RH Law

Published on December 2016 | Categories: Documents | Downloads: 58 | Comments: 0 | Views: 229
of 1
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

MARCH 21, 2013

NR # 3050B

RH Law
Bagamat nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino bilang ganap na batas ang Reproductive Health law, hindi pa rin makalusot ito para tuluyan ma-implementa. Naglabas ang Korte Suprema ng 120-day status quo ante order para ipahinto ang implementasyon ng RH law. Nagpahayag ng kompiyansa si Rep. Reena Concepcion Obillo (Party list, Una ang Pamilya) sa mabuting paghatol ng mga mahistrado sa kanilang consolidated petition laban sa RH Law. “Nagpapasalamat ako sa Korte Suprema sa kanilang pagkilos sa iba’t ibang petisyon sa RH law. Apat na buwan ang cool off period para sa implementasyon nito. Tama lang ang 120-days upang pag-aralang mabuti ang merito ng petisyon,” ayon kay Concepcion. Nagpahayag naman ng kompiyansa si Rep. Edcel Lagman (1st District, Albay), ang pangunahing may akda ng RH Law, na mapapatunayan din ng mga mahistrado na matuwid ang batas matapos ang oral argument. (30) eg

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close