Cool

Published on January 2017 | Categories: Documents | Downloads: 62 | Comments: 0 | Views: 603
of 2
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

Cool pa ba Maging Makabayan?
Tinanong ko sa mga estudyante ko kung cool o astig pa ba maging
makabayan sa kasalukuyang panahon. Paano ba maging makabayan sa
panahon ng globalisasyon? Pero bago ito, ano ba muna ang ibig sabihin ng
pagiging makabayan? Sapat na ba ang pagsusuot ng mga damit na may
nakatatak na "Proud to be Pinoy!" at pakikinig sa musika ni Francis M. para
maipakita ang pagiging makabayan sa kasalukuyang panahon? Ito na ba ang
depinisyon ng pagkamakabayan?
Si Jose Rizal daw ang unang pumapasok sa isip ng mga estudyante ko kapag
naririnig ang salitang makabayan. Siguro daw, noong panahon ni Rizal ay
cool maging makabayan. Pero noon 'yon. Hindi na raw ngayon. Isang
makalumang ideya raw ang pagiging makabayan. Para sa kanila, mahirap
isiping o i-imagine na magkasama sa iisang lunan at panahon ang pagiging
"moderno" (sa kanilang pagpapakahulugan, ang pagiging moderno ay
tumutukoy sa paggamit ng iba't ibang porma at produkto ng mga bagong
teknolohiya gaya ng cellphone, MP3 player, internet, atbp.) at pagiging
makabayan.
Sa panahon ng globalisasyon, ang pagiging makabayan daw (gaya ng
nabanggit na nina Bienvenido Lumbera at Wilfrido Villacorta) ay
pinaniniwalaang kailangang iwaksi nang sa gayon ay maging maunlad ang
mga mamamayan at ang bayan. Sa madaling salita, hadlang sa pagiging
matagumpay ng sambayanan. Ang kailangan ay maging "globally
competitive" at isang malaking pader na dapat tibagin ang pagkamakabayan
para maging ganap na "mamamayan ng daigdig" ang mga Pilipino. Itong
baluktot na paniniwalang ito na pinaiiral ng naghaharing pwersa sa lipunang
Pilipino ang dahilan kung bakit para sa mga kabataan ay tila wala nang
saysay maging makabayan.
Ano ba ang ibig sabihin ng pagkamakabayan?
Sa panahon nina Rizal at ng Unang Kilusang Propaganda, malinaw na ang
"maykapangyarihan" ay ang kolonyalistang Espanyol at patriyarkal/pyudal
na paghahari ng Simbahang Katoliko. Malinaw na ang mga ito ang siyang
tinutuligsa ni Rizal sa kanyang mga nobela. Makabayan si Rizal dahil sa
kanyang mga nobela ay ibinunyag niya ang mapagsamantalang katangian ng
naghaharing uri. Isang propagandang naglingkod sa interes ng mas
nakararami ang ginawa ni Rizal at ng iba pang intelektwal. Kasabay nito ay
inorganisa at inarmasan naman ng mga mamamayan ang kanilang mga
sarili at sama-samang kumilos laban sa uring mapagsamantala. Kaya't tunay
na makabayan din silang maituturing dahil ipinagtanggol nila ang kanilang
lupa, buhay, at karapatan mula sa gahum ng kolonisador at ng Simbahan

Samakatuwid, cool at astig maging makabayan lalo na sa panahong ito.
. Sa kasalukuyang panahon ay may nagbago ba? Mula nang dumating ang
Imperyalistang US at magtatag ito ng papet na pamahalaan para ganap na
makontrol ang ekonomya, politika, at kultura, ang kondisyon ng lipunang
Pilipino ay hindi nagbago at sa halip ay lalo pa ngang lumala. Sa kumunoy
ng krisis na nararanasan ng Imperyalistang US ay pilit nitong hinihila
papunta sa ilalim ang neo-kolonyang Pilipinas. Habang lalong umiigting ang
krisis ay tumitingkad naman ang diwang palaban ng mga Pilipino, gaya ng
ipinakita ng mga Pilipino lumaban sa mananakop na Kastila. Ito ang
panahong dumarami ang hanay ng mga rebolusyonaryo, mga tunay na
makabayang lumalaban para makamit at ipagtanggol ang soberanya ng
bansa, para sa tunay na repormang agraryo, para agawin ang sentro ng
kapangyarihang pampulitika. At para paralisahin, i-neutralize, kundi man
tuluyang supilin ang diwang makabayan ng mga Pilipino, pinalalabnaw ng
Imperyalistang US, katuwang ang mga burukrata kapitalista at mga
panginoong maylupa, ang konsepto ng pagiging makabayan. Pinaniniwala
nila na sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produktong "nagpapahayag"
ng pagka-Pilipino ay maipapakita ang pagiging makabayan (halimbawa,
pagsusuot ng jacket na parang bandila ng Pilipinas na mula sa Nike o
Adidas, o kaya'y ang pagsusuot ng t-shirt na may nakalagay na "Pinoy ako!"
mula sa Bench, o ang pagsuporta kay Manny Pacquiao sa tuwing siya ay
may laban, atbp.). Sa ganitong paraan ay nakikinabang pa ang mga
naghaharing uri sa klase ng pagkamakabayang ibinabandera nila sa
pamamagitan ng fashion industry at mass media.
Dapat lang na magkaroon ng at linangin pa ang diwang makabayan ng mga
kabataan. Hindi ito natatapos sa pa-cool-cool lamang. Mayroon itong
kaakibat na malaking responsibilidad at malalim na sensibilidad. Pwede kang
magsuot ng t-shirt na nagsasabing "Ang mamatay nang dahil sa 'yo," pero
hindi nito mababago ang lipunan.
http://andangjuan.blogspot.com/2011/07/cool-pa-ba-magingmakabayan.html

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close