Filipino Thesis

Published on December 2016 | Categories: Documents | Downloads: 161 | Comments: 0 | Views: 2627
of 30
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

KABANATA 1: Ang Suliranin at ang Saligan Nito Lingid sa kaalaman ng nakakarami na ang mga guro ang pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Ang mga guro rin ang gumagabay sa mga kabataan sa isang mabuting daan sa pag-aaral. Responsibilidad ng ating mga pangalawang magulang ang pagtuturo, at hubugin ang pagkatao ng mga estudyante. Malaki ang papel na ginagapanan ng mga guro bilang pangalawang guro. Nagtuturo din sila ng kagandahang asal sa kanilang minamahal na estudyante. Katulad din ng isang mabuting magulang, kaagapay din sila sa pagkamit ng mga pangarap ng mga kabataang pumapasok sa eskuwelahan. Masasabing mahusay ang isang guro kung napagtapos nito ang mga mag-aaral at nagkaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan. Malaki ang responsibilidad ng mga guro at hindi basta-basta ang mga responsibilidad na ito. Iba't-ibang paraan ang ginagamit sa pagtuturo upang lalong matuto at mahubog ang kaisipan ng mga mag-aaral. Upang mas lalong matuto ang mga estudyante sa kanilang guro, marami silang ginagamit ng mga teknik upang maging mas lalong maging pursigido sa kanilang pag-aaral. Habang lumilipas ang mga panahon, nagbabago ang teknolohiya at ang mga siklo ng ating komunidad. Ngunit mapapansin natin na mas lalong bumababa ang antas ng edukasyon sa ating bansa. Maraming mga programa, tekniks ang isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon, ngunit sadyang ito'y walang epekto sa mga estudyante. Dapat ba nating isisi ito sa mga guro? Anu-ano ba ang mga ginagamit ng mga guro sa pagtuturo? Epektibo nga ba ang mga ito?

1

PAGLALALHAD NG MGA SULIRANIN Ang pangunahing suliranin ng pananaliksik na ito ay: Epektibo ba nag pagtuturo ng guro sa isang mag-aaral? Ang mga tanong na kinakailangan ng mga kasagutan: 1. Ano ang mga pamamaraan ng inyong guro sa pagtuturo? May iba’t ibang pamamaraan ang mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang layunin nito ay malaman ang mga pamamaraan na ito. At upang malaman din kung anong pamamaraan ng guro ang higit na ginagamit ng nakakaraming guro at kung anong pamamaraan ang maganda at epektibo sa mga mag-aaral. 2. Sa inyong palagay, epektibo ba ang pagtuturo ng inyong guro sa inyo? Ang layunin nito ay upang malaman sa mga estudyante ang kaniya-kaniyang opinion o sagot kung epektibo ba ang pagtuturo sa kanila ng kanilang guro. 3. Nakakaapekto ba ang mood ng inyong guro sa kanilang pagtuturo? May iba’t-ibang ugali at katangian ang mga guro, mayroon din silang iba’t-ibang mood na ipinapakita sa kani-kanilang mga klase. Ang layunin ng suliranin na ito ay upang malaman sa mga estudyante kung ang ipinapakita ba’ng mood ng kanilang guro ay nakakaapekto sa kanilang klase at pagaaral. HIPOTESIS Ang mga pangunahing suliranin na nangangailangan ng solusyon upang malutas at magkaroon ng mga kasagutan. Ang layuning magkaroon ng pag-aaral para sa mga kasagutan ng mga sulranin.

2

Ang unang nabanggit na suliranin ay kung anu-ano ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng guro sa mga mag-aaral. May layunin na malaman ang kung anu-anong pamamaraan ang ginagamit ng guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang kanilang mga pamamaraan ay nababatay sa mga ninanais malaman ng mga mag-aaral galing sa kanilang guro. Gumagamit ang mga guro ng iba’t-ibang pamamaraan sa pagtuturo upang maging maganda at maayos ang mga impormasyon na itinuturo sa mga mag-aaral. At para maganda rin at mabilis ang pagkaunawa at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pangalawang na nabanggit na suliranin ay kung epektibo ba sa mga mag-aaral ang pagtuturo ng kaniy-kaniyang mga guro. Dito malalaman kung epektibo ba ang guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Pero ang pagiging epektibo ng mga pamamaraan ng mga guro sa pagtuturo ay makikita sa mga mag-aaral nito kung sila ba ay mayroon na tututuhan. Ngunit ito rin ay nakadepende kung nagsisikap at determinadong matuto ang mga mag-aaral. Ang pangatlong nabanggit na suliranin ay kung nakakaapekto ba ang mood ng isang guro sa kaniyang pagtuturo sa mga mag-aaral. May iba’t- ibang katangian at pag-uugali ang mga guro. Nagkakaiba-iba din ang mga guro sa mga ipinapakitang mood sa loob ng silid aralan. Pero nakakaapekto ba ang mood ng guro sa kanilang pagtuturo? Maaring makaapekto ang mood nila sa kanilang pagtuturo depende sa kanilang mood na ipinapakita, maganda ba o hindi. Kung ito ay maganda, magiging maganda rin ang epekto nito sa mga mag-aaral. At kung hindi maganda ang mood ng guro ay magiging hindi rin maganda ang epekto nito sa mga mag-aaral. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito lalong lalo na sa mga guro upang mapalago ang kanilang kamalayan tungkol sa epekto ng mga pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Dahil din ditto mapapalawak ang imahinasyon ng mga guro at mapagbubuti pa ang kanilang pagtuturo nang sa gayon ay magkaroon ng interes ang mga estudyante sa pag-aaral. Alam naman ng lahat na ang pag-aaral ay susi para sa ikauunlad ng ating buhay. 3

Sa pag-aaral na ito a mag-kakaroon ng ideya ang mga guro kung anong pamamaraan ng kanilang pagtuturo ang pinaka epektibo para sa mga mag-aaral. makapaghahatid ito na kaalaman para sa mga guro kung ano iba pang pamamaraan ang maari nilang gamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral at ng mabigyan nila ng pansin ang kanilang pag-aaral. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL Ang mga nagging respondent eng pag-aaral na ito ay pawing nanggaling sa mga magaaral ng kolehiyo ng Bulacan State University na mayroong Filipino na asignatura. Kumuha ang mga mananaliksik ng 100 respondente galing sa iba’t-ibang kurso tulad ng BEED (13), BAE (2), BS HRM (4), BS PYSCH (8), BALM (12), BS MATH (4), BIT (16), BS BIO (11), BSBA (14), BSED (7), BS NURSING (6), ECE (3). Ang mga respondente ay mga galing sa unang taon sa kolehiyo.

4

KABANATA 2: Mga Kaugnay na Pag-aaral I. GAWAING PAGTUTURO A. Gawaing Pagtuturo Epektibong pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng iba’tibang pamamaraan upang maipaabot sa mag-aaral ang nilalaman ng paksang tinatalakay. Ito ay isang paraan ng paglalatag ng mga ideya at usapin na nagsisilbing gabay para sa malusog na talakayan. Bahagi rin nito ang panghihikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang pagsusuri at pagtingin sa isang usapin o paksang pinag-uusapan upang tumungo sa isang mas malalim na mga pagtingin at pag-unawa. B. Papel ng Instruktor Ang instruktor ang gumaganap ng namumunong papel sa kolektibong pagaaral. Siya ang pangunahing naglilinaw sa nilalaman ng mga paksang pinag-aaralan, nagbibigay direksyon at tagapagpadaloy sa talakayan. 1. Ano ang mga tungkulin ng instruktor
a. Pagtitiyak ng pagkamit ng layunin ng pag-aaral; b. Pagtitiyak ng pagbuo ng pagkakaisa sa pananaw at paninindigan sa mga

usapin ng lahat ng kalahok;
c. Pagtitiyak na may naibalangkas na mga patakaran para sa pag-aaral at

naipapatupad ito. 2. Anu-ano ang mga katangian at aktitud ng isang Instruktor? Kinakailangang taglayin ng instructor ang pagiging mapagkumbaba, matapat sa pag-aaral, bukas sa opinyon at ideya ng iba, mapagkaisa at mapanghikayat sa ambag na partisipasyon, masinop, disiplinado at responsable sa gawain. Dapat ding taglayin at paunlarin ng isang instruktor ang pagkakaroon ng:
5

• • • •

malawak na kaalaman sa paksang pinag-aaralan; kakayahan sa paggamit ng Iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo; karanasan at pag-alam sa pakikibaka ng mga kabataan at mamamayan; kakayahang unawain ang mga mag-aaral.

II. Mga Pamamaraan Narito ang ilang mga pamamaraan sa pagtuturo na pangkaraniwang gingamit ng mga guro para mas madaling maintindihan ang mga leksyon sa klase. 1. Lektura Sa mga lektura, ang nilalaman ng paksa ay inilalahad at ipinaliliwanag at ang pangunahing ideya o puntong nakapaloob dito ay sapat-sapat na pinapalawig ayon sa balangkas ng paksa. Nakabatay pangunahin sa pananalita at paglalarawan. Nasa porma ito ng malakihang talakayan bilang forum at alternative class. Nakapagpapatalas ito sa pagdidiin sa pinakapangunahing mga punto ayon sa partikular na katangian at pangangailangan ng mag-aaral. Iniuugnay nito ang prinsipyo sa kalagayan at karanasan ng mag-aaral. Nililinaw nito ang wastong relasyon ng mga pangunahing punto at mga sekundaryong punto. Maaaring baguhin nito ang paglalahad at paggamit ng mga pantulong sa pag-aaral at paggamit ng halimbawa batay sa itinatakbo ng pagpapaliwanag at talakayan upang maging epektibo ang pagtuturo. Ilang punto sa epektibong lektura:
• •

Kunin ang atensyon ng lahat bago magsimula; Tiyaking nakaayos na sa pwesto at tahimik ang mga mag-aaral at ang paningin ng mag-aaral ay nakapokus na sa harapan o sa instruktor;

6



Magbigay ng kaukulang pansin sa epektibong paggamit ng boses. Iwasan ang isang tono ng boses. Iayon ang tono ng boses batay sa nais na bigyang diin ng punto;



Panatilihing maingat sa pananalita at palagiang magkaroon ng eyecontact sa mga mag-aaral;

• •

Sikaping mapalahok ang karamihan kung hindi man ang lahat, sa talakayan; Gumamit ng simpleng paraan at lengguwahe sa paglalahad ng prinsipyo upang madaling maunawaan ng mag-aaral;



Balangkasin ang paliwanag at ihanay ang mga punto.

2. Tanong-sagot Mas simple ang pamamaraang ito at angkop sa mga maliitang talakayan o discussion groups. Mainam din ang pamamaraan ito sa pagtalakay ng mga praymer at mga isyu. Epektibo ito sa pagkuha ng atensyon, pagpapasigla ng pag-iisip ng mga mag-aaral, at pagsubok sa kaalaman at pag-unawa. Dapat tandaan ang mga sumusunod:


Ang mga tanong ay dapat malinaw at mabibigyan ng sapat na panahon upang marinig at maunawaan ng mag-aaral. Hanggat maari, iwasan ang pag-ulit ng mga tanong;



Alamin kung may nais silang itanong. Kung wala silang tanong, sila ang tanungin;



Ang mag-aaral na may maling sagot ay dapat mahimok sa pamamagitan ng komentaryong “halos tama” “medyo tama” “may bahaging tama,” “pag-isipan mo pa ang iyong sagot at muling subukan;”



Hingin ang kumpletong sagot;

7



Kung tahimik ang isang mag-aaral sa tanong, lumipat sa iba at sabihing pagisipan pa niya at babalikan siya maya-maya.

3. Basa-Talakay Ito ang paraan na nagbabasa ng mga pangunahing teksto nang baha-bahagi, pagtalakay at pagpapaliwanag dito. Ito ay maaaring ilakip sa paraang lektura. Ang paraang ito ay angkop kung nagnanais magpalalim sa isang piling bahagi ng teksto dahil ito ay mahalaga at nais tiyakin ang pagsapol sa punto. Kailangang maging kaiga-igaya rin ang pamamaraang ito at hindi dapat kumain ng malaking bahagi ng pag-aaral. Bigyan ng malinaw na interpretasyon at paliwanag ang binasang teksto. 4. Palihan o workshop Ang pamamaraang ito ay ginagamit sa maliitang mga grupo. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikling direksyon o case study sa bawat grupo na malapit sa karanasan nila. Ginagamit ito para sanayin ang mga mag-aaral sa kolektibong pag-iisip. May itinatalagang mamumuno sa talakayan sa bawat grupo at pagkatapos ay ilalahad sa lahat ang napagkaisahan ng bawat grupo. 5. Mga Malikhaing Porma Ilan pa sa mga pamamaraang maaaring gamitin at makatutulong upang mapasigla ang pag-aaral ang tulad ng dula dulaan, bugtungan, tula, awit, salin awit at iba pa.

III. Iba pang Praktikal na mga Pamamaraan sa Pagtuturo A. Ang "Words of Wisdom" na mga Pamamaraan Ang kategoryang ito nilalayon ng tagapagturo na makapagbigay ng kaalaman gamit ang berbal na pamamaraan sa loob ng maikling panahon. Ang epektibong

8

tagapagturo ay nagbibigay kaalaman sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng pagkakaugnay-ugnay ng mga paksa, pagbabahagi ng kahalagahan ng ng talakayan, at pagpapatawa paminsan-minsan. Kasama sa pamamaraang ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang Presentasyon ng Lektura: Ang nilalaman ng kurso ay ipinapahayag sa pamamagitan ng berbal na mga pahayag na idinederakta sa buong klase. 2. Ang Magkasalungat na Pananaw: Ginagamit ang mga makakasalungat na mga pananaw upang mapalawak ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.
3. Ang “Open-Ended” na Kwento:

Isang pangyayari ang ibinabahagi sa klase na may ekspektasyon na ang bawat isa ay magbibigay ng tugamng katapusan para sa kwento. 4. Ang Demonstrasyon ng Guro: Gumagamit ang tagapagturo ng mga gawi at mga galaw upang ipaliwanag ang isang sitwasyon. 5. Ang Panauhing Tagapagsalita: Isang eksperto sa isang particular na propesyon ang iniimbita upang magsalita sa klase. B. Ang "Maaari Ba Tayong Mag-usap" na mga Pamamaraan: Ang seksyon na ito ay nagsasaad ng ilang mga grupong pamamaraan upang engganyuhin ang mas malalim at malawak na pag-iisip at reaksyon ng mga mag-aaral. 1. Ang Debate:

9

Ang mga mag-aaral ay may sinusunod na set ng mga gabay sa pagpapahayag ng mga nais puntuhin o tukuying paksa. 2. Ang Talakayan: Ang tagapagturo ay ineengganyo ang buong klase na mag-isip ng mga impormasyon o opinion na may kaugnayan sa isang particular na paksa.

3. Brainstorming: Ang buong klase ay ineengganyo na magbahagi ng mga kasagutan sa isang paksa o mga paksa. Lahat ng nalikom na sagot ay inirerekord. 4. Problem Solving: Ang bawat mag-aaral ay kumakalap ng ilang kasagutan para sa isang paksang may suliranin. Gumagamit ng sistematikong proseso upang alamin kung alin ang pinakamagandang katugunan sa lahat ng iminungkahi. Ang trial at error na pamamaraan ay isa sa mga karaniwang ginagamit sa pamimili ng wasstong kasagutan.
5. Round Table na Talakayan:

Inaanyayahan ang bawat mag-aaral na magmungkahi ng mga ideya ng walang halong takot na sila ay pagtawanan. 6. Panel na Talakayan: Tatlo o higit pang mag-aaral ay pinipili upang magsilbing panel. Ang bawat kalahok ay binibigyan ng pare-parehong panahon upang maibahagi ang kanyang paninindigan bago magbigay ng karagdagang kasagutan at ideya ang buong klase.
7. Ang Colloquium:

10

Ang tagapagturo ay bumubuo ng panel ng mga eksperto upang tumugon sa mga katanungang inihain ng ilang kinatawang mag-aaral.
8. Ang Case Study:

Ang bawat mag-aaral ay binibigyan ng particular na datos na may kaugnayan sa tao o pangyayari. Ang mga impormasyon ay ginagamit na basehan para sa talakayan. 9. Ang Kolaborasyon: Ang bawat indibidwal ay nagsasagawa ng mga pinagkasunduang mag layunin sa pagitan ng kolehiyong seting at ng local na paaralan, pangkomunidad na establisyimento, o day care center. C. Ang "All the World is a Stage" na mga Pamamaraan Tumatatak sa bawat mag-aaral ang mga gawaing paaralan na may halong drama. Ang mga sumusunod na gawain ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga magaaral na maipakita ang mga ugali o aksyon na may kinalaman sa isang particular na pangyayari. Ang bawat mag-aaral ay dapat bigyan ng malinaw na paliwanag tungkol sa mag pangyayaring nakapaligid sa paksa, at sapat na panahon upang makapagbuo ng mga katugunan.
1. Mimetics:

Ang bawat mag-aaral ay ginagaya ang galaw o gawi na may kaugnayan sa isang partikular na bagay, damdamin, o katauhan. 2. Dula-dulaan: Ang bawat mag-aaral ay tumutugon sa isang isyu, paniniwala o pangyayari sa pagpapakita ng pisikal at sikolohikal na katauhan na may kaugnayan sa isang partikular na ganap. 3. Skit:

11

Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng mga simpleng props sa pagsasawa ng isang patikular na insidente. 4. Improbisasyon: Ang mag-aaral ay nagbibigay ng reaksyon sa isang sitwasyon, na walang ideya sa nasabing sitwasyon. 5. Sociodrama: May mga grupo ng mag-aaral ang nagpapakita ng iba pang solusyon sa mga isyu na may kinalaman sa problemang pangkomunidad.

D. Ang "Seeing is Believing" na mga Pamamaraan Ang kategoryang ito ay nagpapakita ng bagay na maaaring gamitin upang maengganyo ang kuryosidad ng mga mag-aaral, lumikha ng mas positibong kapaligiran para sa pag-aaral at magtaguyod ng ibang klaseng kaisipan. Mayroong posibilidad na ang mga tagapagturo ay ipagwalang bahala ang kahalagan ng mga bagay na ito sa unibersidad, ngunit mayroon pa ring mga propesyunal ang gumagamit ng mga eyd sa pagtuturo. 1. Paskilan: Isang paskil na ginagamit upang ipahayag ang mga anunsyo, paalala, o mga biswal na bagay na may kinalaman sa isang partikular na pangyayari o konsepto.
2. Mensahe ng Cartoons:

Paggamit ng mga karikatura sa pagbibigay ng kahulugan sa isang ideya. 3. Mga Gamit at Materyales sa Silid-aralan:

12

Nakapaloob dito ang iba’t-ibang uri ng art, puzzles, makukulay na bagay, malungkot na dula, magnetikong dula, mga laruang edukasyunal, mga instrumentong pantugtog, agham ekolohiyang mga bagay, at iba pang gamit na kinakailangan para sa kaepektibuhan ng pagtuturo.
4. Graph o Tsart:

Mga grapikong ilustrasyon na may mga trends at paghahambing. 5. Modelo: Mga bagay na ginagamit para sa mas malalim na eksaminasyon. Pangkaraniwan sa mga modelo ay madaling gamitin, napaghihiwa-hiwalay, at muling nabubuo.
6. Pamplet, Leaflets o Booklets:

Mga bagay na gumagamit ng magkakatulad na pormat sa pagbubuod ng impormasyon.

E. Ang "Medium is the Message" na mga Pamamaraan Karamihan sa mga propesyunal sa kolehiyo ngayon ay sang-ayon sa paggamit ng midyum sa pagbabahagi ng kaalaman. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga madalas gamiting mga midyum:
1. Loop Films:

Pinasikat noong dekada trienta, ang midyum na ito ay ginagamit pa rin sa pagpapakilala ng mga bagng paksa.
2. Sound Slides:

Buhay na mga larawan na may kasamang impormasyon. 3. Tape Cassettes: Mahalaga sa pagpapahayag ng ilang mga tuluyang talakayan.

13

4. Ponograpiyang mga record at mga disk: Ginagamit sa pagbabahagi ng mga musikal at mabibilis na demonstrasyon.
5. Video Taped na mga Programa:

Isang kabanata o serye ng mga kabanata na nagpapakita ng iisang tema.
6. Opaque Projector:

Pinalalaki nito ang mga kliping sa dyaryo, mga tsart, mga litrato at mga iginuhit na larawan direkta sa isang malaking telon o dingding. Karamihan sa mga imahe ay nababakat at nagagamit sa pagpapaskil.
7. Overhead Projector:

Ang midyum na ito ay nakatutulong sa tagapagturo na makaharap sa klase habang ipinapakita nito ang mga itinuturo sa isang telon na nakalagay sa likuran ng tagapagturo.

F. Ang "It's My Turn" na mga Pamamaraan Hindi nawawalan ng kabuluhan ang mga karanasang pinagsikapan ng magaaral na pagtagumpayan. Kakaunti lamang ang hindi sasangayon na ang pasalita at pasulat na presentasyon ang dalawa sa pinakagamit na pamamaraan upang maibahagi ng isang mag-aaral ang kanyang mga nalalaman sa klase, ngunit may iba pang mga pamamaraan kagaya ng mga sumusunod: 1. Koleksyon at Klasipikasyon: Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng partikular na proseso ng pamimili ng mga ideya at iniaayos ang mga ideya ng sunud-sunod. 2. Ang Imbentaryo:

14

Isang pamamaraan o kagamitan upang malaman ang dami, sukat o kalagayan ng isa o higit pang mga bagay. 3. Ang Eksperimento: Ang mga mag-aaral ay lumilikom ng datos, binibigyan ng kasagutan ang mga problema, inaanalisa ang kanilang mga natuklasan at nagbibigay ng konklusyon.
4. Ang Survey:

Inaalam ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng isang partikular na ugali o gawi.
5. Ang Questionnaire:

Pangkaraniwang nilalayon nito na ang isang mag-aaral ay pumili ng isang kasagutan mula sa tatlo o apat na apgpipilian. 6. Ang Tseklist: Ang mga indibidwal ay tumutugon sa bawat katanungan na may pagpipilian. Hindi kagaya ng questionnaires, karamihan sa tesklist ay naglalaman ng mga gabay para sa ilang mga katugunang kailangang markahan.

7. Sariling Pag-aaral o Student Contract:

Isang klase ng pag-aaral ng sariling sikap na pangkaraniwan ay nauuwi sa paggawa ng mga proyekto na nakatutulong sa pagpapatibay ng pinag-aaralan.
8. Ang Log o Journal:

Isang libro na kung saan itinatala ng isang indibidwal ang isang pangyayari. 9. Mga Karagdagang Babasahin: Mga ibinigay na mga karagdagang babasahin upang mas lumawig ang kaalaman at pangintindi ng mag-aaral.

15

10. Paggamit ng Silid-Aklatan: Mga planadong gawain na kailangang gumamit ng mga kagamitan ng silidaklatan. 11. Mga Sagutang Aklat o Sagutang Papel: Mga gamit na tulong sa pag-aaral na mayroon mga gawain. 12. Mga Nakaprogramang Instruksyon: Mga manwal na kinukumpleto ng mga mag-aaral sa panahong ninanais.
13. Micro-Teaching:

Pagpapakita ng mga abalidad sa pagtuturo na may pagkakatulad sa mga naranasan na sa pagkabata. 14. Mga Programa Gamit ang Kompyuter: Mga karagdagang kaalaman sa klase na ibinabahagi sa pamamagaitan ng mga disk.

G. Ang "Imaginative Mind" na mga Pamamaraan Ang mga bagong karanasan as pagkatuto ay hindi lamang nakakulong sa pampublikong paaralan. Maraming propesyunal sa kolehiyo ang nakapagmamalaki sa kanilang abilidad na makapagturo sa isang malikhaing pamamaraan.

Kasama rito ang mga sumusunod na konsiderasyon: 1. Mga Lakbay Aral: Mga magkakapareha o mga maliliit na grupo ang namimili at lumalahok sa mga eksibisyon, presentasyon, o demonstrasyon na may kinalaman sa kanilang kurso. 2. Timelines:

16

Isang talaan ng mga pangyayari na nakaayos ng sunud-sunod. 3. Murals: Mga kaakit-akit larawan na ipininta sa dingding. 4. Komunikasyon sa Pamamagitan ng mga Sulat: Tinatalakay ng mga mag-aaral ang mga paksa ng isang kathang isip na sulat. 5. Ang Dalawampung Katungan: Ang buong klase ay binibigyan ng dalawampung pagkakataon na makapagbigay ng tamang kasagutan sa set ng mga tanong ng tagapagturo.
6. Paggaya ng Game Show:

Ang tagapagturo ay ginagaya ang isang palabas sa telebisyon at hinahati sa iba’t-ibang bahagi ang mga aralin. 7. Mga Napapanahong Pangyayari: Iniuugnay ng mga mag-aaral ang mga nilalaman ng mga artikulo galing sa iba’t-ibang babasahin sa kanilang kurso. 8. Mga Proyektong Gumagamit ng Malikhaing Pagsulat: Ginabamit ng mga mag-aaral ang kanilang imahinasyon upang bumuo ng mga maiikling kwento o kaya naman ay magbalita ng mga impormasyon.

VI. PATULOY NA PAGPAPAUNLAD NG GAWAING INSTRUKSYON Ang Pag-uulat ng Isinagawang Pag-aaral Halaga ng pag-uulat matapos ang kabuuang pag-aaral
a. Nagsisilbi itong batayan ng higit pang pagpapaunlad ng kurso sa

pamamamagitan ng pagtatasa at nagsusuma ng mga inilulunsad na pagaaral sa kursong ito;
17

b. Susi ito sa mutwal na pagtitiwala at mulat na pagpapatupad ng pagaaral; c. Ginagamit itong sanggunian sa pagbabalik-aral ng mga mag-aaral at instruktor

sa patuloy na pag-aaral.

V. MGA HADLANG SA PAGPAPAUNLAD NG PAGTUTURO Sa paano’ng paraan ba rumeresponde ang mga guro sa mga ipinapakitang pagsuporta ng mga tao sa buong bansa na mapaunlad pa ang paraan ng pagtuturo? Naklulungkot isipin, pero parang wala silang pakialam. Bakit? May ilang mga kadahilanan. Una, mayroong paniniwala ang mga guro na ang tanging makapagtuturo lamang ng wasto at husto ng isang disiplina ay ang taong may malalim na kaalaman tungkol doon. Naniniwala sila na ang mga kabuuang kaalaman sa pagtuturo ay hindi basta-basta naisasalin sa mga kondisyon ng partikular na disiplina at mga konsepto na ang isang guro ng isang partikular na kurso ay kayang-kayang isagawa kaagad. Ikalawa, may mga gurong hindi pansin na kailangan nilang paunlarin ang pamamaraan nila sa pagtuturo. Iniisip nila na sapat na ang kanilang ginagawa sa loob ng silid-aralan, na siyang nagpapababa sa kanilang interes na dumalo sa mga programang naglalayong paunlarin ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo. Ikatlo, madalas ay hindi alintana ng mga programa sa pagpapaunlad ng pamamaraan ng mga guro ang mga pangangailangan ng mga guro. At dapat din akma ang pamamaraang gingamit ng guro sa paksa. Sabi ng isang Wisconsin na propesor, sa Ingles, “Bakit ako magaaksaya ng panahon at pagod sa isang programa na wala namang maitutulong sa kinakaharap ko’ng problema sa pagtuturo?” Ikaapat, maraming guro ang dapat pa rin ang kailangang akayin upang dumalo sa isang programa ng pagpapaunlad ng kanilang pamamaraan. Kawalan ng interes ang pinakadahilan kung bakit hindi pa rin sila makakilos patungo sa pagpapaunlad. Gaya

18

ng sinabi ng isang taga-California na propesor, sa Ingles, ng kibit balikat, “Siguro baling araw ay makikisali din ako sa mga programa na iyan. Ngunit hindi ngayon.” Maari rin mahadlangan ang pagunlad ng mga pamamaraan ng mga guro kung ang mismong mga mag-aaral ay walang interes pumasok sa eskwelahan, walang focus sa pag-aaral at hindi nakikipag participate sa klase.

19

Ayon sa mga ilang mga gurong aming napanayan, maraming paraan ang maaring gamit sa bawat sa paksa. Hindi mainman na gamitin ang isang pamamaraan ng pagtuturo sa bawat aralin, kundi ay mawawalan ng interest ang mga estudyante sa pag-aaral, o makikita nila itong boring. Kailangan din magkaroon ng mabuting relasyon ang mga mag-aaral sa kanilang guro. Masasabing ang pagtuturo ng isang guro ay epektibo sa mga estudyante kung ang guro at mga estudyante ay parehas masaya habang nagtuturo. At kapag binigyan ng pagsusulit ito’y masasagutan ng mga estudyante at dapat din Makita ang

pagbabago sa intelektuwalidad ng estudyante. Makikita rin na epektibo ang pamamaraan ng mga guro sa pagtuturo kung ang mga estudyante ay mas lalong magiging masigasig sa pag-aaral. At kapag madaling makuha ng mga estudyante ang mga paksa sa klase.

20

KABANATA 3: Presentasyon ng mga Datos at Konklusyon Ang mga mananalisik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng iba’t-ibang paraan upang mangalap ng sapat na mga datos sa pag-aaral na ito. Narito ang paggamit ng survey upang makuha ang mga hinuha ng mga respondete. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng set ng mga katanungan at ipinamudmod ito sa mga respondente na pawang mga mag-aaral ng Bulacan State Unversity na nasa unang taon sa kolehiyo. Gumawa din ang mga mananaliksik ng set ng mga katanungan para sa mga iba’tibang guro. Dito makikita ang mga opinion at mga karanasan ng mga guro patungkol sa kanilang pagtuturo at mga pamamaraan kung ito nga ba ay epektibo sa mag-aaral o hindi. Nangalap din ang mga mananaliksik ng iba pang mga impormasyon gamit ang Internet. Dito kinuha ng mananaliksik ang ibang mahahalagang impormasyon sa pagaaral na ito. Ginamit ng mga mananaliksik ang bar graph upang ipakita ng maayos ang mga tugon ng mga respondente sa mga set ng mga katanungan. UNANG PIGURA Mga pamamaraan ng guro sa pagtuturo
70 60 50 40 30 20 10 0

gumagamit ng makabagong teknolohiya Nagpapatawa habang nagtuturo Estrikto habang nagtuturo Paraan na gingamit ng mga guro sa pagtuturo

Ayon sa survey ng ginawa ng mga mananaliksik, ang pamamaraang nagpapatawa habang nagtuturo ay naga karoon ng pinakamataas na puntos sa survey.
21

Nagkaroon ito ng 65% na tugon galing sa mga respondente. Ayon sa mga respondent, 24% ng mga guro ay estrikto habang nagtuturo. Kaunti lang ang tumugon tungkol sa paggamit ng makabagong teknolohiya (19%).

PANGALAWANG PIGURA Antas ng effectivity ng mga pamamaraan sa pagtuturo ng mga guro

100 Oo 50 0 Epektibo ba ang pamamaraang ginagamit ng iyong Guro sa pagtuturo Hindi

Ayon sa graph na ito, marami sa mga respondente ang sumagot na epektibo ang mga pamamaraang ginagamit ng kanilang guro sa loob ng klasrum. 86% ang sumagot na epektibo ang mga pamamaraan ng mga guro sa pagtuturo, samantalang 14% ang sumagot ng hindi epekto ang mga pamamaraan ng guro sa pagtuturo. IKATLONG PIGURA Epekto ng mood ng guro sa kanilang pagtuturo Makikita sa pigura na ito ang sumangayon na nakakaapekto ang mood ng mga guro sa pagtuturo. 90% ang sumagot na nakakaapekto ang mood ng mga guro sa
100 80 60 40 20 0 Nakakaepekto ba ang mood ng guro sa pagtuturo Oo Hindi

22

pagtuturo, samantalang 10% lamang ang sumagot ng hindi.Ang mga sumusunod na datos ay galing sa mga respondenteng mga guro.

IKAAPAT NA PIGURA Pamamaraan na gingamit ng mga Gurong Respondente

7 6 5 4 3 2 1 0

Gumagamit ng mga palaro Paggamit ng Pagsusulit Presentasyon/ larawan/ Visual aids Pagpapagawa ng Projects Mhinahong Pagtuturo

Makikita sa pigura na ito na ang Pagpapagawa ng Proyekto at mga activities ay nagkaroon ng pinakamadaming tugon ng 7 ng 19 na respondente. Pangalawa ang paggamit ng Presentasyon o visual aids na mayroon na 5 na tugon galing sa mga respondente. Sunod ay ang Mahinahong pagtuturo na may 4 na tugon. At tabla ang paggamit ng mga palaro at paggamit ng pagsusulit sa mga mag-aaral na may tagdalawang tugon galing sa mga respondenteng mga guro.

23

IKA-LIMA NA PIGURA Masasabi nyo pa ba na epektibo ang mga paraang ginagamit ninyo

20 15 10 5 0 Oo Hindi

Lahat ng mga respondentang guro sa pag-aaral na ito ay tumugon na epektibo ang kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo. IKAANIM NA PIGURA Mga Senyales na Epektibo ang Pamamaraan ng Isang Guro sa Pagtuturo

10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 0

Napapasa ang Bata sa kanyang mga asignatura Mayroon natututohan

Mataas ang Grado sa kanyang mga asignatura Aktibo tuwing oras ng klase Nagbibigay ng Magandang tugon sa pagtuturo ng Guro

Ayon sa tugon ng mga Guro sa survey na ito, 10 ang sumagot na Epektibo ang pagtuturo kung ang mga mag-aaral ay mayroon natutuhan sa klase. 4 ang sumagot na
24

pagiging aktibo na mag-aaral sa klase. Tatlo ang sumagot na epektibo ang pagtuturo kapag ang mag-aaral ay nakakaroon ng mga matataas na marka. Dalawa naman ang tumugon na epektibo ang paguturo kapag nagbibigay ng magandang tugon ang mga mag-aaral sa kanilang guro o feedback. Huli ay ang kapag napasa ng mga mag-aaral ang kanilang mga asignatura na mayroon na 2 sumagot.

IKA-PITO NA PIGURA
Sa palagay mo, nababase ba sa pagtuturo ng guro ang ikakatuto ng mga estudyante?

15

10

Oo Hindi

5

0

Labin limang respodente sa pag-aaral na ito ay tumugon na sa kanila nakabase ang ikakatuto ng mga mag-aaral samantalang 4 lang ang sumagot ng hindi.

25

IKA-WALO NA PIGURA Mga Kadahilan Kung Bakit Hindi Nagiging Epektibo ang Pagtuturo ng mga Guro sa Mag-aaral 7 6 5 4 3 2 1 0 Tamad ang guro na magturo Hindi Kaaya-ayang Kapaligiran Hindi Magandang Pagtuturo Hindi Mahigpit sa Pagututuro Hindi Interesado/tamad

Ayon sa mga respondente ang dahilan kung bakit hindi nagiging epektibo ang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral, nakakaepekto ang hindi kaya-ayang kapaligiran na mayroon na 7 tugon. Pangalwa ay ang Hindi magandang Pagtuturo ng mga guro sa mag-aaral na mayroon na 6 na tugon galing sa mga respondente. Sunod ay ang hindi interesado ng mga mag-aaral na mayroon na 4 na tumugon. 3 lang ang tumugon sa pagiging tamad na mga guro sa pagtuturo. Huli ay ang pagiging hindi mahigpit ng guro sa pagtuturo.

26

Bernadette D. Lopez 08 Gugo, Calumpit, Bulacan. Cel No.09268447857 e-mail: badette'z [email protected] EDUCATIONAL ATTAINMENT •Tertiary: Bachelor of Arts in Legal Management Bulacan State University, Malolos City, Bulacan. (2008-present) •Secondary: Colegio de Calumpit Inc. Calumpit, Bulacan (2008) •Primary: Gugo Elementary School Gugo, Calumpit, Bulacan. (2004) PERSONAL INFORMATION Date of Birth Place of Birth Gender Age Father’s name Mother’s name Civil Status Religion Nationality Height : : : : : : : : : : May 4, 1992 Quezon City Female 16 Bernardo C. Lopez Marcosa C. Lopez Single Christian Filipino 5’

I swear that the above information is true and correct to the best of my knowledge. ______________________ Bernadette Lopez

27

Justine Dawn G. Santos 523 Collantes Street Dampol 2nd A Pulilan, Bulacan. Cel No.09061492781 [email protected] EDUCATIONAL ATTAINMENT •Tertiary: Bachelor of Arts in Legal Management Bulacan State University, Malolos City, Bulacan. (2008-present) •Secondary: His Sanctuary Christian Academy Poblacion, Pulilan, Bulacan (2008) •Primary: Praise Christian Learning Academy Dampol 2nd B, Pulilan, Bulacan. (2004) PERSONAL INFORMATION Date of Birth Place of Birth Gender Age Father’s name Mother’s name Civil Status Religion Nationality Height : : : : : : : : : : July 12, 1992 Quezon City Female 16 Roberto Z. Santos Gloria G. Santos Single Christian Filipino 5’4”

I swear that the above information is true and correct to the best of my knowledge. _______________________ Justine Dawn G. Santos

28

Mga set ng katanungan sa mga Guro

1. Ano ang mga paraang ginagamit ninyo sa pagtuturo? ___________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

2. Masasabi nyo pa ba na epektibo ang mga paraang ginagamit ninyo? ________________________________________________________________________

3. Paano po ninyo masasabing epektibo nga ang mga paraaang ginagamit ninyo sa pagtuturo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________

4. Sa palagay mo, nababase bas a pagtuturo ng guro ang ikakatuto ng mga estudyante? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________

5. Magbigay ng mga kadahilanan kung bakit hindi nagiging epektibo ang pagtuturo ng guro sa mga estudyante? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________

29

Mga set ng katanungan para sa mag-aaral

1. Ano ang mga pamamaraan ng inyong guro sa pagtuturo? _________ gumagamit ng makabagong teknolohiya _________ nagpapatawa habang nagtuturo _________ estrikto habang nagtuturo Iba pang teknik:_________________________________ 2. sa palagay mo epektibo ba ang pagtuturo ng mga guro sa inyo? ___ Oo ___ Hindi 3. Nakakaapekto ba ang mood ng mga guro sa kanilang pagtuturo __ Oo __ Hindi

30

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close