School Nursing Lecturette

Published on May 2016 | Categories: Types, School Work | Downloads: 55 | Comments: 0 | Views: 453
of 6
Download PDF   Embed   Report

Comments

Content

BSN-2C, GROUP 4 MITCH, MITCH, MITCH, ANG KAWAWANG BATA Kim: Mga bata, halina’t manuod sa aming munting palabas na tiyak na makapupulutan ninyo ng aral. Ang makakasagot sa aming mga katanungan pagkatapos ng palabas ay may kaakibat na premyo. Mga bata, tayo na’t magsaya, maaliw at matuto! Sa bahay… Mitch: Ma, Pa, tapos na po akong kumain. Pumunta na po tayo sa school. (Masayang-masaya na tono.) Mama: Naku! Parang napakasaya mo ngayon ah? Mitch: Talaga po! Unang araw ko sa paaralan ngayon eh. Mama: Wow naman! Sige, ito na ang baon mo sandwich ha. Wag na wag kang magpapagutom dun. Papa: Maganda ‘yan Mitch. Sige, ihahatid ka na naming sa school mo. (Car…. Close curtains) Sa school.. (Pumasok ang guro kasama si Mitch. Tinawanan ng lahat si Mitch.) Teacher Babol: Tumahimik na ang lahat! (Tatahimik ang lahat.) Class, ito pala ang inyong bagong kaklase, si Mitch Tarrobago. Mitch: Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Mitch Tarrobago. Malapit lang ang aming bahay dito. Ikinagagalak ko kayong makilala lahat. Sana ay maging magkaibigay tayo. Lahat: Hahaha! Waaaah! Ang taba-taba mo. Teacher Babol: Ssssssh! (Pinalo ang kamay sa mesa at atahimik ang lahat.) Sige na Mitch. Umupo ka na sa iyong upuan. (Sabay turo sa upuan.) (Pumunta si Mitch sa kanyang upuan. Pag-upo niya ay tumawa na naman ang lahat. Nilagyan pala nila ang kanyang upuan ng bubble gum.) Mitch: Bakit kayo tumatawa? Katabi (Edz): Eh ‘di, tingnan mo ang pwet mo! (Tatawa. Tatayo si Mitch at makikita ang bubble gum.) (Close curtains) Bell… Round girl: SCIENCE CLASS

Teacher Babol: Natalakay natin kahapon ang tungkol sa cycle ng paru-paro. Ngayon, sino sa inyo ang makakapag-drawing nito sa board? Lahat: Ako teach! Ako! Ako.. Teacher Babol: Sige, ikaw Mitch. (Tumayo si Mitch papunta sa board. Tatawa ang lahat dahil sa papel na nakadikit sa kanyang likod – BABOY AKO.) (Tuloy sa pag-drawing sa board si Mitch. Pagharap niya sa mga kaklase ay nakita ng guro ang nakasulat sa kanyang likod.) Teacher Babol: (Kukunin ang papel) Sino ang may gawa nito?! (Walang aamin.) Ay nako. Hindi maganda ang ginagaw niyo ha. Bka gusto niyong matawag sa guidance. (Close curtains) Break time.. Bell… (Ilalabas ni Mitch ang kanyang baon.) Bully (Lavern): Akin na ‘yan! Mitch: Akin ‘yan! Hinanda ‘yan ni Mama para sakin. Bully (Eve): Gusto mong kunin?! (Kumuha ng maliit na piraso ng tinapay at hinulog sa harap ni Mitch.) Pwes, kunin mo! (Walk out ang mga bully) (Close curtains) Play time.. (Naglalaro sila Karl…) Mitch: Hi. Pwede ba akong sumali sa inyo? Bully (Karl): Eeeew! Hindi pwde kasi ayaw namin sayo. (Gagayahin ng kanyang mga kaibigan ang kanyang sinabi.) Bully(Rose): Oo nga! Umalis ka na dito. (Tinulak-tulak si Mitch) (Close curtains) Clasroom Setting… (Antok ang mga bata) Teacher Babol: Okay class, gumising kayo. Ito nalang, sinong may joke dyan?

Mitch: Mmm.. Ako teach! Teacher Babol: Sige nga Mitch, anong joke mo? Mitch: (nag-joke) May tatlo akong joke…. Joke joke joke! (Tatahimik ang lahat at sabay tatayo.) Lahat: Ang corny, ang corny, corny, corny… (Tatawa ang lahat) Waaaaah! Nag-joke ka pa! (Tatahimik si Mitch at tila iiyak na siya.) (Close curtains) Sa sasakyan… Papa: Oh Mitch, kamusta naman ang araw mo? Mitch: Okay lang po pa…. (pero hindi mukhang okay.) Papa: Bkit parang matamlay ka? May nangyari ba sa school? Mitch: Pagod lang po ako… Ilang araw ang nakalipas.. (Sa bahay) Mama: Mitch, tapos ka ng kumain? Mitch: Wala pa po ma. (Malamyang tono) Papa: Ang bagal mo ata ngayon ah. Baka malate ka nyan ha. Mitch: Opo.. (Close curtains) Sa school.. (Nalate si Mitch) Mitch: Good morning Teacher Babol. I’m sorry I’m late. Teacher Babol: Good morning Mitch. Take your seat. (Pumunta si Mitch sa kanyang upuan. Pag-upo nya ay hinila ang kanyang upuan. Tumawa ang lahat. Umiyak si Mitch.) Teacher Babol: Mga bata! Sumusobra na kayo ha. Itigil niyo yan ngayon rin! (Itatayo niya si Mitch at dadalhin sa kanyang mesa.) Halika nga ditto Mitch. Teacher Babol: Mitch, kung may problema ka tungkol sa iyong mga kaklase ay ipaalam mo lang ito sa akin ha. Kung may gagawin pa silang katulad nito ay sabihin mo lang sa akin.

Mitch: Opo teach. (Close curtains) Bell… Science class… Teacher Babol: Get 1 whole sheet of paper. Magkakaroon tayo ng pagsusulit tungkol sa paru-paro. (Kumuha si Mitch ng kanyang papel.) Bully(Edz): Akin na ‘to! Mitch: Pero akin ‘yan eh. Bully(Edz): Anong gagawin mo?! Magsusumbong ka?! Sige, subukan mo lagn. Lagot ka sa akin. (Hindi na makaimik si Mitch) Teacher Babol: Number 1. What is the first stage of a butterfly cycle? Bully(Eve): Anong sagot Mitch? (Hindi nagsalita si Mitch) Bully(Eve): (Sinikuhan si Mitch) (Close curtains…) Tuloy pa rin ang ganitong sitwasyon sa paaralan ni Mitch hangga’t isang araw ay humantong ang lahat sa ganito….. Mama: Nak, halika na, kumain ka na dito. Malalate ka na nian eh. Mitch: Ma, ayaw ko pong pumasok. Mama: ha? Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Mitch: Opo, masakit po ang ulo ko. (pero nakahawak si Mitch sa kanyang tiyan.) Parang lalagnatin po ako. Papa: Tingnan ko nga.( pupunta kay Mitch at hahawakan ang kanyang ulo.) Wala naman eh. Hindi ka naman mainit. Mitch: pero ayaw ko pong pumasok papa. Mama: halika na mitch. Sige na, kumain ka na ng mahatid ka na ng papa mo. Papa: sige na anak. Mitch: (biglang magagalit at sisigaw) AYAW KO NGA EH! (tatakbo) (Close curtains)

(Eve & Dianne) Ang mga ilan sa dapat gawin pagbinubully…. Mama: Mukhang may problema si Mitch sa school ah. Papa: Kaya nga. Ano kaya yun? Mama: Napansin kong ilang araw na rin siyang walang gana. Papa: Minsan din ay nakatulala lang siya sa kanyang kwarto. Mama: Kailangan nating malaman kung may problema ba talaga siya dun. (Biglang papasok si Mitch…) Mitch: Ma, pa… may sasabihin po ako… (Close curtains) At sinabi na nga ni Mitch sa kanyang mga magulang ang ginagawa sa kanya sa paaralan. Sinamahan ng kanyang mga magulang si Mitch para sabihin rin ito sa kanyang guro. Teacher Babol: Magandang umaga po Ma’am, Sir. Ano po ang sadya natin? Mama: Magandang umaga din po Teacher Babol. Napag-alaman po kasi naming may problema ang aming anak dito sa eskwelahan. Papa: Gusto lang po sana naming si Mitch na mismo ang magsabi sa inyo. (Papasok si Mitch) Mitch: Teach, matagal ko na pong tinatago sa inyo pero lagi po akong binubully na aking mga kaklase. Natatakot po kasi akong sabihin sa inyo dahil baka mas magalit sila sa akin. (habang umiiyak) Alam ko po na dapat sa simula pa lang ay sinabi ko na ito sa inyo at sa aking mga magulang. Teacher: Mitch, kahit hindi mo sinasabi ay napapansin ko rin na hindi na ikaw ung batang napakasigla nung unang araw mo dito. Ma’am, sir, napansin ko na rin po nung una pa lang na ayaw sa kanya ng kanyang mga kaklase. Sinasabihan ko naman na sila na huwag silang manakit o mang-away sa kahit kanino sapagkat masama iyon. Sinabihan ko nga rin po Mitch na ipaalam lang sa akin kung may problema siya. Huwag po kayong mag-aalala, kakausapin ko ulit ang mga bata at makakarating po to sa guidance. Makalipas ang ilang araw… Bully 1: Kamusta na kaya si Mitch? Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok. Bully 2: Kaya nga. Alam niyo, pinag-isipan ko yung sinabi sa atin ni teacher Babol at narealize ko na tama siya. Bully 3: Oo nga. Masama ang ating ginagawa. Pano kaya kung sa atin yun gagawin? Tiyak na masasaktan din tayo. Ayaw ko un mangyari.

Bully 4: Tama. Huwag na tayong gumawa ng kahit ano na ayaw din natin gawin ng iba sa atin. Naaawa na rin ako kay Mitch eh. Bully 5: Mabait naman siya at wala siyang masamang ginagawa sa atin. Magsorry na tayo sa kanya pagdating niya. Sana mapatawad niya pa tayo. (biglang dadating si Mitch ng nakayuko kasama ang kanyang mga magulang) Bullies: Mitch! Mitch! Sorry sa mga nagawa namin sa iyo ha. Sana mapatawad mo pa kami. Hindi na naming yun uulitin. Alam na naming mali kami. Pwede mo pa ba kami maging kaibigan? (Matatahimik si Mitch dahil nagulat siya sa kanyang mga narinig. Titingnan niya ang kanyang mga kaklase pagkatapos ay ang kanyang mga magulang. Ngingitian siya ng kanyang magulang. Muling titingnan ni Mitch ang kanyang mga kaklase…) Mitch: Oo naman! Ex-bullies: Yeheyy! (Group hug) ------------------------------------------------------------THE END------------------------------------------------------

Sponsor Documents

Or use your account on DocShare.tips

Hide

Forgot your password?

Or register your new account on DocShare.tips

Hide

Lost your password? Please enter your email address. You will receive a link to create a new password.

Back to log-in

Close