FILIPINO II
Epekto ng Masasamang
Bisyo sa mga Kabataan
TSAPTER I: Ang Suliranin at Sanligan Nito
Panimula
Ang masasamang bisyo ng mga kabataan tulad ng
paninigarilyo, paginom ng mga alak, paggamit ng bawal
na gamot. Iilan lang ito sa mga masasamang bisyo ng
kabataan ngayon na kung saan halos mga kalalakihan
ang laging naapektohan. Ito ay nakakasama lalo na't
nasa murang edad pa lamang ang mga kabataang ito at
tiyak na kapag napabayaan sila, baka ito ay ikamatay nila
o magkaroon pa sila ng hindi magandang kinabukasan.
Mga kabataan ang laging kawawa sa mga bisyong
ito, pwede silang magkasakit sa maagang panahon. Tulad
ng sakit sa puso, sakit sa baga dahil sa labis na
paninigarilyo, hindi natin ito maiiwasan lalo na dito sa
Pilipinas sa dami na ng populasyon at dahil rin ito sa mga
irespunsableng mga magulang kaya napapabayaan ang
mga kabataang ito. Sa ngayon siguro hindi pa nila
mararamdaman ang mga ibat ibang sakit na pwedeng
tumama sa kanila, dahil nga bata pa sila. Pero darating
rin ang panahong sila ay magkaroon ng sakit at paano
nalang ang kinabukasan ng isang bata.
1
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay para sa mga kabataan at
para malaman nila kung ano ang epekto sa kanila ng mga
msasamang bisyo. Ang masamang bisyo ay hindi lamang
ito
nakakaapekto
sa
mga
kabataan,
sa
katunayan
nagsisimula ito sa mga matatanda lalo na sa mga
magulang. Ano-ano ang pwedeng maapektohan sa isang
bata kung sakaling malulon ang isang bata sa masamang
bisyo:
A. Kalusugan
B. Kinabukasan
C. Pag-aaral
D. Pamilya
E. Pakikipag-ugnayan
2
Layunin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pag aaral nito ay para maipaalam sa
mga kabataan na hindi tama ang malulon sa mga
masasamang bisyo maykasabihan nga tayo na ang
kabataan ay ang kinabukasan ng baya. Paano natin
masasabing sila ang kinabukasan kung lulon sila sa mga
masasamang bisyo? Sakop din nito ang patukoy sa mga
kadahilanan ng mga estudyante kung bakit sila ay
nagbibisyo tulad ng paninigarilyo, pagiinom, pagdodroga.
Mga layunin:
*malaman
ang
ibat
ibang
epektong
pisikal
ng
masamang bisyo
*matukoy ang manipestasyon ng paninigarilyo, pagiinom,
pagdodroga sa mga estudyante.
*bigyang pansin ang mga dahilan at ugat ng
masasamang bisyo
*matuklasan
ang
kabataang lulon sa
karaniwang
edad
ng
mga
ibat ibang bisyo
*mapausbong ang kaalaman ng mga estudyante sa
paksa ng
masasamang bisyo at paano iwasan ito.
3
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa mga kabataan - ang pag-aaral na ito ay
makakatulong sa pagmulat sa mata ng kabataan ukol sa
masasamang
bisyong
nakakasira
sa
kanilang
kinabukasan.
Sa mga magulang - ang pananaliksik na ito ay
makakatulong sa mga magulang kung ano ang dapat
nilang gawin o pano nila ito maaagapan. Makakatulong
din ito sa pag didisiplina sa kanilang mga anak.
Sa mga researcher
- sa pamamagitan nito
makakatulong ito sa mga researcher upang makakalap ng
impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung paano
makaiwas sa mga masasamang bisyo ng mga kabataan.
Sa komunidad at Pamahalaan - ang pag-aaral na
ito ay makakatulong para makontrol at kung ano ang
dapat nilang ipatupad na mga batas ukol sa mga
masamang bisyo at paano ito maagapan.
Sa mga nakakatanda - para malaman nila ang
magiging impluwensiya nila sa mga kabataan at para na
rin maitago ang kanilang bisyo sa kabataan para hindi
sila makaakit na sundin at gayahin sila lalo na sa
paninigarilyo.
4
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tungkol lamang sa mga
kabataang may edad 13-19 at it ay nakatoon sa epekto
sa mga kabataan lalo na sa mga lalake. Dahil ayon sa
DOH mas marami silang natatanggap na pasyenteng
binatang nagkakasakit ng maaga. Halimbawa ng mga
sakit ay ang Tuberculosis, unang una ito at sanhi ng
sobrang paninigarolyo. May mga natatanggap din silang
dalagang pasyente pero ito ay kakaunti lamang. Ang limit
na edad ay 13-19 sa mga kababaihan at 12-20 naman
para sa mga kalalakihan. Mas maaga at mas maraming
naapektohan sa parte ng kalalakihan dahil sila ang
mahilig sumali sa mga barkada.
Terminolohiya
Alcoholic Drinks - isang inumin na naglalaman ng
ethanol
Alcohol Intoxicated - tinatawag ding kalasingan o
paglalasing
Nicotine - pangunahing sangkap na nakukuha sa
paninigarilyo
Tar - isa sa mga kemikal na dulot ng paninigarilyo
Bawal na gamot - mga uri na gamot na hindi legal
Bisyo - kaugaliang imoral o nakakapagpababa ng
pagkatao
5
Menor de Edad - mga kabataang wala pa sa
hustong gulang
karaniwang nasa 19 pababa
ang edad
Hangover - pagkasakit ng ulo kinabukasan matapos
uminom
Liver cirrhosis - isang uri ng sakit na nakukuha
patuloy na
pagkonsumo ng alak
Hallucination - ito ay nangyayari sa mga madalas
magdroga
Detoxify - pagtanggal ng mga lason o kemikal sa
ating katawan
Enzymes
reaksyon ng
-
nangangahulugang
pinapabilis
ang
kemikal sa tao
Tuberculosis - ang sakit na sanhi ng isang uri ng
kagaw na
mycobaterium tuberculosis. Ito ay
naidudulot ng sobrang
paninigarilyo.
Coronary Artery Disease - ay isang sakit dulot ng
baradong
artery na makukuha sa bisyong
paninigarilyo
Disposisyon - estado ng utak ukol sa mga bagaybagay
6
Tsapter II: Mga Kaugnay na Literatura at Pagaaral
Compendium
of
Philippine
Medicine,
4th
Edition
Ang babasahing ito ay naglalaman ng mga sakit na
maaaring makuha ng mga tao. Kasama ng mga sakit na
binabanggit sa librong ito ay ang mga kasaysayan,
paraan ng paggamot at paraan ng pag-iwas nito.
Isa sa mga sakit na nakasaad rito ay ang Chronic
Obstructive Pulmonary Disease o COPD. Ito ay ang
pagkakaharap sa progresibong paghadlang sa daloy ng
hangin sa baga na marahil sa sakit na Chronic Bronchitis
o kaya ay Emphysema na nakukuha sa kinagawiang
paninigarilyo. Gayundin, ang COPD ay isa sa mga
pinakaimportante na karamdaman sa ika-20 siglo marahil
ito ay ang pangunahing dahilan ng kapansanan at
kamatayan. Sa taong 1990, ang COPD ay nagranggo na
ika-12 sa listahan ng mga pangunahing sanhi ng sakit ng
tao at ayo sa WHO "for year 2020, chronic obstructive
pulmonary disease will be ranked number 4" sinasabi na
di malayong mangyari na tumaas ang ranggo ng sakit na
ito base sa rami ng populasyon ng mga taong may apat
na gulang at matulin na pagdami ng gumagamit ng
sigarilyo.
7
Antioxidant Status, Diet, Nutrition and Health
Ang librong ito ay ang kauna-unahang nakapagsamasama at nakapagkonekta sa haynayan, pangnutrisyon at
pangkalusugang
aspekto
ng
mga
anti-oxidants.
Itinatalakay sa librong ito ang mga epekto, tungkulin,
mga nakaaapektong bagay sa mga anti-oxidant at iba
pang bagay na kaugnay nito. Nakasaad sa librong ito
kung anu-ano ang mga nakabubuti at nakakasamang
epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao lalo na sa mga
buntis.
Mental Health and Mental Illness
Ang librong ito ay naglalaman ng mga impormasyon
tungkol sa mga sakit na maaaring makaapekto sa pagiisip ng isang tao lalo na kung sila ay dumedepende sa
mga gamot o nalululong sa masamang bisyo.
Marami ang mga problemang kanilang binanggit na
konektado sa mga batang lulon sa masamang bisyo,
sinasabi dito na ang paggiging tahimik at palagiang hindi
pagpansin ng isang bata ito daw ang kadalasang dahilan
kung bakit nagbibisyo ang bata. Ayon sa pagsusuri
nagbibisyo ang isang bata kapag maraming problema at
walang makahanap na makakatulong sa kanya. Idinadaan
nalamang ito sa paginom o mas malala pagdodroga.
8
Mosby's Pharmacology in Nursing
Ang mga impormasyon sa librong ito ay tumatalakay
sa mga gamot at ang komposisyon nito. Nakasaad din
dito ang mga paraan kung paano nakaaapekto ang mga
drogang ito sa isang indibidwa.
Sinasabi rito na kapang ang isang bata ay maraming
bisyo lalo na sa paninigarilyo o paginom ng alak ay
nakapagpaparami ito ng bilang ng white blood cells sa
ating dugo. Ganun na din ang sa hemoglobin at
hematocrit. Ang bilis ng paghilom ng mga sugat ay
bumabagal dahil sa ibat ibang pumapasok na kemikal sa
katawan ng bata.
Phamrmacology for Nursing Care
Ang librong ito ay malaki ang tulong para sa mga
propesyon na may kinalaman sa siyensya. Nakasaad dito
ang mga gamot na maaaring gamitin sa kung anumang
sakit at ang mga epekto nito sa tao. Narito rin ang mga
kasangkapan ng mga gamot at mga ginagawa nito sa
katawan at pag-iisip ng tao.
Sinasabi sa librong ito na mahigit kumulang 128,813
na katao ang namamatay dahil sa lung cancer, 111,344
naman ang sa heart diseas at 64,735 namanang chronic
airways obstruction o chronic obstructive pulmonary
disorder.
9
Tsapter III: Metodolohiya
Pagkuha ng mga kasangkot sa pag-aaral
Ang mga respondente para sa pag-aaral na ito ay
ang mga mag-aaral ng Union College mga edad 19
pababa.
Kukuha lamang ng sampung estudyante para sa
sarbey na gagawin sampung babae at sampung lalake na
mag aaral ng ika-una at ika-lawang taon ng kolehiyo ng
Union college.
Pamaraan sa pananaliksik
Ang sarbey-kwestyoneyr ang napiling gamitin ng
mga mananaliksik sapagkat ito ang pinaka-epektibo,
pinakamadali,
pinakanirerekomendang
paraan
ng
pagkuha ng impormasyon. Naghanda ng sarbey upang
ipasagot sa mga kabataan edad 19 pababa.
Gumamit din ng mga libro, magasin at internet upag
madagdagan ang mga impormasyong nalikom.
10
Tsapter
IV:
Lagom,
Kongklusyon
at
Rekomendasyon
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman
ang mga pisikal at sikolohikal na epekto ng masasamang
bisyo sa pisikal at sikolohikal na kalusugan ng mga magaaral ng Union College.
Nagsagawa ng sarbey sa mga estudyante sa unang
taon. Ito ay binubuo ng 10 Babae at 10 lalake, kasama na
rito ang mga may bisyo at walang bisyo.
Kongklusyon
Narito ang mga masasabing kongklusyon na nakuha
ng mga mananaliksik galing sa mga impormasyong
nakuha.
a. Karamihan sa mga babae ay naninigarilyo at
umiinom.
b. Natuto ang mga kabataang manigarilyo/uminom
dahil sa kanilang
mga kaibigan.
c. Maraming dahilan ang mga kabataan kung bakit
sila umiinom at naninigarilyo:
*pampawala ng gutom
*mga problema nalilimutan
11
*tanggap ng barkada
d. Ang mga magulang ay isa sa mga rason kung
bakit may mga
bisyo ang mga bata.
e. Edad 16 ang karaniwang edad ng mga kabataan
kung saan
nagsisimulang
magkaron
ng
masamang
bisyo.
Rekomendasyon
Nirerekomenda ng mga mananaliksik:
a. Stress man o may problema hindi solusyon ang
magkaron ng
masamang bisyo, pwede naman kayong
magbasa ng libro o di kaya
ay
mamasyal
kung
saan
malilimutan mo ang mga problema at mag eenjoy ka.
b. Para sa barkada, pwede namang walang bisyo
kahit
magkaron nalamang kayo ng activity na pang
grupo na
ng barangay
nakakatulong pa sa ibang tao. Hal. Maglinis
c. Para naman sa mga magulang, kayo po ang una at
pinakaimportanteng modelo ng inyong mga anak.
Kung alam
nyo ang tama at mali at kung meron man
kayong sariling bisyo sana huwag nalang ito ipakita sa
inyong mga anak.
12
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Papas, A. M., ed. (1998). Antioxidant status, diet, nutrition
and health. Boca Raton, FL: CRC Press.
Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics, New York:
Guilford Press
Flores, Berlin. 2009. Ang iba’t ibang pisikal at medikal na
mga epekto ngalak addiction.
Hahn, Dale B. 1991. Drugs: Issues for Today. St. Louis
Missouri: MorbyYearbook,
Richards, Donna Beck. 1993. Living with Health. New
York: McGraw hillInc.
Emedicine-alcoholism by Warren Thompson, MD
Talatanungan:"Epekto ng Masasamang Bisyo sa mga Kabataan"
1. Papayag ka bang manigarilyo/uminom ng alak ang
iyong anak?
Oo [ ] Hindi [ ]
2. Hahayaan mo ba ang iyong kaibigan na malulon sa
droga?
Oo [ ] Hindi [ ]
3. Gagayahin mo ba kung sakaling makita mo ang
magulang mo na umiinom ng alak?
Oo [ ] Hindi [ ]
4. Kung ang kaibigan mo ay naninigarilyo, lalayuan mo ba
siya?
Oo [ ] Hindi [ ]
5. Dapat bang higpitan ang batas sa mga batang may
bisyo?
Oo [ ] Hindi [ ]
6. Magsusumbong ka ba kung sakaling ang kaibigan mo
ay nag dodroga?
Oo [ ] Hindi [ ]
7. Sa tingin mo mas marami ba ang lalaking adik kesa sa
babae?
Oo [ ] Hindi [ ]
8. Hahayaan mo ba ang iyong anak na magbarkada?
Oo [ ] Hindi [ ]
9. Sasama ka ba sa barkada mo kahit na alam mong
iinom sila ng alak?
Oo [ ] Hindi [ ]
10. Titikim ka ba ng droga kahit na alam mong itoy
masam?
Oo [ ] Hindi [ ]