Cybersecurity

Published on May 2016 | Categories: Documents | Downloads: 62 | Comments: 0 | Views: 697
of 2
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
PRESS RELEASE
PLS. REFER TO MS. GINETTE T. SEGISMUNDO

March 4, 2016
TEL/043/723-4651

Cybersecurity Awareness, itinaguyod ng DOST-ICT sa Batangas
Province

Bilang isang "national security concern", tampok sa cybersecurity seminar
ang Safe and Secure Cyberspace for Juan and All na pinangunahan ng
Department of Science and Technology-Information and Communications
Technology Office (DOST-ICTO) kasama ng mga kinatawan ng local
government units at private institutions na ginanap sa Alpa Hotel noong ika4 ng Marso, 2016.

Unang tinalakay ni ICTO Deputy Executive Director BGen. Nicolas Ojeda, Jr.
ang cybersecurity at kung paano ito dapat maunawaan ng mamamayan.
Binigyang diin nito ang kahalagahan na mabigyang proteksyon ang proseso
at serbisyong ibinibigay ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong
institusyon.

Para lalong maunawaan ang legal bases ng cybersecutrity, inilahad Mr.
Alberto Salvador, Jr. Ang relevant laws dito kabilang ang E-Commerce Act,
Data Privacy Act, Cybercrime Prevention Act at Executive Order 189 na
bumuo ng National Cybersecurity Inter-agency Committee at Computer
Emergency Response Team. Nakapaloob sa mga nasabing batas ang
pundasyon para lalo g mapalago ang kaalaman at koordinasyon sa
pagtataguyod ng cybersecurity sa bansa.

Ibinahagi ni PCInsp. Allan Cabanlong, isang ASEAN engineer at electronics
communications engineer ng Philippine National Police, na dapat maging
layunin ng bawat isa na matutong mapigilan, maprotektahan at marestore
ang mahahalagang impormasyon laban sa cyber attacks. Ipinakita din nito

ang evolution ng conventional crimes na lalong lumaganap ngayon sa
pamamagitan ng cyber crimes.

Matapos nito ay ipinakita ni I.T. Security Distribution Inc. President Luichi
Robles ang Internet Security Threat Report na kinapapalooban ng
karaniwang cyber attacks gaya ng spear phishing, watering the hole at
Trojanized update. Ayon sa kanya, ang mga ito ang nagiging sanhi ng
pagkuha at pagsira sa mahahalagang impormasyong hawak ng mga
ahensya.

Idinagdag din ni Ms. Cealita Evans na isang consultant ng ICTO ang tungkulin
ng government personnel pagdating sa cybersecurity. Ipinaalala nito sa mga
kalahok ang kahalagahan ng pagkakaroon at pag-uupdate ng Business
Continuity Plan, Data Recovery Plan at Disaster Risk Reduction Plan ng isang
organisasyon para mapangalagaan ang mga impormasyong hawak nito
laban sa cyber attacks.

Sa huli ay pinaunlakan ng mga naging guest speaker ang mga katanungan
ng participants sa pamamagitan ng isang panel discussion. Dito ay lalong
naunawaan ng mga dumalo ang cybersecurity at epekto nito hindi lamang sa
kani-kanilang organisasyon kung hindi pati na rin sa bansa at buong mundo.

Kristina Marie Joy B. Andal - Batangas PIO Capitol

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close