Filipino 1: Nobela (filipino)

Published on December 2016 | Categories: Documents | Downloads: 933 | Comments: 0 | Views: 1093
of 2
Download PDF   Embed   Report

ang nobela ay isang kuwentong nahahati sa bawat chapter o kabanata. halimbawa na lamang ang florante at laura o noli me tangere ni Jose Rizal.Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.

Comments

Content

Republic of the Philippines
Samar State University
Catbalogan City, Samar
College of Nursing and Health Sciences
Asignatura: Filipino 1
Paksa: Nobela
Guro: Abarracoso, Nelson G.
Kurso/taon: BSN 1
Taga-ulat: Martinez, Ma. Cherry Mhay S.
_____________________________________________________________________________________________

NOBELA
-Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng
mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at
ng hangarin ng katunggali sa kabila.
-Ang nobela ay isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawiliwiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Bahagi:











tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda:
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
pamamaraan - istilo ng manunulat
pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayarihan.

Layunin:








gumising sa diwa at damdamin
nananawagan sa talino ng guni-guni
mapukaw ang damdamin ng mambabasa
magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
napupukaw nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

Katangian:











maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
maraming ligaw na tagpo at kaganapan
ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
malinis at maayos ang pagkakasulat
maganda
maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga
tauhan

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close