Masamong damo ka kasi Charles kaya kaylangan
kang gamitan non." LUl siya, sabihin niya hindi
niya ko kaya.
"Asan si Serina?!"
"Ah yung girlfriend mo ba? ayun naglalaro sila ng
mga alagad ko. Wag ka mag alala gentle naman
sila kay Serina eh."

Biglang nag dilim yung paningin ko. Kahit nahihilo
ako, sinugod ko si Brandon tska ko siya pinag
susuntok. Sa sobrang galit ko wala na akong paki
alam kung ano pang mangayari sakanya. Wala
silang karapatan kahit hawakan yung girlfriend ko.
Nakaka ilang suntok pa lang ako kay Brandon may
pumalo na naman sa ulo ko. Nahilo na talaga ako
kaya napahiga na ko.
"Gagu ka talaga! Nadungisan pa yung mukha ko!"
Ang dami pala nilang nakapalibot sakin. Mga bakla!
mag isa lang ako pero napaka dami nila.
"Sige kayo ng bahala dyan, aalis na ko. Mag
eenjoy pa ko dito sa Jeju. Bye Charles, till we meet
again? Wahaha!"
Gustong gusto ko siyang habulin, gusto kong
basagin yung bungo niya. Hayup siya! anong
ginawa niya sa sweety pie ko! Asan na si Serina?!
Yung mga alagad niya, pinag tulungan ako. Sipa
dun, suntok dito. Aaminin ko masakit talaga, tao
lang naman ako hindi ako si superman. Kaso sa
galit ko, nakatayo pa din ako. Isa isa ko silang
pinag susuntok.
"Asan si Serina?!"
Wala kahit isa sakanila yung sumasagot. Kinuha ko
yung kwelyo ng isa sakanila. Galit na galit na ko,

nag aalala na ko kay Serina. Ayaw niyang sumagot
kaya sinuntok ko siya hanggang napaamin ko na
siya.
"Wala! wala samin si Serina! nalaman lang ni boss
na kasama mo si Serina kaya nag panggap kami
na nasa amin siya para mapapunta ka dito.
Maniwala ka wala siya dito."
"Kung wala siya sa inyo, asan siya?!" nanginginig
na talaga ako sa galit. "SAGOT!"
"Hi-hindi ko talaga alam.."
Sinuntok ko siya ng isa pang beses bago siya
pakawalan. Isa isang tumakbo yung mga kasama
niya. Taena naman! nasan na si Serina?!
Naglakad ulit ako sa tabing dagat. Pinag titinginan
na ko ng mga tao. Kinapa ko yung napaka gwapo
kong mukha, pucha! ang dami ko na sigurong
pasa. Gagu talaga yung Brandon na yun, may
araw din siya sakin.

"Sweety pie?"

Paglingon ko nakita ko si Serina, walang galos
yung mukha o ano pa man. May hawak hawak

siyang malaking kabibe. Walang masamang
nangyari sakanya.
"Bakit ang dami mong pasa ha? nakipag away ka
na naman ba?!"
"San ka ba nag punta ha?!" hindi pa din nawawala
yung galit at pag aalala ko kaya napalakas yung
boses ko.
"Bakit mo ko sinisigawan? Ano ba nagawa ko sayo
ha?!"
"Pinag alala mo ko! Akala ko kung ano ng nangyari
sayo! Ano bang ginawa mo?! nag hanap ka ng
lalaki noh? Ano? sabihin mo! Nag landi ka ba?!"
Bigla na lang lumapat sakin yung mga palad niya.
Ang sakit ng sampal niya pero naisip ko tama lang
na sampalin niya ako, kung ano ano yung nasabi
ko. Hays! sa nangyari kanina, sobra akong nag
alala sakanya.
"Nag hanap lang ako ng kabibe para sayo, madami
daw kasi dito non. Naisip kong gawin 'to para
naman makabawi ako sayo kasi hindi ako sweet
sayo palagi di ba?" umiiyak na siya. Pucha! ano
bang nagawa ko?
"Sorry Serina.."

Pinunsan niya yung luha niya. "Sorry din Charles
kasi mali yung iniisip mo sakin, hindi ako nag
landi. Dyan ka na nga! Shokoy ka talaga!"
Tumalikod siya sakin tska siya nag lakad palayo.
WTF! anong ginawa ko. Potek naman oh.
"Serina!" hinabol ko siya.
"Ano na naman ba? Ano na nam--"
Hindi ko siya pinatapos sa pag sasalita niya.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit, sobrang
higpit.
"Sorry, nag alala lang ako sayo ng sobra. Hindi ko
alam kung anong gagawin ko kapag may
nangyaring masama sayo, baka mabaliw ako.
Sorry sweety pie, nadala lang ako ng pag aalala ko
sayo."
"Sorry din, pinag alala kita. Naiintindihan na kita
sweety pie. Sorry kasi hindi ko sinabi sayo kung
anong gagawin ko. Gusto kasi kitang sorpresahin
eh."
Hinawakan ko yung mukha niya tska ko siya
tinignan sa magaganda niyang mata.

"Wag ka ng aalis sa tabi ko. Dito ka lang, wag
kang lalayo."

Ngumiti siya sakin, unti unti na lang naglapit yung
mukha namin. Naramdaman ko na lang yung mga
labi niya.
Wala akong paki alam kung amazona siya. Kung
sadista siya at palagi niya akong sinasaktan. Wala
akong paki alam kung hindi siya sweet.
Isa lang yung alam ko, mahal na mahal ko
siya kahit ano pa siya.

83: The player (Marky's special chap)

Marky POV

Kumatok ako sa kwarto nila. Nakita ko si Candice
na kasama si Jeydon kaya sigurado akong mag isa
lang siya ngayon.

"Sino yan?"

Ang weird talaga, nagagandahan ako sa boses
niya. Parang anghel lang na nag sasalita.

"Ako 'to Ginny, si Marky."

Matagal tagal din niya bago nabuksan yung
pintuan. Medyo nag alala nga ko akala ko kung
ano ng nangyari sakanya. Naka hinga na naman
ako nung binuksan niya yung pintuan. Maaliwalas
yung mukha niya at mukha siyang masaya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba
mamasyal?"

"Ayoko mamasyal mag isa, ayoko mag mukhang
lonely eh. Kawawa naman yung kagwapuhan ko di
ba?" natawa na lang kaming pareho. Ang sarap
tignan na masaya siya. "Pwede bang samahan mo
ko?" ngumiti lang siya ng mahina. "Ayaw mo ba ko
kasama?"

"Hindi sa ganon, baka kasi hindi mo din ma enjoy
yung pamamasyal mo kasi kasama mo ko."
hinawakan ko yung kamay niya. "Alagain pa ko,
okey na ko dito sa kwarto na 'to. Kita naman dito
yung dagat eh." okey lang naman sakin kahit
alagan ko siya eh.

"Dun nga ako mag eenjoy eh kapag kasama ka."
nilayo niya yung mukha niya sakin Namunula
siguro siya kaya niya tinago sakin yung mukha
niya. Haha! ang cute niya talaga. "Sige na please?"

"Sige na nga, basta wag mo akong sisihin kapag
hindi ka nag enjoy ah." ngumiti na din siya ng
malapad. Ang amo amo ng mukha niya. Damn,
gustong gusto ko siyang tignan. "Marky, bakit?"

"Ha?"

"Bakit ka naka tingin sakin? may dumi ba sa
mukha ko?"

"Ang ganda ganda mo lang kasi kaya
napatitig ako." this time hindi na niya naitago
sakin yung pamumula ng pisngi niya.

"Ganyan ka ba mag pa inlove ng isang babae?
napaka bolero mo talaga, hindi naman ako
maganda." ouch naman, ibig bang sabihin iniisip
niyang chickboy ako? kasalanan ko bang
madaming nag kakagusto saking babae? isa pa
magand naman talaga siya eh. "Sige kukunin ko
lang yung jacket ko."

Bago pa siya makalayo, hinawakan ko yung kamay
niya. "Seryoso ako, ang ganda mo."

Ngumiti lang siya sakin. Siya yung unang babae na
nakilala ko na napaka inosente. Hindi man lang
niya alam kung gaano siya kaganda.

"Saan tayo pupunta?" hinawakan ko yung kamay
niya kahit medyo naiilang siya. Ayokong malayo
siya sakin.

"Sa tabing dagat, makakabuti sayo yung hangin
mula sa dagat." hinigpitan ko yung pagkakahawak
sa kamay niya habang naglalakad kami papuntang
tabing dagat. "Humawak ka lang sa kamay ko
Ginny."

Habang naglalakad kami may babae na naka
shades yung pumunta sa harapan ko. "Uy Marky?
is that you na?" unti unti niyang tinanggal yung
salamin niya. Takte! siya na ba yan?

"Loreena?" ang tagal ko na siyan hindi nakita. Ang
pinaka kasundo ko sa lahat ng mga pinsan ko.
"Ikaw na ba yan?" grabe ang laki na ata ng pinag
bago niya.

"Yes, it's me Loreena Antonio. Cous gwapo ka pa
din ah?" alam ko na yun insan. Gandang lahi tayo
eh. Wahaha! "Chickboy ka pa din noh? haha." Aba
si insan talaga, nagbago na ko! haha totoo yun.

"Pinsan naman, ako? ang bait bait ko kaya."
pareho naman kaming natawa.

"Sino pala yang kasama mo?" napatingin ako kay
Ginny. "Girlfriend mo Marky?"

"Hindi, kaibigan ko." isang espesyal na kaibigan.

"Kamusta ka? ako si Ginny." aba okey ah, hindi ata
siya mahiyain ngayon. Kaya naman pala niya
makisalamuha sa iba eh.

"Ang ganda ganda mo naman Ginny!" at least hindi
lang ako yung nakakakita na maganda siya.
"Kaibigan mo lang ba talaga siya cous?" wala
atang tiwala 'to si insan sakin eh.

"Oo, ano na naman iniisip mo dyan?"

"Eh kasi magkahawak kayo ng kamay eh." biglang
bumitiw si Ginny sa pagkakahawak sa kamay ko.
Amp! oo nga pala.

"Ayieee! Pag-ibig nga kaya?" hindi pa din siya nag
babago, baliw pa din siya. "Marky, bagay kayo ni
Ginny." sabay kaming napatingin sa isa't isa.
Pareho ata kaming namula kaya umiwas agad
kami ng tingin sa isa't isa.

"Ah Marky, mag rest room lang ako." ayan nahiya
na tuloy si Ginny. Abnormal din kasi 'tong si insan
eh, asarin daw ba kami? psh.
Tinignan ko lang siya maglakad papunta sa rest
room. Parang ayokong makita na naglalakad siya
palayo sakin. Pakiramdam ko sobra akong
mamasaktan kapag napalayo ako sakanya.
Sobrang weird na talaga ng nararamdaman ko.
Ano bang nangyayari sakin?

"Inlove ka noh?" singit ni insan. Ano kayang
pinagsasabi niya? Ako inlove? kanino?"Inlove ka
kay Ginny."

"Wala yan dictionary ko yang ma inlove." tama
yun, hanggang gusto lang ako pero yung mag
mahal? ayoko. Kaya nga ako nakilala as a Player
kasi hindi ako mag se-settle sa isa dahil hindi ako
na iinkove.

"Kitang kita naman sa mata mo eh, kung paano
mo tignan si Ginny." bakit paano ko ba tignan si
Ginny? "Malalaman mo daw kung inlove yung
lalaki o hindi sa mga tingin niya."

May ganon pala? hindi ko talaga alam eh.

"Sige aaminin ko insan, gusto ko siya. Gusto si
Ginny pero hindi ko alam kung mahal ko siya eh."
ngumiti siya sakin.

"Palibhasa you're a player kaya you don't know
what's the feeling of being inlove. Ikaw lang
naman makaka alam kung mahal mo siya o hindi
eh."

Alam ko ganito din yung pinayo ko kay Candice
noon nung hindi niya alam kung gusto ba niya si
Jeydon o hindi. Eh iba na kasi 'to eh, love na pinag
uusapan dito. Ang hirap pala ng ganito.

Puchang love kasi yan eh, na uso pa.

"Mraramdaman mo naman kung mahal mo ba
talaga siyao hindi eh. Puso naman ang ginagamit
sa love hindi utak." Biglang nag ring yung phone
niya. "Sige mom, I'll be there."

"Andito din ba si tita?"

"Oo para sa business. Ikwento ko kay mom na
nagkita tayo. Gosh! na miss kita cous ha!
Magkikita naman tayo ulit sa family reunion di ba?
See you there ah? I have to go na."

"Sige insan, paki kamusta na lang ako kay tita ha."
niyakap niya ako bago siya umalis.

Nakaka miss din yung pinsan ko na yun. Kaso hindi
ako mapakali sa sinabi niya. Ako inlove kay Ginny?
Damn, I don't really know.

"Umalis na yung pinsan mo?" bakit ganon? parang
bumilis yung tibok ng puso ko. Amp! insan
kasalanan mo 'to eh! "Marky? okey ka lang ba?"

"Ha? ah.. o-oo o-okey lang." napakamot na lang
ako ng ulo. Hindi ko na alam anong nangyayari
sakin. "Tara? mag lakad lakad na tayo."

Tumango lang siya tska kami naglakad ulit.
Hinawakan ko ulit yung kamay niya pero this time
hindi na ata siya naiilang kaso parang ako naman
yung hindi mapakali.

Masarap maglakad dito, malamig kasi malapit na
din mag gabi.

"Ang ganda dito noh?" bigla niya sinabi. "Sana
kasama ko din dito si kuya Ginno."

"Kapag napagbayaran na ni Ginno yung kasalanan
niya kala Jeydon, makakasama mo din siya. Alam
ko naman na deep inside mabait talaga si Ginno."

nagulat ako kasi bigla niyang hinigpitan yung
paghawak sa kamay ko. "May problema ba Ginny?"

"Wala naman, masaya lang ako kasi ang bait bait
mo sakin Marky. Salamat sa lahat ah."

"Hindi mo kaylangan magpasalamat, masaya ako
kapag tinutulungan kita. Magaan yung loob ko
sayo, isa pa masaya din ako kapag kasama kita."

Humarap siya sa dagat na akala mo ang lalim lalim
ng iniisip niya. Umupo siya kaya umupo din ako sa
tabi niya.

"Alam mo Marky masaya din ako kapag
kasama kita." tumingin siya sakin, naka ngiti siya
pero may lunkot sa mukha niya. "Sana pwede pa
kitang makasama ng matagal."

"Ano bang sinasabi mo Ginny?! matagal pa tayong
pwedeng magkasama." Tinanggal ko yung jacket
ko tska ko nilagay sakanya. Gabi na din kaya

malamig, hindi na sapat yung jacket niya. "Mabuti
pa pumasok na tayo sa hotel, lumalamig na."

Hihilahin ko na sana siya paalis pero pinigilan niya
ko. "Marky pwede bang dito muna tayo kahit saglit
lang? hindi na din ako magtatagal dito sa mundo
kaya gusto kong makita yung ganito kagandang
view."

Nilapit ko siya sakin tska ko hinawakan yung
kamay niya. "Hindi, hindi ka pa mamatay Ginny.
Matagal ka pa naming makakasama."

Naisip ko, paano nga kung mawala nga talaga si
Ginny ng biglaan? May kung anong kumirot sa
puso ko. Ayokong isipin na mawawala siya. Ayong
isipin na hindi ko na siya makikita at matitigan.
"Marky? bakit ka umiiyak?" kusa na lang siguro na
tumulo yung luha ko. Sobra akong masasaktan
kapag nawala si Ginny. "May problema ba?"

Niyakap ko siya bigla. Niyakap ko siya ng sobrang
higpit. Wala na akong paki alam kung anong

sasabihin ni Ginny. Hindi ko mapigilan, hindi ko na
kayang pigilan yung nararamdaman ko.

"Ginny wag ka munang mawawala. Please
wag mo akong iwan, dito ka lang. Ipangako
mo na lalaban ka."

"Marky, ayoko pa mamatay. Ngayon pa na
nakilala na kita, kayo nila Candice. Kaso
Marky hindi ko naman kontrolado yung buhay
ko eh."Niyakap niya din ako ng sobrang higpit.
Naririnig ko yung pag iyak niya. "Marky
natatakot ako eh, natatakot akong mamatay."

"Ginny hindi ko pa mamatay. Gagawin ko lahat
para gumaling ka.." hinarap ko siya sakin tska ko
pinunasan yung mga luha niya. "Hindi ko
hahayaang mawala ka Ginny dahil hindi ko
kaya. Kasi Ginny mahal na kita."

"Marky wag, wag mo akong mahalin. Paano
kung bukas wala na ko? Masasaktan ka lang."

"Kahit hanggang bukas na lang yung
natitirang araw mo sa mundong 'to
mamahalin pa din kita Ginny."

Naiyak na naman siya.

"Marky, alam mo bang gusto kita? kaso pinipigilan
ko yung sarili ko na gustuhin ka, na mahalin ka
dahil akala ko hindi mo magugustuhan yung isang
katulad ko na may sakit at malapit ng mamatay.
Ngayon na gusto mo din pala ako, pwede na ba
kitang mahalin?" tumango lang ako.

Hinawakan ko yung pisngi niya. Unti unti kong
nilapit yung mukha ko sa mukha niya tska ko siya
hinalikan. Isang simpleng halik lang, hindi katulad
ng mga halik na nagawa ko na sa madaming
babae. Simple lang pero para sakin, eto na yung
pinaka romantic kiss sa lahat.

Sa aming apat ako yung PLAYER. Sa dinami dami
ng naging girlfriend ko kahit kelan hindi ako nag
seryoso sa kahit kaninong babae. Wala akong paki

alam sa nararamdaman nila. Para sakin, there just
my playtime.

Kaso nung nakilala ko si Ginny, lahat ng tingin ko
dati sa mga babae nag bago. At ngayon,
pakiramdam ko graduate na ko sa pagiging player
ko kasi for the first time nainlove ako.
84: The Womanizer (Troy's special chap)

TROY POV

"Kuya! sige na kasi oh please naman." hindi ko
siya pinansin. Ang kulit kulit niya talaga. Saan ba
siya nag mana ng kakulitan? hindi naman pwedeng
sakin kasi hindi ako makulit na tao. Hindi talaga.
"Ganyan yan eh!"

"Tammy ano ba?! eh ayaw nga sayo ni Jayshin di
ba? Anong magagawa ko ha?" sinamaan niya ako

ng tingin. Mag mamaldita na naman siya,
bratinella queen talaga.

"Gusto ako ni Jayshin! nag sisinungaling ka kuya!"
sige ipaglaban mo yan Tammy.

"Oo gusto ka niya. Gustong gusto ka niyang
mawala sa paningin niya." bigla naman siyang
umiyak na parang bata pero okey na yun para ma
realize niya na ayaw sakanya ni Jayshin.

"Ang sama mo! Ganyan ka eh! Parang hindi mo ko
kapatid kuya." umiiyak na talaga siya. "Oo na hindi
na niya ko gusto, ang panget panget ko kasi eh.
Sige wag mo na ko ilakad kay Jayshin. Huhuhu."
lakas mangonsensya.

"Pambihira! Oo na ilalakad na kita." napakamot na
lang ako ng ulo ko. Pasalamat siya kahit maldita
siya mahal ko pa din siya. "Ngayon lang 'to ah."

"Yehey! I love you kuya kong cute and handsome!"
kanina lang naiiyak iyak siya tapos ngayon akala

mo tumama siya sa lotto. Maldita na nga malakas
pa yung topak.

Pinuntahan ko si Jayshin sa kwarto nila ni Jeydon.
Alam ko naman na hindi papayag 'to si Jayshin eh.
Kaso eto si Tammy ang kulit eh. Pambihira talaga!
Obsessed na ata masyado yung kapatid ko kay
Jayshin.

"Jayshin?"

"Oh hyung! Bakit?" paano ko ba ilalakad si Tammy
sakanya? Dapat pala nag isip muna ako ng plano.
"May problema ba?"

"Ah ano kasi eh.."

"Hyung kung about yan kay Tammy nako wag mo
na ituloy. Alam mo ba kanina pa niya ko hinahabol
habol. Nagtago na nga ako kanina kay hyung
Charles pero nahanap pa din niya ko. Can you tell
her to stop hyung? She's irritating."

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Susubukan ko
pa lang ilakad si Tammy sakanya, epic fail na. "Ah
hehe oo hindi 'to about kay Tammy."

"Good, so what do you want from me?"

"Ah wala naman hahanapin ko lang sana si Jeydon
at Candice."

"There on a date. You know what hyung, lahat sila
may date. Si hyung Jeydon at si Candice nasa
date. Si Marky naman nakita ko kanina kasama si
Ginny. Si hyung Charles at noona Serina ayun nag
hahalikan sa may tabing dagat. Tayo na lang ata
napag iwanan dito." bakit naman ako nasama?

"Anong napag iiwanan? May date din ako, si
Tiffany."

"Weee? kung mag dadate talaga kayo asan siya?"

"Nasa kwarto, masakit daw yung ulo niya kaya
hindi kami makapag date. Maybe later." kamusta
na kaya si boo? Mapuntahan nga mamaya, baka
gising na siya.

"Ganon? So napagiwan na talaga ko." ang choosy
kasi, hindi naman panget si Tammy.

"Andyan naman kasi si Tammy." bulong ko.

"Anong sabi mo hyung?!" mana talaga siya kay
Jeydon kung makatingin, nakakatakot. Ang hirap
nila galitin. Nasa pamilya na ata nila yan. Lahat
sila nakakatakot kapag nagalit.

"Sabi ko ang pogi mo." pero mas pogi pa din ako,
wahaha.

"Alam na natin yan hyung." tapos tumawa siya.
Napaka vain niya, manang mana sa kuya
niya."Wait my phone is ringing."

Kinuha niya yung phone niya. Sino naman kaya
yung tumatawag sakanya? May girlfriend na kaya
siya?

"Yoboseyo noona Jaycee! Uuwi na din kami bukas..
Alright I'll update you, alam mo naman na hindi ko
kayang suwayin yung utos mo. Haha! Sige bye."
nag reply sa utak ko yung sinabi niya.

'Hindi ko kayang suwayin yung utos mo.'

Biglang umilaw yung light bulb sa ulo ko. Wahaha!
Alam ko na. Si Jaycee ang susi sa problema ko.
Kaso hindi na kami in good terms ni Jaycee. Wag
na lang kaya?

"I'll go now hyung, mag hahanap ako ng chicks
dito para hindi na ako lonely."

"Jayshin kahit konti ba hindi ka nagandahan kay
Tammy?" parang hindi siya makapaniwala sa
tanong ko.

"Sorry hyung she's not my type so don't push her
to me." umalis siya agad. Loko talaga yun.
Hinanda ko na agad yung sarili ko habang pabalik
ako kay Tammy. Magwawala na naman yun. Ang
kulit niya kasi eh, sabi ng ayaw talaga sakanya ni
Jayshin. Kaso bakit parang ramdam ko may
something din naman si Jayshin kay Tammy, love
kaya yun o hate? siguro hate. Wahaha!

"So hindi siya pumayag, am I right?" aba hindi siya
nag wala tska bakit ganun? parang naawa ako kay
Tammy. Parang pasan niya yung mundo. Kawawa
naman ang little sister ko. Truth hurts talaga eh.
"Kuya please set me and Jayshin on a date, kapag
hindi nag work out lulubayan ko na siya."

Wow ha, marunong din pala siya sumuko. Parang
gusto ko na tuloy gawin yung naiisip ko. Gusto ko
na kasi siyang tumigil sa paghahabol niya kay

Jayshin, nag mumukha siyang tanga eh. Napaka
dami naman kasing lalaki dyan, dun pa siya nag ka
gusto sa ayaw sakanya.

"Please? hindi na din kita kukulitin palagi tapos
magiging mabait na ko kay ate Tiffany."

Okey sige gagawin ko na talaga. Aba magiging
mabait na daw siya kay boo eh. Nag selos
kasi siya dati kay Tiffany dahil sinabihan ni
Jayshin si boo na ang sexy niya. Simula nun nag
mamaldita na siya kay Tiffany.

"Oo na, ako ng bahala dun."

Niyakap niya ko. "Thanks kuya! i love you."

Ginulo gulo ko yung buhok niya. Maldita lang
talaga siya pero mabait pa din naman siya tska
sweet kapag walang topak. "I love you too little
sis."

Pumunta muna ako sa kwarto ko, I need to talk to
Jaycee. Hindi siya sinusuway ni Jayshin kaya
panigurado kapag siya yung nag sabi, susunod
yung kapatid niya. Kinakabahan akong kausapin
ulit siya pero ayos na din para maging okey na
kaming dalawa.

Tinawagan ko siya, sinagot naman niya kaagad
yung tawag ko.

["Hello?"]

"Jaycee, ako 'to si Troy."

Nagulat siguro siya na tumawag ako kasi ang tagal
bago siya nag salita ulit. ["Ikaw pala Troy,
kamusta? bakit napatawag ka?"]

"Ayos lang ako, ikaw? napatawag lang ako para
humingi sana ng maliit na favor." sana pumayag
siya.

["Anong favor naman yun?"]

"Can you make Jayshin agree to the date I will set
up for him and Tammy. Alam ko naman na hindi
ka niya mahihindian eh."

"Kelan ka pa naging si Mr. Kupido? Haha!" nang
asar pa, wala pa din siyang pinagbago. "Sige I'll
make sure papayag si Jayshin." ayos solve na yung
problema ko.

"Salamat Jaycee."

"Wala yun, para sayo."

Bigla kaming natahimik. Hindi ko alam kung anong
sasabihin ko. Medyo nakakailang na, hindi na
talaga katulad ng dati. Iend ko na sana yung call
pero nagsalita ulit siya. "Masaya ako na nagkausap
ulit tayo. Akala ko kasi kinalimutan mo na ko."

May kakaiba akong naramdaman. Halatang may
lungkot sa boses niya.

"Jaycee mahalaga ka pa din sakin."

Bigla ulit kaming natahimik na dalawa. Ewan ko
kung bakit ko yun nasabi. Totoo naman kasi na
mahalaga pa din siya sakin. Siya yung kauna
unahang babae na minahal ko at hindi na yun
magbabago. Kahit si Tiffany na yung mahal ko
ngayon, hindi naman ibig sabihin nun na
kakalimutan at babalewalain ko na siya pero
mahalaga na lang siya sakin bilang isang kaibigan.

"Gusto ko din malaman mo na mahalaga ka pa din
sakin Troy." pakiramdam ko umiiyak siya. "Sige
na, baka hinahanap ka na ni Tiffany."

"Jaycee, ngayong divorce na kayo ni louis I hope
you'll find the right man for you now."

"Thank you Troy, alagaan mo si Tiffany ah. Wag
mong paaiyakin yun."

"Oo naman mahal na mahal ko yun eh."

"Sige na bye." binaba na agad niya yung phone.

Sana maging masaya na din si Jaycee. I want her
to be happy. I still care for her, not as a girlfriend
but as a friend now.

Pagkatalikod ko napansin kong bukas yung
pintuan. Teka alam ko sinara ko 'to ah? Ang wierd
naman. Makapunta na nga lang sa kwarto ni boo.
Miss na siguro niya yung napaka gwapo kong
mukha. Wahaha!

"Boo?"

Walang tao sa kwarto nila? asan si Tiffany?
masakit ulo niya ah? asan naman kaya siya nag
punta? pasaway talaga yun si boo.

Lumabas ako ng hotel, pumunta na lang ako sa
beach. Lagot siya sakin, lumabas siya ng hindi ako
kasama.

"Boo! asan na you? dito na me."

Tsk mukhang tama si Jayshin napag iiwan na
kaming dalawa. Yung tatlong ugok may date na
ngayon. Ako merong ka date, yun nga lang
missing in action.

"Tiffany tama na." nung narinig ko yung Tiffany
napalingon agad ako dun sa nagsalita. "Andito lang
ako."

Si Tiffany pero teka bakit may kasama siyang
lalaki?! At t*ngina lang ah, bakit naka akbay
sakanya?!

Sobrang nag init yung ulo ko. Para na ngang
nandidilim yung paningin ko. Gusto kong pumatay
sa galit.

"Kuya! kuya wag!" bigla na lang sumulpot si
Tammy, pinipigilan niya akong pumunta kay
Tiffany at dun sa lalaking kasama niya. "Baka
anong magawa mo, hayaan mo na muna sila. Tara
na nga!"

"Pero--"

"Kilala kita kuya kapag ganyan yung aura mo may
hindi magandang nangyayari eh. Alam ko gusto
mo ng bugbugin yung kasama niyang lalaki pero
baka pati si ate Tiffany masaktan mo dahil sa
sobrang galit mo." may punto si Tammy.

Kinalma ko yung sarili ko. Umalis na lang muna
kami ni Tammy. Kaylangan ko munang mag
palamig ng ulo. Baka nga pati si Tiffany masaktan
ko. Pucha naman kasi, bakit may kasama siyang
lalaki at ang matindi pa dun naka akbay sakanya.
Niloloko ba ko ni Tiffany?!

Hindi ako mapakali.

"San ka pupunta kuya?"

"Gusto kong uminom." hindi ako nagpapigil kay
Tammy. Kaylangan ko yung best friend ko, yung
alak.

Gabi na din kaya bukas na yung mga bar dito.
Nahanap ko yung pinaka malaking bar nila.
Madaming tao tapos may DJ, open lang siya kaya
maganda tumambay at uminom dito.

Bumili ako ng isang bote ng alak. Magpapakalasing
nga ko. Puta naman kasi talaga eh.

Niloko ako ni Tiffany! kitang kita naman ng
dalawag mata ko eh. Mga taksil sila, buti na lang
talaga napigilan ako ni Tammy kasi baka napatay
ko yung lalaki na yun. Kahit side view lang nila
yung nakita ko, ang panget niya.

"Tiffany naman sana man lang sa gwapo mo ko
pinagpalit."

Buiset talaga. Ang sakit pala maloko. Eto na ba
ganti sakin ng Dyos dahil sa mga babae na hindi
ko sineryoso noon? dahil sa pagiging womanizer
ko?

Tawag nila sakin dati womanizer. Sobrang hilig ko
kasi sa mga babae kahit kami na noon ni Jaycee,
may kasama pa kong babae magpapalit na ako
agad. Hindi pa din kasi ako ganun ka loyal kay
Jaycee kasi kahit mahal na mahal ko siya noon,
hindi ako sigurado sa relasyon namin. Kaya nga
palagi akong tambay sa mga bars namin kasi
madaming chicks dun. Hindi ako nakikipag
relasyon, hook ups lang. Sex lang naman habol ko
sakanila e. I know I'm such a jerk, ginagawa ko
lang naman yun sa mga babae na ganon din yung
habol sakin. But still at the end of the day, si
Jaycee pa din naman yung naiisip ko at siya pa din
yung mahal ko.

"Excuse me? Oh my gosh! Troy is that you? I
missed you." hinalikan niya agad ako.

Siya si Rica Loraine, ka playtime ko dati. Maganda
siya tska sobrang sexy, cover pa nga siya ng isang
men's magazine. Siya na siguro yung pinaka
matagal na naka playtime ko.

Matagal tagal na din akong hindi tumitingin sa mga
babae. Yung mga mata ko si Tiffany lang yung
nakikita. Wala akong paki kahit sobrang ganda at
sobrang sexy nung mga babae na lumalapit sakin.
Sa sobrang pag ka womanizer ko, kapag nalasing
kami ng kung sinong babae na kasama ko sa bar
ko pareho kaming nauuwi sa one night stand.
Ganyan yung buhay ko noon, kung hindi si Jaycee,
bisyo at babae yung pinagkala abalahan ko.
Nag bago lang lahat nung dumating sa buhay ko si
Tiffany, dun na talaga ko mag tino. Lahat nag
bago, lahat gumanda.

"Malungkot ka ba? cheer up. You're too handsome
too be sad." taena bakit kapag ngumingiti siya
parang kamukha niya si Tiffany? Dahil ba 'to sa
alak? pero hindi pa ko lasing.

Ano ba Troy? kalimutan mo muna siya. Andito ka
para mag enjoy. Isa pa mukhang enjoy naman
siya kasama yung lalaki niya eh. I should enjoy
myself too. Isa pa miss ko na yung dating ako.

"Do you want me to cheer you up?" she
seductively smiled at me. I've used to see those
kind of smiles. Mga babaeng gusto lang eh
playtime. "You and I wouldn't be lonely tonight."
nilagay niya yung kamay niya sa leeg ko. She
slowly lean her face close to me. We're about to
kiss pero..
'I love you boo.'

Biglang nag flash yung mukha ni Tiffany pati yung
boses niya. Amp! mali 'tong ginagawa ko. Kahit
nagtaksil siya sakin hindi pa din ako dapat
magtaksil sakanya. Ganon ko siya kamahal na
kahit lokohin niya ko, hindi ko pa din siya kayang
lokohin.

Nilayo ko si Rica sakin. "What's wrong Troy?"

"I can't Steff. I can't do this to my girlfriend."
natawa siya sa sinabi ko.

"Girlfriend or playtime? ano bang nagyayari sayo
Troy?"

"Nag bago na ko Rica, and she's not just a
playtime." nag smirk siya sakin.

"Really? seryoso ka talaga sakanya? what if I do
this?" lumapit ulit siya sakin, this time nahalikan
na talaga niya ko. I didn't kiss her back. Kahit ano
pang pag flirt gawin nila sakin, si Tiffany at Tiffany
pa din yung naiisip ko. "What now?"

"Rica.."

"Troy? bakit kayo nag kiss?" sabay kaming
napalingon ni Rica. Si Tiffany, namamaga yung
mata niya. Umiyak ba siya? Asan na yung lalaking
kasama niya? "Sorry baka nakaka storbo ako."
Tumakbo siya palayo. Shet, anong ginawa ko?

"Ano pang ginagawa mo dyan Troy? habulin mo na
siya!" tinulak ako ni Rica paalis. Tama I should talk
to her. Taena talaga.

Buti na lang mabagal siyang maglakad kaya
nahabol ko siya. Hinawakan ko agad yung braso
niya tska ko siya hinarap sakin. Umiiyak siya, fvck
talaga. Ano ba kasing ginawa ko? pero teka nga
lang bakit pala siya umiiyak? eh di ba masaya na
naman siya kasama yung lalaki niya!

"Wag ka ng umiyak. Akala ko ba masaya ka
kasama yung lalaki mo na yun?" hindi siya
makapaniwala sa sinabi ko. Pinahaid niya yung
mga luha niya. "Oh asan na ba siya?"

"Sinong lalaki ko? ano bang pinag sasabi Troy?"
nag dedeny pa siya.

"Kitang kita ng dalawang mata ko, naka akbay pa
nga siya sayo eh." bigla siyang tumawa. Anong

nakakatawa sa sinabi ko? Naiinis na nga ako dito
eh. Kapag nakita ko talaga yung lalaki na yun--

"Tiffany!" speaking of the devil. Tinago naman ni
Tiffany yung lalaki niya sa likod niya. See! grabe
harap harapan niya kong pinagtataksilan! "Siya na
ba si Troy?"

"Oo ako! Ako yung gwapong boyfriend niya! Ikaw
ba yung kabit niya?!"

"HAHAHAHAHAHA!!" sabay silang tumawa. Ano ba
kasi talagang nakakatawa? may hindi ba ako alam
dito? Yung totoo? nag mumukha na akong tanga
dito ha. "AKO KABIT NI TIFFANY?!" sabi ni
mokong.

Teka lang pala.. yung hampas ng kamay niya,
kapag tumatawa siya.. BAKLA SIYA?!

"Lakas pala ng tama ng boyfriend mo sis eh!
pagselosan daw ba yung kagandahan ko?! Gosh!

kalurkey ha!" pucha! naloko ako dun ah. Taena
naman mukha naman kasi siyang lalaki eh.

"Lalaki ko ha?! nakakatawa. Kaya ba nakikipag flirt
ka dun sa babae na yun kanina? kasi nag selos ka
samin ni Dhessa?" eh sino bang hindi mag seselos
dun? malay ko ba naman kasing lalaki yang bakla
na yan. Kung lalaki lang talaga siya baka nasuntok
ko pa siya. Buti na lang pala talaga napigilan ako
ni Tammy kanina kung hindi mas lalo akong
napahiya. "Best friend ko lang siya at isa pa hindi
kami talo, okey?"

"Oo nag selos ako! masama bang mag selos?
eh mahal na mahal kita eh."nilayo ko siya dun
sa bakla niyang best friend. Best friend niya eh
hindi naman namin siya palaging nakikita. "At isa
pa hindi ako nakikipag flirt, siya yung lumapit
sakin. Hindi kita kayang lokohin."

"Ows kaya pala sabi nyan ni Tiffany kanina kausap
mo daw yung ex no tapos sabi mo mahalaga pa
din siya sayo. Hindi ba yun pangloloko?" siniko
agad siya ni Tiffany. So kaya pala bukas yung
pintuan kanina kasi nandun siya kanina. "Kaya nga

maga yang mata nyan oh kakaiyak, at yung kanina
na nakita mong naka akbay ako sakanya,
dinadamayan ko lang siya."

"Boo naman! Alam mo naman na hindi ko na
mahal si Jaycee, ikaw na yung mahal ko!"

"Hay nako mag exit na nga ang beauty ko dito!
Bye best! Sige mag usap na kayo. Kaloka kayo ng
dalawa ha!" kumekembot kembot pa siya na
naglakad palayo samin. Buti na lang umalis na
siya.
"Bakit kausap mo si Jaycee kanina?" I smell
something here.

"Si Tammy kasi kinukulit ako na iset up ko daw
siya ng date kasama si Jayshin, eh alam mo
naman yung kapatid ni Jeydon ang choosy choosy.
Kaya ayun humingi lang ako ng tulong kay Jaycee
kasi hindi siya kayang tanggihan ni Jayshin."

"Eh ano ba yung narinig ko ha? Troy tell me do you
still love her?" naririnig ba niya yung sarili niya?
Hindi ko na mahal si Jaycee.

"I will not lie to you, mahalaga pa din sakin si
Jaycee. Madami kaming napagdaanan na dalawa
pero wala na akong kung anong nararamdaman
para sakanya." parang ayaw pa niya
maniwala. "Wag mo na din tanungin kung sino
yung mahal ko kasi parang tinanong mo lang
din kung anong pangalan mo."

"Okey sige naniniwala na ko, eh bakit kanina
kasama mo yung babae na yun? kahit siya yung
lumapit sayo bakit nag stay ka pa din sa tabi
niya?" I do really have a jealous girlfriend.

"Kulang pa ba yung pagmamahal na binibigay
ko para mag duda ka sakin?"

"Natatakot lang ako, natatakot ako na baka
may magustuhan kang iba. "

"Wala akong pakialam sa mga babaeng
mapuputi at matatangos diyan, maganda nga
sila pero kahit kelan hindi nila mapapaganda
ang mundo ko ng tulad ng pagpapaganda mo
sa mundo ko ngayon."

She suddenly smiled at me. Ayan si Tiffany,
sandali lang siya magalit o mag tampo. Hinding
hindi niya ako kayang tiisin. "That's the sweetest
word I've heard in my life. Thank you boo. Mahal
na mahal kita."

"I love you din boo. Sobra sobra.." hinawakan ko
yung mukha niya tapos unti unti kong nilapit yung
mukha ko sakanya para halikan siya.

"KUYA!!! SI JAYSHIN MAY KASAMANG BABAE!!
HELP ME!!"

Nice one Tammy, kahit kelan good timing ka talaga
eh noh. Ayun na yun eh, mag kikiss na sana kami
ni boo eh. Perfect moment na sana eh.

Napa ngiti na lang kami ni boo kay Tammy. I just
kissed her insted in her forehead.
Naisip ko kahit gaano pa kadami ang pag
sabay sabayin mong babae sa buhay mo. Sa
huli It’s either may matirang isa. O sa huli
ikaw lang mag isa.Kaya masayang masaya ako
kasi may natirang isa sa buhay ko at yung taong
mahal na mahal ko pa. Yung babae na
nasasabayan yung kakulitan ko. Yung babaeng
mahal na mahal ako. Yung babaeng palaging
nandyan at iniintindi ako. Yung babaeng nagpatino
sakin. In short yung babaeng nag
ngangalang TIFFANY CHUA.

85: The Bad Boy King (Last chap)

JEYDON POV

"Aish that girl! I hate her she's so annoying."
Potek! ang aga aga badtrip siya. "Nakakainis
talaga." binato ko nga siya ng unan. "Ouch! Hyung
masakit!"

"Nakakairita ka. Kanina ka pa badtrip dyan baka
pati ako mahawa."

"Si Tammy kasi palagi na lang akong sinusundan.
Naiinis na ko, hindi ko tuloy na enjoy yung pag
stay natin dito." sumama sama pa kasi sila dito.
Kung andun lang sana siya sa bahay eh di hindi
siya naiinis ng ganyan. Masarap pa sana yung
niya. "Buti na lang last day na natin dito. "Hyung
ano ready ka na ba sa date niyo mamaya ni noona
Candice?"

"Ako pa? pinag handaan ko na 'to kagabi pa."
sigurado akong unforgettable yung gagawin ko na
hindi na iisipin ni Candice na tumingin pa sa iba.
"Wahahaha!"

"Hindi na pala ako sasama sa breakfast natin.
Ayokong makita si Tammy, sisirain niya lang agad
yung araw ko." sabay walk out. Ang arte niya,
choosy ang pucha.

Pumunta na lang ako sa lobby ng hotel namin. Eto
na yung last day namin dito kaya napag isipan ni
tita Janice na mag salo salo sa may VIP area ng
hotel namin. Nag pa handa ako sa chef namin ng
madaming pagkain. Sigurado ako matutuwa na
naman si Candice. Sobrang takaw ng aso na yun.
Akala mo may dragon sa tyan. San kaya nag mana
yun?

Nung nasa lobby na ako andito na silang lahat
maliban kay Jayshin. Sira talaga yun, nakakahiya
sakanila siya lang yung wala.

"Asan si Jayshin?" bungad agad sakin ni Candice.

"Malay ko dun, bakit siya yung hinahanap mo?
andito naman ako." sumimangot ako sakanya pero

pinag tawanan lang niya ako. Tumaas yung kilay
niya bigla tska parang may kung ano siyang iniisip.
"Ano naman iniisip mo dyan?"

"Wala din kasi si Tammy dito. Hindi kaya mag
kasama sila ni Jayshin?!" hindi ko napigilan na
matawa. Si Jayshin sasama kay Tammy? haha
bitch please. "Bakit ka tumawa? hindi naman
imposibleng mag kasama yung dalawa na yun,
malay mo nahihiya lang sila satin kaya kunwari
magkaka away sila pero ang totoo inlove na sila sa
isa't-isa." kinikilig kilig pa siya. Minsan hindi ko
maintindihan si Candice, lakas ng trip eh. Obvious
naman na ayaw ng kapatid ko kay Tammy.
Pinagpipilitan pa talaga niya.

"Pupusta pa ko hindi yun magkasama." pupusta ko
pa Ferrari ko. Kilala ko yung kapatid ko na yun.
Kapag ayaw niya, ayaw niya. Mana sakin yun,
kaya nga hindi na din nakakapag taka na napaka
gwapo niya. Wahaha!

May bigla namang umepal sa usapan namin ni
Candice. "Hahahaha!" parang gagu 'to si Troy,
susulpot na nga lang bigla lakas pa tumawa. Ano

naman kayang nakakatawa? "Sorry Jaydee but
you're wrong. Actually mag da-date yung dalawa
na yun kaya nga wala silang dalawa dito."

Pareho kaming nagulat ni Candice. "DATE?!"

"Oo date. Baka magulat ka Jeydon bukas sister in
law mo na yung kapatid ko." Si Tammy magiging
hipag ko? Kahit minsan hindi ko naisip yun. Ayos
lang din sakin basta hindi niya na pag
mamalditahan si Candice.

Kaso kilala ko yung kapatid ko, ayaw niya sa mga
katulad ni Tammy. Maarte, maldita at sobrang kulit
parang kuya Troy lang niya. May ginawa siguro 'to
si Troy? "Siguro sinet up mo yung dalawa noh?"

"Oo, kinukulit kasi ako ng kinukulit ni Tammy.
Humungi ako ng tulong sa ate Jaycee mo. Let's
just see kung anong mangyayari sakanila."
knowing my brother alam ko na kung anong
mangyayari sa dalawa na yun, nganga.

"Omg! ang galing mo best friend, good idea yan.
Bagay kaya silang dalawa." Seryoso siya? eh
parang diring diri nga yung kapatid ko kay Tammy.
"Teka lang pupuntahan ko si Tiffany dun, gusto ko
din mag ihaw ng food natin."

Lahat silang girls andun sa ihawan. Kaming apat
naman nakaupo lang habang pinag mamasdan sila.

"Jaydee ano pala balak mo sa date niyo ni Candice
mamaya?" tanong sakin ni Troy.

"Sekretong malupet. Haha!"

Binatukan naman ako ni tanda. Siraulo 'to ni
bayaw oh. "Baka kung saan saan mo dalhin yung
sa kapatid ko ah! tska baka kung ano gawin niyo,
humanda ka sakin."

"Wala ka atang tiwala sakin bayaw eh! Akong
bahala dun. Hindi ko naman papabayaan si
Candice." ako pa? prince charming ako nun.

"Jaydee pwede ba sumama kami ni Tiffany? double
date tayo!"

"Wag na! gusto ko kaming dalawa lang ni Candice.
Baka sirain mo pa moment namin mamaya."

"Sus! baka may gagawin kayong masama! Hala
tanda oh! Si Jeydon!" binato ko nga siya ng plastic
bottle na hawak ko. Napaka malisyoso niya.
"Binibiro lang kita! ang guilty mo ah!" sumama
tuloy tingin sakin ni tanda.

Buti na lang biglang sumabat si Marky sa usapan.
"Jaydee andito nga pala si Kim sa Jeju."

"SI KIM?!" sabay sabay pa kami nila Troy at
Charles. Potek naman oh! Anong ginagawa ng
babaeng yun dito? Hanggang dito ba naman sa
Korea sinusundan niya kami!

"Nakita namin siya ni Ginny kahapon. I'm sure
nandito yun para sayo at baka nga may binabalak
pa yun na masama. Kaya kung ako sayo alagaan

mo mabuti si Candice mamaya sa date niyo."
buiset talaga. Hindi ko hahayaan na may gawin
siyang hindi maganda kay Candice.

"Wag na nga kayo umalis ni Candice baka may
gawin talaga yun si Kim."

"Tanda wag ka mag alala, ako kasama ni Candice
kaya walang mangyayari. Pangako ko yan sayo,
tago mo sa bwan." tumayo na ko agad, mabuti pa
tapusin na namin yung usapan na 'to baka
mamaya hindi kami payagan ni tanda na umalis.

"Ready na yung food!" sigaw ni yaya Linda.

Grabe ang dami nga talagang pagkain. Yung mata
ni Candice kumikinang kinang. Hindi ako
nagkamali kasi tuwang tuwa siya. Haha sigurado
ako kaya niya yang ubusin. "Ahhh~ pagkain! wooo
kain na tayo!"

"Hoy manang baka ubusan mo kami ng pagkain
ah! ang takaw takaw mo pa naman."

"Grabe ka naman kuya! Masarap lang kasi kumain.
Sabihin mong hindi?"

"Hindi!"

"Sinungaling!" yung magkapatid talagang 'to
palaging nag aasaran. Kung tutuusin ang sweet
nila. Yung pag aasaran nila yung way ng pag
lalambing nila sa isa't isa. "Haha joke lang kuya!
Labyu!"

Shet naman parang bigla akong nalungkot. May na
realize ako. Sobrang mamimiss ko yung kakulitan
at kabaliwan na yan ni Candice. Yung nag iisang
tao na nakakasabay din sa kabaliwan ko.

"Hubby bakit nakatayo ka pa dyan? Kain na tayo
dali!" hinila niya yung braso ko, akala mo naman
kaya niya ko pero umunod na lang din ako sa tabi
niya. "Ang sarap ng mga pinahanda mo hubby!
Yieee! busog much ako neto!" ang laki laki ng ngiti
sa mukha niya.

Hindi ko maiwasan na titigan siya habang masaya
siya at naka ngiti. Ang sarap tignan, mahahawa ka
na lang sa kasiyahan na meron si Candice. Ganon
siya eh, ganon yung epekto niya sa mga tao na
nakapalibot sakanya. Napatingin siya bigla sakin.

"Kuhanan mo na lang ako ng picture. Mas
matagal mo yun matititigan tska baka
matunaw ako sa mga titig mo eh."

"Teka wifey! Line ko yan ah!"

"Ay line mo ba yun? Eh di paheram muna." sabay
tawa, hindi ko tuloy napigilan na pisilin yung
magkabilang pisngi niya. "Ouch naman! ginawa
mong siopao yung pisngi ko."

"Ang cute mo kasi wifey, nakakagigil yang pisngi
mo."

"Ah ganon? gusto mo kilitiin kita?" tss parang kaya
niya ko. Kayang kaya ko hawakan yung dalawa
niyang kamay gamit lang yung isa kong kamay.
"Gusto mo talaga?"

"Kiss mo na lang ako." pag kasabi ko nun bigla
siyang namula. "Haha! ano bakit ayaw mo?"

"Andyan kaya si kuya! nakatingin."

"Uy kayong dalawa dyan kumain na nga kayo!"
speaking of, kahit kelan epal 'to si Charles sa
moment namin.

Habang kumakain kami nag kwento si Candice ng
mga nangyari sakanya nung nakatira sila dito sa
Korea ng papa niya. Palagi daw silang pumupunta
sa tabing dagat ni Shawn pagkatapos ng klase nila.
Kaya kapag napapadaan siya sa tabing dagat dito,
naaalala niya yun. Gusto ko din gawin yun kasama
si Candice. Gusto ko kapag makikita niya yung
tabing dagat ako yung maaalala niya at hindi si
Shawn. Kung dito lang sana ako mag aaral kasama
niya, sana magagawa din namin pumunta sa

tabing dagat pagkatapos ng klase namin. Close na
ulit kami ni Shawn kaya ayoko mag selos pero ang
hirap pala pigilan na hindi mag selos.

Pagkatapos namin kumain nag aya si tita Candy na
mag jetski. Eto naman si aso ayaw kasi natatakot
siya na baka malunod siya. Paano siya malulunod
kung may life vest naman? isa pa hindi ko naman
hahayaan na may mangyari sakanyang masama.
Kaso sa huli, hindi din namin siya napilit na
sumama. Nag pa iwan na lang din ako para
samahan siya.
Lahat sila maliban samin ni Candice tska kay
Marky at Ginny nandun sa beach at nag je-jetski.
Si Ginny hindi pwede sa ganun kaya sinamahan na
lang siya ni Makry dun sa yatch namin.

Ang layo ng tingin ni Candice. Andito kami sa
balcony ng kwarto nila ni Ginny. Naka harap
kaming dalawa sa dagat. Hindi ko na naman
napigilan yung sarili ko na mapatingin sakanya.

Fvck! eto na naman ako. Inatake na naman ako ng
kalungkutan. Ayokong isipin na mapalalayo ako
sakanya kasi alam ko malulungkot lang ako tska

masasaktan. Kaso kahit anong pilit ko, yun pa din
yung pumapasok sa isip ko. Ang hirap lang kasi na
wala siya sa tabi ko. Hindi ko pwedeng hawakan
yung kamay niya kung kelan ko gusto. Hindi ko na
siya mayayakap at mahahalikan ng ganon ganon
na lang. Hindi ko din siya agad agad
maipagtatanggol kapag inaapi siya, ang bait kasi
niya na kahit inaapi na siya tatahimik lang siya.
Kapag kaylangan niya ko, wala na ko sa tabi niya.

Shet ang gay, naiiyak ako.

"Pusa, bakit parang malungkot ka? Teka umiiyak
ka ba?" pinilit kong ngumiti. Ayokong nakikita niya
akong ganito. Ako yung prince charming niya kaya
dapat malakas ako palagi sa paningin niya. "Uy!
anong problema mo?"

Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit. "I'll
just miss you so damn much."

"Isipin mo na lang para akong multo. Hindi
mo man ako makita sa paligid mo, andyan

lang ako. At wag ka mag alala kasi palagi
kitang mumultuhin. Awoooo!"

Natawa ako bigla, umurong pabalik yung luha sa
mata ko. Kung makapag banggit siya ng multo
akala mo hindi siya takot sa multo. She never fails
to make me laugh.

"May multo na bang takot sa kapwa nila multo?"

"Uy hindi ako takot ah! haha! ako pa?" ganon pala
ha.

"Ah okey. Buti naman hindi ka takot sa multo kasi
sabi ng mga staff dito sa hotel namin, etong
kwarto daw na 'to may nag papakitang white
lady." biglang namutla yung mukha niya.
Pinipigilan ko talaga na tumawa. Hindi pala takot
ah? Action speaks louder than words. "Buti talaga
hindi ka takot."

"Hehe.. hindi nga hehe.. ano hubby, totoo ba tatalaga yun? na may multo dito?" na miss ko siyang

asarin. Wahaha! takot na takot na siguro siya,
grabe ba naman yung kapit sa braso ko eh.

"Oo nga! Hindi ka naman takot di ba?"

"Eh! walang ganyanan! joke joke lang yun! takot
ako sa mumu! huhu!' hinawakan ko yung kamay
niya.

"Don't worry hanggat nandito ako sa tabi mo hindi
magpapakita satin yung multo."

"Ha? talaga? bakit hindi sila magpapakita kapag
nandyan ka?"

"Takot lang nila sakin. Wahaha!"

"Sabagay nakakatakot ka kaya kapag serious
mode ka. Nagiging dragon ka eh." ah ganon pala
yung tingin niya sakin dragon? sa gwapo kong 'to?

"Gwapong dragon." haha! mukhang nabasa niya
iniisip ko.

"Oo nga pala mag da-date tayo ngayon kaya mag
ready ka na."

"San naman tayo pupunta?"

"Manunuod tayo ng sine." parang nag tataka pa
siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro ineexpect na
manunuod lang kami ng sine. "Ayaw mo ba nun
wifey?"

"Ahhh.. hindi gusto ko hehe." napangiti ako bigla.
Halata naman na disappointed siya. Ang dali
talagang basahin kung anong nasa isip niya. "Sige
pusa mag bibihis lang ako ah? kita na lang tayo sa
may lobby."

Pumunta ako sa kwarto ko para i check kung okey
na ba lahat ng plano ko. Ayos at ready na ang
lahat. Sana talaga magustuhan siya ni Candice.

Gusto ko bago ako bumalik sa pinas, may mabigay
ako sakanyang unforgettable memory. Gusto kong
maramdaman niya kung gaano siya ka importante
sakin. Gusto kong malaman niya na mahal na
mahal ko siya.

Candice sana magustuhan mo yung gagawin ko
para sayo..

--

CANDICE POV

Lumapit ako kay Jeydon. Ang gwapo niya, teka
ano pa bang bago? eh palagi naman siyang gwapo.
Hindi ko nga naisip na magkakaroon ako ng isang
boyfriend na katulad niya. Gwapo, sweet,
abnormal, mahilig sa pusa at kay doraemon,
seloso, bad boy. In short isang Jeydon Lopez.

"Na iinlove ka na naman sa ka gwapuhan ko?"
hindi pa din siya nag babago. "Alam ko na yun
wifey, haha! tara date na tayo!"

Last day na namin na magkakasama. Hindi ko kasi
alam kung kelan ulit kami mag kikita kasi baka
hindi siya payagan ng daddy niya puntahan ako
dito. Siguro ako na lang yung dadalaw sa kanya sa
pinas.

Masaya ako na mag da-date kami ngayon ni
Jeydon. Ang pinagtataka ko lang sa lahat ba
naman ng oras ngayon niya pa naisipan na
manuod ng sine. Mas madami namang magandang
gawin dito sa Jeju. Gusto ko kasi maging
memorable yung last day namin ni Jeydon na
magkasama para kapag nalulungkot ako dito
maisip ko lang yun sasaya na ko.

"Maglakad muna tayo dito sa tabing dagat."

"Bakit hubby? akala ko manunuod tayong sine?"
umiwas siya ng tingin sakin. Parang nahihiya pa
siya.

"Gusto ko kasi kapag naaalala mo yung tabing
dagat, ako yung maalala mo hindi si Shawn." hala!
seloso talaga netong lalaki na to. Okey na nga sila
ni Lucas, nag seselos pa din siya.

"Hubby naman, ikaw naman palagi yung nasa isip
ko. Hindi mo kaylangan makipag kumpitensya kay
Lucas." ang sama pa din ng mukha niya. Mukhang
nag seselos pa din siya. Paano kaya kapag
nalaman niya pa na.. "Oo nga pala, dito na din
mag aaral si Lucas sa Korea, pareho kami ng
University."

"Ano?! bakit dito?!" Hala! galit na galit lang?

"Eh sa dito siya mag aaral eh. Pusa naman wag ka
na mag selos, ikaw lang naman mahal ko. Isa pa
mag kaibigan lang talaga kami ni Lucas."

"Ayoko mag selos kay Shawn kasi close na
ulit kami pero hindi ko maiwasan eh. Buti pa
siya mag aaral dito. Makakasama ka niya

palagi, palagi ka niyang makikita. Ako? wala
andun sa pinas namimiss ka."

"Nagseselos ka ba talaga?"

"Oo! nagseselos ako. Nakakainis alam mo ba yun?
I told you don't make me jealous! Candi--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Hinila
ko siya palapit sakin tska ko siya hinalikan.

Dama ko sa halik sakin ni Jeydon na ayaw niya
akong malayo sakanya. Pareho lang naman kami
ng nararamdaman eh pero siguro mas okey na din
'to para masubok kung gaano katatag yung
relasyon namin. Kung kami naman talaga, kami pa
din hanggang sa dulo.

Nung bumitaw kaming pareho sa halik na yun,
tinignan niya ko sa mga mata ko. Maya maya bigla
siya pumikit tapos tumingin ulit siya sakin.

"Anong problema hubby?"

"Sabi nila love is blind daw. Eh bakit puro
mukha mo yung nakikita ko?"

Jeydon Lopez bakit kaylangan mong maging
ganyanka sweet? Naiinlove ulit ako sayo ng paulit
ulit sa ibat ibang dahilan.

"Mamiss ko yang mga banat mo kapag bumalik ka
na sa pinas." hinawakan niya yung mukha ko.

"Magkalayo man tayo pero yung puso natin
palaging magkasama."

Pinigilan ko na umiyak, nalulungkot kasi ako dahil
mag kakalayo kami pero na touch din ako kasi
kahit na ganon yung mangyayari samin ni Jeydon,
pinaparamdam niya na walang mag babago. Gusto
kong maging masaya yung araw na 'to. "Tara na
nga pusa, excited na ko manuod ng sine."

Hinila ko siya papunta sa kotse niya. Wala na
akong paki alam kahit manunuod lang kami ng
sine ni Jeydon. Ang mahalaga naman magkasama
kaming dalawa.

Nung nakarating kami sa mall pinag titinginan
kaming dalawa. Mali pala, pinag titinginan si
Jeydon ng mga babae. Grabe pang international
yung ka gwapuhan ng isang Jeydon Lopez.
Hanggang Korea may mga fangirls siya. Kapag
hindi tumigil yang..

"Kapag hindi tumigil yang mga lalaki na yan na
tignan ka baka makasapak ako bigla." teka ako?
sakin sila tumitingin? Siya kaya yung tinitignan.
"Kapag wala ako sa tabi mo wag ka ng mag aayos.
Ayokong may tumitingin sayo na iba."

"Ang daya naman, bakit ikaw? gusto ko din na
walang ibang tumitingin sayo! Kaso hindi naman
pwede yun kasi inborn na yang ka gwapuhan mo.
Mag ayos ka man o hindi, gwapo ka pa din."
natawa siya sa sinabi ko. Hindi kaya ako nag

bibiro! hmp. Ang daya daya naman niya. "Mamaya
tumingin ka sa iba habang wala ako."
"Paano ako titingin sa iba kung yung mata ko, ikaw
lang yung nakikita?"

Sa totoo lang alam ko na yung mga pick up lines
na yan. Kaso kapag pala sinabi yan sayo ng taong
mahal mo harap harapan, kikiligin ka pa din.

"Yun nga wala na ko sa tabi mo lagi, mamaya mag
hanap ka ng iba."

"Sa dami ng mga magagandang babae na
nakapalibot sakin, kung ipagpapalit kita sana dati
pa. Kaso ikaw pa din naman di ba?"

Tama siya, bakit pa ba ako nag dududa? Alam ko
naman na ako lang. Ako lang yung mahal ni
Jeydon.

"Tara na wifey? mag sisimula na yung palabas."

Ang laki ng ngiti niya. Teka, ano nga pala
papanuorin namin? Thor lang naman magandang
palabas ngayon. Sana man lang romance movie
panuorin namin. Tska nasa Korea kami ah? NASA
KOREA KAMI! eh puro hangul salita ng mga movie
dito.

"Hubby, anong papanuorin natin?" wah! isa pa
naisip ko baka mamaya horror yung papanuorin
namin kaya ang laki ng ngiti niya.

"Basta pumasok ka na, bibili lang ako ng popcorn.
Eto yung ticket tska andyan na din yung seat
number natin." inabot niya sakin yung ticket tapos
umalis siya agad.

Pumasok na lang ako sa loob ng sinehan. Yung
upuan na nakuha niya nasa pinaka gitna. Saan
niya kaya nakuha yung ticket na 'to? Mukhang
romance naman yung papanuorin namin kasi puro
mga lovers yung mga tao dito. Parang na out of
place pa nga ako ng pumasok ako mag isa dito.
Asan na kaya yun si pusa?

Ilang minuto na wala pa din siya. Aalis na sana ako
para hanapin siya kaso biglang nag simula na yung
movie.

"Aish asan ka na pusa?" bulong ko sa sarili ko.

Binalik ko na lang ulit sa screen yung atensyon ko.
Babalik din siguro yun, subukan lang niya ko
iwanan ah lagot siya sakin.

"Ahm.. hello? hello?"

Teka boses ni Jeydon yun ah? parang ang lakas
naman ata ng boses niya? Asan ba siya?

Pagkalingon ko sa screen ng sinehan. "What the?!"

BAKIT NANDUN SIYA SA SCREEN?

Anong nangyayari? kasali na ba sa isang pelikula si
Jeydon? anong ginagawa niya dun? Tska teka! ako
na yung nasa screen! Natutulog ako sa kama ko at
ang gulo ng itsura ko!

"Nakikita niyo ba yung babaeng yan? Yan si
Candice. Siguro napapangitan kayo sakanya, ang
gulo kasi ng itsura niya."

Jeydon! bakit mo 'to ginawa sakin?! ang daming
tao dito. Waaa! tinignan ko yung tao sa paligid at
aba hindi ata sila nag reklamo? mukhang tutok na
tutok pa sila sa panunuod. Nag bayad sila para
manuod ng movie hindi ng video ko! Tska mga
koreano yang mga yan, naiintindihan ba nila si
Jeydon? Waa ano bang nangyayari?

Nilapit lalo ni Jeydon yug camera sa mukha ko.
Parang alam ko na kung kelan niya kinuhanan 'to.
Yung araw na ginising niya ko sa kwarto ko. Sira
talaga siya! kinukuhanan na pala niya ako nun.
"Tignan niyo tulo laway pa siya oh.. haha."

Pagtawanan daw ba ako? Oo na ako na tulo laway
habang natutulog. Huhu hubby ano bang ginagawa
mo? para saan ba 'to? litong lito na talaga ako.

"Gusto kong malaman niya na kahit ganyan
yung itsuta niya ngayon, siya pa din yung
pinaka magandang babae sa paningin ko."

Awww.. Jeydon, sobrang na touch ako dun.

Biglang nag bago yung video. Nasa kwarto siya
balcony siya. Naka upo siya tapos parang
hinihintay. "Yah Jayshin! okey na ba? naka play na
ba?"

"Oo hyung kanina pa kaya. Sige salita ka na."

Napakamot na lang siya ng ulo. "Aish! nag play na
pala hindi mo naman sinabi! Gwapo na ba ko?" Oo
sira gwapong gwapo ka na. "Ay basta i cut mo na
lang yun ah, sige mag uumpisa na ko."

"Game na nga! Mag simula ka na!" narinig ko pa
yung pag dadabog ni Jayshin. Haha ang kulit
talaga nilang dalawa na mag kapatid.

"Uhm okey sige eto na ah."

Kahit na nalilito pa din ako sa kung anong
nangyayari ngayon, nanuod na lang ako.

"Ako si Jeydon at sabi nila isa daw akong bad boy.
Totoo naman eh, bad boy nga ako. Isa akong bully
sa school namin, basagulero, pasaway, ma bisyo.
Lumaki ako na kahit anong gusto ko nakukuha ko.
What Jeydon wants, Jeydon gets. Kaso nag bago
lahat ng yun nung nakilala ko si Candice.."
Nung nakilala niya ko?

"Akala ko lahat ng bagay basta gustuhin ko
makukuha ko pero iba si Candice. Ang hirap niya
kunin, ang lapit lang niya sakin noon pero parang
ang layo niya. Hindi niya ko gusto noon, masakit
pa nun yung best friend ko yung gusto niya. Para
akong sinasaksak sa puso kada makikita ko silang

magkasama. Madaming beses ko na nga din
naisipan na sumuko na lang sakanya pero kada
mapapalapit ako sakanya, hindi ko magawang
sumuko."

Jeydon sorry, sorry kung naging manhid ako noon,
sorry kung nasaktan kita noon. Ang manhid
manhid ko kasi. Palagi ko na lang pinapamukha
sayo dati na si Marky yung gusto ko. Ang tanga
tanga ko lang noon. Salamat din kasi hindi ka
sumuko sakin.

"Lahat naman ng paghihirap ko, worth it. Kasi
nung panahon na minahal na din niya ko,
pakiramdam ko para akong nanalo sa lotto. Ang
saya saya ko, lahat ng sakit na naramdaman ko
dati nawala. Lahat napalitan ng saya. Ibang iba si
Candice sa lahat ng babae. Hindi ko alam pero
makita ko pa lang siya, napapangiti na ko."

Para akong naiiyak.. naiiyak ako kasi na touch ako
ng sobra sa mga sinasabi ni Jeydon.

Medyo yumuko siya tapos parang.. parang naiiyak
siya? Hindi, umiiyak na nga talaga siya.

"Alam ko napapanuod mo na 'to. Sana nandyan
ako palagi sa tabi mo. Sana palagi pa din kitang
makakasama pero wala eh, sinusubok nga siguro
tayo ng tadhana. Gusto ko lang na malaman mo
na walang kahit anong mag babago satin. Hindi
mababago ng dagat na naglalayo satin yung
pagmamahal ko sayo."

Pinunasan niya yung luha sa mata niya. Humarap
ulit siya sa camera tapos ngumiti siya.

"Candice wag mo akong ipagpapalit sa mga
Koreano ah? ipangako mo na pagbalik mo satin,
ako pa din yung mahal mo. Ako lang ah? Kasi
pangako pag balik mo, ikaw pa din yung mahal ko.
Ikaw lang."

Oo Jeydon pangako ko sayo, ikaw lang.

"Candice, wala na akong maisip na pick up line eh.
Pwede na ba kahit sabihin ko na lang na mahal na
mahal kita?"

Naiyak na talaga ako. Yah! Jeydon mahal na mahal
din kita. Sobrang mahal na mahal kita.

Biglang nag salita ulit si Jayshin. "Ahm hyung okey
na yan, matutuwa na nyan si Noona!"

"Talaga? Sana nga matuwa siya.."

Sira! hindi ako natuwa. Tuwang tuwa ako! Ang
saya saya ko pa nga eh.

Tapos nag end na yung video na yun. Lahat ng tao
dun nakatigin sakin. Mukhang kinikilig pa sila. Psh!
as if naman na naintindihan nila yun noh! Huhu
nakakahiya naman, sinayang namin ni Jeydon
yung oras nila. Buti na lang hindi sila nagalit.

Bumukas konti yung ilaw. Nagsitayuan lahat ng tao
sa sinehan. Nakatingin pa din sila sakin. Hala!
baka nagalit sila kasi imbis na yung movie na
gusto nilang panuorin yung nag appear sa screen
eh video ni Jeydon yung nakita nila. Pusa! help!
baka awayin nila ako. Papalapit na nga sila sakin
eh, wah! wag po. Si Jeydon yun, hindi ako.

Pinikit ko na lang yung mata ko.

[Now playing: Im yours - Jason Mraz

"Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
Before the cool done run out I'll be giving it my
bestest
And nothing's going to stop me but divine
intervention
I reckon it's again my turn to win some or learn
some."
Hala? bakit bigla silang kumanta ng I'm yours ni
Jason Mraz? favorite ko pa yun. Madilat nga yung
mata ko.

Yung mga lalaki may hawak silang gitara habang
kumakanta. Yung mga babae na naka red may
hawak hawak na tig isang rose. Anyare?

Lumapit sakin yung isang babae, binigay niya
sakin yung rose na hawak niya.

"Dito po tayo Miss Candice."

Nag tagalog siya?! pinoy ba siya?

"Ate pinoy ka? Anong pangalan mo?" ngumiti siya
sakin.

"Oo, ako nga pala si Coleen Asajar." parang
pamilyar siya sakin ah? siya ata yung best friend ni
Jayshin na kausap ni pusa kahapon.

Inalalayan niya ako papunta sa baba. Kada
madadaanan namin yung mga babae na nandito,
inaabot nila sakin yung rose na hawak nila. Isang

dosena na tuloy yung hawak ko
ngayon. Pambihira! lahat pala sila kasabwat ni
Jeydon sa surprise niya na 'to. Kaya niya siguro
kausap 'tong si Coleen kasi pinaplano nila lahat ng
'to. Waaa! kinikilig ako ng bongga.

"Here he is." sabi niya. Pareho kaming napalingon
sa way ni Jeydon. May hawak siyang microphone.
Wag mong sabihin na kakanta siya?

Saktong chorus na..

"So I won't hesitate no more, no more. It cannot
wait, I'm sure.. There's no need to complicate, our
time is short.This is our fate,"

Binitawan niya yung mic na hawak niya tapos
hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
Tinignan niya ko sa mga mata ko.

"I'm yours.."

Nilapit niya sakin yung mukha niya at hinalikan
niya ko.

Shet parang rebisco, ang sarap sa feeling.

Nung nag bitaw na kami sa halik namin na yun,
bigla namang namatay yung mga ilaw kaya
sobrang dilim. Wah! natatakot ako.

Biglang may naglagay ng takip sa mata ko.
Dalawang tao yung umalalay sakin, naglakad kami.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko
din alam kung nasan na si Jeydon.

Ang layo na ng nalalakad namin, buti na lang
huminto na kami. Pagod na ko eh.

"Enjoy you're date." bulong sakin ni Coleen.

Pagtanggal nila ng piring sa mata ko, nakita ko
agad yung banner sa harap ko.

'Candice.. be love?'

Gabi na kaya litaw ma litaw yung mga ilaw galing
sa sandamakmak na kandila. Nasa isang yate
kami, ang dami talagang kanidla. Sobrang
romantic ng place.

Naalis yung banner sa harap tapos nakita ko na si
Jeydon. Hala! ang gwapo niya naman tapos fitted
yung damit niya, kitang kita yung ka machohan
niya. Ang lamig dito pero ang mag iinit dahil
sobrang hot ni Jeydon! Wahaha.

Akala ko kakanta siya pero hindi.. sumayaw siya!

[Now playing: Growl - EXO]

Wah! kanta pa ng Exo! favarite kpop group ko yun!
Grabe ang galing talaga niya sumayaw. Ang
lambot ng katawan niya tska sobrang hot at angas

niya tignan kapag sumasayaw. Jeydon Lopez! na
iinlove na ako ng bongga sayo.

Lumapit siya sakin, nung nasa harap ko na siya.
Biglang tumugtog yung 'Teach me how to dougie'.
Sumayaw siya sa harap ko. Utang na loob Jeydon
itigil mo yan! Lakas maka akit! hangin! pahingi ng
hangin!

Habang sumasayaw siya sa harap ko, naka ngiti
lang siyang naka tingin sakin. Pakiramdam ko
namumula yung mga pisngi ko.

Bukod pala sa pagiging bad boy king, dougie
king din pala siya. Sobrang swerte ko talaga dahil
isang Jeydon Lopez yung naging boyfriend ko.

"Okey ba?" nala smirk pa niyang tinanong sakin
yun. Hindi okey, sobrang okey. "Hope you like it
wifey."

"I don't like it," lumugkot agad agad yung mukha
niya. "I love it."

"Akala ko hindi mo na nagustuhan."

"Sobrang nagustuhan ko. Salamat dito Hubby."
ngumiti ulit siya.

"Hindi pa tapos meron pa." hinarap niya ako sa
dagat. Anong meron dito? "Tumingin ka sa langit."
May helicopter na papalapit sa harap ng yate. May
banner na nakasabit.

'CANDICE GONZALES MAHAL NA MAHAL KITA'

Naiyak na naman ako sa sobrang saya ko.
Grabeng effort 'to ni Jeydon. Never kong inakala
na mangyayari 'to sakin. Sobra pa 'to sa fairy tale
love story na pinangarap ko.

"May problema ba? bakit umiiyak ka wifey?"
pinunasan niya yung luha sa mata ko. "May mali
ba akong nagawa?"

"Wala, walang mali. Sobrang saya ko lang ngayon.
Sobrang saya ko kasi minamahal mo ako ng
ganito."

"Lahat ng 'to bago sakin. Hindi ko pa naramdaman
yung ganito dati, yung sobrang pagmamahal. Hindi
ko ugali na mag seryoso sa isang relasyon pero
pag dating sayo nag iba lahat."

Hinawakan niya ng dalawang kamay yung mukha
ko.

"Ibang iba na ako kumapara sa dati. Masasabi
kong may halaga na din pala talaga ako. Dahil
sayo Candice, nag bago yung bad boy na katulad
ko."

Unti unting nag lapit yung mga mukha namin.
Naramdaman ko ulit yung mga labi ni Jeydon.
Kahit sobrang daming beses na namin nag kiss ni
Jeydon, parang first kiss pa din palagi kapag nag
kikiss kami. Ang sarap sa pakiramdam. Pag bitiw

namin sa halik na yun, pareho kaming napangiti. It
was a great kiss.

"Jeydon, salamat sa lahat. I love you hubby."

Hinalikan niya ko sa noo ko tska niya ako niyakap
ng mahigpit. Sobrang higpit na nararamdaman ko
pati pag tibok ng puso niya.

"Mahal na mahal kita Candice."

Pinanuod muna namin ni Jeydon yung fireworks
bago siya nag decide na umuwi.

"Just wait here, kukunin ko lang yung kotse ko."
ngumiti ako sakanya tska tumango.

Hinintay ko siya habang naka tingin sa pool ng
yatch. Ang tingkad ng ilaw ng pool, hindi ko
mapigilan na mapatingin. Habang naka tingin ako

sa pool may taong nakatayo sa harap ko. Malabo
yung itsura niya sa pool kaya tinignan ko na lang
siya.

"Kim?"

"Long time no see Candice." teka hanggang dito ba
naman susundan niya kami ni Jeydon? "Kamusta
naman yung date niyo ni Jeydon?"

"Masaya, masayang masaya kaya kung pwede wag
mo na kaming guluhin."

Lumapit siya sakin. Sa totoo lang ang ganda ni Kim
kaso nakakatakot siya. Unang tingin pa lang
sakanya, mataray na.

"Candice, hindi ako nag punta dito para panuorin
lang kayong masaya ni Jeydon. Syempre andito
ako para guluhin kayong dalawa."

"Huli ka na, tapos na yung date naming dalawa.
Hindi mo na yun magugulo pa. Pwede ba Kim
umalis ka na."

Tumawa siya ng malakas. "Sige aalis ako
pagkatapos ko 'tong gawin."

Ngayon naman ang lapad ng ngiti niya sakin.
Pumunta siya sa harap ko pagkatapos tinulak niya
ko papunta sa pool.

Nag papanic na ako. Hindi ko alam kung anong
gagawin, hindi ako marunong lumangoy. Pinadyak
ko yung paa ko para maka angat. Kada maangat
yung ulo ko, nakikita ko si Kim na nakatayo lang
dun at pimag mamasdan akong malunod.

"I hope I ruined your night. Bye Candice."

Kaya niya talaga akong iwan dito na ganito? Paano
kapag namatay ako dito? Ang sama sama mo Kim.

Jeydon asan ka na ba? Hindi ko na kaya..

Napapagod na ko, unti unti nang lumulubog yung
katawan ko sa tubig. Katapusan ko na ba? Hindi ko
na kaya, ilang segundo na akong hindi maka
hinga. Nanlalabo na yung mata ko. Bago pa man
makapikit yung mata ko, naaninag ko si Jeydon na
lumalangoy papalapit sakin.

Alam ko naman ma darating siya eh pero huli na,
ilang segundo na lang yung kaya ng katawan ko.
Pinikit ko na lang yung mga mata ko. Eto na nga
ba talaga yung katapusan ko?

Naramdaman ko yung kamay ni Jeydon. Hindi ko
inaasahan yung sumunod na ginawa niya.
Hinalikan ako ni Jeydon. Sa halik na yun binigyan
niya ako ng hangin. Naimulat ko yung mata ko, na
kakapagpalitan kami ng hangin gamit yung bibig
namin. Inagat ako ni Jeydon. Kumuha agad ako ng
hangin nung nakaangat na kami.

Hinila ako ni Jeydon papunta sa gilid ng pool. Pag
ka angat namin, kumuha agad si Jeydon yung

tuwalya sa loob ng cabin tapos pinalibot niya yun
sakin. Alalang alala siya sakin.

"Sinong tumulak sayo? Si Kim ba? dumating ba
siya dito?!" mukhang bukod sa pag aalala, galit din
siya. "Candice sabihin mo kung anong nangyari!"

Kayang kaya ko naman sabihin na si Kim nga
talaga yung may gawa ng lahat ng 'to. Kaso gusto
kong mahing perfect yung date namin kaya mas
mabuti lang hindi na lang niya malaman.

"Hindi hubby, nadulas lang ako. Sorry, sorry
talaga." niyakap niya ako. "Sorry kung nag alala ka
sakin."

"Mag iingat ka nga, paano kapag umuwi na ako?
Sino na lang dadating kapag kaylangan mo ng
tulong? Hindi ko kakayanin kapag may nangyari
sayong masama tapos wala akong nagawa."

"Last na 'to. Mag iingat na talaga ako. Wag ka na
mag alala okey? Wag natin sirain yung araw
natin."

"Okey fine. Let's go home."

Okey na sakin kahit ako na lang makaalam ng
totoong nangyari. Kahit naman nangyari yun,
masaya pa din ako. Para sakin wala lang nangyari.
Mas mabuti ng hindi nalaman yun ni Jeydon dahil
for sure magagalit siya. The day is too perfect to
be ruined.
Kahit na umepal si Kim sa araw namin. I could say
that, that was the best day for the both of us. The
day that I will never forget. The day that I will
treasure forever.

--

Kinabukasan..

"Teka lang ma, pupuntahan ko lang si Jeydon."
anong oras na, malapit na silang umalis. Dapat
ngayon naka handa na siya.

Kumatok ako sa kwarto nila. Pinag buksan naman
ako ni Jayshin. "Hi noona!"

"Ready na ready ka na ah. Eh yung kuya mo?"
tumawa siya ng malaks. Luh? anong nakakatawa
sa tanong ko? anong nangyare kay Jayshin? "Yan
ba epekto sayo ng date niyo ni Tammy?"

"WHAT?! how did you know about that?" wahaha!
tama pala talaga si Troy. Huli ka balbon. At aba
namumula pa siya, ayieee lumalovelife.

"Hahaha!! hula ko lang pero wala eh umamin ka
na!"

"Aish!! maka alis na nga, aasarin mo lang ako
noona." umalis siya dala lahat ng maleta niya. Eh
si Jeydon hindi ba niya hihintayin?

Pumasok ako sa loob, akala ko tulog pa si Jeydon
pero naka upo lang pala siya sa labas ng balcony
ng kwarto nila. Nag kakape, aba pa easy easy lang
siya ah? parang hindi siya aalis.

"Hubby! bakit hindi ka pa nag ready dyan?! aalis
na kayo oh!"

Humarap siya sakin na sobrang laki ng ngiti niya.
Akala mo wala ng bukas eh. Bakit kaya mukhang
masayang masaya siya? ngayon na nga siya aalis
eh.

"Sorry wifey but I'm staying here."
Bonus Chap: Love or Hate?

(Nirepost ko ulit kasi nabura ni wattpad.)

--

JAYSHIN POV

"Aish that girl! I hate her she's so annoying."
Laging nakasunod sakin. Talo pa niya yung linta,
maarteng linta. "Nakakainis talaga." habang
nagdadabog ako dito binato ako bigla ng unan ni
hyung Jeydon. Fvck! ang gwapo kong mukha. My
pretty face. "Ouch! Hyung masakit!"

"Nakakairita ka. Kanina ka pa badtrip dyan baka
pati ako mahawa."

"Si Tammy kasi palagi na lang akong sinusundan.
Naiinis na ko, hindi ko tuloy na enjoy yung pag

stay natin dito."

Dapat pala naiwan na lang ako sa bahay. Tahimik
pa buhay ko dun, walang Tammy na aaligid at
mangungulit sakin. Pwede pa ako mag club at
mang chicks. Dito palagi lang akong badtrip dahil
sa babaeng yun.

"Buti na lang last day na natin dito. Hyung ano
ready ka na ba sa date niyo mamaya ni noona
Candice?"

"Ako pa? pinag handaan ko na 'to kagabi pa." sus,
hindi naman niya yun magagawa kung wala yung
ng napaka gwapo niyang kapatid at syempre ako
yun.

Tumawa siya ng malakas. "Wahahaha!"

Abnormal talaga ni hyung. Ewan ko ba bakit
pinatulan siya ni noona Candice.

"Hindi na pala ako sasama sa breakfast natin.
Ayokong makita si Tammy, sisirain niya lang agad
yung araw ko." Umalis na ako agad para hindi na
ko mapilit ni hyung na sumama.

I went out, dapat nag eenjoy ako ngayon. Ang
dami kayang chicks dito. Yung chicks na hindi
kasing arte at kulit ni Tammy.

Pagkaalis ko sa hotel naglakad lakad ako sa beach.
Ang ganda talaga sa Jeju. Sana itong hotel na lang
dito yung ipamana sakin ni dad. I can stay here
forever, as long as walang Tammy na aaligid sakin.

*phone ringing*

BIG NOONA CALLING...

Bakit kaya siya napatawag? at bakit may
pakiramdam ako na hindi magiging maganda yung
sasabihin niya?

"Hello noona Jaycee?"

["Hi Jayshin! Kamusta ang pag stay niyo dyan?
nag eenjoy ka ba?"] ENJOY?! Haha! ano yun?
nakakain ba yun?

"No. I can't enjoy my stay here because of
Tammy. Noona I wanna go home. Tammy is too
annoying."

["Jayshin stop treating Tammy like that. Especially
now that I'll set up a date for the both of you."]

"WHAT?!" she's gonna be kidding me. No way I'm
gonna have a date with her.

["Hindi mo naman ako mahihindian di ba Jayshin?]
here we go again.

"Oo naman noona but not this. Sorry, I just can't
date her because I don't like her. I. hate. her."

["Please? pagkatapos ng date na 'to, titigil na si
Tammy ng pangungulit sayo."]

"Paano ka naman nakakasigurado noona? Eh
parang linta yun kung maka dikit sakin." Matindi
pa nga ata sa linta, maarteng linta.

["Si Tammy mismo nagsabi nun, lulubayan ka na
niya afterr this. Kaya sige na pag bigyan mo na
siya ha? Okey?"] Sakanya nanggaling?! for real
sinabi niyang lulubayan niya na ko?

"Gusto kong lubayan na niya ako pero--"

["Ops! walang pero pero! I'll text you the place.
Sige na pumunta ka na. Byieeee~~ Hihi."]
seriously? parang nagiging teenager ulit si noona
lately. AMP talaga.

Kung hindi lang talaga kay Noona, hindi ko 'to
gagawin. Hindi ko lang talaga siya mahindian.
Hindi naman ako naniniwala na lulubayan na ko ni
Tammy. Patay na patay sakin yung babaeng yun
eh. Baby pa lang ata kami, gusto na niya ako. Iba
talaga kapag gwapo.

Pumunta na lang ako sa lugar na sinabi ni noona.
Sana wala dito yung maarteng babae na yun.
Ayoko talaga sakanya, ang arte arte tska ang kulit.
Hindi din naman siya maganda. Nothing is special
in her.

"Jayshin! Oppa!"

Pagkalingon ko, kung mamalasin ka nga naman
dumating pa talaga siya. Buiset malas ko naman
talaga oh. "Oh bakit?"

"So pumayag ka talagang makipag date sakin?"
ang laki laki ng ngiti niya. Lumapit agad siya sakin
pero lumayo agad ako. "Bakit ka naman lumalayo?
Mag da-date tayo di ba?" date? ewww.

"Ginagawa ko lang 'to para kay noona Jaycee at

para lubayan mo na ko. Di ba sabi mo pagkatapos
neto lulubayan mo na ko?" utang na loob, sabihin
mong OO.

"Oo sinabi ko." medyo lumungkot yung mukha
niya, mukha siyang kawawa pero sorry hindi ako
naaawa sakanya. "Gusto mo ba talagang lubayan
kita Oppa?"

Nagtanong pa siya ha. Hindi ba halata? hindi ba
halatang palagi ko siyang pinag tatabuyan? Ganon
ba siya kamanhid? "Oo gusto kong lubayan mo ko
kaya pagkatapos ng date na 'to wag mo na akong
guguluhin."

"Sige pero dapat wag mo kong susungitan ngayon.
Mag date tayo ng maayos since after neto hindi na
din kita kukulitin." asa pa. As if titigilan niya talaga
ako pero sige pag bibigyan ko na lang para
magtigil na siya. "Ano tara? Jetski tayo!"

Hindi pa nga ako pumapayag hinila na niya agad
ako papuntang tabing dagat. Buiset naman, hindi
ko trip mag jetski. Mas matutuwa pa ako kung
kakain na lang kami. Kaso ano pa nga ba
magagawa ko, kaylangang pag bigyan ko siya para
mag tigil na siya. AMP talaga.

"Ikaw sa unahan tapos ako sa likod Oppa. Okey
lang ba? Ang romantic kasi tignan kapag ganon eh.
Hehe!" ang corny niya, nothing is romanctic kapag
siya yung kasama mo.

Naka poker face lang ako habang nala sakay kami
sa jetski. Nakakadiri pa, kapit na kapit siya sakin.
May naisip naman akong magandang plano. Haha!
medyo bad boy moves.

Binilisan ko yung pagpapatakbo ng jetski. Nung
sobrang bilis na ng jetski, niliko ko siya bigla. Kahit
anong kapit sakin ni Tammy, tumilapon pa din
siya.

"Wahaha!" hindi ko mapigilan na matawa.

"Oppa ang bad mo!" Hahaha! Alam ko.

"Sorry hindi ko sinasadya."

"Oppa!! teka namumulikat ata ako.." sus
nagkukunwari pa siya, gusto niya siguro tulungan
ko siya. "Oppa help!" hindi niya ko maloloko.

Lumubog siya sa tubig. "Hoy Tammy umahon ka
na nga dyan!"

Nung tumagal na, hindi pa din umaahon si Tammy.
Kinabahan ako bigla, paano kung nalulunod na nga
talaga siya?

FVCK.

"TAMMY!"

Tumalon agad ako sa tubig. Hinanap ko siya sa
ilalim at nakita ko siya na walang malay. Kinuha ko
agad siya tapos hinila ko siya pataas. Fvck talaga,
wala pa din siyang malay kahit naka angat na kami
sa tubig. Sinakay ko agad siya sa jetski. Malapit na
din kami sa tabing dagat kaya nadala ko siya agad
dun. Hiniga ko siya pero wala pa din siyang
malay.

"Hoy Tammy gising!"

Wala pa din siyang malay. Anong gagawin ko?!
"Hoy gising na dali!"

"Kuya i mouth to mouth mo siya!" pag ka angat ko
ng ulo ko pinapalibutan na pala kami ng mga tao.
"Dali na! baka mamatay siya."

Mamatay?!

Nilapit ko agad yung mukha ko sa mukha niya tska
ko siya hinalikan para i mouth to mouth siya. Kahit
natataranta na ko, nung naramdaman ko yung labi
ni Tammy may kakaiba akong naramdaman.

Pagkatapos ko siyang i mouth to mouth, biglang
bumukas yung mata niya. Ang lapad ng ngiti niya.
"That was out first kiss oppa."

Teka lang nga, hindi talaga siya nalunod? Niloko
niya ko?

"What the fvck Tammy!"

Wala akong paki alam kung nahalikan ko siya. Ang
kinagagalit ko, bakit kaylangan niya mag biro ng
ganon?

"Oppa teka!" umalis agad ako dun.

It just made me hate her even more.

"Oppa! nag cramps talaga ko!" hinawakan niya
yung kamay ko, tinabig ko naman agad yun.
"Jayshin wag ka naman magalit, totong nawalan
ako ng malay. Nagising lang ako nung malapit mo
na kong halikan. Hindi na lang ako nag salita kasi
gusto kong halikan mo ko!" she's so pathetic.

"Ganyan ka ba talaga?!" />

"Oppa--" hindi ko siya pinatapos mag salita.

"Wag mo kong tawaging oppa! Tammy pwede ba?!
Tigilan mo na ko!" hindi ko na napigilan yung
damdamin ko.

"Sorry na! forgive me."

"Hindi mo ba makita? Manhid ka ba talaga?
Tammy ayoko sayo! I don't like you! Kaya tigilan
mo na ko!"

"Kaya mo ba nasasabi yan kasi galit ka sakin?
dahil ba sa ginawa ko kanina? Sorry na nga eh.
Wag ka na magalit!" what the fvck? hindi ba niya
ko makuha?

"Ayoko nga sayo! Hindi mo ba ma gets? Ilang
beses mo pa ba gusto na ipagtabuyan kita?!"

Napayuko siya. "Jayshin naman eh.."

"Kahit kelan hindi kita magugustuhan! Ang arte
arte mo! Tska anong klase ka bang babae?
pinagsisiksikan mo yung sarili mo sa isang lalaki?"
narinig ko siyang umiiyak habang nakayuko.

"Tama na please.."

"Wala ka na bang natitirang kahihiyan Tammy ha?
ipinagtatabuyan na nga kita eh! Ayoko sayo!"

Inangat niya yung mukha niya. Umiiyak pa din
siya. "Tama na Jayshin.. nasasaktan na ko sa mga
sinasabi mo."

"Anong tama na?! kaylangan ipamuka ko sayo
kung ano yung totoo para matauhan ka na.
Tammy ayoko sayo!"

"Tama na! Oo ayaw mo sakin!"

Tinignan ko siya, umiiyak pa din siya. Parang nag
iba siya bigla. Hindi na siya yung maarte at makulit
na Tammy. Taena bakit parang naawa ako bigla
sakanya?

"Hindi ako manhid! alam na alam ko na ayaw
mo sakin! Tinitiis ko lang lahat kasi akala ko
posibleng magustuhan mo din ako. Akala mo
ba madaling ipagsiksikan sarili ko sayo?"

Pinunasan niya yung mga luha sa mata niya.
Sobrang seryoso ng mukha niya. Ngayon ko pa
lang nakita si Tammy na ganito.

"Wag kang mag alala, simula ngayon lalayuan
na kita. Hinding hindi na kita guguluhin. Wala
ng Tammy na mangungulit sayo. Bye
Jayshin.."Tumalikod siya sakin tska unti unting
naglakad palayo.

Bakit parang ang bigat sa pakiramdam?

Hindi ko dapat 'to maramdaman. Dapat matuwa
nga pa ako dahil wala ng Tammy sa buhay ko. Eto
naman talaga yung gusto ko di ba? Oo tama, eto
talaga yung gusto ko.

Naglakad lakad ako para na din makapag isip isip.
May kung ano kasing gumugulo sa isip ko ngayon.
Hindi ko naman alam kung ano yun.

Hindi ko naman gustong maging harsh at sigawan
siya. Siguro nadala lang ako ng galit ko kanina.
Hindi ko nagustuhan yung ginawa niya. Hindi

ginagawang biro yung buhay ng tao. Dahil sa biro
na yun, namatay yung pinakamamahal kong
kakambal. Hindi ko naman kayang sisihin si hyung
sa nangyari kasi hindi naman niya intensyon na
mamatay si Jenny. Mahal na mahal din niya si
Jenny.

Naalala ko na naman tuloy siya. Ayoko siyang
maalala kasi hanggang ngayon nasasaktan pa din
ako sa pagkamatay niya. Masaya na siguro siya sa
heaven. Fvck parang naiiyak pa ko.

Lahat din siguro ng pagkainis ko kay Tammy dahil
sa nangyari dati. Palagi niya kasing inaaway si
Jenny dahil sa selos. Halos hindi na kasi kami
mapag hiwalay noon ni Jenny.

Bumalik na ako sa hotel. Habang papunta ako sa
kwarto namin ni hyung Jeydon, nakita ko si hyung
Troy sa may balcony.

"Hyung, anong ginagawa mo dito?"

"Kakamustahin ko lang sana yung date niyo ni
Tammy." Alam niya? pero.. "Ako nag set up ng
date niyong dalawa. Actually nag pa tulong lang
ako kay Jaycee."

"Hyung naman, why did you do that?"

"Alam mo sa totoo lang, ayokong i set up kayo ni
Tammy sa isang date kasi alam ko naman na ayaw
mo sa kapatid ko. Kaso sabi niya pagkatapos daw
ng date niyo na yun, titigilan ka na niya." Seryoso
pala talaga siya dun.

"Oo yun nga yung sinabi niya sakin."

Nagsindi si hyung ng yosi tska siya sumandal sa
railings ng balcony. "Mabuti naman. Ayoko na kasi

siyang masaktan eh. Nakikita mo lang si Tammy
kapag nag iinarte siya, nangungulit tska nag
mamaldita perohindi mo siya nakikita kapag
nasasaktan siya."

Napasandal din, napaisip sa sinabi ni hyung. Totoo
naman, ganong Tammy lang yung nakikita ko.
Kaya nga kanina nagulat ako kasi never ko pang
nakita si Tammy na umiyak tska nag seryoso.

"Palagi siyang umiiyak sa kwarto niya kapag gabi.
Kahit naman hindi niya sakin sabihin, alam kong
nasasaktan siya sa paghahabol niya sayo. Hindi
ako galit sayo, naiintindihan ko naman na ayaw
mo talaga sakanya. Kaya nga ngayon masaya na
ko kasi natauhan na siya."

"Hyung I'm sorry. I didn't mean to hurt her."
ngumiti lang siya sakin, pinatay niya yung yung
sindi ng yosi niya.

"Hindi mo dapat sakin sinasabi yan."

Naiwan ako dito na nakatulala. Am I that bad to
her? Nasasaktan ko na pala siya pero hindi ko man
lang alam. No, mali ako. Alam ko nang nasasaktan
siya pero wala akong paki alam. Nakakatawa lang,
sinasabi kong napaka manhid niya pero ako hindi
ko napansin I'm being insensitive towards her
feelings.

Ang hirap naman neto. Yes I don't like her but why
I'm feeling this? Ang bigat sa pakiramdam. I'm not
happy at all which I should is wrong. Dapat maging
masaya ako dahil hindi na niya ko guguluhin. Shet
talaga.

Hyung is right I should be at least apologize to her.
Nasaktan ko siya eh.

Lumabas ulit ako ng hotel pero bago pa
ko.tuluyang makaalis nakasalubong ko siya.

Magkatinginan lang kami. Saglit lang niya ko
tinignan tapos nilagpasan na niya ko. Ang cold ng
dating niya, ibang iba sa Tammy na nakilala ko.
Parang ibang Tammy na nga siya eh.

"Tammy saglit." Hindi siya lumingon, hindi siya
nagsalita. "Tammy!" hindi niya ko pinansin,
naglakad lang siya palayo sakin.

Ngayon lang niya ako hindi pinansansin. Totohanin
na nga talaga niya na lalayuan na niya ko. Kaya
niya talagang gawin yon? Akala ko ba gusto niya
ko? Teka nga, eto naman yung gusto ko, yung
tuluyan na niya kong layuan. Ano ba kasing
nangyayari sakin? Nakakainis, ayoko ng ganito.

Nung natauhan ako hinabol ko siya. Hindi ko na
siya makita. Amp! ang bilis naman ng babae na
yun. Asan ka na Tammy?

Nakaka isang oras na siguro akong naghahanap
sakanya. Ang weird nga eh, bakit ko ba siya
hinahanap? bakit parang ako na yung nag hahanol
ngayon?

"Wag ka ng umiyak.." teka nga, yung babae na
yun. Si Tammy yun ah? "Andito lang naman ako
eh.

Naka akbay yung lalaki sakanya habang siya
naman umiiyak. Sa itsura pa lang ng lalaki na yun
mukha na siyang manyak. Ano bang nasa isip
niya? bakit sumasama siya sa ganyang lalaki?
Halata naman na may masamang balak 'tong lalaki
na 'to sakanya eh. Tska akala ko ba ako yung
gusto niya pero bakit may kasama na agad siyang
ibang lalaki?

"Hoy!" pareho silang napalingon sakin.

"Sino ka naman?" tanong ni mokong. "Kilala mo ba
siya Tammy?"

"Boyfriend niya ko." pareho silang nagulat sa
sinabi ko.

"Boyfriend? Tammy, siya ba yung sinasabi mo?"
wow ha? babe eh ngayon lang kayo nagkakilala.
Naiinis ako sa lalaki na 'to.

"Ano bang ginagawa mo Jayshin?" I'm saving you
from that Jerk! Amp she's so stupid.

"Halika na." Hinila ko siya palayo sa lalaki na yun
pero bago ko siya mahila palayo pinigilan ako ni
mokong.

"San mo siya dadalhin ha?" sinamaan ko siya ng

tingin. Hindi niya alam kung sino yung kinakalaban
niya.

"Wag ka na ngang makialam dito." Hinila ko na si
Tammy palayo. Wala na din naman nagawa yung
mokong na yun.

Naglalakad lang kami ni Tammy, hawak hawak ko
yung kamay niya. Matagal na kaming naglalakad
pero hindi man lang siya nagsasalita. Anong
problema niya?
Hinarap ko siya, nakatingin lang siya sakin. Ang
cold pa din ng dating niya. Amp hindi ako sanay sa
ganito. Hindi ako sanay na ganyan si Tammy.

"Hoy ikaw babae! hindi mo ba nakita? may
masamang balak sayo yung gungong na yun!"
bakit ba kasi ang stupud niyang babae? Naiinis
ako, potek talaga. "Mag isip ka nga!"

Hindi pa din siya nagsasalita, ano pipe na ba siya
ngayon? Amp naman talaga oh.

"Mag salita ka nga Tammy! Huy!"

"Itigil mo na yan Jayshin." hindi ko siya
maintindihan. "Stop it please."

"Anong sinasabi mo? Niligtas na nga kita dun sa
lalaki na yun eh! Hindi mo ba nakita mukha
kayang manyak yung lalaki na yun!! Amp kasi ang
stupid mong babae ka eh!" nawala na yung
pagiging cold niya. Bigla naman siyang umiyak.

"Tama na! eto na nga eh, lalayuan na kita! Yan
naman gusto mo di ba? bakit ngayon umaarte ka
na nag aalala ka sakin ha?! Pinapaasa mo na
naman ako!! Tama na nga!! kakalimutan na nga
kita eh di ba? Wag mo na ko pahirapan."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kaya niya

ba talagang kalimutan ako? Akala ko kasi hindi
niya kaya dahil patay na patay siya sakin.

"Please.. tama na."

Nakatingin lang ako kay Tammy. May narealize
ako, shet totoo ba talaga 'tong nararamdaman ko?

"Hoy Tammy, Oo ayoko sayo. Ang arte arte mo eh,
ang kulit kulit mo tapos ang maldita mo pa. Hindi
ka din naman maganda. Kaso ano eh.. ayoko na
nakikita ka na may kasama kang iba. Naiinis ako
eh, hindi ko alam kung bakit. Basta ayoko na may
kasama kang ibang lalaki ah!! Bawal!" nalilito siya
sa mga sinabi ko, potek ako din! hindi ko
maintindihan sinabi ko.

"Ano bang sinasabi mo dyan ha?!"

"Tamara Mendoza, gusto na ata kita."

Itutuloy.. sa book 2 na continuation ng love/hate
story nila. Hahahah!!!
Epilogue

One year later..

Wala pa din siyang text o tawag. Tatlong araw na
akong walang naririnig sakanya. Ano kayang
ginagawa niya? Sobrang busy ba niya? Yah!
Jeydon Lopez..

I miss you so much..

"Baka matunaw na yang cellphone mo kakatitig
noona." tinignan ko siya, hindi pa siya nasanay
sakin. Teka nga kumakain na naman siya ng ice
cream? Nahawa na talaga siya sakin. "Hindi pa din
ba siya nagpaparamdam?"

Mas masipag pa ata magparamdam yung multo sa
bahay kesa kay Jeydon eh.

"Hindi pa nga eh, alam mo nag aalala na ko. Paano
kapag nakalimutan na niya ko? O kaya baka
mamaya pinagpalit na niya ko dun sa pinas?"
tinaasan lang niya ko ng kilay.

"Tingin mo magagawa yun ni Jeydon?"

Natigilan ako sa sinabi ni Lucas. Hindi nga kayang
gawin sakin yun ni Jeydon. Hindi niya ako kayang
saktan. Mahal na mahal kaya ako nun. Kasi naman
kung ano ano yung iniisip ko. Dapat mag tiwala
lang ako sakanya.

Unfortunately yung sinabi ni Jeydon na mag stay
siya, isang linggo na pag stay lang pala yun dito.
Akala ko naman dito na din siya mag aaral. Okey
na din naman kasi nakakaya naman na
magkahiwalay kami, mahirap nga lang talaga. Ang
hirap na wala yung presence ni Jeydon. Palagi ko
siyang hinahanap hanap. Iba pa din kasi kapag
nasa tabi mo palagi si Jeydon.

"Baka naman busy, next week na yung sports fest
nila di ba? Malamang busy yun sa pag practice."

"Kapag hindi siya pumunta mamaya walang
maghahatid sakin mamaya sa concert ng Exo."
tska hindi lang naman yun eh.

First Anniversary kaya namin bukas.

Akalain mo yun noh? Isang taon na kami ni
Jeydon? Parang kelan lang para kaming aso't pusa.
Inis na inis pa ako sakanya dati. Siya naman palagi
niya akong inaasar. Ang sarap balikan ng mga
memories na yun. Kapag naiisip ko hindi mo

maiwasan na mapangiti. Hindi ko talaga naisip na
mamahalin niya ko at mamahalin ko din siya.

"Kapag hindi siya pumunta, ako na lang
maghahatid sayo. Sasamahan pa kita mamaya
noona. Alam ko naman favorite mo yung Exo na
yun eh." nakakatuwa talaga 'to si Lucas. Buti pa
siya naiintindihan yung pag fangirl ko sa mga kpop
idols. Si Jeydon hindi eh, nag seselos ata. Ayaw
ako samahan sa concert.

Biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ako na
excite dahil alam ko naman na hindi si Jeydon yan
eh. Asa pa ko.
Tinignan ko kung sino yung tumatawag.. waaaa! si
Jeydon?!
Pagka sagot ko may mga tumitili na babae.
Anyare?

"Hello? Hubby? Bakit may mga tumitili?" wag
mong sabihin na nauna na siya sa concert ng Exo?
tapos mga fangirls yung mga tumitili? "Nasa
concert venue ka na?"

["Yah! No, I'm here infront of your building. Can
you get out please? Nakakairita yung mga babae
dito."] Hala nandito talaga siya? Andito na siya sa
KOREA?!

Sumilip agad ako sa bintana ng classroom namin.
Nakatayo nga siya sa tapat ng building namin. May
mga babae na nakapalibot sakanya. Kinikilig pa
yung mga babae kay Jeydon. Hala uy! boyfriend ko
yan.

"Bumababa ka na kaya noona." ay oo nga noh!
"Dalhin mo na yung gamit mo."

"Wag na babalik pa ko, may klase pa tayo eh."
hindi ako pinakinggan ni Lucas. Binigay niya sakin
yung bag ko tapos tinulak niya ko palabas ng
room.

"Enjoy your day noona!"

Binilisan ko na lang yung lakad ko. Ayaw pa naman
ng pusa na yun na pinaghihintay siya. Lakas pa din
ng topak nung pusa na yun eh. College na nga
kamit lahat, abnormal pa din siya. Wahaha!

"Jagi!" tawag ko kay Jeydon. Nagsipagtinginan
naman yung mga babae sakin. Sorry na lang pero
ako yung girlfriend eh.

[A/N: They speak korean here pero tinagalog ko
na]

"Jagi daw? So ibig sabihin siya yung girlfriend?"
"Eww! mas maganda pa ko sakanya eh."
"Ang panget kaya niya. Ordinary girl."
"Flat chested niya. Mas sexy ako sakanya."

Napatingin ako sa dibdib ko, oo na sige ako na flat.
Etong mga babae na 'to kung makapanglait,

WAGAS eh. Akala ko naman mga dyosa sila oh.
Tingin tingin din sa salamin pag may time.
"Yah bakit ang tagal mo ha?" sigaw sakin ni
Jeydon. See? hindi pa din niya alam yung salitang
patience hanggang ngayon.

"I miss you too hubby." ngumiti siya sa sinabi ko
tapos hinawakan niya yung kamay ko.

"I miss you more wifey."

Hindi ko din napigilan na mapangiti. Yung mga
babae na nag papantasya kay Jeydon ang sama ng
tingin sakin. Kung nakakapatay lang yung tingin
nila malamang kanina pa ko pinaglalamayan dito.

"Hala girlfriend niya nga yung panget na yan?"
"Mas okey kapag ako yung girlfriend niya. Mas
maganda naman ako sa kasama niya ngayon eh."

"Bulag ata siya eh. Hello? mas maganda ako
dyan."

"Wala akong paki alam kung napapangitan
kayo sakanya. Para sa mga mata ko siya yung
pinaka maganda sa lahat." aww, ang sweet
lang.

Nginitian ko silang lahat ng sobrang lapad.
Wahaha! eh ano sila ngayon? Akala nila ha! Umalis
na lang tuloy sila. Aba dapat lang noh.

"Kinikilig ka naman sa sinabi ko?" halata ba? hehe.

"Masama ba kiligin? Eh ang sweet mo eh." tumawa
siya bigla.

"Basta nag mahal ang bad boy na katulad ko
pati asin lalanggamin."

Sabi ko nga eh, kanina pa kaya kami nilalanggam
dito sa ka sweetan niya.

"Teka, bakit ngayon ka lang nag paramdam sakin
ha? Nakakainis ka! Busy ka ba masyado? Bakit
ngayon ka lang bumalik dito?"

"Sorry na, may inasikaso lang ako."

"Ano naman yun ha? Ano yung inasikaso mo na
hindi ka nagparamdam sakin ng tatlong araw ha?"
nagtatampo na talaga ako sakanya.

Pinisil niya yung pisngi ko. "Ay nagtatampo ang
baby girl ko. Babawi ako sayo, promise."
hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya
ko papunta sa kotse niya.

"Teka hubby! san tayo pupunta?"

"Sa concert ng Exo mo." may nilabas siyang
dalawang ticket at wag ka VIP pa yun ha! yung
binili ko yung ordinary lang eh. Waaa! ang saya
naman.

"Hubby sasama ka talaga ha? Di ba ayaw mo sa
Exo? di ba ayaw mo sumama sakin sa concert?"

"Oo ayoko sakanila, nagseselos ako eh. Kaso ano
bang magagawa ko? Eh fan ka nila eh. Okey na
din, tiwala naman ako sa kagwapuhan ko eh."
Haha! siya na pogi. Oo hubby! gwapo sila pero
mas gwapo ka pa din.

Niyakap ko si Jeydon. "Thank you hubby!"

"Tara na? para makakuha tayo ng magandang
pwesto."

Sumakay kami sa kotse niya tapos dumeretso na
kami sa concert venue. Isang oras din yung byahe
namin. Ang saya ko lang kasi makakasama ko si

Jeydon sa concert. Makakasama ko siya sa unang
minuto ng first year anniversary namin.

Ang dami na agad tao sa venue. Grabe sobrang
sikat na talaga ng Exo. Ang daming fangirls. Tska
teka.. bakit nakatigin sila kay Jeydon ko?

[A/N: korean ulit salita nila dito]

"Waaa ang gwapo niya! kamukha niya si Kim
Kibum oppa ng super junior!"
"Kyaaa! oo nga! ang hot pa niya!"
"Mukha siyang korean idol! ang gwapo niya."

Tinignan ko ng matagal si Jeydon. Hala! oo nga
kamukha niya si Kim Kibum ng suju. Kaya pala
pinagpapantasyahan siya ng mga babae dito. Pang
international nga pala yung ka gwapuhan ng isang
Jeydon Lopez.

"Wifey, isuot mo pala 'to." may inabot siya saking
shirt. "Gusto ko kasi terno tayo." tinanggal niya
yung jacket niya tapos may doraemon na design
sa shirt niya.

Tinignan ko yung shirt na binigay niya sakin. May
doraemon din, parehong pareho kami. Wahaha!
Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang kasi
alam ko naman magagalit si pusa eh. Ayaw niya
kasing inaaway ko yung idol niyang pusang robot.

"Sige dyan ka lang ah?"

"Okey, bilisan mo ah? baka ma miss kita agad."
sabay kindat sakin. Yah Jeydon! stop that nga!
baka ma inlove sa kindat mo yung mga koreana
dito. Hehe.

Pumunta agad ako sa rest room. Naalala ko tuloy
yung couple shirt na binili namim dati ni Jeydon.
Yung LO tska VE na shirt. Ang sarap talaga balikan
ng mga memories namin.

Nung nakapag bihis na ko bumalik na ko agad kay
Jeydon pero hindi ko na siya makita. Hala! asan na
siya?
"Jeydon?"

Pinapasok na kami sa loob. Hala asan na yung
pusa na yun? Kahit naka VIP ticket kami baka
mawalan na kami ng magandang pwesto.

Pumasok na lang ako sa loob. Nag message na
lang ako sakanya na nasa loob na ko. Pfft!
nakakainis siya, iniwan niya naman ako eh. Bahala
nga siya dyan.

Pagpasok namin may mga fireworks agad. Open
field lang kasi yung venue ng concert. Ang ganda
naman kaso mag start na yung concert pero wala
pa din si Jeydon. Naiinis na talaga ako ah.

"Sorry wifey nag rest room lang ako!" pawis na
pawis siya.

"Yah! kanina pa kita hinahanap eh! Akala ko
naman iniwan mo na ko!" ngumiti lang siya sakin.

"Oh ayan na yung Exo mo."

Unti unting umaangat yung EXO members.
Sobrang lakas naman ng mga tilian ng mga tao.
Pati ako hindi ko na napigilan na mapatili.Si Jeydon
naman aka poker face lang. Napansin ko nga din
puro kami babae dito. Buti na lang talaga
sinamahan niya ko.

Kinanta agad ng Exo yung growl, yung sinayaw din
sakin ni Jeydon nung date namin. Ghad! ang hot
nila pero syempre mas hot si Jeydon. Hehe.

Nung nag play naman yung kanta nilang Wolf,
hindi ko masyadong makita kasi naman yung mga
babae sa harap namin ang tatangkad. Nakatayo
lang kasi kami dito. Hays badtrip naman.

"Pumatong ka sakin."

"Ha?" umupo siya para makasakay ako sa likod
niya. "Seryoso ka hubby?"

"Para makita mo sila." waaa! oo nga.

Pumatong ako sa likod niya. Kitang kita ko na sila.
Wahaha! galit na galit siguro yung mga babae sa
likod ko. Well sorry sila wala silang boyfriend na
mag bubuhat sakanila para makita lang nila yung
stage.

Sobrang hyper namin sa buong concert. Naawa
nga ako kay Jeydon baka kasi na bored siya eh.
Hindi naman niya trip yung mga ganito.

"Ah, before we end this concert.." sabi ni Suho,
leader ng EXO-K. "We have a special request from
someone. He said that her girlfriend loves our
group so much. Even though he's jealous of us, he
still here with her girlfriend watching our concert."
wow ang sweet naman nun, parang si Jeydon lang
din eh.

"He approach us before the concert to ask a favor
from us." sabi naman ni Kris, leader naman ng
EXO-M. Hala ang gwapi niya talaga. "He wanted us
to sing their love song."

Sabay sabay silang nagsalita. "Candice
Gonzales, this song is for you."

Teka lang wait ah?! Candice Gonzales daw?! ayun
yung pinangalan sakin nila mama at papa di ba?
Pangalan ko yun di ba?! Shet AKO yun eh! ako si
Candice Gonzales!!

Tinignan ko si Jeydon, kaya pala siya nawala
kanina. Pinuntahan niya yung EXO para ipakanta
sakanila yung song namin na dalawa.

"Hope you'll like my anniversary gift wifey."

Nagpababa ako sakanya tapos niyakap ko siya.
Waaa! grabe sobrang saya ko.

"Thanks hubby! Sobrang gustong gusto ko."

[Now playing: Im yours-Jason Mraz]

Pati mga tao nakikisabay sa kanta nila. Grabe yung
feeling na 'to. Kantahan ka ba naman ng mga idols
mo. Lahat ng 'to dahil kay Jeydon.

Sinong mag aakala na gagawin 'to ng isang lalaki?
Sumama sa concert ng favorite boy group ng
girlfriend niya. Nag seselos pa siya niyan ah pero
sumama pa din siya. Nilapitan pa niya sila para
kantahan ako ng love song namin.

Wala ng ibang makakagawa nyan kundi si Jeydon
lang. Ang Jeydon Lopez ng buhay ko.

Nung natapos na yung concert, nag sialisan na
yung mga tao. Kami naman nag stay lang ni

Jeydon dito sa open field. Naka upo kami sa
malaking stereo na ginamit kanina sa concert.
Pinagmamasdan namin yung mga star dito.

"Hubby salamat talaga sa ginawa mo ah. Sobrang
na touch ako. Hindi ko akalain na gagawin mo
yun."

"Lahat naman gagawin ko para sayo."

"Ay teka.. three.. two.. one.."

Niyakap ko siya. Babatiin ko na sana siya pero
naunahan naman niya ko.

"Happy anniversary!"

"Naunahan mo ko ah? Haha! Happy anniversary
hubby!"

May biglang pumutok sa harap namin. Waaa may
fireworks na naman tapos may malaking banner.

'I love you Candice.'

"I hate you! bakit ang sweet sweet mo?" naiyak
ako bigla. Sobrang na touch lang ako. Kahit
napaka dami ng nagawa sakin ni Jeydon, palagi pa
din niya akong na sosorpresa. Palagi pa din akong
na to-touch sakanya.

"Ang dami ko ng beses na nainlove. Paulit ulit
akong naiinlove Jeydon."

"Ha?! di ba ako first love mo? kanino ka nainlove?!
wifey!" tignan mo nag hysterical na.agad siya.
"Naiinlove ka sa iba? Saan sa Exo ba na yan?"

"Paulit ulit akong na iinlove sayo sa iba't
ibang dahilan."

Ngumiti siya sakin ng sobrang lapad. Hinawakan
niya yung mukha ko tapos nilapit niya sakin yung
mukha niya. Naramdaman ko na lang yung mga
labi ni Jeydon.

Kahit minsan hindi ko naisip na mamahalin ako ng
isang bad boy. Karamihan kasi ng mga bad boy
nahuhulog sa mga bad girls din. Eh sino ba kasing
mag aakala na yung isang bad boy eh ma iinlove
sa isang good girl na katulad ko? Sinong mag
aakala na yung napaka gwapo, napaka sweet,
napaka mapagmahal na bad boy eh mamahalin
yung makulit at abnormal na katulad ko.

Nakakatuwang isipin, isang taon na pala simula
nung una ko siyang makilala, silang apat.
Simple at tahimik lang naman yung buhay ko noon
eh. Isa lang akong nerd, weird at forever alone.
Ang good girl na walang ibang alam kundi mag
aral. Nag iba lang lahat nung dumating yung APAT
NA BAD BOY ng buhay ko.

Si Charles Gonzales, ang Fighter. Ang bad boy na
sobrang protective sakin. Ang bad boy na
binubuhusan ako ng tubig kapag tanghali na ako

nagigising. Ang bad boy na strikto at napaka
daming rules pero napaka mapagmahal naman na
kuya. Ang bad boy na tumayo hindi lang na kuya
ko kundi pati tatay sakin.
Si Troy Mendoza, ang Womanizer. Ang bad boy na
sobrang kulit at mapang asar. Ang bad boy na
kasama ko palagi at palaging kasangga ko sa mga
problema. Ang bad boy na nag papangiti sakin
kapag malungkot ako. Ang bad boy na naging
tunay kong best friend ko.
Si Marky Lim, ang Player. Ang bad boy na nag poprotekta sakin. Ang bad boy na palaging nag
papangaral sakin. Ang bad boy na minsan naging
crush ko. Ang bad boy na nag nag sasabi sakin
kung anong gagawin ko kapag may problema ako.
Ang bad boys na masasandalan mo sa lahat ng
oras.

At syempre..

Si Jeydon Lopez, ang Bad Boy King. Ang bad boy
na nagmamahal sakin ng sobra. Ang bad boy na
abnormal, topakin at napaka sweet. Ang bad boy
na mahilig sa pusang robot na si doraemon. Ang
bad boy na palaging nandyan palagi sakin, ang

prince charming ko. Ang bad boy na sobrang
minahal ko. Ang bad boy nag turo sakin kung ano
yung tunay na pag mamahal.

Ang APAT NA BAD BOY na nag pagulo pero nag
pasaya ng buhay ko.

END OF BOOK ONE.

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close